Ang mga kilos ng katawan ay nagpapakita ng mga ekspresyong berbal tungkol sa nadarama.
Ito ay distansiya na hindi mo na gaanong nakikita ang ilang mga detalye tungkol sa kausap.
Ang layong ito ay maaari mong maging proteksiyon sa alinmang mga banta na nakaumang sa iyo.
Ang pagtingin o pagtitig ay ang paraan kung paano natin pinagmamasdan ang ating kausap (Badayos, 2000)
Ang kilos ng katawan ay nagsisilbing kasangkapan sa pagsasagawa ng isang bagay.
Ang mukha ng tao ay isang mabisang daluyan ng mensaheng di berbal. Sa pamamagitan ng mga kombinasyon ng mga kalamnan o muscle sa mukha ng tao, naipapakita ang mga batayang emosyon ng tao.
Komunikasyong
Di-Berbal
Katawan (Kinesics)
1. Sagisag (emblem)
3. Pagkontrol ng berbal na interaksyon
4. Pandamdam (affects display)
Espasyo o Distansya (proxemics)
3. Espasyong Sosyal
4. Espasyong Pampubliko
Ang Mata
5. Kasangkapan sa Pagsasagawa ng bagay (adaptors)
Ang Mukha
2. Tagapaglarawan (illustrators)
Ito ang mga di verbal na ginagamitan natin ng ating mga daliri o kamay upang maglarawan o magbigay-diin sa nais nating ipahayag
Ang espasyo ay nagpapahayag din ng mensahe. Minsan, mas malakas pa ito kaysa sa mga sinasambit na mga salita.
Ang mga di-berbal na kumakatawan o direktang pamalit o panghalili sa mga salita o parirala.
Ginagamit natin ang kilos ng katawan upang i-monitor o kontrolin ang daloy ng usapan.
Ang di berbal ay isang sistema ng komunikasyon na hindi gumagamit ng salita. Gumagamit tayo ng mga kilos ng katawan o kalidad ng tinig upang magpahayag ng mensahe sa halip na wika.
Ayon sa pag-aaral, ang mga ekspresyon ng mukha ay hindi unibersal o hindi pare-pareho ang pagpapakahulugan ng mga ito sa bawat kultura
(Maggay, 2002)
1. Espasyong Intimate
2. Espasyong Personal
May apat na uri ng distansiya na siyang tumutukoy sa uri ng relasyon mayroon sa pagitan ng mga partisipant sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Hall (1976)
Ito ay distansiya mula sa halos magkadaiti na ang mga balat sa katawan. Ito ay ginagamit sa pagpapakita ng pagmamahal o pag-aaruga at kadalasang mahalay sa paningin ng mga tao kapag ginawa mo ito sa publiko.
Ito ay tumutukoy sa di-nakikitang bula na bumabalot sa isang tao at itinuturing na bahagi ng kanyang pagkatao. Ang nasabing bula ay tinatawag na "comfort zone" na nagsisilbing proteksiyon.
Nangyayari lamang ang komunikasyon kapag may isang taong nagdadala ng mensahe at may isang tumatanggap. Ang mga di berbal na mensahe ay nakakapagpahayag ng mga kahulugang tulad ng nagagawa ng mga salita ng isang wika.
Ginagamit ang di berbal para makatulong upang lalong luminaw ang mensaheng nais iparating. Meta-communication o Second order message. Dito ginagamit ang di berbal para makatulong upang lalong luminaw ang mensaheng nais iparating. Ayon kay Birdwhistell, 30% lamang ang berbal at 70% naman ang di berbal na elemento sa isang sitwasyon ng komunikasyon.
Maaari rin namang kontrolin ng mga di berbal ang daloy ng usapan.
Maaari rin namang ulitin ng mga di berbal ang mga mensaheng berbal.
Sinasabing sa mga paraan ng pagpapahayag ang kilos ng katawan o di berbal ang pinakamahirap matanto ang kahulugan.
Nakakatulong ang mga di berbal sa pagbibigay-diin sa mga mensaheng berbal.
Ginagamit natin ang di berbal bilang komplemento sa ating mga mensaheng berbal. Ito ay nakapagdarag ng ibang kahulugan na hindi ipinapahiwatig sa berbal na mensahe.
Maaari rin namang sadyang kontrahin ng mga di berbal na signal ang mga ipinapahayag ng mensaheng berbal.
Ang mga Artifact
Ang mga bagay na gawang tao ay magagamit rin sa komunikasyon. Hinuhusgahan tayo ng mga tao sa paligid natin batay sa itsura o damit na ating suot-suot.
Paghipo (Haptics)
- Pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon.
- Ito ay nakakapaghatid ng iba't ibang mensahe.
- Naghahayag ng positibong pakiramdam.
- Nagkokontrol ng kilos o gawi ng iba.
Paralanguage
Mga tunog na di verbal na nagsasaad kung paano sinasabi ang bagay.
(Badayos, 2000)
Pananahimik
Ang pananahimik ay nagpapahayag din ng mga kahulugan. Kadalasan itong nagpapahiwatig ng mga emosyong ayaw nating bigkasin tulad ng galit, pagtatampo, at pagtitimpi. Nagpapahiwatig rin ito ng pag-iisip at pagbibigay galang.
Oras o Panahon (Chronemics)
-Ang pag-aaral ng komunikasyong temporal (chronemics) ay nauukol sa pag-aaral sa kung paano ginagamit ng tao ang oras sa komunikasyon.
