Free Essay

Filipino

In:

Submitted By jithyyyyy
Words 2105
Pages 9
Portfolio sa
Filipino 2

Name:
Yr. / sec.:
Prof:

Yunit IV

Talumpati * Ang talumpati ay isang maayos na pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita. Ang layunin nito ay makapagharap o makapaglahad ng patakaran o simulain o dili kaya ay makapang-akit ng nakikinig tungo sa isang kapasyahan.

Naglalayon itong mapakilos ang mga nakikinig sa isang simulain o adhikain. Ang Talumpati ay binibigkas sa harap ng mga tapakinig, maaaring sa isang kapulungan.

* Iba’t ibang uri ng Talumpati:

1. Impromptu – ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita. 2. Isinaulong talumpati – sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati. Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati. 3. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya- makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.

Parte ng talumpati
A. Panimula * pagbati * pagbukas ng paksa
B. Paglalahad * ipaliwanag ang paksa
C. Paninindigan * mga ebidensiya ng nagtatalumpati
D. Pamimitawan * pangwakas na bati

Mga kasangkapan ng tagapagsalita o mananalumpati 1. Tinig 2. Tindig 3. Galaw 4. Kumpas ng mga kamay

Maikling kwento * Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Mga bahagi ng maikling kwento 1. Panimula ay ang bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa. 2. Saglit na kasiglahan ay ang bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-akit ang bahaging ito sa mambabasa at madama niya ang magaganap na pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin. 3. Suliraning inihahanap ng lunas ay karaniwang tatlo. Kung minsan ay humihigit sa tatlo, depende sa sumulat ng kwento. Sa bahaging ito ng kwento, ang mababasa ay napapagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang damdamin. Ang mga pangyayaring ito ay siyang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas at lumilikha ng isang kawilihang pasidhi ng pasidhi. 4. Kasukdulan ay ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan. Ito ay dapat ilarawan nang mabilisan, tiyak, o malinaw at maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan, ito ay hindi dapat magkaroon ng anumang paliwanag. Ang kailangan lamang ay ang maayos pagkakaugnay-ugnay ng mga suliraning inihahanap ng lunas. 5. Kakalasan ay ang panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito ay hindi rin dapat pahabain at bigyan ng paliwanag. Ipaubaya sa mambabasa ang pag-iisip ay hayaang siyang magbigay ng wakas sa kwento.

Mga Sangkap ng Maikling Kwento:
1. Banghay – tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.
2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan atpantulong na tauhan.

Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan:
a. Tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mgakatangian ng tauhan b. Madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na nangangahulugangmahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya.

3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upangmakatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.
4. Tunggalian – tumutukoy sa mga suliranin sa pamamagitan ng mga magkakasalungat na paniniwala. Maaring ang tunggalian ay pisikal, tao sa kanyang kapaligiran, maaring sosyal.
5. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento

Ilang uri ng maikling kwento 1. Kwento ng katutubong-kulay – ang binibigyang diin ng kwentong ito ay ang kapaligiran, ang kaugalian, mga uri ng pamumuhay ng nasabing lugar. 2. Kwenro ng tauhan –binibigyan diin nito ang pangunahing tauhan sa kwento. 3. Kwento ng pag-ibig – ang kwentongito ay tinatawag ring kwento ng romansa. Binibigyang diin ditto ang pagtatangi ng dalawang pusong umiibig. 4. Kwento ng kababalaghan – mga di kapani-paniwalang pangyayari o mga katatakutan ang binibigyang diin nito. 5. Kwento ng pakikipagsapalaran – mga balangkas ng pangyayari ang binibigyan diin nito.

Musika * Pamana na ngating bansa ang kayamanan ng musika. Ang pilipinas ay isa sa mga bansa na kariringgan, kakikitaan ng mga musika na nakagaganyak sa pagpapahayag ngating katangian bilang tao. Ang mga indayog at pag-unlad ng melodiya ay nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin, kasiyahan, kalungkutan at kung minsan ay kahinaan, kahalagahan ng ating pambansang kaugalian at diwa na hinuhubog ng mga impluwensyang Kanluranin at Asyano.

