Free Essay

Global Warming

In:

Submitted By Joshua7
Words 3482
Pages 14
Isang Masusing Pag-aaral

sa Sanhi at Epekto

ng Global Warming sa

Sangkatauhan

JOHN JOSHUA R. CHAN PROF. F. P. CASTRO
I – A2 BS. ARCHITECTURE

I. Panimula

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong bigyan pa ng mas malalim at malawak na kaalaman ang mga mambabasa tunkol sa sanhi at epekto ng “Global Warming” sa sangkatauhan at sa buong mundo. Una sa lahat, ano nga ba ang “Global Warming?” Paano ito nangyayari? Anu-ano ang maaring sanhi at epeko nito? May solusyon pa ba ito? Ito ay ilan lamang sa mga katanungang gumagambala sa ating isipan na masasagot sa pag-aaral na ito. Ang “Global Warming” o pag-init ng mundo ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at ng mga karagatan sa buong mundo. Ang pagtaas ng antas ng “Carbon Dioxide o CO2” at iba pang mga “Greenhouse Gases” na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis sa mga sasakyan at pabrika, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, industriyalisasyon, modernisasyon, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo. Ang katagang “Global Warming” ay unang ginamit sa makabagong pag-iisip at panahon noong ika-8 ng Agosto 1975 ni Wally Broecker sa kanyang pang-agham na sulatin na pinamagatang “Are we on the brink of a pronounced global warming?” Ito ay nangangahulugan na nasa punto na tayo kung nasaan ang panganib o ang pag-init ng mundo. Gumamit si Broecker ng mga makabagong salita upang ipaliwanag ito, samantala noong una ay tinatawag ito ng mga siyentipiko sa pangalang "inadvertent climate modification," ito ay sa kadahilanang ang tao ay kayang baguhin ang klima o panahon ngunit hindi nila malaman kung saan ito paparoon Ang “Global Warming” ay naging popular at matunog sa lahat pagkatapos ng taong 1988 nang gamitin ito ni James Hansen na isang siyentipiko sa klima ng NASA sa kanyang testimonya sa kongreso. Nang sabihin niya na ang “Global Warming” ay humantong na sa lebel na kung saan maaari na nating malaman ang relasyon sa mga sanhi at epekto nito sa pagitan ng mga epekto ng “Greenhouse Gases” at sa naobserbahang pag-init. Noong una ang “Global Warming” ay nagkaroon ng iba’t ibang aspeto sa iba’t ibang tao sa iba’t ibang panahon. Ito rin ay naging isang napakagandang balita noon sa mga taong naninirahan sa hilaga hanggang sa matuklasan ng mga eksperto at ng mga siyentipiko noong taong 1960 ang pangmatagalang masamang epekto nito sa pagkain, at sa mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig sa mga karagatan. Nadiskubre din nila ang mga masasang maaaring maging epekto nito sa sangkatauhan, at sa iba’t ibang panig ng ating planeta. Nangyayari ito sapagkat ang mga gases tulad ng “Carbon Dioxide” at “Methane” ay unti-unting naiipon sa itaas ng ating himpapawid na siyang dahilan ng pagkabutas ng ating “Ozone Layer” o ang balat ng ating planeta na siyang nagbibigay proteksyon sa lahat ng naninirahan o nabubuhay dito. Dahil sa pagkabutas na ito, ang mga “Ultra-violet Rays” na galing sa araw ay hindi na nakalalabas pa ng ating planeta na lubhang delikado dahil ito ay makapagdudulot ng mas malalang sakit lalo na sa balat ng tao. Magdudulot din ito ng mas malalakas at matitindi pang bagyo, buhawi, baha, at tagtuyot. Ito rin ay sanhi kung bakit unti-unting natutunaw ang mga tipak ng yelo sa karagatang Arktiko at Antartiko ng ating mundo na lubhang nakababahala.

II. Paglalahad ng mga Suliranin

Ang mananaliksik ay naghanda ng ilang mga katanungan sa lalong ikatututo, ikalalawak, at ikalalalim ng kaalaman ng mga mambabasa tunkol sa “Global Warming.”

1. Ano nga ba talaga ang mas malawak pang kahulugan ng tinatawag na Pag-init ng Daigdig o “Global Warming?” 2. Anu-ano ang mga nagagawa ng tao na nagiging sanhi ng pagkakaroon natin ng “Global Warming?” 3. Ano ang pinagkaiba ng “Global Warming” sa tintawag na “Climate Change?” 4. Mayroon pa bang kasagutan o kalutasan ang “Global Warming?” Anu-ano ito? 5. Paano nga ba talaga nagkakaroon ng “Global Warming?” 6. Ano nga ba ang pinakasanhi ng pagkakaroon ng “Global Warming?” 7. Anu-ano ang maaaring maidulot nito sa ating lahat? Sa ating buhay? At sa ating planeta? 8. Sino o ano nga ba ang may malaking ambag sa pagkakaroon ng natin ng “Global Warming?” 9. Gaano na nga ba kalala ang naidudulot ng “Global Warming” ngayon sa ating mundo? 10. Ito na nga ba ay isang senyales na malapit nang mawasak ang ating mundo o ang katapusan ng mundo?

