Free Essay

Hundred in One

In:

Submitted By adcmps
Words 82674
Pages 331
Hundred in one
Brief intro:
Sabi nga nung mga kaibigan ko dati, masarap daw ang pakiramdam ng sikat. Yung tipong, ikaw yung hinahangaan. Naisip ko naman, lahat naman ng positive side, may kaequal sa negative side. Hindi naman puro maganda ang kinalalabasan.
I'm just the girl next door. Well, hindi naman yung literal na meaning. Typical girl kumbaga. Yung mamemeet mo sa pangarawaraw.
In short, average lang. Pero may nagsasabi sa akin na hindi raw ako average. Sometimes above or below. Kainis na mga yun!!!
Ang lakas ng loob na sabihing above average ako?
4th year high school na nga pala ako. Bagong school. Sa katunayan, hindi naman na talaga bago sa akin ang
'Edison High School.' Nakatira naman na kasi kami dito sa lugar na ito, dati pa. Kaya lang nadestino yung Papa ko sa ibang lugar kaya napilitan kaming lumipat. Pero ngayon, stayput na siya. Hindi na yata namin kailangang lumipat uli. Kaya bumalik na naman ako sa pinanggalingan ko.
Makikita ko na naman yung mga naging kaibigan ko dati.
I have two brothers. Yung isa mas matanda sa akin, yung isa mas bata. Nagkataon namang yung mas bata sa akin eh ang mortal kong kaaway sa bahay namin! Si Kuya naman, hindi nakatira sa amin dahil college na siya.
Bakasyon pa naman. Inienjoy ko pa naman dahil kapag nagpasukan na, magsisimula na ang nightmare. Hindi pa maayos yung bahay namin mula sa pagkakalipat, marami pa kasing hindi nabubuksang kahon. Pero syempre, inuna kong ayusin yung kwarto ko. Aba, yun ang pinakamahalaga ha!
Sa school ko dati, school paper staffer ako. Ewan ko lang ngayon kung makakasama ako. Kung swertehin siguro. Ganito nga pala ang isa sa mga senaryo sa bahay namin. Ang sarapsarap ng tulog ko at tipong nananaginip pa ako tapos eto yung maririnig mo.
"KRISTEN CARYLLE! BUMABA KA NGA DITO AT TUMULONG KA! LAGI KA NA LANG NASA
KWARTO MO!"
That's my mom! Kapag galit sa akin yan, buongbuo yung pangalan ko. Kaya eto na naman, ang lakas na naman ng sigaw niya. Dinig sa buong bahay.
So... dinilat ko naman yung mata ko. Maliwanag na nga.
Let's just say I woke up in an ordinary Saturday morning, or so I thought...
...just for a start..
***1***
Tumayo ka na nga Kristen at baka mamaya lang may dala na namang walis tambo ang nanay mo sa labas ng kwarto mo.
"Bababa na! Kagigising lang eh!"
Kainis na yan. Nanaginip pa man din ako ng kung ano. Hindi ko nga lang matandaan pero maganda yun eh.
"Bilisan mo na! Mabuti pa itong si Angelo ang dami ng naitulong!"
Yeah right! Si Angelo. Ang aking kapatid na ang sarap ihulog sa canal. Madalas kasi sa aming dalawa, kakampi niya si Mama. Hindi naman dahil sa favoritism, nagkakataon kasing kapag nagaaway kami at masyadong physical, ako ang nananalo. Maliit lang kasi yung kapatid ko. Grade 4 pa lang. Pero dati naman sinuntok ako nun sa braso at nagpasa, si Mama naman eh kumampi sa akin.
Si Papa naman, wala lang. Nasanay na siguro sa amin. Katulad ni Mama, minsan kakampi ko, minsan kakampi ni Angelo.
Niligpit ko naman yung pinaghigaan ko, tapos pumasok ng banyo. Syempre, bumaba rin ako at nakita kong nagbubukas sila ng mga kahon kaya ang kalat na naman sa bahay. Nagkakamot pa nga ako ng ulo ko nung nakababa na ako.
"Ano ba naman yan Kristen nakapajama ka pa! Magbihis ka nga!" sabi ni Mama sa akin nung nakababa na ako. "Sabi mo bilisan tapos ngayon..." tapos nung aakyat na ako sa hagdan eh nandun na naman yung kapatid ko sa gilid. "Buti nga!" sabi niya sa akin habang nagbubuhat siya ng kung ano man yun.
"Ito gusto mo?!" sabay arte ko naman na susuntukin ko siya.
"Maaaaaaa!!! Si Kristen oh!"
"Magsumbong ka, sige!" tinakot ko naman siya. Sa totoo lang, hindi ko naman yun gagawin. Ang sarap lang talagang pagtripan ng kapatid ko. Sumbungero nga lang.
"Maaaaaa!"
"Hmpf! Bwisit!"
"Kristen, tigilan mo yang kapatid mo! Ang agaaga.."
At magsusumbong nga! Nakakainis. Dinilaan ba naman ako.
Si Mama, hindi mo naman maintindihan. Pinababa ako ng mabilis kaya ginawa ko, tapos nung nandun na ako pinaaakyat ako uli para magbihis! Ano ba naman yan?!? Ang agaaga nga eh sira na naman yata ang araw ko.
Hindi pa ako nakakatatlong hakbang sa hagdan eh may tumatawag na naman sa akin.
"Kristen.." si Papa.
"Po?"
"Tumawag dito si Neriah kanina. Alam na niya na nandito tayo kaya..."
"Opo Papa! Alam ko na!" tapos yung hakbang ko sa hagdan, daladalawa na. Grabe, si Neriah! Kaibigan ko yun dati, Buti naman nandito pa rin siya. Namimiss ko na yung bruha na yun! At alam ko na kung saan ko siya makikita. Sa Playground syempre. Dun kami madalas tumambay. Sa tapat naman yun ng Edison Elementary. Katabi ng high school.
At kapag mamalasin ka pa talaga, dun magaaral ang aking pinakamamahal na kapatid.
Syempre pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako at tumulong din naman. mabuti na lang at napigilan ko pa yung sarili ko na hindi batukan yung kapatid ko. Himala nga at tinulungan ako magbuhat. Aba! Kung ganyan ba ng ganyan eh di nagkakasundo kami.
Naligo naman ako nun. Amoy alikabok na yata ako eh. Tapos nagbihis ako, at sumagot sa sampung tanong ni
Mama kung saan na naman daw ako pupunta. Isa lang naman ang kailangan ko... 'peace of mind'. Pero kapag nandyan si Angelo sa bahay, malabong mangyari yun.
Nabadtrip pa ako. Si Papa kasi, aalis na naman daw. 5 days yata siyang mawawala. In short, si Mama at Angelo lang ang makakasama ko sa bahay. Whatta' life!
Dinala ko yung maliit na bag ko. May ballpen dun, cellphone ko, notebook, postitnotes at kung anuano pa. Ano pa nga bang gagawin ko? Magsusulat ng kung ano.
Tinignan ko yung Edison Elementary, at tumawid sa playground. Kainis!
Kapag may problema ako, weird ang pinaggagagawa ko. Dati nung grade 5 ako, nagdial ako sa landline namin ng number na hindi ko kilala. Kapag may sumagot, sa kanya ako iiyak. Ishashare ko yung problema ko. Kapag ok na ako, binababa ko na at hindi ako nagpapakilala.
1st year naman ako nung sa text ko naman ginawa. Nanghula ako ng number at sinabi ko na naman yung problema ko. Ang nakakainis lang, nakikipagtextmate naman yung nakatanggap. Nabwisit ako kaya, nagpalit ako ng sim card. Kailangan ko kasi ng kausap kapag may problema. Bihira akong magshare sa friends eh, hindi kasi nila ako kilala sa pagiging 'iyakin'.
Pero ngayon, ayokong gamitin yung phone ko. Isusulat ko na lang. Bahala na nga! This is a great job for my postitnotes! 'Badtrip ako. Bwisit talaga! Aalis na naman ang Papa ko. Bakit ba kasi aalis pa yun?!?'
Dahil sa sobrang inis ko, dinikit ko doon sa railings malapit sa puno, na malapit din sa slide at pavillion.
Bahala na nga. Pakialam ko kung may makabasa niyan. Alam ba nila kung sino ako? Basta gusto kong ishare.
O siya, makapunta na nga lang kay Neriah. Mukhang walang tao dito.
Hanggang sa nakapunta ako sa bahay nila Neriah... the real story has begun...
***2***
Umalis na ako nun sa playground at sumakay. Ang tagal ko ng 'di nakikita yung lugar na ito, ang dami na ring nagbago. Dati wala yung Jollibee dun sa kanto sa may likuan, ngayon meron na.
Dati rin nung umalis ako ang ganda pa nung damo sa tapat ng park, tignan mo nga naman ngayon kalbo na!
Naglakad lang ako saglit. Nakita ko na yung brown na bahay. Kahoy kasi eh! Tatawag na sana ako sa labas kaya lang may tao doon sa labas sa duyan.
"Hindi malaman kung anong gusto.. kanina lang..."
Tinignan ko naman kung sino yun. Si Nanay Rebecca pala. Sino ba ang kausap nun? Naku... kakatakot ha.
"Nanay Becca!" sinigaw ko nung nasa gate na ako.
Lola siya ni Neriah. Hindi po Nanay!
Naku! Kasalanan ko yata... nahulog ba naman sa duyan! Kaya ako naman, napatakbo ng deoras.
"Anak ng tokwa itong batang ito oh! Ginulat mo pa ako!" sabi niya nung naalalayan ko na siya. Akala ko nga galit eh, pero tumatawa. "Iba na talaga kapag tumatanda."
"Nanay, si Neriah po?"
Tinignan niya ako na para bang nagbabasa siya ng libro at hindi niya mabasa ang letra isaisa.
Ang lapitlapit kasi ng mukha niya sa akin. Parang inoobserbahan ako.
"Ikaw na ba yang bata ka? Kacee ikaw ba yan?"
Hindi na nga ako nagkamali, si Nanay Becca nga ito. Siya lang kasi ang tumatawag sa akin ng Kacee.
Nickname ko kasi dati, KC. Hindi niya mabigkas ng tama, kaya ayan.
"Opo. Nanay naman, hindi na po ako kilala sa tawag na KC, Kristen na po."
"Eh ang tangkad mo na ah! Natangkaran mo pa ang nanay!"
Aba, tumawad pa! Talaga namang mas matangkad ako kay Nanay Becca. Ano bang height nito? 2 feet? Hindi.. nagbibiro lang.
"Neriah apo! May bisita ka dito!" tinawag niya doon sa bintana.
"Nasa taas po ba siya? Ako na lang po ang aakyat? Ayos na po ba kayo? Sorry po talaga."
"Ayos na ako Kacee. Puntahan mo na siya."
Pumasok naman ako sa loob ng bahay nila dahil bukas naman yung pinto. Kaya lang bago pa ako nakapasok, narinig ko na naman na may kausap si Nanay Becca pero wala namang tao doon.
Naku, tinatakot na talaga ako ng matandang 'to.
Inakyat ko naman yung hagdan nila. Ang kinis! Parang yung bahay nila, back to the Spanish Era pa ah!
Pagpasok ko doon sa unang kwarto sa kanan, may nakaupo doon sa table malapit sa bintana. Nakasalamin.
"Oh, baka tumalino ka na naman ng husto niyan!" sabi ko doon sa pintuan. Lumingon din naman siya sa akin.
"KC!!! Nandito ka pala!" tapos tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.
"Oo, nandito nga ako. Hindi naman siguro ako mumo dito!" sabi ko nung humiwalay na siya. "O ano na? Bakit wala ka yata sa galaan ngayon?"
"Nalimutan ko kasing humingi ng pera kay Papa eh. Maasahan mo ba si Nanay Becca?"
Sabay pa kaming sumilip doon sa bintana. Hay naku, nagsasalita pa rin si Nanay Becca habang nakapikit yung mata at nagpapaypay. Napasimangot na lang akong bigla.
"Hindi naman sa masama ang ibig kong sabihin pero, anong nangyari kay Nanay? Mukhang may kinakausap pero wala naman."
"Ahh, yun ba? Huwag mo na lang pansinin. Malungkot kasi yan at hindi tumubo yung mga tanim niya. Kaya ayan, kinakausap baka sakali daw maagapan. Pabayaan mo na... paniwala daw kasi nila yun noong araw."
"Mukha nga..."
Naupo naman ako doon sa kama niya at siya naman doon sa upuan sa lamesa uli.
"Dito ka na talaga uli magaaral?" tapos tinaggal niya yung salamin niya.
"Oo kaya! Edison High School. Tiyak magkaklase na naman tayo."
"Tiyak magugulat yung iba na nakakakilala sa 'yo diyan! Pero dahil bago ka tiyak magpapakilala pa!"
"Yeah. Oo nga pala Neriah, favor lang... hindi na kasi KC nickname ko eh. Kristen na. Eh yung KC ang dating sa akin eh 'girliegirlie'."
"Ok.. KRISTEN!" sabi niya habang ang kulit ng mukha. "Kumusta na nga pala sina Mama at Papa mo saka si
Angelo?"
"Ok naman si Mama. Si Papa as usual aalis na naman. Limang araw yata. Badtrip nga eh. Si Angelo? So far buhay pa naman. Ewan ko nga bakit hindi ko pa tinuluyan yun sa drum namin sa banyo dati eh!"
"Yung Kuya mo? Hindi niyo ba kasama?"
"Wala eh, nagdodorm na kasi yun." ako naman eh tumayo na. "Tara nga. Medyo badtrip ako. Nagpunta ako kanina sa playground eh, feeling ko pasukan at nandun ka. Gala tayo.. libre kita."
Nagbihis naman si Neriah. Ang bilis nga eh. Mukhang naiinip na rin yata sa bahay nila. Nagpaalam nga kami kay Nanay Becca na kausap pa rin yung tanim 'daw' niya hanggang sa nakaalis kami.
Naglakad lang kami dahil sa kanto pa yung sakayan.
"So, ano namang pagbabago sa Edison?"
"Ganun pa rin naman. Lumaki nga lang yung canteen. Inayos din nila yung gym saka yung open bleachers dati, may bubong na! Nilulumot kasi dati sa ulan. Pero ngayon, ok na."
"Aba, asensado ang Edison ha! Feeling New York na rin! Eh yung bahay niyo naman, bakit malayo pa rin sa kabihasnan hanggang ngayon?"
"Syempre, yung lola ko!"
Nung nakasakay na kami, nagkwento lang si Neriah. Sinabi niya yung tungkol sa mga classmate namin dati at kung ano ng balita. Yung naging crush daw niya na nabungi dahil nasuntok.
Hindi naman malayo yung bahay nila sa school.. kaya nakarating din naman kami. Wala pa ring tao maliban sa tatlong bata. Ang lungkot yata ngayon.
"Tara, upo tayo doon. Nandun ako kanina eh."
"Nagsusulat ka na naman?"
"Sana nga may nasulat na may kwenta. Kaya lang dahil badtrip ako kanina ang nasulat ko lang eh..."
Tinignan naman ako ni Neriah. Ayokong sabihin. Hindi ko ugali yun eh. Hindi Kristen. Huwag.
"Ice cream gusto mo? May naglalako eh."
"Sure!"
Mabuti na lang naalis yung isip ni Neriah doon sa sasabihin ko. Parehas lang kaming bumili ng ice cream.
Nauna akong bumalik sa kanya kasi naiwan ko yung bag ko sa pavillion at nandun yung wallet ko.
Nung napahawak na ako doon sa strap ng bag ko, may napansin ako doon sa gilid. Nandun pa rin yung post it note ko na nakadikit at medyo siksik sa railings. Teka, hindi naman ganyan yung pagkakalagay ko kanina ah!
"Kristen!"
Inalis ko na lang yung tingin ko. Tumakbo na ako at binayaran yung ice cream. Gagala daw kami sa mall.
Syempre, bibili rin pero kadalasan na gagawin namin eh Window shopping lang.
Kaya lang dahil hindi ako mapakali, tumakbo ako doon sa gilid at kinuha ko yung postit ko. Siraulo ka talaga
Kristen.
Itatapon ko na lang siguro. Pagkabukas ko sa postit dahil dumikit sa kamay ko, may nakita ako.
Huh? Wala akong natatandang sinulat ko 'to kanina. At lalong hindi rin ito yung handwriting ko. Yung simula sulat ko, pero ito... definitely not.
'Hindi naman siya aalis kung walang reason 'di ba? Malay mo, para sa 'yo rin yun.'
Sino naman kayang walang magawa sa buhay na tulad ko ang sumagot dito?
***3***
"Ano yang hawak mo?" sabi ni Neriah sa akin kaya naman mabilis kong tinago yung postit sa bulsa ng bag ko.
"Wala. Tara na nga, gala na tayo sa mall."
Umalis na kami doon sa playground at sumakay para makapunta ng mall. Wala pa ring masyadong pagbabago si Neriah, madaldal pa rin kahit papaano. Kaya nga nung nakarating kami sa mall, bumili kaagad yun ng inumin. Nauhaw kaagad ang bruha.
Ako naman, hindi mapakali at tinignan ko uli yung sumulat sa postit ko. Kung tutuusin, may point naman siya.
Para sa akin din naman yung pagalis ni Papa.
Gabi na yata kaming nakauwi ni Neriah. Dahil ako yung may pera nun, sinamahan ko pa siya hanggang sa nakauwi siya sa bahay nila. Mabuti na nga lang at wala na si Nanay Becca doon sa duyan. Kung hindi ko lang talaga alam, natakot na talaga ako doon.
Nagtricycle
na lang ako nung pauwi na ako ng bahay. Gabi na kasi para maglakad pa. Bukas pa naman yung ilaw nun sa bahay kaya alam kong gising pa sila. Malamang lang! Alas7 pa lang naman.
Pagpasok na pagpasok ko doon sa loob, bumungad kaagad sa akin yung likod ng kapatid ko na nanonood ng anime sa TV.
"Ma, nandito na si Ate!"
I can tell, there's something wrong with my brother. Himala yata at ate niya ako ngayong araw na ito?
"Hindi na po kailangang magsumbong, narinig naman na pumasok ako."
"Sinumbong ba kita? Sinabi ko lang eh."
Nasa banyo pala si Mama nun. Paakyat na ako ng hagdan nung napansin ko yung mukha ni Angelo. Aba, mukhang seryosongseryoso ito. "Oi, 'wag mong seryosohin yang nilalaro mo at baka mastroke ka na lang bigla dyan. Maging abala ka pa at dalhin pa sa hospital." sabi ko na lang nung pinuna ko yung kapatid ko. Ganyan naman ako kapag nagtataka o kaya naman nagaalala sa kanya... hindi ko na lang pinapahalata.
Tinignan naman niya ako. Yeah, kakaiba nga ito ngayon.
"Akyat na nga ako. 'Wag kang biglabigla na lang sumusulpot sa kwarto ko. Tatamaan ka sa akin."
Alam kong may narinig akong sinabi si Angelo doon nung nakarating na ako sa huling hakbang ko sa hagdan. 'Umalis na nga pala si Papa kanina, baka gusto mong malaman. Friday na siya babalik.'
Dumeretso naman na ako sa kwarto ko. Umalis na pala si Papa hindi ko man lang alam. Akala ko ba bukas pa?
Naman! Badtrip. Si Angelo kahit mama's boy yan, halata mo pa rin na ayaw niya ring umalis si Papa.
Nung sumunod na araw, naisipan kong bumalik doon sa playground. Kaya lang, aalis din si Mama nun kaya ako ang incharge na magbantay kay Angelo. Nakipagtalo pa nga ako eh, sinabi ko kasi na ang tandatanda na nun para bantayan pa. Kaya ako naman eh walang choice kundi isama siya. Tinanong pa nga niya ako kung ano daw ba ang gagawin ko doon, pero syempre.. hindi ko sinabi.
Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa isip ko. Nung dumating kami doon, pinalayo ko muna si
Angelo at hinayaang kong maglakad. Kumuha ako ng bagong postit note, tapos nagsulat ako ng 'Thanks' kung sino man yung nagsulat nun. Tapos tinanong ko sa kaduluduluhan kung guy ba siya or gal...
Hindi naman sa habit pero naging madalas kong routine yung pumunta sa playground. Siguro dahil sa dahilan na tambayan namin yun ni Neriah dati pa, pero syempre para tignan yung postit.
Hindi pa rin alam ni Neriah yung tungkol doon, at wala rin naman akong balak sabihin sa kanya.
Nababaliw na nga siguro ako. Kasi naman, lahat ng nakuha ko doon, tinatago ko pa. Pati ba naman yung sagot niya na'Guy' sa postit nung tinanong ko siya eh tinabi ko pa. Para 3letter word lang!
So far kapag nababadtrip ako, sinusulat ko na doon. May sumasagot naman parati. Nung nakaaway ko si
Angelo, nagtalo kami ni Mama, pinagalitan ako ni Papa (nung dumating na siya) eh ilan lang naman sa mga pinagsasasabi ko sa kanya. Sinabihan pa nga niya ako na nakakatawa raw yung tungkol sa amin ng kapatid ko.
Normal daw kas na nagaaway ang magkapatid. Ang saya nga raw namin siguro.
One time nga nung nagpunta ako doon, ang daming tao sa playground kaya nagtingintingin ako sakaling isa sa kanila eh yung nagsusulat doon. Hindi niya alam yung pangalan ko, hindi ko rin alam yung sa kanya. Ayoko namang malaman eh. Parang katulad ng dati.
Nagshare
din siya ng problema niya dati. Unang beses na ginawa niya yun.
'Hindi maganda nangyari sa bahay namin kagabi eh. Nagaway kami ng Daddy ko. Kadalasan kasi siya laging nasusunod, pero yung gusto ko minsan hindi na importante.'
Hindi naman detalyado, pero parang alam ko na yung ibig sabihin niya. Hindi ako magaling sa advices eh, pero dahil tinutulungan naman niya ako eh nagbigay din naman ako. May kwenta man yun o wala, hindi ko alam.
Basta ang alam ko nagpasalamat din siya sa akin.
Nagpalitan kami ng messages nun through postit notes ng buong summer vacation.
Monday, 5:30 am.
"Kristen, bumangon ka na diyan!"
Si Mama yun, boses pa lang.
"Opo. 5 mins!"
"Eto na naman yan 5 mins mo. Kanina pa kita ginising kaka5 minutes mo inabot ka na ng 5:30. Si Angelo..."
"Ok fine! Ano na namang meron sa dagang yun ngayong umaga?"
Pinagalitan na naman ako ni Mama. Sinabi niya na lagi na lang akong nakaangil kay Angelo eh samantalang bata lang eh pinapatulan ko pa. Ako na daw itong dalaga na tapos ganito pa rin kumilos. Yeah.. yeah right! I heard the same lines before.
Syempre, dahil hinatid ni Mama si Angelo sa school, ako na lang daw ang bahala na pumunta sa Edison High
School. Hindi ko naman feel na ihatid pa ako ni Mama. Ano ako? elementary?
Nilakad ko na lang simula elementary hanggang high school. It's so nice to be back. Ang daming tao nun sa gate, mga nagdadaldalan pa at mukhang namiss ang mga kaklase. Asus! Ganun pa rin naman ang mga mukha niyan! Ok, sabi sa schedule ko eh ang classroom ko eh Bldg H001.
Ang alam ko, ang admin eh dito sa kaliwa, which means sa tapat nun eh library, tapos building H. Lakad na Kristen, at baka malate ka pa.
Nilakad ko nga yung corridor. Binasa ko yung mga nakasulat sa taas ng pinto. Eto naman ang ayaw ko sa
Edison High, kadalasan ng mga classroom eh walang bintana, yung pinto lang ang meron.
Tumayo ako doon sa tapat ng building na inaasahan kong Admin. Dun kasi yung admin dati. Pero ngayon... iba na ang nakalagay. Weight lifting? Tinignan ko rin yung katapat na dating library. Science Club Office na yun.
Alright, I'm lost.
Magtanong ka kaya Kristen!
Hawakhawak
ko yung binder ko na may mga notebook papers sa loob na hindi ko pa naaayos. Nakita ko yung lalaki na nagtetext doon sa gilid malapit sa hallway papunta ng weight lifting room.
"Excuse me..."
Tumingin naman yung lalaki at huminto sa pagtetext.
"Ano yun?"
"Pwede bang magtanong?" sbai ko nung nakatingin siya.
"Sure. Tungkol saan ba?"
"Kasi medyo nalilito lang ako. Dati kasi admin yung nandirito eh. Gusto ko lang malaman kung nasaan na ba yung Bldg. H?"
Ngumiti naman siya sa akin. Tapos, may narinig akong tumawa doon sa gilid. May isa pang lalaki doon sa gilid na nakatingin sa amin at mukhang nakikinig. At ang bwisit eh patawatawa pa? May nakakatawa naman kaya?
"Sorry Miss, bago lang ako dito eh. Oi, ikaw nga magsabi kung saan."
Tumayo naman yung lalaki na tumawa kanina. Parehas silang naka white shirt at black shorts na nakaprint eh 'Edison High Weight Lifting Class'.
"Sige, una na ako. Ayusin mo pare." tapos umalis na yung lalaki at pumasok sa room ng weight lifters.
Ako naman, nakatayo pa rin doon hanggang sa lumapit yung lalaki.
"Huwag mong sabihin sa akin na naliligaw ka. Sa dinamidami ng lugar sa Edison High pa?"
Aba, nakakainsulto ito ah. Kasalanan ko ba kung nagbago na pala ng mga building dito?
"Di bale na nga lang, magtatanong na lang ako sa iba." tapos tumalikod na ako dahil mukhang malaki ang problema nito sa pagtuturo ng direksiyon.
Kaya lang, narinig ko ulit siyang tumawa pero mahina lang.
"Patingin nga ng room number mo.." tapos kinuha niya sa akin yung papel."H001 ka? Ang galing. Simula rito, diretsuhin mo yung hallway na yan." tapos tinuro niya yung nasa harapan namin. "Tapos kapag nakaabot ka na sa dulo, kumanan ka. Akyatin mo yung hagdan tapos kumanan ka uli tapos yung room sa kaliwa. Yun na yun."
Tinignan ko naman siya na para bang nakarinig ako ng kung ano. Nanloloko ba ito o ano? Ang habahaba nung sinabi niya sa akin. Baka kung susundin ko siya, nantitrip lang pala.
"Nanloloko ka ba?"
"Hindi ka naniniwala no? Totoo yun. Gusto mo samahan pa kita."
Tinignan niya ako tapos nauna siyang naglakad. O siya, sundan na nga lang. Tinandaan ko yung sinabi niya kung totoo nga, yung mga akyat ng hagdan na sinasabi niya. Totoo naman. Tapos huminto siya doon sa room na ang nakalagay eh H001.
Ito na nga yung room ko.
"Ito na..."
Parang gusto kong magthank you pero dahil nabwisit ako kanina, wag na lang.
"Sige pala..." tapos hinawakan ko na yung door knob.
"Wala man lang bang thank you?"
"Ikaw naman yung nagprisinta na samahan ako, hindi ko naman hiniling na samahan mo ko..."
"Ok.. sabi mo eh.
Tumayo ako doon sa harap nung classroom. Hindi ko mabuksan yung pinto kasi nahihiya ako. Ano ba naman yan! "Bakit hindi mo buksan? Hindi pa naman time, kaya hindi ka pa late."
Akala ko naman umalis na itong tao na 'to.
"Ano bang pakialam mo?"
Lumapit naman siya at siya yung nagbukas ng pinto.
"O ayan, bukas na po para sa iyo. Kailangan mo na lang gawin eh humakbang sa loob. Ok ba yun sa iyo?"
Dahil nagsisimula na namang tumaas ang presyon ng dugo ko, isang malaking pasasalamat ko talaga na ang unang lumabas ng classroom eh si Neriah. Yup, classmate ko nga siya.
"Kristen! Kanina pa kita hinihintay eh!" sabi niya sa akin nung nakita niya ako.
"Hindi ko kasi makita ito eh.. nagbago na pala..."
"Kilala mo siya? Naligaw kasi siya eh.. sa Edison!"
Humarap naman ako sa kanya ng nakasimangot.
"O sige pala, alis na ako. Bye Neriah!" tapos tumakbo na siya doon sa hagdan at nawala.
Ako naman, humarap na kay Neriah.
"Bakit ganun yung tao na yun? Sadya bang nangaasar o ganun lang talaga siya?"
"Huwag mo ng pansinin yun, mabait naman yun. Mag pagkamakulit din paminsanminsan."
"Eh sa kaso pa lang ngayon at kakakilala ko pa lang, mukhang yung paminsanminsan eh arawaraw.
Anong
pangalan nun?"
"Lee Xander Maclean nga po pala. Nice to meet you Kristen."
***4***
Humarap naman ako sa kanya dahil akala ko talaga eh wala na siya. Nandun pa pala.
"Ikaw ba eh may habit lang talaga na bigla na lang nagsasalita kahit akala mo eh wala?"
"Hindi naman masyado, medyo lang."
Bigla namang nagalarm.
"Yun na ba yung time?"
"Hindi. First Bell. Ibig sabihin, 10 minutes na lang time na." sabi ni Neriah sa akin.
"Ibig sabihin lang din, kailangan ko ng tumakbo sa weight lifting room at magpapalit pa ako. Mahirap na at baka malate pa! Sige pala!"
Tumakbo naman siya at nawala na talaga sa paningin ko. Sana lang di ba, totoo na yun.
Sinamahan na akong pumasok ni Neriah sa loob. Nakakapanibago nga eh, pero kahit papaano eh may nakakakilala na sa akin. Yung mga naging classmate ko dati nung nagaaral pa ako dito bago kami lumipat.
Pero karamihan sa kanila syempre, hindi ko na kilala. "KC, ang tangkad mo na ah!','Hi KC, kumusta na!", Ilan lang yan sa mga narinig ko na pambungad sa akin ng mga classmate ko.
Dahil may upuan na si Neriah, umupo na lang ako doon sa pinakalikod dahil doon lang maraming bakante.
Syempre dahil sinabi naman nila sa akin na 10 minutes eh time na, saglit lang eh nagalarm na nga.
Bumukas naman yung pintuan ng room at pumasok yung teacher. As usual, kasabay na naman yung Lee
Xander whatever.
"Mam, hindi po ako late! Sabay nga po tayo eh.."
"Mr. Maclean, your supposed to be here before the teacher gets in. Please sit down will you?"
"Pero mam!"
"First day of classes pa lang.. pwede ba umupo ka na. Dito ka nga sa harapan para nakikita kita parati." sabi sa kanya nung teacher at binaba yung bag sa table.
"Ayoko nga po dyan... saka wala na pong bakante. Dun na lang ako sa likod."
Nakakaramdam na talaga ako nun na may malaking possibility na umupo siya doon sa upuan sa tabi ko. Meron ding bakante doon sa kabila katabi nung lalaki, pero mukhang nerd kaya hindi siya siguro doon tatabi.
Naman! Ayoko nga ng makulit na katabi...
"Doon na lang pala ako uupo sa tabi nung bagong naming classmate!!"
Sabi ko na nga ba. Kristen... malas ka talaga!
Papalapit pa lang siya eh tinaasan ko na siya ng kilay ko.
"Hi!" tapos nakita niya yung tingin ko sa kanya.. "Bakit nama ang agaaga eh ganyan ka na makatingin?"
"Ganito ang normal ko ok? Kaya kung gusto mo, screwed up! Alis!"
"Nah, ayoko nga. Gusto ko dito eh."
"Magaaway
lang tayo alam mo? Kanina lang hindi na tayo magkasundo, baka lumala pa."
Napansin ko na binobotones pa niya yung polo niya. Tapos nung natapos na siya, tumingin siya sa akin.
Ngumiti lang siya doon na nakakainis.
"Ngayon lang talaga ako nakakilala ng estudyante na naliligaw sa Edison High!" tapos tumawa siya ng malakas kaya napansin yata ng teacher pero hindi siya nagpahalata.. "Kung ikukumpara mo marami pang mas malaki dito!!!" "Nangaasar ka ba?"
"Hindi naman.. medyo lang!"
Kukunin ko na sana yung malaki kong binder at ihahampas ko sa kanya kaya lang bigla niyang sinabi...
"Mam! Hahampasin ako oh!" tapos turo niya sa akin..
I smell trouble...
***5***
Nagtinginan naman lahat sa amin nung nagsumbong ang bwisit. Halatanghalata naman kasi ako dahil nakataas ng kaunti yung binder ko. Naku Kristen.. magisip!!!
"NO!!" napasigaw na lang ako kaya napatingin sila sa akin. Pineke ko na lang yung ngiti ko. "Ibibigay ko lang naman ito sa kanya eh... 'di ba... ano bang name mo uli?!?"
"Teka, nagpaki" sabi niya sa akin na para bang nagtataka sa sinabi ko.
"Hindi pa pala kayo magkakakilalang lahat dito. Tutal kayong dalawa naman diyan sa likod ang nagiingay, kayo na ang magsimula."
Sabay pa kaming tumingin sa isa't isa nun. Tapos siya ang unang tumayo na ang ibig sabihin eh siya ang unang magpapakilala sa amin. Yumuko lang siya ng kaunti sa akin.
"Ako na ang mauuna. Pasensya na, hindi ko kasi alam na may Alzheimer's disease ka pala at nakakakalimot ng pangalan ng mabilis!" pagkatapos nyang sinabi yun, pumunta na siya sa harapan.
Tumayo siya doon at ang baliw eh umupo pa doon sa table ng teacher namin. Pinagsabihan siya kaya tumayo na siya ng diretso.
"*Ehem, ehem* Lee Xander Maclean nga po pala mga kaibigan... ang inyong lingkod." sabi niya with matching hand gestures pa "Alam ko namang kilala niyo na ako dito except sa mga BAGO lang." diretso siyang tumingin sa likod na seryosongseryoso yung mukha..
Bakit kakaiba yung tingin na yun? Nagiba yung pakiramdam ko. Medyo naging ok na nung humarap siya doon sa teacher sa pinto.
"Lee or Xander for short.. kahit ano! At ako nga pala eh kasali sa weight lifting class... Uhmmmm.. wala na akong masabi. Thank you very much!" umalis siya doon na daladala na naman yung ngiti niya na parang nagaasar.
Pinalakpakan pa nga siya ng klase nung natapos siya. Ewan ko ba kung bakit, wala namang kwenta yung sinabi niya eh.
Nung nakarating siya doon sa likuran, hindi kaagad siya umupo dahil dadaan pa ako nun. Kaya lang, nung nadaanan ko siya..
"Now you know who I am..." seryoso na naman niyang sinabi yun kahit mahina..
Eh bakit ba big deal sa kanya nung sinabi kong hindi ko siya kilala?
"Tingin ko oo.. hindi naman ako bingi 'di ba?"
" 'Hope so! Kailangan mo ng tulong Lola?" tapos humawak siya sa braso ko "Baka kasi hindi iyo po kayang lumakad hanggang sa harapan.."
Hindi ko na lang pinansin at pumunta na ako sa harapan. Syempre, nakita ko na siyang umupo doon sa upuan.
"Hi, I'm Kristen Carylle Gutierrez. Kristen na lang. Kakatransfer ko lang pero dito rin ako nagaral sa Edison dati. 15 na nga pala mag16 this November.. and... yun lang!"
May mga pumalakpak din naman sa akin pero hindi marami gaya nung bwisit na nauna sa akin. Kadalasan pa eh yung mga nakakilala pa sa akin. Ok lang naman sa akin kung konti lang ang pumalakpak, I don't mind it at all. Para yun lang naman eh. Kaya lang... kapag hindi magandang view ang makikita mo sa likuran, ibang usapan na yun!
Pagkatapos ko kasing magsalita, bigla na lang tumayo si 'Lee Xander' doon sa likuran at pumapalakpak pa ang loko. Kailangan ba talagang nakatayo siya?
Lumakad ako habang tinitignan ko siya ng masama. Gosh! This guy is getting into my nerves!
"Show some appreciation! Best speech I've heard so far!" sabi nya pero hindi naman malakas at konti lang ang nakarinig. Nakasalubong ko pa nga yung nerd nung pabalik na ako sa upuan ko. Umupo na rin siya.
"Excuse me lang ha!" sarcastic pa yung pagkakasabi ko nun.
Dahil dadaanan ko siya bago ako makaupo uli, tinapakan ko ng malakas yung paa niya. Ewan ko kung bakit yun ang ginawa ko, yun kasi ang unang pumasok sa isip ko.
"Ouch! Bakit mo ginawa yun?" sabi niya sa akin. Tumingin naman yung teacher sa amin na nakukunsumi na yata kasi kanina pa kami nangungulit sa klase. Nginitian naman niya yung teacher. "I'm good! Continue niyo lang! Hawak pa rin niya yung paa niya nun tapos sumandal na siya sa upuan at nagdaldal.
"Alam mo, nakakatuwa kang lokohin!"
Dahil hindi ko marinig yung mga sinasabi nung mga nagpapakilala sa harapan, napupuno na talaga ako dito.
Ang kulit naman pala nito masyado! Akala ko sinabi ni Neriah sa akin eh paminsanminsan lang. "Will you shut up just for a minute or two?" sinabi ko na lang sa kanya nung humarap ako.
"OK."
That simple. Yun lang ang sinabi niya at tumahimik na siya doon sa upuan niya. Wala na siyang sinabi.
Hay Kristen?!? Peaceful isn't it? Ngayon, maliwanag ko ng naririnig yung mga nagsasalita sa harap.
"Ako nga pala si Neriah Santos. Mahilig sa sports lalo na ang volleyball." tapos umupo na si Neriah.
"Hey Kristen!" ano na namang kailangan nito? Hindi pa nagtatagal yung peace of mind ko eto na naman?
"Ano?!?"
"Naka2 minutes na. Pwede na uli kitang kausapin?"
ARRRRGGGHHHHH!
Tumawa lang siya nun. Siguro nga ganun lang talaga siya at habit na niya ang may pagkamakulit.
Kasi nung second period namin, iba naman yung ginugulo niya. Umupo nga siya sa harapan ko na upuan dahil kausap niya yung isang lalaki na classmate namin. Nangongopya kasi kami ng requirement nun.
Seryoso talaga siya nun. Kung tutuusin... bagay naman sa kanya.
Mayamaya
lang, nagalarm na rin nun. Ang bibilis naglabasan para sa breaktime. Isa yata ako sa mga naiwan doon. Hinintay pa ako ni Neriah.
"Oi, ang bagal mo kaya. Tara na noh! Gutom na ako."
"Sandali lang... ayun, nakita ko na yung wallet ko."
Lumabas na kami ng classroom nun. Syempre, nagpunta kami sa cafeteria ng Edison. Malakilaki rin at maraming pagpipilian. Kaya lang hindi naman ako masyadong nagugutom, coke lang at chips ang binili ko. Si
Neriah eh burger yata. Hindi daw siya nagalmusal kaya ganun.
Pabalik naman kami ng classroom nung nagsimula na akong interviewin ni Neriah.
"So, kumusta naman at katabi mo si Lee?"
"Lee? Yung makulit na katabi ko? EeeeHHH! Bakit ganun yun? Saka, Lee ang tawag mo sa kanya?"
"Ganun lang yun. Friendly nga yun eh. At opo, Lee ang tawag ko sa kanya. Marami naman eh. Yung iba
Xander."
Pabalik na kami ng classroom nun at balak naming doon na lang kumain. Sa bench sa labas nung Science Club
Office eh ang daming nakaupo. Isa na si.. oh well..
Hindi ko na nga pinansin at ganun din si Neriah eh bigla na lang humarang sa daanan namin.
"Hi Kristen! Anong kakainin mo?"
"Do I know you?" sabi ko na lang pero nakatawa ako nun at nagbibiro lang naman ako.
Bigla na lang nag 'aaaaawwww' yung mga kasama niya. Isa sa mga yun eh yung pinagtanungan ko pa kanina.
"Pare, hindi ka kilala... sorry!" tapos tinapik siya sa likod.
Tumawa lang naman siya tapos kinuha niya yung kamay ko.
"Hindi pwede yun! Dapat kilala mo ako!"
"Anak ka ba ng celebrity o mayari ng school?"
"Lee" kinamayan ako "Xander" kinamayan uli ako "Maclean" isa pa uli.
Pangitingiti
lang si Neriah sa tabi ko pero walang sinasabi.
"As if I care kung anong pangalan mo?"
Tapos tinalikuran ko na siya at hinila ko si Neriah. Kaya lang.. may naisip na naman ako.
"Oh yeah, I forgot. Kailangan ko na palang tandaan yung pangalan mo in case you messed up.. Just so you know, kilala namin ang principal!" sinabi ko lang yun pero hindi naman totoo.
"I guessed your right. Hindi ako celebrity, hindi rin ako anak ng mayari ng school."
Tumawa ng malakas yung tao na yun at umalis na ako nun. Si Neriah naman, hinila na talaga ako sa loob ng classroom. "Bakit mo sinabi yun?"
"Well, nagbibiro lang naman ako. Malay mo, maniwala!!"
"Ok... sabi mo eh. Good luck na lang sana manalo ka... friend ng principal!!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala naman Kristen.."
"Apo lang naman si Lee ng President ng school board!!!"
***6***
Ano? Apo ng school board President?
"Sabihin mo sa akin nagbibiro ka! Neriah naman!"
"Eh paano naman kung hindi?!?"
"Isa lang ang ibig sabihin nun.. good luck na nga lang sa akin. Lalo pang good luck eh hindi naman talaga namin friend ang principal no!"
Umupo na lang ako doon sa pinakamalapit na desk na nahila ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?"
"Aba, malay ko ba na magsasabi ka ng tungkol sa 'friend ng principal'. Kung binanggit mo sa akin ng mas maaga e di sana nasabi ko sa 'yo bago ka pa nagkunwari doon.."
Hindi na ako masyadong makakain nun hanggang sa natapos yung breaktime. Hindi ko nga naubos eh. Nakita ko na nga lang na pumasok na si 'Lee Xander' sa room namin. Syempre, alam ko na kung saan uupo yun. Hindi ko na lang sya tinignan at ang ginawa ko eh sinipa ko ng pakontikonti yung upuan niya para malayo sa upuan ko. "Kristen!!!"
Kailangan ba talagang ganyan kataas ang energy level niya? Eh mukhang mas malala pa ito sa kapatid ko eh.
Yumuko na lang ako at tinakpan ko yung kanang mata ko ng kamay ko para hindi ko na siya makita pa uli.
Kaya lang...
"Bakit parang ang layo yata ng upuan ko?" tapos inurong na naman niya yung upuan niya malapit sa upuan ko.
Sabi ko nga eh mapapansin niya...
"Psst!!"
Pigilan niyo ko...
"You know what... ganyan ka ba talaga? Kasi alam mo yun, ang kulit mo. We're classmates ok? Natural lang naman siguro na maging kaibigan din kita." tapos kinuha ko yung kamay niya "Hi.. hello...nice to meet you.
Happy?"
"Oo naman! So, kilala mo na ako... LOLA?"
"Opo.. LEE XANDER!"
"Lee na lang... ay hindi.. Xander na lang pala. Xander na lang itawag mo sa akin ha." sabi niya yun na nakangiti na naman siya.
"Whatever... Xander!"
Tumawa ba naman siya ng malakas. Ano bang problema nito?
"May nakakatawa ba?"
Tinapik naman niya ako sa balikat.
"Kristen, ang galing mo."
"Ano naman po ang magaling dun? Para sinabi ko lang na Xander!!"
"Basta.."
Wala talaga itong kwentang kausap. Tinalikuran ko na nga lang.
"Ei, galit ka na naman sa akin niyan? Mamaya nalimutan mo na naman ang pangalan ko.."
"Alam mo Lee Xander.. I mean.. Xander, first day ko sa school. Gusto ko man lang sana eh maganda ang kinalabasan kasi sabi nila, kapag nasimulan ng maganda, tuluytuloy.
Pero kung ikaw lang din naman ang idedeal ko for a whole year... mahirap naman yata yun!"
"Yun naman pala eh, maganda yung start mo."
"Ahhh! Isang tanong lang."
"Ano?" tapos lumapit siya sa akin na parang interesado sa tatanungin ko.
"Bakit parang meron akong feeling na gusto mo akong asarin, bwisitin, kulitin, inisin o kahit ano pang may 'in' sa dulo? Kung tutuusin, kanina pa lang umaga, tinawanan mo na ako nung nagtatanong na ako dun sa lalaki.
May ginawa ba ako sa 'yo?"
"So kung isusummarize ko yung sinabi ko, tinatanong mo kung anong reason ko kung bakit ganito ako?"
"Uhuh!"
Sumandal na siya nun sa upuan niya. Naghawak ng ballpen at nilapag yung notebook sa desk niya. Patingintingin lang siya sa direksiyon ko.
"Ano na? Naghihintay po ako?!?"
"Busy ako. Nakita mo naman, nagsusulat ako ng requirements. Mangopya ka na nga."
Buti na lang talaga at may teacher at napipigilan ko pa yung sarili ko na hindi saktan itong tao na 'to. Hindi ko na nga lang pinapansin baka sakaling mapagod eh.
Hindi mo talaga maintindihan yung tao na yun. Laking pasasalamat ko ng nung naguwian na para sa lunch break. Kaya lang si Mama eh nagtext sa akin.
'Kristen, sunduin m c Angelo. D kc ako mkkalis n bhy at my nilulu2 ako.'
At ako pa ang manunundo doon? Talaga naman! Nakakakumpleto talaga ng araw ko.
Bumaba na ako ng hagdan nun at balak ko naman talagang umuwi ng bahay. Kaya lang, napansin ko na may nakapost doon sa Bulletin.
'all
interested students please sign up in the Main Office. Look for Mrs. Evangelista.'
Ano yung binasa ko? Something about The Bridge. School Paper ng Edison. May signup yata para sa mga gustong maging staffer. Wow! Chance ito! Ang problema ko lang... where the heck is the main office?
O siya, mamayang hapon na lang siguro at magpapatulong na lang ako kay Neriah.
Lumabas na ako ng school nun. Naglakad ng kaunti at tumayo sa labas ng Edison Elementary. Nasaan na ba yung bubuwit na yun? Ang daming bata rito eh.
Kakahintay ko sa nakakainis kong kapatid, sumakit na yung paa ko dahil sa ngawit. Tumawid na lang ako doon sa playground at naupo doon sa pavillion. Kita naman yung gate nila dito eh.
Kaya lang... may postit na naman doon.
'nagstart
na rin yung school namin. Hindi pa nga ako nakakabili ng gamit ko. Tiyak naman, ako lang ang gagawa nun.'
Nice timing. Mabuti na lang at nandito pa itong tao na ito. Kailangan ko na naman ng kausap. Tingin ko nga, malaki yung possibility na tagaEdison din itong sumasagot dito. Paano ba naman, anong school ba ang katapat ng playground?
Syempre, ano bang sinabi ko? Bad first day of school. Na naiinis ako. Mga ganun. Special mention pa yung kapatid ko.
And speaking of my lil' bro...
"Angelo!"
Nakita ko na nagslide dun yung kapatid ko kasama yung ibang mga bata. At ang bwisit na yun... nandito lang pala eh kanina pa ako naghihintay sa tapat ng gate nila.
Lumapit naman na ako at hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso.
"Ate ang sakit ha! Isusumbong kita kay Mama."
"Alam mo ba na kanina pa kita hinihintay sa tapat ng gate tapos nandito ka lang pala?!? Naku!!!"
"Ang tagal ni Mama eh. Akala ko siya ang susundo sa akin. Bakit ikaw?"
"Huwag ka na ngang masyadong maraming tanong.. tara na."
Nagbabye naman siya sa mga classmate niya. Buti pa siya, mukhang ayos ang first day. Samantalang ako, walang kwenta. Narinig ko pa ngang bumubulong si Angelo sa likod ko ng: 'siya yung sinasabi ko sa yo!
Monster sister!'
Kristen, ang presyon ng dugo mo!
Syempre, sinumbong na naman ako ni Angelo kay Mama na ang sakitsakit daw nung braso niya dahil sa pagkakahawak ko. Kahit anong explain ko kay Mama, syempre, si Kristen na naman ang may kasalanan.
Dinaan ko na lang sa kain yung inis ko. Naparami tuloy.
Dahil nga napagalitan na ako, si Mama eh napilitang ihatid si Angelo sa school. Ako eh, magisang sumakay ng jeep. Lagi namang ganun!
Mabuti na lang talaga eh hindi pa ako late nung dumating sa school. Almost 1:00 na kasi nun tapos nahulog pa yung mga papel ng binder ko. Nagpulot pa ako. Buti na lang.. may tumulong sa akin.
"Hey, kailangan mo ng tulong?"
Tinignan ko naman kung sino. Siya na naman.
"Oh, Thanks."
Nakipulot din naman siya sa mga papel ko. Tapos inabot niya sa akin isaisa.
Kaya lang nung nakuha ko na lahat at nagmamadali ako, hindi ko na natanong yung pangalan. Basta ang alam ko, siya rin yung kaninang pinagtanungan ko.
Pagdating na pagdating ko sa room, dinala ko kaagad yung mga nakaakalat kong papel sa desk ko at balak ko namang ayusin. Nandito pa kasi yung mga sinusulat ko na masterpiece.
At eto na naman, dumating na namn ang bwisit na Lee Xander.
"Anong ginagawa mo?"
"Pwede ba, busy ako. Mamaya ka na manggulo.."
Pero dahil nga napakakulit ng tao na yun, kinuha niya yung isa sa mga papel ko at binasa ba naman..
"Ano 'to?
"Akin na nga yan! Pakielamero ka.." tapos inagaw ko sa kanya kaya lang tinaas niya kaya hindi ko maabot.
"Nagsusulat ka?"
"Oo bakit? Anong pakialam mo."
Sa wakas din eh binigay na rin niya yung papel ko.
"Thank You!"
"Alam mo, ok yun ah. Konti nga lang nabasa ko. Pero mas para sa akin, yung title dapat eh Open Window kaysa close. god's window is always open."
"At feeling mo naman magaling ka?"
"Just saying!"
Napaisip naman ako doon sa sinabi niya. Kung tutuusin naman, may point siya.
Hindi naman niya ako masyadong kinulit nun. Mas ok nga. Tinanong ko na si Neriah kung masasamahan niya ako mamayang hapon para makapagikot na sa school. Hindi ko pa naman kasi alam yung mga lugar dito.
Nakakahiya nga.
Unfortunately, hindi naman ako masasamahan ni Neriah dahil aalis daw sila ng Lola niya at bibili ng school requirements. Kaya ako naman, ako lang ang mageexplore sa school.
Nung nagalarm ng uwian, hinintay kong umalis kaagad yung mga classmates ko at ako na lang yung natitira doon. "Ok.. ayos na Kristen. Konti na lang yung tao..."
Tumayo na ako nun at kinuha yung bag ko. Kaya ko 'to. Asus! Ako pa!
Kaya lang paglingon ko, may nakatayo sa pinto.
"Gusto mo ng kasama?"
***7***
Akala ko ba eh umuwi na itong siraulo na ito?!? Kaya nga hinintay kong umuwi lahat ng classmate ko eh para nga magisa na ako. Tapos ngayon.. may asungot pa.
"At paano mo namang nalaman na nandito pa ako?"
"Eh kasi po, hindi po kita nakitang lumabas ng room. Alam mo na, concern lang ako sa lola ko. Bakit hindi ka pa umuuwi?" sabi niya tapos dineretso na niya yung pagpasok niya sa room.
"Eh ano bang pakialam mo? Umuwi ka na nga!"
"Ano munang gagawin mo?"
Para tumigil na nga ito.. sabihin mo na Kristen!
"Ok, para tumigil ka na po. Iikot ako ng school para naman malaman ko yung mga building. What's what and where's where. Got it?"
"Ahh, tama lang pala yung dating ko. Sasamahan na pala kita. Baka kailangan mo ng tour guide."
Tumayo na ako nun at kinuha ko na yung bag ko para makalabas na ako ng room. Kaya lang sumunod na naman yung tao na to.
"Ei... Xander. Hindi ko kailangan ng company mo. Kaya ko naman eh. Mas mapapatagal lang ang gagawin ko kung nandiyan ka. Panggulo ka eh.."
Tinuloy ko na yung paglakad ko nun. Kaya nga lang, sumusunod pa rin eh. Ano ba ito? Buntot ko? Kasasabi ko pa lang na hindi ko kailangan na samahan niya ako eh hindi pa rin tumigil sa kasusunod.
Hindi ko na mapigilan yung sarili ko kundi, harapin ko siya.
"May problema ba at hindi mo maintindihan yung simpleng tagalog ko?"
Nakatayo lang siya doon at nakatingin sa akin.
"Sasamahan na nga kita para mabilis ka, ayaw mo pa."
"Eh sa hindi ko nga kailangan, ok fine. Siguraduhin mo lang na ayusin mo.. dahil kung hindi..."
"Kung hindi eh ano?"
"Basta!"
Ganun na nga yung nangyari. Wala naman akong magawa kundi isama ko na siya dahil ganun din naman at panay rin ang sunod niya. Ang pagkakaiba nga lang ngayon eh siya naman ang nauuna at ako naman yung sumusunod sa kanya.
Huminto kami doon sa unang building na natapatan namin.
"Itong building na ito, Bldg. A. Kadalasan ng mga room diyan, freshmen. Nandito ang English Lab."
"Saan yung English Lab?"
"Sa taas. Unang pinto sa kanan."
Lumakad na naman kami. Infairness, mas seryoso siya magturo ngayon ah. Kinacareer yata ang pagiging tour guide. Nadaanan na namin yung Bldg. B at C, tinuro na rin niya yung ibang laboratory ng mga teachers, Physics and chemistry lab, Little Theater, at kung anuano pa. Huminto kami sa tapat ng cafeteria.
"Eto naman ang cafeteria." tapos tinuro niya.
"Alam ko. Feeling mo naman ito eh hindi ko pa alam."
"Dito naman po lola eh yung CR. Kung hindi niyo na po mabasa, yung nakalagay eh 'Ladies' eh doon po kayo pupunta, 'Gentlemen' naman po eh kami."
Bakit ba Lola ang tawag sa akin nito?
"Alam ko na yan! Nangiinis ka ba? Saka feeling mo naman kasama ka sa sinasabing 'gentlemen'"
"Aba syempre, lakasan lang ng loob yan!" sabi niya nung humarap siya sa akin. "Yung nasa tapat nun na blue ang pinto, school audtorium naman."
Tinignan ko naman yung tinuturo na naman niya. Syempre, naiinis na naman ako. Paano ba naman eh nakalagay na napakalaki doon sa building na tinuruto niya eh 'Edison High Auditorium'.
Pwede bang ituro niya sa akin yung hindi naman halata?
"Marunong naman akong magbasa no!"
"O sige.. tara dito."
Sinundan ko na naman siya at hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta. Kahit na yung ibang tinuturo niya sa akin eh hindi mahalaga, nakatulong din naman siya sa akin kahit papaano.
"Yung room na yun na nakikita mo na may glass door, yun ang dance room. Katabi nun yung music room at visual arts. Yung mga room pa na yan na katabi, hindi ko rin alam. Pinalitan kasi nila yan eh. Hindi ko alam sino na ang nagroroom diyan." "Ok. Siguro mga teachers and trainers na yung mga nandyan."
"Siguro." tapos pumulot siya ng stick. "Ito naman po ang Locker room. May sign naman kung saan ang babae sa lalaki. Sabi mo nababasa mo naman. Yung malaking building na yan na parang igloo, yan ang gym. Sa kabilang side, field. Yung katabingkatabi nun eh open bleachers. Nasasaulo mo na ba?" humarap na naman siya sa akin.
"Sandali lang, nalilito ako. Nakakalimutan ko eh."
"Sinasabi ko na nga ba eh matanda ka na at nagiging makakalimutin. Hirap ka pang tandaan yung mga lugar kaya ka naliligaw."
"Bago lang po ako! Buti sana kung hindi nila binago dito e di sana ayos pa ako."
"Pinapagod mo ako!"
"Sino bang may sabi na sumama ka sa akin? Nananahimik ako kanina doon sa room tapos bigla kang papasok.
Ngayon kasalanan ko pa!"
"Sandali lang"
Ang bilisbilis na ng pagkakasabi ko nun at ayoko ng pakinggan yung mga sinasabi niya. Tiyak naman kasi eh pangaasar na naman yung maririnig ko. Bwisit na 'to!
"Ikaw yung sunod ng sunod sa akin kanina. Eh kung hinayaan mo na lang ako... e di hindi pa sana ako nabwibwisit ngayon!"
"Kristen!"
"Ininis mo na nga ako kaninang umaga pa lang tapos hindi mo na ako tinigilan. Para kang yung kapatid ko eh.. perwisyo sa buhay.."
"KRISTEN!" sabi niya ng malakas sa akin.
"Ano? Sumisigaw ka?"
"Hindi. Gusto ko lang sabihin... kung hinahanap mo yung main office at gusto mong mag signup para maging school paper staffer ka.. punta ka lang diyan." pagkatapos niyang sinabi yun ng mahinahon, naglakad na siya at iniwan ako doon.
Oh.. yeah. Main office. Yun yung hinahanap ko. Paano naman niya nalaman na gusto kong pumunta dito?
"Oi!" sabi ko habang hinahabol ko siya... "OI! Paano mo nalaman yun?"
"Nanghula lang. Nung nabasa ko yung papel mo kanina, naisip ko may talent ka sa pagsulat."
Napahinto naman ako nun.
"Thanks."
Nginitian na naman niya ako ng nakakaloko.
"Pero kahit ganun pa man... LOLA ka pa rin!"
"Wala namang nakakatawa dun bakit ba big deal sa 'yo yun?!?"
Akala ko pa naman ok na at maganda na yung mga sinasabi, nahanginan lang pala ng kaunti ang utak at bumalik uli sa dati.
"Bakit ba mahilig kang magasar?
Habit mo lang ba? Kasi kadalasan effective eh."
"2 reasons. Unanguna, dahil naligaw ka sa hindi namang kalakihang school!"
"Hahaha!
Natatawa ako! Malaki naman ang Edison High ah! Ikaw nga hindi mo rin alam yung ibang room!
Ang yabang mo!"
"Ako mayabang? Hindi no. Makulit siguro pero hindi mayabang." tapos lumapit siya sa akin. Malapit na malapit. "Huwag ka ngang makalapitlapit sa akin. Tatamaan ka.."
"Pangalawang reason, natutuwa lang ako kapag naasar ka. Palaban ka kasi eh. Yung mukha mo pa eh ang cute kapag naaasar."
"Bakit sa tingin mo eh inaasar na ako eh makikinig lang ako? Hindi ako ganun tsong!" tapos may nagsink sa utak ko na sinabi niya. "Teka, ano yung huli mong sinabi?"
Nginitian lang niya ako at lumayo na rin siya sa akin. Much better.
"Sabi ko cute ka."
Pakiramdam ko nun eh ang taas ng presyon ng dugo ko at kontingkonti na lang eh aabutin na ang boiling point. Kaya lang, hindi natuloy...
Tama ba yung narinig ko?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako nun o ano.. kaya ang lumabas na lang sa bibig ko eh..
"Alam ko na yan no!" tapos nun.. hinila na niya ako.
***8***
Tinignan ko lang siya nun habang hinihila niya ako. Kaya lang may sinasabi siya habang naglalakad kami eh.
Pero hindi naman siya nakatingin sa akin nun.
"Baka masyado mong damdamin yung sinabi ko kanina. Sabi ko cute ka, kapag naaasar. Naaalala ko kasi yung aso ng kapitbahay namin lalo na kapag galit. Kamukha mo. Poodle pa naman yun!"
Yung boiling point ng galit ko kanina na hindi natuloy eh asahan mong ngayon na umabot. Tinanggal ko yung kamay niya doon sa pagkakahawak sa wrist ko.
"Uuwi na nga ako.. ayokong magstay sa school. Gabi na kasi eh, at lalunglalo na ayokong maiwan kasama mo dito. Konti pa naman na yung mga tao."
"Feeling mo naman pagtatangkaan kita! Oi! Baka ikaw nga yung may pagnanasa sa akin."
Ang kapal talaga nito. Sa dami naman ng pagnanasaan ko, siya pa! Anong oras na ba?
Tinignan ko yung phone ko. 6:05 pa lang naman kaya hindi pa masyadong madilim. Tinignan ko siya at napansin kong parang may hinahanap siya.
"Sige na, alis na ko." tapos lumakad na ako papunta ng gate.
"Sige umuwi ka na nga." tapos narinig kong may sinabi siya ng mahina "Nasaan na ba yung ballpen ko?
Ayun."
Ballpen naman pala yung hinahanap eh.
Dahil malapit na kami nun sa gate, saglit lang yung nilakad ko at nakalabas na rin ako. Pinara ko naman yung unang jeep na huminto.
"Bye Lola!" tapos tinignan ko naman siya ng masama "Kristen pala!" nakita ko na nakalagay yung black na ballpen niya sa tenga niya.
Sumandal lang ako doon sa jeep at napagod din ako. Mabuti na lang at nakaupo na ako doon at ang sakit na rin ng mga binti ko kakalakad. At ano naman kayang gagawin ni Xander sa school at hindi pa siya umuuwi?
Sabagay.. ano naman bang pakialam ko?
Kung anuano naman yung iniisip ko nun kaya lumagpas pa ako ng bababaan. Naglakad pa tuloy ako ng mas mahaba. Nadagdagan ng sampung hakbang.
"Ma! Dumating na si Ate!"
Nasa harap ng pinto yung kapatid ko nun. Mabuti na lang at walang kahit ano na nakakainis sa kanya ngayon kaya hindi ko na lang pinansin.
"Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Mama habang nilalagay yung pagkain sa lames.
"Nagikot
po ng school. Medyo naliligaw pa rin ako eh."
"Kakain ka ba?"
"Mauna na po kayo.. mamaya na lang siguro ako. Si Papa?"
"Nasa kwarto nanonood."
"Ikaw ba yung tinanong ko?"
"Kristen!"
Umalis na lang ako doon at umakyat ng hagdan. Dumeretso na lang ako ng kwarto ko. Baka lumala na naman eh tiyak talo na naman ako. Sabagay, kasalanan ko naman talaga.
Nagbihis na ako nun kaagad. Hindi na ako nagpunta ng banyo at sabi kasi ni Mama sa akin dati kapag pagod ka at nagbasa eh mapapasma ka raw. So, hindi na lang.
Humiga ako doon sa kama ko. Wala namang homework kaya walang proproblemahin. Ang haba talaga ng araw na ito! Hindi talaga ako makapaniwala na...
First day pa lang...
Ang alam ko lang nung humiga ako, hindi na ako nakakain ng gabi. Narinig ko pa ngang sumarado yung pinto ng kwarto nila Mama. Hindi ko na dinilat yung mata ko dahil tiyak gabi na nun. Nakatulog na lang ako ng hindi kumakain.
***
Rise and shine! Second day Kristen! Mabuhay Philippines!
Himala yata at ang maaga yata akong nagising at maganda ang mood ko. Start the day right!
Ginawa ko na yung daily routine ko bago pumasok ng school. Naunahan ko pa ngang umalis kay Papa na nagbabasa pa ng dyaryo at umiinom ng... juice?!? Parang mali yata yun. Ok na sana yung senaryo eh, kaya lang iba lang yung napapanood ko na iniinom ng mga tatay sa pelikula kapag umaga. Sigurado talaga ako na hindi juice yun!! Oh well... basta nasa pamilya Gutierrez ka paminsanminsan may pagkaweird.
May
pinagmanahan talaga ako.
Iniwan ko si Angelo sa bahay at nauna akong pumasok. Kahit na pinapagalitan ako ni Mama nun, wala akong pakialam. Gumising ako ng maaga para pumasok ng maaga, hindi para maghintay sa kapatid ko na mabagal ang kilos!
Unanguna
kong dinaanan ang playground. Just checking if there's something right there!! At syempre nadisappoint ba ako! Meron doon!
Ei,
Nakabili na rin ako ng ibang requirements sa school namin. Saang school ka ba? Iniisip ko kasi tagaEdison ka rin kasi doon ako pumapasok eh. High school ka ba o elementary?
Sige pala at may pupuntahan pa ko.. bye. More likely, tama nga ako. TagaEdison nga siya. Yun nga lang, tinanong pa ako kung high school ako o elementary. Hindi kaya halata sa pagsulat ko? Sabagay, siguro nga. Siya kasi sa matinding kalkulasyon ko, high school na yung handwriting eh.
Sinagot ko lang yung sinulat niya at umalis na ako doon. Naglakad na ako papuntang high school. Balak ko sanang pumunta ng Main office ngayon at magsignup para sa newspaper thingy.
Nung nasa harap na ako at pipirma na ako doon, may napansin ako doon sa papel. 21 na kasi yung nagsulat doon. Tapos sa number 19 eh...
AKO?!?
Paano ko ba naman hindi mapapansin eh ALL CAPITAL LETERS ba naman.
"Hey Miss, pasensya ka na kay Lee. Nilista ka na niya kahapon..." nagulat naman ako nung mag humawak sa balikat ko.
"Ooh.. ikaw pala. Napansin ko nga eh, hindi ko na pala kailangang magsignup."
"Classmate mo pala siya..."
"Uhuh. Ganun ba talaga yun?"
Tumawa lang siya saglit tapos sinabi niyang..
"Ganun lang talaga yun. Pati sa weight lifting class namin makulit siya talaga. Ikaw si Kristen 'di ba?"
Alam na niya yung pangalan ko. Nabasa na niya siguro.
"Yep. Ikaw?"
"Bryan.."
Hindi naman kami nagusap ng matagal. May tumawag na kasi sa kanya kaya umalis na rin siya. Dumeretso naman ako sa classroom namin at doon eh nagdaldalan kami ni Neriah hanggang sa umabot ang time.
Katulad kahapon, kasabay na naman ng teacher si Xander.
"Mr. Maclean, kapag nakatatlong late ka bibigyan na kita ng referral. Alam mo namang kapag naipon ang referral mo may detention ka na!"
"Eh Mam naman!"
"Umupo ka na." tapos humarap yung teacher namin at papalapit na si Xander sa upuan namin. Hindi ko nga binati. Tinalikuran ko na lang.
Nung second subject namin eh saka ko lang napansin na ibang binder pala yung nadala ko. Ito yung binder na walang notebook paper sa loob at panay may sulat lang. Naman! Kailangan pa naman ng papel at may sasagutan sa board.
Nagtingintingin
ako. Ang tahimik na ng klase nun kaya nakakahiya namang magtawag pa at manghingi ng papel. Yung makulit na katabi ko eh nananahimik din at nagbabasa sa board. Napansin ko na nakapatong yung papel niya sa isang buong plastic na panay notebook paper.
Sige Kristen, lunukin ang pride at manghingi ng papel.
"Psst.. Xander. Pahingi ng papel!" sabi ko ng pabulong at ayokong may makarinig.
"Oh.. ilan ba?"
"Isa lang!"
Yung isa na sinabi ko eh hindi dinamihan niya. Siguro mga sampu yun. Binabalik ko nga kaya lang sabi niya sa akin na lang daw.
Aba ang bait ah!
Nasagutan ko naman yung nasa board. Kung anuanong tanong lang naman yun. Kung anong ineexpect mo sa subject na yun pati sa teacher.. mga ganun.
Tahimik talaga kami lahat sa klase na yun. Nung nagalarm na ng breaktime saka lang uli umingay. Nagunat pa nga ng kamay si Xander.
"Grabe! Ang boring ng klase na yun!"
Tumayo na siya at tumakbo doon sa pintuan. Matindi yata ang pagkakagutom at siya ang naunang nagbukas ng pinto. Kasunod niya kami ni Neriah.
"Lee, bilisan mo kaya!" sabi ni Neriah dahil ang tagal niyang lumabas.
"May nalimutan pala ako!" tapos bumalik siya doon sa upuan niya at may kinuha.
Kasabay lang namin siyang lumabas. Nakaupo doon sa bench sa tapat ng office eh yung mga barkada na naman niya kahapon. Kasama doon si Bryan na kanina ko lang nalaman yung pangalan.
"Akin na nga yan! Kanina tuloy naghahanap ako ng papel.." nung tinignan ko kung sino yung nagsabi, si Bryan pala. "May pinasagutan nga sa amin kanina eh. Mayaman tuloy ako sa papel."
"Bumili ka nga ng sa 'yo at wag mong kunin yung nasa bag ko!"
Hindi pala kanya yun? Kaya pala ang lakas ng loob niyang bigyan ako ng sandamakmak na papel kanina eh!
Dumeretso na lang kami ng lakad kasama ko si Neriah. Narinig ko si Xander na nagkukwento sa kanila.
"Wala nga siyang papel kanina! Sa akin pa nanghingi!"
Parang alam ko na kung sino yung tinutukoy niya. Mayamaya lang eh hindi pa kami nakakalayo eh tinawag naman niya ako.
"Oi Kristen!"
Ang galang nito masyado!
"Ano?!?" sabi ko nung lumingon ako.
"Baka gusto mong magthank you sa papel na binigay ko kanina.."
Ngumiti naman ako sa kanya nun. Lumapit ako sa kanila at tumayo doon. Humarap ako kay Xander.
"Thank you" tapos binaling ko yung tingin ko sa iba.
"Bryan."
***9***
Nagulat yata si Bryan at Xander sa akin. Yung iba nilang kasama eh umalis na tumawtawa.
"Err, your welcome." tapos tumingin siya doon kay Xander.
Ako naman, nakatayo pa rin doon.
"Paano naman ako?"
Naku nakakaawa naman...
"Ok.. thanks na rin."
"Napilitan ka lang yata eh.. bawiin mo na lang kaya..."
"O sige, binabawi ko na. Kain na nga muna kami..."
Hinawakan ko naman na yung kamay ni Neriah nun at papunta na kami sa cafeteria. Naririnig ko pa nga si
Xander nun na may pahabol: 'Bakit mo binawi?!'
Hindi ko na lang pinansin. Hahaba na naman yung usapan na walang kwenta. Napangiti na lang ako doon.
Natatawa kasi ako sa expression ng mukha niya kanina... pero kakaiba rin yung reaksiyon ni Bryan.
"Oi, bakit ka nakangiti dyan? Para kang sira!"
"WALA!"
Nung hapon na yun, dumaan ako uli sa playground. Sumagot na naman.. siya. Ayun sabi niya sa akin, kung may problema daw ako eh libre naman daw akong magkwento sa kanya, at baka sakali raw na makatulong siya.
Sinabi ko naman na wala, except sa kaklase ko. Sabi niya sa akin, normal lang daw yun. Kahit siya rin daw eh nakakilala na ng mga classmate na naging kaasaran na niya.
Dumating yung Mon day at may nakapost doon sa Bulletin. Tumayo ako doon at binasa ko. May meeting daw yata sa auditorium para sa selection ng staffer ng newspaper. Over all, nasa 30+ yung nag signup at less than
10 lang yata ang kukunin dahil may mga dati ng staffer. Kailangan lang nila ng ilanilan.
Sabi pa doon sa announcement, gumawa raw ng kahit anong piece of writing na pwedeng maging sample at pantulong sa basis ng selection. Ang topic, 'The New Edison High'. Tungkol daw sa renovation. At sa tingin nila eh paano naman akong makakasulat ng tungkol doon? Para namang nandito na ako ng matagal! Anong malay ko doon!
Sinubukan kong tanungin si Neriah. Nakapagbigay din naman siya ng information. Kadalasan nga lang eh... opinion niya. Hindi facts.
Nagtanongtanong
naman ako sa ibang classmate ko. Maramirami na rin akong nakuha. Syempre, dapat maganda ang delivery pati ang details eh dapat sigurado. Gusto ko kasing maging staffer. Alam niyo na... hilig ko na kasi. Ang kagandahan pa, kapag may mga events sa school eh required ang newspaper staffer na manood kaya kadalasan, pero hindi naman sa lahat ng sports, contest at mga program eh libre ang mga staffer.
Paano ko naman kaya sisimulan itong bwisit na ito?
Kakaisip
ko, may tumama na bola sa tuhod ko.
"Sorry ate... di po namin sinasadya." sabi nung bata na naglalaro yata ng soccer sa playground.
Nandito na naman ako.
Dahil pakiramdam ko noon eh kulang pa yung mga nakuha kong details, naisipan kong magtanong sa taong alam kong seseryosohin yung ganitong bagay. Dahil nandito naman na ako... sino pa ba? Si postitwhoever.
Hi,
'Need ur help. Kasi nagsignup ako para maging newspaper staffer ng Edison...
Teka lang Kristen, kapag sinabi mo sa kanya na nagsignup ka para maging staffer.. isa lang ang ibig sabihin nun. Kapag nakuha ako.. mas malaki yung chance na makilala niya ako! Nyeeekkkzz! Yan naman ang ayaw kong mangyari. Sa dinamidami na ng nasulat ko at naishare ko, makikilala pa ako. Hindi na lang! Si Kristen
Carylle? Oh NO.
Rephrase it.
Hi,
'Need ur help. Kasi, may kaibigan ako na mahilig magsulat at kailangan niya ng details tungkol sa mga naging pagbabago ng Edison. Eh wala akong alam masyado, kailangangkailangan na niya talaga. Please, pashare naman kung may alam ka. Thanks in advance!
Binasa ko uli for the last time yung sinulat ko. That's much better. At least, hindi ako mailalaga sa risk na makilala. At wala akong balak!
Dahil tanghali na nun, pumasok na ako sa school. Nagklase lang kami nun. Lumilipad nga yung isip ko kaya wala rin akong naintindihan masyado. Nababahala kasi ako doon sa deadline ng piece of writing na yun.
PE time. Pinagbihis kami syempre. Mga nakajogging pants na kami. Tinali ko naman yung buhok ko para hindi mainit. Dahil hindi naman pwedeng magPE sa loob ng classroom, nagpunta kami sa open field.
"Ok class, QUIET!" sigaw naman nung teacher namin "4th year na kayo kung kumilos kayo parang mga elementary! Mga dalaga na at binata ganyan pa rin!"
Napairap na lang ako dun sa sinabi niya. Ewan ko ba, parang nairita ako.
Soccer yung lalaruin namin. Hinati yung klase sa 5 grupo. 10 ang members. Syempre, lalaki sa lalaki daw para hindi magkasakitan at babae naman sa babae. Unanguna yung mga lalaki kaya naupo na lang ako doon sa gilid kasama yung iba.
Akala ko eh klase lang namin yung nandun sa field. Nakita ko na may mga estudyante pa sa kabilang side na mukhang nagstretching.
"Section 2.. mile run yata nila ngayon."
Nagulat naman ako at bigla na lang may nagsalita sa likod ko. Pagkatapos nun, umupo siya sa tabi ko. Hindi pa siya naglalaro kasi sa second group siya.
"Alam mo, maganda ang health condition ko eh. Pero kung patuloy mong gagawin yan, magandang candidate yan para magdevelop ako ng heart attack."
"Sorry.. grandma!"
"Shut up! Dahil ba naligaw ako at may binago sa Edison" may bigla na lang pumasok sa isip ko.
That's it! Tanungin itong tao na ito tungkol sa pagbabago ng Edison! Ngayon niya ilabas lahat ng nalalaman niya! "Xander, tutal lagi mo naman akong tinatawanan sa bagay na yan... sabihin mo nga kung ano ang nalalaman mo sa renovation ng Edison?"
"Hmmm.." sabi niya na parang nagiisip
"Ang alam ko, binago nila ang Edison dahil may ilang mga dahilan.
Unanguna,
dumarami na raw yung mga estudyante kaya nagiging crowded daw bawat room. Kaya nagcreate ng mga bagong building. Yung dating ADMIN eh inalis doon dahil hindi raw accessible sa lahat. Pinagsamasama yung mga year level sa isang building..." tapos humila siya ng damo.
Napatingin ako sa kabilang side habang nakikinig ako sa diskusyon ni Xander. Nagsimula na yung kabilang klase na tumakbo habang sa gitna eh may nagsosoccer.
Sa gilid lang naman kasi sila eh.
Dahil mabilis din naman silang tumakbo, nadaanan din nila kung saan kami nakaupo. May narinig pa nga akong tumawag ng pangalan ko doon sa mga tumatakbo.
Sino yun?
At ayun nga. Si Bryan. Kasama pala siya doon sa mga tumatakbo. Nililipadlipad pa yung buhok niya. MTV effect! Or is it just.. me?
"tapos
yung iba hindi ko na alam masyado dahil nga hindi na pinaalam sa akin."
Oh my God! Hindi ko na narinig yung ibang sinabi niya.
"Ano na nga yun uli?" kasi naman Kristen! Busy kasi masyado!
Tumayo naman na si Xander nun at tinawag na yung grupo niya.
"Wag ka nga.. hindi ka naman pala nakikinig sa akin eh!" tapos tumakbo na siya.
Hay Kristen!!! Sinayang mo ang yung mga sinabi ni Xander. Malay mo naman may kwenta yun e di nakatulong yata sa pagsulat mo?
Pagkatapos ng PE namin at nagpalit na kami sa locker namin, hinanap ko si Xander para ipaulit na lang kaya lang wala na siya sa klase namin. Sabi sa akin, pinatawag daw sa meeting ng kung ano.
Umuwi na lang ako nun at wala na namang nasimulan sa requirement ng selection. Malabo na yatang makuha ako eh.
Nakatulugan ko na lang na nakalapag sa kama ko yung papel at ballpen ko. Mabuti na lang nagawa ko na yung mga homework ko nun...
Pagkagising ko ng umaga... AAAHHHHHHHHHH!! 6:20 na? Nagbibiro ang alarm clock na ito! 7:00 ang klase ko!
Mabilis akong kumilos nun. Si Mama, sinermonan pa ako bago umalis at hinatid si Angelo. Sinabi ko nga na sana eh ginising niya ako. Pero sabi niya sa akin eh matanda na raw ako para gisingin pa.
Dahil mabagal akong kumilos, wala naman na akong magagawa kung malalate ako. E di, pangatawanan ko na.
Hindi na lang ako papasok ng first class.
Past 7 na ako nakaalis ng bahay. Eksakto nun na nakabalik ng bahay si Mama. Sumakay na ako ng jeep. Late na late na ako. Kasalanan ko ba kung hindi ko naiset yung alrm clock ko? Bwisit!
Hindi na sana ako dadaan ng playgroung nun at dederetso na lang ng school kaya lang naalala ko na bukas na pala yung pasahan nung writing na yun. Let's hope for the best!! Sana meron siyang sinulat.
Hey,
Ang alam ko doon sa renovation ng Edison, inuna nilang ayusin yung mga classrooms. Dahil nga medyo maliit. Dinagdagan nila lalo na at tauntaon yata eh dumarami ang nageenrol sa Edison. Nagkaroon yata ng meeting ang teachers, parents pati na rin yung officers na may kinalaman at pinagusapan nila. Napasama sa meeting yung pagaayos ng Auditorium dahil may leaks na yung bubong saka proper lighting, yung gym, bleachers at pati na rin yung mga Labs. Sinimulan na nila yun last year pa, pero hindi sila makapagtrabaho ng maayos dahil nga may pasok pa nun. Kaya nirush yata nila nung bakasyon. Over all, 70+ yata ang nagwork sa Edison. Hindi lang ako sure kung dinagdagan nila.
Sana makatulong sa friend mo... Bye!
Aaminin ko. Kahit hindi maganda ang simula ng araw ko eh may igaganda rin pala kahit papaano. You're such a hero postitguy!
Grabe.. ayos na ito! Kaysa naman wala akong maisulat doon!
Kinuha ko yung sinulat niya. Nilagay ko sa backpack ko at naglakad papunta ng school. Dahil sarado na yung pinto at nagkaklase na sila, naghintay na lang ako na matapos.
Lumabas pa nga yung teacher namin nung natapos yung 1st period. Nakita niya ako na nakaupo sa labas kaya sinabi ko na yung totoo. Pumasok na ako sa loob.
Kakapasok ko pa lang eh nagtinginan na lahat sa akin. Ano ba yan.. ngayon lang ba kayo nakakita ng late?!?
"Aba, tinanghali ng gising si Kristen ha!"
"Xander, tumigil ka muna. Nagsisimula ng gumanda yung araw ko, wag mo ng putulin!"
Nilabas ko yung papel ko at naisipan kong simulan yung isusulat ko. At least ngayon, mas marami na akong alam. "Nagsusulat ka na tungkol dyan? At kanino ka naman nakakuha ng impormasyon eh samantalang hindi ka naman marunong makinig!"
"Hindi ako makapagconcentrate ok?!? Nagtanong ako kaya meron na akong alam."
"Sino nga?!?"
"Bakit ba gusto mong malaman? Ang kulit mo."
"Wala lang! May masama ba dun?!?"
"OO! Hindi ako makapagisip.
Tumahimik ka nga muna!"
"Sino muna?" ano ba 'to? kapag nagtanong kailangang may sagot kaagad?
"Ewan. Hindi ko alam."
"Hindi mo alam kung sino?"
"Sinagot ko na yung tanong mo di ba? Sinabi ko, ewan. Dapat makuntento ka na."
Tinigilan na rin niya ako nun. Pumasok na yung second period teacher namin. Napatigil ako sa pagsusulat at napaisip. Sino nga ba Kristen?!?
Parang gusto kong malaman kung sino ba yung ilang beses na akong tinulungan. Pero ayokong malaman niya na ako.. e ako. Ang bait naman kasi nun masyado.
Anyways... unexpected things are always unexpected...
Let's name one...
***10***
Si Xander talaga, makulit pero may sense din naman kahit papaano. Yun nga lang, parang hindi napapagod eh.
Laging may nakastore na energy sa katawan. Marami yatang inaabsorb na energy galing sa araw eh!
Tinanong ko nga siya kanina lang kung bakit ba madalas siyang energetic, ang sinagot naman sa akin eh: 'Alam mo Kristen, tao lang tayo. Natutunan ko na hindi sapat yung oras natin sa mundo.. kaya dapat, we have to make the most for it!'
Napabilib naman niya ako ng deoras dun. Aba, kakaiba yun ah! Hindi mo aakalaing manggagaling sa isang
