Free Essay

Katotohanan at Opinyon

In:

Submitted By AngelaCaue
Words 953
Pages 4
PAGKILATIS SA KATOTOHANAN AT OPINYON
Ano ang katotohanan at opinyon? Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.

Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.

Sa medaling salita, ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan ng mga ebidensya samantalang ang opinyon ay mga pahayag na batay sa sariling paniniwala lamang.

Tandaang, bagamat ito’y isang paniniwala o punto ng sumulat lamang, mainam na ang paghabi ng opinyon ay nakasalig sa kanyang karanasan at o mga nabasang prinsipyo o kaisipan.

Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:

Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa…
Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin
Positibong Opinyon – totoo, tunay, talaga, ganoon nga, mangyari pa, sadya
Negatibong Opinyon – ngunit, subalit, habang at samantala

Halimbawang Teksto

Ang Paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap, pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ng usok. Pangunahing ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit ng droga bilang isang libangan dahil sa may nicotine na nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng mga baga. Maaaring ginagamit ito bilang bahagi ng rituwal, upang hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na kaliwangan. Ang sigarilyo ang pinakakaraniwang kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon, at pangunahing ginagawa ng mga pagawaan ngunit maaaring din gawin mula sa hiwa-hiwalay na tabakong nirolyo sa papel sa pamamagitan ng kamay.

Pinagkukunan: http://tl.wikipedia.org/wiki/Paninigarilyo

Mauubos ang tao dahil sa Paninigarilyo

Limang milyong tao ang namamatay taon-taon dahil sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Sa loob lamang ng limang taon, 30 – milyon ang namamatay. At kung hindi maihihinto ng smokers ang masamang bisyo, maaaring mauubos ang mga tao sa mundo. Nakakakilabot na ang pagkaubos ng sangkatauhan ay dahil lamang sa bisyo. Karaniwang ang mga sakit na emphysema, sakit sa puso at bronchitis nakukuha sa paninigarilyo. Ang ganitong problema ay hindi naman dapat ipagwalang-bahala kaya kailangang paigtingin ng pamahalaan ang kampanya laban sa paninigarilyo. Magkaroon ng mga makabuluhang information campaign laban sa masamang dulot ng paninigarilyo.

Ayon sa report, 10 porsiyento ang nagagastos ng pamahalaan dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Ibig sabihin, nasasayang ang pera sapagkat napupunta lamang para sa pagpapaospital ng mga sugapa sa sigarilyo. Malaking halaga n asana ito kung maiipon at magagamit para sa iba pang serbisyo sa mamamayan. Ang ganda kung wala nang gagastusin para sa pagpapagamot ng sakit na nakuha sa paninigarilyo.

Ngayong Hunyo ang “No Smoking Month” at maganda sana kung ngayon na rin uumpisahan ang pagsasagawa ng mga hakbang para matulungan ang mga sugapa na bumitaw na sa masamang bisyo. Ngayon na rin magpanukala ang mga mambabatas ng mga gawaing pagbabago sa mga pakete ng sigarilyo para ganap namang maipabatid sa smokers ang masamang dulot ng paninigarilyo.

Sa ibang bansa, halimbawa sa Thailand , ipinasusunod na ang paglalagay ng mga retrato ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Halimbawa ay ang sakit na tinubuan ng bukol sa lalamunan, sugat sa dila, butas sa pisngi at iba pang nakaririmarim na sakit. Kapag ang mga retratong ito ay nakita ng smokers, baka hindi na sila maninigarilyo at tuluyan nang iwan ang nakamamatay na bisyo.

Isa pa rin sa magandang paraan para maitigil na ang paninigarilyo at makaiwas sa mga sakit ay ang pagtataas ng buwis sa produktong ito. Kung tataasan ng buwis, magmamahal ang sigarilyo at hindi na maaabot ang presyo.

Isa ring paraan na posibleng gawin para maitigil ang paninigarilyo lalo ang mga kabataan ay ang paghihigpit sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga ito. Agad na dakpin ang may-ari ng establisimento, tindahan at pati vendors na magbebenta ng yosi sa kabataan.

