Yunit I
Aralin I Paalam sa Pagkabata 2
II Miliminas: Taong 0069 3
III PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim 4
IV Panambitan 5
V Babang-Luksa 6
VI Walang Sugat 7
VII Tata Selo 8
Yunit II
Aralin I Kay Estella Zeehandelaar 10
II Si Kesa at si Morito 11
III Aanhin Nino ‘Yan? 12
IV Plop! Click! 13
V Tahanan ng Isang Sugarol 14
VI Uhaw ang Tigang na Lupa 15
VII Tatalon 16
Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo
Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa-------------------------------------------------
Y
-------------------------------------------------
U
-------------------------------------------------
N
-------------------------------------------------
I
-------------------------------------------------
T
-------------------------------------------------
-------------------------------------------------
I
Aralin I
Paalam sa Pagkabata
(Kuwento/Cebuano)
Salin ni Nazareno D. Bas mula sa “Panamilit sa Kabantanon” ni Zantiago Pepito
Tauhan:
* * Celso * Isidra * Tomas * Lalaki sa bahay-pawid
Tagpuan:
* Tabing-dagat
Tunggalian:
* * Isidra vs. Tomas * Isidra vs. Sarili * Tomas vs. misteryosong lalaki * Celso vs. Tomas
Buod: W ala pa ring mapansing pagbabago si Celso sa mga pangyayari sa kanilang tahanan. Tulad ng dati, nagdaramdam pa rin ang kanyang ina sa hindi nya mawaring kadahilanan. Nandoon pa rin at nakasampay ang lambat na hindi naman ginagamit ng tatay niya. Dati’y hindi niya ito pinahahalagahan hanggang muntikan na itong itapon ng kanyang ina. Sinaktan ni Tomas si Isidra at ipinalagay ulit ang lambat sa sampayan. Mula noo’y hindi na iyon ginalaw ni Isidra. Higit na nagugulumihanan ang isip ni Celso sa mga pangyayari dahil sa mahigpit na pagbabawal sa kanya ni Tomas na lumapit sa bahay-pawid sa may tabing-dagat. Laging naririnig ni Celso ang paggi-gitara at pag-awit ng isang lalaki sa naturang bahay-pawid. Isang araw ay nilapitan niya ito ngunit hindi rin nagtagal ang pagkikita nila ng lalaki dahil sa pagdating ni Tomas. Dito na nagsimula ang pagdududa ni Celso. Napagtanto niya na tila kamukha niya ang lalaki sa bahay-pawid. Sa pagkakataong ito naliwanagan na ang isip niya. Nang minsang mag-away uli sina Isidra’t Tomas nagalit at biglang nagdilim ang paningin ni Celso. Sinira niya ang lambat na nakasampay gamit ang itak. Nilabanan niya ng titigan si Tomas ngunit nahiatay ito matapos suntukin ng ama-amahan. Ganunpaman, sa pagwawakas, naipadama pa rin ni Tomas ang pagmamahal niya kay Celso.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Humanismo – ang pagsusuri ng akda batay sa damdaming namamayani sa tauhan, nagbibigay-puri at naglalahad ng kagalingan ng tauhan.
Matatalinhagang Salita: * * tuyo - tigang * nadidilat – nanlilisik * naundol – naudlot * maaliwalas-maliwanag * napaupo-napasalampak *
Mensahe/Aral
* Ang kamangmangan at kawalan ng muwang sa katotohanan ay isang kulungang mahirap takasan. Ang pagtuklas sa katotohanan ay pag-intindi ng lubusan sa mga bagay-bagay na nanyayari.
Aralin II
Miliminas: Taong 0069
(Sanaysay/Hiligaynon)
Salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara
Mula sa “Miliminas : Tuig 0069” ni Nilo Par. Pamonag
Tauhan:
* Milimino
Tagpuan:
* Miliminas
Tunggalian:
* Tao vs. Tao * Tao vs. Kapaligiran
Buod:
A ng Miliminas ay isang pangkat ng pulo na matatagpuan sa dagat Pasipiko. Ang mga mamayan doon ay tinatatawag na Milimino. Ang pamumuhay nila roon ay halos kabaliktaran ng pamumuhay dito sa Pilipinas. Ang mga bagay-bagay na hindi katanggap-tanggap sa moral at sosyal na batayan ng mga Pilipino ang siyang ginagawa ng mga Milimino. Ang kanilang pananamit, serbisyong kuryente at patubig, transportasyon, relihiyon, pulitika, batas, hudikatura at pag-uugali ay ibang-iba sa mga Pilipino.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Romantisismo – ito ang pagsusuri ng akda batay sa pagpili ng mga taludtod, pahayag at kaisipang naglalahad ng pagtakas sa katotohanan. Ito ay nagpapahalaga rin sa bias ng pagkakagamit ng kalikasann at kapaligiran sa pagiging masining ng akda. Napapaloob din dito ang kapayakan ng wikang ginamit at pagpapahalaga sa iba’t ibang damdaming nakapaloob sa akda. Ang romantisismo ay malaya, mahiwaga, pangkaraniwan ngunit kung minsan ay masalimuot, walang batayan at orihinal.
