Free Essay

Kabataan

In:

Submitted By tagabukid
Words 1548
Pages 7
Nakakamiss ang maging bata. Wala kang ibang iisipin o aalalahanin kundi ang mga bagong palabas sa TV o kung anong oras maguumpisa ang paborito mong programa; lalo na kapag cartoons! Nako! Wala mong sawang aantabayanan ang lahat, magagalit ka pa kapag nagkataong kailangan mong matulog sa hapon at hindi puwedeng buksan ang TV. Masaya maging bata, lalo na kapag summer! Nandyan yung magtatakbuhan kayo sa kalye na parang walang bukas. Sari-saring laro ang gusto mong malaro sa buong araw! Taguan-pung, patintero, teks, jolens, mataya-taya, syato, dampa, sipa at madami pang iba! Hindi ka magpapahuli sa mga bagong laro o kung ano man ang mauuso. Ipinanganak ako noong 1987, katatapos lang ng kaguluhan noon dahil sa Martial Law. Ang kasalukuyang presidente ay babae. Madami pa din kaguluhan sa kanyang rehimen pero noong kabataan ko sa panahong iyon hindi ko napapansin iyon. Bakit? Dahil masarap maging bata! Noong kabataan ko, ang uso lang ay black and white TV, walang flat screen, LED, LCD, Plasma. Ang meron lang, mga TV na kuba! Mayaman ang tingin ng mga kalaro mo kapag ang TV ninyo ay colored na. Mas madaming dudungaw sa bahay ninyo para makinuod ng kung ano man ang pinapanood ninyo. Kung minsan pa, sila pa ang nasusunod sa channel ng gusto nilang palabas, at iyong iba nakukuha pang pumasok na lang bigla na parang inari na ang bahay ninyo. Siyempre kapag nakakita sila ng pumasok na kumportable sa pagkakaupo sa sahig o sa upuan niyo, sunod-sunod na iyan! Censored lahat ng palabas noon. Bawal ang magmura, ang mga salitang puwet, suso, tumbong, tae, tubol, titi, puke at madami pang iba. Kanya-kanya sila ng paraan para maiba ang salitang gusto nilang tumbukin. Halimbawa, ang tae gagawin nilang dumi, suso magiging dibdib. “Bold yan! ‘Wag mong panoorin ‘yan!” sigaw palagi ng aking ina kapag may mga kababaihang nagpapakita ng mga legs nila sa TV, agad-agad niyang ililipat ang pihitan ng TV namin noon sa ibang channel. Malaswa ng maituturing ang mga palabas na nakikitaan ng legs at dibdib o cleavage ng kababaihan. Ang mga palabas na may halong ganito ay sa sinehan lang ipinapalabas kung saan ang tanging makakapanood lang ay ang mga matatanda, at ang tawag dito noon ay BOLD. Wala din masyadong karahasan sa TV noon, ang mga aksyon na palabas ay ipinapalabas lang sa gabi sa oras kung saan ang mga kabataan ay tulog na.
Sari-sari kami ng trip noon, may maglalaro sa kalye, mayroon naman sa lilim lang, iyong iba ayaw magpaitim kaya kuntento na sa pagbabasa ng librong nobela o pocket book habang nakadungaw sa bintana ng kanilang bahay. Hindi ko nahiligan ang magbasa noon, pero sagana kami sa libro.
Pocket book – ang kadalasang tangan ng mga kababaihan noon o kahit na ang ilan sa mga tambay na lalake sa kalye ay nakikibasa na din. Ito ung mga maninipis na nobela na gawa ng mga kapwa nating Pinoy, karaniwang tagalong at mabibili lang sa murang halaga.Ang mga kadalasang kwento nito ay: 1. Mahirap na naging mayaman, maghihiganti sa mga umapi sa kanilang pamilya o sa kanya noong mahirap pa sila. 2. Katulong na nagmahal sa kanyang amo na may ari ng napakalaking hasyenda sa probinsya na tututulan naman ng ina ng lalaki ngunit sa bandang huli ay matatanggap din. 3. Babaing mabubuntis, iiwan ng nakabuntis, sasaluhin ng best friend o ng palihim na nagmamahal sa kanya.
