Free Essay

Isang Pananaliksik Tungkol Sa Mga Batayan Ng Pagiging Isang Ideyal Na Pinuno

In:

Submitted By vivs
Words 6865
Pages 28
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Sta. Mesa. Maynila
Main (Mabini) Campus
Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika
Departamento ng Filipinolohiya
Taong 2009-2010

ISANG PANANALIKSIK TUNGKOL SA MGA
BATAYAN NG PAGIGING ISANG
IDEYAL NA PINUNO

Isang Pag-aaral na iniharap sa Kaguruan ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Bilang Kahingian sa
Filipino 1023
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Mananaliksik:
Agulay, Vivian Zen D.
Taon/Kurso/ Seksyon:
BSBA-HRDM I-2d
Propesor:
Gng. Victoria Apigo

Pebrero 2010
PANIMULA
“Pagbabago sa isip, sa salita at sa gawa”
Isa lamang ito sa mga di maubos na daing ng mamamayan kung ang pag-uusapan ay ang pulitika. Sa kadahilanang naging saksi ang bayan sa nakalululang paglalantad ng iba’t ibang kaso at eskandalo sa pamahalaan. Marami man ang nawawalan na ng pag-asa subalit simple lang ang mensahe ng pagbabago at may posibilidad na ito ay mangyari pa sa henerasyon ngayon.
Kaya naman, ang pananaliksik na ito ay isang mabisang instrumento upang muling gisingin ang nahihimlay na diwa ng taumbayan pagdating sa usaping pulitika. Sapagkat nasa kamay ng mga susunod na pinuno ang pagbabagong inaasam ng bawat isa. Gayunpaman, nakapokus ang pananaliksik na ito sa mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno. Sa tulong nito ay may posibilidad na mabago ang persepsyon ng mamamayan sa tamang pagpili ng nararapat na mamuno ng bansa.
Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang-linaw ang mga haka-haka ng taumbayan tungkol sa kung may pag-asa pa kayang makabangon ang bansang ito sa pagkakalugmok. Samakatwid, ang nalalapit na halalan ay hindi dapat palampasin. Dito nakataya ang kinabukasan ng ating bayan. Kaya naman, bilang isang parte ng bansang ito, ang pakikisangkot sa usaping ito ay isang mahalagang bagay na hindi dapat ipagwalang bahala ng kahit na sinuman. Kung pagbabago ang nais ng bawat isa, marapat lamang na maging mapanuri sa pipiliing pinuno upang muling tayong makapamuhay sa isang lipunang marangal at hindi tadtad ng kapintasan. |

-Mananalisik
DAHON NG PASASALAMAT
Isang taos pusong pasasalamat ang ipinababatid ng mananaliksik sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito: * Sa mga kawani ng Ninoy Aquino Learning Library and Resource Center-PUP, at The National Library, para sa inyong walang-hintong obligasyon para magsilbi at tumulong sa mananaliksik para sa pangangailangan gaya ng pahayagan at impormasyon para makalikom ng bagong ideya. * Sa mga awtor at editor, na pinaghanguan ng mananaliksik ng mga mahahalagang impormasyon upang mas mapabuti ang pag-aaral na ito. * Sa aking responsente, sa pagbibigay na panahon sa makatotohanang pagsagot at pagpapakita ng kabutihan na lubos na nakatulong sa mananaliksik. * Sa aking pamilya at kaibigan, na gumabay at suporta upang matapos ang papel pananalisik na ito. * Sa aking mahal na propesor, Gng. Victoria Apigo, sa walang-sawang paggabay at pagsubaybay sa bawat hakbang ng aking pag-aaral na ito at pag-udyok sa akin na pagandahin ang papel na ito. * At higit sa lahat, sa ating Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindi maliliwanagan at hindi magagawa ng mananalisik ang tamang mga hakbang upang matapos ang lahat ng ito.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.
-Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN

Panimula…………………………………………………………………………………………..2
Dahon ng Pasasalamat………………………………………………………………………….....3
Talaan ng Nilalaman………………………………………………………………………………4 Kabanata I. Panimula at Layunin ng Pag-aaral A. Panimula…………………………………………………………………..7 B. Layunin ng Pag-aaral…………………………………………………...…7 C. Suliranin ng Pag-aaral……………………………………………………..8 D. Haypotesis………………………………………………………………....9 E. Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………..10 F. Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Terminolohiyang Ginamit sa
Pag-aaral……………………………………………………………………..10
G. Paglalahad ng Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral………………………11 Kabanata II. Balangkas Konsepwal at Kaugnay na Pag-aaral A. Panimula…………………………………………………………………12 B. Balangkas Konseptwal……………………………………………….......12 C. Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………………14 Kabanata III. Paglalahad ng Metodong Ginamit sa Pag-aaral A. Pamamaraan ng Mananaliksik…………………………………………...18 B. Ang mga Tagatugon ng Pag-aaral………………………………………..19 C. Paraan ng Pagkuha ng Datos……………………………………………..19 Kabanata IV. Paglalahad at Pagsusuri ng Datos A. Panimula…………………………………………………………………20 B. Suliranin # 1: Mga Batayan at Katangian ng Ideyal na Pinuno…….........20 C. Suliranin # 2: Pananaw ng Taumbayan hinggil sa tamang Batayan ng Pagpili ng Pinuno………………………………………………………...22 a. Tanong # 1: Naniniwala ka ba na may maituturing pa rin na isang ideyal na pinuno sa panahon ngayon?…………………………22 b. Tanong # 2: Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, may pag-asa pa kayang manumbalik ang dating sigla nito at muling maibangon ito sa pagkakalugmok?............................................................................23 c. Tanong # 3: Sa darating na halalan 2010, sino sa mga nangungunang kandidato sa pagkapangulo ang napupusuan mong mamuno ng bansa?.............................................................................24 d. Tanong # 4: Batay sa iyong sagot sa bilang 3, anong katagian ang taglay niya na nagbunsod sa iyo na siya ang piliin?....................25 e. Tanong # 5: Anong katangian ang pinakamahalagang dapat taglayin ng susunod na pinuno upang matiyak natin na may pagbabagong magaganap sa bansa?...................................................26
D. Suliranin # 3: Kahalagahan ng mga Batayan ng Pagiging Isang Ideyal na Pinuno ……………………………………………………………………….28 a. Tanong # 6: Bakit mahalagang maging mapanuri ang mga mamamayan sa pipiliing pinuno ng bansa?........................................28
E. Suliranin # 4: Epekto ng Kasalukuyang nagaganap sa desisyon ng Taumbayan…………………………………………………………………...30 a. Tanong # 7: Sa patuloy na nagaganap sa bansa ngayon, alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa taumbayan upang mas maging tiyak ang kanilang desisyon sa pagpili ng pinuno?..............................30
Kabanata V. Paglalahad ng mga Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon A. Panimula…………………………………………………………………32 B. Mga Natuklasan…………………………………………………….........32 C. Kongklusyon……………………………………………………………..34 D. Rekomendasyon…………………………………………………….........35
Mga Tala ng mga Pinagkuhanan ng Impormasyon……………………………………...36
Appendise/ Dagdag Pahina A. Apendiks 1: Ang Survey Form…………………………………………..37