Pinagkukunan: Editoryal, Pilipino Star Ngayon, Hunyo 23, 2009 http://www/philstar.com/Article.aspx?articleid=480120

http://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pagkilala-sa-pagkakaiba-ng.html

PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO
Home / Filipino 2 / Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin at Pananaw ng Teksto
Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin at Pananaw ng Teksto
Filipino 2
Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang mga damdamin, tono, layunin at pananaw ng manunulat sa pagsulat ng teksto o akda. Sinasadya man o hindi, mababakas ang saloobin at karanasan ng may-akda sa kanyang isinulat. Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan ng mga salitang ginamit niya sa teksto.

Damdamin (emotion) – tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling, pagnanais, pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis, pagkayamot, at iba pang emosyon o damdamin.
Tono (tone) – tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. May mga may-akda na nagagawang magaan ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Ang tono ay maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso at satiriko.
Layunin (objective) – tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring: * Manghikayat * mang-impluwensiya * mangaral * magtanggol * mang-aliw * manlibang * magbigay ng impormasyon * magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo * magturo ng kabutihang asal, at iba pa.
Ang isang teksto ay maaaring may dalawa o higit pang layunin depende sa hangarin ng manunulat.
http://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pagtiyak-sa-damdamin-tono.html

Similar Documents

Free Essay

Bilanggo Ng Pag-Big Critical Analysis

...Carla Jane G. Lim 2014-62401 Fil 40 WFV4 11:30am-1:00pm Reaction Paper Bilanggo ng Pag-ibig: Pagsasadula ng Sugat ng Bayan Ang mga pangyayari sa buhay ng tao ay bunga ng mga desisyon na ginawa niya sa nakaraan. Karamihan sa mga ito ay bunga ng pansariling interes lamang. Kakaiba ang dulang Bilanggo ng Pag-ibig na ipinalabas ng organisyasyong Dulaang Unibersidad ng Pilipinas noong Pebrero. Ito ay dahil ang dulang ito ay hindi basta-basta nagpapakita at tumatalakay sa normal o nakagawiang buhay ng tao, bagkus isinasalaysay nito ang isang hindi pangkaraniwang realidad tungkol sa mundong kinabibilangan natin. Ang buhay ng tao ay hindi basta-basta lang. Bawat buhay ay may kwentong karapatdapat marinig ng iba. Ito ang itinuro ng dulang Bilanggo ng Pag-ibig sa akin. Ang dula ay may sariling talinhagang nakapaloob sa kwento nito. Ito ang nagbigay ng buhay sa kwento at ang nakapukaw ng atnesyon ko. Nais kong bigyang diin ang mga paniniwala at teorya ni Jean Genet sa mga digmaan lalo na sa Digmaang Palestino. Maraming digmaan ang nagsimula sa pagsakop ng isang estado sa iba pang estado upang palakihin ang kanilang nasasakupan. Ano nga ba ang dahilan ng pananakop na ito? Upang mapalawak ang lupain ng isang bansa? Upang magkaroon ng mas maraming pagkukuhanan ng yaman ang bansa? Upang magkaroon ng ‘bragging rights’ ang isang estado? Karamihan sa pananakop na nagaganap ay para lamang sa pansariling kagustuhan ng mga lider ng isang bansa. Marahil ay tunay na mas uunlad ang...

Words: 1283 - Pages: 6

Free Essay

Pag- Uulat

...Filipino 03 Raine Stephanie A. Balbino 2-AOM Nobyembre 05, 2015 EKSPOSITORI * Pagpapahayag o pagbibigay ng mga kaalaman o mga kabatiran at kuro-kuro. Sa pamamgitan ng paglalahad, naibabahagi ng tao ang kaniyang ideya, damdamamin, hangarin, paniniwala at kuro-kuro sa mga pangyayari, bagay, lugar o kapwa-tao Katangian ng Mahusay ng Paglalahad: * Kalinawan – nauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag * Katiyakan – nakatuon lamang sa paksang tinatalakay * Kaugnayan – may kaugnayan lahat ng bahagi ng talata o pangungusap. * Diin – may wastong paliwanag sa pagtatalakay. Binibigyang diin ang bawat bahagi nang ayon sa kahalagahan Bahagi ng Paglalahad: * Panimula – kailangang may magandang panimula, na makatatawag- pansin sa mambabasa Paraan upang makabuo ng maayos na panimula a. Magsimula sa pamamagitan ng tanong Hal: Gaano kahalaga ang pag-ibig? b. Magsimula sa pangungusap ng makakatawag-pansin Hal: Pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig! c. Magsimula sa pamamagitan ng isang kuwento Hal: Hindi matatawaran ang naging pag-ibig nina Florante at Laura. d. Magsimula sa isang diyalogo Hal: “Alam mo, gusto kong makita ang crush ko.” e. Maaaring gumamit ng tuwirang sipi Hal: “O pagsintang labis ng kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw, pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.” f. Gumamit nang malalim na pangungusap na taglay ang kaisipan at daan sa pagbukas ng paliwanag Hal: Pag-big...