III. Mga Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay pa ng mas malawak at mas malalim na kaalaman di lamang sa mga mambabasa kundi sa ating lahat, tungkol sa kung ano talaga ang kinakaharap nating malalang problemang tinatawag na “Global Warming.” Kung ano ang magiging epekto nito sa ating lahat na namumuhay dito sa mundong ibabaw, at sa kung ano o sino nga ba ang mga dahilan kung bakit mayroon tayo nito ngayon. At kung mayroon pa bang solusyon para mapigilan ang lalong paglala ng kalamidad na ito. Naglalayon din ang pag-aaral na ito na makahanap ng mga kasagutan sa malalang problemang ito, di lamang ng ating bansa kundi ng buong mundo at ng sangkatauhan, at upang magkaroon na ng pagkilos ang lahat, dahil sa bawat oras na lumilipas ay mas lumalala ang kagimbal-gimbal na problemang ito na kapag tayo ay nahuli ay halos wala ng tyansang mapigilan pa. Higit sa lahat, ang pag-aaral na ito ay naglalayong bigyan ng babala upang maging handa ang lahat sa lahat ng maaaring maganap sa kasalukuyan at sa hinaharap.

IV. Metodolohiya

Ang mananaliksik ay gumamit ng iba’t ibang paraan, bagay, at tao sa malikhain, maingat, at matapat na paraan upang mapagyabong pa ng husto ang kaalaman ng mga mambabasa at ng mananaliksik, at upang maging kapakipakinabang ang pag-aaral na ito. Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mananaliksik ng “internet” bilang pinakapangunahing pinagkuhaan ng mga datos at mga larawan na lubos na makatutulong at makabubuti para sa mas epektibo, mas maganda, at mas malinaw na pagpapaliwanag at paglalarawan ng pag-aaral na ito. Gumamit din ang mananaliksik ng ensayklopidya, diksyonaryo, at pahayagan bilang dagdag na impormasyon sa mga datos na nakalap para sa lalong ikagaganda ng pag-aaral na ito. Nakatulong din ang pagpunta ng mananaliksik sa Pambansang Aklatan sa pook ng Maynila noong ika isa ng Marso 2013 sa paghahanap ng mga datos patungkol sa pag-aaral na ito. Samakatuwid, ang mananaliksik ay gumamit ng “palarawan” o “descriptive” na uri ng pananaliksik, na kung saan ay pinag-aaralan ang mga kasalukuyang ginagawa at mga isyu na importante sa mga tao. Nagpapaliwanag din ito sa naging pakahulugan ng mga datos at inilalarawan ang resulta para sa katotohanang hinahanap.

V. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Global Warming Ang “Global Warming” o pag-init ng mundo na tinatawag din na “Greenhouse Effect” ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at ng mga karagatan sa buong mundo, at isang tiyak na dulot ng mas komplikadong “Climate Change” o pagbabago sa klima na tumutukoy din sa paglamig tulad ng nangyari noong Edad Yelo.

Ang “Global Warming” ay nangyayari sapagkat ang mga “Greenhouse Gases” na tulad ng “Carbon Dioxide” at “Methane” ay unti-unting naiipon sa itaas ng ating himpapawid na siyang dahilan kung bakit nasisira o nabubutas ang ating “Ozone Layer” na siyang nagpapahintulot na maglabas pasok ang init na mula sa araw upang magkaroon ng balanse sa temperatura at klima ng ating mundo para sa mas maayos na pamumuhay ng lahat ng nabubuhay dito. Ngunit ang mga gases na ito ay humahadlang sa pagkakaroon ng balanse sa ating mundo, dahil pinipigilan ng mga ito ang init na mula sa araw na makalabas pa ng ating planeta kaya mas tumataas ang temperatura sa ating mundo. Ayon sa Webster’s Universal Dictionary, ang “Global Warming” ay isang proseso na epekto ng isang napakalaking kumot ng “Greenhouse Gases” na namumuo at tumataklob sa buong mundo na kumukulong sa init ng araw sa loob nito.

Ang dayagram na ito ay nagpapakita lamang ng kung anu-ano ang maaaring maging epekto ng “Global warming” sa sa buong sangkatauhan at sa buong mundo. Ito rin ang pinakadahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng mas malalakas at matitinding mga kalamidad, mas malalang mga sakit, at paunti-unting kawalan ng balanse sa ating mundo.

Sanhi Ang “Global Warming” ay sanhi ng napakaraming mga bagay na may nag-iisang pinakasanhi. Ang pagkakaroon natin nito ay dulot ng pagtaas ng antas ng mga “Greenhouse Gases” tulad ng “Carbon Dioxide at “Methane” na resulta ng pagsunog ng mga produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, industriyalisasyon, at modernisasyon.