Sa pamamagitan ng musikang Filipino, nagkakaroon tayo ng kapangyarihan lakas upang tayo’y magkaisa, isang paraan ng paglikha ng sama-samang hinaing at sa kabilang banda rin naman ay isang elemento sa pagtatatag ng matibay na kultura ng Pilipinas ang mga katutubong tugtugin at kanta ay nakadaragdag sa diwa at tradisyong tunay na Pilipino. Nagpapanatili ng kaluluwa ng sambayanan at sumasailalim rin ito sa mga layunin at hangarin ng tao bilang Asyano. Sa pamamagitan ng musika napalalawak natin ang kamalayang kultura ngating bansa.

Ang Pag-awit * Halos lahat ng tao, bata man o matanda, lalake o babae ay nakaranas nang umawit. Ang ina habang nagpapatulog ng bata ay umaawit. Ang mga mag-aaral kapag nakkarinig ng paborito nilang musika ay umaawit rin. Sa simbahan, sa paaralan ay maririnig mo ang awit. Ano nga ba ang awit? Sinasabing ang pag-awit ay pagbibigay-buhay sa pamamagitan ng tinig sa mga simbolo na nababasa, naririnig o nararanasan.

Instrumento ng tinig 1. Activator – maraming bagay ang pinagmumulan ng tunog. Halimbawa, ang drum, ang hangin, ang telam ang bato, at katawan atb. Kasama nito ang mekanismo ng lakas na nagpapatunog rito. Ginagamit ang abdominal muscles na nagtutugma sa pagpadpad ng hangin upang magalaw ang vocal chords. 2. Vibrator – ito naman ang katawagan sa pinagmulan ng tunog. May iba’t ibang uri ng tinig ang bawat isa sa atin. Ang babae ay may tinig na naiiba sa mga kalalakihan.nagkakaiba ang tinig batay sa laki at hugis ng vocal chords. 3. Resonator – ito ay instrumento upang mapalakas ang tunog. Ang lalamunan at bibig ang nagpapalakas ng tinig.

4. Articulator – upang maging maliwanag at maunawaan ang mensahe ng ating inaawit, napakahalaga ng instrumentong ito na gumaganap na tagabigkas nang maliwanag. Katulong rito ang iba’t ibang mekanismo na mabisa tulad ng labi, ngipin, dila, matigas at malambot na ngala-ngala. Pantulong sa Pag-awit 1. Dapat huminga bago awitin ang unang tono. 2. Gawing isang pahina lamang ang isang phrase. 3. Awitin ng ilang ulit ang himig. Kailangang hindi putol-putol ang melody. 4. Dapat ay sa dayapram nanggagaling ang puwersa at hindi sa lalamunan.

Iba’t ibang uri ng tinig * Magkaiba ang tinig ng tao at ito ay batay sa laki at hugis ng vocal chords. Ang pinakamataas na lawak sa babae ay tinatawag na soprano, ang susunod ay mezzo soprano at ang pinakamababa ay alto.

Sa mga lalaki naman ang pinakamalakas ang tenor, ang susunod ay baritone at ang pinakamababa ay bass.

Tula * Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.

Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan.

* Ayon kay Julian Cruz Balmaseda,“Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, karikitan at kadakilaan upang matawag na tula.”

* Ayon kay Inigo Ed Regalado,“Ang tula ay diwa, katas, larawan at kabuuan ng tamang karikitang makikita sa silong ng alinmang langit.”

* Ayon naman kay Fernando B.Monleon,”Ang pagtutula ay paggagagad at ito’y kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal. Ang kasaklawan ng pagtutula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man ang mga iyon.”

Mga uri ng tula 1. Liriko o pandamdaming tula * Ito’y nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ibang tao.

a. Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. b. Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit napamamaraan. c. Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan d. Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal) e. Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro

2. Tulang Pasalaysay * Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.

a. Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan.

b. Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.