Words: 1152 - Pages: 5

Free Essay

Research

...KAHULUGAN AT KASANAYAN SA PAGSULAT * Ang pagsulat ay isang komunikatibong kasanayan at interaktibong kagalingang nalilinang sa isang tao, mula noon hanggang sa kasalukuyan. * Ito ay ang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan sa iba’t ibang kadahilanan. * Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinyon. * Ang pagsulat ay kabilang din sa limang (5) makrong kasanayang pangwika na binibigyan ng malaking tuon dahil higit na kailangan ito upang masukat ang kagalingan at kahandaan mo sa isang disiplina. * Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na sulatin isang kasanayan. * Sa akademya, ang pagsusulat ay isa sa pangunahing kailangan at batayan upang malaman at masukat ng isang guro ang iyong kakayahan at kahandaan sa disiplinang iyong nais makamit. * Ang pagsulat ay isang pahahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maaaring maglalaho sa isipan ng mga bumabasa at babasa sapagka’t itoy maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon, maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinabahagi ay mananatiling kaalaman. * (Emery et al.,2004) Ang pagsulat ay isang epektibong larangan upang maipakita ang karunungan ng...

Words: 527 - Pages: 3

Free Essay

Blah Blah Blah

...ng mga film makers – ginawan nila ng paraan maobserbahan ang mga isyung lumalaganap sa ating lipunan. Minamanipula nitong mga film maker ang mga isyu na ito sa paglikha ng mga temang karapatdapat sa kanilang script ng pelikula. Isang halimbawa ay ang pelikulang Ang Babae Sa Septik Tank - isang pelikula na tungkol sa tatlong naghahangad na film makers na gustong gumawa ng higit na magaling at perpektong pelikula tungkol sa mga problemang hinaharap ng lipunang Pilipinas. Akalain mo na ang motibo ng mga film makers na lumikha ng peikula ay para mabuklat ang mga mata ng mga manonood ngunit sa kasamaang-palad ay ginamit lang nila ang pagsisimpatiya para kumita ng pera at manalo ng mga karangal dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Sa aking opinyon, ang nangungunang tema ng pelikula ay kung papaano nagiging bahagi ng ating kultura ang kahirapan. Ibinahagi ito nung tatlong film maker sa iba’t ibang paraan na kung papaano nila nilikha ang pelikula. Iba iba ang kanilang pinasok na ideya tungo sa paglikha ng pelikula ngunit ang karaniwan sa lahat ay ang ideya ng isyu ng kahirapan pati na rin sa child trafficking. Sa isang eksena ipinapakita kung paano naging laganap ang mga skwaters area sa ating lipunan, mahirap at malupit ang kundisyon at uri ng pamumuhay nila. Makikita rin kung ano ang ginagawa ng mga mahirap upang makahanap buhay para sa kanilang pamilya. Sa script ng mga film makers sa pelikula, may naghihirap na nanay ay...

