...KAIBIGAN - Talumpati ko Sino nga ba sa ating ang walang tinuturing na kaibigan? Sinasabi nga na “No man is an island”. Hindi madaling mamuhay sa mundo kung wala kang kaibigang magmamahal, magpapatawa, mag aalaga at andyan para sayo. Pera, yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kung wala kang kaibigan? Oo, mayaman ka nga sa material na bagay ngunit, aanhin mo ba ito kung wala kang kaibigan na makakasama, diba malungkot? Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng kaibigan, dahil mapupuno ka ng yaman sa pagmamahal. At kung dumating sa ating buhay ang isang kaibigan bigyan naman natin sila ng halaga dahil baka mawala pa sila sa atin. Ang kaibigan ay bahagi na ng ating buhay. Minsan sila ang nagiging basehan kung sino at kung ano tayo. Sabi nga nila “Tell me who your friends are, and I tell you who you are”. Kung titingnan natin ang ganitong pananaw, masasabing dapat maging mapili tayo sa pagkakaroon ng kaibigan. Ang pagkakaibigan ay isang samahan, na nagbibigay kulay sa ating buhay. Maraming pagkakaibigan ang nabubuo sa pagdaan ng panahon. Mayroong panandalian at mayroon din pang habangbuhay. Ngunit kahit gaano man ito kadali o katagal, ang mga magagandang alala at masalimuot na pinagdaan ng pinagsamahan ay mananatiling nakaukit sa ating mga puso’t isipan. Ang pagkakaibigan ay hindi lamang nandyan, upang magbigay ng kaligayahan, ngunit nandyan din upang ikaw ay sabayan, sa pagharap ng hamon at pagsubok ng ating buhay. Ang pagkakaibigan ay parang hangin, pwede mong maramdaman...
Words: 645 - Pages: 3
...ALAMAT NG MANGGA Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sakanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan niBen. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalangnangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyanng damit.Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalinginang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa.Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso niBen, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito. ------------------------------------------------- Pabula ------------------------------------------------- Ang pabula[1] (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. Ang Agila at ang Maya Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang...
Words: 2609 - Pages: 11
... 3. Pakikisangkot 4. Kawilihan 5. Kaligayahan Ayon kay Sigbad (1979) 60% ng pang-araw-araw na gawain ay pakikinig at ¼ hanggang 1/3 nito ay kaagad na nakakalimutan pagkatapos makita o marinig. C. Proseso 1. Pagtanggap ng mensahe – tainga 2. Pagtuon ng atensyon sa tinanggap na mensahe – pagmamasid sa di-verbal cues 3. Pagbibigay-kahulugan sa mensahe – dating kaalaman at karanasan 4. Pagmememorya – pagtanda at paggunita sa mensaheng tinanggap 5. Pagtugon sa mensahe – reaksyon o sagot; direktang ugnayan sa isa’t isa D. Layunin ng Pakikinig 1. Para malibang - di-nangangailangan ng masusing pakikinig - Hal. dula sa radio, telebisyon at iba pang palabas - masayang pakikipagkwentuhan sa kaibigan at kakilala 2. Makapagnilay-nilay o makapag-isip - tungkol sa sarili, mga karanasan sa buhay - hal. sermon ng pari/pastor 3. Makalikom ng mga impormasyon/kaalaman - buong atensyon - hal. pakikipanayam, seminar o mga lektyur ng guro sa klase - maunawaan at matandaan ang mga kaalamang ibinibigay ng nagsasalita 4. Magsuri - humihingi ng ideya, opinion o reaksyon - hal. talakayan, debate o pagtatalo E. Antas ng Pakikinig 1. Apresiyativ na pakininig - gamitin ito sa...
Words: 1200 - Pages: 5
...PAGSASALITA • Sa apat na makrong kasanayan, ang pagsasalita ang kauna-unahang natututnan ng tao. • Ang isang bata ay natututo ng limanlibong (500) salita bawat taon o labintatlong salita bawat araw. Mula sa isang salita hanggang sa maging dalawa, patungo sa telegrapiko, hanggang sa makadebelop ng proseso sa ponolohiya at pagsasatinig ng mga salita, lumilikha ang mga bata ng mga salita na nagiging kagamitan niya sa pagpapahayag. HAKBANG SA PAGSASALITA • Pag-iyak - kapanganakan • Cooing - 6 na lingo • Babling - 6 na buwan • Intonasyon - 8 na buwan • Isang salita - 1 taon • Dalawang salita - 18 buwan • Salita (word inflection) - 2 ¼ taon (3 taon – 3 buwan) • Tanong negatibo - 5 taon • Matyur na salita - 10 taon MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA A. Kaalaman – “you cannot say what you do not know.” Kaya kailangan ang kaalaman sa mga sumusunod: 1. paksa ng usapan 2. bokabularyo 3. gramatika 4. kulturang pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura at kultura ng iyong kausap B. Kasanayan – kailangang linangin ang mga sumusunod na kasanayan 1. kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamabilis na panahon 2. kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pananalita 3. kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre C. Tiwala sa sarili – ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa sarili ...
