Free Essay

Filipino Thesis

In:

Submitted By jejerrom
Words 3283
Pages 14
KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Introduksyon
Paaralan, dito inaasahang matututo ang mga estudyante. Ngunit, hindi lamang ‘yon ang serbisyong naibibigay ng paaralan. Merong mga organisasyong pwedeng salihan na maaring magturo sa kanila ng mga kaalaman o kakayahang hindi nila matututunan sa loob ng silid aralan o sa tradisyunal na pagtuturo. Ang mga oras na nilalaan dito ay bukod sa oras ng pagaaral. Sa kadahilanang ito, maaaring makaapekto sa pagaaral ng mga estudyante ang mga gawaing ito, nakasasama man o benepisyal. Ang mga gawain na ito ay tinatawag nating mga gawaing ekstra kurikular.
Sa Techonological Institute of the Philippines - Quezon City, mayroong iba't ibang uri ng ekstra kurikular na aktibidad at mga organisasyon tulad ng mga sumusunod : TIP Voice, Talents guild, PJMA, atbp. Ang pag sali sa mga nabanggit na mga organisasyon ay hiwalay sa kurikulum ng paaralan at ito’y kusang loob na sinasalihan ng mga gustong maging kabilang sa mga organisasyon o iba pang aktibidad. Dahil maaaring mag dulot ito ng iba’t ibang epekto sa mga estudyante, nais ipakita ng mga mananaliksik ang mga epektong dulot ng pagkakaroon ng mga gawaing ekstra kurikular sa mga estudyanteng nasa ikatlong taon sa ilalim ng College of Business Education upang makatulong sa institusyon at sa mga kinauukulan..
Paglalahad ng Suliranin Isinagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang mga epekto ng mga gawaing ekstra kurikular sa mga estudyante ng Technological Institute of the Philippines – Quezon City.
Mga Suliranin 1. Anu-ano ang mabuting/masamang naidudulot ng pag sali sa mga organisasyon o sa pagkakaroon ng mga gawaing ekstra kurikular? 2. Anu-ano ang mga bagay na matututunan sa mga gawaing ekstra kurikular na hindi natututunan sa loob ng silid aralan? 3. Paano nakaka apekto sa pag-aaral ang pag kakaroon ng gawaing ekstra kurikular?

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pag tukoy sa mga maaaring maging epekto ng mga ekstra kurikular na aktibidad sa mga estudyante ng Techonological Institute of the Philippines – Quezon City. Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
Mga guro- upang magkaroon ng pag uugnayan at pag intindihan sa pagitan ng mga estudyanteng may gawaing ekstra kurikular at mga guro.
Awtoridad o mga opisyal ng organisasyon- upang matutukan ang mga estudyanteng nagpapakita ng pag unlad sa mga aktibidad na isinasagawa sa labas ng silid aralan.
Mga mag aaral- para matukoy ang mga epekto ng mga gawaing ekstra kurikular sa kanilang perpromans sa paaralan. at; Sa mga susunod pang mananaliksik- upang makatulong ang mga impormasyong matutukoy sa pag-aaral na ito sa patuloy na pananaliksik at pag uunald nito.

Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa lamang sa loob ng kampus ng Technological Institute of the Philippines – Quezon City. Nangyari ito sa loob ng ikalawang semestre ng akademikong taon 2014-2015. Ito ay nakatuon sa mga mag aaral na nasa ikatlong taon sa ilalim ng College of Business Education, bilang sample, at makaka tulong sa buong komunidad ng Technological Institute of the Philippines – Quezon City.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Ekstra kurikular na aktibidad/ Gawaing ekstra kurikular- gawaing hindi saklaw ng kurikulum ng paaralan.
Organisasyon- pangkat ng mga tao na may iisang layunin; halimbawa ng gawaing ekstra kurikular.

