Free Essay

I Love Birds

In:

Submitted By dianesarmiento
Words 3592
Pages 15
-------------------------------------------------
Batas Militar
Idineklara ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081 na nilagdaan ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang hakbang na ito ay binatikos ng maraming puna at pagtuligsa mula sa mga Pilipino at pagbabago sa estado ng Pilipinas.
-------------------------------------------------

-------------------------------------------------
Layunin ng Pagdedeklara
Ayon sa pangulong Maros, idineklara niya ang pagpapatupad ng Batas Militar sa dalawang kadahilanan. Una ay upang iligtas ang Pilipinas sa kamay ng mga kaaway nito. Pangalawa ay upang magtatag ng isang bagong lipunan na makapagdudulot ng ibayong kaunlaran, kapayapaan at seguridad sa sambayanang Pilipino.
Ipinaliwanag pa ni pangulong Marcos na kinakailangan ang Batas Militar upang bigyang proteksiyon ang demokrasya ng bansa sa mga kaaway nito tulad ng mga kumunistang CCP-NPA at PKP-HMB, Moro National Liberation Front na naghahangad magtayo ng sariling bansa sa Mindanao sa pamamagitan ng armadong pagkilos, mga maka-kanan na grupong radikal sa simbahan, mga grupong oligarkiko, at mga dayuhang nanghihimasok sa panloob na kalagayan ng bansa. Ayon sa kanya, kinakailangan ng bansa ng malakas na pwersa upang matugunan ang hamon ng mga kaaway at maprotektahan ang bansa.
Isa sa mga layunin ng pagdedeklara ng Batas Militar ay ang pagtatatag ng isang bagong lipunang makatao, maka-Diyos at makabayan at may pitong haligi. Ito ay ang (1) pambansang pagkakaisa, (2) pambansang pagkakakilanlan, (3)kaunlaran at kasaganaan, (4) demokrasya salig sa maraming paglahok ng tao, (5) katarungang panlipunan, (6) internasyonalismo at pakikiisa sa sanlibutan at (7)kalayaan sa paniniwala. Pitong aspeto naman ang binibigyang-diin ng mga programang pangreporma: (1) ang katahimikan at katiwasayan, (2) lupa at sakahan, (3) kabuhayan, (4) edukasyon, (5) reorganisasyon ng pamahalaan, (6)paggawa at (7) serbisyong panlipunan.
Binale-wala ng mga kritiko ni Marcos ang kanyang mga binanggit na kadahilanan. Ayon sa kanilang paniniwala, ang pagdeklara niya ng Batas Militar ay isa lamang daan upang mapahaba ang kanyang pananatili sa posisyon. Dagdag pa ng mga kritiko, malaki ang takot ni Marcos sa hahalili sa kanya sa Malacanang. Isa na rito si Senador Benigno Aquino Jr., ang kanyang pangunahing kalaban sa pulitika, at tinatayng siyang may malaking pag-asa sa posisyon ng pagkapangulo. Tiyak na niya ang pagpapasiyasat nito sa malaking katiwaliang nagaganap sa kanyang administrasyon.
-------------------------------------------------

