Free Essay

Investigatory

In:

Submitted By cheyenne
Words 4211
Pages 17
l. Panimula

Polusyon
Ang polusyon ng hangin ay isang suliraning kakambal ng pag-unlad at modernisasyon ng bansa. Karaniwang bunga ito ng maruruming usok na nagmula sa sasakyan at mga pabrika. Maaari rin naman itong manggaling sa mga sinusunog na mga bagay sa paligid.

Una kailangan natin pangalagaan ang kalikasan upang magkaroon tayo at ang mga susunod na henerasyon ng magandang kalikasan. Madaming paraan upang mapangalagaan ang ating kalikasan, pwede tayong maglinis, sumunod sa mga patakaran, wag manigarilyo, wag mag putol ng puno sa maling paraan, wag gumamit ng dynamita sa pag huli ng isda at iba pa. Marami tayong ginagawa na bawal pero hindi natin napapansin na nasisira na natin ang kalikasan. Pero hindi na natin maaalis ang mga uli ng mga tao na walang pakialam sa kalikasan dahil nakasanayan na nila ito at konti lng ang mga taong nakikinig sa mga pahiwatig ng mga taong nangangalaga ng kalikasan. Ang mga taong hnd na natin mababago ay ang mga taong mahihirap o kaya ung mga tinatawag nating “Squatters” dahil lumaki na ang iba na sanay mag kalat kung saan saan. Ang mga Squatters ay ang mga taong umiihi sa ilog, naliligo sa ilog, nag lalaba sa ilog at nag tatapon ng basura sa ilog.

Ang ulang asido ay maari rin maging sanhi ng pagdumi sa lupa. Dahil sa mataas ang ph ng ulang asido, maari nitong pataasin ang ph ng lupa kung saan ito tatama. Kaya naman kung mataas ang ph ng lupa, maari itong magkaroon ng mga reaksyong pangkemikal na maaring makasama sa halamang nakatanim doon o kaya naman sa mga maliliit na organismong nakatira sa lupa na siyang nakatutulong sa pagpapalaki ng mga halaman at pagpapalusog sa lupa.

Maraming masasamang bunga ang polusyon sa lupa. Kung nakapasok sa iyong katawan ang mga mapaminsalang kemikal na dala ng polusyon sa lupa. Maari itong mauwi sa mga sakit. Ang mga pestisayd at pertilizer ay nagtataglay ng mga kemikal na maaring magsanhi ng kanser. Bukod pa rito, maari din magsanhi ang lead ng pagkasira ng utak lalo na sa mga bata.

Kung nakakain ka naman ng mga halamang nakatanim sa isang lupaing puno na ng mga mapaminsalang kemikal, maari itong maging sanhi ng pagkasira ng iyong atay gayon na rin ang bato at apdo. Kung kontaminado naman ng merkuri ang iyong nakain o kaya naman ay nahawakan, maari rin itong maging sanhi ng pagkasira ng atay at pagkamatay. Maari ring maging sanhi ang benzene ng lukemya at ilan pang mapapanganib na sakit.

Marahil isa sa pinakalaganap na bunga ng polusyon sa lupa ay ang pagkamatay ng mga halaman. Maraming kemikal na makikita sa mga hindi organikong pestisayd, insektisayd at pertilizer ang may kakayahang pumatay ng mga maliit na organismong tumutulong sa mga halaman. Kung hindi ito tumigil at lalo pang nagpatuloy at lumala, maari itonng maging sanhi ng pagkamatay at pagkaubos ng mga halaman. Kung mangyayari man ito, maraming hayop at tao ang maaring magutom. Bukod pa rito, maaring masira ang kabuhayan ng mga magsasaka at mawalan sila ng kita. Apektado rin ang mga bansang tulad ng Pilipinas dahil maari nitong mabawasan ang mga kinikita ng bansa lalong lalo na ang mga agrikulturang bansa tulad ng Pilipinas.

Isang suliraning kinakaharap din ng daigdig na saklaw din ng pagdudumi sa lupa ay ang deporestasyon o ang pagkakalbo ng mga kagubatan. Napakahalaga ng mga puno dahil sa sila ang nagbibigay sa atin ng hangin na ating hinihinga upang tayo ay mabuhay. Ginagamit din natin ang mga puno bilang materyal sa pagawa ng mga bagay tulad ng mga upuan, lamesa at iba pang kagamitan. Bukod pa rito nababawasan din nila ang pagbabaha dahil sa sinisipsip ng mga ugat nito ang tubig na siyang namiminsala tuwing may pagbaha. Bukod pa rito, nababawasan niya ang epekto ng pagtaas ng pandaigdigang temperatura dito sa mundo.

Ngunit kung minsan ay sumosobra tayo sa pagamit ng mga puno at kung minsan ay hindi na tayo masyadong nagtatanim ng mga puno. Bukod pa rito, nagiging uso na ang pagsunog sa mga kagubatan at pagputol ng napakaraming puno. Kung ipagpapatuloy natin ito, maari nating maranasan ang mas matitinding baha dahil sa wala na ang mga punong maaring humigop ng tubig sa pagbaha. Bukod pa rito, mababawasan na ang ating ginagamit upang malinis ang ating hanging hinihinga. Dahil dito, lalo lamang lumalala ang polusyon sa hangin. Bilang parte ng mundong ito, kailangan ay magpakita tayo ng malasakit sa ating daigdig lalong lalo na sa mga puno natin.

Talagang napakalaki na ng ating problema sa polusyon. Kaya aking masasabing kailngan talagang malaman ang mga sanhi at epekto nito. Ngunit mas mahalaga ay matuto tayong bawasan ito.

Sa ating sitwasyon ngayon partikular sa Pilipinas, masasabi kong talagang malaki ang ating problema pagdating sa polusyon. Unang una ay hindi ito pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno kaya naman karamihan sa atin ay nawawalan na rin ng interes dito. Ang iba naman ay hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikita ang tunay na sitwasyon natin tungkol sa polusyon. Ngunit kung gusto natin kahit papaano ay mabawasan man lamang ang problema dito ay kailangan ay magsimula tayo sa ating sarili.