May malaking ambag sa problemang ito ang pagsusunog ng mga produkto mula sa petrolyong langis mula sa mga sasakyan, makinarya, at mga pabrika. Kasama na dito ang pagpapanot ng mga kagubatan o “deforestation” at ang pagkakaingin na siyang nag-aalis ng balanse sa ating kapaligiran, ito ang sanhi kaya dumadami ang antas ng “Carbon Dioxide” na siyang dapat kinokolekta ng mga puno at halaman para sa kanilang proseso ng paggawa ng pagkain na tinatawag ding “Photosynthesis.” Sa agrikultura naman, ang pagsasaka ang may ambag sa problemang ito, dahil sa pagsasaka natin ngayon ay gumagamit na ng mga “pesticides” at “fertilizers” na naglalabas ng “Nitrous Oxide” na isa sa mga “Greenhouse Gases”. At dahil naman sa industriyalisasyon at modernisasyon, nagkaroon tayo ng teknolohiya at mga makabagong bagay na naglalabas din ng mga gases na may malaking ambag sa “Global Warming”, ito ay ang mga bagay na ginagamit natin sa araw-araw at sa ating mga tahanan na naglalabas din ng mga “Greenhouse Gases.” Ang iba namang sanhi ay ang gawa ng kalikasan, ito ay ang pagkabulok ng mga tuyot na dahon, iba pang mga halaman, at ng mga patay na hayop. At ang iba naman ay galing sa mga nabubulok at sinusunog ng mga basura o mga plastic sa mga tambakan ng basura. Ang dalawang sanhing ito ay naglalabas ng “Methane” na isa rin sa mga “Greenhouse Gases”. Ang mga “Greenhouse Gases” tulad ng “Carbon Dioxide o CO2” ay may iba’t ibang abilidad sa kung gaano karami ang maaaring nilang maikulong na init. Ang “Methane Gas” ay may higit sa dalawampung beses na abilidad sa pagkulong ng init kaysa sa “CO2”. Ang “Nitrous Oxide” naman ay may tatlongdaang beses na abilidad sa pagkulong ng init kaysa sa “CO2”. Ang ibang gases naman na tulad ng “Chlorofluorocarbons” ay may libu-libong mas higit na abilidad sa pagkulong ng init kaysa sa “CO2”. Kaya ang mga gases na ito ay ipinagbawal sa buong mundo dahil nasisira nito ang ating “ozone layer. Ayon sa mga siyentipiko, ang mga tao sa buong mundo at ang mga ginagawa nila sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay ang talagang pinakasanhi ng malalang problemang kinakaharap natin ngayon na tinatawag na “Global Warming.”
Epekto
Lubhang nakababahala at nakalulungkot ang mga maaaring maidulot ng “Global Warming” sa buong sangkatauhan at sa buong mundo. Ang mga maaaring maging epekto nito ay mas matitindi at malalakas pang kalamidad, mga bago at malalang sakit sa tao at sa iba pang mga nabubuhay na nilalang sa buong mundo, at ang pagkawala ng balanse dito sa ating mundo. Sa aspeto ng kalusugan, ang mga maaring maging epekto nito ay ang pagkakaroon ng mas malalang mga sakit lalo na sa balat ng tao, maaaring magkaroon ng kanser sa balat na mahirap gamutin, mga biglaang pagsakit ng ulo, pagkakaroon ng malalang sipon at ubo, kakaibang mga sakit na bago pa lamang matutuklasan, malalang trankaso, at mas matitindi pang kaso ng “heat waves.” At kung sa panahon naman ang pag-uusapan, ito naman ay magdudulot ng mas marami pang madadalas at mas malalakas na mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tagtuyot, bugso ng init o “heat waves”, bagyo, at buhawi. Magdudulot naman ang tagtuyot ng mas malawak na mga disyerto sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kasama na sa malalang epekto nito ay ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura na magdudulot ng pagkatunaw ng yelo sa ating karagatang Arktiko at Antartiko, mga bundok ng yelo, at iba pang mga lugar na kung saan ay may malalaking tipak ng yelo o “iceberg.” Dahil dito, bibilis ang karaniwang pagtaas ng mga karagatan na aabot sa pagitan ng pito hanggang dalawampu’t tatlong pulgada ang taas sa katapusan ng taon, at kapag nagpatuloy pa ang pagkatunaw ng yelo sa ating hilaga at timog polo ay maaaring tumaas pa ito ng apat hanggang walong pulgada ang taas na maaari ng magbura ng isang mababang lugar o bayan sa mapa. Magkakaroon din ng malaking pagbabago o pagtaas sa dami ng mga pag-ulan sa buong mundo. Kaya magkakaroon din tayo ng mas madadalas na pagbaha at tagtuyot, at magdudulot din ito ng pagiging asidik ng ating mga karagatan. Maaari ring magkaroon ng kakulangan sa pagkain at sa malinis na inuming tubig. Mas matinding epekto pa nito ay ang pagkagulo o unti-unting pagkawala ng balanse dito sa ating mundo tulad na lamang ng pagkaubos at pagkamatay ng mga hayop at ng mga halaman na maaaring humantong sa pagkawala o “extinction”. Ayon sa isang mananaliksik na si Bill Fraser, ang populasyon ng mga pares na “Adélie penguins” sa Antartika ay bumaba mula 32,000 na pares hanggang maging 11,000 na pares na lamang sa loob ng talumpung taon. At maaaring ang ilan sa mga hayop tulad ng paruparo, lobo, at ibon, at ang ilan din sa mga halaman ay lumipat sa itaas na bahagi ng mundo kung saan naroon ang malamig na klima. At ayon naman sa isang siyentipiko na si Ian Stirling na isang eksperto sa mga “polar bear”, ang mga ito raw ay maaaring mawala kapag ang karagatan ng yelo ay naglaho na, at ito ay sa kadahilanang din na sasapat ang kanilang pagkain at mawawala ang kanilang tirahan. Ayon sa World Meteorological Organization noong ika-15 ng Disyembre 2005, ang taong 1998 ang naitalang pinakamainit na taon, ngunit ito ay wala pang tulong mula sa El Niño o ang panahon ng tagtuyot. Ang naitalang impormasyong ito ay isang malinaw na pahiwatig lamang na ang “Global Warming” ay nagsimula na. Ang lahat ng mga ito ay maaaring mangyari sa hinaharap ngunit ang iba ay nagsimula ng maganap sa panahon natin ngayon, at ang lahat ng ito ay magpapatuloy pa hanggang sa malutas at makaisip ng mas epektibong solusyon sa isang napakalaking problemang tinatawag nating “Global Warming”.
Solusyon
Ang “Global Warming” ay isang malalang problema, ngunit sabi nga nila “ang lahat ng problema ay may kaakibat na solusyon” pero hindi lamang iisang tao ang dapat na lumutas nito, dapat ay mayroong pagtutulungan upang maiwaksi o masolusyunan ang problemang kinakaharap nating lahat. Isa sa mga solusyon ay ang “mitigation”, ito ay ang paraan na kung saan pinapahina o pinipigilan ang pagiging malala ng problemang ito. Ayon sa IPCC, ang “mitigation” ay isang aktibidad na kung saan binabawasan ang paglalabas ng mga “Greenhouse Gases” o ang pagsasaayos sa kapasidad ng tinatawag nilang “carbon sinks” upang maging epektibo sa pagbabawas o paghigop nito sa mga “Greenhouse Gases” sa ating himpapawid. Isa pang parte nito ay ang “carbon capture and storage” na isang proseso na kung saan ang “Carbon Dioxide” na galing sa mga pabrika ay kinukulong at inilalagay sa ilalim ng lupa. Ang “adaptation” o ang pakikiayon sa kapaligiran ay isa pa sa mga solusyon, na kung saan ang isang tao ay gumagawa ng paraan upang maging handa sa anumang pwedeng mangyaring sakuna o kalamidad. Isa pang konsepto na malapit sa “adaptation” ay ang “adaptive capacity”, ito ay ang abilidad ng isang sistema na makiayon sa pabagu-bagong panahon. Makatutulong din ang pagpapatupad ng mga polisiya o batas na nagsasabing bawasan ang paggamit ng mga bagay na naglalabas ng mga “Greenhouse Gases”, at ang pagkakaroon ng mga seminar sa iba’t ibang lugar upang magkaroon ng higit na kaalaman o kamalayan ang mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ang isa sa mga matalinong solusyon sa problemang ito, dahil kapag ang mga tao ay nagkaroon ng kamalayan, maiisip nila kung paano ito mapipigilan kahit sa simpleng paraan lamang. Ang mga paraang ito ay makatutulong sa pagresolba sa problemang ito; * Paggawa ng mga gusali at tahanan na maka-kalikasan o “green homes”, dahil ang mga ito ay ekonomikal at maka-kalikasan na kung saan nakababawas ito sa polusyon at sa iyong bayarin sa kuryente na tinatawag ding “energy-efficient”. * Ang paggamit ng “compact fluorescent lights o CFL’s” at ng iba pang mga bagong kagamitan sa bahay tulad ng “air conditioners”, “water heaters”, at refrigerator dahil ang mga ito ay “energy-efficient”. * Sa transportasyon, ang paggamit naman ng “fuel-efficient” na sasakyan ay nakatutulong upang hindi na lalong dumami pa ang mga “Greenhouse Gases” sa ating himpapawid. * Maaari din naman maglakad na lamang imbes na sumakay kung malapit lamang ang iyong pupuntahan, nakatutulong ka na sa kapaligiran, nakapag-ehersisyo ka pa. * Iwasan ang pagsusunog ng mga basura lalong-lalo na ang mga plastic dahil ito ay naglalabas ng gas na “Methane” na nakasisira sa ating “Ozone Layer”. * Iwasan rin ang paggamit ng mga plastic na mga bagay, sa halip ay gumamit ng mga bagay na “Biodegradable” tulad ng paper bags atbp. * Ang simpleng pagpatay at pagtanggal sa saksak ng mga kagamitan sa bahay kapag hindi ginagamit ay nakatutulong na rin. Ang “Global Warming” ay isa lamang sa mga senyales na malapit na masira ang ating mundo, pero hindi pa ito ang katapusan. Ang talagang kailangan upang masolusyonan ito ay ang pagtutulungan ng bawat isa, at ang pinakamahalagang solusyon ay ang pagkakaroon ng pananampalataya at pagtitiwala sa ating Diyos na may likha ng lahat. Ating pakatandaan, na kung walang kikilos ngayon para problema’y mapigilan, darating ang araw na wala na tayong masisilayan, kundi ang binunga ng ating mga kamalian. Mayroon nga po tayong kasabihang, “nasa huli ang pagsisisi”.
VI. Konklusyon