-------------------------------------------------
Mga Pagbabago
Marami ang naging pagbabago sa pagpapatupad ng Batas Militar sa Pilipinas. Mayroong mga daglian lamang, may mga pagbabagong pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan, at diplomatiko.
Marami rin ang mga mabilisang pagbabago na naganap sa mga unang buwan ng panahon ng pagpapatupad ng Batas militar. Nabuwag ang kongreso at ipnagbawal ang pagkilos ng mga lapiang pampulitika. Humina ang kapangyarihan ng Mataas na Hukuman dahil sa pagkakatatag ng mga military tribunal at military commission. Ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan ay naipon sa kamay ni Marcos at sa hukbong military.
Maraming bagay ang mga ipinagbawal tulad nang pagtuligsa sa pamahalaan sa pahayagan, radyo, at telebisyon. Ipinagbawal din ang pampublikong pagtitipon na may temang pulitikal. Maliban sa maigting na pagsesensor, mahigpit na ipinapatupad ang curfew. Dinarakip ang sinumang nasa labas ng bahay mula hatinggabi hanggang ikaapat ng umaga. Ang mga piitan sa iba’t ibang kampo ng hukbong military, higit sa lahat ay sa Camp Aguinaldo, Crame at Fort Bonifacio, ay napuno ng mga taong iba’t iba ang dahilan nang paglabag sa batas ng curfew. Kabilang na rito ang mga kalaban sa pulitika ni Marcos na sina Senador Benigno Aquino Jr., Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno.
Dahil sa krisis sa langis noong 1973, sinikap ng pamahalaan na tumuklas ng langis at pasiglahin ang paghahanap ng alternatibong enerhiya. Nagtayo ito ng mga plantang geothermal at hydro-electric. Gumawa din ito ng plantang nukleyar sa Bataan. Upang magkaroon ng sapat na pagkain at masaganang pamumuhay, itinaguyod ng pamahalaan ang iba’t ibang programa tulad ng Green Revolution (gulayan), Blue Revolution (isda at pagkaing dagat), Palayan ng Bayan, Masagana 99 (magkaroon ng ani na 99 kaban bawat ektarya), Masaganang Maisan, Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK) at Sariling Sikap.
Marami rin ang naipatupad na mga makabuluhang gawain ng mga panahong ito tulad nang pang-aakit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagpapasigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng makasaysayang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.