3. Tulang Patnigan * Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

4. Tulang Pantanghalan o Padula * Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.

Mga Sangkap ng Tula

1. Sukat * Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig.

2. Tugma * Ang tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. May dalawang uri ng tugma:

a. Karaniwang tugma. Kung ang bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa ay magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay karaniwang tugma.

b. Ganap na tugma. Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod ay nagtatapos sa isang tunog.

3. Kariktan * Ang kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin ditto ang kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag ng mga taludtod.

4. Talinghaga. * Ang talinghaga ay mga pahayag na may mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang tinutukoy. Maaaring ang sinasabing “naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking daigdig” ay ang magagandang dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.

Kompyter * Ang kompyuter ay isang makina na ginawa para mapabilis ang mga gawain tulad ng pagbibilang o pagkokompyut. Ito ay tumatanggap, nagproproseso at nagbibigay o naglalabas ng output data sa pamamagitan ng tinatawag na program. At sa kasalukuyan marami nang mas nagagawa ang kumpyuter at malaki ang tulong nito sa ating pang-araw araw na pamumuhay.

* Ito ay isang teknolohiya na ginagamit sa paggawa ng iba't ibang gawain kaugnay ang kalkulasyon, pagbuo ng program, at midyum sa pagmamanipula ng mga makabagong teknolihiya. Ito ay isa sa mga in-demand na kagamitan sa kasalukuyan. Isa itong multi-purpose na kagamitan na nagbibigay ng iba't ibang kapakinabangan.

Ilang termino ukol sa kompyuter 1. Bayt – yunit ng memorya ng kompyuter 2. Hardweyr – ang mekanikal at elekronik na bahagi ng kompyuter. 3. Softweyr – mga datos, tulad ng mga programa, gawain, simbolo at iba pa na mahalaga sa operasyon ng kompyuter. 4. Modem – isang kasangkapan na nagkokonbert ng isang datos mula sa isang uri tungo sa iba. 5. Internet – isang matrix ng mga network na kumukonekta sa iba’t ibang uri ng kompyuter sa buong mundo. 6. Kibord – bahagi ng kompyuter na ginagamit karaniwan upang mai-feed ditto ang nais isulat. 7. Monitor – isang kagamitang tumatanggap ng mga video signals mula sa kumpyuter at ipinakikita ang mga impormasyon sa iskrin. 8. Maws – isang kagamitan pinaaandar ng kamay sa pamamagitan ng pagpindot sa mga buton nito na nakakokontrol sa galaw ng cursor sa iskrin ng kompyuter. 9. Printer – isang kagamitan na ginagamitan sa paglilimbag ng hard copy. 10. Vayrus – mga programang sadyang ginawa upang manira ng ibang programa sa kompyuter. 11. Haker – tawag sa taong gumagawa ng vayrus na labis na nakapipinsala sa mga programa ng kompyuter. 12. Hang – tawag sa kalagayan ng kompyuter kung saan ito ay umaandar subalit hindi magamit o manipula. 13. Chat – isang programa sa internet kung saan maaari kang makipagkwentuhan sa iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang lugar na sabay-sabay. Isa ito sa mga kinababaliwang programa ng mga kabataan ngayon. 14. Download – tawag sa pagkuha ng mga impormasyon sa internet. 15. Uniform resors lokeytor (URL) – bansag sa adres o pangalan ng idadawnload o papasuking programa sa internet.

Similar Documents

Free Essay

Filipino

...FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA INTRODUKSYON Ayon kay Barker at Barker, ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan nito ang ating kultura ar mgfa tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika ay naibabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayto sa mga aspektong intelektual, sikolohikal at kultura. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan n gating wikang pambanasang Filipino? KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO Mahigit sa 7 000 mga isla ang bumubuo sa Pilipinas na may ibat-ibang wika na ayon kay McFarland ay may bilang na 109. Samantala, ayon naman kay Constantino, may higit sa 500 mga wika at dayalekto ang bansa batay na rin sa pagkakaroon ng ibat-ibang etnikong grupong nakatira sa bawat rehiyon na abg Pilipinas ay isang bansang may komplikadong sitwasyon linggwistikal. Binubuo ito ng ibat-ibang grupong etnolinggwistiko na pinapangunahan ng Cebuano, Tagalog, Ilokano, Hiligaynon, Bicolano, Samar-Leyte, Waray, Kapampangan at Pangasinense na ayon kay McFarland ay samasakop sa 90% ng kabuuang populasyon ng bansa kasama na ang Maranao. Ayon naman kay Quakenbush...

