Free Essay

Kabanata Ii: Sa Ilalim Ng Kubyerta

In:

Submitted By javonillopj99
Words 861
Pages 4
PAKSA:
KABANATA II:
SA ILALIM NG KUBYERTA

Ipinasa nina:
Paul Joshua Javonillo
John Christian Malaque

Ang Mga Tauhan
Basilio – Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kany ang kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng pagtatapos.
Isagani – Isang malalim na makata o manunugma. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong paraan asa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino.
Kapitan Basilio – Isang mayamang mamamayan na taga-San Diego. Siya ang ama ni Sinang at asawa ni Kpitan Tika. Galante sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor na kanyang kakailanganin.
Simoun – Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral. Makapangyarihan siya kaya’t iginagalang at pinangingilangan ng mga Indio at maging ng mga prayle man. Nais niyang udyukin ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang pghahasik ng rebolusyon; linisin ang bayan; at lipunin ang lahat ng masasama kahit pa siya mismo ay inuusig din ng kanyang budhi sa paraang kanyang ginagawa.
Padre Florentino – Isang mabuti at kagalang-galang na parang Pilipino si Padre Florentino. Pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop sa mamangkin si Isagani nang maulila ito sa magulang.
Ang Buod
Sa ilalim ng kubyerta, nagkwentuhan sina Basilio, Isagani, at Kapitan Basilio. Napagusapan nila si Kapitan Tiago, ang kanyang paghihithit ng apyan. Napagusapan din nila ang pagtatayo ng akademya, na sinasalungat ni Kapitan Basilio. Bawat dahilan para matuloy ang pagtatayo ng akademya ng Kastila ay pinupunan niya na hindi maitutupad, tulad ng: pag salungat umano ni Padre Sibyla, ang mga pondo na gagamitin, ang mga magiging propesor, ang gusaling gagamitin, at kung ano pa ang gamit ng mga aklat sa Kastila kung hindi sila tinuruan ng Kastila. Matapos matalo sa argumento, siya ay umalis.
Napagusapan naman nila Basilio at Isagani si Paulita at si Donya Victorina. Ipinakilala naman ni Basilio si Isagani kay Simoun. Sila ri’y nagusap tungkol sa bayan ni Isagani na malapit lang sa bayan ni Basilio. Pinuna ni Simoun na hindi bumibili ng mga alahas ang mga tao sa bayan ni Isagani na sinalungat naman niya na hindi iyon kailangan.
Napansin ni Simoun na nagalit si Isagani, siya'y nagpaumanhin at nagimbitang uminom ng serbesa dahil ito daw ay mabuti sa katawan ngunit tinanggihan ito ng dalawa. Pinagpilitan ni Isagani na mas mainam ang tubig kaysa sa sebesa. Nabigla si Simoun sa narinig kay Isagani. Matapos makipag-usap ay umalis si Simoun. Kinwestyon ni Basilio ang inakto ni Isagani kay Simoun, sinubukan niyang pigilan ito kanina dahil maimpluwensyang tao si Simoun. Pinatawag naman ni Padre Florentino sa utusan si Isagani kaya naudlot ang paguusap nila ni Basilio.
Pinilit lamang ng ina si Padre Florentino na maging pari kahit ayaw nito. Mataas ang puri sa kanya. Ilang linggo bago idinaos ang kanyang unang misa ay nagasawa ng kung sino lang ang babaing kanyang pinakamamahal dahil sa sama ng loob, dahila para ialay niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa parokya. Inampon niya si Isagani sa kanyang pinsan sa Maynila.
Napansin ni Simoun na nagalit si Isagani, siya'y nagpaumanhin at nagimbitang uminom ng serbesa dahil ito daw ay mabuti sa katawan ngunit tinanggihan ito ng dalawa. Pinagpilitan ni Isagani na mas mainam ang tubig kaysa sa sebesa. Nabigla si Simoun sa narinig kay Isagani. Matapos makipag-usap ay umalis si Simoun. Kinwestyon ni Basilio ang inakto ni Isagani kay Simoun, sinubukan niyang pigilan ito kanina dahil maimpluwensyang tao si Simoun. Pinatawag naman ni Padre Florentino sa utusan si Isagani kaya naudlot ang paguusap nila ni Basilio.
Pinilit lamang ng ina si Padre Florentino na maging pari kahit ayaw nito. Mataas ang puri sa kanya. Ilang linggo bago idinaos ang kanyang unang misa ay nagasawa ng kung sino lang ang babaing kanyang pinakamamahal dahil sa sama ng loob, dahila para ialay niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa parokya. Inampon niya si Isagani sa kanyang pinsan sa Maynila.
Quiz
Mga tanong | Mga sagot | 1. Ano ang hinihithit ni Kapitan Tiago bago siya mamatay? | Apyan o Opyo | 2. Si ____ ay isang Romanong manunulat at politico. Malaki ang kanyang naiambag sa balarila ng wikang Latin. | Cicero (Marcus Tullius Cicero) | 3. Ano ang tinitiyak ni Kapitan Basilio na hindi maipapatayo? | Akademya para sa pagtuturo ng wikang Kastila. | 4. Sino ang nag-alok ng isa sa kanyang bahay upang maging gusali? | Si Makaraig. | 5. Si _____ ay isnag sikat na makatang Romano noong panahon ni Augustus Caesar. | Horacio (Quintus Horatius Flaccus) | 6. Ano ang alok ni Simoun na tinanggihan nina Basiloi at Isagani? | Uminom ng Serbesa. | 7. Ang ____ ay ang pagkagunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha noong panahon ni Noah. | Delubyo o Deluge | 8. Ang ______ ay ang katulong na pari ng kura paroko o katulong na Obispo sa diyosesis. | Coadjutor | 9. Kahulugan ng karibal. | Kaagaw; kalaban | 10. Kahulugan ng matipuno. | Magandang lalaki; guwapo |

Similar Documents

Free Essay

Sa Ibabaw Ng Kubyerta Report

...I. SA KUBYERTA ( Kabanata I ) Submitted by: Synar Fabes Arriola Michael Vince Rene Corpuz Submitted to : Ma’am Michelle Viernes II. MGA TAUHAN * Kapitan ng Barko – Isang beteranong marinero ang kapitan ng barko. Siya ay may malawak na karanasan sa paglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo noong kanyang kabataan lulan ng matutuling at malalaking barko. * Donya Victorina de Espadaňa – Larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi. * Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo – Nakapag asawa ng maganda at mayamang mestisa. Umangat ang kanyang posisyon hanggang nagging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral dahil sa likas niyang talino. Ang mga salitang masipag, mapanuri, matalino, palaisip ay ilan lamang sa mahuhusay na bansag sa kanya dahil ito sa mabuting panulat ni Ben * Ben Zayb – Ang mamamahayag na malayang mag-isip at minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala. * Padre Camorra – Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa kababauhan lalo na sa magagandang dilag. * Padre Bernardo Salvi – Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip. Umiibig ng lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago. ...

Words: 1052 - Pages: 5