Free Essay

Lolo Kong Qwerty

In:

Submitted By pipingdilat
Words 2048
Pages 9
1. Suliraning Panlipunan Tata Selo
Sa maikling kwentong Tata Selo, ipinakita ng may akda ang isang pagtutulad na makikita natin sa lipunang Filipino at ito ay ang pagkakaroon ng mga magsasaka na nagtratrabaho sa lupa na hindi sa kanila ang titulo at ang hindi makatarungang pagtrato sa magsasaka. Sa kwento ipinagkait ni Kabesang tano ang karapatan ni Tata selo at ang masaklap pa dito ay sinaktan pa ni Kabesang tano ang kaawa-awang magsasaka. Sa ngayong panahon, hindi na iba ang kwentong ito at sa katunayan ito ay gasgas na sa napaka-raming mga kaso at pangyayaring ganito. Isa na dito ang mga mga magsasaka ng Hacienda Luisita na nasa sitwasyong ito. Ito ay dahil hindi pa naihati ng gobyerno ang lupa sa mga ito. Sa kabilang panig naman ng “Tata Selo”, makikita ito sa sitwasyon ni Tata Selo na ang lupang pinagtratrabuhan niya ay kay Kabesang Tano.
Ang halimbawang ito iilang halimbawa lamang sa kondisyon ng lipunan natin ngayon sa panig ng agrikultura. Naipapakita sa akdang “Tata Selo” ang pagsasamantala ng mga korporasyon (Kabesang Tano) sa mga mahihirap na magsasaka (Tata Selo). Itong sitwasyon ay nagmula sa pagnais ng mga mayaman na lalong yumaman at ang mga mahihirap ay nadadamay mula sa mga aksyon nila. Sa aking palagay, ito ay ginawang mamayaning tema ng may-akda dahil para sa kanya, ito ay isang mahalagang sitwasyon sa ating lipunan na kailangan malaman ng mga Pilipino nang mamulat tayo sa masaklap na katotohanan at para naman malunasan ang sakit sa lipunan na ito.

Ang Paglilitis ni Mang Serapio “Walang makakatulong sa’yo, Ginoong Serpio, wala! Ni ang pulis, ang pahayagan, kahit sino man sa mundong ito. Ang mga hiyaw mo’y di maririnig; ang bawat kilos mo’y mabibigo, walang papansin sa’yo. Dumaing ka pa, at bukas makalawa, matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. Tandaan ninyo ‘yan mga pulubi! May kuwarenta pesos kayong dapat ibigay sa federacion araw-araw. At ibibigay niyo ang perang iyan sa amin. At kapag hindi, kung kayo’y nakakakita, pipitasin namin ang inyong mga mata; kung kayo’y nakakapagsalita, puputulin namin ang inyong mga dila; at kung kayo’y nakakalakad, babasagin naming ang inyong mga buto; at kung di pa rin ninyo susundin ang batas na ito, ang bawat daliri ninyo’y isa-isang tatanggalin. Malungkot nga ang buhay sa federaciong ito, ngunit kasapi na kayo hanggang kamatayan. Kamatayan lamang ang makapaliligtas sa’yo kapag sumali ka sa federciong ito. “ Ang mga salitang ito na sinabi ng hukom ay naglalahad ng mapait na katotohanan sa ating lipunan ngayon. Ipinakita dito ang parami ng paraming mga pulubi sa ating bansa, ang masamang pagtrato sa mga mahihirap kumpara sa mayayaman, pang-aapi sa mga pulubi ng mga federacion o mga sindikato at pagkawalan ng edukasyon ng mga mamayanan na makikita sa makitid na utak ng hukom at mga tagapagtanong sa paglilitis.
Sa kwento, si Mang Serapio ay isang matandang pulubi na nawalan na ng lakas dahil sa pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay. Siya ay pinarusahan, pinahirapan, nilapastanganan at binulag sa pag-aruga ng manyika na bawal daw sa federacion nila. Siguro nga sa ating lupunan ay marami na ang bulag sa mga nangyayaring hindi makatao. Ang mga nabanggit na mga suliraning panlipunan sa taas ay dapat maging tagapag-mulat ng mata sa atin.
Sa ating lipunan ngayon, sa paglakad-lakad natin sa kalsada ay marami tayong makikitang pulubi na sira-sira ang damit, puno ng dumi at grasa ang katawan, humahagulhol sa mga sakit na nararamdaman, giniginaw sa lamig, nahihilo sa gutom at ang masaklap pa ay mga pulubing nakahandusay sa kalsada na isang malamig na bangkay. Siguro sa mga nakikita nating ito dapat tayong umaksyon para mabawasan ang mga naghihirap sa mundo at para matanggal ang di-makatarungang pagtrato sa mga mahihirap kumpara sa mayayaman.
Walang sugat Sa kwentong Walang Sugat, apat na suliranig panlipunan ang nailahad sa aking palagay. Una ay ang pagkakakulong ng tatay ni Tenong sa maling paratang ng mga prayle na nagpapakita ng hindi makatarungang paghusga sa ating lipunan. Sa ngayon, marami ang nakukulong sa krimeng hindi naman nila ginawa at dahil sila lamang ay napagbintangan, mahirap o niloko. Dahil sa pagkakakulong ng ama ni tenong, naipakita ang pangalawang suliraning panlipunan o ang marahas na katotohanan na pinapahirapan at pinaparusahan ang mga nabibilanggo sa hindi makataong paraan na nagdudulot at nagiging sanhi ng kanilang kamatayan. Ang pangatlong suliranin naman ay ang lumalaganap ang mga nagpoprotesta at terrorismo o mga rebolusyonariyong grupo dahil sa mga pagkukulang ng hustisya sa lipunan kaya naman marami ang dumudikit sa magulong paraan o dahas para maipakita ang mga daing nila. At ang huling suliraning panlipunan na naipakita sa kwento ay ang napilitang pagpapakasal ni Julia kay Miguel. Ang pangyayaring ito ay hindi na bihira dahil sa ngayon maraming nakakasal sa hindi naman nila mahal. Maari sila lamang ay napagkasunduan, napilitan, dahil sa pangangailangan ng pera at dahil nabuntis ng wala sa oras.