Words: 3854 - Pages: 16

Free Essay

Filipino

...Transcript of PAGBASA NG MGA TEKSTONG AKADEMIK AT PROPESYONAL PAGBASA NG MGA TEKSTONG AKADEMIK AT PROPESYONAL Tekstong Pang-Akademik Ang Tekstong pang akademik ay ginagamit ng mga mag-aaral sa paaralan at lumilinang sa ating kaisipan upang mapahusay ang ating kaalaman  MGA TEKSTO SA AGHAM PANLIPUNAN Ang mga Agham Panlipunan ay isang pangkat ng ma disiplinang akademiko sa pinagpaaralan ang mga aspeto ng tao sa mundo nag bibigay din sa paggamit ng kaparaang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensiya sa pag-aaral ng sangkatauhan. Pabasa ng Tekstong Propesyonal TEKSTONG SA TEKNOLOHIYA MGA TEKSTONG SA AGHAM ,TEKNOLOHIYA AT MATEMATIKA TEKSTO SA AGHAM Pagbasa at Pagsulat TEKSTO? Ang Teksto ay isang babasahin na puno ng mga ideya ng ibat-ibang tao at  impormasyon HALIMBAWA NG MGA TEKSTO TUNGKOL SA Agham Panlipunan Kasaysayan Ekonominks Sosyolohiya  At iba pa .Ay tumutukoy sa mga tekstong may kinalaman sa propesyon o kursong kinuha ng isang mag-aaral sa kolehiyo o pamantasan. Kaugnay dito ang tekstong pang Medisina Abogasya Inhinyera  Edukasyon Narsing Computer courses TEKSTONG PROPESYONAL Ito ay ang pag-aaral sa mga bagay o ebidensya, proseso kung saan ito nag mula. Ang tekstong ito ay patungkol sa mga teknolohiyang -nakakatulong sa pang-araw-araw na gawain ng mga tao upang mapadali. MATEMATIKA 1 + 4+ 3 TEKSTONG HUMANIDADES Ilan sa mga halimbawa ng mga disiplina na may kaugnayan sa humanidades ang mga pag-aaral ng mga sinauna at makabagong mga wika, panitikan...

Words: 373 - Pages: 2

Free Essay

Filipino

...SALOOBIN NG MAG-AARAL SA KASALUKUYANG PROCESO NG ENROLMENT SA COLLEGE OF INFORMATION, COMPUTER AND COMMUNICATIONS TECNOLOGY NG UNIBERSIDAD NG SAN JOSE - RECOLETOS Iniharap Kay: Bb. Maria Stella Heramil Alvarado Bilang bahagi ng Pangagailangan sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik Iniharap nina: Andales, Victor T. III Reyes, Denisjann Margallo, Franc Anthony Galaura, Vince Carlo Setyembre 29, 2014 DAHON NG PAGPAPATIBAY Ang Pag-aaral na ito na pinamagatang Online na enrolment para sa mabilis na prosesong enrolment para sa College of Information, Computer and Communications Technology (CICCT) ng Unibersidad ng San Jose –Recoletos ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik sa grupo ng mga panel na binubuo nina: ____________________ ____________________ Bb. Maria Stella Heramil Alvarado Ito ay pinatibay ngayong _________________________ TALAAN NG NILALAMAN Mga Nilalaman Page Pamagat -------------------- i Dahon ng Pagpapatibay --------------------- ii Talaan ng Nilalaman --------------------- iii Kabanata 1. Ang Suliranin at ang Saklaw nito Panimula --------------------- 1 Paglalahad ng Suliranin --------------------- 2 Batayang Teoritikal --------------------- 3 Flowchart --------------------- 5 Kahalagahan ng Pag-aaral ---------------------...

