Free Essay

Jgjs

In:

Submitted By almiiracle
Words 2148
Pages 9
Anu anong terminong matematikal ang hindi lubos na nauunawaan ng mga mag - aaral sa Tañong High School?
Paano nakaaapekto ang paggamit ng wikang Filipino sa pagkaunawa ng mga mag aaral ng Tañong High School sa mga espesipikong aspeto ng matematika
Paano nakaaapekto ang mga terminong matematikal sa mabisang pagkatuto ng mga mag - aaral
Ano Anong mga balakid ang humahadlang sa mabisang pagkaunawa sa asignaturang matematika
-------------------------------------------------
Top of Form

Ano nga ba sa Filipino ang “The square root of 4 is 2?” Dito na nauwi ang usapin kung ano ang tatahaking landas ng ating wikang pambansa. Ang ganitong argumento ay tila binabandera ng mga tutol na gamitin ang Filipino sa pagtuturo, lalo na sa mga larangan ng Agham at Matematika, para palitawin na baka mauwi lang ang usapan sa katatawanan. “Ang parisukat na ugat ng apat ay dalawa.” Sadya ngang kakaibang pakinggan. Katulad nga naman ito ng mga pagpupumilit na gamitin ang “salumpuwit” para sa upuan at “salung-suso” para sa “bra,” na para bang mangingimi kang itanong kung ano ngayon ang magiging salin ng “panty” at “brief.” May nagsasabi na ang dapat na salin ng “The square root of 4 is 2” ay “Ang skwer rut ng apat ay dalawa.” May mga purista naman na tataas ang kilay sa paraang ito ng pagsalin. Ito rin ang mga taong hindi masaya na mabasa ang mga salitang tulad ng “jornal”, “sentens”, “referens”, “iskwater”, “kompyuter”, “basketbol” at iba pang ang salin ay nanggagaling sa tunog at iniba lang ang baybay o “ispeling.” Sa ganang akin, ang mas tanggap ko na salin, dahil ito ang likas at mas maiintindihan ng kausap, ay “Ang square root ng apat ay dalawa.” O kaya ay “Ang square root ng 4 ay 2,” na kung saan ang 4 ay bibigkasin na “apat” at ang 2 naman ay “dalawa.” Ito ay sa dahilang ang layunin dapat ng wika ay ang magkaunawaan. Naniniwala rin ako na walang saysay na isalin pa ang mga unibersal na diskurso ng Agham at Matematika. Kaya labis akong naguguluhan kung bakit kailangan pang maging usapin ang salin ng mga matematikal na pangungusap, at bakit ito ay pinagkaka-abalahan lalo na ng mga laban sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa larangang teknikal katulad ng Agham at Matematika. Tunay ngang nakapanlulumo na hanggang sa ngayon ay marami pa tayong pinagdaraanang hidwaan at bangayan para manahan ang isang wikang pambansa sa ating kamalayan. At mapapaisip ka lalo kapag malaman mo na ang mga pag-aalinlangan ay nakikita lamang sa mga elitistang uri, o sa mga uring intelektwal o nagpapaka-intelektwal, at hindi sa kamalayan ng ordinaryong mamamayang sanay na na manood ng TV na nasa wikang Tagalog pa nga, at hindi Filipino. Ang pagtutol sa pagkakaroon ng pambansang wika ay lalong binibigyan ng bangis ng mga argumento ng mga aktibistang rehiyonalista, na nagngangalit sa di-umano ay problematikong daloy ng pagbubuo nito. Sa kanila, ang Filipino ay isang imposisyon ng imperyalistang sentro na nakabase sa Katagalugan, manyapa’t ang balangkas o struktura ng Filipino ay halaw lamang sa wikang Tagalog. Para sa kanila, malulusaw ng paggamit ng Filipino ang pagiging matatas nila sa kanilang mga rehiyonal na wika, at nakaamba ang panganib na dulot nito upang tuluyan nang burahin ang mga etnolingwistikong kaakuhan o identidad. Naroon na ako. Marahil nga ay mas litaw ang mga salitang Tagalog sa kasalukuyang balangkas ng Wikang Filipino. Ito ay patunay lang siguro na sa obhetibong pagtaya, mas malawak ang gamit ng at pag-kakaunawa saTagalog. Siguro nga, ito ay epekto ng katotohanang dahil ang Maynila ang naging sentro ng kolonyal na Pamahalaan ay dito rin nagmula ang lahat ng daloy ng pagbuo ng isang kamalayan pambansa, mula sa pagtatag ng pamahalaan, sa pagpapalago ng ekonomiya, at hanggang sa pagpapalaganap ng kulturang popular.

