Free Essay

Maikling Kwento

In:

Submitted By jenx
Words 1304
Pages 6
MAIKLING KWENTO: PANANALIG AT PANANAMPALATAYA
Ni: Jenelyn O. Desalisa

Sa isang malayo at tagong lugar sa Pilipinas, tahimik na naninirahan ang mag-asawang sina Caridad at Cardo. Sa paninilbihan ni Cardo sa Panginoon bilang isang pastor, palipat-lipat ng lugar na tinitirhan ang mag-asawa upang ipalaganap ang mabuting balita na nanggaling sa Amang dakila. Sa paglilibot ng mag-asawa ay natagpuan nila ang Baryo malaboy at doon naisip nilang permanenteng manirahan dahil na rin sa kakaibang natagpuan nila sa lugar. Kakaiba ang Baryo malaboy, tahimik na tahimik ang lugar na ito lalo na kapag malapit ng magtago ang araw kaya nais ng dalawang alamin ang bumabalot sa lugar, dito nagtayo sila ng maliit na sambahan na sya na ring nagsisilbi nilang tahanan. Sa ilang buwan nilang paninirahan dito ay unti-unti nilang nakikilala ang lugar at mga taong naninirahan din dito. Kung ilalarawan ang lugar na mala paraiso dahil sa dami ng puno at halaman, para itong isinumpang lugar sapagkat karamihan sa naninirahan dito ay kriminal dahil ito pala ang nagiging takbuhan ng mga may atraso sa batas, mayroon ring plantasyon ng marijuana sa lugar. Naging hamon ito para sa mag-asawa, ngunit kahit na papaano ay mayroon din sakanilang sumanib na ilang pamilya. Dahil sa pagnanais na baguhin ang lugar, dito na sila nabiyayaan ng mga anak, tatlong lalake at isang babae, si Jojo ang panganay, si Lenlen ang ikalawa at nag-iisang babae, si Ding ang pangatlo at si Dodong naman ang bunso. Tumagal ang panahon at dito na sila nanatili, nagging maayos naman ang kanilang pamumuhay bagamat pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay dahil ang nakukuha nila sa sambahan ay ipinang-aayos nila dito. Minsan naman ay ibinabahagi nila sa mga taong nangangailangan ng tulong, iginagalang naman ang kanilang pamilya dito. Isang gabi habang naglalakad si pastor Cardo sa masukal na daan patungo sa kanilang bahay ng marinig niya ang mga nagmamadaling yabag ng papalapit na mga paa at tila nagsasagutan, nagkubli si Pastor Cardo sa isang malaking puno ng mangga at nagulantang siya sa kanyang nakita, buhat-buhat ng dalawang lalake ang isang hindi makilalang bangkay, ng dumaan ito malapit sa puno ay nakilala niya ang isa sa lalaki, ito pala ang kapitbahay niyang utusan ng isang Gobernador ng kanilang lalawigan at ng makalayulayo ang mga ito sa kinaruroonan niya ay tinanaw nya parin ito hanggang sa Makita niyang inililibing ng mga ito ang bangkay. Kinaumagahan hindi ni Cardo malaman ang gagawin, ayaw niya itong ikuwento sa kanyang pamilya dahil ayaw na niyang masangkot ang mga ito sa gulo, ngunit hindi niya alam kung magsusuplong ba siya sa kinauukulan, iniisip niya ang kapakanan ng kanyang pamilya, baka mapahamak ang mga ito. Minabuti ni Cardo na magdasal at kinausap ang Panginoon. Nagdisisyon si Cardo na magsuplong sa kinauukulan tungkol sa kanyang nasaksihan kagabi dahil iyon ang tama, kaya isinuplong niya ang kanyangkapitbahay na si Tomas, agad naming nahuli si Tomas at nalaman nilang ang pinatay pala nito ay ang mayamang intsik na may-ari ng plantasyon ng pagawaan ng shabu sa kanilang lalawigan at nalaman ring ang Gobernador sa kanilang lalawigan ang nagpapatay dito sapagkat hindi pala nagkasundo ang Intsik at Gobernador sa nais nitong partehan nila sa negosyo. Ngunit nakalabas na pala ng bansa ang Gobernador at nagtatago na kaya siya ay nabahala para sa kanyang pamilya, alam niyang maraming galamay ang Gobernador. Dumaan ang mga araw ay naging tahimik naman ang kanilang buhay, hindi na rin siya nangangamba sapagkat malakas ang pananampalataya nila sa Diyos. Isang gabi ng pag-uwi niya sa kanilang bahay ay natanaw niyang maraming tao sa kanila at may mga pulis, hindi niya alam ang nangyayari kaya’t nagmadali siya, at ng makalapit ay agad siyang napitlag sa kinatatayuan, dali-dali siyang pumasok, nanlumo siya sa nakikita at hindi malaman ang gagawin, nakabulagta ang kanyang tatlong anak at asawa, naliligo sa sariling dugo ang