Free Essay

Lhyn

In:

Submitted By lhyniyakin
Words 607
Pages 3
May isang panukalang batas sa Kongreso na pinagdedebatehan ngayon at hinati ang pananaw ng mamamayang Pilipino. Sabi ng ilang sumusuporta dito, ito ang magbibigay kalayaan sa mga mag-asawa upang makapag-plano ng pamilya at kaalaman naman sa mga kabataan. Sabi ng mga kritiko naman nito ay puputol ito ng buhay at lalason sa batang isipan. Ito ang Reproductive Health bill o sa mas tawag na ‘RH bill’.

Labindalawang taon nang pinagdedebatehan at nakabinbin ito sa Kongreso, may 6 nang bersyon at 3 pangulo ng bansa na ang pinagdaanan. Ngunit ngayon ay pinagsama-sama ang mga bersyon nito at ginawang isang panukalang batas.

Dahil nabuhay muli ang usaping ito, nahati uli ang pananaw ng sambayanan, ipasa o ibasura?

Ano ba ang hangarin ng RH Bill?

Ito’y magbibigay ng kalayaan sa mga mag-asawa upang makapamili ng planong pampamilya kung ito ba’y natural o artificial.
Isasalba nito ang may 11 na babaeng namamatay araw-araw dahil sa diperensya sa pagbubuntis
Matuturuan ang mga kabataan kung ano ba ang kahalagahan ng family planning
Mabibigyan ng benepisyong medikal ang pamilya
Bababa ang pagdami ng populasyon ng bansa taun-taon upang makasapat na rin ang inilaang budget ng gobyerno sa mga proyektong panlipunan
Bubuti at sisigla ang ekonomiya ng bansa
At, mapagtutuunan na ng panahon ang mga mahahalagang konsepto sa ating buhay
Kanino ba ito tutulong?
Tutulong ito sa mga kababaihan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan
Magbibigay-kaalaman sa mga kabataan upang malaman nila kung ano ba ang dapat planuhin sa kanilang buhay
Bakit ba may mga hindi sumasang-ayon at ayaw ipasa ito?
Dahil daw sa batas na ito, magiging legal na ang abortion sa bansa
Papatay at puputol sa buhay
Pagkontrol sa populasyon
Pambabastos sa sexual na konsepto ng buhay
Ito’y susuway sa utos ng Diyos at pati na rin ng kultura ng Simbahang Katoliko
Bakit ko sinusuportahan ang RH Bill? Hindi isang masamang batas ang RH Bill, kundi ito’y poprotekta sa kalusugan ng mga mamamayan dahil mabibigyan sila ng prebiliheyo na makakuha ng benepisyo rito. Mahigit 100 taon pa ang hihintayin upang maramdaman ang epekto ng pagbaba ng pagdami ng populasyon ngunit ito naman ay tutulong upang mapag-isipan ng mabuti ang mga dapat gawin o planuhin pagdating sa pagpapamilya. Kung walang masamang pananaw dito, hindi rin mahahawaan ang mga kabataan at hindi nila iisping isang sexual contact ito, kundi magbibigay sa kanila ng garantiyang katiwasayan ng buhay. Hindi ito sumasalungat sa kautusan ng Diyos dahil hindi agad naman ibig sabihin ng kataga sa bibliya na “Humayo’t magparami” ay magparami ng wagas, kundi parang sa pag-inom ng beer, ay ‘in-moderation’ ito. Dahil rin dito ay mapoprotektahan at mapapangalagaan ang buhay sa sinapupunan at paglabas nito sa tiyan ng babae

Hindi lahat ng mga nakabinbing batas ay makasasama sa lipunan, dahil rin sa mga batas na ito ay dito na natin mararamdaman ang inaasam nating pagbabago. Wala akong pakialam kung i-excommunicate pa ako ng Simbahang Katoliko, hangad naman nating mga pro-RH bill na isalba ang mga buhay na ibinubuwis araw-araw upang maipanganak lamang ang kanilang dinadala. Bagkus dapat nila suportahan itong batas para na rin sa ikauunlad ng ating bansa at nang ating kaalaman.

Iginagalang rin namin ang opinyon at ipinaglalaban ng mga anti-RH bill, pero hindi naman ibig sabihin na hindi rin namin papansinin ang kanilang hinaing sa batas na ito. May respeto rin naman at pakikinggan pa rin namin ang kanilang boses at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng mga kapwa natin.

Isa lang ang RH bill sa mga solusyon upang mapuksa ang kahirapan sa bansa. Marahil hindi agad mawawala ay unti-unti namang luluwag ang buhay ng mga maralitang naghihirap.

Similar Documents

Free Essay

Marketing Plan

...PHILPLANS INSURANCECOMPANY (WEEKLY ACCOMPLISHMENT REPORT) Name : Jenny Lhyn C. Saavedra Course/Yr./Sec. : BSBA 4-A WEEK 1 DATE | TIME IN | ACCOMPLISHMENT | TIME OUT | NO. OF HOURS | 11- | 9:00 AM | OFFICE ASSISTANT | 5:00 PM | 6 | 11- | 9:00 AM | OFFICE ASSISTANT | 5:00 PM | 6 | 11- | 9:00 AM | OFFICE ASSISTANT | 5:00 PM | 6 | 11- | 10:00 AM | OFFICE ASSISTANT | 5:00 PM | 6 | 11- | 9:00 AM | OFFICE ASSISTANT | 5:00 PM | 6 | TOTAL OF HOURS : 30 | Attested by : MR. HENRY DEDUQUE MANAGER Noted by : Ms. Emma Babia OJT SUPERVISOR PHILPLANS INSURANCE COMPANY (WEEKLY ACCOMPLISHMENT REPORT) Name : Jenny Lhyn C. Saavedra Course/Yr./Sec. : BSBA 4-A WEEK 2 DATE | TIME IN | ACCOMPLISHMENT | TIME OUT | NO. OF HOURS | 11- | 10:00 AM | | 5:00 PM | 6 | 11- | 10:00 AM | | 5:00 PM | 6 | 11- | 10:00 AM | | 5:00 PM | 6 | 11- | 10:00 AM | | 5:00 PM | 6 | 11- | 10:00 AM | | 5:00 PM | 6 | ...

Words: 764 - Pages: 4