Lee Xander Maclean?!? Dahil masyadong naantig ang aking damdamin, pasensya na at makata masyado, tinanong ko naman sa kanya kung saan niya natutunan yun.
"At saan mo naman nakuha yan?"
Umupo siya doon sa upuan niya at tinaas niya yung dalawang kamay niya sa sandalan.
"Wala naman. Nanonood kasi yung kapitbahay namin ng telenovela, ayun narinig ko. Ginaya ko. Effective ba?"
Sinimangutan ko na lang siya nun. Akala ko pa naman, talagang sa kanya nanggaling yun. Asa pa ko!!!
Ngayon naman, nakaupo ako dito sa auditorium. Pinasa ko na kanina yung papel na sinulat namin para sa selection. Ang dami nga namin dito eh. Bahala na siguro kung mapili man ako o hindi. Pero kung tutuusin, kinakabahan talaga ako. Kahit papaano naman eh pinaghirapan ko rin naman yung sinulat ko. Sabagay, ang mahalaga naman eh nagtry ako. "Ok, guys and gals, bukas na lang namin ibibigay yung result kung sino ang pumasok. Kailangan pa kasi naming basahin itong mga sinulat niyo. Sa dami niyo, kailangan ko pa ng ibang teachers na pwedeng magjudge.
Gusto ko lang ipaalala na kapag napili na kayo, magseminar muna kayo for three days para matrain kayo sa writing skills niyo. So.. that's about it. See you tomorrow and good luck!" sabi nung teacher namin na nalimutan ko na naman yung pangalan.
Sabaysabay
naman kaming nagsilabasan. Yung iba eh nagbabatian pa ng 'good luck' at kung anuano na kesyo kinakabahan daw sila at tiyak na hindi sila mapipili.
Ang arte! Pero kahit ganun pa man, naapreciate ko pa rin na sinabihan nila ako ng good luck.
Bumalik na ako ng room nun. Uwian na kasi. Nakita ko si Neriah na nakaupo doon sa labas at hawak yung bag ko. "Oi Bruha ka! Kanina pa kita hinihintay. Tapos na ba yung thing niyo sa auditorium?"
"Oo, ngayon nga lang eh. Tara na nga..."
Dahil nga magkakilala na kaming dalawa dati pa, alam na namin parehas yung tambayan namin tuwing uwian.
Saan pa nga ba? Syempre... sa playground!!! Lagi naman eh!
Naglakad na kami at hindi pa yata inabot ng ten minutes eh nandun na kami sa pavillion at naupo kami.
Kadalasan naman tuwing nandito kami, sabay lang kaming gumagawa ng homework. Kapag yung tipong kinakagat na ng lamok yung binti namin at hindi na namin mabasa yung nakasulat sa libro, ganung oras kami umuuwi. "Nagugutom ako!"
"Bili tayo. May nagtitinda naman diyan sa gilid eh." sabi niya nung tumayo siya at pinasok sa bag niya yung mga kalat namin. Kaya lang marami eh.
"Dito na lang ako, ikaw na lang ang bumili. Alangan namang ilagay pa natin sa bag lahat na 'to!"
"O siya sige, ganyan naman parati. Ako yung tagabili at ikaw yung nakaupo. Ok KC.. alright."
Tinignan ko naman siya nun ng parang nabwibwisit. Nanloloko lang naman ako nun.
"Sorry.. KRISTEN! Pahingi ng pera! 20 na lang natira sa akin."
Inabot ko naman yung pera ko. Alam ko namang malapit yung pagbibilhan niya kaya hindi naman siya magtatagal. Ginagawa ko na naman itong bwisit na College Algebra.
Dahil hindi ako makapagisip ng maayos dahil sa ingay nung mga bata na naglalaro, tumingin na lang ako sa gilid. Huh?!? Bakit ganun? Ngayon lang yata walang postit ah! Ineexpect ko pa naman meron na dahil nagsulat na ako kanina. Bakit... siguro busy. Tama. Busy siya siguro.
Saglit lang eh bumalik na rin si Neriah. May daladalang mga potato chips at sago't gulaman yata. Hay naku!
Dapat yata nasanay na ako na kapag si Neriah ang bumili ng pagkain, tiyak hindi ako mabubusog.
"Eto na lang, wala ng tinda eh. Binili na raw ng mga bata..." tapos nilapag niya doon sa upuan.
"Pwede na rin, nagugutom na talaga ako."
Unanguna
kong kinain yung chips ko. Kapag ininom ko kasi kaagad yung sago, mamaya lang mauuhaw na ako. Tinuloy na namin yung paggawa namin ng Math namin. Kaya lang dahil wala ng mapiga sa utak namin, nagdaldalan na lang kami. Ang lakas ng tawa namin kaya yung ibang elementary eh ang sama na ng tingin sa amin. Akala yata eh mga abnormal kami.
Kung tutuusin... hindi nga ba?!?
"OO nga! Naalala ko pa yun! Hindi ba nung nagblow siya sa cake nalaglag yung pustiso niya! Kadiri talaga!
Saka lang natin nalaman na fake pala yun. Di ko rin talaga alam."
"Wala na ngang gustong kumain ng cake nun eh!" tapos uminom ako ng sago.
Siguro nga kung may nakakita sa amin ngayon, sira poise talaga. Mayamaya lang, hindi na ako makagalaw sa upuan ko at si Neriah naman eh pinulot yung kinuha niyang ballpen. Akala ko nga umiinom ako, pero nagendup na kinakagat ko na lang yung straw.
Si Bryan nakatayo doon sa harap namin. Kasama ang isang lalaki na hindi ko kilala.
"Hi!" sabi niya na todo ngiti pa talaga doon sa harap namin. MTV na nga, pwede pa sa toothpaste commercial!
Balak ko sanang magsabi man lang ng Hi din, kaya lang walang lumabas sa bibig ko eh. Si Neriah nga nung inangat niya yung ulo niya, nagulat yata eh.
"AHHHHHHHH!" siguro dahil masyadong malapit si Bryan sa mukha niya.
"Sorry Miss?"
"Neriah."
Nakatingin lang ako sa kanila habang kinagat ko pa rin yung straw. Uminom ka nga Kristen, wag kagatin!
"Nakita kasi namin kayo eh. Hindi pa pala kayo umuuwi?"
Umiling na lang ako nun.
"Naisip ko lang na magtanong... nacurious lang ako. Kasi..."
Kinamot niya yung ulo niya nun na para bang nahihiya na sabihin kung ano yung gusto niyang sabihin.
"Itanong mo na kasi.." sabi nung kasama nya.
Si Neriah, parang shock din katulad ko. Hindi na rin nagsasalita eh. Ano bang nangyari dito?
"Gusto ko lang sana itanong kung... kung.. ikaw ba yung babae na nagsulat dito?"
"Uhuh!" sabi ni Neriah na wala talaga sa sarili.
Teka anong sinabi niya?!? What?!?
"Really? Ikaw ba yun? Wow. Nice to meet you. Gusto talaga kitang makilala eh. Bryan nga pala."
Nasamid na lang ako doon sa kinauupuan ko. Bumara yata yung sago sa lalamunan ko.
"Ei Kristen, ok ka lang? Ang pulapula na ng mukha mo."
Ang tagal bago nawala nung sago sa lalamunan ko. Pero naging ayos din naman ako.
"Sabi ko sa 'yo eh, magtanong ka."
"Mabuti pala dumaan kami. Bihira kasi ang mga high school na babae dito kapag hapon. Now I know who you are.." "Teka.. ano yung pinaguusapan niyo?" sabi ko nung nakarecover na ako.
"Kasi, we've been talking for a while now. Sending messages. Yun nga lang, hindi pa kami nagkakakilala.
Hindi ko nga alam yung pangalan niya. Kaya nung may nakita ako na tao dito, naisip namin na baka nga isa sa inyo. Alam ko namang hindi si Kristen dahil bago ka lang 'di ba? Curious lang din ako kung sino ba yung nakakausap ko, kasi naisip ko na whoever's the girl, she's awesome. "
Bago nga lang ako pero Bryan.. ako yun! AKO! Infairness, compliment ba yun?
Gusto kong sabihin sa kanya na ako yung kausap niya at hindi si Neriah. Kaya lang dahil nga ayoko ngang makilala, 'wag na lang.
"Ahh.. ok."
"O sige pala una na kami sa inyo, may bibilihin pa kami eh. Ingat na lang kayo sa paguwi."
"Bye Kristen. Bye Neriah!" tapos ngumiti na naman siya bago umalis.
Sinundan ko ng tingin ko si Bryan at yung lalaki nung umalis sila ng playground. Hindi ako makapaniwalang siya yun. Siya yung tumutulong sa akin. Siya yung kausap ko. Siya yung nakakaalam ng problema ko. Siya yung nakakalam ng tunay na ako. Sinabihan niya na awesome ako pero ang akala niya eh si...
NERIAH?!?
"Oi!" nagsnap ako sa harap niya dahil tulala na naman siya.
"Kristen! Kinausap ako ni Bryan! Waaaa! Mamamatay na ko!"
"OA ka! Kanina lang wala ka sa sarili mo. May pa 'uhuhuhuh' ka pang nalalaman.."
"Eh kakashock naman. Bakit hindi mo sinabi sa akin na nasa harap na pala natin yung crush ko!"
"Crush mo?!?"
"Oo kaya! Siya yung tinutukoy ko!"
Sabihin niyo sa akin na nagbibiro siya. This thing is screwed! My personality, mistaken to be Neriah's?!? Oh
My!!
"Uwi na nga tayo. Malakas na ang tama mo!"
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog nun. Basta ang alam ko eh late night na yun. Hindi kasi ako makatulog. ***
Nung sumunod na araw at nagising ako, hirap na hirap akong idilat yung mata ko. Pero kinaya ko pa rin. 'Di kagaya ng dati, hindi naman ako nalate sa school.
"Good Morning Kristen!" sabi ni Xander na nagbukas pa ng pinto para sa akin.
"Tabi nga.."
"Ang sungit talaga nito. Hindi ba maganda gising mo?"
"Hindi eh. Dadagdagan mo pa."
Maagaaga
pa naman nun. Hindi pa yata time. Naglakad na ako papasok ng room at papaupo pa lang ako eh narinig ko yung announcement ng intercom.
'Attention to all the students who signed up for the school paper selection please report to the auditorium.
Don't be late.'
Ano ba yan?!? Kakaupo ko pa lang ah!
Tumayo na naman ako. Don't be late daw eh.
"Pinapatawag daw kayo.."
"Narinig ko po, may tenga ako."
"Gusto mo samahan kita?" sabi niya sa akin na sumunod na naman hanggang labas.
"May paa ako Xander."
Sumusunod pa rin siya nun hanggang sa nakalabas ako. Kaya lang nung naglalakad ako sa hallway, may nakita ako na makakasalubong namin.
"Dali! Itago mo ko!" sabi ko at pumunta ako sa likod ni Xander dahil makakasalubong namin si Bryan.
"Bakit? Oi! Anong ginagawa mo sa likod ko?"
Teka nga, abnormal ka Kristen. Bakit ba ako nahihiya kay Bryan? Siguro nga alam niya yung mga bagaybagay tungkol sa akin, pero hindi niya alam na ako eh ako. Simple lang. Hindi dapat kabahan.
"Ei Kristen."
"Oh.. hey."
"Si Neriah?"
Sabi ko nga eh, si Neriah ang hinahanap niya.
"Sa room."
"Ok, thanks." tapos umalis na siya.
Tumakbo na si Bryan papunta ng room namin. Nakalayo naman na siya.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" napansin ko kasi si Xander.
"Bakit tinataguan mo si Bryan?"
"Wala ka ng pakialam. Saka hindi ko siya tinataguan. Akala ko kasi siya yung kaaway ko. Kahawig niya kasi!!!" Hindi na siya nagtanong nun, which is, much better. Pagdating na pagdating namin doon eh ang daming tao sa harap ng Bulletin.
"Anong meron dito?"
"Pinost na nila yung listahan ng mga nakuha. Hindi nga ako pasok eh." sabi nung isang babae na nakita ko.
Ang daming tao. Hindi ko mabasa yung nasa harapan. Mamaya na lang siguro kapag kumonti na.
"Ok, pwede pong padaan? Kailangan lang namin mabasa yung nakalagay. Yung mga nakabasa na, huwag niyo ng titigan yan. Hindi magbabago yung nakasulat."
Nagsitabihan naman yung mga nagbabasa doon. Yung iba naman eh umalis na. Unang pumunta sa harapan si
Xander. Nagbasa siya doon.
"Saan na ba yung pangalan mo? Teka.." tapos binasa niya yung nanduon. "Ayun! Nasa number 3 ka. Nakuha ka naman pala eh."
Napakacasual
lang ng pagkakasabi niya. Akala ko nagbibiro siya eh, totoo pala.
"Oh nandyan na yung pangalan mo, tara na!"
Parang wala lang sa kanya yun. Ako naman, parang gusto kong tumalon dahil nakuha ako.
"Nakuha ako!" tapos ginawa ko na yung pagtalon ko. OA pero ganun ako minsan. Hinawakan ko pa sa balikat si Xander.
Parang natatawa yata sa akin eh.
"Anong nangyari sa 'yo? Masyado ka namang excited!"
"Masaya lang yung tao! Kainis na 'to."
Naglakad na kami nun pabalik ng room. Malapit na kasi yung time at baka malate pa kami. Nakuha na ako dun sa sinulat ko about Renovation!
And I owe...
"Bryan!!!"
"Bakit?"
"Thanks!" kasi sa kanya galing yung mga information ko!
"Ohh.. ok."
"Pagbigyan mo na, masaya lang yan at nakuha siya sa school paper. Teka, teka... thank you na naman? Lagi na lang.." "Bakit ako hindi?!?"
***11***
Nakakatawa talaga yung mukha ni Xander nun na nakatayo sa harapan namin.
"Ok.. thanks na rin Xander."
Naglakad na kami nun. Ang sayasaya ng diwa ko. Paano ba naman, pasok na ako!
Nadala ko pa rin yung pagkamasaya ko hanggang sa nagklase kami. Si Xander, nakaipo lang doon at hindi masyadong nangungulit. Hanggang sa nagalarm na nga, mukhang wala sa mood eh.
Binati ko nga lang, isang word lang ang sinagot sa akin. 'Oo'.
Dahil nauna na si Neriah sa cafeteria, ako naman eh susunod na lang. Kaya lang pagdating ko doon sa table na inuupuan niya, nakaupo doon si Bryan at tumayo na mukhang papaalis na.
"Anong ginagawa nun dito?"
"Wala naman. Nagyayaya na kumain daw kami sa Jollibee mamaya.." sabi ni Neriah na nakangiti pa.
"Huh?!? Bakit naman?"
"Sabi niya, gusto pa raw niya akong makilala.." ikaw? ano ba yan!!!
"Teka, anong sinabi mo? Pumayag ka ba? Hindi.. oo?"
"Easy ka lang Kristen, bakit ba parang kabado ka masyado?"
"Wala, curious lang." hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko nun.
"Ano sa tingin mo?"
"Ewan!"
Hinawakan naman niya ako sa balikat na ang sayasaya at excited na excited ang dating. Parang alam ko na kung ano...
"Ano ka ba! OO siyempre! Pumayag ako!"
Ano ba yan?!? Masaya pa rin ba yung araw ko.. o hindi na?
Parang may kung anong bumagsak sa tiyan ko nun. Yung idea pa lang na makakasama ni Bryan si Neriah mamaya, parang ayoko ng isipin. Hindi na nga siguro ako masaya.
Nanahimik na lang din ako nun. Parehas na kami ni Xander. Nagtanungan nga yung mga classmate namin kung bakit hindi raw yata kami nagaaway ngayon. Nung tanghalian naman na, magisa akong pumunta sa playground. Hindi ko na nga maintindihan yung sarili ko, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa siyang sulatan eh samantalang ibang tao naman yung iniisip niyang ako.
'Ei.. medyo malungkot...'
Hindi ko natapos yung sinusulat ko kasi may narinig ako na naguusap.
Kilala ko yung boses. Nagtago na lang ako doon sa likod nung puno, baka makita ako eh.
Si Neriah pala at Bryan. Kakain na siguro sila.
Habang naglalakad sila nun, saka ko lang napansin na si Bryan ang may dala ng bag ni Neriah. Hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako naiinis kay Neriah.. siguro... ewan!
Pangitingiti
rin si Bryan nun. Hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila pero, mukhang naeenjoy niya.
Buti na lang nakalagpas na sila nun saka lang ako lumabas dun sa puno tapos naglean ako doon sa bakal.
"Oi!"
Nagulat naman ako nun at natusok tuloy ako dun sa sanga nung halaman.
"Bakit ba nanggugulat ka?" nandun kasi siya sa likod ko.
"Nakita kasi kita dito, nandun ako sa elementary. Anong ginagawa mo?" tapos lumapit siya doon kung saan ako nakatayo.
"Wala. Huwag ka ng lumapit.."
Medyo tinutulak ko siya nun at baka makita pa niya kung sino yung tinitignan ko. Kaya lang ano namang laban ko, nakita pa rin niya.
"Bakit mo sila tinitignan?"
"Hindi ko sila tinitignan. Sino namang may sabi sa 'yo na sila yung tinitignan ko?" sabi ko habang papaupo.
"Sila lang naman yung tao diyan ah!"
Mukhang hindi na naman ako titigilan nito.
"Ano 'to?" nakita kong hawak niya yung post it ko. Seryoso pa tumingin. "Are you writing some kind of a diary?" "Akin na nga yan!" tapos inagaw ko sa kanya. "Hindi."
"Ang weird mo Kristen.."
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Eh kasi naman kung shinishare mo na lang ba e di sana hindi na kita kinukulit.."
"Sa dami naman ng pagsasabihan ko.. ikaw pa. Ikaw na siguro ang huling taong makakaalam.."
"Dali na.. makikinig ako" sabi niya ng seryoso.
Tumayo ako uli doon at sinilip ko kung nandun pa si Neriah at si Bryan. Malayo na yung nalakad nila.
Nalulungkot ako para sa sarili ko.. na hindi ko naman alam ang dahilan.
Sumunod naman si Xander sa akin.
"He doesn't even know her.."
"Ano? Magkakilala kaya sila.."
"Ano ka ba! Hindi literal. Ikukuwento ko.. baka tawanan mo ko."
"Hindi. Kailan ba ako tumawa sa 'yo?" tinignan ko siya ng masama. Halos arawaraw yata tinatawanan niya ako eh. "Kasi.. nagsulat ako dito. Using postit notes. Last summer ko nasimulan. Eh nagkataong, may sumagot.
Ganun. Tinutulungan niya ako. I think he's nice. Ang bait kasi eh. Nagkataon namang si Bryan yun.."
Napansin kong seryosongseryoso yung mukha ni Xander nun tapos bigla na lang tumawa ng malakas.
"Huwag na nga! Nakakainis ka naman eh!" tapos kinuha ko yung bag ko at tinulak ko siya.
Kaya lang, hinawakan niya ako sa braso ko.
"Sandali lang.. niloloko lang naman kita. Nagulat lang kasi ako. Si Bryan? tapos ikaw?" tapos nahalata kong pinipigilan niya yung tawa niya. "Ano namang problema dun?"
"Anong problema? Wala naman. Maliit lang. Akala niya ako eh si.."
"Neriah?!?" tapos tumawa na naman siya ng malakas.
"Napipikon na talaga ako Xander.. bakit ko ba kasi kinuwento sa 'yo!"
Paalis na sana ako nun, kaya lang hawak pa rin niya yung braso ko.
"Yung braso ko pwede?"
"Hindi na talaga ako tatawa. Paano mo nalamang si Bryan?" sabi niya na seryoso talaga.
"Kahapon.. nagtanong kasi siya. Eh ayoko namang sabihing.. ako eh ako. Ayoko kayang makilala ako ng nagsusulat dyan.."
"I see.." sabi niya na parang nagiisip
"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa."
"Sabay na tayo gusto mo?"
Tumingin naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung papayag ba ako o ano.
"Libre ko, wag kang magalala."
"Sige na nga..libre naman pala eh. Saan ba?"
"Para mas maging masaya ang lahat.."
"Sa Jollibee tayo..." ANo?!?
***12***
"Jollibee? Ayoko dun!" kasi naman.. ayoko talaga dun. Nananadya ba si Xander at talagang doon pa niya gustong kumain?
"Dun ang pinakamalapit eh, ano bang problema?"
"Kasi alam mo Xander, mahilig ako sa pizza. Kaya... Little Caesar's na lang tayo."
Sa dami naman ng ililibre, ako na siguro ang taong namimili pa ng lugar na pagkakainan.
"Eh malayo yun dito, yung Jollibee lalakarin na lang.." tapos tinuloy na niya yung paghila sa akin.
Wala naman akong pakialam kung malayo. Mas gugustuhin ko na doon kaysa makita ko pa si Neriah at Bryan!
"Kung pamasahe lang ang problema mo papuntang Little Caesar's, sagot ko na. Ikaw na lang sa food." tapos huminto na siya sa paglalakad.
"Kristen, favorite ko yung Jollibee. Alam mo yun, bubuyog.. tapos pula! Kaya tara na!"
Grabe, napakareasonable nung sinabi niya sa akin. Sa katunayan, nga effective eh. Out of 100, .1% siguro.
"Siguro nga pinaglihi ka ng Mama mo sa Jollibee, naexplain kung bakit sunod ka ng sunod. Alam mo yun.. sa honey."sabi ko na nanloloko.
"Kung pinaglihi niya ako sa Jollibee, hindi ko alam. Hindi ko naman natanong. At kung sinasabi mo na ikaw yung HONEY... malabo naman yata yun!"
"Whatever!"
Kakalakad namin eh saka ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng Jollibee. Hinga ng malalim Kristen, kaya mo yan!
Pagpasok namin sa loob, ang daming tao at ang haba ng pila. Ganun naman kadalasan ang nakikita ko sa
Jollibee. Akala ko nga ayaw na ni Xander doon, pero tinuloy pa rin yung pagpasok.
"Kung gusto mo Kristen, ako na lang ang pipila at maghanap ka na lang ng uupuan.."
"Ayoko nga! Mukhang wala ngang bakante dito eh."
"Bahala ka.."
Tumalikod naman ako nun at nasa tabi ko si Xander. Kaya lang...
"Kristen! Lee!"
Humarap naman ako kay Xander. Sinasabi ko na nga ba.
"Oi, tawag ka.." sabi ko habang tinuturo yung sa likod ko na parang naiirita.
"Oi Bryan! Nandito pala kayo ni Neriah?"
Saka ko lang napansin nun na nakaupo pala si Neriah at Bryan sa upuan na pangapatan.
Bakante pa doon.
"Bakante pa dito, kung gusto niyong dito umupo."
No. Hindi. Ayaw namin. Definitely not.
"Sure!" Oh God! "Bibili lang kami."
Matagaltagal
din kaming pumila doon at medyo masakit na rin yung binti ko nun. Sinabihan nga ako ni
Xander na pwede naman daw akong umupo na at kaya naman na daw niya yung tray, kaya lang ayokong umupo na nandun yung dalawa. Huwag naman ngayon kung kakayanin ko pa.
Nakabili din naman siya, at ako eh sumunod lang. Umusog ng kaunti si Bryan, at ganun din si Neriah.
Magkatapat kasi sila. So pinili ko syempre, yung upuan sa tabi ni Neriah. Naupo naman si Xander sa tabi ni
Bryan. In short, katapat ko siya.
"Nandito rin pala kayo. Akala ko sa isang Jollibee kayo kakain?" sabi ni Xander habang nilalapag yung hamburger doon sa harapan ko.
Alam pala niya na kakain sila ng Jollibee! Nanadya nga ang bwisit!
"Dito malapit eh. Hindi ko alam na magkasama pala kayo. Himala yata. Hindi ko ineexpect eh."
"Oo nga. Bakit hindi mo sinabi sa akin Kristen? Kayo talaga, minsan magkaaway, ngayon naman sabay kayong kumain." "Ahh kasi.. kanina lang ako niyaya ni Xander."
"Nakita ko kasi siya sa playground. Niyaya ko na. She's writing something.." sabi niya na nakangiti pa.
Alam kong medyo nanlilisik na naman ang mata ko nun. Kasi dinugtong niya eh..
"Homework. Alam niyo na.. Math."
"May homework ba tayo sa Math?"
"Kay Angelo." sabi ko na lang para makalusot.
"Kailan pa kayo naging magkasundo nun?"
Hindi ko na sinagot yung tanong ni Neriah. Kailan ko naman ba nakasundo yung kapatid ko? Never pa kayang nangyari yun.
"So.. bakit kayo nanditong dalawa?"
"Wala naman. Niyaya ko si Neriah. Nabanggit ko na kanina ah..."
"Siguro nga. Hindi lang siguro ako nakikinig."
Binuksan naman ni Xander yung ketchup at nagsawsaw ng french fries niya. Ako naman, hindi masyadong makakain. Habang kumakain kami, aksidenteng natabig ni Neriah yung coke niya kaya natapon sa palda niya yung coke.
Tumayo naman kaagad si Bryan.
"Ok ka lang? teka, hihingi ako ng napkins." tapos umalis na siya.
Dahil kumakain kami ng chicken, kinuha ko yung tinidor ko at pinagtututusok ko doon sa chicken. Nakakaawa na ngang tignan eh. Pagbalik ni Bryan, inabot niya kay Neriah.
"Thanks."
Nung medyo ok na kami at napunasan na ni Neriah yung palda niya, hinintay na lang niya na matuyo. Halata nga sa blouse niya na may natapon, may kulay brown kasi doon.
"Kristen, may dumi ka sa mukha mo." sabi ni Xander sa akin.
"Saan?" sabi ko dahil nakakahiya naman.
"Ako na nga.."
Nanguha siya ng napkin doon at pinunasan niya yung mukha ko. Ok na sana eh...
"Para kang bata. Kumain ka nga ng marami, kaya ka pumapayat eh.."
Napansin ko naman yung kinakain ko. Konti pa lang yung nababawas eh.
"Ang sweet naman ni Lee! Ikaw ha, kakaiba ka ngayon kay Kristen. Anong meron?"
"WaLA!! sabay pa kaming nagsalita. Ang kaibahan nga lang, mahinahon yung kanya, sarcastic yung sa akin.
Napansin ko na medyo malapit na siyang matapos kumain. Si Neriah at Bryan, hinihintay na lang kami.
"Nanliligaw ka ba?!?" nagulat naman ako sa tanong ni Bryan kaya napainom na lang ako bigla.
Tumawa lang si Xander pero hindi nagsalita.
"Kristen, kumain ka kaya ng marami.." tapos hinila niya yung kanin ko na may chicken " Akin na nga.."
Sunod na lang na alam ko, gusto niya akong subuan. Pinapababa ko yung kutasara ko pero ayaw niya. Isa lang daw. Dahil ayang tumigil, sinubo ko na! Nakakainis na!!!
Gusto yata makipaglaro nito eh.
"Ang cute niyong dalawa.." sabi ni Neriah na nagbigay pa ng nakakapaginit sa ulong comment.
"Err... you think so?" sabi naman ni Bryan. Mukhang, mas ok yata yun.
"Xander!" tapos ngumiti ako ng hindi totoo "Gusto mo nito?"
"Hindi, 'wag na. Busog na ko eh."
"Dali na! Isa lang naman eh!"
Pinilit ko rin siya gaya ng ginawa niya sa akin. Bandang huli, pumayag din naman. Kaya ang ginawa ko, kumuha ako ng maraming kanin.
"Ang dami naman yata.."
"Ok 'to, para malusog ka 'di ba?"
Sinubo ko naman sa kanya yun. At hindi na rin nakakapagtaka, nabulunan nga siya!
Si Neriah naman, natutuwa pa rin sa amin. Bagay daw kami. Nung nakainom na ng maayos si Xander, nagpunas lang siya ng bibig at tumingin sa akin. Parang may ibig sabihin nga eh.
"Himalanghimala
at bigla yata kayong magkasundo."
"Once in a blue moon lang talaga mangyari na magkasundo kami ni Bubuyog.."
"Bubuyog?"
"Bago kasi kami nakarating dito kanina, sinabi niya favorit daw niya ang Jollibee. Naexplain na rin kung bakit siya sunod ng sunod."
"Oo nga eh" sabi ni Xander "Nagtatalo pa nga kami kanina. 'Di ba honey?"
Alam ko namang walang ibig sabihin yung pagtawag niya sa akin ng honey dahil yun yung sinabi niya kanina nung tinawag ko siyang bubuyog. Pero napipikon talaga ako. Kaya ang ginawa ko eh sinipa ko siya ng napakalakas sa ilalim ng table... tama lang sa kanya yun kaya lang parang may mali sa nagreact...
"Ouch!" Uhoh...
***13***
"Ahh.. may sumipa sa akin..." sabi ni Bryan na yumuko habang hinahawakan yung paa niya na nasipa ko. Nashock din ako eh.
Si Neriah naman, sumunod at yumuko rin.
"Jackpot Kristen... para kanino ba yun?" sabi niya na halatang alam niya na dapat sa kanya yun.
"Wala naman. Para lang sa taong... este... insekto pala na walang ginawa kundi mamerwisyo ng tao."
"Baka naman nakalimutan ng sinasabi mong 'tao'.." sabay quote pa niya ng kamay niya ".. este 'matamis' pala na trabaho na nung 'insekto' na mamerwisyo ng matamis'.."
Hindi ko na lang pinansin si Xander nun. Sa katunayan, medyo nalito ako doon sa sinabi niya sa akin. Dahil ayokong makita yung pagmumukha niya, nakiyuko na rin ako kinaBryan sa ilalim ng table.
"Ei Bryan.. sorry kasi.."
Napatigil naman ako dahil nakita ko kung paanong magtinginan yung dalawa. Parang wala ng bukas ah!
"Ahhhhhh!"
Nagulat yata sa akin at sabay pa silang tumayo. Nagulat din ako sa sarili ko kung bakit ako sumigaw, kaya nung itatayo ko na yung ulo ko.. tumama ako sa table.
Aray! Parang nalaglag yung utak ko ah!
Umalog pa yung table nun sa sobrang lakas ng pagkakauntog ko.
"What?!? Anong nangyari sa 'yo? Ok ka lang?"
Aaminin ko, medyo nahilo talaga ako nun. Kaya nga nung nakita ko yung mukha ni Xander na malapit sa mukha ko eh ang initial instinct ko eh sampalin ko siya.
At ginawa ko nga...
"Aray naman! Ano na naman ang ginawa ko at sinampal mo ko? Nagtatanong lang yung tao!" sabi niya sa akin na hawak pa yung pisngi niya.
Tumayo na siya nun mula sa pagkakayuko, at ako naman eh nagingat na hindi na maulit na mauntog ako uli.
Hawak ko yung ulo ko, si Xander yung pisngi niya. Medyo naawa rin ako kasi nakikita ko pa nun na namumula yung pisngi niya.
"Anong nangyari sa inyo?"
"Sinampal lang naman ako ng kaibigan mo eh samantalang nagtanong lang naman ako.." hawak niya yung panyo niya at tinakip niya sa pisngi niya. "Ang sakit nun ah! Ang bigat ng kamay mo.."
Nung mga oras na yun, pakiramdam ko dapat na akong magsorry.
Oh well... kasalanan ko naman...
"Kasi naman! Pwede ka namang magtanong ng hindi ganun kalapit yung mukha mo 'di ba?!? Medyo nahihilo pa ako tapos mukha mo yung makikita ko! 1 and a half inch away!" hanep Kristen, iba na pala ang meaning ng sorry ngayon?
"May eksakto pa palang sukat yun! Pasensya! Sa susunod kapag nagtanong ako at may nangyari sa 'yo, sisiguraduhin ko na 10 feet apart yung mukha ko..." sabi niya sa akin.
Natatawa naman ako nun sa kanya. Medyo diniinan ko yung part na nauntog, masakit pa rin. Siguro, magkakabukol 'to.
"Ayoko ng ilapit yung muka ko dahil bawal na pala ngayon na magtanong at syempre para safe at di masampal ang mukha ko. I think you owe me an apology..." medyo seryoso naman siya nun, pero kahit papaano... hindi pa rin bagay!
"Ok... sorry"
"Really?."
"Bryan." sabi ko nun na natatawa naman ako. "Ako yung sumipa sa 'yo kasi.. alam mo na... may kumagat na kung ano sa paa ko kaya napasipa ako. Sorry talaga, hindi ko sinasadya..." galing magsinungaling! Oscar's ito!
"Ok lang.. ayos na ko." sabi niya na nakangiti pa.
Naririnig ko naman na bumubulong si Xander doon sa kinauupuan niya. Something like: 'Laging ganun. Dati thank you, ngayon sorry. I can't believe this girl!'
"Oi, wag ka ng bumulong. Narinig ko." sabi ko sa kanya "Sorry nga pala." this time.. it's for real.
"Talaga lang.."
"Ayaw mo.. 'di wag!"
"Hay naku kayong dalawa, bumalik na naman kayo sa dati. Tara na nga at bumalik na tayo ng school at baka malate tayo sa klase."
Sabaysabay
kaming tumayo nun. Mabuti na lang at pinigilan kami ni Neriah dahil mahabahaba na namang kung ano yun kung sakasakali.
Nagsimula na kaming maglakad. Napansin ko na nakatingin sa amin yung batang babae sa kabilang table.. mga 4 years old siguro. Tapos nung dadaanan namin, hinawakan ni Xander sa chin niya.
"Ikaw, kapag laki mo.. stay away from drugs. Tandaan mo yan."
"Ano ka ba Lee, bitawan mo kaya yung bata. Magalit pa yung nanay niyan sa 'yo!"
Malapit na kami sa glass door ng Jollibee nung may paghabol pa siya.
"Dahil kung hindi, matutulad ka sa babaeng 'to!" tapos tinuro niya ako.
"Sira! Bilisan mo kaya maglakad!" tapos tinulak ko siya doon sa pintuan. "Sorry talaga.. I mean it."
Dinaanan ko lang siya nun at binilisan ko yung lakad ko.
Dahil nga lalakarin lang namin hanggang school, nasa harapan kami ni Neriah at yung dalawang lalaki eh sa likod naman. Hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila, pero kami ni Neriah eh kung ano lang.
Pagdating namin sa school, nagtaka yung mga classmates namin kung bakit tinatakpan ni Xander yung pisngi niya. Syempre, nagkwento naman siya.
"May lasing kasi kanina sa Jollibee, eh nung NAHIHILO pa siya... ayun, sinampal ako. Nagtanong lang naman ako kung may problema!"
Hindi ko na lang pinansin at dinaan ko na lang sa tawa. Ang lakas ko pa lang sumampal. Bumakat ba naman yung kamay ko sa pisngi niya.
Siguro nga kapag Kristen at pangalang Xander ang nagsama, bukol at sampal ang laging meron.
Walang espesyal na nangyari nun. Hindi ako nakadaan ng playground dahil hapon na. Siguro nga dapat hindi na ako magsulat doon... bakit pa?
***
Nung natapos yung linggo na yun, medyo busy na yung week na paparating para sa akin. Seminar for three days ang gagawin ko sa Monday, Tuesday at Wednesday. Training kasi eh!
Ilang araw na rin akong hindi nagsusulat sa playground.Paano ba naman, nagsusulat ako kung may problema, o kaya kung may kailangan. Hindi ko naman yun daily routine. At isa pa, I don't see the point! Magsusulat ako kung hindi rin naman ako yung nabibigyan ng credit? Totally useless.
Idagdag mo pa sa ikagaganda ng mundo ko eh nagtext sa akin si Neriah. Ayun, alam na raw ni Bryan ang bahay niya. Hinatid kasi siya dati.
Nung linggo ng gabi at nagaayos ako ng bag, may nakita ako na hindi magandang view sa bag ko. May kung anuanong mga papel na may nakabalot eh bato sa loob. Akala ko nga nung una eh ganun lang... pero may nakasulat doon sa papel.
Yung una, smiley lang. Yung pangalawa, may Xander na nakasulat. Yung pangatlo, nakalagay eh 'gusto ko lang pabigatin yung bag mo...' Kaya naman pala nung Friday eh pakiramdam ko ang bigat ng bag ko! May mga bato pala. Bwisit na yun!
Nung nagMonday naman na at papasok na ako, naglalakad pa lang ako sa corridor eh isang tao lang naman ang gusto kong hanapin. Gusto kong batukan si Xander. Syempre, nakita ko na naman si Bryan na nagtetext gaya nung first day of classes na nagtanong ako sa kanya.
"Bryan.. si Xander?!" nahalata niya na parang may agenda ako kaya tinuro lang niya sa akin yung weight lifting room na wala man lang sinabi. Hinawakan ko na yung door knob nun para buksan ko nung sinabi niyang...
"Kristen.. baka..."
"Easy ka lang, may babatukan lang ako!"
Tinuloy ko na yung pagpasok ko sa loob. Grabe, kakaiba yung amoy dito. Amoy pawis!! Ngayon lang ako napasok dito, at ngayon ko lang nakita yung itsura. Syempre, panay weights and all sorts of crap!
Binilisan ko yung lakad ko. Napansin ko rin na marami akong nadaanan sa loob na mga lalaki. Sabaysabay pa silang nag 'whoa!' nung dumaan ako sa 'di ko naman malaman na dahilan. Ano bang problema nila? Yung isa, may towel pa sa leeg niya.
"Si Xander?"
Katulad ni Bryan, parang wala rin siya sa sarili niya at tinuro yung isang cubicle na may glass. At syempre, may nakikita na akong paa doon. Pumasok ako sa loob.
"Oi Bubuyog na bwisit!"
Nahulog naman siya doon sa pagkakahiga niya doon. May kung anong binubuhat siya sa kamay niya at mabigat na kung ano rin sa paa niya.
"Kristen?!? Nandito ka?"
"Oo bakit? Ang laki talaga ng problema mo?! Bakit mo nilagyan ng bato yung bag ko! Kaya pala nagkakandakuba na ko sa pagbuhat nun! 'Di mo ba alam na masama ang effect nun sa spinal cord? Kapag ako naging disabled makita mo..."
Hindi pa rin siya nagsasalita nun. Pinupunasan yung mukha niya.
"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo dito?"
"Ano rin sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Kristen.. mamaya na nga yan. Kung 'di mo alam, tumingin ka sa likod mo."
Tumingin naman ako sa likod ko. Oh my freaking word! Ang daming lalaki nga. Walang babae dun. Yung iba syempre, walang shirt. At yung iba... oh well.. nakatowel.
"Oohh.." ano ba yan! lagi na lang akong napapasok sa kung ano!
"So?!?"
"Just... stay away..."
Hindi ko alam kung kaya ko pang dumaan dun sa dinaanan ko kanina. Hindi ko naman talaga napansin, paano ba naman yung mga lalaki malapit sa pinto eh nakauniform ng weight lifting class. Tapos dito pala eh... naman!
"Ahh..." sabi ko na lang nung tumalikod na ako.
"Go ahead.."
Ayoko na talaga! Hindi makakilos yung dalawang papa ko nun. Nakakahiya na ko! Sobra!
"Ok.. that means, I am left with one choice.."
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya nun. Lumapit siya sa akin at nung tinignan ko siya eh...
"Ano?!?"
"Just, hold tight.."
Sunod na lang na alam ko, binuhat niya ako at nilagay niya ako sa kabilang balikat niya. Medyo nakabaliktad yung ulo ko nun at nakikita ko yung likod niya.
"Ano ba!!!"
Naririnig ko nun na sinasabi niya sa mga kasamahan niya dun..
"Pasensya na.. may sakit 'to ngayon. May topak. Wala sa sarili."
Wala akong makita nun dahil nga nakabaliktad ako.
Alam ko lang nun eh nagiba na yung simoy ng hangin at binaba na niya ako.
"Don't go in there. Mas mabuti sa 'yo kung mga ilang araw eh wag ka munang magpakita sa kanila.." sabi niya na tinatawanan pa ako.
"FREAK!"
Pumasok na siya nun sa loob. At least, nakalabas ako. Hindi nga lang normal na paraan. Kakaiba yung pakiramdam ko. Naiinis na nahihiya. Basta! Ikaw ba naman... arrrgggghhhhh!
Pero kahit papaano, napahanga rin naman ako sa lakas ni Xander. Ano kayang klaseng balikat meron yun?
Akalain niyong buhatin ako palabas?!?
***14***
Medyo bwisit pa rin ako nun. Feeling ko, wala akong mukha na maipapakita sa mundo. Ganun na nga talaga kapag ang pangalan mo eh Kristen, na may kasamang Carylle at Gutierrez.
Nung pumasok si Xander, nandun pa rin si Bryan. Medyo nakangiti sa akin. Nahiya tuloy ako. Kaya sinabi ko kita na lang kami at binilisan ko na yung lakad ko.
Dahil nga seminar ngaun, dumeretso ako ng Little Theater at doon kasi ginawa yun. Hindi na naman ako makapagconcentrate, paano ba naman eh kapag naalala ko yung kaninang umaga, di ko maiwasan na mainis sa sarili ko! Bakit ba kasi pumasok ako doon? Pwede namang batukan si Xander kapag nakalabas na siya 'di ba?!? Sabagay, di ko rin naman alam na bawal pala ang babae dun. May sign ba? Wala naman ah!
"Miss...? Anong pangalan mo?" sabi nung teacher sa harapan ko.
"Ahh... Kristen." eto ang epekto ng malaeroplano ang utak... lumilipad.
"Ok, halimbawa si Kristen.. ilalagay ko sa Editorial writing and headline news, dapat lang na hindi mo mahalo yung opinion mo sa real facts...."
Ganyan kami nakinig. Nagbreak lang. Naboring na nga ako nun eh. Syempre, hinati kami. Straight news and editorial writing nga ako natapat.. yung iba, ewan ko!
Dahil half time nun, lumabas na ako at nauuhaw na ako. Breaktime na rin nung mga classmates ko. Ano kayang ginawa nila sa klase? Tiyak maghahabol na naman ako ng lesson niyan!!
"KC!" lumingon naman ako doon sa tumatawag sa akin... "Kristen.. I mean.."
"KC ka dyan!?"
"Oh, anong ginawa niyo sa seminar?"
"Ano pa kundi umupo at makinig! nabored nga ako eh. Akalain mong gagawin ko 'to for three days?" sabi ko nung inayos ko yung bag ko "Ano naman ang ginawa niyo?"
"Wala naman. Naglecture saka nagpartner by two's sa para sa Physics lab."
"Ngek! Sino naman ang maswerteng partner ko sa bwisit na Physics?"
"Aba.. sino pa!" sabi niya sa akin na nakangiti pa.
"Ikaw?! Ayos!"
"Tangek.. hindi ako. Ayun!" tapos ngumuso siya doon sa makakasalubong namin.
Yeah right... alam niyo na kung sino..
"Bakit naman siya? Kapag mamalasin! Kapag partner ko yan sa laboratory, tiyak wala kaming matatapos o kaya laging palpak!"
"Eh siya nagprisinta kanina eh. Sinabi niya na wala ka raw partner, siya na lang daw partner mo..."
Nakakainis na yun! Sana lang 'di ba nakipagpartner na siya? Mas ok sana kung iba partner ko o magisa na lang ako.
"Oi!"
"Ano?!?" medyo naiirita na naman ako.
"Ito naman laging high blood. Binati ka lang eh.."
"Sign na pala ng pagbati ang 'oi'?!? Wow, ang galang!"
"Partners nga pala tayo sa Physics lab.." sabi niya sa akin.
"Yeah.. whatever!"
Narinig naman namin na may tumawag kay Neriah kaya nagpaalam siya. Dahil busy pa akong nakikipagtalo kay Xander nun, huli ko ng napansin na si Bryan pala. Bakit ba kapag ganun naiinis ako?
"OI! Ayos ka lang? Kung makatingin ka parang gusto mong tunawin yung dalawa ah!"
"Shut up! Pakialam mo ba?!?"
"Oo nga pala naalala ko, si Bryan nga pala ang pen pal mo!"
"Pen pal? Yuck! Hindi no.." sabi ko kaya tinulak ko siya pero di malakas "Teka may naalala ako na dapat gagawin ko kanina.."
Lumapit naman ako sa kanya nun.
"ANo ba yun?"
"Yumuko ka, may bubulong ako sa 'yo!"
Dahil mas matangkad siya sa akin, yumuko naman siya dahil nga sabi ko may ibubulong ako. Pero wala naman talaga akong sasabihin dahil...
BABATUKAN KO LANG NAMAN SIYA!!!
"Ang sadista mo! Dati sinampal mo ako.. ngayon batok!"
"Siraulo ka kasi!"
"Oh yeah? Siguro nga!" tapos hinawakan niya yung batok niya.
"Tama lang yan sa 'yo. Ang lakas mong mang trip!"
"Pasalamat ka!"
"Pasalamat ako ano?!?"
"Basta! Kapag ako gumanti.. baka 'di mo kayanin!"
"Talaga lang!"
Papaalis na sana ako nun para kumain na rin ako..
"Oi!"
"Baka naman pwede akong kumain? Di naman siguro bawal no!"
"Kaya nga nagdala na ako eh. Binilihan na nga kita ayaw mo pa..."
Aba.. libre na naman ito!
"Hindi 'to libre, babayaran mo! Taghirap ang mundo ngayon!"
"Sino naman maysabi na gusto ko yan?"
"AKO!!!"
"Akin na nga yan!" inagaw ko naman yung hawak niyang saucer tapos naglakad na ako.
"Akala ko ba ayaw mo?"
"Akala ko ba sabi mo gusto ko? tapos sinimulan ko ng buksan.. "Mas masarap yata kapag libre.."
"Libre? Ang laks mo!"
Binuksan niya na rin yung kanya. Ako naman eh kumagat na. Kaya lang nung nakakagat na ako eh nakatingin siya sa akin.
"Ano na naman?!? Kailangan mo ba talaga akong tingnan habang kumakagat?"
"Kagat mo na yun? Bakit ang liit?" sabi niya tapos tinuro niya yung kinagatan ko
"So?!? Big deal?"
"Mali yan. Tuturuan kita..." tapos inayos niya yung brown bag.. "Ang tamang pagkagat eh ganito.."
Sumunod na lang na alam ko, nakataas na yung isang kilay ko nung kumagat siya ng napakalaki doon sa saucer niya. "There."
"What?!? Parang tatlo na yan nung sa akin ah!"
"Yan ang tamang pagkain!!"
"Lumayo ka nga sa akin, bad influence ka.."
Kinain ko lang yung binigay niya. Dahil sabi ko libre yun, hindi ko na nga binayaran. Kinukulit nga ako na hindi raw libre yun, pero binigay na niya eh. Sabi niya, ilibre ko daw siya sa susunod.
Pagkatapos nung breaktime, ako naman eh umakyat na sa Little Theater at magsisimula na yung second half.
Buti na lang pala pangumaga lang ito, dahil hindi ko na talaga kaya kapag tumagal pa!
Naupo na naman ako doon, katabi nung mataba na mas malakas pa yung pagnguya niya sa boses nung speaker kaya hindi ko marinig. Medyo tinatakpan ko yung tenga ko in case na makita niya na nagpaparamdam ako, pero wala pa rin eh.
Nung hindi ko na talaga maintindihan.. di ko na talaga mapigilan yung sarili ko.
"Excuse me.. hindi ko kasi marinig yung sinasabi. Yung.. pagnguya mo kasi."
Akala ko eh ayos yung pagkakasabi ko.
"So you're telling me huwag akong kumain?! Sino ka naman para magsabi nun?"
"Hindi ko naman sinabi. Pakihinaan lang."
"E di lumipat ka ng upuan mo..."
Aba, nauna akong umupo dito at ako ang pinapaalis?
"Teka, bakit ako ang lilipat? Ako ang kanina pang nakaupo dito."
Eh malaki yata yung problema ng babeng yun kaya kinuha niya yung isang chip na kinakain niya at binato ba naman sa palda ko. Napikon ako kaya binato ko naman sa mukha niya.
"Miss Kristen!" patay! "We are not allowing such behavior!"
"Pero Mam! Hindi ako ang nagsimula! Siya yung unang nagbato sa akin!" ngayon ako pa yung may kasalanan.
Bwisit na piggy bank 'to!
"Sana sinabi mo, hindi ka dapat gumagawa ng kung ano. Out. I'll write a referral." ok, ito pala ang makukuha ko kapag hindi mo hinahayaang apiapihin ang sarili.
Tumayo na ako nun at kinuha ko yung bag ko. Napansin ko na dumila sa akin yung tabachoy na yun!
Nakapagpigil lang ako kaya hindi ko na natuloy.
"You too Miss Margaret!"
Gusto kong umupo sa sahig at tumawa ng tumawa. Pero dahil kasali ako sa mabibigyan ng referral, nagpigil na naman ako. Baka yung isa, maging tatlo.
Syempre, kasama ko yung piggy bank na umupo sa labas. Naglayo nga kami ng upuan at baka kapag nagtabi kami eh lumala pa ang yung pagkainis namin sa isaisa.
"Kung hindi naman dahil sa 'yo di ako palalabasin dito!" panay ang pagpaparinig niya sa akin.
"Kung hindi ka rin kumakain, wala rin ako dito!"
"Maglinis ka kasi ng tenga mo"
"FYI! Naglilinis po ako ng tenga! Gusto ko lang marinig ng maayos kasi yung seminar na ito eh para turuan tayo.. hindi para makinig sa pagnguya ng isang... " tapos bumulong ako "...obese"
"Anong sabi mo?"
"Sino ngayon ang bingi sa atin?" tapos umarte ako na nilagay ko yung kamay ko sa tenga ko.
"You talk alot Kristen!"
"More likely.. kasi may bibig ako."
Lumabas naman yung teacher at chineck kami. Tinanong kung winoworkout daw namin ang isa't isa.
Syempre, pretend to the maxx kami ni piglett.
Dahil hindi pa rin kami pinapasok, narinig na lang namin na nagalarm na ng uwian. Nagsilabasan na yung mga tao sa Little Theater, at kinausap kami for the last time. Bukas daw eh pwede na kaming pumasok, pero kapag naulit daw yun uli eh baka hindi na kami kunin sa school paper.
Syempre, iniwan ko na sila doon. Mapaparami ang kain ko dahil naiinis ako.
Naglakad na ako sa corridor. Buti na lang talaga eh walang seminar mamayang hapon. Dahil hindi ko na talaga kayang makita ang baboy na yun!
Nagulat na lang ako ng may tumulak sa likod ko kaya muntik na akong madapa.
"Ooopsss.."
"Can you drop it off?"
"Hey!"
Napatingin naman ako. Tumatakbo si Bryan. Aba, knight without an armor!!
"Nakita ko yun Margaret." sabi niya ng seryoso "Bakit mo ginawa yun?"
"Hi Bryan.."
"Magsorry
ka nga.."
"Bakit naman ako magsosorry dyan?" "Just do it.."
"Fine. Sorry!" tapos umalis na yung mataba sa harap namin.
"Tama yan magsorry ka SUMO WRESTLER!!!"
Tumawa naman ako ng tumawa doon. Kung anuanong codename naiisip ko. Dito ako magaling eh!
"Kristen!"
"Ooopsss..." sabi ko na lang "O sige pala... uwi na ko. Thanks nga pala. Lakas ng charisma mo kay taba."
"Kinakapatid ko siya. Ninong niya yung papa ko."
"Kinakapatid? Hindi bagay. Ang layo eh. Bye na talaga!"
Patakbo na sana ako nun. Kaya lang narinig ko siya.
"Hey sandali lang!"
"Ano?!?"
"Kung papipiliin kita, anong mas gusto mo.. blue or pink?"
"Bakit?"
"Just asking.." sabi niya sa akin.
"Uhmmmm... dahil ayoko ng too girly... blue siguro. Pero yung iba mas gusto pink eh."
"Ok. Blue na lang."
"Para saan?"
Medyo yumuko siya nun...
"Naisip ko lang bigyan si Neriah ng stuff toy. Hindi ko alam kung anong mas maganda. Dahil friend mo siya tiyak marami kayong pagkakaparehas. Huwag mong sabihin sa kanya ah.."
"Ahh.. right. Hindi ko sasabihin!"
Umalis naman siya sa kabilang direksiyon. Ako naman, natanim na doon.
Nagtext naman yung Mama ko. Sabi niya dahil uuwi naman daw ako eh sunduin ko na raw si Angelo. Syempre, hinintay ko na naman ang pinakamamahal kong kapatid kaya nagstay na naman ako sa playground. Ang sama na naman ng pakiramdam ko.
Nilabas ko naman yung postit notes ko at nagsulat na naman.
Hindi ko na naman natapos yung sinusulat ko eh may bumagsak doon sa puno malapit sa slide.
"Xander!"
"Kristen!! Writing something for your pen pal Bryan?"
"Go away!" tapos tinabi ko na yung postit
"Ano naman ginagawa mo dyan sa puno?"
"Hinihintay ko yung Daddy ko."
"Sa Puno?"
Bubuyog nga!
"Sa dami naman ng lugar dyan pa."
"Eh kasi po matamis, mataas po yung puno. Hindi po kasi tanaw yung School Board Office kapag umupo ako dyan. Dito, kitangkita ko kung lumabas na siya. Kung gusto mo, umakyat ka rin."
"Ayoko nga! Hindi ako unggoy no!"
Lumapit naman siya sa akin na nakangiti na naman.
"Anong sinusulat mo kay Bryan? Patingin nga!"
"Hindi maganda yung umaga ko, eto ka na naman!"
"Uhoh..
problema ito. Anong nangyari?"
Umupo naman ako doon sa pavillion. Naglalabasan na yung elementary.
"Alis na ko.. isa na dyan yung kapatid ko."
Sinukbit ko na sa balikat ko yung bag ko. Kaya lang hinila niya. Aba, seryoso si Xander. Nakakakaba kapag ganun! "Kristen.."
"Ano?"
"Kung may problema ka libre kang magshare.."
"...baka makatulong ako."
***15***
Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako kay Xander kapag seryoso siya. Hindi kasi normal eh. Nakakatakot. Pero kahit papaano, natouch naman ako doon.
"Wala kang maitutulong ngayon eh... but thanks anyway."
Itinuloy ko na sana yung paglakad ko nun kaya lang may naalala ako. Yung postit ko! "Akala ko ba aalis ka na?" sabi niya sa akin nung napansin niya na umupo ako doon sa pavillion.
"Tatapusin ko lang 'to..." at yun nga, tinapos ko na yung sinusulat ko kanina.
Nakatayo lang siya doon, buti nga hindi nanggugulo eh.
"Xander, favor lang...'wag mong basahin ha?" tapos dinikit ko na doon sa railings.
"Ahh.. sure."
Papalabas na ako nun ng playground eh natanaw ko na ang malaanghel na kapatid ko. Nakatayo doon sa harap ng gate daladala yung blue niya na bag.
"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ko dito eh! Ang tagaltagal mo!" hay naku... malaanghel nga ito!
"Excuse me?!? Hindi mo ako katulong ha! Pasalamat ka ginagawan pa kita ng pabor na sunduin dito.. kung hindi iiwan kita!"
"Lagot ka naman kay Mama!"
"Sanay na ako sa sermon ni Mama.. kaya 'wag mo akong takutin pwede? Sobrang effective!!!"
Hindi na kumibo si Angelo nun. Hindi ko naman talaga siya iiwan doon kung sakasakali.
Talaga namang patay ako kay Mama. Pero syempre, mas mautak pa rin ang 4th year kaysa sa 4th grade!!
Sumakay lang kami ng jeep, at hindi na kami nagusap hanggang sa nakarating na kami ng bahay. Dahil baka malate ako, tinanggal ko lang yung sapatos ko at naupo na sa table.
Mayamaya
lang, may daladala na tray si Mama na may umuusokusok doon. Amoy pa lang alam ko na...
ADOBO ito!
Kasasabi ko lang kanina, mapaparami ang kain ko. Hindi dahil sa manghuhula ako at alam ko ang ulam, kundi dahil sa nangyari kanina. Si Kristen kasi kapag naiinis, dinadaan sa kain. Mas lalong naiinis, mas lalong dumarami. Kaya nga delikado kapag arawaraw masama ang mood ko, baka matulad ako kay MARGARET!!
Asar na yun... to think na kinakapatid pa niya si Bryan. EWWW!
Si Angelo naman eh umupo sa carpet at nilabas yung playstation niya.
"Angelo, mamaya na yan. Kumain na muna..."
"Sandali lang po!" at nagpipindot na naman siya doon.
Hay naku Angelo, maglaro ka lang. Kapag balik mo, wala na.
"Kristen! Ano ba naman yan! Dahandahan nga ang pagkain at para kang mauubusan!"
"Ma?!?" sabi ko kasi napipigilan ang seremonyas ko sa pagkain.
"Bakit masama na naman ba ang araw mo?"
Tignan niyo nga naman, nanay ko nga ito kahit na lagi akong pinapagalitan. Alam na niya talaga na ganito ako.
"Alis na ko Ma."
"Kakatapos mo lang kumain! Kapag ikaw nagkaappendicitis!"
Dahil ayokong paalisin ni Mama sa bahay, naupo talaga ako doon. Naghintay pa ako ng enough time. Pero dahil naiinip ako, tumakas na ako nun.
Dumating ako sa school 15 minutes bago magtime.
Kaya ayun, nagkaroon pa ako ng time makipagdaldalan sa mga kaklase ko.
Nagklase lang kami sa nung hapon. Nung PE class na namin eh wala yung teacher namin. Wala ring substitute teacher. Kaya naman, free time.
Nagsusulat na naman ako ng kung ano sa binder ko ng may narinig akong maggitara ng Happy Birthday.
Sinamahan pa ng pagkanta.
"Palakpakan naman! Ang gandaganda ng tinugtog ko!" sabi niya doon sa harapan dahil nakaupo siya doon sa ibabaw ng table ng teacher.
Napakunotnoo
na lang ako at tinuloy ko na lang yung pagsulat ko. Iba talaga ang tama nun.
"Lee, request naman..." sabi nung isang classmate namin na narinig ko lang.
"Ano? Basta ba alam ko yung chords. 'Wag lang 1950's at 'di mo ko maasahan diyan!"
Hindi ko naman narinig kung ano yung nirequest nung classmate namin. Basta nung kumanta si Xander, saka ko lang nalaman.
"If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call
If you are not mine would I have the strength to stand at all..."
'Lee Xander Maclean, please come to the front office, Lee Xander Maclean'
"Naku, ano na naman meron sa office? Hindi ko alam na nakasampung referral na ako! Naman!"
"Paano mo naman nalaman na sampu na yung referral mo?"
"Eh nung nakaraan na tinawag ako sa office, dahil sa detention eh. Sarado kasi yung guidance nun. Sige, punta muna ako."
Nakalabas na siya nun. Akala ko nga wala na eh. Gusto ko kasing magtanong doon sa classmate ko. Kaya lang kung nandyan siya, ayoko.
"Ei, Bea... himala yata at may alam yun sa music?" sabi ko naman.
"Dapat lang no... vocalist siya ng banda eh.."
Bigla na lang nabutas yung papel na sinusulatan ko. Nadulas yung ballpen eh. Vocalist? Gusto ko yatang magwala sa kinauupuan ko.
"Vocalist?" kung sabagay, hindi naman masama.
"Oo. Kaya nga kilala siya sa school eh."
"Akala ko kilala siya sa school dahil apo siya ng President ng school board." sabi ko tapos inayos ko yung papel "Akalain mong vocalist pala yun? Hindi halata ah! Ang sama ng boses!" sabi ko lang naman yun... hindi naman totoo.
"Ikaw talaga lagi kayong nagaaway.."
"Kristen! Ouch naman yun! Tagos dito!" tapos nakita ko si Xander na pumasok doon sa room namin.
"Akala ko ba wala ka na?"
"Nalimutan ko yung gitara ni Bryan. Isosoli ko na." tapos kinuha na niya sa table "Sakit nun Kristen! Tignan mo sa performance namin... kakainin mo yung sinabi mo!" medyo tumatawa siya nun tapos kunwari eh hinahawakan niya yung dibdib niya.
"OA nito! Para yun lang!"
"Basta! Makita mo sa performance! Tiyak manonood ka nun dahil magiging staffer ka. Magaling yata ito kumanta! Ako pa!"
"Ang nipis mo tsong! Sige na lumayas ka na!"
"Oo alis na ako.. pupunta ako sa hospital..."
"Sinaksak mo ko dito!" tapos tinuro na naman niya yung puso niya habang nakangiti...
***16***
Naguluhan na naman ang mundo ko sa sinabi nilasa akin na kumakanta pala si Xander! I'm sure, hindi ko kakainin yung sinabi ko. Tama, panindigan na masama ang boses niya!
Nakakakaba rin ha... kainis na yun! Nanakot pa!
Naguwian
na nung hapon na yun pagkatapos nung last subject. Ako na naman ang sumundo kay Angelo nun.
Wala naman akong magagawa dahil sinabi ni Mama sa akin. Kailangan ko lang sumunod dahil kung hindi... walang allowance!
Siguro nakakapagtaka dahil tuwing susunduin ko yung kapatid ko eh laging wala pa eh samantalang mas mahaba ang klase ng high school. Ang Edison elementary kasi kapag naglabasan, pilapila.
Tumatagal tuloy.
Bago pa lumabas si Angelo, nakita ko na may postit na naman doon. Kinuha ko lang at syempre, binasa.
'Ano ka ba, kung may problema ka... ayos lang na sabihin mo sa akin. Doon nga tayo nagkakilala 'di ba?
Kaya lang, hindi mo naman na kailangan isulat pa. Pwede mo naman sabihin sa akin ng personal. Pero kung mas magaan para sa 'yo kung ganito... ayos lang sa akin. Basta dito lang ako kung kailangan mo ng tulong.'
Paano ko naman sasabihin sa iyo ng personal kung... kung magulo lahat!
Tinapon ko na lang yung postit nun. Mayamaya lang, dumating na si Angelo.
***
Kinabukasan naman, wala naman akong ginawa ng umaga. Nasa seminar na naman kami at nakinig doon. Mga guidelines na kung ano. Syempre, pinaglayo na kami ni Margaet at baka madagdagan ang referral. Isang referral lang yun naiinis na ako. Pero si Xander kung umasta sa ganun, parang wala lang sa kanya. Yung sinabi niya kahapon na dati pinatawag siya dahil sa detention, wala naman siyang pakialam. Dapat nga siguro ganun din ako?!? Hindi. Dapat alalahanin ang referral. Nagkakarecord sa guidance kaya hindi maganda!!! At bakit ba nasama na naman si Xander sa munimuni ko? Hanggang dito ba eh magulo yung tao na yun?
Breaktime. Bumaba na naman ako dahil nga kainan na. 'Di gaya ng kahapon, hindi ako masyadong gutom ngayon. Hinanap ko nga si Neriah at baka sakasakaling sumulpot kung saan, si Bryan naman ang lumabas.
Kaya umatras na lang ako at ayoko ng makipagusap.
Tiyak naman si Neriah ang hahanapin nya sa akin. Kaya lang may naapakan na naman ako. Pagharap ko si Bubuyog.
"Kailangan ba talagang sa likod ka palagi!??"
"Eh ikaw naman kasi yung itsura mo dyan, para kang detective." tapos nakita namin na dumaan si Bryan.
Ngumiti na naman siya ng nakakaloko...
"Aha! Kaya naman pala eh. Bakit?"
"Pakialam mo ba." tapos iniwan ko siya doon sa pagkakatayo niya.
"Ok, 'di na po kita tatanungin."
"Eh bakit nakikisabay ka sa akin?" sabi ko kasi nakikilakad na naman "Ano nga pa lang ginawa niyo sa klase?"
"Aba ewan."
"Anong ewan? Ikaw ang nandun eh."
"Gaya mo, wala rin ako sa klase."
"Skipping classes?"
"NO! Nasa practice ako."
"Practice ng ano? Pagsipsip ng nectar ng halaman? 'Di na kailangan, magaling ka na dyan." nainis na naman ako. Practice ng ano?
"Practice po ng band. School selection kasi eh. Friday."
"Whoa! Natatakot ako. Super!"
Imbis na sa cafeteria ang punta namin, napunta kami sa classroom. Umakyat ng hagdan at kung anuano.
Napagod ako! Nandun pa nga yung ibang classmate namin.
"Hala nandito na kayo!"
"Bakit naman?"
"Sabi ni Mam Physics, gawin niyo daw yung laboratory niyo. Ipasa nyo na lang daw yung data bukas."
"Tungkol saan??"
"Laws of Motion. Hingi na lang kayo ng worksheet, tapos may materials na. Kayo lang dalawa walang gawa eh." "Aba malamang! Wala kami dito eh!"
Pagtingin ko kay Xander nun, iba na naman nag itsura niya.
"Bakit ba pakiramdam ko kapag ganyan ang itsura mo dapat akong kabahan?"
Tinapik lang niya ako nun sa balikat.
"Ako na bahala sa kailangan, pupunta ako ng office. Gawin na natin mamaya para may grade tayo."
"Saan?"
"Dito sa room."
"Fine. 'Wag mong sirain yung experiment."
"Asus ako pa..."
"Yun na nga eh ikaw pa..." sabi ko naman.
"Cute?"
"parang aso." "Ang sama nito!" tapos iniwan ko na siya doon. "Kristen!"
"Ano?"
"San ka pupunta?"
"Kakain syempre!"
Tinuloy ko na yung paglakad ko.
"Kristen!"
"Ang kulit mo!"
"Hindi wala sige na.."
Napataas naman yung kilay ko nun. Nakakainis. Wala naman pala siyang sasabihin.
"Kristen.."
"Blah..blah..blah wala akong naririnig!"
"Ito kamo. Magtatanong lang eh.."
"Ng ano nga?"
"Akala ko ba hindi mo ko naririnig?!?" anyone!!!? kutsilyo nga!
***17***
Syempre dahil sa sobrang kulit ni Xander at kadalasan naman eh natatalo ako, hinayaan ko na lang siya na sumabay sa akin kumain sa cafeteria. Siguro nga hindi na dapat akong magtaka pero siguro ito na ang lalaking nakilala ko sa buong buhay ko na kakaiba ang style kumain.
Umorder kasi ako ng macaroni spaghetti dahil hindi ako nakapagalmusal, siya naman eh ginaya lang ako at may kasama pa siyang chocolates. Akala ko nga eh pinakadessert niya na yun kaso hindi eh. Binuksan niya yung bag ng chocolates at nilagay niya sa ibabaw ng macaroni niya. How weird can you get?!?
"Ano ba yan! Ang weird mo! Chocolates sa macaroni?" sabi ko nung nilalagyan pa rin niya yung pagkain niya.
"Ikaw.. try mo." tapos inoffer niya yung chocolates sa akin.
"Nah, ayos na ko dito. Hindi ko na kailangang magcross ng line. Mapagkamalan pa akong weird tulad mo!"
"Dali na subukan mo na!"
Dahil nakikipagtalo pa rin siya sa akin nun at tinatapik ko yung kamay niya sa pagkain ko, mayamaya lang eh panay chocolates na rin yung macaroni ko. Ngayon, kakainin ko pa ba 'to? Siya naman, kinain na niya yung kanya. "Ano namang lasa niyan?"
"Subukan mo na! Dali na kasi!"
"Matagal mo na bang kinakain ang spaghetti na may chocolates??" sabi ko tapos tinignan ko lang yung sa akin habang nilalaro ko na lang sa tinidor.
"Hindi pa naman, ngayon lang." sabi niya habang tuloy pa rin siya sa pagkain niya na akala mong normal lang yun.."Minsan, kailangan mong magbreak ng rules. Mas may nadidiskubre ka na hindi mo alam at lalunglalo mong hindi malalaman kung hindi mo gagawin. At yung bawal, yun ang maganda." seryoso naman siya nun "Tikman mo kaya..."
Aba, makata ito! Tuwing makata si Xander, napapabilib ako eh. Kaya lang nung nakaraan, nakuha niya sa telenovela. Saan naman kaya niya nahugot yung ngayon?
O siya, napatingin ako doon sa macaroni ko. Nasayang lang. Tikman ko kaya?!? Siguro naman hindi ako malalason sa imbensiyon nito.
"Kapag may nangyari sa akin.." tapos sinubo ko yung spaghetti na may kasamang chocolates.
Hindi ko alam kung anong lasa nun. Haluhalo na hindi mo maintindihan. Maalat, matamis... nagtatalo eh.
"So... ano na? Masarap ba?" nakatingin siya sa akin nung sumubo ako at napansin ko na naubos na niya yung kanya. "It's disgusting!" sabi ko habang nginunguya ko. "Pero ayos lang.."
Tawa lang siya ng tawa sa akin nun. Saka naman nagfirst alarm ng time kaya umalis na kami. Tinapon niya yung pinagkainan namin at may natira pang konti sa akin. Ewan ko rin sa sarili ko kung paano ko kinayang kainin yung pagkain na yun. Siguro nga, masyadong maraming naiisip itong tao na ito kaya yung utak niya eh kakaiba ang takbo kaysa sa normal na tao.
Umakyat na ako sa Little Theater. Naupo ako doon habang nagsisiakyatan na rin yung iba. Nilabas ko yung binder ko at nagsimulang magsulat nung nabasa ko yun nandun sa bulletin. Nakinig na naman ako doon sa speaker, at tumawa ng magisa.
Isang miyembro ng pamilyang Gutierrez ang nagsisimulang mabaliw.
***
Umuwi ako ng tanghali, and to my relief, hindi ko kinailangang sunduin si Angelo. Tinanong ko si Mama kung bakit, sinabi niya na maaga daw siyang umuwi dahil nilagnat daw ang loko. Napaisip naman ako kung bakit... summer 'di ba?
"Hindi na summer Kristen, nagsisimula na ang tagulan." sabi ni Papa na ngayon lang uli umuwi sa bahay. Half day lang daw siya.
Napansin nila na hindi ako kumain nun at medyo maganda ang mood ko. Sinabi ko kasi na busog pa ako at wala akong ganang kumain, mukhang hindi ba kasi bumababa sa intestines ko yung kinain namin ni Xander kanina. Nanood lang ako ng TV pampalipasoras habang naghihintay na mag 12:30. Dahil parang ang bagal ng oras kumilos, nakaligo pa ako uli sa sobrang init. Dinaanan ko yung kwarto ni Angelo at nandun siya nakabalot ng blanket at nakaupo sa sahig habang titig na titig sa tv niya. Nagpipipindot na naman sa mahiwagang play station niya.
"Oi, galawgalaw baka mastroke!" sabi ko doon sa pintuan niya tapos lumingon siya sa akin na masama ang tingin. "Pumasok ka na nga Ate!" sabi niya tapos bumalik na siya sa pagpindot niya. "Namatay tuloy ako! Malas ka talaga!" "May sakit 'kuno' ka pa.. katam lang yan!" tapos sinara ko na yung pinto niya at sumigaw ako sa labas. "Sa susunod stiff neck naman!"
Hindi ko alam kung bakit ang laki rin ng problema ko kapag hindi ko nakakaway si Angelo. Siguro naging part na talaga ng daily routine ko at kapag hindi ko nagagawa, namimiss ko rin. Kaya eto ako, gumawa na naman ng paraan para magasar.
Pagkadating pagkadating ko sa school, ang dami na namang nagkalat sa labas. Halos lahat, hindi ko kilala.
May bumati pa nga sa akin na dalawang babae at nginitian pa ako. Feeling close nga eh, sana lang 'di ba alam ko yung pangalan nila?!? Hay.. iba na talaga kapag artista ang dating mo!
Kakahawak ko pa lang sa doorknob ng room namin eh may nagbukas na naman.
"Kristen!" sabi niya na nakatayo pa doon sa pinto.
"Padaan nga! Ang ganda ng hapon ko nakaharang ka na naman.." tapos dinaanan ko naman siya. "Paano mong nalaman na ako yung papasok?"
Ang lakas ng pangamoy nito... "Nakita ko kaya!" sabay turo niya doon sa maliit na glass ng pinto. Ang taas kasi nun, kaya ako.. hindi ko abot.
Siya, may katangkaran kaya nakikita niya yung mga tao sa labas.
"Oi Kristen! May chikka ako sa 'yo!" sabi ni Neriah na isang magandang excuse para malayo si Xander sa akin.
"Ano yun?"
Hinila niya ako doon sa upuan niya at hindi ko alam kung ano na naman ang meron. Syempre, asahan mo na kung ano.
"Nagyayaya uli si Bryan lumabas!"
"Ahh.." speechless na naman ako. Ito yung topic na ayoko eh.
"Sinabi ko hindi pa ako sure. Sa Saturday daw kasi eh. Tiyak hindi ako papayagan nila Lola saka ni Papa..."
"Oo nga. Isa pa.. strict pa naman papa po pagdating sa ganyan."
"Yun na nga eh! Kaya nga inisip ko na sasabihin ko kasama ka, tiyak papayag yun. Sige na Kristen! Sama ka sa amin!" Heck.. no.
"No! A big Ohnono.
Neriah naman! Ako chaperone? Alalay? Asungot? Ayoko nga!"
"Sige na. Kung gusto mo isama natin si Xander para dalawa kayo."
"E di mas lalong hindi! Ayoko! Kayo na lang. Huwag mo na akong idamay sa ganyan no! Hindi talaga.. final answer." Dahil dumating na yung teacher namin sa unang subject ng hapon, bumalik na ako sa upuan ko. Tumabi na naman si Xander dala yung bag niya na mukhang walang laman.
Binigyan naman niya ako ng peace. Hindi masyadong nagdaldal kaya naintindihan ko ang El Fili. Akala ko kung ano yung tinuturo niya sa akin sa ibabaw ng counter, gamit daw namin para sa laboratory mamaya.
Nakalimutan ko na yun!
Pagkatapos ng madugong klase namin, (madugo dahil nagtest kami at hindi ako nagreview.. tiyak panay red marks yun), eh naglaro lang kami ng batuhan ng bola sa PE. Wala pa rin yung teacher namin. Nastroke pala yung asawa kaya binigyan kami ng free time para maglaro. Kinuha ko yung malambot na bola at inupuan ko. In the end, nakipagwrestling pa ako kay Xander dahil pinipilit niya yung kunin at mag dodgeball daw sila.
Syempre, talo na naman ako.
Nung uwian na namin, lahat eh mabili nagsitayuan nung nagalarm.
Si Xander lang ang hindi kumilos sa kinauupuan niya at nakataas pa yung dalawang paa niya sa dadaanan ko.
"Padaan nga! Yung paa mo paharangharang."
Pero hindi pa rin niya inalis yung paa niya kaya tinulak ko at natumba yung upuan kasama siya. Tumayo siya at pinagpag yung polo niya.
"Nadumihan tuloy.."
"Humaharang ka na naman kasi eh.."
"Bawal kayang umuwi.." tapos tinanggal niya yung polo niya dahil marumi na sa harapan. Sinalaksak ba naman sa bag niya.
"Bakit, may bagong law na ba na nagsasabi na bawal mo akong pauwiin?"
"Meron.." sabi niya tapos umalis siya doon sa pagkakatayo niya "Laws of Motion."
Ewan. Freaking Lab. Hindi pa pala namin nagagawa yun at bukas na ipapasa yung data.
"Ano bang gagawin?"
"Yung una, yung bote na may nakalagay na papel sa ibabaw eh lalagyan natin ng coin. Hihilahin yung papel ng mabagal sa unang try, at mabilis sa pangalawa. Observe."
"Fine. Nasaan na yun at gusto ko ng matapos ito at gusto ko ng umuwi.." kinuha ko naman doon sa counter. "Hihilahin?"
Nakaupo siya doon sa upuan sa harapan at ako eh naupo sa sahig habang ginawa ko yun. Nung unang try, nahulog yung coin. Nung pangalawang try at mabilis, nashoot sa loob.
"Galing ha! Sinulat mo ba?"
"Opo.. mam."
Tinanong ko naman yung sumunod na gagawin. Spring scales naman. Sabi, italo daw sa paa ng upuan at hilahin. Tignan kung ano yung kalalabasan na Newton sa kabila, at Newton sa kabilang side. Syempre, equal.
"Isulat mo, equal."
"Yes Mam."
At nung huli na yung gagawin, at pinakamtrabaho sa lahat eh yung balloon. Nagtali pa kami ng sinulid sa magkabilang dulo ng room.
"Anong next?"
"Hipan mo yung balloon, pero wag mong higpitan ang pagkakatali. Lagyan mo ng tape at i shoot mo yung straw sa sinulid. Tapos, tanggalin mo yung hangin.. and observe what happens."
"Teka nga, napansin ko lang ako lang ang gumagawa ng experiment at ikaw eh paupoupo lang diyan." sabi ko nung natapos kong hipan yung balloon.
"Ako yung nagsulat ng data.."
"Patingin.."
Hinila ko yung papel na sinulat daw niya. Ayaw ibigay kaya nalukot. Pagtingin ko, hindi pala data. Drawing!!!
"Data! Wow. Ang galing ng data mo. Babae na may hawak na bote. Babae na katabi yung lamesa.. at ... ano
'to?"
"Akin na nga!" tapos inagaw niya. "Hindi pa tapos... nilukot mo tuloy."
Nagdrawing na naman siya doon. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano... yun pala ang ginagawa niya. Ang idrawing ako habang ginagawa yung experiment.
Tinuloy ko na lang yung ginagawa ko at walang sinabi.
"Huwag kang magalala, eto yung data.." tapos pinakita niya yung papel na hindi kasamang nalukot.. ngumiti lang siya doon.
So far, natapos naman namin yung laboratory namin at may maipapasa kami bukas. Medyo madilim na at nakita namin a umuuwi na rin yung mga teacher.
"Ang pangit naman ng drawing mo!" sabi ko nung nagliligpit na kami.
"Dati sinabi mo ang sama ng boses ko, ngayon naman ang pangit ng drawing ko. Dati sinampal mo ko, binatukan.. ang dami mo ng atraso sa akin! Kapag gumanti ako..." hindi ko alam kung seryoso ba siya nun kasi patawatawa lang siya. May binulong pa nga siya kaya lang di ko narinig..
"Anong sabi mo?"
"Wala. Basta."
Kinuha ko naman yung bag ko at lumapit ako doon sa desk na pinagsulatan niya kanina.
"Ito ba yung data?"
"Obvious ba?"
"Hindi eh." habang tinitignan ko. Sa likod nun, nandun pa rin yung drawing niya. "Itapon na nga ito! Ang loko mo!" "Huwag ka nga! Drawing ko yan eh.." tapos inagaw na naman niya. "Nilukot mo na nga.."
"Uwi na nga ako.."
"Saan?"
"Malamang sa bahay namin!"
"San ba bahay niyo?" sabi niya habang pinapasok yung kalat niya sa bag niya.
"Sa HongKong."
"Oh? Tara na pala. Punta tayo ng HongKong."
"Ako lang ang pupunta ng HongKong.. ikaw umuwi ka na ng Malaysia."
"Taiwan ako eh. Sorry. Magkapitbahay lang tayo halos. Hatid na kita."
Nabwisit na naman ako. Tumakbo nga ako nun para hindi ako sundan, pero ang bilis. Kaya stuck na naman ako.
Sinusundan.
"Pasalamat ka nga ang bait ko. Gabi na."
"Sinabi ko bang magpakabait ka?"
Pero syempre, sumama pa rin siya hanggang bahay namin. Sumusunod at hindi nagsasalita. Kaya nga nung nakarating na kami sa tapat eh...
"Ito na yun?"
"Opo. Alam kong hindi mansion.. pero mahal ko yan. So.. chupi! Layas na!"
"Ganun lang? Wala man lang thank you o kaya 'kung gusto mong pumasok ng bahay..'"
"Kailangan ba nun?" sabi ko naman.
"Oo."
"Whatever. Gusto mong pumasok?"
"Hindi. Layas na ko. Sabi mo kasi eh!"
"Ang gulugulo mo! Kainis ka!"
"Good night Kristen!" sabi niya nung naglakad na siya papalayo at hindi lumingon. "Sa Friday..."
"Ano?! Anong meron sa Friday?"
Hindi na siya sumagot nun at kumaway na lang.
Friday?!? May nalimutan na naman ba ako? Dapat na ba akong kabahan? Sabihin niyo lang kung kailan...
Ngayon na ba? Nagsisimula na ako ngayon eh...
***18***
Nagutom ako nun dahil wala akong kinain nung hapon na. Hindi naman marami dahil baka bangungutin ako.
Alam niyo na, kasabihan. At isa pa, si Xander ang huling nakausap ko... mas lalong bangungot!
Si Mama kasi nakabantay sa kwarto ni Angelo, nakatulog na yata doon. Si Papa naman eh nasa kwarto at wala ring pakialam kung nakarating na ako ng bahay, so over all wala na akong nakausap sa kanila.
Gumamit lang ako ng banyo at syempre... pumasok na ako ng kwarto ko. Hindi ko na nga ginawa yung homework ko at tinatamad kasi ako.
Nung sumunod na araw at last day na ng seminar, may inannounce yung teacher namin at umatake na naman ang pagkaulyanin ko. "Bukas na ang Band selection, kaya staffers.. kailangan kayo doon bukas. Take all the necessary informations.
Kristen, remember, straight news ka and editorial. Huwag mong paghaluin ang opinion mo sa straight.."
Hay eto na naman kami, alam ko na yung speech nitong speaker na ito by HEART. Tignan niyo, susunod na sasabihin niyan eh.. 'straight news are facts...'
"Straight news are facts..." sabi ko na nga ba eh!
Feeling ko nun ang ikli ng araw. Hindi ko nga nakita si Xander buong maghapon maliban na lang nung nadaanan ko siya sa weightlifiting room. Hindi pumasok eh, sabi nasa practice daw. Kaya ang mundo ko.. tahimik na tahimik.
Si Neriah, ginugulo pa rin ako doon sa 'Saturday' na lakad dapat nila ni Bryan. Ako syempre, hindi pa rin pumapayag. Ayoko nga! Sino namang may gustong maging asungot sa kanila?!? Take note.. SA KANILA! Buti sana kung ako yun!!!
Pagkauwi ko nun sa bahay, saka ko lang narealize na ngayon nagkabundukbundok ang homework ko.
Naghahalo pa dahil wala akong maisip na dapat isulat sa selection bukas.
***
Simoy na simoy pa lang ng hangin nung dumating ako sa Edison nung Friday morning eh ibangiba na. Ang dami kong nakikitang may dalang gitara, for some reason kasali siguro sila.
Dumeresto ako nun sa office, at sinabi sa akin na libre raw kami sa entrance! Kurakot talaga dito! School selection may entrance fee?!? Buti na lang hindi ako isang ordinaryong estudyante! Iba talaga ang advantage ng staffer. Dahil kung hindi, magkakaroon talaga ng civil disobedience sa P5.00 na ibabayad ko.
Nakita ko rin si Xander, nasa tapat at naggigitara. Hindi nga ako napansin kasi seryoso eh. Pero syempre... akala ko yun. Basta si Xander, akala mo tagaperfume department at naamoy ang tao sa paligid.
"Oi" sabi niya sa akin na talagang may halong paggalang "Di ka namamansin!"
Napatigil naman ako sa paglalakad ko. Para pa naman akong kasali sa 100 meter dash dahil ang bilis ko.
"Ano na naman Maclean?" aba, iba yata ang tawag ko ngayon?
Tumawa naman siya.
"Apelyido ko naman ngayon ha! Manonood ka mamaya di ba?"