Nang nasa Butuan ako, ang nakita kong babala para huwag pumarada ang mga sasakyan sa isang panig ng palengke doon ay “Bawal pumarada dito.” Nang nasa Bikol ako, kahit na ginamit ko ang Bikol Buhi para itanong sa tindera kung magkano ang maruya, na kung tawagin namin ay “sinapot,” ang sinagot sa akin ng tindera ay Tagalog. Sa buong kapuluan, aliw na aliw ang mga tao sa “Eat Bulaga” na ini-ere sa Tagalog. Pinag-usapan ang kontrobersyal na pagmamahalan ni Eric at Vincent sa “My Husband’s Lover” na bagama’t ang pamagat ay sa Ingles ay malawakang tinangkilik maging sa Kabisayaan at sa Mindanao na gamit ang Tagalog. Tumatak din sa diskurso ng ordinaryong tao ang pangangaliwa nang ipalabas ang “The Legal Wife” sa Tagalog, na ngayon ay sinundan ng “Ang Dalawang Mrs. Real” na kung saan napapanood natin na nagsasalita ng Tagalog maging ang mga karakter na dapat sana ay mga Cebuano. Wala sa ating gawain ang mag-subtitle o mag-dubbing ng mga telenovela at teleseryeng nagmumula sa mga network na nakabase sa Manila at ang gamit ay Tagalog. Ito ang katotohanang pilit binabangga ng mga aktibistang rehiyonalista. Ang nakababahala ay ang hindi pagproblematisa ng mga aktibistang ito sa katotohanang kung walang wikang Filipino na gagamitin upang makapag-usap tayo lahat bilang mga mamamayan ng isang bansa, ang gagamitin natin ay ang wika ng mananakop, ang wikang kolonyal, ang Ingles. At dito, mukhang naliligaw ng landas ang mga rehiyonalistang ito. Para sa kanila, tanda lamang na tunay na may gahum o “hegemony” ang Filipino, na ayon sa kanila ay isa lamang na nagbabalatkayong Tagalog, ang pagiging talamak nito sa lahat ng sulok ng ating bansa. Galit sila sa gahum ng Filipino, subali’t di nila binabanggit ang gahum ng Ingles na siya pa nilang mas gustong gamitin upang tayo lahat ay makapag-usap at magkaunawaan. Subalit ang tanong ay ito: Tunay nga bang may gahum ang Filipino? Ayon kay Antonio Gramsci, nagkakaroon lamang ng gahum o “hegemony” kung merong malayang pagtanggap. Ang pagkakaroon ng puwang para sa mga aktibistang rehiyonalistang ito upang labanan ang diskurso ng Filipinisasyon ay tanda na walang malayang pagtanggap. Ang pagkakaroon ng pagkilala, maging sa ating Saligang Batas na dapat payabungin at pagyamanin ang Filipino sa pamamagitan ng iba pang wika sa Pilipinas ay malinaw na pagbubukas sa pag-angkat ng mga salita mula sa ibang rehiyon, at ito ay hindi angking kakanyahan ng isang wikang ang kapangyarihan ay ganap at nakaukit sa bato. Ang malayang paggamit ng mga rehiyonal na grupo sa kanilang mga wika, upang pagyamanin ito, na maging ang pambansang awit ay may salin na sa kani-kanilang mga wika, at may mga programa na sa lokal na himpilan