Paulit-ulit pero makikita mong lumuluha ang mga mata ng mga taong nagbabasa nito sa bawat lipat ng pahina. Malalaman mong nadadala sila ng kwentong hatid ng mga kathang isip na kuwento.
Asensado at sikat na sikat noon ang mga tugtugang Pinoy! Hotdog, VST & Company, Wolfgang, Razorback, Juan dela Cruz at madaming madami pang iba na talagang maipagmamalaki mong Pinoy ka! Makikita mong mapupuno ng mga posters ng mga sikat na rock bands na Pinoy ang bawat kwarto ng mga kapitbahay. Palaging puno din ang mga concert grounds kapag nagkakaroon ng mga concert gigs ang mga banda. Hindi pa ganoon kabulgar ang mga salitang nagagamit sa kanta kumbaga hindi pa masyadong nabababoy ang mga lirikong Pinoy. Sa bawat saliw ng tugtog at awit ng mga letra mararamdaman mo din ang kani-kanilang mga gustong sabihin o ipahiwatig sa pamamagitan ng kanilang ginawang kanta. Mapatungkol sa bayan, pagkakaibigan o kahit sa pag-ibig. Simple pero malalalim na mga pagpaparamdam ng mga nasasaisip.
Noon, ang kapistahan ng bawat lugar sa bansa ay pinasisinayaan ng mga tao. Masaya nilang ipinagdiriwang ang kapistahan ng bawat patron na sumisimbolo sa kanilang lugar.Kahit na sila ay salat sa kayamanan pilit na ipinangungutang makapag-handa lang! Nagmumukhang pasko o bagong taon ang isang buong araw o isang buong linggong pagsasaya, madaming mga palamuti ang makikita sa bawat sulok na madaraanan mo. Bawat bahay ay bukas para sa lahat ng namimista, kilala ka man o hindi malaya kang pumasok at makikain. Naalala ko noong minsan na magpista sa aming lugar, bawat bahay ay nagbigay ng lutong ulam na kanilang handa, hindi pa doon natapos iyon dahil iniimbitahan pa kami pumasok para makikain. Hindi ko alam kung sadyang ipinapaubos nila ang kanilang mga pagkain para walang masisirang niluto. At syempre! Sa mga batang tulad ko dati, hindi puwedeng mawala ang mga palaro! Palosebo, pabitin, agawan buko, hanapan ng piso, saluhan ng itlog, basagan ng palayok at madaming madami pang iba! Ang kaso lang,hindi ako madalas manalo sa mga ganitong palaro palagi akong nauwi ng madumi at talunan pero masaya pa din!
Kay sarap malaman na ang ating pinagyamang kultura ay nag-uugat sa ating tahanan,ngunit nakalulungkot ring malaman na sa paglipas ng panahon, sunod-sunod at unti-unting nawawala ang mga dating nakasanayan. Habang tumatagal nawawala na ang mga aral at kulturang nanggaling pa sa mga ninuno natin. Unti-unti ng natatabunan ng mga makabagong panahon ang mga bagay na dapat nating pinagyayaman.Siguro’y iba nga nga yata talaga ang panahon ngayon kumpara sa nakaraan.
Kahit saan pumunta at tumingin; araw man o gabi, aking nakikita ang unti-unting “Kamatayan ng mga kabataan.” Hawak-hawak ang sigarilyo’t bote ng alak, nakakalat sa lansangan, lumulobo ang mga tiyan, nahuhumaling sa makamundong sistema at dinudungisan ang imahe ng kabataan. Minsan nga ay natanong ang aking sarili, kung kabataan parin nga ba ang pag-asa ng ating bayan o ang kamatayan nito. Ang hirap tanggapin na ang kabataang syang dapat tumulak sa ating bayan patungong kaunlaran ay pawang wala na, sila’y nasa paligid ngunit sila’y hindi maramdaman. Ang dating nagkakaisa, makulay at naglalagablab na tinig sa puso ng kabataan ay wala na. Hindi malaman kung saan napunta ang mga aral na nagmula sa kanilang tahanan, hindi ba naipasa ng nakaraang henerasyon?

