Free Essay

Gulong Ng Buhay

In:

Submitted By kimmyyyp
Words 928
Pages 4
Madalas nating maririnig o mababasa ngayon sa TV, radyo at dyaryo ang terminong climate change. Pero ano nga ba ito? Hindi ba’t palagi namang nagbabago ang panahon? Eh ano ang kaibahan ng climate change sa likas na pagbabago ng panahon? Ito ang ilan sa mga katanungan na madalas maririnig sa mga debate tungkol sa climate change—mga pundamental na tanong na mas pinapatampok pa lalo ng mga skeptiko o mga taong hindi naniniwala sa climate change.
May dalawang uri ng pagbabago sa pisikal na mundo: dynamical na pagbabago at structural na pagbabago. Subukan nating unawain ang dalawang uri ng pagbabagong ito sa pamamagitan ng ilang metaporikal na pagpapaliwanag gamit ang ilang simpleng bagay na nakikita natin sa paligid. Ang pag-aaral ng Physics ay sumusunod sa ganitong pamamaraan—ang paggamit ng mga metapora—para maintindihan at maipaliwanag ang pisikal na mga bagay.
Gamitin nating halimbawa ang kumukulong mantika sa isang patag na kalan. Kung manipis lang ang mantika at katamtaman lang ang apoy, mapapansin na may regular na mga hugis ang kumukulong mantika. Ang mga regular na hugis na ito ay parang mga maliliit na buhawi ng mantika. Ang pagbabago na nararanasan ng mantika mula sa malamig na sitwasyon hanggang sa kumukulong porma nito ay isang uri ng dynamical na pagbabago.
Habang kumukulo ang mantika, umiikot at bumibiyahe sa iba’t ibang posisyon sa loob ng mantika ang molecules nito. Sa madaling salita, nagbabago ang posisyon pati na rin ang bilis ng pagtakbo ng molecules. Dynamical ang pagbabagong ito dahil wala naman tayong binabago sa kabuuang sitwasyon. Nananatiling katamtaman ang apoy at hindi natin dinadagdagan o binabawasan ang mantika. Ang lakas ng apoy at dami ng mantika ay tinatawag na parameters.
Kung lalakasan natin ang apoy o bubuhusan ang kalan ng dagdag na mantika, magbabago rin ang takbo ng molecules at maaaring magbago din maging ang hugis ng mga buhawi bagama’t maaaring regular pa rin ito. Ang pagbabago na ito’y isang halimbawa ng istruktural na pagbabago. Ang istruktural na pagbabago ay dala ng pagbabago ng parameters ng isang sistema. Sa sistema ng pinapakuluang mantika, ang pagbago ng parameters ay nagpabago ng hugis ng mga buhawi maliban pa sa ibang mga pagbabago sa sitwasyon.
Kung lalakasan pa natin lalo ang apoy, may iba pang mga istruktural na pagbabago ang ating mapapansin. Kung sobrang malakas ang apoy, maaaring masusunog ang mantika at mapapansin ang pagbabago ng kulay at amoy nito, ilan sa mga istruktural na pagbabagong nangyari sa kumukulong mantika. Sa kabilang banda, kung papanatilihin naman ang lakas ng apoy ngunit babaguhin ang lalim ng mantika sa pamamagitan ng pagbuhos sa kalan ng napakaraming mantika, posibleng mawawala na ang regular na mga hugis at magiging paiba-iba ang laki at hugis ng mga buhawi.
Gumagalaw ang atmosphere ng ating mundo, dala na rin ng pag-init ng mga kontinente at mga karagatan. Ang sikat ng araw na napipigilang makalabas sa ating mundo ng mga gas sa hangin na tinatawag na greenhouse gases ay lalong nakakadagdag sa pag-init ng mundo. Ang napakaraming binubuga na GHG ng industriyalisadong mga bansa ang siyang dahilan ng mabilis na pagkonsentra ng GHG sa sangkahanginan nitong nakaraang siglo. Ang pagbabago na ito ng ating klima ay isang istruktural na pagbabago at ang tinutukoy na pinakadahilan ng istruktural na pagbabagong ito ay ang napakadaming GHG na dinagdag sa ating sangkahanginan—ang climate change ay isang istruktural na pagbabago at ang dami ng GHG sa sangkahanginan ay ang pangunahing parameters dito.
Dahil dito, mas maraming sikat ng araw ang nananatili sa ating mundo, imbes na makalabas mula dito papunta sa kalawakan. Nagresulta ito sa mas mabilis na pag-init ng ating mundo at nagpabago sa galaw ng hangin: mas malakas at mas madalas na bagyo at pag-ulan ang nararanasan at patuloy pang mararanasan ng mga bansang nasa paligid ng malalaking karagatan—Pasipiko, Atlantiko, at Indian.
Sino ngayon ang may pananagutan sa mga kalamidad na dala ng climate change? Malinaw na ang malalaking industriyalisadong bansa tulad ng Estados Unidos, European Union, at Hapon na siyang may pinakamaraming idinagdag na GHG sa atmosphere ng mundo ang may malaking pananagutan sa climate change. Halos walang naidagdag dito ang Pilipinas, 0.3% lamang, ngunit tulad ng iba pang mahihirap na bansa’y nakakaranas ng malawakang pagkasira ng buhay, kabuhayan, at tirahan dulot ng mga kalamidad na kaakibat ng climate change. Isa ang Pilipinas sa mga nangungunang sampung bansa na pinaka-apektado ng climate change. Kaya naman lumalakas ang panawagan ng mahihirap na mga bansa na magbayad ang mayayamang mga bansa.
Hanggang ngayon, gumagawa ang mayayamang bansa ng kung anu-anong taktika para lang matakasan ang kanilang pananagutan. Ang mga taunang negosasyon ng mga bansa para magtalaga ng pondo para sa mitigasyon (pagbawas sa masamang epekto), adaptasyon (pag-angkop sa mga pagbabago), at pagbangon mula sa mga kalamidad tulad ng bagyo, landslide, at baha, ay paulit-ulit na nauuwi sa wala. Paulit-ulit itong pinapaasa ang mahihirap na mga bansa sa pangako ng mga mayayamang bansa.
Patuloy na bumubuga ng GHG ang mayayamang bansa na siyang lalong nagpainit sa ating mundo. Patuloy din nating pagkaisahin ang buong bayan, hindi lamang para makaangkop sa mga kalamidad na dulot ng climate change, kundi para mapalakas ang ating boses sa pandaigdigang pangangalampag at paniningil. Kasama natin sa paniningil na ito ang naghihirap na mga mamamayan ng iba pang mahihirap na bansa at progresibong mga mamamayan ng mga mayayamang bansa. Bilang isang istruktural na pagbabago, nangangailangan din ng istruktural na pagbabago sa lipunan ng buong daigdig ang climate change. At isa sa susing parameters dito ay yung kontrol ng mga mamamayan sa pagpapatakbo ng mga industriya.