Unang una dapat tayo ay matutong mag-recycle o gamitin muli ang mga bagay na pwede pa nating magamit. Makakatulong itong mabawasan ang tinatawag nating solidong dumi at mapapanatili nating malinis ang kapaligiran. Isa pa ay dapat matuto tayong umiwas sa mga produktong may nakapipinsalang epekto sa ating kapaligiran. Kasama rito ang mga CFC, insectisayd, pestisayd at pertilizer. Kasama na rin dito ang huwag masyadong pagamit ng mga hindi nabubulok na bagay dahil sa maiipon laman ang mga ito at magsisilbing dumi lamang sa ating mga lupain. Ipalaganap ang kaalaman. Para sa akin, dapat ay dagdagan pa ang pagbibigay ng edukasyon sa mga tao tungkol sa polusyon lalong lalo na ang mga bata dahil mas mainam kung bata pa lamang ay alam na ang mga dapat gawin upang tulungan ang kalikasan. Magtanim tayo ng puno. Kahit na paisa-isa lamang ay malaki na ang maidudulot nito sa ating kalikasan. Mahahalaga ang mga puno dahil sa nililinis nito ang hanging ating hinihinga at pinipigilan pa ang mga pagbaha. Magtipid sa lahat ng oras. Kailangan ay matipid tayo sa tubig at pati na rin sa ating mga kagamitan upang mabawasan naman ang mga kalat at dumi. Sumali sa mga proyektong naglalayong malinis ang ating kapaligiran. Mahalaga na tayo ay magpakita ng malasakit sa kalikasan upang magsilbi rin tayong modelo lalo na sa kabataan. At siguro, isa pang mainam na paraan ay displina sa sarili. Dapat lamang na tayo ay may disiplina para naman magawa natin ang ating mga hakbang para sa kalikasan.

Pangalawa, masasabi ko rin na mas mainam na pagkatapos nating bigyan ng disiplina ang ating mga sarili ay magsimula ng gumawa ng hakbang ang mga gobyerno. Unang una, dapat ay bigyan ng pansin ng gobyerno ang mga batas na naipatupad na at siguraduhing masusunod ito. Isang hailmbawa nito ay ang Clean Air Act na hindi naman masyadong nasusunod ng ibang mamamayan. Pangalawa, ipalaganap nila ang paglilinis at pagpapaayos sa kapaligiran. Dapat lamang na ipakita ng Gobyerno na ito rin ay may malasakit sa kalikasan para naman magaya ito ng mga mamamayan. At panghuli, dapat ay lagyan ng ngipin ang batas. Ngayon na siguro ang panahon upang ipatupad na ang mas mabibigat na parusa para lamang sa mga taong sumisira sa kapaligiran. Ito ay mainam para magkaroon ng disiplina ang mga mamamayan at matakot sinoman na may lakas ng loob na sirain ang kalikasan.

Makikita natin na napakalala na ng kalagayan ng ating inang kalikasan. Ngunit hindi natin ito binibigyan ng pansin. Dapat ay malaman natin na ang mundo, ang ating tahanan ay nahaharap sa isang malaking krisis sa polusyon. Kailangan ay simulan na nating tulungan ang ating tahanan. Kailangan ay magsimula tayo sa ating mga sarili at pagkatapos nito ay umaksyon naman ang mga may kapangyarihan ukol dito. Talagang mahirap ang kalagayan natin tungkol sa polusyon. Ngunit kung ngayon na tayo magsimulang magtulong-tulongan, naniniwala akong kaya nating lagpasan ang krisis na ito.

ll. Ang kaligiran ng kasaysayan

nagkakaroon ng tinatawag na smog

Noong panahon ng mga dakilang sibilisasyon, mas naging madalas ang polusyon. Marahil ay mas dumami na ang mga tao noong panahong iyon at mas dumami pa ang kanilang mga kalat at duming itinatapon. Bukod pa doon, ginagamit pa ang apoy na siyang nakapagpadumi sa hangin. Ngunit talagang lumala na ang ating problema sa polusyon noong nagsimula na ang panahon ng pagiging industrialisado dahil sa dito na nagawa ang stim enjin na nakapaglilikha ng apoy. At mula noon hanggan sa ngayon, patuloy na lumala ang ating problema sa polusyon

Mayroong tatlong pangunahing uri ng polusyon. Ang una ay ang polusyon sa hangin. Ito ay ang pagdumi o pagsira natin sa ating atmospera. Ito ay sinasabing may pinakadelikadong epekto dahil sa saklaw nito kahit ang ating pandaigdigang klima. Sinasabi rin na ito ay lumalaganap dahil sa apat na dahilan. Paglaki ng trapiko, pagunlad ng mga siyudad, mabilis na pag-usbong ng mga ekonomiya ng maraming bansa at ang industriyalisasyon.

Ilan sa sanhi nito ay maaring apoy, pagluluto o kaya naman ay sulpur dioxide na ating nilalabas sa hangin. Kabilang din ang mga kemikal na nagdudulot ng masasamang epekto sa atmospera sa mga sanhi ng polusyon. Ilang halimbawa nito ay SO2, NO2, SPM, lead at RPM.

Ngunit ayon sa mga eksperto, ang pinakamalaing sanhi nito ay ang pagsunog ng karbon at langis. Nangyayari ito dahil sa pagsunog ng langis o gasolina, ang lahat ng maruruming kemikal ay lumamalabas dito sa porma ng usok. Maapos nito, ang usok ay lumalabas at umaangat patunggo sa atmospera. Isang halimbawa nito ay ang mga sasakyang nagbubuga ng usok. Ang langis na ginagamit sa mga sasakyan ay sinusunog at nilalabas sa tambutso ng mga sasakyan. At matapos ilabas ang maruming usok na ito, aangat ito patunggo sa atin atmospera na nagiging sanhi ng pagkawasak nito.

Maraming nagiging bunga ang polusyon sa hangin. Isa rito ay ang ulang asido. Nangyayari ito kung may mga mapaminsalang kemikal tulad ng SO2 at NO ay napupunta sa ating atmospera at humahalo sa tubig ulan sa mga ulap. Matapos nito, mahuhulog ito sa lupa sa pormang tubig ulan at kung masydong mababa ang ph nito, ito ay nagiging ulang asido. Ang ulang asido ay maaring maging sanhi ng pagdumi ng mga lupa na maaring taniman, pagkasira ng ilang konkreto o semento sa mga gusali o kaya naman ay pagkasira ng balanse ng buhay sa mga dagat, ilog, lawa, batis at iba pang malalaking katawan ng tubig.

