Free Essay

Grading System of Olgca

In:

Submitted By chachapialan
Words 5312
Pages 22
Republika ng Pilipinas
Quezon City Polytechnic University
#673 Quirino Highway, San Bartolome
Novaliches, Quezon City

“Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na Nakatapos ng Kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral”

Isang pananaliksik bilang pagtugon sa Asignaturang Pagbasa’t Pagsulat tungo sa Pananaliksik (FIL 102)

Mga mananaliksik:

Genevieve Balagon
Nena A. Colegado
Noime S. Garing
Rizza I. Maluyo
Medilyn M. Manzo
Charisse Ann P. Pialan
Jervin P. Santos

BSIT-1Q

February 2011

Republika ng Pilipinas
Quezon City Polytechnic University
#673 Quirino Highway, San Bartolome
Novaliches, Quezon City

Pagpapakilala ng Pangkat

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na Nakatapos ng Kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral” ay sinikap buuin at pag-aralan ng mga sumusunod na mananaliksik:

Lupon ng mga mananaliksik:

Genevieve Balagon
Nena A. Colegado
Noime Garing
Rizza I. Maluyo
Medilyn M. Manzo
Charisse Ann B. Pialan
Jervin Santos

PASASALAMAT Buong pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang PANGINOONG DIYOS na walang sawang sumusubaybay at gumagabay sa bawat kasapi upang matapos ang pag-aaral na ito. Salamat sa ibinibigay Mong karunungan, pag-ibig at pananampalataya sa bawat isa. Pinasasalamatan din sina Gng. Edlyn D. Manicat, Prop. Aurea E. Reyes at si Gng. Angel Reyes na naglagda at nagbigay ng pahintulot na makuha ang talaan ng mga mag-aaral na nakatapos sa taong-aralan 2009. Lubos rin naming pinasasalamatan ang aming propesor at student titser na sina Gng. Toshie Gajardo at Bb. Jackielyn Yecla, ang tagapayo na nagsilbing ina at patuloy na kumalinga sa bawat problemang dumarating sa mga mananaliksik. Salamat sa napakalawak na pag-unawa at matalinong pag-iisip sa pangaraw-araw na gawain sa unibersidad. Taos puso ring pinasasalamatan ang mga mag-aaral na nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology na nagsilbing respondente sa aming pananaliksik. Maraming salamat po sa inyong mabubuting puso. Pangalawa sa Lumikha, wagas na pagpapasalamat sa aming mga magulang na nagsilbing tubig kapag kami’y nauuhaw, nagsilbing damit sa aming kahubadan, kasing halaga ng hanging ating nalalanghap. Maraming maraming salamat, ama, papa, tatay, ina, mama, nanay at sa mga kapatid na mapagmahal at handang tumulong. Maraming salamat sa mga kaibigan, kakilala at sa mga taong nakasalamuha habang binubuo ang pananaliksik na ito. At sa huli, salamat sa edukasyon at wika na nagsisilbing palamuti sa ating katauhan at ang nagbabantayog sa karunungan. G.B
N.A.C
N.S.G
R.I.M
M.M.M
C.A.B.P
J.P.S

PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral” ay inihahandog ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology at sa kukuha pa lang ng kursong ito. Taos puso naming binuo ang pananaliksik na ito upang maipabatid sa inyo ang mga nakalap naming impormasyon patungkol sa mga kalagayan ng mag-aaral na nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Ginawa namin kayong inspirasyon upang mabuo ang pananaliksik na ito. Sana’y makatulong ang pananaliksik na ito at maging kapaki-pakinabang sa bawat mag-aaral, tagapayo, paaralan at lipunan na may kinalaman sa pananaliksik na ito. Gayunpaman, maging paraan sana ito tungo sa kabutihan at kahusayang panglohika at matematika na pag-aaral. Sa huli, muli kaming naghahandog ng kagandahang loob sa bawat isa.

