Stains
Reagents
Body fluids
Universal precaution
Streptococcus pyogenes
Staphylococcus
Malariae
Vivax
Ovale
Falciparum
Clostridium
Anne Fagelson
Hippocrates
Centrifuge
Ospital
Test tube
Test tube holer
Gloves
Lab gown
Giardia lamblia
ASCP
Goggles
Bacillus anthracis
Sterilize
RA 5527
RA 7170
RA 6969
Biomedical wastes
Analyzers
Fungi
Bacteria
Virus
Dr. Douglas
Sputum
Bioaccumulation
Hepatitis
Syphilis
Cellulitis
Tuberculosis
DENR
DOH
EMB
Ilimita ang napiling paksa.
Napiling paksa: Kalusugan
Ang Kalusugan
Estado ng kalusugan sa Asya
Estado ng kalusugan sa Pilipinas
Pangunahing sakit sa Pilipinas
Kanser
Kanser sa suso
Tukuyin ang tiyak na layunin sa pagsulat.
Mga layunin ng pagsulat tungkol sa kanser sa suso: 1. Ano ang mga kaalaman mo tungkol sa kanser na ito? Sapat na ba ang mga ito? 2. Saan ito nakukuha o nanggaling? 3. Paano ito maiiwasan at malulunasan?
Gumawa ng balangkas batay sa mga impormasyong nakalap.
Paksa: Kanser sa Suso I. Mga Karaniwang Impormasyon tungkol sa Kanser sa Suso A. Kaunting Statistiks tungkol sa Kanser sa Suso B. Ang Maikling Depinisyon ng Kanser sa Suso C. Mga Sintomas ng Kanser sa Suso D. Ang Maaaring Panggalingan ng Kanser sa Suso II. Ang Pinagmumulan ng Kanser sa Suso A. Ang Pagdedebelop ng Kanser sa Suso B. Mga Maaaring Pagmulan ng Kanser sa Suso C. Mga Paunang Sintomas ng Kanser sa Suso III. Mga Sintomas ng Pagkakaroon ng Kanser sa Suso A. Mga Maaaring Gawin B. Mga Karaniwang Karamdaman C. Mga Pisikal na Pagbabago IV. Mga Pagsusuring Ginagawa A. Mga Karaniwang Pagsusuri sa Laboratoryo B. Mga Radiographic na Pagsusuri C. Mga Pagsusuring Pinapagawa ng Doktor V. Mga Lunas sa Kanser sa Suso A. Ang Operasyon sa Suso B. Mga Gamot o iba pang mga Droga na maaaring maging Lunas C. Mga iba pang Paraan na Lunas VI. Kanser sa Suso sa mga Lalaki A. Mga Sintomas B. Mga Lunas C. Pinagkaiba sa Kanser sa Suso ng mga Babae
Kanser sa Suso: Isang Nakababahalang Sakit
Panimula
(Teknik na ginamit: Paglalahahd ng isang kakaiba o kapuna-punang pahayag)
20,000 inosenteng buhay ng mga tao ang nababawas sa populasyon ng mundo kada araw dahil sila ay namamatay sa sakit na kanser sa suso.
