95
PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG: ng Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pagunlad ng kabihasnang Asyano?
Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan:
Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano?
Mga Araling Sakop ng Modyul
Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang Pamumuhay sa Asya
96
Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag ng Kabihasnan sa Asya 4. Mga Kaisipang Pinagbatayan sa Pagbuo ng Imperyo Sinaunang Pamumuhay 1. Konsepto ng Tradisyon,Pilosopiya at Relihiyon 2. Mahahalagang Pangyayari mula sa Sinaunang Kabihasnan hanggang sa Ika-16 na siglo a.Pamahalaan e. Edukasyon b.Kabuhayan f. Paniniwala c.Teknolohiya g. Pagpapahalaga d. Lipunan h. Sining at kultura 3. Impluwensya ng mga Paniniwala,Pananaw at Tradisyon 4. Bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa ibat ibang uri ng pamumuhay
Aralin 2
GRAPIKONG PANTULONG SA GAWAIN
97
MGA INAASAHANG KAKAYAHAN
Upang maisakatuparan ang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang mga sumusunod 1. Mabibigyang kahulugan ang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa paksa 2. Makapagsuri ng mga talahanayan, larawan at mapa at mga babasahin na magpapaliwanag ng paksa. 3. Makabubuo ng mga konklusyon hinggil sa kalagayan,pamumuhay at debelopment ng sinaunang pamayanan. 4. Makilahok sa kinabibilangang pangkat sa pagtupad ng iba't ibang mga gawaing pampagkatuto. 5. Makapagsulat ng iyong repleksiyon o realisasyon tungkol sa naging pag-unlad ng pamayanan patungo sa pagtatatag ng mga imperyo. 6. Mapapahalagahan ang mga naging ambag / kontribusyon ng kabihasnan sa lipunan. 7. Mapapahalagahan ang naging papel ng mga kababaihan sa Asya.
ARALING PANLIPUNAN Araling Asyano
8
1 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN ( Grade Level Standard) Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa rehiyong Asya sa mayamang katangian at kakayahan ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan nito at sa ibat-ibang larangan ng buhay Asyano ( pampulitika, pang-ekonomiya, pampamahalaan, at uganayan sa pagitan ng rehiyon ) mula sa sinaunang kabihasnan patungo sa mga kasalukuyang lipunan at bansa tungo sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. 2. Pamantayang Pangnilalaman: ( Content Standard) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. 3. Pamantayan sa Pagganap: (Performance Standard) Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
98
PAUNANG PAGTATAYA
Subukin mo ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga paunang pagsusulit/pagtataya na magtatakda kung ano ang iyong alam sa mga aralin. Basahing mabuti at unawain ang bawat pahayag. Bigyan pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan upang mabigyang linaw at malaman ang mga tamang kasagutan sa mga aralin na itatakda sa modyul na ito.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusa. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. A. B. C. D. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan? Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng ta Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiy Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lamba Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining ,arkitektura at sistema ng pagsula B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura at sistema ng pagsulat C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan 3. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig? A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig. B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent 4. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pan daigdig? A. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel C. Mga seda at porcelana D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system 5. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa? A. Great Wall of China B. Taj Mahal C. Ziggurat D. Hanging Garden
99
PAUNANG PAGTATAYA
7. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasna B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito D. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito 8. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer? A. Dahil ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan B. Dahil ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyo C. Dahil ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao D. Dahil ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon. 9. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad? A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng pag -ulan B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan. 10. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang lider ng bansa sa Asya? A.Itinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa panahon ng kanilang pamumuno. B. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang bansa. C. Pinataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamunuan D. Binigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa kanilang bansa. 11. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa Tsina bilang bahagi ng kanilang kultura? A. Ang mga batang babae sa murang edad ay tinatanggalan na ng kuko at binabali ang buto ng daliri at lalagyan ng bondage at ibabalot sa bakal o metal ang paa upang hindi ito humaba pa. B. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal sa paa. C. Sa murang edad ay binalot na ng bakal ang paa at hindi pinalalabas ng bahay. D. Ang mga batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa. 100
PAUNANG PAGTATAYA
11. Paano isinasagawa ng mga kababaihan ang satti bilang kultura ng India noong sinaunang panahon? A. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng pagmamahal B. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang labi ng asawang lalak C. Naliligo ng gas at sinisindihan ang katawan upang masunog D. agpapakamatay para kasama o kasabay sa paglilibing sa labi ng asawang namatay. 12. Isa sa apat na Noble ng katotohanan ng Budhismo ay nagsasaad na "Buhay ay nangangahulugan na puno ng paghihirap". Ano ang kahulugan ng ganitong pahayag A. Hindi natatakasan ang kahirapan at kalungkutan sa buha B. Kahit pa magsumikap ang tao ay makararanas pa rin siya ng paghihira C. Pang habangbuhay ang paghihirap ng tao D. Bahagi na ng buhay ng tao ang paghihirap at pagpapakasakit 13. Ang Tsina ay nagkaroon ng tinatawag na Apat na Dakilang Dinastiya? Bakit tinawag itong dakilang dinastiya A. Lumawak ang impluwensiya ng Tsina sa panahong ito. B. Nagkaroon ng pagsakop ang mga dayuhan at nagapi nila C. agkaroon ng pag-unlad ang Tsina sa panahong ito sa ibat-ibang laranga D. Nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya 14. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag? A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipuna B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bans C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa D. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa. 15. Matatapos ang inyong talakayan sa aralin tungkol sa relihiyon,Naatasan ka ng iyong guro na mamuno sa paglikha ng presentasyon sa ibat-ibang relihiyon sa Asya. Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo ng nilalaman ng presentasyon? A. Kasaysayan ng relihiyon,sino nagtatag,saan natatag B. Kasaysayan ng relihiyon at mahahalagang aral nito C. Kasaysayan ng relihiyon,sino ang nagtatag at ang impluwensiya nito sa bansa D. Kasaysayan ng relihiyon,mga mahahalagang aral,impluwensiya sa bansa at kalagayan nito sa kasalukuyang panahon
101
PAUNANG PAGTATAYA
16. Kakatawanin mo ang inyong paaralan para sa isang paligsahan ng debate tungkol sa pilosopiya at misyon ng bawat paaralan sa inyong dibisyon. Anong paghahanda ang gagawin mo bago ang paligsahan? A. Magbasa at magsaliksik tungkol sa magiging punto ng debate B. Magsaliksik at maghandang humarap sa karamiha C. Gumawa ng outline ng isyu at magsaliksik at paghandaan ang mga posibleng magiging punto ng debate D. Magbasa, manood ng balita at maghanda 17. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa kahalagahan ng mga kontribusyon Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala at Makita ng lahat ang mga nasabing kontribusyon? A. Magtakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay B. Collage making contes C. Open house exhibi D. Quiz contest 18. Naatasan ka ng inyong guro na kumatawan sa pagpupulong sa inyong paaralan na ang punto ng pag uusapan ay tungkol sa karapatan ng mga minority group. Naipangako mo sa inyong klase na poprotektahan mo ang ilang kaklase na nabibilang sa ganitong pangkat. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong ihanda bago ka humarap sa pagpupulong? A. Case study B. Resolusyon C. Report ng mga insidenteng may kinalaman sa minority group sa paaralan D. Petisyon 19. Si Trisha ay napili ng dibisyon para kumatawan sa gagawing Youth Meeting sa Singapore na dadaluhan ng piling mag-aaral ng ibat -ibang bansa sa Asya. Maglalahad siya ng mga kalutasan sa problemang kinakaharap ng mga kabataan sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang ihanda at isalang-alang? A. Datos na naglalaman ng mga suliranin ng kabataang Pilipino B. Mga sanaysay na naglalaman ng maraming kalutasan sa problema ng kabataang Pilipino C. Progress Report Chart ng bansa D. Datos na naglalaman ng suliranin at datos na naglalaman kung paano ito nalutas ng bansa. 20. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura,tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang pagpupulong kung ikaw ay naatasan na kinatawan sa kabila ng ibat-ibang balita na nagbibigay ng masamang impresyon sa ating bansa? A. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa B. Paghahanda at pagbasa ng ng progress report tungkol dito C. Video presentation ng mga ipinagmamalaking kultura,tradisyon at mga taong nagpapahalaga dito D. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi tanging tanawin at kultura ng bansa. 102
ais mo bang malaman ang tungkol sa pagsibol at pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa Asya? Sa bahaging ito ng aralin ay sisikapin nating tuklasin ang mga konsepto at kahulugan ng kabihasnan at kung paano ito sumibol, umunlad at nagpatuloy sa kasalukuyang panahon. Lilinangin ang dating mga kaalaman,at pag-unawa. Magsasagawa ng mga kasanayan para sa pagtuklas ng mga kaalaman na may kaugnayan sa pagusbong ng kabihasnan sa Asya. Marahil ay handa ka na para sa pagtupad at pagsasagawa ng mga gawain. Kaya halina
Gawain 1: Halina't Tuklasin!
Tunghayan ang ilustrasyon sa ibaba. Makikita mo ang salitang kabihasnan at sibilisasyon. Magbigay ka ng iyong ideya o kaalaman tungkol sa salitang nabanggit base sa iyong sariling pananaw at pag-unawa. Isulat mo ito sa pamamagitan ng pangungusap na makikita sa ibaba. Matapos mong masagutan ay ilahad mo at ibahagi sa mga kamag-aral upang ang lahat ay makabuo ng konsepto at kahulugan.
Ano nga ba ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon?
103
Maaari mo ring gamitin ang diagram para sa pagbibigay mo ng kahulugan ng mga salitang kabihasnan at sibilisasyon.
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa mga naisulat mong konsepto, ano ang maipapakahulugan mo sa salitang kabihasnan at sibilisasyon? Ang kabihasnan ay ______________________________________________________________________. Ang sibilisasyon ay _______________________________________________________________________. 2. Mayroon kaya silang mga pagkakaiba? Anu-ano ang mga ito?
Gawain 2: Larawan-Suri
Tunghayan ang mga bagay na nasa larawan. Suriin mo at bigyan kahulugan kung ano ano ang mga ito. Bigyan mo ng kahulugan at kung ano ang naging halaga nito sa Sinaunang Asyano. Matapos mong masuri ay sagutin mo ang mga katanungan na nasa ibaba
104
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga bagay na nasa larawan? 2. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa sinaunang kabihasnan? 3. Bakit kaya kinailangan ng mga sinaunang tao ang mga bagay na ito? 4. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito noong sinaunang panahon?
Gawain 3: Suriin Natin
Nais mo bang marating ang mga ilog at lambak na ito? Subalit bago mo marating ang mga lugar na ito ay dapat mong malaman ang mga kwento at kasaysayan tungkol sa mga ilog at lambak na makikita. Surin mo ang mga larawan at alamin kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat isa.Saan kaya matatagpuan ang mga ito? Ano kaya ang kinalaman ng mga ilog at lambak sa pag usbong at pag-unlad ng kabihasnan at sibilisasyon?
Tigris—Euprates
Huang—Ho
Indus Valley River
105
Pamprosesong Tanong:
Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang ipinakikita ng mga larawan? 2. Ano kaya ang kaugnayan ng mga larawan sa mga sinaunang kabihasnang nabuo o umusbong sa Asya? 3. Ano ano ang mga salik o batayan sa pagbuo ng kabihasnan? 4. Paano umusbong ang mga kabihasnan at sibilisasyon sa mga ilog at lambak sa Asya? 4. Paano nakaimpluwensya ang sinaunang kabihasnan sa pagbuo at pag-unlad ng mga pamayanan at estado?
Gawain 4: Bahagdan ng Aking Pag Unlad
Matapos mong matukoy at mabuo ang mga konsepto at kahulugan ng kabihasnan pati na ang mahahalagang lugar sa Asya ay marahil nais mo nang malaman kung bakit naging mahalaga ang mga ito noong sinaunang panahon. Subalit bago tayo magpatuloy sa pagpapalawak ng kaalaman ay sagutan muna natin ang itinakdang gawain na nasa ibaba. Panuto: Sagutan ang unang kahon na Ang aking Alam at ang ikalawang kahon Nais malaman. Samantala,ang ikatlong kahon Mga Natutuhan ay mapupuna na may takip at kalakip na tandang pananong dahil masasagutan mo lamang ito kapag natapos mo na ang pag aaral sa paksa kaya't ito ay muli mong babalikan
BINABATI KITA! Matapos matimbang at masuri ang iyong kaalaman tungkol sa mga konsepto ng kabihasnan at sibilisasyon ay marahil nais mo pang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol dito, at maraming katanungan ang nabuo sa iyong isipan at sarili na nais mong masagot at matuklasan. Ang mga katanungang nabuo sa iyong isipan ay masasagot na sa susunod na bahagi ng modyul na ito sa pamamagitan ng ibat ibang gawain na may kaugnayan sa aralin. Surin mo rin kung ang dating kaalaman ay tutugma sa bagong kaalaman na matutuklasan mo at matututuhan.
106
a bahaging ito ay inaasahan na malilinang at matututuhan mo ang mga bagong kaalaman kung paano nagsimula at umunlad ang Sinaunang Kabihasnan sa Asya. Maaring balikan ang mga katanungan sa unang bahagi upang masagot ito matapos ang pag-aaral sa bahaging ito ng modyul. Inaasahan din na maitatama na kung mayroong mali o di katanggap tanggap na mga pag unawa sa pagtalakay sa paksa.
Gawain 5: Basa-Suri-Unawa
Basahin, suriin at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan at sibilisasyon. Matapos mong mabasa ay sagutan ang mga gawain na itinakda para sa bahaging ito.
Sinasabing ang sibilisasyon at kabihasnan ay umiiral kapag ang tao ay marunong nang bumasa at sumulat pati na ang kakayahan at talino sa pagtatala ng kasaysayan ng kanilang pamumuhay. Nakakamit ito dahil sa pag-unlad ng kanilang pagkatao. Ang sama-samang kakayahan ang pinanggalingan ng sibilisasyon. Binubuo ito ng kaugalian,organisadong lipunan,mataas na antas ng teknolohiya,kakayahan sa mga gawaing panlipunan, sining at agrikultura pati na ang relihiyon.Lahat ng ito ay umiral sa Asya dahil sa sunod sunod at magkakaugnay na pangyayari.
107
Gawain 6: Venn Diagram
Matapos mabasa at masuri ang tungkol sa sibilisasyon at kabihasnan at sa tulong ng mga larawan ay sagutan mo ang mga gawain upang matukoy ang kahulugan ng paksa gamit ang venn diagram Sa bilang na 1at 2- ibigay ang katangian ng kabihasnan at sibilisasyon Sa bilang na 3 - ibigay ang pagkakatulad ng dalawa.
1
2
3
Ngayon naman ay isulat mo sa bawat kahon sa susunod na pahina ang mga salik at batayan sa pagbuo ng
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ano ang mga katangian ng kabihasnan? 2. Balik mahalaga ang mga salik o batayan sa pagbuo ng kabihasnan? 3. Kung mawala ang isang salik o batayan, masasabi mo pa bang isang kabihasnan o sibilisasyon ang mabubuo? Bakit? Ipaliwanag ang sagot.
108
Isa-isahin mong buuin at isalaysay ang mga pangyayari at pagbabagong naganap sa bawat panahon, kapaligiran at mga tao na naging dahilan ng pag usbong ng kabihasnan. Isulat mo ito sa ladder web upang makita ang naging pag-unlad mula sa panahong paleolitiko hanggang panahong metal.
Ano nga ba ang nangyari o pagbabago sa paglipas ng panahon? Masasabing parasitiko sa kapaligi- ran ang mga tao noong panahong Paleolitiko,umaasa lamang sila sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno sa kapaligiran na makapupuno sa kanilang pang araw araw na pamumuhay at pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga ito. Nomadiko ang ganitong pamumuhay.Kahit ganito pa man ang kanilang sis- tema nalinang ang kasanayan nila sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa matutulis na bato at kalaunan ay nagamit sa pangangaso. Pinakamahalagang ambag nila ay ang pagkakatuklas ng apoy.Nagpatuloy ang pagbabago dahil sa pag agapay sa pagbabago ng kapaligiran.Natutong mag paamo ng hayop ,gumawa ng mga damit na galing sa mga balat ng hayop bilang proteksyon sa kanilang katawan, naganap ito sa pana- hong mesolitiko na naging transisyon sa panahong neolitiko. Kakaiba ang nangyari nooong panahong neo- litiko kung saan natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao. Malawakan ang naging pag- tatanim kaya tinawag itong Rebolusyong Neolithic. Naging dahilan ito ng mga tao para manatili sa isang lugar upang mabantayan ang mga pananim at alagang hayop. Dito nagsimulang mabuo ang pamaya- nan.Nagkaroon ng kakayahan ang mga tao sa ibat ibang kasanayan o aspeto ng pamumuhay at nagkaroon ng pag-uuri sa lipunan.Nagsimula ang ibat ibang hanapbuhay ng tao at nabuo ang pundasyon ng isang kabihasnan.Bunsod ng patuloy na pagbabago sa lipunan, nabuo ang panahong Metal kung saan ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at paglaon ay napalitan ng tanso. Ngunit dahil sa salat sa mapagkukunan ng tanso napalitan naman ito ng bakal na siyang ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan na nagpapalawak ng pamumuhay.