G.B
N.A.C
N.S.G
R.I.M
M.M.M
C.A.B.P
J.P.S

TALAAN NG NILALAMAN

I. PAGPAPAKILALA NG PANGKAT……………………………………………… i II. PASASALAMAT…………………………………………………………………… ii III. PAGHAHANDOG…………………………………………………………………. iii IV. KABANATA I: Ang Suliranin at Sanligang Kasaysayan……………………………1 Panimula……………………………………..……………..........................................1 Sanligang Kasaysayan…………………………………...……………………………2 Balangkas Teoretikal………………………………………………………………..2-3 Balangkas Konseptwal……………………………......................................................4 Paglalahad ng Suliranin………………………………………………….....................5 Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………..5-6 Saklaw at Limitasyon…………………………………………………........................6 Katuturan ng Talakay………………………………………………………………….7 V. KABANATA II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura………………………….8 Banyagang Pag-aaral……………………………………………………………….....8 Lokal na Pag-aaral ……………………………………………………………….......8 Banyagang Literatura…………………………….......................................................9 Lokal na Literatura………………………………..................................................9-10 VI. KABANATA III: Metodo ng Pananaliksik………………………………………...11 Pamamaraang Ginamit………………………….……………………………….......11 Instrumentong Ginamit…………….………………………….............................11-12 Koputasyong Istadistikal…………………………………………………………… 12 VII. KABANATA IV: Presentasyon ng mga Nakalap na Datos………………………...13 VIII. KABANATA V: Paglalagom, Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon………21

IX. BIBLIOGRAPIYA……..……………………………………………….............21-23 X. APENDISE………………………………………………………..……………..24-25

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan blg. 1: Dahilan sa Pagpili ng mga Mag-aaral ng Kursong
Bachelor of Science in Information Technology…………………………………………….13
Talahanayan blg. 2: Dahilan ng Pagpili ng mga Mag-aaral na mag-aral sa Quezon City Polytechnic University……………………………………………………...14
Talahanayan blg. 3: Reaksyon ng mga Mag-aaral sa Napili nilang Kurso………………...15
Talahanayan blg. 4: Pagbabagong Naganap sa Buhay ng mga Mag-aaral na Nakatapos ng Kursong Bachelor of Science in Information Technology………………..16
Talahanayan blg. 5: Kasalukuyang Trabaho ng mga Mag-aaral na may Kaugnayan sa Kursong kanilang Natapos…………………………………………..17
Talahanayan blg. 6: Kasalukuyang Trabaho ng mga Mag-aaral…………………………...18
Talahanayan blg. 7: Paraan ng Pagtingin ng mga Mag-aaral sa Kursong
Bachelor of Science in Information Technology bilang Isang Propesyon…………………..19
Talahanayan blg. 8: Pananaw sa Kursong Bachelor of Science in Information Technology ng mga Mag-aaral………………………………………….….20

KABANATA І
Ang Suliranin at Sanligang Kasaysayan
A. PANIMULA

Sa panahon ngayon, karamihan sa mga kagamitan na ginagamit ay makabago na o di kaya’y moderno na, kaya naman lahat ng mga bagay-bagay ngayon ay madali na lang gawin. Sa paggamit ng mga modernong teknolohiya, napadadali ang mga bagay na dati ay mahirap, tulad na lamang ng pagkakaroon ng komunikasyon sa isang tao, kung dati nagpapakahirap na sumulat para lang makamusta ang mga mahal sa buhay, ngayon sa pamamagitan ng mga modernong teknolohiya, napadadali na ito. Tulad ng paggamit ng cellphone, telepono o di kaya’y telegrama sa kompyuter. Sa panahon ngayon maraming estudyante ang kumukuha ng mga kursong may kaugnayan sa mga makabagong teknolohiya, tulad ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Ang kursong Bachelor of Science in Information Technology ay kursong naglalayong mapalawak ang kaalaman patungkol sa makabagong teknolohiya. Naglalayon din ito na mapadali ang komunikasyon sa mga mahal sa buhay. Ang kursong Bachelor of Science in Information Technology ay naglalayon na mapasaya ang mga tao sa pamamagitan ng mga libangan sa mga kompyuter tulad ng mga tinatawag na facebook at twitter at mga larong dota, crossfire at farmville at iba pa.

Sa mga estudyanteng kumukuha ngayon ng kursong Bachelor of Science in Information Technology, kapag nakatapos ba sa kursong ito ay may mahahanap ba agad na trabaho? Hindi ba nababahala na sa dami ng estudyanteng kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology ay maaaring wala ng magandang trabahong nakalaan.

Kaya naman, matapos na pinili ng mga mananaliksik ang paksang may kinalaman sa kalagayang propesyunal ng mga mag-aaral na nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Sa paksang ito, aalamin ng mga mananaliksik ang kalagayan ng mga mag-aaral na kung saan ay may maayos na trabaho at maayos na pamumuhay bang nakamtan ang mga mag-aaral na nakapagtapos ng kursong ito. Sa ngayon ba ay napapakinabangan ng mga mag-aaral na nakapagtapos ng kursong ito ang napag-aralan? Samakatuwid, kailangan ng mga mag-aaral na pag-isipan ng mabuti kung anong kurso ang kukunin.