Words: 2675 - Pages: 11
...Tagapagulat: Magandang hapon mga kamag-aral at Ginoong Ramos. Ako po si Nadine Sadiasa. At i uulat ko po ngayong hapon ang Kabanata 9 ANG KAMPANYA PARA SA PAGBABAGO (1882-1892). Nakasaad dito ang mga impormasyon kung ano-ano ang kilusan at reporma ang ginawa ng mga Pilipino para sa pagbabago matapos bitayin ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora. (Ipakita ang visual aid no.1) Tagapagulat: Ang larawang ito ay ang nag papakilala sa tatlong paring martir. Na sina Gomez, Burgos at Zamora. Sampung taon ang matahimik na nagdaan matapos bitayin ang mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora. Mapayapa ang panahong ito dahil napatahimik ng mga awtoridad ng Espanyol ang mga Pilipino dahil sa takot. (Ipakita at basahin ang visual aid no. 2) Tagapagulat: Binantaan nila ng pag mamalupit ang mga Pilipino kapag ito ay lumaban sa pamahalaan nila. Tagapagulat: Dahil sa mga pangyayari ang mga mayayaman at edukadong Pilipino ay nagpuntahan sa Espanya. Sila ay nagaral at nagsumikap doon upang magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas. (Ipakita ang visual aid no.3) Tagapagulat: Nang dahil doon ay nagkaroon ng Kilusang Propagandista ito ay nag simula noong 1882 hanggang 1892. Sila ang tatlong Pilipinong promienteng repormista. Tagapagulat: Ang promienteng repormistang Pilipino ay sina Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar. (Ipakita ang visual aid no.4) Tagapagulat: Dumako tayo sa pag papakilala sa tatlong promienteng repormistang Pilipino na sina Graciano...
Words: 1466 - Pages: 6
...Edukasyon ( Talumpati) Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan. Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan an gating pag- uusapan ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko. Mga kabataang magiging susi upang umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan sa pagbabagong ating inaasam. Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag- unlad ng agham sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay. Katulad ng cellphone at computer. Mga makabagong bagay na makagpapadali n gating pamumuhay…lalung lalo na ng mga kabataan. Kahit saang dako ka man ngayon tumingin,marami ng mga internet café ang nagkalat. Iba’t ibang model na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat tayong mga nag- aaral sa pribadong paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito ba ay ginagamit natin sa tamang paraan? Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag- aaral. Katulad sa mga pananaliksik…hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo..encode mo lang ang topikong hinahanap mo…mag-antay ka lang ng ilang segundo...
Words: 706 - Pages: 3
...BUGBOG sarado si Senador Tito Sotto sa isyu ng plagiarism o pangongopya sa mga bantog na statements ng iba. Ngayon, sinampahan pa siya ng kaso sa Senate Ethics Committee kaugnay ng usapin. Pero sa totoo lang, kung sinasabing may kasalanan si Tito Sen, ito ay dapat panagutan ng kanyang legislative staff na siyang naghahanda ng kanyang mga talumpati. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan pa niyang patagalin sa tungkulin ang kanyang mga palpak na tauhan na nagsubo sa kanya ng mga kinopyang pahayag. Kaya hayan, parang binigyan ng ammunition ang mga kumokontra sa kanya tulad ng mga sector na pabor sa Reproductive Health (RH) Bill. Pabor ako sa family planning pero iginagalang ko ang salungat na pananaw gaya nang kay Sotto. Nakita natin ang pagiging emosyonal ng mambabatas na ito kapag ang pagtutol niya sa bill ang pinag-uusapan. Wika nga ng isang kaibigan ko na nakikisimpatiya kay Sotto, well-funded ang grupo ng mga RH Bill advocates kaya walang habas kung tirahin si Sotto. As I was saying, dapat antimano’y kinastigo na ni Sotto at sinibak ang mga tauhan niyang dapat managot. Naalala ko pa nang unang sumabak sa politika si Sotto. Ang approval rating niya ay napakataas at posibleng maging Presidente ng Pilipinas kung tumakbo. Pero parang lobong sinundot ng aspili nang lumabas ang usaping ito sa plagiarism. Ganyang kabilis makapanira ang social network na doo’y kataku-takot na tuligsa ang tinanggap niya. Sabi nga, kung below the belt ang ‘cyber bullying’ na inabot...