KABANATA II
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang mga sumusunod na mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay magpapatibay a magpapatunay na ang pamanahong papel na ito ay natalakay at napag-aralan na ng ibang mga mananaliksik at patuloy pang pinag-aaralan.
Kaugnay na Literatura (Lokal)
"Ang ekstra kurikular na gawain ay ang mga umakma at bumuo ng isang mahalagang suporta para sa mga pang-akademikong programa ng paaralan. Maaaring direktang pagmulan ang programa na ito ng mga pangangailangan ng kurso ngunit partikular na idinisenyo upang higit pang pagyamanin ang pang-akademikong mga programa " mula sa San Beda College Alabang Student Handbook (2010). Ang mga aktibidad na ekstra kurikular ay ang mga sumusuporta sa pang akademikong programa. Ito ay sinadya upang higit pang pagyamanin ang pang-akademikong programa. Ayon sa student handbook ng San Beda College Alabang, ang mga aktibidad ay inaayos ng San Beda College Alabang ay itinaguyod upang iugnay ito sa akademikong programa na kanilang inihahandog. Ang mga aktibidad na ito rin ay isang pagkakataon upang mapakita ng isang estudyante ang kanyang mga talento na hindi naipapakita sa loob ng silid- aralan. Pinalalawak ng mga aktibidad na ito ang kaalaman at kakayahan ng isang estudyante. Magkakaroon rin sila ng karanasan na hindi nila matututunan saloob ng silid- aralan. Kaya‟t masasabi na may mabuting epekto ang mga aktibidad na extra- curricular sa akademiko ng pagganap ng mga estudyante
Ang pag-aaral ay isang pangunahing aktibidad na panlipunan, kaya ang pagkuha ng bahagi sa mga gawain sa paaralan ay mahalaga sa pag-aaral. Naniniwala ang mga eksperto na ang panlipunang paglahok ay ang pangunahing channel kung saan nagaganap ang pag-aaral. Ayon sa psychologist Lev Vygotsky, ang mga bata ay matututo sa pamamagitan ng channel, ang mga aktibidad, mga gawi, bokabularyo, at ideya ng mga miyembro sa komunidad kung saan sila lumaki. Ang pagtatatag ng isang mabungang pakikilahok at matulungin na kapaligiran ay kailangan sa pag-aaral sa paaralan. Ang pagiging social sa kondisyon ay ang uri ng pakikipag-ugnayan na hinihikayat mag-ambag sa pagkatuto. Ginagawa ito upang maging mas mahirap at upang mapabuti ang kalidad ng kanilang mga sanaysay, likhang-sining atbp, kapag alam nila na ang mga ito ay ibabahagi sa iba pang mga mag-aaral.- mula kay Tenedero, H. (2010,Enero 11). Ang pagsali sa mga aktibidad sa eskwelahan ay mabuti para sa mga estudyante at nakakapagpataas din ito ng karangalan sa mga bata. Kapag sila ay sumasali sa mga patimpalak, mas napapahusay nila ang kanilang mga gawain lalo na alam nila na ito ay maipapakita at maihahambing sa ibang estudyante.
Ayon naman sa isang artikulo ni Hernando Malipot ( 2011), "Kung iisipin, 22 araw lamang sa kabuuang taon ng paaralan ay dapat gagamitin para sa pambansa at lokal na mga kaganapan at pagdiriwang; sa pambansa, dibisyon, at sa rehiyon na naka kamit na mga pagsubok; tulad ng mga paligsahan at mga aktibidad na pinahintulutan ng Regional sa Central Tanggapan, sa pagsususpinde ng klase dahil sa likas na kalamidad. Ang kabuuang bilang ng araw ng mga paaralan ay dapat binubuo ng 202 araw habang ang kabuuang bilang ng araw ng pagtuturo ay dapat nasa 180 araw, Kung saan ay dapat ipakita ang aktwal ng mga araw ng pag-aaral. "Ngunit, maliit na araw lamang ang ginugol sa aktwal na araw ng pagtuturo, batay sa mga resulta ng taunang National Achievement Test (NAT)," mula sa obserbasyon ni Armin Luistro. Ipinaliwanag na ang NAT ay natural na tagapag pahiwatig ng mga perpormans ng mga estudyante sa paaralan at ang kanilang pagiging intresidao sa klase.”. Ayon sa Departamento ng Edukasyon, ang total na araw ng pagpasok sapaaralan ng mga estudyante ay 202 na araw at 180 na araw dito ay nararapat ilaan samga pag-aaral ng mga aralin. Sa makatuwid ay 22 araw lamang sa mga gawaing ekstra kurikular, subalit nakita sa mga resultang National Achievement Tests na mas marami ang nagagamit na oras sa mga gawaing ekstra kurikular dahil mababa ang resulta sa NAT ng mga estudyante. Ang NAT ay batayan kung ano ang performance ng eskwelahan at natutunan ng estudyante, dahil dito, nalaman na mas marami ang nagagamit na oras sa ibang aktibidad kaysa oras ng pag-aaral. Sinabi ni Secretary Luistro na dapat paalalahanan ang mga paaralan na mas gamitin mas maraming oras sa silid aralankaysa sa mga aktibidad ng eskwelaha

Kaugnay na Literatura (Banyaga)
"Kung ang isang bata ay ginugugol ang kanyang bakanteng oras sa ekstra kurikular kaysa sa mga gawain niya sa pag-aaral, ito ay maaaring maka apekto sa kanyang mga grado kung siya ay hindi naglalaan ng sapat na panahon sa pag-aaral. Maaari rin itong maging nakababahala sa oras ng isang aktibidad kung dumadami ang iskedyul o pagtaas ng bilang ng akademikong gawain. Kapag mas maraming gawaing pang-ekstra kurikular, ang isang bata ay maaaring ma-stressed at nagtataka kung paano niya pagsasabayin ang dalawa ." Base sa pahayag ni Wood L. (2012), ang bata na nag bibigay ng kanyang oras para sa mga "extra- curricular activities" ay maaaring magbigay ng kakaunting oras nalang para sa pag-aaral. Ito ay makakaapektosa kanyang mga marka kung hindi siya nagbibigay ng oras para sa pag-aaral. Maaaring maging "stressful" rin ito kapag nag bibigay ng oras para sa isang aktibidad lalo nakapag ang iskedyul ay tumataas o rumarami. Habang ang akademikong gawain ay tumataas, pati na rin ang mga "extra- curricular activities", ang bata ay makakaramdam ng "stress" at nagtataka kung paano niya pagsasabayin ang dalawa. Maraming mga pagkakataon na maaaring maranasan ng mga estudyante ang ganitong bagay. Sa pagkakaalam ng iba ay ang mga "extra-curricular activities" na ito ay lubhang makakatulong sa kanilang mga marka, pero ang hindi nila alam ay mahirap itong balansehin sa pag-aaral. Kapag pumasok sila sa ganitong mga aktibidad ay tiyak namagkakaroon nalang sila ng kakaunting oras para sa pag-aaral at makaka apekto pa ito sa kanilang mga marka. Kaya ang mga sumasali sa mga ganito ay dapat marunong bumalanse ng oras sa pag-aaral at pati narin sa mga aktibidad na ito.
Kaugnay na Pag-aaral (Banyaga)
Ayon sa pananaliksik ni Sandy Booth George (2012), ang pakikilahok sa mga gawaing ekstra kurikular ay may mga positibong resulta. Ito ay tumutulong bumuo ng positibo at matibay na relasyon sa pagitan ng eskwelahan at mga estudyante sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawaing ekstra kurikular. Ang mga gawaing ito ay tumutumulong din upang mabuo ang “non-cognitive skills” tulad ng disiplina sa sarili at tamang gawi sa trabaho. Nagpapaunlad din ito ng iba’t ibang kakayahan at nagbubukas ng mga pinto ng oportunidad.
Mula naman sa pag-aaral nina Wl Wilson at Nikki L. (2009), magiging benepisyal ang epekto ng pag sali sa mga gawaing ekstra kurikular tulad ng pagakkaroon ng mataas na marka sa klase, regular na pag pasok sa eskwelahan at pagakakaroon ng mataas na pag tingin sa sarili. Ang mga kalahok sa nasabing gawain ay natututo din ng mga karagadagang abilidad tulad ng pagtutulungan at pamumuno habang binabawasan ang mga posibilidad ng pagkalulong sa droga, sa mga nakakalalasing na inumin, at sa iba pang mga kaugnay na masamang gawain.
Ayon naman kay Kamla-Raj (2012) nakikita ang partisipasyon ng bawat mag aaral base sa mga kurikulang aktibidad ng kanilang akdemikong pag-ganap. Ang mga datos ay nakuha mula sa mga nagtuturo sa parehong pang-publikong paaralan at pribado na halimbawa ng 40 na guro na nakilahok sa pag-aaral. Sa pag-aaral na ito ay ginamitan ng mga ilang tanong at nag interbyew upang makakuha ng mga datos. Sa pag-aaral na ito ang mga nagtuturo ay tinitignan kung ang paglahok ba nila ay postibo. Tinitignan din nila dito kung may halaga ang academic performance ng mga kalahok na sumali sa nga aktibidad. Natukalasan sa pag-aaral na ito na hindi pagsali sa mga extra kurikulang aktibidad ay hindi lagi nagtatagumpay ang mga estudyante sa kanilng academic performance. Sa pag-aaral na ito ay nagbibigay ng rekomendasyon sa mga mag aaral na lumalahok sa mga kurikulang aktibidad.

