Free Essay

Kuya

In:

Submitted By koockai
Words 3049
Pages 13
Dear kuya, Alam mo kung tutuusin dapat sa October pa ko gagawa ng ganito. Sa anibersayo pa sana ng pagtungo mo diyan kasama si Lord at si San Pedro, para dramatic. HAHA Kaya lang, nami-miss talaga kita ng bonggang-bongga last week. Kaya nga ko humiling ng power hug galing sa’yo ee. Feeling ko nga kaya naisipin ng ate nating chaka na gumawa ng liham para sa’yo ay dahil nabasa niya yung status ko para sa power hug mo. Ang dami ko ng mga liham para saýo sa diary ko. Pero wala akong balak i-publish yun dito. Haha dahil sure ako, mas maarte ka pa sa’kin kaya ayaw mo ng recycled na gawa. Kaya eto, gagawa ako liham para sa’yo. Halo-halo na yung ala-ala ko tungkol sa’ting dalawa kuya. Alam mo naman ako, medyo ulyanin. Kaya nga madaldal ako ee. HAHA habang fresh pa sa utak ko kinukwento ko na kasi baka makalimutan ko. =)) Pero ang dami-dami kong memories with you. I can say, malaking impluwensya mo sakin. Ikaw ang may kasalanan kung bakit feeling ko ang ganda-ganda ko. Hahaha you taught me how to believe in myself. Mukhang nasobrahan yata kuya. Tanda mo pa ba? Dati nung nasa Kwang-Lim pa ko nag-aaral nung kinder, meron akong chakang classmate na sinabihan akong pangit. Tapos sinabi ko sa’yo na sinabihan niya kong pangit sabi mo, “Pangit ka ba?” Syempre, umiling ako sabay sabi, “Hindi. Siya yung pangit kuya.” Tapos sabi mo, siya nga yung pangit. Kasi kung pangit ako, ee di wala ng maganda sa mundo. Kunsitindor ka talaga kuya. Hahaha Tapos, lahat na lang ng tugtog papasayawin mo ko. Lagi mong kinukwento na nung bata ako, para akong manikang hinuhulugan ng piso bigla na lng sumasayaw. Number one fan yata kita ee. Haha Tapos… dati nung 7 years old ako. Narinig mo ko nagmura. Sabi mo sa’kin, “Wag ka magmumura, kung ‘di puputulin ko dila mo.” Natakot ako nun. Sabi mo, bawal magmura kasi iisipin ng mga tao na hindi maganda yung pagpapalaki ng magulang natin satin. E di natakot ako. Few years after, narinig kitang magmura. Tapos tinanong kita kung bakit ikaw nagmumura. Sabi mo sa’kin ganun talaga kapag teenagers, nahahawa sa environment, parte yung ng paglaki. HAHA ang kyoot mo magpalusot. >:D Naalala ko noon, dumaan lang ako sa harap ng sofa, biglang nalipat yung channel, nagalit si nanay kasi nanonood siya. sinampal ako. Iyak talaga ko ng iyak kasi hindi naman ako yung naglipat ee. Si ate kaya yun, nasa kanya yung remote ee. Tapos imbes na patahanin ako ni nanay at mag-sorry, nagalit pa siya. Ikaw yung nagpatahan sa’kin. Sabi mo, jurrassic park day lang ni nanay, masanay na ko. Tapos tumawa ka. Di ko na-gets yung joke mo, pero tumigil ako sa kakaiyak. Laging nagagalit sa’tin si ate. Kasi daw ang tamad natin, hindi tayo mautusan. Kadalasan pati si nanay. Hahaha ee pano kasi naglalaro tayo sa labas. Ikaw naman kasi. Ang laki mo na nun. Nakikisali ka pa sa’min sa “payb-tens”, chinese garter, 10-20, “bang-sak”, pati nga “Pamela one” hindi mo pinalampas. Di ba kuya, nag debut dance ka pa nga sa plaza! Hahaha sabi ko sayo nun, yun na ang oras ng pagsikat mo! >:)) pero kaloka, si ate desiree, yung partner mo, medyo chubby. Tapos ang payat mo. Mukha kayong kawayan at baboy. Hahahaha nung sinabi ko sayo yun, binatukan mo lang ako. Tapos, sinasama mo ko sa mga lakad mo. Kaya kung saan-saan ako nakakarating. Haha naalala ko one time, sabi mo kay nanay may gagawin kang project, nasa ncst ka na nun, isasama mo ko. Tapos dumiretso tayo sa computer shop. Haahahahaha tinuruan mo ko magcomputer, grade 3 ako noon. Pinaglaro mo ko sa schockwave.com ng isang powerpuff game. Syempre, aliw na aliw ako. Hahaha tapos umuwi tayo, kasi detective conan na. sabi ni nanay, “nasan na project mo?” sabi mo nasa diskette lang. kinuntsaba mo pa ko. hahahah Tapos lahat ng alam mo, gusto mo alam ko rin. Sabi ng ani ate, hindi pa ko diretso magsalita tinuturuan mo na ko ng alphabet. Tapos natatandaan ko, ang dmai mong libro na gustong ipabasa sa’kin nung grade school. Ako naman si engkz, excited pa magbasa kahit hindi ko masyado maintindihan. Una mong pinabasa sa’kin Midsummer Night’s Dream. Kaloka, shakespeare yun! Kung di ka ba naman talaga abnormalites kuya. Hahaha tapos, sabi mo sa’kin, mas maganda kung at an early age kabisado ko