-"Social Clock" Ito ang nagtatakda ng wastong oras kung kailan dapat isinasagawa ang mga bagay na inaakalang mahalaga sa isang kultura.
-Ang bawat kultura ay may kani-kaniyang konsepto ng panahon.
-" Filipino Time" Laging huli, mabagal, at walang pakialam kung matapos man ang gawain sa nakatakdang oras.
-"American Time" Impunto, maaga at walang pagsasangalang-alang kung may mahuli o maiwan.
Pang-amoy
(Komunikasyong olfactory)
Ang paggamit ng pang-amoy sa pagpapakahulugan ng mensahe.
Daluyan o Tsanel ng Di Berbal na Komunikasyon
1. Katawan
2. Mukha
3. Mata
4. Espasyo
5. Artipaktuwal
6. Hipo
7. Paralanguage
8. Pananahimik
9. Oras
10. Pang-amoy
Ilaw ng tahanan - ina
Anak pawis - mahirap
Patay-gutom - matakaw
Haligi ng tahanan - ama
Ahas-bahay - masamang kasambahay
Kisap mata - mabilis
Maykaya - mayaman
Isang tuka isang kahig - mahirap
Ibaon sa hukay - kinalimutan
Butas ang bulsa - walang pera
1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ng baba - nilalamig
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot - duwag
6. ikurus sa noo - tandaan
7. bukas ang palad - matulungin
8. kapilas ng buhay - asawa
9. nagbibilang ng poste - walang trabaho
10. basag ang pula - luko-luko
11. ibaon sa hukay - kinalimutan
12. taingang kawali - nagbibingi-bingihan
13. buwayang lubog - taksil sa kapwa
14. pagpaging alimasag - walang laman
15. tagong bayawak - madaling makita sa pangungub
Nagsimula sa Panahon ng Yelo
mula sa nobelang Ang Sandali ng mga Mata
Alvin Yapan
Ngunit kailangan na munang maghintay nina Baltog, Handiong, at Bantong, ang tatlong
bayani ng Ibalong. Hindi ko kaagad sila naikuwento kay Boboy dahil pagkagising, una
niyang hinanap ang kaniyang ina. Ni hindi niya naitanong kung nasaan siya at kung bakit
ako ang naroroon.
“Tiyong, nasaan si Mama?”
“Alam mo kung nasaan siya.”
Nasa Amerika si Nene sa pagkakaalam ni Boboy. Ngunit ang totoo’y walang nakasisiguro
kung nasaan siya. Mula nang lisanin ang Sagrada, wala nang balita ang pamilya Nueva
sa kaniyang kinaroroonan. Tiyak lamang nila na may balak pumunta ng Amerika si Nene
bago umalis. Kung saan doon, wala ring nakakaalam.
Sumusulat siya kay Boboy paminsan-minsan ngunit palaging walang nakalagay na
address kung saan nagmula ang sobre. Makukulay ang mga sobreng pinagsisidlan
ng mga liham, at ang liham ay nakasulat sa mababangong papel na kadalasang
napapalamutian ng naka-imprentang mga bulaklak.
“Tiyong, dadalawin niya kaya ako?”
“Kung alam niya sigurong may-sakit ka. Pero pa’no naman niya malalaman?”
Nasubaybayan ko ang paglaki ni Nene sa bahay na bato. Sapul nang isilang siya. Ngunit
mula nang siya’y umalis wala na akong nalaman tungkol sa kaniyang naging buhay.
“Ano ba ang ikinukuwento niya sa mga sulat niya sa ‘yo?”
Ikinuwento sa akin ni Boboy ang mga kuwento sa kaniya ni Nene. Ang iba’t ibang
kulay. Ang iba’t ibang amoy. Ang iba’t ibang ingay. Ang iba’t ibang bugso ng hangin.
Ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa snow. Ang snow at ang Pasko. Isang malamig na
Pasko. Ang mga himig ng kantang “White Christmas.” Ang hindi maintindihang eksena
ng mga batang nagbabatuhan ng binilog na snow. Kung paano nasama ang kaniyang
ina sa larong ito. Ang napakalinis na kalye. Hindi aspaltado at bitak-bitak. Hindi katulad
ng kalsada sa Sagrada. Ang mababait na tao. Ang uma-umagang “Good Morning!” ang
hapun-hapong “Good Afternoon!” o kaya’y ang gabi-gabing “Good Evening!” tuwing
may makakasalubong sa daan. Kung paano naaalala ng kaniyang ina ang mga estudyante
nito noong nagtuturo pa sa Mababang Paaralan ng Sagrada, pati ang aninong nakulong
sa bahay ng mga alaala. Ang pangungupahan sa isang apartment. Ang pine tree sa harap nito. Kung paano, tuwing Pasko, sinasabitan ng maliliit na bola at Christmas lights.
Napakaraming Christmas lights. Iba-ibang kulay. Ang snowman. Ang pagtutulong-tulong
ng magkakapitbahay sa paggawa ng snowman na di-hamak na mas matangkad sa
kaniyang ina. Pati ang fireplace. Mamamatay daw ang kaniyang ina sa ginaw kung walang
fireplace. Ang napakatinding lamig. Ang nakamamatay na lamig. Kung paano kailangang
pagpatung-patungin ang mga damit makalabas lamang ng bahay. May pang-ilalim
na, may t-shirt pa at polo at jacket. Kung gaano kasaya sa Amerika. Kung paano siya
niyayaya ng kaniyang ina na sumunod doon kapag nakatapos na siya sa kaniyang pagaaral
at may trabaho na. Ang pagiging presidente ng kaniyang ina ng mga kahera sa isang
department store. Ang malaking kita. Ang mga libreng damit dahil sa department store
na lang niya kinukuha. At ang mga prutas. Ang napakarami at napakamurang prutas. Ang
nakakasawa nang mansanas. Ang kapulahan ng mansanas. Kumikinang sa kapulahan at
napakatamis. Hindi katulad ng mga mansanas sa Filipinas na napakaliliit. Mapakla. Hindi
maintidihan kung pula o berdeng mansanas dahil kalahating pula at kalahating berde.
