Free Essay

Kitilin Ang Diskriminasyon

In:

Submitted By wendycabutotan
Words 461
Pages 2
Wendy N. Cabutotan III-Rutherford

Kitilin ang Diskriminasyon

Magandang araw po sa inyong lahat, mayroon akong karanasang nais ibahagi sa inyo, isang araw, habang ako’y nagmumunimuni sa labas ng aming bahay ay may nakita akong grupo ng mga bata sa tabi ng daan, unti-unti akong lumapit at napag-alaman kong pinagtutulungan nilang kutyain ang isang maliit na bata at nang malinaw ko nang maunawaan ang kanilang winiwika ay napagtanto kong ang kaliitan ang dahilan kung bakit ayaw nilang maging kaibigan o kahit makalaro man lang ang kaawaawang paslit at sa halip ay minamaliit pa nila ito. Dahil sa mali ang ginagawa nila, nilapitan ko sila’t pinangaralan. Matapos ang pangyayaring iyon ay may tanong na gumulo sa aking isipan, ano ba ang pinagmulan ng diskriminasyon na kasalukuyang dinaranas ng karamihan sa ating mga Pilipino at maging ng mga mamamayan sa buong mundo? May pag-asa pa bang mabura ito sa bokabularyo, gawi at isip ng tao?

Aminin man o hindi ng ilan sa atin ang ganitong gawain, di maipagkakailang laganap na ito sa bawat grupo ng tao. Kung tayo’y magmamasid, sa ating mga silid-aralan pa lamang ay marami nang halimbawa ng diskriminasyon. Ang mga kadalasang batayan ng mga ibang tao sa pagtuturing na dapat ilaan ay ang kulay ng balat, taas, hitsura ng mukha, talino, katayuan sa buhay, kasarian at marami pang iba. Maging sa kasaysayan ng daigdig ay laganap ito, mula Mesopotamia hanggang Europa, lubos na minamaliit ang kakayahan ng kababaihan at mahihirap. Binibigyan ng higit na pansin ang mga sanggol na lalaking anak ng nakatataas o pinuno ng bawat lahi at sila rin ang higit na may karapatang mamuno o magmana ng kayamanan at kapangyarihan. Maging sa kalayaan, madalas na nagiging alipin ang mga kababaihan at ang mga anak ng mga mabababang uri ng tao sa lipunan. Karamihan sa mga biktima nito ay tinatakasan ng sariling bait dahil sa labis na sama ng loob na kinikimkim nito. Mayroon namang iba na napipilitang pumatay ng tao. Isang halimbawa nito ay ang naganap na “Columbine Tragedy” sa “Colorado High School” noong ika-20 ng Abril, taong 1999, dalawang armadong mag-aaral ang pumatay ng labindalawa nilang kamag-aral at isang guro, dalawampu”t tatlo ang iniwang sugatan, nagtanim ng tatlumpung bomba sa loob ng kanilang paaralan bago magpakamatay sa silid-aklatan ng kanilang paaralan. Sila’y laging minamaliit ng kanilang mga kamag-aral kaya’t nagawa nila ang karumaldumal na krimen.

Hinihiling ko na sana’y matigil na ang diskriminasyon upang maiwasan ang ganoong mga pangayayari. Lahat ng nabubuhay ay may damdamin kaya’t nararapat lamang nating ingatan ang bawat salitang ating binibitawan sa ating mga kapwa nang sa gayon ay mamuhay tayong masaya at walang kinikimkim na sama ng loob kundi pagmamahal para sa lahat.

Similar Documents