"Malamang staffer ako eh.."
"Naninigurado lang.. alam mo na, minsan iba eto yung takbo ng isip mo, mamaya iba na. Pupunta ka na?"
"AY HINDI!!!" ang kulit nito.
"Tignan mo, kasasabi ko pa lang nagbago na nga kaagad yung isip mo!"
"Anong oras na ba? Wow alas9 na pala. Tatawa na ako sa joke mo ha!" tapos tumawa na ako.
"Alas9
na ba? Oras na pala ng gamot mo. Nagsisimula na naman yung sakit mo."
"Lumayo ka nga baka kung ano na namang magawa ko sa 'yo.." tapos tinuloy ko na yung paglakad ko na napigilan pa.
"Kristen! Oi! binibiro lang 'to!"
"Che!"
Paakyat na ako ng hagdan nung narinig ko pa yung pahabol niya: 'Basta nood ka ha! Kakanta ako! Kita mo, mali yung sinabi mo sa akin!'
Talaga bang ganun na lang niya sineryoso yung sinabi ko dati na ang sama ng boses niya? Kasi hanggang ngayon di pa rin niya nakakalimutan eh. Sus naman yun, parang biro lang!! Sabagay ako rin naman, biro nya sineseryoso ko rin. Gulo talaga ng Pilipinas!
Nagklase kami nun. Syempre meron, dahil 6:00 pa yung tugtugan. Mahilig din naman ako sa music, yun nga lang ang mahirap eh magsulat sa dilim! Sana may ilaw sa bleachers.
Nanahimik ako sa klase. Pasulatsulat.
Halatang yung mga classmate ko rin eh yung mga banda ang iniisip.
Yung intercom ng school hindi mapakali. Kung sinusino ang inaannounce.
'Ms. Raya, please call the front office...'
'Teachers, excuse the interruption. Will the students joining the band selection please come to the
(blah...blah...blah) to register your group...'
At hindi rin nagtagal...
'Teachers, please release the school paper staffers and students who are arranging the decorations... Thank you' Tumayo na ako nun at syempre, tumakbo sa bleacher.
Daladala
ko yung bag ko, medyo mainit pa. Nilista ko yung mga decoration na nilagay, sino yung namuno sa pagaayos.. mga ganun. Yung mga kasali sa band, wala doon. Sabi baka naglalast practice o kaya nagbibihis.
Hinanap ko pa yung ibang staffer at ang nakita ko eh si Jonas, yung cartoonist. Wala man lang dalang papel eh, sabi ba naman sa akin eh madali na raw yun.
Nung uwian na, alarm ng 5:00, tumayo na ako sa gate at pinabantay ako. Tiyak yung mga estudyante eh magsisiksikan sa entrance. Akala mo mauubusan ng upuan eh ang laki ng bleacher!!
Syempre, nagalit pa yung iba sa akin at bakit hindi ko daw sila pinapapasok. Mabuti na lang mabait ako at mahinahon ko pang naexplain.
"PWEDE BA?!? HINDI NAMAN KAYO MAUUBUSAN NG UPUAN EH! SINABI SA AKIN NA HINDI PA
PWEDENG MAGPAPASOK AT PINABANTAY LANG AKO DITO, KAYA EASY KA LANG! HUWAG
MO AKONG SIGAWAN AT HINDI AKO BINGI!" sa sobrang hinahon ko, namula yung mukha ko.
Nanahimik naman yung babae. I guessed, that settles it! Dumating na si Ms. Raya at siya na ang nagpapasok sa mga nagbayad.
Hinintay ko yung mga classmate ko. Tumabi sa akin si Neriah at kumuha kami ng magandang upuan malapit sa harapan para kita ko. Syempre, kailangan ko ng details. Siya naman, parang hindi mapakali at lingon ng lingon.
"Nakita mo ba si Bryan?"
Gusto kong sabihin na, Bryan na naman? Hindi ka na nagsawa?
"Bakit mo naman siya hinahanap?"
"Tiyak kasama nun si Lee! Isang band sila eh!"
"Teka, isang band lang sila? Seriously?"
"Oo kaya, hindi mo alam?"
Obviously, hindi ko alam kaya nagtanong ako. Dumami na rin yung mga tao nun. Mabuti na lang at gabi na kaya hindi mainit. Kailan ba sisimulan ito? Sabi 6:00.. 6:15 na ah! Iba talaga kapag Filipino time...
Mayamaya
lang, dininig na rin ang panalangin ko. Umakyat si Mam Lantes.. ang pinakaemcee ng program.
Music Dept. kasi siya eh!
May mga introduction, prayer, pagpapakilala ng judges at kung anuano pa. At syempre, nagsalita na siya ulit.
"And now, let start the main event! The first contestant, from II2,
The Radicals!"
Napataas yung kilay ko nung sinabi yung pangalan. The Radicals? Hindi naman halata na mahilig sila sa math noh! At syempre, tatlo daw ang dapat tutugin ng bawat isa. Dalawa lang yung tinugtog nila at palpak pa yung isa.
Hindi ko alam kung anong nangyari.
Yung mga sumunod na contestant, maayosayos naman. May kumanta pa ng 'My Immortal' at 'Perfect'..
Dito pa lang masasabi mo na ang impact ng music sa teenagers. Kasama ba naman sa kumakanta eh!
Nahihirapan na akong tumingin sa papel ko nun dahil ang dilimdilim.
Nagulat na lang ako nung may tumabi sa akin at inilawan yung papel ko ng blue galing sa cellphone niya.
"Kumusta ang pagsusulat?"
"Ayos pa naman. Basta 'wag mo akong guluhin."
"Ang dilimdilim dito ka nagsusulat! Kapag lumabo mata mo.. sige ka."
Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya nun at tinuloy ko yung pagsusulat ko. Napansin ko lang nung nawala nung iniwan niya doon yung cellphone niya at umalis na sa tabi ko.
"Gamitin mo muna, para hindi madilim. Next na kami dyan. Gandahan mo write up sa group namin ha!"
"Depende kung ano ang performance!"
Nagulat na lang ako nung may sumigaw galing sa likuran. Napalingon din ako pero hindi kita eh. 'Good luck
Lee!' tapos si Xander naman, kumaway lang.
"Sige, mamaya na lang! Manood ka ha!"
"Talaga namang nanonood ako eh!"
Dahil nagdaldal pa sa harapan ko, tinawag na yata sila eh nanduon pa siya sa kaduluduluhan namin. "Let's welcome, wwwdotcom!"
Yun yung name ng band nila?!? Ayos din ah!
Nakita ko na umakyat na yung iba niyang kasama sa stage. Si Xander dahil nahuli eh tumakbo at kitangkita na dumaan sa gitna. Nagsigawan nga nung dumaan siya, yun naman ang hindi ko matanggap! Kumaway lang siya kahit nakatalikod.
"Phew! That's a...a... long run!" sabi niya na hinihingal pa. Tawa pa ng tawa doon.
"Good evening everyone! We're the wwwdotcom from fourth year section 1 and 2. I'm Bryan.."
"Lee Xander!" tapos kaway lang siya..
"John.."
Hanggang sa napakilala na lahat. Si Xander, nakahawak sa microphone na mukhang wala pa sa mood kumanta! Ang bagal kasi kumilos eh.
"Our first song... is the Reason..."
Nagpalakpakan naman yung mga tao. Yung iba sumigaw pa nga! Nabingi ako! Wala na talaga akong marinig nun! Kapag fourth year ba ang tutugtog kailangang ganyan? Hindi naman masyado kanina... o talaga lang sa grupo nila???
Habang kumakanta si Xander doon, hindi nawala yung ngiti niya. Hindi nauubusan eh! Pero cute talaga tignan.
Syempre yung ibang estudyante eh OA, may pataastaas pa ng mga kamay. Yung sumunod na kanta nila ang bumuhay. Akalain mong 'Noypi' ba naman ang kantahin! Kahit ako eh nakisabay eh!
Hay Kristen, nagsisimula mo ng kainin yung sinabi mo kay Xander. Admit it!!!
Nung natapos yung second song nila, tinanggal ni Xander yung mic sa stand.
"Ha! Napagod ako dun! Ang galing talaga kapag may backup sa audience! Hindi nalalaman na palyado!" medyo nagtawanan naman dun. Sabi lang naman niya yun, pero hindi naman talaga.
Napansin ko na lumingon siya sa likuran niya, at parang may sinabi. Sa lahat ng nagperform, sila pa lang ang pinakamagaling at pinakamahatak sa audience.
"The next song is Love of My Life.. by South Border.." sabi niya sa harap. Kita pa yung pagkindat niya kay
Bryan. "I dedicate this someone at the audience.."
Nagsigawan na naman! Kakainis! Ano naman meron dun?!?
Napahigpit yung hawak ko sa ballpen ko nun. Interesting. May mailalagay ako sa editorial writing. Huminga pa siya ng malalim nun. Hinihintay ko yung sasabihin niyang pangalan at takot akong mamiss.
Kasama yung siguro sa isusulat ko... kaya lang...
"This is for Kristen Carylle Gutierrez..."
Is this some kind of a joke?!? Sabi ko na nga ba eh!
"My girlfriend..."
***19***
Pakiramdam ko nung mga oras na iyon eh pwedengpwede nang magapoy yung kinauupuan ko sa sobrang shock ko na rin siguro! Naghiyawan pa nun sa audience, lalo na nung kumanta si Xander. Mabuti na lang talaga eh hindi ako sikat sa school, may makakilala man sa akin eh mangilanngilan lang. Ang problema eh yung mga kaklase namin eh tinutulaktulak pa ako at sinasabing: 'Kristen! Punta na sa harap!!!'
Kontingkonti
na lang sasabog na talaga ako. Kasi kung gumagawa ng palabas si Xander, sobra na ang paglabag niya sa batas! Idagdag mo pa si Neriah na hindi rin nakakatulong.
"Kayo na pala? Teka, hindi mo sinabi sa akin ha! Kailan pa?"
"Hindi ko siya boyfriend!"
Nakatingin lang siya nun. Yung iba kong kaklase sa likuran ko eh nanunukso pa. 'Kristen, kaya pala nagaaway kayo dati ha! Boyfriend mo na pala si Lee eh!'
Dahil hindi ko na kaya... sumabog na ako. Mas malakas pa sa Pinatubo.
"Everyone SHUT UP!" tapos nagtinginan sila sa akin. Nagulat yata eh. Kahit na sumigaw ako, maingay pa rin dahil sa ibang section. "He's not my freaking boyfriend! Knock it off!" tapos umayos ako sa upuan ko na kitangkita ko pa yung mga expression ng mukha nila.
Akala ko ok na lahat kaya lang nung napansin nila na wala na akong sasabihin eh ang sinagot ba naman eh: 'Wow Kristen! Di mo na kailangang magpalusot! Halata na kaya! Umamin na nga si Lee eh!'
Nawalan ako ng mood magsulat nun. Napatingin ako sa stage. Seryoso na si Xander sa harapan. Ngayon naman, hindi pa ako pinaniwalaan!
"Forever starts from now
I promise you
Lovin' you is all
That I can do
No one can take it
Away from me
Nobody but you
Now is the time stars will be bright
Our bodies will groove
All through the night
Come take my hand
Then we will fly high
Come on baby hear me say"
Ang laki talaga nung pasasalamat ko nung natapos yung kanta nila. Kung pwede lang akong umuwi ginawa ko na. Kaso staffer ako, Kristen, ang trabaho mo! Huwag kang papaapekto. Ang nagpapaapekto.. talo. At si
Kristen, hindi matatalo. Hindi.. lalo ng hindi kay XANDER! ARRRRRGGGHHH! Hindi sa isang bee brain!
Kabababa pa lang nila ng stage. Hindi ko inalis yung tingin ko kung saan siya papunta. Lumabas siya. Hindi naman ako makapagconcentrate dahil sa nangyari. Naririnig ko rin yung iba na hindi ko kilala.. 'Sino yung
Kristen?' Gusto kong sabihin.. hello?!? Nandito ako? Hindi niyo na kailangang hanapin! Kaya lang yung isa humirit pa.. 'Baka mamaya kung sino lang yun!'
Parang yung focus ko sa event, nagevaporate na lang. Hindi ko na maintindihan yung nangyayari. Yung mga staffer na kasamahan ko kanina eh kinamayan pa ako. Wala ako sa sarili ko nun kaya panay lang din ang oo ko at tango ng ulo ko. Pagkaalis nila saka ko lang narealize na kinocongratulate nila ako dahil doon!
Akala ko kung ano yung hawak ko sa kaliwang kamay ko. Cellphone ni Xander. Hanggat maaari nga dapat eh ilayo niyo muna siya sa akin. Baka kung ano ang magawa ko eh magkaroon pa ng EDSA 10!
"Neriah!" tapos tumingin siya sa akin.
"Bakit?"
"Alis muna ako dito. Ayokong makita yung tao na yun hanggat maaari at baka mapunta ako sa guidance kung sakasakali." tumayo na ako at dala yung mga papel ko.
"Oi! San ka pupunta?" kasi naglakad na ako.. "May naisip lang ako.."
"Sa tabitabi.
Baka sakaling lumamig ulo ko.."
"KC! Kristen!" sabi niya na humabol pa. "Hindi mo man lang ba hahanapin yung boy"
"Hindi.Ko.Siya.Boyfriend!" gosh! Ilang beses ko ba dapat ulitin yun?
"Naisip ko lang kasi ano eh... since kayo naman na... e di pwede ka nang sumama sa amin ni Bryan. Isama mo siya.." "NERIAH!?!?!?!?!" at binilisan ko na yung lakad ko.
"Oo ba yan ha?"
Hindi ko na talaga pinansin. Naghanap ako ng lugar kung saan makikita ko yung stage, pero walang masyadong tao na mangugulo sa akin. Syempre, tagumpay ako doon sa pinakagilid malapit sa hagdan.
Nakatayo nga lang. Pinilit kong manguha uli ng info. Think of the writeup
Kristen... writeup.. writeup lang...
Nagulat ako nung number 9 na yung tutugtog. Number 6 sila Xander, at nagstop dun. Ngayon, namiss ko pa yung tatlo!
Nagsisiuwian na rin yung ibang estudyante. Gabi na kasi. Pero yung iba eh matiyaga at parang nanonood ng concert eh balak pa yata nilang tapusin. Ako naman, kailangan talaga tapusin. Yung result, mahalangmahalaga.
Dahil hanggang 15 lang ang sumali, laking pasasalamat ko talaga nung malapit ng matapos. Umakyat uli si
Mam Lantes sa stage.
"Habang hinihintay natin ang result, may intermission number tayo mula sa first year section 5!"
Akala ko kung anong intermission ang pinagsasasabi, sasayaw pala. Buti sana kung maladancer ang mga dating eh.. kaso parang elementary. Nakakapaginit ulo. Siguro tatlong intermission yun, at isa lang ang maayos. At syempre, sinabi na yung mga nanalo. Tahimik na rin dahil siguro yung iba inaantok na, o dahil na rin kabado sa result.
"2nd runner up, with an average score of 91.4... Moonwalkers!"
May sigawan na naman at nakita kong nagtalunan yung mga lalaki na maliliit. Mga sophomore. Umakyat yung isa sa kanila sa stage at kinuha yung trphy nila.
"1st runner up, with an average score of 93.05.. let's give it up for.. Bahay Kubo!"
May picture taking pa na nangyari habang inaabot yung trophy. Sinulat ko naman yung Bahay Kubo at isa yun sa namiss ko kanina. Kung manalo man sila o hindi.. wala akong pakialam!
"Ang the champion for 200*'s Edison High Band Selection, and will represent our school for the inter high band competition.. sino ba?" tapos kunwari nakikinig siya sa audience.
Yung mga iba eh sumagot ng 'KAMI' at may mga baliw na sumagot ng 'AKO' pero ang pinakadominant eh... "Aba.. mukhang alam na natin ah! WWWDOTCOM!"
Sigawan na naman. Parang lahat masaya, ako lang ang hindi. Hinintay ko pa nga na may umakyat doon sa stage para sa trophy nila, pero walang umakyat. Classmate pa namin na babae ang nagclaim.
Ano namang drama ng mga yun?
Pagkatapos ng program, ang daming nagsialisan sa kanyakanyang upuan. Hinintay ko pa na maubos sila sa gate dahil ayokong makipagsiksikan. Nakasabay ko pa yung isa sa staffer, pero nginitian lang ako at walang sinabi. Actually hindi naman Kristen Carylle name ko. Kailangan ba talaga akong tignan ng ganyan?
"Marami kang nakuha? may kulang ako eh.."
"Medyo. Ayos kanina ah!"
Parang mag dinadala na naman siyang info. Tapos nagulat na lang ako nung may tumunog at nagvibrate sa kamay ko.
"Phone mo.."
"Nah. Never mind. Hindi sa akin 'to." tapos tinignan ko lang yung phone ni Xander habang may tumatawag.
"Bakit 'di mo sagutin? Baka mahalaga.."
Dahil brainwash itong katabi ko, sinagot ko na. Kaya lang parang kilala ko yung boses...
"Kristen, san ka na? Hinahanap na ni Lee yung phone niya. Dalhin mo dito sa tapat ng office. Kanina pa kami dito at kumakain."
"Oh really? Nandyan pala yung boyfriend ko no! Sabihin mo hintayin niya ako diyan ha?!? Pakisabi ang sweetsweet niya!"hay naku..
"Oh, right. Sige, hintayin ka namin dito." pagkatpos nun, binaba na niya yung phone.
Tumingin ako doon sa katabi ko. Siya, ganun din.
"Ang bait niya no? Sweet di ba?" sabi ko pa.
"Oo nga eh, swerte mo naman kay Lee."
"Tara, samahan mo ko sa office. Baka mahalikan ko na sa tuwa yung boyfriend ko. Ang cute niya noh?!"
Mabilis kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa office. Malayo pa lang, aninag mo na sila doon. May mga estudyante pa na nagkalat at nangunguha ng gamit sa room nila.
Nakatingin na sila sa akin nun. Ako eh nakangiti na. Talagang todongiti ako at hawak ko yung phone ni
Xander.
Malapit na kami nung nakita ko na nakaupo si Xander at tumayo nung nasa tapat na ako. Inabot ko yung phone. "Phone mo.." tapos inabot ko sa kanya na todongiti pa. "Thanks kanina. That's so sweet!"
"Ahh.. talaga?"
"Oo!"
"Yun naman pala eh!" tapos niloloko siya nung mga kasama niya.
"Actually, ang cute cute mo nga!"
"May sakit ka ba?"
"Nagsisimungaling ba ang ngiting 'to? Hindi no! Wala." sabi ko tapos lumapit ako sa kanya. Malapit na malapit. "Dahil doon, may reward ka."
Nilapit ko yung mukha ko sa kanya. Medyo nakangiti pa siya nun. Naghihintay sila pareparehas kung anong gagawin ko...
At sa sobrang bilis ng pangyayari at kahit ako sa sarili ko eh hindi ko rin mapaniwalaan tumakbo na lang ako ng mabilis... narinig ko na lang si Xander na sumigaw ng...
"Aray! Ooh! KRISTEN! Guys, panyo ko nga! I think I broke my nose!"
***20***
Ahhh... that felt good. Sa katunayan, nashock siguro sila sa ginawa ko. Aba! Pwedengpwede na akong isali sa
Olympic boxing! mas mabilis pa nga sa cheetah ang takbo ko eh. Bumalik lang ako sa room at kinuha ko yung bag ko. Gabi na. Wala na akong reason pa na magstay ng school. Pero hindi na ako dadaan doon. Malay ko ba kung may balak na gumanti si Xander eh magkablackeye naman ako ng deoras!!
Abaaba,
hindi naman yata tama yun!
Umalis na ako sa room nun at dumaan ako sa kabila dahil sa corridor malapit sa office nagkaupo sina Xander.
Napaduck walk pa ako para hindi nila ako mapansin kaya lang...
"Kristen!"
Napahinto naman ako na parang ewan. Nasa gilid pala si Bryan. Hindi ko napansin. Para kasing mumu eh.
"Anong ginagawa mo?"
Kinagat ko naman yung labi ko nun tapos sinenyasan ko siya na tumahimik.
"Shhh. Tahimik ka lang baka alam mo na..." sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya doon.
"Hindi mo na kailangang magtago, umuwi na siya. Kaalisalis lang nung umakyat ka sa taas. Mukhang napuruhan mo yun ah! Hindi ko lang alam kung dumugo yung ilong niya.."
"Eh siraulo ba naman siya eh.." sabi ko nung tumayo na ako ng diretso.
"Kakaiba kayong dalawa kaysa sa usual na nakikita ko na.. alam mo na.."
What is he talking about?
"Oh wait, ano yun?"
"Sinabi niya sa akin bago kami tumugtog. Tinanong niya sa amin kung pwede nga daw na dedicate sa 'yo.. saka lang namin nalaman na kayo na pala."
Tama ba yung narinig ko? Hindi ko maintindihan eh. Anong language ba yung sinsalita ni Bryan? Greek?
Arabic? French?
"Ang sakit na ng ulo ko.. sa Monday na lang ha. Uuwi na ko. Gabi na kasi."
"Ok ka lang? Gusto mo hatid na kita. Madilim na."
Pwede ko ng sabihing 'yes' at this very moment. Pero baka mapetrified na naman ako kapag kasama ko si
Bryan. Baka madulas pa ako sa maga sinulat ko dati, mabisto pa.
"Hindi. Ayos lang ako. Thanks sa offer. Saka.." sabi ko nung tinapik ko siya sa balikat. "Congrats."
"Ingat!"
Dahil malinis na ang daanan, hindi ko na kailangang magtago. Ang maganda lang sa gabi na ito, kinausap ako ni Bryan. Well, that's awesome! Yun nga lang sa negative part... akala niya kami nga ni Xander. Yeah right!
Hindi lang naman siya... yung iba rin. Sana lang bangungot ito!
Dahil ilanilan na lang yung tao sa school, lumabas na ako sa gate. Mukhang ang tahitahimik ng daan at wala pang dumadaan ng jeep. Tumayo lang ako doon habang naghihintay. Humahangin pa nga eh... eeh! Katakot ha!
Nasaan na ba yung mga jeep at kung kailan mo kailangan saka lang nawawala!
At syempre, dumating din ang pinakamamahal kong jeep. Pagkababa ko nun malapit sa kanto namin, nagtricycle na ako at may nagiinuman kasi sa may tindahan. Mabuti na ang safety first. Kaya yung tricycle, diretso na sa gate namin.
Dahil gabi na nga, madilim na sa loob ng bahay. Isang ilaw na lang yata ang bukas eh. Galing pa sa baba. Dahil may susi ako eh binuksan ko yung pinto. Si Papa pala yung nandun. Nakatulog na sa harap ng TV.
"Pa, matulog ka na sa kwarto..."
Dumilat naman siya nun.
"Nandito ka na pala. Hinintay lang kitang umuwi. Anong nangyari sa program?"
"Ayun, nagtugtugan. Nanalo rin yung classmates ko. Akyat na po ako ha.."
"Hindi ka na kakain?"
"Hindi na po.. busog ako eh."
Naunahan ko pa si Papa umakyat. Dahil pagod ako, hindi na ako naligo uli. Nagtoothbrush na lang ako at naghilamos. NagPJ's at humiga sa kama. Nakatingin pa ako sa kisame.
Whatta day! Parang ang habahaba!
Binuksan ko yung bag ko at kinuha ko yung mga nakuha kong info tungkol sa event. Dahil ang straight news dapat wala ng paligoyligoy, medyo madali na yun. Ang problema ko eh... yung editorial!
Paano naman ako magsusulat?!? Ok, in general siguro. Lahat ng contestant eh ginawa yung best nila para manalo.. then.. in the end syempre ang may nakakaangat. Naman! Ganun din! Mamemention din ang banda ni
Xander. Then what? Kailangan kong magbigay ng opinion on that freaky thing? How hard could this stuff be!
Ano namang isusulat ko..
'...and my socalled boyfriend dedicated a song for me which totally ruined my day!'
Tama na nga yan Kristen! Hindi iyan ang tamang pagsusulat ng editorial. Kailangang formal.. ang bawal ang bad words. Help yourself... if you can.
Hindi ko talaga alam kung paano ko gagawin yun. Siguro nga, makikiusap na lang ako na iassign na lang sa iba yung editorial writing. Tama.
Hindi ako makatulog ng gabi na yun. Minsan natatauhan na lang ako na nakatulala ako sa kisame pero blangko naman yung isip ko. Mayamaya, maaalala ko yung kanina. Pati yung sinuntok ko siya.
Napatingin pa ako doon sa alarm clock ko. Kung tama pa naman ang kalagayan ng mata ko eh sinasabi niyang
2:03 na ng umaga. Kristen, magbilang ng tupa sa kalangitan. Baka makatulog ka.
At syempre, I ended up having an uneasy sleep. Whatever that means.
***
Nakasakay ako sa eroplano. Nakasakay naman na ako dati pa, lalo na nung nagpunta kami ng Davao. Pero yung eroplano na ito, halata mong may problema talaga. Bakit ba napakaalog? Hindi ba dapat steady at kung may vibrations man, hindi naman ganito?! Ano bang problema?
Lumapit ako doon sa babae at nagtanong.
"Ano po bang problema at napakaalog?"
"Tinatanong pa ba yan?" sabi niya at hinawakan niya yung dalawang balikat ko at inalogalog ako. Nagsimula na akong mahilo nun. "Magacrash na nga yung eroplano hindi mo pa alam yung nangyayari!" alog pa rin siya ng alog sa akin.
"Ano ba! Huwag mo nga akong alugin! Nahihi"
Bigla na lang may sumampal sa akin. Tama lang yun para magising ang diwa ko sa sobrang sakit ng pisngi ko.
"Hoy! Ano bang nangyayari sa 'yo?" malabo pa yung paningin ko nun mula sa pagkakadilat, pero naaaninag ko na si Neriah yun.
"Anong ba?!? Bakit mo ako sinampal? Natutulog yung tao... ang sakit nun ah! Saka, paano ka nakapasok dito?" "Hay naku, sino ba naman kasi ang matinong tulog pa ng alas11 na ng tanghali? May pasigawsigaw ka pa niyan na may magkacrash...
Nakaalis na nga si Mama mo at Papa mo at dinala si Angelo sa clinic. Nilalagnat pala yun! Tapos ikaw nandito pa."
"Ha? Anong oras? Bakit hindi ako ginising?" sabi ko nung tumayo ako doon sa kama ko. "Di bale na nga, si
Angelo lang naman. Ayos lang. So, anong drama mo?"
Nginitian naman ako ni Neriah nun. Parang may ibig sabihin ha...
"Alam mo naman na kung anong meron di ba? Yung kay.."
Pumunta ako nun sa banyo at kinuha ko yung toothbrush ko. Syempre naman, kagigising ko lang. Sumunod naman si Neriah at doon lang siya sa labas habang pinapanood ako doon. Kaya pala nakabihis ng maganda ang bruha. Medyo hirap pa akong magsalita nun.
"Ayyokko
nga eh! Koolet mo." sabi ko nung habang natoothbrush. Hindi yata nakakaintindi ng tagalog si
Neriah.
Pagkatapos kong magtoothbrush eh nagsimula na akong bumaba ng hagdan. Nakasunod pa rin siya at kinukulit ako na sumama na doon sa lakad nila.
"Sige na Kristen... pumayag ka na."
"Bakit ba napakahalaga ng lakad niyo ni Bryan? Saka nagpaalam ka na ba sa Papa mo?"
"Oo. Yun na nga eh, sinabi ko kasama ka." napatigil naman ako doon sa kalahati pa lang nag hagdan namin.
"In short, nagsinungaling ka."
"Hindi ako magsisinungaling kung pumayag ka na ngayon. Tinanong ko naman na Mama mo, ayos lang sa kanya. Sabi ko apat tayo, isama natin bf mo."
"Sabi nga nila biruin mo ang lasing, wag lang ang bagong gising. Bagong gising ako, masama kapag nainis!" tapos binilisan ko na yung pagbaba ko.
"KC naman! Kristen! Hinihintay ka nga namin ayaw mo pa..."
Natauhan naman ako doon sa sinabi niya. Teka, 'namin'? May kasama siya?
Pagtingin ko doon sa sala, nakaupo doon si Bryan at Xander na may kung anong nakalagay sa ilong niya.
"Hi, Kristen."
"Aba ayos 'to ah! NakaPJ's ka pa rin!" sabi niya doon habang nakaupo siya. "Cellphone nga at isa itong memory to remember!"
Tinignan ko si Neriah nun. Lumayo nga siya sa akin.
"Tumahimik ka dyan baka nakakalimutan mong nasa bahay kita! At sino naman kaya ang magandang kuhanan ng picture sa ating dalawa? Yung nakaPJ's o yung may nakatapal sa ilong?"
Humawak naman siya sa ilong niya.
"Masakit pa nga eh. Kasalanan mo 'to."
"Ano Kristen?"
"Ano namang mangyayari sa akin kung hindi talaga?" sabi ko sa kanya.
"Hindi kami aalis dito!"
"O di 'wag.. matutulog na lang ako uli." tapos binalak ko na umakyat uli.
"Sige ikaw rin, nakakadalawang photo album na ako. Akalain mong nagkaroon ka pa ng 'most cooperative award'? Balak ko ngang tignan yung photo album dun.. baka makita ko yung pictures mo. Alam mo na, parang comedy comics eh."
Napatingin ako kay Neriah nun.
"Fine! Sasama na ako. Siguraduhin niyo lang na libre ako at wala akong pera ngayon..."
"Yey! Pumayag na rin."
"Sige, maligo lang ako at magbihis. Xander, get your hands off our photo albums. Baka mamaya lang, putol na yung kamay mo pagbalik ko."
Umakyat naman na ako sa taas. Kahit na alam kong naghihintay sila sa akin, hindi ko binilisan yung kilos ko.
Aba, paimportante ako eh! Basta yung normal ko lang na pagligo.
Paglabas ko, nanguha lang ako ng pantalon at blouse na puti. Flipflops?
Tama. Mainit eh.
Pagbaba ko ng hagdan, isa na lang ang taong nandun. May hawak pa na picture frame na tinaob niya nung bumaba ako.
"Nandyan ka na pala? Hindi ka nagsasalita. Tara na kaya!"
"Nasaan na yung dalawa?" napansin ko na siya na lang talaga yung nandun.
"Ahh, nauna na. May dadaanan daw sila sa shop nung tita ni Bryan. Kaya tara na.."
"Ibig mong sabihin umalis sila tapos iniwan ka dito? Hindi na pala ako tutuloy!"
"Nakabihis ka na nga nagbabago na naman isip mo! Magkikita tayo sa mall. Nauna lang sila kasi malayo yun."
"Sana lang 'di ba sinabi nila! Para naman kasing ewan. Baka mamaya kung anong pinaggagagawa mo dito sa sala namin ha!"
"Wala." pero sinabi niya yun ng nakangiti. Hindi kapanipaniwala.
"Aba, ayos lang naman na iwan nila ako sa girlfriend ko no!"
Nagsisimula na namang maging stove ang ulo ko.
"Tara na nga! Alis na tayo.."
Tumayo na rin siya nun at ilalock ko na yung pinto.
"San tayo pupunta honey.."
"Ahaha... better shut up bee brain!"
Nakita ko naman siya ng malapitan. Mukhang malakas talaga pagkakasuntok ko kagabi ah! Target eh!
Pangitingiti
na naman siya nun. Ako naman eh may napansin na hindi ko napansin dati pa.
"Bee brain!" ako naman, nakatingin pa rin sa kanya nun.
Bakit ba hindi ko napansin yun dati? Siguro, hindi naman kasi halata. Pero cute eh...
May dimples pala siya???
***21***
Nakarating din naman kami sa sakayan nun. Pinauna naman niya akong sumakay. Syempre, hindi ko alam kung dederetso ba kami ng mall at hintayin doon sina Neriah o may pupuntahan. Wala talaga akong dalang pera kaya aasa naman ako dito sa katabi ko.
"Pamasahe mo nga.." sabi niya sa akin nung nilabas niya yung wallet niya.
Tinignan ko siya ng masama nun. Sinabi ko na kay Neriah na walangwala talaga akong pera at lalo namang wala ring iniwan sina Mama. Akala siguro nila may naipon ako eh nung isang buwan ko pa yun binili ng libro.
"Wala nga akong pera, kaya ililibre mo ko.."
Naglabas yata siya ng P20.00 sa wallet niya. Tapos binulsa niya yung wallet niya.
"Wala ka palang pera eh, mukhang isa sa atin ang ikakandong..." may pangisingisi pa ang loko.
Kandong? Ano ako 4 yrs old?
"Manong, isa nga po.."
Aba, totohanin nga ng loko! Isa lang ang babayaran.
"Manong dalawa.."
"Isa."
"Dalawa"
Nakatingin sa amin yung driver na hindi naman niya malaman kung sino ang susundin sa amin.
"Ano ba talaga?" sabi niya habang nakatingin sa salamin.
"Isa lang po talaga..." sabi niya.
Ako naman eh sumandal. Papansin talaga 'to.
"Feeling mo naman kakagat ako sa biro mo na kakandong?" sabi ko sa kanya.
"Sino bang maysabi na ikakandong kita! Ako ang ikakandong mo..." nanloko pa na tatayo siya kunwari, tapos sinabi niya sa driver, "Manong, dalawa po talaga."
Hindi ko nga kinausap hanggang sa nakarating kami ng mall. Paano ba naman, may ituturo tapos kapag titingin ako sasabihin, 'Wala na.. bagal mo kasi eh..' Sino naman ang hindi mapeperwisyo kapag ganun?
Dahil hindi naman kalakihan yung mall dito sa amin dahil hindi naman malaSM, pwede na rin naman ng galaan. Sasakit pa rin naman ang paa mo kahit papaano kung nagtagal ka.
"San sila dito?"
"Anong oras na ba? Sabi nila kitakita ng 1:00 sa third floor eh." nagtitingintingin din siya nun.
"Ako pa ang tinanong, eh ikaw itong may suot na relo..."
"Sorry!! My bad!" tapos tinignan naman niya.. "12:20 pa lang.."
Medyo nagrereklamo na yung tiyan ko ng gutom dahil hindi naman ako nagalmusal kanina. Kaya makakabuti siguro na guluhin ko na itong isa. Ang hirap pala kapag walang pera tapos ganito pa yung kasama mo na hihingian mo ng pabor makakain lang!
"Magkano ang dala mong pera?"
"Bakit?"
"Nagugutom na ako eh. Kain naman tayo.." tapos hinila ko siya doon sa bilihan ng shake.
"Dapat pala hindi ka na kasama, mukhang mababankrupt ako dahil sa 'yo eh. Ang takaw mo pa naman..."
Ang dami pa niyang naging reklamo nun pero wala naman siyang nagawa dahil nakabili na ako. Siya, ice cream naman ang binili.
"Wag mong sabihin sa akin na may kung ano ka na namang ihahalo diyan.."
"Wala naman sa ngayon..."
Wala naman kaming gagawin kundi hintayin yung dalawa. Kaya niyaya ko na lang siyang magikot.
Unang
pinuntahan namin yung KiddieLand sa baba, panay laruan yung nandun. May palaruan din kung gusto mong iwanan ang anak mo ng dalawang oras.
Tinignan ko naman yung mga laruan. May mga barbie dolls pa nga. Kapag nakakakita ako nun, nageecho yung boses ni Mama sa tenga ko nung bata pa ako: 'Ano ba naman yan KC! Itong Barbie ang kunin mo, ang hilig mo sa barilbarilan!'
Kakaibang bata nga rin siguro akong maituturing. Mahilig ako sa barilbarilan nun at iba pang laruan ng lalaki.
Ayoko ng mga lutulutuan, bahaybahayan, manika!! Inis na inis ako. Lahat ng manika ko nun kinalbo ko at yung isa hinulog ko sa inidoro nung sinabi na ang pangit daw nun. Akala nga nila Mama at Papa eh magiging
'boylike'
ang nagiisang anak nila... pero so far.. hindi naman.
Pagtingin ko nun sa likod ko, wala na si Xander. Nasaan naman nagpunta yun?
Hinanap ko siya bawat cubicle, wala eh. Kaya nung hindi ko makita eh nagtanong na lang ako doon sa cashier.
"Miss, nakita mo ba kung saan nagpunta yung kasama kong lalaki na may nakatapal sa ilong?" talagang sinama ko na yung bagay na yun, napakadistinguishable kasi. "Ahh si Lee? Nandun siya, nakikilaro."
Parang gusto magcollapse ng tenga ko. Kanina lang si Mama ang naririnig ko, ngayon naman kilala pa pala siya dito.
Pumunta ako doon sa tinuro ng babae. At ang senaryo, may nakabakay sa kanya na isang bata, at dalawang bata yung nakaapak sa paa niya na nakahawak pa sa tuhod niya habang lumalakad.
"Nakakapagod!" tapos umupo siya ng dahandahan sakaling matamaan niya yung bata sa paanan niya. "Break muna!" then, humiga siya doon sa malambot na talunan ng mga bata.
Kinulit naman siya doon. yung iba tinuntungan pa siya at yung iba hinihila siya. Akalain mo yun?
Nakikipaglaro siya sa bata?
"Xander!"
Tumingin naman siya nun sa akin at tumayo na hinihingalhingal pa. "Kristen! Tara dito!"
Niyaya ko na siyang lumabas nun kaya lang ayaw pa niya. Kaysa naman nakatayo ako doon sa labas, hinubad ko na rin yung flipflops ko at pumasok sa loob. Nginitian pa ako nung babae dahil bihira daw na may mga teenagers na pumapasok doon at nakikipaglaro. Kadalasan daw kasi, hindi matiyaga sa mga bata... ang mga kabataan.
"Ang lakas ng appeal mo sa mga bata ah!" tapos naupo ako doon. Nakatingin sa akin yung isang batang babae.
"Syempre naman, mabait ako eh."
"Hindi. Tama lang yung role mo.. mahilig sa Jollibee ang mga bata!"
"Kuya! *bang* Patay ka na dapat!" sabi nung isa na may hawak pa na kulay green na barilbarilan.
Nagkunwari naman si Xander na humiga at nagpataypatayan.
Lumapit yung bata at dinilat yung mata niya.
"Ate, anong pangalan mo?"
"Kristen.."
Sinubukan nilang sabihin yung pangalan ko kaya lang nahihirapan sila. Kaya, pinalitan ko na lang.
"KC na lang.."
Mas nadalian naman sila dun. Yung isang batang babae eh hinila pa ako na sumali sa bahaybahayan niya. Siya daw ang nanay at ako daw ang anak. Parang baliktad yun ah!
May isang nanay naman ang dumating at kinuha na yung kambal niyang anak. Isang babae at isang lalaki.
Yung isa nakasabunot pa kay Xander kaya magulo na yung buhok niya. Nagpaalam naman siya sa amin. Yung isa kasi, tulog na.
"Ate Linda, wiwi ako." sabi nung isang batang lalaki na hawak pa yung short niya.
"Ako na lang po magdadala sa CR... tara na Jerome."
Sinuot niya yung rubber shoes niya at lumabas sila na buhat pa niya yung bata. Paano kaya kung hindi nakapagpigil yun at naihian si Xander? Ang tawa ko lang.
"Ate, ikaw ba ang crush ni Kuya?" napakunotnoo ako dun bigla.
"Naku ha, bata ka pa! Hindi. Kaibigan ko lang si Kuya."
"Akala ko kasi eh.." sabi naman niya tapos pinaglalaruan niya yung isang stuff toy na kulay puti, "Sabi niya kasi sa amin dati kapag may gerlprend na daw siya ipapakilala daw niya sa amin eh.."
Napaisip na naman ako. Dati? Ibig sabihin dati na siyang nandirito? Kaya kilala siya nung cashier?
Nakipaglaro lang ako doon. Mayamaya lang eh dumating na si Xander kasama yung batang Jerome yata ang pangalan. Pangitingiti na naman habang tinatanggal ang sapatos nya.
"Hindi ko alam na marunong ka palang makipaglaro sa bata.. akala ko sa mga matatanda lang ng home for the aged.." "Excuse me.. mahilig ako sa bata. Huwag lang katulad ng kapatid ko.." sabi ko habang nahihila yung buhok ko at medyo masakit dahil yung bata eh sinusuklayan ako ng brush. "At ikaw.. bakit kilala ka nila dito?"
"Dumadalaw ako dito paminsanminsan eh. Kapag wala akong magawa sa bahay. Masaya naman... nakakatuwa.." tapos humiga na naman siya. "Sana nga may kapatid ako eh.."
"Wala kang kapatid?"
"Ano namang ineexpect mo? Magkaroon pa ng anak ang Daddy at Mommy ko? Naku, mas mataas pa ang magiging ranggo sa akin nun kung sakasakali.
Magiging uncle ko eh baby." sabi na naman niya tapos may sumakay na naman sa kanya.
"Anong sabi mo? Hindi ko naintindihan?"
"Oo nga pala...hindi pa alam ng honey ko." sabi niya na may panghalong pagaasar pa. "Lumaki ako sa grandparents ko. Daddy at Mommy ang tawag ko sa kanila, hindi lolo at lola."
"Eh nasaan yung parents mo?"
"Yung real one? Ahh... they died ages ago." casual na casual pa ang pagkakasabi.
"Parang wala lang sa 'yo ah!"
"Hindi ko naman sila nameet eh. Picture lang. Nihindi ko nga sila maalala. Ikaw ba naman matatandaan mo pa kung 5 months old ka pa lang!"
Whoa! Hindi ko alam na wala na pala siyang parents. At lalong hindi ko alam na ganun kabata. 5 months?
"Anong nangyari?"
"Car crash. Long story actually." tapos tumayo na siya. "Tara na alis na tayo, 1:06 na sa relo ko. Baka nandun na sila Bryan.."
Napansin naman kami nung mga bata doon. Lumapit pa si Jerome at yung bata kanina na kausap ko.
"Alis na kayo?"
"Oo eh. May pupuntahan pa kami ni Ate."
"Babalik pa kayo?"
"Hindi na siguro. Sa susunod baka makadalaw kami." by instinct, ang bilis na namang bumaling ng ulo ko.. 'kami?'
"O sige pala.. bye na." nagkiss naman sila sa amin. Yung pinakacute na bata eh nagkiss sa akin.
"Kuya, may bubulong ako..." sabi nung bata at ako eh nakalabas na at hinihintay ko na lang si Xander. Ngumiti na naman siya.
Kinalabit ko naman siya. "Oi, tara na."
Pagkatayongpagkatayo
niya doon sa pagkakabulong nung bata, hinawakan niya yung batok niya.
"Hindi nga eh. Hindi pa kaya. Sabi mo.. sabi mo..."
"Kailangan na namin umalis. Bye Michelle. Sabihin mo sa Mommy mo 'hi' galing sa akin."
"OK. Yung Promise mo ha..."
Papalabas na kami ng pinto nun at mukha pa rin malungkot yung Michelle. Hindi mo naman malaman ang dahilan. "Tinupad ko na yung pangako ko Michelle... nakilala mo na siya..."
Biglang ngumiti yung bata at nagliwanag yung mukha.
"It's her." sabay akbay naman niya sa akin.
***22***
Nung una, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya doon. Pero nung naalala ko yung tinanong nung
'Michelle' sa akin kanna, parang alam ko na. Tinignan ko lang si Xander, kaya lang sinabi niya ng mahina na: 'Makisakay ka na lang muna...' kaya wala na akong sinabi. Nung nakalabas na kami, tinanggal ko na yung kamay niya sa pagkakaakbay sa akin. Ang bigat ha!
"Pwede ba, huwag ka ngang nagkakalat ng kung anuano.
Hindi maganda eh... nakakainis. Mas makakabuti siguro kung babawiin mo.. lahat! Hindi naman kita boyfriend, iba tuloy ang iniisip nila!"
"Easy ka lang, sinabi ko makisakay ka. Ang tagal na kasi ng promise na yun, hindi natutupad..." tapos naglakad na siya papuntang escalator.
"Ang tino mo naman kasi eh! Sobra."
Pagkaakyat na pagkaakyat namin sa 3rd floor, nakasandal sa railings ng hagdan si Neriah. Si Bryan, hindi ko alam. "Oi, ngayon lang kayo! Kanina pa namin kayo hinihintay.." sabi niya nung nakita niya kami.
"Galing kami ng KiddieLand.."
"KiddieLand? Anong ginawa niyo dun?"
"Naglaro." tapos sumandal din siya. "Si Bryan?"
"Bumibili ng ticket. Nood tayo ng sine. Ikaw na lang bahala sa pagkain Lee."
"O sige.. ano bang gusto niyo?"
"Popcorn.."
"Nachos." pero hindi ko na siya tinignan.
Dumating din si Bryan at binigay yung mga ticket namin. Si Xander, wala na namang sinabi sa akin hanggang sa nakapasok kami sa loob. Ang ayos namin sa upuan eh yung dalawang lalaki sa pinakagilid, dalawang babae sa gitna.
Si Bryan at Neriah eh tinitignan ko ng palihim. Hindi ko nga naintindihan yung pinapanood dahil nadidistract ako. Nakita ko na umakbay si Bryan sa sandalan ni Neriah, kaya naparami na naman ang kain ko ng Nacho.
Kaya lang paglingon ko doon sa kabila, nakatingin naman si Xander.
"Ano?"
"Wala. You're always staring at them.."
Nung natapos yung palabas na pinanood namin na tipong tahimik kami ni Xander habang nanonood, lumabas din naman kami. Maaga pa naman nun, kaya lang wala na akong balak magikot pa. That's it for me.
"Ano na?"
"Ganito na lang, iikot pa kami ni Neriah. Hiwalay na tayo. Kung gusto nyo ng umuwi... ayos lang."
Ayos naman yung suggestio ni Bryan. Kaya nga sinabi ko na lang eh..
"Sure."
Umalis na sila nun sa harapan namin. Nagkiss lang si Neriah sa akin at wala na sila. Si Xander, nakatayo lang doon. "O sige, uwi na ako. Bye. Hindi mo na kailangang maghatid." tapos iniwan ko na siya doon.
Hindi pa ako nakakalayo at hahakbang pa lang ako sa escalator eh tinawag naman na niya ako...
"Kristen! Sandali lang!"
"Sinabi ko na Xander, ayos lang kahit di ka na maghatid. Kaya ko na umuwi.." tapos humakbang na talaga ako sa escalator pababa.
"Teka lang!! Sige ikaw din!" sabi niya nung nakatayo siya doon.
Saka naman may pumasok sa isip ko. Paano naman akong uuwi magisa eh wala nga pala akong pera!
Tumalikod ako nun, wala na si Xander.
Dahil nasa kalagitnaan na ako ng escalator, humakbang ako ng padalawadalawa.
Nagtinginan nga yung mga tao sa akin at iniisip siguro nila eh abnormal ako, pababa yung escalator, paakyat ako.
Sa wakas, nakaakyat rin ako. Hinanap ko pa siya, nakita kong nakaupo doon sa bench at inaayos yung rubber shoes niya.
"Akala ko ba uuwi ka na?"
"Nalimutan ko... wala pala akong..." sabi ko na hindi ko pa matuloy.. "Penge ngang pamasahe!" ang sama ko talaga, ako na nga lang yung naghihingi ng pamasahe, ako pa ang malakas ang loob.
"Ayoko nga!"
"Dali na!" kinulit ko naman siya.
"Alas3
pa lang uuwi ka na.." sabi niya nung natapos siyang magsintas.
"Pautang na lang pala.. babayaran ko sa Monday."
"Hindi na utang, pero ihahatid kita."
Dahil kailangan na kailangan ko ng pamasahe at malayo ang mall sa bahay namin para lakarin, wala na akong magagawa nun dahil ayaw akong bigyan ni Xander ng pamasahe. Akala ko nga nun uuwi kami ng diretso, kaya lang napunta pa kami sa accessories, sabi niya kasi may bibilihin daw siya.
Kumuha siya ng necklace na black, at yung silver na pendant eh hindi ko maintindihan ang design.
"Gusto mo?" inalok naman niya ako doon sa mga nakalagay.
"Ayoko."
"Ok. Sabi ko na nga ba yan ang isasagot mo. Ate, isa nga po nun.." tapos tinuro niya yung isang kwintas sa loob ng salamin.
"Magkano?"
"P150." nagulat naman ako doon sa presyo, isang kwintas lang 150 na! Eh yung isang binila 175.. ang mamahal naman nun!
Nilagay naman nung babae sa isang plastic. Pinagsama niya yung dalawa. Nilabas pa nga nya yun isa, at yung plstic eh inabot niya sa akin.
"Sa 'yo na yan.." tapos tinignan niya yung binili nya, "Suot mo."
"Ayoko nga eh, sinabi ko na."
"Nabili ko na..." yung kanya naman eh sinuot niya, "Yung pendant niyan, ang ibig sabihin eh 'hardheaded'"
Tinignan ko yung pendant nun. Hindi ko rin maintindihan. Paano namang nagkaroon ng meaning yun?
"Paano mo nalaman?"
"Kita mo yung bilog sa gitna? Bato yan. Yung nasa gilid, hammer."
Nung sinabi niya yun, saka ko lang naintindihan. Pero parang, sinadya nya yun ah! Hardheaded?
Sumakay na kami nun pabalik ng bahay. Hinatid nga niya ako hanggang sa gate namin. Tinanong ko uli kung gustong pumasok, ayaw na naman niya. Nagpaalam lang siya at naglakad na uli palayo.
"Xander!" sabi ko nun at hindi pa ako umaalis ng gate namin. Lumingon naman siya.
"Ano?"
"Sorry."
Nung una, puzzled siya. Hinawakan ko yung ilong ko kaya nagetz na niya. Ngumiti lang siya. Naglakad nga siya ulit. At syempre, tinawag ko na naman.
"Oi!"
Lumingon na naman, for the second time.
"Thanks."
Dahil nakaharap siya sa akin nun, naglakad siya ng pabackwards.
Wala namang sinabi at tinapik niya ng dalawang beses yung ulo niya. Hindi ko na naman alam kung anong ibig sabihin nun.
***
Monday. Magandaganda naman ang gising ko. Mabilis naman akong kumilos kaya mabilis din akong natapos.
Si Angelo, papasok na rin sa wakas at wala na siyang lagnat. Halata ngang tinatamad pa siya eh.
Dumaan ako doon sa playground. Naisipan ko lang sumulat ng kung ano. Hindi naman problema, masaya lang siguro ako.
Bryan, (yeah, ginamit ko na ang name niya...)
Hi again. Ayos yung kahapon.. thanks sa ticket! Kakaiba rin pala kapag apat kaysa dalawa. Si Xander nakakatawa. He can be stubborn at times, but he's nice in some way. err.. it's me.
Hindi ko pa rin feel na magpakilala. Kaya inisip ko na gawing safe pa rin yung sulat. MalaNeriah effect pa rin.
Pagpasok na pagpasok ko nun sa school, may mga ilanilan na tumingin sa akin. Hindi naman ganun karami, pero napakaunusual lang kasi. Hindi naman ganito dati.
Nalaman ko lang yung kung ano nung nasa room na ako. Oo nga pala, balita pa rin sa school yung Friday.
"Hindi ko siya boyfriend.." sabi ko habang naglalakad, "Hindi nga, bakit ba hindi kayo naniniwala?" at kung ano ano pa na pinagsasabi ko pero walang naniniwala. Dahil maaga pa nun, sinabi nila na nasa weighlifting room pa si Xander. Ako naman eh dumeretso sa school paper office at nirequest ko na huwag muna ako ang iassign sa editorial sa ngayon. Hiningian ako ng reasons kung bakit, pero hindi ko masagot.
Dahil nakayuko ako nun, pagkaangat nung ulo ko eh nakangiti si Mam. Saka lang niya sinabi: 'Sige Kristen, kay Annie ko na lang muna ibibigay ang editorial'
Nginitian ko lang siya nun, at lumabas na ako ng room.
Umiwas na naman akong tumingin sa mga tao. Baka kung sino na naman ang magtatanong sa akin. Hindi ako tumingin ng diretso, kaya nga may nabangga pa ako doon sa tapat ng isang room na matandang lalaki.
Nagtinginan na naman sa akin.
"Sir, Sorry po talaga, hindi ko sinasadya." tapos tumulong akong kunin yung gamit niya na nahulog. Hindi naman lahat, kaya lang sumabay din siya sa akin at sinabi niyang huwag na daw akong magabala.
Iniiwasan ko na ngang mapansin ng tao, may nangyayari at nangyayari pa rin na dahilan. Binilisan ko na lang yung lakad ko at nakarating din naman kami ng room.
Nagsimula na yung klase namin at dumating na late si Xander. Syempre, pinagalitan na naman siya.
Pangatlong referral na yata niya yun kaya may detention yata siya. Wala lang naman sa kanya yun.
"Detention?!?" mukhang gulat pa siya nun kaya nagtawanan sa expression ng mukha niya. "Ok."
Akala ko naman ayos lang sa kanya yun. Lumapit na naman siya sa akin.
"May detention na naman ako."
"Oo nga, narinig ko nga."
"Hindi ko naman kasalanan na late ako eh..."
Itatanong ko pa lang sana ang isang mahiwagang 'Bakit naman?' kaya lang parang napaurong yung dila ko.
Hindi ko alam kung bakit nagtayuan ang lahat nung may pumasok doon sa room namin. Yung teacher namin eh lumabas na at tapos na yung first period.
"Teka, anong meron?"
Nakatingin din si Xander sa pintuan. Mukhang wala sa mood ang itsura. Siya kasi, nakaupo.
"Umupo ka nga, hindi naman talaga kailangang tumayo, OA lang yung mga yan." sabi nya at hinila nya yung kamay ko kaya napaupo ako ng deoras.
Mayamaya
lang napansin ko na kung bakit. Yung matandang lalaki na nabangga ko kanina eh pumasok at pumunta sa harapan. Naggood morning naman yung iba.
"Thank you.. good morning."
Dahil lahat eh nakatayo pa rin doon, napatingin siya sa direksiyon namin at kami lang ang nakaupo. Tumayo naman ako dahil nakakahiya, bahala nga si Xander sa buhay niya. Kaya lang, hinila uli ako. Pineke ko nga yung ngiti ko.
"May ilang bagay lang ako na ididiscuss, at nanggaling na ako sa ibang room. At mabuti at nandirito ako sa classroom ng apo ko..." sabi niya na nakatingin sa lahat, tapos kay Xander. "Umupo na kayo."
Ang ingay naman nung nagupuan.
Oh My God. Siya pala yung Daddy ni Xander. Idagdag mo na siya yung
School Board President. At ang pinakamasaklap pa, nabangga ko siya kanina!
Pero mukhang hindi naman siya nakakatakot, ngumiti doon sa harapan.
"Alam na alam ko na kapag may nakaupo dito na nagiisa, tiyak na si Xander na yun."
May mga ilang teacher naman pero nasa labas sila.
"Siya yung Daddy mo?"
Pero nakatingin lang si Xander ng diretso. Hindi yata ako narinig eh..
"Bago ko simulan ang lahat, gusto ko lang malaman kung sino ba dito si Kristen?" sino daw?
Magtatanong na sana ako uli kay Xander kung sino uli at baka mali lang yung rinig ko.. kaya lang.. sabaysabay silang tumingin sa akin... I guessed it's me!
***23***
Talagang kinabahan naman ako nun. Ano naman kaya ang kailangan sa akin? Tumingin din siya sa akin dahil obvious ba na ako yung tinitignan nila.
"You're Kristen?"
Wala na akong magawa nun kundi tumango. Si Xander naman walang pakialam sa mundo eh nakaupo lang dun at hindi man lang tumingin.
"Ok. Now I know."
Ganun lang? Bakit naman kaya? Asus, akala ko mawawala na yung kaba ko, pero hindi pa rin eh.
Akala ko kung ano yung ididiscuss niya, tungkol pala sa parent conference of some sort. Buong pagsasalita niya, nakasandal lang yung ulo ko doon sa desk ko, at nilalaro ko yung lapis ko. Nagulat na nga lang ako nung sinabing: "Kristen!" sabi ni Neriah kaya napatayo ako
"Ano?" tapos napansin ko na nakatingin na naman sila.
Ano ba yan? Naiilang na ko ha!
"Ano na? Bakit?"
"You two.." sabi niya nung sumenyas sa amin ni Xander, "I want to talk to the both of you.."
Akala ko nga ngayon na. Paalis na sana ako eh. Hinawakan na naman ni Xander yung kamay ko.
"Ano ba?" panay ano na lang nasasabi ko ah!
"Kausapin ko kayong dalawa, before lunch." pagkatapos niyang sinabi yun, lumabas na siya kasabay nung ibang teachers.
Nung una, tahimik sila at medyo nakatingin sa amin. Pero saglit lang din, nagdaldalan na naman.
"OK..."
sabi ko na lang nung huminga ako ng malalim, "Dapat na ba akong magtaka?"
"Ganyan talaga yun.. huwag mo ng pansinin." sabi niya for the first time simula nung dumating ang daddy niya. Paano ko namang hindi papansinin? Hello? Schoolboard President alam yung pangalan ng nakabangga sa kanya? Fine, matatahimik nga ako nito.
Hindi ako makapagconcentrate nun sa klase. Nung breaktime, hindi ako lumabas ng room. Dinalahan lang ako ni Neriah pero hindi ko rin naman masyadong napansin.
Balak ko sanang umuwi ng bahay pagkatpos nung last subject namin sa umaga, kaya lang naalala ko yung sinabi ng Daddy ni Xander. Tinext ko na lang si Mama, at syempre sabi niya gastos na naman daw ang iniisip ko. Binanggit ko na school board president yun, saka naman nagiba yung ihip ng hangin.. pumayag din.
Pagkalabas na pagkalabas ko doon sa room, nakaupo si Xander doon sa labas. Pinaglalaruan yung phone niya.
"Sa wakas.. lumabas ka rin."
"Bakit? Uwian na eh."
"Nasa labas na si Daddy, kakain tayo sa Max's.." sabi niya nung nanghihila na naman, "Bago pa ang lahat, wag kang makikinig sa kanya."
"Paano naman yun may tenga ako! Saka, 30.00 na lang pera ko, sa Max's pa."
"Kristen! Sa tingin mo naman pagbabayarin ka namin?!?" sabi niya na medyo naiirita pa sa akin.. pero, oi.. ayos yun ah!
Sa labas pa lang ng gate, naghanap na ako ng jeep. May napara na nga ako eh.
"Anong ginagawa mo?"
"Ano pa e di sasakay! Wala akong balak sumali ng marathon hanggang Max's ha."
Umiling na naman siya. Tapos tumingin sa gilid. Nandun yung Daddy niya. Sabi ko nga eh.. may kotse.
Pagkarating namin doon sa navy blue na kotse nila, binuksan ni Xander yung pintuan sa likod. Sumakay na yung Daddy niya sa driver's side. Napakamedieval time naman! Bukas kotse pa.
Umiral na naman ang pagkaOA ko kaya kung ano na naman nasabi ko..
"Talaga bang kailangang bubuksan pa yung pinto?"
"Ayaw mo?" tapos sinara na niya. "O yan na, ikaw na magbukas." sabi niya ng nangaasar at sumakay siya sa harapan. Binuksan ko pa tuloy uli.
Habang nagdadrive yung Daddy niya, pareparehas kaming tahimik. Kaya nga nagulat ako nung nagsimulang magsalita yung Daddy niya.
"Xander, tahimik ka ngayon?"
"Gusto ko lang... gutom na ko."
"Ikaw Kristen?" sabi niya habang nakatingin doon sa salamin.
"Ahh.. ano.. ok lang po ako."
Tumawa naman siya sa sinabi ko.
"Huwag kang matakot sa akin. Hindi na rin ako nagulat nung nakita kita kanina.." sabi niya habang nakangiti.
"Teka, magkakilala kayo?"
"Hindi, formally."
Niliko naman nya yun manibela at dumating na kami sa Max's. Nakaramdam na rin ako ng kalam ng sikmura.
Nung malapit na kami sa glass door, wala roon yung guard. Naunang lumapit sa pinto si Xander at binuksan niya at pumasok. Sumunod ako at pinakahuli yung Daddy niya. Hindi pa kami nakakalayo eh binatukan si
Xander.
"Aray! Dad bakit?" hinahawakan pa niya yung ulo niya.
"Babae ang nauuna..."
"Ayaw naman nya na binubuksan siya ng pinto.." nangatwiran pa! Kakatawa yung mukha niya, meron pa ring tapal sa ilong.
"Kahit na."
Saglit lang eh may upuan na kami. PInahawak sa amin yung menu at nahihiya akong umorder. Kahit papaano naman, nakakahiya pa rin. Silang dalawa eh may sarili ng order, ako na lang ang hinihintay.
"Kahit ano na lang po.."
"Aba Kristen, behave ka ngayon ah. Dad, bilihan mo ng isang buong roast chicken, kaya niya yung ubusin." suggestion naman niya.
Hindi ko naman kayang sagutin si Xander, nakakahiya ba naman. Sila na lang ang nagorder sa akin, dahil nga wala naman akong mapili. Habang hinihintay namin yung pagkain, saka naman ako sinimulang kausapin.
"So.. ikaw pala ang girlfriend ng apo ko.." sabi niya habang nakalagay yung dalawang kamay sa lamesa.
"I didn't tell him.."
"Xander..."
Mukhang kumbinsido siya na ako nga. Gusto ko ngang sabihin na hindi.. pero parang walang lalabas sa bibig ko. "So, tingin ko ikaw rin ang mageexplain ng nose bleed niya.."
Naku.. papagalitan ako!
"Ahh.. yeah. I punched him."
"Thank you." nagulat ako sa sagot niya, "Mukhang kailangan na nya talaga..."
Dumating yung pagkain namin mainit pa. Kanin, chicken, sinigang na hipon, fries, soup!! WAAA! Masarap lahat. Walang masyadong nagsalita sa amin habang kumakain. Kumakain ng chicken si Xander, tapos nilagyan ako nung hiniwa niya. Ang laki nga eh..
Hindi namin naubos lahat. Sa sobrang dami ba naman. Napansin ko yung relo ni Xander, sabi doon 10 minutes before 1 o' clock na. Baka malate kami. Mukhang wala silang sign na aalis.
Nagtanong naman ako.
"Kayo na po ba ang nagpalaki kay Xander?"
"Oo. Simula ng baby pa siya. Nabangga kasi yung sinasakyang kost nung Mama at Papa niya. Lumusot sa ilalim ng bus..."
Oh gosh... I can't imagine that!
"Yeah.. yeah.. right."
"Mas marami syang namana sa Papa niya kaysa sa Mama niya.."
Tinanong din naman niya ako. Bagaybagay tungkol sa akin. Yun nga, sinabi ko na kalilipat lang namin. Mga ganun. Habang tumatagal, hindi na ako masyadong naiilang. Akalain mo yun, kausap ko ang school board
President?
Kinuwento niya kung ano daw ginagawa ni Xander sa bahay nila. Madalas daw nasa kwarto at natutulog, lalabas kung kakain. Lagi daw napapagalitan ng Mommy (lola) niya. Madalas pa raw humingi ng pera at gagala daw. Kapag may ginawa daw na house chores, asahan mo na daw na malaki ang pangangailan niya.
Syempre, deny naman si Xander. Minsan lang daw yun.
Siguro nga, 1:30 na kami umalis ng Max's. Late na kami. Nagdrive na uli pabalik ng school kaya lang napansin ko na ang daming tao sa labas ng Edison Elementary.
"Nagdaratingan na yung mga parents... ikaw Kristen? nasabi mo na ba?"
Teka, ano?
"Meeting. Ngayon yun ah."
Ayun ba yung meeting na sinasabi kanina? Hindi ko nasabi kay Mama! Kaya pala walang latelate ngayon dahil wala ng pasok!
Napatext na naman ako bigla kay Mama. Tumawag. Pinagalitan ako. Tinawanan ako nung dalawa sa harapan.
Humiwalay na yung Daddy ni Xander sa amin at syempre, kasama siya sa meeting. Sinabi ni Mama na ako na ang sumundo kay Angelo at hindi na raw niya madadaanan. Nagsimula na akong maglakad.
"San ka pupunta?"
"Kapatid ko, susunduin ko." sabi ko at naglakad na ako uli.
"Hindi ko pa namemeet yung kapatid mo.." sabi niya at sumabay na naman, "Nung sabado, hindi ko siya nakita kasi nakasakay na sa kotse niyo."
"Mas makakabuting wag na.. delikado eh."
Yun na nga siguro ang pinakahuling papangarapin ko sa ngayon. Ang magkakilala si Xander at Angelo. Ang nightmares ng buhay ko.
Sa sobrang lapit ng Elementary, nakarating din kami kaagad. Kaya lang ang daming tao, ang hirap maghanap.
Alam naman ni Angelo na sa playgorund ako laging naghihintay sa kanya, kaya doon na lang siguro ako uupo.
Sumunod pa rin si Xander. Nasa gate pa lang kami ng playground eh nakita ko na postit doon. Tumakbo ako at kinuha ko. Si Xander, ayaw tumingin.
"Eto na naman tayo.."
"Pakialam mo ba.." tapos binasa ko at maikli lang yung nakasulat.
"Anong sabi?"
"Sabi nya, he loves writing." tapos tumawa siya.
"Ano!? May nakakatawa ba dun? Writing's awesome."
"I don't like writing..." sabi niya doon. Whatta surprise!
"Grabe, kakagulat!"
Mayamaya
lang, dumating na rin yung kapatid ko na nakasimangot na naman sa akin. Malaki na naman problema nito.
"Isusumbong talaga kita kay Mama.. sabi niya sa gate mo ko sunduin para hindi na ako tumawid.."
"Talaga? Threat ba yan? Katakot!"
"Oo. Akala mo nagbibiro ako.." tapos tumingin siya kay Xander. "Sino ka naman?"
"Lee nga pala. Nakilala ko rin ang laging kaaway ni Kristen.." tapos hinawakan niya sa ulo si Angelo. "Wala naman akong makitang reason kung bakit. Mukhang mabait naman itong bata."
Kapag nagsama ba ang mortal enemy mo sa bahay at enemy mo sa school anong kalalabasan?
"Kasi abnormal siya.."
"Mas abnormal ka!"
"Believe it or not, habit ko rin asarin si kristen kaya nagaaway kami..." "Ewan ko sa inyo! Basta ako uuwi na!"
Lumabas ako ng gate, at syempre.. pinara ko yung unang jeep. Sumakay na ako. Malakas lang kasi ang kutob ko na mabwibwisit ako doon sa dalawa. Hindi pa kasi sila nagsisimula, effective na.
Bumaba ako doon sa kanto namin. Ang init kasi tanghaling tapat. Walang tao sa bahay, wala na kasi si Mama.
Mabuti na lang may susi ako. At walang perwisyo na Angelo sa bahay...
OH MY! Wala si Angelo!! Papatayin ako ni Mama!
Nakatakbo na ako ng kalahati ng street namin ng maisip ko si Xander. Alam naman niya yung bahay namin, tiyak ihahatid niya yun. May common sense nman yun kahit na bee brain, hindi niya iiwan si Angelo. I.. hope so... Pumasok ako ng bahay at nagbihis. Uminom ng tubig at kinakabahan ako. Kapag hindi yun hinatid dito ni
Xander, tiyak na lalo akong lagot.
Nanood ako ng TV. Naghihintay sakasakaling dumating yung dalawa. Magaalas2 na, wala pa rin.
Matawagan nga si Xander! Hindi.. hindi pwede. Hindi ko alam number niya eh! Please God! Makauwi lang si
Angelo hindi ko talaga siya aawayin for one hour!!!
"Ate! Buksan mo nga itong pinto!" narinig ko na sumisigaw siya doon sa labas.
Dalidali
ko namang binuksan. Siya nga!
"Nakauwi ka! Galing!" ngayon lang ako natutuwa na makita siya.
"Tabi nga. Pasalamat ka nakauwi ako.. iniwan mo ako doon. Ligtas ka na naman kay Mama. Pasalamat ka doon kay Kuya Lee.."
"Kuya? Kailan pa kayo naging close?"
"Kanina lang.." tapos saka ko lang nakita, nandun si Xander sa gate. "Magplaystation nga kami eh.."
Obvious nga.. close sila!
Sinara ni Xander yung gate, at pumasok sa bahay namin. At home na at home. Parang totoo ah!
Basta ang alam ko, naglaro silang dalawa ng playstation sa sala. Nanguha ako ng Oreo, merienda ko na rin.
Nalimutan ko yung gatas, kaya bumalik ako sa kusina para kumuha. Pagbalik ko, wala na yung Oreo ko.
Kinakain na nilang dalawa.
"Thanks."
"Salamat ate!"
"Para sa akin yun! Ano ba naman kayo!!!"
Hindi na ako bumaba ng kwarto ko hanggang sa papaalis si Xander. Kumatok siya doon sa kwarto ko nung nagpapaalam. Pagkaalis na pagkaalis niya, hinawakan ko sa braso ko si ANgelo.
"Lumayo ka doon... hindi magandang impluwensya."
"Ano bang sinasabi mo! Ayos nga yun eh.." sabi niya habang tinitignan yung pagkakhawak ko sa braso niya. "Maclean pala apelyido niya?"
"Oo bakit?"
"Para kasing narinig ko na yung pangalan niya.. hindi ko lang matandaan.." nagisip naman si ANgelo.
"Hindi. Imagination mo lang. Hindi mo narinig." patay naman ako kapag nagsumbong itong si Angelo kinaPapa.
Hindi nila alam yun eh!
"Kinuwento sa akin ng classmate ko yun eh.. sabi raw ng ate niya..."
"Angelo, pumasok ka na sa kwarto mo. Maligo ka, kumain, manood, maglaro, basta wag ka lang magiisip.
May sakit na ngayon na kumakalat sa sobrang pagiisip."
"Wala naman eh!"
"Meron. Over thinking Syndrome." tapos tinulak ko siya sa loob ng kwarto niya.
Gabi na yata nung umuwi si Mama. Nauna pa nga si Papa sa kanya eh. Halos magkasunod lang sila. Nakaupo ako sa sofa, at nagsusulat ng article. May kung ano na namang reklamo si Mama.
"...ito namang si Kristen eh huli ng sinabi sa akin.. late tuloy ako."
Yeag right! Blame it on me!
Saka naman bumaba ng hagdan si Angelo.
"Ate, naalala ko na kung ano yung kwento ng classmate ko! Sinabi raw ng ate niya.."
"Angelo shut up!"
"ANo na namang pinagaawayan niyo Kristen?" sabi ni Papa.
"Wala Papa."
"Wala raw! Ikaw ha.." sabi niya na nangaasar pa yung ngiti... "Tutuksuhin na kita kay Kuya Lee.."
"Lee, sinong Lee?"
"Ang kanyang.."
Hindi na ako makapagtimpi nun kaya sumabog na lang ako.
"ANGELO, MIND YOUR OWN BUSINESS. HINDI KO SIYA BOY" saka ko napansin na nadulas ako. "friend."
Nagulat yata sina Papa sa akin.
"Boyfriend? May boyfriend ka na?"
"Kristen, bakit wala kang sinasabi?"
Hindi ko alam kung bakit nagugulat ako sa impact ng simpleng sinabi ko. Pero mas ikinagulat ko sa lahat...
"Boyfriend? Akala ko, partner mo lang sa lab..." WAAAAAA!
***24***
Nung nasabi ko yun, gustunggusto ko na sakalin si Angelo. Sa sobrang inis ko, parang gusto ko na sa kanya na lang ibuhos lahat. Pero naisip ko rin naman, kasalanan ko rin.
Inexplain
ko rin naman kinaPapa.
Sinabi ko na: 'Oh yeah.. alam niyo yun.. kaibigang lalaki. Partner ko nga sa lab..'
Si Papa, mukhang walang pakialam at sa tingin ko naman kahit papaano eh naniwala naman sa akin. Si Mama, mukhang nagdududa pa sa sinabi ko at patingintingin sa akin. Bago pa siya makapagtanong uli, umakyat na ako ng kwarto ko at hindi na bumaba hanggang sa natulog ako.
Nung nagising ako kinabukasan, nagayos lang ako saglit at umalis na ako ng bahay. Iniwan ko nga si Anglo kaya narinig ko na naman na sumisigaw si Mama nung lumabas ako. Kunwari syempre hindi ko na narinig para hindi ko na siya kailangang makasabay pa.
Pagkadating na pagkadating ko sa school, nandun naman si Bryan sa gate. Madalas kong nakikita siyang nagtetext, nung pasukan ganun din. Siguro lang mahilig siya sa phone. Ngayon, nasa labas ng gate ng school at hawak na naman ang cellphone. Ano pa nga ba? Mayaman yata ito sa load arawaraw eh. "Hi Bryan!" sabi ko habang papasok na ako ng gate.
"Hey.." sabi niya na hindi man lang tumingin.
Nakalagpas na ako nun at nakapasok na ng loob ng school. Una kong dinaanan na naman ang school paper office, at syempre, pinasa ko na yung article ko. Pagsasamasamahin yata nila at gagawan ng layout para iprint na rin. Syempre, binasa nila yung sa akin at sabi nila eh ayos na ayos naman daw. May mga konti lang na babaguhin. Pinapasok ko pa yung mga notebook papers ko sa bag habang naglalakad eh naririnig ko na naman yung iba na pinaguusapan yung tungkol sa amin ni Xander. Ilang beses ko na rin sinabi sa kanila na hindi talaga kami, pero iniisip nila ang galing ko raw magbiro. Kung hindi pa raw nila alam, kapanipaniwala raw ang acting ko.
Yung isa nga tinanong ako kung ilang months na raw kami, at nung sinabi kong wala eh: 'Wala? Ikaw ha, gusto mo talaga tago kayong dalawa! Hindi mo naman na kailangang mahiya, swerte mo nga kayo ni Lee eh.' Swerte? Yuck.
Naalala ko pa na sumigaw pa ako uli nung papunta na ako sa room, pero parang lahat mas naniniwala pa kay
Xander. Siguro dahil mas matagal na siya at mas kilala sa akin sa Edison.
Wala pa si Neriah nung dumating ako ng room, kaya nakakapanibago na nauna ako sa kanya. Yung iba kong classmate eh dumadaldal lang din dahil wala naman kaming homework kahapon. Saglit lang din, nagtime na at simula na ng klase. Isang napakalaking himala at hindi late si Xander, yun nga lang hindi nakaschool uniform. Nakagreen shirt kasi siya kaya ayun, sinulat na naman siya nung teacher namin. Dress code violation daw. "Mam! Please naman! May detention pa ako sa sabado, may pending na naman na referral! Nabasa po kasi yung polo ko, kaya hindi ko nasuot!"
"Mr. Maclean, dapat may note ka o kaya may orange slip sa kamay mo... eh kahit naman malabo na yung mata ko eh nakikita kong wala."
Umupo na naman siya doon sa upuan sa tabi ko. Narinig ko pa nga siya na may sinabing: 'Mahal na mahal talaga ako niyan! Favorite ako masyado..'
Syempre, usual na klase. Nagtest lang kami sa Calculus at syempre, mataastaas din naman yung nakuha kong score. Yung nakaraan kong test, madugo nga ang kinalabasan.
"Anong score mo?" sabi niya habang hawak na niya yung kanya.
"9.. hindi kasi ako nagreview eh." Tumawa naman siya ng malakas. Tawa na sanhi na naman ng ikabwibwisit ko. Sino bang may gusto na mababa ang score sa test? Kung ako lang ang tatanungin hanggat maaari gusto ko perfect lagi.
"Ang yabang mo.. alam mo yun. Fine, Kristen's dumb... I know that.." pero hindi pa rin siya tumigil sa katatawa nun. Nanlisik na yung mata ko. Nakita ko na pinipigilan niya yung tawa niya.
"Natatawa lang ako... 9 ka lang? Bagsak!"
"Oo na.. magaling ka na... anong score mo?"
"Mataas naman. Eight."
Binatukan ko nga ng malakas. Ang kulitkulit eh mas mataas naman pala yung nakuha kong score sa kanya.
Abnormal talaga yan!
Nung uwian na para sa lunch break, lumabas na ako at kulang yung baon ko dahil nga umalis ako kanina.
Kailangan kong umuwi ngayon. Dumaan muna ako sa locker ko at iniwan ko yung ibang gamit ko para hindi na ako nagdadala ng mabigat.
Nung sumunod na mga araw, ganun pa rin naman at walang masyadong pagbabago. Sumisikat ang araw, gigising, papasok, uuwi, lulubog ang araw at kakain pa rin ang madalas kong ginagawa. Yung Daddy ni
Xander eh madalas kong nakikita sa school dahil doon sa fund raising para sa library books na kailangan at mga kailangan sa music room. Nung wednesday nga ng umaga at nakita ko siya eh nakangiti na naman sa akin. "Kumusta Kristen?" sabi niya habang nasa harap siya ng office.
"Medyo ok naman po, pagod lang."
"Saan ka papunta?"
"Cafeteria. Kakain lang po saglit. Wala po kasi yung kaibigan ko kaya ako lang magisa."
Tinanong na naman niya sa akin yung apo niya at yun nga, sinabi ko na yung totoo. Kagaya nung iba, hindi rin naniwala pero nung napansin niya na seryoso talaga ako, nagbago na rin yung isip.
"Akala ko pa naman... 'di bale, hindi na nakakapagtaka..."
Dumeretso na ako ng cafeteria nun. Dahil magisa lang ako, bumili ako ng hamburger at umupo doon magisa.
Mayamaya
lang, may dumating at umupo sa tabi ko.
"Aba, nagiisa ka ngayon. Pwedeng makiupo?"
"Sure." sabi ko bago ako kumagat. "Ikaw? Bakit wala kang kasama?"
"Kagagaling ko lang sa meeting.." tapos napansin niya na hindi ko alam kaya dinagdag niya, "Science club."
"Ahh... hindi ko alam na magaling ka sa science..." uminom naman ako this time, "Tiyak alam na ni Neriah yun." "Actually, hindi pa. Hindi ko pa nababanggit sa kanya kasi ngayon lang yung first meeting. Nakakapagtaka nga medyo late, dati kasisimula pa lang ng school year tadtad na ng projects.." nilabas niya yung phone niya, "Kailan daw siya papasok?"
Medyo ikinatuwa ko rin yung sinabi ni Bryan. Kahit papaano pala may nalalaman ako na hindi niya alam.
"Baka bukas. Pabalik na sila ngayon."
Nagpunta kasi ng Manila si Neriah. Naaksidente kasi yung tita niya kaya, ayun, napaluwas ng deoras.
"Bakit hindi mo kasama si Xander? Hindi ba dapat.."
"Yung tao na yun? Wala akong pakialam kung sang lupalop ng Edison napunta. Unanguna yatang lumabas ng classroom yun nung nakarinig ng alarm eh..." naubos ko naman na yung pagkain ko.
"Naninigurado lang, alam mo na... baka magalit sa akin yun."
"Siya magagalit?"
"Oo siyempre. Kasama ko ba naman girlfriend niya." tapos tumayo na rin siya nung tumayo ako at nagsimula na kaming maglakad.
"Huwag kang naniniwala sa pinagsasabi nun.. hindi naman kami."
"Nalilito na talaga ako. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyo..."
"Hay naku, ako ang paniwalaan mo."
Kasabay ko lang si Bryan hanggang sa nakarating kami ng room. Sinabi na wala raw yung teacher namin sa
English, kaya free time na naman. Ako naman, umupo sa labas dahil maingay sa loob ng room namin. Hyper na naman sila. Kasama ko sa labas si Jenna, ang pinakamaingay, intrigera at pinakatsismosang classmate ko.
"nagulat
talaga ako nung narinig ko na plastic daw si Ana." sabi niya matapos ang 68 years na kwento niya tungkol doon sa section 2 na nagsabunutan at naguidance.
Ako naman hindi ko na lang masyadong pinapansin at panay na lang ang 'Oo' ko habang nagsusulat ako. Ok na sana kaya lang sinabi niyang... "Eto na pala ang love interest mo eh."
Yun na siguro ang pinakahuling salita ang ayokong marinig ni Xander. Kaya lang, nabigo ako.
"Love interest? Ako? Matagal na..." sabi niya tapos tumingin sa room namin, "Walang teacher?"
"Obvious ba, nasa labas nga kami eh."
"Aba malay ko ba kung pinalabas lang kayo dahil ang daldal niyo.."
Si Jenna naman eh nakatodo ngiti pa sa aming dalawa.
"Ang cute niyo naman maglambingan! Kakaiba! Parang away pero nakakatuwa.."
Kung hindi ko lang talaga classmate si Jenna at kung hindi lang ako marereport ng child abuse sa school, baka nahulog ko na rin siya sa canal.
"Nagaasaran
kami.. oo. Pero lambingan? Never."
"Sus, natural lang naman yun."
"Oo nga naman Kristen.." tapos bumulong siya kay Jenna pero narinig ko... 'Pagpasensyahan mo na, meron siguro..' tapos humarap siya sa akin at umupo doon sa tabi ko.. "Ano naman ang sinusulat ng honey ko?"
Sasagot na sana ako kaya lang pinigilan ako ni Jenna.
"Honey?" sabi niya doon habang nakatayo... "Kayo bang talagang dalawa?"
Halos sabay na sabay kaming sumagot ni Xander nun.
"Hindi po" ('Oo naman')
Ako naman eh nakatingin kay Jenna, si Xander sa paanan.
"Para kasing lagi kayong nagaaway.."
"Madalas po.." ('Minsan lang')
Nakangiti pa rin yung Jenna niya nun..
"Magkaiba talaga kayo ha!"
"Halata nga eh.." ('Sorta')
Tumatawa pa rin si Jenna nun. Dumating na rin yung teacher namin kaya papasok na kami. Kasisimula ko pa lang maglaro sa phone ko.
"Tara na nga kayo... kulit niyo parehas kaya kayo bagay eh!"
"Kami? Hell NO."
"Heck YES."
"Shut up Xander!"
"Ganyan na pala ang pagpapakita ng pagmamahal ha!"
"Kristen, pahiram ng phone.. patext lang sa kapatid ko.. patingin na rin ng quotes.." tapos binigay ko yung phone ko at nagpipindot na naman siya.
Pagkatapos na pagatapos niyang magtext eh kung ano na naman yung tinanong.
"Bakit wala ka man lang text dito si Lee?" sabi niya habang nagbabasa.
"See? Kung kami ng tao na yan nagabala pa akong isave yung number niya.."
"Wala yung number niya dito?
"WALA nga! Sino ba yan?"
Bigla na lang inagaw ni Xander yung phone ko kay Jenna.
"Give me that..."
"Hoy, akin na yan.."
Nagpipindot siya doon. Mayamaya lang sinoli niya na rin sa akin... Pangitingiti lang doon..
"Alam mo Jenna, hindi na niya kailangan isave yung number ko. Saulongsaulo na niya.. pero para ok tayong lahat..." "Sinave ko na..." tapos tumingin siya sa akin nun...
***25***
Pumasok na kami at syempre, nagklase na naman ng last period. Calculus ba naman ang last subject mo sa umaga eh hindi ka ba naman mangarap na sana lunch break na!!! Pero ayun, dumating din naman.