“Bakit nga ba ito nangyayari?”

Sa ating bansa mayroong mahigit 10 milyong kabataan ang hindi nag-aaral, na sinasabing bunga raw ng kahirapan. Dahil dito’y marami sa kanila ang hindi nahuhubog at nagagabayan upang harapinang kinabukasan. Ang madalas na dahilan para dito ay kawalan ng maayos na trabaho at kakayahang pangpinansyal;ngunit kung ating susuriing mabuti,ang kawalan ng isang maayos na trabaho ay nag-uugat sa kawalan ng isang maayos na edukasyon.Sa ating panahon ngayon,ang pagkakaroon ng trabaho at isang magandang kinabukasan ay nakasalalay sa kaalaman at kakayahan ng isang indibidwal.Sa madaling salita,ang kawalan ng isang maayos na edukasyon angsyang nagiging sanhi ng kawalan ng trabaho,na sya namang nagdudulot ng kahirapan.
Kung ang mga ito’ymagpapatuloy, unti-unting lulubog ang mga kabataan sa sarili nilang hukay at kawalan.Marami sa kanila ang magiging “mamang at alipin sa sariling bayan.” Sa bawat pitik ng kamay ng panahon aking iniisip kung ano ang maaring maging solusyon at maitutulong para rito.Sa pag-iisip kong ito aking naalala ang isang dakilang Ginoo, dakila sapagkat ipinaglaban nya ang tama at binigyang halaga ang Edukasyon.
“Edukasyon ang susi sa kalayaan” Ito ay mga matatalinhagang salita ng ideolohiyang ipinaglaban ng ating pambansang bayaning si Dr.Jose Rizal hanggang sa kanyang kamatayan.
Mula sa pagkabinata,nasaksihan niya ang ibat-ibang imoralidad at pangaabuso ng rehimeng Espanya,lalo na ng sektang ecclesia sa ating Inang Bayan.Isa rito ang pagpapapatay sa tatlong paring GOMBURZA na kung saan ay naging daan upang mamulat ang mga mata ng binata sa katotohanan.
Sa paglipas ng mga taon lalong nadama at nakaapekto sa kanya ang mga pangaabusong ito nang kamkamin ng mga prayleng espanyol ang mga lupain sa kanilang bayan,na kung saan nadamay ang kanyang pamilya habang siya ay namamalagi sa Europa. Sa kabila ng mga pangyayaring ito,siya ay tumindig parin at tinahak ang tamang landas.Siya ay hindi lumaban sa pamamagitan ng dahas kundi lumaban sa mapayapang pamamaraan,sa pamamagitan ng paglikha ng mga propaganda,na kung saan ay kabilang ang paniniwalang “Edukasyon ang susi sa kalayaan.”
Si Rizal ay lubusang naniniwala na ang pagbibigay halaga sa edukasyon ang syang susi sa pag-unlad ng lahing Pilipino at kalayaan ng ating Bansa.Nakita nya,na ang pagiging isang Ilustrado ay isang paraan upang mapatunayan sa mga Espanyol na tayong mga Pilipino ay may karapatang magkamit ng respeto’t kalayaan tulad nila.Hindi katakataka na ang ideolohiyang ito ay ipinaglaban ni Rizal hanggang kamatayan,sapagkat siya mismo ay isang ilustrado bunga ng turo ng kanyang pamilya at ng kanyang pagtatapos ng pag-aaral sa kinuhang propesyon na optolmiya,na naging dahilan ng kanyang sariling kaunlaran.

Similar Documents

Free Essay

Homosexuality

...Project Title: Kuhang Pangkalikasan Photography Contest Project Description: The Kuhang Pangkalikasan Photography Contest is open to amateur photographers 15-20 years of age, living inside Barangay Pilar. It is an activity that will assess one’s creativity and passion for photography through taking creative and unique shots that will capture the beauty of nature inside the barangay. It will also serve as an instrument to showcase the magnificent and exquisite sceneries or the environment itself of Barangay Pilar. The photos submitted by the contestants will be exhibited inside the Nature’s Park for a week for the Pilar residents to see the beauty of nature that will be discovered. This activity is part of the SK Environment Week. Date: May 18, 2012 Venue: Barangay Pilar Nature’s Park Type of Event: Part of SK’s annual activity (Environment Week) Project Proponents: |Assignment |Name |Position |Mobile No. | |Project Manager |Lara Angelica Pabalan |President |09175760813 | |Asst. Project Manager |Jake Sabuquia |Vice President |09179542208 | |Finance Head |Reno Buquing |Finance Head |09162414356 | |Advertisement |Ariel...

Words: 534 - Pages: 3

Free Essay

Tinik Sa Kabataan

...Tinik sa Kabataan Akda ni: Karenjane V. Trinidad Hindi natin mapagkakaila na ang kabataan ang pagasa ng bayan tinatawag natin silang bagong bayani. Sa paglipas ng panahon marami na ang nagbago sa kabataan ang dati'y inosente ngayon isang pahamak, bawat segundo kung tamarin bawat minuto kung magsinungaling bawat oras kung sumagot ng pabalang bawat araw may kasalan na unting unti pumatay sa kalooban ng kanilang magulang. Bata man may bisyong pinagkakagastutas pampalipas oras kung ituring alak sugal pati ang droga mabutas man ang bulsa sa kanila'y ito'y kasiyahan dahil panandaliang nawawala ang kanilang problema sa pamilya sa pera sa pag ibig at sa kaibigan. Mahirap man tanggapin ngunit ito ang katotohanan nangunguna ang utak sa talampakan kesa ang utak na nasa ulo pinaiiral ang pagkasutil pinaiiral ang pagyayabang unti unti nilang sinisira ang kanilang buhay Katamaran ang umiiral sa dugo ng kabataan kahit sa takdang aralin ay umaasa sa iba pati sa pag susulit gumagawa ang bawat isa ng kanilang paraan para makapasa wag lang mapagiwanan iba't iba na ang paraan ng bawat isa mas maagap pang manulad kesa sa pagbabasa Animo'y maamong tupa sa harapan mo ngunit pag talikod mo'y kulang na lang ay saksakan ka na may kasama pang buhos ng alkohol ganyan paminsan kung magmahalan ang kabataan masyadong matamis masyadong nakakasakal nakakatuwa diba Libangan ng kabatan ang alak na dating tinutuma ni Tatay ang dating hinihit hit ni Kuya kung sa iba pa nga itinuturing ito...