Ayon kay Steven Dowshen, MD (2013), ang mga organisasyong ito ay hindi lang tungkol sa palakasan kundi pati narin sa iba't ibang hilig ng mga mag-aaral. Halimbawa na dito ang choir, dance club at drama club na naglalayon mailabas ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento. May mga organisasyon din na itinatag upang maihayag ng mga mag-aaral ang kanilang nararamdaman gamit ang pagsulat gaya ng mga pahayagan sa paaralan. Ang iba namang organisasyon ay binuo upang tipunin ang mga taong may magkakaparehong hilig. Sa dami ng mga organisasyon, tiyak na maraming pagpipilian ang mga mag-aaral. Sa madaling salita, ang mga gawaing ekstra – kurikular ay uri ng mga gawaing kadalasan isponsor ng mga paaralan o unibersidad. Ito ay hindi kasama sa kurikulum na pang – akedemiko pero kadalasang ginaganap ang mga aktibidades nito sa loob ng paaralan o unibersidad. Kadalasan nangangailangan ito ng oras maliban sa regular na araw ng pasok. Gaya ng nasabi, ang mga ekstra – kurikular na gawain ay pwedeng magsimula kahit sa simpleng isports gaya ng basketbol at balibol, at pati na rin sa pagkanta, pagsayaw at pag – arte sa entablado.
Para sa nakararami, ang mga ekstra – kurikular na gawain ay makikita bilang isang oportunidad para masanay ang kakayahan ng pakikisalamuha sa iba’t – ibang uri ng tao. Nagkakaroon din ang isang indibidwal ng marami pang kakilala sa kanilang paaralan na kapareho niya ng hilig. Dahil dito, natututunan niya ang pakikisama sa iba at dumadami ang kanyang kaibigan. At para sa mga mag – aaral ng kolehiyo, ang pag-sapi sa mga ganitong uri ng gawain ay makapagbibigay ng daan upang makapageksperimento sila ng mga bagay na maaaring makalinang sa kanilang magiging career interest. Maaari din magbigay daan ito sa mga estudyanteng nahihirapan sa kanilang pag – aaral upang maiangat ang kanilang tiwala sa sarili. Sa pamamagitan ng mga gawain na ito, lalawak ang ating kakayahang organisasyonal, matututo tayo ng tamang pagbalanse sa oras at magiging masaya ang ating pag – aaral. Ayon rin kay Dowshen sa kanyang sinulat na artikulo, madalas na dahilan sa pagsali ng mga mag-aaral sa mga organisasyon ay upang may iba silang pagkaabalahan. Sinabi rin niya na ang mga taong kabilang sa mga organisasyon ay mas may mababang posibilidad na magkaroon ng masamang gawi gaya ng bisyo.