na yung periodic table kasi magagamit ko yun kapag highschool na ko. Dun ako umalma. Hahaha ang dami kasi ee. Kahit ikaw yung nagtuturo ng mga bagay-bagay sakin, kadalasan, pinapabayaan niyo pa rin akong matuto mag-isa. Which is very thankful naman ako. One time, may project ako. Grade one ako nun ee. Teacher ko si Ms. Gumba. Tapos nagpapatulong ako kay Nanay, sabi niya sa inyo daw ni ate. Tapos siyempre, sayo ko magpapatulong. Sinabi mo lang sa’kin kung pano gagawin. Tapos bigla mong sinabi, “O kaya mo na yan.” Since ayaw ko naman kay ate yen magpatulong, xempre, ginawa ko mag-isa. Ayun, mukhang kinahig ng manok yung gawa ko. Hahahaha sabi ni ms. Gumba nun, magpatulong daw kasi ako sa inyo. Kapag napagtripan mo, kakausapin mo ko ng English. Ako naman si engkz, mag-e-english rin. HAHAHA tapos, nung nasa samar tayo. Tapos kinuwento mo sa’kin dati, nagkwe-kwentuhan yata kayo nila Ate Christian nun, tinanong mo sila kung ano yung aso at pusa sa probinsya nila. Ee di syempre sinabi nila kung ano. Tapos sabi mo, “Ah. Sa probinsya kasi namin ang tawag sa aso, Dog. Sa pusa, Cat.” HAHAHAHA di ko makalimutan yun. Abnormal ka kuya. Tapos one time, gutom na ko. Iyak ako ng iyak kasi walang pagkain. Sabi mo sa’kin kesa umiyak ako, magluto na lang ako ng pagkain ko. Syempre sabi ko sayo, ikaw na lang, ikaw yung kuya ee. Sabi mo, may kamay at paa naman ako, bakit ikaw yung gagawa? Sabi mo pa, walang lalabas na pagkain kung iiyak lang ako ng iiyak. Naaala ko rin yung nagbubulakbol kayo ni ate. Nakanang jueteng. Feeling aping api ako nun. HAHAHA grade 3 lang ako nun. Lagi kasing nasa inyo yung atensyon nila nanay kaya nagseselos ako. Feeling ko nun, bakit kayo yung pinapansin samantalang ako yung nagpapakabait sa school. Sinusundan kayo ni nanay hanggang school just to make sure na pumapasok kayo. Kahit selos ako, feeling ko ang cool niyo. Sabi ko pa nga nun, kapag nag high school ako itra-try ko rin. Pero hindi ko naman nagawa kasi natakot ako. Hahaha left alone tuloy ako nun. Sinasama kasi ni mother si jalan. Tapos ayun nga, naglayas ka. Hindi ako worried sa’yo nun. Worried ako sa alkansya ko. Hahahaha ewan ko ba. Feeling ko naman kasi uuwi ka kagad. Or siguro hindi ko lang talaga naiintindihan yung situation. Tapos, nung umuwi ka na. nakahilata pa ko sa taas, nagsusulat-sulat. sumulat ka dun sa laruan kong mini-board. Sabi mo, “anin, sorry”. Naalala mo ba kuya? Tinitigan lang kita nun, tapos niyakap kita. Tapos nung bumitaw ka ng yakap sakin umiiyak ka pala. Tapos sabi ko, ang pangit mo umiyak. Binatukan mo pa tuloy ako. Haha tapos nun, kahit sinong maka-away ko kinakampihan mo ko. Kaya siguro may pagka-asal siga rin ako. Haha dahil lagi akong kasama sa honor roll, lagi mong kinukwento sa mga friends mo. Sabi mo pa nga mana ko sayo. Feeling ko ang galing-galing ko. Nung medyo may utak na ko, feeling ko na-umay ka na sa kapal ng mukha ko, kaya sinasabihan mo na ko nga pangit ako. Pero syempre dahil nga matibay ang pundasyon ng kapal na mukha ko, hindi ako pumapayag noon. Tapos sasabihin mong ampon ako, tapos sasabihin kong ang tunay ko talagang ama at ina ay kabilang sa pamilya ng mga Araneta o ‘di kaya’y Ayala. Tapos magtatawanan na lang tayo. Eto hindi ko makalimutan, HAHAHAHHAA. 9 years old ako. Grade 3. Sabi mo sa’kin, “Nin, wag ka muna lalandi ha? Saka ka na lumandi. Kapag 16 ka na.” HAHAHAHAHA Sineryoso ko yun! Akala mo! HAHAHA Kaya nagpakabait talaga ko. Bukod pa yun sa todo-todong reminders ni nanay na wag ng gumaya sa mga tao sa paligid na maagang nag-aasawa. Tapos, protective ka sakin. HAHA nanligaw sa’kin si alvin. Kelan niya lang kinuwento sa’kin, na sinermunan mo siya. Hahahaha tawa ako ng tawa nung sinabi niya sakin. Tinanong ko siya kung natakot siya sayo, sabi niya oo naman. pero sabi mo daw sa kanya nun, tingnan niya lang kung uubra siya sa akin. HAHAHA kaw talaga kuya. Alam mong konti lang ang nakakatagal sa pagka-atribida, intrimitida at kaartehan ko. Kayo-kayo lang yata nila nanay yun. Nakakatagal ba talaga kayo? O wala lang kayong choice? HAHAHA Nung lumipat tayo ng manila, grabe. Lahat tayo nahirapang mag-adjust. Tapos tuwing uuwi tayo, papuntang cavite ang ingay-ingay natin. Naalala mo ba yung istorya behind “PEHM MY LOVE?” ahahaha Dahil