Noong nakaraang taong 2010, nakapagtala ang World Health Organization ng 8.2 milyon na bilang ng mga namatay sa sakit na kanser. Isa sa may pinakamaraming kaso dito ay ang kanser sa suso o breast cancer sa Ingles. Naitala na 521,000 ang namatay noong 2010 nang dahil sa kanser na ito. Tunay na nakababahala ang ganitong karaming bilang sapagkat maraming inosenteng buhay ang nawawala kada-araw. (lead-in) Ang kanser sa suso ay nagsisimula sa pagbubuo o pagkumpol-kumpol ng mga selyula o cells at ito ay nagreresulta sa bukol o tumor sa may bahagi ng suso. Maaaring malaman ng isang tao kung taglay niya ang kanser na ito sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang suso at kung nalaman niya na mayroong bukol ito, kailangang ipatingin agad ito sa doktor. Mararamdaman din niya na mayroong pagkirot malapit sa kanyang suso dahil isa ito sa mga sintomas. Ang kanser na ito ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng pagdaloy ng dugo na mayroong cancer cells at ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng komplikasyon sa ibang bahagi ng katawan. (taga-ugnay) Ang kanser sa suso ay isang sakit na nakababahala, hindi dapat ipagpawalang bahala, at nangangailangan ng agarang pansin dahil isa ito sa may pinakamaraming kasong naitala na nakakitil ng maraming buhay; hindi lamang sa suso ng isang tao pwedeng magkaroon ng komplikasyon dahil maaari itong kumalat sa ibang parte ng katawan; hindi lamang babae ang pwedeng magkaroon ng ganitong klaseng kanser dahil pwede rin itong makuha ng mga kalalakihan; at higit sa lahat may 10 porsyentong posibilidad na maaari itong mamana o makuha sa magulang na nagtataglay ng kanser na ito pero mayroon namang mga epektibong lunas at mga pagsusuri na maaaring gawin upang ito’y maagapan. (tesis isteytment)
Katawan
(Teknik na ginamit: Deskriptibo at Pagbibigay Depinisyon)
Nararapat lamang na ating malaman kung paano at saan nagsisimula ang kanser sa suso upang maiwasan natin ang pagkakaroon ng sakit na ito. Lima hanggang sampung porsiyento (5% - 10%) lamang ng kanser ang namamana o hereditary at nobenta porsiyento (90%) naman ang dahil sa abnormal na pagdami ng selyula. Bilyun bilyong selyula ang makikita sa suso at ang mga selyulang ito ay regular na namamatay at napapalitan ng bago. Ngunit kapag may abnormal na pagdami ng mga selyula, nagkakaroon ng kamalian sa DNA o genes na lalong nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng kanser ang tao. Halos lahat ng kanser sa suso ay nagmumula sa mga selyula malapit sa parte ng suso kung saan mayroong lobes at ducts at kadalasan, ang mga ito ay carcinoma. Ang carcinoma ay ang abnormal na pagdami ng mga selyula sa tisyu ng isang bahagi ng katawan. Nangyayari ito kapag ang DNA ng mga selyula ay napinsala at nagreresulta naman ito sa hindi mapigilang pagdami ng mga selyula sa suso na nagiging tumor o bukol. Iilan sa mga ito ay ang Ductal Carcinoma at ang Lobular Carcinoma na maaaring kumalat patungo sa mga lymph nodes, tissues ng suso at sa ibang bahagi ng katawan. Ang Lobular Carcinoma ay nagsisimula sa lobules samantala, ang Ductal Carcinoma naman, na kadalasang sanhi ng kanser sa suso, ay nagsisimula sa milk duct. Ang edad, pag-inom ng alak, long term use of hormone replacement therapy ay ilan lamang sa iba pang mga bagay na maaaring magpataas ng posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa suso.
Maaaring malaman ng isang tao kung siya ay may kanser sa suso batay sa mga sintomas na kanyang nararamdaman. Ang isang paunang sintomas na maaaring maramdaman ng isang tao ay ang pagkakaroon ng bukol sa kanyang suso o malapit sa kili kili. Ang higit sa 80% ng kaso sa kanser sa suso ay natutuklasan sa pamamagitan ng pagsalat ng tao sa kanyang suso. Ang bukol na lumilitaw dito ay karaniwang hindi nagdudulot ng pananakit. Maaari ring indikasyon ng kanser sa suso ang patuloy na pagkirot o pananakit sa bahaging suso. Bukod sa bukol at pananakit, maaari ding indikasyon ang pagbabago ng laki, hugis, kulay, at temperatura ng suso. Mapapansin sa isang taong may kanser sa suso ang pagkakaroon ng mapula at tila yari sa balat ng kahel na prutas ang kanyang suso. Ang paglubog, pangangati, at parang nasusunog na nararamdaman sa utong ay ilan din sa mga sintomas ng kanser sa suso. Ang utong ng isang taong may kanser sa suso ay naglalabas ng likidong malinaw o kakulay ng dugo at hindi ito napipigilan. Ang huling sintomas na maaaring maramdaman o makita ay ang pagkakaroon ng magkaibang hugis at laki ng dalawang suso. Lahat ng mga nabanggit na sintomas ay maaaring mapansin ng isang tao na posibleng nagkaroon ng kanser sa suso.