ng mga TV Networks tulad ng mga balita na gamit ang mga wikang rehiyonal, ay mga patunay na walang gahum ang Filipino. Paano magkakaroon ng gahum kung mismong sa larangan ng Estado, at sa mga paaralan at pamantasan ay may pagkiling pa nga para gamitin ang Ingles? Paano magkakaroon ng gahum kung sa mga korte, ang mga salaysay ng mga saksi ay sa Ingles sinasalin at hindi sa Filipino? May gahum ba ang isang wikang Pambansang kailangan pang paglaanan ng isang buwan, ang Agosto, para lamang ipaala-ala na meron pala tayo nito? Agosto ngayon, kaya minarapat ko na maglaan ng isang artikulo na nakasulat sa ating wika. Paano magkakaroon ng gahum kung kailangan pa ng okasyong katulad nito upang magkaroon ako ng pagkakataong maipahayag ang aking sarili na ang ginagamit ko ay ang wikang Filipino? Nakalulungkot na sa panahong ito, patuloy pa rin ang pakikipaglaban para magkaroon ng lehitimong lugar sa ating kamalayan ang isang wikang matagal na nating gamit. Ito ba ang wikang may gahum? Paano magkakaroon ng gahum kung patuloy na nakikipaglaban hanggang sa ngayon ang mga nagtuturo ng at nagmamahal sa wikang Filipino upang magkaroon man lang ng 3 units ito sa bagong GE na isasakatuparan sa 2016? May gahum bang matuturingan ang isang wika kung kailangan mo pang magdulog ng mga petisyon, magmartsa sa lansangan, at magbuo ng kilusan, tulad ng Tanggol Wika, upang labanan ang mga pagtatangkang burahin ito sa kurikulum ng Kolehiyo? Sa mga pamantasan sa ngayon, may mga tunggaliang nangyayari na dulot ng kontrobersyal na kautusan mula sa Commission on Higher Education (CHED), ang CMO 20, na kung saan nawala sa mga kursong ipakukuha sa lahat ng mag-aaral sa Kolehiyo ang wika, bagama’t ginawang opsyon na ituro ang lahat ng mga kurso sa bagong GE sa Filipino. Tanda ba ito ng isang makapangyarihang wika na lumukob na sa kamalayan ng mga Pilipino, at may angking gahum na hindi mapasusubalian? May gahum ba ang isang wikang Pambansa nga pero ay ginawa na lamang na isang opsyon? Paano magkakaroon ng gahum kung ang pagsusulat naming mga nasa Pamantasan ng mga silabus ng kursong aming itinuturo, maliban kung ito ay sa kursong Filipino, ay dapat una muna sa Ingles, at saka lang namin puwedeng isalin sa wikang Filipino? May gahum ba ang Filipino kung ang mas tanggap na midyum para ituro ang kursong “Purposive Communication” ay ang wikang Ingles? May gahum ba ang Filipino kung hindi ito ang default na wika? At may gahum ba ang isang wikang ang mas lantad na pananaw ay balakid ito sa pagsulong ng ating ekonomiya, at isang sagka para tayo ay malayang makisama sa agos ng globalisasyon at integrasyon sa ASEAN? May gahum ba ang Filipino samantalang ginagawa pa nga