Rebolusyong EDSA ng 1986
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno niFerdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili niCorazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.
Kasaysayan
Ang Rehimeng Marcos
Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya si Diosdado Macapagal na noon ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno naging aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansiyal na kasaganahan. Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksiyon, nahalal muli si Marcos noong 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.
Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng kanyang pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army (NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.
Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa halalan sa 1973. Dahil dito, noong 21 Setyembre 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito ang lumalaganap na kaguluhan sa bansa. Sa ilalim ng batas militar, pinasara ang lahat ng mga institusyon ng midya, at ang ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang tangi lamang na tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at ang Manila Bulletin na noon ay tinatawag na Bulletin Today. Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4 at Channel 2, na dating pag-mamay-ari ng mga Lopez. Marami din sa mga kritiko ni Marcos ang pinahuli, ang isa sa mga pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa oposisyon at ang tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.
Pagpaslang kay Ninoy Aquino
Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.
Noong 21 Agosto 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang eroplano saManila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya).[1] Nagdulot ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na ang civil disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.[2]
Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.
Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo pang nagpalubog sa Pilipinas sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang ekonomiya ng bansa ay lumiit hanggang sa 6.8%.[3]
Ang Snap Election
Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan, minabuting minungkahi ng Amerika[4] kay Marcos ang pagsasagawa ng dagliang halalan (snap election). Pinakinggan ni Marcos ang mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang halalan sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular Batasang Pambansa, isang unikameral na kongreso na kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa halalan, kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente. Tumakbo si Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at suporta ng oposisyon at maging ng taong bayan. Si Salvador Laurelang naging pangalawang presidente ni Aquino.
Naganap ang halalan noong 7 Pebrero 1986. Ang eleksiyon na ito ang isa sa mga pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng malawakang dayaan na naganap. Dineklara ng opisyal na tagabliang ng boto, ang Komisyon ng Halalan (Commission of Elections o Comelec), si Marcos bilang nagwagi. Ayon sa kanila, nanalo si Marcos na mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na nakakuha lamang diumano ng 9,291,761 boto. Ayon naman sa National Movement for Free Elections (Pambansang Kilusan ng Malayang Pagboto o Namfrel), isang akreditadong tagamasid ng halalan (poll watcher), nanalo si Aquino ng 7,835,070 boto laban kay Marcos na nakakuha lamang diumano ng 7,053,068 boto. Dahil sa malawakang dayaan sa halalan nag-walk-out ang 29 na computer technician bilang protesta sa sapilitang pagmamanipula ng boto para palitawin na si Marcos ang panalo.[5].
Dahil dito nagpahayag ang Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP) ng pagkondena sa nasabing halalan. Ganun din ang pinahayag ng pamahalaan ng Estados Unidos. Ayon mismo sa pangulo ng Amerika na si Ronald Reagan, na siyang kaibigan ni Marcos, "nakakabahala" [6] ang mga bali-balita ng malawakang dayaan. Sa kabila ng mga malawakang protesta at pagkondena, pinahayag pa rin ng COMELEC na si Marcos ang nanalo sa pamamagitan ng 51 porsyento. Pinahayag naman ng NAMFREL na nanalo si Aquino ng 52 porsyento.
Pinahayag ng Batasang Pambansa noong Pebrero 15 si Marcos at si Aquino bilang mga nagwagi. Lahat ng 50 oposisyon ay nag-walkout sa pagprotesta. Hindi matanggap ng mga Pilipino ang resulta, at sa halip naniwala sila na si Aquino ang tunay na nanalo. Nanawagan si Aquino ng malawakang hindi-pagtangkilik (boykot) sa mga produktong pagmamay-ari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito lalo pang bumagsak ang ekonomiya ng pilipinas.
Ang Rebolusyon sa EDSA
Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak ang ilang mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa suporta.
Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan ang kamangmangang ito."[7]
Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan na maaaring dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga sibilyan, maging ang mga madre at pari, sa EDSA.
Malaki ang bahagi ng Radio Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang mga tao na makilahok sa rebolusyong ito sa ilang oras lamang kung wala ang Radio Veritas.
Ang lumalaking suporta ng masa
Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas hanggang Cubao. Ang larawan ay sa itaas ay nagpapaita ng panulukan ng EDSA at Abenida Bonny Serrano, sa pagitan ng Kampo Krame at Kampo Aguinaldo.
Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo ng gobyerno para wasakin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang mga tao sa probinsiya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmisor na mayroong mas maliit na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksiyong ito dahil mahalaga ang Radio Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga rebeldeng sundalo. Nagbibigay ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga pinakahuling galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay.
Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang gumawa ng mga harang o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa kahabaan ng EDSA katulad ng Santolan at Abenida Ortigas. Marami ding grupo ang kumanta ng "Bayan Ko"[8], na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay (hand sign) ng LABAN[9] ; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".
Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa pagitan ng mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila.
Binalita ng Radyo Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng Marines na papunta sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke na papunta mula sa hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga kampo, hinarang ng libo-libong mga tao ang isang batalyon ng tangke na nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio Tadar sa Ortigas Ave.[10] Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at nagkapit-bisig ang mga tao para harangin ang mga sundalo.[11] Sa kabila ng banta ni Tadar sa mga tao ay hindi sila umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa situwasyon, at di nagtagal umurong na lang sila ng hindi man lang nagpapaputok.
Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas. Bandang hatinggabi ay lumipat ang mga tripulante sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa pagbo-broadkast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang brodkaster na nagpatuloy sa programa ng Radio Veritas sa bagong estasyon sa nalalabing mga araw ng rebolusyon.
Hindi Pag-kakalinawan
Noong madaling araw ng Pebrero 24, Lunes, naganap ang unang matinding bakbakan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. Mabilis na tinaboy ng mga Marines na galing Libis ang mga demonstrador. Samantala, mahigit-kumulang na 3,000 Marines ang kumubkob sa silangang bahagi ng Kampo Aguinaldo.
Noong araw ding iyon inatasan mula sa Sangley Point sa Cavite ang mga helikopter sa pamumuno ni Major General Antonio Sotelo upang pumunta sa Kampo Krame.[12] Lihim na palang bumaligtad ang nasabing grupo at sa halip na atakihin ang Kampo Crame ay lumapag sila doon. Maraming mga tao ang bumati sa mga sundalo na papalabas ng mga helikopter. Dahil sa pangyayari ay mas lalo pang sumigla si Ramos at Enrile na patuloy pang nananawagan sa mga sundalo na tumiwalag kay Marcos at sumapi sa kilusang oposisyon. Bandang hapon dumating si Aquino sa lugar kung saan naghihintay si Ramos, Enrile at ang mga opisyales ng RAM.
Ang pagkubkob sa Channel 4
Dumating kay June Keithley ang balita na papalabas na ng Malakanyang si Marcos at binalita naman niya ito sa mga tao sa EDSA. Nagdiwang ang mga tao; maging si Ramos at Enrile ay lumabas para magpakita sa mga tao. Subalit naging sandali lang ang saya noong lumabas si Marcos sa Channel 4 na kontrolado ng gobyerno. Sinabi ni Marcos na hindi siya bababa sa puwesto. Marami ang nag-isip na ang maling balita na ito ay isang paraan upang maghikayat ng mas marami pang pagbaligtad mula sa gobyerno.
Lumusob ang mga rebeldeng sundalo, sa pamumuno ni Colonel Mariano Santiago, sa estasyon ng Channel 4, at ang estasyon ay naputol sa ere. Nakubkob ng mga sundalo ang estasyon. Bumalik sa ere ang Channel 4, na may boses na nagsasabing "This is Channel 4. Now serving the people again." (Ito ang Channel 4. Naglilingkod muli sa sambayanan.) Samantala, umabot na sa milyon ang mga tao sa EDSA. Sinasabi na ito ang senyales ng "pagbabalik muli" sa ere ng ABS-CBN. Ito ay sa dahilan na ang mga taong nagpapatakbo ng brodkast ng mga oras na ito ay mga dating empleyado ng ABS-CBN na pinangungunahan ng direktor na si Johnny Manahan kasama ang pinsan ng may-ari ng ABS-CBN na si Augusto "Jake" Lopez. Ang brodkast na ito ay pinangasiwaan nina June Keithley, dating ABS-CBN broadkaster na si Orly Punzalan at Bong Lapira kasama ang mga paring sina Fr. Bong Bongayan, Fr. Aris Sison at sina Fr. James Reuter.
Bandang hapon, linusob ng mga rebeldeng helikopter ang Villamor Airbase, na naging dahilan ng pagkawasak ng ilang sasakyang pampangulo. Mayroon namang isang helikopter na pumunta ng Malakanyang at nagpaputok ng raket, na naging sanhi ng maliit na pinsala. Noong lumaon din ay marami nang mga opisyales na nagsipagtapos ng Akademya Militar ng Pilipinas (Philippine Military Academy) at maging ng Hukbong Sandatahan ang tumiwalag sa gobyerno.
Samantala, minungkahi ni Heneral Fabian Ver ang paggamit ng dahas upang matigil ang lumalaking rebolusyon. Hindi pumayag si Marcos dito.
Ang panunumpa
Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame.[13] Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malakanyang. Nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malakanyang, at binrodkast ito sa nalalabing mga estasyon ng gobyerno at ng Channel 7. Pagkatapos ng panunumpa ay umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyo. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang pumunta sa Mendiola, hindi kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging marahas.
Ang Paglisan ni Marcos
Kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxant, para humingi ng payo mula sa White House. Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and cut cleanly", na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya. Pumunta ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase sa Zambales bandang ikasiyam ng gabi, bago tuluyang lumipad ng Hawaii.
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng Malakanyang, na dati ay hindi mapasok ng ordinaryong mamamayan. Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi"We Americans like to think we taught the Filipinos democracy; well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.") --120.28.127.87 10:58, 28 Enero 2013
Katapusan
Matapos ang rebolusyon, marami pa ring suliranin ang kinahaharap ng bansa. Ang ekonomiya ay kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa pamumuno ni Corazon Aquino ay unti-unting bumalik ang demokratikong institusyon sa bansa.
Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si Aquino ng isang "Freedom Constitution" (Malayang Konstitusyon) upang pansamantalang maging saligang batas, hanggang sa natapos at naratipikahan na ang Saligang Batas 1987 na siyang kasalukuyang saligang batas ng bansa. Sa bagong saligang batas ay hindi na maaring tumakbong muli ang isang Pangulo ng bansa, na binibigyan ng anim na taon para mamuno.