mga ito at wala ng buhay, parang gumuho ang mundo niya, nanlalamig, pinagpapawisan, nanginginig sa galit, napaangat ang kanyang mukha at napatingin sa kaliwa, nakita niya ang kanyang anak na babae na nakaupo, nanghihina at wala sa sarili, agad niya itong nilapitan, sabi ng mga pulis ay parang pinagsamantalahan ito dahil natagpuan nila ito sa isang kwarto na walang saplot at may mga bakas na dugo sa kama, sinubukan rin nila itong kausapin ngunit hindi ito nagsasalita. Awang-awa si Cardo sa kanyang anak na babae, nagagalit siya sa Panginoon dahil pinabayaan ang kanyang pamilya, naisip niya na sa kabila ng kanyang tapat na paglilingkod ay nagawa nitong abandunahin ang kanyang pamilya. Nawalan ng pananampalataya si Pastor Cardo sa Panginoon dahil sa sinapit ng kanyang pamilya, magdadalawang buwan na matapos mailibing ang kanyang asawa at tatlong anak . Hindi na niya binuksan ang sambahan at hindi na rin siya nagtuturo ng salita ng Diyos, hindi na siya naniniwala sa Diyos. Si Lenlen, ang kanyang anak na babae ay tuluyan ng nawala sa katinuan matapos ang trumang sinapit, hindi na raw kinaya ng utak ni Lenlen ang mga pangyayari kaya nagbreakdown ang kanyang utak. Matapos ang mga pangyayari ay wala parin nangyayari sa imbestigasyon sa kaso ng kanyang pamilya, nais ni Cardo na mabigyan ng hustisya ang kanyang pamilya ngunit hanggang ngayon ay hindi parin malaman kung sin o ang may kagagawan ng krimen. Ang hinala niya ay ang Gobernador ang may kagagawan nito sa kanyang pamilya dahil tanging ito lang ang mayroong motibo, tanging sa Gobernador lamang siya may atraso. Lumipas ang mga taon ay hindi parin nila makamtan ang katarungan. Nakabalik na ng Pilipinas ang Gobernador at hanggang ngayon ay Malaya parin ito, para bang nakalimutan na ng awtoridad na mayroon itong pananagutan sa batas. Ang kanyang anak na si Lenlen naman ay dinala sa Amerika ng kaibigang Pastor ni Cardo para doon ipagamot, ayaw sana niyang pumayag ngunit tama ang kanyang kaibigan na mas gagaling si Lenlen sa Amerika at iniisip niya ang kapakanan nito. Hindi na nakapaghintay si Cardo para sa hustisya, siya na mismo ang kikilos para mahanap ito, kaya pinagplanuhan niyang maigi ang gagawin, bumili siya ng mga armas para sa paghahanda at naghintay siya ng tamang pagkakataon para makaharap ang Gobernador. Nang dumating ang pagkakataon na dumalaw ang Gobernador ng Pista sa kanilang Baryo kaya’t hindi na niya pinalagpas ang panahon, nagkaharap sila ng Gobernador ng mapag-isa ito, sinunggaban niya ito at tinutukan ng baril, sa una ay ayw nitong aminin ang ginawa sa pamilya ni Cardo ngunit dumatin g ang mga tauhan ng Gobernador at pinukpok siya sa ulo at naagaw ang kanyang armas. Hinawakan siya ng mga ito upang hindi makakilos, sinapak si Cardo ng Gobernador at parang demonyong tumawa, sinabi nit okay Cardo ang lahat; ang ginawa sa kanyang pamilya at nagtagis ang mga bagang ni Cardo at nagpumilit itong magpumiglas, naagaw niya ang baril sa utusan at binaril ang Gobernador, binaril din siya ng tauhan ng Gobernador at nawalan na siya ng ulirat. Isang taon ring naratay si Cardo sa ospital, na comatose ito dahil sa tama sa ulo, milagro ang nangyaring nabuhay pa siya, hindi makapaniwala ang lahat. Sumalubong kay Cardo ang mga magandang balita, nakamit na nila ang hustisya dahil matapos ang pangyayari ng siya’y mabaril ay nakulong na rin ang Gobernador dahil sa dami ng kaso ay nahatulan ito ng habambuhay na pagkakakulong at hindi pinapayagang makapagpiyansa kaya tiya’k na mabubulok na ito sa bilangguan. Ang kanyang anak naman na si Lenlen ay magaling na at nalagpasan na ang trumang sinapit, sa katunayan ay nakauwi na ito sa kanilang baryo. Muling nanumbalik ang pananalig at pananampalataya ni Cardo sa Panginoon, lumipat silang mag-ama ng tirahan para makapagsimula ng panibagong buhay at tuluyan ng makalimutan ang bangungot sa kanilang buhay. Sa tulong ng mga kaibigang pastor ay nakapagsimula silang muli at muling nagturo si Cardo ng salita ng Diyos at ngayon ay mas lalong tumibay ang kanyang pananampalataya.