Gamit na yari sa bato
Gamit sa Pagsasaka
Gamit na yari sa metal
109
Pamprosesong Tanong:
1. Ano anong pagbabago ang naganap sa bawat panahon? 2. Paano binago ng kapaligiran ang pamumuhay ng mga Unang Asyano? 3. Paano sumabay sa pagbabagong ito ang mga sinaunang Asyano upang makapamuhay ng maayos? Ipaliwanag ang sagot. 4. Paano nakaapekto ang katangiang pisikal ng Asya sa pagbuo ng kabihasnan? Ipaliwanag ang sagot.
Gawain 8 : Mapa-Tukoy
Suriin mo ang mapa at tukuyin kung anong mga kabihasnan ang umusbong at umunlad dito. Sa iyong pagsusuri ay unawain mo ang mga naging dahilan ng Unang Asyano sa pananatili nila dito. Matapos ang gawain ay sagutan mo ang mga tanong sa ibaba na magpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa sinaunang kabihasnan.Maaring gamitin ang legend upang mas madali ang iyong gagawing pagtukoy sa mga lugar.
Sa mga ilog, lambak nagsimula ang mga kaunauna han g k abi has n an ng Asya. Mga lupaing naaangkop sa pagsasaka upang makapagtanim at m aging perm anenteng panirahan. Sa Mesopotamia na nasa pagitan ng Tigris at Euprates,namuhay ang mga Sumerians,Huang Ho na nasa China umunlad ang pamayanang Shang at sa mga baybayin ng Ilog Indus nagsimulang bumuo ng perrmanenteng panira- han ang mga Indus. Nalinang ang mga ka- sanayan sa ibat ibang la- rangan na nagpaunlad sa kanilang pamumuhay. Sa mga ilog na ito hinarap ng mga sinaunang tao ang ham on n g k alik asan upang mabuhay.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang katangian ng mga lugar kung saan unang umusbong ang mga kabihasnan sa Asya?
2. Bakit umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa mga ilog at lambak sa Asya? 3. Ano anong kabihasnan ang umusbong sa mga lugar ng Mesopotamia,Indus Valley at China?
110
Gawain 8: Kabihasnan—Ano Ka?
Matapos mong matutuhan ang mga lugar na naging panirahan ng Unang Asyano ay tuklasin mo naman ang naging kasaysayan at katayuan ng mga kabihasnang itinatag o nabuo ng mga Unang Asyano. Pagkatapos maari mong sagutin ang mga katanungan na magbibigay sa iyo ng malawak na kaalaman.
Ang Kabihasnang Sumer
Ang Mesopotamia ang kinilala bilang "cradle of civilization' dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao .Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag na Fertile Crescent,(Iraq) isang arko ng matabang lupa na naging tagpuan ng ibat ibang grupo ng tao mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea. Sa lugar na ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris at Euprates kung saan umusbong ang kabihasnan. Noong panahong Neolitiko natatag ang pamayanang Jericho sa Israel at Catal Huyuk sa Anatolia at mga kalatkalat na pamayanan sa Zagros. Subalit hindi naglaon nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang Mesopotamia. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Sa katunayan, isang pinakamahalagang gusali ang itinayo sa Ur na tinawag na Ziggurat bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos na nagsisilbing panirahan nito. Nagkaroon sila ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform kasunod nito ang pagkakaroon ng mga scribe na tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet na naging basehan ng mga historyador ng eksaktong petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari. Sa pag-unlad na ito sa sining natala ang mga mito,mahahalagang tradisyon,epiko na naging katibayan ng kanilang kabihasnan. Isang patunay nito ang Epiko ng Gilgamesh. Umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod- estado na malaya at nagsasarili, subalit hindi naglaon nagkaroon ng mga pag-aaway. Sinamantala ng ibang lungsod tulad ng Akkadian ang mga pangyayaring ito at nasakop ang mga Sumerian sa pamumuno ni Sargon na nagtatag ng pinakaunang imperyo sa kasaysayan. Marahil naging masaklap din ang pagwawakas ng mga Akkadian dahil sa pagsakop ng Babylon na gumamit ng kaguluhan at digmaan sa pagsakop na pinamunuan ni Hammurabi na nagpatupad ng mga batas na hango sa "Code of Hammurabi". Matapos ang mga Babylon sunod sunod na ang mga nanakop dito, ang mga Hittite na kilala sa imperyong gumagamit ng kasangkapang bakal na pandigma, ang mga Chaldean at mga Assyrian na kilala bilang matatapang na mandirigma.
Ziggurat
Cuneiform
Clay Tablet
111
Ang Kabihasnang Indus
S a T i m o g A s ya makikta ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng Ilog Tigris at Euprates ay umaapaw din ito taun taon dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas na nag iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing agrikultural nito. Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang natatag noong panahon ng Neolitiko. Ito ang p a m a ya n a n g Mhergah na nasa kanluran ng Ilog Indus. Masasabing sedentaryo at agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya. May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harrapa at Mohenjo-Daro.(www.youtube.com/watch? v=RAyKZAXTAea Mohenjo Darro and Harrapa). Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Salat sa likas na yaman ang Indus tulad ng metal at kahoy kaya't pagsasaka ang naging pangunahing gawain dito. Tulad ng Sumerian natuto rin silang makipagkalakalan sa mga baybayin ng Arabian Sea at Persian Gulf. Dahil sa istruktura ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o palikuran na konektado sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa ay masasabing planado at organisado at sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian. Mahiwaga ang kabihasnang Indus dahil maraming katanungan ang hindi masagot ng mga arkeologo tulad na lamang ng hindi maipaliwanag na kahulugan ng mga simbolo ng pagsulat ng mga Indus na pictogram; May mga artefact din na nahukay, mga laruan na nagpahiwatig na mahilig maglibang at maglaro ang mga Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng digmaan . Hindi rin malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na maaring may matinding kalamidad na nangyari dito.
Harrapa Mojenjo-Daro
Unicorn Seal of Harrapa
Mojenjo-Daro Pot
112
Kabihasnang Shang
Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing a g r ik u lt u r a l n a m a l a p it d it o . An g taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga tao dito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng mga dike. May mga pam a yanan g s um ilang dito) . Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito. Ang Longshan ay naging tr ans is yon t ungo s a Kabihasnang Shang. May mga hinalang naunang dinastiya na natatag dito ang Xia o Hsia subalit wala itong basehan o ebidensyang arkeolohikal. Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino. Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa mga Tsino. Ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga oracle bones. Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari ay bumagsak ang Shang at dito nabuo ang paghahari ng mga dinastiya. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo.
Calligraphy
Oracle Bones
Ruins of Ancient Shang
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat kabihasnan? Saang aspeto sila nagkakatulad? 2. Paano nalutas ng bawat kabihasnan ang mga hamon ng kalikasan? 3. Bakit itinuring na mahiwaga ang kabihasnang umusbong sa Indus? Paano ito naglaho? Ipaliwanag ang iyong sagot. 4. Bakit napakahalaga ng ilog Huang Ho sa kabihasnang Shang? Paano nagwakas ang kabihasnang ito?
113
Gawain 10: Likumin ang Datos
Ngayong nalaman mo na ang lahat ng impormasyon sa mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya ay punan mo ng sagot ang talahanayan ng mga natutuhan mo mula sa pagtalakay sa paksa. Sikapin na maisulat ang lahat. Mga Kabihasnan Lugar na Pinagmulan Mga Katangian Mahalagang Ambag/kontribusyon
Sumer
Indus
Shang
Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan ang iyong lubusang hinangaan? Bakit? 2. Paano mo pahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga kabihasnan na nakatulong ng malaki sa kasalukuyang panahon? 3. Bakit pinanatili ng mga Tsino ang ambag na sistema ng pagsulat ng kanilang kabihasnan ? Ano ang naging malaking tulong nito sa kanila hanggang sa ngayon? 4.Sa iyong palagay may epekto kaya ang mga katangian ng mga unang kabihasnan sa katangian ngayon ng mga estado at imperyo sa Asya? Ipaliwanag ang sagot.
Gawain 11: Magtala Tayo
Sa paglipas ng panahon ay nagpatuloy ang pag-unlad ng mga kabihasnan mula sa payak na pamumuhay patungo sa pagtatatag ng mga bagong estado at imperyo sa Asya. Sa gawaing ito ay alamin mo at itala ang mga Kaisipang Asyano na naging batayan o pundasyon sa pagbuo ng mga pamayanan,estado at imperyo sa Asya. Itala ito sa ilustrasyon sa ibabang bahagi. Basahin at unawain ang tungkol sa kaisipang Asyano na umiral sa Asya.
114
Panuto para sa gawain: (Indibidwal ) Tingnan ang tsart sa susunod na pahina at isulat ang hinihingi sa mga sumusunod: 1. Kaisipang Asyano - sa unang mga kahon sa banding itaas. 2. Mga rehiyon,bansa kung saan ito nagmula - sa bawat bilog 3. Mga paniniwala kaugnay ng mga kaisipang Asyano - ikatlong bahagi ng mga kahon 4. Ang impluwensya nito sa pagbuo at pag-unlad ng mga estado at imperyo pati na sa buhay ng mga Asyano - sa ikaapat at huling kahon. Matapos ang gawain ay ilahad ito sa klase para sa talakayan. Para sa pangkatang gawain; 1. Suriin ang mga Kaisipang Asyano na nabasa ninyo. 2. Isa-isahing alamin at ipaliwanag ang mga kaisipang Asyano batay sa mga estratehiya na gagawin at napagkasunduan ng grupo. Halimbawa: Unang Pangkat : Maglalahad at magpapaliwanag sa pamamagitan ng kwento Ikalawa Pangkat: Sa pamamagitan ng role play Ikatlong Pangkat : Sa pamamagitan ng mga paglikha ng drawing batay sa pagkaunawa sa mga kwento.
115
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakaapekto ang mga kaisipang Asyano sa pagbuo ng mga imperyo sa Asya? 2. Ang mga kaisipang Asyano ba ay may malaki ring epekto sa naging pagUugali ng mga Asyano sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag ang sagot. 3. Paano nakatulong ang mga kaisipang ito sa pag-unlad ng mga estado sa kasalukuyang panahon? 4. Alin sa mga kaisipang Asyano ang sa tingin mo at pananaw ay nananatili pa hanggang sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag.
116
Gawain 12: Feedback Tools!
Bigyan ang bawat mag-aaral ng "feedback tool face" (naglalarawan ng nararamda man).Matapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at kaalaman sa naging aralin ay dito malalaman mo kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaral tungkol sa mga kabihasnan nagsimula sa Asya. Ipaskil sa pisara ang bawat pahayag na isa-isahing babasahin ng mag-aaral at dito ay ididikit nila ang tool face base sa kanilang naging pagsusuri at pag-unawa. Maaring itala ng guro ang resulta upang malaman kung babalik o magpapatuloy sa susunod na gawain.
Mga Pahayag/Kaalaman Naunawaan 1. Dahil sa pagbabago ng kapaligiran natutong magtanim ang mga Unang Asyano at nanatili sa isang lugar upang linangin ang mga lupain 2.Kapag nakontrol na ng tao ang likas na yaman masasabing sibilisado na ang tao at magkakaroon ng kabihasnan. 3.Nagsimula ang kabihasnan sa mga ilog at lambak sa Asya. 4.Maituturing na malaking ambag ng kabihasnan ang sistema ng pagsulat sa China. 5.May mga kaisipang Asyano ang nananatili sa kasalukuyan lalo na sa Silangang Asya. Hindi Naunawaan
Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang lahat ng gawain, sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Paglinang.
Ngayong nalaman mo na at naunawaan kung paano sumibol/ umusbong at umunlad ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya ay maari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul upang mas higit na mabigyan ng malalim at malawak na pag unawa ang mga bagay at kaalaman tungkol sa paksa.
117
a bahaging ito ng modyul ay palalawakin at pagtitibayin ang nabuong pag-unawa at pagsusuri tungkol sa Sinaunang Kabihasnan sa Asya at ang mga naging pag-unlad nito patungo sa kasalukuyang panahon.Mas malalim na pagtalakay sa kahalagahan ng kabihasnan upang maihanda ang iyong sarili sa paglalapat ng lahat ng natutuhan.
Gawain 13: Talasaysayan
Sa gawaing ito ay mararanasan mo at mararamdaman kung ano ang naging buhay ng mga tao noong sinaunang panahon sa pamamagitan pagsulat ng kasaysayan.
Panuto: A. Isipin mo na isa kang scribe o tagatala ng mga mahahalagang pangyayari o kaganapan noong unang panahon.Matapos mong maitala o maisulat ang lahat ng mahalagang impormasyon ay sagutin mo ang mga katanungan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang mga gawain? 2. Mahalaga ba ang papel na ginampanan ng mga scribe sa Sinaunang Kabihasnan Sumer? Sa kasalukuyang panahon kaya, mahalaga pa ba sila? 3. Kung wala ang mga scribe, ano kaya ang nangyari sa sinaunang kabihasnan? 4. Ano ang pagkakaiba ng paraan ng pagsulat noon at ngayon? Ihambing sa Pilipinas o sa ibang bansa sa Asya na nais mo. B. Maituturing na isa sa pinakamahalagang ambag ng kabihasnan ang Epiko ng Gilgamesh. Maari mo itong panoorin (www.youtube.com/watch?v=oSZg5DTW7Hw The Epic of Gilgamesh-An Animation) upang mapagyaman mo ang iyong kaalaman at mapahalagahan ang mga iniwang pamana ng Unang Asyano.Suriin mo ang nilalaman nito at ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang kabihasnan. Gumawa ng isang reaction paper tungkol sa napanood na epiko. Ang iyong magiging grado ay batay sa iyong malalim na pagkaunawa,paglalahad ng datos,kaalaman sa naganap na pangyayari at pag-uugnay ng mga pangyayari sa mga kaisipang Asyano.
119
Pamantayan Naunawaan ang kabuuang mensahe ng paksa Nailahad ang mataas na antas ng pagsusuri sa pamamagitan ng maayos na paglalahad ng datos. Kaalaman sa panahon kung kalian naganap ang pangyayari. Maayos na naiugnay ang mga kaalaman sa paksa. Kabuuang Marka
Natatangi ( 4)
Mahusay ( 3)
Medyo Mahusay(2)
Hindi Mahusay (1)
Gawain 14: Quiet Time
Bigyan mo ang sarili ng pagkakataon na makapag-isip at makapagsulat ng isang repleksyon essay at reyalisasyon tungkol sa mga paksang napag-aralan o natutuhan mula sa mga gawain at kaalamang naunawaan sa Sinaunang Kabihasnang Asyano hanggang sa naging pagunlad nito sa kasalukuyang panahon. Maaring isulat ang repleksyon essay mo sa isang buong papel o kaya naman ay sa iyong reflection journal. Maglagay ng ilang datos sa mga patlang sa ibaba bilang iyong panimulang balangkas: ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Binabati kita! Mahusay mong naisagawa at nagampanan ang mga Gawain sa bahagi ng pagpapalalim sa modyul na ito.
Ngayong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga impluwensya ng Sinaunang Kabihasnan sa pagbuo at pag-unlad ng mga pamayanan at estado ay maaari ka ng tumungo sa mga gawain sa huling bahagi ng modyul upang mailapat ang lahat ng yong natutuhan. 120
a
bahaging ito ay isasagawa mo ang mga nararapat na pagganap bilang patunay na naunawaan mo ang kabuuan ng aralin o paksa.
Gawain 15: Portfolio
Ngayon ay maaari mo nang balikan ang unang Gawain 1 (Ang Aking Natutunan ) upang maitala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong natutuhan. Ilagay o isulat sa isang buong papel at ipunin sa inyong Portfolio.
Ang Aking Natutunan
Gawain 16: Story Board Ko—Like Mo Ba?
Sa mga natutuhan mo, nalikom na impormasyon mula sa pag-aaral ng paksa ay pagyamin mo ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang presentasyon ( Story Board ) na magpapaliwanag at magpapakita ng naging pag usbong at pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnang Asyano sa pamamagitan ng mga larawan na iyong lilikhain. Basahin ang panuto para sa gawain mo. 1. Gumawa ng isang presentasyon sa pamamagitan ng sarili mong paglikha (drawing) na maglalarawan ng pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan. 2. Gamitin ang iyong pagiging malikhain sa pagpapaliwanag ng mga mahahalagang datos o impormasyon. 3. Kapag natapos mo na ang paglikha ay maari mo itong ipost sa facebook upang makita ng ibang kamag-aral upang makalikom ka ng pag -sangayon nila. 4. Kung hindi naman maipopost sa facebook ay maari mo itong ipakita sa klase at ilahad ang mga paliwanag mo tungkol sa nabuo mong proyekto.Ang magiging grado mo ay ibabatay sa mga pamantayan tulad ng nilalaman,pagkamalikhain,presentasyon at kaangkupan ng impormasyon.
