∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞ Breaktime na naman. At ayan na naman ang kantahan ng mga kaklase ko. Syempre nangunguna na dyan si Yuji. Isa siya sa mga naggigitara at sinasabayan naman ng mga classmate ko. Ako naman, patingin-tingin lang. Pangiti-ngiti.
“Just take my hand, fall in love with me again
Let's runaway to the place
Where love first found us
Lets runaway for the day
Don't need anyone around us”
Napasabay na rin ako sa pagkanta. Ang galing niya talagang maggitara. Ang ganda pa ng boses niya. Parang matutunaw ka kapag nakatingin siya sayo habang kinakanta niya yun. Maya-maya lang ay natapos na sila at nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan dahil parating na si Sir Solomon. “Hay! Kapagod! Nakalimutan ko tuloy kumain.” Sabi niya habang nilalagay niya yung gitara niya sa lalagyan.
“Masyado mo kasing naenjoy pagkanta eh.” Tinignan ko lang kung paano niya ilagay yung gitara niya. Oo nga pala, seatmate ko siya.
“Ang saya kasi eh. Hahaha!” tapos ngumiti siya na halos mapangiti rin ako dahil dun.
“Oh eto oh, may natira pa akong pagkain. Gusto mo?” Inabot ko sa kanya yung biscuit na hindi ko nakain dahil busog na ako.
“Uy! Salamat Rae! Ang bait mo talaga!” At nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Pinisil niya yung ilong ko kaya napatalikod ako bigla. Baka kasi makita niya na namumula yung buong mukha ko. Nakakahiya naman yun di ba? “Shallamhaat ulhheeet!” narinig kong sabi niya at alam kong nagsasalita siya habang kumakain. Tumango nalang ako at nakatalikod pa rin sa kanya. Siya si Yuji Valencia. Isa sa mga kaibigan ko pero higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Mahal ko siya. Pero sino nga naman ba ako? Kaibigan lang naman niya ako. At hanggang doon lang ako. Alam ko yun. Friendzoned kung baga. Yung hanggang kaibigan lang.
Yung hanggang doon nalang.
Yung may limit.
Halos araw-araw ay kumakanta siya tuwing breaktime. Ibaa-ibang kanta. At nakakainis dahil tinatamaan ako sa bawat kanta niya. Kung pwede lang siyang batukan doon at sabihing, “Itigil mo nga yan! Panaman ka masyado eh!” Naiinis rin ako sa mga babaeng laging nakapaligid sa kanya pag tumutugtog siya. Palibhasa kasi maganda ang boses nila kaya nakakalapit sila sa kanya at sumasabay sa pagkanta niya. Habang ako, nakatanaw lang dito sa upuan ko. “Natapos rin! Ang sakit ng kamay ko!” bumalik na siya sa upuan niya at bigla akong kinabahan nung nagkadikit yung balat naming. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko.
“Rae, pamasahe ng kamay.” Inabot niya yung kamay niya sa akin at tinignan niya ako sa mata at nagpacute pa siya. Now I’m totally screwed. Sino bang hindi papayag na mahawakan yung kamay niya? Aba chance ko na rin ‘to para manyakin, I mean mahawakan yung kamay niya.
“Okay. Kinakarir mo masyado pagiging gitarista ah. Haha.” Sinimulan ko nang magmasahe at halos gusto ko nang tumili sa sobrang kilig! Grabe torture ‘to! Ang lambot lambot pa ng kamay niya.
“Ang galing mo palang magmasahe eh.” Napatingin ako sa kanya at halos malaglaag ako sa upuan ko nung nakita kong sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Idagdag mo pa na nakangiti siya habang nakatingin sa mga mata ko. Ayoko na, yung puso ko ang bilis na ng tibok.
“Oh ayan, tama na yan.” Tapos binitawan ko na yung kamay niya kahit ayoko. Andyan na kasi yung teacher namin eh.