Words: 558 - Pages: 3

Free Essay

Pangangatwiran

...* “Sa patuloy na pakikihamok ng tao sa buhay, taglay nito ang husay sa pangangatwiran. Anumang desisyon na kanyang ginagawa ay may karampatang dahilan (mabuti man o pansariling kapakanan lamang). Nagagawa nating tama ang mali at napaninindigan na tama ang para sa atin ay tama basta maitatak lamang sa isipan ng tao na tayo ang may tamang katwiran.” * Sa usaping pampamilya, hindi dapat na machismo lamang ang mangingibabaw at hindi rin dapat na abusuhin ng babae ang kanyang pagiging babae para lamang masunod ang anumang layaw. Kailangan ang matinding pag-uusap at masinsinang pagtitimbang ng mga katwiran at mapag-aralan ang lahat ng mga punto para sa isang maligayang samahan. PAGKAKAIBA NG PANGANGATWIRAN SA DEBATE * Malaki ang pagkakaiba ng pangangatwiran sa debate sapagkat bahagi ng pangangatwiran ang debate samantalang ang debate ay hindi bahagi ng pangangatwiran. Pangangatwiran | Debate | * Masining na pagpapaliwanag sa saloobin at paniniwala ng isang indibidwal hinggil sa isyu o paksa. | * Sining na nangungumbinsi sa ibang kasangkot sa komunikasyon na ang panig ng tagapagdala ng mensahe ay tama at nararapat na sang-ayunan. | * Maituturing na linyar na proseso ng komunikasyon ang pangangatwiran sa maraming pagkakataon sapagkat hindi naman ito nangangailangan ng tugon ng tumatanggap ng mensahe at ang mahalaga lamang ay naipaliwanag ng isang indibidwal ang kanyang panig. | * Madalas na paikot na proseso ng komunikasyon ang kasangkot sa debate o pakikipagtalo...

Words: 1773 - Pages: 8

Free Essay

Teoryang Pampanitikan

...Teoryang pampanitikan Romantisismo Naniniwala ang mga romantisist na ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig. Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mga salitang ginagamit sa akda. Sa pamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdaming napulutan sa kabuuan ng akda. Ito'y namayagpag sa panahon ng Amerikano (mula 1990 - 1940). Humanismo Binibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda. Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan. Ito'y namayagpag sa makabagong panahon. Eksistensyalismo Binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito. Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at kung paano niya ito harapin. Ito'y namayagpag sa panahon ng Kastila at hanggang sa kasalukuyan. Naturalismo Ang pagsusuri ng akda batay sa damdamin ng namayani sa tauhan, nagbigay-puri at naglalahad ng kagalingan ng tauhan ay teoryang naturalismo...

Words: 1720 - Pages: 7

Free Essay

Akdang Isinapelikula

...KABANATA I ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO Panimula Ang mga Pilipino ay sadyang may likas na talento sa pagsulat. Mayroong manunulat na nakalilikha ng iba’t ibang akdang nagpapahayag ng katotohanan at nararamdaman. Ang mga ito ang nagbibigay interes sa mambabasa. Nagkakaroon sila ng ideya upang makabuo ng mas maganda at malikhaing akda. Maraming akda ang naipasa ng mga manunulat noong unang panahon at hanggang ngayon ay patuloy na tinatangkilik at binabasa. Ang pagbabasa ay gawaing di na maihihiwalay sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa modernong panahon, marami nang aklat ang nailathala. Maraming manunulat ang nakalikha ng iba’t ibang akdang kasulatan na nagpamalas ng kanilang malikhaing isip. Ang mga akdang ito ay naging sentro ng interes ng mga mambabasa. Ilan sa mga ito ay ang mga balita o programa sa telebisyon na ipinalalabas na nagbubukas ng mga panibagong imahinasyon, ideya at perspektibo. Kaya naman, naging tanyag ang iba’t ibang akdang nasusulat na may iba’t ibang tema o paksa at nagdudulot ng iba’t ibang damdamin. Sa mga mag-aaral, ang pagbabasa ng mga akda ay kabilang na sa kanilang aralin. Ang pag-aaral ukol sa mga akdang ito ay isinusulong din upang malinang ang kaisipan at lohikal na pag-iisip. Naging kasanayan na din ito ng mga mag-aaral dahil na rin sa mga tema nito na naaangkop sa kanilang edad at karanasan. Sa pag-usbong ng teknolohiya, nagkaroon ng pag-unlad sa makatotohanang pagpapakita ng nilalaman ng mga librong ito. Ang mga tao ay nagkaroon ng kaisipan...

Words: 1286 - Pages: 6

Free Essay

Research Paper

...tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama. Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiyago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay Ibarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan. Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang lalaki na gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan ng may sakit. Sa...