Isa pang bung ng polusyon sa hangin ay ang tinatawag na smog. Ito ay ang pinaghalong usok at sulpur dioxide na nakakasira sa hangin pati na rin sa ating kaalusugan. Ilan sa mga sakit na maaring idulot ng smog ay asma, empaysima, bronkaytis at maari din maging sanhi ng paguubo at mga alergies.

Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagtaas ng pandaigdigang temperatura. Ito ay sanhi ng pagkukumpol-kumpol ng CO2 at iba pang mapaminsalang kemikal sa atmospera na tinatawag na grinhaws gases. Nangyayari ang tinatawag na grinhaws efek kapag ang mga mapaminsalang kemekal o ang mga grinhaws gases ay nagkukumpol-kumpol sa ating atmospera. Dahil dito, ang init na mula sa araw ay kinukuha at iniipon ng mga grinhaws gases na ito imbes na bumalik ang init sa kalawakan. Kaya naman ang nagiging epekto nito ay mas nagiging maiinit at tumataas ang ating pandaigdigang temperatura. Kahit kaunting pagtaas lamang sa temperatura ay maarin nang magsanhi ng malaking kawalan ng balanse sa mga tao at hayop. Bukod pa rito, unti unti ring natutunaw ang mga yelo sa taas at baba ng mundo na nagiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa atin. Kung di natin ito mapipigilan, maaring maging mas madalas ang pagbaha. Isa pang epekto ng grinhaws ay ang pagbabago ng ating pandaigdigang klima. Kaya inaasahang mas magiging malalakas ang mga darating na bagyo at mas magiging mainit at mahirap ang mga darating ng mga tagtuyot o El nino.

Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagkasira ng atmospera partikular ang startospera. Ang stratospera ang humaharang sa sinag at init ng araw upang di naman masyadong maging maiinit sa mundo. Dito natatagpuan ang ozone na isang manipis na leyer na siyang nagsisilbing harang sa mapaminsalang init ng araw. Nasisira ang stratospera kasama na rin ang ozone dahil sa mga mapaminsalang CFC of cloroflourocarbon. Dahil sa CFC, nasisira nito ang ozone at mas nakakapasok ang sinag ng araw sa ating daigdig partikular sa may bahagi ng Antartika. Kung hindi natin ito mapipigilan, maaring magsanhi pa ito ng mas mabilis na pagkatunaw ng yelo sa ating daigdig at maaring maging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa iba't ibang bahagi ng mundo. Katulad ng grinhaws, maaring magsanhi ang mga CFC sa madalas na pagbaha at pagkasira sa pandaigdigang klima ng mundo.

Maraming maaring maging masamang bunga ang polusyon sa hangin hindi lamang sa ating kapaligiran ngunit pati na rin sa ating kalusugan. Ilan sa mga maari mong makuha ay kanser lalo na sa baga, asma, bronkaytis, panghihina ng baga, alergy, lagnat, paguubo, pagkairita sa mata, ilong o kaya naman sa ibang parte ng iyon katawan, numonya at pagkahina ng baga.

MALAKI rin ang naidudulot na polusyon sa hangin ng mga traysikel. Ngunit kung ikukumpara ang four-stroke sa two-stroke na makina, di hamak na mas kaunti ang polusyong naidudulot nito dahil mas episyente ang paggamit ng enerhiya nito kaysa sa two-stroke.

Hindi nagbubuga ng maputing usok ang four-stroke na sasakyan at mas tahimik ang andar nito. ’Yun nga lang, mas mahal at mas marami ang parte ng makina na dapat imentina ng four-stroke at mabagal pa itong umandar. Subalit kkung tama naman ang pangangalaga sa makina, mapapanatili itong nasa kondisyon at maiiwasan ang pagbubuga nito ng maruming usok.

Maliban sa maitim na usok, ang maputing usok na ibinubuga ng two-stroke ay masama rin sa ating kalusugan. Binubuo kasi ito ng hindi lubusang nasunog na gasolina na naglalabas ng hydrocarbon sa hangin; ito ay pinaghalong hydrogen at carbon na karaniwang natatagpuan sa aromatic component ng gasolina gaya ng benzene. Ang benzene ay isang kemikal na kilalang nagdudulot ng kanser.

Ang sanhi ng maputing usok ay ang pagkasunog ng labis na langis na naiipon sa loob ng muffler. Ito ay kadalasang nangyayari kapag sobrang langis ang inihalo sa gasolina.

Ayon sa Clean Air Act, lahat ng maaaring pagmulan ng polusyon sa hangin tulad ng mga industriya, ang traysikel at iba pang uri ng sasakyan ay kabilang sa kategoryang mobile sources. At lahat ng pagbuga ng usok ay dapat sang-ayon sa emission standards na nakapaloob dito.

SANHI NG POLUSYON SA HANGIN

*ang mga pabrika ay nagbubuga ng maduduming usok.
*ang iba't ibang uri ng transportasyon ay nagbubuga ng maiitim na usok.
*ang mga tao ay gumagamit ng SPRAY na may "CFC"
*paninigarilyo

EPEKTO NG POLUSYON SA HANGIN

*ang mga tao ay nagkakasakit.
*nagiging madumi na ang uri ng hangin lalo na sa mga lungsod.
*nabubutas ang "OZONE LAYER"

lll. Balangkas Teoretikal

Ito ay ang pagdudumi sa mga katawan ng tubig sa ating daigdig. Kasama rito ang mga tubig alat tulad ng mga karagatan at dagat at mga tubig tabang kasama rito ang mga ilog, lawa, batis, talon at iba pa. Ngunit ayon kay David Krantz at Brad Kifferstein, ito ay nagaganap kung masyado ng maraming materyal o mga bagay ang napupunta sa isang katawan ng tubig. Masyadong maraming materyal at mga bagay na magdudulot sa isang katawan ng tubig na hindi na magawa ang mga tungkulin nito. Kapag nangyari ito, sinasabing ang tubig ay may polusyon na.

Maraming sanhi ang polusyon sa tubig. Isa dito ay ang seweyj. Ito ay ang tumutukoy sa lahat ng dumi na galing sa tao tulad ng ihi, dumi ng tao, at iba pang dumi na galing sa ating mga bahay. Madalas ang mga seweyj ay kinokolekta mula sa mga kabahayan at dinadala sa pamamagittan ng mga tubo upang ipunin. Ngunit kung minsan, ang mga sweyj na ito ay nadadala sa mga ilog at dagat na nagiging sanhi ng polusyon sa tubig.