Words: 1704 - Pages: 7

Premium Essay

Miseducation of Filipinos

...about the history and relationship between the Americans and the Filipinos upon reading this paper. It is quite intriguing what the main reasons really were for Americans in taking power over the Philippines. Was it for the good of the Filipinos or the Americans’ good? Whatever it was, they succeeded in almost every aspect of conquering the land because they knew the most effective way to subjugate the minds is by controlling their education. They created a new generation of good colonials, the “unFilipino” Filipinos. The indigenous ways of life of Filipinos had been changed to the American way of life. The Americans insisted on creating a “carbon-copy” of themselves in Filipinos through the imposition of their language in their education. I went to elementary and high school in the Philippines, and I know for a fact they used both English and Tagalog as the media of teaching. In the long run, I think this resulted in both positive and negative ways — positively, because I was uprooted to the U.S. and I was able to communicate with others, and negatively, because as I have just realized, I feel the “impediment” in my thought process because I cannot think consistently in one language.  NATIONALISM IN EDUCATION To have nationalism, Filipino must understand their Filipino culture on discipline, to have a unity in pursuing well-organized educational leaders that nationalism is important in education. Filipino must practice etiquette in education to pursue a goal. NEW PERSPECTIVE ...

Words: 292 - Pages: 2

Free Essay

Japanese-Filipino Children

...www.ccsenet.org/ass Asian Social Science Vol. 7, No. 9; September 2011 A Brief Research Note: Some Issues on Japanese-Filipino Children Shiro Ito Ph.D. Student, Department of Sociology, College of Social Sciences and Philosophy University of the Philippines, Diliman, Philippines E-mail: shiro.ito@up.edu.ph Received: March 27, 2011 Abstract This qualitative case study aims to explore reasons that led to the absence of the Japanese father from the family, how it affects the present situation of Japanese-Filipino children (JFC), and to conceptualize socioemotional factors that influence JFC’s life. The study covers current situations and socioemotional and socioeconomic problems of JFC and used standard qualitative techniques to gather field data. This study has identified that JFC are shaped by sociocultural and socioeconomic differences between Japan and the Philippines that play in individuals’ lives and decisions. The union of two people from different cultures and nationalities coupled with socioeconomic struggles and each individual’s underlying reasons to unite (marriage/cohabitation) may also lead to their separation. Furthermore, the study identified several unique socioemotional factors of the JFC as well: perceived unique ethnicity, the retention of a degree of love to the father who abandons them, and the need to see their fathers instead of feeling hatred and anger. Despite their abandonment, the JFC feel proud of their Japanese culture. Finally, JFC feel they...

Words: 3514 - Pages: 15

Free Essay

Filipino Values(Aldub)

...FILIPINO VALUES (REACTION PAPER) Submitted by: Paula Nicole M. Escandor Submitted to: Prof. Lilibeth Cortez We Filipinos, almost all of us know about the hit noontime TV show Eat bulaga’s Kalyeserye, Especially the new love team, “AlDub” they’re known not just for their undeniably strong chemistry and the sweetness overload, but also because of the good values that their showing, the Filipino values we used to have, that’s actually fading slowly from now. The reality is, most of us nowadays forgot the traditional values, the proper ways. One of those is the way of courtship. Man courting a girl usually nowadays they don’t take it seriously, some just for fun, most doesn’t even know what courtship is and how it’s being done, when is the right time and age, for someone to know about this. But no, nowadays even kids who’s just an elementary students are hurrying their way to this stage, courting a girl from his age when he doesn’t even have any idea what’s really the meaning behind courtship. Some, just want to get a girlfriend, waiting is not on their list. Girls, gets easily fooled by a guy’s sweet words eventhough there’s really no meaning behind it. They easily get attached, not minding what the guy could do for them or if the guy is capable of protecting us. Girls nowadays aren’t conservative at all. In the Kalyeserye, they just don’t show us those love thingy, but the respect is there. We Filipinos are also known for being respectful, especially on someone older than...

