Sanaysay - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro
2. Layunin ng may akda
Maipaalam ang mga dahilan kung bakit tinatawag na tamad ng mga dayuhan o ng mga Kastila ang mga Pilipino na tamad sa kabila ng mga bagay na ginawa nng ating mga ninuno sa kanila.Mga dahilang siyantipiko at mga katotohanang tayo tayo lamang ang nakakaintindi sa panahong iyon.
3. Kaugnayan ng akda sa buhay ng manunulat
Isinulat ito ni Rizal sa pangalawang pagkakataong pagpatong nya ng Europa. Hinggil sa mga sinasabi ng mga Kastila na paninira nila sa ating mga Pilipino mga pang-iinsulto na mayroong mga maling batayan. Ang pagsasabi nila ng tamad sa ating mga ninun ang pinakarason ni Rizal patungkol dito. Mga pasubali na binigyan ni Rizal ng mga katanggap-tanggap na mga kasagutan.
4. Ipaliwanag ang Sosyo-Pulitika na na ugnayan ng akda sa panahon ng pagkakasulat nito.
Hindi pantay para sa mga Pilipino ang pamumuhay noon dahil na rin sa pananakop. Ngunit, naging malaking parte ang mga akda dahil isa ito sa naging instrumento panglaban sa mga dayuhan. Hindi man halata, nagbigay ito ng lakas ng loob sa mga Pilipino upang lumaban.
5) Paano parin ito nakaimpluwensya sa ating panahon? Magtala ng halimbawa na mangyayari sa ating lipunan.
Dahil sa kakaibang kultura ng Pilipinas na nakita ng mga dayuhan, mali ang pagkakaintindi sa mga gawaan nating mga Pilipino. Ang akdang ito ay nagpapayahayag ng katunayan sa kung ano talaga ang mga Pilipino. Binago nito ang panananaw ng mga dayuhan sa kultura ng mga Pilipino. Mas naintindihan na ang gawaain ng mga Pilipino.
-------------------------------------------------
-------------------------------------------------
“Sa aking mga Kababata”
1.Anyo ng Panitikan
Tula: Ang Tula ay nagmula kay Varsanni Jae I. Solis at nagsasabing ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Ito ay maaaring batay sa emosyon at damdamin ng tao base sa kanyang karanasan.
2. Layunin ng may akda
Ang kapansin pansing hambingan sa tulang ito ay ang paggamit ni Rizal ng ibon sa kalayaan. Kung ang ibon nga naman ay ikinulong, gugustuhin nitong lumaya dahil noon ito ay malaya, tulad ng bayan na dating malaya na noong panahong iyon ay kinocontrol ng mga dayuhan.
Mapapansin din na sinasabi ni Rizal na ang wikang Tagalog ay kapantay din ng iba't ibang wika. Dahil ito ay ibinigay sa atin ng Diyos, tulad ng sinabi na ang lahat ng tao at bagay ay magkakapantaydahil ito ay ginawa ng Diyos. At dahil ginawa ito ng Diyos na malaya, dapat ito ay Malaya at walang sinuman ang may karapatang manghari o mag angkin nito kundi ang Diyos lamang.
Sa ganito ding edad, makikita ang pagmamahal ni Rizal sa bayan, sa pagsabi pa lamang na "Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit pa sa hayop at malansang isda," sa murang edad niyang ito, nandoon na ang pagiging makabayan niya.
3. Kaugnayan ng Akda sa Buhay ng Manunulat
Ang tula sa itaas ay isang patunay na nasa dugo ni Rizal ang pagiging makata at manunulat. Kung bibigkasin ang kanyang akda. Ito ay napakagaan. Sumusunod ito sa mga tuntunin g tradisyonal na anyong tula. Mula pagkabata, naipakita nan i Rizal ang mga talino niiya sa sining na biyaya sa kanya ng Diyos. Sa edad na 5, gumuguhit na siya sa tulong ng kanyang lapis, humuhubog ng magagandang bagay sa luwas o wax.
Sinabing isang araw, nang si Jose ay bata pa, ang bandilang panrelihiyong ginagamit tuwing pista ng Calamba ay lagi na lamang nadudumihan. Bilang tugon sa kahilingan ng alkalde, pininturahan ni Rizal ang bagong bandila ng mga kulay de-langi. Tuwang-tuwa ang taumbayan dahil mas maganda ito kaysa orihinal.
Ang tulang ito ay isinulat ni Rizal noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Masasabing sa ganitong edad, namulat na si Rizal sa kung anong nangyayari sa kanyang paligid. Ang akdang "Sa Aking Mga Kapwa Kabata" ay tungkol sa ibon sa kalayaan. Parang ang bayan na dating malaya na maaari nilang gawin ang mga kagustuhan nila noong di pa na sasakop ng Kastila ang ating bayan. Gustong ipahiwatig ni Rizal na mag tulungan tayo na paangatin ang sarili nating bayan dahil tayo ay may iisang lahi lamang at iyon ay pagiging Pilipino na ibalik ang dating laya ng mga Pilipino noong hindi pa tayo na sasakop ng mga Kastila
4. Ipaliwanag ang Sosyo-Pulitika na na ugnayan ng akda sa panahon ng pagkakasulat nito.
Wala masyadong pagkakaiba ang lipunan noon at sa lipunan ngayon. Ang pag kakaiba lang naman ay nagkakaroon lang tayo ng kalayaan sa ating bansa. Pero sa kasalukuyan, meron paring mga taong naghihirap, matumal at korapsiyon sa gobyerno. At sa lipunan noon, mas mahirap iparating ang mga salita na himukin ang mga Pilipino na lumaban sa mga Kastila dahil noon, kailangan pang itago ang mga gawain ng paghihikayat para hindi mahuli ng mga Kastila.