Lumabas na rin yung school paper, issue for the whole month. Kaya maramiramng articles din naman yung nabasa ko. Nasa front page yung ginawa ko na sa band selection, at iniscan ko yung mga iba pa. Nakita ko yung cartoon na nadrawing ni Jonas, at ayos naman. Hindi ko pa nga maintindhan kung bakit yun.. saka ko lang nabasa yung nasa gilid. 'Lee Xander Maclean, hits it twice?'
Hindi ko na sana babasahin dahil alam ko naman na kung ano yung nakalaga y doon, pero hindi ko rin mapigilan yung sarili ko. Natamaan ba naman ng mata ko yung pangalan ko sa second paragraph... ganito part nung article.
...the wwwdotcom vocalist and guitarist, Lee Xander Maclean did and awesome performance including his comembers last Friday, on the Edison High band Selection. The crowd cheered when they got up the stage, and became louder when the known grandson of the School Board President ran in the middle of the school bleachers. The crowd really love them. Their first song was 'The Reason' followed by the blood rocketing
'Noypi'. But the real tension within the audience rose when he announced their last song to be dedicated to his special girl. And who could it be?
Kristen Carylle Gutierrez, a new student and a transferee at Edison this school year and currently a costaffer of The Bridge became the luckiest girl. There were murmurs among the audience when he sang 'Love of My
Life' on the stage.
(blah.. blah.. daming nakakapaginitulong paragraphs) ...and the big break came when wwwdotcom were announced the winner of the contest. Lee Xander really had a wonderful night! He got his 'Love of his Life', and also the feeling of being the champion among all. Way to go Lee!
Katatapos ko pa lang basahin at titignan ko pa lang yung picture sa gilid, may nanggulat pa sa likuran ko at humawak sa dalawang balikat ko. Sino pa?
"Kapag ako nahospital, at ako namatay ng heart attact, mumultuhin talaga kita bago ka makatulog!"
"Aba maganda pala yun... dadalaw ka sa bahay?" tapos nakita niya yung hawak kong newspaper at pinipilit kong itago.."Ano yang binabasa mo? School paper ba? Pabasa nga."
"Oo at Hindi."
Nakatingin pa rin siya doon sa hawak ko.
"Anong Oo at Hindi? Pahiram nga.. hindi ko pa nababasa eh!"
"OO school paper yung binabasa ko. HINDI, hindi pwedeng basahin."
"Dali na..."
Hindi ko alam kung ito yung second time or nth time na nakipagwrestling ako kay Xander. Natalo na naman ako. Nakuha niya yung newspaper kaya lang medyo napunitpunit na dahil nga ayaw kong ibigay. Nakita niya yung picture niya sa harapan, at nagmisterpogi ba naman sa harapan ko. As if naman. Sabi niya, ang cute daw niya. "Ang swerte talaga ng The Bridge at photogenic ako.."
"Makaalis na nga at maririnig ko na naman yung mga pagbubuhat mo ng sariling bangko..." kinuha ko yung bag ko at balak ko na ring umuwi. "Pasalamat ka libre yang newspaper na yan dahil staffer ako, dahil kung binili ko yan.. may ineterest rate. Kuhanan mo ko ng bago.."
Napansin ko na nakatingin pa rin siya doon at medyo nakangisi habang nagbabasa. Narinig kong sinabi niya sa akin eh...
"I love this article. Ilalagay ko nga 'to sa journal ko.. may gunting ka?"
"Arrggghh! Ang lakas ng tama mo!" sabi ko at tinalikuran ko na siya.. "WALA akong gunting. Kung meron man hindi ko ipapahiram, baka isaksak ko lang sa 'yo.."
"Oi! San ka pupunta! Honey ko!"
Nagtinginan yung ibang section nun kasi humahabol ba naman sa corridor. Tumakbo nga ako kasi baka sumabay na naman sa akin. Kaya lang kakatakbo ko... nadapa tuloy ako doon sa gate. Badtrip!
Tumayo naman ako at pinagpagpag ko yung damit ko. Sa dami naman ng araw na madadapa ka, ngayon pa.
Ang ikinabuti na lang, walang tao doon malapit sa gate. Si Manong Guard wala sa station niya.
Hindi pa ako masyadong nakakatayo ng maayos eh may asungot na naman na dumating...
"Kristen... nyay!" tapos napansin niya na nagpapagpag ako at ang dumi kasi ng blouse ko.
"No comment from you.." sinabi ko at baka kung ano na namang sabihing di maganda at mapikon na naman ako. "Hindi ko naman nakita!" sabi niya tapos tumingin siya sa bubong at nagpretend.
Halata namang nagpipigil siyang 'di tumawa.
Nung natapos akong magpagpag, at hindi masyado kasi may dumi na hindi na natanggal, eh wala na talaga akong magagawa. Mabuti na lang pauwi na ako ng bahay. Napansin ko na hawak pa rin niya yung school paper.
Lukot na talaga.
"Xander.. naman! Uuwi na ako.. kahit ngayon lang... wag ka ng sumunod! Ganun din naman eh, kapag naghatid ka... tatayo ka sa harap ng bahay namin at aalis. Ano namang thrill doon? Wala ka namang mapapala.." Mukhang wala lang sa kanya yung sinabi ko. Kung titignan ko, nakangiti pa rin.
"Ang bilis mo talagang tumakbo no! Pwede ka na sa racing ng kabayo!" tapos nilagay niya sa bag niya yung newspaper."Ihahatid na nga kita. Ganun din naman, pupunta rin ako sa inyo.."
"At bakit?" sinimulan ko ng maglakad nun at hindi ko na hinintay yung sagot niya. Tiyak naman hindi na naman reasonable kung ano man yung dahilan.
Syempre, sumunod na naman. Wala talagang ibabawas ang pagkabee brain nito. Minsan nga napapaisip na rin ako kung bakit ang hilig niya akong sundan, kung tutuusin naman wala talagang espesyal na dahilan. Para ano?
Asarin niya ako? Sanay naman na ako.
"Bibigay ko 'to kay Angelo no.." pinakita naman niya yung tatlong games galing sa bag niya.. "Sinabi niya sa akin na gusto daw niya 'tong malaro kaya lang wala siya.. kaya sabi ko meron ako. Ibibigay ko na lang sa kanya, nagsawa naman na ko dyan!"
"In short, mahilig sa playstation?!"
"Hindi masyado. Kapag may problema, nagpaplaystation ako." Hindi ko alam kung biro ba niya yun. Pero seryoso naman siya nung sinabi niya. Kakaiba. Kapag may problema naglalaro? Samantalang ako naman, nagpapakaobese kapag naiinis at may problema. Talagang magkaiba kami ng mundo. Kaya rin madalas nagaasaran.
Nung sobrang lapit na ako sa gate, napahawak na lang akong bigla doon sa bakal. Nakaramdam ako ng sakit sa tuhod ko.
"Bakit?" sabi niya dahil nagtaka rin siya.
Titignan ko na sana yung tuhod ko, kaya lang parang ang pangit namang tignan na bigla kong itataas yung palda ko hanggang tuhod ng nandun si Xander. Kahit sabihin pa nilang... knee injury!
"Talikod nga.."
"Bakit?"
"Sabi ko, tumalikod ka. Masakit yung tuhod ko."
Hindi pa rin siya tumalikod nun. Mukhang hindi na nangaasar.
Hindi ko pa masyadong natataas at medyas ko pa lang yung nakikita ko, pansin ko na may umagos na dugo. Yung medyas ko meron na rin.
"Ano bang language ang sinabi ko? Hindi mo yata ako naintindihan..." sabi ko kaya lang nakatingin din siya sa akin. "Pumunta ka kaya sa nurse."
"Ayoko, uuwi na lang ako. Saka, sarado na yun. Inannounce kanina 'di ba? May nahospital.
May sakit pa yung sub niya."
"Tara nga dito.."
"Bakit?" sabi ko at pinapalapit niya ako.
"Sabi ko, tara dito. Umupo ka dito sa bench."
Lumapit naman ako. Sabagay, masakit talaga. Napansin ko na medyo namumula kasi yung paligid ng tuhod ko.
Siguro magpapasa yun. Kasi tuwing nadadapa ako o nababangga ng malakas, ganun nangyayari. Hindi nga lang ako umupo ng bench.
"Ano bang language yung sinabi ko? Hindi mo yata ako naintindihan.." tapos ngumiti naman siya. "Umupo ka na kasi.."
Kapag kalokohan na naman 'to, baka kung anong magawa ko sa kanya. Pero umupo rin naman ako. Siya naman medyo lumuhod sa harapan ko at nilabas niya yung panyo niya. Puti pa!
"Ilang ba kasi ang nahuli mo kanina? Mukhang Jackpot eh.." tapos tinupitupi pa niya sa tuhod niya.
"Siguro mga 1,000! Ano bang yan?"
"Hindi mo alam 'to?" sabi niya tapos pinakita niya yung panyo. "Panyo. Taas mo nga yung skirt mo.."
"Eh kung sampalsampalin kaya kita dyan! Bakit ko naman itataas para sa 'yo!"
"Dali na, ang tigas ng ulo mo. Mukhang malaki yung sugat mo, ikaw rin! Baka magkahemorrhage yan! sabi niya na medyo seryoso pa sa akin na naiinis. Para dun pala yung panyo niya. "Taas mo na.. please."
Gosh! Narinig ko ba ang magic pword kay Xander? Kakaiba ha! Tinaas ko na rin naman. Hinawakan ko para, alam mo na... conservative. Nakashorts naman ako kaya wala naman talagang problema.
Pero syempre, lalaki pa rin siya.
Tinali niya yung panyo niya sa tuhod ko. Medyo mahigpit nga eh, kaya masakitsakit.
Kalalagay pa lang niya, namantsahan na rin. Patawatawa na naman siya.
"Kung hindi ko lang talaga alam na nadapa ka kanina, iisipin ko na girl thing yang dugo na yan!" tapos nun, tumayo na siya at natapos niyang itali yung panyo niya. "Yan na.."
"Uwi na ko.."
Lalakad na sana ako ng maayos kaya lang sinabi niya..
"Umakbay ka sa akin... para makalakad ka ng maayos.."
***26***
That's so nice of him. Kahit na si Xander madalas kong kinaiinisan, kahit papaano may magagandang traits din naman yan. Hindi nga lang masyadong halata lalo na kung si Kristen ka. Pero kung hindi mo siguro siya kilala, unang impression mo eh ang bait siguro ng taong 'to. Pero sa akin hindi nangyari yun eh, simula nung tumapak ako sa Edison High nung pasukan, destiny ko na yata na makita siya at tawanan niya ako.
"Kaya ko namang maglakad, ang OA mo. Hindi naman ako napilay. Sugat lang.."
Totoo naman yung sinabi ko. Kaya ko naman talagang maglakad. Mahirap nga lang ihakbang kasi ang higpit nung pagkakatali niya, pero ayos lang talaga. Humawak pa nga siya sa braso ko. Yun na siguro ang huling scene na gusto kong makita ako ng kahit sino man sa Edison.
"Get off.." tapos inalisalis ko yung kamay niya. Ayaw tanggalin eh.
Dahil busy ako sa pagalis ng kamay niya, nagulat na lang ako nung bigla niya akong hinila kaya naman napalapit ako sa kanya. As in sobrang lapit. Sidetoside.
"Ano bang?"
Nakakainis naman kasi. Akala ko kung bakit, may dadaan pala na nagtutulak ng cart na nagdadala ng pagkain sa cafeteria. Eh mukhang mataas yung mga box kaya hindi yata ako nakita na nasa daan, muntik na rin ako nun. Tapos ngumiti si Xander at kumaway doon sa dumaang lalaki.
Pagkatapos nun, tumingin na siya sa akin.
"Yan ang problema sa hindi nagpapay attention." "Whatever!" tinanggal na rin niya yung kamay niya nung umarte ako na kakagatin ko. Hindi ko naman talaga gagawin, pero effective naman.
Dahil nga kasama siya sa bahay, sumakay nga ng jeep kasama ko. Nagtricycle na ako kaya wala akong balak lumakad ng ganito yung paa ko. Sinabi ko nga na ako na ang magbibigay nung game kay Angelo, ayaw naman niya. Ayoko kasing pumunta siya doon, yung kapatid ko tiyak nasa bahay. Lalunglalo pa si Mama. Nagdududa na nga sa akin yun, ngayon madadagdan pa.
"Ako na magbibigay.. ano bang problema?"
"Kasi..."
Hindi ko pa tapos yung sasabihin ko nung makita ko na wala na siya harapan ko. Nandun na sa tapat ng pinto namin at kumatok. Sabi ko nga, mabilis siya!
Napakasamang idea talaga na naimbento ng humankind ang makilala ni Mama si Xander! Pero ayun.. akala ko sisigawan siya ni Mama at kung sino naman siya na bigla na lang sumulpot sa pintuan namin. Hindi pa ako makalapit nun, at napansin ko na sinenyasan ako ni Xander. And to my relief, nakangiti talaga si Mama nun.
And the reason why at kung anong sinabi ni Xander para ibrainwash si Angelo at Mama??? I have no freaking clue... basta ang alam ko, parang sila pa ang magnanay at ako yung bisita.
***
Weekend. Natapos na naman ang isang linggo. Mabuti naman at walang pasok nun. Saturday nga pala at naalala ko, dadaan dapat ako sa bahay nila Neriah. Kaya lang nung nagtext ako, nasa palengke daw sila at pagkatapos eh dadaan sila ng bahay ng ninong niya dahil may kung anong celebration daw. Tiyak eh gabi na daw sila makakauwi.
Wala akong balak na magstay ng maghapon sa loob ng bahay. Ganito pa't panay ang katok ni Mama para daw magwalis, o kaya magvacuum.
Hanggang dito rin rinig yung lakas ng TV ni Angelo.. bwisit talaga yung bubuwit na yun!
Kung aalis naman ako magisa ng bahay, san naman ako pupunta? Sabagay, maganda rin naman umalis kapag ikaw lang. Nagagawa mo rin yung gusto mo.
Narinig ko may nagring.
Medyo mahina pero narinig ko. Naalala ko yung phone ko, pero hindi ko alam kung saan ko nilagay. Hinanap ko sa ilalim ng unan, sa ilalim ng kama.. sa drawer.. at ayun.. pinakinggan ko talaga.
Nasa bag ko pala. Nasa kailalimlaliman pa. "Hello?"
Nung una, hindi ko pa alam kung sino. Hindi kasi nakasave yung number.
"Ei.. ako 'to." sabi niya na narinig kong tumawa pa.
***27***
Ano ang intial reaction ko nung nagsalita siya... well... simple lang..
"BRYAN!!!" ok, calm down... "I mean.. Bryan... hi."
"Nabingi yata ako doon ah.."
"Gulat lang ako eh.. napatawag ka. Teka... paano mo nalaman yung number ko? Nabigay ko na ba sa 'yo dati?
Hindi ko na kasi maalala.." mukhang tama nga si Xander sa akin, LOLA nga siguro ako.
"Hindi, hindi mo pa nabigay. Nakuha ko kay Neriah yung number mo.." right. I didn't think of that, "Busy ka ba?" Nagisip naman ako kung busy ako. Maliban na lang sa sermon sa akin ni Mama na tulungan ko siyang maglinis at makinig sa malakas na TV ng kapatid ko... busy nga ako ngayon. Dami ko ngang ginagawa!
Nakaupo sa kwarto.
"Wala nga akong ginagawa eh. Dapat kasi pupunta ako sa bahay nila Neriah, umalis naman sila."
"Yeah, dumaan nga ako sa kanila ngayon eh. Sinabi nung Lola niya. Gusto mong magikotikot?
Ayoko kasing umuwi ngayon eh, wala namang tao sa bahay namin. Walang masyadong kausap."
Narinig ko ba ng tama? Niyaya niya ako. As in AKO.
Hindi si Neriah.
Binatukan ko yung sarili ko. Kaya ka lang niyaya dahil wala si Neriah. Asa ka pa Kristen! Nawala na yata ako sa sarili ko. Kaya narinig ko na lang siyang...
"Kristen, nandyan ka pa ba? Anong nangyari?" saka lang ako uli natauhan nun. "Kung ayaw mo ok lang naman.." "Hindi. Sige, sama ako. Actually, timing ka nga."
"O sige, sunduin na lang kita dyan. On the way na nga pala ako, nakasakay na ako ng jeep."
"Ahh, right. Sige pala, bihis na ko."
"Bye."
Binaba na niya yung phone niya. Nataranta naman ako. On the way na siya? Hindi rin siya mabilis no? Hindi halata eh. Ibig bang sabihin nun wala siyang pakialam kung anong isasagot ko?
Dahil naligo na ako ng maaga, pumasok na lang ako ng banyo at naghilamos.. nagtoothbrush at nagayosayos kung may aayusin pa. Wala na akong panahong magisip pa ng isusuot ko, kaya nanghila na lang ako ng blouse sa drawer ko at kinuha ko yung pants ko na nakahanger sa closet. Sprayspray lang ng pabango.. konting suklay... suot ng sandals.. ayos na!
"KRISTEN! BUMABA KA NGA DITO!"
Sumisigaw na naman si Mama. Uhoh.
Sabi ko nga, magagalit na naman yan at hindi pa sila nakakapagkilala ng maayos ni Bryan. Nung nakaraan na nagpunta sila dito, hindi ko alam kasi tulog pa ako nun. Malamang hindi talaga. Si Mama kasi OA kapag sa ganyang bagay.
"Ma? Bakit?" nasa hagdan pa ako nun at nakahawak doon sa gilid. "Hey, nandito ka na pala."
Nakahakbang na ako nun hanggang sa pinakababa. Narinig kong may galabog doon sa taas. Mayamaya lang, nandyan na ang mahal na mahal kong kapatid.
"San ka na naman pupunta?" sabi niya nung nakita niya akong nakabihis.
"Pakialam mo ba... police ka na ba ngayon?"
Tumingin naman siya doon sa pintuan. Si Bryan, nakatayo pa rin doon.
"Sino ka naman?" naaalala ko yung expression ng mukha ni Angelo na yan. Ganyan na ganyan din yung mukha niya nung tinanong niya si Xander kung sino siya. Tingin ko lang, masyado lang talagang unusual kay Angelo na may pumupuntang lalaki sa bahay. Para sa kanya kasi, lahat na siguro ng babae sa mundo eh taken, ako lang ang leftover.
"Ma, si Bryan. Angelo, wala kang pakialam. He's a friend of mine."
Hawak ni Mama yung walis tambo nun at aakalain mong gustong maghampas.
"Classmate?"
"Hindi."
Tumaas naman yung kilay niya.
"Schoolmate po."
"Kaibigan namin siya ni Neriah... close friend ni Xander."
Hindi ko alam kung anong nasabi ko at parang magic. Bigla na lang sinabi ni Mama na...
"Saan kayo pupunta? May pera ka ba at aalis ka na naman?"
Bigla namang si Bryan ang sumagot..
"Ok lang po, ako na lang ang gagastos. Ako po kasi ang nagyaya sa kanya."
"O sige, umalis na kayo. Kristen, 'wag magpapagabi. Sasaraduhan talaga kita ng pinto."
'Di bale Ma, may susi ako!!
Lumabas na kami ng bahay at nagpaalam ako kay Mama. Binangga ko si Angelo kaya mukhang nainis na naman sa akin. Hindi pa kami nakakalayo ng bahay eh speechless na yata uli si Bryan.
"Pasensya ka na sa Mama ko ha, katakot no! Ganun lang talaga siya. Hindi kasi sanay yun na may pumupunta sa bahay na hindi niya kilala..."
"Ok lang. Pero nung dumating talaga ako, akala ko hahampasin talaga niya ako ng walis tambo eh!"
Bago pa kami nakasakay ng jeep nun, nilabas na naman niya yung phone niya. Ang alam ko, past2 na rin ng hapon. "San mo gustong kumain?"
"Kakain?"
"Oo. Busog ka ba?" sabi niya kasi nagulat ako.
"Hindi." tapos yumuko ako ng konti, "Umuwi ka na ba sa inyo?"
"Hindi pa simula kaninang umaga."
"Kaya naman pala eh! You must be hungry.."
"Starving..."
Sumakay na kami ng jeep nun. Mukhang siya na rin ang nagdecide kung saan kami kakain. Hindi rin siya masyadong nagsalita nung nasa jeep, siguro dahil malakas yung music nung driver kaya hindi rin naman kami magkakarinigan kapag nagkaganun. Mayamaya lang, bumaba na rin kami.
Napadpad kami sa Greenwich. Mukhang pizza ang gusto nito.
Pagpasok namin sa loob, puno na sa kainan sa baba. Kaya tiyak, sa taas na kami nun.
"Pearl Coolers na lang ako.. buko pandan."
"Yun lang?" sabi niya tapos nilabas niya yung pera niya, "Huwag ka kayang mahiya..."
"O sige... gusto ko ng spaghetti, samahan mo na rin ng fries, garlic bread, chicken with rice...make it twopiece, lasagna.. yun lang." tapos tumingin pa ako doon sa menu in case na may nalimutan ako... "oh.. and coke. Make it diet, I'm trying to watch my weight!"
Nashock
yata sa akin si Bryan. Ang dami nung gusto ko. Actually, I'm just messing up with him.
"Huwag ka ngang ganyan.. niloloko lang kita no. Pearl Coolers lang talaga gusto ko. Large, if you don't mind."
Tumawa naman siya sa akin nun. Aba, jackpot ito! Nakita ko naman na siyang tumawa dati, hindi nga lang malapitan. Buo na yata ang araw ko.
"I'm starting to see why Lee likes you alot..." sabi niya tapos humarap na siya doon sa babae, "at.. kung bakit kayo nagaaway lagi." "Hindi kami. Seriously."
Ok, tama na yan. Nanliliit na ako. Hanggang ngayon pala naniniwala siya na kami nung beebrain na yun!
"Pili ka nga ng pizza..."
Tatanong ko sana kung bakit, pero hindi na lang.
"4cheese
pizza."
Nakaorder
rin naman kami, at binigay lang sa amin yung number at dadalhin na lang daw. Nakahanap kami ng upuan malapit doon sa salamin kaya kita mo yung mga sasakyan sa baba. Ayos ah!
"San ka ba nagaral dati?" sabi niya nung nakaupo na kami.
"Somewhere.. far. Palipatlipat kasi kami eh. Dahil sa work ng Papa ko. Kung saansaan kasi siya nadedestino.." sabi ko tapos nilarolaro ko yung number sa lamesa, "Nung last summer nga kadarating lang namin eh umalis na naman siya.. badtri" saka ko narealize na nacarried away ako. Ang daldal ko.
Nakatingin siya sa akin nun na para bang alien ako.
"May naalala lang ako sa sinabi mo.. parang.." naku.. kasi naman!
"Tingnan mo! Ang ganda pala dito! Ang daming sasakyan!" tapos tinuro ko yung labas.
Corny. Kahit ganun, gusto ko lang ibahin yung topic. Mukhang may napapansin eh. Hindi ko balak na magexplain ng bagaybagay.
Dumating din yung order namin... at kumain din naman kami. And to my relief, at dahil sa gutom niya na rin siguro, hindi na niya binalik yung topic. Yung buko pandan ko, isang inuman lang yata eh nangalahati. Sumakit tuloy yung ulo ko. Brain freeze!
"Anong nangyari sa 'yo?" sabi niya nung hindi na ako makapagsalita.
"Brain freeze..."
Tawa lang siya nun. Kumain na uli ng pizza. Dalawang solosize pizza yung binili niya. Halatang gutom ah!
Inalok pa nga ako kung gusto ko, pero tumanggi ako.
Sumandal naman siya at uminom ng soda niya.
"Busog na ko.." sabi niya habang umiinom.
Napansin ko yung isang solosize pizza. Hindi niya ginalaw.
"Takeout
mo?" tinuro ko yung pizza.
"Oo. Pero hindi para sa akin..."
Nagpahinga lang kami saglit doon. Nagusap ng kaunti tungkol sa mga bagaybagay.
Syempre, nasama na naman si Neriah sa usapan.
Akala ko kung saan na kami pupunta sa susunod. Hindi naman pauwi dahil ibang jeep yung sinakyan namin, kaya sumunod na lang ako. Siya ang boss, siya ang nanlilibre eh.
Mayamaya
lang, nagpara siya doon sa tapat ng Edison High. Sumenyas siya na mauna na raw akong bumaba.
"Sa school?" sabi ko nung hindi pa tumatawid, "Anong gagawin natin dito?"
"Tara na nga..."
Pumasok na kami doon sa loob. Ayaw pa nga kaming papasukin ni Manong guard kanina, pero nung nakita si
Bryan, pumayag din. Ewan ko kung bakit.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Mayamaya lang, nandun kami sa tapat ng Bulletin Board at may kinausap ni Bryan yung tagapintura doon na nakatungtong pa doon sa hagdan. Ang galing nga eh, nagpaint siya ng dolphin.
Ako naman, busy na nakatingin sa kalayuan. Ang tahimik dito kapag walang pasok. Narinig kong sinabi niyang: 'Thanks bro.'
Teka, bro? Pagtingin ko doon sa nakasumbrero saka nakagown na kung ano... hindi ko talaga nakilala kung sino. "Xander?!?" tapos hindi man lang tumingin sa akin habang binubuksan yung pizza niya.
"Wow! 4cheese pa ah! Favorite ko pa talaga.." sabi niya tapos tinaggal niya yung gloves niya. "Oh, hi Kristen."
Parang wala siya sa sarili niya nung binati niya ako. Kakakagat pa lang niya nung napatigil siya.
"KRISTEN? Anong ginagawa mo dito?"
Nakangiti lang si Bryan nun. Tapos sinabi niyang..
"Siya pumili ng 4cheese.."
"Paano mo nalaman?" sabi niya na nakatingin pa sa akin. Hindi niyo lang alam kung gaano kaunusual na makita si Xander na panay pintura yung paint gown.
"Nalaman na ano?"
"Na, favorite ko 'to."
"Aba malay ko no! Pinili ko lang yan kanina.. pakialam ko naman kung anong favorite mo?!?"
Kain lang siya ng kain nun. Umupo na ako doon sa gilid at nangangawit na yung binti ko.
"Anong drama mo at nandito ka sa school at ganyan yang itsura mo?"
"Detention. Akala ko kung anong papagawa nila sa akin eh, sabi nila magpaint daw ako."
Napabilib naman ako. Gawa niya yung underwater scene? Ang bilis nga niyang uminom. Hindi naman halatang parehas sila ni Bryan na gutom. Ganyan din kasi siya kumain kanina.
"Bakit naman kayo magkasama?" sabi niya nung uminom siya.
"Sinundo ko siya sa bahay nila... niyaya kong lumabas."
At kung may nakakadiri pa sa ginawa ni Xander, ibuga daw ba yung coke sa harapan niya. Pasalamat na lang kami wala kami ni Bryan doon. Dahil kung hindi, shower yun.
"Magkasama kayo? Tteka.. anong ginawa niyo?"
"Kumain sa greenwich. Sabi niya kasi maglilibot kami. Dumaan kami dito, para sa 'yo pala yung pizza na yan..." "Kumain kayo? Kayo lang?" sabi niya tapos tinuturo niya kaming dalawa.
"Oo."
"May pupuntahan pa kayo?"
"Sa playground siguro. Tambay. O kaya dadaan kami sa mall... or something."
Hindi ko naman inaasahan na tumayo si Xander at tinapon yung box nung pizza na may binubulong pa kaya lang hindi ko marinig.
"Hanggang 4:00 pa ako dito eh. Hindi ba pwedeng dito kayo? Tapos sama ako sa inyo... gganun."
Tumawa naman ako sa kanya.
"Uupo kami ng isang oras hintayin ka dito?"
"Bibili lang kami, tapos ihahatid ko na rin siya mamaya..."
"Ooh.. ook." sabi niya tapos sinuot niya uli yung gloves niya.
"O sige bro, alis na kami ni Kristen.."
"O sige.. ingata, ingat." Papaalis na kami nun. Nagstop ako doon sa gilid ni Xander.
"Ei bye na po. Galingan sa pagcareer."
Naglakad lang kami ni Bryan ng kaunti nung marinig namin si Xander na nagsabing...
"Dadaan ako ng Powerstation mamaya, bibili ako ng bala ng playstation.." naisip ko naman.. so?
***28***
Iniwan nga namin si Xander doon na nagpaint na naman. Abnormal talaga yun. Pakialam ko naman kung bibili siya ng bala..
Nung nakaalis na kami ni Bryan, dumaan nga kami ng mall gaya ng sabi niya. Nagikotikot.
Tinanong pa ako kung may gusto daw akong bilihin at sabihin ko lang, pero wala naman talaga.
Ang pinakaayaw ko sa lahat na pinuntahan namin... eh yung playground. Someone? Get me outta' here!
"Gustunggusto
ko rito. Ikaw?"
"Aahh..
oo naman. Tambay kami ni Neriah dito eh.." ayoko yata ng ganito.
"Sabagay, halata nga. Dito kasi kami nagmeet eh.." sabi niya na nakangiti pa, "Well, not personally."
Hindi maganda ito. Kailangan ko ng malaking electric fan para hanginin yung topic na pinaguusapan namin. "Ui, mag6 na pala?" tapos tumawa ako na sana hindi niya nahalatang fake, "Ayaw ni Mama na gabihin ako eh.
Ok lang?"
"Ooh, oo nga pala. Nakalimutan ko na."
Basta sa ganyang bagay, si Kristen ang magaling! That was so close! Kasi kapag naging yun ang topic, baka may masabi pa ako na kung ano.. patay na ko.
Hinatid naman niya ako pauwi. Nagpaalam lang siya sa akin tapos sinabi niyang: 'Thanks for the company. I really do appreciate it!'
Oh my GOSH! Record breaking ito.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Hindi ako pinagalitan ni Mama. Sa katunayan, wala ngang comment eh.
Busog ako nun kaya hindi na ako kumain.
Umakyat lang ako sa taas. Pumasok ng banyo at naglinis. Pj's na naman. I hate night gowns! Madalas kasi nilalamig ako eh. Humiga ako doon sa kama ko, tumingin sa kisame... at parang sira na inisip yung kanina.
I can't believe I spent the day with... the postit guy. ***
Monday. Isang napakagandang araw ang dumating. Kabababa ko pa lang ng jeep at patawid na ng Edison.
Hindi ko nakausap si Angelo kaya nakabuti.
Nasa gate pa lang ako eh ang daming tao doon sa hallway. Akala ko kung anong ginagawa nila pero nung napadaan ako, at mahirap dahil nagkalat sila, tinitignan pala nila yung painting na ginawa ni Xander. Blue na blue yung kulay. May dolphins talaga.
'Sinong gumawa? Ang galing naman!' panay ganun yung narinig ko.
Nakitingin din naman ako. I admit it. May talent talaga si Xander. Ilan kayang talent meron yun? Ako kasi walang hidden eh.
Nung nagclear na ng kaunti, tinignan ko rin naman. Sa pinakababa eh may nakasulat doon ng black. Hindi masyadong pansin kasi maliit lang. Nakalagay.. 'LX,11' which stands for.. Lee Xander.
Pagdating ko nun sa classroom, napakaingay na naman. Ganun naman lagi.
Dahil nga typical day, nagklase lang kami. Si Xander nangaasar pero hindi naman masyado. Kapag sumasagot ako... hindi na masyadong nagsasalita. Pero makulit pa rin naman.
Nung hapon naman, may iniwan lang na work yung teacher namin sa Filipino. Sabi eh gumawa daw kami ng tula na may sukat at tugma. Ayoko pa naman ng mga tula! Nagsusulat ako pero hindi ko talent yun no.
Se Xander eh kagagaling pa lang sa labas at binasa yung nasa board.
" 'Gumawa ng tula na may sukat at tugma. Ipasa bago matapos ang klase.' " tapos binaba niya yung bag niya, "Nagbibiro ba siya?"
"Obvious ba, hindi."
Gumawa kami ng tula nun. Ako eh inabot ng siyamsiyam pero ayos naman ang kinalabasan. Nung hiniram ko yung kay Xander, ayaw ba naman ipabasa sa akin. basta yung kanya raw eh patay na yung sumulat, pero hindi niya alam. Dapat siguro matatawa ako, pero ayos yung idea niya.
Nung PE naman namin, kasama namin yung section 3. Sabi ba naman eh maglaro na lang daw kami kung anong gusto namin. Kinuha ko yung bola ng basketball, kaya yung iba eh nakilaro na lang din sa akin. Sa kasamaang palad, ako lang ang babae.
"Nice Kristen! Galing natin ah!" sabi nun isang guy na cute din naman at tinapik pa ako sa balikat.
"Oo nga eh, sige kayo muna. Pagod na ko."
Sila naman yung naglaro doon. Ako eh umupo sa gilid at pinunasan ko yung mukha ko. Pero hindi yata magandang idea na nakipaglaro ako doon sa mga lalaki, kasi parang may nagparinig sa akin eh.
'Napakalandi. May boyfriend na nga, kung sinusino pa ang sinasamahan. Nakikipagdate pa sa kaibigan ng boyfriend niya. Ngayon naman nagflirt pa!' Nung una eh hindi ko pinansin kasi baka hindi naman ako. Kaya lang dumugtong yung pangalang Kristen, hindi naman na yata tama yun! Hindi ko na sana papansinin, kaya lang ang kulit eh.
"Miss, may problema ka ba? Mukhang malaki eh! Sabihin mo lang.."
Aba.. naunahan ako?
Nagulat naman ako doon sa nakahiga sa gym na tumayo pa sa likuran ko. Si Xander. Naappreciate ko yata ang presence niya ngayon.
Sinabi pa nung babae: 'Sabihin mo nga sa girlfriend mo, makuntento sa isa, hindi yung boyfriend ng may boyfriend kinakalantari niya!'
Parang dumarami na yata ang tawag niya sa simpleng pakikipaglaro ko ng basketball. Nakakapikon!
"Excuse me?!? Bakit hindi mo tanungin yang.. 'boyfriend' mo kung sino sa amin ang lumapit? saka" hindi ko natuloy yung sinabi ko kasi tumayo na talaga si Xander at lumapit doon sa amin.
Nakita ko pa yung mukha niya. Seryoso, pero hindi naman galit na galit. Nagsign kasi siya sa akin na wag na daw akong magsalita.
"Miss.. whoever you are. Unanguna, hindi malandi ang girlfriend ko. At lalunglalo na hindi mangyayari yun." tapos tumingin siya sa akin kasi baka magsidecomment na naman ako. "Pangalawa, hindi naman secret na lumabas siya kasama ni Bryan. Alam ko yun, at hindi ko naman siya binabawalan." aba dapat lang! ano ba kita? "at pangatlo.. hindi siya nagflirt sa boyfriend mo. And I think, your boyfriend realized how a real girlfriend should act.." sabi niya tapos hinila niya ako doon papalabas ng gym.
WAA! Wala na akong masabi kaya tumingin na lang ako doon sa likod at dinilaan ko na lang yung babae. Bait naman ni Xander.. malasuperhero ang dating ngayon! Ngayon lang ha!
Nung nakalabas na kami, wala naman siyang sinabi.
"Sayang, hindi ako nakapagcheer ng Go Xander!"
"Red lights na." nung una hindi ko pa nagets.
"Anong ginagawa mo at nakikinig ka lang dun? Akala ko ba palaban ka?"
"Hello? Inunahan mo kaya ako. Kung hindi ka naman nagsalita, baka kung ano nagawa ko dun."
"Mabuti na lang pala nakialam na ako. Magkakadetention ka kung sakasakali." aba.. bait naman nito! "Alam mo na, alam kong di ka marunong maglinis ng CR o kaya magscrub ng dingding... lalunglalo na hindi ka marunong magpaint..." sabi niya. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina!
"Ang yabang mo.. marunong ako noh!?" sabi ko nung nakita kong tumatawatawa siya. Nagalarm naman na nun. Ibig sabihin, tapos na yung period na ito at last subject na. Hindi pa nga ako makakilos nun. Naunang maglakad si Xander.
"Oi, baka naman balak mo ring maglakad?!? Hindi mo naman pangarap na maging statue of liberty niyan?"
Natuwa talaga ako kanina. Yung mga babae kanina, hindi na nakatingin sa amin. Tinulaktulak ko si Xander mula sa likuran. Hindi naman malakas.
"Thanks ha.."
"You're welcome!"
***
Maganda pa rin mood ko kahit papaano nung mga sumunod na araw. Umalis pa nga kami ng room ng umaga dahil nagkaroon pa ng program. Kasama na naman ako dahil staffer ako.
Kaibigan ko na rin yung mga weighlifters. Sa katunayan, mukhang di pa rin nila nakalimutan na dumaan yung isang araw na pumasok ako sa loob nun! Nakakahiya, pero wala na lang din sa kanila yun. Nakita ko pa nga si
Xander na lumabas nun na may dalang kung ano. Weights pala. Pinahawak ba naman sa akin, dalawang kamay na yung gamit ko eh hindi pa rin umaangat.
"Akin na nga!" tapos kinuha niya ng isang kamay at tinawanan pa ako.
Nagkaroon din ng dance contest sa school. Wala namang sumali sa room namin dahil nagkataong may laban din kami ng theater reading. District level. Kaya sinuwerte kami, nanalo naman. 2nd nga lang.
Ngayong araw na ito, nakaupo lang ako dito sa field. Nanonood ng mga nagsosoccer.
May isang babae pa nga na nakiupo sa akin at nakashorts siya ng pangPE.
"Hey." sabi niya nung nakita niya akong nagsusulat.
"Oh, hi."
"Kristen, right?" sabi niya sa akin at tumango naman ako. "Pwedeng makiupo?"
"Sure.." tapos umupo siya doon.
"So, how's Xander?"
Napatigil din naman ako sa pagsusulat ko. Bakit naman niya tinatanong? Napansin niya yata yung expression ng mukha ko..
"Curious lang.. you know, girlfriend ka niya."
"I'm not."
Tumawa ba naman, pero hindi malakas.
"Ang kulit niyo. Ang gulo pa."
Narinig ko namang tinawag siya dahil magsisimula na yata sila. Saka ko lang napansin na player pala siya ng volleyball. Hindi ko man lang natanong yung pangalan samantalang ako eh alam niya.
Pagbalik ko nun sa room, nakita ko si Xander. Ikukuwento ko sana yung tungkol doon sa babae, kaya lang nagbago isip ko. Tiyak naman magfifeeling na naman yan. Saka nakayuko siya doon at akala ko natutulog, kaya ayoko ng istorbohin pa.
Kinuha ko lang yung bag ko doon sa upuan katabi niya. Hindi ko na lang kinausap kasi baka magising pa.
Dahandahan
na lang din akong naglakad. Pauwi na rin ako. Wala namang ginagawa eh.
Nasa pintuan pa lang ako eh..
"Psst!"
Lumingon naman ako.
"Ano?!?"
"San ka pupunta?" bakit ba ang lakas makiramdam nito?
"Uuwi."
Kinuha niya yung bag niya. Parang alam ko ng sasama sa akin 'to. Nakakapagtaka nga ngayon yan eh, hindi pa ako inaasar.. tapos nakita mong natutulog sa room. Siguro nga nasanay lang ako na active yan.
"Maaga pa. Sama ka sa akin."
"Saan?" sabi ko kasi pinipilit na naman niyang kunin yung bag ko.. "Uuwi na ako eh."
Hindi niya ako tinitignan nun. Akala ko kung ano na namang pakulo ito... hindi kasi ako sanay ng ganyan yang tao na yan.
"Sama ka lang, kailangan ko lang talaga ng kasama."
Siguro kung normal day ito para sa amin, hanggang ngayon eh nakikipagtalo pa rin ako sa kanya na uuwi na talaga ako. Pero dahil nga kakaiba siya ngayon, hindi na ako nagsalita. Malay ko ba kung saan kami pupunta.
Sumakay kami ng jeep. Hindi naman yung papauwi ng bahay namin. Hindi nga ako kinausap, nagbayad lang ng pamasahe tapos nanahimik na. Hawak pa rin niya ng mahigpit yung bag ko, iniisip niya siguro baka bigla na lang ako magDarna at lumipad palabas. Sumandal na lang ako magisa.
Matapos siguro ang napakatahimik na pagsakay sa jeep, bumaba na rin kami. Naglakad ng kaunti at kasabay ko siya. Huminto kami doon sa bahay na puti yung gate. Binuksan naman niya.
"Xander... bbahay niyo?" unang beses na nakapagsalita ako simula nung sumakay kami.
"Yeah." tapos sumunod na lang ako nung binuksan niya yung gate.
Nung nasa pintuan na kami at sarado, may hinanap siya sa bag niya. Yung susi pala. Dahil may screen yun, hinawakan pa niya bago niya binuksan. Pagpasok na pagpasok namin sa loob, iisipin kong walang nakatira dito. Ang tahimik kasi.
Gustunggusto
ko sanang magtanong kung bakit doon kami pumunta. Kaya lang, umakyat siya doon sa hagdan nila kaya hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko naman pwedeng sundan dahil nakakahiya naman.
Kaya ako, nanahimik na lang doon at naupo.
Mayamaya
lang lumabas na siya. Nakapolo pa rin siya pero hindi na nakabutones kaya nakita na yung tshirt niya. "Kung gusto mong kumain, ok lang."
Kung tutuusin, pinapunta niya ako doon sa kusina nila. Sabi niya, hindi raw siya ganun kagaling magluto.
Kadalasan daw kasi, Mommy niya yung nagluluto. Tinanong ko kung bakit wala sila, nagbiyahe raw. Hindi naman niya sinabi kung saan.
Hindi rin ako gifted sa pagluluto, kaya kinuha ko na lang yung pizza nila doon sa freezer at niluto namin sa oven. Kinain lang namin nung mainit pa.
Bumalik kami doon sa sala nila. May mga pictures din doon. Halatanghalata nga na siya lang talaga ang bata doon sa bahay na yun. Bukod sa pictures ng Mommy at Daddy niya, panay siya na nung bata.
"Apat ang kwarto dito. Isa kay Mommy at Daddy, isa para sa akin, isa para sa bisita, saka isa para kina" sabi niya tapos di na niya tinuloy. "Basta apat. Gusto mong tignan?"
"Ok lang."
Umakyat lang ako doon sa hagdan nila. Kaibahan lang, hindi ganun kataas kaysa nung sa bahay namin. Unanguna kong nakita yung sa mommy Daddy niya dahil yun yung una sa pinakahallway nila. Sumunod yung guest room, tapos yung room na bakante at hindi ko alam kung para kanino.. at sa pinakadulo yung kwarto niya.
Cute din yung bahay nila. MAs malaki kung ikukumpara kaysa sa amin.
"Kwarto ko." sabi niya tapos tinuro niya yung kwarto na may blue na pintuan. "Tara na.. baba na tayo."
"Hindi mo pa pinapakita.. bababa na tayo?"
"Hindi. Magulo. Nakakahiya. Maraming damit sa kama saka sa sahig.. maraming papel..basta makalat.. Kristen wag na"
Dahil nakaharang siya nun, nabuksan ko yung doorknob. Hindi ko naman makita kasi hinaharangan niya.
Pinipilit ko nga siya nun, pero ayaw talaga eh. Saka tumigil na rin ako kasi nahiya ako nung sobrang lapit namin. "Sorry." napalayo na lang ako ng deoras sa kanya.
Kaya ang ginawa eh nilock kaya nakasarado na. Ok lang naman sa akin kung magulo... normal lang naman yun sa lalaki.
"Bakit ayaw mong ipakita?"
"Ayoko lang..."
Ewan ko ba. Wala kaming ginawa doon. Naupo nga lang kami sa terrace sa labas nila, uminom ng juice.
Kakaiba talaga. Naninibago kasi ako eh. Hindi naman ako naboring.
"Nabasa mo na ito?" tapos pinakita niya yung libro na hawak niya. Nakalagay, 'Gifted hands.'
"Hindi pa."
"Dapat basahin mo. Inspiring story." akalain mong nagbabasa pala siya?
"Natapos mo na?"
"Maraming beses na."
"Akalain mo yun? Nakatapos ka ng isang libro? eh yung resibo nga lang sa grocery di mo na matapos eh.." sabi ko, kaya lang... napatigil ako. Seryoso nga pala siya ngayon.
Pero ang nakakatuwa lang... ngumiti siya.
Dumilimdilim
na rin nun. Nagoffer siya na ihatid na ako. Ang gulo ni Xander, niyaya ako sa bahay nila ng wala namang reason.
Dahil hindi naman malayongmalayo yung bahay namin sa kanila, isang sakay lang ang ginawa namin. Si
Angelo eh nagkataong bumili yata sa tinadahan kaya nakasabay pa namin sa gate. Iba na naman ang ibig sabihin ng tingin niya.
"Pumasok ka na Angelo!"
"Kunwari ka pa ate eh! Sige pasok na ko, nakakaistorbo yata ako eh!"
Kung pwede lang sipain si Angelo, ginawa ko na. Si Xander, nakatayo lang doon sa gate namin.
"So, pano ba yan.. uwi na ko."
"Magisa
ka lang pala doon ngayon?"
Tumango lang siya.
"Sige.. pasok na pala ako. Ingat na lang."
Hawak ko na yung gate namin nun. Kaya lang tinawag niya uli ako.
"Kristen..."
Ang bilis niyang kumilos nun. Kinabahan nga ako kung anong gagawin niya. Sa unang tingin, parang may gagawing kung ano. Parang yayakap na di mo maintindihan. Pero hindi naman talaga yakap, humawak siya sa likuran ko tapos sinabi niyang:'Thanks. You really are something...' sasagot sana ako, kaya lang walang lumabas sa bibig ko.
"It's my parents deathday, today..." pagkatapos nun, umalis na siya.
***29***
Sa totoo lang, nakaramdam ako ng lungkot nun kay Xander. Kasi naman, bukod sa hindi ako sanay na ganyan siya, hindi man lang niya sinabi sa akin kung ano ba talagang meron at parang ang tamlay niya. E di sana, mas nagkaroon ako ng common sense na hindi siya masyadong inisin. Kahit na nabanggit niya sa akin na hindi niya nakasama yung parents niya dahil wala pa siyang isang taon nung namatay sila, nakakalungkot pa rin yun. I mean, nakakalungkot talaga.
Tatawagan ko na sana siya uli nun, kaya lang wala na siya at sumakay na. Speechless talaga ako. Napagisipan ko lang pumasok sa loob nung napansin ko na ako na lang ang tao sa harapan ng bahay namin. Ilang minuto rin yata akong tumayo doon at wala sa sarili ko.
***
Thursday. Napansin ko lang na parang blooming at alive na alive ang itsura ng school ngayon. O baka naman ako lang yun sa paningin ko? Ewan ko ba. Parang wala namang nagbago, pero kung anuano yung napapansin ko. Pagkaakyat ko sa room namin, malapit na rin magtime nun. Ang ingay sa loob ta may kanyakanyang mundo. Hindi pa ako nakakaupo doon sa upuan ko eh may nakita akong naklagay doon. Card.
Akala ko naligaw lang doon. Pero nung binaba ko yung bag ko at hindi ko inalis yung tingin ko, nakalagay yung Kristen sa labas. Malamang ako yun. Binasa ko nga. Maikli lang yung nakalagay.
Punta ka ng library...
Hindi man lang sinabi kung anong oras. Ang lapit na ng time ngayon pa. Sinara ko uli. Tinignan ko yung likod kung may nakalagay pa. Sabi ba naman eh:
NGAYON NA!
Aba demanding?
Tumingin ako baka may magsabi kung kanino galing. Pupunta ba ako? Baka malate ako eh. Si Xander na naman 'to tiyak. As always. Infairness, bumalik na kaya siya sa normal state niya?
Teka lang... bakit ba niya ako pinapapunta doon?
Nagtalo pa yung isip ko nun kung dapat ba akong pumunta. Finally nung nakapagdesisyon na ako at tipong kaaalarm pa lang para sa time, palabas pa lang ako ng pintuan ng room eh hahawak naman yung teacher ko sa doorknob. "Ahh.. mam.. pupunta po kasi ako.." hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko eh siya naman..
"Go ahead..." tapos pumasok na siya sa room.
Ganun?!?
Naglakad na ako nun. Kailangan kong bumaba dito tapos sa kabilang building eh aakyat ako dahil nasa taas ang library. Kapag nalamanlaman ko lang na kalokohan talaga ito, tiyak badtrip na naman ang lola niyo.
Nasa labas pa lang ako ng library eh hindi naman ako makapasok. Para nga akong sira eh, paano kung may nagbibiro lang? E di, magkukunwari na lang ako na manghihiram ako ng libro. Tama.
Hindi ko pa masyadong nabubuksan yung pintuan eh narinig kong maingay sa loob. Nagtinginan sila sa akin dahil ako yung papasok. Tahimik nilang lahat. May mga teachers din doon, ilang estudyante, at... si Xander.
Sinasabi ko na nga ba siya ang may gawa nito. Pero hindi mukhang...
"Kristen," sabi niya pero seryoso naman yung mukha niya.
Nagtataka na talaga ako. Ano bang meron?
"Here she is... Miss Gutierrez."
Nakilala ko kung sino 'tong teacher na ito. Alam ko siya yung teacher sa guidance.
"Bakit po?"
Nung una, hindi ko talaga alam kung bakit. Mayamaya lang, pinakita na nila sa akin yung Bulletin. At idagdag mo pa sa ikagugulat ko doon, may picture ako doon na kasama ko si Xander. To make things worse, yun yung picture na sinuntok ko siya.
"Gusto lang kitang kausapin tungkol dito.." tapos tinuro niya yung picture. "Ikaw ba talaga itong nasa picture?"
Obvious ba, ako na nga eh.
"Opo." mahina lang yung pagkakasabi ko. Parang lumakas yung tibok ng puso ko ah!
Si Xander naman eh parang hindi rin mapakali doon.
"Mam, hindi niya po yan sinasadya. I swear!" eh parang mas apektado pa sa akin 'to ah!
"Kristen," tapos nagnod siya sa akin, "Bakit mo sinuntok si Mr. Maclean?"
Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko yung totoo.
"...kasi po.."
"kasi,
kasalanan ko! Ininsulto ko siya kaya niya nagawa yan!" panay naman ang sagot ni Xander.
"Xander, si Ms. Gutierrez ang tinatanong ko." tapos humarap siya uli sa akin, "Alam mo ba kung anong consequences ng ginawa mo?"
"Hhindi
po."
Ngayon lang talaga ako naging stiff sa kinatatayuan ko. Kaya pala yung teacher ko kanina eh pinapunta na ako, alam na niya siguro na nasa trouble ako.
"That's against of the school rules. No fighting. And I guessed, muntik mo nang mapuruhan si Mr.
Maclean..." sabi niya sa akin. "Pwede kang maexpel sa school. Aware ka ba doon?"
Never in my life na sumobra na lang ang sama ng pakiramdam ko lalo pa sa harap ng teacher, at syempre sa harap ng ibang estudyante. Lalo pang hindi ko naranasan na sabihan na pwede akong maexpel.
"Expel?" kahit ako sa sarili ko, nagulat naman talaga.
"Mam! Wala namang problema. Kung tutuusin, ako yung sinuntok. Pero ayos lang sa akin. Hindi ko naman siya... I mean, no harm done. Kinalimutan ko na yun."
Saka lang ako uli nagkaroon ng lakas ng loob na tignan si Xander. Explain siya ng explain na hindi ko naman daw talaga kasalanan.
"Ang totoo po... I insulted her parents."
Nung sinabi niya yun, talaga hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Nagsisinungaling siya? Sa teacher?
"Tama lang po yung ginawa niya.. please Mam."
"At bakit mo naman ininsulto yung parents niya? That's also against the school rules Mr. Maclean. And to think na apo ka ng school board President. As of you Ms. Gutierrez,"
"Hindi. Hindi po yun ang nangyari." napalunok naman ako. "Sinuntok ko siya, kasi inasar niya ko."
Tinignan kami nung teacher. Para bang konti na lang at sasabog na siya sa aming dalawa at hindi alam kung sino ang paniniwalaan namin.
"Kasalanan ko po talaga."
"Hindi, ako po ang may kasalanan."
"Ako."
"Ako sabi!" sabi niya at magkaharap na kami.
"Please be quiet! Both of you!"
Tumahimik kaming dalawa. Ano na naman kayang mangyayari ngayon?
"Dahil parehas kayong dalawa na nagviolate ng school rules, both of you will receive detention."
Si Xander, napansin ko na ngumiti.
"Hindi naman pala masama," narinig kong sinabi niya. "Ibig kong sabihin, kailan po?" mabilis niyan sinabi nung tumingin sa kanya yung teacher.
"Saturday."
"Saturday??" sabi ko naman.
"Every Saturday, Miss Gutierrez. For the whole month. Bumalik na kayo sa klase niyo bago ko pa gawing 2 months." Si Xander eh hindi naman kumilos. Narinig ko pa ngang sinabi niyang: 'Hindi na pala ako babalik sa klase...' tinignan ko nga ng masama.
Nakalabas na ako ng library nun. Nauna akong lumabas ng library. SI Xander mayamaya lang eh sumunod na rin. Nakatayo lang ako doon sa labas. Tapos nung sarado na yung pinto sa library, napatingin pa kami sa isa't isa. Sabay pa kaming ngumiti.
"Thanks."
***
After nun, pakiramdam ko bumait ako kay Xander ng kaunti. Kung hindi niya siguro sinimulan na magsinungaling, baka bye bye Edison High na ako. Mabuti na lang at detention lang ang nakuha namin. Hindi naman ganun kasama. Kaya lang, apat na Saturday yun! Apat na nightmares.
Unfortunately, kapag may detention ka pala eh deprived ka from certain privileges ng school. Hindi ako pwedeng magsulat para sa school paper, bawal rin na sumama sa small trip sa city. Tuwing mangyayari daw yun, dalawa lang kami ni Xander na iiwan sa Separation room at may gawain.
Ngayon naman yung una, ngayong araw na ito pa. Naghahagis na naman ng papel sa inuupuan ko ang nagiisang bee brain.
"Ano?!?" panay kalat na yung upuan ko. "Baka nakakalimutan mo, wala pa tayong isang sabado na nagagawa!
Huwag mo ng dagdagan ok?"
Tawa siya ng tawa doon sa upuan niya. Palibhasa tatlong upuan ang pagitan, malayo namang masakal ko siya ngayon. "Nanganak yung pusa ng kapitbahay namin. Lima nga eh!"
Nainis naman ako ng bahagya. Ano namang pakialam ko doon?
"So? Pakialam ko naman sa pusa ng kapitbahay niyo?"
Kahit ganyan yang si Xander, nakakahanga pa rin paminsanminsan.
Akalain mong isang araw siyang malungkot, bumalik na rin sa dati. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya, ilang araw siguro tatagal bago ako makabalik sa normal state.
"Wala lang. Naisip ko lang. Paano ba naman eh tatlong oras yata ang pagitan nung naunang kuting doon sa pangalawa. E di ba, mabilis dapat?"
"Xander, pusa yun.. huwag mong ikumpara sa tao."
Dumating naman si Mrs. Tolentino, yung maliit at cute na teacher. Siya kasi ang nakaassign sa amin na mga
'troublemakers.' Ako nga lang yata ang babae sa ngayon eh.
"Ok, third year section 11, do your workbook. Social studies. Tapos tapusin niyo yung lecture niyo sa
Geometry. First year section 3, THE book niyo page 98...Third year..."
Inisaisa
niya yung mga pangalan. Tapos huminto siya.
"Fourth year section 1..." tapos tumingin sa amin. "Secton 1?" ngumiti ng kaunti. "Health lesson niyo.. sa values, journal entry."
Ginawa naman namin yung iniwan sa amin. Teka, let me rephrase it. Ginawa ko pala. Si Xander kasi, nangopya lang sa akin.
Dahil hindi pa nun dumarating yung mga classmates namin na nagvisit sa local museum, mas nauna kaming umuwi. Mabuti na lang eh tinawag si Xander kaya hindi na nakasunod sa akin.
Friday. Dati tuwing Friday, natutuwa ako dahil walang pasok at pwede akong matulog hanggang tanghali. Pero hindi ko masasabi ngayon yun. May detention pa ako bukas.
Dumaan ako ng playground. Tagal ko na ring 'di nagsusulat, iniiwasan ko na nga hanggat maaari. Kaya lang, di ko rin mapigilan yung sarili ko. Paano ba naman, hirap kasi kapag nasa'yo lang lahat.
Safe pa rin pagkakasulat ko. Wala pa ring bakas na ako.. eh ako.
Dahil nga hindi pa masyadong madilim nun, bumungad si Angelo sa pintuan namin. Sinigaw kay Mama na nandito na ako.
"KRISTEN CARYLLE! ALAM MO BA KUNG ANONG TAWAG ANG NATANGGAP KO? NASA LIST
KA DAW NG MGA TROUBLEMAKERS! ILANG BESES KO BANG UULITIN SA IYO NA UMIWAS KA
SA GULO. SINABI PA SA AKIN NA MAEEXPEL
KA RAW"
"Ma! Ayos na, narinig ko na yan. Hindi ako maeexpel, may detention ako ok?"
Parang mas lalong nagliwanang mukha ni Mama nun. Pagkatapos nun, hindi na nagsalita. Masama na nga pakiramdam ko, dinadagdagan pa niya.
"Hoy ate! Hulaan mo sasabihin ko sa 'yo?"
"Something stupid.. probably. Huwag mo akong inisin, masama araw ko."
"Something stupid pala ah..." sabi niya na nangaasar pa... Kaya lang, may kwenta yung sinabi ni Angelo.
"Sabi ng savior mo, sunod ka daw sa mall. Text mo daw siya." gosh.. really?!? kauuwi ko pa lang ah!
***30***
Tumakbo ako nun sa pintuan. Pupunta ako ng mall. Si Mama, sumigaw na naman na hindi pa raw kami tapos kaya lang nakalayo na ako kaya hindi na niya ako mapipigilan kung sakali man. Naggiveup na rin kasi sabi niya sa bintana: 'Kayong dalawa, huwag masyadong magpagabi!'
Dahil sa sobrang bilis ko nun at pwede na akong pumasa sa Nascar Racing, nakasakay ako ng jeep kaagad. Ako lang at yung isang matandang babae ang nakasakay sa jeep kaya naenjoy ko yung hangin ng binatana.
Nadaanan namin ang Edison, kaya nakita ko na maraming tao sa labas. Ngayon pa lang yata nakauwi yung mga classmate namin galing sa museum.
Dahil nalibang ako at lumilipad yung isip ko, saka ko lang nalaman na nasa mall na pala ako. Sinabihan pa nga akong driver na bumaba na raw ako dahil ako na lang yung nakasakay. Nagbayad ako at yun nga, pumasok ako sa mall.
Ngayon namang nandito ako, saan ko naman kaya siya hahanapin?
Umakyat ako sa escalator, tumingin kaliwa't kanan. Saka ko lang narealize, may phone pala ako. Ang t*nga naman! 'ei, san ka n? d2 me sa food court'
Tapos sinend ko na.
Hindi na ako umalis doon sa kinatatayuan ko. Malay ba natin kung saan na lang sumulpot yun. Anytime now... five (ang tagal!).. four...three (wala pa rin?)...two...one and 3/4... waaa... zero.. negative one...
"Kristen!" Buti na lang!
Lumingon naman ako. Siya na nga.
"Grabe ka! Ang tagal mo ah! May 10 seconds na yata akong naghihintay!"
"Tumangkad ka yata?"
"Ang yabang mo! Infairness, ang guwapo mo ngayon. Akin na lang yang cap mo!" tapos kinuha ko sa ulo niya.
"Kabibili ko pa nga lang eh..." sabi niya tapos inayos niya yung buhok niya kasi medyo nagulo, "Gusto mong kumain? Gutom na ko."
Dahil nga nasa food court kami nun, pinili namin yung kainan na ang nakalagay eh bahay kubo. Masarap kasi yung luto dun eh. Natikman na namin dati pa.
"Sinabi sa 'yo ni Angelo? Wala na kasi akong load kaya hindi kita matext.."
"Oo. Kadarating ko nga lang eh. Sinermonan ako ni Mama..." tapos kinain ko yung kanin sa harap ko.
"Oo nga, nabanggit niya, maexpel ka raw?"
"Hindi no! Eh... basta may nangyari.. bumaba ang parusa. Detention na lang.."
Ngumiti lang siya sa akin nun. Wow, namiss ko naman siya.
"Malakas ka pa ring kumain.."
"Ang dami mong pinapansin, kumain ka na lang.." sabi ko nung tinignan ko siya, "Kailan ka dumating?"
"Kanina lang. Wala naman akong gagawin... may fair sa amin.." sabi niya. "Naalala ko lang, sino naman si
Kuya Lee?"
Nabulunan yata ako sa sinabi niya. Napainom ako. Bumara yata yung kanin sa lalamunan ko eh.
"Paano mo nalaman? Si Angelo no?!?"
"Oo. Kasi nung dumating ako, sinabi niya wala ka pa raw. Eh hindi na kita mahintay kaya sinabi ko sa mall muna ako. Nung paalis na ako, nabanggit niya na maglaro daw kami ng playstation. Yung binigay daw ni Kuya
Lee." sabi niya na mukhang mangaasar...
"Ikaw wala kang sinasabi.. may boyfriend ka na pala."
Nagkwento lang siya sa akin. Parang tumangkad siya ah. Hanggang balikat lang kasi niya ako. Nung huli ko siyang nakita, sinabi sa akin na marami daw naghahabol sa kanyang babae. Akala ko naman kakapalan lang ng mukha, may ikakapal naman pala.
Nagikot
kami. Mukhang maraming pera sa kanyang mahiwagang wallet kaya nagpalibre ako ng nagpalibre.
Aba, umakbay pa sa akin! Ang bigat nga ng kamay eh. Pero ok lang... mahal ko naman yan!
"Sa National tayo... may bibilihin akong notebook.." sabi ko tapos hinila ko siya sa loob.
Iniwan naman namin yung bag namin sa baggage counter.
"Mamumulubi ako sa 'yo ah..."
"DI bale, mayaman ka naman." sabi ko sa kanya.
Nilapag namin yung bag ko. Kaya lang nung nilalagay na nung lalaki, parang may nakita ako doon na bag.
Kilala ko yata yung keychain na yun! Oh well... kamukha lang siguro.
"Ano bang notebook yun? Bakit sa akin ka pa nagpapabili?" nakaakbay pa rin siya nun pero hindi na masyado kasi sinabi ko nabigatan ako.
Nagikotikot
kami bawat stall. Ang kalat kasi eh. Saan na ba napunta yun?
Siya naman, nagtingin din doon. Libro naman. Tapos nakita ko na yung hinahanap ko. Dahil nasa kabila siya... tinawag ko pa. Kaya lang may humarang sa harap ko. Pakanan ako, kanan din siya. Kaliwa ako, kaliwa din.
Pagtingin ko...
"Ikaw? Nandito ka rin?" sabi ko na nga ba familiar yung bag kanina.
"Oo, pinanpunta ako dito. Gamit ni Mrs... 'di bale na nga. Sino yung kasama mo?" napansin ko naman na seryoso yung mukha niya.
"Bakit mo naman tinanong?"
"Nakita ko kayo. Nakaakbay pa nga eh." sabi niya sa akin. Sinesermonan ba ako nito? "Kristen, alam mo naman. Hindi maganda yan. Iniisip nila na tayo, lumabas ka rin kasama ni Bryan.. tapos ngayon.. yung tao na yun. Baka isipin nila.."
"Ano bang pakialam mo Xander? Iisipin nila flirt ako dahil boyfriend kita? Oi, di na tsong!"
"Boyfriend? Ikaw yung boyfriend ni Kristen?"
Humarap naman si Xander sa kanya.
"Oo pare. Sino ka naman?"
"Nice to meet you Lee." sabi niya na nakangiti pa. Nabadtrip na talaga ako.
"Tara na nga, ang sama ng ihip ng hangin dito..."
"Kristen.." sabi niya na pinipigilan pa ako... "Wala naman akong ibig sabihin. Alam mo na, iba iisipin nila sa
'yo. Baka isipin nila kung kanikanino ka sumasama.."
"Oo nga naman Xander, kung kanikanino ako sumasama. Wala akong pakialam sa kanila alam mo yun?!? Tara na nga!"
Seryoso na rin sila parehas. Sinimulan ko na siya hilahin.
"Bye pare.. badtrip na yung kasama ko. By the way.." sabi niya habang nakalingon..
"Ken nga pala, kuya ni Kristen.."
***31***
Hinila ko na si Kuya nun palabas ng mall. Narinig ko pa ngang humahabol si Xander, pero badtrip talaga ako sa kanya. Tingin niya na rin sa akin, flirt ako. Kunwari pa, concern.
Nung nakasakay na kami ng jeep, hindi naman nagsalita si Kuya. Sinabi lang niya sa akin: 'Ano yun, LQ?'
"Kuya, Q lang.. walang L."
"Akala ko ba.."
"Kuya, maraming namamatay sa maling akala alam mo yun... saka ko na lang ikukuwento."
Hindi na kami nagusap sa jeep. Mabilis naman kaming nakarating sa bahay. Si Mama, nagulat yata sa amin.
Sabi huwag daw magpagabi, past7 na. Maaga pa naman.
"Kayong dalawa, palibhasa magkasama na naman kayo kaya para kayong nakakawala na naman.." sabi niya nung pumasok kami ng pinto.
Umakyat lang ako nun. Hindi na ako sumagot kasi hahaba na naman ang walng kwentang diskusyon. Nagbihis lang ako, pumasok sa banyo... at nahiga sa kama. Sa tinagaltagal na akong inaasar ni Xander, masyado talaga akong napikon ngayon! Pati ba naman si Kuya? Sabagay... para naman kasi.
Anyways, nagiisang savior ko yan. Hindi naman something heroic nung simula, habit ko na lang siguro.
Katulad nga ng sabi ko, kapag nagkakaroon ng away dito sa bahay, si Mama tiyak kakampi kay Angelo. Si
Papa, iba ang mundo kaya lagi namang neutral. Si Kuya, ang kakampi ko. Kapag aawayin ako nun ni Mama, hihilahin ako ni Kuya palabas ng bahay. Sabihin niya, gagala kami. Siguro, paraan niya para icheer ako. Nung elementary nga ako, magsumbong lang ako... darating na yan. Kapag may nagkakacrush nga diyan nun, nagagalit ako eh. Selfish ko nga eh! Pero yung pinaka hindi ko makakalimutan na ginawa niya eh yung nakipagsuntukan siya. Gabi na kasi nun at pauwi na ko, nagkataong may humarang sa akin sa daan.. kala ko nun... basta! At least, yung term na savior.. totoo.
Hindi ko alam kung anong oras ako nagmunimuni.
Basta mayamaya lang... nakatulog na ako. Tumatawag pa nga si Xander nun, kaya lang dahil wala na naman kwenta tiyak ang sasabihin niya.. pinatayan ko ng ng phone.
***
Ang agaaga na naman eh may kumakatok sa pintuan ko. Si Mama na naman 'to. Walang pasok kung mangistorbo.. grabe. Yan na lang yata ang trabaho ni Mama eh.
"Ma.. natutulog pa ko."
"Labas! Maglilinis ako! Alis na!" sabi niya tapos tinulak ako doon sa pintuan pero hindi malakas, "May detention ka ngayon.. baka nakalimutan mo."
Kinamot ko naman yung ulo ko. Kaya pala mainit ang ulo ni Mama. Oo nga pala, may detention ako. Bwisit!
Asar! Pinakanakakainis sa lahat, kasama ko dun si Xander. Hindi na masaya ang araw ko.
Nung nakapagbihis na ako, which is plain shirt lang dahil tiyak may pagagawa lang sa amin na kung ano, bumaba na ako. Nilaro ko pa nga yung pagkain ko, kaya pinagalitan na naman ako. Si Kuya, naghihilik pa yata sa kwarto niya.
Kinuha ko na yung phone ko. Nagpaalam na ako at paalis na ako nun. Hindi ko pa nabubuksan eh may tao doon na nakaupo sa gate at tumayo lang nung lumbas ako.
"Bakit nandito ka?"
"Hinihintay ka."
"SInabi ko bang maghintay ka?" sabi ko nung naglalakad na ako.
"Hindi, gusto ko lang..." sabi niya tapos humabol siya. "Kanina pa kong 6:30 dito, magdalawang oras na nga ako eh.."
"So? As if I care?"
Sumasabay pa rin siya sa akin nun. Pero hindi ko naman siya masyadong pinapansin. Tapos sabi niya...
"Sorry na talaga..." sabi niya kaya napahinto ako. "I'll do your detention.. ngayon lang.."
Tinignan ko naman siya.... hmmmmmmm....
Magandang offer naman yung sinabi ni Xander. Aba, bihira lang yun. Siya ang gagawa ng detention ko? Hindi naman namin alam kung anong gagawin namin. Idagdag mo pa na kapag tinanggap ko yun, 3 saturday detentions na lang yung gagawin ko.
Tinignan ko siya, ngumiti, tapos nagsimula na akong lumakad uli.
"Hindi naman ako kinausap, payag ba yun? Bati na ba tayo o ano?" sabi niya nung kasabay ko na siyang maglakad,"Sobrang gwapo ko ba? Ano na?"
Ang kapal talaga ng mukha nito. Pero kahit papaano, nakakatulong din yung ginagawa niya kaya parang 'di na rin ako galit sa kanya. Ano ba yan, di man lang umabot ng isang buong araw!
Sumakay na kami ng jeep, at hindi ko alam kung nagpapakabait lang ba sa akin o ano kasi siya yung nagbayad ng pamasahe.
Pagkadating namin sa school, hindi ko alam kung saan pupunta dahil mukhang hindi ko pa naman naranasang magkadetention dito sa Edison. Hanggang referral lang naaabot ko. Nandun pa nga si Manong guard na sinabihan si Xander nung pumasok: 'O, nandito ka na naman? Tuwing sabado na lang yata may detention ka eh!' tapos tumawa siya.
Sinundan ko lang si Xander. siya naman ang nakakaalam kung saan. Suki na yan eh!
"Tara, dito tayo sa office. Kakausapin pa tayo tapos sasabihin nila kung anong gagawin. Sana lang 'wag namang maglinis ng banyo! Napakagaling ko pa man din sa bagay na yun!"
"Sana yun na lang..." sabi ko ng pabulong, pero narinig niya kaya tumingin na lang ako sa iba.
Pagpasok na pagpasok namin sa loob, tinignan ko yung nakalista doon sa gilid. Nakalagay yung mga pangalan tapos sa right side, yung nakaassign na gagawin niyo. Sa nakikita ko, yung mga third year ang naassign sa paglilinis ng banyo. Malas nila! Yung mga first year, sila yung napunta sa garden. Tapos yung ibang second year, sa canteen. Ang nagiisang pares ng 4th year section 1 eh...
Gutierrez, Kristen Carylle (41)
Edison Day Care CenterMaclean, Lee Xander (41)
Edison Day Care Center
Day Care?! Mga bata yun tiyak. Hindi naman pala masama. Kahit naman gawin ko yun, mukhang ayos lang.
Pero kaya na yan ni Xander.
Tinignan ko siya nun, nashock yata eh.
"Tara na kaya..." pero hindi pa rin niya inalis yung tingin niya doon sa nakapost, "Mahilig ka naman sa bata 'di ba? Anong problema?"
Tinawag naman kami nung isang teacher. May pahabol pa yata.
"Tumawag si Ms. Makman, dalawa lang yung kasama niya sa day care at hindi pumasok yung iba. Kaya kayo na lang nilagay ko doon para tumulong."
Pagkatapos niyang sinabi yun, pinaalis na kami sa office kasi may mga bagong dating at dumarami daw masyado ang tao sa office. Malakilaki rin naman yun kaya lang hindi lang talaga lugar para sa 100 student capacity. Naglakad na kami ni Xander. Kung anuano nga sinabi eh.
"Day care? Ok lang naman, kaya lang ang sungit ni Ms. Makman! Matandang dalaga na kasi eh. Nung detention ko dati at doon ako naassign kasama ko si Bryan, hinabol ako ng walis tambo nun eh. Pano ba naman nakita kami na pinagswimming namin sa balon yung isang bata run. Sabi ba naman malamig daw, eh para ngang disyerto sa init nun!"
"Eh bakit ba mas marunong ka pa sa kanya, sino ba ang babae sa inyo?"
"Basta alam ko lalaki ako, lalaki si Bryan, ewan ko lang si Ms. Makman. Ikaw, lalaki ka rin ba?"
Binatukan ko nga. Pero hindi na siya gumanti kasi nasa tapat na kami ng Day Care. Sa gilid lang yun ng gate ng elementary. Doon kasi iniiwan yung mga bata lalo na kung walang magaalaga at may trabaho yung parents.
Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa loob eh ang tahimik doon sa loob. Daig pa nito ang simbahan!
"MACLEAN!"
Napatingin ako sa kaliwa ko at si Xander naman eh parang yumuko nung tinawag. Ngayon, alam ko na kung bakit ayaw ni Xander si Ms. Makman. Eh para namang malaking langaw ito na namagnify.
Nakataas pa yung kilay. Pano ko nalamang siya si Ms. Makman? Nakalagay kasi sa table niya, 'Herminigilda Makman'. Kakilabot!
"Mam!"
"Ilang beses ko bang sasabihin na tawagin mo akong Ms. Makman? Wala na talaga kayong galang. At ikaw
Miss...? Anong pangalan mo?"
"Kristen po."
"Last name, not your first name."
Aba, nagiinit ang ulo ko. Sinabi ba niyang first name?
"Gutierrez po."
"Gutierrez. Maclean. Magsimula na kayo." sabi niya habang nakaupo doon.
Bumulong si Xander sa akin na huwag ko na lang daw pansinin at ganyan daw talaga yun, kaya hindi na ako nagsalita. Nung napansin ko yung day care na yun, parang kulungan ah! May mga babies na natutulog, tapos may mga bata doon na nakaupo lang. Ranging from 13 years old.
"Bakit ang tahimik nila?" tinanong ko si Xander nung lumapit ako doon sa colored fence.
"Ikaw ba naman ganyan magbantay sa 'yo hindi ka tumahimik..."
Sumabat na naman si Ms. Makman sa amin, kaya lang nagring yung phone. Kung ako naman ang magulang ng mga batang 'to, hindi ko na dadalhin dito.
"Hello, Edison Day care Center... opo Mam. Mabuti po. Ok nga po eh, masaya naman sila..."
Pakiramdam ko nun eh tumataas na naman ang presyon ng dugo ko. Ang plastic naman pala nito eh! Masaya?
Hindi nga nagsasalita!
"Aalis po ako buong maghapon. Bukas na po ako babalik..." sabi niya kaya nagtinginan kami ni Xander. Yung mukha ba naman niya eh hindi niya mapigilang tumawa. "Meron po akong dalawang katulong dito, saka yung dalawang bata na pinadala galing sa high school..."
Akala ko pa naman wala akong gagawin dahil si Xander ang gagawa ng detention ko. Mukhang malabo eh.
Saka na lang siya siguro bumawi sa akin.
Mayamya
lang, dumating na yung dalawang babae na magiging kasama siguro namin. Kinuha ni Ms. Makman yung bag niya, tapos umalis na rin. Nagsermon pa na ang nakakainis daw yung style ng buhok nung isa at ayaw naman daw niya yung kulay nung palda ng isa. Parang lahat napapansin niya ah! Nakatodo ngiti pa kaming lahat, tapos nung sinara yung pinto eh kung anuanong panlalait na yung ginawa namin.
Yung mga bata naman, saka lang nagingay.
Parang sanay na sila!
"Ganito po ba lagi dito?"
"Oo. Yung matandang yan.. nakakainis."
Yung isang baby naman, nagsimula na rin umiyak. Kami kasing mga babae ang magaalaga doon sa mga 2 years old. Niloko namin si Xander kaya pareparehas kaming tumingin sa kanya.
"Ano?!"
"Sorry Xander, mukhang ikaw ang naassign dyan." "Baby? Bakit ako? Wala akong alam dyan!"
Hindi naman namin siya pinansin. Lumabas naman na kami. Basta ang huli kong nakita, binuhat niya galing sa crib eh. Kawawa naman!
Naupo kami doon sa garden sa labas. Hinayaan lang namin maglaro ng bola yung mga bata. Tapos, sinilip namin si Xander sa loob. Umiiyak pa rin yung baby. Sabi pa niya.. 'Anong gusto mo? Bottle? Itong laruan?
Ahhh...'
Tumawa kami. Pero dahil hindi niya yata alam yung dahilan...
"Lee, try mong palitan yung diapers.." sabi nung kasama ko sa bintana.
"Ganun ba yun? Kaya pala parang may...ooh!"
Tinitignan lang namin siya nun. Nung tinanggal niya yung diapers, lumayo siya ng deoras.
Napapasok na lang kami bigla.
"Akin na nga, ako maglilinis.."
"I think, I'm going to be sick..." tapos tumakbo siya doon sa CR.
Nilinisan naman nila yung baby. Tumahimik naman. Ako naman ang nagbantay sa labas.
Pagkalabas ni Xander sa CR, nakatingin siya sa akin.
"Huwag ka ngang tumingin ng ganyan... wala akong alam sa babies." tapos niloloko ko isya sa tingin nun.
Lumabas na si Ate Nic, tapos nilapag yung baby. Kinuha niya yung powder, saka yung bagong diapers. Inabot niya kay Xander.
"Kaya mo na siguro yan..." tapos lumabas siya dahil yung alaga niya naglalaro na sa tubigan.
"OK.."
tapos tumingin siya na para bang puzzled.
Pinanood ko lang si Xander nun. Nilagyan niya ng powder. Ang tagaltaga niya. Baliktad yung pagkakalagay nung diaper, tapos napansin niya kaya inalis niya uli.
"Parang hindi tama.." tapos tinignantignan niya.. "Tingin mo?"
"Ewan."
"Babae ka kaya!"
"So?!?"
Inalis niya uli yung diaper. Hindi niya talaga makabit. Kaya ako naman, lumapit na.
"Ang dalidali lang nito eh. Ito, sa ilalim. Yung may design, sa harapan. Higpitan mo para hindi magleak.
Itong tape, ididikit mo dito. Ganun din sa kabila. Tapos na." tapos tinignan ko siya.
"Tapos na?" tapos tumingin siya sa kain, "Alam ko naman yun eh!"
"Sira, di mo nga makabit eh." binuhat ko yung baby, at mukhang inaantok na..
"Aba, caregiver na caregiver ang dating natin ah.."
"Lumayo ka sa akin baka sipain kita diyan.. sabi mo gagawin mo detention ko.."
"Gagawin ko naman talaga. Malay ko bang dito tayo maassign.." sabi niya na nagkakamot pa ng batok niya, "Sa susunod talaga..."
"Talaga lang..."
"Oo, bumabawi nga ako eh. Malay ko bang kuya mo yun.."
"Bakit, selos ka naman?"
"Ako? Ako?" tapos tinuro niya yung sarili niya... "Hhindi ah! Ako magkakagusto sa 'yo? Ang labo.." sabi niya tapos iniba niya yung usapan. "Gagawin ko talaga detention mo.."
"But, not diapers ok?" tapos nun, inabot ko na yung baby sa kanya.
***32***
Inantok na yata yung baby kaya lumabas na ako. Nung huli ko ngang nakita si Xander, binababa niya na sa crib. Infairness, ang cute tingnan. May stolen shot pa nga ako sa phone ko, alam mo na, pangasar!
Dahil tiyak na maghapon kami doon, may mga magulang na dumating. Kinuha na nila yung mga anak nila.. yung iba naman nagdala ng pagkain. Lumabas pa nga ako nun dahil yung iba naman hindi makulit. Nagpunta ako sa tapat, sa may playground. Tapos, hindi ko inaasahan na nandun din si Neriah.
Hindi naman ako pumasok kaagad. Ewan ko ba, siguro nung nakita kong naglakad si Bryan papalapit sa kanya at may inabot. Nagtago ako doon sa may halamanan. Parang ewan.. pero parang gustong sumakit ng ulo ko.
"Wow, thanks Bryan.." tapos kinuha niya yung pagkaing binili.
"Your welcome." tumabi naman sa kanya, "Remember this place? Dito tayo nagsimula lahat..."
Mas lalo akong naging interesado kaya naglean ako. Kaya lang, natumba ako doon sa lupa. Nasugatan na naman ako, pero maliit lang naman. Sabay pa silang lumingon kaya lang, nanahimik ako. Hindi naman nila pinansin. "Hangin siguro..."
Hangin nga lang ako Bryan..
"Malamang.."
Nanahimik sila parehas. Ako naman, hindi pa rin umalis doon.
"Mahalaga talaga sa akin 'tong lugar na ito. Kung hindi ka naman nagsulat dito, hindi naman tayo magiging malapit sa isa't isa. Thanks for everything. Sa pagtulong mo kapag may problema ako..."
Gusto kong umiyak nun. Pero ayokong gawin. Si Kristen nga ako 'di ba? Ang tapang ko kaya. Hindi mahina si
Kristen...
Nanonood pa rin ako doon kaya lang may tumabi sa akin.
"Nagseselos ka no?!"
Tinignan ko siya ng masama.
"Bakit ba kung nasaan ako kailangang nandun ka rin?" sabi ko na talagang inis ako. "Bakit naman ako magseselos? Masaya nga ako eh. Kaibigan ko... masaya." hindi ko naman makuhang ngumiti nun, tapos tumingin uli ako "Masaya ako... siguro."
"You're not." sabi niya sa akin. "Kung gusto mong umiyak, libre naman eh. Walang pumipigil sa 'yo."
"Ako iiyak? Kailan ba ko umiyak? Hindi mo ko kilala.."
Napansin kong tumayo na si Neriah at Bryan. Paalis na yata sila eh. Ako naman, pinilit iharap ni Xander sa kanya. "Tingin mo? Alam ko matapang ka Kristen. Pero hindi sa lahat ng bagay... sa pinapakita mo ngayon, pinapakita mo talaga kung sino ka."
"Ano bang problema mo? Nakikialam ka na lang lagi. Kung sa pagitan niyong dalawa ni Bryan, mas kilala niya ko. Iba lang yung iniisip niyang ako.."