Matatalinhagang Salita: * * mik - pera * NAWASDAK – serbisyong patubig * Patay Electric Company – serbisyo para sa kuryente * Santasa – diyos * Circus of Miliminas – saligang batas * buwaya - pulitiko * Super Black Market - pamilihan
Mensahe/Aral: * Ipinararating ng akda na hindi malayong mangyari sa Pilipinas ang mga suliranin ng Miliminas kung hindi pa natin sisimulan ang pagbabago sa sistema at kung hindi pa rin magiging disiplinado ang bawat mamamayan ng bansa.
Aralin III
PAGISLAM : Ang Pagbibinyag ng mga Muslim
(Sanaysay/Muslim)
Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo
Buod:
A yon sa paniniwala ng mga Muslim, walang kasalanan ang mga bagong-silang na sanggol kaya hindi na dapat ito binyagan. Ganunpaman, mayroon silang mga seremonyang isinasagawa na tinatawag na Pagislam. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Binabasa ng Pandita ang Adzan sa kanang tainga ng sanggol upang ikintal sa kanya na siya ay Muslim at upang ang unang salitang maririnig nito ay Allah. Ang pangalawang seremonya ay tinatawag ding penggunting o pegubad na siyang isinasagawa matapos ang isang linggo. Ang mga magulang ay naghahandog ng kanduli o salu-salo bilang pasasalamat kung saan karaniwang nag-aalay ng hayop o aqiqa. Sa seremonyang ito, gumugupit ang Pandita ng ilang hibla ng buhok mula sa sanggol at inilalagay ito sa isang mangkok na tubig. Sabi sa paniniwalang Maguindanao, kapag lumutang ang buhok, nagpapahiwatig ito na magiging maginhawa ang buhay ng sanggol. Pagkatapos nito ay binibigyan ng pangalan ang sanggol. Isa pa sa bahagi ng seremonyang ito ang paghahanda ng buaya, isang kakaning korteng buaya na may matang gawa sa dalawang nilagang itlog at ngiping gawa sa laman ng niyog. Nilalagyan ito ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Isang katutubong hilot na tinatawag na Walian ang naghahanda nito at nagpapakain sa mga batang dumalo. Ang ikatlong seremonya ay ginagawa kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok dito ang pagtutuli o pagislam sa mga lalaki at sunnah para sa mga babae. Isinasagawa ito ng walian, karaniwan sa araw ng Maulidin Nabi o banal na araw ng mga Muslim.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Formalismo – ito ay ang pagsusuri ng akda batay sa paraan ng pagkakalahad, istilo ng awtor, istruktura at pagkakabuo ng akda, matatalinhagang salitang ginamit, pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng akda at ang kabisaan nito.
Matatalinhagang Salita: * * Pagislam – seremonya ukol sa pagbibinyag ng Muslim * Sunnah – seremonya para sa batang babae * Pandita – nagbibigay ng pangalan sa binibinyagan o pinararangalan * Walian – isang katutubong hilot * Allah – diyos ng mga Muslim * Aqiqa – pag-aalay ng hayop * Adzan – aklat na binabasa ng Pandita * Kanduli – isang salu-salo * Penggunting o Pegubad – pangalawang seremonya na ginagawa pitong araw pagkapanganak * Maulidin Nabi – banal na araw ng mga Muslim
Mensahe/Aral:
* Ipinababatid ng akdang ito ang kultura’t tradisyon ng mga Muslim at ang paraan nila ng pagbibinyag.
Aralin IV
Panambitan
(Tula/Bikol)
Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng “Panambitan” ni Myra Prado
Buod:
I pinahihiwatig ng tulang ito ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa mundong ibabaw. Ang mga mayayaman ay lalong umuunlad samantalang ang mga mahirap ay lalong naghihirap. Ang mga may kaya sa buhay, sa halip na tulungan ang mga mahihirap lalo pa nila itong isinasadlak sa kahirapan. Ang mga mahihirap ay walang magawa upang lumaban kaya naman idinadaan na lamang nila sa panalangin at pagsusumamo sa Panginoon ang mga problema.
Saknong:
* Ang tulang ito ay mayroong apat na saknong.
Taludtod:
* Binubuo ng apat na taludtod kada saknong ang tulang Panambitan.
Sukat:
* Malayang taludturan ang ginamit sa tula, ibig sabihin, wala itong partikular na sukat.
Tugma:
* Ang tugma nito ay patinig-katinig at katinig-patinig.
Tono:
* May tono ito ng galit, lungkot at pagsusumamo.
Pahiwatig:
* Ipinahihiwatig nito ang kawalan ng katarungan sa sistema at ang patuloy na pagkakaroon ng pag-uuri sa lipunan
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Imahismo – sinusuri nito ang pagbuo ng imahe at ang tula ayon sa paksa gayundin ang bisang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa tula.