121
Indikador
Natatangi (4) Naipaliwanag at naipakita ang lahat ng dapat tunguhin ng proyekto.
Mahusay (3) Naipakita ang lahat na dapat lamanin ng proyekto ngunit kulang sa paliwanag.
Medyo husay (2)
Ma-
Hindi Mahusay (1)
Marka
Nilalaman
Hindi gaanong nakita ang dapat lamanin ng proyekto at dapat na paliwanag
Hindi naipakita at naipaliwanag ang mga dapat lamanin ng proyekto
Pagkamalikhain
Ang likha ay orihinal.
Ang likha ay original subalit kulang sa kaayusan.
Ang likha ay hindi orihinal at kulang sa kaayusan.
Ang likha ay hindi orihinal at walang tunguhin.
Presentasyon
Naging maayos,maliwanag at mahalaga ang kabuuang presentasyon.
Maayos ang presentasyon subalit kulang sa mahahalagang datos
Hindi naging maayos ang presentasyon at kulang ang mga datos.
Hindi naunawaan ang dapat tunguhin ng presentasyon.
Kaangkupan ng Impormasyon
Malinaw at angkop sa paksa ang presentasyon.
Malinaw ang Hindi malinaw mga impormasang mga imyon subalit kupormasyon at lang sa walang kaangkupan. kaangkupan.
Hindi naunawaan ang mga impormasyon na nais ipahiwatig.
122
Calligraphy Cuneiform Divine Origin Kabihasnan Scribe Sibilisasyon Sinocentrism Pictogram Ziggurat
Sistema ng pagsulat ng mga Tsino. Sistema ng pagsulat na imbensiyon ng mga Sumerian Paniniwala ng mga Hapones sa kabanalan at buhay na simbolo ng panginoon sa kanilang mga hari. Pamumuhay na kinagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Mga tagatala ng pangyayari at kasaysayan sa panahon ng Sinaunang kabihasnan. Masalimuot na pamumuhay sa mga lungsod. Ang pananaw ng mga tsino na sila ang superiyor sa lahat. Sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Indus. Templo ng mga sinaunang Mesopotamia tulad ng Sumerian na pinaniniwalang panirahan ng mga diyos.
123
Mga Mungkahing Babasahin: Grace Estela Mateo.et al., Asya Pag-Usbong ng Kabihasnan Ma. Carmelita B. Samson.et.al., Pana-Panahon Michael D. Pante et.al.Kasaysayan ng Daigdig McDougal Littell ,World History www.wikipidia.com www.google images.com www.yahooimages.com Mga Mungkahing Panoorin: www.youtube.com/watch?v=w8v2vRILL58 (Mesopotamia, Sumerian First Civilization on
Earth) www.youtube.com/watch?v=RAyKZAXTAeA (Mohenjo-Darro and Harrapa) www.youtube.com/watch?v=OSZg5DTW7Hw(The Epic of Gilgamesh- An Animation)
TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN
Inilahad sa unang aralin ang mga konsepto at kahulugan ng mga kabihasnan at sibilisasyon, ang mga pagbabago at pag unlad ng tao para sa kanyang kapakanan mula sa panahong paleolitiko hanggang sa panahong metal ay nagbunga ng mas higit na pag unlad para sa pamumuhay. Hindi matatawaran ang mga kabihasnang umusbong sa lupain ng Asya tulad ng Sumer,Indus at Shang na nag iwan ng malaking ambag sa sangkatauhan na kahit hinamon o sinubok ng panahon nanatili pa rin at dito rin nakapagsimula ng mas matatag na lipunan tulad ng mga imperyo. Sa susunod na aralin ay tatalakayin ang mga naging pamumuhay ng mga natatag na imperyo,batay sa mga pananaw,tradisyon at paniniwala na nagsilbing haligi ng kanilang pag unlad at higit sa lahat ang naging impluwensya nang nasabing mga pananaw at paniniwalang ito sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Asyano.
124
a modyul na ito ay iyong tatahakin ang pag-unawa sa kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. Bagamat may kaniya kaniyang katangian ang kultura ng bawat bansa sa Asya, mababakas din ang ilang pagkakatulad ng mga ito sa isa't isa. Tutuklasin din sa modyul na ito ang impluwensiya ng mga bansa sa isa't isa kung paano nagbunga ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kalapit na rehiyon at bansa. Pagkatapos makuha ang kinakailangang mga kaalaman ikaw ay inaasahang kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Gawain 1: K-W-H-L Chart
Panuto: Sagutan ang hanay na K kung ano na ang alam sa paksa . Samantala, masasagutan mo lamang ang iba pang bahagi ng chart sa ibang bahagi ng modyul at bago matapos ang modyul na ito. Ang paksa ay : Sinaunang Pamumuhay .
K
Alam sa paksa
W
Nais malaman sa paksa
H
Mga dapat na malaman sa paksa
L
Natutuhan
Pagkatapos masuri ang iyong kahandaan sa mga kaalaman tungkol sa Sinaunang Pamumuhay. Natitiyak kong nais mong malaman ang mga sagot sa iyong katanungan. Malalaman mo ang mga kasagutan sa susunod na bahagi ng modyul na ito. Sa iyong pagtupad sa iba't ibang gawain sa susunod na bahagi ng modyul, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga dating alam sa mga bagong kaalaman na iyong matututuhan sa modyul na ito.
125
agkatapos masuri ang iyong kahandaan sa mga kaalaman tungkol sa Sinaunang Pamumuhay. Natitiyak kong nais mong malaman ang mga sagot sa iyong katanungan. Malalaman mo ang mga kasagutan sa susunod na bahagi ng modyul na ito. Sa iyong pagtupad sa iba't ibang gawain sa susunod na bahagi ng modyul, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga dating alam sa mga bagong kaalaman na iyong matututuhan sa modyul na ito.
Gawain 1: Salamin ng kasaysayan
Suriin ang kasunod na mga larawan . Ano ang iyong masasalamin sa mga larawan ? Ipaliwanag ang naging batayan mo sa ipinahahayag ng mga larawan. Kilalanin at ilarawan kung ito ay tradisyon,pilosopiya, relihiyon, pananaw o paniniwala.
1
3
2
4
5
126
Pamprosesong Tanong:
Mga naging batayan ko sa ipinahahayag ng mga larawan ay ang sumusunod :
Ang unang larawan ay __________________________sapa gkat __________________________ _____________________________ _____________________________
Ang ikalawang larawan ay-________________________________ _____sapagkat____________________ ________________________________
Ang ikatlong larawan ay ______________________________________________ ___sapagkat____________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ___________ ______________________________________________
Ang ikaapat na larawan ay_______________________________ ___sapagkat______________________ ________________________________ ________________________________
Ang ikalimang larawan ay__________________________ sapagkat_________________________
126
Ang aking nabuong konsepto sa buong larawan ay _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ano ang mga mensahe na ipinararating ng mga larawan? 2. Ano ang iyong pakahulugan sa paniniwala, pilosopiya, relihiyon, tradisyon at pananaw? 3. Magbigay ng mga halimbawa ng sariling paniniwala, pilosopiya,relihiyon. 4. Bakit kaya nag kakaiba- iba ang pilosopiya ng tao? 5. Gaano kahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao? 6. Sa iyong pananaw, paano makatutulong ang tradisyon, pilosopiya at relihiyon sa paghubog ng sinaunang pamumuhay ng mga Asyano?
Gawain 3: Libre ang Magtanong
Suriin ang mga larawan sa gawain 2 at gawain 3 . Pag-ugnay-ugnayin ang mga larawang ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong na sasaklaw sa lahat ng ito. Isulat ang mga tanong mula sa simple hanggang sa mahirap na antas.
1
3
2
127
4
5
6
Pagkatapos kong suriin ang mga larawan sa gawain 2 at 3 , ang aking mga tanong ay. _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________
_________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _____________________________
Ang mga salita, larawan at konsepto na nabigyang kahulugan sa gawaing ito ay magagamit sa pag-unawa ng susunod na gawain. Makatutulong din ito sa pagsusuri kung paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya. Upang lubos ang iyong kahandaan sa aralin hinahamon kita na sagutin mo muna at kumpletuhin ang susunod na gawain.
BInabati kita!
Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin.
128
agkatapos masuri ang iyong kahandaan sa mga kaalaman tungkol sa Sinaunang Pamumuhay. Natitiyak kong nais mong malaman ang mga sagot sa iyong katanungan. Malalaman mo ang mga kasagutan sa susunod na bahagi ng modyul na ito. Sa iyong pagtupad sa iba't ibang gawain sa susunod na bahagi ng PAUNLARIN, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga dating alam sa mga bagong kaaalaman na iyong matututuhan sa modyul na ito.
Gawain
Makilahok sa isa sa apat na pangkatang gawain at sundin ang hinihinging gawain sa Task Card upang lubos mong maunawaan ang mahahalagang pangyayari mula sa
Sinaunang Pamumuhay. Maging mapanuri sa babasahin at magtala ng mahahalagang datos at pangyayari. Tak Card 1: Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Kanlurang Asya pp 156-168 Task Card 2. Ang Asya sa Sinaunang Panahon :Silangan at Hilagang Asya pp.172-188 Task Card 3. Ang Asya sa Sinaunang Panahon :Timog Asya pp192-198 Task Card 4. Ang Asya sa Sinaunang Panahon : Timog Silangang Asya pp 202-214
1
Task Card 1. KANLURANG ASYA Proseso ng Gawain 1.Basahin ang sipi ng aralin mula sa Batayang Aklat : Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Kanlurang Asya pp 156-168 2.Pagkatapos basahin ang sipi ay punan ang Data Retrieval Chart tungkol sa mga Mahahalagang Pangyayari sa Kanlurang Asya. 3.Itala ang mahahalagang pangyayari sa bawat aspeto nito mula sa pamahalaan hanggang sa sining at kultura. 4.Magkakaroon ng pag uulat pagkatapos mapunuuan ang chart upang masuri nang lubos ang bawat pangyayaring naganap sa bawat rehiyon. 5.Katulong sa pagsagot ng mga gawain ay ang mahahalagang sipi na mababasa sa ibaba. 6.Sagutin ang Pamprosesong Tanong.
129
Mga Puna sa Mahahalagang Pangyayari. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________
Pamprosesong Tanong:
1. Paano umusbong ang ibat ibang imperyo sa Kanlurang Asya? Paano pinangasiwaan ni Sargon Iang mga sakop na Imperyo? 2. Ano ang pinaka mahalagang nagawa ni Hammurabi ? Bakit ? 3. Ano ano ang mga ambag ng Imperyong Persiano ? Pano sinakop ngi Alexander the Great ang mga imperyo sa Kanlurang Asya 4. Ano ang bahaging ginampanan ng mga imperyo sa pagtatag ng sibilisasyong Kanluranin ? 5. Anong aspekto ang nagpatingkad ng pagsulong ng kabihasnan sa kanlurang Asya? 6. Paano naka impluwensya ang kaisipang Asyano, relihiyon at pilosopiya ng Kanlurang Asya sa paghubog ng kasalukuyang sibilisasyon sa Asya ? Nais mo bang malaman ang iba't ibang mga imperyo sa Asya? Nais mo bang mabatid kung anu-ano ang mahahalagang kontribusyon ng bawat imperyo sa kasaysayan at sibilisasyon? Kung gayon ay basahin at unawain ang talahanayan ng mga Imperyo sa Asya sa ibaba.
Isang uri ng Sumerian script
130
Isang uri ng Akkadian Sculpture
Djcobspbworks.com
Isang uri ng Babylonian Script
Livius.org
Isang uri ng Assyrian Image
Ancientreplicas.com
Isang uri ng Chaldean Image
Bible-history.com
131
Isang uri ng Phoenician Image
Bible-history.com
Hebrew Alphabet
Bible-history.com
Mandirigma ng Hittite
Bible-history.com
132
Gawain 5: Bigyang Kahulugan
Batay sa talahanayan sagutin ang sumusunod na mga tanong .
Anong imperyo ang may pinaka mahalagang ambag sa sangkatauhan at bakit ? __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ ___________________________________________________________ Sa larangan ng pamumuno, pulitika at pamahalaan aling imperyo ang higit na nangibabaw ang kontribusyon?Ipaliwanag? _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Ano ang karaniwang dahilan ng pagbagsak at paghina ng mga imperyo ? __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ ________________________________________________________________ Ano ang pinakamatatag na imperyo at paano nila ito pinagtanggol sa mga mananakop ?
__________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 133
Gawain 6: Bagsak o Pasado?
Pag usapan at suriin sa inyong mga pangkat ang mga naitakdang dahilan ng pagbagsak. Iulat ang epekto sa pamumuhay noon at paano sila umahon mula sa pagbagsak. Iulat ito sa
MGA DAHILAN NG PAGBAGSAK NG MGA IMPERYO SA KANLURANG ASYA (Unang Pangkat ) Panguanahing dahilan ng paghina ng mga Sumerian ay ang madalas na labanan at kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod estado nito. Madalas na pinagtatalunan ang patubig at hangganan ng mga lupain. (Ikalawang Pangkat ) Naging mahina ang kanilang sistema ng pagtatanggol sa kanilang teritoryo kaya madali silang nasalakay ng mga mananakop. Kasunod nito ang kawalan ng tiwala sa mga namumuno kaya ninais ng ilang mamamayan na lumikas sa lugar. (Ikatlong Pangkat) Simula ng pumanaw si Hammurabi naganap ang pag atake ng ibat ibang grupo at nagsimula na silang magtatag ng mga pamayanan ang mga Hittite sa Babylonia (Ika apat na Pangkat ) Dahil sa kalupitan ng pamumuno nagkaisa ang mga Chaldean, Medes, at Persian noong 612 BCE upang pagtulungan itaboy ang mga Assyrian. Ang paglusob ni Alexander the Great pagkalipas ng 300 taon at halos walang iniwang karangyaan ng Assyria (ika limang Pangkat ) Hindi napagtuunan ang pagpapatatag ng pamahalaan at sandatahang lakas (Ika anim na Pangkat) Ang mataas na pagpataw ng buwis ni haring Rehoboam na naging dahilan ng pagrerebelde ng mga nak ni Solomon na dahilan ng pagkawatakwatak ng Hebreo. Ayon sa lumang tipan ang dahilan ng pagbagsak ng kaharian ay ang pagkakaroon ng ibat-ibang diyos ng Israel na dala ng maraming asawa ni haring Solomon. (Ika pitong Pangkat ) Simula ng makipagdigmaan sila sa mga dayuhang imperyo ay humina ang kanilang pwersa. Madali silang nasakop ng mga Griyego at napasakamay sila ni Alexander the Great. EPEKTO SA PAMUMUHAY NOON PAANO SILA UMAHON MULA SA PAGBAGSAK
134
Task Card 2.SILANGAN AT HILAGANG ASYA Proseso ng Gawain 1.Basahin ang sipi ng aralin mula sa Batayang Aklat : Ang Asya sa Sinaunang Panahon :Silangan at Hilagang Asya pp.172-188 2.Gawin ang Flow Chart tungkol sa daloy ng mga Mahahalagang Pangyayari sa Silangan at Hilagang Asya.Itala kung kailan naganap ang pangyayari. 3.Itala ang mahahalagang pangyayari sa Flow Chart. Itala din kung anong aspeto ito ng pangyayari.(tulad ng kabuhayan, lipunan, edukasyon, paniniwala, sining at kultura,pagpapahalaga at iba pa. 4.Magkaroon ng pag- uulat pagkatapos masagutan ang chart upang masuri ng lubos ang bawat pangyayari sa bawat rehiyon. 5.Katulong sa pagsagot ng mga gawain ay ang kasunod na mahaha- lagang sipi na babasahin. 6.Sagutin ang Pamprosesong Tanong.