Pero sa panahon ngayon, madali lang ang pagkakalat ng mga ating salitadahil sa pagkakaroon ng teknolohiya at demokrasiya. Sa lumang panahon rin ay may mga taong walang edukasyon dahil bawal sila mag-aral dahil sa mga Kastila. Pero sa kasalukuyang panahon, halos lahat na ng tao sa lipunan ay nakakaranas ng edukasyon.
5. Paano parin ito nakaimpluwensya sa ating panahon? Magtala ng halimbawa na mangyayari sa ating lipunan.
Kakikitaan ito ng pagtutugma-tugma ng huling pantig ng mga taludtod na hindi pilit ang pagpapantig at hindi rn pilit ang pagtutugmaan. Sa kasalukuyang panahon, maisasabuhay ang mga mensahe ng mga akdasa buhay sa paraan na laging tandaan ang mga ito at gawing inspirasiyon sa pang-araw araw na buhay. Ang isa sa mga pwedeng maisabuhay sa mga natutunan ay dahil sa mga akda ni Rizal ay ang maging makabayan.
Tularan si Rizal na isang makabayan na pinagmamalaki ang pagmamahal sa sariling bayan. Bigyan ng importansiya ang ating mga ginagawa para sa Pilipinas. Bigyan din ng karangalan ang mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Ito ay dahil hindi sila nawalan ng pangarap na hindi na ulit magiging malaya ang Pilipinas.
Tayo lamang ang bansa na gumagamit ng tagalog at dapat itong ipagmalaki.At pinaka-importante sa lahat, dapat ay bigyan natin ng halaga ang ating buhay dahil sa kalagayan na tayo ay maswerte na kumpara sa kalagayan ng mga Pilipino dati. Tayo ay maswerte na dahil sa panahon ngayon, hindi na tayo inaapi, inuulila at hindi na tayo nasa ilalim ng mga Kastila. Tayo ay nasa ilalim ng mabuting gobyerno at dapat rin ay magingb masaya tayo dahil sumusunod tayo sa demokrasiya.
-------------------------------------------------
-------------------------------------------------
“Kundiman”
1. Anyo ng panitikan
Tula: Ani ni John Ruskin:
Ang tula ay tahasang pagpapahiwatig, sa tulong ng guniguni at nag-aalimpuyong gunamgunam, at matibay na saligan para sa mararangal na damdamin. Na ang ibig kong ipakahulugan sa marangal na damdamin ay ang apat na pangunahing nagdudulot ng simbuyo ng kalooban na gaya ng Pag-ibig, Paghanga, Pagsamba na ang kasalungat: Pagkamuhi, Pag-kapoot, Pagkasindak, at hindi madalumat na kalungkutan.
2. Layunin ng akda
Ipinaparating ng akda na ang Bayang inapi ay ililigtas sa darating na panahon dumanak man ang dugo. Ibig sabihin, kahit na ano pa man ang mangyari, maililigtas o makakalaya parin ang Pilipinas. Nangyari ito ngunit parami ang naging kapalit katulad ng buhay ng maraming tao.
3. Kaugnayan ng Akda sa Buhay ng Manunulat
Bilang isang Pilipino, nais si Rizal na makalaya sa pananakop ngunit sa isang medyo ligtas na paraan. Isinulat niya ang akda upang iparating na kaya ng mga Pilipino na makalaya at na kahit anong mangyari, makakala’t makakalaya parin ang Pilipinas. Lumaban si Rizal sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga akda na nagpaparating ng pagtutol sa mga mananakop o mga dayuhan.
4. Ipaliwanag ang Sosyo-Pulitika na na ugnayan ng akda sa panahon ng pagkakasulat nito.
Sa panahon na iyon, nasa kamay ng mga dayuhan ang Pilipinas. Nasasakop ng mga ibang lahi ang bansa kaya’t gumagawa ang mga tao ng paraan upang makalaya. Isa sa mga naging paraan ng paglaban bukod sa dahas ay ang pagsusulat ng mga akdang nagpaparating ng pagtutol sa mga nangyayari dahil sa mga dayuhan. Isa ito sa naging napakabisang sandata upang makalaban lalo na’t hindi sapat ang kakayahan o kaalaman ng mga Pilipino upang ipaglaban ang sarili.
5. Paano parin ito nakaimpluwensya sa ating panahon? Magtala ng halimbawa na mangyayari sa ating lipunan.
Dahil sa pagtatagumpay ng Pilipinas at sa pagiging malaya sa mga dayuhan noon, nagkaroon na ng sariling sistema ang Pilipinas upang hawakan ang kalayaan. Ibang iba ang itsura noon ng lipunan kung ikukumpara sa ngayon dahil mas malaya na tayo ngayon. Isa pa, lalo pang lumago ang kultura natin dahil sa mga nangyari. Lalong tumibay ang pagkaPilipino natin dahil sa mga pangyayaring ito sa kasaysayan n gating bansa.
Technological Institute of the Philippines
FIL 123 – AR12FC1
Takdang Aralin sa Filipino:
Jose Rizal
“Ang Katamaran ng mga Pilipino”
“Sa aking mga Kababata”
“Kundiman”
Group: 7
Arjhoy, Endegado
Cinco, Mariel
Prado, Elline
Soria, Vannjon