Free Essay

Kabanata I Mga Pamamaraan Sa Pagpapanatili Ng Laundry Shops

In:

Submitted By xiuyeol
Words 1284
Pages 6
KABANATA I
1.1 Panimula ng Pananaliksik
Sa kasaysayan ng ating panahon noon, ang Laundry Shops ay ang pinagkakakitaan ng mga taong nagbabakasakaling makalikom ng pera at lumago ang kanilang negosyo sa paraang pagtulong sa mga walang oras na makagpaglaba dahil sa kanya-kanyang mga trabaho. Ito ang tanging paraan ng ibang mamayang Pilipino upang ang kanilang maruming damit ay maging malinis, kaya naman ito ay pumatok sa ating bansa.
Noong wala pang washing machine, ang paraang paglalaba ay ang paggamit lamang ng kamay kung kaya't ito'y mahirap at nakakapagod gawin. Ngunit ng lumipas ang mga panahon at ngayon'g naging moderno na, nagkaroon ng mga washing machine na siyang nagsisilbi at nagpapadali sa paglalaba dahil dito, nakilala ng kalipunang Pilipino ang kahalahagan ng washing machine.
Base sa pananliksik nmin sa kasyasayan ng laundry shop, nagsimula ito nang ipatayo ng mga Chinese-Americans ang mga Laundry Shops at nang 'di kalaunan ay nakilala ito. Ngunit taliwas ito sa mga Amerikano, kaya naman gumawa ng paraan ang mga Amerikano upang hindi sila malamangan ng mga Chinese-American. Hanggang sa nagkaroon na ng kumpitensya at maraming tumangkilik nitong ideyang Laundry Shops. Isa na dito ang syudad ng New York na kung saan ito nakilala bilang orihinal na pinanggalingan ng negosyong ito hanggang sa nakilala ito at tinangkilik ng iba't-ibang bansa kasama na dito ang Pilipinas.
Ayon din sa kasaysayan nito, nagsimula ang ideyang Laundry Shops sa mga pampublikong tulugan o tinatawag na ‘Hotel’ dahil ang mga ‘housekeeper’ ay nahihirapan sa paglalaba gamit ang mga kamay, kaya naman naimbento itong washing machine at kalaunan nagkaroon ng Laundry Shops.
Nang dumating ang negosyong ito sa Pilipinas pumatok agad ito sa mga mamamayan, dahil bukod sa nakakatulong ito sakanila sa kadahilanan na mapapagaan nito ang mga buhay ng taong walang oras na maglaba. Dahil sa kanilang mga trabaho o kaya ayaw maglaba ng kanilang mga damit sa kadahilanan na ito ay mahirap at nakakapagod. Nakakatulong din ito sa mga negosyanteng ang hanap lang naman ay makalikom ng kita sa negosyong ito. Sa pagpapatakbo ng Laundry Shops na ito dapat isaalang alang ang mga pamamaraan na makakatulong upang lumago ang pangkabuhayang ito. Kaya isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Mga Pamamaraan sa Pagpapanatili ng Laundry Shop”, ay dahil nais ng mga mananaliksik na malaman ang mga kahalagahan ng kabuhayang ito. At ang maganda't di-magandang naidudulot sa mga kostumer pati na rin sa mga nagnenegosyo nito at balak magtayo ng sariling laundry shop.
Masasabi nga natin na mayroong magaganda at di-magagandang naidudulot ang pagpapatayo ng laundry shops datapwa't napapamadali nito ang bawat gawain ng mga mamamayang Pilipino sa ating Bansa.

1.2 Paglalahad ng Suliranin
Lahat ng mga negosyante ay dumadaan sa pagsubok kung paano ito masisimulan at mapapanatiling katangkitangkilik sa masa. Narito ang mga suliraning nais nating mabigyang kasagutan:
1. Demographic Profile ng Tindahan · Tagal ng Operasyon
2. Sino ang kadalasang kustomer ng mga Laundry Shops?
3. Mga paraan para mapanatiling makuha ng kustomer.
4. Naabot ba ng mga Laundry Shops ang kanilang kota?
5. Hanggang kailan tumatagal ang ganitong negosyo lalo't ngayon ay marami na sa atin ang mayroong washing machine sa kani-kanilang bahay?
6. Anu-ano ang dapat iwasan sa pagtatayo ng isang laundry shop?
7. Anu-ano ang mga dahilan ng pagkalugi sa Laundry shops?
8. Ano ang mga pamantayan sa pagpapatayo ng Laundry shops?
9. Ano ang kadalasan na naririnig na reklamo sa mga kostumer tungkol sa kanilang pinalabang damit?
10. Saang pwesto o lugar mas epektibong magtayo ng Laundry Shops?