Ang kanser sa suso ay nakababahala kaya mayroong mga pagsusuri na ginagawa o diagnosis upang malaman kung ang tao ay positibo sa kanser na ito. Ang mga pagsusuri ay ipinapagawa ng doktor upang matiyak kung may kanser nga ba sa suso ang isang tao at upang malaman niya ang pinakamainam na gawin upang ito ay malunasan. Ang mga screening tests katulad ng mammogram ay isinasagawa kada taon sa mga taong malusog ang pangangatawan at walang kanser sa suso. Ang pangunahing dahilan nito ay upang malaman ng mas maaga kung ang tao ay positibo sa kanser bago pa magdebelop ang mga paunang sintomas at sa ganitong paraan mas madaling magagamot ang kanser. Ang mga diagnostic tests naman katulad ng biopsy ay isinasagawa sa mga taong mayroong kasner sa suso dahil nagdebelop na ang mga sintomas at nagpositibo sila sa screening test. Isinasagawa ito upang malaman kung gaano na kalala ang kanser at kung kumalat na ito sa iba pang bahagi ng katawan. Nakakatulong ito sa mga doktor upang malaman nila ang nararapat na lunas sa pasyente. Sa kalagitnaan ng paglunas sa kanser, isinasagawa ang mga monitoring tests upang masubaybayan ng doktor kung epektibo ang isinasagawang lunas. Ang mga pagsusuri o tests na ginagawa ay ang mga Biopsy, Blood Cell Counts, Blood Chemistries, Blood Marker Tests, Bone Scans, Breast MRI (Magnetic Resonance Imaging),Breast Physical Exam, Breast Self-Exam (BSE),CT Scans (Computerized Tomography),Chest X-Rays, Digital Tomosynthesis, Ductal Lavage, FISH Test (Fluorescence In Situ Hybridization), IHC Tests (ImmunoHistoChemistry), Inform HER2 Dual ISH Test, MammaPrint Test, Mammograms, Mammostrat Test, MarginProbe, Molecular Breast Imaging, Oncotype DX Test,PET Scans, Prosigna Breast Cancer Prognostic Gene Signature Assay, Thermography and Ultrasound. Malalaman din sa mga pagsusuring ginagawa ang antas o stage ng kanser. Ito ay ginagamitan ng mga bilang Romano mula 0 hanggang IV. Ang antas 0 ay nangangahulugang ang kanser ay nananatili sa suso at hindi pa ito kumakalat. Ang antas IV ay nangagahulugang laganap na ang kanser at kumalat na ito sa iba pang bahagi ng katawan. Ang lahat ng mga pagsusuri ay isinasagawa upang mabigyan ng ideya ang doktor kung ano ang pinakamainam na lunas. Hindi malalaman ng isang doktor kung ang tao ay positibo sa kanser sa suso kung hindi siya dadaan sa mga pagsusuri,
Ang taong mayroong kanser sa suso ay hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil mayroong mga lunas sa malubhang sakit na ito. Batay sa resulta ng mga pagsusuring ginawa at sa antas ng kanser, ang taong may kanser at ang doktor ay magpapasiya kung ano ang pinakamainam na lunas upang ito ay magamot. Isa sa mga lunas ay ang operasyon sa suso. Ang pangunahing layunin ng operasyon ay ang matanggal ang mga selyula ng kanser sa suso upang mapigilan ang mabilis na pagdami ng mga ito. Ang operasyon ay maaaring Breast-Conserving Surgery (BCS) o mastectomy. Sa BCS, ang mga tisyu lamang na may kanser ang tinatanggal samantalang sa mastectomy, ang buong suso ng tao ay tinatanggal dahil sa laganap na ang kanser dito. Ang isa pa sa mga maaaring lunas ay ang radiation therapy. Sa radiation therapy, gumagamit ng mga sinag na may mataas na enerhiya (high-energy beams) ang doktor upang mapatay ang mga selyula ng kanser. Madalas na ginagawa ang radiation therapy pagkatapos ng BCS upang masiguro na mapatay ang mga selyula ng kanser na natira sa suso. Ang mga pasyenteng dumaan sa proseso ng mastectomy ay nangangailangan ng radiation therapy kung ang bukol sa kanyang suso ay umabot sa 5 sentimetro. Ang isa pa sa mga lunas ay ang systemic therapy. Sa systemic therapy, ang gamot o droga para sa kanser ay tinuturok sa mga veins o ipinapainom sa pasyente. Ang gamot ay dumadaloy sa dugo upang masugpo ang mga selyula ng kanser sa iba pang bahagi ng katawan. Kabilang sa systemic therapy ang chemotherapy, hormone therapy at targeted therapy. Ang mga lunas na nabanggit ditto ay karaniwang ginagawa dahil ito ang mga pinakamabisa.
