“Life is not easy”
“Wawa ka naman. Oh, ito damputin mo ng may pakinabang naman yang kamay mo!” ayan ang naririnig ko na hindi kaaya- ayang pakinggan sa mga siga. Lagi na lang ganyan. Paano ba tayo magbabago? Nakakainis, nakakairita, nakakabanas! Hindi niyo ba kayang pigilan iyan? Ang saya saya mo dahil may napag- aaliwan ka pero ang pinag- aaliwanan mo, masaya ba? Iba ang tama at iba ang mali. Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng tama kung puro mali ang iyong ginagawa katulad ng mga ibang taong walang ibang gawin kundi mangutya ng mangutya sa walang kamuwang- muwang na bata. Hindi mo naiintindihan, hindi mo napapansin puro pagsasaya ang ginagawa mo kahit di na tama. Hindi lahat ng nang- aasar ay masama dahil meron ding mabait na natututong lumaban na nasosobrahan. Sa kalagayan ng mga tao ngayon, mahirap na magising sa katotohanan na ang hinahabol mong tama ay mali na pala katulad sa “kaibigan” dahil hindi lahat ng kaibigan ay sinusunod at hindi rin lahat ng sinusunod ay kaibigan. Tama ako hindi ba?
“Ako ay nabubulas.” Iyan ang nasasabi ng ibang nakahahalata na sila ay nabubulas dahil meron din namang nabubulas na hindi nakakahalata. Wag kang maawa sa sarili mo, maawa ka sa nang- aapi sayo. Alam mo kung bakit? Dahil una sa lahat, sila ay walang pera kaya nila nagagawa yun, pangalawa; wala silang pang- aliw, pangatlo; K.S.P o kulang sa pansin o atensyon at pang- apat; gusto nila maging sikat. Ibang iba ang mga tao ngayon, nasisiyahan sila sa mga ginagawa nila pero ang mga nabubulas ay hindi.
Kaya gusto ko lumaban kayo! “life is not easy” sabi nga nila pero kaya lang naman nagiging hindi madali ang buhay dahil sa hindi paglaban o pagtanggol sa mga sarili. wag maging ganyan, maging positibo ka pero magkaiba ang kabaitan sa positibo dahil ang kabaitan pwede mong sobrahan yan pero wag naman masyadong sobra dahil hindi tama iyon. May nakikita akong mga taong tinutulak ang mga batang walang laban at pag nakita ng guro at tinanong ang nambully sisisihin pa ang binubully. Hindi tama yun kaya maging matapang sa anumang pagsubok na kinakaharap mo ngayon.
Proyekto
Proyekto
Sa
Sa
E.S.P.
E.S.P.