Kaugnay na Pag-aaral (Lokal)
Ang ekstra kurikular na gawain, ayon kay Theus Dy at mga kasamahan (2008), ay kahit anong gawain na hindi saklaw ng kurikulum ng paaralan, ngunit ang mga gawaing ito ay kadalasang ginagawa sa loob ng paaralan. Ang oras na inilalaan dito ay labas sa oras ng aktwal na ‘pag-aaral’ ng mga mag-aaral. Sa kadahilanang ito, maaaring magkaroon ng epekto ang mga ekstrakurikular na gawain sa buhay akademiko ng mag-aaral, nakasasama man o benepisyal.
Ayon kay Dy, malaking paktor ang pag bibigay ng oras sa pag sali sa mga gawaing ekstra kurikular na mag dudulot ng iba’t ibang epekto sa mag aaral lalo na sa kanyang pag-aaral.
Mula naman sa pag-aaral ni Raquepo Nica (2012), hindi mawawala sa buhay ng isang estudyante ang pag sali sa iba’t- ibang organisasyon lalo na kung ang mga ito ay parte ng gawaing pampaaralan. Mayroong iba’t- ibang organisasyong inihahandog ang bawat paaralan upang ang mga estudyante ay makapili Mula naman sa pag-aaral ni Raquepo Nica (2012), hindi mawawala sa buhay ng isang estudyante ang pag sali sa iba’t- ibang organisasyon lalo na kung ang mga ito ay parte ng gawaing pampaaralan. Mayroong iba’t- ibang organisasyong inihahandog ang bawat paaralan upang ang mga estudyante ay makapili ng nais nilang salihan.ng nais nilang salihan. Mayroong mga samahan sa paaralan na tumutukoy sa mga akademikong paksa at mayroon din naming ukol lamang sa mga sariling interes gaya ng pag awit at pag sayaw. Marapat na pag isipang mabuti ang desisyong pagsali sa mga ito. Dapat na maging handa ang mag mag aaral sa pagsali sa mga organisasyon. Kailangan may mailalaa sialng panahon upang maging parte sa mga aktibidad ng organisasyon. Dahil dito, nadadagdagan din ang kanilang responsibilidad lalo an kung sila ay naihalal ng ibang miyembro sa mga matataas na posisyon. Sa pagtaas ng posisyon ay siya ring pag bigat ng kanilang tungkulin na maaring maka apekto sa kanilang pag-aaral lalo na kung kadalasang may mag gawaing dapat ianda o tapusin. Kailangang mag laan ng sapat na panahon upang maisagawa ang mag gawaing organisasyon.

KABANATA III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Sa kabanatang ito makikita kung ano ang paraan na ginamit sa pananaliksik, mga respondente, instrumento ng pananaliksik at kung paano ininterpret ang mga datos.
Paraan ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga paraang deskriptibo. Sa pag-aaral nilang ito ay gustong maipakita ng mga mananaliksik ang bawat epekto sa mga mag aaral na kabilang sa organisasyon o may gawaing ekstra kurikular sa Technological Institute of The Philippines – Quezon City..
Respondente
Sa pananaliksik na ito ay pumili ng mga ikatlong taong mag-aaral sa ilalim ng College of Business Education ng Techonological Institue of the Philippines – Quezon City. Ang mga respondente ay nakuha sa pamamagitan ng purposive sampling mula sa kabuuang bilang na 545. Instrumento ng Pananaliksik Sa pag-aaral na ito ay gumamit ng sarbey checklist dahil ang paraan ng pag-aaral na ito ay deskriptibo. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng ilang katanungan upang malaman ang bawat epekto sa mga mag aaral.
Tritment ng mga Datos Ang pag-aaral na ito ay isinagawa para sa mga mag aaral ng Technological Institute of the Philippines – Quezon City. Ang susunod na pormyula ay ginamit upang mainterpret ang mga datos.
P=fnx 100%

Listahan ng mga Sanggunian
Libro
San Beda College Alabang Student Handbook, 2010
Tisis
Ang epekto ng dagdag na curricular na gawain sa akademikong grades. Wood, L. (nd). 2012, Oktubre 20 http .// www.ehow.com/info_8034677_effect-extracurricular-activities academic-grades.html
Impact of Extracurricular Activities on Students Graduate Degree/ Major: MS School Counseling. WI Wilson, Nikki L. 2009, May http://www2.uwstout.edu/content/lib/thesis/2009/2009wilsonn.pdf The Influence of Learners’ Participation in School Co-curricular Activities on Academic Performance: Assessment of Educators’ Perceptions Israel Kariyana1. Kamla-Raj, 2012 http://www.krepublishers.com/02-Journals/JSS/JSS-33-0-000-12-Web/JSS-33-2-000-12-Abst-PDF/JSS-33-2-137-12-1407-Maphosa-C/JSS-33-2-137-12-1407-Maphosa-C-Tx[1].pdf A Study of the Relationships Between Extracurricular Participation in Selected North Carolina High Schools and Student Achievement As Determined By Cumulative Grade Point Average. George, Sandy Booth, 2013 http://libres.uncg.edu/ir/listing.aspx?styp=ti&id=9277 Epekto ng Pagkakaroon ng Mataas na Posisyon sa Organisasyong Pampaaralan sa Akademik Performans ng 30 Mag – aaral sa Pambansang Mataas na Paaralang Pang – Agham ng Cavite. Raquepo, Nica, 2012 http://www.academia.edu/6175342/Epekto_ng_Pagkakaroon_ng_Mataas_na_Posisyon_sa_Organisasyong_Pampaaralan_sa_Akademik_Performans_ng_30_Mag_aaral_sa_Pambansang_Mataas_na_Paaralang_Pang_Agham_ng_Cavite Epekto ng Gawaing Ekstra. Dy, Theus, et. Al. 2007-2008 http://www.freeonlineresearchpapers.com/epekto-ng-gawaing-ekstra Dyaryo
Learning with a purpose. Manila Bulletin, vol.409#11. Tenedero, H. 2010,Enero 11
Elektroniko
Kapag mas, is more. Manila Bulletin, Hernando-Malipot, I. 2011, Mayo 19 http:// www.mb.com.ph/node/318930/when-le #.UIUMI8Wko8p
Benefits of Extracurricular Activities. Dowshen, Steven MD. 2013, Setyembre http://kidshealth.org/PageManager.jsp?article_set=20445&lic=175&cat_id=2017# Apendiks A. Sulat

