Free Essay

Journal Field Study2

In:

Submitted By gian1997
Words 2142
Pages 9
Dyurnal Bilang 1
Pebrero 15, 2016
1:00-2:00
Araling Panlipunan
Ikawalong taon- Masikap

Ito ang unang araw ng aking pag-oobserba sa mga mag-aaral ng Maa National High School at naging malugod ang pagtanggap nila sa akin. Inumpisahan ng kanilang student teacher ang klase sa pamamagitan ng pagbati sa mga ito at sinundan ng pagdadasal. Nagkaroon ng pagtatala ng liban sa mga estudyante.

Upang mas maintindihan at may partisipasyon ang mga mag-aaral sa paksang tatalakayin, hinati ang buong klase sa tatlong grupo at binigyan ng kanya-kanyang topik. Ang bawat representante ng grupo ay pupunta sa ibang grupo at tatalakayin ang nakuhang topik hanggang sa matapos ito.

Tinatawag itong moving discussion o jigsaw tungkol sa Ideolohiya, cold war at neo kolonyanismo. Naging madali at maayos ang talakayan dahil sa naturang aktibiti.

Dyurnal Bilang 2
Pebrero 15,2016
2:00-3:00
Araling Panlipunan
Ikawalong taon- Matiyaga

Mainit na pagbati galing sa mga mag-aaral ang sumalubong sa aking pag-pasok sa silid-aralan na ito. Pati rin ang kanilang student teacher ay masiglang binati ang mga mag-aaral.

Dito, hinati ng kanilang student teacher ang klase sa limang grupo, bawat grupo ay gagawa ng isang graphic organization tungkol sa sanhi at epekto ng Ideolohiya, Cold war at Neokolonyanismo. Ito ang magsisilbi nilang attendance para sa araw na iyon. Habang abala ang bawat grupo, ang kanilang student teacher ay lumilibot sa bawat grupo upang magabayan ang mga mag-aaral sakaling mayroon silang mga katanungan.

ANNA MARIE R. GONZALES ALLAN CACERES FS2 Student Cooperating Teacher

MARY JEAN A. ABADIA Principal II

Dyurnal Bilang 3
Pebrero 15, 2016
3:00-4:00
Araling Panlipunan
Ikawalong taon- Matapat
Sa sumunod na klase, napansin ko at ng kanilang student teacher na abalang-abala ang mga mag-aaral at magulo ang mga upuan ng mga ito. Kaya’t bago nag-umpisa pinaayos muna ang kanilang mga upuan at nagumpisang mag dasal.
Tinalakay ng kanilang student teacher ang tungkol sa Ideolohiya, Cold war at,Neokolonyalismo. Ang naganap na talakayan ay hinda naging pangkaraniwan sapagkat hinasa nito ang pagiging aktibo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong sa nasabing topik. Napagtanto ko na ang partisipasyon ng mga mag-aaral ay nakakabuti upang mas maunawaan ng mag-aaral ang itinuturo ng guro.

Dyurnal Bilang 4
Pebrero 18, 2016
1:00-2:00
Araling Panlipunan
Ikawalong taon- Masikap
Hindi maiiwasan ang mga maiingay na mag-aaral, subait dahil sa disiplinang ipinakita ng kanilang student teacher naging mabisa ang kaayusan ng mga mag-aaral sa silid-aralan na ito.
Inatasan ng kanilang student teacher ang sekretarya ng klase na sulatin sa pisara ang nakahandang buod tungkol sa unang digmaang pandaigdig. Ito ang magsisilbi nilang gabay upang mayroon silang mapag-aralan para sa ikatlong pagsusulit at para sa gagawing summative test.
Habang nagsusulat ang mga mag-aaral ang kanilang student teacher ay tinitingnan kung sumusunod o sumusulat nga ba ang mga mag-aaral.

ANNA MARIE R. GONZALES ALLAN CACERES FS2 Student Cooperating Teacher

MARY JEAN A. ABADIA Principal II

Dyurnal Bilang 5 Pebrero 18, 2016
2:00-3:00
Araling Panlipunan
Ikawalong taon- Matiyaga

Sa sumunod na klase, napansin ng kanilang student teacher na maraming nagkalat na basura sa buong paligid. Kaya’t bago inumpisahan ang klase pinapulot muna nito ang bawat mag-aaral ng basura. Gaya ng sa naunang klase, pinasulat ng kanilang student teacher ang mga mag-aaral ng kanyang nakahandang buod tungkol sa Unang Digmaang Pandaidid para sa darating na ikatlong eksaminasyon at para sa summative test. Ngunit marami parin sa mga ito ang nagbalewala sa sinabi ng guro sa kabila ng panghihimok nito. Sa huli pinagsabihan ng kanilang guro ang mga mag-aaral na sila lang din ang maghihirap sa darating na pagsusulit.