Natuklasan ng mananaliksik na ang “Global Warming” o ang pag-init ng mundo na tinatawag ding “Greenhouse Effect” ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at ng mga karagatan sa buong mundo, na nagdudulot ng napakaraming malalang mga epekto hindi lamang sa sangkatauhan kundi pati na rin sa lahat ng nilikha ng Diyos sa buong mundo. Ang “Global Warming” ay nagdudulot ng mas matitindi at malalakas pang mga kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, tagtuyot, buhawi, bugso ng init o “heat waves”, at malalang mga sakit lalong-lalo na sa balat ng tao. Ang lahat ng mga ito ay sanhi ng pagsunog ng mga produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, industriyalisasyon, at modernisasyon na gawa lahat ng pinakasanhi, iyon ay ang tao. Maraming solusyon sa pagpigil sa paglala ng “Global Warming”. Nariyan ang “mitigation” at “adaptation”, ang “energy and fuel efficient” na mga bagay, ang pagtatayo ng mga “green homes” at marami pang iba, ngunit ang lahat ng mga ito ay pawang mga salita lamang at mananatiling ganito kung walang pagkilos na magaganap, kailangan din ng pagtutulungan hindi lamang ng mga mamamayan ng iisang bansa kundi ng buong sangkatauhan upang maiwaksi at masolusyunan ang pandaigdigang problemang ito. Higit sa lahat, hindi ito magagawa ng wala ang tulong ng Lumikha sa lahat ng bagay dito sa ating kapaligiran o sa buong mundo. Kailangan ng pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos na ang malaking suliraning ito ay matatapos din.
VII. Rekomendasyon

