Isang Pagsusuri Sa Akdang Si Intoy Siyokoy Ng Kalye Marino Ni Eros Atalia Jose Amiel Galvez-de Jesus
In:
Submitted By joseamieel Words 547 Pages 3
Isang Pagsusuri sa Akdang "Si Intoy Siyokoy ng Kalye Marino" ni Eros Atalia ni: Jose Amiel Galvez-de Jesus
Ang Intoy Siyokoy ng Kalye Marino ay isang maikling kwento na isinulat ni Eros Atalia. Sa pagbasa mo pa lang ng pamagat, malalaman mo ang bida sa istorya ay si Intoy Siyokoy at siya ay nagmula sa Kalye Marino pero matatanong mo sa sarili mo kung ano nga ba ang larawan ng Kalye Marino. Pinapatotohanan ng akda na laganap pa din ang kahirapan sa ating bansa, yung iba, sumisisid ng malalim para lamang may maipangtustos sa pangaraw-araw na pangangailangan, kagaya ni Intoy. Ang iba naman ay pumapayag maging prosti, tulad ni Doray dahil malaki nga naman ang kita sa pagpuputa. Ito ay ilan lamang sa malalang problema ng ng ating lipunan ngayon. Malinaw at naging maayos ang transisyon at takbo ng kwento. Gumamit si Eros ng ilang mga balbal na salita, dahil mas makukumbinsi ang mga mambabasa na ganito nga magsalita ang mga taga-Kalye Marino. Kadalasan, mga nasa lower class ng ating lipunan ang gumagamit ng mga balbal na salita. Inilarawan ni Eros ang Kalye Marino bilang isang lugar ng kahirapan at mga taong may iba't-ibang pananaw sa buhay. Mga taong gagawin ang lahat maabot lang ang pangarap nila. Pakiramdam ko ay nagbabasa ako ng mga award-winning na libro mula sa ibang bansa dahil kagaya ng mga imported na libro, nailarawan niya mabuti ang kapaligiran ng bawat eksena sa kwento. Nadadala niya ako sa panibagong mundo. Ang aking puna lang sa maikling kwento ay ang paggamit ng mga mura. Para sa akin, hindi ito opensibo dahil aaminin ko, ako mismo ay nagmumura. Siguro may pinipili lang talaga itong mambabasa. Kung sensitibo ang mambabasa ay paniguradong mababastusan at maooffend ito. Ngunit para sa akin, ang pagmumura ng mga tauhan sa kwento ay nagpapatibay lang sa kung anong larawan ang nasa haraya ng mambabasa, ang pagmumura nilang ito ay nagpapakita sa lugar na iniikutan ng kwento. Thumps up dahil hindi mahirap maunawan ang mga nangyayari sa kwento ngunit hindi ito katulad ng ibang mga istorya na may rising and falling action, climax o pagkakabuo ng problema dahil sa umpisa pa lamang ay kahirapan na mismo ang problema. Nakakabitin nga lang ang katapusan ng kwento. Hindi natin alam kung natuluyan sila sa kanilang siping hanggang sa magkagustuhan sila o naiwan na lamang sa kasaysayan ang gabing iyon - ibig sabihin, walang happy ending para sa kanila. One night stand kumbaga. Sa huli, aking pinapapurihan si Eros Atalia dahil nasalamin niya ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pakikitungo nila sa ibang tao, ang paglalarawan sa kultura ng mga Pilipino dahil sa wika at kaugalian ng mga tauhan sa istorya. Ang pinakasalamin ng pagiging Noypi dito ay ang pagiging matulungin niya kahit siya mismo ay hirap na. Madalas natin mabasa at mapanood ang ganong ugali ng mga Pilipino. Pinatuyan din niya na tayo ang pinakamasayang tao sa mundo dahil nakukuha pa rin ng mga Pilipino na ngumiti. Ito ay nagmumulat sa ating mga mata ng mga problema ng ating bansa. Mga problema na hindi nalulunasan ng ating gobyerno. Gusto ni Eros Atalia na magsimula ang mambabasa ng kilos upang labanan ang kahirapan. Binibigyan ko ng two thumbs up ang akda mula 1-10, bibigyan ko ito ng markang 9.5