Similar Documents

Free Essay

Philo Finals

...1. May pag-uunawang maihahambing sa pagtingin at ito’y nararanasan din ng mga bulag. May pagkakataong maari akong gumanap ng wastong paniniwala sa isang kapwa-tao. Ang dalawang pagmumulat na ito ay bahagi ng pagkagising ko sa pilosopiya bilang gawain. Ang pag-uunawa ay isang pilit na pag-intindi sa meron. Ito ay ang pag-iintindi sa nagmemeron, sa totoong nangyayari, sa nagpepresensiya. Ang pagtingin ay kung ano ang nakikita ng mata, at ang nakikita mo ay ang meron. Sa pagtingin, may abstraksyo na nagaganap, na kung saan hinihiwalay mo kung ano ang nakikita mo. Halimbawa, ang paghihiwalay ng pisikal na kaanyuan ng tao at ang kanyang pagkatao. Ginagawa ito para mas maintindihan ang tao. At sa pagbibigay ng kahulugan sa kung ano ang nakikita mo, gumagawa ka ng konsepto sa bagay na iyon. Sa pamamagitan ng konsepto, pinipilit mong iniintindi ang katotohanan o ang meron. Ang bulag ay maaring tingnan sa literal na paraan, na kung saan dahil hindi niya pwedeng gamitin ang kanyang mga mata, umaasa nalang siya sa kanyang ibang pandama para makakuha ng meron. Kung titingnan natin, mas okay itong paraan na ito dahil maiiwasan ang 1st at 2nd katamaran dahil umaasa tayo sa iba nating pandama. Pwede rin tingnan ang bulag sa hindi nakikita ang meron. Hal, noong bago ako pumunta ng manila para mag-aral, sabi ng mga tao na nakakatakot ang Manila, mahohold-up ka, kaya nagkaroon na ako ng konsepto na mapanganib ang Manila. Pero konsepto lang ito kasi hindi ko pa nararanasan kung totoo. Pwede...

