Free Essay

Jijiji

In:

Submitted By jijiji
Words 1169
Pages 5
Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po!
Si Eden ay isang mapagmahal, magiliw at masipag na ina. Napangasawa niya si Perry na pumayag na ituring na din bilang mga anak ang anim na ampon at ang kanyang tunay na anak. Naging maswerte siya sa kanyang negosyo na naging daan upang manirahan sila sa Maynila. Ang akala nila ito na ang daan sa pagbabagong buhay, ngunit dito pa lamang nagsisimula, nalugi ang negosyo ni Perry, hindi niya malaman ang gagawin kaya hindi muna siya nagpakita sa kanyang pamilya. At dahil sa problemang ito, nagkaroon ng malaking dagok ang buhay ng pamilya at masusubok ang tatagan ni Eden. Kawalan ng pera, paglayo ng loob ng mga magkakapatid sa isa’t isa, mayroong nais hanapin ang tunay na pamilya na magbubunga ng isang komplikado at madramang pangyayari. Magiging masaya pa kaya ang pamilya ni Eden? Mabubuo pa kaya ito? Sino ang aalis at mananatili sa tabi ni Eden? Matutumbasan ba ang pagmamahal na ibinigay ni Eden sa kanyang mga anak sa huli? A-B-A-N-G-A-N.
Direktor: Joel Lamangan
Batay sa sinulat nina: * Suzette Doctolero
R.J. Nuevas
Tagpuan:
* Sa isang simpleng bahay kubo sa probinsya
Pangunahing Tauhan: * Maricel Soriano gumaganap bilang Eden ang nanay nina Rose, Lily, Dahlia, JR, Violet at Daisy * Eric Quizon gumaganap bilang Perry ang asawa ni Eden at tatay ni Rose * Eugene Domingo gumaganap bilang Marang ang matalik na kaibigan ni Eden * Gloria Romero gumaganap bilang Lola Ida na nanay ni Eden * Shaina Magdayao gumaganap bilang Rose ang kaisa-isang tunay na anak nina Eden at Perry * Marian Rivera gumaganap bilang Lily unang inampon at kinaiingitan ni Rose * Yasmien Kurdi gumaganap bilang Dahlia nangangarap na maging isang “superstar” balang araw * Jiro Manio gumaganap bilang JR nagiisang lalaki na inampon ni Eden * Isabella De Leon gumaganap bilang Jasmine pang-apat sa mga inampon at kapatid n Violet * Rita Iringan gumaganap bilang Violet tunay na kapatid ni Jasmine at pang-apat na inampon * Sam Bumatay gumaganap bilang Daisy ang pinakabunso at huling inampon ni Eden