Isa pang sanhi ng polusyon sa tubig ay ang mga pertilizer. Ang pertilizer ay mga produktong nagpapabilis sa pagpapalaki ng mga halaman. Merong dalawang klase ng pertilizer at ito ang organiko at di organiko. Ang mga organikong pertilizer ay nagtataglay ng karbon habang ang di organikong pertilizer naman ay hindi nagtataglay ng mga karbon. Nangyayari ang polusyon ng pertilezer kung maraming pertilizer ang mapunta sa mga katawang ng tubing lalo na sa mga ilog dahil sa ito ay malalapit sa mga bukid. Kung nangyari ito, maaring maapektuhan ang buhay ng ilang hayop sa ilog. Bukod pa rito, ang mga pertilizer ay maaring pabilisin ang paglaki ng mga halamang pantubig. Kung nangyari ito, masisira ang balanse ng buhay sa ilalim ng tubig. Maari rin nitong harangan ang ating mga irrigasyon na makakasira sa ating pagamit ng tubig. Maari ding komunsumo ng mas maraming oxygen ang mga halamang ito dahil sa mas marami sila at mas mabilis tumubo. Maari ding harangan ng mga halamang ito ang sinag ng araw sa ilalim ng tubig na maaring makaapekto sa pamumuhay ng mga hayop sa ilalim ng tubig.

Bukod sa seweyj at pertilizer, nariyan din ang mga duming galing sa mga industriya na maari ring magsanhi ng polusyon sa tubig. Ito ay ang mga duming nangaling sa mga planta at mga gusali at establishimentong may kinalaman sa pagiindustriya. Ang mga duming ito ay naglalaman ng mga mapaminsalang kemikal na maaring makasira sa isang katawan ng tubig. Sinasabing ito ang pinakamahirap na solusyuonan na problema sa polusyong tubig dahil sa ilang taon ang kailangang gugulin upang maayos lamang ang problemang sanhi ng duming galing sa industriya. Ilang halimbawa nito ay ang pagtapon ng langis sa tubig na kadalasan ay nagaganap dahil sa paglubog ng mga barkong may dala nito. Isang halimbawa nito ay ang paglubog ng MV Solar I sa Guimaras na naging sanhi ng pagkasira ng lawa doon. Bukod pa rito, maraming isda, iba pang hayop na pantubig at mga halaman ang namatay. Naapektuhan din nito ang pamumuhay ng mga tao doon dahil sa maraming mangingisda ang hindi na makahuli ng isda kaya nawalan sila ng kita.

Ngunit hindi naman lahat ng sanhi ng polusyon sa tubig ay gawa ng tao. Mayroon din tayong tinatawag na natural na sanhi. Isang halimbawa nito ay ang mga trahedyang nangayayri tulad ng pagputok ng isang bulkan. Sa ganitong pagakaktaon, nagalalabas ang bulkan ng mga nakakapinsalang kemikal tulad ng sulpur na maaring maging sanhi ng polusyon sa tubig. Nangyayari ito kung ang mga pirasong inilabas ng bulkang sumabog ay mapupunta sa mga katawan ng tubig. Maari itong magsanhi sa pagkamatay ng mga isda, halaman at hayop na pantubig. Hindi lamang ito nagdudulot ng polusyon sa tubig dahil sa kaya rin nitong magdulot ng polusyon sa hangin pati na rin sa lupa. Isang halimbawa nito ay ang pagputok ng Bulkang Pinatubo sa Pampanga. Dahil sa trahedyang ito, maraming namatay at maaraming pananim ang nawasak. Nagkaroon pa ng tinatawag na lahar na siyang nakapagdulot ng polusyon sa tubig at lupa. Maging ang pagsabog ng bulkan ay nagdulot ng pagkahalo ng ilang nakapipinsalang kemikal sa atmospera na naging dahilan ng polusyon sa hangin.

Isa pang halimbawa ng mga natural na sanhi ay ang mga bagyo. Dahil sa bagyo, natatangay ang ilang materyal na maaring madala sa mga katawan ng tubig. Nariyan din ang mga pagbaha na siyang naghahatid ng mga nakapipinsalang kemikal tulad ng mga insektisayd, pestisayd at pertilizer sa mga ilog at karagatan.

Sinasabing halos lahat ng karagatan sa daigdig ngayon ay madumi. Kaya naman marami itong nagiging masamang bunga sa atin. Isa na dito ay ang pagkamatay ng mga isda at mga hayop na pantubig. Maari itong maganap dahil sa mga duming napupunta sa tubig tulad ng sewayj, mga pestisayd, pertilizer o kaya naman mga duming galing sa mga establshimentong pangindustriya. Kung ang mga duming ito ay napunta sa tubig, maaring malason ang ilang isda at maaring maging sanhi ng kanilang pagkamatay. Bukod pa rito, maari ring maging bunga ng polusyon sa tubig ang kawalan ng tubig na maari nating inumin. Ito ay kasalukuyang nangyayari sa ibang parte ng mundo kung saan walang mainom ang mga tao dahil sa masyado ng madumi ang kanilang tubig na dating iniinuman. Kapag nangyari ito, maari itong maging sanhi ng kamatayan sa mga tao o kaya naman mga mapanganib na sakit lalo na kung madumi ang iyong maiinom na tubig.

Ilang pang bunga o epekto ng polusyon sa tubig ay ang pagkasira ng ilang sisterma ng irigasyon. Maari din kasing madumihan ang mga tubig na nagsisilbing tubig ulan sa mga bukid at kung nangyari ito, maapektuhan ang produksyong pangagrikultura. Bukod pa doon, maari ding magbunga ang polusyon sa tubig ng mga sakit. Ilan dito ay kanser lalo na kung masyado ng kontaminado ang iyon tubig at mga sakit na may kinalaman sa genetika o sa ibang salita, iyong mga namamanang sakit.

Ang isa pang uri ng polusyon ay ang polusyon sa lupa. Ito ay ang pagdudumi sa lupa o paglagay dito ng mga mapaminsalang kemikal na maaring makasira sa kakayahan ng lupang magpalaki ng mga halaman.Kung ating titignan, talgang marami itong sanhi at bunga dahil sa isa ito sa pinakalaganap na uri ng polusyon.