Words: 718 - Pages: 3
...PY 10 Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing...
Words: 47092 - Pages: 189
...Ito ay ang mga sumusunod: a. Dyad Communication: ito ay uri ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao lamang. Mainam na halimbawa nito ay ang one-on-one interview. Group Communication: Ang uring ito ay nagaganap sa pagitan ng tatlo o higit pang tao. Karaniwan nitong halimbawa ay ang mga group therapy sessions at group discussions. Public Speaking: Ito ay ang pagbibigay ng talumpati sa harap ng madla. Maari itong maiuri sa dalawa: Extemporaneous Speech Talumpating may kopya (): Ito ay ang pagbibigay ng talumpati kung saan handa ang tagapagsalita sa kaniyang sasabihin. Maaring may kopya ng talumpati ang tagapagsalita at binabasa na lamang ito sa harap ng madla, o kaya ay nakapagsaliksik na ito tungkol sa paksa at gumawa na lamang ng mental note. Karaniwan itong masasaksihan sa mga pormal na pagtitipon katulad ng seminar, lectures, at convocations. Impromptu Speech (Talumpating Di-Handa): Sa uring ito, walang kopyang binabasa ang tagapagsalita habang inuusal nito ang kaniyang talumpati. Karaniwan ay hindi alam ng tagapagsalita ang eksaktong paksa hanggang sa mismong oras ng pagbibigay niya ng talumpati. Pangmadlang Komunikasyon (Mass Communication): Naiiba ang uring ito dahil sa extent at magnitude ng kaya nitong maabot. Sa apat na uri ng komunikasyon, ito ang may pinakamaraming audience o tagatanggap ng mensahe. Karaniwan nitong halimbawa ay ang TV, print, at radio. Kahalagahan ng Komunikasyon Ang komunikasyon ay isang paraan upang tayo ay magkaunawaan. Isa ito sa pinakamahalagang...
Words: 2578 - Pages: 11
...BUHAY NI JOSE RIZAL PERYODISASYON 1861 – 1882 (Mga Taon ng Pagsibol) 1882 – 1887 (Pagyabong sa Ibayong Lupain) 1887 – 1888 (Pagsapit ng Unos) 1888 – 1892 (Pakikibaka at Radikalisasyon) 1892 – 1896 (Takipsilim ng Isang Buhay at Bukangliwayway ng Isang Bayani) 1861 – 1882 Mga Taon ng Pagsibol ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna mula sa pamilyang inquilino umuupa sa mga Dominico Francisco Mercado Rizal (1818 – 1898) Teodora Alonso Realonda (1826 – 1911) bininyagan noong Hunyo 22, 1861 ng kura parokong si Padre Rufino Collantes Padre Pedro Casañas – nagsilbing ninong Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ika-7 sa 11 magkakapatid Saturnina (1850-1913) Paciano (1851-1930) Narcisa (1852-1939) Olimpia (1855-1887) Lucia (1857-1919) Maria (1859-1945) Jose (1861-1896) Concepcion (1862-1865) Josefa (1865-1945) Trinidad (1868-1951) Soledad (1870-1929) Calamba pusod ng kasaganaang agrikultural tubo, palay, mais, prutas maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina bahay na bato sa tapat ng simbahan, may karwahe at pribadong aklatan maagang edukasyon ina – unang guro (alpabeto, dasal, tula) pribadong guro Maestro Celestino Maestro Lucas Padua Leon Monroy mga tiyo Gregorio - pagbabasa Manuel – palakasan Jose Alberto – sining Sa Aking mga Kabata Biñan – Maestro Justiniano Aquino Cruz mga kasawian sa batang gulang pagkamatay ng kapatid na si Concepcion sa edad na 3 dahil sa sakit pagkakakulong ng 2 ½ taon...
Words: 4465 - Pages: 18
...Kabanata 21 Mga Tipong Maynila Mga Tauhan: Camaroncocido Tio Kiko Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artist Tadeo Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani Don Custodio Tagpuan: teatro de Variendades Simula: Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil. Tunggalian: Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao.Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista. Ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari. Kasukdulan: Nang makaalis si Tiyo Kiko ay...
