* Ano ang DISKURSO? * DISKURSO * Ito ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon * Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. * Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa * Konteksto ng Diskurso * Kontekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan * Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral * Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado (o pag nagpopromote) * Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante * Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN * Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa. * PAGKAKAIBA NG PASULAT AT PASALITA NA DISKURSO
(Punto de Vista/ Point of View) * PAGSULAT
Mga kahulugan * Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001 * Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002) * Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento. * Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. * Sosyo-Kognitibong na Pananaw sa Pagsulat * Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip. * Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. * Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal. * Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng: 1. Ano ang aking isusulat? 2. Paano ko iyon isusulat? 3. Sino ang babasa ng aking isusulat? 4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat? * Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal. * Anuman ang layunin sa pagsulat,mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. * Dalawang dimensyon sa pagsulat: * 1. Oral Dimensyon * Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. * Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.
* 2. Biswal na Dimensyon * Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo. * Sa dimensyong ito,kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.
MGA PANANAW SA PAGSULAT * Ayon kay Donald Murray, ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan,pagtuklas sa porma- at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente. * Ayon pa kay Murray,ang pagsulat at isang prosesong rekarsib o paulit-ulit.
“Writing is rewriting”. * Matapos diumanong magsulat,magsisimula na namang panibago ang bagong pagsulat * Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat - “A good writer is wasteful”. * Metapora ni Murray: * He saws and shapes and cuts away,discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials. * Sinabi ni Ben Lucian Burman na I am a demon on the subject of revision.I revise,revise,revise,until every word is what I want. * ELEMENTO NG PAGSULAT
Paglinang ng Ideya * 1. Pagpili ng Paksa
-pumili ng paksa na may malawak na kabatiran at lubos na kawiwilihan
*brainstorming
*partikular na isyu, mga espesyal na gawain, at mga personal na bagay na pagkakainteresan * 2. Awdyens/tagapakinig/mambabasa
- isaalang-alang ang demografik na katangian- edad, edukasyon, kasarian, okupasyon, kultural na kaligiran o bakgrawn, lahi, relihiyon, nasyunalidad, mga hiyografik na pinanggalingan at kinamimiyembrohan * 3. Layunin a. mabigyang-aliw ang mga tagapakinig b. maipaunawa ang impormasyon c. mahikayat na baguhin ang dating paniniwala
PASALITANG DISKURSO * Ang pananaw sa pagsasalaysay ay umaayon sa papel na ginagampanan o sa posisyong ginagampanan o kinalalagyan ng tagapagsalaysay sa pagkukwento
Unang panauhang pananaw * - ang tagapagsalaysay ang gumaganap na pangunahing tauhan. Siya ang nagsisiwalat sa mga pangyayari ayon lamang sa sarili niyang karanasan * -kapansin-pansin ang panghalip panaong “Ako”
Ikalawang panauhang pananaw * Ang pangyayari ay inihahayag ayon sa pagkakasaksi
Ikatlong panauhang pananaw * Ang tagapagsalaysay ay humihiwalay, ganap na lumalayo sa kwento, kaya parang Diyos niyang nakikita ang lahat, naririnig ang lahat at nalalaman ang lahat ng nangyayari pati nasasaisip at nasasaloob ng mga tauhan
Mga Panghalip Panao * (Personal Pronoun)
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya