GROUP 2: SCRIPT (DRAFT)
COMM101
SCENE 1: INT. KWARTO- DAY.
*Pagmulat ng mata, paggising ni Nichole*
*Bubungad yung tatay niya na may hawak na cake*
TATAY: Happy 16th Birthday Anak!
NICHOLE: Wow, thank you tay—medyo inaantok pa yung boses*
*Biglang lalabas yung mga friends ni Nichole*
FRIENDS: Happy 16th Birthday Nichole! *Masaya sila, may confetti, if ever*
TATAY: Kanina pa nga yan nandito eh! Yayayain ka daw lumabas?
FRIEND 1: Uy tara! Nood tayong sine! Wag kang mag-alala. Kami na bahala sa tatay mo! *winks*
*Titingin si Nichole sa tatay niya*
NICHOLE: T-tay?... (parang asking for permission)
*Tatango yung tatay*
FRIEND 2: YEHEY!!!! Oh tara na dali!!!!!! *hinahatak si Nicholle*
NICHOLLE: Ngayon na? As in? Teka. Mag-aayos muna ko.
Friend 3: *Aayusan si Nichole. Parang aayusin lang yung buhok* Oh yan! Maayos na! Tara na alis na tayo! *hinahatak palabas ng pinto*
*tatawagin ng tatay si Nichole*
TATAY: Basta yung bilin ko sayo ha! Wag mong kalilimutan!
Nichole: Oo tay sige! Promise! Bye!
SCENE 2: EXT. KALYE- DAY
*Naglalakad yung barkada, sabay –sabay, masaya (fastforward)*
*Mapapadaan sila sa maraming tv*
*lalampas sila yung barkada sa lugar na maraming tv except kay friend 4 na mapapatitig sa pinapalabas don sa tv (yung X-Rated)*
*babalikan ng mga magkakaibigan si friend 4*
FRIEND 3: Oy ano ba yang pinapanood mo? *titingin sa tv* (makikita yung trailer na X-Rated)
FRIEND 5: *Babatukan si Friend 4* Ikaw talaga! Napaka mo talaga kahit kalian!
*Nakatitig pa rin sa tv si Friend 4*
FRIEND 4: TAPOS NA AGAD?! (Papakita yung end ng trailer na ine-explain yung X-Rated)
*Sisigaw yung may ari ng tv shop*
MAY-ARI: HOY! ALIS! Nakakaharang kayo sa daan!
NICHOLLE: Yan napapala mo! Tara na! Takbo!
SCENE 3: INT. LABAS NG CINEMA- DAY
Habang namimili ang mga magkakaibigan ng panunuorin sa sinehan, biglang may pumukaw ng kanilang atensyon at napatingin sa isang poster na may nakasaad na R-18.
FRIEND 4: Uy tingnan nyo ‘to guys oh.
FRIEND 5: Gusto mo babe, nuod tayo nyan?
FRIEND 4: Ay sige sige babe, mukhang maganda nga ‘yan.
FRIEND 5: Guys, eto na lang panuorin natin oh. Sige na.
FRIEND 4: Oo nga guys, tsaka iba siya sa mga nakasanayan natin na pinapanuod diba para maiba naman. Exciting yan!
FRIEND 5: Oh ano guys? Sang-ayon na ba kayo? Tara na! Wag na kayong KJ!
(Ang pagbalik tanaw ni Nichole tungkol sa mga itinuro sa kanya ng kanyang ama noon sa panunuod ng mga R-18 na palabas )
Nichole: Tay, bakit po ba may nakalagay na R-18 dito? ( nakaturo sa poster )
Ama: Anak, ang mga pwedeng manuod sa mga ganyang palabas ay 18 years old pataas lamang sapagkat naglalaman ito ng mga maseselang bahagi o eksena na hindi angkop sa mga bata pati na rin sa mga edad na kagaya mo.
(back to present)
Nichole: Guys, wag ‘yan ang panuorin natin.
FRIEND 3: Huh? Bakit naman Nichole?
Nichole: Naalala ko lang kasi bigla yung sinabi sakin ng tatay ko na ang mga pwede lang manuod ng mga ganyang klaseng pelikula ay 18 years old pataas lamang sapagkat may mga eksena na hindi pa angkop sa ating edad. Edi ba 16 palang tayo?
FRIEND 2: Ay ganun ba, sayang naman.
Friend 1: Tama si Nichole, tsaka hindi rin naman tayo papapasukin diyan kasi hindi pa tayo 18.
Friend 2: Ahhh yun pala ibig sabihin ng R-18, ngayon alam ko na.
Nichole: Tara tingin nalang tayo sa iba. Madami pa naman posters banda dun oh.
Friend 1,2,3 : Tara tingnan natin dali! Ahihihi
SCENE 4: INT. LABAS NG CINEMA- DAY
[Habang hindi pa sila (Nichole and friends) nakakapili ng panonoorin, magagawi sila malapit sa isang PAMILYA na namimili din ng panonoorin]
Tatay : O anong gusto nyong panoorin?
Anak 1(18 yrs old): Pa, gusto ko po panoorin yon!
Nanay : oo maganda nga yan. Pero anak 16 years old palang si ANAK2(16 yrs old) _________
Tatay : Ito ang dapat nating panoorin…R-16
Nanay: tama. Kasi anak, maaring may content iyon na hindi pa angkop sa pangunawa ng kapatid mo. Piliin natin yung maiintindihan at makakaimpluwensya ng mabuti para sa kanya
[narinig ni Nichole ang paguusap ng pamilya]
Nichole: Ayun guys R-16! Iyon nalang din ang panoorin natin
Boyfriend: oo nga! Saktong sakto 16 years old ka na ngayon!
Girlfriend: Tara! excited na ko Manood na tayo!
Ending:
Nagpupunit ng ticket sa sinehan, nakangiti sa barkadang papasok sa sinehan
Nagpupunit: Bilang kabataan, ang pagsunod sa simpleng alintuntinin gaya nito ay lubos na makakatulong hindi lang sa kanilang sarili kundi sa ikauunlad ng bansa. Kaisa kami, at ang MTRCB para sa matalinong panonood!
*balik sa task na pagpunit ng ticket*