Words: 2138 - Pages: 9

Free Essay

Filipino

...JENNYLYN M. SUDARIA IA14111 Kalikasan – Saan Ka Patungo? ni: Avon Adarna Nakita ng buwan itong pagkasira, Mundo't kalisakasan ngayo’y giba-giba, Ang puno – putol na, nagbuwal at lanta, Ang tubig – marumi, lutang ang basura. Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan, Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam, At nakipagluhaan sa poong Maylalang, Pagkat ang tao rin ang may kasalanan. Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon, Nasira ng usok na naglilimayon, Malaking pabrika ng goma at gulong, Sanhi na ginawa ng pagkakataon! Ang dagat at lawa na nilalanguyan Ng isda at pusit ay wala nang laman, Namatay sa lason saka naglutangan, Basurang maburak ang siyang dahilan! Ang lupang mataba na bukid-sabana, Saan ba napunta, nangaglayag na ba? Ah hindi… naroon… mga mall na pala, Ng ganid na tao sa yaman at pera. Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan, Ginawa na ng tao na basurahan, At kung dumating ang bagyo at ulan, Hindi makakilos ang bahang punuan. Ang tao rin itong lubos na dahilan, Sa nasirang buti nitong kalikasan,  At darating bukas ang ganti ng buwan, Uunat ang kamay ng Poong Lumalang! “Na-Ondoy, Na-Pepeng” Bugtung-bugtong, anak ng pungapong Aral ni Tandang Pepeng at Ondoy Pakinggan, pakinggan, mga Ineng at Utoy Upang tumalino sa susunod na panahon: Unang aral na dapat matutunan Hindi dapat ginagahasa si Inang Kalikasan Sapagkat kapag nagbuntis ang sinapupunan Hindi biyaya ang supling kundi kamatayan! Ikalawang aral na dapat tumimo Sa kukute natin...

Words: 509 - Pages: 3

Premium Essay

Desiderata

...Desiderata by Max Ehrmann  Go placidly amid the noise and haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even the dull and the ignorant; they too have their story.  Avoid loud and aggressive persons, they are vexations to the spirit. If you compare yourself with others, you may become vain and bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself. Enjoy your achievements as well as your plans.  Keep interested in your own career, however humble; it is a real possession in the changing fortunes of time. Exercise caution in your business affairs; for the world is full of trickery. But let this not blind you to what virtue there is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.  Be yourself. Especially, do not feign affection. Neither be cynical about love; for in the face of all aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.  Take kindly the counsel of the years, gracefully surrendering the things of youth. Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune. But do not distress yourself with dark imaginings. Many fears are born of fatigue and loneliness. Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.  You are a child of the universe, no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it...

Words: 1332 - Pages: 6

Premium Essay

Salawikain

...Salawikain 1. Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa. 2. Ang buhay ay parang Gulong,minsan nasa ibabaw,minsan naman ay nasa ilalim. 3. Ang isip ay parang Itak,Sa hasa tumatalas Bugtong 1. Kabaong na walang takip, BANGKA Sasakyang nasa tubig. 2. Tumakbo si Tarzan, ZIPPER Bumuka ang daan. 3. Nagsaing si Betong, BIBINGKA Nasa ibabaw ang Tutong. ALAMAT Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo'y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kani·kanilang mga suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari. Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan kung ligtas ang kaniyang amo. Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan ng bahay. "Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa." bulong ng daga sa sarili. Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto. Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang...