Words: 508 - Pages: 3

Free Essay

Living the Filipino Music Today

...Living the Filipino Music Today A Reflection of the Filipino-ness in Lucio San Pedo’s Music Lucio San Pedro has been known to be one of the historical figures of Philippine music. Being dubbed as the creative nationalist, his philosophy in music paved the way for his memorable career as an artist. Conferred with the National Artist Award for Music in 1991, his contributions have indeed made a mark in defining the “Filipino-ness” in music. With the onset of the Original Pilipino Music in the 70’s, Lucio San Pedro’s works have imparted a great amount of influence to the artists that soon followed suit. With his undeniably most famous work which is Sa Ugoy ng Duyan, every student of an Art Appreciation class in the Philippines would remember the great artist because of this wonderful musical piece. The maestro’s main concern during his time was what will make Filipino music distinct and different. Given his educational attainment and experiences abroad, he was able to harness his talent and skill in music which allowed him to discover the great potential of the Filipino artist. Integrating the cultural dynamism and inherent nationalism of Filipinos, he was able to infuse the rich influence of the different folk songs of the Filipino culture into the music he has crafted so beautifully and innovatively. With his creative nationalism philosophy, he was able to encourage artists to express nationalism through the creative use of folk songs. As Lucio San Pedro would put...

Words: 444 - Pages: 2

Free Essay

Filipino Helpers in Hong Kong

...Filipinos helpers in Hong Kong are at the risk of being maltreated Introduction Castillo Clariza Avenales who was in her age of 33, had her right thumb being chopped by her male employer after she reported his sexual misconduct to his wife last year. She was not the first one experienced such an unfortunate incident. Hong Kong, which comes to the top rank in world domestic labor employment, has long been seen as somewhere nearby to earn good salaries for better livings by the Filipinos. However, these people might place themselves under the danger of being abused in this workplace. In a 2001 survey conducted by the Hong Kong Human Rights Monitor which is a shadow committee of the United Nations, 1000 maids out of 2500 claimed they were physically abused while 175 of them said they were either harassed or raped. (Stafford, 2001, p. 5) This number was underestimated, according to the Hong Kong Overseas Maid-Employer Association dean, since it was not precise and scientific enough as the police figures which the authorities never revealed. It is actually not uncommon to see Filipinos getting involved in discrimination, unfair treatments, and even violence. Discrimination, unfair treatments, abuses and violence Gatmaytan (1997) stated that “Filipinas are imported by other countries for jobs their own citizens will not perform and for wages domestic citizens would not accept,” (p. 247) which is very true. In Hong Kong, Filipinos are receiving salaries that two times or...

Words: 1483 - Pages: 6

Premium Essay

Filipino Honesty: Are You Still There?

...Filipino Honesty: Are You Still There? BALONDO, MICAELA M. CARIÑO, CLAUDETTE LOUISE V. CRUZ, RIZALINA J. REANDINO, ARGEL D. ROSALES, MA. KATRINA C. Submitted to Ms. Eleanor Sibal Professor in Society and Culture with Family Planning In partial requirements for the degree of BACHELOR IN SCIENCE IN PSYCHOLOGY March 2014 TABLE OF CONTENTS I. Introduction A. Background of the study………………………………………………………………………………………………….. B. Purpose of the study……………………………………………………………………………………………………….. C. Significance of the study………………………………………………………………………………………………….. D. Scope and Limitation…..………………………………………………………………………………………………….. II. Review of related Literature……………………………………………………………………………………………………….. III. Methodology……………………………………………………………………………………………………………………………. IV. Results and Discussions A. Description of the subject……………………………………………………………………………………………….. V. Conclusions and Recommendations…………………………………………………………………………………………… Bibliography………………………………………………………………………………………………………………………………….. Appendix………………………………………………………………………………………………………………………………………. CHAPTER I Introduction This dissertation aims to document the prevalence or presence of honesty among Filipino, which will be represented by the PLM community. Background As defined, honesty refers to a facet of moral character and connotes positive and virtuous attributes such as integrity, truthfulness, and straightforwardness, including straightforwardness of conduct, along with...