Isang sanhi nito ay ang mga tinatawag na solidong dumi. Kasama rito ang mga solido o mga konkretong kagamitan tulad ng mga basura, papel, plastik, metal, kahoy at ilan pang dumi. Ang mga solidong duming ito ay madalas ay nakakalat lamang o kaya naman ay tinatapon sa mga tinatawag na dampside o landfil. Kung minsan, nagiging sanhi ito ng mga sakit dahil sa ang mga solidong duming ito ay nagtataglay ng mga bakterya na maaring makasama sa ating kalusugan at maaring maging sanhi ng mga sakit. Bukod pa rito, maari ring pamugaran ng mga peste ang mga solidong duming ito lalo na ng mga langaw, ipis at daga. Kung mangyayari ito, mas magiging madalas ang mga sakit at mas magiging mabilis ang pagkalat nito.

Isa pang maaring maging sanhi ng polusyon sa lupa ay ang maling sistema ng irigasyon. Ang irigasyon ay ang sistema ng paglalagay ng tubig sa mga lupa upang makatanim ng mga halaman. Ito ay madalas ginagawa upang panghalili sa tubig-ulan lalo na sa mga lugar na tuyot at bihira lamang ang ulan. Kung minsan, kung magkakamali at magkaroon ng problema sa isang irigasyon sa isang partikular na lugar, maari itong magsanihi ng pagdumi sa lupa. Isang halimbawa nito ay kung minsan, sa mga lugar na may maling sistema ng irigasyon, maaring masobrahan sa asin ang lupa. Kung mangyari man ito, maaring magsanhi ito ng pagkasira sa lupa at sa kakayahan nitong magpalaki at suportahan ang isang halaman.

Marami pang sanhi ang pagdumi sa lupa at isa dito ay sa larangan ng agrikultura. Ang pagamit ng mas maraming pertilizer at pestisayd ay maari ring makasira sa lupa. Dahil sa ang mga bagay na ito ay nagtataglay ng mga nakapipinsalang kemikal na maaring maapektuhan ang lupa. Sa larangan naman ng pagmimina, ang pagamit ng mga dinamita upang makapangmina ay nakasisira sa lupa. Dahil sa naapektuhan nito ang natural na porma at istraktura ng mga lupain. Kung sisirain ang mga ito, maaring mamatay ang mga hayop na nakatira sa mga lupang ito at masira ang balanse ng buhay sa partikular na lupang siyang pinagmiminahan.

Maari rin maging sanhi ng polusyon sa lupa ang mga sewayj. Hindi lamang nakakaapekto ang sewayj sa mga katawan ng tubig, nakakaapekto rin ito sa mga lupain at pananiman. Kung sumobra ang mga duming dulot ng mga sewayj na ito, maari itong magdulot ng pinsala sa mga maliliit na organismong nabubuhay sa lupa. Kung mamamtay ang mga organismong ito tulad ng mga bulate, bakterya at funji, maari nitong mabawasan ang kakayahan ng lupang suportahan ang pamumuhay ng mga halaman dito.

V. paglalahad ng suliranin

* Ano ang polusyon ?

* Paano nagkakaroon ng polusyon ang isang lugar ?

* Epekto ng polusyon sa lipunan ?

* Ano ang maaaring maging solusyon sa lumalalang polusyon sa lipunan ?

* Maaari pa kaya itong mapigilan ? paano ?

Vl. Haypotesis

Ang tubig ang pinakamahalaga at marahil pinakamadalas gamitin na materyal sa buong mundo. Mahigit pitumpung porsyento (70%) ng mundo ay binubuo ng tubig. Itoay sapat na upang matustusan ang mga pangangailangan ng tao, hayop at halaman. Ngunit, kahit na sapat ang dami ng tubig sa mundo, nakararanas pa rin tayo nang kakulangan sa tubig.

Bakit kaya tayo nakararanas nang kakulangan sa tubig? Ang kakulangan sa tubig ay isa lamang sa napakaraming pinsala na dulot ng polusyon sa tubig – isa sa mga mabibigat na suliranin ng kalikasan na ating hinaharap ngayon.

Sa katunayan, ang polusyon sa tubig at ang mga masasamang epekto nito sa tao at kalikasan ay naging isang malaking pinagkakaabalahan Nakaririnig tayo ng mga paglalahad o komentaryo tungkol sa kondisyon ng ating mga ilog at lawa, pati na rin sa mga dagat na nakapalibot sa ating bansa.

Nakaririnig tayo ng mga pahayag tungkol sa mga pating na nailigtas ng mga environmental groups dahil ang kanilang tirahan ay nadumhan ng langis. Hindi na nga rin tayo sigurado kung ang ating iniinom na tubig ay ligtas at malinis. Ano na nga ba ang nangyayari sa ating mga pinagkukunan ng tubig o water resources?

Malalaman mo kung paano nadudumhan ang tubig sa mga ilog. Iyong makikilala ang mga masasamang epekto ng polusyon sa tubig sa kalusugan, tahanan, kalikasan at ekonomiya.

Similar Documents

Free Essay

Investigatory

...PROJECT IN RESEARCH CLASS Lance J. Santos VII-Villa I learn many in research class and I got a new idea how to report. First I learn what is the research is and I learn what is the other word of research.I learn too the benefits we gain when we are doing a research paper. Our teacher teach us too that we may put a date in every lesson we copy and she tell us what is characteristic of a good research we know that a good research have this characteristics; -5 to 15 pages -scholarly article -written by researcher like student -it should follow format -it should show the stand of the other either he/she is agree or disagree -can be originally made -can be an evaluator of a previously done search -parts must be complete That’s the characteristics of a good research and we lean to the 7 steps in preparing a research work -defined your question -develop research strategy and locate resources -use effective search technique -read critically seek meaning -understand the communication process and site sources -evaluate sources And our teacher tell us the kinds of research. -research is controlled-it should be working with variable -research is empirical-it should be reserved by observe in the same manner -research is analytical- it should be alone to avoid error in the same. -research is objective-logically all findings should be data -research is originally work-data gathered in primary soures I learn too how we report and gathered...

Words: 277 - Pages: 2

Free Essay

Investigatory Proj.