Ang mananaliksik ay nagrerekomenda sa lahat ng mga mambabasa na gagawa ng ganitong klaseng pag-aaral na patungkol sa “Global Warming” na kumalap pa ng mas maraming mga datos mula sa iba’t ibang mga bagay, tao, at pangyayari tulad ng mga aklat sa iba’t ibang aklatan, sa mga pahayagan, diksyunaryo, ensayklopidya, iba pang mga pag-aaral ukol dito, at sa “internet”, ngunit huwag maging “bias” sa iba pang maaaring pagkuhaan ng mga impormasyon. Maaari ring dumalo sa isang pagpupulong o “seminar” upang mas maintindihan pa ng wasto ang tungkol sa pag-aaral na ito. Nagrerekomenda rin ang mananaliksik na mas palawakin pa ang pag-iisip ng gagawa ng ganitong klaseng pag-aaral upang mas maging produktibo ang kanyang ginagawa, dahil kada araw na lumilipas ay may nadadagdag na mga pagbabago sa mga datos na nakalap noon hanggang sa kasalukuyan at sa hinaharap. Higit sa lahat, inirerekomenda ng mananaliksik na maging tapat, malikhain, maingat, matalino, at matiyaga ang mananaliksik na gagawa ng kahit na anong klase ng pag-aaral upang mas maging maganda, puno ng impormasyon, at produktibo ang lalabas sa ginawang pag-aaral.

VIII.Bibliyograpiya

* http://www.nrdc.org/globalwarming/

* http://environment.nationalgeographic.com/environment/global-warming/

* http://topics.nytimes.com/top/news/science/topics/globalwarming/index.html

* http://www.epa.gov/airtrends/aqtrnd95/globwarm.html

* http://www.ncdc.noaa.gov/cmb-faq/globalwarming.html

* http://www.climatehotmap.org/

* http://www.differencebetween.net/science/difference-between-climate-change-and-global-warming/

* http://www.nasa.gov/audience/forstudents/5-8/features/what-is-climate-change-58.html

* Geddes at Grosset. 2002. Webster’s Universal Dictionary & Thesaurus. David Dale House. New Lanark, Scotland.

* Goldstein, Natalie. 2009. Global Warming. Infobase Publishing, New York.

Similar Documents

Premium Essay

Global Warming

...Global Warming: Fact or Fiction * What is Global warming * Causes of global warming * Car exhaust * Aerosols * Green house effect -Too much CO2 * Concerns about global warming * Endangering animals * Flooding/Hurricanes * Change in weather * Is Global Warming Real * What are the facts * Glaciers are melting * Carbon dioxide as increased * Global temperatures are rising * Facts against global warming * Is there proof * The earth is cooling * Earth is below average temperature * Most of the CO2 is from natural causes Global warming has been a major topic for scientist and environmental advocates for years and the question still remains is global warming fact or fiction. To be able to fully answer that question first we must understand global warming, what causes it, what the effects are, and how can we change it if it does exist. Global warming is when the earth’s temperature increases, which is caused by greenhouse gasses such as carbon dioxide, water vapor, nitrous oxide, and methane. These gases trap heat and light form the sun in the earth’s atmosphere causing the temperature to rise on earth. Greenhouse gases are necessary for the survival of life on our planet but due to the large increase of average global temperatures people are pointing at human activity for speeding up the process to a degree that is deemed unsafe. Certain events have caused the natural greenhouse gases to rise...

Words: 941 - Pages: 4

Premium Essay

Global Warming

...Global Warming Jamilla Taylor June 10, 2012 Professor Eric Freeman AIU Online Global Warming I. What is Global Warming A. Climate Change 1. The cause of global warming 2. The effect of global warming II. Fight Global Warming A. What are people doing to stop Global Warming? 1. Conserving energy on a daily basis III. Reasons of Global Warming 1. Process of slowing it down 2. Consequences of global climate change Global Warming Global warming is the increase of a surface temperature that traps heat in that needs to escape from the earth, (Global Warming FAQ, n.d.). This is known as a greenhouse effect. The cause of global warming is the carbon dioxide and many other air pollutants that are in the atmosphere collect in the sky to make a thickening blanket (Global Warming, 2005). Some effects are: rising sea levels, salt water intrusion, beach erosion, extreme weather, and increased rainfall, destabilization of local climate, acidic oceans, and drought. Conserving energy is important so the earth won’t get polluted so much. When car buying choosing a hybrid vehicle is the best option, they contain gas electric engines. Carpooling puts less greenhouse gases into the air. Recycling means less trash goes to the dump to be burned. Using fluorescent light bulbs instead of incandescent bulbs save energy. Although they may cost more but they last longer and provide safer air to breathe. Reasons for global warming: * Deforestation ...