2
Teksto ng Silangan at Hilagang Asya
Mga Dinastiya sa China 1. Zhou o Chou (112 B.C.E. - 221 B.C.E.) Naipasa sa dinastiyang Zhou ang "Basbas ng Langit" at ang titulo na "Anak ng Langit".Naimbento ang bakal na araro. Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng Huang Ho.Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan. Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at gumamit ng chariot.Dahil malawak ang teritoryo ng Zhou, humina ang kontrol nito sa nasasakupang estadong lungsod.Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado o warring states. Lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism.Si Confucius ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan. 2. Qin o Ch'in ( 221-206 B.C.E) Nagapi ng Qin ang mga kalabang estado sa ilalim ng pamumuno ni Zheng.Napabagsak ni Zheng ang Zhou noong 221 B.CE. Idiniklara ni Zhen gang sarili bilang si Shi Huangdi o Shi Huang Ti, na nangangahulugang "Unang Emperador".Naganap ang kosolidasyon sa China sa panahon ng Qin. Pinili ni Shih Huangdi bilang tagapayo ang mga iskolar ng pilosopiyang Legalism. Kailangang malulupit ang batas at mabibigat ang parusa upang maabot ang kaayusan, ayon sa Legalism.Si Li Xi, isa sa mga legalista, ang nagaing punong ministro ni Shih Huangdi.Ayon kay Li Xi, makasasama sa agrikultura, medisina, at mahika.Inutos ni Shih Huangdi na ipatayo ang Great Wall Of China bilang proteksyon sa pagatake ang mga kalaban. Sa pagkamatay ni Shih Huangdi bumagsak din ang dinastiyang Qin. 135
3. Han (206 B.C.E - 220 C.E.) Kinikilala ang Han bilang isa sa mga dakilang dinastiya sa China.Itinatag ito ni Liu Bang noong 206 B.C.E.Pinalitan niya ang mararahas na patakaran ng Qin.Ang Confucianism ang naging opisyal na pilosopiya.Natamo ng Han ang tagumpay sa panahon ni Wudi o Wuti . Pinalawak ni Wudi ang teritoryo ng sa pamamagitan ng pagsakop ng iba pang teritoryo.Sa panahon ng Han napatanyag ang Silk Road, isang ruta ng kalakalan.Sa tala ang dinastiyang Han, nakarating sa Rome ang isang pangkat ng mgaTsinong juggler.Nakarating sa rome ang seda ang China na tinatawag naseres.Sa dinastiyang ito naimbento ang papel, porselana, atwater-powdered mill. Nabuhay sa panahong ito si Simaqien, ang dakilang historyador ng Halimbawa ng sculpture mula sa Qin Dynasty China. 4. Sui (589 - 618 C.E) Mabilis na pumalit ang Sui pagkatapos bumagsak ang Han.Napasok din sa China ang mga nomadikong mandirigma. Watak-watak ang China nang may 400 na taon.Umabot ang Buddhism sa China.Bumalik ang konsolidasyon. Itinatag ito ni Yang Jian. Itinayo ang Grand Canal. 5. Tang (618-907 C.E.) Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang manggagawa sa proyekto ng Sui.Nag-alsa sila na pinamunuan ni Li Yuan na itinatag ang dinastiyang Tang. Tinawag si Li Yuan na Emperador Tai Cong.Pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng China.Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing. At napabilis ang paggawaang mga kopya ng anumang sulatin. 6. Sung (960-1278 C.E.) Watak-watak muli ang China ng bumagsak ang Tang.Ikatlo sa mga dakilang dinastiya ang Song. Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin. Nag patuloy ang pagsalakay ng pangkat-etniko sa Hilangang Asya.Kahit nasakop sila ng mga nomadiko patuloy pa rin ang pamumulaklak ng sining at panitikan.Naimbento ang gun powder.Nagsimula ang tradisyon ng footbinding sa nga ba- bae. Lumitaw ang Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi. 7. Yuan (1278-1368 C.E.) Daidu ang naging kapital ng Yuan - unang banyagang dinastiya ng China.Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang Yuan.Ipinairal ng Mongol ang Confucianism bilang pilosopiya.Nasa mataas na posisyon ang imperyo ng mga Mongol. Nagkaroon ng maraming manlalakbay sa Yuan at isa na doon si Marco Polo. 8. Ming (1368-1644 C.E.) Pinalitan ng mahihinang emperador si Kublai Khan.Noong 1368 napabagsak ng hukbo ni Zhu Yuanzhang ang Mongol sa Daidu at itinatag ang Ming.Ang Ming ang ikaapat sa mga dakilang dinastiya sa China.Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala sa kanilang bansa. 136
Mga Dinastiya sa Korea 1.Gojoseon o Lumang Joseon (2333 B.C.E-108 B.C.E) Ayon sa mga iskolar nagkaroon ng hiwa-hiwalay na estadong pamayanan sa Korea noong panahon ng Bronse(3000-300 B.C.E.).Isa sa pinakamalakas ay ang Gojoseon na itiantag ni Dangun. Mula sa pagiging estadong pamayanan, ito ay naging kaharian.Nasakop ng Han ng China noong 109 B.C.E. and Gojoseon. Nagpatuloy ang pangningibabaw ng Tsino hanggang 313 C.E. 2. Tatlong Kaharian (313-668 C.E.) Unti-unting lumitaw ang tatlong kaharian ng Korea sa timog na bahagi: ang Goguryeo(37 B.C.E.-668 C.E.), Baekje (18 B.C.E-663 C.E.), at Silla (57-668 C.E.).Tinawag ito bilang panahon ng Tatlong Kaharian.Unang nabuo sa tatlo ang Goguryeo noong 37 B.C.E.Noong 313 B.C.E. tinalo ang Goguryeo ang hukbong Tsino. Nabuo ang Baekje sa timog-silangan malapit ang pakikipag-ugnayan nito sa China at Japan. Ang lipunan ang tatlong kaharian ay pinamumunuan ng mga aristokratikong mandirigma.Hiniram nila ang sistema ang pamahalaan ng Han sa China, ang Buddhism, at ang tradisyon ng pagsusulat ng kasaysayan. 3. Pinag-isang Silla (668-935 C.E.) Noong ikaanim na siglo ang Baekje at Goguryeo ay pinahina ng mga sigalot na kaharian.Samantala, ang Silla ay nasa ilalim ng pamumuno ng magaling na hari na may planong sakupin ang katabing kaharian.Unang bumagsak ang Baekje at sumunod ang Goguryeo.Dahil dito napag-isa ng Silla ang halos kabuuan ng Korea.Matapos ang pitong taon, napatalsik ng Silla ang mga Tsino sa Korea 4.Balhae (698-926 C.E.) Ang Balhae ay itinatag ni Dae Joyong.Matatagpuan ang Balhae sa hilaga ng Korea at umaabot hanggang sa Manchuria. Ang kultura nito ay pinag-sanib ng Tang at Goguryeo. Noong ika-10 siglo nasakop ito ng mga nomadikong Khitan 5. Goryeo o Koryo (918-1392 C.E.) Ang Goryeo ay itinatag ni Wang Geon. Ang pangalang Korea ay nagmula sa kahariang ito.Ang buong Korea ay napasailalim sa iisang kaharian.Sa larangan ng sining, nakalikha ang Goryeo ng sariling istilo ng porselana na tinatawag na celadon 6. Joseon o Yi (1392-1910 C.E.) Ito ang pinakahuli at pinakamahabang dinastiya sa Korea.Itinatag ito ni Yi Seong-gye. Inilipat niya ang kabisera ng Hanseong(ngayon ay Seoul)Sa panahon ni Haring Sejong siya ay tinaguriang "Ang Da- kila" Kautusan ni Haring Sejong na bumuo ang mga iskolar ng alpbetong Korean - ang hangul o Hunmin Isang tradisyunal na panahanan sa Korea Jeogeum.Mahalaga rin ang kontribusyon ni Admiral Yi Sunsin sa labanang dagat. Inembento niya ang turtle ship.Ang lipunan ng Korea ay binubuo sa apat na uri: angyangban, chung-in, yangmin, at chonmin. 137
Mga Dinastiya sa Japan Ang Liping Yamato at Nara. Ito ang paglaganap ng impluwensyang Tsino at Japan. Naging tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at Confiucianism. Itinayo ang lunsod ng Nara noong 710 C.E. Itinayo ang kapital ng Japan sa Heian.Si Fujiwara Kamatari ang batang emperador na nagingre- gent.Ang regent ang siyang namamahala sa ngalan ng empera- dor.Namayantag ang eleganteng pagsususlat ng tula, sining ng calligraphy, at pananamit. Naisulat sa panahong ito ang dakilang nobela na The Tale of Genji ni Murasaki Shikibu o Lady Mu- rasaki.Nagkaroon ng labanan ng mga angkang aristokratiko sa huling bahagi ng panahong Heian,Lumitaw ang grupong bushi at samurai.Nabuo ang trdisyong military na nakapaloob sa Bushido.Pagkatapos ng Heian ay sumunod ang bakufu.
Isang tradisyunal na kasuotang pandigma sa bansang Japan
Gawain 7: Flowchart ng mga Pangyayari
Itala sa flowchart ang mahahalagang pangyayari sa Silangan at Hilagang Asya.
Mahahalagang Pangyayari mula sa Sinaunang Pamumuhay sa Silangan at Hilagang Asya
139
Reaksiyon sa daloy ng mga Pangyayari sa Silangan at Hilagang Silangan.
________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ _
Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang Dinastiya ?Saang prinsipyo nakabatay ang dinastiya? 2.Paano hinubog ng mga dinastiya ang pamumuhay ng mga bansa sa Silangang Asya? 3.Gaano kahalaga si Wang Geon sa lipunang Korea ? 4.Paano naimpluwensiyahan ng Tsina ang lipunang Korea ? 5.Ano ang mga mahalagang pangyayari sa panahon ng Hapones? 6.Ilarawan ang Minamoto at Ashikaga ? ano ang mahalagang ambag nila sa pamumuhay at lipunang Hapones ? 7.Paano naka impluwensiya ang kulturang hapones sa paghubog ng pamumuhay ng mga Silangang Asyano ? 8.Paano nakatulong ang heograpiya ng hilagang Asya sa pag-usbong ng kanilang kabihasnan?
Gawain 8: Mag TRI-Question Tayo
Panuto : Sagutin ang tatlong mahahalagang tanong at isulat sa loob ng kahon ang bawat sagot.
140
Mga Pangyayari
Ano ang bahaging ginampanan ng pangyayaring ito sa kanilang bansa na kinabibilangan ?
Bakit mahalaga ang mga pangyayaring ito sa kanilang bansa ?
Paano nakatulong sa pagbuo at paghubog ang mga pangyayaring ito sa kanilang pamumuhay ?
( CHINA ) Naipasa sa dinastiyang Zhou ang "Basbas ng Langit" at ang titulo na "Anak ng Langit". ( CHINA ) Kinikilala ang Han bilang isa sa mga dakilang dinastiya sa China. ( KOREA ) Unti-unting lumitaw ang tatlong kaharian ng Korea sa timog na bahagi ( KOREA ) Ang Goryeo ay itinatag ni Wang Geon. Ang pangalang Korea ay nagmula sa kahariang ito.Ang buong Korea ay napasailalim sa iisang kaharian.
( JAPAN ) Naisulat sa panahong ito ang dakilang nobela na The Tale of Genji ni Murasaki Shikibu o Lady Murasaki.Nagkaroon ng labanan ng mga angkang aristokratiko sa huling bahagi ng panahong Heian.
( JAPAN) Lumitaw ang grupong samurai.Nabuo ang trdisyong military na nakapaloob sa Bushido.Pagkatapos ng Heian ay sumunod ang bakufu.
141
Task Card 3. TIMOG ASYA Proseso ng Gawain : 1.Babasahin ang sipi ng aralin mula sa Batayang Aklat : Ang Asya sa Sinaunang Panahon : Timog Asya pp.192-198. Basahin din ang sipi na makikita sa ibaba. 2.Sagutan ang Hagdan ng Kasaysayan tungkol sa mga Mahahalagang Pangyayari sa Timog Asya. 3.Sagutan ang Hagdan ng Katanungan.Tandaan na maari ka lamang umakyat sa susunod na hagdan kung masasagot mo ang mga katanungan. 4.Dapat mo lamang makuha ang iyong tropeyo kung matatapos mo at masasagot ang lahat ng tanong. 5.Magkakaroon ng pag-uulat pagkatapos mapunan ang Hagdan ng Kasaysayan upang masuri nang lubos ang bawat pangyayaring naganap sa bawat rehiyon. 6.Sagutan ang Pamprosesong Tanong.
3
TIMOG ASYA
Indo-Aryan (1500 B.C.E.) tumawid sa hilagang-kanlurang bahagi ng India na ang ilan ay sumalakay sa Persia, Greece at Italy sa iisang panahon.Matatangkad, maputi, malakas kumain, at umiinom ng alak, payak ang pamumuhay, nag-aalaga ng bata at nagtatanim. Panahong Vedic Panahong nagtagal ng 600 na taon, mula 1500-900 B.C.E na hango sa salitang Vedas (karunungan)pagtaboy ng mga Indo-Aryan sa mga Dravidian patungong katimugan maraming mga Indo-Aryan ang naging magsasaka at natutong mamuhay sa pamayanan Panahong Epiko Tumulay ang mga Indo-Aryan patungong silangang lamba sa Ganges River. Mga unang pamayanan ay itinatag noon 900 B.C.E. Ang mga ulat tungkol sa pamumuhay ay galing sa mga epiko .Mga lungsod-estado na gawa ng Indo-Aryan ay napaligiran ng mga palibot-bambang (moat) at mataas na pader. Sa gitna ang RAJA; binubuo ng mga kamag-anak at mga dugongbughaw ang konseho
142
Pagtatag ng Sistemang Caste Nagpatupad ang mga Indo-Aryan ng diskriminasyon o pagtatangi laban sa mga Dravidian upang patatagin ang kanilang kapangyarihan,nilikha upang hatiin ang lipunan sa mga pangkat 4 na Pangkat sa Lipunan § BRAHIMIN / PARI (pinakamataas) § KSHATRIYAS (mandirigma) § VAISHYA (mangangalakal/ magsasaka) § SUDRAS / ALIPIN (alipin Kshatriyas ang una sa pagakahanay sa mababang panahon,nang maglaho ang digmaan at ang pananampalataya ay naging higit na mahalaga, nagsimulang mangibabaw ang mga Brahmin, sundin ng bawat kasapi ang mga tuntunin sa pag-aasawahanapbuhayseremonya sa pananampalatayamga kaugaliang panlipunan (kumain;uminom)manatili sa pangkat kung saan ipinanganak hanggang mamatay. Ang Panitikan ng mga Indo-Aryan Sankrit ang wika sa loob ng 100 taon na dala ng Indo-AryanVedas ang tawag sa naunang literature Rig-Veda (awit ng Karunungan)Pinakamahalagang Vedas na pamumuri ng diyos Si ALEXANDER THE GREAT Siya ang hari ng Macedonia, isang kaharian sa hilagang Greece,ang kaniyang pangarap ay lupigin ang Persia, napabagsak niya ang Persia noong 328 B.C.E, pagkatapos ng dalawang taon tinawid niya angIndus River at tinalo ang isang hukbong Indian, nilisan niya ang India na hindi kasama ang mga sundalo IMPERYONG MAURYA (321 B.C.E) Inagaw ni Chandragupta Maurya ang isang kaharian.Si Chandragupta Maurya ang unang hari ng dinastiyang Maurya. 273 B.C.E ng humalili si Asoka (apo ni Maurya).Pinangunahan niya ang isang kampanyang military.Nang makaranas ng kampanya ni Asoka na hindi kanais-nais, nagpasya siya na bigyan ng katahimikan ang kanyang nasasakupan.Niyakap niya ang Buddhism. Tinuruan at tinulungan niya ang mga mamamayan.Nagpadala ng mga misyonero sa Ceylon at Burma; lumaganap ang Buddhism sa Asya Ang mga Kushan Unang siglo ng sinalakay ang Kushan.Ang kanilang paghahari ay tumagal ng 200 C.E Ang Kamishka ang pinaamakapangyarihang hari ng Kushan. Nagpatayo siya ng mga gusali sa Peshawar.Tagapagtaguyod ng Buddhism si Karishka.Mahayana-Buddhism- naniniwala sa pagkakaroon ng mababang uri ng diyos
143
Bodhisasatta- tumutulong sa mga tao na makamit ang NIRVANA o kaliwanagan at kaluwalhatian- ( langit),mababang uri ng diyos).Ang tawag sa orihinal na Buddhism ay Hinayanna o Theraveda Buddhism.Ang Mhayana Buddhism ay lumaganap sa China,Korea,Mongolia,Tibet at Japan. Imperyong Gupta Nahati ang hilagang India sa maliit na estado. Ito ay makapangyarihan. Sinakop ng unang hari ng Gupta ang lambak ng Ganges Rivernoong 320 C..E. Narating ng Gupta ang pinakamataas na katanyagan sa pamamagitan ni Haring Chandra Gupta II Naganap ang Golden Age o Gintong Panahon Umunlad ang agham sa panahong ito.Tinalakay ng isang matematiko at astronomo na si Aryabhata ang halaga ng pag-ikot at hugis sphere ng daigdig. Tinantiya ng ibang astronomo ang dyametro ng buwan. Nagsulat tungkol sa gravitation. Pinaunlad rin ang number symbols.Pinagaralan ang sistemang decimals at sila ang unang gumamit ng zero Nakahanap sila ng mga bagong gamit at lumikha. Ang kanilang patalim ay yari sa asero Ang mga manggagamot ay marunong mag isterilisa (sterilization) na mga panturok o panlinis ng sugat. Nagsagawa sila ng operasyon (surgery) at lumago muli ang Hinduism Mga Muslim na Mananalakay Tinawid ng mga mananalakay na muslim ang mga bulubundukin ng hilagang- kanlurang bahagi ngIndia. Noong una ang kanilang pakay ay palaganapin ang Islam.Ngunit ng Makita nila ang malaking yaman ngIndia ay sinikap nilang maging mga hari at prinsipe. Ang pinakatanyag at pinakamakapangyarihan na sultanato ay sultanato ng Delvi. Matagumpay na nasakop ng mga Muslim ang malaking bahagi ng India.1398 nang nilusob ng Tanlerlane ang India. Sinalakay niya ang Delvi, kinuha lahat ng kayamanan at pumatay ng isang libong tao. Ang mga Mongol at Imperyong Mogul May mga bagong Muslim na mananalakay ang dumating sa India na pinangunahan ni Babur, Si Babur ay isang Turk na kaanak ni Tamerlane at ni Genghis Khan.Inakala ng mga taga-India na Mongol si Babur kaya tinawag itong Mogul.1556 ng magsimulang manlupig si Akbar, apo ni Babur.Pinalaganap niya ang pamamahala patungong Silangan.Nakuha niya noong 1576 ang Bihar at Bengal.Pagkatapos ng 10 taon, naidagdag niya ang Kabul at Kashmir 1595 nang mapabilang ang Balu Chistan sa kanyang imperyo, si Akbar ang naging pangunahing hari sa buong Hilagang-India. Si Akbar ay hindi marunong bumasa o sumulat ngunit hangad na matuto, pinaligiran niya ang kanyang sarili ng mga :Pilosopo,Arkitekto,Pari Makata,Pinagbuti ni Akbar ang pangangasiwa ng katanungan,Hinigpitan niya ang paggamit ng pisikal na paghihirap,parusang kamatayan para sa may malubhang pagkakasala.