Words: 6416 - Pages: 26
...MGA UNANG BAYANI NG WIKANG PAMBANSA (Talumpati para sa kumperensiyang Ambagan, 5 Marso 2009, Pulungang Recto, Faculty Center, UP Diliman) ni Virgilio S. Almario (TSIKA: Ang ating kumperensiya ngayon ay isang patunay na maraming mahalagang gawain táyong nakakalimutan para sa Wikang Pambansa. Sinasabi sa Seksiyong 6, Artikulo XIV ng Konstitusyong 1987 na: “Ang pambansang wika ng Filipinas ay Filipino. Hábang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Filipinas at iba pang wika.” Ano ang ginagawa natin para paunlarin ang ating wika? Kung pagbabatayan ang Sawikaan ng FIT nitóng nakaraang limáng taon, puro Ingles at imbentong wika ng bakla ang pumapasok ngayon sa ating kamalayan. Idiniin ng Konstitusyon ang pagpapayaman sa pamamagitan ng “mga umiiral na wika sa Filipinas”—na palagay ko’y nangangahulugang ang mga katutubong wika ng ating bansa—ngunit mukhang ipinababahala natin sa Diyos ang tungkuling ito. Na hindi mangyayari. Kayâ’t napakahalaga ng Ambagan upang magising táyo sa malaking hamon sa atin ng Konstitusyon at siya namang dapat gawin upang higit na maging totoong “pambansa” ang ating wika. “Pambansa” sapagkat kumukuha ng lakas sa mga katutubong wika ng bansa.) ISANG MAHALAGANG GAWAIN para sa Wikang Pambansa ang pagbuo mismo ng kasaysayan nitó. Hanggang ngayon, wala táyong mapagkakatiwalaang kasaysayan hinggil sa naging saligan ng simula at mga mohon ng pag-unlad ng Filipino. Kayâ walang sanggunian ang mga guro’t estudyante kahit...
Words: 5910 - Pages: 24
...MAIKLING TALAMBUHAY NI JOSE PROTACIO RIZAL (Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo ng Lahing Malayo) ISINILANG SA: Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861) BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896) Mga Magulang: FRANCISO MERCADO at TEODORA ALONSO (“Z” sa ibang aklat) Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik); Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila) Nagbinyag: Padre Rufino Collantes Ninong: Padre Pedro Casañas Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao) Buong Pangalan: Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda Jose Protacio - first name Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo 19) Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang Español Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng trigo/green fields of barley) Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa/maiden name; middle name ni Jose Rizal Realonda: middle name ng kanyang...
Words: 3770 - Pages: 16
...Filkom- Kabanata 1 Aralin 1 “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan o binigyan ng makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng kaisipan.” – Henry Allan Gleason (ecologist, botanist at taxonomist) *See page 3 – Webster, Sturtevant….* Katangian ng Wika * Ang wika ay masistemang balangkas * Tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors a. Ponolohiya o tunog – makaagham na pag-aaral ng mga makahulugang tunog o ponema b. Morpolohiya o salita- pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng tunog o morpema c. Sintaksis o parirala/sugnay/pangungusap- pag-aaral ng sistema ng pagasama-sama o paguugnay-ugnay ng mga salita d. Semantika o kahulugan ng salita- kahulugan o relasyon ng mga salita Diskurso- palitan ng pangungusap * Ang wika ay sinasalitang tunog * Interaksyon ng mga aparato sa pagsalita gaya ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid (speech organs) * Unibersal na katotohanan sa wika na tunog- pinakapangunahing pangangailangan ng wika * Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog * Simbolong bokal at arbitrary * Dualismo- isang panagisag at isang kahulugan * Arbitraryo- walang tiyak na batayan * Ito ay arbitraryo sapagkat walang rasyunal na magagamit upang ipaliwanag ang koneksyon ng mga ito * Nakaugaliang gamitin * Ang wika ay komunikasyon * Kasangkapan ng komunikasyon ...
Words: 3394 - Pages: 14
...Proyekto sa Asignaturang Filipino Ipinasa ni: Pangngalan- ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isangpandiwa, o bagay sa isang pang-ukol. Pagkahati-hati ng pangngalan Maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian, kailanan, kaanyuan, kalikasan, at katungkulan. Ayon sa katangian Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi. ● Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kaisipang diwa, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Rusty Lopez, Manuel, Selekta, Safeguard, Palmolive,Alaska ● Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: bayani, aso, katamisan ,pagdiriwang, pusa Uri ng Pambalana: ● Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang padamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang amoy)at may...
Words: 2677 - Pages: 11