Words: 1520 - Pages: 7

Free Essay

Ssssss

...ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA Ang tunguhin o outcome ng pag-aaral sa batayang edukasyon (basic education) ay ang kapaki-pakinabang na kakayahan para sa lahat (functional literacy). Taglay ito ng bawat mag-aaral kung mayroon silang mga kompetensing pangkognitibo, apektibo at asal na magbibigay sa kanila ng kakayahan upang: • mamuhay at magtrabaho • linangin ang kanilang mga potensiyal • gumawa ng mga pasyang mapanuri at batay sa impormasyon, at • kumilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan upang mapabuti ang uri ng kanilang pamumuhay at ng kanilang lipunan (Literacy Coordinating Council, Setyembre 1997). . Ang depenisyong ito at ang limang palatandaan (strand indicators) nito ay batay sa Apat na Pillar ng Edukasyon at ang konsepto ng UNESCO tungkol sa Life Skills na binuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo. Ang limang strand indicators ay: kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at paglutas ng suliranin, mapanagutang paggamit ng mga likas na yaman para sa susunod na salinlahi at pagiging produktibo, paglinang ng sarili at ng kakayahan sa pakikipagkapwa at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw. Sa Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP), ang palatandaan o core competency ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EP na linangin at paunlarin ang pagkataong moral ng mga kabataan. Upang maipamalas ito...

Words: 8647 - Pages: 35

Free Essay

Talumpati

...I. Kahulugan ng Talumpati Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. II. Mga Bahagi ng Talumpati Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati: 1. Pambungad - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla. 2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati. 3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati. III. A. Mga Uri ng Talumpati Talumpati na Nagpapaliwanag * pagbibigay kaalaman ang hangganan ng talumpating ito. Nag-uulat, naglalarawan, tumatalakay para maintindihan ng tagapakinig ang paksa. Gumagamit ng biswal na kagamitan, ng paghahambing upang higit na maunawaan.may katibayan na katotohanan na pagpapaliwanag nang mabuti sa paksa. * limitado ang mahahalagang puntos na dapat talakayin, sapat lang na matandaan ng kaisipan ng mga tagapakinig...

Words: 2414 - Pages: 10

Free Essay

Paper

...Pananaw ng mga Heteroseksuwal na mag-aaral sa STI College Makati ukol sa legalisasyon ng Same sex marriage sa Pilipinas MIYEMBRO: Cyryn Rios Maria Delmar G. Llorca Kurt Vincent Z. Macasiab Jan Marini D. Lanuza Vanessa De Real Karl David Juico TAGAPAYO: Jerold Noble Dramayo I. Panimula Ang pag-iisang dibdib ng magkaparehong kasarian ay isa sa malaking at sensitibong usapin ngayon sa bansa, lalo na sa mga bansang talamak ang kristiyanismo. Bawat tao ay may kanya-kanyang opinyon ukol sa legalisyasyon ng pagiisang dibdib ng magkaparehong kasarian sa kani-kanilang bansa. Isa na nga sa naging mainit na usapin ay ang pagsasalegal ng “Same sex marriage” sa bansang Amerika. Marami ang natuwa, marami rin ang nagtaas ng kilay sa ginawang pagsasalegal ng “Same sex marriage”. Ang isa sa dahilan kung bakit malaking usapin ang pagiisang dibdib ng magkaparehong kasarian ay dahil ito ay imoral at nakakaiskandalo. Para sa mga relihiyoso ang pagiisang dibdib ng magkaparehong kasarian ay kontra sa utos ng Diyos. Ayon sa bibliya ang maari lamang ikasal ay si Eba(babae) at Adan(lalaki). Ang homoseksuwalidad ay hindi isang sakit ito ay nararamdaman lamang ng isang tao. Kapag sinabing homoseksuwal ang agad-agad na pumapasok sa isip ng mga tao ay ang bakla at tomboy. Ang pagiging homoseksuwal ay pagkakaroon ng interes sa pagkagusto ng isang babae o lalake sa kapareho nitong kasarian. Bawat tao ay may karapatan pumili kung ano ang nais nila. Ang mahalaga ay alam ng bawat isa kung saan sila lulugar...

Words: 3443 - Pages: 14

Free Essay

Students Difficulties in Expressing Their Ideas in English

...FILIPINO (PANANALIKSIK) Pananaliksik – bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa. – maaaring pang-isahan o kaya’y panggrupo – sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao Aquino – ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impor- masyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan Manuel at Medel – ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan Parel – ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik Treece at Treece – ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin; tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon Atienza atbp. – (UP) bumuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK • Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso. • Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema...

