...Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon ► Imperyalismo -ang dominasyon ng isang bansa sa political,ekonomiya, at kultura ng isa pang bansa -isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malaki o makapangyarihang bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop, paggalugad o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampulitikal ng ibang mga bansa. ► Kolonisasyon -ang pagtatag ng permanenteng paninirahan sa mga dayuhang lupain. -tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang layuning pangkomersiyal at panrelihiyon ng isang bansa. Mga Dahilan ng Imperyalismo Mga salik ang naging dahilan ng Imperyalismo : ► Pangkabuhayang Interest (GOLD) ► Layuning Pananampalataya (GOD) ► Politikal at Militar na Interest (GLORY) ► Pangkabuhayang Interest (GOLD) PANGKABUHAYANG INTEREST Mga Salik sa Pangkabuhayang Interest: ► Nangangailangan ng Daungan para sa kanilang mga suplay. ► Pagkakaroon ng bagong pamilihan. ► Makuha ang mga yamang likas ng ibang bansa. ► Magkaroon ng mga bagong lupaing siyang paglalagakan ng sobrang pondo. Mga Produktong makukuha sa mga Bansa sa Asya ► Langis Bulak ► Petroleum Uling ► Tsaa Manganese ► Kape Tubo ► Asukal Rubber/Goma Pamumuhunan ► Kumpara sa unang yugto ng Imperyalismo na Merkantilismo...
Words: 2366 - Pages: 10
...SIMULA Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito.Tinangka rin niyang kunin mula sa Poland ang Baltic Port at angPolish Corridor.Tumanggi ang Poland kayat nagkakrisis.Unang araw ng Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismo sa lupa at himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland ang kanilang kalayaan. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim na kasunduan kay Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan. KASUKDULAN Ang Digmaan sa Europe Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nagabang sa likod ng Maginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala). Ang mga taga-Norway ay lumaban subalit madaling natalo samantalang ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland at Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong Aleman ang mga bansang ito na kung tawagin ay Low Countries at sinira ang mga paliparan, pahatiran, at tulay. Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang Hikbong Pranses. Sa ganitong gipit na kalagayan, ipinasya ng Punong Ministro...
Words: 1530 - Pages: 7
...Layunin Layunin ng papel na ito ang ilahad sa lahat ng mga mambabasa at potensiyal na mambabasa ang kasaysayan, ilang impormasyon at mga bagay-bagay na may kaugnayan sa paaralang aking pinagmulan – ang Vinzons Pilot High School, sa lalawigan ng Camarines Norte. Isa pang layunin ng papel na ito ay para makabahagi ang nagsulat ng artikulong ito ng kanyang mga karanasan bilang isang dating mag-aaral ng nasabing paaralan. Layunin din ng tagapagsaliksik ng papel na ito na mailagay sa mapa ng isipan ng kanyang mambabasa ang ideya tungkol sa kanyang napagtapusang paaralan. Hayaan niyo sanang maging gabay ninyo ang aking nasaliksik at nalikom na impormasyon para magabayan kayo sa isang paglalakbay patungo sa aking paaralang minahal at sinubaybayan sa loob ng apat na taon kong pag-aaral. Marapat lamang na bigyang pugay ang institusyong aking kinalakihan at kinamulatan. Maraming bagay akong natutunan sa nasabing paaralan at tama lamang na sa ganitong paraan, makapag-bigay ako ng pugay sa aking paaralan. Nararapat lamang na makatanggap ng isang simpleng parangal mula sa mga estudyante ang isang paaralan na nag-hubog at luminang sa aming mga kakayahan. Ito ang aking paraan – ang ipakilala ang aking paaralan sa lahat ng taong maaaring makabasa nito. Maliban sa lahat ng nabanggit ko, layunin din ng pananaliksik na ito ang ipakilala ang munting bayan ng Vinzons sa mga mambabasang maaaring hindi nakaaalam na mayroong bayang nagngangalang Vinzons sa lalawigan ng Camarines Norte. Pangkalahatang...