Words: 1313 - Pages: 6

Free Essay

Pandora

...Allyssa R. Scene 1 Narrator: Ang buhay ng tao ay isang gulong. Patuloy na umiikot, patuloy na tinatahak ang ibat-ibang uri ng landas. Sa pagtahak na ito, minsan tayo ay nababahiran ng dungis ang ating buhay. Walang perpektong buhay sa mundong ito. ∞LIGHTS ON Ngunit noong unang panahon perpekto ang kanilang buhay. Ang kwentong ito ay magmumulat sa inyong puso’t isipan ng kahalagaahan ng pasunod at pag-asa sa ating buhay. (NAG-SASAYA ANG MGA LALAKI) Lalaki1: Napaka-saya ng ating buhay! (tatayo) Lalaki2: S’ya nga, wala na akong mahihiling pang iba! Lalaki3: Hindi na natin kailangan humiling pa sa mga Diyos at Diyosa! Hindi na! (tatawa) Lalaki4: Wala na tayong panahon na sumamba sa kanila dahil hindi na tayo mag kanda mayaw na ubusin ang mga biyaya dito! (magtatawanan ang lahat) Lalaki5: Eto pa! (hinihingal) kaya na natin na buhay na wala sila!. (Magtatawanan at mag-iinuman ang mga kalalakihan) ∞DIM LIGHTS ∞CENTER LIGHTS sa mga Diyos at Diyosa Athena: Lapastangan ang inasal ng mga mortal! Niyurakan nila ang ating mga pangalan! (galit) Ares: Ang lalakas ng kanilang mga loob, na mag-sambit ng mga ganong na salita! (galit) Hera: Kung hindi dahil sa atin, wala sila! Wala silang matatawag na daigdig! Wala silang mga buhay! (galit at nag-mamalaki) Aphrodite: Masyado kayong mainit. Sa palagay ko kailangan na ninyong mag-palamig. (malamig ang boses) Hephaestus: Tama si Aphrodite, huminahon kayo. Athena: Palibhasa’y wala kang alam. Napakitid ng iyong utak Aphrodite! ( galit ) ...

Words: 1348 - Pages: 6

Free Essay

Utilitarianism

...dayuhang tribo na permanenteng nanirahan sa ibabang bahagi ng Yellow River (Huang Ho). Ito rin ang ikalawang namamanang dinastiya sa Tsina. 4. 4. Si Tang ang tagapagtatag ng Shang; ay gumamit ng mga aral mula sa mga labi ng nakaraang dinastiya, trinato niya nang mabuti ang kanyang mga mamamayan at gumamit ng maraming magagaling at matatalinong ministro. 5. 5. Nagkamit ng malaking progreso ang Shang sa ekonomiya, teknolohiya, kultura at politika sa panahon ng paghahari ni Tang. 6. 6. Dahil sa tunggaliang pampulitika para makamtan ang kapangyarihan sa korteng imperyal at sa patuloy na pakikidigma sa mga tribo sa hanggahan, limang beses na inilipat ang kabisera ng Shang. 7. 7. Ang pinakakilalang paglipat ay naganap noong panahon ng paghahari ni Haring Pangeng, ang ika-17 hari ng Shang. Muli niyang itinayo ang kabisera sa Yin, sa lunsod ng Anyang ng lalawigang Henan. 8. 8. Nang maitatag ang bagong kabisera, hindi na ito nagbago sa buong panahon ng Shang, kaya, ang Dinastiyang Shang ay laging tinatawag na "Ang Yin" o "ang Dinastiyang Yin- Shang". 9. 9. Agrikultura o Pagsasaka Natuklasan ng mga arkeologo sa mga labi ng Yin, na ang Shang ay isang lipunang pansakahan, at mataas ang pamantayan sa agrikultura. Mayroong sistemang irigasyon upang mabigyang-lunas ang pagbaha ng ilog Huang Ho . 10. 10. Malawakang ginagamit noon ang mga ararong bato, pala, karet at irigasyon. Ang mga pangunahing pananim ay kinabibilangan ng millet at trigo. 11. 11. Industriya Umunlad din nang...