Mensahe/Aral:
* Ang pagbabago sa lipunan ay magsisimula sa mga mamamayan nito, mayaman man o mahirap. Tayo mismo ang dapat na magsimula ng pagkakapantay-pantay sa karapatang pantao.
Aralin V
Babang-Luksa
(Tula/Pampango)
Salin ni Olivia P. Dantes ng “Pabanua” ni Diosdado Macapagal
Buod:
T inatalakay sa tulang ito ang wagas na pagmamahal ng tagapagsalaysay ng tula sa kanyang yumaong kasintahan. Isang taon na ng pagpanaw nito ngunit sa gunita ng tagapagsalaysay, tila kahapon lang nang siya’y lumisan. Patuloy dito ang pag-alala ng lalaki sa mga panahong pinagsaluhan nilang magkasintahan. Sa kalagitnaan ng tula, ipinagpalagay ng binata na kaya kinuha mula sa kanya ang kanyang kasintahan ay upang manatiling sariwa ang alaala ng maganda’t batang mukha ng dalaga at upang hindi na makita ng isa’t isa ang pagtanda nila. Sa pagwawakas ng tula, isinalaysay niya ang kanyang pagluluksa sa pagkawala ng mahal niyang kasintahan at sinabi rin niya na habang hinihintay niya ang pagkakataon na muli silang magkasama sa kalangitan, panghahawakan niya ng wagas nilang pag-iibigan.
Saknong: * Ang tulang ito ay mayroong sampung saknong.
Taludtod:
* Binubuo ng apat na taludtod kada saknong ang tulang Babang-Luksa.
Sukat:
* Malayang taludturan ang ginamit sa tula, ibig sabihin, wala itong partikular na sukat.
Tugma:
* Ang tugma nito ay pormal.
Tono:
* Malungkot ngunit minsan ay may kaunting kagalakan sa tono ng tula
Pahiwatig: * Ipinahihiwatig ng tagapagsalaysay ng tula ang kalungkutan niya dahil sa sawing pagmamahalan nila ng kanyang kasintahan. Ngunit kahit na pumanaw na ang kanyang kasintahan, mananatiling buhay ang mga alaala ng kanilang pagsusuyuan at wagas na pagmamahalan.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Romantisismo – ito ang pagsusuri ng akda batay sa pagpili ng mga taludtod, pahayag at kaisipang naglalahad ng pagtakas sa katotohanan. Ito ay nagpapahalaga rin sa bias ng pagkakagamit ng kalikasann at kapaligiran sa pagiging masining ng akda. Napapaloob din dito ang kapayakan ng wikang ginamit at pagpapahalaga sa iba’t ibang damdaming nakapaloob sa akda. Ang romantisismo ay malaya, mahiwaga, pangkaraniwan ngunit kung minsan ay masalimuot, walang batayan at orihinal.
Mensahe/Aral:
* Ipinararating nito sa mambabasa ang kadakilaan ng pag-ibig. Anumang dagok ng buhay, may mawala man o lumisan, patuloy pa ring mananaig ang pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahal.
Aralin VI
Walang Sugat ni Severino Reyes
Tauhan:
* * Julia * Tenyong * Juana * Lukas * Marcelo * Tadeo * Pari Teban * Miguel * Putin * Inggo * Monica * Relihiyoso 1.0 * Relihiyoso 2.0 * Los 3 * Mga lalaki’t babae
Tagpuan: * Bahay ni julia * Bilangguan sa Bulakan
Buod:
I sang araw sa tanggapan ng bahay nina Julia, kasama ang ilang bordador, nagbuburda siya ng panyong may titik A.N. F. Biglang dumating si Tenyong at nakita ang panyong binurda ni Julia. Nagalit siya dahil sabi ni Julia ay nakalaan iyon sa among Frayle nila at hindi para sa kasintahan. Dahil dito, pilit pinaamin ni Tenyong si Julia kung para kanino talaga ang panyo. Umamin si Julia na para talaga ito kay Tenyong at hindi sa lapastangang Frayle. Natuwa si Tenyong at sila’y nag-usap ni Julia ngunit nauntal ito nang biglang dumating si Lukas na may dalang masamang balita. Nadakip daw si Kapitan Inggo, ama ni Tenyong, at ipinakulong sa bilangguan sa Bulakan. Nagmadali si Tenyong na makapunta sa kinaroroonan ng kanyang ama. Ang mga malulupit na Frayle ay patuloy sa pagpapahirap kay Inggo. Isang araw, bumisita si Putin, asawa ni Inggo, sa bilangguan upang kamustahin ang asawa. Awang-awa siya sa asawa dahil lapnos na ang balat nito at punong-puno na ng pasa ang katawan nito. Maging si Tenyong ay naluha sa lagay ng ama. Makalipas ang ilang sandali ay nagbitiw na ng huling salita si Kapitan Inggo at inihabilin kay Tenyong ang kanyang ina. Lubos na nagdamdam ang buong pamilya sa pagkawala ni Inggo. Dahil sa pagkamatay ng ama, lumakas ang loob niyang maghiganti. Bago siya umalis, pinuntahan mauna niya si Julia na kanyang iniirog at nagpaalam sapgkat may mahalaga siyang tatapusin. Nag-alala si julia sa binitiwang salita ng kanyang minamahal. Makalipas ang ilang taon, nakipagkasundo ang ina ni Julia na si Aling Juana kay Tadeo patungkol sa pag-iisang dibdib ni julia at Miguel. Tinutulan ito ni julia dahil hindi naman niya kilala ang lanyang mapapangasawa at hindi niya ito mahal. Pinagpatuloy pa rin ang ina ang napagkasunduan at sa mismong araw ng kasal ay may biglang pumigil nito—si Tenyong na punong-puno ng sugat sa katawan at tila mamamatay na. Ayon sa kanilang tradisyon, kung sinuman ang taong malapit nang mamatay ay pinagbibigyan ang huling hiling. Hiniling ni Tenyong na maikasal kay Julia at natupad nga ito. Ikinasal sila at biglang nagsigawan ang mga abay ng WALANG SUGAT!