B. Tugon

C. Talatanungan Pangalan ______________________________ Petsa:_________________ Seksyon at Kurso: _______________________ Organisasyon: ____________ Magandang araw respondente! Ang mga mananaliksik ng BSAT12FA1 ay nakikiusap na maging totoo sa pagsagot sa checklist at sumunod sa instruksyon. Instruksyon: Sagutan ang mga sumusunod sa pamamagitan ng pag lalagay ng tsek sa mga kahon ayon sa napiling sagot. Hindi puwede ang pagkakaroon ng dalawang tsek sa isang tanong at iwasan ang pag bubura. Mga tanong | Oo | Hindi | Hindi Sigurado | 1. Lumiban ka na ba sa klase dahil sa mga gawaing ekstra kurikular? | | | | 2. Nakakapekto ba sa araw-araw mong gawain ang mga gawaing ekstra kurikular? | | | | 3. Nag bebenipisyo ka ba sa gawaing ekstra kurikular? | | | | 4. Nahahasa ba ng kakayahan mong mamuno o makipag interak sa gawaing ekstra kurikular? | | | | 5. Nakakapag pataas ba ng tingin o kumpiyansa sa sarili ang pagkakaroon ng gawaing ekstra kuikular. | | | | 6. Nakakatulong ba ang pag sali sa mga organisasyon at bang ekstra kurikular na aktibidad sa paglago ng iyong mga abilidad? | | | | 7. Mas marami ba ang oras na nilalaan mo sa mga gawaing ekstra kurikular kaysa pagaaral? | | | | 8. Nakaka apekto ba ang gawaing ekstra kurikular sa iyong mga marka? | | | | 9. Nagkaroon ka na ba ng mababang marka dahil sa gawaing ekstra kurikular? | | | | 10. Maipapayo mo ba sa ibang mag aaral na sumali sa mga organisasyon at sa iba pang ekstra kurikular na aktibidad? | | | |

Similar Documents

Free Essay

Thesis in Filipino

...KABANATA 1 SULIRANIN AT SANDIGAN Kapag nakapagtapos ka ng hayskul, ano ba ang dapat na sunod mong gawain? Dapat ba na magtrabaho ka na o tumuloy sa pag-aaral at pumasok sa isang kolehiyo o unibersidad? Kapag pinili mo magtrabaho, sa tingin mo ba makakakuyha ka ng magandang trabaho kahit wala kang diploma? Kung pipiliin mo naman maging propesyonal at mag-aral pa, anong kurso ang kukuhanin mo? Ito ang mga tanong na madalas kinakaharap ng mga nagtatapos ng edukasyon sekondarya. Nagnanais tayo na magkaroon ng magandang buhay at ang mga simpleng desisyon natin ay maaring makaapekto sa ating kinabukasan. Sa pagkuha ng kursong tatahakin mo sa unibersidad, madaming salik ang kailang i-konsidera sa pagkuha na ito. Maaring isama dito sa mga salik na ito ang familiarity sa kurso, pagiging in-demand ng kurso, madaming job opportunities, ang unibersidad o eskwelahan na papasukan, at syempre kung may hilig o natural na galing ka sa kursong iyon. Mayroon bagong kurso na ino-offer ngayon sa iba’t-ibang unibersidad. Ito ay ang Bachelor of Arts in International Studies. Ang kurso na ito ay nakapailalim sa kursong Political Science. Mapag-aaralan ditto ang politika, ekonomiya, kultura, at sistemang sosyla sa bawat parte ng mundo. Dahil ito ay bagong kurso pa lamang, ito ay hindi pa gaanong kilala o pamilyar sa nakararami tulad ng mga kursong BS Nursing, AB Fine Arts, BS HRM, at marami pang iba. Isa na ang Far Eastern University sa mga unibersidad na mayroong kursong AB International Studies...

Words: 5055 - Pages: 21

Free Essay

Filipino Thesis

...Ang Pagsusuri sa Epekto ng Teknolohiya sa Edukasyon, Kalusugan at Pang Araw-araw na Gawain ng mga Kabataang Pilipino na may Edad 13-18 taong gulang. Thesis statement: Mga maganda at di magandang epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pamumuhay ng kabataang Pilipino. Nais naming matuklasaan kung gaano binabago ng teknolohiya ang mga kabataan at kung makakatulong ba ito o nakakasira sa kanilang paglaki at pag-uugali. SANGGUNIAN 1. Kiernan, J. T. (2011). Technology, Freedom and the Human Person: Some Teen Insights into Merton and Benedict XVI. Merton Annual, 24244-255 The article offers the author's insights on the implication of technology for human lives. Topics discussed importance of technology for enhancement of communication, risk factors associated with technology used, and the effects of technology on human behavior. Moreover, it provides the outlook of American Catholic writer Thomas Merton and Pope Benedict XVI regarding modernity. 2. Ives, E.A. (2012, October 1). iGeneration: The Social Cognitive Effects of Digital Technology on teenagers. The purpose of this study was to examine and better understand the social cognitive effects of digital technology on teenagers' brains and their socialization processes, as well as to learn best practices with regard to digital technology consumption. An extensive literature review was conducted on the social cognitive effects of digital technology on teenagers and an action research project was carried out gleaning quantitative...