Similar Documents

Free Essay

Narrative Report

...fighting with their conscience.” This is what I learned from this rotation. My life brought me to this life changing experiences. My mommy is the only person I talk about my life, my problems, my achievements, and she fills up the emptiness I felt when I was down. In any instances, she never brought me down. I’m including this to my narrative, because even though she never really did felt the hard thing about “bearing down a child” because she was a post-cesarian section patient for me and my brothers, but she felt the pain in labor which is the hardest of them all as a patient told me. In my duty here in the delivery room made me reflect about the life my mommy, luckily gave me. So I decided not to waste it and cherish all the sacrifices and pain she felt when she was giving birth to me. And when I delivered my first ever baby, I texted my mommy right away saying, “Hey Mommy, I Love You! Thank you for this wonderstrucking life. I’ll be home soon.” Our clinical exposure here at Amang Rodriguez Memorial Medical Center made us stressed, tired but we can tell ourselves that after this rotation. We can surely handle anything else. Thanks to our Clinical instructor Ma’am Marie Ann Lapitan, She was one of my favorite instructor *no joke*. From my group, I was the only person who never, as in, never experienced or even seen and assist an actual delivery. I told her that right away so I she’d know that I never handled any cases ever since. At first I was very afraid ‘coz Mam. Lapitan told...