144
Gawain 9: Pangyayari, Sanhi at Bunga
Itala ang mga sanhi at bunga ng mahahalagang pangyayari sa Timog Asya. Matapos masuri sa mga pangyayari ay maglagay ng sariling puna. Natatanging Pangyayari sa Timog Asya Sanhi ng Pangyayari Bungan g Pangyayari Puna sa Pangyayari
Panahong Vedic
Pagtatag ng Sistemang Caste
Ang mga Mongol at Imperyong Mogul
Pamumuno at pagsalakay ni Alexander The Great
Mga Muslim na Mananalakay
145
Gawain 10: Hagdan ng Kaalaman
Panuto: Sagutin ang mga gabay na taong sa ibaba. Ilagay ang inyong sagot sa bawat bahagdan ng hagdanan na nasa larawan upang makamit ang inyong premyong tropeyo. Handa naba kayo?
6 5 4 3 2 1
HAKBANG 1 2 3 4 5 6
MGA TANONG Saan at paano itinatag ang mga unang pamayanan ng mga Indo Aryan? Sino sino ang namuno sa pagtataguyod ng sibilisasyon ng Timog Asya? Ano ang naging ambag ni Alexander The Great at mga katutubong pinuno ng imperyo? Paano nabuo at nahubog ang sibilisasyon ng mga bansa sa Timog Asya? Paano naka impluwensiya ang mga kaisipan, paniniwala ng taga Timog Asya sa kasalukuyang mga bansa sa Asya May mga paniniwala at kaisipan ba sila na ginagawa din nating mga Pilipino? Ipaliwanag.
146
Pamprosesong Tanong:
1.Ilarawan ang mga Indo Aryan, ano ang kanilang kontribusyon sa sinaunang pamumuhay ng taga Timog Asya ? 2. Paano itinatag ang sistemang Caste sa India? Akma ba ito na gamitin sa ating bansa ? pangatwiranan 3.Patunayan na nakatulong si Alexander sa pagsakop sa ilang bansa sa Asya 4.Ano ang mga kontribusyon ni Chandragupta sa kabihasnan ng Timog Asya? 5.Naging matagumpay ba ang mga muslim sa pagsakop sa Hilaga at Gitnang Asya.?Patunayan ang sagot? 6.Paano lumaganap ang imperyong Mogul ? 7.Batay sa gawain blg .Anong pangyayari sa sinaunang kabihasnan sa Timog asya ang may malawak na impluwensiya sa paghubog ng kasalukuyang sibilisasyon sa mga bansang Asyano ? 8.Batay din sa mga naunang gawain paano nahubog ng mga pangyayaring ito ang kasalukuyang pamumuhay ng mga Asyano ? Ngayon ay naunawaan mona ang mga mahahalagang pangyayari sa Timog Asya. Ganun din nasuri mo kung paano nabuo at nahubog ang sibilisasyon sa mga bansa sa Timog Asya at kung paano ito nakaimpluwensya sa mga bansang Asyano. Ipagpapatuloy mo ang pag-aaral ng kabihasnan sa pag-unawa naman sa mga kaisipan, pilosopiya at relihiyon sa Timog Silangang Asya. Tutuntunin mo din kung paano ang Timog Silangang Asya ay nakatulong sa pagpapayabong ng sibilisasyong Asyano sa kabuuan. Kaya simulan mo na.
Task Card 4. TIMOG SILANGANG ASYA Proseso ng Mga Gawain : 1.Basahin ang sipi ng aralin mula sa batayang Aklat : Ang Asya sa Sinaunang Panahon : Timog Silangang Asya pp 202-214
4
2.Sagutan ang Matrix Chart tungkol sa Mahahalagang Pangyayari sa Timog Silangang Asya 3.Itala ang mahahalagang pangyayari sa bawat aspekto nito mula sa pamahalaan hanggang sa sining at kultura. 4.Magkaroon ng pag-uulat pagkatapos masagutan ang chart upang masuri nang lubos ang bawat pangyayaring naganap sa bawat rehiyon. 5.Basahin ang kasunod na teksto at sagutin ang Pamprosesong Mga Tanong.
147
SINAUNANG KABIHASNAN SA TIMOG-SILANGANG ASYA
Ang paglipat lipat ng mga tirahan ng ibang lahi ay nakaabot sa Timog Silangang Asya. Dahil dito ay naimpluwensiyahn nila ang mga taga Timog silangang Asya na magtanim, magsaka, mag alaga ng hayop , maglayag , magpastol. Kasabay nito ay ang paghiram nila ng wikang Austronesian. Ayon sa Kasaysayan bago pa man maganap ang pagsakop ng mga Kanluranin at ibang mananakop ay may roon ng maituturing na kaalaman sa kabihasnan at pamumuhay ang mga taga Timog Silang Asyano. Tulad ng mga sumusunod : paggamit ng metal,pag buo ng pamilya, agnkan o grupo,pagsamba at pagpapahalaga sa mga kalikasan, pagtatayo ng mga poon at dambana,paninirahan sa ibat ibang lugar. Kaharian ng Vietnam Nakaranas ang Vietnam ng pamumuno ng mga Tsino. Pinagkukunan ang Vietnam ng mga hilaw na produkto na dinadala sa Tsina. Naging malawak ang sakop ng tsina sa Hilagang Vietnam. Namana ng mga Vietnamese sa mga Tsino ang paggamit ng epelyido,relihiyon at iba pang impluwensiya. Kaharian ng Funan, Chenla at Champa Naging malakas ang kapangyarihan ng Funan dahil sa tulong at impluwensiya ng kulturang Indian at Tsina. Subalit sa pagsapit ng ikaanim na siglo ito ay naagaw ng mga Khmer na tinawag ding Chenla ng mga Tsino.Ang Chenla ang nagbigay daan sa pagbagsak ng Funan. Sa Timog ng Vietnam naman ay namayagpag ang Champa.Malaki ang impluwensiya ng mga Indian sa Cham. Imperyong Angkor/Khmer Dating pinakamakapangyarihang lupain sa rehiyon.Kasalukuyang matatagpuan sa Cambodia. Pinamunuan ni Jayavarman II na itinuring na pinakamalakas na pinuno ng Khmer.Ang Angkor Wat ang pinakadakilang ipinagawa sa panahong ito. Ito rin ang kinikilalang pinakamatanda at pinakamalaking Istrukturang pang-arkitektura sa daigdig. Kaharian ng Pagan Ito ay may pamayanang agrikultural, makikita sa pamayanang ito ang ibat ibang uri ng arkitektura. Malawak ang kanilang sakop na teritoryo. Marami ang naging mahuhusay na punino ng pagan tulad nila Anawrahta at Kyanzithha. Naging sentro ng mga Pagan ang Theravada Buddhism subalit bumagsak din sila dahil sa pananakop ng ibang tribu. Kaharian ng Ayutthhaya Itinatag ito ni U Thong. Itinatag niya ang darmasastra, isang kodigong legal batay sa tradisyong Hindu at Thai.Naging pamantayan ito ng batas ng Thailand. Ang mga monument at templo ay pagpapatunay na ambag ng kahariang Ayuthhaya subalit katulad ng ibang imperyo ay nasakop din sila at bumagsak.
148
Kaharian ng Sailendras Hari ng Kabundukan ang kahulugan sa salitang Sanskrit ng Sailendras, isa sa kilalang pamana nila ang Borobodur, isa itong banal na kabundukan, isa itong pamana ng monumentong Buddhist. Naniniwala sa Mahayana Buddhism kaya pinalibutan ang Borobudur ng mga monument ni Buddha
MGA KAHARIAN SA PANGKAPULUANG TIMOG SILANGANG ASYA
Imperyong Srivijaya Nagsimula ang imperyo noong ika 13 siglo.Kinilala ang kaharian bilang Dalampasigan ng Ginto, dahil mayaman sila sa mina ng ginto.Naskop nila ang Malay Penin sula,Sumatra,Kalimantan at Java. Naimpluwensiyah sila ng relihiyong Buddhism ng Tsina. Malaks ang kanilang pwersang pandagat, ito ay dahil sa kapit at kontrolado nila ang mga rutang pangkalakalan. Binubuo dati ng Sumatra, Ceylon, Java, Celebes, Borneo, at Timog ng Pilipinas,May hawak dati ng spice route Imperyong Majapahit Pinalakas ng Majapajit ang kanilang imperyo sa pamamagitan ng pagsakop sa maliliit na kaharian. Lumawak ang kapangyarihan nila hanggang sa Malay Peninsula.Umunlad ang Majapajit sa pamumuno ni Gaja Mada.Dahil sa ibat ibang pwersang pang relihiyon at sa pagdating ng mga dayuhan ay humina ang pwersa ng imperyo at bumagsak sila. Dating may hawak sa Spice Islands Binubuo dati ng Laos, Vietnam, Cambodia, New Guinea, Sulu, at Lanao Malacca Kilalang daungan ang Malacca, malaki ang kahalagahan ng Malacca bilang sentrong pangkalakalan. Kontrolada nila ang monopoly ng kalakalan sa pagitan ng India,China at Timog Silangang Asya. Humina ang Malacca mula ng maagaw ng mga muslim ang kapangyarihan sa rehiyon. Pilipinas ( Bago ang 1565 ) Ang Pilipinas ay binubuo ng bawat barangay sa Luzon at Visayas, tanging Mindanao ang yumakap sa Islam. Nagtatag ng mga Sultanato sa Lanao at Sulu.Nagkaroon din ng mga pagpapatunay sa mga impluwensiya ng mga Tsino sa ating mga kultura. Ganun din ang mga impluwensiyang muslim sa ating pamumuhay ay nagpakita din ng malakas na pwersa sa bahagi ng Mindanao.
149
Gawain 11: Simulan Mo, Tatapusin Ko.
Suriin mo ang mga kahariang nabuo sa Timog Silangang Asya Sa pamamagitan ng pagsagot sa kapus na pangungusap. Maging makabuluhan sa paglalatag ng mga ideya at kaisipan. Basahin ang sipi ng aralin mula sa batayang Aklat : Ang Asya sa Sinaunang Panahon : Timog Silangang Asya pp 202-214 at ang Teksto sa itaas upang mapayaman ang mga kasagutan sa gawain. 1.Makikita ang katutubong kultura ng mga taga Timog Silangang Asya sa _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 2.Ang mga impluwensiya na nakaapekto sa kultura ng Timog Silangang Asya ay _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 3.Naging mabuti ang kinahinatnan ng migrasyon ng mga Austronesian sapagkat _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 4.Maunlad ang naging ugnayan sa pagitan ng Funan at China dahil _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 5.Tanyag ang Imperyong Angkor sapagkat _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 6.Naging sentro ng ng ruta ng perigrinasyon ng mga Buddhist ang kahariang Srivijaya dahil _____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ 7.Bumagsak ang imperyo ng Majapajit dahil _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 8.Napayabong ang mayamang kultura ng mga katutubo sa Pilipinas sa pamamagitan ng _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 9.Nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon sa Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 10.Sa mga katangian ng katutubong kabihasnan sa Timog Silangang Asya ang aking pinahahalagahan ay _____________________________________________________________________________ 150
Gawain 12: Harapan
Gamit ang mga datos mula sa Batayang Aklat, Mga Sipi at Teksto.Makilahok sa maikling pagtatalo o debate tungkol sa isyung ito "Timog Silangang Asya, Anino lamang ba ng India at Tsina"
Timog Silangang Asya, Anino lamang ng India at Tsina ? Hindi! Oo
Pamprosesong Tanong:
1.Paano nabuo ng sibilisasyon sa Timog Silangang Asya sa Panahon ng Neolitiko? 2.Ano ang mahahalagang impluwensiya ng Vietnam sa kabihasnan? 3.Paano nabuo ang mga Kahariang Pangkontinente sa Timog Silanagng Asya? 4.Ano ano ang mga impluwensya ng Mga Kaharian sa Pangkapuluang Timog Silangang Asya ? 5.Paano nahubog ng Timog Silangang Asya ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya ? 6.Paano napayabong ang mayamang kultura ng mga katutubo sa Pilipinas ? 7.Nakabuti basa mga bansa sa Timog Silangang Asya na tawagin na anino ng Tsina at India? 8.Paano nakatulong ang mga relihiyon,pilosopiya at kaisipang Timog Silangang Asya sa paghubog ng kasalukuyang pamumuhay ng mga Asyano? 151
MGA RELIHIYON SA ASYA
Basahin ang mga sumusunod na lathalain upang mapayaman ang kaalaman sa pagsusuri ng kaisipang Asyano, relihiyon at pilosopiya. Sagutin ang kasunod na Retrieval Chart sa ang Batayang Aklat.Aralin 16 Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya at Araling 17 Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan, Hilaga at Timog Silangang Asya. Malawak ang naging saklaw ng mga pangyayari sa ibat ibang rehiyon sa Asya tulad ng mga naitala na impluwensya sa pamahalaan, kabuhayan, teknolohiya, lipunan, edukas- yon ,paniniwala, pagpapahalaga at sining. Sa mga impluwensya sa mga pagbabagong ito higit na lumutang ang kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon. Ang relihiyon ay nag mula sa salitang latin (re-ligare) - pagbubuklod,pagbabalikloob sa greigo (re-legion) - pagpili, paghirang nabubuo sa kahulugang muling pagsasama ng mga pinili sa pananampalataya. Ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon sa mundo ay nagmula sa Asya. Sa lawak ng mga teritoryong sakop at sa kapal ng tao na mga naniniwala malaki ang dahilan upang tawagin ang Asya na sinilangan ng relihiyon sa daigdig. Halinat ating talakayin ang ibat ibang relihiyon na ito, alamin kung saan umusbong , kung sino ang nagtatag at ang mga mahahalagang aral ng mga ito. Sisirin din natin ang mga impluwensiya ng mga relihiyong ito sa ating lipunan.
Hinduismo
Hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India na,mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa Hinduismo. Naniniwala sila sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalikasan,subalit ito ay naglaho at napalitan ng pagsamba kay Brahma.Veda ang banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan,tinuturo ng Vedas na ang tao ay magkaroon ng mahaba at mabuting buhay.Ginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na pagsamba, mayroon silang mga altar,mga santo. Nagpupunta sila sa mga banal na lugar. Mga Paniniwala ng Mga Hindu Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal. Naniniwala ang mga Hindu sa pagmamahal, paggalang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa. Sumasamba sila sa ibat ibat uri at anyo ng Diyos na tinatawag na polytheismo. Bahagi ng paniniwalang Hindu ang Reinkarnasyon, kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo,paraan o nilalang. Nainiwala ang mga Hindu sa Karma, Ang Karma ang magbibigay sa tao ng gantimpala kung kabutihan ang tinanim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa. Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay at ito ay dapat na iniaalay niya sa Diyos anuman ang antas niya sa lipunan. 152
Buddhismo
Itinatag ito ni Sidharta Gautama, isang batang prinsipe, subalit ninais na maging asetiko upang danasin ang katotohanan ng buhay , isinuko niya ang karangyaan, luho at masarap na buhay.Iniwan niya ang pamilya at naglakbay hanngang matuklasan niya ang kaliwanagan.Kaya ang Buddhismo ay nangangahulugan ng " Kaliwanagan". May dalawang paghahati ang Buddhismo : Mahayana Buddhism - Kinilala bilang Diyos si Buddha na tagapagligtas mula sa guro. Niyakap ito ng mga taga Silangang Asya tulad ng China, Korea at Japan at Vietnam sa Timog Silangang Asya. Theravada Buddhism - Kinikilala si Buddha bilang guro at banal na tao. Kinilala ito ng mga bansa sa Sri Lanka, Myanmar, Thailand ,Laos at Cambodia. Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay. Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa Maalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay kaligayahan o Nirvana. Walong Dakilang Daan 1.Tamang pananaw 2. Tamang aspirasyon 3.Tamang pananalita 4. Tamang ugali 5.Tamang kabuhayan 6.Tamang konsentrsyon 7. Tamang pagpupunyagi 8. Tamang konsentrasyon.