Teoryang Pampanitikan: * Pagdulog na Sosyolohikal – ito ang pag-uugnay ng tauhan sa lipunan at pagtukoy sa tiyak na bahagi na nagpapakita ng pagmamalabis sa kapangyarihan ng mayaman sa mahirap. Sa pananaw ring ito, hindi lamang mga pangyayari ang tinatalakay kundi pati ang mga institusyon tulad ng pamilya o angkan, pulitika, hukbong sandatahan, paaralan, simbahan, kalakal, at iba pa.
Mensahe/Aral:
* Nais ipabatid ng akdang ito ang pagkakapantay-pantay ng karapatang pantao. Kung sinuman ang magkasala sa atin ay huwag na nating gantihan dahil kung magkagayon man ay wala rin tayong ipinagkaiba sa kanila. IpagpasaDiyos na lamang ang suliranin.
Aralin VII
Tata Selo ni Rogelio R. Sikat
Teoryang Eksistensyalismo
Tauhan:
* * Tata Selo * Saling * Presidente * Alkalde * Kabesang Tano
Tagpuan: * Munisipyo * Istaked
Tunggalian:
* * Tata Selo vs. Kabesang Tano * Tata Selo vs. Hepe
Buod: N agsimula ang kwento sa istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito si Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan niya. Ayon kay Tata Selo ay sa pagmamay-ari niya noon ngunit naisanla at naembargo. Tinaga niya ang Kabesa dahil pinapaalis siya nito sa kanyang lupang sinasakahan sa kabila ng pagtanggi ni Tata Selo at panggigiit niya na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod nang tinungkod ng Kabesa sa noo. Ito ang paliwanag ni Tata Selo sa anak ng binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa. Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati’y nakatira at naninilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito dahil nagkasakit ito makalawang araw bago ang insidente. Nakahahabag man si Tata Selo, naisipan niong pauwiin si Saling sa kadahilanang wala na silang magagawa. Pinatawag si Saling ng Alkalde sa kanyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, Dumating muli ang batang dumalaw kay Tata Selo at inutusan niya itong pumunta sa tanggapan ng Alkalde ngunit hindi ito pinapasok. Hindi na ito inalintana ni Tata Selo at sinabi na lamang nito na inagaw sa kanya ng lahat.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Eksistensyalismo – binibigyang pokus ang kalayaan at hangaring awtentiko ng akda. Makikita rito ang proseeso ng pagiging tao at hindi pagkakaroon ng tamang sistema ng paniniwala na binibigyang halaga ng tao upang mabuhay.