“Ay, epal naman si ma’am oh. Ang saraap sarap magpamasahe eh. Tsk.” Narinig kong sabi niya. Hindi ko alam pero di ko mapigilan yung ngiti ko kaya humarap muna ako sa kabilang side para lang mailabas ‘tong pesteng kilig na ‘to. Hahaha! Ang saya-saya ko ngayon! Nahawakan ko yung kamay niya. Natitigan ko siya ng matagal.
Pero magkaibigan lang kami.
Friendzoned.
Nung breaktime naman naming nung hapon, biglang may napadaan sa akin na slumbook. Uso kasi yun dito eh. Stuffs like that. Tumingin naman ako kay Yuji na natutulog ngayon sa armchair niya. Ang cute niya ngang tignan eh. Sinagutan ko naman agad yung slumbook pero napatigil ako dun sa page na about sa love. What is love? Napangiti naman ako agad at nagsulat. Love is when you’re smiling when he’s with you. Describe your first love? Kinabahan naman ako dito. Kasi siya ang first love ko. Yung secret love ko. Siya. He doesn’t know my feelings for him. I’m friendzoned. Yun nalang yung nasulat ko. Ayokong magdescribe kasi magaling manghula yung mga classmates ko. Dati nga muntik na nilang mahulaan eh, tumanggi lang ako at naniwala naman sila. So close right? “Rae! Tapos ka na?” sabi ni Alexa, yung may-ari nung slumbook. Tumango naman ako.
“Yujiiiiiiiiii!!” nagulat naman ako nung sinigawan niya sa tenga si Yuji. Ang adik talaga nun.
“Hmmm??” inangat niya yung ulo niya at saka kinusot yung mata niya.
“Pasagot naman ng slumbook! Salamat!” tapos tumakbo na siya.
“Ano naman ‘to? Tsk.” Mukhang nairita siya dahil sa paggising ni Alexa sa kanya. Well ako rin naman maiinis kapag ginigising ako.
Binuklat niya yun at nagtitingin-tingin. Ako naman eh bigla ring inantok. Nalipat ata sa akin yung antok niya eh. Sabagay mahaba pa naman yung breaktime kaya umub-ob na rin ako sa desk ko. Pero napatayo rin agad ako at kinalabit siya. “Yuji, pagising ako pag andyan na si ma’am ha?” ngumiti lang siya at tumango kaya natulog na ako. --- “Shh wag kayong maingay baka magising!”
“Hahaha anong ginagawa mo Yuji?”
“Basta! Wag kayong maingay!” Nagising naman ako sa ingay na naririnig ko. Pagdilat ko, nagkumpulan yung mga classmates ko sa amin ni Yuji aat eto naming katabi ko eh biglang nagpoker face pero halata naman. Adik. “Bakit?” tanong ko sa kanila.
“Hala! Wala kaming ginagawang masama habang tulog ka!” biglang sigaw ni Yuji sa akin. Reverse psychology ba ‘to? Kasi kung oo, effective na effective eh.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at nagtatawanan yung mga classmates ko. Ano kayang kalokohan ang ginawa ng isang ‘to? At tama ang hinala kong may ginawa siya sa akin. Pagtingin ko kasi sa kamay ko eh may drawing na babae at lalaki na stick. “Yuji!!!!” pagkatapos kong isigaw yung boses niya ay tumayo agad siya at tumakbo palabas ng room.
Lumipas na naman ang mga araw. Wala na kaming magawa tuwing breaktime kundi tumugtog at magkantahan. Pero nagulat ako nung nakisali sa kantahan yung number one tsismosa sa setion naming, si Nikko. I mean Nikka daw pala. Baklang yun, feel na feel ang pagiging babae eh. Nakikinig lang ako sa kanila habang nagrereview ako sa Math. “Maiba naman kami Yuji! Hmm, sino bang crush mo ngayon?” bigla akong napatigil sa pagbabasa at nafocus sa tsisimisan nila sa gitna. “Ha?? Wala akong crush eh! Sorry! Kaibigan, marami! Hahahahaha!” Ouch. Ouch raise to infinity. Ang sakit nun oh. Tagos. “Weh? Maniwala kami sayo! These past few days eh masyado kang masaya kaya hindi pwedeng hindi ka lumalovelife no!” nakapamaywang na sabi ni Nikka o Nikko.