nga, medyo lumalaki na yung utak ko, gusto ko na rin magliwaliw. Para lang makagala ako, sumama ka pa sa’min ng mga friends ko sa paez. Ayun pati sila nagging ka-close mo. Aliw na aliw sila sayo. Ako naman, proud na proud. tapos nung 2003 November, nagalit ka sakin. Na-offend kita. Kasi sinabihan kitang bad influence sa isang classmate ko. Hindi mo ko pinapansin. Alam mo ba kuya? Iyak ako ng iyak nun. Takot kasi ako, kasi nga galit ka. Ee feeling ikaw lang naman yung kakampi ko noon. Gustong-gusto ko magsorry. Pero hindi ko nagawa. Sobrang gloomy ko noon. Nagulat na lang ako nung birthday ko, hinagis mo sakin yung malaking paa na stuffed toy from blue spirit. Sabi mo pa sa’kin bruhilda talaga ko. Haha tapos ayun bati na tayo. Naalala ko, dinamayan mo pa ko sa frustration ko kasi nga hindi ako nakapasok ng top 10. Sabi mo okay lang yun, may high school pa naman. tapos ayaw ni nanay na sa paez ako mag-aral. Kasi nga daw nagkalutuan. Gusto ko pa rin sa paez. Kaya nakikipag sagutan ka kay mother para hindi niya na ko pag aralin sa mhs. Sooper appreciate ko yun kuya. Thank you. Kaya lang matindi yung mother powers ni nanay. Wala tayong nagawa. Sa MHS pa rin ako pinag-aral. Months before ako magstart ng 1st year sa MHS, you tried committing suicide. Depressed ka nun diba? Alam mo ba? Wala akong kaalam-alam sa nangyari nun. Basta ginising na lang ako, tapos sinabi sa’kin dinala ka sa ospital. Tinawag ko yata lahat ng santo kuya. Natakot ako mawala ka. Sobrang dasal ako nun sa may sala natin. Loko ka kasi. Nasarapan ka yata sa sleeping pills kaya nilahat mo. Joke lang kuya. Ikaw naman kasi, ang dami mong alam. Natakot kaming lahat na mawala ka. Tapos ayun nga, nasa icu ka. Okay ka na daw. Kinuwento ni ate samin yung tungkol sa pagka ingglesero mo, ayun. Nagtawanan na lang kami. Tapos ayun. One time, daddy was invited sa isang debut ng anak ng kumpare niya. Pumunta tayo. Tapos dun ka na-excite paras a debut ko. Sabi mo, ikaw mag-aayos ng debut ko. Dapat blue and white yung motif. Ipapasara natin yung buong Bautista. HAHAHA tapos iimbitahin natin lahat. Tapos magandang maganda yung gown ko. Nakakaloka. I was just nearly 13, pero pinaplano na natin yung debut ko. Excited ka rin kasi I’m about to reach my teenage years. Sabi mo, sa wakas makakarelate na ko sa inyo ni ate. Hahaha Tapos ayun nga. Excited ka, kasi high school na ko. Isang beses ka lang na-meet ng mga classmates ko. Naalala ko, Science Month namin. May tinatapos kaming paper works and yung mismong model ng investigatory project. Tumawag ako dito sa bahay. Nilambing kita para magdala na 3 thermometers sa Manila high. Tapos ayun, dinala mo naman. After few hours, nabasag nung magaling kong classmate yung dalawang thermometers. Tumawag ulit ako. Pumunta ka ulit. Ginawa mo yun ng walang reklamo. Sooooooper touched ako. Nainggit sakin nun si Angelica, kasi daw ang sweet ng kuya ko. Ako naman siyempre, soooper proud. Tapos hinahatid mo pa nga ko minsan sa school, tapos yung huling hatid mo sa’kin, ayaw mo muna ko papasukin. Sabi mo kain muna tayo sa mcdo. Kung alam ko lang na ilan na lang yun sa mga sandalling huli kitang makakasama, sana, sumama na ko sayo. Kahit buong araw tayo sa mcdo. Okay lang. imagine kuya? Ilang fries at sundae kaya yung na-order natin nun kung nagkataon? Sayang… Tapos naalala mo kapag nagyayaya si daddy gumala? Nung nagpunta tayong roxas boulevard, tapos kumakanta ka ng cruisin’? si ate yung kumakanta, tapos nagduet kayo. Hanggang sa nagli-lipsync ka na lang. hahaha pinapanood ka pa nga nung foreigners. Pati yung mga adventures natin pauwi ng samar. Ang ingay ingay natin sa bus. Kung anu-ano yung kinakanta nating 4 nila ate. Pagdating sa samar, tulog na ang lahat pero yung kubo nila tatay apoy maingay pa rin dahil satin. HAHAHA tapos nunng, you tried to imitate kuya ichad? Nagpadulas siya sa banana tree thrunk, ee ginaya mo. Ayun, nagbale-balentong ka sa putikan. Hahaha lahat yata ng laro, ginawa natin sa samar. Tapos nagkwe-kwento ka pa ng nakakatakot. Simula ng tumungtong ako ng high school, medyo nagging distant ako sa family ntin. Sabi ng ani ate, hindi ako sumasali sa bonding niyo. Ee pano naman kasi. Naiinis ako sa presensya ni ate emac. Ewan ko ba. Basta asar ako sa kanya