Christine Shea 06/15/16
11 – Zhi
Mga Teorya ng Wika 1. Biblical (Tore ng Babel) * Ipinahahayag sa Bibliya na ang wika ay kaloob ng Diyos. * Batay sa kwento ng Bibliya, matapos ang matinding pagbaha noong panahon ni Noah, binigyan uli ng pagkakataon ng Diyos ang mga tao na magbagpo. * Iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. * Naghangad din ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit. Hinimok ni Nimrod ang mga tao na gumawa ng tore para maabot ang kaharian ng Diyos. Nang malaman ito ng Diyos, nagalit Siya. Pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho nya ang tore at nahulog ang mga tao. * Ginawa ng Diyos na magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
2. Bow – Wow * Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. * Ang primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilika ng mga ito.
3. Ding Dong * Kawahig sa teoryang bow-bow. * Ayon sa teoryang ito, lahat ng mga bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog na iyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
4. Pooh-poh * Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, at iba pa.
5. Ta-ta * Ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at nagging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. * Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam.
6. Sing Song * Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw, at iba pang mga bulalas-emosyunal. * Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musical, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
7. Yum-Yam * Sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila.
8. Yo Hey Yo * Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.