Words: 455 - Pages: 2

Free Essay

Tv Portrayal of 1950s Housewives vs Today

...TELEVISION PORTRAYALS OF HOUSEWIVES IN THE 1950s VERSUS TODAY: I Love Lucy vs. Desperate Housewives The 1950s housewife was the epitome of a woman. She had poise and grace and cared for her family more than having a career. She had a smile on her face, dinner on the table, and her child always used please and thank you. At least on TV. Fast forward 50 years and much has changed in our history and the way that women are portrayed on television. With women no longer expected to give up their careers in order to raise a family, working moms are represented more with each passing decade. Two television shows that can be examined to explore the difference in television’s portrayal of housewives are I Love Lucy from the 1950s and Desperate Housewives from the 2000s. While the shows premiered more than a half a century apart, there are many similarities in the shows. And that’s not on accident. After World War II ended, men came home and families started growing and prospering, able to buy things they had to go without during the rough wartimes. With servicemen home and the baby boom well underway, women were expected to reclaim their dominance over the home, while their husband’s reclaimed dominance over them.1 Housewives were to be seen more than heard, all while keeping a smiling on their face. No one talked about their problems, because they didn’t really have any. The white picket fence was always perfect and no one ever raised their voice or drank too much, at least on the...

Words: 4582 - Pages: 19

Premium Essay

Television Sitcoms over Time

...television shows just could not contend with the ones that had emerged previously in history. This is because in the early years of production were the television shows that set the precedents for what television is today. One of the most well-known shows that changed the future of television for centuries to come happened to be one of the very first’s sitcoms to air on television, “I Love Lucy”. This popular television show emerged in the fifties and set the stone for what comedy should be. This show was clever and original at the same time for all of the ridiculousness that took place. Many shows that have followed were surprisingly big hits but none could leave an impact like “I Love Lucy”. This is because it “is legitimately the most influential in TV history, pioneering so many innovations and normalizing so many others that it would be easy to write an appreciation of simply, say, the show’s accidental invention of the TV rerun.”(VanDerWerff) Audiences of all ages are attracted to humorous shows and like Will Rogers said, “We are all here for a spell, get all the good laughs you can.”(BrainyQuote) I Love Lucy planted the seed for future television sitcoms by being the first show to show women as scatter-brains yet extremely clever, men as loud and confused characters, and friends that were dupes and accomplices which was captured and used by many television...

Words: 3898 - Pages: 16

Premium Essay

Lucille Ball Female Mooguls

...When people try to think of all the media moguls in our history, almost all of the names that come up belong to men. However, I would like to take the time to discuss some of the female moguls. Lucille Ball changed television forever, with both her portrayal of characters on screen and her work of television production behind the screen. For over three decades, Lucille Ball was the most highly recognized and adored entertainer in the world, although many addressed her simply as Lucy. This of course was due to her portrayal of a certain clumsy housewife of the same name who managed to turn everyday activities into unparalleled hijinks and adventure. Lucy won the hearts of nearly every American, regardless of social or cultural stature. Ball’s expertise was wide and diverse, which led to the success of her notable role. After dropping out of high school at age fifteen, Lucille Ball picked up and relocated to New York City to pursue her dream of acting. Finally, in 1927, Ball got cast in her first show as a chorus girl. This job then led her to her big break, the Chesterfield Cigarettes poster girl. After that, her career skyrocketed. She began getting cast in major films like Eddie Cantor’s Roman Candles (1933). Soon after, it became nearly impossible to go to...