nun. Kaya di ko talaga trip sumali sa inyo. Sobrang minsan lang. Napapansin mo yun. Kaya sabi mo sakin napaka selfish ko. Sabi mo pa, feeling ko may sarili kong mundo. Syempre, feeling ko naman nun, hindi niyo lang ako naiintindihan. Tapos one day, galing akong practice paras a isang presentation namin sa school. Oct. 24, 2004. Pag-uwi ko, hinanap ko sila nanay. Sabi niya wala daw pumuntang ospital. Sabi ko bakit, kasi daw nasagasaan ka ng sidecar. Syempre, feeling ko, wala lang yun. Ano ba naman yung sidecar compared sayo ‘di ba? Hahaha sa tulis ng buto mo, baka yung sidecar pa yung ma-injured. Natulog ako sa higaan mo na napapaligiran ng posters ng favourite animes mo. Tapos ginising ako ni ate, umiiyak siya. Dun ko lang nalaman na naaksidente ka. Hindi ko alam yung dapat kong isipin nun, kuya. I was schocked. Nagdasal ako kay Lord. Tinawag ko lahat ng santo. Muntik na kong maghanap ng kulto. Iyak ako ng iyak, kasi sabi ni ate, kritikal ka daw. Kinabukasan, pumasok pa ko sa school. Pagka-upong pagka-upo ko. Ayun na. humagulgol na ko. Nagkagulo silang lahat. 5 days. 5 days kang nasa coma. 5 days akong pabalik-balik sa UST. 5 days akong pabalik-balik sa mga simbahan. Kulang na lang araw-araw mag-novena ako sa simbahan ng quiapo. Sobrang takot akong mawala ka. Naalala mo nung pumasok akong ICU? Sabi ni daddy kapag pumasok daw ako dun, kausapin kita kasi nairirnig mo naman ako. Naalala mo yung sinabi ko sayo? Hahah kita mo ulyanin ka rin. Sabi ko sayo nun, “kuya, sorry. Pramis, di na ko magpapaka-selfish. Wag na wag kang mamatay kung ‘di magtatampo ako sayo. ” iyak ako ng iyak. Tapos, Oct. 29, midnight. Iniwan mo na kami. Nandun lang ako sa room na pinagi-stay-an namin nun, as usual, tulog ako. Naramdaman ko, may humahawak sa binti ko. Ganun mo ko gisingin ee. Kinikiliti mo ko. Pag gising ko ayun. Wala ka na. iniwan mo na ko. Kami. Ang sama-sama ng loob ko. Umalis ka. Hindi pa nga ko nakakapag-sorry sayo. Hindi pa ko nakakapag-thank you. At lalong hindi ko ulit nasabi sayong I love you. Nakakainis ka. Bigla bigla kang aalis. Hindi ko alam kung ilang timba ng luha yung naproduce ko nun. Ikaw kasi ee. Hirap na hirap akong magmove on. Everybody thought okay lang ako. Imagine mo naman kasi, after ng libing mo, kinabukasan periodical exam ko, nag-insist pa rin akong pumasok. Pero alam mo ba kuya, dati, kapag tinatanong ng mga klasmeyt ko nung HS yung mga bagay tungkol sayo, bago pa ko makapagsalita, umiiyak na ko. Epal ka kasi. Lalo kong naging iyakin. Naging okay rin naman ako. Naisip ko kasi, baka batukan mo na ko ng bonggang bongga. Sabi mo sakin dati, wag na wag akong iiyak kapag namatay ka. Naisip ko nun, baka magalit ka na rin sakin, kasi hindi kita pinapakawalan. Ayun. I promised myself, as much as possible hindi na ko iiyak. When you left everything changed. Mula sa pang araw araw na buhay namin, hanggang sa special occasions. We will never stop missing you. Sometimes, kapag tinotopak ako, I would still say, “KUYA!!! PATULONG NAMAN!” dito sa bahay like I used to do nung buhay ka pa. tapos, matatawa. Para kong praning noh? Nami-miss ko yung presence mo. Sobra kuya. Sobra. Yung memories kapag pinagtatanggol mo ko. Noong binabalibag mo ko sa kama kapag nagwre-wrestling tayo nila jalan. Kuya’s girl nga siguro ko. Kung buhay ka ngayon, siguro, ikaw ang katulong ni mother sa pag-aalaga kay sam at malamang maging 2nd Janine nga yun. Hahaha Malamang, kinukumbinse mo na kong mag-boyfriend dahil sasabihin mong puro na lang ako pag-aaral. Malamang, kasundo mo na sina daizel at iba kong friends. Malamang, kachokaran ka namin ni ate hanggang ngayon. Malamang sinabunutan mo ko nung hindi ako nakauwi minsan. Kung buhay ka ngayon, sinesermunan mo siguro ko araw-araw kasi lagi akong puyat. Hahaha ang dami mong hindi nagawa kuya. Pero alam kong okay ka naman diyan ngayon. Kahit one time lang, kung pwede lang, bumalik kahit one minute na nandito ka with us. kahit magkano, pagiipunan ko talaga. Bumalik ka lang kahit one minute lang, or kahit segundo lng. Gusto lang kitang i-hug ulit. Tapos magte-thank you lang ako, sorry, tapos power ilove you na. tapos gora ka na ulit jan pabalik sa langit. It’s been almost 6 years, I love you. And I’ve been missing you, kuya.

