Free Essay

Kahalagahan Ng Pagkabirhen Bago Magpakasal

In:

Submitted By franciabea
Words 311
Pages 2
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang matukoy kung gaano kahalaga sa mga kababaihan na manatiling birhen bago magpakasal.Sa pamamagitan din ng pananaliksik na ito ay malalaman kung alin sa mga paniniwala ang mas nakalalamang. Kung sa makabagong henerasyon ngayon, ay mahalaga pa rin ba na birhen ang babae bago matali sa isang lalaki o hindi na? Kadalasang iniiwasan ang ganitong mga usapin dahil karamihan ay hindi komportable na pag-usapan ang mga senswal na isyu ng lipunan. Ngunit darating ang panahon na kinakailangan na mapalawak ang mga kaalaman sa mga bagay na kahit senswal ay tunay na mahalaga para sa pagpapatibay ng lipunang ginagalawan. Maraming dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paniniwala ng mga kababaihan. Kaugnay nito,nais ng mga mananaliksik na ibahagi ito at maging tulay sa sa mga susunod na pananaliksik na may kinalaman sa naturang paksa. Mahalaga rin ito upang higit na mapabuti ang pagkakaunawaan ng mga tao tungkol sa isyung ito. Maintindihan ang bawat isa at sa huli ay respetuhin ang pagkakaroon ng iba't ibang paniniwala.

Sa mga kababaihan, upang mapalawak ang kanilang mga kaalaman tungkol sa usapin na kanilang kinabibilangan. Upang malaman din nila ang iba't ibang mga komento ng kapwa nila babae hinggil dito at para rin matulungan sila na maisagawa at manindigan sa kanilang sariling desisyon.

Sa simbahan, pamilya, kaibigan at media, upang mabatid nila ang kanilang katungkulan na ginagampanan sa mga mahalagang isyu na tulad nito.

Sa lipunan, upang maipaliwanag sa kanila ang tunay na kaganapan sa ating bansa. Ang mga bagay na hindi natin dapat kalimutan at nararapat paglaanan ng panahon para sa ikabubuti ng bawat isa.

Sa mga mag-aaral, upang magsilbing tulong sa mga nangangailangan ng pananaliksik tungkol sa kahalagahan ng pagkabirhen ng babae bago magpakasal. Magsilbing gabay para sa mga may interes sa paksang ito at maibahagi ang kaalaman sa isinagawang pananaliksik.

Similar Documents