Kung paanong doon, kapag pula ang mansanas talagang pula; kapag berde, talagang berde. May mga orange ding napakalaki. Original siyempre, sabi ng kaniyang ina. Talo
ang ponkan sa Filipinas. Ang pagtatrabahong nauuwi sa pag-iikot sa department store,
dahil walang magawa. Kaya minabuti niyang bantayan na lamang ang mga kahera upang
walang matuksong kumupit. Ang malaking suweldong natatanggap ng kaniyang ina. Ang
pagiging katiwala nito sa pinapasukang department store. Kung paano bago umuwi ay
kinokolekta ang benta at ito mismo ang nagtatala ng benta sa logbook. Ang kaniyang
inang naging katiwala ng may-aring Amerikano. At hindi lamang ang kulay ng mansanas.
Hindi lamang ang kulay ng orange. Higit sa lahat ang kulay ng pera. Kakulay ng damo
at sindami. Hindi kakulay ng isandaan ng Filipinas. Kakulay ng ubeng napakahirap nang
hanapin sa palengke ng Sagrada.
“Tiyong, hindi niya siguro doon nahanap si Mr. Edwards. Hindi niya nabanggit sa
mga sulat ni minsan. Mabuti na rin siguro iyon,” dagdag pa ni Boboy. “Malaya siyang
makauuwi sa Filipinas kung hindi pa siya kasal kay Mr. Edwards.”
Naaalala ko si Nene bilang babae ng mga simulain. Mayroon siyang pagkukusa. Bago pa
man siya nagturo, marami na siyang binuksan at pinasimulang mga negosyo sa Sagrada.
Dapat pa nga sigurong kay Nene magpasalamat ang Sagrada sa pagpapalago ng negosyo
sa bayan namin, at hindi kay Chua.
Nang maging mura ang refrigerator, nag-ipon si Nene ng pera mula sa ipinapadala ng
katiwala sa mga lupang sakahan na iniwan sa kanila ni Severino. Bumili siya ng General
Electric. Single-door. Basta may mainom lamang silang malamig na tubig. Nang huwag
ding mapanis ang mga ulam. Biglang tumaas ang kanilang bayarin sa koryente. Nagbanta si Selya na ibebenta ang refrigerator. Nakaisip si Nene na magbenta ng yelo.
Sa sunod nilang pamamalengke, bumili siya ng plastic. Brand ng White Horse. Pinagaralan
niyang mabuti kung paano itinatali ang dulo ng plastic nang hindi sumasabog ang
tubig. Ibinenta niya ang yelo. Dalawang piso bawat isa. Dahil wala pa noong ibang may refrigerator sa lugar nila palaging ubos ang ibinebentang
yelo ni Nene. Nanghihinayang siya sa mga dalawang pisong nakaalpas dahil
nauubusan siya ng paninda. Maliit lang kasi ang freezer ng refrigerator kaya hindi niya
nadadagdagan ang ginagawang yelo. Saka niya inimbento ang ice tubig. Nakaplastik
na malamig na tubig. Kahit hindi matigas na yelo, naibebenta pa rin niya ng uno
singkuwenta isang piraso.
Walang ibang may refrigerator sa Sagrada noon dahil namamahalan pa rin ang mga tao.
Mahal na nga raw, pampadagdag pa ng gastos sa koryente. Ngunit nang makita nilang
mas malaki ang napagbebentahan ni Nene kaysa sa ibinabayad sa koryente, ang dealer
namang RC Marketing ang nahirapang tumugon sa dami ng order.
Nagkaroon ng paskil na “Ice for Sale” ang halos lahat ng tarangkahan ng mga bahay sa
Sagrada. Dahil halos lahat ng bahay ay may refrigerator na, nabawasan ang mamimili.
Ibinaba ni Nene ang kaniyang presyo sa piso para mapasakaniya lahat ang kakaunti na
lang na mamimili. Pagkalipas lamang ng isang gabi wala nang nagbebenta ng yelo sa
presyong dalawang piso.
“Gaya-gaya, puto maya!” galit na sigaw noon ni Nene.
Sunod na pinasok ni Nene ang ice candy. Ibinenta niya ng dalawang piso. Ganoon din
ang nangyari. Makalipas lamang ang isang gabi, may nagbebenta na ng ice candy ng piso
at iba-iba pa ang flavor: abukado, monggo, at buko.
Ngunit tunay na negosyante talaga si Nene dahil alam din niya kung kailan bibitaw sa
isang negosyo. Isang araw, napagpasiyahan niyang wala nang iaasenso ang industriya
ng yelo, ice tubig, at ice candy sa bayan ng Sagrada. Muling nag-isip si Nene ng isang
pagkakakitaang susustento sa konsumo sa koryente ng refrigerator. Manok. Nagpatayo si
Nene ng manukan. Sinimulan niya sa sampung forty-five days lamang at pagkatapos ng
apatnapu’t limang araw may benta na muli siya. Nangyari ang lahat ng ito bago pa man dumating sa Sagrada ang Sariwanok ng Magnolia.