Words: 359 - Pages: 2

Premium Essay

Global Warming

...PROJECT TOPIC : GLOBAL WARMING MOHAMED HASSAN SPN150597 Contents 1. INTRODUCTION ................................................................................................................................ 2 2. DEFINITION GLOBAL WARMING .................................................................................................. 3 3. WHY DOES GLOBAL WARMING OCCURE? ............................................................................................ 3 5. CAUSES OF GLOBAL WARMING ................................................................................................... 5 6. EFFECTS OF GLOBAL WARMING .................................................................................................. 9 How will climate change affect you? Your community? The environment around you? .................... 12 4. SOLUTIONS FOR THE GLOBAL WARMING ............................................................................... 13 5. OTHER EFFECTIVE WAYS TO PREVENT GLOBAL WARMING ............................................. 15 1. Plant Trees and Bamboo................................................................................................................. 16 2. Ride a Bike ...................................................................................................................................... 16 3. Buy Less Stuff...................................................................................

Words: 3663 - Pages: 15

Premium Essay

Global Warming

...Global Warming An Inconvenient Truth, a bold message that drew all the attention throughout the world about global warming was written and presented by former Vice President Al Gore. In his documentary, Al Gore discusses many global issues as well as the personal relevance they bear in his and all of our lives today and in our futures. The book, as a whole, is a huge success. It also raises public awareness of global climate change and tells the truth that lies behind global warming. It is a very daring book. However, some critiques have been made of Al Gore’s approach. The criticism is not whether global warming is true, or whether or not An Inconvenient Truth should have won an Academy Award for best documentary, but whether Al Gore has presented the information correctly and honestly. Many people argue that he has exaggerated, and he wrote the book because he wanted to gain popularity and money. Conservatives even use Gore’s mistakes to discredit his whole book. Even though Gore has made some mistakes, his central ideas are broadly accurate, and his use of good strategies makes his argument really convincing. Since the book An Inconvenient Truth got published, many people have become nervous, and they attacked Gore personally, such as people from polluting firms and organizations that were funded by polluters. Sean Hannity reports on Fox News channel’s Hannity & Colmes when Gore was running his campaign. He says that Gore’s use of a jet from New Hampshire back to Washington...

Words: 2821 - Pages: 12

Premium Essay

Global Warming

...Astronomy 1020 Global Warming The Global Warming dispute has baffled scientists for many years and as the increasing carbon dioxide deposits continue to flood the atmosphere it is now considered one of mankind’s largest challenges in the 21st century. Global warming is climate change that causes the average temperature of the Earth's lower atmosphere to increase. Global warming can have many different causes, but it is most commonly associated with human interference, specifically the release of excessive amounts of greenhouse gases. With this gas buildup, the Earth's atmosphere warms to unnatural temperatures, which causes an increase of natural disasters and causes sea levels to rise amongst other things. This warming trend is sometimes called the greenhouse effect because gases, such as water vapor and carbon dioxide, act like a greenhouse around the earth. Scientist continue to struggle to determine whether or not the global warming and the increase in carbon dioxide emissions is caused by human burning of fossil fuels, farming, and deforestation activities or whether it is a completely natural phenomena caused by the Sun. To understand global warming’s impact on the Earth we must first understand the Sun’s contribution to the warming effects. As supplier of almost all the energy in Earth's environment, the Sun has a strong influence on our climate. According to Dr Sami Solanki, the director of the renowned Max Planck Institute for Solar System Research in Gottingen...

Words: 1097 - Pages: 5

Premium Essay

Global Warming

...Global Warming Nowadays the human life is developing continuously in every field like technology, science, education, art, society and so on. Besides that, these developments have generated many negative effects. One of these biggest problems currently is global warming, that the whole world is facing with. According to Theodore C. Sorensen, an American presidential adviser, “Global warming is for real. Every scientist knows that now, and we are on our way to the destruction of every species on earth, if we don't pay attention and reverse our course”. In fact, global warming is happing and humans are causing it. Global warming will largely affect human in the future, so it is worldwide concern. However, none all of us know exactly the definition, the reasons, the impacts of global warming, and the solutions for global warming. What is the global warming? Global warming is a gradual increase in temperature of Earth’s surface, oceans and atmosphere. Scientists have documented and accepted the global warming as fact since 1800s. According to the lasted (January 2014) analysis from NASA’s Goddard Institute for Space Studies (GISS), Earth’s average temperature has risen by 0.8 degrees Celsius (1.4 degrees Fahrenheit) since 1980. Temperatures are predicted to rise another 1.133 to 6.42 degrees Celsius (2 to 11.5 degrees Fahrenheit) over the next 100 years. These statistics of temperature change are based on many independent scientific analyses from observations of the climate system...