Words: 1303 - Pages: 6

Free Essay

Case Study on Bipolar Disorder

...Maligayang Pasko - Breezy Boyz & Girlz Intro: Pasko, pasko (repeat 4x) 1st verse: Ramdam mo ba (ramdam ko na) Ang simoy ng hangin Malambing na, malamig na, Palapit na ang diwa ng kapaskuhan Sa bawat sulok ng mundo Wala nang hihigit pa sa Pasko ng Pilipino (ng Pilipino) Kahit san naroroon Anong saya na makitang may ngiti Sa mukha ng bawat isa Maligaya ang Pasko dahil ang lahat ay nagkakaisa Refrain: Sama-sama sa salo-salo Pagmamahalan walang halong pagtatalo Lahat tayo'y magdiriwang Para sa araw ng Kanyang pagsilang CHORUS: Hindi man ganun kadali ang buhay Hiling ko'y magkaron ng ngiti Tunay na liliwanag ang Pasko Pasko ng bawat Pilipino (Pasko ng bawat Pilipino) San mang sulok ng mundo Maligayang Pasko satin Dahil sama-sama tayo sa munting salo-salo ngayong Pasko. 2nd verse: Maliwanag ang paligid dahil sa mga parol na nagniningning Buksan ang pinto sa mistulang anghel Ang mga batang nangangaroling (batang nangangaroling) Pasko, pasko Pasko na namang muli Pasko, pasko Paskong puno ng ngiti Sa may bahay ang aming bati Awit na maririnig mo palagi Sama-sama sa salo-salo Pagmamahalan walang halong pagtatalo Lahat tayo'y magdiriwang Para sa araw ng Kanyang pagsilang.. CHORUS: Hindi man ganun kadali ang buhay Hiling ko'y magkaron ng ngiti Tunay na liliwanag ang Pasko Pasko ng bawat Pilipino (Pasko ng bawat Pilipino) San mang sulok ng mundo Maligayang Pasko satin Dahil sama-sama tayo sa munting salo-salo ngayong Pasko. Bridge: Sana ngayong Pasko Ay nasa puso mo Ang tunay na regalo...

Words: 919 - Pages: 4

Free Essay

Report Noli Me Tangere Kabanata 57-58

...kahalagahan ng pakikipagkapwa tao. * Maipaliwanag ang mga kaganapan sa nasabing kabanata ng Noli Me Tangere. * Masuri ang iba’t-ibang kanser ng lipunan na matutunghayan sa nasabing kabanata. * Masasagot ang mga mahahalagang tanong sa kabanata 57-58 II. Pamaraan A. BALIK ARAL 1. Sino ang dumakip kay Ibarra? -Sarhento 2. Bakit gulong-gulo ang isip ni Elias nang pumasok siya sa bahay ni Ibarra? –Dahil naalala niya ang sinapit ng kanyang angkan. 3. Sino ang may kagagawan ng pagkasunog ng bahay ni Ibarra? -Elias 4. Kumalat ba ang mga sabi at kuro-kuro sa bayan tungkol sa nangyari kila Ibarra? -Oo 5. Sino ang tinutukoy ng utusang babae na nagbigti sa puno ng santol? -Lucas B. PAGBIBIGAY NG MAHALAGANG TANONG “Magtatanim ka ba ng sama ng loob sa mga taong natulungan mo at tinalikuran ka kapag ikaw naman ang nangailangan?” C. Pagganyak Istratehiya: Video Presentation (The Passion of the Christ clip mula sa YouTube) D. Paglinang sa Aralin * Pagpapabasa ng Kabanata 57-58 * Pagbuod ng mga pangyayari sa Kabanata Istratehiya: Powerpoint Presentation E. Halagang Pangkatauhan Tumingin muna sa sarili bago manghusga sa kapwa. F. Pagpapaliwanag sa sinabi ng tauhan at pag-uugnay sa sariling buhay. “Tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sisi at tinatawag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao, hangga’t...