Matatalinhagang Salita: * kapitalista – namumuhunan * bilangguan – kulungan * pangkat - isang grupo
Mensahe/Aral:
* Ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa umiiral na sistema ng lipunan, bagamat mahirap baguhin, ay magagawan ng solusyon nang hindi kinakailangang makasakit ng kapwa. Kailangan lang nating alamin kung ano nga ba ang tunay na suliranin at ang solusyon para dio. *
-------------------------------------------------
Y
-------------------------------------------------
U
-------------------------------------------------
N
-------------------------------------------------
I
-------------------------------------------------
T
-------------------------------------------------
-------------------------------------------------
II
-------------------------------------------------
Kay Estella Zeehandelaar Si Kesa at si Morito Aanhin Nino ‘Yan? Plop! Click! Tahanan ng Isang Sugarol Uhaw ang Tigang na Lupa Tatalon Kay Estella Zeehandelaar Si Kesa at si Morito Aanhin Nino ‘Yan? Plop! Click! Tahanan ng Isang Sugarol Uhaw ang Tigang na Lupa Tatalon Kay Estella Zeehandelaar Si Kesa at si Morito Aanhin Nino ‘Yan? Plop! Click! Tahanan ng Isang Sugarol Uhaw ang Tigang na Lupa Tatalon Kay Estella Zeehandelaar Si Kesa at si Morito Aanhin Nino ‘Yan? Plop! Click! Tahanan ng Isang Sugarol Uhaw ang Tigang na Lupa Tatalon Kay Estella Zeehandelaar Si Kesa at si Morito Aanhin Nino ‘Yan? Plop! Click! Tahanan ng Isang Sugarol Uhaw ang Tigang na Lupa Tatalon Kay Estella Zeehandelaar Si Kesa at si Morito Aanhin Nino ‘Yan? Plop! Click! Tahanan ng Isang Sugarol Uhaw ang Tigang na Lupa Tatalon Kay Estella Zeehandelaar Si Kesa at si Morito Aanhin Nino ‘Yan? Plop! Click! Tahanan ng Isang Sugarol Uhaw ang Tigang na Lupa Tatalon Kay Estella Zeehandelaar Si Kesa at si Morito Aanhin Nino ‘Yan? Plop! Click! Tahanan ng Isang Sugarol Uhaw ang Tigang na Lupa Tatalon Kay Estella Zeehandelaar Si Kesa at si Morito
Aralin I
Kay Estella Zeehandelaar
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo mula sa “Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese”
Tauhan:
* Estella Zeehandelaar * Pangeran Ario Tjondonegro * Reyna Wilhemina
Tagpuan:
* Japara
Tunggalian:
* Tao vs. Kapaligiran
Buod:
M ay isang babaeng anak ng Regent ng Japara na gustong makaranas ng kalayaan sa buhay at makakilala ng isang modernong babae na may kumpiyansa sa sarili at kayang harapin ang buhay. Siya ay bilanggo ng kanilang tradisyon na kung saan limitado lamang ang kalayaang mayroon sila kumpara sa mga kalalakihan. Ipinagbabawal sa kanila ang pag-aaral ng mga kababaihan at pagpapalabas sa kanilang mga tahanan. Nang tumuntong siya ng labindalawang taong gulang, itinali siya sa bahay. Ikinulong siya at ipinagbawal na makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng kanilang bahay, ang tanging pampalipas oras niya ay ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigan niyang Dutch na hindi naman ipinagbabawal sa kanila. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, ang kaibigan at tagapagligtas na dumating—ang Diyos. Nabuksan ang pintong sadyang mahigpit na nakasara at mabilis pang sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa nawalang kalayaan ng mga kababaihan. Sa sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang-prinsesa (bilang Reyana Wilhemina ng Netherlands), opisyal na inihandog sa mga babae ng kanilang mga magulang ang kalayaang ipinagkait sa kanila. Doon na nga natughayan ng babae ang kaningningan ng mundong kanyang ginagalawan. Lubos niyang ninanais ang magkaroon ng kalayaan at makapaglakbay sa malayong lugar hindi para makapamista o makapaglibang kundi para maranasan ang makatayo ng mag-isa, mag-aral hindi para mapailalim sa sinuman at higit sa lahat hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Dekonstruksyon – ito ay tinatawag ding post-istrukturalismo at ayon kay Isagani Cruz, tumutukoy rito ang natural na balatkao ng naturalismo sa palabas.
Matatalinhagang Salita: * nakatali - nakagapos * sumupling - magsiping * nasilagan – nasilawan * hungkag – walang laman, basyo, guwang, hupyak, humpak
Mensahe/Aral:
* Ang kalayaan ay hindi basta-basta natatamo ng sinuman. Natatamasa ito kung gugustuhin at kung magpupursigi ang isang indibidwal upang ito ay makamit.
Aralin II
Si Kesa at si Morito
Salin ni Lualhati Bautista mula sa “Rashomon at iba pang Kwento” ni Ryunosuke Akutagawa
Tauhan:
* Kesa * Morito * Wataru Saeonno-jo
Tagpuan:
* Tulay ng Watanabe
Tunggalian:
* Morito vs. Wataru * Kesa vs. Wataru * Kesa vs. Sarili
Buod:
S i Kesa, asawa ni Wataru, ay mayroong kalaguyong nagngangalang Morito. Hindi pa man naikakasal si Kesa ay mahal na mahal na siya ni Morito, magpahanggang-ngayon na kasal na siya kay Wataru. Dahil sa matinding pagmamahal ni Morito, handa siyang pumatay, ngunit sa pagkakakilala niya kay Wataru, isa itong mabuti at tapat na asawa. Dahil dito, nagdalawang-isip siya na paslangin ito. Sa tagpuan nilang dalawa, sa may tulay ng Watanabe, habang sila ay nagsisiping sinabi ni Morito ang tungkol sa balak na pagpatay niya kay Wataru. Nabigla si Kesa sa sinabi ni Morito dahil hindi niya inakalang may ganoong katangiang tinataglay si Morito, ganunpaman, sinang-ayunan niya ito. Nais din niyang mawala ang kanyang asawa upang magsama na sila nang tuluyan. Subalit, siya’y inuusig ng kanyang konsensya na huwag ituloy ang binabalak sapagkat wala naman itong nagawang kasalanan at alam niya sa sarili niya na resposable itong kabiyak. Gulong-gulo ang kanyang isip at dahil ng dito, ang tanging solusyon na naisip niya ay ang pagpapakamaay upang mabayaran ang kataksilang ginawa niya. Nang makauwi, hinipan ni Kesa ang ilawan. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng mahinang tunog ng isang nabuksang kandado at bumaha sa loob ng maputlang sinag ng buwan.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Feminismo – nagpapakita ito ng kahinaan at kalakasan, gayundin ng transpormasyon o pagbabago ng tauhang babae sa akda.