Words: 390 - Pages: 2

Free Essay

Epekto Ng Broken Family Sa Kabataan

...Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral ng pananaliksik na ito ay ipinokus sa mga “Epektong” naidudulot ng Broken Family sa mga kabataan sa Bulacan State University sa kursong BS Mathematics major in Computer Science na nasa unang taon lamang. Mga Kaugnay na Literatura Mayroong isang pangkalahatang impresyon sa ibang bansa ang mga propesyonal na ang sirang tahanan ay may isang tiyak na epekto sa tagumpayng bata sa paaralan. Gayunpaman, kaunti lang ang pagtatangka upang makagawa ng isang pang-agham na pagsisiyasat ng sitwasyon. Ang ulat na ito ay isang resulta ng isang pagsisikap upang pag-aralan ang mga bagay sa istatistika na paraan. Ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na kung saan ang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa isang normal na relasyon ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sakamatayan, diborsiyo, desersyon, o anumang iba pang mga dahilan. kung ang isang abnormal na bahay ay isang permanenteng epekto sa mga bata, ang kakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain sa paaralan, ito ay dapat namakikita kapag ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang isang kapaligiran kumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang normal napamilya. (Campbell, 1932) Mayroon ding mga negatibong epekto sa mga bata ang pagkamulat sa hiwalay na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit na marami ang mga nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parents kaysa sa mga...

Words: 618 - Pages: 3

Free Essay

Epekto Ng Kompyuter Games Sa Kabataan

...A. Panukalang Pahayag - Ang paglalaro ng computer games ay may masamang epekto sa mga estudyante ng Unibersidad ng Bulakan B. Paksa at Suliranin -Pagtukoy ng Paksa Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga games na nilalaro ng mga estudyante at ang mga masasamang epekto nito sa bawat isa sa kanila. -Paglalahad ng Suliranin Sa kasalukuyan nakikita ng mga mananaliksik na malaki ang epekto sa mga estudyante ng BulSU ang paglalaro ng computer games at ito ay nakaka apekto sa kanilang mga grado. -Pansarali o Panlipunang udyok sa pag pili ng paksa Ang mga mananaliksik ay kasalukuyang estudyante ng BulSU na gustong ipaalam sa mga estudyante kung ano-ano ang mga maaring masamang mangyari kapag ikaw ay naglalaro ng mga kompyuter games. Ang mga mananaliksik ay isa rin sa mga manlalarong nakakaranas ng mga bagay na nakakasama sa kanilang kalusugan pati na rin sa kanilang grado sa eskuwelahan. Gusto rin nila malaman kung paano ba ito mawawaksi o maiiwasan at upang makatulong din sila sa mga taong nakakaranas nito. C. REBYU / PAG-AARAL Sa pananaliksik na ito halos lahat ng impormasyon na pinagkuwaan ng mga mananaliksik ay ang internet. D. LAYUNIN A. Pangkalahatan - Layunin ng pananaliksik na ito ang maipakita ang lumalaking bilang nang mga mag-aaral na nagkakaroon ng adiksyon sa pag-lalaro ng kompyuter games, at kung bakit nawawala na ang interes ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral nang dahil dito. B.Tiyak -Layunin ng pananaliksik na ito na makahanap ng mga impormasyon...