B. SANLIGANG KASAYSAYAN

Sa bawat pamantasan na itinatatag ay naglalayon na kunin ang bawat kaalaman ng mga mag-aaral ayon sa larangan na kinabibilangan. Ang Quezon City Polytechnic University ay isa lamang sa pamantasan na nagbibigay ng espesyalisasyon sa larangan ng Impormasyong Teknolohiya. Ang Quezon City Polytechnic University ay pamahalaang panlungsod na matatagpuan sa 673 Brgy. San Bartolome, Quirino High way Novaliches, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas.

Ito ay itinatag noong 1989 at kasalukuyang pinamumunuan ni Doktor Ofelia M. Carague. Layunin ng paaralang ito na mapalawak ang kakayahn ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Pamantasan ng Unibersidad ng Lungsod Quezon. Ang sanligang kasaysayan ng Quezon City Polytechnic University ay itinatag noong Marso 1, 1994 sa pamamagitan ng ordinansa numero 171 SPI na sumasailalim sa Lungsod ng Quezon na mangangasiwa sa pagsasanay ng mga mag-aaral.

Ang pamantasang ito ay may mga kursong may titulong College Degree (4year course) tulad ng Bachelor of Science in Information Technology, Bachelor of Science in Industrial Engineering at Bachelor of Science in Entrepreneurial Management. Mayroon ding mga kursong Bokasyonal (1 year course) tulad ng Computer Programming, Electronics, Automotive at Fashion.

C. BALANGKAS TEORETIKAL

Bawat pag-aaral ay may kaakibat na prinsipyo, at batayang teorya, dahil ang mga teorya ang nagsisilbing basehan ng pananaliksik na ito.Gabay rin ito kung totoo ba ang pag-aaral at kung may nakaraang pag-aaral na bang naganap ukol sa paksang ito.

Innovation Theory

Ang teoryang ito ay nagpapahiwatig na ang mga kadahilanan sa antas ng mga indibidwal na gumagamit ng teknolohiya ay mahalaga rin. Ayon kay Rogers(1982) nahahati ang teknolohiya o pagbabago sa limang kategorya depende sa kanilang mga bilis ng katalinuhan: “innovators”, “early adaptors”, “early majority”, “late majority” at “laggards”. Ang ganitong mga pagkakaiba ay maaaring makita bilang pagpapalinaw, hindi bababa dahil anumang pamamahagi sa paglipas ng panahon ay maaaring hinati. Gayunpaman, binigyan linaw ni Rogers ang mga kategoryang ito sa loob ng isang normal na distribusyon kung saan ang bawat “major category” (innovators at early adopters ay pinagsama para sa isang layunin) ay kumakatawan sa isang standard na paglihis ng pagpapakalat. Kaya, ang dibisyon sa pagitan ng “early” at “late” majority ay ang ibig sabihin, na may laggards at late adopters constituting limampung porsyento ng populasyon. Sa batayan na ito, ayon kay Rogers ang estima ng early adopters at innovators ay sama-samang gumawa ng labing-anim na porsyento ng kabuuang populasyon. Ang early adopters ay mayroong hindi pagkakatugma na impluwensiya sa anumang teknolohiya, at pag-aaral ng mga kategoryang ito ay nagsiwalat ng ibat ibang bilang ng pagkatao.

Actor Network Theory

Ayon sa may akda na sina Latour (1997) at Callon (1999), ang teknolohiya ay ginawa sa pamamagitan ng mga kawani na tao, pamalit para sa mga aksyon ng mga kawani na tao, at mga hugis ng tao na aksyon. Ang mahalaga dito ay ang mga kadena at gradients ng aktor-aksyon at kompitensya, at ang mga degree na kung saan piniling magkaroon ng matalinghaga representasyon. Ang pinakakonsepto nito ay ang mga tatak ng mga paniniwala, gawi, relasyon sa teknolohiya, na kung saan ay sinasabi na isama ang mga ito.

D. BALANGKAS KONSEPTWAL

Pagpapaliwanag: Sa pananaliksik ng may paksang “Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral”, ilalahad ng mga mananaliksik ang ilang impormasyong magpapaliwanag sa kaligiran ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Tutuon ang pag-aaral sa mga mag-aaral ng Quezon City Polytechnic University na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Bibigyan diin ang kahalagahan ng kurso sa kasalukuyang pamumuhay ng mga mag-aaral gayundin, ang kaugnayan ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa propesyunal nilang kalagayan sa kasalukuyan. Sa pamamagitan nito aalamin ng mga mananaliksik kung ano nga ba ang Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na nakatapos ng Kursong BSIT sa QCPU Taong-aralan 2008-2009.