KABANATA I:
PANIMULA AT LAYUNIN NG PAG-AARAL

PANIMULA Ilang panahon na lamang ang hinihintay ng mamamayan at panibagong pamamahala na naman ang darating. Kaya naman, bilang kabataan na mulat ang isipan sa mga pangyayaring nagaganap sa bansa tulad ng korapsyon, krimen, global warming at higit sa lahat ay kahirapan, hindi maiiwasang maisip ng mananaliksik kung may naghihintay pang kinabukasan para sa lahat. Samakatwid, kailangan ang masusing pag-iisip dahil kung hindi ito maaagapan ay baka pagsisihan natin ang mapipiling pangulo o pinuno ng bansa. Mahalagang malaman natin ang ilan sa mga batayan ng pagiging ideyal na pinuno at ang mga katangiang dapat nilang taglayin upang makamtan ng kanyang nasasakupan ang inaasam na kaunlaran. Huwag na nating hayaan na maulit pang muli ang mga nakaraang pagkakamali at pagkukulang lalo na ng mga mapansamantalang pinuno. Dahil kahit hindi tayo tanungin, alam niyo at alam nating lahat na nasasakupan na ng ating kaisipan ang mga bagay na ito, mga bagay na dapat isaalang-alang, mga bagay na dapat na nakatatak sa isip at nakatanim sa puso ng bawat isa. Isipin natin ang magandang kinabukasan, hindi lamang ng mga kabataan maging ang ating Inang Bayan.

1.1 LAYUNIN NG PAG-AARAL Ang layunin ng pananaliksik na ito –“Batayan ng isang pagiging Ideyal na Pinuno” ay upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan sa mga dapat maging batayan o katangian ng pagkakaroon ng isang mahusay na pinuno. Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa pag-aambag at paghahatid ng mga kaalaman at ideya sa mga mambabasa tungkol sa pagpili ng tama, tapat, maasahan at matalinong pinuno na mag-aalis sa napipintong pagbagsak ng ating bansa sa pamamagitan ng paghahatid ng impormasyong nakalap ng mananaliksik sa tulong ng sarbey. Naglalayon din ang pag-aaral na ito na maiangat at mapagbuti ang kakayahang intelektwal ng mga mambabasa hinggil sa pagpili ng karapat - dapat na pinuno na magsisilbing daan upang muling magising ang nahihimlay na diwa dahil sa patuloy ng mga di- inaasahang pangyayaring nagaganap sa bansa. 1.2 SULIRANIN NG PAG-AARAL Kung magpapatuloy ang bulok na sistema katulad ng korapsyon, pagbubulag-bulagan sa tunay na kalagayan ng bansa ng mga lider at maging ng mamamayan ay malabo na tayong makaangat pa habang tayo ay nabubuhay. Sa simpleng paliwanag, karamihan sa mga namimili ng tatayong lider ng ating bansa ay nasusuhulan ng salapi tuwing may eleksyon. “KAPAG MAY NAGBIBIGAY SIGURADONG MAY TATANGGAP AT KUNG MAY MGA TATANGGAP SIYENTO PORSIYENTO DING MAY MAGBIBIGAY” at yan ang ordinaryong senaryo sa ating bansa tuwing may halalan. Kung ang ganyang uri ng sistema ang maghahari huwag na tayong umasa na may pagbabagong magaganap pa sa ating bansa na papabor sa lahat ng mga mamamayang Pilipino. Sa ganitong sitwasyon, ang mga sumusunod na tiyak na suliranin ang sasagutin ng pag-aaral na ito: 1. Anu-ano ang mga batayan at katangiang dapat taglayin ng isang ideyal na pinuno upang masabing siya ang karapat-dapat na piliin ng taumbayan? 2. Ano ang pananaw ng taumbayan hinggil sa tamang batayan ng pagpili ng nararapat na pinuno sa bansa? 3. Bakit mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman ang taumbayan sa mga batayan ng isang pagiging ideyal na pinuno? 4. Paano nakakaapekto ang mga kasalukuyang nagaganap sa ating bansa sa magiging desisyon ng taumbayan? 1.3 HAYPOTESIS
Sa kasalukuyang katayuan ng ating bansa, mahirap man at maraming taong nasa gobyerno, ay may mga mabibilang pa rin na mapagkakatiwalaan at tiyak na may malasakit sa bayan na nagnanais na mamuno. Hindi natin maipagkakaila na may mga taong masasabi pa ring ideyal na pinuno. Naging bulag man ang mga tao sa mga batas na itinayo ng mga ibang nanunungkulan sa ating bayan na sila at sila lang ang mga nakikinabang subalit may pag-asa pa ring matuwid ang pagkakamaling ito kung mauunawaan ng mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga batayan ng isang pagiging ideyal na pinuno.
Samakatwid, inaasahan na sa darating na halalan ay makapili ng karampatang mamumuno sa ating bansa na tunay na mag-aalay ng kanilang sarili sa bayan. Na hindi aatupagin ang interes na pampersonal, pampamilya, o ang kanilang negosyo. Lalo na ngayon na sa dami ng krisis na nararanasan ng bansa ay marami ng Pilipino ang pinanghihinaan ng loob subalit kailangan ay maging maingat sila na makapagluklok ng mga pinuno sa pamahalaan na matagal nang nakabalot sa mga kalakaran at kulturang nakabatay sa tradisyunal na pulitika. Sa madaling salita, mga mamumuno na sama-samang magpapaalis ng sistema ng pangungurakot, kasakiman, palakasan, pag-iisip na makadayuhan at iba pa. Ang ating kailangan ay mga pinuno na magpapaunlad sa kabuhayan ng ating mga kababayan, magpapataas sa ating dignidad at mangangalaga sa kalikasan.
1.4 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay nais ihatid sa mga mambabasa ang mga batayan ng isang pagiging ideyal na pinuno. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay tumutulong sa pagmulat ng isipan ng mga mambabasa sa tamang pagpili ng mamumuno sa ating bansa na mahalagang simulan na natin ang nararapat na gawin ngayong darating na halalan. Sa tulong ng impormasyong ibabahagi ng mananaliksik ay mauunawaan ng mga Pilipino na huwag hayaang ipagpalit sa kakarampot na pagkain ang karapat-dapat na mamuno ng bansa. Yan ay panandalian lamang o pantawid-gutom sa isang kainan lang. Ang isipin natin ay iyong pang- habang panahon na siyang gagabay sa darating pang henerasyon na muling maglalagay sa bansa sa angat na kalagayan. Mahalaga rin ang pag-aaral na ito lalo na sa mga botante sapagkat sa tulong nito ay mapagbubuti ang kanilang kakayahang intelektwal sa pamamagitan ng pagiging mapanuri sa pipiliing pinuno at matutong manindigan sa iluluklok na opisyal.