Similar Documents

Free Essay

Doc, Docx, Pdf, Wps, Rtf, Odt

...BALANGKAS NG PAGSUSURI Pagsusuri sa maikling kwento na “Ang Mundo sa Paningin ng Isang” ni Rogelio L.Ordonez ganit ang Balangkas ni Prop. Nenita Papa I. A. PAMAGAT NG KATHA AT MAY-AKDA “Ang Mundo sa Paningin ng Isang” ni Rogelio L. Ordonez. Isang maikling kwento na nagpapakita ng isang uri sa lipunan. Mga taong nagtitiis at pilit na nilalabanan ang kahimagsikan ng isang makapangyarihang na unti-unti silang sinasakop. B. SANGGUNIAN www.plumaatpapel.wordpress.com Ni Rogelio L. Ordonez (http://plumaatpapel.com) II. BUOD Ang kwento ay tungkol sa malupit na si Don Miguelito na kung saan ay may pagmamay-ari ng dalawampu’t libong lupain ng tabako na minana ng kanyang pangalawang asawa. Lumaki na talaga si Don Miguelito sa marangya at saganang pamumuhay, sa murang edad rin siya naulila matapos mamatay ang kanyang mga magulang. Masasabi ngang matigas ang puso ni Don Miguelito dahil sa labis nitong kalupitan at walang awang pangmamaliit sa kanyang mga trabahador gaya ng buong araw na pagtatrabaho na wala na sa tamang oras, mababang sahod at kung ika’y nga’y magtatangkang magreklamo sa kanyang patakaran ay papuntahin kana sa kahera at maaari mo ng kunin ang iyong huling sahod. Ngunit naglakas loo ang mga kanyang magagawa na nagplanong gumawa ng unyon para maipaglaban ang kanilang hiling at nais na mabago na ang baluktot na pagtrato sa kanila ni Don Miguelito. Ngunit labis na kumunot ang noon at kumulo ang dugo nito ng malaman niya ang ginawa ng kanyang...

Words: 1874 - Pages: 8

Free Essay

Filipino

...papel sa panayam o kumperensya- makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan. Parte ng talumpati A. Panimula * pagbati * pagbukas ng paksa B. Paglalahad * ipaliwanag ang paksa C. Paninindigan * mga ebidensiya ng nagtatalumpati D. Pamimitawan * pangwakas na bati Mga kasangkapan ng tagapagsalita o mananalumpati 1. Tinig 2. Tindig 3. Galaw 4. Kumpas ng mga kamay Maikling kwento * Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Mga bahagi ng maikling kwento 1. Panimula ay ang bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang maging...