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na may paksang “Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral” ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na suliranin: 1. Ano ang kursong IT? 2. Paano nakatulong ang kursong BSIT sa mga mag-aaral na nakatapos nito? 3. Gaano kahalaga ang kursong BSIT sa kalagayang propesyunal ng mga mag-aaral na nakatapos nito? 4. Ano ang kalagayang propesyunal ng mga mag-aaral na nakatapos ng kursong BSIT sa Quezon City Polytechnic University Taong Aralan 2008-2009?

F. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na may paksang “Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral” ay inilahad ang mga sumusunod na kahalagahan ng pag-aaral:

Sa mga mag-aaral, upang maging batayan ang pananaliksik na ito ng mga mag-aaral na kukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology at magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa kursong ito. Gabay nila ang mga nakalap na impormasyon ukol sa pag-aaral ng kursong Bachelor of Science in Information Technology at karagdagang detalye para sa pagtugon ng kanilang mga tanong, ideya, at pananaw tungkol sa kursong ito.

Sa mga guro ng Quezon City Polytechnic University, upang malaman ang bawat opiniyon at pananaw ng mga mag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Information Technology at kalagayang propesyunal ng mga nakatapos sa kursong ito. Nagsisilbing paraan ang pananaliksik na ito upang maging bukas sila sa mga kahihinatnan at posibilidad na maaaring mangyari at mabago sa mga mag-aaral na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology, taong-aralan 2008-2009.

Sa paaralan, upang maging gabay ang iba’t ibang impormasyon ukol sa kalagayang propesyunal ng mga mag-aaral sa Quezon City Polytechnic University na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology, taong-aralan 2008-2009 at para sa higit na kahusayang idudulot nito sa kurikulum upang mas lalong mapatibay at mapanatili ang mga kurso at programang ibinabahagi partikular na an gang kursong Bachelor of Science in Information Technology. Sa lipunan, upang maging basehan ng mga departamento at programang may kinalaman sa pag-aaral ng kursong Bachelor of Science in Information Technology at ang kaligiran ng kalagayang propesyunal ng mga nakatapos sa kursong ito.

G. SAKLAW AT LIMITASYON Saklaw ng pananaliksik na may paksang “Kalagayang Propesyonal ng mga Mag-aaral na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral” ang mga mahahalagang impormasyong may kinalaman sa kaligirang kursong BSIT. Aalamin ang kalagayang propesyunal ng mga mag-aaral na nakatapos ng kursong ito partikular na ang mga mag-aaral na nakatapos sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2008-2009. Sa kabuuang bilang na 94 na mag-aaral ng Quezon City Polytechnic University na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology taong-aralan 2008-2009, 28 na mag-aaral ang napili ng mga mananaliksik na maging respondente ng inihandang talatanungan na kaugnay ng paksa ng pag-aaral. Samakatuwid 30% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral na nakatapos ng kursong BSIT ang nagsisilbing taga-tugon ng pananaliksik.

H. KATUTURAN NG TALAKAY

Ang mga salitang nakatala sa ibaba ang ilan lamang sa mga teknikal na terminolohiyang ginamit sa pag-aaral. Information Technology- malawakang pag-aaral tungkol sa kompyuter.

Innovation- proseso na nagpapabago sa mga bagay-bagay na pagbabago sa teknolohiya.

Kurso- tumutukoy sa asignaturang itinuturo sa loob ng pamantasan o unibersidad. Paksa- ang pinag-uusapan o ang tinatalakay. Paglalahad- pagpapaliwanag tungo sa ikalilinaw ng isang usapin, paraan o pagsasakatuparan ng isang layunin. Propesyunal- taong may mataas na pinag-aralan. Porsyento- ay nangangahulugan ng resulta kapag hinati mo ang isang bagay. Teknolohiya- kadalasang inuugnay sa mga naimbento at gadyet na ginagamit. Teorya- isang uri ng kaisipang nagagamit na batayan o pamantayan, nagbabago rin ang mga ito, hindi palagian.

KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

BANYAGANG PAG-AARAL Ang pananaliksik nila ay pangangalap ng mga impormasyon ukol sa paksang “Pass or Failed: Percentage of Passing Students in taking Bachelor of Science in Information Technology.” Lumalaki daw ang porsyento ng mga bumabagsak na mga estudyante sa kursong BSIT sa kadahilanan halos karamihan ay nahihirapan at hindi nila napagtutuunan ng pansin ang pag-aaral. Nagbibigay rin ito ng impormasyon hinggil sa lumalaking bilang ng mga mag-aaral na bumabagsak sa kursong Bachelor of Science in Information Technology. Naniniwala ang mga mananaliksik ng paksang ito na napakahalaga ng pag-aaral na ito. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman kung may kakulangan sa pasilidad ng paaralan o maging ang mga guro para sa pag-aaral ng kursong Bachelor of Science in Information Technology.Bukod dito, malalaman o masusukat ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili ukol sa limitadong kaalaman nila sa kursong Bachelor of Science in Information Technology.
- www.oppapers.com

LOKAL NA PAG-AARAL

Mag-Aaral Sa Ust-Amv-Coa Sa Ikaapat Na Antas Taong 2008-2009

Sa panahon daw ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa. Mayroong aspeto ang kompyuter na tinatawag na software. Ito ay ang mga programang ginawa para mapagalaw ang kompyuter. Isang halimbawa ay ang Accounting software. Ito ay may tungkulin na magtala at magproseso ng mga transaksyon sa accounting. Ito’y gumaganap bilang isang accounting information system na nagoorganisa at nagpapadali ng gawain ng isang accountant. Ninanais nila na mapag-aralan ang epekto na dulot ng paggamit ng makabagong teknolohiya.

BANYAGANG LITERATURA

“Information Technology Support Center, Institute of Scientific and Technical Information of China.”

Ito ay nagsasaad ng pagpapatupad ng “Centre for Documentation and Information in 2000” na naglalayong maging mapadali ang pag-proseso ng mga mahahalagang dokumento na naaayon sa mga regulasyon at pagpasa ng orihinal na papeles sa pamamagitan ng Internet. Ang artikulong ito ay nagpapaliwanag kung paano mapapaunlad ang stratehiya ng Centre for Documentation and Information. Nakatuon din ito sa pagpapalawak ng bagong serbisyo sa makabagong sistema ng Agham at Teknolohiya.

LOKAL NA LITERATURA Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong.Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.Kadalasan kapag sinabing bago, lalo itong mabuti sa teknolohiya at mga lipon ng inhinyeriya. Ang kuro ng nakalaang teknolohiya na sumulong noong ika-20 siglo na isinalarawan ang katayuan kung saan di kanais-nais gamitin ang pinakabagong teknolohiya o iyong mga nangangailangan ng daan sa mga ilang sentralisadong infrastructure o bahagi o kasanayan na inangkat sa ibang dako. Nanggaling ang kilusang eco-village dahil sa ganitong hinaing. Tinutukoy ng teknolohiyang intermediate, mas tinatalakay sa ekonomiya, ang kompromiso sa pagitan ng sentral at mahal na teknolohiya ng mga bansang nakasulong at iyong mga bansang sumusulong pa lamang na hinahanap ang pinakamabisang pamamangalat ng sobrang trabaho, at di kasapatan ng salapi. Sa pangkalahatan, palagiang "intermediate" ang "nakalaang" teknolohiya. Ito ang binibigyang diin sa pag-aaral na ito. -www.google.com

KABANATA III
Metodo ng Pananaliksik

PAMAMARAANG GINAMIT Ang pananaliksik na ito na may paksang “Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral” ay nagbibigay kahalagahan sa mga pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik upang makalagak ng sapat na impormasyon. Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik ay kuwantitatibong pamamaraan na nagsasaad na kung ilang bilang ang nag-aral ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University, ilang bilang ang nakapagtapos, at kasalukuyang bilang ng mga propesyunal na mag-aaral na nakapagtapos, taong-aralan 2008-2009.

INSTRUMENTONG GINAMIT Ang mga sumusunod na talatanungan ay nagsisilbing instrumentong ginamit upang makapanayam ang mga respondente sa pananaliksik at makakalap ng mga impormasyon ukol sa kalagayang propesyunal ng mga mag-aaral na nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009. 1. Bakit mo napili ang kursong Bachelor of Science in Information Technology? a. sariling kagustuhan c. napapanahon