“Hahaha! Masama bang maging masaya?”
“Aynaku! Sumagot ka na kasi ng maayos! Kahit clue lang! Malay mo ako pala yan! Hahaha!”
“Kadiri ka Nikko!” natawa naman ako sa mukha ni Yuji nung sinabi yun ni Nikko. Parang diring-diri talaga siya eh.
“O sige na nga. Tutugtog nalang ako. Tapos hulaan niyo kung sino ha. Hahaha!” nagsimula siyang magstrum ng gitara niya, Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the dark
Two by two their bodies become one
I see you through the smokey air
Can't you feel the weight of my stare
You're so close but still a world away
What I'm dying to say, is that
I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new, you'll feel it in my kiss
I'm crazy for you
Ang ganda talaga ng boses niya. At ang swerte ng babaeng kinakantahan niya nun. Sobra. Sana.. ako nalang yun. “Ang labo naman eh! Clue na kasi!” sigaw na naman ni Nikko.
“Yun na nga yun. Hahaha!”
“Clue na dali na! Andito ba siya sa room?”
“Kaibigan ko yun. Hahaha! Friendzoned ako dun gago. Baka mamaya di na niya ako pansinin eh.” Nakita ko naman na lahat ng babaeng kinakausap ni Yuji sa room ay napangiti. Baka nga isa sa kanila. Marami kasing magaganda sa room naming. And sure ako, isa yun sa kanila. “Malay mo gusto ka rin niya.”
“Oo nga!” sabay-sabay na sabi ng mga classmates ko. Natawa naman ako dahil parang nasa hot seat siya ngayon.
“Clue na!” utos ng mga classmates ko. Tumatawa lang ako ditto habang pinapanood sila. Parang ang kukulit nila eh. “Oh sige na nga! Sasabihin ko na! Sasabihin ko na!” Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumahimik ang lahat. Hinihintay yung mga salitang lalabas sa bibig ni Yuji. Maski ako nakikinig rin.
“Friendzoned eh. She’s my seatmate.”
Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at ngayon ang gusto ko nalang ngayon ay matunaw nalang ditto. Lahat rin ng classmates ko ay napatingin sa akin. Lahat sila nakangiti at nag-aasaran. Ang ingay-ingay sa room ngayon na para bang wala nang bukas. Pero ako, wala akong naririnig at nakatingin lang ako kay Yuji sa malayo.
“Oo nga no bakit di ko napansin sa sinulat niya sa slumbook? Tignan niyo yung nakalagay oh! Parehas kami ni Rae! Hahaha friendzoned din ako!” Nagulat ulit ako sa narinig ko. Ibig sabihin binasa niya yung sinulat ko? Nkakahiyaaaaa! Pero mas lalo akong nagulat nung nasa harapan ko na pala siya. “Pasensya na binigla kita. Haha si Nikko kasi eh. Ma..mahal talaga kita.. Dati pa.. Kaso.. mukhang haanggang kaibigan lang kasi tingin mo sakin eh. Sorry talaga nabigla ka. Pero okay lang kahit wag mo na akong pansinin. Kasalanan ko n--” “I..I love you too. Dati pa. Matagal na rin.” Napayuko ako sa nasabi ko. At napapikit din ako dahil hindi ko naman intension na sabihin yun. Ang tanga mo Rae!! “TALAGA? TALAGA RAE?” halos kilabutan ako nung maramdaman ko yung kamay niya sa balikat ko. Kaya napaangat yung ulo ko na sobrang pula na sa mga nangyayari. Tumango ako at sa pagtango ko ay bigla niya akong niyakap.
“This was so unexpected.” Bulong niya sa akin. Yeah. Sobra. Maski ako nagulat.
“YUHOOOOO!!!! MABUHAY ANG BAGONG NATANGGALAN NG FRIENDZONING COUPLE!” hindi naming napansin na nanonood pala sa amin yung mga classmates naming kaya bumitaw si Yuji at nagsimulang habulin yung mga classmates ko.
At least ngayon, hindi na ako friendzoned sa kanya.
Masaya na ako.