Free Essay

Kaspil

In:

Submitted By majered
Words 492
Pages 2
01/22/12

MGA MAKASAYSAYANG LUGAR SA LUNGSOD NG TAGUIG (B)
Ano nga ba ang meron sa Lungsod ng Taguig na sa atin ay di pa natin natutuklasan bukod sa kaalaman na andito ang pinakakilalang barangay ang Fort Bonifacio na labis kinamamanghaan nating Pilipino pati na rin ng ilang mga turistang dumadayo dahil sa andito ang Market 2x, Serendra, Bonifacio High Street, Mckinley Hills at marami pang ibang atraksyon ang matatagpuan dito. Idagdag na rin ang nagsisilakihang gusali, magagarbong bahay at ilang mga istatwa na matatagpuan dito, syempre hindi rin mawawala ang Libingan ng mga Bayani na kung saan halos 33,250 sundalong namatay sa pagdepensa sa Bataan ang nakalibing dito. Iilan pa lamang ito sa mga pook na matatagpuan sa Taguig na naging malaki ang parte sa pag-usbong ng lungsod ngunit ito nga lang ba ang dapat ipagmalaki ng mga Taguigeño? Halina’t alamin pa ang ibang pook na nagsisilbing tanda sa kung ano ang Taguig sa nakaraan.
Ang Lungsod ng Taguig sa ngayon ay binubuo ng 28 na barangay na nagngangalan Fort Bonifacio, Pinagsama, Western Bicutan, North Signal, Central Signal, South Signal, Upper Bicutan, Maharlika, New Lower Bicutan, Central Bicutan, Lower Bicutan, North Daanghari, Bagumbayan, Proper Tanyag, South Daanghari, Ususan, Tuktukan, Bambang, Katuparan, San Miguel, Hagonoy, Ligid-Tipas, Ibayo-Tipas, Napindan, Palingon-Tipas, Calzada-Tipa, Sta. Ana at Wawa. Sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa 28 na barangay, natuklasan ko na may ilang makasaysayang pook na halos ilang taon na ang nakakalipas ay nakatayo pa rin sa eksaktong lokasyon nito noong nakaraan at siguro may ilan pagbabago na ang nagawa rito upang mapanatili ito. Hindi ko rin inaasahan na may natatangi pang ala-ala ang nakaraan kaya magsisilbing isang adbentura ito sa akin na alamin kung ano ang kwento sa likod ng mga ito. Kaya naman para sa proyektong ito ay naisipan ko na talakayin ang ilan sa mga makakasaysayang lugar na napapaloob sa Taguig na magsisilbing gabay sa nakaraan at magbibigay sa atin ng bagong kaalaman.
Ang mga makasaysayang lugar na aking tatalakayin ay ang Simboryo, Parola, Dambanang Kawayan at maaring idagdag ko na rin ang Libingan ng mga Bayani. Ako’y magsisimula sa paglahad ng maikling kwento tungkol sa pinanggalingan ng Taguig na mula sa internet at magsasagawa ng isang maliit na lakbay-aral patungo sa mga lugar na aking naibanggit upang makapagtanong-tanong at makakuha ng impormasyon sa mga nangangalaga nito o mga tao roon kung ano ang nalalaman nila sa mga lugar na iyon. Susuriin ko rin kung ang mga lugar ay napanatili pa rin sa dating kaanyuan o sadyang marami na ang napalitan. ----- Iprepresenta ko ang proyekto sa pamamagitan ng paggawa ng isang scrapbook o kaya’y ng isang powerpoint. Datapwat alam naman natin na hindi pa rin maiiwasan ang pagkuha ng ilang impormasyon sa internet kaya naman ang magsisilbing ebidensya sa aking paggawa ng aking proyekto ay ang mga “sound records” ng aking mga i-iinterbyu.
~ Kaya’t tara na makisaya sa lungsod ng Taguig.

Similar Documents

Premium Essay

Business

...Kaspil Essays Kenneth Papa Lew Earvin Manarin Zean Razon 1. Ano ang kalagayan o kondisyon ng Pilipinas bago manakop ang espanyol sa Pilipinas? The Indolence of Filipinos: “Before the arrival of the Europeans, the Malayan Filipinos carried on an active trade, not only among themselves but also with all the neighboring countries. A Chinese manuscript of the 13th century, translated by Dr. Hirth (Globus, Sept. 1889), which we will take up at another time, speaks of China's relations with the islands, relations purely commercial, in which mention is made of the activity and honesty of the traders of Luzon, who took the Chinese products and distributed them throughout all the islands, traveling for nine months, and then returned to pay religiously even for the merchandise that the Chinamen did not remember to have given them. The products which they in exchange exported from the islands were crude wax, cotton, pearls, tortoise-shell, betel-nuts, dry-goods, etc.” "They conducted him to their boats where they had their merchandise, which consisted of cloves, cinnamon, pepper, nutmegs, mace, gold and other things; and they made us understand by gestures that such articles were to be found in the islands to which we were going." “That the islands maintained relations with neighboring countries and even with distant ones is proven by the ships from Siam, laden with gold and slaves, that Magellan found in Cebu.” “Accordingly, the Filipinos, in spite of the climate...

Words: 3552 - Pages: 15