1.5 PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN SA MGA TERMINOLOHIYANG GINAMIT SA PAG-AARAL
A. Lider o Pinuno. Tumutukoy sa taong nangunguna sa lahat ng mga gawain sa samahan, organisasyon, tanggapan o sa bansa man.
B. Liderato. Ang kakayahan ng isang lider na mahikayat ang kaniyang mga kasama na lumahok sa isang proyekto o programa.

C. Batayan. Nangangahulugan ito ng isang mahalagang sangkap o pangunahing kahalagahan “basic truths” na may kinalaman sa isang paksa.
D. Ideyal. Isang maganda at huwarang modelo ng kahusayan na maaaring angat sa iba ang angking katangian at iba pa.
E. Epekto,Bunga. Isang bagay o pangyayari na dulot ng isang sanhi; resulta.

1.6 PAGLALAHAD NG SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Ang pananaliksik na pinamagatang “Batayan ng Pagiging Isang Ideyal na Pinuno” ay sumasakop lamang sa mga batayan at katangian ng pagiging ideyal na pinuno. Saklaw din ng pag-aaral na ito ang iba’t ibang pananaw ng taumbayan hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno lalo na ngayong nalalapit na ang halalan. Ang ginawang sarbey ay nakatuon at nakalimita lamang sa mga botante ng Residente ng Barangay, Sampalok, Maynila na halos tatlumpung (30) responsente lamang. Sila ay mas nakakainteresa na gawing paksa dahil sila ay bukas sa lahat ng bagay. Isa pang bagay ay ang mananaliksik ay mas madadaliang makakalap ng impormasyon sa kadahilanang ang kanilang antas ng pag-iisip ay sapat at mulat na sa kalagayan ng bansa ngayon na naghahangad ng pagbabago na kung saan makakakuha ang mananalisik ng importanteng datos.

KABANATA 2:
BALANGKAS KONSEPTWAL AT KAUGNAY NA PAG-AARAL

PANIMULA: Nakasaad sa bahaging ito ang balangkas konseptwal ng ginagawang pananaliksik. Kasama rin dito ang mga kaugnay na pag-aaral ng pananaliksik kung saan lubos na makatutulong sa pagpapaunlad ng pananaliksik na ito. Ang mga kaugnay na artitulo ay nakalap sa mga online refenrences.

2.1 BALANGKAS KONSEPTWAL
Ang pagkakaroon ng ideyal na pinuno ay lubhang nakakaapekto sa pagbabago at muling pag-unlad ng isang bansa. Ngayong nalalapit na ang halalan, mahalagang maging mulat ang isipan ng bawat mamamayan sa tamang pagpili ng taong mamumuno sa kanyang nasasakupan. Ang isang mabisang pinuno ay hindi nasusukat sa kanyang katayuan sa buhay sa halip ay sa kanyang mga angking katangian at prinsipyo sa buhay at higit sa lahat sa kanyang integridad. Kaya naman, ang mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno ay magsilbi sanang instrumento upang mas maunawaan at maintindihan ng taumbayan ang kahalagahan ng kanilang desisyon ukol dito. Magkagayunpaman, ilan lamang ito sa mga batayan ng pagpili ng isang ideyal na pinuno. Subalit nasa taumbayan pa rin ang desisyon kung sino sa tingin nila ang may mga katangiang nararapat na mamuno na sasalba sa napipintong pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

Ideyal na Pinuno

Mga Batayan

Prinsipyo at
Kawanggawa
Angking-
Katangian

Impluwensiya sa Bayan
May napatunayang Kredibilidad
Angking- Katalinuhan
Angking-
Kakayahan

Walang
Kinikilingan
Balanse sa
Pagdedesisyon
Integridad at katapatan

Likas na
Marunong
Masigasig at Maabilidad

“Think analytically”
“Forward-
Looking”

Pagpili ng Taumbayan

2.2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
“Pinoy Ideal: The Search for the Filipino Political Leader”
Dante L. Ambrosio
Si Dante L. Ambrosio ay isang guro mula sa Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Ang kanyang pag-aaral na pinamagatang “Pinoy Ideal: The Search for the Filipino Political Leader,” ay naglalayong matukoy kung may karapat-dapat ba sa mga tatakbong opisyal ang mahalal para sa darating na halalan. Nais niyang matanto ang kahalagahan ng konteksto at katangian ng isang lider na naghahangad na mailuklok sa pwesto. At higit sa lahat, mapatunayan ang kanyang paniniwala na marami tayong lider na maaring mamuno sa bansa subalit hindi nga lang kasing husay at tapat mamuno di gaya ng mga namatay ng pinuno noon na kinilala sa pagiging modelo nito sa larangan ng pulitika.
Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng awtor na marami tayong lider sa kasalukuyan sa iba’t ibang larangan na kung hihingin ng panahon, kung nanaisin at gugustuhin ng mga tao ay maari namang mamuno sa bansa. Bukod dito, nalaman ng awtor na napakahalaga talaga ng konteksto at katangian ng isang lider sapagkat nagsisilbi itong batayan sa pagpili ng isang mabisang pinuno. Ilan dito ay iyong mayroong moral ascendancy, may kakayahang kunin ang simpatya at suporta ng taumbayan dahil sa kanyang integridad at angking katangian at iba pa. Napatunayan din niya ang kanyang paniniwala na sa mga naghahangad na mamuno ng bansa sa ngayon ay wala pang nakikitang makakapantay sa mga kinilalang mahuhusay na pinuno noon gaya na lamang ni dating Senador Benigno Aquino at ang may bahay nitong si dating Pangulong Cory Aquino. Mga pinunong handang iaalay ang sarili para sa bayan.
Ang “Pinoy Ideal: The Search for the Filipino Political Leader,” ni Dante L. Ambrosio ay may malaking kaugnayan sa pag-aaral ng mananaliksik tungkol sa mga batayan ng isang pagiging ideyal na pinuno. Ang ginawang pag-aaral ng awtor at ang ginagawang pag-aaral ng mananaliksik ay may pagkakatulad sa paksa, layunin at mga suliranin. Ang kaugnayan ng pag-aaral ng awtor sa pag-aaral ng mananaliksik ay iyong kung paano ipaliliwanag sa taumbayan ang mga dapat nilang ikonsidera para sa pipiliing pinuno sa darating na halalan. Bukod dito, ay upang maliwanagan sila at bigyan ng pag-asa na sa kabila ng kahirapang nararanasan at sa dami ng krisis na dumarating sa bansa ay may pagkakataon pang muling manumbalik ang ang pagiging tigre natin sa asya. Subalit, mangyayari lamang ang mga ito kung mauunawaan nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga katangian ng isang lider at maiaaplay nila ito sa magiging desisyon sa pagpili ng tamang mamumuno sa bansa.