Ngunit nahalata ni Nene na mahirap mag-alaga ng manok at kailangan pa niyang
maghintay nang higit sa isang buwan. Ang benta ay hindi ganoon kalaki. Kaya hindi nagtagal sinabayan niya ang kaniyang poultry ng piggery. Tatlong baboy lamang nang
simulan niya. Paanakan ang isa sa tatlo nang hindi maputol ang kaniyang aalagaan
at ibebentang baboy. Ibinebenta ni Nene ang baboy sa mga may-ari ng carneceria sa
palengke. Libo-libo ang kaniyang napagbebentahan. Dahil sa malaking kita napalitan ni
Nene ang single-door na General Electric refrigerator ng double-door. Higit na malaki na
ngayon ang freezer ngunit hindi yelo, ice tubig, o ice candy ang ipinuno niya rito kundi
mga pitso ng manok at karneng baboy. Nang mabalitaan ng mga tao ang tagumpay
ni Nene, nagtayo rin sila ng kani-kanilang poultry at piggery. Natuwa ang may-ari ng
carneceria dahil marami na silang mabibilhang baboy. Makakapili na sila. Ayaw na
nilang bumili ng mga baboy na pinakain ng mga tirang pagkain. Higit na malaman ang
mga baboy na sa feeds lamang pinalaki. Halos araw-araw nagigising ang buong bayan
ng Sagrada sa mga putak ng libo-libong manok at tili ng kinakatay na mga baboy. Ang
papawirin ng Sagrada ay nangamoy ipot ng manok at tae ng baboy. Kaya nang minsang
may dumaang bagyo, nagpasalamat ang buong bayan dahil muli silang nakalanghap ng
sariwang hangin kahit na panandalian lamang.
Nagreklamo si Selya. Tuwing mainit ang panahon kahit mayaman sila sa yelo, hindi
mapawi-pawi ng kaniyang abaniko ang sangsang ng dumi ng manok at baboy. Si Selya
ang nagpahinto sa negosyo ni Nene. Silang mga Nueva ang unang pamilyang umahon sa
kabaliwan ng poultry at piggery.
Sa mga kinita ni Nene sa manukan at babuyan, nakapagtayo siya ng malaki-laking sarisari
store. Saka siya namasukan sa Mababang Paaralan ng Sagrada. Naisip ni Nene
na malaking kustomer ang mga estudyante. Nagtrabaho siya bilang guro ng Home
Economics, ang asignatura tungkol sa sining ng paglalaba, paghuhugas ng pinggan,
pagpapaganda ng bakuran, paglilinis ng bahay, at paggawa ng kung anumang palamuti sa
salas. Bumili si Nene ng iba-ibang klase ng kendi sa palengke, mga gamit pang-eskuwela
at mga pang-araw-araw na gamit sa kusina tulad ng toyo, asin, bawang, sibuyas, at iba
pang recados. Hindi pinabayaan ni Nene ang kaniyang sari-sari store. Gusto lamang
niyang mapalapit sa kaniyang mamimili. Hawak pa niya sila bilang kanilang guro.
Hindi nagkaroon ng takot si Nene na mawalan ng kustomer. Pipiliin at pipiliin pa rin ng
kaniyang mga estudyante ang kaniyang sari-sari store.
Dahil isa rin daw na estudyante ang guro sa loob ng silid-aralan, may natutuhan din si
Nene sa kaniyang mga mag-aaral: ang sining ng mga patalastas.
“Kung ang isang baso ng suka sa Nene’s Sari-sari Store ay piso at ang isang baso ng
toyo ay dalawang piso, ilan dapat ang dadalhin mong pera sa Nene’s Sari-sari Store
kung bibili ka ng dalawang baso ng suka at tatlong baso ng toyo?” Kapag hindi na rin makapaghintay si Nene na pumunta sa kaniyang tindahan ang mga mag-aaral, siya na
mismo ang nagdadala ng paninda sa paaralan. Isang balot ng mani sa presyong dalawang
piso, pulboron na tatlong piso ang isa, tuwing recess.
Katulad ng mga naunang pinasok na negosyo ni Nene sa umpisa lamang naging malago,
bumaba ang benta noong halos bawat madaanang kanto ay may nakatayo nang sari-sari
store at kung minsa’y may karinderya pa sa harap. May Nita’s Sari-sari Store, Tindahan
ni Aling Prising, Jovy’s Mini-Mart, at kung ano-ano pang pangalan. Ang listahan din
ng utang ay kasinghaba na ng pinagdugtong-dugtong na mga ahas, buntot sa ulo,
na natatagpuan uma-umaga sa kalsada, na yupi sa pagkakasagasa ng mga sasakyan.
Nandoon na pala si Oryol noon pa lamang, hindi ko lamang napansin: sa mga ahas
na nabulabog ng mga engkuwentro ng NPA at Konstabularyo sa kasukalang kanilang
tirahan, nagsilabasan upang masagasaan lamang at magsabog ng dugo at lamang-loob sa highway ng Sagrada.
Sa kabila ng hirap at pagod na ibinuhos ni Nene sa paglalako ng kaniyang paninda sa
mga estudyante, hindi pa rin niya mapantayan ang kinita niya sa pag-aalaga ng manok at
baboy. Nawalan siya ng gana.
Muli na lamang nabuhayan si Nene nang dumating si Mr. Edwards sa Sagrada.
