Free Essay

Kamay Na Bakal Sa Balikbayan Box

In:

Submitted By garces1596
Words 331
Pages 2
Naging pambansang usapin ang ahensya ng Bureau of Customs (BoC) kung saan maraming Pilipino ang tumuligsa dahil sa mahigpit na pagbubusisi sa mga balik-bayan boxes na ipinapadala ng mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFW).
Mahalaga sa mga migranteng manggagawa ang mga padala dahil ito ay bunga ng ilang buwan at taon na pagtitipid upang makapag-ipon. Ito’y bunga ng kanilang pagsisikap at pagpuporsige na magtrabaho sa ibang bansa. Dala ng mga kahong ito ang malaking pangarap at pagmamahal ng mga OFW sa kanilang mga pamilya. Naglabasan ang iba’t-ibang reklamo ng mga kaanak ng mga OFW sa Pilipinas hinggil sa kulang at nawawalang bagay na kabilang sa mga balik-bayan boxes. Ang iba naman ay nagpost sa mga social media sites upang ipagbigay alam ang sinapit ng kanilang natanggap na padala. Walang ibang sinisi kundi ang BoC na siyang nag-iinspeksyun sa mga padala galing ibang bansa.
Tungkulin ng taga-customs na tingnan ang mga padala na ipapasok sa Pilipinas dahil matatandaang talamak na ngayon ang problema sa droga ng bansa. Ayun kay Bureau of Customs¬ (BoC) Commissioner Bert Lina nasa batas ang pag-iinspeksiyon sa mga kahon ng OFWs. Dagdag pa niya na ginagamit daw ang balikbayan boxes para makapaglipat ng droga. Ngunit salungat sa sinabi ni Lina na nasa batas ang pag-iinspeksyon nila ay marami paring nakakalusot na mga smuggled goods sa bansa. Hindi ba isa itong patunay na ang batas na sinasabi ay hindi naging epektibo sa pagpapatupad nito? Humingi na ng paumanhin si Lina ukol sa isyu at napapabalitang may rebisyun na ang naturang batas.
Kaugnay sa mainit na isyung ito ang kailangan ay malinaw na batas at sistima upang magsilbing palatuntunan at batayan hindi lamang sa ahensya ng Bureau of Customs, Overseas Filipino Workers kundi sa lahat ng mga Pilipino hinggil sa usaping balikbayan box. Tiyak na masusubok kung hanggang saan ang kapangyarihan ng pamahalaan at kakayahan ng BoC sa pagpapatupad ng tamang batas tungu sa ikabubuti ng bansa at ng mga Pilipino.

Similar Documents

Free Essay

Filipino

...Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya...

Words: 47092 - Pages: 189