Similar Documents

Premium Essay

Suppman

...about how he wooed Mom to get her attention so it would be really very awkward to interview him about those things. You get what I’m saying? Regardless, I still can’t find a couple to interview for the subject. And then I remembered, I have my sister who was only married last July this year. So I decided to interview her and his husband, Kuya Mac. The first question that I asked her was about the details of their first meeting. She told me that she was in a party with our cousin, Ate Raisy when my sister met her husband. Ate Raisy happened to be the girlfriend of one of kuya Mac’s friends which encouraged her to introduce my sister to Kuya Mac, whom she knows, has already separated with his wife though he already has a daughter with his last wife. Ate Raisy knew that Kuya Mac really needs a wife that will take care of him and his daughter as his daughter is still very young. And so, Ate Raisy introduced the both of them to each other. During the interview, Kuya Mac said to me that when my sister was introduced to him, he knew that she was the one that will fill the hole in his heart. Kuya Mac and my sister laughed at the utter cheesiness of Kuya Mac’s answer. I then turned to my sister and asked her,...

Words: 1078 - Pages: 5

Free Essay

Nakaraan

...at nagaaral sa Divine College sa kursong Business Administration. Simple lang ang buhay namin dito sa Sampaloc , may sari sari store si Mama Lea at nagtatrabaho na ang kapatid kong si kuya Lee. Wala na ang papa ko limang taong gulang pa lamang ako nang dahil daw sa car accident at nakakalungkot tuwing pilit kong inaalala si papa pero hindi talaga siya maalala ng utak ko pero kahit ganun kilala naman sya ng puso ko at mahal na mahal ko siya. Heto ako ngayon nasa entablado habang sinasabit ni mama ang aking medalya. Sobrang saya ko dahil gradweyt na ako na makakatulong na din kay kuya at mama. “Anak! Congratulations! Gradweyt ka na at bonus pa ang pagiging magna cum laude mo ! “, tuwang tuwang sambit ni Mama. “Ay! Syempre naman Ma para po sa inyo ito ni Kuya , para di kana magtrabaho at dun ka nalang sa bahay kami bahala sa inyo! sana nga po ay matawagan na agad ako sa ibat ibang kompanya na pinasahan ko ng resume”, sagot ko naman.” Sus ikaw pa anak kayang kaya mo yan mana ka ata sa akin” ,pagbibiro ni mama. Maya maya’y biglang dumating si Kuya Lee.” Bunsoy! Congrats! Mana ka talaga sa akin” ,bati niya sakin habang ginugulo ang buhok ko. “Kuya! Yung buhok ang ko! mukha na talaga akong bruha hay”, inis na sabi ko .”Ay mas bagay nga sayo ganyan e , o baka naman may manliligaw kana ?”, biro niya.” Kuya wala no magtatrabho muna ako para masuklian ko din kayo ni Mama sa pagpapaaral sa akin ,sana nga andito si papa para nakita nya akong grumadweyt”. “Okay lang yan anak sigurado namang...

Words: 1583 - Pages: 7

Free Essay

Program

...~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ PROGRAMME: Theme: “Paskong Kapamilya 2012” Date: December 25, 2012 Venue: Calanog Residence (Bagong Bahay Kubo) - Luya Time: 11:00am~4:00pm Attire: Santa Christmas Hat (everyone will wear Santa Christmas Hat) Fine of 50:00 will be collected for those who will not come in Santa Christmas Hat EMCEE: Kathleen Thanks Giving Prayer (Tin-tin)…..……………………… 11:00~11:10 Lunch and AVP Showing……………..……………………. 11:10~12:00 1st Game…………………………………….……………………. 12:00~12:15 Gift Giving (2)…….…………………………….………………. 12:15~12:45 2nd Game…………………………………….……………………. 12:45~1:00 Gift Giving (1)/Raffle (3).………………….………………. 1:00~1:30 3rd Game…………………………………….………….…………..1:30~1:45 Gift Giving (2)…….…………………………….………………. 1:45~2:15 4th Game…………………………………….……………………. 2:15~2:30 Gift Giving (1)/Raffle (3)………………….…….…………. 2:30~3:00 5th Game…………………………………….………….…………..3:00~3:15 Gift Giving (2) …….…………………………….………………. 3:15~3:30 MERIENDA & RAFFLE…………………………………………3:30~4:00 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ LOGISTICS: 1. Christmas Tarpaulin…………….………………… Charisma 2. Sound system……………………………………..…. Kean 3. AVP and Music……………………………………….. EJ 4. Games Props & Stage Set-up……………………Kath & Bron Sisters 5. Tent in case it will rain.………………………….. Tito Totie 6. Tables and Chairs…………………………………… Tita Precy 7. Official Photographer…………………………….. Tin-tin ** Collect all Raffle prizes **Check if Games prizes sponsors...