Naghahanap ang Amerikano ng matutuluyan sa loob ng isang buwan. Hindi nag-atubili
ang mag-inang Nene at Selya na patuluyin siya sa kanilang malaki ngunit lumang bahay.
“Dagdag na kita!” paliwanag noon ni Nene na hindi naman tinutulan ni Selya na noon na
naman lamang nakatagpo ng Amerikano.
Isang turista ang pakilala ni Mr. Edwards. Ngunit hindi ang Bulkang Mayon ang ipinunta
niya sa Bicol kundi ang Daro-anak sa Pasacao. Sinabi nila sa kaniya noon na higit na
maganda kung umupa na lamang siya roon mismo sa Pasacao dahil may kalayuan din
ang Sagrada. Dalawang oras mahigit ang biyahe papuntang Daro-anak magmula Sagrada.
Katwiran naman ni Mr Edwards, marami na raw tao doon at mahal ang mga paupahang
kuwarto. Ang ibinayad niya kay Selya at kay Isko, ang inupahang tagapaghatid-sundo ni
Mr. Edwards sa Pasacao ay higit na mababa kaysa sa ipambabayad niya sa renta doon.
Nagtitipid din pala ang mga Amerikano, naisip ko noon.
Misyon daw ni Mr. Edwards sa buhay na gagawin niyang sikat ang Daro-anak sa buong
mundo. Isang pulo sa Pasacao ang Daro-anak. Kakaiba ang pulo dahil parang isang bukid
na nagkataon lamang na ibinagsak sa kapatagan ng dagat. Parang naligaw na kapatid ng mga luha ng higante na naging Chocolate Hills ang Bohol. Walang puno. Lahat talahib at
damo. May kalayuan ang pulo sa pinakamalapit na pampang. Pangarap ni Mr. Edwards
na languyin ang ilang milyang papunta at pabalik sa Daro-anak nang walang tulong sa
anumang kagamitan sa paglalangoy. Dahil dito magiging sikat daw siya bilang taong
kayang makalangoy nang pulo sa pulo sa Guinness Book of World Records. Hindi lamang
daw siya ang sisikat pati na rin ang lugar ng Daro-anak.
Nang buong buwan ngang iyon ng Oktubre, dalawang beses bawat linggong inihahatidsundo
ni Isko si Mr. Edwards sa Daro-anak. Ginawa na ring assistant ng Amerikano si Isko
na susundan niya sa paglalangoy sa isang bangka. Para sa kapakanan ni Mr. Edwards,
kapag hindi na kaya ng kaniyang limampung taong gulang na katawan, sasakay na
lamang siya sa bangka ni Isko at muling sisimulan ang isa pang pagsubok.
Sa mga kuwento ni Isko kung paano halos malunod na si Mr. Edwards sa kalalangoy,
naawa na kaming mga taga-Sagrada. Pinayuhan namin siyang kung talagang gusto niyang
marating ang pulo ng Daro-anak, hintayin na lamang niya ang takipsilim sa Pasacao. Sa
pagkati ng tubig sa dapithapon may lumilitaw na tulay na lupa na nag-uugnay ng Daroanak
sa dalampasigan. Higit na kahanga-hangang pakinggan na nilakad ng isang tao ang
pagitan ng dalawang pulo kaysa sa nilangoy. Hindi nga lang namin maintindihan kung
bakit ayaw pakinggan ni Mr. Edwards ang aming payo.
Hindi nagtagal at nakasanayan na rin namin ang paulit-ulit na pamamalagi ni Mr.
Edwards sa Sagrada nang isang buwan, tuwing Oktubre. Naging masaya na rin ang lahat
para sa dagdag na kabuhayan nina Isko, Selya, at Nene. Napalitan na ni Cory Aquino
si Ferdinand Marcos at ni Fidel Ramos si Cory Aquino sa pagkapangulo ng Filipinas,
naroon pa rin si Mr Edwards, nangangarap pa ring makasama sa Guinness Book of World
Records.
Subalit hindi nakapagtatakang umabot nang ganoon katagal si Mr. Edwards sa kaniyang
pangangarap dahil may lumabas na tsismis na hindi naman daw talaga ito ang pangarap
ng Amerikano.
Hindi lamang mani at pulboron ang ibinebenta ni Nene sa kaniyang mga estudyante.
May mga plastik na baril-barilan na rin, mga eroplano, tren, mga tangke, at kung
ano pang mga laruan. Nagreklamo ang mga magulang na dapat itigil na ni Nene ang
pagtitinda. Lalong-lalo na raw iyong plastik na baril na nalalagyan ng maliliit na balang
plastik. Baka raw makabulag sa mga anak nila.
Muling nakita ni Nene ang kasaganaang naramdaman niya sa panahon ng pagmamanukan at pagbababuyan. Hindi pumayag si Nene sa gusto ng mga magulang
na pinangangambahan ang pagkabulag ng kanilang mga anak. Ang ginawa na lamang
niya ay umorder kay Mr. Edwards ng mga baril na tubig ang bala. Manghang-mangha
ang mga estudyante dahil kulay-pula ang tubig. Kaya kapag natatamaan nila ang kanilang
kaaway, parang duguan talaga ang damit ng mga ito. At pagkatapos lamang ng ilang
minuto maglalaho ang dagta at makauuwi silang hindi mapapagalitan ng kanilang mga
labanderang ina.