Jainismo
Isa sa mga relihiyon sa India,ayon sa Veda ang jainismo ay itinatag ni Rsabha,subalit ang pinaka naging pinuno ng Jainismo ay si Mahavira o Vhardamana. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha. Mga Doktrina ng Jainismo
Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay,pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng tao.Bawal kumain ng karne, bawal ang pumatay ng insekto, bawal ang magnakaw, magsinungaling, bawal ang magkaroon ng ari arian at makipag talik.Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa katawan ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito. Kailangan mapagtimpi at disiplinado ang tao. Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay.Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, tinawag itong ahimsa o kawalan ng karahasan o non violence.Binibigyang diin ng Jainismo ang aseti- smo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang upang mapaglabanan ang kasikiman ng katawan.
153
Sikhismo
Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru Nanak. Sinikap niyang pagbuklurin ang ang mga Muslim sa isang kapatiran. Ang mga mananampalataya ng Sikhismo ay matatagpuan sa India, Pakistan at iba pang parte ng daigdig.
Mga Paniniwala ng mga Sikhismo May Isang Diyos, Walang hanggang katotohanan ang kanyang pangalan.Sila ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas.Kailanganag masagip ang mga tao o silay patuloy na makaranas ng mulit muling pagsilang. Ang nirvana ng mga Sikh ay makakamtam sa pagsama ng indibidwal sa kanyang lumikha sa kabilang buhay.
Judaismo
Ang Judaismo ang isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang paniniwala ng mga Hudyo sa monoteismo ay nagpapatunay na naging batayan ito ng Kristyanismo at Islam. Ang Torah na nangangahulugang batas at aral ay naglalaman ng limang aklat ni Moses. Ang Sampung Utos ang gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay. Ang mga ito ay ang sumusunod :
ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS (Tagalog) 1. Ibigin mo ang DIYOS ng lalo at higit sa lahat. 2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan. 3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath. 4. Igalang mo ang iyong ama at ina. 5. Huwag kang papatay. 6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. 7. Huwag kang magnanakaw. 8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling. 9. Huwag kang mag nanasa sa hindi mo pag- aari. 10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
.
154
Kristiyanismo
Ang Kristiyanismo ang pinaka malaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo. Sa dami ng taga sunod at kasapi. Ito ay relihiyong batay sa sa buhay at turo ni Kristo. Si Kristo ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo,mula sa Lumang Tipan hanggang sa mga aral ni Moses si Kristo ang ipinagakong Mesiyas at manunubos. Ayon kay Kristo mahal ng Diyos ang lahat ng tao at natutuwa siya kapag mahal siya at pinaglilingkuran nila.Pinagtibay ng Simbahang katoliko ang paniniwala sa Santisima Trinidad, ito ang paniniwala sa Iisang Diyos, Ama, Anak at Espiritu Santo.Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano.Ang Kristiyanismo ay nakabatay sa dalawang paniniwala: Ang pagkilala kay Hesus na Anak ng Diyos at paniniwala sa kanyang pagkabuhay na muli.Bahagi ng paniniwalang Kristiyanismo ang pagsunod sa Pitong Sakramento, pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at Mga kautusan ng Simbahan ng nagmumula sa Papa sa Roma.Ang Papa sa Roma ang pinaka mataas na pinuno ng Simbahang katoliko. Ang lahat ng simbahang katoliko sa daigdig ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Papa sa Roma.
Islam
Ang relihiyon ng mga Muslim. Sinasabing ikalawa sa pinaka malaking relihiyon sa daigdig.Kakaiba dahil ang pangalan ng relihiyon ay hindi tao, pook atbp. Ito ay galing sa salitang Arabik "Salam", kapayapaan , pagsunod at pagsuko sa Diyos Si Muhammad, Ang huling propetang pinadala ni Allah. Siya ang nagtatag ng Islam. Sinasabing mabait at mapagkakatitiwalaan , "Al Amin" (Mapagkakatiwalaan) Muslim ang tawag sa mga nilikha ni Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kaniyang mga kautusan.
Mga Paniniwala at Aral ng Islam
Ang Koran ang banal na aklat ng mga Muslim na tunay na salita ni Allah galing kay Muhammad sa pamamagitan ni angel Gabriel.Isa lang ang Diyos na si Allah at si Muhammad ang kanyang propeta.Hindi sila maaaring kumain ng baboy at hamon at uminom ng alak.Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng 4 na asawa na Muslim."Islam aims to bring about prosperity to all mankind."Nais nilang magkaroon ng Kapayapaan, pagkawalang gulo, kapayapaan, "pluralism", at "consultative system of leadership".Sina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad ang mga propeta ni Allah.Hindi tinuturing anak ng Diyos si Hesus. Pinadala lang daw siya ni Allah bilang isang propeta.
155
LIMANG HALIGI NG ISLAM Ang Limang Haligi ng Islam ay ang pundasyon ng relihiyon. Inaasahang ang bawat Muslim ay makakasunod dito. Una: IMAN (Pananampalataya) - Pagpapahayag ng Shahadah, "Walang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang propeta." - maglingkod at sumunod kay Allah buong buhay batay sa nga turo at gawa ng propetang si Muhammad Pangalawa: SALAH (Pagdarasal) - nagdadasal nang limang beses "mula sa madaling araw at tuwing tawag ng muezzin o tagatawag" - mas kanais-nais na magdasal sa Moske/Mosque kasama ng ibang Muslim Pangatlo: ZAKAH (Pag-aabuloy) - magbigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa nangangailangan - Zakah: "purification", "growth" - Sadaqa-h (voluntary charity) ay maaaring ibigay. Pang-apat: SAWM (Pag-aayuno) - pag-aayuno mula sa pagkain, inumin, at seksyuwal na relasyon kasama ng kanilang asawa - 40 araw mula 6 ng umaga hanggang 6 ng gabi (Ramadan) Panlima: HAJJ (Paglalakbay) - magbiyahe sa Mecca (The Black Stone of Kaaba) kahit isang beses lamang sa kanyang buhay - ika-12 na buwan ng taong Islam - para lang sa mga may kayang pumunta physically at financially
Zoroastrianismo
Noong ika-6 na siglo B.C., ipinalaganap ni Zoroastro, isang mangangaral na taga-Persia (Iran na ngayon), ang isang relihiyon. Sang-ayon sa relihiyong ito, ang búhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang Kataas-taasang Diyos; samantalang ang kasamaan ay nasa pangangasiwa ni Ahriman, ang Diyablong Espiritu.Sa wakas ng panahon, magtatagumpay si Ahura Mazda laban kay Ahriman. At ang magiging wakas ng daigdig ay sa pamamagitan ng pagkatupok sa apoy. Ang táong mabubuti at sumusunod sa mga aral ni Ahura Mazda ay titira na sa isang kahariang walang hanggan ang kaligayahan at kabutihan. Ang masasama naman ay parurusahan magpakailanman.Ang mga pangaral ng relihiyong ito ay nakatalâ sa mga aklat na pinagsama-sama sa ilalim ng pamagat naZend-Avesta. Naging malaganap ang relihiyong ito sa Gitnang Silangan sa loob ng higit sa isang libong taon, mula ika-6 na siglo B.C. hanggang ika-7 siglo A.D. Ginawa pa nga itong opisyal na relihiyon ng Imperyo ng Persia noon. Subalit dinaig ito ng Islam nang mapadpad itong huli sa Persia noong mga huling bahagi ng ika-7 siglo A.D. Bagama't nadaig ng Islam, hindi naman ito tuluyang naglaho. Magpahanggang ngayon, marami pa rin ang mga naniniwala sa relihiyong ito sa Iran at India.Napakahiwaga ng relihiyong ito. Pinaniniwalaang nakatatanda ito nang isa o higit pang libong taon sa iba pang mga relihiyon, kabilang na ang Judaismo, Kristiyanismo, Buddhismo, at Islam. Mula rito ang maraming pangunahing doktrinang pananampalataya, gaya ng Diyos at Diyablo, langit at impiyerno, purgatoryo, kaluluwa ng tao, araw ng paghuhukom, at wakas ng mundo
156
Shintoismo
Shintoismo ang tawag sa Paniniwala ng mga Hapones tungkol sa Diyosa ng araw at iba pang Diyosa ng kalikasan. Ang Shinto ay nangangahulugang Daan o kaparaanan ng Diyos. Tinatawag na Kami ang mga Diyos na may kapangyarihang likas at nananahan ang mga ito sa ilog, puno, bato, bundok, buwan at araw. Sinasamba rin nila ang namatay nilang mga kamaganak at ninuno.Nakasentro ang pagsamba nila sa mga templo at dambana na sa paniniwala nila ay nananahan ang Diyos. Bunubuo ang paniniwala nila ng mga dasal, pagpalakpak, pag-aalay at gawaing pananampalataya. Malaking bilang nila ay makikita sa bansang Hapon.
Templo ng mga Shinto
Kasuotan ng mga Shino
APAT NA PANININDIGAN NG SHINTO Tradisyon at Pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahingprayoridad. Pagmamahal sa Kalikasan: Ang kalikasan ay may malakas na koneksyon sa mga Panginoon kaya ito'y binibigyang silbi. Kanilang Kalinisan: Sila ay palaging naliligo at naghuhugas. Matsuri: Pagpuri sa mga Panginoon at sa mga sinaunang espirito. Paniniwala Purification: Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan. Kami: Banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay. Kapag ikaw ay namamatay, ikaw ay magiging isang kami. Aragami: Masamang "kami" na pinatay at ngayon ay naghahanap ng paghihiganti. Mizuko: Mga batang hindi naipanganak. Mga sanhi ng problema. Mizuko Kuyo: Pag-samba ng mga Mizuko upang iwasan ang problema.
157
Gawain 13: Mga Relehiyon sa Asya
Panuto : Basahin at unawain ang mga impormasyon, lathalain at sulat. Kinakailangan mo ring basahin ang Batayang Aklat ( Arain 16 : Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya pp 218-228 at Aralin 17 : Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan, Hilaga at Timog Silangang Asya pp 232-244 ) upang higit na mapayaman ang kaalaman sa pagtupad ng mga gawain sa bahaging ito. Punan ang kasunod na Retrieval Chart at sagutin ang kasunod na Pamprosesong MgaTanong. RELIHIYON Bansang Sinilangan Tagapagtatag Mga Batayang Turo,Aral at Paniniwala
158
159
Pamprosesong Tanong:
1. Paano itinatag ang mga relihiyon sa Asya? 2. Ano ang nagtulak sa mga tagapagtatag ng relihiyon na talikuran ang masarap na buhay at magtatag ng isang relihiyon ? 3. Bakit nagkakaiba iba ang relihiyon at paniniwala ng mga tao sa Asya? 4. Aling relihiyon na tinalakay ang higit na pinaniniwalaan at niyayakap ng mga Asyano? Bakit ? 5. Paano nakatulong ang mga relihiyon sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano ? 6. Paano nakaimpluwensiya ang relihiyon sa buhay at pamumuhay ng mga Asyano, anong aral, paniniwala at gawain ng kanilang relihiyon ang higit na nakapagpaunlad sa kanilang sarili? 7. Paano mo pinili ang kasalukuyang relihiyon na iyong pinaniniwalaan? 8. Aling turo o aral ng iyong relihiyon ang higit na nakakaapekto sa iyong buhay ?Bakit ?
MGA PILOSOPIYA SA ASYA
Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo" at "Sophia". Ang "Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa nagtatanong.
Confucianism
Isang pilosopiya o paraan ng paglakad ng buhay ng isang tao. Itinatag ni Confucius sa Shantung, China noong ika 6-5 century B.C.Siya ay mayroong 5-6 milyon na taga-sunod sa buong daigidig. Ang turo niya ay makikita sa kanyang mga isinulat na libro na ang mga Four books at Five classics.Ang paniniwala ni Confucius ay ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng kapayapaan .Hindi itinuturing ito relihiyon ng iba dahil hindi lahat ng elemento ng isang relihiyon ang Confucianism, nagpopokus ito sa paraan ng pamumuhay at ethical teachings.Naniniwala sila sa isang Panginoon sa langit at nag-aalay sila ng iba't ibang sakripisyo, pero inaalay ito ng mga hari, prinsipe at tao na may mataas na posisyon sa lipunan .Hindi sila naniniwala sa buhay pagkatapos mamatay, noong itanong si Confucius tungkol dito, ito ang kanyang sagot. "We haven't yet finished studying life to delve into the question of death." Li: includes ritual, propriety, etiquette, etc. Hsiao: love within the family: love of parents for their children and of children for their parents Yi: righteousness Xin: honesty and trustworthiness Jen: benevolence, humaneness towards others; the highest Confucian virtue Chung: loyalty to the state, etc.
160
Taoism
Tinatag ni Lao Tzu, Isinilang siya noong 500 B.C. sa Hunan sa Timog China. Siya ay nagtrabaho sa Imperial Library.Sa kanyang simpleng pamumuhay, siya ay natuto sumunod sa tawag niyang "Tao".Tao: "Ang Daan": Isang paraang pamumuhay. Bago iniwanan niya ang Chou Empire, isinulat niya ang Tao Te Ching Mga Turo Lahat ng mga bagay ay isa. Naniniwala sila na kapag gumawa ka ng masama ang katumbas ay dapat gumawa ka ng kabutihan. Ang buhay at kamatayan ay magkasama. Ito ay iisang realidad. Mga birtud: pagpipili sa sarili, pagpapasensya at pagLao Tzu papakumbaba. Ang estado ay nararapat na primitibo, pasibo at mapayapa. [Dahil sa pagdaloy ng panahon, nagkaroon ng daming pagbabago ang kanilang mga aral.] Mga Paniniwala Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan. Chi: enerhiya na nang-gagaling sa kalikasan o sa tao. Tao: Isang puwersa sa likod ng mga natural na kaayusan. Wu Wei: Hindi nakikita na kapangyarihan sa loob ng lahat ng mga bagay Pu: Lahat ng bagay ay nakikita na ito ay walang "preconceptions". De: Ang aktibong pamumuhay, o sa sarili, ng "paraan". Kasulatan—TAO TE CHING Sinulat ito ni Lao Tzu. Ito ay na sa anyong patula.Layunin nito na makamit ang ugnayang mistiko. Nilalaman nito ang mga pangunahing aral ng Taoismo. Lahat daw ng tao ay may pagkakapantay-pantay. Lahat daw ng bagay ay relatibo.
161
Legalismo
Nakabatay ang legalismo sa makabuluhan at malakas na pwersa na dala ng estado. Ang agrikultura at sandatahang lakas ang ilan sa mga element na maaring magpatibay sa estado. Ang pagsasaka o agrikultura at pagtatanggol sa bayan bilang sundalo ay makapag sasalba ng lipunan ayon sa legalismo. Ayon sa paniniwalang legalismo na dapat ay palawakin, patibayin at patatagin ang estado.Higit na mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado upang ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at wasto. Ang sinumang lalabag sa mga batas ay makakatikim ng mabigat na parusa na magmumula sa estado o pamahalaan.Upang makalimutan at mabura ang paniniwala sa confucianismo , Pinabinasura at sinilaban ni Emperor Shi Huang Ti ang mga babasahin na may kaugnayan sa Confucianismo.