Words: 832 - Pages: 4

Premium Essay

My Weekly Report in My Training in Pizza Hut Sm Cebu

...She was a very strict manager because she wants that everything is perfect. So as a trainee I feel frighten to her. On my first week, I can really feel the pain in my legs and feet. On that first week of my OJT I wanted to quit, because I feel exhausted after my shift. But I pursue to continue to have my OJT because it is for my own good. Ms. Emily assigned me at making the pizza which is pretty cool for me because I really want putting toppings in the pizza. At first it is quite hard for me because I don’t know the flavors of the pizza yet. Kuya Hammer and Kuya Jason are the one who taught me what toppings that to be put in a certain flavor of the pizza and its standard amount, like mozzarella cheese, ham, pineapple, etc. 2nd Week of December It is already the second week of my trainee but still I didn’t memorize yet the flavor of the pizza but I really try my best to know them all. So I always keep on asking to Kuya Hammer and Kuya Jason what pizza flavor they are making. The first flavor I know is the “ALOHA” which has a mozzarella cheese, diced ham, spiced ham, and...

Words: 280 - Pages: 2

Premium Essay

My Ojt Narrative Report

...She was a very strict manager because she wants that everything is perfect. So as a trainee I feel frighten to her. On my first week, I can really feel the pain in my legs and feet. On that first week of my OJT I wanted to quit, because I feel exhausted after my shift. But I pursue to continue to have my OJT because it is for my own good. Ms. Emily assigned me at making the pizza which is pretty cool for me because I really want putting toppings in the pizza. At first it is quite hard for me because I don’t know the flavors of the pizza yet. Kuya Hammer and Kuya Jason are the one who taught me what toppings that to be put in a certain flavor of the pizza and its standard amount, like mozzarella cheese, ham, pineapple, etc. 2nd Week of December It is already the second week of my trainee but still I didn’t memorize yet the flavor of the pizza but I really try my best to know them all. So I always keep on asking to Kuya Hammer and Kuya Jason what pizza flavor they are making. The first flavor I know is the “ALOHA” which has a mozzarella cheese, diced ham, spiced ham, and...

Words: 291 - Pages: 2

Free Essay

Life of Benjamin Button

...10REST DAYMIDTERM BREAK | 11REST DAYMIDTERM BREAK | 12REST DAYMIDTERM BREAK | 13REST DAYMIDTERM BREAK | 14UNSURE DATEPARAPHERNALIAAgenda: * Video Shoot * PhotoshootTRAININGAgenda: * Finalization of Thrust and Platforms | 15TRAININGTarget Trainers: * Agenda: * Presentation of Thrust and Platforms * Speech Formation | 16TRAININGTarget Trainers: * Agenda: * Speech Formation | 17TRAININGTarget Trainers: * Agenda: * Speech Formation | 18TRAININGTarget Trainers: * Agenda: * Speech Formation | 19TRAININGTarget Trainers: * Agenda: * Speech Formation | 20TRAININGTarget Trainers: * Kuya Karlo * Kuya Bok * Ate Mitch * Kuya KevinAgenda: * Debate Training * Finalization and Presentation of Speeches | 21UNSURE DATEPARAPHERNALIAAgenda: * Video Shoot * Photoshoot | 22TRAININGTarget Trainers: * Kuya Leo * Ate Shey * Kuya Ralph * Kuya Kevin * Kuya Bok * Ate MitchAgenda: * Personality Development * Speech Delivery | 23TRAININGTarget Trainers: * Agenda: * Personality Development * Speech Delivery | 24Possible date of Filing of COCTRAININGTarget Trainers: * Agenda: * Personality Development * Speech Delivery | 25Possible date of...

Words: 413 - Pages: 2

Premium Essay

Sample Speech Fo 18th Birthday

...accepted.” I can only imagine the way my parents are going to feel watching me grow up more and more and having to let go little by little each day but even then my imagination cannot comparable to the feelings they feel. Even then, I willingly accept this new chapter of my life which I wouldn’t have been able to reach without every single one of you. No matter how small to how big of an impact you’ve had in my life, I thank you all equally.   So now I will end my speech with a thank you. Thank you for joining me in celebrating my 18th birthday. Thank you Mc Three McQueens for taking those beautiful pictures for this debut especially to kuya Michael and Kuya Chieboy. Thank you Kuya Elvin Sagun and Kuya Jervyn for coming over countless times to help with all the planning. Thank you cousins and Leo for helping me. Thank you kuya Frederic...

Words: 396 - Pages: 2

Free Essay

Nbsb

...hate guys except for my kuya, blame my father he left us without a trail, iniwan niya kami nila mommy, what is LOve? -for me epal, darating kung saka di pa ako handa. well, kahit NBSB ako may mga manliligaw parin ako, hihihi. pero no luck na ata ngayon, kasi dati pa yun na mga manliligaw... nag sawa na sa kakahintay. kaya ayon, wala na, pero okay lang.. **/if you want to read it on your mobile fone copy paste niyo na lang ‘toh sa notepad. :D sa ibang phone nababasa ‘toh as it. I mean as MC word talaga pero yung iba ebook so you need to cpy paste this pa sa notepad and then saka niyo isend sa cp niyo.. kung myphone gamit niyo you’re lucky enough. copy paste mo lang ‘toh sa notepad and send mo sa cp mo. okay na! kung nokia naman gamit mo, N70 na o-open siya as note.. I don’t know sa ibang model….AT! hindi ko na rin poi to na edit TT^TT, so sorry sa mga wrong spelling,wrong grammar.etc. hope u understand. thanks! :*** Chapter 1 "Natasha! bumaba kana dito kakain na" - mommy "coming right up mom"- me pag baba ko, hmm, mas safe ng idescribe na si mommy ang nag handa ng food namin kahit hindi, >:) "good morning Kuya" –me lagi ko siya ginegreet, kahit di niya ako ginegreet. close kami pero di niya lang type mang bati pag umaga. :D 1 year agwat namin, kaya close. "Ashie sabay na tayo papuntang school" -kuya I just nod, sarap ng kain ko eh, :D ayokong maistorbo pag kumakain ako that''s a rule pag katapos kumain, sumabay na nga ako kay kuya, pumasok ako sa kotse niya...