Words: 1902 - Pages: 8

Free Essay

Ang Pag-Inom Ng Alak Ng Mga Kabataan

...Abra Valley Colleges Bangued, Abra Pamanahunang Papel Ipapasa kay, G. Jaymar Perlas “ Ang Pag-inom ng Alak ng mga Kabataan ” Bilang Bahagi ng Katuparaan sa Asignaturang Filipino – 12 Ipapasa ni, mheiy Marso 20, 201 PASASALAMAT Bilang pasasalamt sa mga taong tumulong at nagging inspirasyon ko upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito. G. Jaymar Perlas, aking guro sa asignaturang Filipino, para sa pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at paggabay sa akin mula sa simua hanggang sa huli. Nagging mahirap ang paggawa ng isang pananaliksik ngunit ginawa niya ang kanyang makakaya upang mahasa ang galing ng kanyang mga estudyante. Ang pananaliksik na ito ay isang patunay na hindi nasayang ang kanyang oras at pagsisikap na turuan kaming lahat. Sa aking pamilya, para sa pagbibigay ng walang sawang suporta lalo na sa tulong pinansiyal. Kung wala sila marahil wala din ako sa aking kinatatayuan ko ngayon. Sila ang dahilan kung bakit ako ngapupursige sa pag-aaral upang masuklian ko ang kanilang sakripisyo. Sa aking mga kamag-aral at kaibigan, para sa kanilang tulong at pagpapakitang suporta na siyang naging malaking ambag upang matapos ko ang proyektong ito. At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa Kanyang paggabay, pagbibigay ng lakas, talino at pagkain sa araw-araw. Malaking tulong ang kanyang naibahagi upang mapagtagumpayan ko ang pananaliksik na ito na dapat tuparin sa Filipino 12. PAGHAHANDOG ...

Words: 2821 - Pages: 12

Free Essay

Banta Sa Kinabukasan: Kalusugan Ng Kasanggulan at Kabataan Sa Lungsod Maynila

...Banta sa kinabukasan: Kalusugan ng kasanggulan at kabataan sa Lungsod Maynila Iniharap ni Antonio Domingo R. Reario III Komunikasyon II TFG2 Kay Rosemarie Roque (Instruktor) 8 Hunyo 2015 Unibersidad ng Pilipinas-Manila Kalye Padre Faura, Ermita, Manila Banta sa kinabukasan: Kalusugan ng kasanggulan at kabataan sa Lungsod Maynila Ang malnutrisyon Ang malnutrisyon ay isang seryosong problemang pampublikong kalusugang naka-ugnay sa malaking pagtaas ng panganib na mamatay at magkasakit (Blossner & de Onis, 2005). Karagdaran pa rito, ito ay nakaaapekto na sa daang at milyong buntis na ina at bata (Müller & Krawinkel, 2005). Layunin ng pananaliksik na itong malaman ang estado ng malnutrisyon ng mga batang 0-71 buwang gulang sa Lungsod Maynila. Maliban pa rito, susuriin ng papel na ito ang mga posibleng paliwanag, dahilan, at solusyon sa problemang tinatalakay. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa lahat ng mga magulang at balak maging magulang. Ang nutrisyon ay may tatak na impluwensiya sa paglaki, lalo na sa mga unang taon ng buhay (Koletzko, 2008). Ibigsabihin nito ay makikita sa pagtanda ng isang tao kung naging tama, labis, o kulang ang nutrisyong nakuha nito noong siya ay bata pa lamang. Ayon kay Cunningham (n.d.), nangyayari ang malnutrisyon kapag ang kinakain ng isang tao ay hindi akma sa kailangan nitong mga nutrient upang mapanatiling malusog ang katawan. Nangyayari ang pagiging kulang sa nutrisyon kung ang kinakain ng isang tao ay kulang...

Words: 7492 - Pages: 30

Free Essay

Palatanungan Para Sa Social Media Addiction Ng Kabataan

...PANGALAN:_____________________________ TAON/KURSO/SEKSYON:____________ Panuto: Bilugan lamang ang letra ng iyong kasagutan. Maaring pumili ng isa o higit pa sa mga nakalagay na opsyon. A. PAG-AARAL 1. Ano sa tingin mo ang mga nagiging epekto ng Social Media sa iyong pag-aaral? A. Nagkakaroon ng madaling komunikasyon sa kapwa kamag-aral. B. Napagkukunan ng mahahalagang impormasyon. C. Nakakatulong upang mapadali ang palitan ng mga dokumento (e-mails) D. Natatanggal ang pokus sa pagrerebyu. E. Nagiging daan sa pangongopya ng impormasyon. 2. Nakakatulong ba ito sa iyong pag-aaral? Sa anong paraan? A. Oo, sa pamamagitan ng pagkikipag- kumunikasyon sa mga kaklase at guro B. Oo, sa pamamagitan ng paghatid nito ng makabagong teknolohiya sa paraan ng pakikipag-kumunikasyon sa iba. C. Oo, sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga status. D. Hindi. Dahil nauubos lamang ang aking oras sa mga Social Media na yan. 3. Nakaka-agaw ba ng pansin ang Social Media sa iba mong mga gawain? A. Oo, dahil sa Social media hindi na ako nakakapag-aral ng maayos. B.Hindi dahil marunong akong maghati ng aking oras para sa aking mga gawain. C. Oo, dahil naaadik na ako sa mga Social Networking Sites. D.Hindi dahil wala akong Social Media na sinalihan. B.PAMUMUHAY 1. Ano ang networking site na kinabibilangan mo? A. Facebook B. Scout C. Twitter D. Yahoo E. Instagram 2. Ano sa tingin mo ang naging epekto nito sa iyong pakikipagkapwa? A. Marami akong nakikilala....