Words: 2105 - Pages: 9

Free Essay

Isang Pagsusuri Sa Akdang Si Intoy Siyokoy Ng Kalye Marino Ni Eros Atalia Jose Amiel Galvez-de Jesus

...Atalia ni: Jose Amiel Galvez-de Jesus Ang Intoy Siyokoy ng Kalye Marino ay isang maikling kwento na isinulat ni Eros Atalia. Sa pagbasa mo pa lang ng pamagat, malalaman mo ang bida sa istorya ay si Intoy Siyokoy at siya ay nagmula sa Kalye Marino pero matatanong mo sa sarili mo kung ano nga ba ang larawan ng Kalye Marino. Pinapatotohanan ng akda na laganap pa din ang kahirapan sa ating bansa, yung iba, sumisisid ng malalim para lamang may maipangtustos sa pangaraw-araw na pangangailangan, kagaya ni Intoy. Ang iba naman ay pumapayag maging prosti, tulad ni Doray dahil malaki nga naman ang kita sa pagpuputa. Ito ay ilan lamang sa malalang problema ng ng ating lipunan ngayon. Malinaw at naging maayos ang transisyon at takbo ng kwento. Gumamit si Eros ng ilang mga balbal na salita, dahil mas makukumbinsi ang mga mambabasa na ganito nga magsalita ang mga taga-Kalye Marino. Kadalasan, mga nasa lower class ng ating lipunan ang gumagamit ng mga balbal na salita. Inilarawan ni Eros ang Kalye Marino bilang isang lugar ng kahirapan at mga taong may iba't-ibang pananaw sa buhay. Mga taong gagawin ang lahat maabot lang ang pangarap nila. Pakiramdam ko ay nagbabasa ako ng mga award-winning na libro mula sa ibang bansa dahil kagaya ng mga imported na libro, nailarawan niya mabuti ang kapaligiran ng bawat eksena sa kwento. Nadadala niya ako sa panibagong mundo. Ang aking puna lang sa maikling kwento ay ang paggamit ng mga mura. Para sa akin, hindi ito opensibo dahil aaminin ko, ako...

Words: 547 - Pages: 3

Free Essay

Gjjl; Jop

...Pagsusuring Pampanitikan: Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda 03/05/2013  Pagsusuring Pampanitikan Suyuan sa Tubigan I. Panimula Ang panitikang susuriin ay maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang maiksing salaysay na tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan at problema lamang. Ang maikling kwento ay may limang uri, ito ay ang trahedya, komedya, satira, romansa at realismo. II. Pormalistiko A. Buod Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ng kasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip. Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan...

Words: 673 - Pages: 3

Free Essay

Research Paper

...mapadali natin ang mga bagay-bagay.     Nais iparating sa atin ng manunulat na si Romano Redublo sa kanyang pahayag na habang tumatagal nagiging “Mainipin” na ang mga Pilipino. Dahil dito ang Dulang-Kagyat o Ten Minute Play ay naimbento ng mga manunulat upang matangkilik muli ang mga dula na ipinapalabas sa entablado.             II. Kahulugan ng mga Termino Alien- Kakaibang nilalang Antolohiya- Collectanea Balangkas- Iskeleton ng sulatin, ito man ay simple o mahaba. Bodabil- Isang uri ng samu’t-saring libangan na laganap sa mga entablado ng Estados Unidos at Canada simula pa noong 1880 hanggang 1930. Bugnutin- Tamad Coordinator-Taong umaasikaso sa isang okasyon Dagli- Isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kwento Diskriminasyon- Pagtatrato sa isang tao ng masama dahil sa kanilang lahi, kapansanan, kasarian o iba pang pampersonal na katangian Diskuro- Diskusyon Dula- Isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda Dulang-kagyat- Ten-minute play Duplo- Isang larong may paligsahan sa pagtula kaya maaaring mauring tulng patnigan. Feminismo- Tumutukoy sa prinsipyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at lalaki sa pagtamasa ng karapatang sosyal, ekonomiko at politikal Figurative- Pinakaanyo; pinakawangis Gay Feminist Haikku- Tatlong taludtod lamang at...