Words: 2481 - Pages: 10

Free Essay

Filipino Thesis

...KABANATA IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Sa kabanatang ito, ipinakikita ang paglalahad,pagsusuri,maging ang interpretasyon sa mga datos na nakalap.Sinuri ang mga datos ng may pag-iingat at buong katapatan. Talahanayan Blg. I Porsyente ng mga respondente ayon sa kanilang sagot batay sa unang katanungan. Dalas ng taong sumagot Dalas ng taong sumagot 30 30 10 10 19 19 10 10 20 20 6 6 24 24 63% 63% 67% 67% 37% 37% 100% 100% Sa katanungan blg 1,naipapahayag ang saloobin nainilalarawan sa column D ang may pinakamataas na porsyento ng mga mag-aaral na sumagot na ito ay positibong epekto ng pagpopost sa facebook, sumusunod ang nagiging palakaibigan sa isa’t isa na inilalarawan sa column A na may walumpung porsyento (80%) ang sumagot na oo habang dalawampung porsyento(20%) ang sumagot ng hindi, sumusunod naman dito ang nagiging palakaibigan ang isang mag-aaral na mahiyain na inilalarawan sa column B na may animnapu’t pitong porsyento (67%) ang sumagot ng oo habang tatlumpu’t tatlong porsyento (33%) ang sumagot ng hindi at panghuli dito na napapayaman ang social life na inilalarawan sa column C na may animnapu’t tatlong porsyento(63%) at may tatlumpu’t pitong porsyento(67%) ang sumagot ng hindi.Ipinapakita rin sa talahanayang ito ang dalas ng respondenteng sumagot ng oo at hindi. ...

Words: 566 - Pages: 3

Free Essay

Thesis in Filipino

...Kabanata 1 Kaligiran ng Pag-aral Ang eroplano ay isang uri ng transportasyon na nakakapagbigay ng malaking tulong sa mga mamamayan upang mapadali ang kanilang biyahe patungo sa malalayong lugar. Ngunit, sa buhay natin ay marami tayong nararamdamang takot. Isa na rito ay ang takot sa pglipad o pagsakay ng eroplano. Ang ganitong uri ng takot ay may iba’t – ibang kadahilanan. Ang takot sa paglipad ay maaaring pigilan ang isang tao mula sa pagpunta sa isang lugar, bakasyon, o pagbisita sa pamilya at mga kaibigan, at maaari itong sumira sa karera ng isang negosyante sa pamamagitan ng pagpigil sa kanila mula sa paglalakbay patungo sa isang lugar na may kaugnayan sa negosyo o trabaho. Ang pobyang ito ay nangangailangan ng higit pang pansin kaysa sa karamihan ng iba pang pobya. Dahil ang paglalakbay o pagbiyahe sa pamamagitan ng panghimpapawid na transportasyon kagaya ng eroplano ay kadalasan mahirap para sa isang tao na ito’y iwasan lalo na sa mga propesyonal na konteksto, at dahil ang takot ay kalat na kalat, ito ay nakaaapekto sa isang makabuluhang minorya ng populasyon. Ikaw ay mapalad kung naranasan mo nang sumakay ng eroplano sapagkat hindi lahat ng tao dito sa mundo ay may kakayahan upang tustusan ang pagsakay sa ganitong uri ng transportasyon. Para sa mga kagaya rin ng mga mananaliksik na hindi pa naranasan makasakay sa anumang uri ng panghimpapawid na trnasportasyon, marahil ngayon ay sabik na sabik ka na makasakay ng eroplano, sabik ka na makakita ng mga magagandang...

Words: 3203 - Pages: 13

Free Essay

Thesis in Filipino

...Isang Pag-aaal na may layunin na alamin ang mga Sanhi ng Pagbagsak ng Isang Estudyante sa Kursong BSICT Filipino II ------------------------------------------------- ------------------------------------------------- Pangangailangan sa Asignaturang Filipino II Isinumite Kay: Dr. Dolores Sunga-Tanawan Isinumite nila: Alfon, Mary Joy Bunag, Rachel De Guzman, Tricia Engalgado, Mark Pamintuan, Jeffrey KABANATA I: KALIGIRAN NG PAG-AARAL Panimula Isa sa mga hakbang tatahakin ng bawat estudyante sa pag-aaral ay ang pagtungtong sa kolehiyo. Bawat taon milyon-milyong mga estudyante ang nagtatapos sa sekundarya at dahil dito marami rin ang nag-enrol sa bawat unirbesidad sa bawat sulok ng bansa. Sa bawat estudyante na pumasok sa kolehiyo hindi lahat ng ito ay sigurado sa kursong pinili mayroon din naming mga napilitan lamang. Maraming mga kursong inaalok ang bawat unibersidad, Isa sa mga kurso sa kolehiyo ay ang BS Information Communication Technology (BSICT), sa kursong ito kalimitan marami ang bumabagsak lalo sa mga asignaturang matematika (Plane Spherical Trigonometry, College algebra), Chemistry, Engineering Drawing at iba pa. Marami ang maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng isang estudyante sa bawat asignaturang nabanggit, maaring tamad magaaral, ayaw sa professor / terror na professor, mahirap ang mga asignatura, hindi patas sa pagbibigay ng grado at ang pinakahuli ayaw sa kurso. Isa sa mga dahilan ng pagbagsak ay ang...