Words: 3254 - Pages: 14

Premium Essay

Filipino Amahs in Hong Kong

...the Philippines and Hong Kong. Managing children in HK households In Hong Kong, Filipino maids make up 3% of the population. They are especially common amongst families who prefer an English speaking maid. Hong Kong people utilize maids for household management and supervision of the children while both parents have full time jobs. In many situations, the maids will spend far more time with the children than both the parents. Thus, the management of children in Hong Kong is highly related to the amah in the family. There are certain requirements of maids before employment in Hong Kong: * 2/3 Weeks training of Chinese household management * Experience in managing children As most of employers are busy at work, the maid becomes a critical part in the family in taking care of the children during daytime. From school activities to playground, the maid has full responsibility to take care of the children. Management of Children in Philippines: Most of the population in Phillipines do not have maids. In the case where the mother is a maid in Hong Kong, then the grandparents or the father need to shoulder the responsibility of taking care of the children. Differences: In this part we analyze how the maid manages the children of her employer in Hong Kong, and how it would be different if she were managing her own children in the Philippines. In terms of the Filipino maid, we found two main differences. The first one is role shift. Whilst in Hong Kong...

Words: 829 - Pages: 4

Free Essay

Employment of Overseas Filipino Workers

...Employment of Overseas Filipino Workers (OFWs) and its Implications on the Academic Performance of Their Children Nemesia Karen E. Arlan  affiliation not provided to SSRN Yasmina G. Wingo  affiliation not provided to SSRN Joeti Shrestha  Lyceum of the Philippines University - Graduate Studies August 10, 2008 Abstract:       This study attempts to analyze the impact of employment of Overseas Filipino Workers (OFWs) on the academic performance of their children. One specific goal for this study is to awaken, encourage and challenge the government through the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to formulate policies and programs (if none) as early as now and strengthen them if there are existing policies and programs in accordance to the needs of the respondents with the assistance and close collaboration of the International Organization for Migration (IOM). This study also seeks to generate awareness to the International Organization for Migration (IOM) regarding the above mentioned problem and in formulating better programs which would also assist distressed children with similar circumstances worldwide. This study is conducted to seek answers to the following questions:  1. What is the personal profile of the respondents as to sex, age, and personality traits? 2. What are the concerns faced by OFW children studying in universities within Intramuros? 3. What are the factors that affect the academic performance of OFW children in terms...

Words: 1183 - Pages: 5

Premium Essay

Implications of Taking Care of a Filipino Patient

...Herrera, Lei Dianne A. Uinversity of the Philippines – Manila College of Nursing Batch 2016 Implications of Taking Care of a Filipino Patient Communication and language play a vital role in establishing good connection between patients and their respective health care providers such as nurses. Mejico (2004) concluded that, “it is in their own mother tongue that a person can truly express his innermost sentiments, ideas, perceptions, and attitudes.” Relating it to class discussions, most Filipino students find it easier to learn and understand if the teacher considers a balanced use of the English language and the native language in explaining the lecture; the same is true for a patient-and-nurse relationship. It will be easier for a patient to express his sentiments if he uses the language he naturally speaks. At the same time, the nurse can precisely understand the patient’s concerns if she naturally uses the same language as well. It is through effective communication that a patient can openly speak of his difficulties and physical complaints for the nurse to precisely interpret the situation and render appropriate medical action. This concept is true for the patient to comprehend the nurse’s instruction or advice in return. A clear and constant communication will only be possible if both the patient and his nurse understand and speak a common language. According to Wilson and Billones (1994), ethnic identity is an important factor in rendering health...