Dyurnal Bilang 6
Pebrero 18, 2016
3:00-4:00
Araling Panlipunan Ikawalong taon- Matapat Sa panghuling klase ng kanilang student teacher, kakaunti lamang ang mga mag-aaral na aking nadatnan, iyon pala ay namimili sa kanilang school canteen at ang iba ay umiihi sa labas, kaya’t sa kanilang pagdating natapos na ng guro ang pagcheck sa attendance kaya namarkahan silang late. Binigyan ng biglaang pagsusulit ang mga mag-aaral kaya’t laking gulat ng mga ito. Pinakuha nito ng kalahating papel ang mga mag-aaral at pinasulat kung ano ang kanilang natutunan sa talakayang naganap kahapon. Pagkatapos ay ipinagpatuloy nito ang pagtatalakay tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng pagsusulit ay ipinasa nila sa guro ang kanilang ginawa at nagtapos ang araw na may natutunan ang bawat estudyante.

ANNA MARIE R. GONZALES ALLAN CACERES FS2 Student Cooperating Teacher

MARY JEAN A. ABADIA Principal II

Dyurnal Bilang 7
Pebrero 23, 2016
1:00-2:00
Araling Panlipunan
Ikawalong taon- Masikap

Sa araw na ito nagreview ang mga mag-aaral para sa darating na ikatlong eksaminasyon. Sa tulong ng kanilang guro isa-isang pinasagutan ang aktibiti na may konseptong Nais ko, Hulaan mo na ginamit sa summative test. Naging madali ang pagrereview dahil aktibong sumagot ang mga mag-aaral at naging maayos din ito dahil nakikinig at naging tahimik ang mga ito habang may sumasagot. Sa pamamagitan nito, malaki ang posibilidad na makakuha ang mga mag-aaral ng malalaking marka sa ikatlong eksaminasyon dahil sa ginawang aktibiti ng guro.

Dyurnal Bilang 8
Pebrero 23, 2016
2:00-3:00
Araling Panlipunan
Ikawalong taon- Matiyaga

Sa araw na ito, ako ay pumasok sa pangkat matiyaga sapagkat walang klase ang aking cooperating teacher sa oras na ito. Mga bagong mukha, ugali, at istratehiya na naman ang aking nasaksihan. Dito, ang mga mag-aaral ay nagkaroon pangkatang gawain. Bawat grupo ay pinasagutan ng aktibiti na may konseptong Nais ko, Hulaan mo.. Lahat ng miyembro ng bawat grupo ay seryosong-seryoso habang ginagawa ito. Pagkatapos ng ilang minutong ibinigay sa kanila, pinagpresenta ang bawat at nagbitaw rin ito ng mga ilang katanungan.

ANNA MARIE R. GONZALES ALLAN CACERES FS2 Student Cooperating Teacher

MARY JEAN A. ABADIA Principal II

Dyurnal Bilang 9
Pebrero 23, 2016
3:00-4:00
Araling Panlipunan
Ikawalong taon- Matapat Sa aking pagpasok sa silid aralan na ito, maiingay, labas masok na mag-aaral at maraming mga magkalat na gamit at upuan ang agad kong napansin at pati na rin ang kanilang student teacher. Kaya’t pinaayos muna ng guro ang mga nagkalat na gamit at pinaupo ang mga mag-aaral. Nagkaroon ng review ang klaseng ito para sa darating na ikatlong eksaminasyon, pinabasa at pinasagutan ng kanilang guro ang aktibiti na may konseptong Nais ko ,Hulaan mo ang mga test questionnaire na ginamit sa summative test. Subalit hindi ito naging madali sapagkat ang ibang mag-aaral ay hindi nakikinig at abala sa pakikipag-usap sa katabi.