Words: 1966 - Pages: 8

Premium Essay

Global Warming

...Torre Simms American Intercontinental University Unit 1 Individual Project BUS 300 – Lower Division Capstone March 25, 2012 Outline I. Introduction A. What Causes Global Warning 1. Greenhouse effect 2. Human contribution B. Government Agencies report Global Warning Continues to Rise 1. Fossil fuel use has increased 2. Carbon dioxide remains in the atmosphere for many decades C. Facts and Fiction of Global Warning 1. Facts 2. Fiction II. Conclusion Global Warming: Fact or Fiction According to the New York Times, “Global warming has become perhaps the most complicated issue facing world leaders”. The debate on Global warming’s causes and effects are controversial between scientists and some politicians. Scientists believe that the earth is getting hotter due to the greenhouse effect and some politicians believe that Global warming is the natural phenomenon where the earth’s surface temperature increases due to different factors in the earth’s biosphere naturally. The greenhouse effect is basically heat from the sun being radiated back into the earth’s atmosphere and absorbed by water vapors, carbon dioxide, methane and ozone which comprise greenhouse gases. Greenhouse gases contribute to about 1% of the earth’s atmosphere but they help regulate our climate by trapping heat in the atmosphere and holding it there. The greenhouse effect is really a good thing because it helps sustain life on earth. Without...

Words: 1134 - Pages: 5

Premium Essay

Global Warming

...Humans: The Cause of Global Warming Alicia Ferrell Miller-Motte Technical College Humans are responsible for global warming for many reasons and if it is not controlled properly it can affect the future of this planet. The burning of fossil fuels, mass deforestation, and increased population are all causes of global warming. "Global warming is believed to be caused by changes in the earth's atmosphere as a result of industrial process."(Leggett 124) Global warming is the rise of Earth’s temperature causing a vast amount of issues. The sign that supports the human cause is abundant and powerful, some say it is normal for the planet to undergo such changes in atmospheric temperature. If we, as humans, do not change the way we use resources, our planet will be doomed for the future. Deforestation is a major topic in today’s era. Man has cut down trees in great amounts that has led to the obliteration of great forests and the lives of countless animals and plant types. We are unsuccessful at realizing that trees are the most important characteristics of our planet and the presence of tress does play a dynamic role. They provide homes to many, controls the climatic surroundings, and avoids soil in erosions and many more. However, trees have been disappearing at a disturbing rate and it is projected that, about 50 % of the tree cover has been removed. Trees are being cut for numerous purposes and when reforestation is not happening, the proportion between the cut trees and...

Words: 1213 - Pages: 5

Premium Essay

Global Warming

...Global Warming Anita Orzel Southern New Hampshire University Global Warming The earth has undergone periodic changes known as global cooling, and global warming. Today’s global warming is unique, due to human influences. American people should be concerned, as the world's scientific experts agree that industrial and land use activities are having an unfavorable impact on global warming. Burning of fossil fuels such as coal, oil, gasoline cause buildup in greenhouse gasses, in addition, deforestation, and destruction of ozone layer create global warming. Earth will suffer serious environmental damage if there are no precautions taken now to reduce global warming pollution. To prevent further damage to global warming caused by human activities, policies must be implemented and diligently enforced, all nations need to partake in action plan to implement policies such as fossil fuel conservation and recycling programs. Greenhouse gases help sustain life on earth by trapping heat from the sun and keeping the earth warm. Some greenhouse gasses develop naturally some occur from human activities. Naturally occurring gasses are, water vapor, carbon dioxide, methane, and nitrous oxide (An Overview of Greenhouse Gases 2009). Human activities, such as, burning of solid waste, fossil fuels such as, oil, natural gas, and coal, wood, raising of livestock, and industrial activities add to the greenhouse gasses, and destroy the ozone layer. Lynas M. (2006) burning fossil fuels release...

Words: 2415 - Pages: 10

Premium Essay

Global Warming

...The global warming hypothesis originated in 1896 when Svante Arrhenius, a Swedish chemist, developed the theory that carbon dioxide emissions from the burning of fossil fuels would cause global temperatures to rise by trapping excess heat in the earth’s atmosphere. Arrhenius understood that the earth’s climate is heated by a process known as the greenhouse effect. While close to half the solar radiation reaching the earth’s surface is reflected back into space, the remainder is absorbed by land masses and oceans, warming the earth’s surface and atmosphere. This warming process radiates energy, most of which passes through the atmosphere and back into space. However, small concentrations of greenhouse gases like water vapor and carbon dioxide convert some of this energy to heat and either absorb it or reflect it back to the earth’s surface. These heat-trapping gases work much like a greenhouse: Sunlight passes through, but a certain amount of radiated heat remains trapped. The greenhouse effect plays an essential role in preventing the planet from entering a perpetual ice age: Remove the greenhouse gases from the atmosphere and the earth’s temperature would plummet by around 60 degrees Fahrenheit. However, scientists who have elaborated on Arrhenius’s theory of global warming are concerned that increasing concentrations of greenhouse gases in the atmosphere are causing an unprecedented rise in global temperatures, with potentially harmful consequences for the environment and...

Words: 1943 - Pages: 8

Premium Essay

Global Warming

...Global warming and climate change can both refer to the observed century-scale rise in the average temperature of the Earth's climate system and its related effects. Multiple lines of scientific evidence show that the climate system is warming. More than 90% of the additional energy stored in the climate system since 1970 has gone into ocean warming; the remainder has melted ice, and warmed the continents and atmosphere. Many of the observed changes since the 1950s are unprecedented over decades to millennia. Scientific understanding of global warming has been increasing. In its fifth assessment in 2014 the Intergovernmental Panel on Climate Change reported that scientists were more than 95% certain that most of global warming is caused by increasing concentrations of greenhouse gases and other human activities. Climate model projections summarized in AR5 indicated that during the 21st century the global surface temperature is likely to rise a further for their lowest emissions scenario using stringent mitigation and for their highest. These findings have been recognized by the national science academies of the major industrialized nations. Future climate change and associated impacts will be different from region to region around the globe. The effects of an increase in global temperature include a rise in sea levels and a change in the amount and pattern of precipitation, as well as a probable expansion of subtropical deserts. Warming is expected to be strongest in the...