Words: 600 - Pages: 3

Free Essay

Fuck You

...Francisco Buod ng Nobela Nobela ni Lazaro Francisco, ang Maganda pa ang Daigdig ay naglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal. Nagbalik siya sa Pinyahan makaraan ang digmaan, at hinanap ang kaniyang anak na si Ernesto. Makikilala niya si Kumander Hantik na hihimukin siyang sumama sa kilusan upang wakasan ang bulok na sistemang agraryo. Tatanggi si Lino. Darating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na lupain at magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya kay Bb. Sanchez. Darating ang sandali na masasangkot siya sa gulong, at pagbibintangang pumatay sa isang lalaki. Mabibilanggo siya, ngunit makatatakas, kasama ang iba pang bilanggo, at magbabalik sa kaniyang lalawigan. Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong maylupa. Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan. Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao. Pagpapahalaga Ang panalangin ay mabisang paraan sa matapos ang giyera o ano mang hindi pagkakaunawaan sa panig ng dalawang taong nagtatalo. Sa lahat ng problema o sitwasyon ay mayroong solusyon. Kahit gaano pa man ito kahirap mayroon pa ring pag-asa at mga taong may mabubuting loob na tutulong. Hindi kailangan na ang buhay dito sa mundo ay...

Words: 3453 - Pages: 14

Free Essay

Diyosa Ng Asya

...Mga Diyosa sa Asya Hapon -Si Amaterasu  O-mi-kami ay ang Diyosa ng araw ng mgaHapones. -Sakanya nagmula ang mga emperador ng Japan. -Prominenteang sagisag ng araw sa bandila ng Japan dahil sa pagpaphalaga sa kanya. Dravidian  -Naniniwala rin sa a Diyosa at isa rito ayang diyosa ng buwan.  -Sapagdating ng mga Indo-aryan, naging lalaki lamang ang kanilang mga diyos Mga kababaihan sa Batas ni Hammurabi -Sa panahon ng mga Babylonians, isinabatas ni Haring Hammurabi ang maraming kaugalian na umiiral sa lugar. Ang nanging resulta ay ang batas ni Hammurabi.                 -Sinalamin ng ilang probisyon ng batas ni Hammurabi ang mababang pagturing sa kababaihan.                 Halimbawa:                                 Ang babae ai itinuring na bagay na maaaring ikalakal. Kaya’t ang pag-aasawa ay maituturing na isang transaksyong pananalapi. Ang ama ng babae at ama ng lalaki ang papasok sa isang kontrata. Magbibigay ng regalo, na karaniwan ay pera, ang ama ng lalaki sa ama ng babae. Kung sasang-ayon ang ama ng babae sa regalo, bibigyan niya ang kanyang anak na babae ng dote na mananatili sa kamay ng babae sa oras na ikasal siya. Ang doteng ito ay nagsisilbing proteksyon sa babae.                 -Madalas na pagkabata pa lamang ay inaayos na ang pagkasundong magpakasal ang isang babae at lalaki. Sa oras na may sapat na gulang na ang babae, sila ng lalaki ay maaari ng magbuklod. Samantala, ang babae ay nanatiling nakatira sa sariling bahay.                 -Ayon sa...