“Krisis ng Sambayanan”
Roland G. Simbulan Si Roland G. Simbulan, isang propesor at rehente ng kaguruan sa Unibersidad ng Pilipinas ay tinalakay ang “Krisis ng Sambayanan” na tumutukoy sa Pambansang kalagayan at Krisis pulitika. Layunin nitong bigyang-pansin ang kritikal na kalagayan ng bansa at kung paano masosolusyunan ito. Nais niyang mabatid ang papel at tungkuling dapat gampanan ng hihiranging pinuno sa darating na halalan. At higit sa lahat, ay kung paano gigisingin ang diwa ng mga Pilipino at ang natutulog at nababagot na isipan ng bawat isa hinggil sa pulitika. Sa pag-aaral na ito, maraming natuklasan ang awtor. Una na dito ay ang lumalalang kalagayan ng bansa na mapapansin agad sa paligid at mapupuna ang lumalalang krisis sa pang-araw-araw na buhay, pamumuhay at kabuhayan ng milyung-milyong Pilipino na dapat ng pagtuunan ng pansin hangga’t maaga pa hindi lamang ng mga taong nasa gobyerno maging ng mga mamamayan na may malasakit sa bayan at naghahangad na muling makabangon sa kahirapan. Kaya naman, sa ganitong sitwasyon, mainam na maging mapanuri ang taumbayan sa mga pipiliing pinuno ng bansa upang hindi na maulit ang mga pagkakamali sa halip ay maging daan na ito sa pagbabago at muling pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Pangalawa, ay ang kahalagahan ng papel at tungkulin ng susunod na pinuno sa kanyang nasasakupan. Sila ang magsisilbing daan upang manumbalik ang kaunlaran at maalis ang mga krisis ng sambayanan. At ang panghuli, natuklasan ng awtor na magigising lamang ang diwa ng taumbayan at muling maibabalik ang tiwalang nawala sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pag-asa na hindi pa huli ang lahat at siguraduhin ng mga naghahangad na mamuno na sila ay tapat at maasahan sa kanilang pamamahala.
Ang “Krisis ng Sambayanan” ni Roland G. Simbulan ay may malaking kaugnayan sa pag-aaral ng mananaliksik. Kitang- kita ito sa paksa ng awtor sapagkat sa dami ng problemang kinakaharap ng bansa ngayon, dito masusukat kung sino sa mga tatakbo sa darating na halalan ang may tunay na malasakit sa bayan. Bukod dito, alam naman natin na sa krisis na kinakapalooban ng isang bansa ay makikita ang tunay na katangian at kulay ng isang pinuno. Mas higit na maiintindihan ng mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaroon nila ng kaalaman hinggil sa tamang pagpili ng susunod na pinuno sapagkat hindi lamang ito sa pansarili nilang kaunlaran maging sa Inang Bayan.

“Ang Halalan ay Parang Tubig”
Sofia Guillermo
Mula sa aklat ni Manuel Quezon III ay isinalin ni Sofia Guillermo ang artikulong pinamagatang “Ang Halalan ay Parang Tubig” na inilathala noong Marso, 2005. Ito ay naglalayong maipaliwanag kung bakit naikumpara ang halalan sa tubig. Bukod dito, nais niyang ipahayag kung paano makakaapekto ang mga naging panunungkulan ng mga dating pinuno sa susunod na manunungkulan ng bansa ngayon. At huli, ay matukoy ang kahalagahan ng pakikisangkot ng mamamayan sa darating na halalan.
Sa artikulong ito ng awtor ay ipinahayag niya ang kanyang mga natuklasan tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng halalan sa isang bansang malaya. Napatunayan niyang ang halalan ay parang tubig, ibig sabihin nito na ang buhay pulitikal ay kasinghalaga para sa katawang pulitikal ng tubig para sa katawan ng tao. Maraming inihayag na pagkakatulad ang awtor sa mga simpleng salita na halalan at tubig subalit parehong may mabigat na kahulugan. Napagtanto din niyang ang mga naranasan ng taumbayan sa panunungkulan ng mga dating naging pinuno noon ay hindi na maiaalis pa at mananatiling dahilan kung bakit hindi na muling maibabalik ang tiwala ng taumbayan. Subalit, muling nagising ito ng si Cory Aquino na ang namuno at inihatid ang kapangyarihan niya sa pamamagitan ng halalan. At dahil dito, handa na muli ang taumbayan na makisangkot sa larangan ng pulitika sapagkat ang pananaw nila para sa darating na halalan ang magsisilbing instrumento upang makapili ng isang ideyal na pinuno.
“Ang Halalan ay Parang Tubig” ni Sofia Guillermo may malaking kaugnayan sa pag-aaral ng mananaliksik. Sa tulong nito mas mauunawaan ng taumbayan na ang pagboto nila ay hindi basta- basta lamang. Hindi ito basta pipili ka lamang at iluluklok sila dahil sa gusto mo sa halip may pinagbatayan ang iyong pagpili sa kanila. Marahil may mga katangian ang iyong napili na angat sa ibang kandidato. At mula sa piniling ito ay magsisimula ang lahat ng pagbabago. Kung maganda ang layunin, tiyak may pag-asang umunlad ang bansa. Samakatwid, sa pagkakaroon ng batayan para sa pipiliing pinuno ng bansa sa darating na halalan ang magiging mitya ng muling pagbangon ng bansang Pilipinas sa kanyang nalulugmok na ekonomiya.
KABANATA 3:
PAGLALAHAD NG METODONG GINAMIT SA PAG-AARAL (METODOLOHIYA)

Gumamit ang mananaliksik ng mga kasanayan sa pananaliksik sa pagsulat ng terminong papel hango sa pagsisiyasat sa mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno.