Words: 2683 - Pages: 11
...II. Kaalaman Ang ating pambansang bayani bilang manggagamot, ay may takdang oras ng konsultasyon sa mga pasyente. Ito ay sa ganap na 8:00 hanggang 10:00 ng umaga sa bayan ng talisay, at pagdating ng 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ay sa Dapitan naman siya pupunta para sa konsultasyon. Bilang guro, ayon kay Dr. Maria Valdez sa librong “Jose Rizal and The Writings of His Story”, ang pagtuturo ni Rizal ay mula 1:30 hanggang 4:00 ng hapon. Ngunit ayon kina Vaño ang pagtuturo ni Rizal ay 2:00 hanggang 4:00 ng hapon. Sinabi rin niya sa sulat niya para kay Blumentritt na meron siyang 16 na estudyante. Bilang inventor, ang ating pambansang bayani ay nakalikha ng makina na makakagawa ng laryo (brick) nang mabilisan. Sa katunayan ay nakakagawa ito ng mahigit kumulang 6,000 na laryo sa isang araw. Si Rizal ay nagpadala rin ng sulat kay Blumentritt na kanyang ipinapaalam na nakakita siya ng ibang paraan ng paggawa ng laryo sa Bohemia at kanyang itinanong kung paano ito nagawa sa kaibigan niyang si Blumentritt. Siya rin ang naka inbento ng sulpukan na isang sigarilyong gawa sa kahoy. Bilang mangagamot, may pasyente si Rizal na nag ngangalang “Don Ignacio Tumarong” na nagbayad ng 3,000 Pesos upang mapaayos ang kanyang paningin. Isa pang Ingles ang nagpagamot ng mata kay Rizal na nagbayad ng 500 Pesos. At si Don Florencio Azcarraga mula sa Aklan ay nagpatingin rink ay Rizal. Ang kapalit nito ay isang kargada ng asukal. Bilang negosyante, alam naman natin na si Rizal ay magaling...
Words: 1487 - Pages: 6
...Danica Camille Lim Yu C48 FILKOMU: Mr. Marvin Reyes APC 11431733 Reaction Paper: Filipinas 1941 Noong 1941, ang Pilipinas ay nasa isang mahinang kalagayan at nasa isang madilim at mala-impyernong lugar habang lubhang naghihirap ang mga tao. Hindi lamang ang bagong tanggap na kalayaan ang kinuha ng mga Hapon, pati na rin ang buhay ng mga milyon-milyong mga Pilipino. Mga buhay ang nakataya at ang posibilidad ng paghihiwalay o pagkawala ng mga mahal sa buhay ay napakataas. Maliwanag ang pang-aabuso sa mga bata at, lalo na sa mga babae ng mga sundalo Hapon na ginahasa, sinaktan, at pinatay ang mga ito. Walang awang pumatay ng di-mabilang na mga sibilyan at guerilla ang mga Hapon, tulad ng ginawa nila sa makasaysayang Death March. Ang bansa ay maaaring may digmaan laban sa Japan ngunit nagkaroon din ng digmaan na nagaganap sa loob ng mga hangganan nito. Dahil sa takot, ang mga mamamayan sa bansa ay nahati sa dalawang mga pangkat--mga taong piniling lumaban para sa kanilang bansa at mga taong piniling sundin ang mga utos at manatiling ligtas, sinasamba ang kanilang mga kaaway upang mabuhay. Ang kawalan ng katapatan ay nagpakita kung gaano kasindak-sindak ang sitwasyon noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at talagang naipakita na kung sino ang tunay na mamamayang Pilipino at kung saan nakalaan ang kanilang lakas at dangal. Gayunpaman, ang kakayahang manumbalik ng mga Pilipino ay maliwanag dahil sa hindi mabilang na rebelde sa loob ng bansa na...
Words: 755 - Pages: 4
...Kasaysayan ng Saligang-Batas Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas. Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal. Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. saligang batas ng La Liga Filipina Ang isang maikling buhay na saligang batas na hinanda ng makabayang si Jose Rizal para sa samahang La Liga Filipina ngunit nabuwag nang si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan. Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1897) Ang himagsikang Katipunan ay nagdulot ng pagpupulong Tejeros kung saan ang unang pampangulo at pang ikalawang pangulong mgahalalan ay isinagawa noong 22 Marso 1897 sa San Francisco de Malabon, Kabite. Gayunpaman, tanging mga kasapi lamang ngKatipunan ang nakalahok at hindi ang buong mamamayan. Ang kalaunang pagpupulong ng rebolusyonaryong pamahalaan na isinagawa noong 1 Nobyembre 1897 sa Biak-na-Bato sa bayan ng San Miguel de...