Words: 1994 - Pages: 8

Free Essay

She's Dating the Gangster

...Pansamantala Lahat ng bagay sa mundong ito may hangganan, nawawala at natatapos. Bakit nga ba kailangan natin mabuhay kung mamamatay din naman tayo? Bakit kailangan may yumayaman? May humihirap? May lumiliit? May lumalaki? Bakit dadating sa point sa sobrang hina natin? Na minsan naman sobrang lakas natin. Bakit tayo ginawa sa mundong ito? Bakit kailangan may hirap kang maranasan bago makamit ang saya? Bakit may nawawala at dumadating kung minsan naman bumabalik? Bakit may nag mamahal at may nasasaktan? Bakit kita nakilala? Sabi mo mahal ma ko. Pero iniwan mo ko eh. Sabi mo forever tayo. San na yun? Sabi mo hindi mo ko bibitawan. Ang unfair no. Napakasakit pala talagang magmahal.. Bakit mo kasi sinabing mahal mo ko kung iniwan mo ko lang din naman ako? Bakit mo kasi ako iniwan? Bakit? Bakit? Bakit? Oo nga pala, lahat ng bagay sa mapaglarong mundong ito, PANSAMANTALA lang. Parang ako, PANSAMANTALA mo lang mamahalin. Ako si Dianne Cassey Fuentabella. They call me Yannie. Long legged, chinita, di katangusan ang ilong pero keri na. May kaya din kami. Madami akong suitors. Madami din akong boyfriend cause Im sexy and I know it <3 HAHAHAH. I hate rejections. Sobrang hirap ako magtiwala. Wala akong kaibigan and I don’t care, uh? I forgot. I have Micko. my one and only friend. Isa pala akong REBELDE. Sa magulang at sa mundo. Ang buhay ko dati, umikot sa alak, sa sigarilyo sa panlalake. Dahil ang buhay ko noon, puro sakit, poot, galit, inis. Pero nung nakilala ko siya nagbago ang...

Words: 8686 - Pages: 35

Free Essay

Dota

...PANANALIKSIK UKOL SA PAMUMUHAY NG ANIM NA PILING PAMILYANG PILIPINO NA NANINIRAHAN SA TABING DAGAT Isang Pamanahong Papel naIniharap sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte, Syensya at Edukasyon sa Unibersidad ng Batangas Bilang Pagtupad SA Isa Sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik Iniharap kay Gng. Emilia Laguardia Guro sa Filipino 2 Marso, 2012 DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang “PANANALIKSIK UKOL SA PAMUMUHAY NG ANIM NA PILING PAMILYANG PILIPINO NA NANINIRAHAN SA TABING DAGAT” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa isang grupo nina: Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino,  bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2,  Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. PASASALAMAT Buong-puso namin pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo pamanahong-papel na ito: -Gng. Emilia Luaguardia , ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda at mailathala ang aming papel, - sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aming pinaghanguan ng aming mahahalagang impormasyon sa una at ikalawang kabanata ng pamanahong papel na ito, - sa aming mga...

Words: 3759 - Pages: 16

Free Essay

Modyul

...Tangere III (Kab.17-32) PANIMULA Ang modyul na ito ay makakatulong sa iyo upang tumuklas ng bagongt kaalaman msa araling ito.Ito’y makakatulong upang mapayaman ang inyong kaalaman tungkol sa panitikan at maaaring kapaulutan Ng aral.Handa ka na bang matutunan ang araling ito? PANANAW Malaki ang maitutulong sa iyo ng babasahing kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere .Sapagkat ito ay may mensahe o0 aral na maaring makatulong sa iyo para maging isang mabuting bata. PAALALA Naririto ang mga tagubilin upang mabatid mo ang mga nilalaman ng modyul na ito. 1.Basahin at pag-aralan ang modyul na ito. 2.Huwag susulatan at iwasang mapilas ang pahina 3.Panatilihin ang kalinisan ng pahina hanggang matapos ka ditto 4.Maging matiyaga at hindi magsawa sa mga gawaing inihanda para sa iyo. 5.Kailangang basahin mo nang may pang-unawa upang maging maayos ang pagsagot sa mga katanungan 6.Kailangang nakahanda kang may nakahanda kang malinis na sagutang papel sapagkat doon mo Ilalagay ang iyong sagot 7.Kung mahihirapan ka sa paksa mamari kang magtanong sa iyong guro 8.Pagkatapos sagutin ang mga pagsasanay pwede mo nang iwasto ang pagsasanay 9.Inaasahan kong magiging tapat ka sa itong sariling kakayahan PANUTO Kaibigan ,pagtunghay mo ngsa araling ito, kinakailanagan basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto. 1.Basahin at pagtuunan ng pansin ang kabuuan ng binasang kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere 2.Pansinin ang mga nagging suliraning nakaharap...

