Free Essay

Florante at Laura( Kaligirang Kasaysayan)

In:

Submitted By kaizerkent
Words 633
Pages 3
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang Balagtas) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na: “ | Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo ng̃ Gresya, at tinulâ ng̃ isáng matuwaín sa bersong Tagálog. | ” |
Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido (corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto at pilologo
Kasaysayan
Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.

Unang Paglimbag
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.
Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay:
PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA CAHARIANG ALBANIA.
QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG UNANG PANAHON SA IMPERIO NANG GRECIA. at tinula nang isang matouain sa versong tagalog.
Paglalarawan
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang muslim na si Aladdin. Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan at kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni Selya) at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan.

Mga tauhan * Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo * Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante * Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante * Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab * Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura * Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin * Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona * Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo * Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante * Konde Sileno - ama ni Adolfo * Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre * Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo. * Antenor - guro ni Florante sa Atenas * Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura * Heneral Osmalik - heneral ng Persya na lumaban sa Crotona * Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya * Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida

DARLENE MARIE L. GO II-25 MG

Similar Documents

Premium Essay

Jbjb

...FLORANTE AT LAURA John Ruiz M. Paala To: Bb Kathlyn Garcia 8-St Benedict Kaligirang kasaysayan ng Florante at Laura Ayon sa kay Epifanio de los Santos .nalimbag ang unang edisyon ng "Florante at Laura" noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco "Balagtas" Baltazar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang "Kung Sino ang Kumatha ng ‘”Florante”’ ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli. * Pagsasanib ng tula at kasaysayan ng pilipinas sa pamamahala ng Kastila. * Nalimbag sa mga mumurahing klase ng papel(Papel de Arroz) * Isinulat ni balagtas habang siya ay nasa piitan mula sa kanyang mga karanasan sa kalupitan ng mga kastila. Tauhan ng Istorya * Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo. Umibig at pinakasalan kay Laura. * Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante. Nag iisang anak ni Haring Linceo. Siya ay mahinhin. * Aladin – Anak ni Sultan Ali-Adab. Siya ay mula sa Persia. Kasintahan ni Flerida. * Konde Adolfo – Anak ni Konde Sileno. 2 taon ang tanda kay florante. Nakilala si florante sa Atenas. Tinangkan gahasain si laura. Pumugot ng ulo sa ama ni florante. * Menandro – Matalik na kaibigan ni florante. Sumama kay Florante pabalik ng Albanya. * Antenor – Isa sa mga pantas ng Gresya. Guro ni Florante sa Atenas. * Haring Linceo – Hari ng...

Words: 1838 - Pages: 8

Free Essay

Filipino

...PY 10 Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing...

Words: 47092 - Pages: 189