...“Feasibility of melted wax crayon (Heavy hydrocarbon) to create candle.” Researchers: Ivan Tabaquero Jeilyka Briones Kamille Dioso Adviser: Caroline Bulatao A candle is a solid block or cylinder of wax with an embedded wick, which is lit to provide light, and sometimes heat. Today, most candles are made from paraffin. Candles can also be made from beeswax, soy, other plant waxes, and tallow (a by-product of beef-fat rendering). Gel candles are made from a mixture of paraffin and plastic. Before the invention of electric lighting candles and oil lamps were commonly used for illumination. In areas without electricity, they are still used routinely Abstract Table of Contents Chapter One………………………………………………………………………………………………………………………………………….… 5 Introduction ……………………………………………………………………………………………………………………………… 6 a. Background of the study …………………………….………………………………………………………………………... 7 b. Statement of the Problem …………………………………….………………………………………………………………. 7 c. Hypothesis …………………………………………………………………………………….…………………………………… 8 d. Objectives …………………………………………………………………………………….……………………………………. 8 e. Significance of the Study ……………………………………………………………………………….…………………….. 9 f. Scope and Limitation ………………………………………………………………………………….……………………… 10 g. Definition of Terms …………………………………………………………………………………………………………….. 11 Chapter 2: ……………………………………………………………………………………………………………………………………………… 12 Review of Related Literature ………………………………………………………………………………………………………. 13 Chapter 3:...

Words: 1030 - Pages: 5

Free Essay

Investigatory

...A Brick is a block, or a single unit of a ceramic material used in masonry construction. Typically bricks are stacked together, or laid as brickwork using various kinds ofmortar to hold the bricks together and make a permanent structure. Bricks are typically produced in common or standard sizes in bulk quantities. They have been regarded as one of the longest lasting and strongest building materials used throughout history. In the general sense, a "brick" is a standard-sized weight-bearing building unit. Bricks are laid in horizontal courses, sometimes dry and sometimes with mortar. When the term is used in this sense, the brick might be made from clay, lime-and-sand, concrete, or shaped stone. In a less clinical and more colloquial sense, bricks are made from dried earth, usually from clay-bearing subsoil. In some cases, such as adobe, the brick is merely dried. More commonly it is fired in a kiln of some sort to form a true ceramic. A seashell or sea shell, also known simply as a shell, is a hard, protective outer layer created by an animal that lives in the sea. The shell is part of the body of the animal. Empty seashells are often found washed up on beaches by beachcombers. The shells are empty because the animal has died and the soft parts have been eaten by another animal or have rotted out. Apart from mollusk shells, other shells that can be found on beaches are those of barnacles, horseshoe crabs and brachiopods. Marine annelid worms in the family Serpulidae create...

Words: 649 - Pages: 3

Premium Essay

Investigatory Project

...COLEGIO DE SAN FRANCISCO JAVIER (Supervised School of Colegio de la Immaculada Concepcion, Cebu City) Member: Daughters of Charity - St. Louise De Marillac Educational System Central and Eastern Visayas Cluster ------------------------------------------------- Title: The Utilization of Cemetery Soil as an Alternative Fertilizer In partial fulfillment Of Science 8: BIOLOGY S.Y 2012-2013 Researchers: Sharmaine Morgia Raven Tolero Noreen Franco Jhayvee Cagalitan Francis Jhon Gorumba Francis Kevin Ramirez Marc Victor Villotes Grade 8-Seton Submitted to: MS.RONALYN B. PACALDO Biology Teacher Chapter I Introduction Rationale Abstract: This investigatory project was conducted to test the affectivity of organic and synthetic fertilizers when apply on okra plant. It also aims to test whether, which is better to use between the two fertilizers. In order to conduct the study we have used okra seeds, polyethylene bag and cemetery soil as organic fertilizer, synthetic fertilizer, and black soil, labeled it as setup A (Organic Fertilizer) setup B (Synthetic Fertilizer). Then we observed the changes in the plant for 1 week. After several days, we observed some changes in the plant like the increasing number of its height and leaves. We therefore conclude that the organic fertilizer we used is better than the synthetic fertilizer because it provides faster growth of the plant. Background of the study: ...

Words: 1639 - Pages: 7

Free Essay

Investigatory Project

...investigatory Project The Feasibility of Saltwater as an Alternate Source of Energy Chapter I Introduction A. Background of the Study Philippines is a country that is surrounded by water. Saltwater is very abundant in our country; so, this study tries to find more uses of the saltwater. In this study, saltwater is used as a battery of a light bulb to prove that it can be a source of energy. This will possibly help solve the energy crisis that our country is suffering now. A compound can produce electric energy when it has enough oxygen in it. Saltwater is a kind of a compound that can possibly produce energy. Hydrogen Peroxide (H2O2) is also used in this study, to have more oxygen in the compound. Hydrogen peroxide (H2O2) is a very pale blue liquid which appears colorless in a dilute solution, slightly more viscousthan water. It is a weak acid. It has strong oxidizing properties and is therefore a powerful bleaching agent that is mostly used for bleaching paper, but has also found use as a disinfectant, as an oxidizer, as anantiseptic, and in rocketry (particularly in high concentrations as high-test peroxide or HTP) as a monopropellant, and in bipropellantsystems.[1] The oxidizing capacity of hydrogen peroxide is so strong that the chemical is considered a highly reactive oxygen species. Hydrogen peroxide is naturally produced as a byproduct of oxygen metabolism, and virtually all organisms possess enzymes known asperoxidases, which harmlessly and catalytically...

Words: 1497 - Pages: 6

Premium Essay

Investigatory

...Trick 1: Number below 10 Step1: Think of a number below 10. Step2: Double the number you have thought. Step3: Add 6 with the getting result. Step4: Half the answer, that is divide it by 2. Step5: Take away the number you have thought from the answer, that is, subtract the answer from the number you have thought. Answer: 3 Trick 2: Any Number Step1: Think of any number. Step2: Subtract the number you have thought with 1. Step3: Multiply the result with 3. Step4: Add 12 with the result. Step5: Divide the answer by 3. Step6: Add 5 with the answer. Step7: Take away the number you have thought from the answer, that is, subtract the answer from the number you have thought. Answer: 8 Trick 3: Any Number Step1: Think of any number. Step2: Multiply the number you have thought with 3. Step3: Add 45 with the result. Step4: Double the result. Step5: Divide the answer by 6. Step6: Take away the number you have thought from the answer, that is, subtract the answer from the number you have thought. Answer: 15 Trick 4: Same 3 Digit Number Step1: Think of any 3 digit number, but each of the digits must be the same as. Ex: 333, 666. Step2: Add up the digits. Step3: Divide the 3 digit number with the digits added up. Answer: 37 Trick 5: 2 Single Digit Numbers Step1: Think of 2 single digit numbers. Step2: Take any one of the number among them and double it. Step3: Add 5 with the result. Step4: Multiply the result with 5. Step5: ...

