Free Essay

Fil121

In:

Submitted By mycroft2013
Words 843
Pages 4
Introduksyon
Ang paninigarilyo ay isang gawain kung saan ang isang bagay, na kadalasan ay dahon ng tabako, ay sinusunog o sinisindihan, matapos ito ay tinitikman, hinihithit o hinihinga ang usok na galing sa naturang sunog na bagay. Ito ay isang gawain na nagsisilbing nakalilibang na pag-gamit ng droga o gamot, sa kadahilanang nailalabas ang nicotine mula sa nasunog na bagay na napupunta naman kalaunan sa baga ng isang tao.
Ang karaniwang paraan ng paninigarilyo sa panahon ngayon ay sa paggamit ng yosi o sigarilyo. Ang sigarilyo ay gawa ng mga pabrika, pero meron pa rin namang gawa sa dahon ng tabako at nirolyo sa papel gamit ang kamay. Sa paninigarilyo, ginagamit din ang pipa o pipe, cigars, bidis, hookah, vaporizers o vape, at bongs. Marami ang nagsasabi na ang mga sakit na may kinalaman sa paninigarilyo ay dahilan ng pagkamatay ng kalahati ng lahat ng mga taong malakas, madalas, at matagal nang naninigarilyo, ngunit ang mga sakit na ito ay maari ding makuha ng mag taong hindi naninigarilyo.
Ang paninigarilyo ay isa sa pinakatalamak na bisyo. Ang paninigarilyo ng tabako ay ang pinakapopular na uri ng paninigarilyo at ginagawa ito ng mahigit na isang bilyong tao sa mayorya ng lahat ng mga komunida ng mga tao sa panahon natin ngayon. Ang paninigarilyo ng cannabis at opium naman ay ginagawa rin pero hindi ganon katalamak kesa tabako.
Ang World Health Organization (WHO) ay nagtala ng mga istatistika tungkol sa paninigarilyo para sa taong 2002. Ito ang nakalap nilang impormasyon:
Sa buong mundo, 80,000 hanggang 100,000 na mga bata ang nagsisimulang manigarilyo araw-araw. Isa sa apat sa mga batang nabubuhay o naninirahan sa Western Pacific Region ay namamatay dahil sa paninigarilyo.
Isa sa bawat tatlong lalake na nasa tamang edad ay naninigarilyo.
Ang mga sakit na may kinalaman sa paninigarilyo ay dahilan ng pagkamatay ng 1 sa bawat 10 kataong nasa wastong edad, o dahilan ng 4 na milyong kamatayan. Sa taong 2030, kung magpapatuloy pa rin ito, ang paninigarilyo ay magiging dahilan ng kamatayan ng 1 sa bawat 6 na tao.
Sa bawat 8 segundo, may namamatay dahil sa paninigarilyo.
Nasa 15 bilyong sigarilyo ang naibebenta araw-araw, 10 milyon kada minuto.
Labing-dalawang beses na ulit ng mga Briton ang namatay dahil sa paninigarilyo kumpara sa mga namatay dahil sa Pangalawang Pandaigdigang Digmaan o World War II.
Ang paninigarilyo ay pumapatay ng higit sa 1 sa bawat 5 Amerikano.
Sa mga kabataan (na nasa edad 13 hanggang 15), 1 sa bawat 5 ang naninigarilyo sa buong mundo..
May mga ebidensiya na nagpapatunay na kalahati sa mga nagsisimulang manigarilyo sa murang edad ay nagpapatuloy manigarilyo ng 15 hanggang 20 taon.
Ang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang mga kabataan ay labis na naiimpluwensiyahan ng mga nakikita nila sa telebisyon, sa mga poster na mga panghikayat sa paninigarilyo ng tabako.
Ayon sa isinulat ni David Gutierrez, isang staff writer ng NaturalNews (2010), ang paninigarilyo ay may direktang relasyon sa pagkakaroon ng mababang IQ, ito ay ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga researcher mula sa Tel Aviv University sa Israel.
Pinag-aralan ng mga researcher ang IQ o talino ng higit 20,000 malulusog na kalalakihang na nasa edad 18 hanggang 21 na nagsisilbi sa militar ng Israel o yung mga katatapos palang manilbihan dito. 28% ng mga kalalakihang ito ay naninigarilyo, 3% ang dating naninigarilyo at 68% ang di naninigarilyo.
Ang IQ ng mga naninigarilyo ay nasa 94, kumpara sa 101 ng mga di naninigarilyo. Yung mga kalalakihang naninigarilyo ng higit sa isang kahang yosi bawat araw ay may IQ na nasa 90. Kahit na nasa 84 at 116 ang normal na IQ, ang pagkakaibang naobserbahan sa pag-aaral ay tinuturing pa rin na malaking bagay.
Sa mga magkakapatid kung saan ang isa ay naninigarilyo at ang isa naman ay hindi, nakitang mas mababa ang IQ ng kapatid na naninigarilyo.
Hindi napatunayan ng pag-aaral kung napapababa ng paninigarilyo ang IQ ng isang tao o kung ang mababang IQ ay nagiging dahilan para manigarilyo ang isang tao, pero hindi nila binabaliwala ang posibilidad na ang kahirapan o mababang antas sa lipunan ay maaaring maging dahilan para manigarilyo at magkaroon ng mababang IQ ang isang indibidwal.
Bakgrawnd
Ang PATTS College of Aeronautics ay ang nangunguna ngayon sa bansa bilang isang Aeronautical College. Ito ay itinatag noong 1969 at kilala bilang Philippine Air Transport and Training Services, isang joint venture ng Filipino at Amerikano Pioneers sa aviation. Ang pangunahing layunin nito ay upang magtatag ng manufacturing at assembly plant para sa mga aircrafts technicians. Ang pangalawang layunin ay upang magkaroon ng isang aeronautical na paaralan upang matugunan ang mga pangangailangan ng industriya ng air transportasyon, lokal man o pandaigdig.
Dahil ang paaralan ay nasa sentro siyudad, maraming tindahan ang matatagpuan malapit dito. Maraming vendor ang iyong makikita na kadalasan ay nagbebenta ng sigarilyo o yosi. Dahil na rin dito, marami sa mga estudyante ang na-eengganyo na subukan ang paninigarilyo dahil iniisip nila na sila ay nasa wasto ng edad at maaring na nilnga gawin ang kanilang nais
Teoretikal Framework

Similar Documents