Words: 8475 - Pages: 34

Free Essay

Problems of Working Students

... -- Ang lalong matatamis na alaalang pinitas sa sanga ng walang-kamatayang pakikipagsapalaran ng ating bayani sa larangan ng pag-ibig, ang atin ngayong matutunghayan. -- Si Rizal, katulad din ng lahat ay may puso at sa pitak ng pusong iya’y minsan ding namugad ang pag-ibig. I. Kung may kamaliang maituturing sa panig ng mga nagsisulat ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal ay walang iba kundi ang pagtutulad sa kanyang katauhan sa isang Bathala at hindi sa isang karaniwang taong may mga paang putik. Dahilan diya'y lumabo na tuloy ang mga dapat lumiwanag na kabanata sa kanyang buhay lalo na ang nauukol sa kanyang pag-ibig sa pangunang matuwid na ang pag-ibig na ito kailan ma'y hindi kinilala ng mga pangunahing manunulat ng kanyang talambuhay na isang damdamin ng kabataan o isang damdaming katugon ng karaniwang tibok ng puso. At, tanggapin man sakaling ang pag-ibig na iyan ng Bayani ng Kalamba'y nabuo sa isang dakilang damdaming makabayan, dili iba kundi ang pag-ibig sa kanyang Tinubuan, sukat na kanyang dahilan iyan upang huwag na mabatid ng mga huling salin ng lahi ang tunay na damdamin ng kanyang puso? "Fiat Lux." Pabayaan nating magkaroon ng liwanag. At ang liwanag na hinihintay ng abang maykatha nito'y walang iba kundi ang ilaw ng katotohanan. Sapagka't naniniwala't nananalig pa ang maykatha nito na sa pagkakabunyag ng malalabong kabanatang ito sa buhay ni Dr. Rizal ang kadakilaan niya sa puso ng bayang nagmamahal at halos sumasamba sa kanyang pagka-bayani'y...

Words: 4387 - Pages: 18

Free Essay

Term Paper in Filipino

...Panimula A.Saligan ng pag aaral Ang mga Pilipino ay maraming kakayahan sa lahat ng mga bagay-bagay, ngunit nagkakaiba lamang ito sa uri ng paggawa. Ditto sa pilipinas mapa babae o lalaki ka man kayang kaya gawin ang lath ngunit bakit ang akala nang karamihan hindi kaya ng mga babae ang ginagawa ng mga kalalakihan sapagkat ang karamihan sa ay mahina at hindi kayang gawin ang trabaho o tungkulin ng isang lalaki pero para sa akin ay pantay pantay lamang ang lahat.Bago ko simulant itong term paper ko nais ko munang ibahagi ang kahulugan ng feminism.Feminism uri ng teorya na naglalaman ng pag kakaroon ng karapatan ng mga babae upang gawin ang mga nagagawa ng lalaki at makipagsabayan kung ano ang ginagawa ng kalalakihan. Ang pag aaral ng feminism ay ang pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki. Ang pagkakapantay-pantay ng diskriminasyon sa pagitan ng babae at lalaki. Ang pagkakapantay-pantay ng magkainbang kasarian ay mahalaga ngayon sa ating panahon dahil hndi lahat ng mga Gawain ay nakalimita lang sa lalaki o babae.minsan ay may mga bagay ngayon na hindi lamang ang lalaki ang nakakagawa. Ang isang halimbawa ditto ay ang pamamaneho. kapag naririnig natin ang trabahong ito,karaniwang nasa isip natin ay ang mga kalalakihan ang gumagawa nito ngunit normal na sa atin kung may Makita tayong mga babaeng namamaneho. nabalitaan ko nga na mas maganda raw kung mga babae nalang ang mnamamaneho ng bus kasi mas mahaba raw ang kanilang pasensya haindi tulad ng mga lalaki na konting trapik...

Words: 2254 - Pages: 10