Words: 450 - Pages: 2

Free Essay

Investigatory

...* 1. Tuesday, August 1 * 2. - an investigation about a scientific problem (question) - a problem-solving process using the scientific method * 3. GOALS IP 8/19/2014 3 * 4. Uses scientific method 8/19/2014 4Application of concepts learned Share what you have learned to discuss a certain topic. Provide educational opportunities Stimulate interest in Science * 5. 8/19/2014 5 * 6. 8/19/2014 6 Parts of a Scientific Research Paper Title Page Abstract Acknowledgment Table of Contents CHAPTER I-INTRODUCTION A. Background of the Study B. Statement of the Problem C. Hypothesis D. Significance of the Study E. Scope and Limitation F. Definition of Terms CHAPTER II- REVIEW OF RELATED LITERATURE CHAPTER III-METHODOLOGY A. Materials B. Procedures CHAPTER IV-RESULTS AND DISCUSSION A. Findings B. Analysis of Data CHAPTER V- CONCLUSION CHAPTER VI-RECOMMENDATION Bibliography * 7. 8/19/2014 7 * 8. 8/19/2014 8 * 9. 8/19/2014 9 * 10. 8/19/2014 10 accurate rules in grammar, correct spelling & correct punctuation. I, MY, ME & MINE PAST * 11. 8/19/2014 11 PHASE I : THE PROPOSAL (20 points) The proposal is a detailed written plan of how the project will be done. It is like designing an experiment. Since it is yet to be done, the future tense of the verb is used. PHASE II: THE INVESTIGATION (20 points) As soon as your proposal is approved you can now start investigating. Your procedure will be your guide. Keep track of all your observations and data by placing...

Words: 1735 - Pages: 7

Free Essay

Investigatory Project

...Science & Technology Information Center Master List of Investigatory Project 01 Investigatory projects I. Pyrolisis of plastic wastes materials for the production of plywood substitute II. III. IV. V. VI. VII. VIII. IX. Marang (Artocarpus ordorotissimus) peelings as hardiflex – like Ethyl alcohol from ripe banana peelings Rat killer extract from tuble roots Fuel briquettes from dried banana leaves and waste papers Coconut sheath substitute of abaca fiber Commercial glue from Talisay resin Butter derive from marang (Artocarpus odoratissima) seed Marang seeds as alternative source for commercial flour 02 Investigatory projects I. II. III. IV. V. Compendium of investigatory studies Basic geological concepts Maps and compass Rocks and fire Fungus Puccinia graminis as mycoherbicide 03 Investigatory projects I. II. III. IV. Sea cucumber (Cucumaria miniamata) as a potential source of leather Fiberglass from Apitong sap (Dipterocarpus grandiflorus) Rat killer extract from tuble roots Tetrodotoxin from bile of puffer (Sphoeroides maculates) as a potential source of stem borer pesticide V. VI. VII. VIII. Glue out of cigarette filer and acetone Roof sealant out of Styrofoam and gasoline Radical pesticide from garongin Chaetomorpha aerea a potential source of biogas 04 Investigatory projects I. II. III. IV. V. VI. VII. VIII. IX. Sawdust as an alternative source for corkboard Woodcraft from banana peduncle Lumber from carabao manure Herbal leaves produced herbal ointment The wonder...

Words: 5133 - Pages: 21

Premium Essay

Investigatory Project

...OUTLINE OF THE SCIENCE INVESTIGATORY PROJECT COVER PAGE /TITLE PAGE ( first sheet ) ALL ACKNOWLEGEMENT ( second sheet ) Yr. 9 & 10 DEDICATION ( third sheet ) Yr. 10 TABLE OF CONTENTS ( fourth sheet or more) ALL LIST OF TABLES ( fifth sheet ) optional ABSTRACT ( Year 9 & 10 ) Yr. 9 & 10 CHAPTER I INTRODUCTION A. Background of the Study *Talk about your topic. *Why did you choose that topic? *Cite the sources *Present tense, 5-6 pages B. Statement of the Problem *What is your problem? *Why do you want to study that problem? *What do you want to find out? *Future tense for proposal C. Hypothesis *What hypotheses were formulated? D. Significance of the Study *Why is the study significant? *Who will benefit from the study? E. Scope and Limitations Yr. 9 & 10 *Where will you conduct the study? *What is your sample population? *Half a page *It should consists of the following: respondents, time, locale, problem or focus of the study, population *Indicate also the...

Words: 704 - Pages: 3

Premium Essay

Investigatory Project

...“ Kelp (Ascophyllum Nodosom) Organic Fertilizer a Solution for Enhancing the NPK content on soil” Proponents: Welle John Palero Mariane Arciga Pia Veronica Tidalgo III- Tourmaline Mrs. Teresita B. Balaba Project Adviser Table of Contents Abstract . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . i Acknowledgement . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii Chapter I Background of the Study . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1-2 Statement of the Problem Statement of the Objective Statement of the Hypothesis Significance of the Study Scope and limitations Definitions and Terms Chapter II Review of Related Literature . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3-6 Chapter III Methodology . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7 Flow Chart . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 Chapter IV Results and Discussions . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9-11 Chapter V Conclusion and Recommendation . . . . . ....

Words: 2522 - Pages: 11

Free Essay

Investigatory Project

...Introduction The investigatory project designs to help indirectly the common people on the use of indigenous floral resources such as Alstonia Scholaris that serves as a material to regulate and inhibit biotic potential of the individual. 1.1 Background of the Study The country’s current population is estimated at 93 million people (NSO Annual Report: 2010) where about 65 percent are living in urban area and experience poverty due to the usual family practice of giving birth. Pro-RH Bill lawmakers have presented the effective measures to control the growing population and provided alternative ways to maintain reproductive health and plausible actions to that program. Amidst all the programs, poor families are seen and cannot sustain the basic necessities of their children and depriving them from enjoying the fullness what is due to for the kids. Young women whose ages range from 14-25 often experience fast hormonal secretions that usually associated with active and rapid biotic potential. Early sexual maturity becomes a primordial factor for fertility and early teenage pregnancy. This then is the scenario that strive the researchers to conduct experiment that provide information on the use of Alstonia Scholaris as a viable material for controlling population. 1.2 Statement of the Problem The project undertaken by the researchers on the Alstonia Scholaris extract as applied to “rabbit” sought to answer the following questions: 1. What is the effect of Alstonia scholaris...