b. pinilit ng magulang d. impluwensiya ng magulang

2. Ano ang dahilan kung bakit ginusto mong mag-aral ditto sa Quezon City Polytechnic University?

a. malapit sa tirahan c. mababang matrikula

b. mataas na kalidad ng edukasyon d. sariling kagustuhan

3. Naging masaya ka ba sa napili mong kurso?

a. Oo,dahil nagkaroon ako ng magandang trabaho

b. Hindi,dahil hindi ko nagamit ang kursong aking napili

4. Anong pagbabago ang naganap sa buhay mo nung nakatapos ka sa kursong Bachelor of Science in Information Technology?

a. nakapagpundar ng maliit na negosyo c. tambay

b. sinamang palad gawa ng hindi inaasahang pangyayari d. wala sa nabanggit

5. Ang trabaho mo ba ngayon ay may kaugnayan sa kursong natapos mo?

a. meron c. medyo

b. wala d. malaki

6. Sa kasalukuyan ano ang trabaho mo?

a. programmer c. database encoder

b. call center agent d. wala sa nabanggit

7. Paano mo tinitingnan ang kursong Bachelor of Science in Information Technology bilang isang propesyon?

a. kumplikado dahil nangangailingan ito ng ibayong kaalaman sa agham at matematika

b. madali sapagkat ito ang propesyung gusto ko matagal na

8. Ano ang pananaw mo sa kursong Bachelor of Science in Information Technology?

a. pagpapalawak ng kaisipan c. hindi madaling pag-aralan

b. isang makabuluhang pag-aaral sa teknolohiya d. wala sa nabanggit

KOMPUTASYONG ISTADISTIKAL Ang mga mananaliksik ay gumamit lamang ng simpleng estadistika upang malinaw at madaling mabigyan ng pagsusuri at pagpapakahulugan ang mga katanungan sa mga talatanungan. Ang porsiyento ng tugon ay hahanguin batay sa pormulang nasa ibaba:

Kabuuang Pormula: Bahagdan (%) = f (Bilang ng tumugon) * 100 ` n(Kabuuang bilang ng populasyon)

KABANATA IV
Presentasyon ng mga Nakalap na Datos

Talahanayan Blg. 1- Dahilan sa Pagpili ng mga Mag-aaral ng kursong Bachelor of Science in Information Technology.

[pic]

Paliwanag: Makikita sa Talahanayan Blg. 1 ang bilang ng mga sagot ng mga mag-aaral na kung bakit nila napili ang kursong Bachelor of Science in Information Technology. Nangunguna ang titik A. Sariling kagustuhan, na may pinakamataas na bahagdan na may bilang na 11 na mag-aaral o 39.28%, sumunod ang C. Napapanahon, na may bilang na 7 na mag-aaral o 25% at pantay naman ang bilang ng B. Pinilit ng magulang at D. Impluwensya ng kaibigan na may bilang na 5 na mag-aaral o 17.86%.

Talahanayan Blg. 2- Dahilan ng Pagpili ng mga Mag-aaral na mag-aral sa Quezon City Polytechnic University

[pic]

Paliwanag: Makikita sa Talahanayan Blg. 2 ang bilang ng mga sagot ng mga mag-aaral na kung bakit nila napili ang mag-aral sa Quezon City Polytechnic University. Nangunguna ang titik C. Mababang matrikula na may bilang na 11 na mag-aaral o 39.28%, sumunod ang A. Malapit sa tirahan, na may bilang na 9 na mag-aaral o 32.14% at pantay naman ang bilang ng titik B. Mataas na kalidad ng Edukasyon at D. Sariling Kagustuhan na may bilang na 4 na mag-aaral o 14.29%.

Talahanayan Blg. 3- Reaksyon ng mga Mag-aaral sa Napili nilang Kurso.

[pic] Paliwanag: Makikita sa Talahanayan Blg. 3 ang bilang ng mga naging reaksyon ng mga mag-aaral sa kursong kanilang napili. Nangunguna ang A. Oo, dahil nagkaroon ako ng magandang trabaho na may bilang na 19 na mag-aaral o 67.86%. At B. Hindi, dahil hindi ko nagamit ang kursong aking napili, na may bilang na 9 na mag-aaral o 32.14%.

Talahanayan Blg. 4- Pagbabagong Naganap sa Buhay ng mga Mag-aaral na Nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology

[pic]

Paliwanag: Makikita sa Talahanayan Blg. 4 ang bilang ng mga mag-aaral na sumagot na nabago ang kanilang buhay ng makatapos sila sa pag-aaral ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Nangunguna ang titik A. Nakapagpundar ng maliit na negosyo, na may bilang na 12 na mag-aaral o 42.85%, sumunod ang B. Sinamang palad gawa ng hindi inaasahang pangyayari na may bilang na 8 na mag-aaral o 28.57%. At pantay naman ang bilang ng mga sumagot sa titik C. Tambay at D. Wala sa nabanggit na may bilang na 4 na mag-aaral o 14.29%.

Talahanayan Blg. 5- Kasalukuyang Trabaho ng mga Mag-aaral na may Kaugnayan sa Kursong kanilang Natapos

[pic]

Paliwanag: Makikita sa Talahanayan Blg. 5 ang bilang ng mga mag-aaral na may kasalukuyang trabaho na may kaugnayan sa kanilang natapos na kurso. Nangunguna ang titik A. Meron, na may bilang na 9 na mag-aaral o 32.14%, at sumunod ang pantay na bilang na bilang ng titik B. Wala at D. Malaki na may bilang na 7 na mag-aaral o 25%. At ang titik C. Medyo na may bilang na 5 mag-aaral o 17.86%.

Talahanayan Blg. 6- Kasalukuyang Trabaho ng mga Mag-aaral

[pic]

Paliwanag: Makikita sa Talahanayan Blg. 6 ang bilang ng mga kasalukuyang trabaho ng mga mag-aaral. Nangunguna ang titik A. Programmer, na may bilang na 10 na mag-aaral o 35.71%, sumunod ang D. Wala sa nabanggit, na may bilang na 8 na mag-aaral o 28.57%, C. Database Encoder, na may bilang na 6 na mag-aaral o 21.43%. At B. Call Center Agent, na may bilang na 4 na mag-aral o 14.29%.

Talahanayan Blg. 7- Paraan ng Pagtingin ng mga Mag-aaral sa kursong Information Technology bilang Isang Popesyon

[pic] Paliwanag: Makikita sa Talahanayan Blg. 7 ang bilang ng mga paraan ng pagtingin ng mga mag-aaral sa kursong Information Technology bilang isang propesyon. Nangunguna ang titik A. Kumplikado, dahil nangangailangan ito ng ibayong kaalaman sa agham at matematika, na may bilang na 22 na mag-aaral o 28.57%, at ang titik B. Madali, sapagakat ito ang propesyong gusto ko matagal na, na may bilang na 6 na mag-aaral o 21.43%.

Talahanayan Blg. 8- Pananaw sa Kursong Bachelor of Science in Information Technology ng mga Mag-aaral

[pic]

Paliwanag: Makikita sa Talahanayan Blg. 8 ang bilang ng pananaw ng mga mag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Information Technology. Nangunguna ang titik B. Isang makabuluhang pag-aaral sa teknolohiya, na may bilang na 12 na mag-aaral o 42.86%, sumunod ang titik C. Hindi madaling pag-aralan, na may bilang na 9 na mag-aaral o 32.14%, sumunod ang A. Pagpapalawak ng kaisipan, na may bilang na 4 na mag-aaral o 14.29%. At ang huli ay ang D. Wala sa nabanggit, na may bilang na 3 mag-aaral o 10.71%.

KABANATA V
Paglalagom, Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

A. PAGLALAGOM Ang pananaliksik na ito, na may paksang “Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na Nakatapos ng Kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral” ay nagpapahiwatig na ang mga mag-aaral ngayon ay malayang makapamili ng kursong kanilang kukunin pagtuntong nila sa kolehiyo. Malaki ang pananalig ng mga mananaliksik sa Quezon City Polytechnic University na magiging daan ang pag-aaral na ito sa pag-angat ng bawat kalagayang propesyunal at pag-aaral tungkol sa makabagong teknolohiya. Higit na nakatuon ang mga nasabing pananaliksik na ito sa propesyon at kaalamang maiaambag sa bawat mag-aaral na kumukuha at kukuha pa lang ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Ang isang mag-aaral na mapapabilang sa mga nabanggit na kurso, programa at propesyon ay malaki ang posibilidad na mapayabong ang kaniyang pagmamahal sa makabagong teknolohiya. Ito’y pinakamabisang daan upang magkaroon ng sapat na kaalaman, impormasyon, at gabay ng mga mag-aaral tungkol sa nilalaman nito.