Words: 1172 - Pages: 5
...Bohol mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro siya ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Pangalawang Pangulo na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, na dating bumuo at namuno sa isang pwersang gerilyang lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at naglingkod hanggang 1932. Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro siya ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang...
Words: 373 - Pages: 2
...ARALING PANLIPUNAN III: Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig I. Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Maipaliliwanag ang papel na ginampanan ng bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. B. Maibabahagi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa. C. Makapagsusulat ng isang reaction paper tungkol sa pelikulang panonoorin at talakayang kanilang napakinggan. II. Nilalaman A. Paksa: Panahon ng Pananakop ng mga Hapones B. Pagpapahalaga: Kapayapaan, Pagkakaunawaan, Pagbibigayan, Katapangan C. Kagamitan: VCD, VCD Player, LCD Projector, mga larawan D. Sanggunian: A History of the World – nila Perry, et.al. pahina 708-710 Kasaysayan at Pamahalaang Pilipino- nila Gonzales, et.al. pah. 339-347 III. Pamamaraan A. Lunsaran 1. Magpapaskil ang guro ng mga larawan sa pisara at itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang nakikita sa mga larawang ito. 2. Manonood ang mga mag-aaral ng isang pelikulang pinamagatan na “Pearl Harbor”. Itanong sa mga mag-aaral kung tungkol saan ang pelikula at kung bakit binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor. B. Paglinang ng Aralin 1. Pagkakaroon ng isang talakayang panel tungkol sa mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dito sa Pilipinas at kung ano ang papel na ginampanan ng mga Hapones sa digmaang ito. May mga piling mag-aaral na gaganap na historyador bilang si Douglas McArthur, si Sergio...
Words: 386 - Pages: 2
...GROUP 3 – PAGLALAKBAY III-2 Bongato, Dy, Buenaventura, Bugtas, Hallarces, Luzadas, Ramos, Reyes Layunin: Maipabatid sa aming kapwa mag-aaral ang tungkol sa mga nilakbay ni Rizal sa iba’t ibang bansa at ang mga layunin niya sa pagdalaw sa mga lugar na ito. Paglalahad: Ang Paglalakbay ni Jose Rizal [Tour] Tour guide: Kamusta! Ako po ang iyong tour guide sa araw na ito. Ako po si Nikki Dy at ang mga lugar na pupuntahana po natin ngayon ay mga lugar na pinuntahan ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. 1st stop Nikki: Nandito po tayo ngayon sa Singgapur, dito kung saan unang pumunta si Rizal sa kanyang paglalakbay pagkataposmaglakbay ng limang araw. 1st Rizal (Singgapur): Habang nandito ako tumitingin sa kanilang makasaysayang tanawin ay ginugol ko ang panahon ko sa pagsulat ng talaarawan at mga liham. Nikki:. Dumaan si Rizal sa Napoles at Marselles. Mula Marselles ay tumungo siya sa Barcelona. Kaya tara na sa Barcelona! 2nd Rizal (Barcelona): Dahil sa maunlad at malayang kapaligiran, dito ko sinulat ang isang makabayang sanaysay na ang pamagat ay Amor Patrio (Pag-ibig sa Tinubuang Lupa). Ito ang kauna-unahang sinulat ko sa Espanya. Nikki: Pagklatapos ng tatlong buwan si Rizal ay pumunta naman ng Madrid [matapos niyang marinig ang masamng balitang na ang salot ng kolera ay kumakalat sa Maynila at karatig sa pook nito]. Kaya pumunta na rin tayo sa Madrid para malaman natin kung ano ginawa niya doon. 3rd Rizal(Madrid): Dito ay nagaral ako ng Medisina,...