Hindi lamang ang mga babae ang maaaring magkaroon ng kanser sa suso dahil ang sakit na ito ay maaari ding magdebelop sa mga lalaki. Ang kanser sa suso sa mga lalaki ay bibihirang mangyari at mayroon lamang isang porsyentong pagkakataon na magdebelop ito sa mga lalaki. Mas tumataas ang panganib ng kanser sa suso sa mga lalaki kapag tumaas ang bilang ng estrogen sa katawan, sa radiation exposure, at kung may kasaysayan ang pamilya niya sa kanser sa suso. Maaari din itong magdebelop kapag nagkarooon ng pagbabago sa ayos sa mga genes ng lalaki. Ang Ductal Carcinoma ang karaniwang uri ng kanser sa suso na nagdedebelop sa isang lalaki. Ang karaniwang sintomas ay ang pagkakaroon ng bukol malapit sa utong ng suso ng lalaki. Ang mga antas ng kanser sa lalaki ay katulad din ng sa mga babae. Ang antas 0 ay nangangahulugang hindi pa ito kumakalat at ang antas IV naman ay nangangahulugang laganap na ito at kumalat na sa ibang bahagi ng katawan. Ang mga lunas na maaaring isagawa ay katulad din ng lunas sa kanser sa suso sa mga babae. Ang ilan sa mga ito ay ang operasyon, chemotherapy, radiation therapy, at hormonal therapy. Ang mga pagsusuri, sintomas, at lunas sa kanser sa suso sa mga lalaki ay katulad din ng sa mga babae at ipinapakita lamang na hindi ligtas ang sinuman sa sakit na ito.
Konklusyon
(Teknik na ginamit: Paglalahad ng buod)
Sa madaling salita, nararapat lamang na bigyan ng pansin ang kanser sa suso sapagkat maraming tao ang namamatay sa sakit na ito. Hindi ito dapat ipagpawalang bahala dahil nagdudulot ito ng maraming komplikasyon sa ating buhay at maaari itong kumalat sa iba pang bahagi ng ating katawan. Mas mainam ang laging pagpapatingin sa doktor upang masubaybayan ang estado ng iyong buhay at upang makita ng mas maaga ang mga senyales ng kanser. Pagkatapos ng iyong pagbabasa, ikaw ba ay nabigyan ng linaw sa sakit na ito? Kung oo, bumisita ka na sa iyong doktor upang mapanatili na malusog ang iyong pangangatawan.
http://www.wehi.edu.au/wehi-tv/origin-breast-cancer http://jjco.oxfordjournals.org/ http://www.gmanetwork.com/news/story/329126/cbb/phl-has-highest-breast-cancer-rate-in-asia http://patient.info/health/breast-cancer-hereditary-factors http://www.breastcancer.org/risk/factors/genetics http://www.who.int/mediacentre/factsheets/fs297/en/ Siegel, R. MPH, et. al. (2013). Breast Cancer Facts and Figures 2013-2014. Atlanta, Georgia: American Cancer Society
Chan, D. MD. (2006). Breast Cancer Real Questions, Real Answers. New York: Avalon Publishing Group, Inc.