Words: 1703 - Pages: 7

Free Essay

Rtf.Doc

...Ang Ningning at Ang Liwanag Emilio Jacinto Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya. Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang isang pusong sukaban. Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay. Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag. Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita. Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan...

Words: 937 - Pages: 4

Free Essay

Dfghjk

...magpakilala ng kaugalian.katulad ng tatay ni Openg at Kristal nangbubugbog kahit may kasalan Ang tao binubugbog o wala katulad nong nahuli siya ni OPeng at nang nanay niya sa Pang-aabuso sa anak niya at nagalit pa at binugbog pa ang aswa ni MAIKLING BOUD Ang kwetong Taguan ay tungkol sa karanasan ng dalawang mag kapatid na Sina Openg at Kristal. Sa simula ng kwento, naglalaro ng taguan ang dalawang magkapatid na sina Openg at Kristal. Sa mga panaginip ni Openg inilahad ang mga karanasan nilang magkapatid sa buhay.Sa unang bahagi ng kwento ipinahayag ang karanasan ni Openg sa kanyang Ama,Ina at Kapatid habang sa bandang katapusan ng kwent naman inilahad ang kwentong karanasan ni Kristal.Sa kataposan ng Kwento muli naglaro ng taguan ang dalawang magkapatid. Ang kongklusyon ng teksto para saakin ay nakakaawa at nakakainis kaya ko nasabi na nakakaawa dahil sa mga nangingiyari sa mga mag-ina sa kwento katulad ni Openg at Kristal nagpapakahirap sa pagtatrabaho samanta ang tatay nila ay naglalasing lang at kinukuhapa yung paninda ni Openg na kanyang puhunan sa pagtatrabaho. At katulad din kay Milet iniwan sila nang tatay niya at kay Nok nok din iniwan din nang kanyang tatay na Pulis. At kaya ku naman nasabi na nakakainis dahil Ang mga tatay sa kwento ay parang hindi nila pinapahalagahan ang kanilang mga anak at minsan din inaabuso nila ito ng walang kamalay malay dahil sinasabi nila rito ay laro lang kaya naman ang mga anak ay nakakagawa ng masasamang bagay sa kanilang tatay.katulad...

Words: 351 - Pages: 2

Free Essay

I Dont Have Any

...thesis at iba pang nakakaluka na Gawain sa paaralan. Kapag kasi bata ka simple lang ang buhay mo,dahil simple lang din naman ang tingin at pananaw mo sa mga bagay bagay sa paligid. Malaya kang maglaro, Malaya kang magkamali, Malaya kang magsaya dahil Malaya ka sa resposibilidad Masarap talagang maging bata.Di natin maitatanggi na marsmi sa atin ay gusto nalang manatili sa pagigig musmos. Ngunit hindi na maaari dahil labag na ito sa sikolo ng buhay. Masasabing masuwerte ka kung masasabi mo na nasulit mo ang iyong pagkabata. Dapat mo itong ipagpasalamat dahil mayroong mga tao na hindi nakaranas ng kasiyahan sa kanilang kamusmusan. At isang halimbawa ang batang si Celso. Genre ng Panitikan: Ang “Paalam sa Pagkabata” ay isang maikling kwento na salin ni Nazareno D. Bas sa “Panamilit...