Words: 685 - Pages: 3

Free Essay

Korean Culture Invasion: L Positive and Negative Influences on Filipinos

...BHC EDUCATIONAL INSTITUTION, INC. KOREAN CULTURE INVASION POSITIVE AND NEGATIVE INFLUENCES ON FILIPINOS A Research Paper Presented to Mrs. Rhea Jane Serrano-Manalo In Partial Fulfillment of the Requirement in English IV Presented by: Angelica C. Perlas March 2013 ABSTRACT The aim of this study is to give the positive and negative effects of Hallyu or Korean Wave to the Filipino lifestyle. The researcher aimed to analyze the gathered information from articles, theses and other published work. The method used in this study is the descriptive method of research. The researcher gathered information from published articles like K-pop Domination: Good or Bad Influence?, Filipinos Get Hooked on K-Pop Craze, Korean Dramas, Kpop Helped Reshape Philippine TV, Music, Korean Culture in the Philippines, Korean Lifestyle, Korean Wave Hits the Shore of the Philippines, Koreanovela and its Reception among Filipino Audience, Korean ‘Hallyu’ and the Pinoy Invasion, and By Design: A Look at Korea’s Fashion Industry. The researcher concluded that although some benefits of Hallyu contribute to Filipinos eagerness of developing their own culture, there is still a need for Filipinos to control themselves from patronizing the foreign world. 1 ACKNOWLEDGMENT This term paper entitled KOREAN CULTURE INVASION: POSITIVE AND NEGATIVE INFLUENCES ON FILIPINOS was done properly, not only through the efforts of the researcher but also through the efforts of other people who helped her...

Words: 3078 - Pages: 13

Premium Essay

Poor Learning Abilities of Selected Second Year Students Due to Neglected Filipino/Christian Values

...CHAPTER I THE PROBLEM AND ITS BACKGROUND Introduction Education is the action or process of educating or being educated. But being educated not only means that you have learned all the knowledge you may need to succeed in life. There are factors that define success, acquiring all the learning and knowledge we may need and of course having the right attitude and proper values in facing all the challenges that we may encounter in life. Family is the basic unit of the society, our first school, our first teacher where in we obtained the foundation of our learning. At our early age, our parents never taught us the figures of speech or even idioms; they never tell us the law of gravity or even the logic behind of the law of supply and demand; they did not teach us to find the x and y in math. Instead, the first thing they taught us is how to pray, kissing the hand of elders (Pagmamano) which is sign of being respectful and how to be good with others through giving (generosity). The family is the place where we can have the best learning and that is being a good person. Besides the family, the school is another social unit that gives values education among children. Parents entrust their children to the school to perform significant tasks of developing children's potential to prepare them for active participation in the future. The teacher is the most important element in the educational success of the child in school. But as the child grows in all aspects, changes occur...

Words: 4132 - Pages: 17

Premium Essay

The Puzzle of the Filipino Laborer: Pinoys Most Preferred Labor Force Abroad, but Productivity in Rp Low

...Case Study: The puzzle of the Filipino Laborer: Pinoys most preferred labor force abroad, but productivity in RP Low To be able to solve the puzzle, I would like to look at Pinoy as a product. And I would like to treat the Republic of the Philippines, Head of Department Education as the Operation Manager (OM). The objective of the operation manager is to be able to develop set of activities that creates value in the form of goods and service by transforming inputs and outputs. Now in order for the operations manager to achieve its purpose OM has to look and define where the government would like to focus? Differentiation, rapid response or low costs and then OM needs to check the 10 decisions that he needs to make. First are the goods and service designs. OM needs to assess what can the government offer to the local market and to the international market? OM has to look at the current businesses in the country and in the international market and the demands in the next 5, 10 years and so. When the OM has all the relevant information (competence needed in the market etc) then OM needs to summarize and build up his priority (using the house of quality tool) and proceed to next step/consideration. After doing this activity the OM should be able to answer and give the public advice on what skills or education they need in the next 5 to 10 years e.g IT related courses, Hospitality, Business or any other Technical Courses and info similar to life cycle of these courses...

Words: 711 - Pages: 3