B.NATUKLASAN Sa pananaliksik na ito, na may paksang “Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na Nakatapos ng Kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral” ay may natuklasan na ang bawat bilang ng mga mag-aaral na nakatapos ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009, ay masasabing pinakamataas ang pumili ng “Sariling kagustuhan” ukol sa talatanungan na “Bakit mo napili ang kursong Bachelor of Science in Information Technology?’’, ito ay may pinakamataas na bahagdan na may bilang na 11 na mag-aaral o 39.28% na boto. Sumunod dito ang talatanungan na “Ano ang dahilan kung bakit ginusto mong mag-aral dito sa Quezon City Polytechnic University?” na nakakuha din ng pinakamataas na porsyento ng sagot sa “Mababang matrikula”. Natuklasan din namin na masaya sila sa napili nilang kurso dahil nagkaroon sila ng magandang trabaho, mga pagbabagong naganap sa buhay nila mula ng nakatapos sa dahilang nakapagpundar sila ng maliit na negosyo. Napag-alaman din namin na ang kursong natapos nila ay merong kaugnayan sa naging trabaho nila sa kasalukuyan, isa na dito ay ang programmer na propesyon. Masasabi sa pananaliksik na ito na kung titingnan bilang isang propesyon ang kursong Bachelor of Science in Information Technology, ay kumplikado dahil nangangailangan ito ng ibayong kaalaman sa lohika at matematika at dahil dito, ang naging pananaw ng mga mag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Information Technology ay isang makabuluhang pag-aaral sa teknolohiya. Samakatuwid, ang pananaliksik na ito ay nagpapatunay na sa bawat paghihirap ay may katumbas na kaunlaran sa buhay.

C. KONGKLUSYON Ang pananaliksik na ito, na may paksang “Kalagayang Propesyunal ng mga Mag-aaral na Nakatapos ng Kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Quezon City Polytechnic University Taong-Aralan 2009: Isang Pag-aaral” ay masusing pagsasarbey tungkol sa mga propesyon at kaganapan sa kanilang buhay. Napag-alaman na kaya pinili ng mga mag-aaral na pumasok o mapabilang sa propesyon ay dahil ito ay sariling kagustuhan nila. Naging malaya ang mga mag-aaral ngayon sa pagpili ng kursong kanilang kukunin na hindi kainakailangan ng impluwensiya ng magulang at ng ibang tao. Sa kabilang banda, malaki rin ang naging bahagdan ng mga mag-aaral na nagkaroon ng magagandang trabaho, kaginhawaan sa buhay, at ang mga naging pananaw nila sa kursong Bachelor of Science in Information Technology na siyang nagging daan upang lalo nilang makamit ang kanilang mga hangarin sa buhay.
D. REKOMENDASYON Ang bahaging ito ay nagpapayo na mas mainam kung ang maraming bilang ng mag-aaral dito sa Pilipinas at maging sa buong sanlibutan ay kukuha ng kursong naaayon sa kanilang kagustuhan na magiging daan sa pagpapaunlad ng kanilang sarili. Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagrerekomenda sa bawat mag-aaral at sa mga susunod pang henerasyon. Sana ay maging kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito.

BIBLIOGRAPIYA

www.google.com

www.facebook.com

www.yahoo.com

www.bing.com

www.oppapers.com

www.wikipedia.com

APENDISE

Mga Respondente ng Pananaliksik

[pic] [pic] [pic] [pic]

Aboy, Ray Anthony D. Agudon, Jorjean P. Aquino, Lynrd C. Atienza, Jessica C.

[pic] [pic] [pic]

Barbasa, Jericho Adam L. Belleza, Paula Mae B. Benaning, Jenny Vi R.

[pic] [pic] [pic] [pic]

Boncales, Michelle C. Calipara, Margarito G. Chua, Cristy B. Chua, Roselyn P.

[pic] [pic] [pic] [pic]

Condes, Angeli Y. Cu, Theresa B. Dag-um, Ronnel D. Duman, Johny S.

[pic] [pic] [pic] [pic]

Encarnacion, Guelas, Anna Angeli I. Leonero, Liway C. Mora, Karen B.

Don Johnson M.

[pic] [pic] [pic]

Navales, Maricris S. Pangilinan, Marco T. Paz, Jude Siegfreid Y.

[pic] [pic] [pic]

Ramos, Rizzaly C. Relorcasa, Alvin B. Ronan, Ilyn J.

[pic] [pic] [pic]

Sarte, Elaine Trilles, Jennylene R. Villar, Veaaa L.

-----------------------
Kaugnayan ng kursong BSIT sa Propesyunal na Kalagayan ng mga mag-aaral na nakatapos nito

Kursong BSIT

Kahalagahan ng kurso sa kasalukuyang pamumuhay

Mga mag-aaral ng QCPU na nakatapos ng kursong BSIT

Kaugnayan ng kursong BSIT sa Propesyunal na Kalagayan ng mga mag-aaral na nakatapos nito

Similar Documents