Words: 549 - Pages: 3

Free Essay

Isang Pag-Aaral Tunkol Sa Mga Kabataang Sangkot Sa Maagang Pagbubuntis

...TALAAN NG NILALAMAN PAMAGAT NG PAHINA TALAAN NG NILALAMAN TSAPTER I. INTRODUKSYON Kaligiran ng Pagaaral 1 Paglalahad ng Layunin 2 Metodolohiya 2 Kahalagahan ng Pag-aaral 3 Saklaw at Limitasyon 3 Depinisyon ng Termino 4 II. DISKUSYON Layunin Blg 01. Mabatid ang dami ng kabataang 5 nasasangkot sa maagang pagbubuntis sa kasalukuyan at sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas. Layunin Blg 02. Alamin ang dahilan o sanhi ng 6 maagang pagbubuntis. Layunin Blg 03. 8 Layunin Blg 04. 11 III. BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Buod Konklusyon Rekomendasyon TALAAN NG NILALAMAN PAMAGAT NG PAHINA TALAAN NG NILALAMAN TSAPTER I. INTRODUKSYON Kaligiran ng Pagaaral ...

Words: 4379 - Pages: 18

Free Essay

Thesis

...Kabanata 1 SULIRANIN AT SALIGAN NITO Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nagsisimulang mahumaling sa panunuod ng iba’t ibang programa sa telebisyon at dito rin nila napapanood ang iba’t ibang uri ng mga patalastas o “advertisement.” Simula pa noon ay naging bahagi na sa buhay ng mga tao ang panood ng iba’t ibang klase ng patalastas o “advertisement” sa kanilang mga telebisyon. Habang lumilipas ang panahon, ang midya ay nakakadagdag ng iba’t ibang impormasyon na makapagbibigay sa kanila ng mahahalagang datos ng mga kaalaman upang sa ganoon makapili ng magaganda at mga epektibong produkto ng sa telebisyo’y ipinatatalastas. Habang tumatagal, nang dahil sa panonood ng mga patalastas sa telebisyon ay mas lumalawak ang kaisipan ng mga kabataan. Nagkakaroon din sila ng mga iba’t ibang uri ng ideya kung paano mamili ng mga produktong nakikita nila sa mga patalastas. Darating din ang panahon na ang lahat ng kanilang mga nalalaman o nalaman ay kanilang magagamit sa ibat-ibang bagay o sitwasyon. Ngunit ang panonood ng patalastas o “advertisements” sa telebisyon ay may masama ring naidudulot sa mga kabataan. Katulad nalamang ng isa sa mga patalastas ng “McDonalds”, kung saa’y isang “special child” ang kanilang ginamit sa pag-eendorso sa kanilang produkto at nagsasabi ng “smile ka din, konti lang” sa kapatid niyang nakita ang kanyang hinahangaang babae. Maraming natuwa ngunit marami ring ginagamit ito sa kanilang pang-aasar o panunukso sa kanilang mga kaibagan at kung madalas, nagiging...

Words: 2390 - Pages: 10

Free Essay

Study Habits

...Introduksyon          Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahil marami silang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narrating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan. Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ng marami sa mga mag-aaral ng Pilipinas. Ito an gaming piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-pansin, lalo na sa aming klase, na imbes libro at bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga daa nila ay PSP, iPod, Laptop at Cellphone. Ang “k-zone” ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na ito malalaman ang mga makabagong kagamitan na mabibili sa mga malls ngayon. Ang magasin na io ay may buwanang sipi na may titulong “What’s Hot?” na nagpapakita ng mga sikat na makabagong kagamitan ngayon at mga nalalaos na. Mapansin na kung maglilibot tayo sa bilhan ng mga magasin, maraming kabataan ngayon ang bumubili ng K-Zone. At dahil na ring sa “What’s Hot?” naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa kung anung bagong kaamitan ngayon. Ang mga naunang pag-aaral patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga grado na nakukuha ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa problema sa pamilya, lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang tinatawag na study habit, etc. Ngunit dahil ngayon lamang lumabas ang PSP, iPod, Laptop at Cellphone, wala pang pag-aaral ang naglayong alamin...