nating katatawanan kung paano isalin ang teknikal na terminong “square root”? Walang gahum ang Filipino, kahit ito ang wikang Pambansa. Lagi pa rin itong nakikiusap. Lagi pa ring nitong ipinakikipaglaban ang kanyang lugar. At walang gahum ang Tagalog sa Filipino, dahil bukas ang huli upang pagyamanin ito ng iba pang wika. Ang patunay pa nga na walang gahum ang Tagalog ay ang paulit-ulit ko na paggamit ng salitang “gahum” na mula sa Cebuano, bilang salin ng “hegemony.” Dahil dito, hindi dapat kinatatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista ang Filipino na siya raw bubura at lulusaw sa kanilang mga identidad. Ang pangambang ito ay Isang hungkag na pangamba. Mabubura lamang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan. At hindi nangangahulugan na dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala na ang iyong pagkatao. Kung may malay ka dito, at may kontrol ka dito, hindi ito mabubura. Ito dapat ang pinagkakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista, ang pagyamanin ang kani-kanilang mga wika, kultura at kamalayan, kasabay ng pagtangkilik sa pagpalaganap ng isang wikang pambansang sa ngayon ay maaaring ang dominanteng hulmahan ay ang Tagalog, subalit bukas sa pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay mapagyaman at mapayabong. At ito rin ang dahilan kung bakit dapat patuloy na ipagtanggol ang Wikang Filipino, at panatilihing buhay ang kamalayang iugnay ito sa ating paghubog ng ating mga Iba’t-ibang identidad. Ito lamang ang sisiguro na hindi malulusaw ang wika ng mga Pilipino sa mukha ng talamak na pagtangkilik sa Ingles. Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa labang ito, dahil sa iisang panig lang lahat tayo. Malinaw na kapag mawalan ng lugar ang wikang Filipino sa pagbubuo ng kamalayang pambansa, mawawalan din ng lugar ang mga wikang rehiyonal na makapag-ambag sa kabuuan ng kamalayang ito. Sa isang sistemang global, mawawala at lalamunin tayo sa ating pagkawatak-watak. Sa kalaunan, hindi naman talaga ang Ingles ang kaaway. Hindi dahil ginagamit ang Ingles ay mabubura na ang Filipino. Ang kaaway ay ang mga puwersang nananahan sa puso at isipan ng maraming Pilipino, na ang iba ay may mga hawak pa nga na posisyon, sa pamahalaan man o sa pamantasan, na lumilikha ng mga balakid at pumipigil sa pagpapanatili ng Filipino sa kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga taong pinipilit papiliin ang Pilipino na mag-Ingles o mag-Filipino, samantalang ang nararapat ay palawakin ang kamalayang Filipino sa mga Pilipino upang kahit matatas tayong magsalita ng Ingles ay mananatili tayong matatas magsalita sa Filipino at kung anumang rehiyonal nating mga wika.

