...Isang pagsusuring pampelikula ni Marilou Diaz-Abaya sa pagdulog na historikal- bayograpikal I. Pamagat Sabi nga ng mga batikan nating direktor sa industriya gayundin sa larangan ng paggawa ng mga pelikula’t dokumentaryo, ang pamagat o ang titulo nito ang siyang pangunahin at huling elemento na kinakikitaan ng malaki at masusing pagkikritiko upang mabigyan ito ng mahusay na pagpapahalaga. Dito rin nakasalalay ang kabuuan ng istorya at hugis nito upang maihatid sa mga manunuod ang tunay o awtentikong pagpapakahulugan nito. Samakatwid, sa pelikulang pinanghawakan ni Abaya, ang “José Rizal” ay isang makapangyarihan at maipluwensiyang obra sapagkat matapang at puro ang intensyong ginamit nito upang mahikayat ang mga tao sa panunuod lalo na’t maraming mga mananaliksik at Rizalista ang naglalayong mas makilala ang pambansa nating bayani. Mabuti na lamang at patuloy pa rin ang pag- usbong ng mga ganitong direksyon sapagkat mas maimumutawi sa ating mga Pilipino ang tungkol sa mga bagay- bagay na siyang bumubuhay sa ating kasaysayan. II. Paksang Diwa Dito naipakita ang buhay ng ating Rizal gayundin ang relasyon nito sa kaniyang mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Maliban rito ay napaisantabi rin ang mga pangarap niya para sa bansa, ang pagsasakripisyo niya para sa taong bayan, ang padungis nito sa katauhan para sa pagmamahal at sa pag- iwan nito sa Inang bayan at pamilya para sa edukasyon, karangalan at pagbuo ng isang lipi na maglalayong pakawalan ang bansa...
Words: 3721 - Pages: 15