Words: 2323 - Pages: 10
...Written Report In Araling Panlipunan Submitted by: Michaela Estipona Submitted to: Sir Jake Macabalo 8-Rembrandt *Ang Sining sa Rehiyon: ( Ang sining ay ekspresyon o pagpapahayag ng kultura/tradisyon ng isang tao o komunidad. Ang sining ay maaaring maipahayag sa pamamagitan ng: ( Arkitektura – pagtatayo ng mga istraktura o gusali. ( Pagpipinta – paglalarawan ng konsepto o bagay. ( Iskultura – paghuhubog ng imahen o hugis. * Mga Likhang Arkitektural sa Asya: ( Mula sa panahon ng mga unang sibilisasyon sa asya, ang mga gusali at tahanan ay kakikitaan na ng pambihirang estilo. Mga pamayanan sa Mesapotamia, tulad ng Sumeria o sumer, Assyria o Assur, at Babylonia, natagpuan ang mga lunsod at libingang may magagandang disenyo o design. Mayroong mga templo at mga ziggurat, o mga toreng hugis piramide. Ganito din ang estilo ng Tore ng Babel (ay isang malaking toreng itinayo sa lungsod ng Babel) na nababanggit sa bibliya. Hanging Garden – may mga halamang Pinatubo sa itaas ng mga gusali at ito ay kinikilala bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World. • Apat na uri o estilo ang Arkitekturang Asyano: 1. Arkitekturang Indian: ( Stupas – nakilala ito dahil sa malaki at pabilog na bubong o dome. ( Chaitya-hall – templong nililok mula sa solidong bato. ( Taj Mahal – itinuring na pinakamagandang libingan sa daigdig. Ipinagawa ni haring Shah Jahan ng India para sa kanyang...
Words: 919 - Pages: 4
...Julie Ann Niña M. Naborte TALUMPATI BSED- ENGLISH 2F INANG KALIKASAN BAGO KO PO SIMULAN ANG AKING SIMPLENG TALUMAPATI, HAYAAN NINYPO PO MUNA AKONG BUMATI SA INYONG LAHAT NG NAPAKA GANDA AT MAALIWALAS NA HAPON. SA HAPON PONG ITO AY HAYAAN NIYO PONG MAPAKINGGAN, NANG AKING MAIPABATID ANG AKING SALOOBIN UKOL SA ATING INANG KALIKASAN. HINDI PO LINGID SA ATING ULIRAT AT KAISIPAN NA ANG ATING MAHAL NA INANG KALIKASAN AY UNTI-UNTI NG NAMAMATAY AT NALULUGMOK DAHIL NA RIN SA ATING SARILING KAGAGAWAN. HINDI BA’T IMBIS NA SIRAIN AY MAS DAPAT NATING PAHALAGAHAN AT ALAGAAN SI INANG KALIKASAN. MAAARING BUKSAN NATIN ANG ATING MGA ISIPAN AT KALOOBAN NA SA HENERASYON NATIN NGAYON AY NAWAWALAN NA NG IMPORTANSYA AT HALAGA ANG ATING NATATANGING INA. HINDI NATIN MAIKAKAILA NA SA PANAHON NGAYON AY MARAMI NG MGA BAGAY ANG DAHILAN NG PAGKASIRA NG ATING KAPALIGIRAN NA DULOT RIN NAMAN NATING MGA TAO. MAMAMAYAN NG MUNDONG ITO. SIMULA’T SAPOL PA LAMANG AY BATID NA NATING MGA TAO NA ANG ATING INANG KALIKASAN, TIRAHAN NATIN SA MUNDONG IBABAW AY IPINAHIRAM LAMANG NG ATING POONG MAYKAPAL. AT ALAM NAMAN NATIN NA KAPAG MAY IPINAHIRAM NA ISANG BAGAY SA ATIN AY KAILANGAN NATIN ITONG PANGALAGAAN, PERO TILA HINDI NATIN NAGAGAWA ANG SIMPLENG BAGAY LAMANG NA INATAS SA ATIN NG PANGINOONG DIYOS. KUNG BAKIT KO PO NASABI IYON? IYON AY DAHIL SA NAPAKA OBYUS NA HINDI MAGAGANDANG BAGAY NA NANGYAYARI SA ATING...