Words: 2331 - Pages: 10

Free Essay

Kababata Ka!

...Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Division of Batangas Distriro ng Agoncillo Mataas na Paaralan ng Medalya Milagrosa Inc. S.Y 2012-2013 Pangkat Tatlo: Breena Rose De Sagun. Mika Ela R. de Sagun. Antheya Leilani De Villa. Kristine Anne Lacerna. Ven Andrei De Sagun. Christian Paul Del Mundo. Mark John Encarnacion. Christian De Sagun. Guro: Gng. Marina Villanueva. Pangalan: Breena Rose C. De Sagun. Palayaw: Breena Kapanganakan: Ika-3 ng Oktubre 1997 Lugar ng Kapanganakan: St. Martin General Hospital Edad: 15 taon Relihiyon: Romano Katoliko MAGULANG Ama: Victoriano De Sagun. Ina: Elizabeth De Sagun. Bilang ng mga Kapatid: 2 Babae:1 Lalaki:1 Pangalan: Mika Ela R. De Sagun Palayaw: Mika Kapanganakan: Ika-30 ng Enero 1997 Lugar ng Kapanganakan: Don Juan Mayuga Memorial Hospital Edad: 15 taon Relihiyon: Romano Katoliko MAGULANG Ama: Sherwin De Sagun Ina: Susan De Sagun Bilang ng mga Kapatid:3 Babae: 1 Lalaki:2 Pangalan:Kristine Anne Lacerna. Palayaw:TinTin Kapanganakan:Ika-25 Disyembre 1996 Lugar ng Kapanganakan: Subic Ibaba,Agoncillo,Batangas Edad:16 taon Relihiyon:Romano Katoliko MAGULANG Ama:Michael M. Lacerna Ina:Teresa C. Lacerna. Bilang ng mga Kapatid:1 Babae:1 Lalaki:0 Pangalan: Palayaw: Kapanganakan: Lugar ng Kapanganakan: Edad: Relihiyon: MAGULANG Ama: Ina: Bilang ng mga Kapatid: Babae: Lalaki: Pangalan:Christian Paul U. del Mundo. Palayaw:Paul...

Words: 2790 - Pages: 12

Free Essay

Cyber Bullying

...ng kabataan ay tila alam na lahat ng bagay sa mundo, hindi maiiwaasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis na pagkatuto ng tao sa kung anumang bagay sa kanyangpaligid, lumaganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mgakabataan ang madalas na nabibiktima nito. Bunga marahil siguro ng inggit o di kaya’ypaggaya sa matanda, ang mga kabataan ay namulat na sa tinatawag na “bullying” . Isang di pangkaraniwang problema na madalas ng kinakaharap ng mga paaralan atkomunidad sa panahin ngayon. Ang bullying sa wikang tagalog ay pang-aasar opanloloko. Madalas itong ginagamit sa mga estudyante. May mga lokong estudyante nagustong gusto nilang nanloloko o nang-aasar sa kanilang kapwa estudyante. Minsanhumahantong pa ito ng sakitan. Marami sa mga kabataan na ito na nasasangkot samga ganitong klase ng kaguluhan, ay maaring naimpluwensyahan ng kapwa nilakamag-aral o di kaya ay dala ng inggit o galit para sa taong ginagawan nila nito. Sakabilang banda, ang mga taong nagagawan ng mga panlolokong ito o mas alam satawag na mga biktima o “mga nabubully” ay may mga iba’t ibang istilo sa pag-iwas samga gulong kagaya nito. Sila ang mga nabibiktima ng mga “bully” na ito nahumahantong pa nga minsan sa depresyon na maaring maging sanhi ng pakawalang-tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay. II. Rasyunal Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila...