Dahil sa Anak Ang dahil sa anak ay kwentong nagpapakita ng realidad sa panahong ngayon na marami na ang na ang nagiging ama at ina sa ating bayan na wala sa oras o hindi napagiisipang pagbubunits. Si Manuel ay naging batang ama nang mabuntis niya ang kanilang katulong na si Rita. Siguro pinapakita ng may akda ang isang problema sa ating bayan na marami ang hindi natuturuan ng tamang pagbubuntis at marami na ang nabubuntis sa maling panahon.
Kahapon ngayon at bukas Sa kahapon ngayon at bukas , ang temang itunuturo nito ay ang pagiging tapat sa bayan. Siguro nga isa na ring suliranin sa lipunan and mga Pilipinong hindi tapat sa ating bansa. Isa na dito ang mga taong isip-kolonyal. Marami sa atin ngayon ang tumatangkilik sa mga produktong hindi atin. Meron din mga taong pakitang tao na nagsasalita sa wikang Ingles dahil nahihiya sila magsalita sa ating sariling wika at gusto nilang ipagmayabang na kaya nilang magsalita ng ingles na umaabot sa puntong tumataksil na sila sa ating bansa. Sa ating gobyerno din ngayon, marami ang mga taksil na opisyal na kumukurakot sa pondo ng bansa. Ginagamit nila ang pera ng madla para sa kanilang sariling kapakanan na isang uri ng pagtataksil at panloloko. Sa kwento, ipinakita ni Asal hayop ang pagtataksil kay inang bayan nang magsubong siya sa kalaban na si Haring Bata at nang tumaksil siya sa ating bayan.