Naluluha na talaga ako nun. Pero kaya ko pa namang pigilan. Ayokong umiyak, lalo pa sa harap ni Xander.
Habang naglalakad papalayo si Bryan at Neriah, may nabuo na akong desisyon. Bakit ba pinatagal ko pa ng husto? Bakit ba kinakahiya ko yun? Siguro nga, dapat sabihin ko na sa kanya na ako yun.. ako at hindi siya.
Nagsimula na akong maglakad nun nung hinila ako ni Xander sa braso ko.
"San ka pupunta?" seryosongseryoso na yung mukha niya.
"Sasabihin ko na sa kanya na ako yun, AKO!" tapos tinulak ko siya.
"HUWAG! HUWAG MONG GAGAWIN YUN!" ayaw niyang bitawan yung braso ko.
"Ano yun? Lagi akong tago? Nakakapagod.."
"Hindi mo dapat gawin yun!"
"Bakit ba?!? Alisin mo nga yang kamay mo!"
"Hindi ka ba nagiisip?
Kapag sinabi mong ikaw yun, tingin mo anong magiging reaksiyon nila? Si Bryan, maguguluhan lang siya. Si Neriah, kaibigan ka niya. May gusto siya kay Bryan 'di ba? Gugulo lahat.." tapos huminto siya sa sobrang dami ng sinabi niya...
Nagisip
din naman ako. Tama siya. Ano bang iniisip ko? Sarili ko lang?
"You know what, you're right."
"Alin doon sa mga sinabi ko?"
Napangiti naman ako. Pero hindi masyado kasi nagtatalo na yung emosyon ko.
"Nakakainis ka naman eh! Seryoso yung tao.." naglakad na ako nun. Hindi pa rin niya binibitawan yung braso ko. Pabalik na sana ako sa Day Care..
"Kristen.."
"Yung braso ko pwede na ba?"
"Hindi pwede..."
Sumunod na lang na alam ko, hinila niya ako ng malakas. Hindi sana ako papayag, kaya lang hindi ko na kaya... ang hirap na magpigil kapag gusto mong umiyak.
"Ilabas mo lang... hahayaan lang kita.." tapos nun.. yumakap siya ng mahigpit
***33***
Nahirapan na talaga akong magpigil nun. Siguro ganun ako, kapag may sasandalan o kaya may malalabasan ng sama ng loob, kusa na lang talaga akong naiiyak. Eto nga yung pinakaayaw ko sa lahat, ang umiyak sa isang tao. Gusto ko, hindi ko kilala. Gusto ko, hindi rin ako makikilala. E ano yung ngayon?
Pinunasan ko yung luha ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nakatayo doon. Ayaw akong bitawan eh, sumasakit na nga yung binti ko.
Daanin ko na nga lang sa biro.
"Ikaw ha, bakit mabait ka? Ngayon lang..wag masyadong seryosohin..."
Inabot na naman niya yung panyo niya sa akin. Puti na naman. Pansin ko lang, puti lagi yung panyo niya.
"Mabait naman talaga ako eh, 'di mo lang alam." tapos tinignan niya yung panyo niya na hindi ko pa kinukuha, "Kunin mo kaya, wag mo lang sisingahan ha?"
"Ang sama nito!" tapos kinuha ko rin naman, "Thanks."
"Binibiro lang kita... 'di kasi ako sanay na ganyan ka.." sabi niya nung naglakad na kami.
Bumalik na kami sa Day Care nun. Kahit papaano, nalimutan ko rin naman si Neriah at Bryan. Si Xander kasi, ang hilig magpatawa. Nabasa pa nga siya doon sa gripo nung pinaliliguan niya yung isang bata.
Nung hapon naman na, dumating na yung ibang parents nung mga bata. Pakontikonti naman na naubos sila.
Pinakanakakatawa eh yung dumating yung nanay nung baby na hindi mapalitan ni Xander ng diaper. Tinignan nga siya na para bang nagtataka.
"Napakaunusual
po ng anak niyo. Be proud. Napamahal na po ako sa kanya sa loob ng isang araw..." tapos lumingon sa akin habang nakatawa, tapos kumindat. "I love his diapers... really."
Sabaysabay
kaming nagbye.
Laking pasasalamat namin nung hindi talaga dumating si Ms. Makman. Sa sobrang pagod ko na rin siguro, ayoko na siyang ideal pa. Papauwi na sana kami nun. Nagugutom na rin ako. Nagpaalam na kami doon sa dalawa naming nakasama.
Syempre, sino na naman ba ang bubuntot sa akin?
Hinatid naman ako ni Xander pauwi ng bahay. Ayaw na naman niyang pumasok, kaya pinipilit ko pa.
Kadalasan kasi tuwing pumupunta siya ng bahay, hindi tumutuloy sa loob. Bilang pa lang yung times na pumasok siya. Ilan pa dun, yung ako lang at si Angelo ang nasa bahay.
Dahil nga kinukulit ko siya sa labas, narinig yata kami ni Kuya. Lumabas kasi sinuot yung tsinelas niya.
"Aba, magkasama na naman kayo? Ayos na LQ niyo?"
"Haha, Kuya, natatawa ako. As in, sobra..." sarcastic naman pagkakasabi ko.
"Bakit hindi kayo sa loob?"
"Ok na dito..." sabi ni Xander na para bang nahihiya pa rin kay Kuya.
"Pasensya na kahapon, hindi ako nakapagpakilala ng maayos. Ken Andreii.. " tapos nakipagkamay siya...
"Lee Xander.."
"Yeah, parehas 'K' ang first name namin. Si Angelo lang naiba. Sabi kasi ni Mama nung pinanganak siya, 'he is like an angel from heaven..'"
Tinawanan naman nila ako parehas. Ang galing ko yatang impersonator ni mama.
"Oh Kristen, pasok ka na sa loob.." tapos tinaas ko yung kilay ko.
"Kayo?"
Umakbay naman si Kuya kay Xander. Akbay lalaki.
"Ayos na kami ni Lee dito sa labas. Ayos lang ba na Lee?" tumingin siya.. tumango lang si Xander. Kakaiba si
Kuya... parang masama ang kalalabasan nito..
Hindi pa sana ako papayag, kaya lang kahit ano namang gawin ko tiyak hindi ko rin naman mapipigilan si
Kuya. Pumasok na ako sa loob. Binalalaan ko lang si Xander na magingat kay Kuya kasi nangangain yun ng tao. "Ahh.. sige."
"Ayos na kami dito.. guy stuff Kristen. Get lost."
"Fine."
Ang alam ko lang, nandun sila sa upuan malapit sa gate namin. Nasa kwarto na ako nun, pasilipsilip lang sa bintana kung umuwi na ba si Xander o hindi. Ilang beses kong ginawa yun, at ilang beses ko ring nakitang tumatawa si Xander at ang Kuya ko. Nakakakilabot na senaryo. Nakita ko pa ngang may hawak na gitara si
Kuya. Tapos mamaya si Xander. How I wish huwag silang maging close.
Close na nga sila ni Angelo, pati ba naman savior ko?
Oras din yata binilang ko. Bandang 9 na ng gabi, may bumabato na sa bintana ko.
"Sino namang matino yun?" tumingin ako sa baba, si Xander at Kuya eh nagtuturuan.
"Hindi ako yun..."
Umiiling lang si Xander. Tingin ko naman talaga si Kuya yun.
"Ingat sa paguwi.
Hinarass ka lang ni Kuya."
"Ok lang.. good night."
"Kristen, huwag ka ng mahiya.. flying kiss nga!"
Nagwave
lang si Xander nun.. tapos ginulo ni Kuya yung buhok niya... and off he go.
Sana lang.. hindi kababalaghan yung pinagusapan nila. ***
Monday. 6:30 am.
Naglalakad na naman ako sa crowded na corridor ng Edison High. Another week. Sana naman magandaganda.
Dumaan ako sa Bulletin Board. Panay sport announcement lang.
"Nasa sports club ka rin?" lumingon ako doon sa kasabay ko na nakatingin din. Kilala ko 'to ah.
"Hindi. Curious lang. Staffer kasi eh.."
"Narinig ko nga." sabi niya na seryoso yung mukha tapos medyo ngumiti, "May rumour na naexpel ka raw. Sa nakikita ko, mukhang hindi."
"So far, hindi naman. Akala ko rin eh. Nakuhanan pala kami ng picture nung... oh well never mind. Mabuti na lang talaga detention na lang yung parusa ko kasama si Xander.."
"Talaga? Hindi naman pala masama. Kasama mo boyfriend mo..."
"Hindi"
"And speaking.." tapos lumayo na siya sa akin.. "Sige una na ko.. see ya' around Kristen!"
Tumakbo naman na siya nun. Ano ba yan. Lagi na lang ba siyang busy?
At syempre, yung binanggit niya.. dumating nga.
"Oi, good morning!"
"Maganda pa naman, so far. Huwag mo lang sirain ah?!?" sabi ko sa kanya tapos tinignan ko siya up and down.
"Kausap mo yun?" tapos tinuro niya yung babae na kausap ko.
"Oo bakit? Kilala mo siya?" tinanong ko nung naglakad na kami. "Nalimutan ko na namang itanong yung pangalan.." "Syempre kilala ko yun. Si Lyka. Nasa cheering siya dati.. volleyball naman ngayon."
"Asus, kilala mo nga. Sabihin mo, crush mo lang siya!" ay Kristen, pasimple pa. Parang nagtanong ka na rin.
"Hindi no! Walang taluhan. Kaibigan lang yun!" sabi niya na tumatawa pa..
"Pinsan yun ni Bryan..." HA?
***34***
Nagulat talaga ako kay Xander nung sinabi niyang pinsan yun ni Bryan. Ano na naman ba 'to.. biro?
"Hay naku, joke na naman yan noh?" sabi ko sa kanya nung kasabay ko na siyang maglakad.
"Hindi no. Tanungin mo pa si Bryan... kailan ba ako nagbiro sa 'yo?"
Tinaas ko naman yung kilay ko. Kailan daw siya nagbiro? Arawaraw yata eh... baliw na yun!
Nakasalubong namin si Bryan. At dahil nga parang malakas na naman ang satellite niya, hawak na naman ang phone at nagpipipindot doon. Hindi nga kami napansin, kaya nga nung binati ni Xander, saka lang lumingon at ngumiti. Siniko pa nga ako ni Xander na itanong ko na raw yung gusto ko, pero dahil malakas ang loob ko... huwag na lang. Pagpasok na pagpasok namin sa room, yung usual na spirit. Magulo... at syempre.. maingay. Nagklase naman kami. Nakinig ako kahit papaano kaya hindi naman puro hangin ang laman ng utak ko. Kaya lang nung bandang 3rd period na after recess, hindi na talaga ako makapagconcentrate.
Yung katabi ko kasi, bukod sa hindi na nga nakikinig, pero hindi rin naman nagdadaldal, eh nailang ako. Paano ba naman eh panay ang drawing! Inagaw ko na naman yung papel niya, at seryoso ba namang kinukuha uli sa akin.
"Kristen, akin na.."
"Ayoko nga, bakit ba ang hilig mong magdrawing.
Ayos na sana eh, huwag naman ako tsong!" tapos tinignan ko naman ng todotodo.
Medyo malakas yata yung pagkakasabi ko, kaya tumingin yung teacher namin sa likuran. Hindi pa rin ako nagsasalita nun. Hawak ko pa rin yung drawing niya.
"Anong problema diyan sa likod?" sabi nung teacher namin.
"Wwala
po Mam, sige po.. tuloy niyo lang."
Tinuloy naman na nung teacher namin yung discussion. Hindi na lang niya kami pinansin. Nasanay na siguro sa amin. Ako naman eh hindi pa rin nagsasalita nun, kaya natauhan ako nung inagaw niya yung drawing sa akin. "Bigay mo na nga sa akin, nakita mo na..."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ano bang tamang word? WOW? Ang galing kasi eh. Side view yung drawing niya, closeup.
It's awesome.
"Err... makinig ka kasi!!" sabi ko na lang, tapos tumingin na ako uli sa harapan. Hindi ko rin mapigilan yung sarili ko kaya sinabi kong... "You're good."
Tinignan ko lang siya saglit, tapos ngumiti. Hinawakan niya ako sa chin, tapos hinarap niya yung mukha ko sa harapan uli.
"Makinig ka na..."
Nakinig naman na kami parehas hanggang sa natapos yung morning classes. Nung nagalarm na, kanyakanyang labas na ng room. Papauwi pa lang sana ako eh nakita kong may nagpopost sa Bulletin. Bagong announcement siguro.
Binasa ko naman:
Edison High Students,
We are all inviting you to come and support the school band selection winner, wwwdotcom on their performance on the 27th, at 6:00 p.m. at the Convention Center. They will compete...[/i] (blah..blah.. dami na namang sinabi).. Admission is P35.00. (Kurakot na naman dito! May bayad pa yun?)
See you on the big event! Good luck to our school band from our 4th year sections 1 and 2!
Edison High staff
Lalaban na pala sila sa 27. Matagaltagal pa naman. By the end of the month pa. Sobrang aga naman ng announcement. Dahil ang dami pa ring nagkalat sa pinakahallway dahil sa uwian, nacurious din sila sa binabasa ko. Yung iba, tumabi sa akin. Pinilit ko namang umalis dun kasi ang init at nakita ko naman na yun.
'May meeting pala Math Club..' sabi nung iba na nagbabasa doon sa Bulletin. Kung anuanong comment syempre ang meron. Isa pa nga doon eh... 'Laban pala ng wwwdotcom sa 27, nood tayo! Yung band selection, inaanounce ni Xander na girlfriend daw niya yung staffer, Kirsten ba yun?'
Binatukan naman siya nung isa at sinabing Kristen nga daw. Pumunta na ako sa likuran at baka kung ano pang marinig ko, ayokong mabadtrip.
Hindi naman ako kilala ng lahat. At ang inaasahan mo nga..
'Sabi nga nila dapat expelled na daw yun eh, kaya lang hindi daw natuloy. Alam mo na, kinausap niya siguro si Lee para sabihin sa lolo niya na ayusin.'
Yung iba nga nagcomment pa ng: 'Syempre GIRLFRIEND! Baka troublemaker sa dati niyang school kaya lumipat dito..'
Pigilan niyo ko! Kaya mo yan Kristen..
Uuwi na lang ako. Tama. Hindi naman dapat magpaapekto.
Pakialam ko ba sa kanila? Hindi naman talaga ako girlfriend ni Xander in the first place.
Papalakad na sana ako nun malapit sa gate. Hindi ko na lang talaga papansinin yung mga nasa harapan ng
Bulletin. Kaya lang.. may humawak na naman sa kamay ko. Hinihila ko yung kamay ko, kaya lang lalong hinigpitan yung hawak.
Dahil ayokong mapansin na nung mga nandun, hininaan ko na lang yung pagkakasabi ko.
"Hoy ano ba! Kamay ko nga.."
Pero hindi siya nakatingin sa akin. Doon sa mga nasa Bulletin.
"Hey.."
"Hi Lee!" sabi pa nung iba na todo ngiti pa. Si Xander naman, hindi nakangiti. Siniseryoso yata ang mga bagaybagay nitong mga huling araw. Tinatanggal ko pa rin yung kamay niya, ayaw talaga.
"Huwag kang nagsasalita ng kung anuano tungkol sa kanya.." sabi niya tapos nashock yata lahat. Tumahimik kasi. Hindi ko na lang tinignan.
Hindi talaga ako tumingin ng diretso. Busy ako doon sa kamay ko. Balak ko nga sana kagatin yung kamay niya, kaya lang umakbay sa akin. Napatingin na lang ako sa kanila.
"Hi!" ano ba naman yan! Walang kwenta... tumingin tuloy sila sa akin.
Nagulat din ako kay Xander. Sinabi ba namang...
"Dahil kahit anong sabihin niyo..." hinigpitan niya yung pagkakakbay kaya napalapit ako...
"Mahal ko yan..." nakakatawa! nice joke Xander!
***35***
Nakakahiya talaga yung itsura ko nun. Hindi ko alam kung paano magrereact.
Pineke ko na lang yung tawa ko.
"Ang galing no! Nakakatawa!" tapos tinapik ko si Xander, "Ikaw talaga Xander yung mga biro mo.." humarap ako doon sa mga babae, napansin kong ako lang yung tumatawa. Tumigil na rin ako.
Pagkatapos nun, hinila na niya ako hanggang sa nakarating sa gate. Ang higpit talaga niyang humawak, hirap tanggalin eh!
"Pwede naman na siguro yung kamay ko di ba?"
Binitawan naman niya. Tapos tumawa ng kaunti.
"Nakita mo mukha nila?"
"Oo kitangkita ko! Kung magbibiro ka nga lang ng ganun, huwag mo na akong isama sa kalokohan mo.
Mapapahamak pa ako niyan.."
"Tingin mo nagbibiro ako kanina?"
"Oo. As always.."
Hindi na lang niya ako pinansin. Ang laki ng problema eh noh?!
Nagpara
naman ako ng jeep. Nung pasakay na ako, sumabay na naman sa akin.
"San ka pupunta?" sabi ko nung nakasakay na kami.
"Malamang kakain ako.."
"Saan?"
"Sa... sa inyo!"
Ang kapal ng mukha nito? Papakainin pa namin ngayon? Tinutulak ko nga uli pababa eh, ayaw. Lagi na lang ganun nangyayari, kahit anong gawin ko.. hindi ko talaga siya mapipilit. Basta naisipan niya.. yun na yun.
Nung umandar na yung jeep, ako naman ang nagbayad nung pamasahe. Isangdaan kasi yung pera ni Xander, wala daw barya yung driver.
Parehas kaming tahimik, kaya ako naman napaisip din. Imposible namang mangyari yun? Ano bang pinagiisip ko? Biro nga 'di ba? Si Xander yan. Sa range na 110 at 10 ang pinakamataas, 8 nun biro.. 2 lang yung seryoso.
Siya may gusto sa akin? Definitely not.
Pagdating namin doon sa bahay, si Kuya naman ang nagbukas ng pinto ngayon. Dati kasi si Angelo eh.
Nagtapikan pa sila ni Xander sa mga balikat nila.. mga feeling close.
"Buti dumating ka.." sabi ni Kuya kay Xander.
"Ayaw nga niya eh.." tapos tinuro ako. Invited siya? Hay naku.. meron pa ba akong hindi alam na ampon lang pala ako at si Xander na ang anak nila Mama dito?
Bigla namang may lumabas sa kwarto. Si Papa. Nandito siya ngayon? Aba.. kumpleto kami ngayon. May dagdag nga lang.
"Magandang tanghali po..." sabi ni Xander kay Papa.
"Oh, magandang tanghali din." yung itsura ni Papa parang nagtataka.
"Lee Xander po."
Tumingin si Papa sa akin. Kaya sinabi kong mabilis...
"Classmate ko Papa."
Iba naman yung reaction niya. Tumawa ba naman.
"Kuya Lee.."
Naalala pa rin niya yun? Naman! Si Angelo kasi eh. Yun yung time na nadulas ako eh. Sana naman walang iniisip si Papa ngayon.
"Oh, tara na kayo.. kain na."
Nakita kong hawak ni Kuya yung bag ni Xander. May tinitignan yata. Mukhang tuwangtuwa pa sa nakikita niya. Ano namang nakakatuwa sa makalat na bag ni Xander?
Umupo na kami. Pananiman naman yung upuan kaya sakto lang sa aming lahat. Pinagpasapasahan yung kanin.. ulam.. saka kung anuano.
Sabaysabay
kumain. Naguusapusap kahit papaano. Nagkwento lang si Angelo tungkol sa kalaro niya sa school.. kaya BORING! Si Kuya naman, about college life daw niya. Si Mama, wala lang. Si Papa, walang masyadong kinuwento. Pero kinagulat ko eh..
"Kristen, ikaw naman magkwento tungkol sa school mo.." tapos napatingin ako sa kanya..
"Ha? Wala... ok lang." sabi ko dahil wala naman akong sasabihin.
"Wala daw!"
"Shut up Angelo, baka nakakalimutan mo may hawak akong tinidor.."
"Kristen kumakain!"
"MA?!?"
Napansin kong dumila si Angelo. Alam ko namang si Papa eh may dinadala lang yan na topic, in case siguro na matipuhan kong magkwento tungkol sa amin ni Xander. Wala naman talaga.
Nagpahinga kami pareparehas dahil busog na kami. Ang sarap ng luto ni Mama. Pinuri nga ni Xander eh.
Nalaman ko na rin kung bakit inimbita ni Kuya si Xander. Yung mga cd pala na hinihiram niya. Akala ko naman kung ano.
Nagpaalam na kami kina Mama. Si Angelo, 1:30 pa yung pasok dahil wala daw yung teacher niya. Kasabay ko na si Xander lumabas. Hinabol ko pa si Angelo sa hagdan namin bago kami umalis. Tawa lang ng tawa si xander sa amin.
"Pagpasensyahan mo na yung pamilya namin.. ganyan talaga kami kagulo."
Nakakahiya naman kasi. Tumingin siya sa akin. Tumawa.
"Nah, it's alright. Nakakatuwa nga kayo eh. Nice family.." sabi niya kaya tumingin ako.
Napaisip naman ako lalo nung dinagdag niya uli..
"Hindi yun biro..." sabi niya pero hindi nakatingin sa akin..
"Dalawang 'di biro na yung nasabi ko sa araw na ito.." ha?
***36***
Nahanginan yata utak ko eh. Ang gulo ni Xander. Napapagisip ako. Hindi kaya sinabihan niya ako na mahal niya ako kanina pero biro lang yun which is his way para pagselosin ang sino man doon sa girls kanina sa bulletin tapos ginagamit niya ako... na nagpatanto kong evil enough.. which leads to Margaret the sumo wrestler na kinakapatid ni Bryan.. na nagiisip na si Neriah ay ako! I get it!!!
Maliwanag na ang lahat.
Di kaya may gusto si Xander kay Kuya Ken?
Hay buhay! Parang life! Masyadong magulo...
"Hold it right there! Di ka naman bading siguro?" sabi ko nung tumigil ako sa paglalakad, kakaiba na expression ng mukha niya...
"HA? Ako bading?" tinuro niya yung sarili niya, "Hindi noh! Ang chaka mo! Loka ka!" nakangiti naman ako medyo nun, tapos nagseryoso na naman siya, "Hindi ako bading ok?"
"Ok fine. Ang weird mo kasi ngayon eh. Wala ka naman sigurong lagnat no?" tapos hinawakan ko siya sa noo niya. "Wala.." hinawakan niya yung kamay ko para alisin, "Bakit ba ang bagal ng pickup mo?" Insulto ba yun?
Tinignan ko nga ng masama. Tinawanan ba naman ako. Kaya ayun.. ginulo yung buhok ko.
Sumakay na kami at pumasok sa school. Ang alam ko, nakinig naman ako. Sumali ako sa dodgeball sa PE class namin, at syempre... binato ko si Xander. Binabato rin naman niya ako, pero sinabi niya sa ibang kasama namin: 'Ei guys, huwag niyong lakasan yung bato niyo.. may girls tayo.' natuwa naman kami sa kanya.. bait ah! Nagkaroon ng meeting ang staffers nung hapon na yun. Dahil after class, 7 p.m. na yata kami natapos. Ang daming sinabi sa amin na dapat daw eh iimprove daw namin yung writing habits namin. Umuwi ako nun na pagod na pagod na. Ang dami ko pa man ding homeworks.
Hindi na ako nakakain ng hapunan nun. Dumeretso ako kaagad sa taas, nagmunimuni at pumasok sa kwarto ko. Nakauniform pa nga ako nun eh. Humiga ako sa kama ko. Mayamaya lang.. KNOCKOUT ang beauty ko.
***
Ang sama ng panaginip ko. Kaya ayun, nahulog tuloy ako sa kama. Ang dilim pa. Anong oras na ba?
Tinignan ko yung alarm clock ko. Hello? 4:30 pa lang! Sobrang aga pa.
Tumayo ako nun sa sahig. Saktong napatingin ako doon sa salamin. Hay Kristen, ang ganda mo! Hindi ka nagpalit ng damit.
Humiga ako uli sa kama. Pinilit kong makatulog uli. Pero kung anuanong pumapasok sa utak ko. Ayaw mag shutdown. Ok! Alright! Magready na ako!
Napatayo naman ako ng deoras.
Ang agaaga kong nakaligo at nagbihis. Siguro nga mag6:
00 pa lang eh tapos na akong kumain. Binuksan ko yung TV, walang kwenta yung palabas. Papasok na nga lang ako kahit maaga pa. Nagiwan lang ako ng note sa fridge. Kaya ayun, umalis na ako kaagad.
Ang dilim sobra. Kung ang araw eh hindi pa gising, bakit ako kailangan na? Kulang pa ako sa tulog... pero hindi naman ako makatulog! Kainis na yan. Nagpara ako ng jeep, tapos tumayo doon. Sinabihan pa nga ako ng driver ng: 'Ano Miss? Sasakay ka ba o tatayo ka lang dyan?' sungit nito! Excuse me? I'm a paying passenger!
Dahil hindi pa rush hour, siguro mga 5 minutes, or less, nakarating na ako sa school. Saka ko naalala yung homework ko! AAAAAAHHHH! Hindi ko pa nagagawa! Ang dami nun! First subject pa naman!
Nagmadali akong pumasok sa school. Binati ko lang si Manong guard. Dahil sarado pa yung room namin, nagstay ako sa upuan sa bench namin sa garden. Nilabas ko yung notebook ko at yung libro ko sa Physics. Study of heat, thermodynamics.. ayun! chapter 12. Multiply mass to the specific heat, then to the change of temperature... I can't do it! This is hopeless!
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito yung lesson na kadaldalan ko si Xander kaya hindi ko alam. Hihintayin ko na lang sigurong dumating si Neriah.. tama. mangongopya na lang ako. Mabait naman yun! Nablackout na ako.
KRINGGGGGGG!!!
Alarm clock? Nasaan na ba yun?
Pagdilat ko ng mata ko, ang liwanag na. Nasa school na nga pala ako. Baka naman first bell pa lang yun kaya hindi pa time. Pero malabo eh, pumapasok na sila sa mga room nila.
Tumakbo na ako nun sa classroom. Magkakareferral ako tiyak. Late na ako. Wala pa akong homework! Ang sayang araw nito. Pagdating ko doon, late na nga ako.
"Good Morning Mam." sabi ko nung nasa pintuan ako.
"2nd time na late ka sa klase ko Ms. Gutierrez. Keep it up para magkareferral ka. Notebook?"
Naman! Wala akong homework. Mapapahiya na naman ako.
"Mam kasi" ano bang sasabihin ko?
"Just give me your notebook!"
Binigay ko naman. Yumuko na lang ako at nagsign ako kay Neriah na wala nga akong homework. Nahalata rin siguro nung iba kong classmates yung sinabi ko, kasi medyo tumawa sila sa akin. Yung teacher ko naman, binuksan yung notebook ko. Isang napakalaking ZERO na naman ang makukuha ko.
"Ok, full marks. Sit down."
"Whoa! Full marks?"
Paano nangyari yun?
Habang papalakad ako nun sa likuran, tinignan ko yung notebook ko. Yeah, meron nga akong homework.
Nagawa ko nga ba nung tulog ako?
Todo ngiti na naman ako nun. Sino kayang gumawa nito? Ang bait naman.
Ginanahan akong makinig nun. Syempre naman.. nakaperfect score ka ng walang kahiraphirap!
Sa di ko malamang dahilan, nakangiti si Xander sa tabi ko.
"Anong score mo kanina?"
"Negative 1."
"Hindi nga?"
"Oo nga!"
Inagaw ko nga yung notebook niya. Nakabukas naman doon sa desk niya. Pagtingin ko..
"Pahumble
ka pa perfect rin naman nakuha mo!"
'wwwdotcom members, please report to the Music Room..'
Nagtayuan yung tatlo sa mga classmate ko. Kasama si Xander.
"Anong meron?"
"Practice." kinuha niya yung bag niya..
"Sus! Karirin daw ba?"
Papaalis na sana siya nun.. kaya lang may pahabol pa.
"Kristen, do me a favor.."
"Ano naman yun?"
"Kung matutulog ka lang din.."
"Huwag sa garden..."
***37***
Gumana na naman ang malamachinery kong utak. Sinabihan niya ako na huwag matulog sa garden, ibig sabihin ba nun eh siya yung gumawa ng homework ko? Aba... concern?
"Ikaw gumawa ng.. homework ko?" tanong ko sa kanya kaya tumigil na naman siya. Mapapatagal na naman ang paglabas niya ng room.
"Theoretically.. yeah." sabi niya sa akin...
"Sweet!" nakangiti pa ako nun nung nadulas kong sinabi kaya tinakpan ko yung bibig ko. Eto ka na naman
KC.. padalusdalos.
Ngumiti rin si Xander nun.
"Alam ko.." ang kapal talaga ng muka nito!
"Excuse me?!?" sabi ko na may pahalong palusot pa, "Hindi yun ang ibig sabihin ko. You're... Rong!!" asus, pansinin ang spelling.. "with a capital letter 'R' "
Nyekz. Sweet daw! *Ehem*... nasamid lang ako nun. Tinawanan naman niya ako, tapos naglean doon sa desk.
Sabay sabing..
"Nasabi mo na, walang bawian.." then, lumakad na siya papalabas ng classroom.
Naniwala? Dapat hindi. Pero.. ok.. fine.. that's so nice of him. Gawin daw ba ang homework ko? To think na kadaldalan ko siya nun.. nasagutan niya? Hmmm... Xander's really something, ain't it?
*Ehem*.. pasalamat na lang ako sa isip lang lahat 'to. May sakit yata ako ngayon.
"Miss Gutierrez!" sabi nung teacher namin na sinigawan pa ako..
"Yes Mam present!" tinuro ko pa yung sarili ko, "I'm here!" with matching smile pa yan.
Nagtawanan naman yung mga classmates ko. What's so funny?
"Ok class, magandang example para sa mga hindi nagpapay attention. Miss Gutierrez, sa pagkakaalam ko tatlong beses na kitang tinawag para sagutan yung number 5 sa board."
Nyikes! May sasagutan pala. Akala ko pa naman attendance. Sabagay, hindi naman masyadong nakakahiya kasi comedy naman ang naging dating.
Pagkatapos ng ilang klase, lumabas na kami para sa lunch break. Nagtext ako kay Mama na hindi ako uuwi kasi niyaya ako ni Neriah na sa school na lang daw kami kumain. Minsan lang naman yun kaya pumayag na ako. Naglalakad pa lang kami sa cafeteria nung sinabi ni Neriah na..
"Ok yung attendance incident ah.. nakakatuwa talaga expression ng mukha mo nun.." sabi niya habang may hinahanap sa bag niya.. phone pala.
"Malay ko ba, hindi ako nakikinig nun eh..." bumagal naman kaming maglakad kasi nagtetext siya, "Sinong katext mo?" "Bryan.." dapat pala hindi na ako nagtanong. Eh kasing dali lang ng sagot sa panggrade
1 na test.
"Oh.." sabi ko naman. "Pahiram ng phone.."
Nakarating din naman kami sa cafeteria. Naupo lang kami daglit dahil marami pang bumibili at ayaw naman naming pumila kapag maraming tao. Nakialam naman ako ng inbox ni Neriah..
Bryan.. Bryan uli, isa pang Bryan, another one from Bryan, hanggang sa scroll down na ako ng scroll down eh
Bryan pa rin. Finally sa pinakadulo eh may unknown number +63927*******.. kaya yun ang binasa ko. At least, merong hindi Bryan. Mas interesting.
'Hi Neriah, Bryan 'to. [ ] Nakitext lang ako, naiwan ko kasi phone ko..'
It's not actually Bryan isn't it?
"Panay si Bryan 'to ah.." sabi ko naman kaya sinoli ko na lang yung phone. Bigla yatang sumakit yung mata ko pati na rin yung daliri ko.
"Oo.. textmates." obvious ba? Textmate nga Kristen! "All summer.."
"Ahh.. tara kain na tayo."
Tumayo na kami nun at bumili. Kinuha ko yung twopiece chicken, may spaghetti, french fries, corn dogs with matching Doritos fun snack, chocolate pudding, saka tubig lang yung binili ko. On diet kasi ako eh.
Masama lang talaga ang lagay ko kaya marami na naman ang kakainin ko.
"Hindi ka naman gutom niyan?"
"Hindi naman.. medyo lang."
Kinain ko talaga yun. Actually, hindi ko naman naubos lahat. Nabusog kasi ako. Yung tubig kalahatilang ng mineral water yung nainom ko. Si Neriah, pinanood pa nga ako nun na akala ko nasa zoo siya.
Half past 12 na kami umalis doon. 30 minutes pa bago ang time. Sinabi niya na maglibot daw muna kami para daw bumaba yung kinain namin.
Nakasalubong namin si Jason, yung cute na sophomore. Nasa Visual Arts yata siya kasi gifted sa paggawa ng painting.. so ayun.. hindi kami close at hindi rin niya ako siguro kilala. Nung lumagpas na siya sa amin ni
Neriah, saka kami nagtatatalong dalawa. Sinundan pa namin ng tingin hanggang sa lumiko. Pasadongpasado na siyang crush factor, yun nga lang hindi ako child abuse. Isa pa, mas matangkad yata ako sa kanya.
Kakalakad namin, nadala kami ng paa namin sa Music Room. May narinig kasi kami tugtog.. kaya nacurious kami. "Baka dito yung practice nila Lee!"
Naalala ko naman yung intercom kanina, sa Music Room nga yun.
Medyo bukas naman yung pintuan nun. Ilanilan lang yung nandun sa loob kasama syempre ng mga instruments (Malamang!). At nakatayo doon sa gitna..
"Dali na ulit na nga uli. Tawa kayo ng tawa.." sabi niya habang nakatingin sa likod.
"Ikaw nga yung kanina pa tawa ng tawa kaya hindi mo mabuo eh.."
"O sige, serious na ko. Game na talaga.."
Nandun kami ni Neriah na pasilipsilip sa labas. Ayaw pa naming pumasok at gusto naming panoorin doon.
May hawak na gitara si Xander ngayon, nung selection kasi wala. Saglit lang.. tumugtog na sila.
"Umiiyak ka na naman
Langya talaga , wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa"
Wow.. Halaga? Seryoso pang kumanta si Xander. Mapangasar talaga yan.. although.. he's kinda' cute.
Well Kristen... you think?
"Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman"
Hawak niya yung mic sa stand. Matangkad din siya.. lean body..
Really Kristen? Sinabi ko ba talaga yun?
"Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka "
Siniko pa ako ni Neriah. May ibig sabihin pa yung tingin niya. Sumakit yung tagiliran ko, ang lakas nun!
"Sa libulibong pagkakataon na tayoy nagkasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya.."
Not so bad hair, one in a million smile..
"Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga"
Pagkatapos nung chorus.. wait just a freakin' second..
Kumindat siya sa direksiyon namin? Alam niya nandito kami?
Tinignan ko si Neriah. Nakayuko siya at inaayos yung necktie niya. I think it's me..
Yung facial expression niya? Totally cool..
Teka nga lang... kailangan ko ng thermometer.. malaking bato... o kaya naman timba na malamig na tubig..
What the heck is happening to me?
***38***
Napaatras naman ako nung kumindat siya. Humawak nga ako doon sa pinto eh. Ano ba naman yan.. malaki siguro ang problema ko ngayong araw na ito. Si Neriah naman eh nakatingin sa akin na para bang nagtataka.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya sa akin kasi sumandal na ako. Hindi ko na nakikita sila Xander sa loob, naririnig na lang.
"Wala... ano.. may naalala lang.."
Si Neriah naman eh nandun pa rin sa pinto at nanood. Nung natapos nga yung kanta, pumalakpak pa nga siya.
Napabilib din naman ako... ayos na ayos naman kasi.
Pumasok siya sa loob... at ako naman eh hindi pa. Kaya nga mayamaya lang.. "Ano, ok ba yung kanta ko?" sabi niya tapos naglean doon sa pintuan kaya parang cornered ako. Yumuko nga ako para makakawala ako. "Ok... sige pala.. una na ko.."
Parang gusto kong umiwas. Ngayong lang. Hirap tumingin sa kanya ng diretso ngayon ah. Pakiramdam ko, nanghihina tuhod ko.
"Anong problema?"
Naglakad na ako ng kaunti nun. Sumunod naman siya sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, kaya naman nung nakita ko si Jason na pumasok sa Visual Arts room, nagkaroon ako ng idea.
"Oh My God! Oh my God!" umarte naman ako na pinapaypayan ko yung sarili ko.
"Ano?" sabi niya kaya yung expression ng mukha eh nagtatanong.
"Ahh.. nakita ko siya! Hihimatayin na ako! WAAA!"
"Sino?"
"Si Jason! Ang cute talaga nun! Grabe! Buo na araw ko!!!"
Sana effective.. sana effective.
Kinagulat ko naman, todongiti rin siya.
"Really? That's great. Nakita mo siya.. ayaw mo nun. Ang swerteswerte mo naman..." tapos biglang nawala yung ngiti niya... "Who is he anyways?"
"HaHa..
katawa. Si Jason di mo kilala? Yung sophomore na magaling sa painting. Daming may crush dun eh.." "Crush mo?" nakatingin pa talaga siya sa akin nun..
"Ahh..ano.." crush ko ba yun? eksakto namang lumabas si Bryan kasunod si Neriah kaya nakatingin ako sa kanila.. "Think so.."
Nagsnap
naman si Xander sa harapan ko. Medyo nagulat ako.
"What?!?"
"Wala.."
Pagkatapos nun, naghintay lang kami ng alarm para sa time. Nagklase lang kami tapos uwian na rin. Ako naman dahil masakit yung likod ko, mabilis akong nakauwi. Pagtingin ko sa bag ko para gumawa ng homework.. may bato na naman.
XANDER!!!
***
Nagbiyahe
na uli si Kuya dahil sabi niya may pasok na raw siya. Hinawakan ko nga siya sa paa nun na parang bata kasi ayoko talaga siyang umalis, nagbibiro lang naman ako kaya tinawanan ako. Sabi niya sa akin, babalik daw siya kapag wala daw siyang pasok. Promise daw yun.
Dumating naman yung another Saturday nightmare.. detention. Maaga na naman akong ginising ni Mama dahil kailangan ko na daw magready.
Tinatamad pa ako nun, to think na second detention pa lang ito. Kaya lang naisip ko... may utang pa si Xander sa akin ah!
Katulad nung nakaraan, nakaupo na naman siya doon sa harap namin ng hindi ko alam. Nandun siya sa bato sa labas ng gate namin.
"Bakit ba hindi ka pumasok? Wala namang problema yun kinaMama." katatayo pa lang niya.
Hindi ko naman inaasahan yung sagot niya.
"Ayoko sanang pumasok.. kung kaya ko pa.."
"Huh?!? Bakit naman? Anong problema? May ginawa ba yung kapatid ko sa 'yo?"
"Hindi. You're family's awesome. Siguro nga baliw lang ako. It's just that, I never had a normal family.
Medyo.." sabi niya na mahina pa, "Oh well, huwag mo na lang akong pansinin.."
Ganun pala yun? Kaya pala ayaw niyang pumasok sa bahay namin tuwing maghahatid siya. Pumapasok din naman, hindi nga lang madalas. Dahil.. dahil nalulungkot siya?
Sumakay kami sa jeep, tinignan ko pa nga siya nun, seryoso na naman siya. Nagbayad siya ng pamasahe, as usual. Dahil walang traffic, dumating kami kaagad sa school.
Nakasalubong namin yung teacher sa guidance na may hawak na papers. Tinulungan nga namin magbuhat para pagood impression kami. Alam niyo na, baka naman bumaba pa ang parusa namin.
"Thank you.." sabi niya nung nakarating sa office, "Pero hindi ibig sabihin na hindi niyo na gagawin yung detention niyo.."
"Ahh. oo nga po eh.."
Lumapit na ako doon sa list. Si Xander naman eh nakaupo doon sa couch sa office at wala yatang balak kumilos. "Anong nakalagay?"
Binasa ko naman. Tamad na 'to! May tagabasa pa!
Pagtingin ko..
"Bldg. A & B restrooms.. and stairs.."
"What?!?" sabi niya na napatayo sa pagkakasandal niya, "I'm not doing it."
Nakapamewang pa ako nun at humarap sa kanya. Tinaas ko naman yung kilay ko.
"Sabi ko nga gagawin ko..." sinuklaysuklay pa niya yung buhok niya gamit yung kamay niya.. "Takot ko lang sa 'yo.."
"Dapat lang bee brain. May atraso ka pa sa akin.."
"Teka lang.. ngayon ba yun?" tapos hininaan niya yung pagkakasabi niya, narinig ko naman.. "Bakit ba kahit pasaway ang hirap pa ring tumanggi sa babaeng 'to?
"Anong sabi mo?"
"Wala sabi ko ang ganda mo.."
Napangiti naman ako..
"Ano? Ulitin mo nga?"
"Ayoko nga..."
Hindi ko napansin na nandun pa rin yung teacher at nakatingin sa amin.
"Kung maglalambingan kayong dalawa, saka na yan at baka wala kayong matapos.."
Tumingin naman ako sa kanya. Teacher ba ito o ano? Kung anuano ang nalalaman!
"Hindi naman.." kaya lang hinila na ako ni Xander papalabas ng office..
"O sige po Mam, aalis na po kami. Ang bait ko nga po sa kanya eh.. gagawin ko detention niya.."
"Monthsary po kasi namin eh...!"
***39***
Monthsary? Sus! San naman niya nakuha yun?!? Sa lahat ng lalaki na feeling, ito na yata ang nasa pinakamataas na ere.
Nasa labas na kami, unfortunately. Hinila niya kasi ako at ngayon eh on the way na sa Bldg. A and B.
Gusto ko sanang magtanong sa kanya tungkol doon sa sinabi niya, kaya lang naisip ko na makakabuti na 'wag na lang. Tiyak naman may masasabi na naman yang date kung kelan, which is totally useless dahil hindi naman talaga kami.
Nung nasa tapat na kami ng restroom ng Bldg. A, may mga gamit doon na kung anuanong panglinis. "Hindi naman pala masama eh, meron naman nito.." tapos tinaas niya yung bagong gloves..
"So.. magtrabaho ka na..." tumayo lang ako at sumandal doon sa pader, "Monthsary natin 'di ba? Magpakabait ka!!!" Kinuha naman niya yung malaking mop. Tinignan niya na para bang iniimbistigahan.
"Anong ginagawa mo?"
Tumingin siya pataas sa akin. Tinaas din niya yung mop.
"Now, how do you work this thing?"
"Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo alam?!?"
Tumawa naman. "Just kidding. Baka effective at tulungan mo ko.."
"You wish.."
Dahil nga napakabait kong tao, naupo ako doon sa hagdan at pinanood si Xander na maglinis. Sa katunayan, hindi naman madumingmadumi.
Kailangan lang sabunan yung sahig dahil doon sa mga dumi ng sapatos. May janitor naman kasi ang Edison kaya namamaintain naman ang kalinisan.
Natapos yata siyang magmop sa loob kaya sa labas naman siya at magscrub ng dingding.
Dahil may konsensya naman ako 'di gaya ng ibang tao, tumayo na ako para tumulong. Forget the whole 'flirt' thing na sinabi niya dati. Most of all, forget the whole 'monthsary' thing.
"Akin na nga, paikot lang 'di mo pa kaya. ANg bagalbagal mo talagang kumilos..."
"Paanong hindi eh hindi ko naman ito ginagawa sa bahay. Kung doon nga hindi ako naglilinis, sa school pa kaya?" "Dapat matuto ka.. ito lang eh ang dalidali nito." "Ginawa ko naman ah.. Tingnan mo, ang linislinis na nitong ginawa ko." tapos iniscrub na naman niya yung dingding sa tapat niya.
"Oo malinis na. Bakit hindi eh kanina mo pa iniisis that same exact spot for like 30 minutes already!"
"Exaggerated ka naman, 27 lang.. binilang ko."
Tumulong na nga ako. At syempre, leave it to the expert. Mabilis namang natapos. As in yung buong dingding eh ako yata yung gumawa. Except yung spot na iniisis ni Xander. Hanggang sa natapos kami yun pa rin yung nililinis niya. Ewan ko ba kung sinasadya niya.. pero seryoso niyang sinabi yung: '...feeling ko hindi pa rin malinis. Scrub ko pa kaya? Tingin mo Kristen?'
Argghhh! Can you imagine how can I keep up with this guy?
Masaya naman yung detention. Weird huh?!? Kailan ba naging masaya ang detention? Pero sa totoo lang, yun nga ang pakiramdam ko. Nilinis din namin yung Restroom sa Bldg. B.. pati yung stairs katulad nung sinabi sa listahan. Ang masama nga lang na nangyari, ilang beses akong nadulas kaya tinawanan ako ni Xander. Kaya nga nung turn naman niya na madulas, hindi niyo lang alam kung gaano kalakas ang tawa ko. At syempre, kakaiba na naman yung expression ng mukha niya. Parang bata.
Parehas na kaming basa. Paano kami uuwi nyan? Idagdag mo pa na yung spot eh... kinda' wrong. It's way.. down there on our behind.
"Hay naku, pakialam ba nila kung basa tayo? Ano, kain tayo?!"
"Ililibre mo ko?"
"Bakit ako na naman ang manlilibre? Pulubi ako!"
"Kunwari pa.. dali na.." naglakad na ako nun.. "Dun tayo sa favorite mo... sa bubuyog.."
"Sige na nga ililibre kita. Pasalamat ka may okasyon!"
Titigil sana ako para magisip.
Kaya lang... pumasok na naman yun sa isip ko. Never mind.
Pumunta kami sa Jollibee. Unlike nung unang punta namin dito na nagkabukol ako at siya naman eh nasampal ko.. maayos naman ang kinalabasan ng ngayon.
***
Yung Monday, Tuesday, at Wednesday ko eh wala nang mas busy pa. Dahil nga Thursday na yung laban nila
Xander, laging pinapatawag yung staffers. Dahil may detention pa ako na natitira, hindi ako pwedeng magsulat as punishment. Pwede raw akong tumulong sa mga kasamahan ko. In short, yung article tungkol doon sa event eh sa iba naassign.
At sino?
Margaret. How nice!
Badtrip talaga ako nung araw na iyon. Bukod sa masama na yung pinagsasabi niya sa akin dahil nga daw troublemaker ako at kulang pa daw yung detention, binangga pa ako sa hallway kaya nahulog yung mga daladala ko. Pinulot ko pa tuloy yun isaisa.
Sa positive side, may tumulong sa akin.
"Oh eto, loko talaga yang si Margaret.." sabi ni Lyka at inabot niya yung mga papel sa akin.
"Thanks."
Katatayo ko pa lang nun. Pakiramdam ko eh ang gulugulo ng mundo ko. Hindi pa kami nakakalayo eh may bulungbulungan na naman akong narinig, Kristen's a slut. Ang saya!
"Watch your mouth! Baka makalimutan kong babae ka!" nakita ko si Xander doon sa tapat ng babae.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Siguro nga, sobrang sama ng araw ko. Lahat yata ng kamalasan eh nagsamasama. Kasunod ko pa rin si Lyka nun. Kinalabit ko nun si Xander, at humarap siya sa akin.
I don't know what happened to me.. or what made me say it.. but I did.
"Alam mo Xander, everything's messed up. Mas makakabuti siguro kung bawiin mo na lang lahat ng sinabi mo. Itong pinagsasabi mo na 'tayo'.. eh panay kamalasan yung dala..."
Pagkatapos kong sinabi yun, parang lalong bumigat yung pakiramdam ko.
"What?!? Hindi kayo?"
Hindi naman siya pinansin ni Xander. Humarap siya sa akin. Seryoso na siya. Kakaibang kakaiba.
"If that's what you want.."
"Then I'll do it."
***40***
Nakatayo lang ako doon sa harap niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bigla ko na lang naramdaman na para bang iiyak ako, at weird yun para sa akin. Ang samasama talaga ng pakiramdam ko. Pinigilan ko lang yung sarili ko na huwag magcrack sa harapan ni Xander. Si Lyka naman, nakatayo pa rin doon at humawak sa akin. Sana lang 'di niya ginawa.
"A.. aalis na ko.." yun na lang ang namanage kong sabihin matapos kong sabihin yun kay Xander.
Nashock
yata yung mga nakakita sa amin. Naglakad na ako at wala ring sinabi si Xander. Kung tutuusin, ito yung gusto kong mangyari.. pero bakit mahirap isipin na parang... parang ang bigat sa pakiradam? Akala ko mas lalong makakagaan para sa akin.. hindi rin pala.
Umuwi ako nun na parang nanghihina. Hindi na nga ako makapagsalita ng maayos. Napansin din ni Mama, kasi nung si Angelo ang nagbukas ng pinto eh wala akong kareareksiyon.
Napakaunusual
kasi nun kasi active ako sa pangaasar sa kanya. Pero ngayon, wala talaga ako sa mood.
Ano bang nangyayari sa akin? Hindi niyo lang alam kung gaano kakaiba yung mga kilos ko ngayon. 'Never felt this way before... and I don't like it.
Pero kapag ganito ako, isa lang naman ang nakakapagpasaya sa akin. HIndi ko man sabihin sa kanya yung problema ko, makausap ko lang siya masaya na ko. Kinuha ko yung phone ko at nagdial ng number.
"Kuya, busy ka ba?" sabi ko nung sumagot na siya, "Kailangan ko lang ng kausap."
***
Thursday. Kailangan kong pumasok hindi dahil sa classes. Tiyak naman sa library o kaya sa auditorium na naman kami magspent ng buong araw dahil ngayon na yung laban ng wwwdotcom.
Ok naman na ako. Siguro mas mabuti lang kaysa kahapon. Nakatulong din kasi si Kuya, panay kasi ang pagpapatawa. Tinatanong niya ako kung may problema daw ba, pero syempre sinabi kong wala. Hindi naman niya ako kilala sa ganung bagay.
Pagpasok na pagpasok ko sa school, medyo tanghali na rin dahil ok lang malate, maingay na kaagad sa corridor. Narinig ko yung iba na naguusap sa contest mamaya.. at kung gaano sila kaexcited.
Ako naman, ibangiba yung pakiramdam kaysa sa kanila.
Sana huminto na kang yung mundo at huwag na sanang dumating yung mamaya. Parang... natatakot ako na hindi ko maintindihan.
Pero dahil si Kristen ako.. kaya ko yan! Kakayanin...
Hindi na ako dumaan sa room, sakaling nandun man si Xander eh ayoko naman siyang makita. I doubt naman na nandun siya, dahil tiyak eh nagpractice sila o kaya naman nagpapahinga. Iniwasan ko nga rin yung Music
Room, pero wala naman akong narinig na Music kaya tiyak eh wala nga sila doon.
Pagdating ko sa library, nagdiscuss na naman. Helper nga lang ako... kay Margaret pa. Pakitangtao kami doon sa teacher na nagbabantay sa amin, pero sa totoo lang eh pwede na naming sakalin ang isa't isa. Wala pa rin yung full interest ko sa mga bagaybagay, kaya nga nung dumating si Neriah at kinausap ako eh alam niya na wala ako sa sarili ko.
"Ok ka lang ba? Kakaiba ka yata ngayon.."
"Ayos lang.. medyo pagod."
"Mukha nga eh.. nakatulog ka ba ng maayos?"
Nakatulog ng maayos? Eh kung sabihin ko kayang hindi? Hindi naman talaga.
Nauna kami sa convention nun. Konti pa lang yung tao at nakareserve na kami ng magandang seats dahil kailangan namin ng magandang view para sa details ng report. Yung ibang kasamahan ko nga, tinatanong ako kung ano daw ba sa tingin ko yung lugar, panay Oo at Hindi lang yung sagot ko kaya iniisip nila na talagang wala ako sa sarili ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit nandito pa ako. Kung tutuusin, mas gusto kong nasa bahay na lang ako maghapon. Maganda naman yung ginawa nila sa convention, pero kahit anong focus ko sa sarili ko na iappreciate ang lahat.. wala talaga. Hindi na nga rin nila ako kinakausap kasi useless talaga.
Finally, dumami na yung mga tao. Saka ko lang napansin kasi nandun ako sa pinakataas ng bleachers, at pinakagilid pa. Nakasandal pa nga yung ulo ko doon sa semento at nakita kong may umakyat na lalaki sa stage.
Nagsimula namang magsisisigaw yung mga audience. Ako naman, bumilis yung tibok ng puso ko.
"Ano nangyari?"
"Magsisimula na... mulala ka kasi."
Inirapan ko si Margaret. Wala na namang masabing matino.
Yung lalaki naman sa stage, pinatayo kami para sa prayers.. national anthem, speech, pagpapakilala ng judges.. at kung anuano.
Sabi pa niya, number lang daw ang tatawagin at hindi raw name ng school. Parang nanadya nga eh.. ayoko yatang panoorin yung performance ng Edison High.
Hindi ko naintindihan yung mga nangyari. Alam ko nga tumugtog yung mga kanyakanyang band galing sa kanyakanyang school. Nagtayuan pa nga yung mga tao kasama yung mga student ng Edison. Halata kasi dahil nakauniform pa yung iba. Ako naman, nakaupo lang dun.. hindi ko alam kung saan nakatingin...
"Kristen, may sakit ka ba? Gusto mo ibili kita ng inumin?" sbai ni Jonas na cartoonist.
"Ha?"
"Sabi ko, gusto mo ibili kita ng inumin?"
"Ah.. ok lang ako. Thanks anyway. Ako na lang.. kaya ko na."
Naglakad na ako nun pababa ng bleachers. May hagdan naman kasi sa gilid kung gusto mong bumaba. May mga stand sa gilid na provided ng convention para sa mga gustong kumain.
Tumayo ako doon sa hotdog stand.
"Miss, anong gusto mo?"
"Coke. Yun lang." tapos inabot ko na yung pera ko.
Inabot naman niya sa akin yung cokeincan.
Hinawakan ko naman. Hindi naman talaga ako nauuhaw.. gusto ko lang tumayo. Si Neriah nun, hindi ko pa nakikita. Sa dami ba naman ng tao.
Ayoko pang bumalik nun. Naupo ako doon sa bench sa tabi nung nagtitinda. Narinig kong may kumakanta ng
'Fallen' sa stage. Maganda rin naman yung boses.. pero parang tumatagos sa akin. Narinig kong tinawag na yung number 9. Sobrang lakas ng sigawan gaya nung mga nauna pa. Akalain mong number 9 na eh wala akong alam. May nakabangga pa nga sa akin, tapos nagsorry siya. Napatingin naman ako doon sa stage.. nung marinig ko yung: 'Good evening everyone, wwwdotcom from
Edison High! I'm Lee Xander..' tapos kumaway siya habang nakangiti..
Nagpakilala rin yung mga kasama niya. Yung iba tagasection
2 kasama si Bryan at yung iba eh classmate ko.
Iniwas ko yung tingin ko. This is it.
Tumugtog na yung Halaga. Naalala ko yung expression ng mukha niya doon sa Music Room. Ang lakas ng impact sa akin nun. Parang ayoko na sanang alalahanin hanggat maaari.
Tumayo ako doon sa bench at gusto kong bumalik doon sa upuan namin para kunin yung bag ko. Uuwi na ako.
Bakit ba ngayon ko lang naisip yun? Dapat kanina pa.
Hinigpitan ko yung hawak ko doon sa coke. Nasa hagdan na ako paakyat doon sa upuan namin sa pinakadulo.
"kristen! Sila na!" sabi ni Jonas.
Tumango lang ako. Pero napatigil ako doon sa pagakyat sa hagdan...
"Well our next song is dedicated to, one girl who created a great impact on my life. Alam ko yung ilan sa inyo eh kilala na siya especially dun sa mga nakapanood sa performance namin sa Edison High." tapos huminga siya ng malalim, "I just want to clear things... I made the whole thing up. What I said the last time wasn't true.
But still.. Kristen, kung nandito ka sa audience.. I'm dedicating this song for you..."
Napayuko na lang ako nun. Hinawakan ko na yung strap ng bag ko. Alam kong nakatingin lahat sa akin. Please naman.. wag ngayon. Huwag naman dito. Ayokong umiyak.. not in front of all these people...
"I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that you love me
Made me feel, oh, so right
But now I feel lost, don't know what to do
Each and everyday I think of you
Holdin' back the tears
I'm trying with all my might"
Pababa na ako nun. Tinatawag pa nga ako nung mga kasama ko, pero wala na akong panahon para lumingon pa. "Because you've gone and left me standin' all alone
And I know I've got to face tomorrow on my own
But baby
Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby, oh yeah
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do
So before I let you go
I want to say "I love you"
I wish that it could be just like before
I know I could've given you so much more
Even though you know
I've given you all my love
I miss your smile, I miss your kiss
Each and everyday I reminisce
'Coz baby it's you that I'm always dreamin' of
Letting love go is never easy
But I love you so
That's why I set you free
I know someday, somehow
I'll find a way to leave it all behind me
Guess it wasn't meant to be
But baby
Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby, oh yeah
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do then sinabi niya ng mabilis at medyo hinihingal pa.. "Sorry Kristen."
"So before I let you go
I want to say.....I love you"
***41***
Ramdam na ramdam ko na magkacrack na ako ano mang oras nun. Dahil ayokong ipakita sa lahat, tumakbo na ako pababa at nagkunwaring nagbye doon sa mga kasama ko.
Lumabas ako kaagad ng convention. Nanginginig yung tuhod ko sa 'di ko malamang dahilan. Pinara ko kaagad yung unang jeep na nakita ko. Naluluha na talaga ako nun.. at kahit anong pigil na gusto na gawin ko.. hindi ko na kaya.
Kinuha ko yung panyo doon sa bag ko. Feeling ko nakatingin sa akin yung mga tao na nakasabay ko sa jeep, pero wala na akong pakialam pa doon. Gusto kong umuwi, yun lang at wala nang iba.
Ang labolabo pa rin ng paningin ko nun nung naglalakad na ako. Nahirapan nga ako dahil gabi pa. Pagdating ko sa tapat ng pintuan namin, walang comment si Mama sa akin. Dumeretso ako kaagad sa kwarto ko, dumapa sa kama at umiyak doon sa unan ko.
Para akong sira nun. Si Xander lang iniiyakan ko. Pakiramdam ko kasi kahit nakuha ko na yung gusto kong mangyari, yung ineexpect kong magiging kalalabasan na masaya ako eh kabaligtaran. Gabinggabi na nun eh gisin pa rin ako. Nakatingin sa kisame.. kung anuanong nasa isip. Saka ko lang narealize...
I felt horrible. Or should I say, I feel horrible.
***
Tumunog na yung alarm clock ko ng 4:00. Maaga na akong tumayo kahit na hirap na hirap ako nun dahil sa puyat. Tumingin ako sa salamin, hindi naman pala masama ang kinalabasan ng mata ko.
Giniginaw pa nga ako nun. Hinanap ko pa yung aircon sa dilim pero sarado naman nung nakapa ko. Mabilis akong kumilos at kumain, kaya nakaalis din ako ng maaga sa bahay.
Ayoko na sanang pumasok. Pero ayoko rin namang magstay sa bahay namin dahil tiyak magtatanong si Mama sa akin kung anong nangyari kahapon.
Madilim pa nun sa school. Kahit dito, ang lamig din ng simoy ng hangin. Naisip ko naman, nalalapit na ba ang pasko at ganyan na? Sabagay, 'ber months' na rin naman.
Napansin kong bukas na yung classroom namin. Iniwan lang na bukas yung ilaw kaya pumasok na ako. Si
Manong guard na siguro ang nagbukas nito. Mas mabuti na rin kasi yun, dahil ayokong magstay sa garden.
Sinandal ko yung ulo ko sa desk. Ang sama talaga ng lagay ko ngayon. Naisip ko lang, paano ko kaya haharapin si Xander? Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya sa kanya o ano. Paano kung hindi na tulad ng dati? Hinawakan ko ng mahigpit yung bag ko sa kandungan ko kasi gusto kong matakpan yung braso ko. Ang lamig naman kasi masyado.
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako doon o ano, kasi kahit ako sa sarili ko eh nalunod na rin ako sa mga iniisip ko. Pero ang alam ko, mas naging ok yung pakiramdam ko. Pagshift ko sa upuan ko, may nahawakan ako. May nakapatong sa balikat ko. Nung dinilat ko yung mata ko para tignan kung ano, may polo. Tumingin ako sa gilid ko. Nakaupo doon ang pinakahuling tao na gusto kong makita sa araw na ito. Ang pinakahuling tao na gusto kong makasama dito.
"Ok ka lang?" sabi niya nung tumingin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot. Wala namang masama.
"Ok lang.."
"Liar." sabi niya nung sumagot ako. Akala ko seryoso nakatawa naman nung sinabi niya. Tapos nagseryoso uli, "Nilalagnat ka pumasok ka pa?"
"Ako nilalagnat? Hindi no.." tapos hinawakan ko yung noo ko, normal lang ang pakiramdam ko.
"Mainit kasi yung kamay mo kaya hindi mo ramdam," tapos lumapit siya sa akin at siya yung naglagay nung kamay niya sa noo ko, ang lamig. "See? Mainit ka."
Bakit ba ganun siya? Kung kumilos siya, para bang wala lang lahat. Parang walang nangyari samantalang ako eh... apektado.
Hindi kaya ako lang ang apektado sa kaso ngayon at siya naman eh hindi?
"Hatid na kita sa inyo, gusto mo?"
"Ayoko ngang umuwi."
"Hardheaded ka pa rin talaga..." tapos tumayo siya. Saka ko lang napansin na nakatshirt siya na white. Nasa akin nga pala yung polo niya.
Tatanggalin ko na sana para ibalik sa kanya, pero pinigilan niya ako.
"Wala akong lagnat..."
"Thanks."
Sinandal ko yung ulo ko. Parang naiilang ako na hindi ko maintindihan. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat na sabihin ko sa kanya. Parehas kaming tahimik nun. In the end, siya rin ang nagbasag ng kathimikan.
"Tungkol doon sa kahapon.."
Kailangan ba ngayon yan?
"Ahh.."
"Everything's clear." tapos umupo siya doon sa table nung teacher namin.
"Oo nga. Maliwanag na lahat.." sabi ko sa kanya pero nahirapan pang lumabas yun galing sa akin, "Nice performance though.."
Nakatingin pa rin siya sa akin. Tapos tumawa.
"Hindi ako sanay na ganyan ka katamlay. Kapag maysakit ka pala iba ka eh.." bumaba na siya sa table at lumapit sa akin. Umupo uli doon sa tabi kong upuan. "Wala namang magbabago 'di ba? Ganun pa rin tayo kung paano nagsimula.."humawak siya sa chin ko, "Pagaling ka ha.." sinandal niya yung ulo ko sa balikat niya... "Matulog ka lang, babantayan kita..."
***42***
Masama na talaga yung pakiramdam ko nun. Nakatulog nga siguro ako. Nagising kasi ako nung medyo maingay na.. kaya lang panay pangaasar yung nangyari sa amin.
'Sus! Kayo bang dalawa eh talagang wala? Tingnan niyo nga itsura niyo diyan!' sabi nung isa kong classmate at nakita ko naman si Xander na nagsign na tumahimik siya at baka magising ako. Pero, hindi naman na kailangan. "Yan, ginising mo tuloy! Kawawa naman Lola ko!"
May sakit nga siguro ako kaya iba na naman narinig ko. Lola?
"Ano?!?"
"Sabi ko kawawa ka naman Lola.." sabi ko nga ako yun! "Naalala mo nung first day of classes, tinatawag kitang Lola..."
What's up with this guy? Parang normal lang siya.
"Sige, hihingi pala ako ng gamot sa nurse, dito ka lang.." tumayo na siya, tapos humarap doon sa classmate namin, "and dont..touch.. her.."
Umalis nga siya nun. Si Neriah naman eh mukhang kadarating pa lang at yun nga, tumabi sa akin. 'Neriah sabi ni Lee 'dont touch her raw..' sige ka..' pero ang sagot ni Neriah..
"Hay naku, sabihin mo kay Lee kapag ganyan siya baka siya ang hindi maka 'dont touch her' kay
Kristen.." tapos tumingin sa akin, "Ano kumusta ka niyan?"
"Eto, may lagnat daw.."
"Tangeek hindi yun! Pero pwede na rin, bakit kasi pumasok ka pa?" sabi niya tapos humawak sa akin. "Ang init mo nga."tinanggal na niya, "Ibig kong sabihin, kumusta pagkatapos nung... nung kahapon. Hindi pala kayo?" "Neriah! Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo yun eh! Ayaw mong maniwala.."
"Akala ko naman kasi.. pero ang sweet niya ha! Ikaw naman kasi manhidever!
Sige ka.. kapag ganyan ka.. masama yan.."
"Anong manhid? Saka ano namang masama?"
"Tingnan mo yun." sabay nguso doon sa labas.
Nakatayo doon si Xander sa labas. Kausap niya si Lyka tapos nakatawa pa siya. Then..
He hugged her? pero mabilis lang naman!
Mapapatayo na sana ako sa upuan ko, kaya lang baka may makapansin. Necessity na ba ang pagyakap sa hallway ngayon?
"See? Lyka's back again lalo na nung nalaman niyang hindi kayo.."
"What do you mean, Lyka's back again?"
"Hindi mo ba alam? May gusto yang si Lyka kay Xander.. last year pa yata. Well, ayaw naman sa kanya ni
Xander dahil pinsan siya ni Bryan."
"So?!? Anong problema dun? Para yun lang! Ang babaw ni Xander."
"Actually, sabi lang niya yun. Si Lyka kasi naging boyfriend niya yung isa sa banda... kaibigan siyempre ni
Lee.. kaya ayaw niya. Respect na rin siguro. Ikaw ba naman halimbawa mangyari sa atin yun. Kunwari kami ni
Bryan tapos biglang naghiwalay kami para ligawan ka, tataluhin mo ba?"
Sinabi ba niya talaga yun?
"Gamot mo..."
"Thanks.."
"Engot walang inumin!"
"May Gatorade po ako sa bag..."
Nagklase kami nun. Unfortunately, hindi ako nakinig. Sabi ni Xander, hiramin ko na lang daw notes niya. Bait nga eh.
Nawalawala
naman na yung lagnat ko nung tanghalian. Sinoli ko na yung polo niya kaya wala na rin siyang angal. Sinabihan ko si Neriah na ayokong umuwi, dahil baka malaman ni Mama eh hindi pa ako papasukin.
Pinagdadala kami ng neon papers para sa art class namin. Magkasama kami ni Neriah na lumabas ng school at bumili doon sa tapat ng elementary. Pumasok kami at naghiwalay sa loob para mabilis maghanap. Kaya lang nakasabay ko...
"Kristen.. kumusta na?" sabi nung Daddy ni Xander sa akin.
"Ok lang po. Naghahanap ng neon paper para sa art class.."
"Alam ko nasa kabila eh. Oo nga pala, kasama mo ba si Xander sa detention niyo?"
Naku nakakahiya naman. Isipin mong school board president yung kausap ko kung magsalita eh parang kami ng apo niya eh hindi nag break ng school rules.
"Opo. 2 Saturdays na lang po hindi naman nagagawa."
"Ahh, sinabihan ka na ba ni Xander para sa 30?"
"30? Ano pong meron?"
Nagkamot naman siya ng ulo.
"Yung bata talaga na yun.." sabi niya sa akin pero medyo nakangiti, "Matagal ko nang sinabi sa kanya na sabihin na sa iyo yung 40th anniversary namin ng Mommy niya. Sa Hotel kasi gaganapin. Medyo formal kaya gusto ko sanang maaga para makapaghanda kayo.."
Saka naman dumating si Neriah hawak yung neon papers.
"Nahanap ko na Kristen, ilan ba gusto mo?" tapos nakita niya kami, "Oops, sorry."
"Sa Hotel po? That's 2 days from now.."
"Yun na nga.. loko talaga yung bata na yun.. pasensya ka na." nagring yung phone niya, "O sige pala, kailangan ko nang bumalik sa opisina. Ingat Kristen.."
"Kayo rin po.."
Lumabas na siya doon sa shop. Si Neriah naman, lumapit sa akin.
"Ano na nga palang isosoot mo? Nalimutan kong itanong kanina."
"Anong isosoot? Malay ko! Ngayon ko nga lang nalaman eh.."
"Ano?? Hindi sinabi sa 'yo ni Xander? Si Bryan naman ang nagyaya sa akin para daw partner ko siya.
Magkasama kami.."
Nagvibrate
naman yung phone ko. Sinagot ko naman.
"Hello?!?"
"Nasaan ka ngayon?!?"
"Bumubili ng school supplies sa Ronas.. ngayon?"
"Sinabi na sa 'yo ni Daddy? Tinawagan niya ako ngayon."
"Tinawagan ka na pala.. malamang oo sinabi niya sa akin. Bakit hindi mo sinabi ng maaga?" nakukunsumi na talaga ako dito sa lalaking 'to.
"Sasabihin ko naman talaga sa 'yo.. kaya lang, basta!" sabi niya doon na parang naiirita din, "Ayaw naman kitang pumunta doon eh.."
Napatigil ako at tinaas ko yung kilay ko. Tinignan ko yung phone, si Neriah naman nagtataka na sa akin.
"What's that suppose to mean?"
"Never mind. Hindi yun ibig sabihin ko. Huwag mo ng intindihin yun.."
"Ahh, paanong hindi?!? That's 2 days from now. Naiintindihan mo ba yun? 2 days! bee brain!"
"Bee brain?!?" tapos naging mahinahon naman siya, "I said don't worry about it."
"Eh baliw ka naman pala eh.."
"Huwag ka nang mamroblema ok?" sabi niya sa akin.
"Ako nang bahala dun.."
***43***
Kung hindi ko lang talaga cellphone yung hawak ko, binato ko na yun ngayon pa lang. Anong sinasabi niyang siya na ang bahala? Hello??? 2 days? I don't even have a dress, or a filthy gown!!!
"Ano? Anong ibig mong sabihin!!! Nakakainis ka!"
Binaba ko na yung phone ko. As in, nasa line pa siya nun. Kaya nga nakita ko tumatawag siya uli.
"Bakit ba?"
"Bakit mo binaba?"
"Aba, malamang wala na akong sasabihin at malamang rin nahihighblood ako sa kausap ko ngayon."
"O sige pwede mo na baba ngayon.. bye Kristen!"
"Alam mo kung gaano ka kaabnormal?
Sobrang laki ng problema mo. Tumawag ka tapos ngayon papababa mo." "Para maayos. Bye Kristen!!!" tapos yung boses pa niya parang masaya o tonong nangaasar.. hindi ko alam.
Iniend
ko na yung call. Nakapamewang na sa akin si Neriah.
"Magtatanong na ba ako?"
"Sige pwede na.." tapos hinila ko na siya doon sa cashier para magbayad.. "Hindi ko talaga mapaniwalaan yung lalaki na yun! Siya na daw ang bahala sa 30!? As if naman may alam siya sa ganung bagay!"
"Hay naku, di ka pa ba sanay sa tao na yun?" sabi niya tapos naglabas na siya ng pera.
"Nauh,
and never will.."
Umalis na kami doon sa Ronas at bumalik na sa school. Nagwonder na lang ako kung anong magiging itsura ko sa 30 dahil wala nga akong damit. Mukhang katulong? Malamang. O siya, hindi na nga lang ako pupunta.
Yun naman ang gusto ni Xander di ba?
Nagklase naman kami. Mukhang bumabalik nga yung lagnat ko nun kasi nagiging mainit na naman ako. Hindi naman ako masyadong giniginaw di tulad kaninang umaga. Sa dami naman ng araw na magkakalagnat ako, ngayon pa. Napakaabnormal naman kasi.
Nung breaktime na namin, eto na naman si Neriah at patakbo sa akin. May patilitili pang nalalaman ang bruha. "Krissssttteeeennnn!" sigaw niya doon sa classroom namin kaya nagtinginan yung mga classmate namin.
"Ano? Kailangan ba talaga ganyan kataas ang boses mo?"
"Promise me hindi ka mababadtrip sa sasabihin ko..."
"Ayoko ngang mangako, ano ba yun?" sabi ko habang nilalagay sa bag ko yung mga gamit ko.
"O sige na nga sasabihin ko na..." tapos bumulong siya sa akin, "Tingin ko... tingin ko ano..."
"Ano nga binibitin mo pa eh?!"
"Kasi si Lyka... narinig ko sinabi niyang inimbitahan daw siya ni Lee. Does that mean siya yung partner niya hindi ikaw?"
Ang nasabi ko na lang..
"Oh.. that.. siguro."
"Ano ka ba?!? Hindi ka man lang ba naiinis or something?"
Actually Neriah, it's a bit.. ou, never mind. Akala ko lang yun.
"Hindi. Bakit naman?!?" sabi ko pero sa totoo lang parang tataas ang lagnat ko ah, "Enjoy ka na lang din, hindi naman ako pupunta."
"Nagbibiro ka ba? Pumunta ka kaya! Wala akong kausap doon! Gusto ko kasama rin kita!"
"O sige pupunta ako na mukhang gardener ng hotel..." sabi ko sa kanya, "Saka kasama mo naman si Bryan, wala namang masama dun. Kung gusto mo, chikahin mo si Lyka baka maging close kayo."
Narinig naman namin yung intercom:
'School paper staffers please report to the office after school, school paper staffers please report to the office after school.'
"Hindi na ba magbabago isip mo? Kung may damit lang ako talaga papahiramin kita. Kaya lang yung isa kong damit dun ginamit ko pa yun nung nag flower girl ako nung 3 years old ako."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!? Pupunta na ako.. kasya naman siguro yung damit na yun sa akin noh!"
"Kristen naman!"
Wala nang nagawa si Neriah nun. Kahit ako naman wala na ring magagawa eh. Nagklase kami nun at wala na naman ako sa sarili ko. Nagulat pa nga ako nung may humawak na malamig sa noo ko, si Xander pala. May pailingiling pang nalalaman.
"Kung hindi naman kasi matigas ang ulo mo sana umuwi ka na.."
"Kung hindi ka lang din naman bingi at pinakinggan yung sinabi ko na ok ako e di sana tahimik ka na lang diyan.." "Umuwi ka na after school..."
"May meeting ako after school!"
"Ano bang mas mahalaga sa 'yo, yung magkasakit ka o yung meeting na yan!?" sabi niya na seryoso pa sa akin ngayon. "Can you give me a clue?"
Sumandal naman siya doon sa upuan niya. Narinig ko pang sinabi niya: 'God kill me!'
"Naisip ko na Xander.. meeting!"
Tinignan lang niya ako pero wala nang sinabi. Siguro naisip niya na kahit makipagtalo naman siya sa akin, hindi rin naman magababago yung isip ko. Isa pa, after class na lang din naman na eh di lubuslubusin ko na.
Papalabas pa lang ako ng room eh nandun siya nakatayo sa labas.
"Kinausap ko na si Neriah, sabi ko samahan ka pauwi pagkatapos ng meeting."
"May sakit ka rin ba at ganyan ka?"
Tumayo lang siya doon. Hinatid naman niya ako sa office. Nandun na rin yung iba kong kasama. Nagbye naman si Xander at umalis na rin.
Umupo ako doon sa upuan malapit sa likuran. Hindi naman ako pinansi ni Margaret at nahalata yata na wala talaga ako sa tamang kundisyon. Nagmeeting na naman tungkol sa layout chuvaness na yan. Syempre, helper pa rin ako. Sana naman matapos na yung detention ko di ba?
NakikiOo
lang din ako sa kanila. Parang yung brain ko naparalyze at hindi ako makapagisip ng maayos.
Napansin ako ng teacher kaya pinalabas na ako nun. Ayoko nga sana, kaya lang nagalit yata sa akin.
"Miss Gutierrez, OUT! Pumunta ka sa Nurse."
Ok, fine.. whatever!
Umalis ako nun. Kabababa ko pa lang eh nandun si Neriah sa bench na naghihintay sa akin. Tumakbo naman siya kaagad at inalalayan ako.
Parang gulat pa sa akin.
"Tekabakit
parang.. ang bilis yata?!?"
"Pinapapunta ako ng nurse...'wag na lang yata. Para makauwi na rin ako ng maaga.." tapos hinila ko na siya pakanan. "Hindi.. ano.. nurse muna tayo. Nilalagnat ka na naman." hinila niya naman ako pakaliwa.
"Sa bahay na lang, may gamot naman siguro si Mama."
Dahil nanghihina pa ako nun, hindi ako nanalo kay Neriah. Alam ko na lang, nasa nurse na ako at pinipilit akong inumin yung gamot at tubig.
Siguro nga matagaltagal kami nagstay dun. Kasi nung tinaas ko yung ulo ko, 6:30 na.
Sumakay kami ni Neriah at umuwi na ng bahay. Hindi naman nagtagal, nasa tapat na ako ng bahay namin. Nihindi ko nga matandaan kung paano ko kinaya na makauwi. Gusto kong humiga, ang bigat ng pakiramdam ko.
Nagthankyou
ako kay Neriah at umakyat ng hagdan. Halata na ni Mama yung itsura ko. Hindi naman namaipagkakaila. Ang dilim na nun sa kwarto ko. Hindi ko na yata kayang magpalit ng damit. Huga ako sa kama ko kaya lang.. may kung anong bulky kaya napatayo ako at binuksan yun ilaw.
Ang hirap pala talaga kapag may sakit ka. Kung anuano na nakikita ko.
"MA?!?" sabi ko nung nakita ko, grabe... hindi talaga kapanipaniwala.
Narinig ko namang umakyat si Mama ng hagdan. Saglit lang, nasa pintuan ko na siya.
"Ano 'to? Kanino 'to?"
"Sa 'yo. Hindi ka naman siguro pupunta doon na nakajeans di ba?"
"Akala ko namamalikmata ako. Thanks Ma!"
"Huwag ka sa akin magthank you.." sabi niya doon sa pinto, "At hindi ka rin pupunta sa detention mo. May sakit ka pumasok ka pa."
"Sino po ang angrent?"
"Rent? Sa 'yo na nga yan."
Hinawakan ko naman. Blue. Royal Blue.
"Sino nagbigay?"
Bigla na lang may gumalaw doon sa gilid.
"Ako."
Nagulat naman ako. May nakaupo pala doon sa sulok ng kwarto ko.
"Xander! Anong ginagawa mo dito?"
"Bababa muna ako.." tapos umalis na siya.
Napaupo na lang ako dun.
"Ang taas na siguro ng lagnat ko no? Kakaiba kasi yung mga panaginip ko ngayon."
Nagsnap
siya sa mukha ko.
"Parang wala kang sakit ah, makulit ka pa rin."
"Sa 'yo galing 'to?"
Lumapit siya sa akin nun. Sobrang lapit pwedengpwede ko nang bilangin na dalawa ang mata niya at may isa siyang ilong.
"Sabi ko naman sa 'yo akong bahala 'di ba?"
Ang lapit na ng mukha niya. Or should I say, lumalapit na lalo. Hindi na ako makakilos. Nanghihina na tuhod ko... Ang lapit na niya.. 1 inch.. hindi ko alam...
Pagkatapos nun...
Nablackout
na ko.
***44***
Hindi ko na alam kung anong nangyari nun. Dreamless sleep din naman ako. Kagigising ko nga lang ngayon, nakaPj's na ko. Nihindi ko matandaan kung nakapagpalit ba ako o ano... ang natatandaan ko lang....
"AAAAAAHHHHHH!!!" Ano nga bang nangyari?
Dalidali
namang may bumukas ng pinto ko. Si Mama pala.
"Bakit? Anong nangyari? Ang agaaga sumisigaw ka na naman diyan." sabi niya doon sa pintuan.
"Mama, anong nangyari kagabi? Wala na akong matandaan. Ang alam ko lang, kausap ko si Xander.. tapos wala na."
"Hay naku, hinimatay ka kagabi sa sobrang taas ng lagnat mo. Tinawag ako ni Xander sa hagdan, nagulat ako buhatbuhat ka na niya..." parang gusto na namang sumakit ng ulo ko.
"Aako?
Buhat niya? May sinabi ba siya na ano.. kung ano?"
"Ano namang sasabihin niya? Bigla ka na lang daw bumagsak sa kanya..."
So, hindi nga pala talaga panaginip yun.
"Ano po bang araw ngayon?"
"Sabado."
Nagmadali naman akong kumilos sa kama ko. Detention ko nga pala...
"Ahuh."
sabi ni mama na may pailingiling pa. "Sinabi ko sa 'yo kagabi hindi ka pupunta. Baka mamaya tatawag na naman kami ng doktor niyan.."
"Tumawag kayo ng doktor? Kailan?"
Nagroll
pa si Mama ng mata nun bago umalis ng pintuan ng kwarto ko. Hindi niya sinagot yung tanong ko.
OA naman, may doktor pa pala kagabi?
Sabagay, naalala ko nung nagkasakit si Angelo at tipong nagaapoy na sa lagnat, nagpanic rin naman ako kaya napadial pa ako ng hospital. Hindi ko naman kayang ihandle kung sakasakali mang merong taong nilalagnat at himatayin sa harap ko.
Kinuha ko naman yung remote ng TV ko para manood. Dinalahan pa nga ako ni Mama ng pagkain sa taas.
Maganda rin pala ang benefit kapag maysakit ka. Breakfast in bed ito! Sosyal!
Wala naman akong balak na ispend yung buong araw na nakaPJ's lang ako. Pumunta ako sa closet ko para kumuha ng damit. Kaya langnandun pa rin yung damit na binigay ni Xander. Hindi pala talaga ako nagdedeliryo nun.
Lumabas muna ako at kinuha ko yung phone ko. Ano naman kayang ginagawa ng tao na yun sa detention ngayon? Tinext ko naman siya. Isang mahiwagang 'tnx =)'