Dyurnal Bilang 10
Marso 3, 2016
1:00-2:00
Araling Panlipunan Ikawalong taon- Masikap Sa aking pagpasok sa klase ni G. Villanueva, ang kanilang student teacher ay nsa kalagitnaan at abalang-abala sa pagkuha ng mga liban sa klase. Marami ang lumiban sa klaseng ito, kaya’t malaki ang panghihinayang ng kanilang student teacher dahil magkakaroon sila ngayon ng review para sa eksaminasyon. Puspusan ang paghahandang ibinibigay ng bawat guro at mga student teacher para maturuan at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral sa pagdidiskas tungkol sa Nasyonalismo at Imperyalismo upang sa darating na eksaminasyon ay mayroong maisagot ang mga ito at upang hindi masayang ang panahon at oras na kanilang iginugol.

ANNA MARIE R. GONZALES ALLAN CACERES FS2 Student Cooperating Teacher

MARY JEAN A. ABADIA Principal II

Dyurnal Bilang 11
Marso 3, 2016
2:00-3:00
Araling Panlipunan Ikawalong taon- Matiyaga Mga bagong mukha ang aking nakasalamuha sa aking pag sit in sa pangkat mactan. Kapansin-pansin na magkaibang-magkaiba ang mga mag-aaral sa ikapito at ikawalong baitang sapagkat makukulit at maiingay ang klaseng aking pinasukan, samantala sa ikawalong baitang mayroon na itong mga disiplina sa sarili at marunong sumunod sa mga sinasabi ng kanilang guro. Dahil papalapit na ang ikatlong eksaminasyon, puspusan ang paghahanda ng mga guro at ang mga student teacher, kaya’t nadatnan ko ang pagrereview ng mga mag-aaral tungkol sa Nasyonalismo at Imperyalismo na siya namang seneryoso ng mga ito. Halatang determinado na makakuha ng malalaking marka sa eksaminasyon. Dyurnal Bilang 12
Marso 3. 2016
3:00-4:00
Araling Panlipunan Ikawalong taon- Matapat Bago inumpisan ang pagrereview sa mga mag-aaral, pinapulot at pina-ayos muna ng kanilang student teacher ang mga upuang nakakalat at pinapasok ang mga mag-aaral na naglalaro sa labas. Pagkatapos ay mataimtim silang nagdasal sa diyos. Dito, nagkaroon ng pagsusulit bilang isang review para sa ikatlong eksaminasyon tungkol sa Nasyonalismo at Imperyalismo. Marami sa mga mag-aaral ang malaki ang nakuhang marka subalit mayroon din namang nakakuha ng maliliit na marka. Umaasa ang mga guro at ang mga student teacher na malaki ang makukuhang marka ng mga mag-aaral upang hindi masayang ang kanilang paghihirap.

ANNA MARIE R. GONZALES ALLAN CACERES FS2 Student Cooperating Teacher

MARY JEAN A. ABADIA Principal II

Dyurnal Bilang 13
Marso 4, 2016
1:00-2:00
Araling Panlipunan Ikawalong taon- Masikap Sa oras na ito nadatnan ko ang mga mag-aaral na abalang-abala sa paglilinis at pagliligpit ng kanilang mga gamit, kaya’t laking tuwa at papuri ang kanilang tinanggap mula sa kanilang student teacher. Inihayag ng kanilang student teacher ang resulta ng kanilang summative test at halos kalahati ng buong klase ang nakakuha ng malalaking marka, kaya’t laking tuwa ng lanilang student teacher na kahit papaano ay may natutunan ang mga mag-aaral sa kanila. Pagkatapos ay isinagawa ang pagkuha ng frequency in error upang malaman kung saan sila nagkamali.

Dyurnal Bilang 14
Marso 4, 2016
2:00-3:00
Araling Panlipunan Ikawalong taon- Matiyaga Kagaya ng sa naunang klase, ipinaalam ng kanilang student teacher sa kanyang mag-aaral ang mga nakuhang marka mula sa naganap na summative test. Ngunit marami sa kanila ang nakakuha ng maliliit na marka, kaya’t malaki ang pag-aalala ng kanilang guro sa magiging resulta ng kanilang ikatlong eksaminasyon. Kasunod a sa pagpapatuloy sa diskasyon ng militarism at pagbuo ng mga alyansa nagpatuloy kung saan ang mga estudyante ay matiyagang nakikinig. Pinaaalahanan ng kanilang student teacher ang mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti at alahanin ang mga itinuturo nila. Paalala rin nila ang pagiging tapat sa sarili at sa ibang tao.