Pamamaraan ng Mananaliksik Ginamit ng mananaliksik ang quantitative type na tutulong sa kanyang tingnan at isalin ang mga datos mula sa mga tagatugon, gayundin sa paggawa ng kongklusyon batay sa kung anumang maging resulta ng pagkuha ng datos. Bukod dito, gumamit din ang mananaliksik ng analitikal na metodo kung saan nangalap ng mga impormasyong galing sa mga online references upang pang-suporta sa mga impormasyon at makapagbigay ng karagdagang detalye at ideya na higit na kinakailangan sa pananaliksik.

Gumamit ang mananaliksik ng pormulang nasa ibaba para sa pagkuha ng porsyento sa ginawang sarbey.

Bilang ng Tumugon × 100 = Kabuuang Porsyento Bilang ng kabuuang Tagatugon |

Ang mga Tagatugon ng Pag-aaral Ang mga tagatugon na ginamit ng mananaliksik ay ang mga residente ng Barangay Sampalok, Maynila. Tatlumpung responsente (30) lamang ang naging tagatugon sapagkat karamihan dito ay bata pa at wala pang kaalaman sa paksa. Napili ang nasabing populasyon sapagkat dito nakatira ang mananaliksik na magiging dahilan upang mas maging tiyak ang kanyang mga makakalap na impormasyon at mas mapapadali ang pagkuha ng datos.

Pagkuha ng Datos Pagkatapos gawin at suriin ang mga nakalap na datos, nagsagawa ng sarbey ang mananaliksik sa nasabing lugar. Pili lamang ang binigyan ng sarbey sapagkat kakaunti lamang ang populasyon sa lugar na ito at hindi lahat ay masasabing may kaalaman na sa paksa. Ang mananaliksik mismo ang gumawa ng serye ng tanong at ibinatay ang mga tanong sa mga suliranin ng pag-aaral na ito. Matapos makakuha ng datos, nilikom ng mananaliksik ang mga datos na ito upang masuri ang mga resulta ng sarbey. Layon nitong sukatin ang kaalaman ng mga tagatugon tungkol sa mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno, gayundin ang masukat ang pag-uugali ng mga tagatugon ayon sa mga sitwasyong nakasaad sa nasabing serye ng tanong.

KABANATA 4:
PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS

PANIMULA Layon ng kabanatang ito na ipakita ang resulta ng mga nakuhang datos ng mananaliksik. Ang mga datos na ito ay lubos na nakatulong sa mananaliksik upang masagutan ang mga suliranin. Sa tulong din ng sarbey ay mas naipaliwanag ang nais ibahagi ng mananaliksik tungkol sa paksa nito.

Suliranin # 1: Mga Batayan ng Pagiging Isang Ideyal na Pinuno

“Katangian ng Isang Mahusay na Lider”
1. Matapat o Honest. Ang isang lider ay tapat hindi lamang sa kaniyang katungkulan, bagkus sa kaniyang mga kasapi sa samahan sa bayan at higit sa kaniyang sarili.
2. May kakayahan o Competence. Kakayahang hawakan ang posisyon at hindi sa pangalan lang, at kakayahang harapin ang lahat ng problema.
3. May tinatanaw o Forward looking. May pinapangarap kung anong maaaring mangyari o magawang programa para sa organisasyon.
4. Nakahihikayat o Inspiring. Madaling makahikayat ng kasama para sa ikagaganda ng samahan at ng mga proyekto nito.
5. May kaalaman o Intelligence. Alam naman natin ang kasabihang matalino man daw ang matsing naiisahan din. Dapat ang lider ay may likas na marunong na hindi pwedeng maloko o malinlang ninuman.
6. May Paninindigan o Faithful. Ang isang mabisang lider ay ang isang taong may napatunayan ng kredibilidad; isang taong kayang paglingkuran nang matapat ang kanyang mga nasasakupan na walang kinikilingan.
7. May kakayahan na sa tingin analytically o Ability to think analytically. Ang isang mabuting lider ay marunong mapanatili ang pangunahing layunin sa pokus, ngunit ito ay dapat may pag-aanalisa at mapanuri.
8. May balanse sa pagdedesisyon o Balance in Decision. Isang taong dapat walang pinoprotektahan at marunong ibahagi ng tama at pantay ang mga bagay-bagay.
9. Mapag-adhika o Ambitious. Ang isang tunay na lider ay palaging may mataas na pamantayan at siya ay nagsisikap para sa kagalingan sa lahat ng aspeto.
10. Masigasig o Enthusiastic. Ang isang tunay na lider ay hindi dapat matakot upang maisagawa ang hirap sa trabaho at nag-aalok ng isang magandang halimbawa sa kanyang mga manggagawa.
11. Katulong o Orderly. Sa panahon ng kawalang-katiyakan at stress, ang mga lider ay dapat na patunayan na maayos at makapag-trabaho sa pangwakas na layunin. Ito ay magbibigay ng isang pakiramdam ng kumpiyansa at seguridad sa mga nasasakupan at isang positibong pagkilos mula sa kanilang mga lider.

Suliranin # 2: Pananaw ng Taumbayan hinggil sa Tamang Batayan ng Pagpili ng Pinuno Tanong # 1: Naniniwala ka ba na may maituturing pa rin na isang ideyal na pinuno sa panahon ngayon? Talahanayan # 1 | Naniniwala | Hindi Naniniwala | 70% | 30% |

Ang nasa itaas na larawan at talahanayan ay naglalarawan ng kinalabasan ng sarbey sa unang tanong. Talumpung tagatugon (30) ang pinagkuhanan ng impormasyon ng mananaliksik at mas marami dito ang sumang-ayon na sila ay naniniwala na may maituturing pa ring ideyal na pinuno sa panahon ngayon na binubuo ng pitumpung porsyento (70%) ng populasyon o dalawamput isang tagatugon. Samantalang ang natitirang tatlumpung porsyento (30%) o siyam na tagatugon ay hindi naman naniniwala at hindi pumapabor sa nasabing katanungan. Tanong # 2: Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, may pag-asa pa kayang manumbalik ang dating sigla nito at muling maibangon ito sa pagkakalugmok?