Binato ko na uli yun sa kama ko. Nagbihis na ako. Hindi pa ako tapos eh narinig ko na yung phone ko na tumutunog. Binilisan ko lang yung text ko at binasa ko naman yung reply niya:
'4 what?' ay, innocent effect pa ito! Gusto pa yatang ilista ko kung bakit.
Syempre, pinagtiyagaan ko namang itext kung bakit. Salamat sa dress, salamat sa pagbabantay niya sa akin nung natulog ako sa school, salamat sa pagkuha niya ng gamot at paghahatid, at syempre... salamat kagabi.
Malamang kung wala siya sa kwarto ko may malaking bukol na ako sa ulo ko ngayon.
Naalala ko na naman yung kagabi... ang lapit talaga ng mukha niya nun. Mabuti na lang talaga nawala ko sa sarili ko, dahil kung hindi... ewan ko na!
'ur wlcme p0. pglng k n, la 2loy ako ksma s dtntion. =('
Tinanong ko rin naman siya kung anong ginagawa niya, sabi niya, madlai lang naman daw dahil sa garden siya naassign. Nagtitrim day siya ng damuhan sa field. Aba malaki yun ha!! Baka next year pa siya matapos.
Hindi ko rin yata siya maimagine na tagatrim ng damo.. hindi bagay eh!
Tinawagan ko naman si Neriah para icheer ako. Sabi ko kasi bored na bored na ako at kailangan ko ng kausap sa kwarto ko. Ayaw naman akong palabasin ni Mama ng bahay, at ayoko namang magstay sa baba. Baka makita ko lang si Angelo eh hihimatayin na lang ako ng deoras.
Matagaltagal
din akong naghintay, pero dumating naman siya.
"Oi bruha ka, ano nang nangyari sa 'yo?"
"Parang paralyzed, nasa kwarto kanina pa."
Nakangiti naman siya sa akin, at tumabi sa akin sa kama ko.
"Anong nangyari kahapon? Give me details!! Details!" sabi niya na mukha pang excited kaysa sa akin sa 'di mo malamang dahilan.
"Details para saan?"
"Lukaret ka! Ang bagalbagal talaga ng pickup mo..." sabi niya sa akin tapos umayos siya ng upo para at home na at home ang dating, "Kinausap ako ni Lee kahapon 'di ba para samahan kita umuwi?"
"Yeah, ngayon?"
"Ano ka ba! Hindi mo ba naisip na kung tutuusin, hinahatid ka naman niya madalas 'di ba? Ano namang kaibahan nung kahapon eh samantalang may sakit ka? Kasi po..." tapos binitin na naman niya, "ayaw niyang ipakita yung binili niyang gown ever mo. Kaya nga nauna siya sa bahay niyo eh, kaya lang natapos ka naman kaagad doon sa meeting. Kaya nga pilit kitang hinihila sa nurse eh... getz mo na?"
Napatingin naman ako sa kisame. Sabagay, may point siya. Madalas nga akong hinahatid ni Xander, buntot ko na nga yun eh. Kakaiba nga kahapo kasi hindi nagoffer.
Tapos si Neriah, hinihila pa ako sa nurse.
"Tingin mo naman makakapagisip pa ako kahapon kung nilalagnat ako?"
"Sabagay... so... nasaan na? Gusto kong makita!!!"
Tinuro ko naman yung closet ko. Tumayo pa doon si Neriah at pangitingiti at ayaw pang buksan. Akala mo naman makakakuha ng surprise.
Pagbukas niya...
"KKKKCCCCCCC! Bongga ka! Ang ganda nito eh!"
"Ang ganda nga baka hindi naman kumasya.."
"Kasya yan no!" umupo siya uli sa kama ko, "Ano namang reaksiyon mo kagabi? Magandaganda naman ba ang appreciation mo?"
"Ewan ko, hindi siguro. Basta pumasok ako dito kagabi dahil gusto ko nang humiga, tapos nadaganan ko yan.
Tinawag ko si Mama, tapos nakita ko si Xander diyan sa upuan diyan sa sulok," tinuro ko yung table malapit sa window, "Bumaba si Mama nun... then.. may sinabi si Xander.. lumapit sa akin...nanghihina na nga tuhod ko nun eh.." saka ko naman naalala yung kagabi...
"Tapos? Nanghina yung tuhod mo tapos...? Ano na?"
"Ano.. ewan ko na. Blackout na ko eh..."
"ANO??!? Blackout?!?
Kristen sayang.." tapos sumadal siya, "Sayang talaga.."
Itatanong ko na sana kung bakit sayang.. kaya lang pinigilan niya ako.
"Sabay ka na sa amin ni Bryan bukas sa kotse. Dahil si Xander eh kasama ang bwisit na Lyka na yun, wala kang partner. Tatlo na lang tayo.."
So it's true...
"Ako walang partner? I don't think so. I got that one covered..."
"Sino naman?"
***
Hindi na ako nilagnat maghapon nun. Maghapon yata kaming magkausap ni Neriah sa phone tungkol sa mga magiging itsura namin 'kuno' sa annoversary chuva na yan. Sa totoo lang, hindi ako ang masasabi mong 'gown girl.' Hindi ako mahilig dun, pero sabi naman nila sa akin, bagay naman.
Maaga pa lang eh nasa tapat na ako ng salamin. Hiniram ko yung makeup ni Mama at magexperiment lang ako. Wala naman ako talagang alam sa ganitong bagay. Kinuha ko yung kung ano doon, at nung itatry ko na.. bumukas ng sobrang lakas yung pinto ko.
"Ooohh.. sorry." shock din siya tulad ko, at nataranta naman ako at binaba ko yung something na nilalagay yata sa mata.
"Kuya naman eh! Kumatok ka kaya.."
"Sorry na nga eh.." medyo natatawatawa pa siya nun, "Binibigyan mo ba yung sarili mo ng makeover?" nasa pinto pa rin siya.
"Hindi noh!" kahit oo.
"Well.. ah.. I think light makeup will do." kinuha ko yung unan at binato ko sa kanya.
"Get outta' here Ken!" kapag nagaasaran kami, walang kuya.
Nagpeek
siya doon sa pintuan. Kumatok.
"Pwedeng pumasok?"
"Sure."
Daladala niya yung tux niya. Hawak niya yung mga ties. Syempre sabi ko, piliin niya yung blue para match kami dahil blue yung damit ko.
Inaasar pa niya ako doon.. pero hindi ko nakalimutan yung sinabi niya. 'Light make up will do.' Iba kasi kapag kinuha mo in a guy's point of view.
Katulad ng mga ginagawa before the big event, nagready naman kami ng todotodo.
Si Mama eh may tinatago palang galing sa pagaayos ng buhok kaya ginawan niya ng knot. Ganda nga eh.
Lumabas si Kuya. Ang gwapogwapo nga niya eh. Ang tangkad nga lang niya talaga para maging partner ko.
Licensed driver naman na siya, kaya siya na rin ang nagdrive nung kotse niya. Nagpaalam na kami kinaMama,
Papa, at kay Angelo. Invited din naman sila dahil sinabi raw ni Xander, kaya lang ayaw nila eh. Si
Angelo mukhang gustunggusto namang sumama.
Madilimdilim
na rin naman na nung nakarating kami doon sa hotel. Hindi naman na kami nahirapang hanapin kasi alam naman na namin kung saan. Nagpakagentleman pa si Kuya at inioffer pa yung kamay niya.
Humarap pa nga ako doon sa salamin ng kotse at tinignan yung sarili ko.
"Ok tama na.. maganda na.. masyadong problemado."
Binatukan ko nga.
Pumasok na kami sa loob. Ang dami nang tao. Yung iba may mga edad niya kaya siguro family friend ng may anniversary. Papalakad pa lang kami doon sa gilid, nakita namin si Neriah at Bryan.
Gosh.. kung gaano kaganda si Neriah... nagmatch lang dahil ang gwapo ni Bryan.
"Hi Kristen, ang gandaganda mo naman."
Compliment from Bryan?? Masaya na ako.
"Thanks. Bryan, Kuya ko nga pala.."
"Kuya mo?!?.." tumingin siya kay Kuya na para bang nabigla rin, "Pare.."
"Ken..."
"Kayong dalawa, pwedeng kumuha kayo ng inumin? Nauuhaw na kami.." sabi ni Neriah kay Kuya pero pabiro naman. "Hindi kami alalay ha.."
Tumawa lang si Bryan, tapos umalis na rin sila kasama yung kuya ko.
Ako naman, hinila pa lalo ni Neriah doon sa gilid. May music pa akong naririnig.
"Ang gandaganda mo naman!" tapos hinawakan niya yung buhok ko, "Pwera biro kahit friend kita.."
"Ikaw nga eh.. fink na fink ang dating.." tumawa naman kami ng sabay..
"Kita mo yun? Badtrip no?"
Tinignan ko naman kung sino yung tinutukoy niya. Si Lyka pala. Nandun nga siya... hindi na talaga mapapagkamali ang mukha niyan.
Hindi na nga maganda yung view, dumating pa si Xander. Tapos, tumingin sa amin. Iniwas ko nga yung tingin ko kunwari hindi ko nakita.
"Oh my God.. pupunta siya dito. Sisibat na ko ha.."
"Ano ka ba.. dito ka lang.." hinawakan ko siya sa braso niya.
Totoo naman yung sinabi niya. Kasi saglit lang, nasa gilid ko na si Xander. Pasalamat siya ang gwa, pasalamat siya anniversary ng parents niya.. dahil kung hindi!!! Naku!!!
"Hi Neriah... Hi Kristen.."
Dumating naman na si Bryan at Ken. Humarap naman si Neriah sa kanila at nagkunwaring tinatawag siya. 'Ako ba? O sige.. pupunta na ako diyan. Usap muna kayo ha?' iniwan nga kami.
Hindi naman ako nakaharap sa kanya nun.
"Sabi ko na nga ba kakasya sa 'yo eh.." tapos pasimple siya sa gilid niya, hinawakan yung kamay ko at hinila ako doon sa glass door sa likod. "Huwag kang magpahalata.." sabi niya sa akin ng pabulong, "Ngiti ka lang, sumabay ka lang sa akin.."
"Ano bang meron? Library ba ito para maging tahimik? O bar ba ito para magpanggap?"
Nung nandun na kami sa likod kung saan walang tao, saka naman niya ko binitawan.
"See that? Friends ng Daddy ko sa school board.." tinuroturo niya isaisa.
"Yung iba diyan kamaganak namin. Mga tita at tito ko. Pinsan ng real dad ko. Isang anak lang kasi siya.."
"Bakit ko naman iniexplain yung mga kanunununuan mo?" "Makinig ka lang.. maiintindihan mo rin.." tapos tumingin siya uli doon sa gap. "Kita mo yung nasa tabi ng
Dad ko? That's my Mom. My dad's mom."
Tinignan ko naman yug tinuturo niya. Ewan ko kung bakit, pero parang kinilabutan ako.
"Got any impression?"
"Medyo.." tapos hinawakan ko yung braso ko..
"At least alam mo na in general..."
Ewan ko ba kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon. Ang gulo eh.
"Anyways, buti wala ka nang sakit?"
"Mabuti nga..."
"Kapag may sakit ka nga, huwag ka nang pumasok ha!" hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko.
"Pinapagalitan mo ba ko?"
"Oo."
Speechless ako. Ano naman sasabihin ko?
"Ginulat mo ko kaya. Ikaw ba naman bumagsak sa akin" tapos tinanggal niya yung pagkakahawak niya sa akin at nagturn sideways. "Ginulat?? Pakiexplain please? Wala kasi akong matandaan eh.."
Hindi naman siya mapakali nun. Abnormal?
"Wwala.
Basta.. hinimatay ka.. ganun.." humawak siya uli sa akin, "Tara na nga.."
There's something fishy around here..
"Teka nga... sabihin mo na! Alam kong meron.. halata naman eh.." hinilahila ko siya para huminto.
"Sigurado ako ayaw mong malaman.."
"Sigurado ako gusto kong malaman.." tapos huminto rin siya, "Naalaala pa kita na lumapit sa akin nun... as in like this, an inch awayumiiral na naman pagkamadaldal ko. "Fine. You fainted. Paforward pa nga. Since we're like that," tinuro niya yung kamay ko, "An inch away.. you accidentally kissed me.."
"nahihilo
pa ako nun.. tapos nagisinWHAT?!?" narinig ko yung sinabi niya.
Hindi ko alam kung ngumiti ba siya nun o ano.. pero hinila niya ako uli. Oh please tell me I didn't.
"I didn't..." hindi na naman ako makakilos nun. Ako? "Sabihin mo hindi.."
"Sabi ko naman sa 'yo hindi mo gugustuhing malaman 'di ba?" I can't believe that.. "Sorry Kristen,"
"Hindi ko na uulitin yung sinabi ko."
***45***
Bakit ba napapadalas yata ang panghihina ng tuhod ko ngayon? Kasi nangyari na naman eh. May ibig sabihin ba yun? Nah, wala naman siguro.
Tama nga si Xander, hindi ko nga gugustuhing malaman yung sinabi niya. Or maybe, I do... ewan ko ba... nalilito na rin ako sa sarili ko. Kung hindi ko rin naman nalaman yun, siya lang ang may alam??
I wasted my freakin' first kiss ng hindi ko alam? Does that count? Hindi naman siguro. Baka ang real first kiss eh considered kapag alam mo... or maybe not.. baka kapag.. aaahhhh! Bakit naman kasi ganun?
Gusto ko pa sanang magtanong tungkol doon, pero nagbago yung isip ko. Baka isipin naman ng tao na 'to sinadya ko yun. Nauh, hindi. Nagsimula na yung kainan nun. Hinatid ako ni Xander kay Kuya at sabay na kaming kumain kasama si Neriah.
Siya naman, kasama na naman niya si Lyka. Ewan ko ba kung bakit tinitignan ko sila... ano naman sa akin ngayon? Pra si Xander lang.. sus!
"Huwag masyadong titigan, baka matunaw yung dalawa.." sabi ni Kuya pero pabulong lang.
"Sino namang maysabi sa 'yo na sila yung tinitignan ko? Yung matandang babae kaya yung tinitignan ko. Naka
Xstrap
kasi yung likod." sabi ko lang yun, pero hindi naman talaga.
"Talaga? Saan?" ay, naniwala nga.
Hawak ko yung pinggan ko nun, at si Kuya naman ang naglalagay ng food sa akin. Tinatanong niya ako kung anong gusto ko, Oo na naman ako ng Oo. Mapaparami ang kain ko nito.
Napansin din yata nila Bryan, kasi sabi niya: 'Hindi ba sobrang dami na niyan Kristen?'
"Si Kristen pa? Hindi mo lang alam parang kabayo yan.."
Hindi ko na lang pinansin. Nakita ko kasi si Xander na nagabot ng pagkain kay Lyka habang nakaupo siya.
Disabled na ba siya para may kumuha pa ng pagkain niya?
Eh bakit ba ako affected? Teka... ako affected? Never!
Umupo kami doon sa gilid at kumain. Binanatan ko naman yung kung ano doon na hindi ko naman alam yung tawag pero masarap. Napansin ko nga na ang daming nilagay ni Kuya, sabagay nandyan naman siya to the rescue in case na hindi ko man maubos.
Nakinig naman kami doon sa music. Habang kumakain kasi lahat, pinatay kasi yung ilaw at may presentation through projector. Pinakita doon yung mga pictures nung may anniversary... at syemrpe..
Napasama doon yung 'real' parents ni Xander. Napaayos ako ng upo at tinignan ko.
So.. kamukha pala ni Xander yung tatay niya.. hindi.. nanay.. tatay.. kahawig ng mata niya yung sa nanay eh... o siya para hindi magulo.. wala na lang...
Natapos naman kaming kumain nun. Si kuya nga ang umubos ng pagkain ko. Bait di ba?
Pagkatapos nung kainan, tumayo naman yung magasawa doon sa harapan. Nakangiti pa sila parehas. May mga besobeso pa doon sa mga tao na hindi ko naman kilala.
Nagsnap
si Neriah sa harapan ko. Akala ko kung bakit. Tinuro niya sa akin si Xander.
Nung una hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. May sinasign siya sa akin.
Yung index finger niya tinuturo niya sa tenga niya tapos sa akin.
Ok.. I think I got it.
"Ano namang ibig sabihin nung sign ni Xander na yun?" sabi niya sa akin pero nakuha ko na talaga.
"Makinig raw ako.."
"Tama lang sinabi niya, nakatingin ka na naman kasi sa kawalan eh.."
Nakinig naman ako, kasi nga sabi niya. Ano naman bang meron? Speech lang naman yun.
"Good evening everyone..." sabi nung Daddy ni Xander, "Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng dumalo ngayon.. sa aming 40th wedding anniversary.."
Nagpalakpakan naman. Tagal na rin ah! Ang tatag naman..
"Salamat talaga sa pagpunta. ANg bilis nga ng panahon at 40 years na pala!" tapos tumingin siya kay
Xander, "16 years na rin naming inaalagaan ang nagiisang apo naming si Xander.."
Medyo yumuko naman si Xander nun. Nahiya yata eh. Paano ba naman nagtinginan sa kanya.
"Kaya gusto ko sana na kapag nagdesisyon ka... sa 'min ka muna kumonsulta.."
Naiba na rin yung topic nun. Ano naman kayang gustong iparating ng Mommy niya???
Sinabihan kami na may dance na. Pinatay na uli yung mga ilaw at nandun na yung disco ball para sa lahat.
Masaya naman yung tugtugan. Samasama kami nila Neriah. Hindi nga bagay eh, nakagown kami tapos ganun yung tugtog. Pero wala kaming paki. Just enjoy the night.
Nagslow
music din naman. Sinayaw ako ni Kuya. Dalawang kanta rin yun kaya mahabahaba.
Gosh, hindi niyo lang alam gaano ko kamahal ang kuya ko na yan. My #1 savior.
Pagkatapos nun, kami naman ni Bryan. Katulad ni Kuya, dalawang kanta rin yun. Sinayaw ni Kuya si Neriah.
Ang sayasaya ko. Hindi ko pa natititigan si Bryan ng ganito kalapit.. at ganito katagal.
Pero I noticed something. Kapag kinukumpara ko yung ganitong situation, iba yung nangyayari sa akin sa isa... how weird. Nakikita ko yung difference...
Nung natapos kami, umupo kami doon sa gilid kasi nakakangawit din namang nakatayo. Kahit madilim, nakikita ko si Lyka at Xander. Naiinis na naman ako. Bakit ba nitong mga huling araw masyado akong nagpapaapekto sa mga bagaybagay na may kinalaman sa kanya? Nakakainis naman eh!
Yung ibang mayedad na, ang sarap ding panoorin kasi sumasayaw din sila ng sweet dance.
"Ok ka lang Kristen? parang nanlilisik na naman yung mata mo diyan.."
"Ako? Hindi no. ANg dilimdilim napapansin mo pa ko..."
"Obvious naman eh.. may gusto ka kay.. 'Kuya Lee'" ang galing gayahin si Angelo.
"Hindi no.." hindi naman eh.. hindi talaga.. hindi nga ba?
Magkasayaw pa rin yung dalawa. Inutusan na naman ni Neriah si Kuya at Bryan na kumuha ng inumin. Alalay na nga yata ang labas nila eh.
Si Neriah naman, biglang tumayo.
"San ka pupunta?"
"Ahh...ano.. restroom.. san ba?"
"Doon. Gusto mo samahan kita?"
"Kaya ko na.. dito ka na lang.." tapos umalis na siya.
Napatingin ako doon sa mga nagsasayaw. Wala na yung dalawa.
Ewan ko kung tama lang ba yung timing ni Neriah o sinadya niya, kasi nagulat na lang ako sa likuran ko.
"Pwede kang isayaw?" 'thought you'd never ask.
"Ahh.."
"Hindi pwedeng hindi." sabi niya na nakita ko siyang ngumiti kahit medyo madilim.
Inioffer
niya yung kamay niya nun. Akala ko kung saan na naman niya ako dadalhin, doon uli sa bandang likuran kung san niya ko dinala kanina. Naririnig naman yung tugtog doon, pero unlike sa malapit sa dance floor, mas tahimik naman dito.
"Dapat talaga ilibre ko ng lunch si Neriah.. dami na niya nagawa para sa akin.."
So sinadya nga ni Neriah yun. Nilagay na niya yung kamay ko sa balikat niya. Nanghihina na naman tuhod ko.
Nakatayo kami doon, at tulad ng mga sweet dance... malamang sumayaw kami.
Hindi nga lang normal...
Yumakap kasi siya sa akin habang sumasayaw. Kakaiba sa pakiramdam. Parang naginit buong katawan ko.
"Kahit anong mangyari... akong bahala. Isipin mo akong bahala..."
"Ano ba yun?" hindi ko maintindihan.
Ang tagal yata namin doon, kasi nagdisco uli yung tugtog bago kami huminto. Sabi niya sa akin, huwag daw muna akong babalik at mageexplain siya. Alam niyang nalilito na ko sa kanya.
Umalis na siya nun at naupo ako doon magisa.
Hindi ko na makita sina Neriah kung nasaan dahil madilim.
Napatayo na lang akong bigla, sa sobrang takot siguro o sa kaba, nung dumating doon yung Mommy ni
Xander. Nagsign siya na umupo ako.
"Anong pangalan mo?"
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Kristen po."
Why do I have this feeling that this woman is certainly not someone to cross?
"Xander's protecting you huh?"
"Sorry po?" hindi ko kasi maintindihan.
"Alam ko na ang takbo ng isip niyang batang yan. Akala niya siguro hindi ko malalaman na niyaya niya si Lyka para isipin kong siya ang gusto niya." what the heck? "Para takpan ka. Alam niya kasi kapag nalaman ko na ikaw... wala akong ibang masasabi na you are 'onetypicalgirl.'
Insult? Siguro. Pero hindi naman yata tama yun.
"I know I am. And I'm proud of it."
"Leave Xander alone..."
Sasagot na sana ako. Kaya lang, may sumigaw doon sa gilid namin.
"Mom?!?" tapos humawak na siya sa akin, "Paano mo nasasabi yan?"
"Kinakausap ko lang itong kaibigan mo.."
Pero si Xander, galit na galit na talaga.
"Ginawa mo na 'to dati pa!!! Kay Daddy pa lang. What makes you think it'll be different this time?!?" sabi niya kaya shock na rin yata ako at yung mom niya. Sumisigaw na siya?
"II
just want the right girl for you."
"No you don't. Makasarili ka alam mo yun?!" hindi ko na alam sasabihin ko, "Ako at ako lang makakapagsabi kung sino ang dapat at hindi dapat mahalin ko. Hindi ikaw, hindi sinuman. Alam ko naman kung anong problema mo eh!!!"
"Makinig ka, hindi mo naiintindihan. Para sa 'yo rin naman"
"Ayokong makinig sa 'yo. Problema sa 'yo, takot kang may mahalin akong iba dahil iniisip mo mawawala yung sa 'yo."tapos huminto na si Xander, mahinahon pero mahigpit yung hawak sa akin, "If I'm going to love someone.. it doesn't mean I'm taking any from you..." hinila na talaga niya ako, "Tara na Kristen.."
"Uhmmm... sorry po." yun na lang nasabi ko hanggang sa nakalabas kami.
Hindi pa rin nagsasalita si Xander nun. Tingin ko... naintindihan ko yung bagaybagay without Xander explaining it...
***46***
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Xander nun. Hinila kasi niya ako sa labas. Pagkatapos nun, hindi rin niya ako binitawan habang hinihila niya akong maglakad. Ang bilis nga niya, sana lang hindi kasi nakagown ako ngayon. Ewan ko na lang kung anong mangyayari kung madapa na lang akong bigla.
Ayoko namang umalis doon at baka hanapin ako ni Kuya, ni Neriah o ni Bryan. Pero dirediretso lang si
Xander. Mayamaya lang, nasa parking lot na kami ng hotel. May tinawag siya, isang matandang lalaki.. then sinabi niya:
"Sakay na..."
"Uuwi na ba? Teka lang si Kuya hindi niya alam..."
"Sabi ko sakay na..."
Mukhang hindi naman makikinig sa akin 'to kaya sumakay na rin ako.
Driver yata nila yun... ewan ko. Pinagdrive niya kasi kami. Liko dito, liko doon. Saan naman kayang lupalop kami pupunta? Hello? May pasok pa bukas...
Hindi na ko nagabalang magtanong pa. Siya rin naman, hindi nagabalang kausapin ako. Ang saya naman nito. Sinandal ko na lang yung ulo ko doon sa gilid sa may pintuan, at naghintay kung saan naman kami hihinto. Finally... nagstop din kami. After 48 years.
"Dito na tayo?" sabi ko for the first time pagkatapos naming umalis sa hotel, "Ano namang gagawin natin dito?" Hindi naman siya nakatingin sa akin. Sinabihan niya yung driver na dalhin daw muna yung kotse a balikan na lang daw kami ng midnight. Binigyan pa niya ng pera para maggala yung driver. Ano naman kayang oras na?
"Paggkatapos po ng dalawang oras, balikan niyo na kami..."
So, 10 o' clock na rin. Nagnod yung driver, sumakay ng kotse, at umalis na nga. Ako naman nakaharap pa rin sa kanila, mukhang ewan na ganito yung suot... pero pagturn ko sa likod ko...
Awesome!! I've never been here..
"Wow.." sabi ko na lang pero mahina, "Paano mo nalaman 'to?"
Tinaas niya yung dalawang balikat niya. Tapos naglakad papalapit sa akin.
"Nagpupunta ako dito paminsanminsan.
Kapag hindi ako nagplaystation.."
At least alam ko parehas kami sa bagay na yun. We have a thing for... heights... views... lights.. buildings... sky.. stars... How cute?
Napansin ko na hindi na siya nakatayo. Akala ko kung anong gagawin, humiga pala sa damuhan. Nakatingala pa siya sa akin nun.
"What?!?"
"Hindi mo naman siguro balak tumayo sa loob ng dalawang oras 'di ba?" sabi niya tapos nagtap siya doon sa damo sa tabi niya.
"Nagpapatawa ka ba? Tingnan mo nga yung suot ko.."
"So?" nagtap siya uli, "Dali na Kristen..suot mo 'to para di ka lamigin.." binigay niya yung tux niya.
Itong tao na ito, sobrang kakaiba ang takbo ng utak. Tingnan mo nga naman kung paano yung kilos mo, aakalain mong hindi siya sumigaw sa mommy niya kanina at normal lang siya.
Ginawa niya na yan dati pa... after nung laban. Kung kausapin niya ako at magbiro... ganun pa rin.
Nakatingin ako sa kanya nun. Mukhang 'di naman niya alam. Nakatakip kasi yung kanang braso niya sa mata niya.. "Kung gusto mo magtanong... libre naman. Bukas may bayad na.." sabi niya kaya medyo nagulat ako, "And don't stare at me like that, I'm melting..."
Nagroll
ako ng mata ko. Umupo na rin naman ako sa gilid. Hindi ko yata kayang humiga kapag ganito.
"Anong meron sa Mommy mo?" hindi ko alam paano irerephrase yung tanong ko.
"Problems..."
"Gaya ng..?" ganun pa rin position niya. Kung hindi ko siguro alam, iisipin kong tulog siya.
"In her own mind, she have too many questions..."
"Questions? which one?"
"All of them." sabi niya ng mahina, "She's still looking for it..."
"Looking for what?"
"Answers." sabi niya uli.
Parang yung mga explanation niya, lalo lang akong maguguluhan. Hindi ko alam kung binibiro ba niya ako o ano... "Ang gulo mo naman eh.."
"Ok... ako rin naguluhan.." ano ba 'to? "Naaalala mo kung bakit ayaw kitang pumunta sa anniversary nila?"
"Oo." sabi ko nung naalala ko. Nainis pa ko nung araw na yun.
"Siya yung reason kung bakit. Alam ko na may sasabihin siya sa 'yo na hindi maganda, just like before, kaya si
Lyka niyaya ko." nagpause siya, "History repeats itself... not really, but at least, I considered my parents' life a history." Ano raw?
"Teka nga..."
"Look, yung ginagawa niya sa akin ngayon, eh parehas lang ng ginawa niya kay Daddy." huminga siya ng malalim, "She doesn't like my mom. Pero si Daddy, walang pakialam kaya ayun kinasal pa rin sila. Lumayo sila, more than a year, tapos bumalik sila." sabi niya, "Siguro para makipagayos na rin. Since that time... 5 months old na ko."
"Then what happened?"
"Nagaway
sila. Dahil wala na talagang magagawa si Daddy, umalis na sila ni Mommy. That same day.. they died." "Sorry.."
"So see the picture?" sabi niya at for the first time, tumingin naman siya, "kaya ko niyaya si Lyka. Para lituhin siya. Pero napansin pa rin niya.." tinakpan niya uli yung mata niya, tapos bumulong pero narinig ko: "Napapansin na ng mundo, isa na lang ang hindi.."
Saka ko naman na naalala... si Kuya nga pala.
"Naiwan ko yung cellphone ko doon sa kotse... si Kuya!! Patay na ko!!" nagpanic ako. Bakit ba ngayon ko lang naisip yun?
"Tumawag na ko.. basta daw ihatid kita.."
"Ooh.. thanks."
"Bakit ba ayaw mong humiga?" inulit na naman niya yan..
"Ayoko nga..."
"Ayaw mo?" umupo na rin siya.. "Ako gusto ko.."
Sumunod na lang na alam ko, niwrap niya yung kamay niya sa akin, sa balikat sa likod, at hinila ako para humiga. Ang higpit ng hawak, hindi ako makatayo.
"That settles it."
Tinaas ko yung kilay ko.
"Ayokong humiga.."
"Nakahiga ka na nga ngayon eh.." oo nga kasi ang higpit mong humawak!!?
Wala na naman akong magawa, as always, kaya humiga na talaga ako. Saka ko lang narealize, ok na ok nga
'to!
"Kristen..."
"Hmm?!?"
"Alam mo kung anong pakiramdam ko kanina sa hotel nung nakita kita?"
"Paano ko naman malalaman yun ha?"
"I felt like I'm a frog.." sabi niya kaya medyo natawa ako.
"Ano?!?"
"Ang bagal mo talaga..." sabi niya tapos hindi na ako pinansin.
"Hoy!"
Tumingin na lang ako paitaaas. Kapag ginagawa mo pala yung mga bagay na hindi mo normal na nagagawa, you'll find it brilliant. Gaya ngayon...
Siguro nga hindi ko lang alam sa sarili ko... or in denial lang din ako... but I really do appreciate Xander.
Simula pa lang nung first day of classes.. 'Huwag mong sabihin sa akin na naliligaw ka. Sa dinamidami ng lugar sa Edison High pa?'
My enemy. Kinda'.
Dun nagsimula. Siguro matagal ko nang alam na he's not just.. Xander. Si Xander na kaaway ko. Nalock lang ako siguro sa idea na, magstay ng ganun.
Pero ang totoo, naeenjoy ko naman ang company niya... sa pagsasalita niya.. kung paano siya kumilos.
It makes him orignal.. and only one.
Tama na nga Kristen, naapektuhan ka na naman ng hangover ng party.
Itutulog ko na lang 'to... nakakailang dahil ganito yung posisyon... para siyang nakaakbay pero nakahiga lang...
Xander's really something. Hindi ko inisip na aabot ako sa ganitong point.
Gaya nga ng sabi nila.. 'love your enemies...'
I think I already did.
***47***
Tahimik kami parehas. Ang sarap ng hangin, malamig pero ok lang. Nakakarelax.
Pinikit ko nga rin yung mata ko at ewan ko na talaga... nakatulog na ako.
Mayamaya
lang may naririnig akong bulungan. Akala ko nananaginip na naman ako, pero narecognize ko. "Shh.. magigising siya. Kuya!" hindi ka na magkakamali, si Xander yun.
Dinilat ko naman yung mata ko. Nakita ko si Xander katabi yung nagdrive sa amin kanina. May hawak silang phone na nalaman ko namang kay Xander.
Tumayo na lang ako bigla, nataranta rin sila kahit nanlalabo pa yung mata ko.
"Anong meron?"
Si Xander naman, tumingin sa ibang direksiyon at sumipol. Kunwari pa eh innocent effect.. pansin ko naman na merong kung ano.
"Hindi po ako yun Mam.. siya po.." tapos inabot niya yung cellphone kay Xander.
"Ha? Ako? Itong mukhang 'to?" tapos ngumiti sa akin, "Hindi no."
Lumapit ako sa kanila... at inagaw ko yung phone ni Xander. Tumalikod ako at narinig kong sinabi ni
Xander: 'Naku, patay na..' tapos tinignan ko na nga.
Siguro over 25 pictures yung nakita ko. Napansin ko nga na parang babatukan ni Xander yung driver, kaya nung lumingon ako kunwari ngingit siya at di niya gagawin.
Pero sa pinakadulo.. yung picture namin na parehas kami natutulog.
Uminit yung buong mukha ko. Tinignan ko si Kuya na driver.
"Hindi ko po ginawa yan.." sabi niya sa akin pero nakatawa.
"Sino naman po ang kumuha nito? Nandito kami eh.. Mumu?" tapos inisaisa ko. "Oo nga.. si Kuya yan. Tama Kristen."
"Bakit naman defensive ka?" tinignan ko ng nagtataka..
"Wala.. ano.."
"Kasi po yung lima diyan na natutulog kayo, ako yun. Yung karamihan na kuha niyo po, siya na."
Tumingin si Xander dun kay Kuya na driver at sinabing: 'Bakit mo sinabi!'
"Ano namang balak mo sa picture na yan?!?" biniro ko na lang, "Ipaframe mo?" "Actually hindi eh.. pero thanks kristen.. you gave me an idea.." tapos kinuha niya uli phone niya. "Teka nga itetext ko si Sharlyn..."
"Sharlyn???"
"Sharlyn Afinidad. Close friend ko. Kaya lang ang layo na nila dito eh, nasa Laguna siya. Birthday kasi niya last April 10.. hanggang ngayon di ko pa nababati. 6 Months na rin."
"Last April 10? Loko ka.."
"Makulit din naman yun. Nung birthday ko rin naman dati, 5 months bago ako binati. Tinalo ko naman siya ngayon..." "Gabi na kaya.. uwi na tayo.."
"Oo nga pala.. tara na.."
Sumakay na kami nun. Medyo inaantok na talaga ako. Hindi rin naman nagtagal, nasa bahay na kami. Text pa nga ng text si Xander. Finally sinabi niya..
"Gusto ka raw niya mameet..."
"Ha?? Kailan?"
Pinabasa niya yung text sa akin nung Sharlyn. svhn m ky kristen, bks k n xa imemeet, gabi na. =)
Napataas naman kilay ko? No wonder kaibigan siya ni Xander. Pag nagsama sila, total blast.
Bumaba na ako sa sasakyan. Siya rin naman bumaba.May dala na siyang bag. Nagtaka naman ako kung bakit.
Kinagulat ko pa sa lahat.. umalis na yung driver.
Paano naman kaya siya uuwi niyan?
"Teka.. bakit?" speechless ako? Wala naman siya sigurong balak maglakad simula dito hanggang sa kanila ah!? "Hindi ka pa uuwi?"
"Anong hindi pa uuwi? Hindi muna uuwi. Kaya nga pinabalik ko si Kuya kanina, pinakuha ko ng damit.." kaya pala may dala siyang bag.
"O sige.. kaw bahala.. ingat na lang sweet dreams." inaantok na talaga ako.
Humawak naman siya sa braso ko.
"Kristen..."
"Bakit?"
"Nabanggit ko ba kung san ako matutulog?"
"Hindi. Sa hotel naman 'di ba? So.. ingat."
"Nah.. you got that one wrong..." nauna pa sa akin sa gate..
"San ba kwarto ko?"
***48***
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sobrang dami na ang nangyari sa gabi na 'to, most of them kinagulat ko, at hanggang ngayon ba naman sa paguwi ko at tipong magpapahinga na lang eh may ikakagulat pa ako.
Tingnan mo nga naman, ang galing talaga ng mga biro ni Xander. Effective na naman. Stunned ako eh.
"Ok na.. bumenta yung biro mo. Padaan na nga at gabi na.. este umaga na pala. Matutulog na ako. May pasok pa bukas."Nagyawn na ako, "Superduper puyat na ako.... pati ikaw. Sweet dreams.. sleep tight.. ano pa ba?
Ingat sa paguwi..
God bless.."
Umiwas ako para makapasok sa gate namin. Kaya lang sumabay sa akin hanggang sa pintuan namin.
"Wala ka sigurong balak pumasok bukas no? Ako meron eh..." sabi ko kasi may pangitingiti pa. "Sabi ko naman benta na yung biro mo, so panalo ka na... unless" napatigil naman ako sa idea.. "Hindi ka naman seryoso 'di ba?"
Nakatayo pa rin siya doon. Hinihintay yata na buksan ko yung pinto. Nakita kong nakangiti, kahit na medyo madilim na rin. Oh my God.
"Kaya pala may dala kang bag?!? Akala ko biro lang!"
Hindi ko naman inaasahan yung expression ng mukha niya. Parang nairita yata na parang ewan.
"Ineexpect mo ba ako na umuwi sa bahay eh kanina lang sinigawan ko si Mommy?!?" tapos umiling siya, "Nauh
Kristen, hindi ko style. Hindi rin naman makakabuti, baka lalo pang makasama. Mabuti na siguro hindi muna ako umuwi."
"Ddito
ka matutulog sa amin?" hindi ko pa rin matanggap yun. "San ka naman matutulog diyan?"
"Nung tumawag ako sa Kuya mo kanina at pinaalam kita, tinanong ko na kung pwede. Nung una hindi pa siya sigurado, pero sabi niya tiyak daw pwede naman. Subukan ko daw tumawag sa landline niyo, kinausap ko yung
Papa mo, nagtanong sa Mama mo.. tapos ayos na." kinausap niya sina Mama?!?
Huminga ako ng malalim. Akalain mo ayos daw sa kanila? Eh si Mama nga nun nagmakaawa pa ako na magsleepover lang kinaNeriah.
Hindi raw maganda yung idea na nakikitulog. Sa akin naman naisip ko, wala namang masama. Per yung case ngayon...
"Sinabi ko na nagaway kami ni Mommy, at ayoko munang umuwi. Does that make sense?"
Nabuksan ko na yung pinto nun. Sabay kaming pumasok. Mabuti na lang at iniwan nila yung standing light kaya may ilaw doon sa baba. Ang tahimik na sa loob, malamang lang!!! Tulog na yata ang sambayanang earth kami na lang ang hindi. Oh well...
"Hindi ko talaga alam ha.. pero huwag na lang tayong magingay at baka magising pa si Angelo, hindi na kakayanin ng utak ko makipagtalo sa kanya. Yung pangalawang pinto sa kaliwa, kwarto yun ni Kuya. Doon ka na siguro..."
Napaisip naman ako. Yung kama naming dalawa ni Kuya eh twinsize beds, enough para sa dalawang average na tao, pero si Kuya at Xander? I wonder kung makakahinga pa sila sa pagtulog nila. Yung kama nila Mama at
Papa eh queensize.. kung ganoon kalaki eh ayos siguro... yung kay Angelo naman dahil maliit naman siya, bed in a box. Tama lang talaga...
"Kahit saan... ok lang."
Tumigil ako at inobserbahan siya. Tingin ko lang pero hindi ako sigurado, hindi siya yung type na tao na makakatulog'kahit saan' na sinasabi niya. Eh nung nagpunta ako sa bahay nila, sarili niya yung kwarto... at kahit na hindi ko naman nakita yung loob at medyo 2 inches lang yata ang napansin ko.. first impression ko eh mas malaki pa yung kwarto niya sa pinagsamang kwarto namin nila Kuya at Angelo.
Sinabihan ko siya na ilagay muna niya yung gamit niya sa kwarto ko kung nabibigatan siya at nagpaalam ako na gagamit na ako ng banyo. Maliligo ako. Ayoko namang may makeup sa mukha ko ng natutulog...
Dahil isa lang yung banyo sa taas, sinabi kong pwede niyang gamitin yung banyo sa baba kung gusto niyang magpalit na rin.
Bumaba na rin siya. Ako naman bago pumasok sa banyo eh kumatok sa kwarto ni Kuya para alam niya na nandito na kami. Parang naghihilik na yun sa loob, pero tiyak naman babangon din yan kasi nagingay ako ng kaunti. Naligo nga ako.. as usual, ang lamig ng tubig. Nanginginignginig pa ako nung kinuha ko yung towel ko. Ilang beses ko ring sinabunan yung mukha ko at baka mangati ako sa makeup.
Doon na rin ako nagsuklay at nagpalit ng Pj's. Yung idea na nandito si Xander at makikita niya akong nakapajama eh kinikilabutan na ako.
Hello?? Nakakahiya kaya.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo eh bukas na yung ilaw sa kwarto ko. Tinignan ko naman si Xander, nakabihis na siya. Nagulat yata sa akin kasi nataranta eh. Nakaupo siya doon sa upuan sa table ko.
"Teka lang ha, gigisingin ko si Kuya..."
"Sure. Gaano ka ba katagal naligo? 2 hours?" sabi niya na para bang naiinis pero alam kong nagbibiro lang, "Nice Pj's nga pala... pink."
Tinignan ko nga ng masama. Alam naman niya kasi na hindi ako yung 'pink' girl na maituturing. Not if I can help it. Padala pa ito sa amin nung kamaganak namin sa America.
Saka ko lang napansin nun, hindi siya nakapajama.
Instead, naka plain white shirt siya at denim shorts na umabot sa knees. Thank God.
"Hindi ka nakapj's ha?!?" ang weird nung tanong ko. Siguro naman hindi sanay yung tao.
"Nagsusuot ako, sa bahay. Minsan kapag pinipilit ako ni Mommy. Pero hindi madalas... hindi ko na naman style. And Kristen, can you imagine me wearing one?!?" tapos tumawa siya.
"Yeah.. if you say so.."
Pumunta na ako sa harapan ng kwarto ni Kuya. Katok na ako ng katok doon eh wala pa ring sagot. Namumula na yung butubuto ko sa kamay eh tulogmantika yata si Kuya.
Finally nung napikon na ako eh bubuksan ko na talaga yung pinto niya. Kaya lang... it's locked.
Kanina lang ayaw na ayaw kong magingay sa taas namin at baka magising sina Mama, pero ngayon eh gustunggusto kong sumigaw. Ginawa ko pero hindi masyado.. wala talaga.
Nilagay ko yung tenga ko sa pintuan niya.. tahimik. Kuya naman!!! Wala namang ganyanan!!!
"Hoy!" sabi niya tapos humawak pa sa balikat ko kaya medyo nagulat ako, "Anong ginagawa mo?"
"Nakikinig. Hindi na magisinggising si Kuya. Asar naman eh. Patulugin man kita sa kwarto ni Angelo eh maliit lang yun. Yung dresser pa niya malapit sa kama kaya hindi ka makakatulog sa sahig.." inisip ko naman kung pwede sa sala, "Hindi naman pwede sa sala namin, it'll be rude. Saka ayaw ni Mama ng may natutulog dun.." that leaves me with one option.. anyone help me!!
"Then.. what?"
"Isa na lang pwede kong gawin. You have to sleep in my room..."
Hindi ko na alam ang expression ng mukha ko nun. Naginit yung mukha ko. HIndi ko alam kung dahil ba sa medyo badtrip ako na sa kwarto ko siya... o ibang bagay.
Syempre, pumasok na kami sa kwarto. Hindi naman kami pwedeng matulog sa iisang kama, understood na rin niya yun. Kinuha ko yung sleeping bag sa walkin closet ko at binigay ko sa kanya. Ginamit ko pa yun nung camp nung second year ako. May mga flowers pa nga na design. Well, wala naman akong magagawa. Wala akong panlalaki na sleeping bag.
Pinatay ko na yung ilaw. I'm exhausted. Naririnig ko naman yung kilos niya, medyo tumahimik. Ilang beses pa niya akong sinabihan na ayos lang daw talaga at huwag na akong mamroblema. Hindi ko naman pinoproblema na hindi siya comfortable sa pagtulog niya, ang problema ko eh hindi ako comfortable sa pagtulog ko.
Nasa gilid lang siya ng kama ko. Kita ko pa rin yung mukha niya, pero half image lang. Syempre, ito na naman ang hindi ko inaasahan.
"Kamay mo nga.." sabi niya sa akin.
Ano na naman ngayon?
"Bakit?"
"Just give me your hand.."
Nagproprotesta
pa ako nung una, nagtataka kung bakit. Binigay ko na rin at hinawakan niya ng kaliwang kamay niya. Mayamaya lang... "Sabay tayong magdadasal... may problema?"
And that's enough to make my heart swell...
Napangiti na lang ako. Siya pa yung naglead ng prayer.
"Sweet dreams Kristen.." sabi niya sa akin.
"Ikaw din.." sobrang antok na ko.
"I'm pretty sure I will.." what does he mean by that???
Nakakapagtaka talaga. Hindi ko rin alam, but there's something on that smile.
***
Hindi ko pa dinidilat yung mata ko nun. Kahit ganun pa man, nasisilaw pa rin ako. Yung kurtina kasi ng kwarto ko eh hindi masyadong nakababa, kaya nasisilaw ako. Hindi ko pa pinansin... kaya lang napatayo na lang ako nung mabilis nung naisip kong...
MONDAY NGA PALA!!!
Tumingin ako sa alarm clock ko. Ano ba yan??? 7:20 na. More than 6 hours lang akong natulog. Tingin ko ala1 na ko na knockout eh. Kailangan kong pumasok...
Ibababa ko na sana yung paa ko sa gilid ng kama ko para isuot yung tsinelas ko, dahil ganun naman parati, kaya lang muntikan ko nang maapakan yung nakahiga sa gilid.
Nakalimutan kong nandito pala si Xander.
For a brief moment, or probably long enough, tinignan ko siya matulog. Soundless sleep siya. Yung buhok pa niya eh cute tignan kahit nakahiga siya doon sa unan na binigay ko kagabi. Medyo natatakpan yung mata niya ng buhok niya... which I found attracnever mind. Hindi ko alam kung anong tawag... pero ang sarap niyang panoorin matulog.
Nasaan na ba yung baseball bat ni Kuya? Kailangan ko na naman yatang tirahin yung sarili ko.
Dahandahan
akong bumaba sa kabilang side ng kama ko. Pumunta ako sa banyo at nakita kong nandun si
Mama at nagliligpit. Umalis na si Angelo tiyak, pati si Papa. Si Kuya ewan ko, pero naamoy ko yung pabango niya bago ako bumaba kaya siguro may lakad yun.
Tinignan ako ni Mama, pero walan sinabi. Hindi naman galit yan, alam naman na niya kasi. Sinabi niya na hindi na raw niya kami ginising dahil tiyak daw eh puyat kami, ok naman daw na umabsent na kami sa ibang klase namin.
Umakyat ako para magpalit na rin ng uniform at maligo. Pagpasok ko sa kwarto ko, nagliligpit si Xander ng hinihigaan niya.
"Oi ano ka ba, iwan mo na lang yan..."
Nakangiti pa rin siya nun. Ang agaaga ang taas na naman ng energy nito?!?
"Ano naman yang ngiti na yan?"
"Wwala.."
sabi niya tapos pinipigilan niyang ngumiti ngayon, "Maganda lang gising ko... yun lang."
Katulad kagabi, ginamit ko yung banyo sa taas, siya naman sa baba. Pagkababa ko nga nung natapos akong magayos ng sarili ko, kung anuanong pagkain yung inioffer ni Mama sa harapan ni Xander. Nalunod yata eh... Sumabay na akong kumain. Napansin ko na hindi siya nakauniform kundi nakablue green shirt siya na nakalagay eh Edison High at underneath nun eh nakalong sleeves siya na white. Cool huh.
Past 9:00 na kami nun umalis ng bahay. Nagbye lang si Mama at sinabihan pa kami na bilisan daw. Tiyak last period na ng pangumagang lesson ang maabutan namin.. which is.. Calculus.
Hindi ko rin alam kung bakit, pero nakatingin yung mga tao sa amin nung pumasok kami. How weird??? Saka ko lang napansin, super late nga pala kami. Nothing special. Dream on Kristen!!!
Hinintay namin yung natitirang oras nung English namin, para makapasok sa loob. Nagalarm na at napansin kami nung teacher namin sa labas, pero walang sinabi. Alam na niya na late kami.
Pumasok kami sa loob, tinginan, nagtawanan, at kasama na rin yung tuksuhan. Alam naman nila na hindi kami, matagal na, pero parang naseset aside parati.
This time, tumabi ako kay Neriah. Si Xander eh nangopngopya ng notes magisa sa likod pero panay ang tapik sa balikat ko. Hindi na naman ako makapagconcentrate.
"Magkwento ka nga... bigla na lang kayo nawala kagabi!!"
"Big deal na ba yun?"
"Oo. Dami rumour na nagkalat eh. Syempre alam na nila, dami ba naman showbizz sa school na 'to. Yung iba sinasabi nagaway daw kayo ng Mommy ni Lee, yung iba naman sinasabi na pinagtanggol ka raw. Ano ba nangyari?" Talaga namang hindi makakapaghintay 'di ba?
"Hindi po kami nagaway ng Mommy ni Xander. FYI, one sided lang. Hindi naman ako nagpapakabuti o kung ano man, kasi more likely siya lang ang umaaway sa akin.." sabi ko pero wala ako sa mood, "Ewan ko kung away ba tawag dun.. basta sinabihan niya ko na layuan ko raw si Xander. Narinig niya kaya ayun.. nagexplode.
Inaway niya Mommy niya.."
"Kaya pala eh, showbizz na showbizz ang dating. Yung Kuya mo parang walang pakialam nung sinabing nilabas ka ni Xander. Si Bryan, ewan ko kung shock ba o ewan.. pero hindi nagsalita..." tapos may evil grin pa siya sa mukha niya,"Nakita mo dapat si Lyka, hindi maipinta ang mukha!!"
Hindi ko naman maisip. Ewan ko kung paano kumalat, hindi lang pala dahil late kami kundi alam pala nila yun. Chismis nga naman.
"San kayo pumunta?"
Inisip ko naman. Hindi ko rin alam kung san yun.
"Hindi ko alam eh. Basta alam ko mataas na lugar.. parang kita mo nga lahat eh.." sabi ko habang inaalala ko uli. "Natulog lang din naman kami hanggang twelve, tapos umuwi. Natulog din siya sa bahay."
"Whoa?!"
Nagalarm naman na nun. Lunch break na. Hindi pa ako nagugutom kasi kadarating ko lang. Nagsitayuan na yung mga classmates namin. Hindi ko rin natapos yung notes ko, si Xander mukhang naiwan tapos sinara yung notebook niya.
"Sumakit kamay ko sa pagsusulat.." sbai niya habang shinishake yung kamay niya.
Nakisingit na rin ako doon sa paglabas ng pinto. Nasa labas pa lang ako at inaayos yung bag ko para ilagay yung gamit ko sa locker. Nasa bench sina Bryan at yung ibang wwwdotcom kasama si Xander.
Narinig ko yung ibang usapan nila.
'Natulog ka sa kanila?' sabi nung isa na hindi ko alam ang pangalan.
"Yeah. It's no big deal. Knock it off.."
"No big deal?? Eh kagabi lang umalis kayo magkasama..."
"Sabi ko naman sa inyo, nilayo ko siya kay Mommy.."
"Good enough. Nagthankyou ka naman ba nung nakitulog ka?"
"Err... not yet. Nakalimutan ko."
Sa totoo lang, hindi naman na niya kailangang magthank you. Ok lang naman. Susunod na sana ako kay Neriah para umiwas, dahil simpleng thank you eh paguusapan na naman at ngayon pa eh nasa hallway kami.
Hindi pa ako nakakalayo, may humawak sa braso ko.
"Kristen.." sabi niya habang pinipigilan ako.
"Bakit?" kunwari pa...
"Well..ah.. gusto ko lang mag thank you. Last night.Pati sa family mo.."
"Sure.. anytime."
"Thanks for a wonderful night... I won't forget it..." tapos nagbend siya. After that...
He kissed me on my cheek.
***49***
Hindi ako makakilos nun. Nakangiti pa siya sa akin. Akala ko nga aalis na sa harapan ko, parang mas ok yata yun, pero tumayo pa rin doon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hinihintay yata na magreact ako. Syempre, naghiyawan naman sa corridor. Nakakahiya talaga. Parang wala lang yun kay Xander, pero ako eh kulang na lang manliit sa sobrang dami ng nakatingin sa amin.
Binatukan pa siya nung mga guys doon sa gilid. Tawa rin sila ng tawa. Naging style na nung mga guys yun kapag may kagulatgulat o katuwatuwa na nangyari.
"Ano ba yan.. tigil nga kayo.. bro nakailang batok ka na!" sabi ni Xander kasi may sumakay pa sa likuran niya at inaasar siya.
Para akong ewan dito. May sasabihin ba ko?
"Nice one Kristen!! Kayong dalawa kakaiba kayo.."
Tinignan ko lang siya. Kung may side comment si Neriah, tiyak meron din yung mga nakakita.
Panay na ang tawa ni Xander. Hindi pa rin siya tinitigilan doon.
"Kristen!!!"
"Ano.. ahh.. kakain muna ko ha.. hindi ka na sana nagthank you." Parang gusto kong batukan yung sarili ko. Wala na namang kakwentakwenta yung sinabi ko.
"Teka lang.. ei bro.. stop!!" tinigilan din naman siya, tumingin sa akin, "Kakain ka na? Ako nga busog pa.." tapos lumapit sa akin, lumingon sa mga lalaki sa likod niya pero parang may meaning yung tingin.
Hinila niya ako sa gilid. Alam ko na may mga nakatingin sa amin, pero at least malayo sa sambayanang
Pilipinas.
Tuwing malapit siya, hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano.
"Listen.." bumubulong pa siya, huminga ng malalim, "Alam ko hindi ito yung tamang place, at hindi rin tamang time so.."hinga ng malalim, "I.. I want to talk to you. Privately. Kung ok lang sana sa 'yo.. mamaya.."
"Ha.. tungkol saan?" sabi ko naman.
Tinapik niya ako sa balikat.
"Mamaya.."
Umalis na siya nun, at syempre, kung anuano na namang panunukso ang nangyayari. Nawala na si Bryan sa paningin ko, si Neriah hinihintay yata ako. Hawak pa niya yung phone niya. Nakatawa pa ang bruha sa akin na akala mo eh nakapanood ng circus.
Sinamahan ko lang sya sa cafeteria. Kumain siya ng kumain dahil nagugutom na siya. Halata ngang puyat siya eh. Pinapakain niya ako, pero ayoko naman dahil busog ako at isa pa iba yung takbo ng isip ko ngayon.
Gusto niya akong kausapin??? Para saan naman kaya? Pwede namang sabihin na 'di ba???
Nagsnap
si Neriah sa harapan ko.
"Oi! Kanina ka pa wala sa sarili diyan!" sabi niya sa akin habang sumusubo ng kanin, "Ikaw ha, inaala yung kanina!! Kili to the bones ka naman?!?" sabi niya, saka ko lang naalala kung ano yung tinutukoy niya... feeling ko namumula na ako.."Anak ng teteng naman yung si Lee oh! Kung may papasa na lang din naman na sa palabas sa TV, siya na ang number 1...akalain mong halikan ka sa pisngi kahit na maraming tao?? Sabagay wala naman siyang pakialam.."
Kain pa rin siya ng kain. Pinaalala pa niya. Sana 'di na lang niya ginawa.
Pumasok kami nung narinig namin yung alarm. Akala ko nga kung ano yung tinitignan nila, nakakumpol kasi sila doon sa isang sulok.
Nung dumating ako.. tumawa lang sila.
"Ano?!?"
Pinakita nila sa akin yung cellphone ni Marvin. At ang nakakainis.. may picture kami ni Xander!!!
Hay naku.. three guesses what is it??? Obvious ba?
Inaagaw ko nga sana, kaya lang ayaw ibigay eh. Sabi niya papaprint daw niya, tapos ilalagay niya sa Bulletin.
Eh kung batukan ko kaya ito???
Nagklase naman kami. Ayun, isang malaking himala na naman at hindi ako inantok sa afternoon classes ko.
Habit ko na hindi makinig eh... pero ngayon, kakaiba feeling.
Si Xander naman, sobrang taas ng energy uli, nagiingay na naman sa klase.
Pinagalitan pa nga siya nung teacher namin sa PE.
Mabilis namang natapos yung klase. Nitong mga huling araw, parang maganda yung mga pangyayari hindi ko lang masyadong napapandin. Everything seems to be in place.
Dumaan ako sa locker ko at iniwan ko uli yung gamit ko. May kumalabit pa sa akin sa corridor, si Xander pala.
Seryoso na yung mukha niya, naalala ko na may sasabihin nga pala siya.
Nagmamadali akong maglakad nun. Nakikisiksik ako sa mga tao sa corridor. Kaya lang kakatakbo ko... may nakabangga ako.
Nahulog yung mga gamit ko at yung gamit niya.
"Sorry.. pasensya na talaga.. nagmamadali lang.. hindi ko sinasadya." nataranta naman akong pumulot doon sa gamit niya. Naghalohalo na yata.
"Ok lang Kristen... ako na dito.. kaya ko na.." sa dami naman ng makakabangga, si Bryan pa. Dyahe talaga.
Bukas kasi yung bag niya nun, at nagkataon namang nagtetext siya kaya hindi rin niya ako nakita. Tinulungan ko naman siya, dahil kasalanan ko rin naman na kahit papaano.
Nung inaabot ko sa kanya yung ibang gamit niya.. nashock ako. Hawakhawak ko yung bagay na yun. Tinignan ko siya. Busy siya sa pagkuha ng gamit niya. Ako naman, tinitigan siya.
Nanginginig ko pang inabot sa kanya yun..
"Sa 'yo ba 'to?" tapos pinakita ko, "Ppost it mo nga pala.."
Pinipilit kong isteady yung boses ko. Kinuha niya sa kamay ko at nagsmile sa akin.
"Thanks.." tapos tumayo na kami parehas.
May tumakbo naman sa gilid namin. Kilala ko yung sapatos na yun. Inalalayan pa ko.
"Ano, ok ka lang?" sabi niya na nakatingin pa sa akin.
"Oo ok lang..." pero tingin ko talaga ngayon.. hindi ako ok.
"O sige una na ko.. dadaan pa ako sa library.."
Napatingin si Xander doon sa post it na hawak ni Bryan. Nagiba na yung expression ng mukha niya. Alam rin niya kasi yung bagay na yun, at binigyan ko siya ng warning look.
"Hintayin mo na lang ako sa library Bryan.." sumigaw pa siya.. kasi paalis na si Bryan.. humarap siya sa akin.. "Ikaw naman, tara na.."
Hinila niya ako. Hinawakan niya ako sa wrist ko ng mahigpit na mahigpit.
Ako naman nung nakatayo doon, hindi ko maexplain kung bakit nagiba na lang bigla yung pakiramdam ko.
Ewan ko.. nung sa pagkakatayo ko kanina doon sa pagitan nila, tinignan ko si Bryan at Xander...
Nalilito na ko...
***50***
Hinila ko naman kaagad yung kamay ko sa pagkakahawak ni Xander. Ang higpit.. masakit na nga eh.
Kaya lang.. hindi ko matanggal yung kamay niya.
"Xander.. yung kamay ko..."
Dirediretso
lang siya. Hindi man lang ako nilingon. Ano ba 'to.. dito pa lang sa nakikita ko, namumula na...
"OI ANO BA!!!" hindi kasi makinig eh.
Lumingon siya, sobrang seryoso yata nito ngayon. Parang kanina lang...
"Bakit ba?!?" aba.. parang ikaw pa galit ah!
Nakarating kami kaagad sa swing. Doon pala kami pupunta. Malamang lang makarating kami ng mabilis paano ba naman eh pwede na kaming sumali sa karera ng kotse nito.
"Yung kamay ko pwede? Kung hindi mo lang alam, masakit na po siya kasi ang higpit ng hawak mo.." bigla siyang tumingin, "At kung hindi mo rin alam, namumula na siya.." nirelease na niya, nagulat yata.. "Saka... galit ka ba?"
"Hhindi.
Hindi ako galit." sabi niya na parang nakonsensya yata sa kamay ko, "Sorry na..."
"Ok.. ayos na yun.. pero masakit talaga.." hinawakan ko yung kamay ko, sa wrist.
"Hihingi ako ng yelo sa cafeteria kung gusto mo.. sandali lang.."
Papaalis na sana siya nun.. kaya lang pinigilan ko. Tumingin siya sa akin.
"Huwag na.. 'di naman kailangan. Mawawala rin 'to.."
"Kasalanan ko talaga.. tatakbo ako, mabilis lang."
"Hindi na talaga kailangan. Let's get to the point. May sasabihin ka? Ok... makikinig ako. Ano ba yun?."
Umiling naman siya.
"Nah.. mamaya na yun. Makakapaghintay naman. First things first. Ano bang nangyari sa corridor?" sabi niya na parang 'di ko na naman maexplain yung mukha.
"Bakit ba kailangan pa pagusapan pa yun? Obvious naman 'di ba kung ano yung nangyari?" natigilan ako sa tingin na yun, "Alright..sabi ko nga. Nagmamadali ako.. tumakbo.. then BAAMMM.. nabangga ko si Bryan.
Tinulungan ko siya..."naalala ko naman yung kanina. Hawak ko pa yung postit niya. Ano ba naman yan? Si
Bryan. Kilala niya ako... yung isa pang ako. Siya lang talaga... nagiisang nakakaalam "Hindi naman mahalaga yun.. ano na nga yun uli?"
"Anong hindi mahalaga?" sabi niya sa akin tapos lumapit siya, "Alam ko na yung tungkol doon... will it hurt kung sasabihin mo sa akin? Sabi ko naman sa 'yo.. kung may problema ka, nandito lang ako."
Hindi ko alam kung bakit, pero parang nainis ako.
"Problema? Paano na naman napasok yan??" Xander naman. "Kung wala ka namang sasabihin, uuwi na ko."
"Hindi ko sinabing wala akong sasabihin. Binibigyan nga kita ng chance magopenup ngayon eh.. you like him right?" Tinignan ko siya. Ano ba 'to?
"No I don't."
"Liar." sabi nya na pinagdiinan pa talaga.
"Fine! I don't know. Nalilito nga ako eh.. kaya pwede ba..." nagsisimula na akong mabadtrip,
"Bakit ba ako yung topic ngayon?! Ang alam ko ikaw yung may business.. hindi ako."
Tumayo lang siya doon, nakatingin sa akin. Awkward silence.
"Ano na?"
"Kilala ko si Bryan. It's no wonder may gusto ka sa kanya. I mean.. may itsura.. may talent.."
Hindi pa niya natapos yung sasabihin niya, pinutol ko na.
"Hindi naman ako ganyan kababaw. He's nice. Siguro higit pa dun..."
"In short, umaamin ka na may gusto ka sa kanya.."
KRISTEN? How can you be so..so.. stupid?
Napatingin ako doon sa maingay sa gilid. Uwian na nga pala kaya nagsisilabasan na yung mga estudyante ng
Edison. Tumigil kami saglit. Nandun na naman si Bryan... akala ko ba nasa library yun? Nung binalik ko yung tingin ko kay Xander, nakatingin din siya.
"Ang swerte naman niya no?" sabi niya sa akin. "Alam ko mahirap sa situation mo. Pero kung ano man ang maging desisyon mo.. I'm all for it Kristen."
Pinilit kong ngumiti nun. Tumingin na naman ako sa gilid. Kaya pala nandun siya, hinahanap niya si Neriah. At yun, lumitaw naman kung saan.
"Thanks alot Xander."
"You're welcome." sa itsura niya, parang kakaiba yung ngiti na yun. "Samahan na kita sumakay, hindi kita mahahatid ngayon. Pupunta ako sa library, narinig mo naman kanina. Guy stuff..."
Lumakad na kami sa gate. Ang bait nga naman ng tao na 'to.
Naghintay lang kami ng jeep. Nakapagusap pa kami.. pero pakiramdam ko hindi normal. Saglit lang din... nagsunudsunod na yung mga jeep. Pinara namin yung isa.. kaya lang naalala ko.. may sasabihin nga pala siya... "Sakay ka na.."
"Teka lang.. ano nga uli yung sasabihin mo?"
"Ha? Yun ba? Ano.. wala naman talagang kwenta.." walang kwenta? eh mukhang seryoso siya kanina.
"Dali na, bago ako sumakay..."
Yung driver naman, asungot.
"Miss ano na?!? Sasakay ka ba?"
Tumingin lang ako. Matuto siyang maghintay.
Si Xander naman, tinulak ako. Hindi naman malakas. More or less light tap lang.
"Sumakay ka na nga..."
"Sabihin mo na.."
"Saka na lang. Nagbago yun isip ko. Kapag tinuloy ko ngayon, baka hindi ko na kayanin. Isa pa, mukhang magkakaheart, I mean, headache ako."
"Ooh.. right." sumakay na ako sa jeep. "See ya' tomorrow."
Ang daming nangyari sa araw na ito. Nakakapagod din pala. Xander's acting... well.. weird. Ewan ko ba, kakaiba naman talaga siya, pero iba pakiramdam ko sa kanya ngayon. We're getting along really well.. then... Bryan came into focus. The postit guy. Kung hindi siya siguro yun, hindi naman siguro mahirap sa akin na friend niya ako, friend ko rin siya. Kung ano man meron sa kanila ni Neriah... ako pa magtutulak sa kanya.
Kaya lang... siya yung postit guy. Ibang usapan. Iba lang kasi yung impact sa akin nun. Sa postit kasi, naexpressed ko yung masasabing... AKO. And I think, it's vice versa.
Should I tell him that it's me??? WAAA! Naguguluhan na ko.
Si Xander naman, ibang kaso. I love his company. Kahit na hindi postit, napapakita ko yung... ako. Yun na nga yung mahirap, magkaibang paraan, magkaibang tao.. napapakita ko yung totoong ako.
Kay Bryan.. through paper. Kay Xander... well I don't know. Basta lumalabas na lang yung ako.
Wala namang magagawa kung magisip ako ng magisip dito. Hindi naman na magbabago yun.
Humiga ako sa kama ko nung nakarating ako sa bahay. Tumingin sa kisame.
Finally... nabuo na rin yung desisyon ko. Yun naman ang dapat. Tingin ko naman, oras na rin para dun.
Bukas... tama.
***51***
Hindi ako makatulog nun gabi na yun. Masyado na naman akong nagiisip.
Dumating si Kuya, nakakapagtaka nga at hindi pa siya bumabiyahe at hindi pa pumapasok. Ewan ko ba dun.
Mayamaya
lang, nasa kwarto ko na siya. Nagulat yata sa itsura ko. Ano bang meron?
"Kristen, anong meron sa 'yo? Hindi ka pa nagbibihis. Wala ka namang balak matulog na ganyan yang suot mo? Uniform pa yan ah!"
"Magbibihis din ako. Nagmumunimuni lang ako Kuya.." tumayo ako mula sa pagkakahiga. "Himala yata at hindi ka pa nagbabiyahe. Wala ka bang pasok? Patay ka sa mga professors mo..." sabi ko sa kanya.
"Papasok pa ako eh samantalang pareparehas tayong puyat. Ayokong magdrive ng inaantokantok pa.. baka madisgrasya lang ako." tapos ngumiti siya, "So, kumusta?"
"Tingin mo?"
Tumingin siya sa akin na para bang iniXRay ako. Gumawa pa siya ng box sa kamay niya, umaarte na naman.
"Ewan ko, 'di ko mawari.." tumawa siya, "Pero pwede ka na sa TV."
Humiga na lang ako uli sa kama ko. Nakatingin na naman sa kawalan.
"Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ok ba ako o hindi. Pero mas matimbang yung hindi..." huminga ako ng malalim,"Pero bago yun, may kasalanan ka sa akin.."
Tinignan ko siya ng masama, pero pabiro lang.
"Ako may kasalanan??? Kailan pa?"
"Kagabi. Inimbitahan mo pala si Xander, hindi ko man lang alam. Tapos tinulugan mo pa kami.. nakalock pa yung pinto. No choice tuloy ako kundi patulugin siya dito.."
"Nagustuhan mo naman?" inasar pa ko.
Hindi ko nga sinagot. Bakit ba marunong magbasa ng iniisip ito?? Mali pala. Ulitin ko.
Bakit ba marunong magbasa ng nararamdaman 'to?
"Tinawagan kita, kaya lang 'di mo naman sinasagot yung phone mo. Tapos may lalaki pa na sumagot, sabi niya naiwan mo daw yung phone mo sa kotse. Hindi ko na kasalanan yun.." kinuha niya yung stuff toy ko sa gilid at nilaro. "Honestly Kristen, hindi ko sinasadya yung paglock ko ng pinto. Pagod na pagod na kasi ako nun.
Pagkagaling ko sa banyo at naligo, nagbihis na ako. Natulog na ako. Nalimutan kong alisin yung lock. Sorry talaga." "Apology accepted. Pasalamat ka savior kita.."
Umupo naman siya ng maayos. Kaharap ko na siya.
"Ano naman yung dahilan kung bakit hindi ok pakiramdam mo?"
Naalala ko na naman. Sasabihin ko ba? Tulad nga dati, hindi ko shinishare kahit na kay Kuya kung may problema man ako. Wala kahit isa sa kapamilya ko. Hindi rin sa kaibigan.
Nagexpressed
lang talaga ako ng lungkot, galit, o ano mang problema sa kakaibang paraan. To a complete stranger... in an abnormal way.
Ang hindi lang maganda ngayon, hindi complete stranger yung nakakaalam.
"Nalilito kasi ako eh..." nagdecide na ko na ikawento ko sa kanya. Tutal Kuya ko naman siya at naprove naman na niya sa akin kung gaano siya katotoo, hindi masamang ishare ko sa kanya. Makakagaan siguro sa pakiramdam. "Ok sige.. tuloy mo lang.. makikinig ako." seryoso na siyang nakatingin sa akin, at mukhang interesadonginteresadong makinig. "What if, merong isang tao na hindi mo naman talaga kilala dati at hindi ka rin naman niya kilala. Accidentally lang na..."paano ko ba sasabihin ng hindi direct? "well.. accidentally lang na nagkausap kayo. I mean, pakiramdam mo ang gaangaan ng loob mong magshare sa kanya ng nararamdaman mo. Kilala ka niya bilang ikaw na hindi mo naman normal na naipapakita." Nagisip ako. "Naging takbuhan mo na ng problema.
Tumutulong siya kapag may problema ka, at ganun ka rin sa kanya."
"Go on.."
"Tapos.. isang araw na lang, natuklasan mong kilala mo pala siya. Kaya lang may nangyari kaya yung inaakalang niyang ikaw, eh ibang tao pala na nagkataon naman... close friend mo." haay... mas magaan pala kapag ganito, "Hindi mo naman magawang sabihin na ikaw yun, siguro sa dahilan na nahihiya ka sa kanya, o sa dahilan na masasaktan mo yung kaibigan mo. Kahit ikaw sa sarili mo, nasasaktan ka na rin..." alam ko naiiyak ako.. pero hindi ngayon. Kaya ko pa.
"Sa madaling salita, hindi mo lang alam na nasasaktan ka dahil may gusto ka na sa kanya. Hindi dahil sa physical appearance, but his personality.." sumandal siya doon sa sofa.
"Something like that.." tinignan ko siya. "Yun nga lang may dumating, hindi mo rin naman inaasahan. Sa kaso naman na yun, gustunggusto mo yung company niya. Hindi mo lang namamalayan na naipapakita mo yung ikaw, yung totoong ikaw. Kahit 'di mo namamalayan, pero ganun yung lumalabas. Habang tumatagal.. ayun.. alam mo na."
"Hmmm, so you're asking.. sino yung pipiliin mo? Yung taong nakilala ka at tinulungan ka pero hindi niya alam na ikaw yun, o yung taong kilala ka at alam niya na ikaw yun. Hindi ba obvious yung sagot?" sabi niya, tinapik pa ko sa balikat.
"Hindi. Sa pakiramdam ko kasi, mas kilala ako nung nauna. It seems like, I shared my other half.."
"Kaya lang hindi ka naman niya alam... na ikaw. Tulad nga ng sabi mo.. iba yung alam niyang ikaw."
"Yun na nga eh. Kaya nga kumplikado. He knows I exist, as a friend. But other than that, I more like a spirit."
"Eh yung second one? Does he know you exist as a friend and more than that?"
"Bilang kaibigan.. yeah. Higit sa isang kaibigan.. I'm not sure.." Hindi ko pa napapagisipan yun. Xander's well.. I don't know. Unpredictable?
Narinig naman namin na tinatawag si Kuya ni Papa. Hindi ko alamkung para saan, kaya napatigil kami parehas.
Siya naman, lumapit sa akin.
"Sa tingin ko dapat sabihin mo doon sa nauna na ikaw yun.. at hindi yung kaibigan mo. Kapag wala lang sa kanya at nagstick siya sa friend mo, then, he's not worth a crap. Kapag nagbago naman yung isip niya, then... prepare yourself. You're in a very complicated situation."
Papalabas na siya ng pinto nun.
"Thanks Kuya. I'll think about that."
Bago niya sinara yung pinto, nakangiti siya at may pahabol pa na sinabi.
"The bottom part of all of it, the other one knows you exist. Sa tingin ko, bilang kaibigan at higit pa dun. So, why not give him a chance?" tinitigan ko siya, "Good night Kristen." sinara na niya yung pinto.
And that's my Brother.
Kung hindi ko lang talaga alam... iisipin ko talagang kilala niya yung mga tinutukoy ko...
Tingin ko tama siya. Sasabihin ko nga kay Bryan.
***52***
Nakaset yung alarm clock ko ng four o' clock. Ewan ko ba kung bakit nagbother pa ako na gumising ng maaga, eh samantalang datirati ayokong inaantokantok pa ako. Sa kaso ko naman ngayon, hindi ako inaantok.
Mabilis akong kumilos. Pumasok ako sa banyo at nagready na paschool.
Big day Kristen. This is it. Good luck na lang sa 'yo. Natatakot ako sa reaksyion nila. Both Bryan, and Neriah.
Kumain ako magisa.
Madilim pa nun sa labas pero nung sumilip ako sa bintana, wala na yung kotse ni Kuya.
Umalis na siguro ng kaninang madalingaraw.
Kung ako lang ang papapiliin, mas gusto kong nandito siya parati. mas masaya kasi.
Dahil maaga akong nagising, maaga rin akong nakarating sa school. Alam kong isa ako sa mga maagang nakarating sa school. Nung naglakad nga ako sa corridor, ang saya dahil walng tao. Bukas na yung ilaw sa room namin, pumasok ako dahil hindi naman na sarado yung pinto. I wonder sinong nagbukas.
Dahil wala akong magawa, naupo lang ako doon sa upuan ko. Wala naman akong homework para pampalipas oras. Wala rin akong balak na magbasa ng mga kwento sa libro ko sa Filipino. Kung may homework man ako ngayon, tiyak naman hindi ko rin gagawin dahil wala ako sa mood.
Tumayo ako sa upuan ko, at nagdrawing na lang doon sa white board. Katulad ng iba, hindi ako gifted sa visual arts. Makapagdrawing lang ako ng stick na tao, ok na ako doon.
Mayamaya
lang nung lumiwanag na, nagsimula nang umingay sa school. Nagsidatingan naman na yung mga classmates ko at nakita nila akong nakatayo at nagdadrawing.
Tinanong pa nga nila ako kung ano daw yun, at nung sinabi kong langgam, mukhang dalawang malaking bundok sa kanila. Hindi ko talaga matutuloy ang career ko sa pagdadrawing.
Dahil worthless naman yung pagdrawing ko ng mga langgam dahil hindi nila mintindihan, tao na lang uli yung ginawa ko. Pangit pa rin yung kinalabasan kaya nakitawa na lang din ako sa kanila. Hindi talaga nila maintindihan yung drawing ko. Tao o insekto.. parehas lang.
Saka ko naman naisip.. bakit hindi pinagsamang insekto at tao???
Nagdrawing ako ng malaking oblong. Nilagyan ko ng parang karayom sa right side at yung remaining eh nilagyan ko ng stripes. Sa magkabilang gilid, nilagyan ko ng paa at kamay na kaparehas sa tao. Nilagyan ko ng maliit na dream cloud, na nagindicate na nagiisip siya. Hindi naman words nilagay ko, kundi nagdrawing ako ng brain.
And that's my artwork.
Medyo nagets nila yung part na insekto, pero naguluhan sila kung bakit may kamay at paa ng tao. Talagang hindi nila maiintindihan, dahil ako lang may alam niya.
"Kristen!!!" lumingon ako, nandun si Xander sa pintuan.
"Oi.." hinanap ko kung nasaan yung pambura, nasa kabilang board pala. Kailangan ko lang namang tumakbo para burahin ito at hindi na niya makita.
Dahil mukhang hindi na aabot, tumayo na lang ako doon sa drawing ko para hindi na niya mapansin.
"Anong ginagawa mo?"
"Wala.." tapos tumingin ako doon sa classmate namin na isa para warningan ko kaya lang hindi nakatingin sa akin. "Kanina pa yan drawing ng drawing dyan eh..."
Patay na.
"Patingin nga.."
Pinapatabi niya ako para makita ko. Sana binura ko na. Kaya lang, marurumihan yung kamay ko ng marker.
Kulay black pa man din yun. Asar naman!
"Hhindi.
Huwag na, pangit drawing ko. Tatawanan mo lang ako.. alam ko naman magaling ka sa"
Natigilan na lang ako nung sinabi niyang...
"Was that supposed to be... ME?" sabi niya na parang nagtataka pa.
Parang nawala yung boses ko. Hindi yata ako makapagsalita.
"Ahh.. hindi... siguro.. marahil..." ano ba talaga? "Oo. Ikaw."
Akala ko magagalit sa akin. Bee brain nga di ba? Instead, kinuha niya yung phone niya, at kinuhanan.
"Para saan naman yun?"
"Remembrance." sabi niya habang nakangiti. "At least ten years from now kung aalalahanin ko yung nakaraan, maiisip ko may nagdrawing sa akin..."
Weird?
Buburahin ko na sana, kaya lang ayaw niya. Baka mamaya kung sinusino pa makakita nun.
Naupo na lang ako sa upuan ko dahil wala naman na akong magagawa. Bawat classmate namin na pumapasok, hinaharang ba naman niya at sinasabing... "Ei, ako yan!"
Tama bang ipagmalaki pa yun? Anak ng tokwa. Saan nga kaya pinaglihi ito ng nanay niya? Eh kung ako siguro ang babysitter nito nung bata, sumakit na siguro ang ulo ko. Makulit nga ngayon... ano pa kaya kung nung maliit pa siya?
Nagklase naman na kami. Mukhang cheerful naman si Xander kahit papaano, nakakatuwa rin siyang tignan.
Nakaperfect
siya sa dalawang quiz namin, samantalang ako eh laging may isa o dalawang mali.
Sinabihan ko naman si Bryan, pati si Neriah nung breaktime na may sasabihin ako sa kanila mamayang uwian ng hapon. Pumayag naman sila.
Sa school naman ako naglunch.
Kasabay ko pa nga si Neriah. Sasabihin ko na nga sana sa kanya, kaya lang nagbago yung isip ko. Isang beses ko lang sasabihin, gugustuhin ko nang nandun na si Bryan para hindi ko na uulitin. Bumalik kami sa room nung nagalarm na. Walang kamatayang klase. Hindi katulad kaninang umaga na focus ako, ngayong hapon eh wala ako sa concentration. Yung iniisip ko kasi, eh tumigil yata sa gagawin ko mamaya.
Ilang beses pa akong tinawag ng mga teacher ko, lahat yun hindi ko nasagot. Wala naman akong pakialam.
"May problema ba Kristen? Kanina ka pa tahimik dyan."
Pinilit ko namang ngumiti sa kanya.
"Wala. Kakaiba lang talaga pakiramdam ko sa araw na 'to."
Hindi na siya nagsalita uli. Mas nakabuti naman yun, dahil ayokong magexplain sa kanya.
Nung last period namin, sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga nun, baka bigla na lang akong atakihin. Mabuti na lang wala akong sakit sa puso.
Hinintay kong umalis muna yung iba naming kaklase, gagawin ko na lang din naman na, yung konti na lang ang tao. May bench doon sa garden at tahimik doon, kaya sinabi ko kinaBryan na hintayin na lang nila ako doon. Pumunta muna ako sa cafeteria at kailangang ko munang uminom. Baka magcollapse ako nito.
Habang naglalakad ako at nakatingin sa paa ko, walang tigil kong sinasabi:
"Kaya mo yan Kristen.. kaya mo yan.. kaya mo Kristen.."
Mayamaya
lang, may humarang sa dinadaanan ko. Papakaliwa ako, kaliwa rin siya. Pakanan ako, kanan din siya. "Excuse me.. kailangan" pagangat ko ng ulo ko, si Xander. Sobrang seryoso na naman niya ngayon. "Pwedeng dumaan?"
"What's up with you?!?" sabi niya na may tonong pagtataas pa ng boses, "Ano bang problema? Kanina ka pa parang wala sa sarili. Ngayon may kung anuano ka pang sinasabi na 'kaya mo yan..'."
"You don't care.."
"I care. At ano naman itong nahagilap ko na kakausapin mo daw si Neriah at Bryan??? Anong meron?!"
"It's not you freakin' business!"
Naging mahinahin naman siya. "I wanna' know."
Yumuko ako nun. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Kasi... nagisipisip na ko.. I.. ah... I'm going to tell Bryan it's me. Kasama si Neriah."