Words: 71306 - Pages: 286

Free Essay

Should I Give Up

...SHOULD I GIVE UP (ONE SHOT STORY) Written by: badgurl1403 Property of: badgurl1403 ALL RIGHTS RESERVED© Zania: Chloe nakatulala ka na naman… Chloe: ….(no reaction tulalay pa rin) (--,) Zania: Hayz…Chloe move on na kasi…walang pag-asa alam mo yun…capital W.A.L.A.N.G. P.A.G.-A.S.A… Chloe:…(ganun pa rin ang expreksyon niya at walang kibo) (--,) Zania: CCCCCChhhhhlllllllllllloooooooooooeeeeeeeeee Chloe: (nawala ang pagkatulala) Kambal Zania naman eh.. bakit ka ba sumisigaw ha..lapit mo lang oh (with matching hand gesture kung gaano sila magkalapit at nakapout pa) (-o-) Zania: Alam mo Chloe cute wag ka na magpacute sa akin…Dahil mas cute ako sa’yo..hahahaha (*o*) Chloe: ganun pero mas cute kaya ako dib a Kambal tayo..(nakapout uli ako..naku papaya na yan at alam ko effective to samahan ko pa ng puppy eyes technique..hehehehe..) Zania : oo na lang.. change topic na nga lang.. Chloe: (na nakangiti ng napakalaki..sabi na eh effective..hihihihi) Zania: sha..sha eto na nga..tama na ang pagstalker mo kay lubidubs mo.. Chloe: Kambal..di me stalker no…isa akong Admirer ..A.D.M.I.R.E.R…kasi sa nabasa ko ang stalker daw para sa panget at pag admirer daw ay para sa katulad ko… hahahahahaha Zania: hayz..ano pa bang magagawa ko yan ang kaligayahan mo.. Ano bang balak mo.Di ka nga makalapit sa kanya eh..kahit classmate natin at malapit lang siya sa’yo..at pareho din naman kayong popular..Kaya para lang kayong ganito oh.. yung langit siya lupa ka..ganun...

Words: 5309 - Pages: 22

Free Essay

Story

...What Am I for You WeirdyGurl Copyright by Ms. Shems Prologue “Gising na Naya” Pukaw ng kanyang mama. Inaantok pa siya ng iangat niya ang kanyang ulo at tumango sa kanyang ina. “Maligo ka na at baka ikaw ay mahuli sa Graduation mo” utos nito na may pagpapaalala. Nang maranig ang sinabi ng kanyang ina ay biglang nagising ang katawang lupa ni Shanaya. Graduation day! Dali-daling pumunta si Naya sa banyo upang maligo at ng makapaghanda narin. Ito ang ang araw na pinakahihintay ni Naya, ang araw ng kanyang Graduation sa High school. Hindi naman siya excited na sa wakas ay natapos na niya ang apat na taon na puno ng pasakit at mahabang puyatan sa paggawa ng mga projects at assignments, sa katunayan pangalawa lang iyun kung bakit siya excited. Ang totoo niyan excited siya sa sasabihin ng kanyang long-time crush na si Icen sa kanya. Matagal ng hinihintay ni Naya ang araw na ito dahil sa wakas malalaman na niya ang sasabihin sa kanya ng my love niya. Kinikilig na nga siya eh. Paulit-ulit kasing sinasabi ni Icen na may sasabihin siyang ikakagulat ng lahat after two years, e sa huling araw na iyun ng pasukan noong second year sinabi ng binata sa kanya, kaya tinantiya na niyang sa Graduation ang BIG DAY. Kaya super excited na siya. Ang totoo niyan ‘di niya naman type itong si Icen my loves niya eh. Sa katunayan nga niyan eh, ay inis na inis siya sa kapreng iyun eh! Hello! Hindi kaya sila friend noon at bigla lang itong tinukso si Shanaya na napakaliit ang pasensiya kapag inaasar. Pakialaman...

Words: 22572 - Pages: 91

Free Essay

Narrative Report

...FOUNDATION INC. Bitas,Cabanatuan City NARRATIVE REPORT A partial fullfilment of the requirements in Bachelor of Science in Customs Administration Prepared by: Ms.Christine L. Dela Cruz CA-7B1 Prepared to: LCB Jayson G. Juan Adviser ACKNOWLEDGEMENT I would like to express my deepest gratitude and sincerest appreciation to the following; LCB Jayson G. Juan,our adviser and motivator,for his untiring support,guidance throughout the on the job training,enabling me to complete this narrative report. MIDWAY MARITIME FOUNDATION INC.,my institution for giving me a chance and all the knowledge to become an effective Customs Broker someday. MS.ROMANA O. GALINDO AND MR.CONSTANTINO L. CALICA,my superiors and my Kuya’s in the company Kuya Chris,Darwin and Hassan during my training,for their kindness,trust,tips,guidance,support on my training; MS.ANICETA R. PASCUAL,who gave me an opportunity to have my internship,for her love,support and guidance and who had been my companion before going to office and going home to apartment during my training. To my classmates and friends,who had been there as my companion on apartment during our stay,in bad times and good times,whom I share my daily experiences in our training. MR.DANILO and LORENA DELA CRUZ,my loving parents,for their love,encouragement,moral and financial support all the time. And above all to OUR LORD,who gave me all the knowledge and strength to complete this narrative report,and for all the things that he have...