Matatalinhagang Salita: * namamanglaw - nagdaramdam * marilag – marikit, kaakit-akit, maganda * kalaguyo – kasuyo, kalunya, kulasisi * pagmamahal – pag-ibig, pag-irog * pagtataksil – pagsukab, paglililo
Mensahe/Aral:
* Ang pag-ibig ay dapat panatilihing dalisay at wagas, kaya naman isang kasalanan ang pagtataksil sa taong minamahal. Sa abot ng makakaya, kailangang maging tapat ang dalawang tao sa isa’t isa. *
Aralin III
Aanhin Nino ‘Yan? ni Vilas Manwat salin ni Lualhati Bautista
Tauhan:
* * Nai Phan * Lasenggo * Estudyanteng Dalagita * Lalaking holdaper
Tagpuan: * Tindahan ni Nai Phan
Tunggalian:
* * Nai Phan vs. Binatang Lalaki * Binatang Lalaki vs. Sarili
Buod: S i Nai Phan ay isang lalaking sikat sa kapitbahayan nila. Isa siyang mananayaw at kilala siya bilang mabuting mamamayan sa kanilang lugar. Sa katunayan, nagbibigay siya ng isang basong tsaa na may yelo sa isang tumutulang lasenggo at kung minsan pa nga ay may kasama pang doughnut para kumpleto. Tinutulungan pa niya ang estudyanteng dalagita na galing sa putikan matapos ang mahabang lakaran. Binibigyan niya ito ng malinis na tubig para ihugas sa paa. Kapag sumasapit ang ikawalo ng gabi ay nagsasara na ito ng tindahan. Sinasabi ng mga kaibigan niya na dapat siyang magbukas at magsilbi sa gabi, ngunit ang kanyang tugon dito ay mas masarap pang matulog kaysa magpayaman. Isang gabi, habang nagsasara ng kanyang tindahan ay may pumasok na isang binatang lalaki. Tinanong ni Nai Phan kung ano ang kanyang sadya. Sinabi ng binata na holdap iyon at ibigay ang lahat ng pera. Kalmanteng inilapag ni Nai Phan ang pera sa lamesa sapagkat naisip niyang mukhang nangagailangan ito. Subalit, ang binatang holdaper ay hindi naglakas loob na kunin iyon. Tinanong siya ni Nai Phan kung bakit ayaw niyang kunin ang pera. Binigayan niya ng payo ang binata kung paano niya magagamit ang pera nang tama. Ngunit nakaramdam ng pangongonsensya ang lalaki at isinilid ang baril sa kanyang bulsa. Itinaas niya ng kanyang mga kamay sa pagpupugay kay Nai Phan at winika niya na dapat barilin niya ang kanyang sarili at hinsi si Nai Phan. Tumugon si Nai Phan at ipinahiwatig na lahat tayo ay may pangangailangan sa buhay at kung tayo’y desperado na. amtutukso tayong gumawa ng kasalanan. Inabot ni Nai Phan ang pera sa binatang lalaki ngunit ito’y tinanggihan niya at nagbalak na itong umuwi ngunit pinigilan siya. Sila’y nagkuwentuhan at ang lalaki ay nagkwento sa pagwawaldas niya ng perang ibinibigay ng kanyang ina. Sabi nin Nai Phan, ano pa ang buhay undi magkakahalonh eksperimento at ito nga’y nagbigay ngpayo. Dahil dito, naantig ag lalaki at isinuko na ang baril sa kanya bilang tanda ang pagsisisi nito. Tinanggap at ngumiti sa Nai Phan. Masayang nagpaalam ang binata ang ipinangakong magbabagong-buhay na.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Eksistensyalismo – binibigyang pokus ang kalayaan at hangaring awtentiko ng akda. Makikita rito ang proseeso ng pagiging tao at hindi pagkakaroon ng tamang sistema ng paniniwala na binibigyang halaga ng tao upang mabuhay.
Matatalinhagang Salita: * * bukod-tangi – nag-iisa * parukyano - suki * lasenggo – manginginom
Mensahe/Aral: * Ang kabutihan ay namamayani sa mga taong may mabuting hangarin para sa kapwa at kailanma’y hindi naghangad na makaangat sa iba.