ANNA MARIE R. GONZALES ALLAN CACERES FS2 Student Cooperating Teacher

MARY JEAN A. ABADIA Principal II

Dyurnal Bilang 15
Marso 4, 2016
3:00-4:00
Araling Panlipunan Ikawalong taon- Matapat Sa panghuling klase na ito, marami ang lumiban sa klase. Nang tinanong ng kanilang student teacher ang mga mag-aaral, kung bakit marami ang lumiban ang sabi ay umuwi na ito maaga sa di malamang dahilan. Sa kabila ng kakulangan sa mga mag-aaral, ipinagpatuloy parin ng kanilang guro ang diskasyon tungkol sa militarismo at pagbuo ng mga alyansa habang ang mga mag- aaral ay nakikinig sa kanilang guro. Napagtanto ko na sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa atin dapat huwag tayong huminto sa pagbibigay ng kaalaman sa ating mga mag-aaral. Dyurnal Bilang 16
Marso 7, 2016
10:45-11:45
Araling Panlipunan Ikawalong taon- Mactan Maagang inumpisahan ng kanilang guro ang klase, ngunit bago pa ito,pinapulot muna niya ang mga bata ng basura upang mabawasan ang mga basurang nakakalat. Nagsimula sa dasal at pagkatapos ay nagtala ng liban. Sunod ay ang paglalahad ng mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdid. Hindi nakapag-aral ang mga estudyante kaya;t binigyan sila ng sampung minuto upang balikan ang mga natalakay at basahin ang aklat. Nagumpisa ang pagsusulit. Matapos ay maraming nakapasa dahil sa oras na ibinigay ng kanilang guro sa mga mag-aaral. Nararapat lamang na tayo ay makinig at mag-aral ng mabuti upang tayo ay makapasa at makakuha ng matatas na puntos.

ANNA MARIE R. GONZALES ALLAN CACERES FS2 Student Cooperating Teacher

MARY JEAN A. ABADIA Principal II

Dyurnal Bilang 17
Marso 7, 2016
2:00-3:00 PM
Araling Panlipunan Ikawalong taon- Bagong- bayan Mga matatamis na ngiti ang aking nadatnan sa pangkat na ito. Subalit napalitan ng sabihin ng kanilang student teacher na magkakaroon ng pagsusulit. Halatang hindi nakapag-aral ang mga ito. Pinatago ng kanilang guro ang mga aklat at kwaderno ng mga mag-aaral at tanging papel at ballpen lamang ang nasa mesa.at tulad ng inaasahan karamihan sa kanila ay mabababa ang nakuha. Kaya’t bilang parusa inatasan niya ang mga mag-aaral na may mabababang nakuha na magbahagi ng talento. Ito ang panghuling pangkat na aking oobserbahan sa pagtatapos ng aking FS2. Sinulit ko na ang bawat sandali na makasama ang mga mag-aaral at ganon din sila sa akin. Sa aking pag-oobserba sa paaralang ito, naging maganda ang estratehiyang ginamit ng guro sapagkat nahahasa nito ang mga kakayahan ng mga mag-aaral at kasabay nito ay mayroon din silang mga natututunan.

ANNA MARIE R. GONZALES ALLAN CACERES FS2 Student Cooperating Teacher

MARY JEAN A. ABADIA Principal II

Similar Documents

Premium Essay

Yeasy Fermentation

...451728 cLaughlin et al.American Sociological Review 2012 ASRXXX10.1177/0003122412451728M Sexual Harassment, Workplace Authority, and the Paradox of Power American Sociological Review 77(4) 625­–647 © American Sociological Association 2012 DOI: 10.1177/0003122412451728 http://asr.sagepub.com Heather McLaughlin,a Christopher Uggen,a and Amy Blackstoneb Abstract Power is at the core of feminist theories of sexual harassment, although it has rarely been measured directly in terms of workplace authority. Popular characterizations portray male supervisors harassing female subordinates, but power-threat theories suggest that women in authority may be more frequent targets. This article analyzes longitudinal survey data and qualitative interviews from the Youth Development Study to test this idea and to delineate why and how supervisory authority, gender nonconformity, and workplace sex ratios affect harassment. Relative to nonsupervisors, female supervisors are more likely to report harassing behaviors and to define their experiences as sexual harassment. Sexual harassment can serve as an equalizer against women in power, motivated more by control and domination than by sexual desire. Interviews point to social isolation as a mechanism linking harassment to gender nonconformity and women’s authority, particularly in male-dominated work settings. Keywords inequality, gender, power, sexual harassment The term sexual harassment was not coined until the 1970s (Farley 1978), but formal...