Words: 643 - Pages: 3

Free Essay

Homosexual Acceptance

...Turn of the Century: Homosexuality Acceptance Marjorie A. Webster Ashford University Cultural Awareness in the Human Services HHS 320 Professor Andrea Shenkman July 25, 2012 Turn of the Century: Homosexuality Acceptance Our society and our sitcoms have evolved from what it used to be in the 1950s, during the time of Ricky Ricardo and Lucy Ball in the “I Love Lucy” show. Fast forward to the 21st century, television shows such as, “Glee”, “Will and Grace”, and “The Ellen DeGeneres Show” carry different themes than those of Ricky’s and Lucy’s silly innocent antics. When in time did our society get over the initial shock of an interracial Ricky and Lucy laying in one bed, to accepting homosexual couples on television? Our society expands further than Hollywood antics, especially with sensitive issues dealing with our individual beliefs, traditions, and customs. In this paper, I will cover the media effect of sexual orientation exposure, the brief history and repeal of the “Don’t Ask, Don’t Tell” policy, and the acceptance of same-sex marriages in the United States. It goes without saying that the United States is the salad bowl of the world; socially accepting of all races, gender, religion, and now sexual orientation. America is moving forward and embracing a more diverse culture and practices and it is backing it up with concrete legal and political significance. Due to the imminent and overwhelming media exposure of homosexuality, it is evident, be it...

Words: 620 - Pages: 3

Free Essay

Jhane

...the FCC put a "freeze" on granting TV licenses. How long did this freeze last and why? The freeze lasted 4 years because the FCC wanted to rethink their whole television system 6. What's a "kinescope" recording? Kinescope is a form a recording where you are filming the picture off a TV set during the live broadcast 7. Early TV specialized in the "dramatic anthology." What is this. Give an example of this TV genre. programs featured original screenplays by theater trained authors with cast and staff drawn from the world of new york theater. Philco Televison Playhouse, Studio ONe, Theatrical , Hollywood 8. Why was Lucille Ball such an important figure in the early days of TV? Lucile Ball is a flim comedinnie that created I Love Lucy television series 9. What does "syndication" mean?? means the practice of selling directly to stations without going through a network , programs that each station can air whatever time and frequency...

Words: 304 - Pages: 2

Free Essay

Compare and Contrast

...Alexus Fuller CRN: 21556 English 1101 March 6, 2016 Women Then and Now “Lucy I’m home,” the famous saying from the famous 1950s sitcom, “I Love Lucy” fully distinguished a vast difference between women in sitcoms then and now. Women in the 1950s held on to the traditional, stereotypical housewife title, one who only tended to their husband children and household duties. Women in contemporary sitcoms, however, did not hold on to those traditional values that were viewed in the 1950s. For example Being Mary Jane is about a hard working single black women going through everyday life, without those traditional values. Status, parenting, and conservativeness are the foremost leading differences from women in the 1950s and women in contemporary sitcoms. Status is the position somebody holds in society. Women in the 1950s held a lower more respectable status than women in today’s sitcoms. For example, Lucy was very respectful of her husband, and his wishes. Women then did not typically talk back, became physical, or dressed inappropriately. Women in today’s sitcoms, however, were the exact opposites. In today’s sitcoms, women were drug addicts, exotic dancers or workaholics. Women also tend to be very emotionally abusive to their families. For example, a powerful African-American woman on Mary Jane in chastised her sister about having two kids and having another. Women in the 1950s sitcom were typically stay-at- home moms who did not work. Their parenting skills differed from...

Words: 422 - Pages: 2

Free Essay

I Love Lucy Loves Stereotypes

...I Love Lucy Loves Stereotypes I Love Lucy is an American television series from the 1950s following the Lucy and Ricky Ricardo family. Ricky’s in show business and Lucy’s the housewife that tends to drive him crazy with all the trouble she gets into. Episode 23 in season 2, “Lucy Hires a Maid”, Ricky notices how overwhelmed and tired Lucy is with all the house chores and caring for their new-born son. He sends in a note to the employment agency for a maid but leaves the responsibility of interviewing and hiring her to Lucy. Lucy caves in to the first woman who arrives and this maid, Mrs. Porter, is the opposite of what they need; she eats all their food and is no help with the baby. Both Lucy and Ricky are terrified of her but in the end Ricky calls her up and fires her. Messages about gender in I Love Lucy illustrate that women should work inside of the house and men should work outside of the house because women are caretakers and men are money makers through Lucy’s status as a mother, Ricky’s status as breadwinner, and Lucy’s inability to act in a business fashion. Gender roles are very obvious in I Love Lucy, as Lucy acts like the “ideal” American housewife; she does not have a professional job and puts on a dumbfounded face whenever Ricky talks about business, politics, economics, or anything that does not relate to housework. Lucy takes complete care of Ricky Jr, their son. In episode 23, during season 2, Lucy tries to get Ricky to be the one to take care of the crying...