Hindi na rin nakapagreklamo ang mga ina lalo na nang magbenta si Nene ng mga
hulugang t-shirt, pantalon, at sapatos sa kaniyang sari-sari store na umabot sa pagiging
boutique kinalaunan. Umorder din si Selya ng payong kay Mr. Edwards nang lubusan
na niyang maagaw ang mga mamimili sa Bombay na naging kaaway niya noon.
Walang nagawa ang Bombay kundi ituon na lamang ang kaniyang pagnenegosyo sa
pagpapautang ng five-six.
Ang talagang pangarap daw ni Mr. Edwards ay ang pagkakaroon ng mapagbebentahan ng
mga laruan, damit, at iba pa, at hindi ang pagkakasali sa Guinness Book of World Records.
Pinili niya ang Sagrada, hindi dahil palaging inaantok dito ang mga pulis at walang
panahon upang tuntunin ang pinagmulan ng mga payong, kalan, at kobrekama, kundi
dahil naniniguro lamang talaga si Mr. Edwards na may kakagat sa kaniyang mga produkto.
Alam niya na habang lumalayo siya sa kabihasnan ng lungsod, higit na maibebenta niya
ang kaniyang mga produkto.
Ang sabi naman ng iba, na naniniwala na ang puso ni Mr. Edwards ay kasimputi ng kaniyang kutis, si Nene ang may kasalanan ng lahat. Si Nene raw ang nagsulsol kay Mr.
Edwards na magdala ng mga imported na bilihin. Ang patunay daw nila: sa ikalawang
buwan lamang nagsimulang magbenta si Mr. Edwards at hindi sa una. Baling naman ng
mga naniniwala na sing-itim ng mga Agta ang puso ni Mr. Edwards, tiningnan lamang daw
kasi niya kung talagang may pera nga sa Sagrada noong unang buwan kaya wala siyang dala. Kinausap ko minsan si Nene. Sa kaniya ko nalaman ang kuwento ng Amerikano.
Tumakas daw si Mr. Edwards sa Amerika nang sumiklab ang digmaan sa Vietnam
noong 1966. Hindi lang naman daw siya ang tumakas. Marami raw sila. Pinili raw niya
ang Filipinas dahil nandito ang base militar. Kapag nagbago raw ang kaniyang isip para
sa pagmamahal sa kaniyang bayan madali raw siyang makakatagpo ng mga kapuwa
Amerikano. Ngunit hindi nagbago ang kaniyang isip dahil natuklasan niyang maganda raw
palang magnegosyo rito sa Filipinas. Lalo niya itong napatunayan nang mawala si Marcos at nagkagulo ang Filipinas sa pamamahala ni Cory Aquino. Ang kailangan mo lamang
daw gawin ay pumunta sa mga liblib na baryo at doon magnegosyo. Abala ang lahat sa
mga kaguluhan sa siyudad at Maynila upang pakialaman pa sila.
Si Mr. Edwards ang may balak talagang magbenta ng imported doon sa Sagrada.
Nakipagsosyo lamang sa kaniya si Nene. Nang ibalita raw ni Mr. Edwards ang kaniyang
plano kay Nene, hindi raw nag-atubili si Nene. Sabi niya kay Mr. Edwards, bibilhin niya
ang lahat ng dadalhin nito sa Sagrada. Pakyawan nang wala nang problemahin si Mr.
Edwards sa pagbibenta at pagsingil ng pautang, hindi kagaya ng Bombay. Ngunit may
kondisyon: si Nene lamang ang bibentahan ni Mr. Edwards nang maging madali naman
sa kaniya ang paglalako sa mga produkto. Sumang-ayon naman agad si Mr. Edwards.
Hindi lang pala nagtitipid ang mga Amerikano, nagsa-sideline din, sabi ko na lang uli
noon sa sarili.
Ang pangarap naman daw ni Mr. Edwards na masama sa Guinness Book of World Records
ay pakulo lamang niya upang ituring lamang siyang suking turista kung sakaling may
magising na pulis sa kalam ng tiyan at makaisip mandelihensiya. Saka hilig daw talaga ni
Mr. Edwards ang lumangoy. Napakainit daw talaga sa Filipinas. Hindi na raw siya nasanay
kahit may ilang taon na ring naninirahan dito.
“Napakainit talaga rito sa Filipinas,” pagsang-ayon naman ni Selya sabay paypay ng
kaniyang abaniko.
Hindi lamang si Nene noon ang nabuhayan sa pagdating ni Mr. Edwards. Pati na rin si
Selya. Kahit nasa sisenta anyos na, nakuha pa rin niyang makipaglandian sa limampung
taong gulang na Mr. Edwards.
“Age doesn’t matter,” sabi noon ni Selya, kaya hindi siya mapagbabawalan.
“Age doesn’t matter!” sabi rin ni Nene at nangarap din siyang magkatuluyan sila ni
Mr. Edwards. At kung edad ang pag-uusapan, ang agwat ni Mr. Edwards kay Nene ay
sampung taon din katulad ng agwat niya kay Selya. Ngunit higit na maganda raw kung
mas matanda ang lalaki kaysa sa babae kaysa ang babae ang higit na matanda sa lalaki.
Higit na matagal daw tumanda ang pag-iisip ng lalaki.
Noon nagsimula ang away ng mag-ina. Higit na mapilantik pa sa dila ng ahas ang mga
dila nina Nene at Selya kapag nag-aaway sila. Ang tanda-tanda na raw ni Selya, sabi ni
Nene, naglalandi pa, gayong pumasok na raw sa menopause. Kapag dumarating naman si Mr. Edwards upang dalhan muli ng paninda si Nene at subukang languyin muli ang
Daro-anak, nawawala ang pilantik ng mga dila nina Nene at Selya.