Sa nakalipas na maraming taon, alam natin na wikang Ingles ang ginagamit na midyum sa pagtuturo ng matematiks sa lahat ng antas ng pag-aaral. Kahit na noong nagkaroon ng direktiba ang DECS tungkol sa angkop na midyum para sa pagtuturo ng iba't ibang asignatura, Ingles pa rin ang napiling midyum para sa pagtuturo ng matematiks. Subalit hanggang sa ngayon, wala pa ring resulta ng pananaliksik na nagpapatunay na talagang dapat na Ingles ang gamiting midyum sa matematiks at wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng matematiks; gayundin, wala ring matibay na batayan na kapag Ingles ang gamit sa pagtuturo, maganda ang atityud ng mga mag-aaral sa matematiks.

Ngayon, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga guro at mga mananaliksik ay ang posibleng epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sa karanasan ng mananaliksik na ito at ng ilan pang guro sa matematiks, kung dumarating ang mga pagkakataong di maunawaan ng mga magaaral ang kanilang aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito ay ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino. Dahil dito medaling naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin, bukod sa nagiging kawili-wili pa sa kanila ang pag-aaral ng matematiks.
Bottom of Form

Similar Documents

Free Essay

Essay

...Sgbjofdbjkfdb Ab Adbn Fdbn Anfdb A Nbf Nb Adnb dfb fgbgfh f fdgd fbear hg hntyj tyh gb stn sfgb ear yy n fgga reg fvaerh uj b fg ear g verv arebt srhty bd fba ergs vt yn fdbfjk dfjkb k bk fdjgldfl ug reiug reg jkreg rejkg jkeb vdjfb sjrekgb r rjg bjkgb fdb rejbg br gb re gbfgbjk flbj kjk ulbr lgbgb regb serg bkgjb reg jbg brjek gb gjg j;kdf jlk jlskjklsgbj klfv jgfj sjgk gfjkn lgfjg jklfg jgfjkbsfgjkb sjkgb jjfvgfjk sgfjk sjvk fsgj knsltbj kbnk jg ljgffjlsfvjk jkfsg sf jfg j gfj jgf jlskgf ljslg Gkgfngk g fg gfjk fj jg jgf klfgjk gj gj gj jfg lkgf jlsfgkj ljkg jkg gfjk gfj gj jgf jklgj gj j gkjgfj fl gjlgfjlgf l gjk f j vjg jg jfg jgf jfg jgf jlfg j fgjfgj gfjl jlkfg gfj jgf gfj gf jg gjfk lgf jljk j gjg j gjg jgf jgj b g j jggfjjkgf jfkj kj jgf jgf jlgf lfgjgkj g j gjg b jkb jkbm ngb ngf mgjkgbn gfjkg k;kjg lgfjkgjkg jklgj jklgfjkgf jkf xljgxjlvc lgx jfd;j gj gkh vdh fdzh hfhff f hfd hfdh fhhjfhkzdf h fdh fd h hzdf hf h fh fhfhdhfjd jh hfhfd hk jh fdhjfn jnfdx hfhkhfd k dhffdhjdk fjh fhfjk fjkd hcjhfdkfj jfhf fjh dfhh khfd...

Words: 271 - Pages: 2

Free Essay

Maths

...STUDENT NOTES SERIES SMA6014 - Modern Algebra and Geometry Norashiqin Mohd Idrus Shahrizal Shamsuddin Department of Mathematics, Faculty of Science and Mathematics, Universiti Pendidikan Sultan Idris (Semester 1 Session 2014/2015) Contents 1 Fundamentals 1.1 History of Algebra . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1.1.1 1.1.2 1.2 1.2.1 1.2.2 1.2.3 1.3 1.3.1 1.3.2 1.3.3 1.3.4 1.3.5 1.4 1.5 1.4.1 1.5.1 1.5.2 1.5.3 1.5.4 1.6 1.6.1 1.6.2 1.6.3 Classical Algebra . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Modern Algebra . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Logic . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1 1 1 1 1 2 3 6 7 7 8 8 9 9 Logic and Proof . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Methods of Proof . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Proof by Induction . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Basic Notion . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Subsets . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Operations on Sets . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Power Sets . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Cartesian Products . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Sets . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Relations . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ....

Words: 6227 - Pages: 25

Premium Essay

Community Psychology and Public Health

...GENERAL INTRODUCTION AND PROBLEM FORMULATION ANDTHE APPLICATION OF THE QUALITATIVE PROCESS 1.1General introduction and problem formulation Most authors on research methodology stress the importance of pinpoint specific problem/problems, questions or hypothesis/hypotheses as soon as researchable topic has been identified (De Vos, 2005:100). In this document the researcher reported the realities of street hawkers on street corners. According to Lund, Nicholson and Skinner (2000:10) “people who work in the informal economy are those who earn an income outside the formal economy. The researcher chooses to investigate this topic because so little is known. The researcher noticed that poverty is one of the causes that lead people to be street hawker. She also discovers that working as a street hawker is challenging unstable for example sometimes street hawkers experience harassment or abuse. She also discovers that the term “street vendors” in English is typically used interchangeably with “street trader” “hawker” and “Peddler” (Inclusive cities.2012). The researcher also noticed that street hawkers contribute to the economy of the country. For example they alleviate poverty by treating their own jobs. The researcher used qualitative research approach to investigate the topic. Qualitative research approach is when the researcher attempt to study human action from perspective of the social actors...