Talahanayan # 2 | Naniniwala | Hindi Naniniwala | 73% | 27% |

Ipinapakita sa talahanayan at larawan na ito ang pananaw ng mga Residente ng Barangay Sampalok, Maynila hinggil sa kung may pag-asa pa bang muling manumbalik ang dating sigla ng bansa at maibangon ito sa pagkakalugmok. Tinatayang pitumpu’t tatlong porsyento (73%) ang naniniwalang may pag-asa pa subalit dalawampu’t pitong poryento (27%) naman ang hindi na naniniwala.

Tanong # 3: Sa darating na halalan 2010, sino sa mga nangungunang kandidato sa pagkapangulo ang napupusuan mong mamuno ng bansa?

Ang nasa itaas na larawan ay nagpapakita ng opinyon ng nasabing residente tungkol sa mga nangungunang kandidato na para sa kanila ay may karapatang mamuno ng bansa. Kitang-kita sa itaas ang pagkakahati ng boto. Si Noynoy Aquino ang nakakuha ng pinakamataas na porsyento na bumubuo ng kalahati nito, limampu’t porsyento (50%) ng kabuuang populasyon. Kasunod nito ay si Manny Villar na may labinapat na porsyento (14%) na tugon. Sumunod sa kanya ang nakakuha ng pantay at parehong porsyento na sina Gibo Teodoro at Dick Gordon na may labintatlung porsyento (13%). Kasunod nila ay si Erap Estrada na nakakuha ng pitung porsyento (7%) at ang pinakahuli at ang nakakuha ng pinakamababang porsyento ay si Eddie Villanueva na may tatlong porsyento (3%) lamang.

Tanong # 4: Batay sa iyong sagot sa bilang 3, anong katangian ang taglay niya na nagbunsod sa iyo na siya ang piliin?

Lumalabas sa larawan na ito ang mga katangiang nais ng mga tagatugon na taglayin ng kanilang napiling pinuno. Nangunguna dito ang katangiang may malasakit at pagmamahal sa bayan na nakakuha ng apatnapu’t anim na porsyento (46%), kasunod nito ang katangiang may integridad at napatunayang kredibilidad na may dalawampu’t porsyento (20%). Samantalang ang katangian na may angking-kakayahan ay may labinwalong porsyento (18%) lamang ang nakuha at ang pinakamaliit na nakuhang porsyento naman na may labinanim na porsyento (16%) ay napunta sa katangian na angking-kakayahan.

Tanong # 5: Anong katangian ang pinakamahalagang dapat taglayin ng susunod na pinuno upang matiyak natin na may pagbabagong magaganap sa bansa?

Sa larawan naman na ito, ipinapakita ang opinyon ng mga tagatugon kung ano sa mga pagpipiliang katangian ang pinakamahalagang dapat taglayin ng susunod na pinuno. Ayon sa resulta ng naganap na sarbey, ang nakakuha ng pinakamahalagang katangian ay ang katangiang may integridad at napatunayang kredibilidad na may apatnapu’t pitong porsyento (47%). Pumangalawa dito ang katangiang may pagmamahal at may malasakit sa bayan na mayroon namang tatlumpung porsyento (30%). Pangatlo, ang katangiang matalino at maabilidad na may dalawapung porsyento (20%). At ang pinakamababang porsyento na tatlong porsyento (3%) lamang ay napunta sa katangiang Maka-Diyos.

Ano nga ba ang sukatan ng pagiging isang mabisang pinuno? Sa kanyang katayuan sa buhay? Sa impluwensiyang kanyang naidudulot sa bayan? Sa kanyang katalinuhan at angking-kakayahan? Para sa akin, simple lang --- sa kanyang integridad.
Isang bagong uri na naman ng pinuno ang nasaksihan sa El Filibusterismo sa katauhan ni Don Custodio. Siya ay isang uri ng pinuno na masasabing masipag... Masipag kung ilalathala ang kanyang mga nagawa sa pahayagan. Maaari rin siyang ituring na dakila ng masa... Dakila kung bibigyang papuri ang kanyang mga nagawa. Subalit, may isang 'magandang' katangian si Don Custodio at iyon ay ang pagnanais niyang matupad ang kagustuhan ng lahat sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Isang 'magandang' katangian na hindi karapat-dapat na taglayin ng mga pinuno. Ang aking ideyal na pinuno ay malayong-malayo sa mga katangiang taglay ni Don Custodio. Ang nakikita ko sa isang mabisang pinuno ay ang isang taong may napatunayan ng kredibilidad; isang taong kayang paglingkuran nang matapat ang kanyang mga nasasakupan na walang kinikilingan; isang taong balanse kung magdesisyon --- dapat walang pinoprotektahan. Nakikita niya rin ang opinyon ng nakararami at pinag-iisipan niyang mabuti ang bawat galaw na kanyang gagawin. Tila kay hirap maabot ng aking mga inaasahan sa isang pinuno. Nakakalungkot lamang na sa kasalukuyan ay halos wala na akong nakikitang masasabing tunay na ideyal na pinuno. Sa halip, halos puro Don Custodio ang madalas kong nakikita. Kaya ako, nakapagpasya na ako... Kapag ako'y naging isang pinuno, sisikapin kong maging ideyal.

Suliranin # 3: Kahalagahan ng mga Batayan ng Pagiging Isang Ideyal na Pinuno Tanong # 6: Bakit mahalagang maging mapanuri ang mga mamamayan sa pipiliing pinuno ng bansa?