Words: 852 - Pages: 4

Free Essay

Global Warming

... Global Warming Global warming is a grave issue that is affecting not only the United States, but the whole world as well. Various international strategies need to be implemented so that these issues can be tackled. If taken seriously, the issue of global warming can not only be overcome, it can be prevented as well. Poll conducted in my community- family members, friends, and coworkers- asking if they felt whether or not global warming was a problem or not or undecided: Two examples of how global warming if affecting the life of our communities: * Global warming is already leading to more violent storms and less predictable weather patterns. According to the Pew Center on Global Warming, since 1995, only two years have not had above average hurricane activity. The overall number of tropical storms has not increased, but there are more storms strong enough to be called hurricanes. We will probably continue to get bigger storms, which will do more damage to coastal areas. * Global warming will have drastic effects on local ecosystems. Most plants and animals are adapted for a certain environment. Generally, each species does well when the temperature is in a certain range, and the seasons work in a regular way. As things like temperature and seasonal precipitation shift, less robust plants and animals are not going to be able to adapt quickly enough. This will result in widespread extinction. Three facts that are relevant to global warming: * Arctic...

Words: 596 - Pages: 3

Premium Essay

Global Warming

...Global Warming Did Humans start it and can it be stopped? SCI 207 Stacy Murphy October 8, 2012 Global Warming: Did humans start it and can it be stopped? Humans have used planet Earth and its resources like they had no end. But for the few years they have started coming to realization that Earth and the people on it cannot survive for much longer, if they don’t change the way they are living. Now that it has come to this, they are trying to strategize and come up with ways to try and save the planet. Can we do it or have we already gone too far past no return? Earth is in a stage called global warming. Global warming is the rise in the average temperature of the Earth’s atmosphere and oceans. Since the late 19th century, scientists have been warning the world that due to the increase of greenhouse gases in the Earth’s atmosphere, it is causes the Earth to undergo changes that are not good for humans or the planet. Some these increases are being caused by human activities such as burning of fossil fuels and deforestation. The Earth’s temperature had increased 0.8 degrees Celsius over the past 100 years and with about 0.6 degrees of this warming in the past three decades (National Research Council 2011). The effects of this increase in temperature cause the sea levels to raise, changes in the amount and pattern of precipitation, as well as an expansion in the subtropical deserts. Warming is expected to be the strongest in the Arctic from the continuing break in the...

Words: 953 - Pages: 4

Premium Essay

Global Warming

...they will attempt to give attribution to the warming, which now looks more and more like a natural cycle. See updates below. – Anthony ================================================================ Guest essay by Bob Tisdale The recently published climate model-based paper Recent global-warming hiatus tied to equatorial Pacific surface cooling [Paywalled] by Yu Kosaka and Shang-Ping Xie has gained a lot of attention around the blogosphere. Like Meehl et al (2012) and Meehl et al (2013), Kosaka and Xie blame the warming stoppage on the recent domination of La Niña events. The last two sentences of Kosaka and Xie (2013) read: Our results show that the current hiatus is part of natural climate variability, tied specifically to a La-Niña-like decadal cooling. Although similar decadal hiatus events may occur in the future, the multi-decadal warming trend is very likely to continue with greenhouse gas increase. Anyone with a little common sense who’s reading the abstract and the hype around the blogosphere and the Meehl et al papers will logically now be asking: if La Niña events can stop global warming, then how much do El Niño events contribute? 50%? The climate science community is actually hurting itself when they fail to answer the obvious questions. And what about the Atlantic Multidecadal Oscillation (AMO)? What happens to global surface temperatures when the AMO also peaks and no longer contributes to the warming? The climate science community skirts the...

Words: 1039 - Pages: 5

Premium Essay

Global Warming

...Global Warming Global warming has become perhaps the most complicated issue facing human beans and world leaders today . Warnings from the scientific community are becoming louder, as an increasing body of science points to rising dangers from the ongoing buildup of human-related greenhouse gases — produced mainly by the burning of fossil fuels and forests. Global warming is when the temperature of the earth rises which causes the earth to heat up. This effect happens because of greenhouse gases carbon dioxide ,water vapors, nitrous oxide and methane .These gases trap heat and light from the sun in the earths atmosphere which therefore increases the temperature of the earth. This is a negative impact on the earth and it effects humans ,animals, plants, and climates. A major theory to what causes global warming is the greenhouse effect . The greenhouse effect is when heat and light is trapped in earths atmosphere as a result of this happening the temperature rises. The greenhouse effect has a positive and a negative side on the positive side the greenhouse effect makes earth adaptable for people to live on, without it the earth would be freezing, or on the other hand it would be very hot. Although the greenhouse effect makes it able for humans to function and live on this earth if there gets to be to many gases the earth can get warmer and plants,animals,and humans might die. The reason why humans would die because there would be less food,corn,wheat, vegetables and fruits...

Words: 482 - Pages: 2