Words: 401 - Pages: 2
...tapos un ung mga pinangyarian apos ilalagay mo sa blank ung number kung saan naganap halimbawa saan nagmula ung komunismo? edi ung no. ng russia dating netherlands east indies edi indonesia ang gumawa ay esep tapos camp nakar sa pilipinas pag sa us pentagon ang unang binomba china tapos sa coral sea ung mga isla un sa may ausralia akit nga endi natuloy ung pag bomba?. Sabay ung hndi kasama sa nasasakupan ng neokolonisasyon relihiyon ba pamahalaan pulitika ekonomiya ba? at anu mga sinagot mo jan xD. relihiyon un ah bakit ba endi natuloy ung pabomba doon father? FATHER anu pati SINAGOT mo doon sa may mga ANALOG.? kaya di nabiomba ang australia kasi naantala ang pag advance ng hapon sa pilipinas nasira ung timetable kaya ng dumating ang 7th fleet ng america natalo ang mga hapon sa coral sea for the first time since Hideyoshi invasion of korea kasi natalo ang japanese navy ni Admiral Yi shun shin analogo ano nga ba un bolshevik: russia pag pilipinas CPP-Npa pag hezbollah: lebanon abu sayyaf sa pilipinas Uncle Sam: US Juan de la cruz:pilipinas ung bansang binagsakn ng atomic bomb japan NAGASAKI ?. Ung, sa digmaan lahat ay talo, tapos ung pinaka delikadong epekto ng cold war ang sagot ay digmaan Sabay ung analogy di ko na tanda eh hihirap pero may bonus dun nakalagay Theodore : Legacy marius Oca_______ Allied Sabay ung hndi kasama sa nasasakupan ng neokolonisasyon relihiyon ba pamahalaan pulitika ekonomiya ba? D ko na masyadong tanda XD basta mahirap dun...
Words: 457 - Pages: 2
...Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa politika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing saSandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang...
Words: 3009 - Pages: 13
...lamang sa pag-uugali at paraan ng pamumuhay tayo naimpluwensyahan ng mga banyaga kundi pati na rin sa ating wika. VI. Paraan ng Pananaliksik * Paghanap sa Internet * Pagsasarbey * Pananaliksik sa mga aklat * Paghingi ng mga opinyon VII. Katuturan ng mga Salita * Wika- isang bahagi ng pakikipagtalastasan, Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang ipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. * Wikang Tagalog- ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. * Wikang Kastila- ang espanyol na kinikilala na gamitin din ngunit hindi isang opisyal na wika. * Wikang Ingles- wika na nagmula sa mga Alemanya na isang sangay ng Indio-Europeong pamilya ng mga wika. * Wikang Hapon (Nihonggo o...
Words: 815 - Pages: 4
...Proyekto sa Filipino Ipinasa ni: Mia Joy Sumilig BEED 1-B Ipinasa kay: Ms. Christine Biñas Napapanahong Isyu Tungkol sa Wika Masasabi ko ngang mayaman ang ating bansa sa wika sapagkat mayroon tayong iba’t ibang pagkakasalin sa iisang salita. Mayaman nga ang ating wika ngunit may pagka-negatibong epekto din ito, dahil hindi lahat ng mga Pilipino ay nagpakadalubhasa sa ating wika. At hindi lahat ay nakapagbabasa, nakapagsasalita, nakapagsusulat at nakakaintindi ng lahat ng mga wikain sa ating bansa. Ipinanukala ni Pangulong Manuel L. Quezon ang isang Kautusang Tagapagganap Bilang 124, Serye 1937 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tatlong taon makalipas ang pagpapanukala, ay sinimulan na din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang pampubliko at pribado. Noong taong 1959, ang wikang pambansa ay tinawag na Pilipino batay na rin sa Tagalog. At sa Konstitution ng 1986, Arikulo XVI, seksyon 6, nakasaad dito pinapalitan na ang tawag ng wikang pambansa, at ginawang Filipino ang Pilipino, upang mabigyan ng tamang distinksyon ang tawag sa tao at sa wika, na ang tao ay Pilipino at ang wika ay Filipino. Sa pamamagitan ng batas na ito nagkaroon ng pambansang pagkakaunawaan at global na pagkakakilanlan ang mga Pilipino. Nagkaroon din ng pangkalahatang pagkakaintindihan sa mga iba’t ibang pananaw, saloobin at kuro-kuro ng bawat indibidual. Sa kasalukuyang matinding sigalot sa bansa, anumang talakayan hinggil...
Words: 1474 - Pages: 6