Hindi ko naman inaasahan yung naging reaksiyon niya. Iniisip ko na sasabihin niyang 'Go for it' katulad kahapon o magsasabi man lang ng 'Good luck.' Pero parehas mali.
"You... WHAT?!?"
"Bakit ka sumisigaw? Gusto kong sabihin.. may problema?"
"Hindi mo pwedeng sabihin Kristen. I won't let you.." hinawakan na naman niya ako. Mahigpit na nama kaya masakit. Ano bang problema nito kung sabihin ko?
"Bitawan." tinuro ko siya ng daliri ko sa dibdib niya "Mo." tinulak ko siya. "Ako."
Hindi ko alam kung anong nangyari, pero parang gusto niyang magwala na di ko maintindihan.
"Mr. Maclean!" sabi nung teacher doon sa gilid. "Tara na dito at hindi mo pa natapos yung report mo."
Lumingon siya, tapos bumalik sa akin.
"Kristen I swear, it's for your own good. Huwag mong itutuloy." tapos bumulong siya pero 'di ko narinig.
"MR. MACLEAN!!!"
Parang nagdadalawangisip siyang umalis. Pero mukhang wala na siyang magagawa. Tumalikod na siya sa akin. "Hintayin mo ko. Kailangan pagbalik ko nandito ka pa." umalis na siya.
Kahit anom ang sinabi niya, wala akong balak pakinggan dun. Magkakontra sila ni Kuya ng opinion. Kay
Kuya, sabihin ko raw. Siya naman, huwag daw. Bakit ba ang hirap intindihin ng mga guys? Si Xander, hindi ko maexplain yung behavior.
Umalis na ako doon. Hindi ko na itutuloy yung paginom ko sa cafeteria. Let's get this over with. Gagawin ko na lang din, better sooner than later.
Papabalik na ako sa garden kung saan ko iniwan sila Neriah. Malayolayo pa lang ako, nakikita ko na silang dalawa, parehas pa silang tawatawa.
Habang lumalapit ako, lalong bumibigat kadahakbang.
Kristen, may oras pa. Pwede ka bang magbackout.
"Kristen.. buti naman nandito ka na. Tungkol saan ba yung sasabihin mo? Mukhang mahalagangmahalaga eh.." sabi ni Bryan na naging seryoso nung pumasok ako sa gate.
"Oo, mahalaga nga."
"Talaga? O sige, makikinig kami. Tungkol saan ba?"
Paano ko ba sisimulan 'to? Hindi ko napagisipan kung paano ko ba sasabihin sa kanila na hindi sila masyadong magugulat. This is harder than I though it would be.
Silang dalawa eh nakaupo at nakatingin sa akin. Nakatayo ako na yung likod ko eh nasa gate.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan... pero, siguro dapat nung summer." yun na lang naisip kong paraan.
Light lang muna.
"Summer? Ooh. ok."
"Hhindi
ba nagkakilala kayo dahil sa playground?"
Nagshift
naman ng position si Bryan. Mas interesado na siya ngayon, kaysa sa pinakita niya kanina.
"Wwell
yeah. Nagsulat siya doon eh."
Oh My God. Huwag ka munang magsalita Bryan. Please.
Humarap ako sa kanya, hindi kay Neriah. Siya naman talaga ang pinakaconcern ng lahat ng ito.
"Bryan, it's me." Kristen?!? Tingin mo maiintindihan niya sa simpleng... 'it's me?'
"Pardon?"
"I'm the one writing"
Itutuloy ko na sana yung sinabi ko, kaya natigilan ako. Pareparehas kaming lumingon dahil may sumigaw.
"KRISTEN STOP!!!"
"Leave me alone!"
Ngayon naman, galit na galit na siya.
"Sinabi ko sa 'yo huwag kang aalis dun 'di ba?!?" sinisigawan na talaga niya ako ngayon at hawak niya yung dalawang balikat ko, "Kilala nga kita. Hardheaded. Alam ko na hindi makikinig sa akin.."
Si Neriah naman, gulat na.
"Ano bang meron? Naguguluhan na talaga ako."
"Bro, what's happening?"
Hindi ko sila pinansin na dalawa. Ako naman eh naiinis na kay Xander.
"Xander, busy ako. Kahit 2 minutes lang, huwag ka munang magsalita. Kapag natapos na ko.. saka mo na sabihin kung ano yung gusto mong sabihin.."
"HINDI. Hindi na ko maghihintay."
Hindi ko na talaga siya maintindihan. Ang bilis ng kilos niya.
He tossed me up to his shoulder.
"ANO BA!!! IBABA MO KO! Xander!"
Nakikita ko na yung likod niya. Nakabaliktad na naman yung ulo. Binuhat na naman niya ako sa isang balikat niya gaya nung ginawa niya nung pumasok ako sa weighlifting room.
Hindi ko na nakikita sina Neriah. Narinig kong sinabi niyang:
"Huwag niyo nang intindihin yung sasabihin niya. Hindi yun mahalaga. It's actually my fault.. una na kami.."
Nagsimula na siyang maglakad. Sinuntok ko nga sa likuran dahil pinipilit kong kumawala.
Hindi niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"IBABA MO NA KO...NGAYON NA!"
"Hindi."
"XANDER ANO BA! ANG LAKILAKI
NG PROBLEMA MO! GUSTO KO NANG BUMABA!"
"Ayoko."
Napipikon na ako. Sobrasobra na. Napapagod na rin akong sumigaw. Finally, naiiyak na ako.
"Xander naman.."
"Malapit na tayo."
Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi na rin ako aware doon sa mga taong nakatingin sa amin, hindi ko naman sila nakikita. Medyo nahihilo na nga ako. Ikaw ba naman nakabaliktad ng ganito.
Saglit lang din nung sinabi niyang malapit na kami, binaba na niya ako.
"Playground?" sabi ko sa kanya. "Nangaasar ka ba?!? Kanina lang sasabihin ko na sa kanila.. tapos dumating ka!! Naiinis na ko sa 'yo! Hindi na kita maintindihan!!!" tumulo na yung luha ko nun.
"Pwede ba makinig ka muna?" sabi niya sa akin at humawak siya sa kamay ko. "Mali na sabihin mo sa kanila na ikaw yun..."
"Ayokong makinig sa 'yo.." tinakpan ko yung dalawang tenga ko pero inalis niya.
"Matagal ko nang napagisipan
'to. Kaya lang siguro wala lang akong lakas ng loob. Alam mo kung bakit? Kasi nasasaktan ako. Kahapon may sasabihin ako sa 'yo, kaya lang hindi ko tinuloy. Kasi kumbinsido ka na si Bryan ang gusto mo. Ano namang laban ko doon?"
Tumingin ako sa kanya. This time, eye to eye na hindi ko magawa kanina. Kahit na umiiyak na ako nun, pinilit ko pa rin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam kong gusto mong sabihin kay Bryan na ikaw yung kausap niya. Para tapos na lahat. Ayokong mangyari yun, dapat talaga sinabi ko na ito dati pa.." tumalikod siya tapos sinuntok yung puno. "Mali lahat... malingmali."
"Anong mali? Tama lang yung gagawin ko. Alam mo kung gaano kahirap sa akin yun??? Kung alam mo lang kung gaano ako nalilito. Si Bryan ba o ikaw. Kaya lang sa lumalabas, mas kilala ako ni Bryan kaysa sa 'yo! I love your company Xander." saan ba papatungo 'to? "Kung sa pagitan niyong dalawa, nahihirapan na ko.."
"Hindi mo naman kailangang mamili sa aming dalawa... simula't simula pa lang hindi naman na mangyayari yun."sumuntok siya uli doon sa puno, "I should've told you earlier. Kaya lang, gusto mo si Bryan kaya useless na rin na magtapat ako. Mahal kita Kristen, pero kung mas gusto mo siya, hindi kita pipigilan. Handa akong iexplain kung magtatanong ka. Matagal ko na talagang dapat sinabi sa 'yo to..."
Pinasok niya yung kamay niya sa bulsa. Tapos nilabas niya yung postit na familiar sa akin. Hindi ko na napigilan, naiyak na talaga ako.
"I'm the postit guy..." ***53***
Pakiramdam ko hindinghindi na talaga ako makakilos nung sinabi niya yun. Kung joke na naman niya 'to, hindi nakakatawa. Hindi talaga.
"Alam mo kung nagbibiro ka sa akin, stop it right now. I'm not in the mood." sabi ko sa kanya dahil naiinis na ko. "Sino bang maysabi na nagbibiro ako?!?" nilapit niya yung mukha niya na talagang seryoso na parang galit. "I'm him, from the very beginning."
"Shut up!! Alam ko hindi ikaw. It's Bryan.. Alam ko si Bryan. Ginugulo mo lang ako eh! Paanong magiging ikaw?"naghahaluhalo na yung laman ng isip ko. Hindi ko na maintindihan.
"Paano ba kita kukumbinsihin na ako yun?!" tumalikod siya saglit, tapos humarap na ulit. "Nung summer.
Tama, nung summer. Unanguna mong sinulat eh badtrip ka dahil aalis yung Papa mo..."
"How did you know that?" walang nakakaalam kung gaano kasama ang pakiramdam ko nung araw na yun. No one but... Bryan.
"Sumulat ka pa ng thanks para sa akin. Tinanong mo ako kung guy ba ako o gal. Nagtuluytuloy, pati yung away niyong magkapatid sinusulat mo. I even told you nung araw na nagaway kami ni Daddy. Nalulungkot ako nun dahil bihira kaming magaway, pero pinapasunod niya sa akin yung gusto ni Mommy.. hindi yung gusto ko." Umiiyak na talaga ako nun. It's him. Simula't simula pa lang si Bryan na ang pinaniniwalaan ko, pero kung si
Bryan man yun, paano niya nalaman yung mga sinukat ko? Unless kinuwento niya... but that's impossible. He's too smart to know that those are not just words and paper, but half of me.
Kung si Xander nga yun, then kilala na niya ako noon pa lang! Ang gulo.
"Sa lahat ng taong iisipin kong nagsusulat dun, ikaw na siguro ang huling tao na pagsususpetsahan ko. Ikaw?!?
Paano? And if it's you, then you knew... I'm.. I'm me!" tinignan ko siya pero hindi na ko masyadong makaaninag. Ang labo ng ng mata ko dahil sa pagiyak ko. "Kung hindi ka naniniwala, tingnan mo 'to." tapos pinakita niya yung mga postit.
Bawat isang postit na sinulat ko. "Tinago ko lahat..."
"Lahat pala ng araw na kasama kita, you knew all along. Pero si Bryan yung unang nagsabi na siya yun!
Tinanong pa niya kami ni Neriah kung sino daw yung nagsulat dito... kaya alam kong siya. Tapos ngayon ikaw?" "They're textmates. Simula pa lang. Neriah wrote her number here" tinuro niya yung pavillion. "Hindi ko alam pero sa tingin ko wala ka pa nun. I'm with Bryan that time, kinuha niya yung number last summer... that's how they started." tapos umayos siya sa pagkakatayo nung nakita niya yung puzzled expression ko. "Sinabi sa akin ni Bryan na nakilala na niya yung kausap niya. Tinanong ko siya kung paano niya ginawa, tinanong daw niya kung sino yung nagsulat. Sumagot si Neriah. Hindi na niya inemphasize dahil alam naman na niya na kung sakasakali man na isa sa inyo yun, alam niyo na yung tinutukoy niya..."
Inisip ko naman yung araw na iyon. Iniistrain ko yung sarili kong isipin. Finally, naalala ko. 'Gusto ko lang sana itanong kung... kung.. ikaw ba yung babae na nagsulat dito?' Naiinis pa ako kay Neriah, ngayon.. hindi ko na alam. Am I so stupid to believe it's me?
Textmates?!? Alam ko si Bryan madalas nasa phone niya. Pero hindi ko suspetsa na nagtetext siya dahil kausap niya si Neriah. First day of classes nung nagtanong ako sa kanya, nagtetext din siya nun sa weighlifting room, I wonder kung si Neriah yun.
"Textmates sila?" kaya pala tuwing nakikita ko si Bryan, lagi nyang hawak yung phone niya.
Sumandal siya doon sa puno.
"Naaalala mo nung nagtanong ka sa akin tungkol sa renovation ng Edison? Hindi ka nakinig nun sa akin dahil busy ka kay Bryan. Nagulat pa nga ako na yung kausap ko sa postit, whoever she was, eh tinanong ako tungkol doon. Sa friend 'daw' niya. Nagisip ako na kung sino man yung friend na tinutukoy niya, may possibility kaya na ikaw yun? Dahil hindi ko alam na ikaw nga yung kausap ko dito, hindi kita pnagsuspetsahan na ikaw. At dahil hindi ka nakinig sa akin nung nagtanong ka, hindi mo rin napansin na parehas yung sinabi ko nung nasa bleachers tayo, at yung sinulat ko..."
I remember that. Tinanong ko siya tungkol sa renovation at hindi nga ako nakinig. Sumagot si postit guy nung desperate na ako.
"Nung dumating ka na marami ka nang impormasyon, nagduda na ako nun. Kaya kinukulit kita kung kanino ka nakakuha, dahil baka kilala mo siya. Yung kausap ko. Hindi ko inisip na ikaw yun. Kaya lang sinabi mo na nagtanongtanong ka.. kaya hindi na kita kinulit."
Magsasalita na sana ako, kaya lang pinigilan niya ako. Hayaan ko na daw muna siyang magsalita.
"Nandun ako sa puno nung tumalon ako. Lagi akong nandun, lalo na kapag nagsusulat. Sinabi ko lang na tinitignan ko yung Daddy ko, pero hindi yun totoo." sabi niya tapos lumapit sa akin, "Nakita kita na may tinataguan, sina Bryan pala. Nung sinabi mo sa akin yung totoo na ikaw yung nagsusulat dito, tinawanan kita.
Alam mo kung bakit? Kasi ayokong ipakita sa 'yo na ako yun.
"Yun na nga eh, kaya kahit niminsan hind ko inisip na ikaw yun. Tapos..." hinawakan ko siya sa balikat nun, nanginginig na yung tuhod ko. "Bbkit hindi mo sinabi sa akin?!?"
"Hindi ko sinabi sa 'yo, alam mo naman kung paano tayo nagsimula 'di ba? Inisip ko na kung ano magiging reaksiyon mo, kaya tinago ko. Gusto kitang makilala pa, pero hindi ko alam kung paano ko mapapalabas yung babae na kausap ko. Dahil madalas pa tayong magaway,
I pretended to be your boyfriend to pissed you off.
Pero habang tumatagal... ginagawa ko na yun hindi para inisin ka.. kundi para makilala ka.."
"So you did that on purpose?!?"
"Lagi kong binibuildup na si Bryan yung 'penpal' mo, para hindi ka magkaidea na ako yun. Tinanong mo pa nga ako kung mahilig akong magsulat, I said I hate writing. Sa postit, sinabi kong I love writing. Don't you get it? Binabaliktad ko."
"Pero may journal ka... bakit hindi ko ba napansin yun before?!?"
"Nung detention natin at nagdesisyon ka na sabihin kay Bryan na ikaw yun, sumigaw ako nun dahil ayokong sabihin mo. Kung anuanong pagkukumbinsi ko para hindi mo ituloy, ano namang magiging reaksiyon nila
Bryan? Hindi nila alam yun. Sa tuwing gusto mong sabihin, pinipigilan kita."
"Kaya pala maraming text si Bryan sa phone ni Neriah.. sumasakit na yung ulo ko.." sinandal ko na yung ulo ko sa dibdib niya. "Hindi mo sinabi sa akin..."
"Sasabihin ko naman dapat sa 'yo, kaya lang alam ko na si Bryan yung gusto mo. Kaya hindi ko tinuloy. Tapos nalaman ko na lang, sasabihin mo sa kanya, kaya kanina pinipilit kitang hintayin mo ko..." sabi niya pero mahinahon na, "Akala mo ba ikaw lang nahihirapan?"
"I can't believe it's you.. ikaw.. yung postit guy... iisang tao..."
Pakiramdam ko nun dapat nasagot na yung problema ko. Pero ang bigatbigat pa rin ng pakiramdam ko.
"Yung band selection, na inamin kong hindi tayo... hindi mo lang alam kung gaano kahirap yun. Hindi ako natulog. Pero tingin ko tama na rin... kasi ayoko nang magpanggap..." niyakap na niya ako ng mahigpit. "I want it real Kristen."
Umiiyak na ako nun. Hindi ko na mapigilan. ANg sakitsakit na ng mata ko. Sa sobrang tagal ko nang nakakasama si Xander, hindi ko man lang alam na siya pala. Hindi ko man lang alam na nasasaktan siya tuwing si Bryan yung nabibigyan ng credit sa lahat ng nagawa niya.
Yung pakiramdam ko nun na si Neriah ang nabibigyan ng credit sa ginawa ko para kay Bryan, alam ko na yung pakiramdam niya. Ang sakit nun sobra. Tapos hindi ko alam sa sarili ko, na ginagawa ko rin yun sa kanya.
"I'm so.. so.. sorry Kristen. Sana sinabi ko sa 'yo noon pa.." hindi pa rin niya ako binibitawan. "Mahal kita.. and
I want to start again. Gusto ko totoo na.."
Naririnig ko pa rin yung sinasabi niya. Tapos binulong niya...
"I'm willing to earn it.."
***54***
Pagkatapos nung malaking revelation na yun, kung tutuusin dapat ok na kami. Dahil siguro sa masama na rin yung pakiramdam ko nung araw na iyon sa sobrang daming nangyari, inaway ko pa rin siya. Abnormal?
Pero alam ko naman kapag binigyan niya muna ako ng space na magsink lahat sa utak ko, pagkatapos nun ok na siguro kami. Umuwi ako nun magisa, siya.. nakatayo lang doon.
Ilang araw din akong nalilito sa kanila. Siya ba o yung postit guy. Tapos ngayon mukha lang pala akong ewan para pumili.. siya ba o siya?
Hindi na ako tinanong ni Mama kung bakit ganun yung itsura ko. Namumulang mata, lukot na uniform, tahimik... halatang may nangyari nga 'di ba? Pero kapag ganun, binibigyan ako ni Mama ng privacy. Kung feel ko magshare, willing naman siyang makinig.
Nung nakapagpalit na ako ng Pj's at nagstay sa kwarto ko, saka ko lang napagdiskitahan yung phone ko. Hindi na kasi ako kakain. Wala akong gana ngayon eh.
11 messages received
Binasa ko naman isaisa.
Bryan: >kristen my prob b?<
Bryan2: >kz ang weird nyo n lee knina<
Neriah: >nu ba nngya2re? ang gulo niyong lhat.<
SaviorKo: >Kristen, inde po ako mkkuwi this week, sori ha.< Kuya, sorry for what?
Xander: >sorry na kristen<
Xander2: >ingat po prate. swit drims.<
Neriah^again^: >oi baket di k ngrereply?< pinakafavorite ko sa lahat.. na galing sa classmate ko.
Gina: >kristen, pahiram ng notes sa calculus..<
Totally carefree. Sa lahat, siya lang ang nireplyan ko.
Pagkatapos nun dahil pagod na pagod na ako, natulog na rin ako.
***
Humarap na naman ako sa salamin kagigising ko pa lang nun. Ok naman yung mata ko. Dahil maaga pa naman, bumaba na ako. Kumain akong magisa.
Para nga akong mulala kasi nakatingin ako sa kawalan.
Naligo naman na ako at nagready.
Umupo ako uli doon sa dining table. Inaantok pa talaga ako. Ayun.. pinikit ko yung mata ko then.. knockout na uli ako.
"Kristen.. tumayo ka na diyan at 6:30 na. Baka malate ka sa school.."
Nagslide
naman yung kamay ko doon sa gilid ng table. Napatingin ako doon sa wall clock namin. Ano daw?
6:30 na! Waaaa. 7:00 klase ko.
Umakyat uli ako doon sa hagdan namin. Kinuha ko lang yung bag ko at huling tingin sa salamin. Wala nang sinabi si Mama sa akin, si Papa ganun din. Si Angelo, wala na. Nakaalis na yata. Pero ganun pa man, ang lungkot naman.
Mabilis din naman akong nakarating sa school. Pagpasok na pagpasok ko pa lang, ang weird. Kinilabutan ako.
Nung nasa room na ako at katatayo ko pa lang sa pinto, nakatingin sila sa akin. Dahil mukhang ewan na ako doon na nakatayo, naggood morning na lang ako.
Absent si Xander. Hindi ba naman dumating. Narealized ko kung gaano kalungkot.
Nagbreaktime
kami. Wala man lang kumausap sa akin. Hello? May malaki na naman ba akong kasalanan? Si
Neriah iniiwas yung tingin sa akin, tapos bye lang ang narinig ko sa kanya.
"Ano bang meron? Bakit.. bakit parang walang kumakausap sa akin ngayon.."
"Ewan ko.." tapos umalis na.
Nung nagklase kami ng hapon, nalungkot ako. Tuwing makikitabi ako kahit kanino, siguro mga five minutes lang may excuse na sila para hndi ako makatabi. Kesyo hindi raw nila makita yung board, mainit daw, maaraw.. mga ganun.
I have never felt so isolated before...
Uwian ng hapon. Wala akong kasabay kumain. Nagulat na lang ako nung tumakbo si Lyka sa harapan ko, at tinulak yung isang balikat ko. Ang lakas nga eh..
"Ikaw, kung ayaw mo kay Lee, sabihin mo lang.. hindi yung pinahihirapan mo pa siya.." tapos naging mahinahon siya,"Sorry ha.. nahihirapan kasi ako para sa kanya.."
Pagkatapos nun.. umalis na siya.
Ano naman ang ibig sabihin niya doon?
"Ei... ano?"
Humarap naman siya sa akin. Tinaas yung kilay niya.
"Hindi mo alam? FYI Kristen, ayaw niyang lumabas ng kwarto niya. That explains kung bakit siya absent. He won't eat. Hindi rin siya natapos kakapindot doon sa playstation niya..."
"Ano? Why would he do that?"
"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?"
Ewan ko rin. Siguro yun yung reason bakit isolated ako. Siguro dahil kakampi nila si Xander? Ganun na ba yung hatak ngayon?
Umalis na ako ng school. Siguro nga dapat pumunta ako sa bahay nila. Siguro nga dapat hindi ko na siya inaway eh..
Pumunta ako sa playground. Para akong ewan doon. Tinitignan yung simula ng lahat. Naupo pa nga ako doon sa pavillion. 4th year na ako, pero parang bata pa rin. Ewan ko ba.
Bigla namang umulan. Ang malas talaga. Balak ko sanang sumilong sa magandagandang lugar.. pero useless naman na dahil basa na ako. Yung bag ko.. ewan ko kung ano nang nangyari. Biglang nagvibrate yung phone ko. Basa na rin siya. Ang swerte nga naman ng araw na ito oh.
Sinipasipa
ko yung mga bato doon. Ang dumi na ng sapatos ko. Mukha na akong basang sisiw. Childish nga siguro ako. Nalulungkot na ako sa simpleng ulan.
Mayamaya
lang, umiyak na naman ako. 'Di ko nga alam kung alin pa yung ulan sa iyak ko. Naiinis ako.
Tatawagan ko sina Mama? Hindi pwede. Papagalitan ako nun. Si Angelo? As if naman may alam yun. Dapat nga siguro umuwi na lang ako.
Nasaan na ba yung savior ko kapag kailangan ko? Kuya!!!
Yung blouse ko nun, humahapit na sa katawan ko. Kainis pa man din kapag ganun.
Naramdaman ko na lang, may lumuhod doon sa gilid ko.
"Kung gusto mo lang din naman nang magkasakit... isama mo na ko.."
Lumingon ako. Xander!
"Teka aakala ko.." "First things first. Hindi po ako absent. Second, hindi ako nagkukulong sa kwarto ko. Siguro nga dapat ginawa ko, pero hindi. Third, nasa school po ako maghapon. Nagpapaint.
Fourth, walang kumakausap sa 'yo dahil sinabi ko. Fifth..." naglean siya sa kaya 1 inch na lang yata yung pagitan ng mukha niya sa mukha ko. "Hindi ka pwedeng magkasakit. At least not today."
"Uuwi na ko.."
"Hindi ka na nagtatrack kung anong araw ngayon no.."
"Ano ba ngayon, wednesday.. thursday? Ewan ko.."
Inakbayan niya ako. Nabasa na rin siya dahil sa akin. Dala niya yung kotse nila at nandun na naman yung driver. Hinatid niya ako sa bahay namin.
Kabababa pa lang namin eh..
"Bahay niyo?"
"Yep. And.. everyone's there.."
Tumingin ako sa kanya.. Ano raw?
"Kristen.. huwag mong sabihing wala ka pa ring clue? Umabsent ako para magpaint ng banner.. at para magprepare na rin. I asked them to be quiet baka may madulas. And most of all..."
Binuksan niya yung pinto nun sa bahay nila. Tumahimik lahat tapos sinabing. well.. hindi ko masyadong narinig kasi maingay. Yung bulong lang ni Xander.
"Happy Birthday Kristen."
Akalain mo birthday ko pala???
Well, dahil ganun yung itsura ko, pinagpalit naman nila ako. Mabuti na lang may dala si Mama na damit.
Nandun si Kuya..
Nandun mga classmates namin...
Tumingin ako kay Xander... tapos... niyakap ko siya.
How weird?
Everything went well... nagulat lang ako nung hinila ako ni Xander sa parents niya.
"Formality na rin siguro. Kristen..." tapos humarap siya sa kausap namin...
"I want you to meet my parents..."
***55***
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Nameet ko naman na sila parehas. Pero hello? Ok lang naman ako sa
Daddy niya. Pero sa Mommy niya... I don't think so. To think na yung huling pagkikita pa namin eh yung anniversary nila na sinasabihan niya akong layuan ko si Xander.
Lumuwag naman yung pakiramdam ko nung sinabi nung Daddy niya na..
"Happy Birthday Kristen!" tapos nagkiss siya sa pisngi ko.
"Thank you po.." sabi ko naman.
"And, this is my Mom, my grandmother in fact.." nasa harap ko yung Mommy niya, "Mom, Kristen. Kilala mo naman na siya.."
Tinignan ko si Xander. Hindi ko alam kung ano na ang expression ng mukha ko. Nakatayo ako doon, hindi malaman kung ako ba dapat ang unang magsalita sa Mommy niya. Nakangiti lang si Xander na akala mong walang nangyari nung nakaraan.
Nagulat na lang ako nung yumakap yung Mommy niya sa akin. Akala ko ba nung nakaraan eh ako lang yung typical girl na maituturing pero ngayon parang close na close na kami several years ago.
How thick can you get?
"Pwede bang iwan niyo muna kami para naman makapagusap?" sabi niya kinaXander.
"Sure. Tara Dad, kuha muna tayo ng inumin." inakbayan naman ni Xander yung Daddy niya ng walang kahiraphirap dahil mas matangkad naman siya.
Ngayon naman, dalawa na lang kami dito. Pakiramdam ko habang tumatagal yung silence lalong sumisikip yung paghinga ko.
Oxygen!!!
Pinauna niya akong maglakad. Gusto niya yata sa labas kami eh. Oh God, help me.
Bumibigat na yung bawat paghakbang ko. Ang bilis na rin ng tibok ng puso ko. Kung tutuusin, grabe na yung kaba ko eh para bang aatakihin ako. Natatakot yata ako sa Mommy niya eh.
Finally, hindi ko na ko na kaya. Binasag ko na yung katahimikan.
"Nice of you to come here..." ngumiti ako pero hindi masyado. Pinilit ko naman talaga ang totoong ngiti, pero kapag kinakabahan ka talaga ang hirap pala.
Huminto na siya, ako rin huminto na.
"Ang ganda mo naman pala talaga..." sabi niya sa akin kaya parang yung tibok ng puso ko, hindi na sa takot kundi sa tuwa,"Hindi mo na kailangang matakot sa akin. Kung hindi pa nasasabi sa iyo ni Xander, nagusap na kami."
"Ooh.." Kristen ano ba? Wala ka na bang masabing maganda?
"Oo. Everything's fine." humarap siya sa akin at hinawakan yung dalawang balikat ko, "Gusto ko lang ng ladytolady talk. Or mas appropriate kung mother to daughter talk."
"Pasensya na po kayo sa akin ha, kasi... kasi... hindi ko po alam yung sasabihin. Alam niyo na po, first time ko na ganito eh.."
"I know... I know.." sabi niya sa akin, "You remind me of someone special. Kaya lang.. hindi ko man lang nasabi sa kanya na special siya sa akin. Napangunahan din ako ng... pride." sabi niya ng sobrang hinahon na pagsasalita. "All these years, napakaover protective ko kay Xander. Natatakot ako na baka kapag nagmahal siya, iiwan niya na kami. I know, it's wrong. Pero narealize ko na rin yun. Matagal na rin, pero ngayon ko lang hinaharap." umupo na kami sa gilid. "Ginawa ko rin sa Daddy niya yun, Lyxander ang name ng anak ko kaya sinunod namin yung pangalan ni Lee Xander. Nakilala niya si Amanda nung high school sila. Madalas silang magaway, at least alam ko kapag naririnig kong magusap sila sa phone. But ultimately, they went on the same college. Kung hindi ko lang alam, sinundan niya si Amanda..." tumingin siya sa akin."I did everything I can to separate them, pero si Lyxander... ginawa rin lahat para hindi mangyari. Hindi ko sila nakita for more than a year, bumalik 5 months old na si Xander. Nakikipagayos na sila sa amin nun, pero syempre, nahihirapan akong tanggapin sa sarili ko na mas pinili nga anak ko si Amanda. Yun na yung huling araw na nakita ko silang dalawa. Si Xander, dinala sa amin nung mga tagaDSWD at kami na yung legal guardian. Umiyak ako nung unang beses ko siyang nakita, para bang bumalik ako ng time at hawak ko uli yung anak ko. Maliban sa mata, at kulay ng buhok..."
"I.. I don't know what to say. Ang alam ko lang, hindi naman po nawala yung pagmamahal ng anak niyo sa inyo. The same level.. different degree." nalulungkot ako para sa kanya.. all these years..
"Kaya nga, nagulat na lang ako nung ginagawa ko uli yun sa apo ko. I can't afford to repeat my mistakes again.
Kinausap ko siya nung dumating siya sa bahay, worried pa nga ako dahil hindi siya umuwi. Nung bumalik siya, nagkukulong siya sa kwarto niya at ayaw lumabas. Naayos na namin lahat. And I'm telling you now, I'm 100% on Xander's back, you're not just one typical girl..."
Hindi ko mapigilan yung sarili ko. Niyakap ko siya. Ewan ko rin kung bakit, there's more from her to expect.
"Pasok na po tayo?" sabi ko kasi pinupunasan niya yung luha niya.
Pero alam kong hindi yun luha dahil malungkot siya.. tingin ko dahil masaya siya.
"Tingin ko rin. As I was saying a while ago, you really are pretty.." sabi niya sa akin, "Hindi talaga mahirap na hangaan yung talen ni Xander sa Art.." may nilabas siya doon sa bulsa niya, "At, ito nga pala yung regalo namin ng Daddy niya. Siguro nga ako na dapat magbigay sa 'yo nito."
Napatingin naman ako sa kanya.. parang... never mind.
"Salamat po. But.. but.. you really don't have" wala na nilabas na niya yung necklace at binigay sa akin.
"I just thought you ought to know, that special someone you remind me of.. is Amanda. Siguro nga it runs in the blood... pero siguro parehas lang ng taste yung anak ko at apo ko..." nakangiti na siya.
Nandun pa lang kami sa pinto sa bahay nila, nakatayo doon si Xander at may hawak na inumin.
Nakatingin siya sa amin at tinaas niya yung kilay niya habang nakangiti.
"So... how did it go?"
"Never been better.."
Humarap siya sa Mom niya. At yumakap ng mahigpit.
"Thanks Mom!" ayaw na niya yatang pakawalan.
Tumawa ng tumawa naman yung Mommy niya.
"Ok tama na. Dapat siguro ipakita mo na yung gusto mong ipakita sa kanya. Muntik ko pang masabi sa kanya.." Humiwalay na rin siya doon sa Mommy niya. Todo ngiti talaga.
"Oo nga." humawak siya sa kamay ko, "Mom, you don't mind??"
"No. Go ahead.."
Hinila na niya ako nun. Yng iba busy sa mga bagaybagay... at hindi na kami masyadong napansin. Umakyat kami doon sa hagdan papunta doon sa mga kwarto nila.
Mayamaya
lang.. nakatayo na ako sa harapan ng pinto niya.
"Why am I standing here?" sabi ko pero nakatawa ako.
"Remember the first time you went here, hindi ko pinakita sa 'yo yung kwarto ko? Well, there's a reason for that.." Inisip ko naman yung unang beses kong pagpunta dito. Deathday ng parents niya. Lahat ng rooms pinakita niya, pero pagdating sa room niya, one inch pa lang yata nabubuksan ko, nilock na niya. Hinarangan pa ako para hindi ko makita.
"At ano naman yun?"
Ngumiti siya sa akin. Huminga ng malalim.
"Hmmm... welcome to LX,11."
"LX,11? Bakit ba yun lagi nilalagay mo? Nung detention mo nun, nakalagay sa dolphin, LX, 11. LX means Lee
Xander... 11 means??"
"The 11th letter on the alphabet."
Binuksan niya na yung pinto. Hindi pa ako pumasok kaagad.
This is his room???
Well... HELL.
"Anong ginawa mo sa kwarto mo?"
"I've been doing it for months.. kaya lagi kitang dinadrawing lalo na kapag hindi ka nakatingin."
Hindi ko naman na siguro dapat idescribe no? Simple lang naman. He got his room full of charcoal portrait... of me.
Sa sobrang dami, yung iba hindi ko alam. Merong nakalingon ako, merong kumakain... merong natutulog.. nandun din yung experiment namin nung laws of motion.. at meron ding galit ako.
Nakatayo lang siya doon habang nagoobserve ako. Ang bango nga ng kwarto niya eh. Ngayon ko lang nakita.. pero wow.
"Alam kong hindi ako ito.. pero seryoso ako ngayon. Alisin mo muna sa isip mo yung pagiging bee brain ko.
Wala akong sakit... makinig ka lang."
Hawak ko pa rin yung isang gawa niya. Humawak kasi siya sa akin kaya napaharap na ako.
Ano na naman ngayon?
"Well... I hate this crap. Hindi ako magaling sa ganito. Walang practice. Mukha siguro akong ewan.
Naghahabol ako ng notes, homeworks, dami kong iniisip... yung detention, pagtugtog sa banda, dati si
Mommy, kinausap ko si Lyka at ok na kami.. can i court you?"
Whoa.. sinabi ba niya yun? Sa sobrang dami ng sinabi niya at walang direction, doon pa rin nag point lahat.
Lumapit ako sa kanya. Nakatingin na rin siya sa akin. Naghihintay yata ng sagot ko.
Then...
I punched him in his face. Square na square. Hindi naman kasing lakas nung nagimbento siya na girlfriend niya ako. Mahina lang yun, pero siyempre.. masakit pa rin.
It may look like rejection kung ibang tao ang makakakita sa amin.
"In Kristen's language..."
"That means Yes."
***56***
Actually, tama siya. Sa sarili kong language, yung punch na yun means 'yes'. Hindi ko rin alam kung bakit sinuntok ko siya, yun kasi pakiramdam ko nung mga oras na yun. Ang hirap kasing ipaliwanag. Sa sobrang saya siguro, gusto ko siyang suntukin. At ginawa ko nga...
Masaya naman yung sweet 16 ko. Simula nung nagteenager ako, ito na yung best birthday ever. At least, so far.
Nung 12 below ako, 7th birthday ko naman ang pinakamasaya sa lahat. May mga games kasi, maraming pagkain, nandun yung mga relatives namin, friends... lahat talaga perfect.. except the fact that I wore a pink dress on the beginning of the party. Pero overall, ok lahat.
Dahil nga hindi na rin naman na maipapagkaila, alam na rin naman na nila Mama yung tungkol sa amin. Akala ko nga pagagalitan ako na bawal 'kuno' pa katulad nung ibang parents, pero hinayaan na rin dahil naikwento ni
Papa na 13 daw siya nung unang nagkagirlfriend, at si Mama naman daw eh second year high school.
Si Angelo at Kuya, parehas may comment sa akin. Si Kuya eh ganito: 'Uunahan mo pa yata ako eh. Mag one year na rin nung nagbreak kami ni Cathy eh. Yung pinopormahan ko naman, madalas wala sa school kaya hindi ko nakikita'.
Si Angelo naman: 'Sus Ate! Hindi kayo bagay. Super cool ni Kuya Lee para maging boyfriend mo lang. Sa susunod nga kakausapin ko siya, baka nahipan lang siya ng masamang hangin..'
Sanayan na lang din siguro. Kahit ganyan ang mga comment nila, mahal ko parehas yan. Kung kay Angelo hindi halata... well.. maniwala na kayo. Wala akong sakit ngayon.
Syempre, hindi naman kailangang iwasan pa si Bryan at Neriah. Kung ako ang tatanungin kung anong tingin ko sa kanila after nung huling mga araw, hindi nila alam na... once upon a time pinaghinalaan kong si Bryan yung postitguy.
Lumapit ako sa kanila. Nakangiti sila parehas nung gabing yun.
'Happy Birthday Kristen! Ito nga pala gift namin ni Bryan, hinanap pa namin sa mall yan. Wish you all the best. Kahit na minsan weird ka..'
Nakitawa lang din ako. Nakatayo si Bryan doon sa tabi ni Neriah.
'Yeah. Hindi na lang ako magtatanong. Sa totoo lang, naguluhan lang talaga ako sa inyo ni Lee. Pero so far, mukhang masama pakiramdam mo nung araw na iyon, sinabi ni Lee may sakit ka nun eh.'
Nakiagree
na lang ako. Hindi ko sasabihin. At tama lang din yung ginawa ni Xander na hindi sabihin sa kanila yung totoong reason. Siya lang naman ang nakakaalam na sa Kristen na nakikita ng lahat, may isa pang Kristen na kakaiba.
Tinanong ko sila kung ano ba sila, friends or more than friends. Sinabi ni Neriah na friends lang daw sila, si
Bryan naman eh nahiya yata at yumuko. Sinabi niya sa akin pero pabulong nung hindi nakatingin si Neriah na balak daw niyang manligaw. Sa isipisip ko naman, gaano kaya kabagal 'tong tao na 'to?
Natuwa rin ako sa reaksiyon ko nun. Manliligaw si Bryan kay Neriah, which means matagal na siyang may gusto sa kanya. It didn't affect me or something unlike before, I'm totally pushing them together.
Kinausap ko na rin yung mga classmates ko. Sinabi ko na may kasalanan sila sa akin dahil hindi nila ako kinausap kanina, pero sumunod lang daw naman sila kay Xander. Yung tingin naman ng mga estudyante sa school, hindi na dahil sa impluwensya ni Xander. Nakita kasi nila yung banner na ginawa niya na nakalagay sa daw sa auditorium, syempre yung iba curious na naman kung sino na naman si 'Kristen' at yung iba eh kilala na ako dahil dati. Kaya pala kanina kinilabutan ako.
After that night... everything's alright.
***
Xander's being his goofy self again. Normal pa rin naman siya. Minsan nga nagtataka na ako kung gaano kaflexible
'tong tao na ito... pwede na kasi sa drama sa pagaadjust lang ng katauhan. Magkasama kasi kami nung last Saturday detention namin, and I'm telling you right now that it's never been like this.
'Paano nga kaya kung hindi ako nagsulat doon sa playground? Tingin mo... tingin mo parehas pa rin yung situation ngayon?'
'Tingin ko?' seryso yung mukha niya. 'Oo naman. Kahit naman nagsulat ka o hindi, tiyak naman mapapansin pa rin kita. Kakaiba ka kaya...' tumawa naman.
Tinignan ko na para bang nagoobserba.
Naging defensive naman.
'Kakaiba... in a good way.'
'May sinabi ba ako? Ikaw naman yung defensive.'
'Eh baka mamaya iniisip mo, ibig kong sabihin kakaiba ka.. like a monster!!!'
'You think I am?!?' pero pabiro lang naman ako.
'Huwag kang magalala, hindi pa naman..'
Nung natapos yung last detention na yun, free na uli akong magsulat para sa school paper. Hindi na ako assistant ni Margaret na bruha, at yun ang pinaka the best sa lahat. Syempre, alam na nung school na si Xander eh nanliligaw... magkasama naman kami kadalasan.. well err... yung iba akala kami. Wala yung 'ligaw' part.
Ok pa rin kami sa school. Kakaiba nga lang minsan yung pagkasweet ni Xander. Nakakatawa kasi. Katulad dati yung ginawa niya sa PE class namin at nasa field kami, tumayo ba naman doon sa flagpole at nagbigay ng deal sa akin.
'Kapag naakyat ko yung pole at nakuha ko yung bandera, sagutin mo na ko...' nakangiti lang siya.
'Sure, pero may additional. Kailangan baligtarin mo yung bandera at yung red ang nasa taas. Sign of war kumbaga.' Pumayag naman ako at dinare ko, hindi naman niya nakuha. Tawanan nga eh, alam naman naming nagbibiro lang din siya. Dumating kasi yung teacher namin kaya tumigil na rin siya. Nabigyan nga siya ng referral dahil umaakyat siya doon, wala na naman siyang paki. Ang sabi ba naman sa teacher namin eh...
'Naku Mam, bakit naman ako nagkareferral?
Wala akong ginawang masama, I swear! Bawal na pala magmahal ngayon?!?'mabilis pa siyang tumingin sa direksiyon ko nun.
Nagkaroon din kami ng field trip at sumama kami parehas. Syempre, katabi ko si Neriah, si Xander yung classmate namin na isa. Si Bryan kasi, nasa kabilang bus nun. Eh yung pinuntahan namin eh ang itsura eh probinsiya, may mga wax ng kalabaw, magsasaka at kung anuanong hayop. Humilay si Neriah at Bryan sa amin, ako kasama ko na naman ang nagiisang bubuyog. Dahil may mga dayami kaming inaapakan at yung ibang kasama namin eh umiikot din, may naisipan na namang hindi mo aasahan si
Xander.
'Kristen, nakikita mo yung kabayo na yun sa dulo?!?' tumingin ako, at may kabayo nga na malayolayo.
'Oo bakit naman?'
'Bago tayo dumating doon sa kabayo, kailangan daw sagutin mo na ko. Kapag lumagpas tayo doon... hindi na kita kukulitin..'
Nakikisakay na naman ako sa abnormality niya. Hinawakan ko yung mga model sa gilid, at wala akong sinabi sa kanya. Siya naman, panay ang kumbinsi sa akin.
'Kristen, ilang hakbang na lang nasa kabayo na tayo.. hindi pa rin nagbabago isip mo?'
'Para saan?' tawa lang din ako.
'Kristen naman.. dalawang hakbang na lang... saglit.. hinto ka muna dito...'
Huminto naman ako sa paglalakad. Sumunod na lang na alam ko, binuhat niya yung kabayo at tinakbo niya sa malayo. 'Sorry, hindi tayo dumating doon sa kabayo, so tuloy pa ko. Nagbago na isip ko, sa susunod na araw mo na lang ako sagutin..' binatukan ko nga. 'Teka hindi ko naintindihan yung batok mo.. 'yes' din ba ibig sabihin nun sa language mo?'
'Suntok gusto mo?'
'Oh sure, go ahead. Willing ako. Yes yun di ba?'
Ang kulit talaga ng tao na 'to. Mabuti na lang field trip.. dahil kung hindi.. nkau!! Pero kahit ganyan yan... mahal ko yan.
After so many weeks, dinala na rin niya ako sa real parents niya. Sa cemetery. Pinakilala na niya ako.
Magkatabi nga yung puntod eh. Ako naman, nagpakilala na rin. Formality daw ika nga.
Nung dumating yung December at busy sa school, hindi ko siya masyadong nakikita. Christmas Bazaar na naman. Nandun siya sa dedication booth kasi live band daw ang drama. Siya yung kakanta. Ako naman eh sa
Disco Booth napunta, kaya minsan lang ako magsneak at nanonood sa kanila.
Nung Christmas Day naman, huwag niyo nang itanong. Dahil magcecelebrate kami ng christmas sa kanyakanya naming pamilya, magkausap lang kami sa phone. Tumawag siya before twelve... kaya magkausap kami nung eksaktong 12.
'Merry Christmas Kristen...'
'Happy Christmas!' sabi ko naman.
"Dali na, talon ka na ng 100 para tumangkad ka.'
'Tangek, Bagong Taon yun hindi Pasko...'
'Bagong taon pala yun?!? Akala ko Mahal na Araw.. oh well..'
Can you believe this guy?
The same thing happened nung New Year. Kaibahan lang, nasa park kami at nanood ng fireworks display.
Pumayag si Mama na magsama na muna kami magikot, pero huwag lang daw lalayo. Kasama rin niya parents niya nun.
Nakahiga kami sa damo.. at kung anuano tinuturo sa langit.
'Tingin mo, sa ibang solar system maliban sa Milky Way, may nakatira kaya?'
'Aba malay ko, siguro. Bakit hindi ka magscientist para malaman mo?'
'Hindi na. Ilang Light years para malaman yung sagot dun. Mamiss mo pa ko...'
Pareparehas
kaming puyat nung sumunod na araw. Umuwi si Kuya nun at ang masaya lang din, natulog siya sa kwarto ko. Ang kulit nga eh, tumabi siya sa kama ko.
Back to school din kami. Normal.. new year spirit. Masaya pa rin tulad ng dati... pero ang mga tao eh kakaiba kasi tiyak meron at merong nagplano tungkol sa kanilang new year's resolution.
Dumating yung exams hindi rin nagtagal. Medyo hectic yung schedule sa pagaaral, pero nakaraos din naman at naipasa ko yung bawat isa. Akala ko bababa na yung tension sa school... hindi pala. At alam niyo kung bakit? JS PROM.
Hindi ako sumali sa kung ano mang cotillion na yan kahit na niyayaya nila ako. Tiyak kasi, may writeup tungkol dito kaya hindi na ako makakahanap ng time para doon sa bagay na yun. Aattend ako hindi dahil gusto kong sumayaw, kundi dahil sa school paper staffer ako. Ang ikinaganda lang naman ng Prom, kanan at kaliwa lang ang hakbang mo. Hindi kailangang magaling sumayaw. Hay naku.. kung hindi siguro ganun, nalaman na siguro ng Edison High na parehas kaliwa ang paa ko.
1 Day before nung Prom, tinanong ako ni Neriah kung ano raw yung kulay namin ni Xander at tiyak daw match yung dress ko sa tux niya.
'Hello... hindi ko siya Prom Date..'
'Lukaret.. ako pa niloko mo..' sabi niya sa akin at umalis na rin.
I'm telling the truth here!!! Hindi siya nagyaya. Bukas na yung Prom.
Ewan ko ba sa sarili ko, nasa school pa ako nun at siguro naghihintay na baka makita siya. Wala nga nun eh.
Umuwi na lang ako sa bahay matapos kong kausapin yung teacher sa guidance.
Nahiga ako sa kama ko. Mukhang ewan na naman. Ano kayang nangyari dun? Busy siguro... o baka naman may niyaya na...
Sobrang tahimik ng kwarto ko, kaya nagulat na lang ako nung tumunog yung phone ko sunudsunod.
As in... sunudsunod na text.
Nakatitig lang ako doon, hindi ko muna binuksan. May sira ba ito o ano? Bakit hindi tumitigil?
Finally.. huminto. Nashock ako. 22 messages received.
Nung binuksan ko kung kanino galing... sa mga classmates ko pala. At isa lang yung gustong iparating nung text nila.
>pwde k rw b magng Prom Date ni Lee?
>kinulit me n xander, txt dw kita kng my prtner k n s prom
>'can u be my prom date' > pinapaask po ni xander hindi ko na iisahin.. naggawa ako ng new text kay Xander. Hinanap ko yung number niya. Gumawa ako ng reply na wala na namang kwenta...
Sender: Kristen
+63918*******
*punch*
***57***
JS Prom. It's no big deal sa opinion ko. Oh yeah right... one of the most unforgettable experiences in high school life. Pero yung pagsuot ng gowns, dancing, disco balls, makeup and hairdo's ay hindi parte ng bagaybagay ko. Nung 3rd year ako at wala pa ako sa Edison High, school paper staffer na rin ako. At kung anong dinahilan ko sa mga gustong sumayaw sa akin??? 'Busy ako, nagsusulat ng article...' Wala ngang kwenta, enjoy the night nga daw 'di ba??? Haay ewan. Iba lang talaga yung tingin ko sa ibang mga bagay sa mundo.
Pero ngayon, iba yata ang opinion ko. For the first time, hinihintay ko.
Natulog ako ng maaga, kailangan kasi ng magandang beauty sleep para hindi mukhang haggard bukas. Anong isusuot ko? Actually, yung red ofshoulder gown na kinulit sa akin ni Mama January pa lang. Hindi ko alam kung anong itsura nun pag sinuot ko, pero sana lang ok.
Pagkagising ko nung umaga, parang sobrang busy ng bahay namin. Si Angelo busy sa pagpindot ng playstation niya. Si Daddy, busy sa pagbasa ng newspaper, si Kuya naglilinis ng kotse niya (which is a weird view), at si
Mama na mukhang nagluluto. Ako na lang yata ang tanghali na medyo magising.
"Anong meron at parang busy kayo lahat?" sabi ko sa kanila kasi wala man lang lumingon sa akin nung nasa hagdan ako.
"Kristen, niready ko na yung gagamitin mo. Nagluluto na ako ng pagkain para mamaya matutulungan kita.
Dadalhin kita sa salon, at kukulangin tayo ng oras..." hindi pa rin nakatingin si Mama sa akin.
"Salon??? Ma??? Kailan ako nagsalon?"
"Yun na nga, hindi ka nagsasalon.
Kahit ngayon man lang na JS Prom niyo, magtodoready ka naman.
Susunduin ka nga pala ni Lee mamayang 6."
Napaisip naman ako doon sa sinabi niya.. wala naman akong binanggit..
"Paano?"
"Huwag ka nang magtanong. Nandito siya kaninang umaga, kaya lang sabi ko tulog ka pa. Papagising sana kita kay Angelo, kaya lang sabi niya huwag ka na daw istorbohin. Umalis na rin siya. Tinanong niya lang kung anong kulay ng suot mo, para yun din yung kulay ng tie niya..."
Niroll
ko naman yung mata ko, to think na red yung gown ko.
"Well.. red.. blood red."
Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na rin. Hapon na yata nung umalis kami ni Mama ng bahay, at syempre, hinatid kami ni Kuya sa salon. Nagpaalam na aalis daw siya, at hindi raw niya kayang itake na maghintay daw sa salon ng mga babae. Ewan ko kung san nagpunta, babalikan na lang daw niya kami.
After that... the operation begins...
Let's start with the hair.
Yung ginawa sa akin, Classic French Twist. Simple lang, pero ok na rin. Sa makeup, katulad ng dati.. light lang. Ayoko ng masyadong maraming ilalagay sa mukha, mangati pa ko niyan ng deoras.
Ang tagal ngang inabot eh, may mga kung anuanong ginawa. Kakainip na nakaupo.. pero worth it naman.
Hinihintay na lang namin si Kuya nun at tinext na ni Mama at tapos na kami. Nakatalikod ako doon sa pinto.
Tapos may nagsalita..
"Miss, pwede po padaan?" sabi niya with matching swing pa ng mga susi niya sa daliri. Nung humarap ako, nanlaki yung mata sa akin. "Whoa! sissy! Ikaw ba yan? Nagmukha ka yatang tao.."
"Kuya!"
"Promise, hindi ko napansin kaagad na ikaw pala yun.." tapos umakbay sa akin nung lumabas na kami sa salon, nakangiti pa nga, "Patay talaga sa akin si Lee kapag pinaiyak ka niya.."
Kuya ko ba 'to?
Umuwi na kami ng bahay. Pagkadating ko doon, nagsuot na ako ng gown. Nakaharap pa ako sa TV ng kawarto ko habang umiinom ng tubig. Mayamaya lang.. may narinig na akong nagbukas ng pinto.
"Kristen, nandito na si Lee.." si Papa.
Ok.. ito na. Bumaba ka na.. sus! Hindi ako mapakali. Tingin sa salamin.. ayos naman...
Kristen.. kailangan mong bumaba.
Fine.. let's get this over with.
***
"Bakit hindi ka nagsasalita? Kanina ka pa tahimik.." sabi ko kasi ang awkward talaga masyado.
"Ikaw rin naman hindi ka nagsasalita.."
"Nagsalita na nga ako eh, tinanong kita. Unusual kasi na tahimik ka, hindi bagay."
Tumingin lang siya sa akin, tapos ngumiti.
"Nahihiya lang ako sa 'yo.. yun lang."
Mabuti na lang talaga wala akong iniinom ngayon. Dahil kung hindi, naku, baka naibuga ko na sa mukha niya.
Siya mahihiya? Sa akin?
"Bakit?"
Parang 'di siya mapakali nun, tapos humarap sa akin.
"Come to think of it, you're so pretty.. and I'm.. well, I'm.." tapos tumingin siya doon sa bubong nung kotse na para bang nagiisip..
"I know I'm Xander. Hindi ba? Correct me if I'm wrong.."
Huminto na kami doon sa tapat ng school. AAAAAAHHHHH! Will someone get me outta' here!!!
Bumaba naman si Xander. Binukas niya yung pinto para makababa ako. Syempre, may alalay chuva pang nangyari. Gentleman effect pa, eh nung unanguna naman na nakilala ko yung Daddy niya, sinara niya yung pinto para ako daw magbukas sa sarili ko.
Tumayo ako nun sa harapan niya at nakatalikod ako kaya hindi ko siya nakikita maliban sa gate ng school.
Huminga ako ng malalim.
Tapos narinig ko siya...
"Kristen!" lumingon naman ako. Alam ko na lang, nablind na ako sa flash ng camera. Stolen shot!!!
Ang sakit ng mata ko.
"Stolen?"
"Hindi, tinawag kita eh.."
"Stolen pa rin.." sabi ko naman.
"Tara nga dito.." pinalapit niya ako kung san siya nakatayo, tapos umakbay sa akin. Hindi naman camera yung hawak niya ngayon, cellphone niya. Tinalikod niya at dinikit niya yung mukha niya sa mukha ko. Then... 'click'.
Tinignan niya. "Cool. Hindi na yun stolen."
Nilabas ko naman yung cellphone ko, sa purse ko. Another idea of my mom... purse.
"Ito naman.." gusto ko lang magkaroon ng picture sa phone.
"San mo ba ko gustong magpose?
Dito ba?!?"
"Xander!!!"
May dumaan naman na ibang mga tagaEdison.
Mga Junior yata. Tinawag naman niya.
"Pssst! Midget!" lumingon yung Junior, "Pwede mo kaming kunan ng pic?"
Midget?
Tumayo naman yung babae sa harapan namin tapos kinuhanan kami ng picture. Nagthank you lang kami, umalis na rin.
Kaya pala gusto niyang may kumuha sa amin, para buo.
Pumasok na kami sa school. Ang daming tumatawag kay Xander, panay ang kaway niya. Meron din siguro sa akin, hindi ko lang siguro masyadong napakinggan kasi ang ingay eh.
Pumunta kami sa field. Doon kasi ginanap yung Prom. Super.. duper raming tao. May mga malalaking speakers, chairs and tables, kung anuanong design.. at syempre, band instruments.
Prayer.. welcome message galing sa principal, batian ng mga magkakakilala, at pakikipagdaldalan ang dala ng prom. Ang saya pala.
Katabi ko nun si Xander, kaya lang paalisalis kasi sila yung bandang tutugtog. Tinanong niya ako kung ok lang daw ba na mawawalawala siya, syempre, understood na yun.
Sinimulan na yung cotillion, purple and orange ang drama ng gowns nila. Pero ok naman. Kasali nga si Neriah doon eh, sa purple siya natapat.
Nung natapos siya, grabe, mukhang pagod na pagod. Ikaw ba naman magpaikotikot, magwaltz at sumayaw ng sumayaw sa harap ng maraming tao ng naka highheels.
Buti na lang talaga hindi ako kasali.
Tumabi uli si Xander sa tabi ko. Kakagulat nga eh.
"Nakita mo yung Bulletin doon sa harapan?"
"Heck no. Hindi pa nga ako umaalis sa side dito eh. Bakit?"
"Parehas tayong nominated for Prom Prince and Princess. Yung picture na nakalagay? Nung papasok tayo sa gate. May camera pala dun.."
"Hayaan mo na sila. Tiyak naman hindi naman tayo makukuha. Sa dami ba naman ng tao.."
"Are you kidding me?" tapos tumawa siya ng malakas, "Hindi na nga ako makadaan ng maayos sa stage para magtest ng mic, kailangan ko pa dumaan doon sa mga babae na kung anuanong tili yung ginawa. Nabibingi na nga ako eh... They kept telling me, 'Oh Xander, ang cute niyo naman ni Kristen'.. " natawa nga ako eh, ang galing manggaya ng boses.
Nagsimula naman na yung disco music. Yung ibang band na sumali sa band selection ng Edison ang tumugtog.
Mamaya pa yata ang wwwdotcom. nakita ko na rin si Bryan, finally, hindi kasama si Neriah. Hinanap nga sa amin eh, kaya lang hindi namin alam kung saan napadpad si Neriah.
Naglakad kami ni Xander doon sa gilid. Yung iba sumasayaw pa rin ng disco. Parehas naming ayaw ng disco, kasi hindi masyadong match sa outfit, kaya umikot na lang kami.
"Hi Kristen, ang ganda mo naman. Bagay kayo ni Lee." if I know, baka sakalin mo na ko.
"Thanks."
Humirit naman si Xander.
"Syempre bagay kami, mahal ko yan."
Tumingin ako sa kanya. Nataranta yata.
"I.. I mean, honey ko yan."
Humarap na ako sa kanya at nakapamewang na ko.
"Ahh.. baby?"
Tinaas ko yung kilay ko.
"Asawa ko?!?"
"XANDER!!!" tumawa na yung mga babae doon sa gilid.
"Ok.. ok.. bagay kami... for no reason at all.." umalis na kami sa harapan nung mga babae. Ngumiti siya at tumingin sa likuran para bumulong doon sa mga babae, "Prinsesa ko!"
Umikot kami doon sa building ng Arts. Maingay pa rin at medyo dinig yung tugtog hanggang dito. Umupo kami doon sa hagdan.
Dahil parehas kaming nandun, nagkwento siya tungkol sa 3rd year prom niya. Wala nga akong alam doon eh.
Yung kadate pala niya dati, niyaya niya ng last minute at napilitan lang daw siya kasi sa banda, siya na lang ang walang niyaya.
Ako naman, walang maikwento. Nagsulat lang ako ng nagsulat last year.
May narinig naman kami:
'Wala pa yung vocalist ng wwwdotcom. I believe Mr. Maclean..' sabi nung nagsasalita sa mic kung sino man yun. Nagtinginan kami sa isa't isa ni Xander ng mabilis.
"Uhoh.
Kami na pala tutugtog! Tara na.." hinila niya ako.
Grabe, sa sobrang pagmamadali niya, mystery na sa akin kung bakit hindi ako natapilok. Ang sakit ng paa ko, hilahila niya yung kamay ko kaya muntikmuntikan na akong madapa.
Nung dumating kami sa field at hingal na hingal, yung iba tumingin sa amin. Tinuro yung stage.
"Ok, balik ka na sa side natin kanina. Aakyat na ko doon.."
Bumalik ako doon sa gilid. ANg bilis niyang tumakbo kaya nakita ko si Bryan na ngumiti at nagsign na simulan na nilang tumugtog. Sweet dance na yata ngayon. Unang tinutog nila eh 'Rainbow' ng South Border.
Syempre, nagtayuan na yung iba. Mga yayaan na ng mga guys para isayaw yung mga gals. Ako naman dahil masakit pa yung paa ko, tumanggi muna ako sumayaw. Tinanggal ko nga yung sandals ko para marelax yung paa ko.
"kristen hindi ka sasayaw? Hindi pa kita nakitang sumayaw ah. Wala ka naman sigurong balak maupo lang buong gabi.."
"Mamaya na.. masakit pa paa ko." umalis na siya at nakisayaw doon sa classmate namin.
Handsfree
mic yung gamit ni Xander sa pagkanta. Kaya nga, nakakakilos siya ng maganda para sa performance. Sumunod na tugtog, oh well.. I think I know this one... instrumental pa lang naman... kakantahin niya 'to???
Dahil nakayuko ako nun sa at nakatingin sa paa ko, hindi ko napansin yung nasa stage. Nasaan na yung kumakanta doon? Nandun pa sila Bryan, pero wala yung vocalist. Nasaan na yung tao na yun?
"I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul"
Naririnig ko yung boses niya, pero nasaan siya? Yung mga sumasayaw din, nagtataka kung san siya, pero diretso lang sila sa pagsayaw.
"I know that you are something special
To you I'd be always faithful"
Nilagay ko na yung sandals ko. Hindi na namumula yung paa ko.
"I want to be what you always needed
Then I hope you'll see the heart in me"
May kumalabit sa likod ko. Nakangiti siya tapos nakaoffer yung kamay niya habang kumakanta.
Dahil nasa likuran kami, konti lang nakapansin nandunpala si Xander. Kumakanta siya dirediretso, kaya pala wala siya sa stage dahil papunta siya dito sa likod para isayaw ako.
Ain't that something?
Syempre, tumayo naman ako. Hindi na kailangang maginarte pa. Nilagay niya yung isang kamay ko sa sa balikat niya, nakatingin siya sa akin.. pero hindi naman siya makapagsalita dahil nga kumakanta pa rin siya.
"I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
You're the one I wanna chase
You're the one I wanna hold
I wont let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul
Your beautiful soul, yeah"
Ako naman, hininaan ko yung boses ko nung sinabi kong...
"Thanks.. I'll treasure this.."
Ngumiti lang siya. Tuloy pa rin siya sa pagkanta niya. Akalain mo yun, yung pagtugtog niya sa banda, sumasayaw siya, kumakanta para sa lahat... para sa akin...
"You might need time to think it over
But im just fine moving forward
I'll ease your mind
If you give me the chance
I will never make you cry c`mon lets try"
Parang hindi na mageend.
Aakalain mong OA, pero parang humihinto yung oras. Medyo nahinaan yata siya sa sound, kasi hinawakan niya yung nasa tenga niya.
Yung iba, hindi pa rin alam kung nasaan na siya.
Pero nalaman nila nung... nafocus yung light sa amin. Ano ba yan???
Nagthumbsup
lang siya at tumawa. Kung may vocalist na lang din na nawawala habang kumakanta sa stage, si
Xander na yun.
"Hinahanap ka na nila.."
Lingon kami sa gilid namin. Kakasilaw yung ilaw.
"I want you and your soul
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul ooooooo Beautiful Soul, yeah oooooo, yeah
Your beautiful soul yeah..." Tinaas niya yung kamay niya para makita sa stage na nandun siya.. kahit na halata naman na dahil nakafocus yung ilaw sa amin.
"Ok... nakakahiya 'to.."
"Whoa.. napagod ako dun..." hinga ng malalim.. "Ladies and gentlemen.. this will be a prom night I won't forget...Kristen..." "Will you be my girlfriend???"
Ending, 1st part.
Alam kong nakatingin lahat sa amin nun. Hindi ko alam kung paano ko itatago yung mukha ko, nakakahiya rin kahit papaano paano ba naman may mga teachers doon.
Isa lang yung bagay na yun sa hahangaan mo kay Xander. Wala siyang pakialam kung ano man ang opinion, o iisipin ng ibang tao. Basta alam niyang nasa lugar siya at gusto niyang gawin... gagawin niya talaga.
Napansin ko na rin ito matagal na. Tuwing may tugtog sila ng banda, dapat siguro iexpect ko na may mangyayari. Nung unang tugtog nila, sinabi niya kami na kahit hindi. Yung sumunod, inamin na niya yung totoo. Tapos ngayon... tinatanong niya ako kung pwede ba niya akong maging girlfriend.
Nagcollapse
yung paa ko kaya napalean ako sa kanya. Nanginginig na lang parati. Tinulungan niya akong tumayo, yung iba nakatigin pa rin at syempre, hindi pa sila tumutugtog kung hindi ako sasagot?
Nakakainis naman si Xander. Bakit nilalagay niya ako sa complicated situation na sa harap ng maraming tao.. isa lang ang pwedeng isagot???
Lumapit ako sa kanya... nakatingin lang siya...
"Xander.. you're a showoff.."
Tapos sinuntok ko siya sa kaliwang balikat niya. Umiyak na ko. Sumandal na ako kaya yug mukha ko, nasa dibdib na niya. Sinusuntok ko pa rin siya..
Yung mga nakatingin sa amin, akala yata galit ako. Nag' whoa' ba naman.
"Thanks Kristen!" sabi niya tapos yumakap sa akin. "Everyone.. she finally said yes!'
Shock yata yung mga nakakita.. kaya ayun.. nagpalakpakan nung narinig nila yung sinabi ni Xander.
Pagkatapos nun, normal na yung sumunod. Kumanta siya.. at well.. kasayaw ko pa rin siya.
12 midnight naman nung tumayo yung isang teacher sa stage para iannounce kung sino na yung Prom Prince and Princess. At anong sinabi niya?
"Sa tingin ko naman, alam na natin kung sino ang Prom Prince and Princess." sabi niya nung nakatingin doon sa gilid."Edison High Prom Prince and Princess, Year 200*... Lee Xander Maclean, and Kristen Carylle
Gutierrez!!!"
Nakaupo ako nun sa gilid, tinulak lang nila ako umakyat ng stage... at ganun din si Xander na nandun kasama ng banda nila.
Then.. sweet dance uli. Pinasayaw kami sa stage.
Oh God.. you really have to love high school...
***
"We're moving..." nahulog ako sa upuan ko nung sinabi ni Kuya yung mga salitang yun. Tuwing ganyan yan, isa lang ang ibig sabihin... sa ibang lugar na naassign si Papa sa trabaho niya.
Pero.. akala ko ba hindi na kami kailangang lumipat???
"Kuya?!? Papa?? Ma?? Aakala ko hindi na tayo lilipat. Alam niyo ba kung ano yung magiging epekto nun sa kin? Ayokong lumipat!!!"
"Hey.. easy ka lang Kristen. I said, we're moving. Both of us. Hindi kasama sina Papa at Mama.. o si Angelo.
College ka na... dorm??? remember??"
"Ooh... that. I'm still moving.. that's the point."
Siguro nga dapat excited ako sa college, dahil for the first time in my life, aalis na ako sa bahay namin para tumira magisa.
Well... not really, kasama ko si Kuya eh.
Pero ayoko rin. Xander's going in a different college. To think na may scholarship siya na hindi naman pwedeng iturndown.
Sinabi pa niya sa akin: ‘Kristen, may scholarship ako. Baka masayang..’
Naiintindihan ko naman. Kaya ako, hindi na lang nakipagdiskusyon tungkol doon. Kahit na magkaibang college kami…
Which only means one thing: 'We won't be able to see each other for a long time.. but weekends, sembreaks..' Crap! I hate this arrangement.
Tinawagan ko siya nung gabing yun. Syempre katulad ko, malungkot din siya. Ang bigat nga ng pakiramdam ko nun, kasi ako pa yung unang naghangup.
Huling sinabi lang niya... 'We'll manage. We can do this.'
Nung sumunod na araw, nilagay na ni Kuya yung mga gamit ko sa trunk ng kotse niya at babiyahe na rin kami.
Tinignan ko yun harapan ng bahay namin, at nagsenti.
Magdorm
na ako, opposite nung dorm for guys nila
Kuya. Kabilang building lang.
Papasakay na ako sa kotse, kumpleto na yung mga transcript at pera. Sumakay ako sa harapan at tinignan ako ni Kuya.
"Kuya, pwede bang dumaan tayo sa playground? Yung nasa tapat ng Edison Elementary."
"Bakit?"
"May.. may gagawin lang ako."
"Ok, pero hindi tayo magtatagal ha, baka abutin tayo ng traffic."
Tumango na lang ako. 5 minutes lang yata, nasa tapat na kami ng playground. Sa kotse pa lang, sinulat ko na
'to.
Xander,
Take care of yourself. Thanks for everything. Well.. see you soon. I can't say anything else.. but.. I love you so much. Kristen.
Bumalik na ako sa kotse. Naluluha na ako nun. Napansin din ni Kuya, kaya tinapik lang ako sa balikat. Hindi niyo lang alam yung feeling.. it seems like I'm walking away...
Away from him.
Ending, 2nd Part.
Yung unang mga araw ko sa dorm, hindi ako masyadong makatulog. Hindi kasi ako sanay ng nakikishare sa kwarto na hindi ko kilala. Isa pa, ang liitliit nung kama. Double deck nga yun eh, yung sa taas ang pinili ko kasi ayoko ng inaapakan yung higaan ko. Ganun kasi kapag sa baba yung pinili ko.
Tinetext ko pa rin si Xander. Every single night. Kaya nga nung naubusan ako ng load, tumawag pa. Ok na raw siya sa bago niyang school... enrolled na daw siya at tiyak daw maeenjoy daw niya yun. Magiging masayangmasaya daw siya.
Ako naman, parang hindi masaya sa sinabi niya. Kung siya siguro maeenjoy niya ung school niya, ako siguro hindi. Para kasing kulang eh...
Natulog na rin ako pagkatapos nun.
Nagulat na lang ako nung may araw na tumatama sa mata ko. Nasisilaw ako kaya napatayo ako ng deoras.
Puyat pa ako.
Napatingin ako sa oras doon sa gilid.
6:30? Sira ba yung clock???
Para akong matrix nun at tumayo ako ng mabilis. Tumakbo ako doon sa banyo kaya lang may tao pa. Katok ako ng katok. Ano ba yan... malalate ako. Professors??? Sinabi ni Kuya 8:00 daw ang unang class ko. Pero hindi ko pa alam kung saan.
Nabwisit yata yung babae sa banyo kakakatok ko. SInimangutan ako nung lumabas eh. Sorry.. rush hour.
Bilisbilis
lang ng kilos kasi hindi lang ikaw ang may pasok.
Quick shower talaga yung ginawa ko. Kaya nga 7:45 na ako umalis ng bahay. Ang bilisbilis ng lakad ko, malapit lang kasi yung college sa dorm.
Ang daming tao. Lahat.. hindi ko kilala. Kinakabahan ako. Hawak ko yung papel sa kabilang kamay ko.
Handwritten ni Kuya. Ang daming numbers at letters na nakalagay. Hindi ko maintindihan.
Nasaan ko naman kaya si hahanapin dito??? Ang hirap pala talaga kapag freshmen ka at hindi ka familiar sa lugar. Sinubukan kong hanapin muna sa sarili ko. Wala talaga. nagelevator na ako at lahatlahat... nagkabayo effect.. at syempre.. akyat dito at doon sa hagdanan.
Finally nung napagod ako... nagtanong na rin ako. Yung iba hindi nila alam kung saan, pero yung first class ko alam nila. Hay naku, useless naman na pumasok sa first class. Late naman na ako. 8:15 na.. ayoko namang mapahiya sa first day.
Umakyat ako doon sa tinuro ng babae. Nakita kong tama nga siya. nandun ako sa harapan nung pinto, at binuksan ko. Walang tao dito ha.
Pinasok ko yung ulo ko at naghello.
Ang tahimik sa loob. Tama kaya si Kuya eto yung first class ko? Dapat may tao dito... bakit ganun?
'YOU'RE LATE!!!' nagulat ako nung may sumigaw. Sino yun??? Prof ba yun? Nasaan siya.
Pumasok na ako ng buongbuo.
Pagalitan man ako ng prof, ok na kasi walang tao.
"Ano po kasi... naligaw ako sa school... bago lang kasi ako."
May nagstep doon sa pintuan malapit sa dulo. Stunned ako, hindi na ako makakilos doon sa kinatatayuan ko.
"Huwag mong sabihin sa akin na naliligaw ka. Sa dinamidami ng lugar sa dito pa?"
I know that dialogue. Yan din yung sinabi niya sa akin nung first day ko sa Edison High. What the hell is he doing here?
"Anong?"
"Nabanggit ko ba kung saang college ako magaaral?"
"Err.. no. Akala ko, Edison College."
"Kristen, tingin mo naman hahayaan kong magaral ka sa ibang lugar ng hindi ako kasama? Uhah, not my style.." "Paano yung scholarship mo??"
"It's valid kung san ko man gustong magaral.
My Dad's a government employee.. I can go wherever I want to.." "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nakakainis ka na naman!!!"
Sumandal ako doon sa white board. Lumapit siya sa akin.
"Sinabi ko sa Kuya mo na huwag munang banggitin, kasi hindi naman ako sigurado nung simula. I felt mad as hell nung nakita ko yung message mo sa playground. Kaya.. sumunod na ko. And I've been planning to do all these things all along..."
"Plan what?!?"
"First of all, ako at yung Kuya mo eh nagshashare ng apartment. Pati rent. He's not on the guy's dorm your thinking... magkasama kami."
"What?!?" sabi ko sa kanya, "Bakit ako hindi?"
"Babae ka.. lalaki kami. Unless... gusto mong tagaluto at tagalaba namin??"
"I think I'll stay at the dorm."
Lumapit siya sa akin.. at yumakap.
"Second.. ayokong malayo ka sa akin...."
"I love you too Kristen.."
Ending, 3rd Part.
Did I mention Xander's so flexible when it comes to his personality? Well, I guessed I did.
Totoo naman talaga yun. Maraming adjectives na pwedeng idescribe sa kanya. Kung tutuusin at iisaisahin ko lahat, kulang na ang space. At hindi mo rin iisipin na iisang tao lang pala yung mag characteristics na ganun.
Aakalain mong...hundred guys yung pinagbasehan.
Pero yung sinasabi kong hundred guys, isa lang ang katumbas. He's Xander. Plain Xander. Siya lang ang nakakaalam kung ano ba ako sa isa pang ako. Minsan nga kapag nalulungkot ako, gusto ko na ring ipakita kay
Kuya na... hindi naman ako palaban gaya ng alam nila.
But I changed my mind.
"Anong gusto mong inumin, skies the limit.."
"Coke na lang po.."
"Diet or regular.."
"Regular ganund in epekto nun."
"Bottle o in can?"
"In can."
"With or without straw?" sabi niya at hindi pa rin umaalis sa harapan ko.
"Xander.. ang dami mo namang tanong! Ang kulit mo. Tubig na nga lang gusto ko.."
"Distilled, purified, o mineral?"
"Naman eh!!!"
"O sige, kuhanan na kita ng coke.. regular. Gusto ko lang perfect no... happy monthsary!"
"Happy nga ako eh oh?!? Tingnan mo?" pinakita ko sa kanya yung ngiti ko na labas talaga yung ngipin.
"Whoah.. ganyan ka lang.. kukunin o cellphone ko.."
Hinanap nga niya.
"Yung inumin? Pagkain???"
"Oh yeah.. right. Hindi ka talaga madidistract eh noh!" sabi niya tapos tumigil na rin. "Di bale, marami tayong plano sa araw na ito. Mapapagod ka tiyak.."
"Mapapagod nga ako, pero for sure, bankrupt ka rin.."
Umalis na siya at kumuha ng ng pagkain. Siguro nga maraming pera, marami daw siyang balak para sa araw na ito. 5 Months na nga pala kami. Hindi pa naman masyadong matagal.. pero it's something.
Naeenjoy ko na rin yung college life ko. Medyo mahirap di gaya ng high school, pero kaya yan. Kakayanin.
Nakita ko na rin yung apartment nila. Payo lang mga kaibigan... huwag na huwag kayong dadalaw kung wala kayong vaccine ng antiSARS.
Diyosko!!!
Magulo naman yun nung nagpunta ako hindi dahil sa kanilang dalawa ni Kuya. Dumalaw kasi yung mga kaibigan nila from Edison before.. nagkaroon ng party.. at yun.. rambol! Surprise yung visit ko.. parehas pa silang tulog nun.
Si Xander sa sofa, si Kuya sa table nakasubsob yung ulo. May may beer cans nga eh. Naginit ulo ko. Naalala ko pa yung sinabi ko.
'Umiinom kayo???' sabi ko hawakhawak yung lalagyan ng sixpack.
Parehas silang nagising nalag bigla. Nagulat at nandun na ako. Hindi nila alam kung paano ako nakapasok, si
Kuya wala sa sarili nung binuksan yung pinto.
'Kristen!!' napaupo siya nun. 'No I'm not.'
'Ako lang.. saka yung iba kagabi. Hindi uminom si Xander. Sabi mo raw kasi..'
'Hindi naman talaga ako umiinom.'
Pero ok na ako doon. Dahil parehas silang puyat, sinabihan ko silang maligo parehas, at matulog sa kwarto nila. Parang gubat doon sa sala nila.
At syempre... ako yung naglinis.
Isa pa sa natatandaan ko eh yung nangyari last month. Sinabihan ko si Xander na 'special day' namin sa darating na Friday. Actually, special day un eh manonood kami ng concert. Si Kuya naman nung bago yung
Friday, curious kung ano daw ba yung special day na tinutukoy ko. Sabi ko naman, magkasama sila ni Xander sa iisang apartment hindi pa niya tanungin.
Dumating yung concert night. Nauna na ako sa apartment nila at kumatok doon para sunduin si Xander.
Pagkabukas niya nun, bihis na bihis na rin siya. May hawak na gift at isang rose.
'I'm so sorry Kristen. Kung ano man yung special day na tinutukoy mo.. I really have no clue. Iniisip ko na nung tuesday pa, hindi naman natin monthsary. Kaya sinabihan ko kuya mo na itanong.. sorry. Gift ko nga pala.. Happy... something.'
Hindi siya mapakali nun. Talagang hindi niya alam. Inisip niya na may okasyon. Tumawa nga ako ng tumawa sa kanya.
Nilabas ko yung dalawang ticket na binili ko dati pa. Tapos sinabi niyang...
"Ooh... concert. Right." natatawa pa rin ako sa kanya. "Well, may okasyon man o wala.. para sa 'yo nga pala
Kristen. Ako pa nagbalot niyan!!"
Pinagmalaki pa niya yung pagwrap niya.. kaya pala hindi masyadong pantaypantay.
Pero ok na rin.
Si Neriah at Bryan.. sila na. Pero sa pagkakaalam ko, hindi sila magkasama sa iisang college. Peor balak yata ni Bryan na lumipat ng school for the next semester para magkasama sila.
Si Angelo, may crush na sa school. Nung tinawagan ko kasi sila Mama, panay daw ang pagpapabili ng gel at pabango. Parents ko at parents ni Xander? Ayun.. alivealive members. Magkakasama sila sa church parati.
May savior??? He's.. courting someone. Hindi ko pa siya nakikilala. Sabi niya, ako daw ang maging judge kung itutuloy ko... hmmmm...
As for Xander and me??? Well... nothing beats us. In my opinion...
Ngayong araw na ito... I'm really happy. Sa sobrang dami na ng pinagdaan namin... whether hilarious.. serious or sweet.. I love him alot. Hundred personalities.. that makes him unique.
He'll always be.. what you call it??? Hundred in one. Right.
"Ito na po yung coke niyo mahal, honey, baby o asawa ko... wala naman tayong tawagan eh.. so lahat na lang nag maisip ko."
"Thanks.. beebrain."
Tumingin siya sa akin ng nangungulit.
"BeebrainY.
Nalimutan ko." uminom ako ng coke ko.
"I was just wondering yesterday.. ever considered showing everyone who you really are??? I mean.. yung girl sa playground.." Tumingin ako sa kanya, ngumiti. Uminom lang ako saglit tapos naglean sa table.
Kiniss ko siya sa pisngi niya tapos tumingin ako sa kanya, an inch away.
"Nah..."
"One person is enough.."
***
At bago ang lahat, since this is our story.. I'll pick my own ending. Or... Xander.
"Anong memory ang favorite mo nung high school?"
"Prom??? Ang saya ko nun eh. Super."
Ok everyone.. the jury had spoken. I'll pick Prom as our own ending.. whether it really doesn't end right there... and there's more to us to come...
That ends up our story! Simple as that.