Sa hapag-kainan, sa salas o kaya’y sa bakuran kapag maliwanag ang buwan,
kukuwentuhan ni Selya si Mr. Edwards tungkol sa kapanahunan ng mga Amerikano sa
Filipinas. Noong bago pa man dumating ang mga Hapon at kung paano siya niligawan ni
Mr. Smith. Sabi raw sa kaniya noon ni Mr. Smith, hindi raw siya nababagay sa Filipinas.
Higit na nababagay raw siya sa Amerika nang hindi na siya nagpapaypay ng abaniko nang ganoon kabilis. Saka ipakikita ni Selya kay Mr. Edwards ang kaniyang abaniko, na noon pa
ma’y punit-punit na sa palagiang paggamit.
“Napakarami nang ganiyan sa Maynila,” pansin noon ni Mr. Edwards sa wikang Ingles.
“Ginaya lamang nila. Dala ito ni Mr. Smith galing sa Amerika,” sagot naman ni Selya sa
baluktot na Ingles na natutuhan niya sa nasirang asawa.
“Gusto mo dalhan kita niyan sa sunod na pagbisita ko?”
“Basta yung galing sa Amerika!”
Subalit pag-alis noon ni Mr. Edwards hindi na siya nagpakita sa buong taon ng 1986.
Isa rin siguro ito sa mga nagbunsod kay Nene na pumunta sa Maynila nang magkagulo
sa EDSA, sabi ng ilan. Ngunit nakabalik na sina Nene sa Sagrada at natapos na ang
Rebolusyon sa EDSA at hindi pa rin nagpapakita si Mr. Edwards. Lumipas ang mga
buwan at hindi siya dumating. Nasingil na halos lahat ni Nene ang mga hulugan wala pa
rin siyang bagong maibebenta. Akala niya noon wala na si Mr. Edwards sa buhay nila.
Nalungkot si Selya dahil hindi na mapapalitan ang kaniyang antigong pamaypay.
Nang dumating ang buwan ng Pebrero, taong 1987, muling nagpakita si Mr. Edwards.
Isang palumpon ng pulang rosas ang dala niya at isang kahon ng tsokolate. Wala siyang
dalang abaniko. Ibinigay ni Mr. Edwards ang mga rosas at tsokolate kay Nene. Ibinigay ni
Nene ang tsokolate kay Boboy. Walang biyayang natanggap si Selya kundi isang scotch
tape upang pagtagpi-tagpiing muli ang kaniyang punit-punit na pamaypay.
Akala raw ni Mr. Edwards magkakaroon ng giyera sa Filipinas nang nakaraang taon. Hindi
raw siya makabalik-balik dito sa Filipinas sa takot. Ngunit ngayon at gumanda na ang
papawirin para sa negosyo bumalik kaagad si Mr. Edwards at may balak pang pakasalan
si Nene. Doon nagtapos ang away ng mag-ina. Nanahimik na lamang si Selya sa kaniyang
pagkatalo.
Hindi naman tumanggi si Nene sa balak ni Mr. Edwards gayong matagal na rin silang
magkakilala at naging magkasama na rin sila nang ilan taon. Napatunayan na rin noon
ni Nene na peke ang isinauling Birhen ng Peñafrancia noong 1972. Sa Birhen na nga
lamang siya umaasa at naniniwalaa noon, pagkatapos nawala pa. Wala na rin siyang
pakialam sa pakikibaka ni Benjamin na may ilang taon na ring patay. Lahat ng kaniyang
ipinaglaban at pinaniwalaan ay naglaho nang lahat. Kaya nang niyaya siyang pakasal ni Mr. Edwards, wala siyang makitang dahilan upang tumutol. Hindi raw sila rito sa
Filipinas magpapakasal. Sa Amerika raw. Dadalhin daw niya si Nene roon. Ngunit bago
sila magpakasal, kailangan na muna raw nilang palaguin ang boutique nila sa Sagrada.
Ang nais na ngayon ni Mr. Edwards ay hindi na lamang isang boutique kundi isa nang
department store.
Dinagdagan pa ni Nene ang mga binibili niya kay Mr. Edwards. Bilang patunay na
hindi siya niloloko ni Mr. Edwards, dinala siya nito sa Maynila kung saan daw sila
magbabakasyon. May sasabihin daw siyang lihim kay Nene. Hindi noon isinama ni Nene
si Boboy dahil nag-aaral na siya sa Mababang Paaralan ng Sagrada.
“Buo ang tiwala ko noon sa kaniya, Tiyong,” sabi sa akin ni Nene bago siya umalis
papuntang Amerika sa paghahanap kay Mr. Edwards. Nabigla raw siya nang sabihin sa
kaniya ni Mr. Edwards na ang mga ibinebenta niyang mga kaldero, laruan, at iba pa ay
binili lamang sa Maynila, sa Divisoria raw kung saan mura ang lahat ng bilihin. Ngunit
hindi naman daw iyon panloloko dahil galing naman daw talaga iyon sa ibang bansa.
Hindi nga lamang daw siya ang mismong nagdala sa bansa.
Sabi ni Mr. Edwards na makikipagsosyo na sila nang pormal, may kontrata, sa mga mayari
ng binibilhan nila sa Divisoria. Magtatayo raw sila ng department store sa Sagrada.