Aralin IV
Plop! Click! ni Dobu Kacchiri
Tauhan:
* Koto * Kikuichi
Tagpuan:
* Dagat
Buod:
N agpunta si Koto sa bahay ng alipin niyang si Kikuichi para yayaing mamasyal. Pumayag si Kikuichi at nagdala pa ng boteng may lamang sake. Nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang paglalakad dahil baka pagtawanan sila ng mga taong makakakita sa kanila. Hindi iyon inintindi ni Koto at mas pinansin ang kasanayang malalasap sa pamamasyal. Nakalagpas na sila ng nayon at nasa gitna na ng bukirin. Nagkwento si Koto habang sila ay naglalakad. Pumunta sila sa malalayong lugar at nang malapit na sila sa dagat ay binalak nilang tumawid, ngunit hindi nila sigurado kung mababaw ito. Nakita ng isang nagdaraan ang dalawang bulag na nagbabalak tumawid sa dagat. Tumigil ito upang panuorin kung paano sila makatatawid. Naghagis ng bato si Kikuichi at ang naging tunog ay PLOP!. Ibig sabihin ay malalim doon. Naghagis ulit ng bato si Kikuichi at ang naging tunog ay CLICK! Ibig sabihin ay mababaw doon. Naglakad sila papunta doon sa mababaw at niyaya ni Kikuichi si Koto na sumampa sa kanyang likod, ngunit ang nagdaraang tao ang sumampa sa likod nito. Nang nakaalpas ay bumaba na ang nagdaraan ngunit naiwan si Koto sa kabila. Nagtanong siya kung handa na si Kikuichi. Bumalik si Kikkucihi upan sunduin si Koto at sa kanilang pagtawid ay nabasa bi Koto. Pagkatapos tumawid ay giniginaw na bumaba si Koto. Humingi siya ng isang sake kay Kikuichi at agad naman siyang pinagbigyan ngunit ang uminom ay ang nagdaraan. Nagtanong si Koto kung nasaan na ang sakeng iinumin niya. Nagtaka na naman silang dalawa. Nagalit si Koto at habang nagtatalo silang dalawa ay binatukan ng nagdaraan si Koto. Pinagbintangan niya si Kikuichi ngunit mariin naman itong pinabulaanan ni Kikuichi dahil hindi naman nakaturo ang kanyang kamay kay Koto. Sunod namang binatukan si Kikuichi at ganoon din ang nanyari. Nag-away ang dalawa at ang nagdaraan ay tuwang-tuwa sa kanyang nasaksihan. Hindi pa siya kuntento at sabay binatukan ang dalawa. Lalnong nagalit ang dalawa at nag-away. Umalis ang nagdaraan at patuloy pa ring nag-aaway ang dalawang bulag.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Romantisismo – ito ang pagsusuri ng akda batay sa pagpili ng mga taludtod, pahayag at kaisipang naglalahad ng pagtakas sa katotohanan. Ito ay nagpapahalaga rin sa bias ng pagkakagamit ng kalikasann at kapaligiran sa pagiging masining ng akda. Napapaloob din dito ang kapayakan ng wikang ginamit at pagpapahalaga sa iba’t ibang damdaming nakapaloob sa akda. Ang romantisismo ay malaya, mahiwaga, pangkaraniwan ngunit kung minsan ay masalimuot, walang batayan at orihinal.
Matatalinhagang Salita: * * makapagmamasid – makapag-oobserba * mungkahi - suhestyon * kagila-gilalas - karumaldumal * painut-inot – dahan-dahan, maingat * kamuhi-muhi - nakakainis
Mensahe/Aral: * Ang pagtitiwala sa kapwa ang dapat na manaig sa panahon ng dagok. Huwag munang magbintang o manghusga ng tao kung wala namang hawak na matibay na patunay.
Aralin V
Tahanan ng Isang Sugarol
Salin ni Rustica Carpio
Tauhan:
* * Lian-chiao * Siao-lan * Ah Yue * Li Hua
Tagpuan: * Tahanan * Hsiang Chi Coffee Shop
Tunggalian:
* Lian-Chiao vs. Li Hua
Buod:
A ng asawa ni Lian-Chiao na si Li Hua ay isang sugarol at iresponsableng asawa’t ama. Si Lian-Chiao, na sa kasalukuyan ay buntis, at ang dalawa niyang anak na sina Siao-Lan at Ah Yue ang nagtatrabaho at gumagawa ng mga gawaing bahay. Umuuwi lamang si Li Hua sa kanilang tahanan kung siya ay kakain at maliligo na minsan pa nga ay nagpapahilod sa asawa niya. Sa tuwing nagkakamali si Lian-Chiao ay binubugbog siya ni Li Hua. Isang gabi ay sumakit ang tiyan ni Lian-Chiao, ngunit nagdadalawang-isip siya na gisingin ang mga anak na mahimbing ang pagkakatulog. Sa halip na gisingin ang pagod na mga anak ay pinilit niyang lakarin ang Hsiang Chi Coffee Shop kung saan naroon ang asawa niya. Dumadaing siya sa sobrang sakit ngunit pinilit niya pa ring makapunta. Noong naroon na siya’y kinatok niya ang pinto at siya naman ay pinagbuksan. Tinatawag niya si Li Hua ngunit tila wala itong marinig at patuloy pa rin sa pagsusugal. Nang marinig niya ang asawa, hindi pa rin ito tumigil at pinilit tapusin ang pagsusugal. Sa huli ay tumigil na siya at galit na pumunta kay Lian-Chiao upang samahan sa ospital. Bago sila makaalis ay naabutan pa sila nina Siao-lan at Ah Yue na parehong umiiyak.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Imahismo – sinusuri nito ang pagbuo ng imahe at ang tula ayon sa paksa gayundin ang bisang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa tula.