Words: 2153 - Pages: 9

Premium Essay

Cbr Scolio

...S eptember 3, 2014, Wednesday, was one of the days we 4th year students were waiting for: Scoliosis Screening!! This yearly event was held at Gen. M. Hizon Elementary School, and we were to assessed grade 5 students, whether if they have scoliosis or not. This event offers us an opportunity to enhance our skills as we apply the lessons we’ve learned in our previous subjects and also, it gives us an opportunity to be outside the school, our comfort zone, learning outside of it and helping those in need. On our way to Gen. M. Hizon, we were thinking on how we will make our discussion lighter, easy to understand, on a “chill” classroom setting. As we wait for our designated room, we felt excited and also, nervous. Excited because we will be able to meet different kids with different personalities; we will be able to teach them what scoliosis is and proper ways to prevent its progression; and this is our first time to be the one who is in charge of giving knowledge. Nervous, because since it is our first time, there were no professors telling and guiding us that what we were doing was correct or not. We were nervous because what if we were giving them the wrong information. However, as time draw near, we pushed through our doubts and we’re confident that we will be doing and saying the right things and do our very best. We entered the room we were assigned to with readiness and confidence. We introduced ourselves, discussed scoliosis, assessed if they had one, taught them simple...

Words: 1139 - Pages: 5

Premium Essay

Ignatian Values

...ASUL. Member pud ko sa AAM ug member pud ko sa STREAMS. At the same time, tulo ka organizations akong giapilan just for one year. But, although it’s a good thing na daghan ka ug matabangan nga organizations, pero it’s not really a guarantee na mabuhat nimo ang tanan—ang tanan nimong 100 percent effort or ang 100 percent time nimo para ana. So I guess you really have to focus to at least one organization, bahalag dili daghan ug bahalag isa lang imong role basta you have to focus sa isa ka-thing na you—or we—can do for so much. Not many but much—daghan kag mabuhat bahalag isa lang na ka-butang. Q: So this is how you imbibed the value in your college life, kuya? A: Mao gyud to akong learning sa second year that’s why this year (third year), isa na lang gyud akong gibuhat (ASUL) in terms of organizations. Q: Aside from college Kuya, how do you apply this value in your everyday life? A:...

Words: 691 - Pages: 3

Free Essay

Dekada 70

...Pagsusuri ng Pelikula Pamagat: Dekada 70 Mga Artistang Gumanap a) Vilma Santos (bilang Amanda) Maayos na nagampanan ni Vilma ang kanyang papel bilang si Amanda Bartolome. Muli niyang naipakita na kayang-kaya niyang gampanan ang papel bilang isang ina. Hindi ito ang unang beses na nagpakita si Vilma ng magandang pag-arte bilang isang ina. Gumanap na din siya bilang isang ina sa palabas na Anak at naipakita din niya doon na hindi na iba sa kanya ang pagganap bilang isang ina. Kahit na ang makikita nating ekspresiyon sa kanyang mukha bilang Amanda ay halos puro pagiging seryoso, maayos niya iyong naipakita at hindi siya nagkamali sa bawat ekspresiyon o reaksyon na ipinakita niya. Makikita mo sa kanyang pag-arte ang pagiging matatag at palaban na ina ni Amanda. b) Christopher De Leon (bilang Julian) Si Julian ang tumayong haligi ng isang pamilyang nakasanayang magpahayag ng damdamin, kaya nagkaroon siya ng mga anak na mulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa kanilang lipunan at maganda ang pagkakaganap ni Christopher De Leon sa papel niyang iyon. Naipakita niyang mabuti ang mga katangian ng isang ama at naipakita din niya ng maayos ang mga katangian ni Julian na nabanggit sa nobela. Tama naman ang naging mga ekspresiyon ng kanyang mukha. Kahit man siya gaanong naipapakita sa palabas, maayos niyang nagampanan ang kanyang papel. c) Piolo Pascual (bilang Jules) Siya ang panganay na anak nila Amanda at Julian. Sa simula ng...

Words: 1139 - Pages: 5

Free Essay

Narrative Report

...with my work, Mrs. Tria Cabigting assigned me at the Back of House (BoH) as a Scullery. I was excited to know that most of the BoH Stations in Shakey's so most of the time even if I’m full with my task I get to have the free time to ask them every stations functions and responsibilities so that I prepare myself for future purposes. During my first week in Shakey’s, I can really feel the pain in my whole body, because I feel exhaustion after my shift. But I pursue to continue to have my OJT because it is for my own good. Ms. Emily assigned me at making the pizza which is pretty cool for me because I really want putting toppings in the pizza. At first it is quite hard for me because I don’t know the flavors of the pizza yet. Kuya Hammer and Kuya Jason are the one who taught me what toppings that to be put in a certain flavor of the pizza and its standard amount, like mozzarella cheese, ham, pineapple,...

Words: 350 - Pages: 2