2. Pagpapahalagang pangkatauhan Tata Selo
Ang kwentong Tata Selo ay tungkol sa pagkakakulong ni Selo dahil sa pagkakapatay niya kay Kabesang Tano dahil sa pagmaltrato, pangloloko at pananakit nito kay Selo. Si Selo ay isang magsasaka na nagtratrabaho para kay Kabesang Tano nang niloko at sinaktan ni Tano si Selo ay nagawang patayin ni Selo si Tano. Marahil pinakita dito na dapat huwag tayo padalos-dalos sa ating mga desisyon at dapat lagi tayong mag-isip bago gumawa ng aksyon. Isa rin marahil na aral na inalalahad sa kwento ay dapat huwag tayo laging umasa sa iba at huwag magtrabaho para sa kaunlaran ng iba.
Ang Paglilitis ni Mang Serapio
Marami na nga talaga ang mga pulubing gumagala sa ating lipunan ngayon at siguro pinapakita nito na dapat tayong magsumikap at mag-aral para sa ating sariling kaunlaran na pwedeng magdala sa atin sa kaginhawaan. Pinapikta din ng may akda na kailangan natin imulat ang ating mga mata para makagawa tayo ng paraan para matulungan ang mga kapos-palad na ating mga kababayan. Pinapahalagahan rin ng kwento ang katotohanan na maraming masasamang loob sa ating lipunan kaya dapat tayong mag-ingat sa lahat ng oras.
Sabi ng iba, ang pamumulubi daw ay isang uri ng pagnanakaw sapagkat kumukuha ka ng perang hindi pinaghirapan at perang galing sa iba dahil sa pagmamakaawa. Marahil isa itong patama ng may akda na dapat hindi tayo umasa lagi sa iba at dapat magtrabaho tayo ng marangal para hindi tayo mapasama sa mga bagay na hindi tama at para maiwasan natin ang kapahamakan. Walang sugat
Sa pamagat pa lamang, hindi mo lubos maisip kung ano talaga ang nangyari sa kwento. Ang walang sugat ay kwento ng isang lalaki na namatayan ng ama kaya siya ay nagbuo ng hukbong lalaban sa gobyerno na naging dahilan ng kanyang pagkakawalay sa kanyang mahal sa buhay. Nahiwalay si Tenong kay Julia kaya umabot sa puntong ipapakasal na sana si Julia sa iba nang pairalin ni Tenong ang kanyang isip at talino para makuha ulit si Julia. Sa araw ng kasal ni Julia, nagpanggap si Tenong na siya ay may sugat at humiling siya bago siya “mamatay” na ipakasal siya kay Julia. Nangyaring nakasal sina Julia kay Tenong kahit kelan dahil ang totoo wala naman talaga siyang sugat at siya ay buhay na buhay. Maaring ipinapakita ng may akda na dapat lagi nating pairalin ang ating isip at talino para makamit natin ang ating mga hinahangad . Dahil sa Anak
Ang kwentong Dahil sa Anak ay umikot sa iba’t ibang pagmamahal: pagmamahal sa apo, pagmamahal sa pagitan ng babae at lalaki, pagmamahal sa anak, pagmamahal sa pamilya at sa kapwa. Pinakita sa kwento ang aral na pagmamahal lang ang kailangan sa mundong ito para maging maayos ang lahat at para makalimutan ang poot at galit. Ang kwento din ay nagtututro sa kabataan na huwag mag-asawa kaagad at tapusin muna ang pag-aaral para huwag magkaproblema sa hinaharap sa ipinakitang pagkakamali nina Manuel at Rita. Dagdag pa ang aral na dapat huwag nating ibaling ang isisi sa sanggol na nabuo dahil wala siyang kasalanan at siya ay wala pang alam sa mundo. Dapt rin nating pahalagahan ang bawat desisyon natin o kailangan muna nating pagisipan ng ilang beses ang isang bagay bago tayo magdesisyon. Sa kabuuan, ang aral ay dapat pairalin natin lagi ang ating puso at isip para maiwasan ang atin mga pagkakamali at para mapuksa ang galit at poot sa mundo. Kahapon, Ngayon at Bukas
Sabi nga ng iba, “Bayan muna bago ang iba.” Sa Kahapon, Ngayon at Bukas, ipinakita ng may akda ang pagpapahalaga ng ating bayan at kung ano ang pwedeng mangyari kapag ito ay ating inilapastanganan at sa mundong ito marami ang mapaglinlang at mapangahas. Ang tema ng kwento ay ang pagpapahalaga sa sariling atin, kung ano ang Pilpinas kahapon, ngayon at bukas at mga nangyari sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon. Ang aral ng kwento ay dapat huwag tayo magtiwala kaagad sa iba lalo na sa mga dayuhang mapalinlang at dapat nating iwasan ang isip-koloniyalismo, puksain ang korapsyon at iba pang uri ng pagtalikod at pagtaksil sa bansang Pilipinas.

3. Sa panahon ngayon, maraming marami na ang mga pelikulang nagsisilabasan. Simulan na natin sa mga pelikulang pinipilihan ng ilang libong tao sa sinehan kada-araw. Ilan din dito ang mga pelikulang ating napapanood sa telibisyon, mraming mga DVD at VCD shop na nakahilera sa mga mall at tsaka mga tone-toneladang mga DVD at VCD ng mga pelikulang pinirata na kinokompiska ng Optical Media Board dito sa plipipinas. Siguro nga patok na patok sa atin ang mga pelikula at malamang naging parte na ng buhay ng mga Pilipino ang mga pelikulang ingles man o tagalog. Ngunit ito nga ba ay nakatulong o nakasama sa atin? Hindi natin maitatangi na may mga negatibong epekto sa atin ang mga pelikulang ito. Ilan na ditto ang lumalaganap na pagpirata ng mga pelikula, paglaganap ng isip-koloniyalismo, pagsikat ng pornolohiya at marami pang iba. Pero kung ating iisipin nasa-atin na ang desisyon kung tayo ay magpapaapekto sa mga masasamang nadudulot nito. Tayo ang may hawak sa ating sarili at tayo lamang ang pipili ng gating gagawin, masama man o mabuti. Para sa akin, ang pelikulang ito ay nakakabuti sa akin dahil kinukuha ko lamang ang mga mabubuting aral sa mga pelikula at ito ang nagiging inspirasyon ko para makagawa ng maraming magagandang bagay. Ang pelikula ay minsang nagsasalamin sa mga masalimoot na katotohanan sa mundo natin na pwedeng makapagmulat ng mga mata ng tao para gawin ang tama. Ang ibang pelikula din ang nagbubukas nang isipan at ngagbibigay inspirasyon sa mga tao. Ito rin ay nagbibigay ng mga kaalaman sa atin. Ito rin ang nakakalinang sa ating paggamit ng mga salita at nagbubukas ng ating kakayahang magisip at magsalita na mamakubuti sa ating panitikan. Ang pelikula nga ay may masama at mabuting dinudulot ngunit nasa-tao na ang desisyon pumili sa pagitan ng masama at mabuti.

Similar Documents