Words: 1643 - Pages: 7

Free Essay

Nawawalang Susi Ng Kinabukasan

...patungkol sa edukasyon lalong lalo na para sa mga kabataan. Ngunit,Marami pa ring mga kabataan ang hindi nakakapasok ng eskwelahan dahil na rin sa mga dagok sa buhay. Sa katunayan, ayon sa Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS) ,4 na milyon ng mga kabataang edad 6-24 ang di nakakapagaral sa eskwelahan. Nasaan? Nasaan na kaya ang susi sa magandang kinabukasan para sa mga kabataan? Tuluyan nakaya silang makandado at mapagkaitan ng magandang kinabukasan? Marami ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga kabataan sa Pilipinas ay di nakakapagaral. Ayon sa mga nakalap na datos ng National Statistics Office Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey, ang 30.5% ng dahilan kung bakit hindi nakakapagaral ang ilan sa mga kabataan natin sa Pilipinas ay dahil mas binibigyan pansin ang paghahanap ng trabaho. Ako na rin mismo ay saksi sa mga ganitong pangyayari,dahil na rin sa kakapusan ng kita ng mga magulang, sa halip na mag-aral ang iba, madalas ay tumutulong nalamang sila sa kanilang mga magulang upang matustusan ang kanilang pagtawid gutom sa buong maghapon. Ang sagot ng pamahalaan dito ay ang bagong kurikulum na k-12 na kung saan maari ng makapaghanap ng trabaho sa lalong madaling panahon kahit natapos ka lamang ng hanggang grade 12. Kawalan ng motibasyon at kawalan ng interes naman ang pumapangalawa dito ayon sa National Statistics Office Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey. Maraming mga kabataan ang nawiwili sa iba’t-ibang mga bagay tulad...

Words: 581 - Pages: 3

Free Essay

Talumpati Ukol Sa Kabataang Pilipino

...sa inyong harapan upang ipamahagi sa inyo ang aking talumpati tungkol sa “Kabataang Pilipino”. Sa matagal na panahon, iniukit sa ating isipan na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, ito ang walang kamatayang kataga na hango sa ating dkilang bayaning si Dr. Jose Rizal, napakagandang kataga, animo’y isang katagang mula noon pa ma’t magpahanggang ngayon ay humahamon sa bawat katauhan at katatagan ng bawat kabataang Pilipino. Isang inspirasyon para sa mga kabataan upang muling maiahon sa putik ng kahirapan at kahihiyan ang ating Inang Bayan. Ngayong ang bansang Pilipinas ay dumaranas ng matinding krisis, paano nga ba makakatulong ang isang pag-asa ng bayan? Bawat kabataang Pilipino ay dapat may paninindigan at prinsipyong hinahawakan,may pagkakaisa at tungkuling ginagampanan. Hindi dapat tayo mag sa walang kibo na lamang sa isang tabi, habang ating ginagalawan ay puro kaguluhan. Mga kabataan. Panahon na upang buksan ang ating isipan at mga mata sa mga kaganapang nangyayari sa ating bansa. Hindi kinakailangang nakapagtapos muna o marami ang karanasan bago tayo makialam at makatulong sa ating naghihikahos na lipunan. Maging matalino at mapanuri sa bawat aspeto na nangyayari sa ating bansa. Huwag lang kakalimutan ang sama-samang pagkilos. Tayo’y magtulong tulong upang maging tulay at maiahon sa kahirapan ang ating bayan. Kabataan. Tayo ang susupil sa mga makapangyahirang ahas sa lipunan, na sila sila lamang ang nakikinabang na ang mga mahihirap ay mas lalong naghihirap at ang mga...

Words: 915 - Pages: 4

Free Essay

Ms Office

...Ang maagang pagpasok ng mga kabataan sa larangan ng pag-ibig ay hindi makakabuti. Lagi nating naririnig sa ating mga magulang ang kanilang paalala na unahin muna ang pag-aaral bago pumasok sa pag-ibig. At mga katagang, "Makakapag-antay ang pag-ibig." Karamihan sa mga kabataang nahulog sa maagang pag-ibig ay hindi na nakakatapos ng kanilang pag-aaral at maagang pumasok sa buhay may-asawa. Sayang ang kanilang kabataan at panahon na imbes makapag-aral muna, makapagtrabaho, makatulong sa pamilya at makapag-ipon muna para sa kanilang kinabukasan ay maagang aagawin ng pagpapamilya. Kaya sa mga kabataan, bigyang halaga ang mga magagandang oportunidad na dumadarating sa inyong kabataan. Pakaisipin lagi na ang mga magulang ay napagdaanan na nila ang mga bagay na iyan kaya nila ipinapaalala ang kabutihan at kamalian sa mga bagay. Walang magulang ang hindi nagnanais na mapabuti ang kanilang mga anak. Ang posibleng maidudulot ng maagang pag-ibig sa mga kabataan ay ang pagkasira ng kanilang pag-aaral. Hindi nila maitutok ang kanilang panahon o makapagkonsentreyt mabuti sa kanilang pag-aaral. Na kadalasan ay mahihinto sila o mawawalan ng ganang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Minsan din nakakapagdulot din ito ang maagang pag-aasawa lalo na kung sila ay mabuntis at malagay sa maagang responsibilidad ng pagkakaroon ng anak at asawa. Pero sa tamang paggabay at sapat na pagmamahal ng mga magulang at kapamilya, at sila ay mapapayuhang mabuti at mai-akay sa tamang landas, malayong sila ay...

Words: 254 - Pages: 2