Similar Documents

Premium Essay

First One Hundred Years Of America

...Our first one hundred years in the United States of America should definitely be celebrated. These first one hundred years are concentrated with the blood of the soldiers who fought for our country, the sweat of slaves who created the agricultural foundation of our economy, and the thoughts of our leaders throughout the ages. I say the first one hundred years should be celebrated because after these one hundred years, we established a powerful united country that takes account of justice and morality, and is booming economically. Within our first important years, many important moments happened that changed our country forever. For example, in the first one hundred years was the Constitutional Convention. Before the Constitutional Convention,...

Words: 419 - Pages: 2

Premium Essay

Magic Realism

...Gabriel Garcia Marquez In my essay I want to talk about Gabriel Garcia Marquez two famous works “One Hundred Years of Solitude” and “Love in the Time of Cholera”. Gabriel García Márquez was born in 1928, in the small town of Aracataca, Colombia. He started his career as a journalist. When One Hundred Years of Solitude was published in his native Spanish in 1967, as Cien años de soledad, García Márquez achieved true international fame; he went on to receive the Nobel Prize for Literature in 1982. One Hundred Years of Solitude is perhaps the most important, and the most widely read, text to emerge from that period. It is also a central and pioneering work in the movement that has become known as magical realism, which was characterized by the dreamlike and fantastic elements woven into the fabric of its fiction. Even as it draws from García Márquez’s provincial experiences, One Hundred Years of Solitude also reflects political ideas that apply to Latin America as a whole. Latin America once had a thriving population of native Aztecs and Incas (of the many complex civilizations to arise in the ancient Americas, the Aztecs, the last ancient Mexican civilization, known for their huge city-on-a-lake of Tenochtitlan and for the practice of mass human sacrifice; and the Incas of Peru, whose rigid state structure and many golden treasures so amazed the Spanish invaders.) but, slowly, as European explorers arrived, the native population had to adjust to the technology and capitalism...

Words: 2924 - Pages: 12

Premium Essay

Gabriel Garcia Marquez & Magical Realism

...chaotic political situation partly influenced Garcia Marquez’s writings. As a Colombian who was born during such turbulent times, Garcia Marquez witnessed and experienced various historical events. The history of Colombia and his personal experiences played a huge part in inspiring Garcia Marquez’s writing. Here comes the question, why would Garcia Marquez write about politics through Magical Realism? What is his intention? Since Garcia Marquez’s childhood, Colombia’s political situation had been unstable and chaotic. For many years, dictatorship, imperialism and feudalism, had restricted people from revealing the genuine side of Colombia. In an interview with Paris Review, Garcia Marquez disclosed his feelings when he decided to write One Hundred Years of Solitude. “I decided that writing about the village and my childhood was really...

Words: 3748 - Pages: 15

Premium Essay

Gabriel Garcia Marquez

... and to a screen writer. Gabo has the Novel Prize for Literature and is considered on of the greatest. His main works and the best that he is known for our his novels One Hundred Years of Solitude , and Love in the Time of Cholera. Although every author seems to have a certain style of writing that they constantly use, Gabriel was one who tried to change his style in every writing. One could say, that’s a reason why this author is so significant. Behind every writers work , there is something that leads them to writing it . One does not simply write because they want to , rather than they have a reason to. For Gabriel Marquez, what made up some of his famous works, the unusual background of his family, and the story of his parents love. As Marquez wrote, “I feel that all my were based on the history of Columbia, his stories from his grandfather, fiction tales from his grandmother writing has been about the experiences of the time I spent with my grandparents”, we are able to see this throughout his works. Having a grandfather who a Liberal veteran who fought in the War of a Thousand Days, Gabriel was told many stories of his grandfather’s experiences. From the experiences and values that Marquez was taught, he put them into his works. One Hundred Years of Solitude, being his absolute best novel, and the one that led him to fame, was an influence based on the element of his Grandmother. She would tell him of all his superstitions, and as he stated the way she spoke about them...

Words: 435 - Pages: 2

Free Essay

One Hundred Nine Feet Six Inches

...Chinea Lowe Professor Okocha English 1010 20 June 2014 One Hundred Nine Feet Six Inches I was the first throw in the final flight for the discus throw at the District meet in Perry. My arms were strong but my hands were shaking and I felt this insatiable urge to crack my knuckles every few minutes. “Lowe up!” The official called my name, as finals were about to begin. I was walking into the finals in 5th place and only the top four qualify for Regionals. I was nervous and all I could keep telling myself to do was relax, keep your arm up, and stop thinking. I entered the circle from the back and moved into my throwing position. I took at least ten quick breaths before my heartbeat calmed down. Then, with three quick but deliberate steps, I launched my discus. I turned around and faced the back of the circle as soon as the disc left my hand, as I did not want to see where it landed. I hadn’t seen my throw but I felt it went far. After the official yelled, “Mark!” I exited through the back of the circle and waited for him to call out the distance. “One hundred nine feet, six inches!” At that moment my heart stopped beating. I was sure I had heard him wrong. The number could not have been right. With that distance, I knocked the leading throw down to 2nd place by two feet. I was going to win the District. The discus throw has always been easy for me. Throughout my entire track career, I’ve always excelled in the event. I’ve come home with countless ribbons and medals and...

Words: 921 - Pages: 4

Premium Essay

Cuture Compared to One Hundred Percent American

...America is truly a “melting pot.” coming from Toronto, although not United States land, they are very similar, and raised in Cleveland, Ohio, I experience this blending of cultures everyday. And having attended a nearly all white school when I was younger, I vastly prefer high school which was a mix of latinos,whites and blacks, where students come from all backgrounds. Some Americans may not be aware of it, but the integration of cultures in America has changed popular culture, music, and daily life for the better. Each culture adds different values and a different perspective to form the entirety that is American life. On the weekends, my neighbors sometimes decide to serenade the entire block by turning up their traditional Spanish music. I don’t mind, however I am Columbian,but the message that the music delivers is universal. The soulful blend of vocals and acoustic guitar speaks of heartache, while the fiery trumpets and trombones speak of passion. No other music delivers so direct and powerful a message about love than Hispanic music, a music which has influenced modern hip-hop. Every afternoon, I hear on the streets the lively, hip-hop beat of “Reggaeton,” a music that blends Jamaican and Latino influences. But the influence of different cultures is hardly restricted to music. Not only have contemporary movies began incorporate elements from diverse cultures, foreign films have also become more popular in America. These films broaden our understanding of the...

Words: 654 - Pages: 3

Premium Essay

Despite Most of the Latin American Countries Achieving Political Independence in the Early 19th Century, Not One of Them Was Able to Achieve First World Status over the Next One Hundred Years. Why Was This so?

...century, not one of them was able to achieve first world status over the next one hundred years. Why was this so? Concentrate on one country in your analysis. Latin America is the vast continent with three distinctive regions of Central America, South America and the Caribbean coast, and is composed of 33 republic countries varying in terms of population size from over 19 million Brazilians to 11 thousand citizens of Grenada. The ethnic make-up of modern Latin America comprises a variety of racial and ethnic groups such as Europe, Africa, Asia and American-Indians, all of whose root is based in 4 different continents. The notable physical geography is the range of Andes Mountains that are long narrow backbone of the continent from Venezuela through Colombia, Ecuador, Peru, Bolivia and on into Chile, and cut off the east coastline and the west inland areas. The other features are the Amazon and rivers, huge tropical rain forest, and lastly, an abundance of natural resources as well as vast hectares of farmland. These geography features are an important factor that hampered economic growth due to difficulties in public transit and transportation between regions, hindrance of social and political unity, and therefore, unable to achieve a formation of large unitary state, like North America, that led to separation into large and small 30 countries. To comprehend Latin America’s struggle to achieve the first world status following their political independence, one must have a look...

Words: 2403 - Pages: 10

Free Essay

Impact of Broken Family to a Student

...such as 495,784, have six digits.  Each digit is a different place value.   The first digit is called the hundred thousands' place.  It tells you how many sets of one hundred thousand are in the number.  The number 495,784 has four hundred thousands.  The second digit is the ten thousands' place.  In this number there are nine ten thousands in addition to the four hundred thousands.  The third digit is the one thousands' place which is five in this example.  Therefore there are four sets of one hundred thousand, nine sets of ten thousand, and five sets of one thousand in the number 495,784. The fourth digit is called the hundreds' place.  It tells how many sets of one hundred are in the number.  The number 495,784 has seven hundreds in addition to the thousands.  The next digit is the tens' place.  This number has are eight tens in addition to the four hundred thousands, nine ten thousands, five thousands and seven hundreds.  The last or right digit is the ones' place which is four in this example.  Therefore there are four sets of one hundred thousand, nine sets of ten thousand, five sets of one thousand, seven sets of one hundred, eight sets of ten, and four ones in the number 495,784 A. Place Value Extended Forms There are 4 sets of one hundred thousand, 9 sets of ten thousand, 5 sets of one thousand, 7 sets of one hundred, 8 sets of ten, and 6 ones in the number 495,786. Expanded form shows the number expanded into an addition statement. The expanded form...

Words: 1800 - Pages: 8

Free Essay

Home

...Billions |Hundred millions |Ten millions |Millions |Hundred thousands |Ten thousands |Thousands |Hundreds |Tens |ones | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | We should compare numbers by starting . Billions |Hundred millions |Ten millions |Millions |Hundred thousands |Ten thousands |Thousands |Hundreds |Tens |ones | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | |Comparing and Explaining Examples 2) ___________ ____ _____________ because of the place Billions |Hundred millions |Ten millions |Millions |Hundred thousands |Ten thousands |Thousands |Hundreds |Tens |ones | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | 3) ___________ __ _____________ because of the place Billions |Hundred millions |Ten millions |Millions |Hundred thousands |Ten thousands |Thousands |Hundreds |Tens |ones | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | 4) 200,324 98,133 because of the place Billions |Hundred millions |Ten millions |Millions |Hundred thousands |Ten thousands |Thousands |Hundreds |Tens |ones | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | 5) 44,454 43,999 because of the place Billions |Hundred millions...

Words: 359 - Pages: 2

Free Essay

Aliens

...งานวิจัยในชั้นเรียน เรื่อง การส่งเสริมทักษะการเขียน ตัวเลขเป็นภาษาอังกฤษ ผู้วิจัย ครูพิชชา สกนธวัฒน์ กลุ่มสาระการเรียนรู้ ภาษาต่างประเทศ ชั้นประถมศึกษาปีที่ 4-5 ภาคเรียนที่ 1 ปีการศึกษา 2546 งานวิจัยในชั้นเรียน เรื่อง การส่งเสริมทักษะการเขียน ตัวเลขเป็นภาษาอังกฤษ ผู้วิจัย ครูพิชชา สกนธวัฒน์ กลุ่มสาระการเรียนรู้ ภาษาต่างประเทศ ชั้นประถมศึกษาปีที่ 4-5 ภาคเรียนที่ 1 ปีการศึกษา 2546 ได้รับความเห็นชอบจาก ……………………………………………….ประธาน (ภราดาจักรกรี อินธิเสน) …………………………………………………………อาจารย์ที่ปรึกษา (ม.สำเนา ศรีประมงค์) ประกาศคุณูปการ การศึกษางานวิจัยในครั้งนี้ สำเร็จได้ด้วยความกรุณาจาก ม.สำเนา ศรีประมงค์ อาจารย์ที่ปรึกษาที่ได้ให้คำแนะนำ สอบถามความคืบหน้าของการทำงาน รวมทั้งให้คำแนะนำ คำปรึกษาตลอดจนการตรวจแก้ไขข้อบกพร่องต่าง ๆ เป็นอย่างดี จนการศึกษาวิจัยในครั้งนี้เสร็จสมบูรณ์ ผู้จัดทำขอขอบคุณอย่างสูงไว้ ณ ที่นี้ ขอขอบพระคุณท่านภราดาพิสูตร วาปีโส ผู้อำนวยการโรงเรียนอัสสัมชัญระยอง ท่านภราดาจักรกรี อินธิเสน รองผู้อำนวยการโรงเรียนอัสสัมชัญระยอง ครูมาริสา สิงหพันธุ์ หัวหน้าฝ่ายวิชาการ และคุณครูตึกอัสสัมชัญทุกท่าน ที่กรุณาให้ความอนุเคราะห์ ให้คำแนะนำ ให้คำชี้แนะและอำนวยความสะดวกในการศึกษาวิจัยในครั้งนี้เป็นอย่างดี และขอขอบใจนักเรียนชั้นประถมศึกษาปีที่ 4 และ ประถมศึกษาปีที่ 5 ของโรงเรียนอัสสัมชัญระยองทุกคนที่ให้ความร่วมมือเป็นอย่างดีในการวิจัย จนกระทั่งการศึกษาวิจัยในครั้งนี้สำเร็จไปได้ด้วยดี ...

Words: 1282 - Pages: 6

Premium Essay

Criminal Appeals Research Paper

...jurisdiction in civil and juvenile cases. The Supreme court has one court and nine justices. On the other hand, the Court of criminal appeals has one court and nine justices as well and has a final appellate jurisdiction in criminal cases. The Texas state intermediate appellate courts involve the Courts of Appeals having fourteen courts and eighty justices. Courts of appeals have local jurisdiction and intermediate appeals from trial courts in their respective courts of appeals districts. The state's trial courts of general and special jurisdiction are District Courts; having four hundred and sixty-four courts and four hundred and sixty-four judges. District courts appeals of death sentences. The original jurisdiction in civil actions are over two hundred dollars, title to land, consented elections, and divorces. Juvenile matters, and so does the original jurisdiction in felony criminal matters. Thirteen district courts are chosen criminal district courts, and others are designated to give preference to certain specialized locations. Three hundred and sixty-six districts...

Words: 432 - Pages: 2

Premium Essay

Turnip Tom's Inc.

...What is the total economic cost of the Turnip Tom's Inc. organic farm; to calculate the cost one must first find the totals of both the explicit and implicit cost and subtracting them from company's revenues (Thomas & Maurice, 2010)? First, what is the explicit cost? The cost of products sold is twelve-five-hundred added to selling expenses at five-thousands-five equals eighteen-thousands. Administrative expenses added to expenses of product sold and selling expenses, that is an additional five-thousands-two-hundred-dollars comes to a total of twenty-three-thousand-two-hundred dollars (Thomas & Maurice, 2010). Secondly, the implicit cost is added up. Interest expense of nine-thousand-five-hundred-dollars plus legal expenses of one-thousand-two-hundred-dollars, as well as adding income taxes of twenty-two-thousand-dollars for a total of...

Words: 327 - Pages: 2

Free Essay

Corn

...In treating on the subject of the profits of capital, it is necessary to consider the princples which regulate the rise and fall of rent; as rent and profits, it will be seen, have a very intimate connexion with each other. The principles which regulate rent are briefly stated in the following pages, and differ in a very slight degree from those which have been so fully and so ably developed by Mr Malthus in his late excellent publication, to which I am very much indebted. The consideration of those principles, together with those which regulate the profit of stock, have convinced me of the policy of leaving the importation of corn unrestricted by law. From the general principle set forth in al Mr Malthus's publications, I am persuaded that he holds the same opinion as far as profit and wealth are concerned with the question; -- but, viewing, as he does, the danger as formidable of depending on foreign supply for a large portion of our food, he considers it wise, on the whole, to restrict importation. Not participating with him in those fears, and perhaps estimating the advantages of a cheap price of corn at a higher value, I have come to a different conclusion. Some of the objections urged in his last publication, -- "Grounds of an Opinion," &c. I have endeavoured to answer; they appear to me unconnected with the political danger he apprehends, and to be inconsistent with the general doctrines of the advantages of a free trade, which he has...

Words: 1754 - Pages: 8

Free Essay

A La Paper

...Hic I must write two hundred and fifty words, so two hundred and fifty words I shall write. Like same I am.. I must write two hundred and fifty words, so two hundred and fifty words I shall write. Like same I am. I must write two hundred and fifty words, so two hundred and fifty words I shall write. Like same I am. But what would it if I did not have quite exactly two hundred and fifty words, would that be bad, or would that be sad? Could that be all good, down in the hood? But what would it if I did not have quite exactly two hundred and fifty words, would that be bad, or would that be sad? Could that be all good, down in the hood? But what would it if I did not have quite exactly two hundred and fifty words, would that be bad, or would that be sad? Could that be all good, down in the hood? Who is to say what will be good or bad or sad, or new, or old, or fun, or stale. We shall try, try to appease the word counter of two hundred and fifty, and maybe one day, maybe one day at last, our souls shall be set free form that number crunching daemon himself. Until then my due diligent non word counting friends, party on, garths world, totally, my home fry of hash browns, the up to my down, the in to my out....

Words: 252 - Pages: 2

Free Essay

Crime Data

...Comparison While analyzing the data in the FBI Uniform Crime Report data I selected two different metropolitan areas that meant something to me. One of the metropolitan areas I chose was because I was born and raised there. Although I do not live there, it means a great deal to me, that is the reason I chose Los Angeles, CA. Although I love Los Angeles I also experienced crime there including aggravated assault and armed robbery and although unpleasant and scar these are realities people have to live day to day in these cities. The other I chose for this paper was Atlanta, GA although I do not live there it is close by and it is a part of my new surroundings and frequent it a lot. Aggravated Assault The crime I chose to use as a comparison is aggravated assault. The area that had the most reported incidents was the metropolitan are of Los Angeles. Los Angeles metropolitan are had a reported seven thousand six hundred and twenty-four. The metropolitan area of Atlanta only had two thousand nine hundred and sixty-five. These numbers mentioned before were a whole total. The statistics per a hundred thousand inhabitants is significantly different. In the metropolitan area of Los Angeles, CA per one hundred thousand inhabitants there was a total of one hundred eighty-nine and in the area of Atlanta there was a total of two hundred and five. The amount of inhabitants plays a huge role on the percentage Although not sure if it is a great thing, it is definitely good to see that...

Words: 699 - Pages: 3