Words: 1554 - Pages: 7

Free Essay

Fraternity

...ARTICLES Dapat suriing mabuti ang lahat ng mga fraternity, sorority at lahat ng mga kapatiran sa paaralan. Ito ang apela ni Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod ng pagkasawi ng freshman law student ng San Beda College na si Marvin Reglos dahil sa hazing o initiation rites sa Antipolo City noong Linggo. Ayon kay Iniguez, dapat matugunan ng mga pinuno ng paraalan ang hazing o pagpapahirap sa mga estudyante ng mga fraternity at sorority. Mahalagang ma-monitor ng mga paaralan ang mga gawain o aktibidad ng mga fraternity upang hindi mapahamak ang mga estudyante. Hinimok rin ng obispo ang kabataan na maging mapanuri sa mga inaanibang samahan. ------------------------------------------------- “Sagrado po ang katawan ng tao. Handog ng Diyos sa atin yan. Kaya pag may sakitan o hazing ang organisasyon na ganyan , huwag na nilang salihan!“ payo ni Iniguez sa panayam ng Radyo Veritas. – Mary Ann Santiago ------------------------------------------------- TOTOO ba na ang sumpaan ng kapatiran ay hanggang kamatayan? Ganyan ba ang nagaganap ngayon sa ilang fraternity sa bansa?Dapat nga bang ipagpapatuloy ang ang sumpaang ito kahit na may buhay na nakataya? Kamakailan lang,sa mga balita aking nasagap at nakita sa telebisyon napatay ni RJ Moreno ng grupong AKHRO si Kyle Lomibao ng Tau Gamma sa mismong harapan ng bahay nito. Ang itinuturong dahilan? Alitan sa pagitan...

Words: 2962 - Pages: 12

Free Essay

The Not so Final

...Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (University of the City of Manila) Intramuros, Maynila COLLEGE OF ACCOUNTANY AND FINANCE SI RIZAL BILANG KRITIKO NANG PAMAHALAANG KASTILA AT SALAMIN NG OPOSISYON NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON Bilang bahagi ng pangangailangan sa ANG BUHAY AT MGA SINULAT NI DR. JOSE RIZAL Bachelor of Science in Business Administration Major in Finance & Treasury Management Ipinasa ni: Bernardo, Maria Paula Dañas, Janine Alyssa Fernando, Luisa Faye Formoso, Fate Celynne Pili, Sarah Mae Salonga Jovie Lyn Ipinasa kay: Propesor Santiago Pebrero 15, 2016 I.INTRODUKSYON Naging biktima ang Pilipinas sa malupit at mapang-abusong pamamalakad at pananakop ng mga kastila. Marami sa ating mga kababayan o ninuno ang nakaranas ng paghihirap at pagmamalupit sa ilalim ng kanilang pamumuno. Naging magulo ang pulitika ng mga kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (1808-1833). Apektado ang ating bansa dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago-bago ang mga kailangang sundan na patakaran. Hindi makatarungan, malupit, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa Pilipinas. Na lanmang ni heneral Rafael de Izquierdo, na gumalit sa mga pilipino noong ipapatay niya kahit inosente ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Nawalang ng karapatan ang mga pilipino at ang batas daw ay para sa mga puting espanyol lamang. Ilan lamang iyan...

Words: 3782 - Pages: 16

Free Essay

Study Habits

...ARALIN I BATAYANG KAALAMAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN Panitikan * Isang mabisang ekspreyon ng isang lipunan. * Isa ito sa mga pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipuna Apperception Theory- ang mga ideyang lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisp ay hindi galing sa pandama o pakiramdam kundi mula sa pagmumuni-muni o paglilimi ng isang tao sa kanyang isipan. Dalawang antas ng “Apperception Theory”: 1. Percept- ipinapakita ang mga huwaran na nasa anyo ng akdang pasulat. 2. Concept-pinagyayaman ang kahulugan at ang nilalaman ng wikang ginagamit. KATUTURAN NG PANITIKAN: *Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster-ang panitkan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa iasng tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t-ibang paksa; o anumang bungang-isip na naisatitik. *Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura-ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin tungkol sa ibat’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay,sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Limikha. *Ayon naman kina Paz Nicasio at Federico Sebastian- ang panitikan ay kabuuan ng mga karansan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin,kaisipan at pangnarap ng isang lahi na ipinahahyag sa mga piling salita; sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. Mga layunin sa Pag-aaral ng Panitikan 1. Maipakilala sa mga mag-aaral...

Words: 2232 - Pages: 9