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral
Bawat Pilipino ay pinakikinabangan ang teknolohiya na ito at karaniwan naman sa mga tao ay gumagamit ng washing machine. Mahalaga rin ito marahil madami itong naitutulong sa mga sambayanang Pilipino. Marami ang humanga sa kagalingang taglay ng nag-imbento nito dahil bukod sa nakatulong na, napapadali pa lahat ng gawain sa mga bahay kagaya na lamang ng paglalaba. Kasama na rin ang pagtangkilik ng mga Pilipinong bumili ng washing machine, bagamat pinapadali nito ang mga bagay bagay.
Maisasahalintulad dito ang limpak limpak na basket na lalabhan. Hindi mahihirapan ng sobra sa paglalaba ngunit matrabaho ang paghahango at pagsasampay. Isa na rin dito ang kawalan ng oras na maglaba marahil may mga mas importanteng bagay na dapat unahin. Bagkus gagawin na lamang ay ilagay na lang ito sa washing machine at paaandarin upang mas mapadali. Hindi na rin kailangan pang problemahin dahil kapag sa panahon ng tag-ulan nagkakaroon ng mabisang silbi ang dryer. Masasabi na nakakatulong itong mapabilis ang pagtuyo ng nalabahang damit. May mga panahong kapag hindi napatuyo ng maayos ang mga damit ay naaapektuhan ang amoy ng damit kaya naman napipilitan labhan muli.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pagaaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:
Mga taong wala pang sariling washing machine
Mas pipiliin pang maglaba na lang na gamit ang kamay kaysa gumastos pa para magpalaba.Dito malalaman ang kahalagahan ng oras dahil nakakaaksaya ito ng panahon na maaari mong pagtuunan ng pansin sa mas mahalagang gawain. Isa sa halimbawa nito ay maaaring makapaglinis ng bahay habang naglalaba imblis na nakatuon sa paglalaba na nakakaaksaya ng oras na mas makakapagpatagal pa ng gawaing bahay.
Mga negosyanteng nagtayo ng laundry shops
Nakakatulong ang mga negosyante, bukod pa rito ay kumikita ang mga ito at sa parehong pagkakataon ay nagbibigay ng serbisyong pampubliko.

1.4 Saklaw at Limitasyon
Ang mga pag-aaralan sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
Lugar o Pwesto na Pinagtatayuan ng Laundry Shops
Maghanap ng maganda at maayos na pwesto, kung saan maraming nagnanais na magpalaba gayun pa man ay kakaunti lamang ang kakumpitensya. Nararapat din na ligtas ang lugar na nais rentahan para narinin sa kaayusan ng negosyo pati na rin ang mga kostumer. Mahalaga din na isaalang-alang ang kinatatayuan ng napiling negosyo na madaling makaagaw ng atensyon sa mga kostumer.
Pera o Puhunan sa Kabuhayan
Bago magplano ng pagpapatayo ng Laundry Shops mas mainaman mayroong sapat na kaalaman sa nasabing negosyo dito babase kung nararapat bang ituloy ang kabuhayan. Hindi sapat na ang iyong puhunan ay tama lang para sa lahat ng gastusin mas nakakabuti kung mayroong nakatabing pera para sa mga darating na komplikasyon.
Empleyado
Ang empleyadong nararapat sa trabahong ito ay mayroong sapat na karanasan para sa siguradong kaayusan ng mga damit na kanilang lalabhan ng sa gayon ay hindi na kinakailangan pang turuan o gabayan sa paggamit ng mga kagamitang panlaba. Isa sa pamantayan ng pagkuha ng empleyado ay mapagkakatiwalaan at desididong magtatrabaho ng maayos at marangal dapat nilang tratuhin ng maayos ang mga kostumer para sakanila magsilbi itong batayan upang balik-balikan sila dahil sa kanilang personalidad na kaaya-aya.
Kostumer
Ang kostumer ay ang pinakamahalagang saklaw o elemento sa negosyong ito. Dahil sa kanila nakasalalay ang kita, tagal at paglago ng kabuhayan nararapat din itong pangalagaan ng empleyado sapagkat dito nagmumula ang kanilang sahod.
Kapag napukaw ang atensyon ng kostumer sa serbisyong kanilang ginagawa maaaring silang suki at kaugalian na nilang magpalaba sa laundry shop na ito.
Mga Kagamitang Panlaba
Hindi sapat na kumpleto lamang ang mga kagamitan bagkus kailangan siguraduhing nasa magandang kalidad ang mga ito upang iwas depekto at problema sa paglalaba.Panatilihing malinis, mabango at maayos ang mga kagamitan. Para ang mga ito ay kaaya-ayang tignan at makaagaw pansin sa kostumer.

1.5 Depinisyon ng Termino
1. Laundry Shops - Isang istablisyimento kung saan ang iyong mga damit na ipapalaba ay dapat dalhin upang ito ay muling luminis at bumango.
2. Washing Machine - Makinaryang ginagamit na nakakatulong upang mapabilis ang proseso ng paglalaba.
3. Hotel - Bahay-tuluyan o pansamatalang tirahan.
4. Housekeeper - Tagalinis sa bahay-tuluyan.
5. Dryer – Makinarya na tumutulong sa pag papatuyo ng mga damit na nilabahan.

Similar Documents