Words: 12765 - Pages: 52

Free Essay

There Once Was a Young Wild Pony

...a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z aa ab ac ad ae af ag ah ai aj ak al am an ao ap aq ar as at au av aw ax ay az ba bb bc bd be bf bg bh bi bj bk bl bm bn bo bp bq br bs bt bu bv bw bx by bz ca cb cc cd ce cf cg ch ci cj ck cl cm cn co cp cq cr cs ct cu cv cw cx cy cz da db dc dd de df dg dh di dj dk dl dm dn do dp dq dr ds dt du dv dw dx dy dz ea eb ec ed ee ef eg eh ei ej ek el em en eo ep eq er es et eu ev ew ex ey ez fa fb fc fd fe ff fg fh fi fj fk fl fm fn fo fp fq fr fs ft fu fv fw fx fy fz ga gb gc gd ge gf gg gh gi gj gk gl gm gn go gp gq gr gs gt gu gv gw gx gy gz ha hb hc hd he hf hg hh hi hj hk hl hm hn ho hp hq hr hs ht hu hv hw hx hy hz ia ib ic id ie if ig ih ii ij ik il im in io ip iq ir is it iu iv iw ix iy iz ja jb jc jd je jf jg jh ji jj jk jl jm jn jo jp jq jr js jt ju jv jw jx jy jz ka kb kc kd ke kf kg kh ki kj kk kl km kn ko kp kq kr ks kt ku kv kw kx ky kz la lb lc ld le lf lg lh li lj lk ll lm ln lo lp lq lr ls lt lu lv lw lx ly lz ma mb mc md me mf mg mh mi mj mk ml mm mn mo mp mq mr ms mt mu mv mw mx my mz na nb nc nd ne nf ng nh ni nj nk nl nm nn no np nq nr ns nt nu nv nw nx ny nz oa ob oc od oe of og oh oi oj ok ol om on oo op oq or os ot ou ov ow ox oy oz pa pb pc pd pe pf pg ph pi pj pk pl pm pn po pp pq pr ps pt pu pv pw px py pz qa qb qc qd qe qf qg qh qi qj qk ql qm qn qo qp qq qr qs qt qu qv qw qx qy qz ra rb rc rd re rf rg rh ri rj rk rl rm rn ro rp rq rr rs rt ru rv rw rx ry rz sa sb sc sd se sf sg sh si sj sk sl sm sn so...

Words: 29642 - Pages: 119

Free Essay

Linear Algebra

...SCHAUM’S outlines SCHAUM’S outlines Linear Algebra Fourth Edition Seymour Lipschutz, Ph.D. Temple University Marc Lars Lipson, Ph.D. University of Virginia Schaum’s Outline Series New York Chicago San Francisco Lisbon London Madrid Mexico City Milan New Delhi San Juan Seoul Singapore Sydney Toronto Copyright © 2009, 2001, 1991, 1968 by The McGraw-Hill Companies, Inc. All rights reserved. Except as permitted under the United States Copyright Act of 1976, no part of this publication may be reproduced or distributed in any form or by any means, or stored in a database or retrieval system, without the prior written permission of the publisher. ISBN: 978-0-07-154353-8 MHID: 0-07-154353-8 The material in this eBook also appears in the print version of this title: ISBN: 978-0-07-154352-1, MHID: 0-07-154352-X. All trademarks are trademarks of their respective owners. Rather than put a trademark symbol after every occurrence of a trademarked name, we use names in an editorial fashion only, and to the benefit of the trademark owner, with no intention of infringement of the trademark. Where such designations appear in this book, they have been printed with initial caps. McGraw-Hill eBooks are available at special quantity discounts to use as premiums and sales promotions, or for use in corporate training programs. To contact a representative please e-mail us at bulksales@mcgraw-hill.com. TERMS OF USE This is a copyrighted work and The McGraw-Hill Companies,...

Words: 229129 - Pages: 917