Uunlad daw ang Sagrada kapag naitayo nila ang tindahan. Dadayuhin daw sila ng mga
taga-ibang bayan. Ipapangalan daw nila kay Nene ang department store. Nabunyag din kay Nene ang isa pang sikreto ni Mr. Edwards. TNT raw kasi siya kaya hindi maaaring sa
kaniya ipangalan ang department store. Pagkatapos daw ng kanilang kasal, kukuha na lamang siya ng dual citizenship. Ngunit samantalang hindi pa siya Filipino, si Nene na
muna ang maglalakad ng lahat ng papeles ng itatayo nilang negosyo. Lalago raw ang
negosyo dahil paunlad na raw ang bansa. Bibili raw sila ng isang dyip na maghahakot ng
mga ibebenta nila sa Sagrada. Pagkatapos, hindi lamang daw sila sa Sagrada magtitinda;
pati na rin sa mga karatig-bayan.
Hindi ko noon alam kung ano ang iisipin ko, dahil hindi lamang pala mga Filipino ang
nagti-TNT.
Biglang-bigla noon si Nene sa mga lihim na ibinunyag sa kaniya ni Mr. Edwards.
Binantaan kaagad niya si Mr. Edwards. Hindi aasenso ang anumang negosyo sa bayan
ng Sagrada dahil ang mga tao rito ay parang mga aninong tagasunod lamang sa katawan
ng tao. Ngunit naalala ni Nene ang anino sa loob ng bahay na bato. Hindi anino,
pagwawasto niya. Higit na angkop na parang loro. Kung may sasabihin ka, ang gagawin
lamang ay ulit-ulitin ang sinabi mo nang walang iniiba. Kung walang ituturong bago,
wala ring matututuhang bagong salita. Ngunit hindi rin talaga katulad ng anino o ng loro
dahil kakaiba ang ganitong panggagaya sa bayan ng Sagrada. Hindi sa ginagaya lamang
talaga. Nais lamang talunin ang ginagaya. Parang mga talangka. Parang mga alimango.
Marahil aasenso sa unang mga taon ang itatayo nilang department store. Dudumugin pa
nga siguro ng mga tao, natitiyak na halos ni Nene. Ngunit kapag nalaman nilang galing
lamang sa Maynila ang mga ibinebenta, hindi malayong gagawa rin sila ng sarili nilang
department store. Ipagkakalat pa nila sa buong bayan ng Sagrada kung paano sila naloko.
Darating ang panahon na wala nang bibili sa kanila at sila-sila na rin mismo ang magaaway-
away para sa mga mamimili.
Ipinamukha rin ni Nene sa kaniya na ang tatlumpung taong walang ipinagbago ng maliit
niyang negosyo sa tulong ni Mr. Edwards ay sapat nang patunay na walang mangyayari sa
balak nila. Nakita rin siguro ni Mr. Edwards ang lohika ng paliwanag ni Nene, na dumaan
na sa panahon ng yelo, ng manok at baboy at sari-sari store. Mag-isa na lamang na
bumalik si Nene sa Sagrada at halatang-halata ang pagod sa kaniyang mukha. Susunduin
na lamang daw siya ni Mr. Edwards sa Pebrero ng susunod na taon.
“Naku, may nangyari sa Maynila,” paliwanag ng isa sa maputlang mukha ni Nene pag-uwi
niya.
“Inuna ang pulot-gata.”
“Aba’y siyempre! Baka napag-iwanan na nga ang babae ng panahon.”
Mahigit apatnapung taong gulang na noon si Nene.
Napakabilis na ng mga pangyayari ng mga panahong iyon. Hindi nagtagal at pinalalayas
na ng mga Filipino ang base militar ng Amerika sa bansa. Masyado na raw matagal ang
ipinirmi nila sa Filipinas. Masyado nang mapanganib para sa Filipinas na nandito ang base
militar ng Amerika. Maraming dahilan ang ibinigay.
Ikalawa ng Abril 1991 nang pumutok ang Bulkang Pinatubo pagkatapos ng anim na
daan at labing isang taong pagkakahimlay. Ang ulan ng abo, makalipas lamang ng ilang
araw, ay nakarating na sa Bicol upang ihatid ang balita kay Nene na hindi na darating si Mr. Edwards. Walang ibang nakakuha sa amin ng balita kundi si Nene lamang, dahil
abalang-abala ang lahat ng tao sa kapapasok ng mga basang sinampay. Sa pagdapo
ng mga abo sa mga basang sinampay natutunaw agad sila, dumidikit sa labada at
nagiging mantsa na hindi naman pinangambahan ng mga labanderang ina dahil kayangkaya
naman daw linisin nina Mr. Clean, Ajax, at Perla. Walang natataranta sa Sagrada
dahil kaya namang linisin ng tubig ang maimpis na abo sa halamanan, sa lupa, at sa
kalsada, hindi katulad sa mga abong umulan sa magkakatabing bayan ng Pampanga na nagpaguho sa hindi iilang mga gusali at kumitil sa libo-libong buhay.
Taong 1992 nang mapasakamay na ng Filipinas ang Subic Naval Base at Clark Air Base.
Kahit Disyembre pa ang palugit ng paglilipat, Setyembre pa lamang tapos na ang
lipatan. Dumaan ang mga taon nang hindi nagpapakita si Mr. Edwards. Lihim itong
ikinatuwa ni Selya. Akala niya’y matatalo na siya ng kaniyang anak sa pangangasawa ng
isang Amerikano. Mabuti at anak niya ang niligawan at iniwan. Ngayon ay amanos na
sila. Kapuwa na nila alam ang nararamdaman ng isang naloko.