Ang nasa itaas na larawan naman ay nagpapakita ng distribusyon ng dahilan kung bakit mahalagang malaman ng mga batayan ng pagiging ideyal na pinuno. Ang dahilang upang matukoy ang mga mapansamantalang pinuno ang nakakuha ng pinakamababang porsyento na may tatlong porsyento (3%) lamang. Pumangalawa sa huli ay ang dahilang upang malaman kung may pagbabagong magaganap sa bansa na mayroon namang labintatlung porsyento (13%) sa kabuuan. Samantalang, ang dahilan na may labinpitong porsyento (17%) ay napunta sa kung muling maibabalik ang tiwala ng mamamayan. Samaktwid,ang pinakamataas na natitirang animnapu’t pitong porsyento (67%) ay nakuha ng sa kadahilanang dito nakasalalay ang pag-asang umunlad ang bansa. “Inaasahan na sa darating na halalan ay may pagbabagong maganap. Ang mabago ang umiiral na pag-iisip na lahat at inaasahan sa ating mga pulitiko. Dapat ding makiisa ang ating mga mamamayan sa ating kolektibong pinagbigkis na lakas para sa kapakanan ng mahal nating bayan. May pag-asa pang malinis at maayos ang pulitika sa ating bansa, ngunit ito ay mangyayari lamang kung tayo ay sama-sama at gagawa ng paraan upang humalal ng marangal, mabuti at matinong mga pinuno para sa ikabubuti ng ating kinabukasan.”

Suliranin # 4: Epekto ng Kasalukuyang nagaganap sa desisyon ng Taumbayan Tanong # 7: Sa patuloy na nagaganap sa bansa ngayon, alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa taumbayan upang mas maging tiyak ang kanilang desisyon sa pagpili ng pinuno?

Ang larawan na ito ay nagpapakita ng resulta ng sagot sa tanong bilang 7. Ipinapakita nito kung alin sa mga ibinigay na sitwasyon ang mas pinili ng tagatugon na makatutulong upang mas maging tiyak ang kanilang desisyon sa pipiliing pinuno. Karamihan sa mga tagatugon ay sumagot ng “Nasusubok ang katatagan ng pinuno sa mga unos na dumarating” na may apatnapung porsyento (40%). Ang iba naman ay “Nakikita ang abilidad ng pinuno kung paano niya hawakan ang kanyang nasasakupan” na may dalawampu’t pitong porsyento (27%). Samantalang, nakakuha naman ng dalawampung porsyento (20%) ang sitwasyon na “Sa panahon ng krisis nakikita ang tunay na ideyal na pinuno.”At ang huli, ang “Matutukoy kung sino ang tapat sa tungkulin at kung sino ang hindi” ang nakakuha ng mababang porsyento na may labintatlong porsyento (13%) lamang.

Kapag nagkataon, maitatala sa kasaysayan ang pamilya Arroyo bilang pinakamaraming miyembro ng isang pamilya na magkakasabay na manunungkulan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas at ito ay panibago ring record ng political dynasty hindi lamang sa bansa kundi sa buong daigdig. Mabigat na ngang masasabi ang bilang ng mga Arroyo na uupo sa Kamara kaya’t dapat pag-isipang mabuti ng kanilang mga nasasakupan kung makatwirang mahalal nang sabay-sabay ang mga ito. Ang ganitong balak ang maghahatid ng pangamba sa publiko kaya sana ay maging mapanuri ang mga botante sa mga lugar na pinaghaharian ng mga Arroyo. Matuto sanang manindigan ang mga botante at iluklok ang karapat-dapat na opisyal at hindi dahil mayroon tayong tinatanaw na utang na loob dahil ito ang nagpabagsak sa ating mga Filipino o mga opisyal na nangungunyapit sa kapangyarihan para lamang magkaroon ng proteksyon sa mga posibleng kasong kakaharapin.

KABANATA 5:
PAGLALAHAD NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

PANIMULA Ang kabanatang ito ay nagbibigay lagom o buod sa mga natuklasang impormasyon ng mananaliksik. Mula sa mga natuklasan ay gumawa ang mananaliksik ng kaukulang kongklusyon bilang sagot sa mga binuong suliranin. At mula dito ay nilapatan ng rekomendasyon na siyang magiging daan upang mas mapabuti ang pananaliksik na ito na maaring magamit ng iba pang mananaliksik.

MGA NATUKLASAN Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maimulat ang nahihimbing na diwa ng sambayanan tungkol sa usaping pulitika at makapagbigay ng sapat na kaalaman sa mga tamang batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno. Mula sa tatlumpung (30) tagatugon ng Residente ng Barangay Sampalok, Maynila at sa mga online references at newspapers, nakakuha ang mananaliksik ng mga datos na nakatulong sa pag-aaral na ito. Mula sa pagpapakita at interpretasyon ng mga datos, nakuha ng mananaliksik ang mga sumusunod na resulta: * Ang mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno ay ang pagiging matapat, may angking-kakayahan at katalinuhan, marunong manindigan at walang pinoprotektahan, balanse kung magdesisyon, may malasakit at pagmamahal sa bayan at higit sa lahat, may integridad at may napatunayang kredibilidad. * Karamihan sa mga tagatugon ay naniniwalang may maituturing pa rin na ideyal na pinuno sa panahon ngayon at naniniwala din silang may pag-asa pang muling makaahon ang bansa sa kahirapan. * Kalahating porsyento ng mga tagatugon ang naniniwalang ang katulad ni Noynoy Aquino ang may karapatan na mahalal sa darating na halalan. * Naniniwala ang mga tagatugon na ang pagkakaroon ng pagmamahal at malasakit sa bayan ang dahilan kung bakit si Noynoy Aquino ang kanilang napusuang maging susunod na pinuno. * Karamihan sa mga tagatugon, ang katangiang may integridad at napatunayang kredibibidad ang pinaniniwalaan nilang pinakamahagang katangiang dapat taglayin na susunod na mahahalal na pinuno. * Ang pag-asa at kagustuhang muling umunlad ang naging dahilan ng tagatugon upang maipahayag ang tunay na kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga batayang ito. * Naniniwala ang mga tagatugon na sa kabila ng mga di-inaasahang pangyayari sa bansa o mga unos na dumarating ay dito masusubok ang katatagan ng isang pinuno.

KONGKLUSYON: Matapos ang masusing pag-aaral at pangangalap ng impormasyon, napatunayan ng mananaliksik na ang mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno ay hindi isang madaling usapin lamang. Ang mga katangian gaya ng pagiging matapat, may sapat na kakayahan at katalinuhan, may malasakit at pagmamahal sa bayan at pagkakaroon ng integridad at mga napatunayang kredibilidad ang magiging daan upang muling maibalik ang dating sigla ng Inang Bayan. Marami pa rin ang umaasa na may isang malaking pagbabagong magaganap sa bansa sa darating na halalan na makakapagpaahon muli sa napipinto nitong pagbagsak. Napatunayan din na sadyang napakahalagang maging mulat ang isipan ng bawat indibidwal at ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga batayang ito upang hindi na muling maulit pa ang mga nakaraang pagkakamali at sa halip ay magsilbing leksyon ito na maaari pang maituwid muli. Bukod dito, napag-alaman din ng mananaliksik na ang tunay na ideyal na pinuno ay nasusubok sa tuwing may krisis na nararanasan ang bansa at walang takot nitong hinaharap at nilulutas ang mga problemang dumarating. At higit sa lahat, ang kabutihang panlahat o kapakanan ng kanyang nasasakupan ang kanyang laging inuuna sa halip ang sariling interes at pangangailangan. Samaktwid, ang desisyon ng taumbayan ang magiging unang daan tungo sa kaunlaran.