Words: 2000 - Pages: 8

Free Essay

Investigatory Projecy

...Chapter IV. RESULTS AND DISCUSSION Investigatory projects are projects intended to knowing discoveries in Science. They are being researched, experimented and studied thoroughly. After several attempts and activities, effects have been finally seen by the researcher. This chapter presents all of the results of the researcher’s experiment, the further effects seen and even the flaws that sprouted while the study was going on. Based on the study conducted, the following results were observed: Binding solutions are needed so that the fibers stick together. In this case, liquid starch was used as binding material. To improve the color of the paper, chlorine was used.. Sticky slurry will not produce good results as this produced thick paper. It is necessary to add plenty of water to the mixture in the basin so that water drain through the screen and leave a mat of randomly interwoven fibers that is laid down. The screen should be tightly attached to the mold to get an even distribution of the fibers in the solution. Uneven distribution of the slurry in the wire screen produced uneven sheet of paper so it is important to slosh around the mold to form a uniform thin coating. The type of material to be used is essential in drying the fibers because using glass and other materials make the fibers stick to it. Formica or felt sheet made of wool does not stick to the fiber. The resulting handmade papers were later compared in terms of color and appearance. The table shows...

Words: 438 - Pages: 2

Free Essay

Investigatory Project

...“Vinegar Battery” INTRODUCTION We all know that the world is now facing an energy crisis and everyone is trying to do something about that. I noticed in our electricity bill that we are paying much for it. So, I came up with this investigatory project as an alternative source of electricity. This is simple and can be homemade. . Now you can show everyone that electrical energy or electricity can be made from air and vinegar. After all, vinegar are freely available everywhere. Also, this will be useful if there is brownout and science model for elementary students like me. First, we need to get the material for the project. Here is the list: 1. A miniature board to mount the miniature base – it can be a piece of thick plywood. 2. Plastic container small 3. Miniature light bulb (low voltage, low current) 4. Pair of insulated solid copper wire 5. 2 Pair of alligator clips 6. Galvanized nails – (zinc electrodes) it can be found in hardware stores. 7. Copper wires – (copper electrodes) 8. Screws for the miniature base 9. Vinegar – 4% acidic solution Procedures: 1. Remove the plastic insulation of about one inch from both ends of the wires. 2. Connect the end of red wire to red alligator clips for both ends. Do the same for the black wire with the black alligator clips. 3. Loosen the screws on both contacts of the bulb holder. Place one end of the red alligator clip on right screw and connect the black alligator clip on the left screw...

Words: 548 - Pages: 3

Free Essay

Investigatory

...The future is coming! (h/t Watercar watercar.com) Like Comment Share Comments Khafid Malabi Write a comment... Choose File Nadjim Basman commented on a post from 29 August 2014. Nadjim Basman 29 August 2014 · Nadjim Basman's photo. Like Comment Share D'rose MMala, Nadjim Basman and 6 others like this. Comments View 4 more comments Nadjim Basman Nadjim Basman ok ..thnx ano pl gw m wl kbng psok ngu Like · Reply · 2 hrs Junairah Darimbang Junairah Darimbang awh naNaw, ad'n nah kagya 1st period ak'n nah dah pasok ame r0n enu ako myaka 0nline p'man heheh Like · Reply · 2 hrs Nadjim Basman Nadjim Basman kya nga akl kc wl kng psk ky nk onlne k ie Like · Reply · 2 hrs Junairah Darimbang Junairah Darimbang Owae, kataya myaling ako kah 2 subject lang ako sah m0rning. mga 1pm pman nah ad'na pasok ak'n heheh See Translation Like · Reply · 1 hr Khafid Malabi Write a comment... Choose File Joorr Eennee shared BOHOLano's Best Vines's video. 3 hrs · NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA 5,315 Views BOHOLano's Best Vines 28 August · Edited · · When the cashier ignores your hand and puts your change on the counter Vine By: Jawshell,Mario and Michael LIKE ✔ COMMENT ✔ SHARE ✔... See More Like Comment Share Comments Khafid Malabi Write a comment... Choose File Joorr Eennee 3 hrs · MGA PEENOISE TALAGA See translation Like Comment Share 19 people like this. Comments Khafid Malabi Write a comment... Choose File ...

Words: 392 - Pages: 2

Free Essay

Investigatory

...St. Mary’s College of Meycauayan Meycauayan City, Bulacan Integrated Basic Education Department THESIS PAPER ALOE VERA HAND SANITIZER Presented to: Mr. Jayson A. San Luis Science Teacher Submitted by: Palomares, Jean Ethan Jomari Payot, Vince Oliver Morada, Franzine Loren Mutin, Sittie Alyssa 9-Service S.Y 2015-2016 ABSTRACT Aloe Vera Hand Sanitizer can help you hands by simply getting rid of germs and bacterias, it can also help you to clean your hands, and protect our hands from bacterias. Making Aloe Vera Hand Sanitizer is easy, you just have to mix this ingredients properly: You will need a 2.5 cup of aloe vera extract, 1teaspoon of avocado, 2 teaspoons of papaya, 3 teaspoons of water and 3 cups of 77%-100% alcohol. These are the materials you will need to make an Aloe Vera Hand Sanitizer ACKNOWLEDGEMENT Our group would like to thank our science teacher, our family and friends for help us out in this project. TABLE OF CONTENTS INTRODUCTIONP Background of the study……………………………………………………………….P Statement of the problem………………………………………………………………P Significance of the study………………………………………………………………P Scope and limitations………………………………………………………………….P Review of related literature……………………………………………………………P METHODOLOGY……………………………………………………………………P RESULTS AND DISCUSSION……………………………………………………..P CONCLUSION………………………………………………………………………P APPLICATION………………………………………………………………………P RECOMMENDATION……………………………………………………………..P BIBLIOGRAPHY…………………………………………………………………...

Words: 387 - Pages: 2