Words: 935 - Pages: 4

Free Essay

Summer

...Reflection As I have gotten older I have rebelled against popular culture, people change but the situations remain the same. The way the media has portrayed family throughout the years has changed drastically. A family without a father would not have been allowed on television in the 1950’s. In 1951 Lucille Ball and Desi Arnaz a married couple in real life developed a Sitcom called ‘I Love Lucy’; they were not allowed to sleep in the same bed but you could smoke on television something the network censors frown upon in this day and age. Another Television land couple Mary Tyler Moore and Dick Van Dyke were featured in 1961 the Dick Van Dyke show aired on CBS and the married couple had twin beds, the network did not want a man and women in the same bed due to censor concern. If we fast forward to 2014, how things have changed. Men and women can now sleep in the same bed but television censorship has become very lax. Primetime TV will air men in the bed nude or topless with 2 women. Illegal drugs are accepted and treated as if it is a rite of passage for the teenagers and young adults. Censorship may be harder on obscene behaviors on television but that leaves in door open for information that children don’t need to be exposed to. Children are no difference from the 1950 then they are today, why should they be subjected to all the garbage of the world before they are ready. Having young children has really opened my eyes to Social Media and how young people are influenced...

Words: 299 - Pages: 2

Free Essay

Lalksd

...114 ways to say... I LOVE YOU Neal Justine English - I love you Neal Justine Afrikaans - Ek het jou lief Neal Justine Albanian - Te dua Neal Justine Arabic - Ana behibak Neal Justine Armenian - Yes kez sirumen Neal Justine Bambara - M'bi fe Neal Justine Bangla - Aamee tuma ke bhalo aashi Neal Justine Belarusian - Ya tabe kahayu Neal Justine Bisaya - Nahigugma ako kanimo Neal Justine Bulgarian - Obicham te Neal Justine Cambodian – Oun Srorlagn Bung Neal Justine Cantonese Chinese - Ngo oiy ney Neal Justine Catalan - T'estimo Neal Justine Cheyenne - Ne mohotatse Neal Justine Chichewa - Ndimakukonda Neal Justine Corsican – Ti tengu caru Neal Justine Creol - Mi aime jou Neal Justine Croatian - Volim te Neal Justine Czech - Miluji te Neal Justine Danish - Jeg Elsker Dig Neal Justine Dutch - Ik hou van jou Neal Justine Esperanto - Mi amas vin Neal Justine Estonian - Ma armastan sind Neal Justine Ethiopian - Ewedihalehu' Neal Justine Faroese - Eg elski teg Neal Justine Farsi - Doset daram Neal Justine Filipino - Mahal kita Neal Justine Finnish - Mina rakastan sinua Neal Justine French - Je t'aime, Je t'adore Neal Justine Frisian - Ik hâld fan dy Neal Justine Gaelic - Ta gra agam ort Neal Justine Georgian - Mikvarhar Neal Justine German - Ich liebe dich Neal Justine Greek - S'agapo Neal Justine Gujarati - Hoo thunay prem karoo choo Neal Justine Hiligaynon - Palangga ko ikaw Neal Justine Hawaiian - Aloha Au Ia`oe Neal Justine Hebrew - Ani ohev et...

Words: 633 - Pages: 3

Premium Essay

I Know Why the Caged Bird Sings

...I know Why the Caged Bird Sings is an autobiographical account of Maya Angelou that demonstrates how love for literature and having a strong character can play a significant role in overcoming racism and distress. In the course of the story, it is evident that Maya changes from being a casualty of racism to become a young woman with self-dignity and identity that helps her to overcome prejudice. The context of I Know Why the Caged Bird Sings focuses on the problems associated with racism that was prevalent in the southern states. Racist oppression is a common theme in the book that is portrayed by all the major characters; in fact, all the other themes in the book are closely related to racism, identity and segregation. In addition, the style and genre, and the structure of this literary work make significant contributions towards its thematic development, which focus on resistance to racism, the significance of the family, self-identity and definition and independence. Walker (95) argues that I Know Why the Cage Bird Sings is characterized by thematic unity, which is achieved using the structure adopted in the text that takes more of a thematic form rather than a chronological form. In addition, Angelou managed to emphasize on the universal ideas in her literary work irrespective of its periodic quality. In I Know Why the Caged Bird Sings, Maya Angelou used the major characters of the book to facilitate its thematic development identity, racism and literacy throughout the text...

Words: 2539 - Pages: 11

Premium Essay

Maya Angelou Biography

...Spotlight on one special bird in the cage While researching the lists of the authors, I was attracted to the author Maya Angelou, because I am personally interested in civil rights. In this essay, I am going to research whole biography about her which includes lots of work that she has completed, her general perspective and important event which affected people in that century. The reason why I chose her is to explore whether she should have been much popular or not. First I will find historical background of her so that every audience can know at least who she is. And then I will find her major works that she has done, popularity of work at that time, popularity of herself and hidden work which has potential to be popular at that time so...

Words: 1148 - Pages: 5

Premium Essay

Cage Bird

...I Know Why the Caged Bird Sings is the 1969 autobiography about the early years of African-American writer and poet Maya Angelou. The first in a seven-volume series, it is a coming-of-age story that illustrates how strength of character and a love of literature can help overcome racism and trauma. The book begins when three-year-old Maya and her older brother are sent to Stamps, Arkansas, to live with their grandmother and ends when Maya becomes a mother at the age of 16. In the course of Caged Bird, Maya transforms from a victim of racism with an inferiority complex into a self-possessed, dignified young woman capable of responding to prejudice. Angelou was challenged by her friend, author James Baldwin, and her editor, Robert Loomis, to write an autobiography that was also a piece of literature. Reviewers often categorize Caged Bird as autobiographical fiction because Angelou uses thematic development and other techniques common to fiction, but the prevailing critical view characterizes it as an autobiography, a genre she attempts to critique, change, and expand. The book covers topics common to autobiographies written by Black American women in the years following the civil rights movement: a celebration of Black motherhood; a critique of racism; the importance of family; and the quest for independence, personal dignity, and self-definition. Angelou uses her autobiography to explore subjects such as identity, rape, racism, and literacy. She also writes in new ways about...

Words: 452 - Pages: 2

Premium Essay

Maya Angelou Thesis

...Maya Angelou was an inspiration to all the oppressed, the downtrodden, the bullied, and the weak. She imparted a beacon of hope for people of all races and ethnicities. Angelou’s life has informed us about the human condition she faced and showing how she overcame it to pass on to the generations to come. Her life has taught the world important messages regarding love, death, suffering, and aspirations. Angelou wasn’t always brave and defiant. Her words were once tongue-tied, grasping for a way to be heard. In her first book, I Know Why the Caged Bird Sings, Angelou wrote an excerpt about her time with Mrs. Flowers. Mrs. Flowers had a jaunty personality and a great smile. Angelou even refers to her as “the lady who threw me my first lifeline”(Angelou)....

Words: 433 - Pages: 2

Free Essay

Anglou- Life Span Development

...Whenever we look at a playground, we supposed to see some children play happily with their peers and some are not. Have you ever wonder what make their behavior are so different? Life span development studies of how people grow and change during all phase of their lives. In the book I Know Why The Caged Bird Sings written by Maya Angelou proves that development is multidimensional including biological, cognitive and socioemotional. Maya is three years old and her brother, Bailey, is four experienced broken family and were sent to Stamps, Arkansas with pieces of paper attached on their bodies “to whom may it concern”. They live with their paternal grandmother, Annie Henderson, whom soon they called Momma. Maya and Bailey who was born and grew up were abandoned without the love, care and nourishment in a good environment with their biological parents have had many struggles to face during childhood to early adolescence and affect their entire life. As the beginning of the book, Maya was unable to finish her poem “What are you looking at me for? I didn’t come to stay…”   According to Erikson, Maya must be in initiative versus guilt stage because Maya feels that she is awkward and ugly with kinky hair and dark skin. She dreams to be a beautiful white child with the straight blonde hair and blue eyes, not because she didn’t like herself, but because was taught not to like her Blackness. The social norms with stenotype expectation influences Maya’s development and personality when...

Words: 2711 - Pages: 11