Tema: * Ito ang pelikulang hindi lamang pang-drama ang makikita kundi may kahati pang komedya. Lahat ng pangyayari ay tumatalakay at tiyak na pang-pamilya.
Buod:
Sa isang simpleng bahay-kubong pinaliligiran ng mga panamin at mga alagang hayop naninirahan si Eden na kakikitaan ng pagiging masiyahin ngunit pinagbubulungan bilang isang matandang dalaga. Dahil sa ideya ni Lola Ida na makita ang kanyang anak na kumilos na parang isang ganap na magulang at swertihin sa buhay, ibinigay niya si Lily, ang unang inampon, sa buhay ni Eden. Noong una ayaw pa ni Eden na kupkupin ang bata ngunit napagisipan din niyang alagaan na lamang ito. Dahil sa kahit papaano ay lumago ng kaunti ang kanyang negosyo sa palengke, napagtanto nila na swerte nga pag-aampon. Isang araw, nakarinig na lamang sila ng isang batang umiiyak, iniwan ito sa bahay kubo at pinangalanang Dahlia. Upang maging buo ang pamilya, naisipan nina Eden at Marang ang makipag-blind date. Parang naging literal ang nangyari dahil doon niya nakilala si Perry na isang bulag. Nagkapalagayan sila ng loob at sa huli ay napagdesisyunang magisang dibdib. Doon nabuo si Rose ang kanilang tunay na anak. Makalipas ang ilang taon, kaarawan ni Rose, nalaman na nila Lily at Dahlia na sila ay inampon lamang at noong araw ding iyon natagpuan nila si Junior. Hindi pa pala ito ang huli, pinakiusapan ni Loida si Eden na kupkupin ang kanyang dalawang anak na si Jasmin at Violet dahil wala na siyang kakayahan upang palakihin ang magkapatid. Kasabay nito, dumating naman si Marang na may dalang isang sanggol at sinabi niya na para ito kay Eden, pinangalanan nila itong Daisy na siyang pinakahuling dumating sa buhay ni Eden. Naging maswerte si Perry sa kanyang negosyo, nakapagpundar siya ng bahay at kotse at nadala pa niya ang kanyang pamilya sa Maynila. Ngunit ang mga swerteng natamasa nila ay panandalian lamang. Tinakbuhan si Perry ng kanyang kasosyo na naging dahilan upang mawala ang kanilang ari-arian. Nahanap ni Loida ang kinaroroonan ni Eden, nakiusap ito na kunin na sina Jasmin at Violet, sa una ayaw ni Eden na ibigay ang mga ito ngunit ng pinili ng magkapatid na bumalik sa kanyang tunay na ina, walang nagawa si Eden kundi ang ibalik na lamang ang mga ito kay Loida. Sa araw ng pagtatapos ni Rose sa mataas na paaralan, nahuli si Eden sa kadahilan ng nagnakaw si Junior at ito ay nasa prisinto ngayon. Nagtampo si Rose at nasabing hindi siya mahal nito at mas priyoridad ang mga ampon kaysa sa kanya, sa huli nagka-ayos din ang mag-ina. Dahil wala na silang mapupuntahan ninais nilang bumalik na lamang sa probinsya. Kinabukasan noon, natagpuan na lamang ni Junior ang kanyang lola Ida na nalagutan na ng buhay. Dahil sa pangungutang sa bangko , napagpatayo ulit si Eden ng isang maliit na negosyo. Habang ang lahat ay abala sa paghahain, may isang matanda na dumating na nagpakilala bilang lola ni daisy, nais nitong kunin si daisy upang magkaroon ng kasama at ng sa gayon ay makilala na din ang kanyang apo. Matapos nilang bisitahin si Daisy, nadaanan ni Eden at Marang si Junior na naglalaro ng bilyar at umiinom, nagkasagutan ang dalawa dahil sinabihan ni Junior si Eden na walng kwenta dahil ibinabalik niya ang kanyang mga kapatid. Naiisipan ni Junior na bumalik sa kanyang tunay na ina ngunit wala na siyang lugar doon dahil maging ang kanyang tunay na ina ay marami na ding anak na pinapakain. Upang mahanp ang sarili, minabuti ni Junior pumunta na lamang sa Maynila at manirahan sa kanyang kaibigan. Sa kabilang banda, nalaman ni Eden na hindi pumapasok sa paaralan si Dahlia dahil nagtatrabaho ito bilang isang modelo, dahil siya daw ay masyadong pang bata hindi pa siya pwede, pero nakiusap si Dahlia, pumayag naman ang taga-kuha ng litrato kapalit ng paghubad ni Dahlia, naabutan ito ni Eden at nasampal ang anak. Si Marang naman ay ikakasal na at maninirahan pagkatapos sa Maynila. At ang huli si Rose na lumayas dahil napagalitan ng ina dahil mayroon siyang bagsak saisang asignatura. Hindi matanggap ni Eden na pati ang kanyang tunay na anak ay nawala na din sa kanyang pangangalaga. Sa ganap na ito, si Lily na lamang ang tanging natira sa kanya at nangakong hinding-hindi gagaya sa kanyang mga kapatid at hindi magagawang iwan ang ina. Naging mabilis ang pangyayari, nang matutlog na si Eden habang yakap ang litrato ng buong pamilya, nakarinig siya ng kumakanta ng “silent night” natuwa siya ng makita na ito pala ay ang kanyang mga anak, humingi ito ng tawad sa kanya. Nalaman ni Eden na nagtatrabaho na si junior habang nag-aaral. Si Dahlia naman ay natupad ang pangarap na maging artista. Si Rose at Liliy ay nagka-ayos na sa wakas. Dumating din si Perry sapagkat hinarap na niya ang mga taong mayroon siyang atraso. Sa huli, dahil sa lahat ng nangyari nagging buo ulit ang kanilang pamilya at masayang nagdiwang ng Pasko.
http://www.wikihow.com/Write-a-Movie-Review

Similar Documents

Premium Essay

Igbo Dictionary

...onaryDictionary of Ònìchà Igbo 2nd edition of the Igbo dictionary, Kay Williamson, Ethiope Press, 1972. Kay Williamson (†) This version prepared and edited by Roger Blench Roger Blench Mallam Dendo 8, Guest Road Cambridge CB1 2AL United Kingdom Voice/ Fax. 0044-(0)1223-560687 Mobile worldwide (00-44)-(0)7967-696804 E-mail R.Blench@odi.org.uk http://www.rogerblench.info/RBOP.htm To whom all correspondence should be addressed. This printout: November 16, 2006 TABLE OF CONTENTS Abbreviations: ................................................................................................................................................. 2 Editor’s Preface............................................................................................................................................... 1 Editor’s note: The Echeruo (1997) and Igwe (1999) Igbo dictionaries ...................................................... 2 INTRODUCTION........................................................................................................................................... 4 1. Earlier lexicographical work on Igbo........................................................................................................ 4 2. The development of the present work ....................................................................................................... 6 3. Onitsha Igbo ...................................................................................................

Words: 129398 - Pages: 518