Words: 2251 - Pages: 10

Free Essay

Filipino Thesis

...EPEKTO NG TALAMAK NA PAGGAMIT NG MAKABAGONG GADGETS SA MGA PILING MAG-AARAL NG TIP, TAONG PANURUAN 2013-2014 Mungkahing Tesis na Ihaharap sa Fakultad ng Kagawaran ng Humanidades at Agham Panlipunan TIP QC Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Kahingian ng Kursong Fil002: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 2nd Semester, SY: 2013-2014 Nina: Christel Joy Aznar Christine Joy Banaag DaivyDyanCruz Nathaniel Garcia Marc GreggoryLegaspina Kathlin Medrano Noimee Grace Navarro Lavinia Rose Peralta Michella Rose Sanalila Marso2014 Pasasalamat Taos-pusong ipinaaabot ng mananaliksik ang pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod: Bb. Aurora C. Cruz ang librarian ng Barangay Marikina na nagbigay sa sa mananaliksik ng mahahalagang impormasyon ukol sa pananaliksik at sa walang sawang pagtulong upang mapabilis at maayos ang mga impormasyon na sinasaliksik. Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan namin ng mga mahahalagang impormasyong ginamit para sa pananaliksik na ito. Sa mga respondente, sa paglalaan ng panahon upang matapos na masagutan ang inihandang mga katanungan/kwestyuneyr ng mga mananaliksik. Higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa mga dalangin lalung-lalo na sa mga sandaling kami ay pinanghihinaan...

Words: 2230 - Pages: 9

Free Essay

Filipino Thesis

...ANG EPEKTO NG COMPUTER GAMES SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE MGA NILALAMAN Kabanata Pahina 1. Ang Suliranin at ang Saligang Pag-aaral Nito Panimula 1 Layunin ng Pag-aaral 7 Kahalagahan ng Pag-aaral 8 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 9 Depinisyon ng mga Terminolohiya 9 2. Ang Kaugnay ng Pag-aaral 13 3. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik 19 Mga Respondente (Subjek) 19 Paglalarawan ng Instrumentong Kagamitan 21 Paglilikom ng Datos 21 Estatikong Pagtrato 21 4. Pagsusuri, Paglalahad at Interpretasyon Ng mga Datos 23 5. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Lagom 30 Kongklusyon 30 Rekomendasyon 34 BIBLIOGRAPHY 45 – 46 Questionnaires 47 Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT ANG SALIGANG PAG-AARAL NITO Panimula Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nagsimula ang panahon ng Electronic Devices. Paglipas lang ng ilang dekada ito ay lumago at nakilala at naging isang pangkaraniwang bahagi na ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao. Habang lumalago ang industriyang ito, isinilang ang isa sa pinakamagandang nilikha ng tao para sa kanyang sarili – ang Computers. Isa itong aparato na gumagawa ng trabaho ng tao nang mas mabilis. Ang mga...

Words: 7094 - Pages: 29

Free Essay

Filipino Thesis

...EPEKTO NG CONTRACEPTIVE SA KALUSUGAN NG MGA MAYBAHAY, ANG EDAD AY MULA 20-30 ANYOS SA BARANGAY MARULAS, VALENZUELA CITY...

Words: 2087 - Pages: 9

Premium Essay

Filipino American Thesis

...For this History 150 class, I have chosen to write about Filipino-Americans for my research paper. One main reason for this choice is that I want to be more informed about the Filipino-American community and its significant history with America. In the past, books I used in previous history classes only briefly mentioned this particular group of people. So, by writing this research paper, I hope to increase my knowledge about Filipino-Americans. Another reason is that I want to know why these particular people immigrated to the United States, continued to stay in this country, and formed a community. Lastly, I am actually Filipino-American myself. Thus, I want to take this opportunity to dig up and discover the unique history that helped to shape Filipino-Americans, such as myself, in present-day America. By taking the initial steps to produce a well-revised paper, I hope to discover the painful and unique history that has created existing Filipino-American communities across the United States today. Itty...

Words: 507 - Pages: 3

Free Essay

Hrm Thesis for Filipino Students

...MERCHANT SHIPPING NOTICE MSN 1781 (M+ F) The Merchant Shipping (Distress Signals and Prevention of Collisions) Regulations 1996 Notice to Owners, Masters, Skippers, Officers and Crews of Merchant Ships, Fishing Vessels, Pleasure Vessels, Yachts and Other Seagoing Craft. This notice takes immediate effect and supersedes MSN M.1642/COLREG 1 Summary This Notice and the Rules referred to in it are an integral part of the Merchant Shipping (Distress Signals and Prevention of Collisions) Regulations 1996, which came into force on 1 May 1996. These Regulations implement the Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea, 1972, as amended. They enhance safe navigation, by prescribing the conduct of vessels underway, specify the display of internationally-understood lights and sound signals and set out collision avoidance actions in close quarter situations. This notice incorporates amendments to the International Regulations for Preventing Collisions at Sea, 1972, up to and including those annexed to IMO Resolution A.910(22). In accordance with the Convention, the latest amendments come into force internationally on 29 November 2003. 1. Introduction This Notice and the Rules referred to in it are an integral part of the Merchant Shipping (Distress Signals and Prevention of Collisions) Regulations 1996, which came into force on 1 May 1996. These Regulations implement the Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at...

Words: 13601 - Pages: 55

Premium Essay

Theater

...PHILIPPINE THEATER Theater in the Philippines is as varied as the cultural traditions and the historical influences that shaped it through the centuries. The dramatic forms that flourished and continue to flourish among the different peoples of the archipelago include: the indigenous theater, mainly Malay in character, which is seen in rituals, mimetic dances, and mimetic customs; the plays with Spanish influence, among which are the komedya, the sinakulo, the playlets, the sarswela, and the drama; and the theater with Anglo-American influence, which encompasses bodabil and the plays in English, and the modern or original plays by Fihpinos, which employ representational and presentational styles drawn from contemporary modern theater, or revitalize traditional forms from within or outside the country. The Indigenous Theater The rituals, dances, and customs which are still performed with urgency and vitality by the different cultural communities that comprise about five percent of the country’s population are held or performed, together or separately, on the occasions of a person’s birth, baptism, circumcision, initial menstruation, courtship, wedding, sickness, and death; or for the celebration of tribal activities, like hunting, fishing, rice planting and harvesting, and going to war. In most rituals, a native priest/priestess, variously called mandadawak, catalonan, bayok, or babalyan, goes into a trance as the spirit he/she is calling upon possesses him/her. While entranced...