REKOMENDASYON: Batay sa mga natuklasan at kongklusyon ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na rekomendasyon ay nabuo. * Sa mga kabataan. Lumahok sa mga pagtitipon, pagkilos, debate at iba pa. Aktibong makisangkot sa pulitika. May posibilidad na dito tayo makakakuha ng pampulitikang kamulatan. Dito natin makikita ang iba’t ibang usaping nakakaapekto sa buong bayan. * Sa mga botante. Huwag magpapadala sa mga tv advertisement sa halip maging mapanuri sa pipiliing pinuno at tiyaking ang boto ay mapupunta sa karapat-dapat na mahalal. * Sa mga kandidato. Mangyari lamang na taglayin ang mga nabanggit na katangian ng pagiging isang ideyal na pinuno hindi lamang para sa sariling kaunlaran maging sa nasasakupan. * Sa mga mananaliksik. Maaring gumawa ng katulad na pag-aaral.

Mga Tala ng mga Pinagkuhanan ng Impormasyon
( BIBLIYOGRAPIYA)
A. Pahayagan Panlilio, Among Ed. “Pagpili ng Tamang Mamumuno ng Pilipinas”, Abante Tonight. 28 Marso 2009: p. 5. “Panibagong Rekord”, Editoryal. Abante Tonight, 9 Disyembre 2009: p. 4.
B. Mula sa Internet o Online References Magpayo, Edong. Lider na Filipino. 12 Enero 2005. < http://www.pic-link.com/>

Melchior, Deon. Katangian ng Isang Lider, Editor at Piblisher ng Artikulo, 16 Setyembre 2007. < http://www.articleclick.com./>

Soul, Idle. Ang Ideyal na Pinuno. 15 Enero 2009.

APPENDISE/ DAGDAG PAHINA

Appendise 1: Ang Survey Form

BATAYAN NG ISANG PAGIGING IDEYAL NA PINUNO

Pangalan: _________________________ Edad: __________________________
Kasarian: _________________________ Lugar: __________________________
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa iyong pananaw. 1. Naniniwala ka itto may maituturing pa rin na isang ideyal na pinuno sa panahon ngayon?
____ Oo ____ Hindi 2. Sa kasalukayang kalagayan ng bansa, may pag-asa pa kayang manumbalik ang dating sigla nito at muling maibangon ito sa pagkakalugmok?
____ Oo ____ Hindi 3. Sa darating na halalan 2010, sino sa mga nangungunang kandidato sa pagkapangulo ang napupusuan mong mamuno ng bansa? a. Noynoy Aquino d. Gibo Teodoro b. Manny Villar e. Eddie Villanueva c. Erap Estrada 4. Batay sa iyong sagot sa bilang 3, anong katangian ang taglay niya na nagbunsod sa iyo na siya ang piliin? a. Angking-katalinuhan c. May malasakit at pagmamahal sa bayan b. Angking- kakayahan d. May integridad at napatunayang kredibilidad 5. Anong katangian ang pinakamahalagang dapat taglayin ng susunod na pinuno upang matiyak natin na may pagbabagong magaganap sa bansa?
a. matalino at maabilidad c. may integridad at napatunayang kredibilidad
b. mapagmahal at may malasakit sa bayan d. Maka-Diyos 6. Bakit mahalagang maging mapanuri ang mga mamamayan sa pipiliing pinuno ng bansa? a. Dahil itto matitiyak kung may pagbabagong magaganap b. Dahil dito nakasalalay ang pag-asang uunlad muli ang bansa c. Upang muling maibalik ang tiwala ng mamamayan sa pulitika d. Upang matukoy kung sino ang mga mapansamantalang pinuno
7. Sa patuloy na nagaganap sa bansa ngayon, alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa taumbayan upang mas maging tiyak ang kanilang desisyon sa pagpili ng pinuno?
a. Sa panahon ng krisis nakikita ang tunay na katangian ng pinuno
b. Nasusubok ang katatagan ng pinuno sa mga unos na dumarating
c. Nakikita ang abilidad ng pinuno kung paano niya hawakan ang kanyang nasasakupan
d. Matutukoy kung sino ang tapat sa tungkulin at kung sino ang hindi

_____________ Lagda

--------------------------------------------
[ 2 ]. Magpayo, Edong. Lider na Filipino. 12 Enero 2005.
< http://www.pic-link.com/>
[ 3 ]. Melchior, Deon. Katangian ng Isang Lider,16 Setyembre 2007. Siya ay isang Editor at Publisher ng Artikulo sa mga online journals. < http://www.articleclick.com.>

Ang Katangian ng isang Mahusay na Lider ang magsisilbing gabay upang makapili ng isang karapat-dapat na pinuno.

Batayan o Katangian – mga ugali at pangunahing kahalagahan dapat taglayin.
[ 4 ]. Soul, Idle. Ang Ideyal na Pinuno. 15 Enero 2009.

Residente ng Barangay Sampalic, Maynila – ang mga nagging tagatugon ng mananaliksik at ang pinagmulan ng mga impormasyon na itaas.
Don Custodio- isang tauhan sa nobelang El Filibusterismo na malayo sa katangian ng pagiging isang ideyal na pinuno.
[ 5 ]. Panlilio, Among Ed. “Pagpili ng Tamang Mamumuno ng Pilipinas”, Abante Tonight. 28 Marso 2009: p. 5.
Siya isang manunulat ng Abante Tonight at kadalasan makikita ang kanyang artikulo sa may editoryal na pahina.
Pinagbigkis- nangangahulugan ito ng pinagsamang lakas ng isang grupo ng tao.
[ 6 ]. “Panibagong Rekord”, Editoryal. Abante Tonight, 9 Disyembre 2009: p. 4.
Political Dynasty - dinastiyang pampulitika na naging palasak na sa media at akademya, at maging sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng ating mamamayan.

Similar Documents

Free Essay

Filipino

...para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang ...

Words: 47092 - Pages: 189