Matatalinhagang Salita: * * sugarol – taong mahilig magsugal * panalo – nagwagi, nagtagumpay
Mensahe/Aral: * Ang pamilya ang pinakamahalaga at siyang dapat unahin bago ang mga pansariling interes.
Aralin VI
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo
Tauhan:
* Ama * Ina * Anak
Tagpuan:
* Tahanan
Buod:
H indi maiwasang mapansin ng dalagita ang kanyang ina na dati pa hindi makatulog, palaging malungkot, malalim ang paghinga, at paminsan-minsan ay may iniipit na hikbi. Ang kanyang ina ay matipid kung makipag-usap at bihira lamang magalit o ngumiti. Ang batang puso ng anak ay maihahalintulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw. Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito, pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang patuloy ng pagsusulat. Ilang taon ang lumipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik. Isang gabi’y umuwing lasing ang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay sa kama ng ilang araw ang kanyang ama. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kanyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad dito ay ang mga katagang “sapagkat ako’y nakalimot.” May nakita rin ang anak na isang salampan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito. Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kanyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama, ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina. Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay. Nagsalita ang may sakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang kinabibilangguan ay kanyang wawasakin sa anumang paraan. Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Namulat ang mga mata ng may sakit at nagkatitigan silang mag-asawa. Hawak ng ina ang kamay ng asawa ng mulin itong magsalita na, “sabihin mo, mahal ko, na maaangkin na ang kaligayahan ko.” Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabi ang mga katagang iyon. Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ang paglisan ng kanyang kaluluwa. Walang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Imahismo – sinusuri nito ang pagbuo ng imahe at ang tula ayon sa paksa gayundin ang bisang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa tula.
Matatalinhagang Salita: * * malimit - madalas * nakaratay - nakahiga
Mensahe/Aral: * Ang paglilihim sa loob ng pamilya ay hindi makakapagpagaan ng damdamin. Kailangang walang itinatagong lihim ang bawat miyembro ng pamilya upang maging mapayapa at higit na masaya ang pamilya. At sa bawat pagsubok na pinagdaraanan, kailangang magtiwala sa Diyos na magiging maayos ang lahat.
Aralin VII
Tatalon
Ni Rogelio R. Sikat
Tauhan:
* Isang singkwenta singko anyos na dyipni drayber
Tagpuan:
* Kalye * Tatalon
Buod:
M ay isang lasing na drayber na nagbabasa ng dyaryo sa tambak ng lumang goma ang naghihintay ng hahatak ng nasira niyang dyip. Dito ay nagkukwento siya tungkol sa mga pangyayari sa kasalukuyan at ang kwento ng isang welder na nagbigti sa Tatalon. Iniisip niya ang mga naging problema ng welder tulad ng utak at ang pagkaputol ng kuryente nila, pati rin ang pagkamatay ng anak niya na kung saan ay hinuhulugan pa rin ang bayarin ng anak sa ospital. Ginagaya rin ng drayber ang mga ginawang welder bago ito magbigti, kung nananalig ba ito sa Panginoon. Iniisip niya rin kung bakit ginawa niya ito gayong maganda naman ang trabaho nito at mataas ang sweldo at dinadagdagan pa ng Php 200 dahil sa pagkakasakit at pagkamatay ng anak. At sa huli ay nalungkot siya dahil sa ginawa ng welder.
Teoryang Pampanitikan: * Teoryang Romantisismo – ito ang pagsusuri ng akda batay sa pakikipagsapalaran ng tauhan sa akda. Tumutukoy din ito sa mga kasuklam-suklam na detalyeng inilahad na nagbibigay patunay na ang buhay ay tila isang marumi, mabangis, at walang awang kagubatan.
Matatalinhagang Salita: * * ipinahihiwatig - ipinababatid * nagsisigawan – naghihiwayan * pinagkakautangan - pinaghiraman * misteryoso - kakaiba
Mensahe/Aral: * Anumang dagok at suliranin ang ating kaharapin ay kailanma’y huwag tayong susuko dahil ang mga pagsubok ay dinisenyo ng Diyos upang tayo’y higit na maging matatag at matapang sa buhay.