Gawain 14: PULSO (Pangkalahatang Ugnayan Laan Sa Opinyon)
Panuto : Sa kasunod ay mababasa ang mahahalagang pilosopiya mula sa kilal ang Asyanong Pilosopo. Ikaw ay hinahamon na magbigay ng pananaw at pag un awa sa mga pilosopiya nila Confucius, Mencius at Lao Tzu. Isulat ito sa nakalaang espasyo. "If you are depressed, you are living in the past. If you are anxious, you are living in the future. If you are at peace, you are living in the present" Pananaw: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
"When you know a thing to hold that you know it; and when you do not know a thing, to allow that you know it—This is knowledge. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
"There is no greater delight than to be conscious of sincerity on self examination" Pananaw: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 162
Kahalagahan ng mga pilosopiya sa pagbuo at paghubog ng pagkakakilanlang Asyano __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________
Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang iyong napuna sa mga pilosopiya na iyong nabasa ? 2. Sa anong aspeto nagkakatulad at nagkakaiba ang mga pilosopiya? 3.Naniniwala kaba sa kanilang mga pilosopiya? Ano ang naging batayan mo ng iyong pagsang ayon sa kanilang mga pilosopiya? 4.Ano-anong mga aspeto ng buhay ang tinatalakay sa mga pilosopiya / napapanahon ba ito na pag-usapan? 5.Nakaimpluwensiya ba ang mga pilosopiyang iyon sa mga Asyano sa kanilang sinaunang pamumuhay? 6.Paano nakatulong ang mga pilosopiya sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano ?
Gawain 15: 3-2-1 Chart
Pagkatapos matukoy at maunawaan ang mahahalagang pangyayari sa Sinaunang Kabihasnan sa Asya. Maari mo nang balikan ang mga natutunan at nahinuha sa nakalipas na mga aralin at sagutin ang susunod na gawain . Tatlong bagay (fact) na natutunan ko sa modyul na ito:
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________ 3. _____________________________________________________________________
163
Dalawang kamangha-manghang bagay (creative thoughts) na aking nalaman sa pag-aaral ng modyul na ito: 1. ____________________________________________ 2. ____________________________________________
Isang tanong na kukumpleto sa pag-aaral ko at tutugon sa kabuuan ng pag-aaral sa mahahalagang pangyayari na naganap sa kasaysayan ng mga bansang Asyano ay: 1.____________________________________________ ______________________________________________
Ang bawat pangyayari at kaganapang pangkasaysayan sa mga rehiyon sa Asya ay manipestasyon lamang na ang Asya ang sentro ng kasaysayan ng ika 16 na siglo. Ito ay napatunayan natin sa natapos na aralin. Sa naunang gawain ay naipamalas ng mag aaral ang pag unawa sa mahahalagang pangyayari sa bawat rehiyon ng mga Asyano. Tumugon ang nakatapos na gawain sa mahalagang tanong kung paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya. Sa pagpapatuloy ng gawain, sikapin nating pitasin ang nangungunang impluwensya ng mga mahahalagang pangyayaring ito sa lipunan, relihiyon, pilosopiya at mga kababaihang Asyano sa pagtupad ng sumusunod na gawain
Gawain 16: Pagsusuri sa Teksto
Panuto : Sa kasunod ay iyong mababasa ang dalawang lathalain na may pamagat na " Kodigo ni Hammurabi sa Kababaihan at Sinaunang Lipunan at Kodigo ni Manu sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan".Upang higit na mapayabong iyong kaalaman at pag-aaral sa Sinaunang Lipunang Asyano ay sagutin ang sumusunod na gawain
164
Kodigo ni Hammurabi
Lumikha si Haring Hammurabi ng mga batas upang itaguyod ang maayos na kauga- lian at lipunan sa kanyang nasasakupan. Ba- hagi ng mga probisyon ng batas na ito ang mababang pagtingin sa kababaihan. Itinutur- ing ang mga babae na parang produkto na ibinebenta at binibili sa kalakalan. Ipinag- kakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote. Kahit bata pa lamang ang babae ay ipinagkakasundo na siya hanggang umabot sa sapat na gulang. Ayon pa rin sa batas ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kaniyang asawa ay parurusahan ng kamatayan. Sa oras na mahuli siya na nakikipagtalik sa ibang lalaki pareho silang itatapon sa dagat hanggang malunod. Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kaniyang asawa at mga anak. Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng babae sa kalakalan.
Kodigo ni Manu sa Kababaihan sa Sinaunang Lipunan
Ang Kodigo ni Manu ay nagtatakda rin ng mga batas tungkol sa kababaihan. Ang isang babae na nakipag relasyon at nakipag talik sa mataas na uri ng lalaki sa lipunan ay mapupunta sa impyerno. Ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng babae at hindi sa kaniya. Ang mga ritwal na may na may kaugnayan sa kababaihan ay hindi kinikilala. Ayon din sa kodigo, ang agwat ng edad ng lalaki sa kanyang magiging asawa ay tatlong beses ang tanda ng lalaki sa kaniyang asawang babae. Isa pa na inuutos ng kodigo ay hindi dapat tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal dahil ito ay isang malaking paglabag na katumbas ay pagpapalaglag sa sanggol.
165
Panuto : Batay sa iyong pagbabasa at pag-unawa sa naunang lathalain iyong sagutin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Kababaihan sa Kodigo ni Hammurabi at ni Manu ?
166
1. Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunan ? 2. Ano ang bahaging ginampanan ng kababaihan sa sinaunang lipunan? 3. Bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan? Hanggang ngayon ba ay nangyayari pa ito sa mga bansang Asyano ? 4. Sa kabila ng mababang pagtingin ng lipunan paano sila naging makabuluhang bahagi sa pagbuo at pagpapayaman ng sibilisasyong asyano?
Gawain 17: Relihiyon ang Sandigan, Hindi Magigiba
Panuto : Sa kasunod ay makikita ang isang larawan.Sa iyong natutunan sa mga kalipas na aralin, Hinahamon kita na bigyan mo ito ng puna sa pamamagitan ng pagsulat ng mensahe ng larawan. Maging gabay ang temang ito " Ang Relihiyon ay Tagapagtatag ng Sibilisasyon " na
Ang Mensahe ng larawan ay ___________________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________________
Pamprosesong Tanong:
1. Magbigay ng opinyon sa Tema ng Larawan." " Ang Relihiyon ay Tagapagtatag ng Sibilisasyon sa Asya" 2. Ano ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa sinaunang pamumuhay ng mga tao? 3. Paano nakatulong ang mga aral at paniniwala sa pagbuo at paghubog ng sibilisasyong Asyano? 4. Paano nakaimpluwensiya ang relihiyon sa iyong buhay? 167
Gawain 18: KOntribusyon ng mga Asyano
Panuto : Muling balikan ang mahahalagang teksto sa mga na unang gawain. Pitasin sa mga tekstong ito ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad sa Asya. Itala sa kasunod na gawain ang mahahalagang kontribusyon sa Bubble Info Chart. Sagutin ang Pamprosesong Mga Tanong.
Mga Kontribusyon ng Mga Sinaunang Lipunan at Ko-
Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang iyong mga naitala na kontribusyon ng mga Asyano sa kabihasnan? 2.Sa anong rehiyon at bansa ito nahahanay? Paano ito nakatulong sa pamumuhay nila? 3.Paano nalinang ng mga bansang Asyano ang ibat ibang ambag nila sa kabihasnan? 4.Alin sa mga ambag ng mga bansang Asyano ang naisasabuhay mo parin at nagagamit hanggang ngayon? 5.Paano nakatulong ang mga ambag na iyan sa pagbuo at paghubog ng pagkakakilanlang Asyano? 168
Ngayon, pagkatapos mong matupad ang naunang gawain tungkol sa tradisyon, pilosopiya at relihiyon, panaw at paniniwala mayroon ka ng kaalaman upang maunawaan ang ugnayan ng mga konseptong ito sa mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang pamumuhay .Bago magpatuloy ay sagutin muna ang kasunod na gawain upang itaya ng iyong mga natutuhan.
Gawain 19: K-W-H-L Chart ng Pag-unlad
Panuto: Sagutan ang kolum na W kung ano pa ang nais malaman sa paksa at H kung paano matutukoy ang mga dapat na malaman sa paksa. Samantala, masasagutan mo lamang ang iba pang bahagi ng kolum pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito. Ang paksa ay: Sinaunang Pamumuhay
K
Kung ano na ang alam sa paksa?
W
Kung ano pa ang nais malaman sa paksa?
H
Paano matutukoy ang mga dapat na malaman sa paksa?
L
Ano ang mga natutunan?
Nasagot mo ba ang mga tanong sa itaas? Nagkaroon ka ba ng mga karagdagang kaalaman patungkol sa mga imperyo, dinastiya, relihiyon at pilosopiya sa kasaysayan ng Asya? Nagkaroon kaba ng paghahambing ng mga kontrobusyon ng bawat imperyo, dinastiya, relihiyon at pilosopiya sa kasaysayan sa mga bagay at gawaing nagagamit at ginagawa mo sa kasalukuyan? Kung gayon, ay malugod kitang binabati! 169
a bahaging ito ng modyul ay pagtitibayin ang pag-unawa sa Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano sa pamamagitan ng mga gawain upang makapagnilay at balikan ang mga natutuhan at baguhin kung ito ay kailangan sa malawak na pag-unawa.
Gawain 20: May Dahilan Ba Talaga?
Panuto : Ang iyong mababasa ay isang lathalain na may pamagat na "MAY RASON". Isang pagsusuri sa iyong relihiyon at paniniwala. Pagkatapos basahin ay bigyang puna ang bawat pangungusap na may pulang tanda. Ito ay isusulat mo sa kasunod na kahon. Pagkatapos sasagutin mo naman ang Pamprosesong Mga Tanong.
May Rason
Ang lahat ng bagay sa mundong ibabaw ay may rason kung bakit nag-exist. Maging tayo man, ay may dahilan kung bakit tayo nabuhay at ipinanganak sa mundong ito. Ngunit karamihan sa mga tao na nabubuhay sa mundong ito ay tumatanda at pumapanaw nang hindi nila nalalaman kung bakit sila nabuhay. Ang sabi nga sa isang kasabihan na "ang Diyos ay hindi gumawa nang wala sa kanyang plano" na ang ibig sabihin nito lahat tayo ay may dahilan kung bakit tayo nandito tayo sa mundong ito. Ang mga tao sa ating paligid, nakakasalamuha, nakikilala, maging ang ating mga magulang at mga anak ay kasama sa kuwento ng ating buhay at maging ang mga taong nakikilala natin sa internet at mga website na ating binibisita. Ang lahat ng mga ito ay may dahilan. Sa una, hindi natin ito nakikita pero kung ating pagaaralan ang mga bagay na ito na dumarating sa ating buhay ay konektado pala. Lahat ng dumarating at nangyayari sa ating buhay, kaaya-aya man ito o hindi ay kasama sa kuwento ng ating buhay. May ilang tao akong nakausap at sila`y nagtatanong kung bakit ganito o ganon ang takbo ng kanilang buhay. Sinasabi nila na bakit may mga ipinanganak na mayaman at maganda ang estado ng kanilang pamumuhay samantalang sila`y hindi. Ang iba naman ay ipinanganak na sakitin o may kapansanan. Ganito raw ba talaga ang buhay, at kung talaga bang may Diyos, bakit hindi siya naging patas sa paglikha sa tao. Tayong mga mag-aaral ng mystical art o spirituality ay naniniwala na sa mundong mapaglaro ay may dalawang batas, 170
1) ang Batas ng Diyos 2) ang Batas ng Tao. Alam natin na ang bawat batas ay dapat sundin o tuparin sapagkat kapag ating sinuway ito`y may karampatang parusang nag-aantay. Ang batas ng tao kapag ating nilabag ay may karampatang parusa at kalimitan sa paglabag natin dito ay minsan tayo`y napapawalang-sala ngunit ang batas ng Diyos, alam man natin ito o hindi kapag ating nilabag ay may kaukulang parusa na kahit sino o ano man ang iyong estado sa buhay ay iyong pagbabayaran at ito ang batas ng karma.
Dahil sa batas na ito, tayo ay napaparusahan dahil sa ating mga ginawang maling aksyon sa nakaraan at kalimitan ang pagharap sa parusa na ating nagawa at hindi kaya ng isang buhay lamang at minsan, ito ay ating pinagbabayaran ng daan-daan o libo-libong taon at ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi pare-pareho ang ating pamumuhay sa kasaluku- yan. Ang batas ng karma ay hindi isang marahas na batas upang parusahan tayo bagkus ang batas na ito ay isang makatuwiran at patas na batas upang tayo ay matuto sa ating nagawang mali, maging ito man ay pagkakamali sa aksyong pisikal, o pag-gamit man ng ating kaisipan sa maling sitwasyon at pagkakataon. Dahil nga hindi natin kayang bayaran ng isang buhay lamang ang ating mga nagawang pagkakamali na dulot ng batas ng karma dito pumapasok ang isa pang espirituwal na batas at ito ang batas ng reinkarnasyon o ang muling pagkabuhay Maraming tao ang tutol sa batas na ito dahil kung totoo ang batas na ito ang lahat ng tao ay magiging immortal ngunit nakalimutan natin na tayo mismong mga tao ay may dalawang katauhan, ang lower at higher self. Ang ating lower self ang syang namamatay at bumabalik sa alabok na kung saan tayo nagmula at ang ating higher self ay syang immortal na syang may kakayahang mabuhay muli. At ito rin ang sinasabi na "ang laman ay ipapanganak sa laman, at ang espiritu ay ipapanganak sa spiritu"
At tayong mga Pilipino ay masuwerte sapagkat nasa bansa natin ang pamamaraan kung saan puwede narin baguhin ang ating buhay. Tandaan natin na ang mga "nararanasan natin sa ating buhay ay bunga lamang ng mga maling aksyon natin sa nakaraan" samakatuwid kung sa ngayon na binabasa mo ito at simulan mo nang magbago sa pamamagitan ng aming tinuturo sa loob lamang ng pitong minuto ay sinisigurado namin na ang inyong hinaharap ay mababago tungo sa positibong aspeto ng buhay. Sapagkat nadarama ang mga positibong emosyon at ang resulta nito mga positibong pangyayari sa ating buhay na magaganap sa hinaharap. Source:8 O`Clock Movement, Philippines at 4:32 AM
171
Mahahalagang Linyang Dapat Limiin
172
Pamprosesong Tanong:
1. Sa anong bahagi ng aralin may kaugnayan ang mga sinalungguhitang mga paniniwala ? 2. Anong relihiyon ang may kaugnayan sa lathalain at paano ito nagtutugma sa aral at paniniwala? 3. Sa iyong pagsusuri paano nakatulong ang lathalain sa pagpapalalim ng iyong pag-unawa sa relihiyon at paniniwala? 4. Bilang mag-aaral at kabataan paano ka naaapektuhan ng relihiyon sa iyong pamumuhay? Kung ikaw ang magwawakas ng lathalain paano mo ito wawakasan kasama ang paniniwala na ang relihiyon, pilosopiya at paniniwala ay pundasyon ng isang maningning at maunlad na sibilisasyon?
Gawain 21: Ang Kaso ng Sistemang Caste
Panuto : Magkakaroon ng maikling debate tungkol sa katayuan at kalagayan ng lipunan sa India . Ang pagkakahati-hati at di-pagkakapantay pantay ng mga karapatan at kapangyarihan ng bawat mamamayan dahil sa tradisyon at kulturang Caste. Ang Isyu " "Nakabuti ba sa India ang Sistemang Caste?"
173
Sistemang Kaste sa India nakabuti ba sa lipunan?
Oo dahil...
Hindi dahil...
Gawain 22: Reflection Paper
Panuto : Sa puntong ito ay susulat ka ng isang REFLECTION PAPER na nag lala man ng iyong mga karanasan sa pagsagot ng mga gawain. Itatala mo dito ang mga kawili wili at kapana panabik na impormasyon na iyong natutuhan. Huwag ding kalilimutang itala ang maling paniniwala na nabigyang- liwanag sa mga gawain. Isulat din ang mga aralin na higit kang nakaugnay bilang mag-aaral, bilang Pilipino at bilang Asyano.
______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________
BINABATI KITA! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain sa bahaging ito. Natapos mo na at naisagawa sa mas malalim na pagtalakay ang kahalagahan ng kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. Sa pagkakataong ito ay ilalapat mo naman ang iyong natutuhan sa pagsasagawa ng inaasahang pagganap sa bahagi ng ilipat.
174
a pamamagitan ng gawaing ito maipakikita mo naman ang iyong natutuhan sa paksang tinalakay sa paglalapat ng mga gawaing nakapagsusuri sa kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Gawain 24: Pasyal Pasyal
Panuto: Kung ikaw ay liliham sa kaibigan na taga ibang bansa na magbakasyon sa Pilipinas, paano mo siya hihikayatin gamit ang mabubuting pilosopiya at paniniwalang Asyano ?
___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
175
Gawain 11: Lathalain
Bilang paghahanda sa gagawin mong proyekto sa huling bahagi ng Unang Markahan, ang Travel Brochure, ay gagawa ka ng isang lathalain o feature tungkol sa kagandahan ng yamang likas ng Asya. Dapat ay mababasa dito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa inilalarawan, gayundin ang kahalagahan nito at kung paano ito nililinang ng tao. Mas mainam kung makakakuha ka ng istoryang kapupulutan ng inspirasyon na may kinalaman sa lugar o bagay na ito. Ito ay mamarkahan batay a nilalaman, organisasyon ng ideya, kakayahang manghikayat, kaayusan at kalinisan, at mga karagdagang kaalaman o istorya na nakapagbigay-ningning sa lathala. ( maglaan ng analytic rubric para dito ).
