Ang teleserye ay halos parte ng pang-araw araw na buhay ng isang pilipino. Ano nga ba ang isang teleserye? Ang teleserye ay nag mula sa mga salitang telebisyon at serye. Kaya ang ibig sabihin nito ay isang serye sa telebisyon. Gaano nga ba kahalaga ang isang teleserye at anu nga ba ang epekto nito sa mga manonood. Marami sa mga Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa iba•t-ibang teleserye na napapanood ngayon sa telebisyon. Marahil hindi mapagkakailang ang buhay natin ay maihahalintulad sa isang soap opera, may komedya, minsan aksyon, minsan din naman ay katatakutan at kadalasan ay drama.Ngunit ang ilan sa atin ay hindi alam kung saan nga ba nagmula ang soap opera na ngayon ay kilalang kilala sa ating bansa. Ngunit bakit nga ba nahihilig ang isang ordinaryong Pilipino sa panonood ng teleserye. Naging parte na ng philippine entertainment ang teleserye mula pa noong 1960. Dahil sa dami at lumalaking mundo ng teleserye nga kakaroon ito ng kakayahan na baguhin ang pananaw at mga paniniwala ng isang tao.
Ayon sa isang artikulo malaki ang epekto ng teleserye sa pagbabago ng ugali ng isang tao. Nababago nito ang pananaw ng isang tao sa depende sa estado sa buhay. Ngunit ano nga ba ang epekto nito sa kabataang pinoy lalo na sa mga mag-aaral. Napakadaming teleserye ang lumalabas ngaun sa telebisyon na may roong ibat-ibang tema. Ano nga bang klaseng teme ng teleserye ang kinahihiligan ng kabataan ngaun? At ano nga ang nagiging epekto nito sa kanilang pag-uugali.
Isa ang “GOT TO BELIEVE IN MAGIC” sa mga taleseryeng ipinapalabas ngaun. Naaangkop ang teleseryeng ito dahil ang mga pangunahing karakter dito ay mga kabataan. Ang teleseryeng ito ay lumabas sa telebisyon noong August 26, 2013. Unang labas palamang nito ay talaga namang kinagiliwan nang mga manonood. Kinagiliwan ito dahil sa ang kwento nito ay tungkol sa dalawang kabataan na nag-iibigan. Paano nga ba nakakapekto ang ganitong klaseng teleserye sa kabataan? Napakaraming kabataan ngaun ang siguradong na huhumaling sa teleseryeng ito, kaya naman sumsikat ang mga linya na lumalabas sa teleseryeng ito. Gayun paman nakakabuti nga ba ito sa kabataang pinoy?
Isa lamang ito sa mga teleseryeng ipnapalabas ngayon sa telebisyon na maaring may mabuti o masamang epekto.