Words: 13434 - Pages: 54

Free Essay

Role of Social Media in Promoting Religious Extremism

...RADIMED Explaining and understanding the role of exposure to new social media on violent extremism. An integrative quantitative and qualitative approach Summary en kwantitatieve benadering/ Commissioners Promoter/coordinator Co-promoters Researchers Belspo FOD Binnenlandse zaken – Directe algemene veiligheid Lieven PAUWELS - UGent Fabienne BRION - UCL Brice DE RUYVER – Ugent Marleen EASTON - Ugent Nele SCHILS – Ugent Julianne LAFFINEUR - UCL 1 1. Introduction Research problem Worldwide, both policy and research pay a lot of attention to extremism, and radicalization as the process leading to extremism (Van de Linde & Rademaker, 2010). Scholars and policymakers increasingly focus on unravelling the processes of radicalisation, hoping to prevent the violent radicalisation of their own youth and eventually political violence (Van de Line & Rademaker, 2010). The Internet and its constant technological developments in particular are causes of concern (Conway, 2012). Recently, we have seen a boom in new social media (NSM) and other web 2.0 applications, bearing a large potential for communication and networking (Conway, 2012). These developments have transformed the world in an online village, with every offline actor being represented online. It is therefore no surprise that criminals, radicals, violent extremists and terrorists also use this medium to their advantage (Benschop, 2006; Stevens & Neuhmann, 2009; Weimann, 2004). By means...

Words: 15802 - Pages: 64

Premium Essay

Tax Case Law Employed V Self-Employed

...Second career Self-employment and becoming an entrepreneur as a second career for dependent employees The responsibility for the contents of this report lies with EIM. Quoting numbers or text in papers, essays and books is permitted only when the source is clearly mentioned. No part of this publication may be copied and/or published in any form or by any means, or stored in a retrieval system, without the prior written permission of EIM. EIM does not accept responsibility for printing errors and/or other imperfections. Contents 1 Theoretical framework 7 1.1 Introduction 7 1.2 The transition process: Heuristical tool 8 1.3 Differences between start-ups: Dependent employee versus other types 10 1.4 Demarcation 11 1.5 Contents of the report 12 2 Entrepreneurship in the EU 15 2.1 Facts and figures 15 2.2 Entrepreneurs in the EU 20 2.3 Previous experience of starting entrepreneurs in the EU 24 3 Synthesis 31 3.1 Introduction 31 3.2 Legal definition of self-employed 31 3.3 General requirements related to start-ups 33 3.4 Financing the start-up of a business 34 3.5 Insolvency and seizure procedures 35 3.6 Social security systems in general 35 3.7 Social security: Unemployment 36 3.8 Social security: Sickness 39 3.9 Social security: Disability 40 3.10 Social security: Medical costs 40 3.11 Social security: Old age 41 3.12 Social...

Words: 106246 - Pages: 425

Premium Essay

Manager

...Learning with Cases INTRODUCTION The case study method of teaching used in management education is quite different from most of the methods of teaching used at the school and undergraduate course levels. Unlike traditional lecture-based teaching where student participation in the classroom is minimal, the case method is an active learning method, which requires participation and involvement from the student in the classroom. For students who have been exposed only to the traditional teaching methods, this calls for a major change in their approach to learning. This introduction is intended to provide students with some basic information about the case method, and guidelines about what they must do to gain the maximum benefit from the method. We begin by taking a brief look at what case studies are, and how they are used in the classroom. Then we discuss what the student needs to do to prepare for a class, and what she can expect during the case discussion. We also explain how student performance is evaluated in a case study based course. Finally, we describe the benefits a student of management can expect to gain through the use of the case method. WHAT IS A CASE STUDY? There is no universally accepted definition for a case study, and the case method means different things to different people. Consequently, all case studies are not structured similarly, and variations abound in terms of style, structure and approach. Case material ranges from small caselets (a few paragraphs...

Words: 239776 - Pages: 960