Words: 9183 - Pages: 37

Premium Essay

Mobile and Social Networking Communications

...language from the American colonizers, the Philippines today is the fifth largest English-speaking country in the world and second in the continent of Asia (Wikipedia). Filipinos should be proud of this because English is the “world language,” the lingua franca of the modern era. But the question is, how will the Philippine government maintain and improve the standard and the competitiveness of its people in the use of English, which is highly needed in the emerging, fast-growing local and international industries? A study made by Amamio (2000) on the attitudes of students, teachers and parents toward English and Filipino as media of instruction provided an interesting comparison. According to the result of the study, students and teachers prefer the use of English as the medium of instruction, with the teachers finding English a more comfortable language for explaining ideas and concepts. Teachers further noted that English is an “intellectualized language” and a valuable tool to source information technology. However, parents preferred Filipino because “it is the language in which they can think and express themselves” and it is the language that they understand and through which they themselves are better understood. According to Bernardo Villegas, the youth have all the chances to speak and listen to the Filipino language in their day-to-day lives such as in conversation with members of the family, friends, going to...

Words: 923 - Pages: 4

Free Essay

Student

...LANGUANGE: “What are the effects of Gay Language in Filipino Language?” Submitted by Jesslyn Bautista Rianna Espaldon Dailen Pasco Erika Santos Of 2 BSTM-B Submitted to Ms. Jaja Tizon A thesis submitted in partial fulfillment of requirements for the Bachelor in Science of Tourism Management in Colegio de San Lorenzo Cultural Anthropology Dec. 15, 2014 ABSTRACT: This thesis is tackles about the study of Sward speaks or Gay Language is consumption by second year students of TSM-B in Colegio de San Lorenzo who is currently taking up the subject Cultural Anthropology. A study to understand more of the slangs and terms that made by gays. This study differs to behavior of a person that why they adapt this kind of language or slang. This gay language nowadays can be uttered by non-gay. Many researchers did have studied years ago, by the gathered information’s the community truly respects and accepts the gay speak. Contrary to expectation, the analysis showed that by uttering a word as such, the one you are talking to gives an idea of how the ones truly feel; sometimes it serves as it a role to express how you feel by saying just one gay speak term. INTRODUCTION: Bekimon, jejemon, gayspeak, conyo, street-talk are the one of the new born language in the Philippines. It was a informal manner of speaking because of the mix language, dialect and even celebrities that contains a new whole different meaning. Do you hear some word such as pabebe, pa-chix...

Words: 2121 - Pages: 9

Premium Essay

Seaman

...The Filipino Seafarer A Life between Sacrifice and Shopping by Gunnar M. Lamvik Dept. of Social Anthropology Norwegian University of Science and Technology Thesis submitted in partial fulfilment of the requirment for the Dr. Art. degree 2002 Contents Acknowledgements Part I Part II Introduction Migration – a Philippine specialty 2.1 Different perspectives on migration 2.2 The Filipinos – a people in motion 1 8 9 14 Part III Why do people go and who are actually leaving? 3.1 Inducements for migration 3.1.1 The “explorer” and the “escapist” 3.1.2 Migration seen as sacrifice 3.2 Preconditions for migration 3.2.1 Preconditions for migration on a structural level 3.2.2 Preconditions for migration at a family level 19 20 21 23 31 32 34 Part IV How they actually go – the broker 4.1 The patron and the compadre 4.2 The returned migrant 4.3 The private recruiter 4.4 The broker – some general and concluding remarks 38 40 43 45 52 Part V Life at sea 5.1 What characterizes a ship in the merchant marines? 5.2 The seafaring experience 5.2.1 The ship seen as a prison 5.2.2 The total institution 55 57 66 67 72 5.2.2.1 A total institution is a secluded place 75 5.2.2.2 A total institution follow a certain pace 77 5.2.2.3 Some running themes in the inmate culture 86 ii Part VI Cultural repercussions caused by the life at sea 6.1 The seafarer sees as a local, technical expert 6.2 The seafarer sees as a local cosmopolitan 100 101...

Words: 82194 - Pages: 329

Premium Essay

Notmineatall

...noncommercial use only. However, unless prior permission has been obtained, you may not download an entire issue of a journal, or download multiple copies of articles. Please contact the publisher for any further use of this work at philstudies@admu.edu.ph. http://www.philippinestudies.net A N N A M E L I N D A T E S TA - D E o C A M P o The Afterlives of the Noli me tángere Filipinos rarely read the Noli me tángere in the original Spanish, but it lives on in translation, a second life or afterlife, as Walter Benjamin puts it. During the American period, the first English translation, An Eagle Flight, based on the first French translation in 1899, was published in 1900. The second English translation, entitled Friars and Filipinos, appeared in 1902, and it was made by Frank Ernest Gannett, then secretary to Jacob Schurman, chair of the First Philippine Commission. Politics intruded in the translations; the omissions and additions recreated a novel suited to the American reader who wanted to gain information about the new colony. only after the institution of the public school system were Filipinos expected to read the novel in its English translation. Keywords: José rizal • translation • afterlife • paratext • rizal law PHILIPPINE STUDIES 59, No. 4 (2011) 495–527 © Ateneo de Manila University J osé Rizal’s novel,...

Words: 11914 - Pages: 48