Naging mabunga ang iyong paglalakbay tungo sa pagtuklas, paglinang, at pag-unawa sa likas na yaman ng Asya, sa mga suliraning pangkapaligiran at ang kahalagahan ng balanseng ekolohikal. Napagtanto mo na malaganap ang problema sa lupa, hangin, tubig at kagubatan na kinakailangan ang malawakang pagkilos upang masolusyunan into. Anuman ang maging kalagayan at katayuang ekolohikal ng Asya ay tiyak na may malaking epekto sa tao, sa bansa, at sa daigdig sa pangkalahatan. Kasabay ng pagpapalawig ng ating kaalaman sa katangiang pisikal at likas na yaman ng Asya ay ang ating pagtuon ng pansin sa tagapaglinang at tagapangalaga ng kalikasan, ang tao. Sino nga ba ang matatawag nating Asyano? Saan nakabatay ang kanilang pagkakakilanlan? Paanong ang kanilang kultura at pamumuhay ay nahubog batay sa pag-ayon nila sa kanilang kapaligiran? Sa susunod na modyul ay kikilalanin mo ang mga grupong etnolinggwistiko sa Asya na lalong nagbibigay kulay sa mga kulturang Asyano.
176
Gawain 25: K-W-L-H Chart Progress Activity
Natapos mo na ang mga gawain at pagtataya sa modyul na ito. Sa bahaging ito ay sapat na para sagutin mo naman ang bahagi ng L upang itala ang mga kailangan at makabuluhang bagay na iyong natutuhan sa modyul na ito.
K
Ano na ang alam sa paksa?
W
Ano pa ang nais malaman sa paksa?
H
Mga dapat na malaman sa paksa?
L
Ang mga natutuhan?
Aktuwal na isasagawa ng mag-aaral sa bahaging ito ang Inaasahang Pagganap sa kritikal na pagsusuri na impluwensiya ng kaisipang asyano, relihiyon at pilosopiya sa pagkabuo at paghubog ng sibilisasyong Asyano. Ipakita/ipadama sa mga mag-aaral ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Pagganap
ADVOCACY CAMPAIGN
Layunin ng malikhaing advocacy campaign na hindi lamang maipahayag ng mag-aaral ang kanyang malalim na pagkakaunawa sa pagsusuri sa impluwensiya kaisipang Asyano, relihiyon at paniniwala kundi ang mahikayat ang kapwa mag-aaral at kabataan na maisabuhay ang impluwensiyang Asyano na nagbibigay daan hindi lamang sa paggising kundi makapag-ambag sa pagyabong ng pagmamahal sa bansa at sa pagiging Asyano sa kasalukuyan. Kailangan iangkop ng mag-aaral ang bubuuing advocacy campaign sa panlasa ng kapwa kabataan. Maaring kumbinasyon ng iba't-ibang media ang gamitin tulad ng komersyal sa telebisyon at radyo, print ads sa mga diyaryo at magasin, paggawa ng brochure, komiks, posters, advocacy shirts at iba pangparaphernalia, internet website o blogsite, at paglikha ng campaign jingle o tula.
177
Rubric ng Presentasyon (Presentation Rubric) Direksyon: Lagyan ng tsek (✓) ang kolum ng antas ng pagkatuto na sa iyong pansariling ebalwasyon ang natugunan at naabot ng inyong presentasiyon. Basahing mabuti ang bawat pamantayan. 1 - Walang alam 2 - Nalilito 3 - Mahusay 4 - Napakahusay
KRAYTIRYA 1 2 3 4
1. Kaalaman sa Paksa: Naipakita sa presentasiyon ang malawak at malalim na pagkakaunawa sa paksa. 2. Organisasyon: Malinaw, lohikal at ganap na nailahad ang naging pag-unlad ng mga paksain(subtopics); madaling masundan at maunawaan ng mga nanonood ang nais maipahayag; mahusay na natukoy at natalakay ang lahat ng mga mahahalagang puntos at pangunahing isyu sa paksa.
3. Kalidad ng Impormasyon o Ebidensya: Wasto ang mga historikal na mga ebidensiyang ginamit nakapagpakita ng sapat, pili at kailangang ebidensya ayon sa pangangailangan ng isang presentasyon.
4. Kaalaman sa Kontekstong Pangkasaysayan: Nakapagpakita ng malalim at malawak na kaalaman sa kapanahu- nan ng pangyayari; naiugnay ang pagtalakay sa mga ka- ganapang panlipunan, pangekonomiya at pampulitika sa kapanahunan ng pangyayari; tumpak at umaayon sa ka- panahunan ng pangyayari ang mga larawan, kasuotan, diagram, at iba pang props at multi-media na ginamit sa presentasyon.
5. Estilo at Pamamaraan ng Presentasyon: Ang piniling anyo o pamamaraan ng presentasyon ay lohikal at ang- kop na angkop sa paksa; mayroong malinaw na umpisa, buong katawan (organizedbody) at pagsasara (clear closure) o kongklusyon ang presentasyon; tamang-tama ang haba at Sumunodsa itinakdang oras ang presentasyon.
178
Rubric ng Pansariling Ebalwasyon ng Mag-aaral (Kabuuang Pagkatuto sa Modyul) Direksyon: Buong katapatan na sagutn ang rubric ng ebalwasyon upang masukat ang pagkatuto sa kabuuan ng Modyul. Bilugan ang bilang na sa iyong pagtataya ay naabot ang antas ng pansariling pagkatuto. Kung ang iyong kasagutan ay nasa ikalawang antas (nalilito) lamang, hingin ang paggabay ng iyong guro upang mabigyang linaw at ganap na maunawan ang anumang bahagi na may suliranin sa pag-unawa at sariling pagkatuto. 1 - Walang alam 2 - Nalilito 3 - Mahusay 4 - Napakahu 1. Napapatunayan ang malalim na pagkaunawa sa pagkabuo at paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya at sa Pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano 2. Nabibigyang-puna ang iba't ibang mahahalagang pangyayari sa Sinaunang Kabihasnan mula ika 16 siglo hanggang sa ika 20 siglo 3. Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala at relihiyon sa paghubog ng kasaysayang Asyano 4. Nagagawang timbang-timbangin ang kalagayang legal at tradisyon ng kababaihan sa pagtataguyod at pagpapanatili ng Asyanong pagpapahalaga 5. Nailalagay ang sarili sa katauhan ng mga Asyano sa bahaging ginampanan sa pagbuo at paghubog ng pagkakilanlang Asyano 6. Nakapagninilay sa kahalagahang ng mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakailanlang Asyano
Tinalakay sa modyul na ito kung paano nahubog ang Sinaunang kabihasnan at kung paano ang mga ito ay nabuo sa mga lambak at ilog. Napahalagahan din ang mga bagay at kotribusyon ng mga tao sa Sinaunang Kabihasnan. Simula nang mabuo ang mga kabihasnan ay unti unti ng nahubog ang mga pamayanan at lumaganap ang mahahalagang pangyayari sa ibat ibang rehiyon ng Asya. Ang mahahalagang pangyayari mula sa Sinaunang Kabihasnan mula sa ika 16 na siglo hanggang siglo 20 ay nasuri din sa bahagi ng Modyul na ito. Naipamalas din sa Modyul na ito ang pag-unawa sa mga Kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang Kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. Sa kabuuan ang Modyul na ito ay higit na nagpayaman maging sa pag-unawa ng tunay na pagkakakilanlan natin. Sa gitna ng katatagan at kaunlaran ng kabihasnang Asyano ay dumating ang mga mananakop na mga Kanluranin na nagpakita ng paghahangad sa mga Asyano. Sa harap ng mga pagbabago, naging matatag kaya ang mga Asyano ? Sa kasunod na Modyul ay iyong tutuklasin kung paano tumugon ang mga Asyano sa hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa transisyunal at Makabagong Panahon mula ika- 16 hanggang 20 siglo.
Binabati kita!
179
1. Ano ang tinutukoy na pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao? A. Kabihasnan at sibilisasyon B. Kultura C. Pilosopiya D. Tradisyon 2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan? A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining ,arkitektura at sistema ng pagsulat B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura at sistema ng pagsulat C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan 3. Bakit itinuring ang kabihasnang Sumer bilang pinakamatanda at pinakaunag kabihasnan sa daigdig ? A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig. B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent 4. Anong kabihasnan ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform? A,. Sumer B. Indus C. Shang D. Lungshan 5. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa? A. Great Wall of China B. Taj Mahal C. Ziggurat D. Hanging Garden 6. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan? A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa. C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito. D. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
180
7. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer? A. Dahil ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan. B. Dahil ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyon C. Dahil ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao. D. Dahil ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon. 8. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad? A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng pag -ulan. B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog. C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan. D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan. 9. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang lider ng bansa sa Asya? A.Itinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa panahon ng kanilang pamumuno. B. pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang bansa. C. Pinataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamunuan D. Binigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa kanilang bansa. 10. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa Tsina bilang bahagi ng kanilang kultura? A. Ang mga batang babae sa murang edad ay tinatanggalan na ng kuko at binabali ang buto ng daliri at lalagyan ng bondage at ibabalot sa bakal o metal ang paa upang hindi ito humaba pa. B. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal sa paa. C. Sa murang edad ay binalot na ng bakal ang paa at hindi pinalalabas ng bahay. D. Ang mga batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa.
181
11. Paano isinasagawa ng mga kababaihan ang satti bilang kultura ng India noong sinaunang panahon? A. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng pagmamahal B. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang labi ng asawang lalaki C. Naliligo ng gas at sinisindihan ang katawan upang masunog D. Nagpapakamatay para kasama o kasabay sa paglilibing sa labi ng asawang namatay. 12. Isa sa apat na Noble ng katotohanan ng Budhismo ay nagsasaad na "Buhay ay nangangahulugan na puno ng paghihirap". Ano ang kahulugan ng ganitong pahayag? A.Hindi natatakasan ang kahirapan at kalungkutan sa buhay B.Kahit pa magsumikap ang tao ay makararanas pa rin siya ng paghihirap C.Pang habangbuhay ang paghihirap ng tao D.Bahagi na ng buhay ng tao ang paghihirap at pagpapakasakit 13. Ang Tsina ay nagkaroon ng tinatawag na Apat na Dakilang Dinastiya? Bakit tinawag itong dakilang dinastiya? A.Lumawak ang impluwensiya ng Tsina sa panahong ito. B.Nagkaroon ng pagsakop ang mga dayuhan at nagapi nila C.Nagkaroon ng pag-unlad ang Tsina sa panahong ito sa ibat-ibang larangan D.Nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya 14. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag? A.Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan B.Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa C.Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa. D.Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa. 15. Matatapos ang inyong talakayan sa aralin tungkol sa relihiyon,Naatasan ka ng iyong guro na mamuno sa paglikha ng presentasyon sa ibat-ibang relihiyon sa Asya. Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo ng nilalaman ng presentasyon? A.Kasaysayan ng relihiyon,sino nagtatag,saan natatag B.Kasaysayan ng relihiyon at mahahalagang aral nito C.Kasaysayan ng relihiyon,sino ang nagtatag at ang impluwensiya nito sa bansa D.Kasaysayan ng relihiyon,mga mahahalagang aral,impluwensiya sa bansa at kalagayan nito sa kasalukuyang panahon
182
16.Kakatawanin mo ang inyong paaralan para sa isang paligsahan ng debate tungkol sa pilosopiya at misyon ng bawat paaralan sa inyong dibisyon. Anong paghahanda ang gagawin mo bago ang paligsahan? A. Magbasa at magsaliksik tungkol sa magiging punto ng debate B. Magsaliksik at maghandang humarap sa karamihan C. Gumawa ng outline ng isyu at magsaliksik at paghandaan ang mga posibleng magiging punto ng debate D. Magbasa, manood ng balita at maghanda 17. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa kahalagahan ng mga kontribusyon Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala at Makita ng lahat ang mga nasabing kontribusyon? A. Magtakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay B. Collage making contest C. Open house exhibit D. Quiz contest 18.Naatasan ka ng inyong guro na kumatawan sa pagpupulong sa inyong paaralan na ang punto ng pag uusapan ay tungkol sa karapatan ng mga minority group. Naipangako mo sa inyong klase na poprotektahan mo ang ilang kaklase na nabibilang sa ganitong pangkat. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong ihanda bago ka humarap sa pagpupulong? A. Case study B. Resolusyon C. Report ng mga insidenteng may kinalaman sa minority group sa paaralan D. Petisyon 19. Si Trisha ay napili ng dibisyon para kumatawan sa gagawing Youth Meeting sa Singapore na dadaluhan ng piling mag-aaral ng ibat -ibang bansa sa Asya. Maglalahad siya ng mga kalutasan sa problemang kinakaharap ng mga kabataan sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang ihanda at isalang-alang? A. Datos na naglalaman ng mga suliranin ng kabataang Pilipino B. Mga sanaysay na naglalaman ng maraming kalutasan sa problema ng kabataang Pilipino C. Progress Report Chart ng bansa D. Datos na naglalaman ng suliranin at datos na naglalaman kung paano ito nalutas ng bansa. 20.Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura,tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang pagpupulong kung ikaw ay naatasan na kinatawan sa kabila ng ibat-ibang balita na nagbibigay ng masamang impresyon sa ating bansa? A. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa B. Paghahanda at pagbasa ng ng progress report tungkol ditto C. Video presentation ng mga ipinagmamalaking kultura,tradisyon at mga taong nagpapahalaga ditto D. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi-tanging tanawin at kultura ng
183
Pagwawasto Paunang Pagtataya 1. A 2. A 3. A 4. A 5. C 6. B 7. D 8. D 9. A 10. A 11. B 12. D 13. C 14. C 15. D 16. C 17. C 18. C 19. D 20. C 1. A 2. A 3. A 4. A 5. C 6. B 7. D 8. D 9. A 10. A 11. B 12. D 13. C 14. C 15. D 16. C 17. C 18. C 19. D 20. C Pahuling Pagtataya
184
Confucianism- Isang pilosopiya na nnakatuon sa pagpapabuti ng ugali sa pamamagitan ng pagtataguyod sa mga birtyu ng kagandahang loob, tamang pag-uugali at pagkamagalang. Cuneiform - Unang nabuong sistema ng panulat. Isa itong uri ng pictograp na naglalarawan ng mga bagay na ginagamitan ng may 600 pananda sa pagbubuo ng mga salita o ideya. Dinastiya - Pamumuno ng isang angkan sa isang imperyo o kaharian sa loob ng mahabang panahon. Footbinding - Sadyang pagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki nang normal,tinatawag ang ganitong klase ng mga paa na lotus feet o lily feet. Karma - Ang ating mga gawain ay kasama natin maglalakbay kahit saan at kahit gaano kalayo man ang ating marating sa buhay. Kung ano man ang ating mga nagawa noon ay siyang naghubog kung ano tayo ngayon. Kowtow - Pagyuko ng mga Tsino sa kanilang Emperador nang tatlong beses kung saan ang noo ay humahalik sa semento. Pananaw - Saloobin o opinyon ng isang tao batay sa kanyang paniniwala. Pilosopiya - Ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo" at "Sophia". Ang "Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan" Reinkarnasyon - Paniniwala na ang kaluluwa ay muling mabubuhay sa mas mataas o mababang kalagayan sa lipunan batay sa kabuuang pagkilos ng tao. Son of Heaven o Anak ng Langit - Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan. Zoroastrianismo- Tawag sa relihiyon ng mga persyano, itinatag at ipinalaganap ni Zoroaster ang kaniyang mga turo, na naniniwalang may dalawang pwersang naglalaban upang makuha ang kaluluwa ng tao.ayon sa kaniya huhusgahan ang tao batay sa kaniyang ginawa at kung kaninong pangkat siya sumanib.
185
Mga Sanggunian : Asya Pag-Usbong ng Kabihasnan,Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon.,Grace Estela C. Mateo et. al. Kasaysayan at Kabihasnan ng Asya,Bro.Andrew Gonzales,Cristina R. Valez Gabay sa Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 ( Araling Panlipunan II ) Kasaysayan at Kabihasnan ng Asya . B.Mangubat at R.Villa Asya Pag-Usbong ng Kabihasnan ( Manwal ng Guro sa Araling panlipunan,Ika lawang Taon) ,Grace Estela C. mateo,C. Balonso,L. Agno,R.Tadena.Kagawaran ng Edukasyon Teaching with the Web: A Collection of Online Treasure Hunts and Webquests Ang Kultura ng Timog Silangang Asya: Isang Pagsusuri ng Ilang Teksto Isang Online Treasure Hunt Para sa Ikalawang Taon ng High School (Filipino) Sinulat nina O. Ferrer at P. Arinto
186