Words: 2676 - Pages: 11

Free Essay

Kaspil

...01/22/12 MGA MAKASAYSAYANG LUGAR SA LUNGSOD NG TAGUIG (B) Ano nga ba ang meron sa Lungsod ng Taguig na sa atin ay di pa natin natutuklasan bukod sa kaalaman na andito ang pinakakilalang barangay ang Fort Bonifacio na labis kinamamanghaan nating Pilipino pati na rin ng ilang mga turistang dumadayo dahil sa andito ang Market 2x, Serendra, Bonifacio High Street, Mckinley Hills at marami pang ibang atraksyon ang matatagpuan dito. Idagdag na rin ang nagsisilakihang gusali, magagarbong bahay at ilang mga istatwa na matatagpuan dito, syempre hindi rin mawawala ang Libingan ng mga Bayani na kung saan halos 33,250 sundalong namatay sa pagdepensa sa Bataan ang nakalibing dito. Iilan pa lamang ito sa mga pook na matatagpuan sa Taguig na naging malaki ang parte sa pag-usbong ng lungsod ngunit ito nga lang ba ang dapat ipagmalaki ng mga Taguigeño? Halina’t alamin pa ang ibang pook na nagsisilbing tanda sa kung ano ang Taguig sa nakaraan. Ang Lungsod ng Taguig sa ngayon ay binubuo ng 28 na barangay na nagngangalan Fort Bonifacio, Pinagsama, Western Bicutan, North Signal, Central Signal, South Signal, Upper Bicutan, Maharlika, New Lower Bicutan, Central Bicutan, Lower Bicutan, North Daanghari, Bagumbayan, Proper Tanyag, South Daanghari, Ususan, Tuktukan, Bambang, Katuparan, San Miguel, Hagonoy, Ligid-Tipas, Ibayo-Tipas, Napindan, Palingon-Tipas, Calzada-Tipa, Sta. Ana at Wawa. Sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa 28 na barangay, natuklasan ko na may ilang makasaysayang pook na halos ilang...

Words: 492 - Pages: 2

Free Essay

Dada

...PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO PAMUMULAKLAK Consolacion L. Mantaring MGA TAUHAN: Pangunahing Tauhan: Roberto Miraflores- lalaking dati’y isang utusan na pumatay ng tao na nakapagbagong buhay. Rosario de la Paz- maganda at batang-batang ina na balo, na mapapangasawa ni Robing. Pangalawang Tauhan: Martin de la Paz- kapatid ni Rosario na isang mapagsamantala. Eduardo Mirasol- mayamang ginoo; inutusan si Robng upang pumatay ng tao. Delfin Mirasol- kapatid ni Eduardo na asawa ni Tesa. Tesa- balo na may dinadalang sanggol sa sinapupunan at gusting ipapatay ni Eduardo. Totoy- sanggol na nagpanagong buhay kay Robing. A. TAGPUAN: Sampalok B. Buod: Isang maganda at batang-batang ina ang katabi ni Robert Miraflores sa upuang pantatluhan ng tren. Hawak nito ang isang sanggol. Nagkaugnay ang mga paningin nila ng sanggol, ngumiti ito nang buong kawalang-malay, nagpapalag at nang biglang nakahulagpos ang isang kamay ay umaragwad sa kanyang dako sabay hawak at sabunot sa kanyang buhok. Sa nangyaring iyon may dalawang magkaibang larawan ang napatambad sa paningin ni Robing. Ang sa sanggol ay kapayapaan at kawalang-malay; ang sa inaay pag-aandukha, unawa at pag-ibig. Habang nasa biyahe, nakilala nito ang kapatid ni Rosario na si Martin at sa pag-uusap nila nabanggit ni Robin gang kanyang pakay at agad naman nitong inalok na doon nalang sa Sampalok magtuloy at doon nalang magtrabaho. Pumayag naman si Robing at nakituloy sa kania. Mag-iisang taon na ring nakikipanuluyan si Robing sa bahay ng...

Words: 1067 - Pages: 5

Free Essay

Pakikinig

...PAKIKINIG A. Kahulugan Isa sa makrong kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip. (Bernales, 2000). Isang aktibong proseso na nagbibigay daan sa indibibwal upang pag-isipan, pagnilay- nilayin, analisahin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salita. B. Kahalagahan 1. Pagtamo ng karunungan at impormasyon 2. Katulong sa pakikisangkot at pakikisalamuha 3. Nagbibigay ng kaligayahan at kawilihan Kailangang matuto ang isang tao sa epektibo at kritikal na pakikinig upang magkaroon ng: 1. Karunungan 2. Impormasyon 3. Pakikisangkot 4. Kawilihan 5. Kaligayahan Ayon kay Sigbad (1979) 60% ng pang-araw-araw na gawain ay pakikinig at ¼ hanggang 1/3 nito ay kaagad na nakakalimutan pagkatapos makita o marinig. C. Proseso 1. Pagtanggap ng mensahe – tainga 2. Pagtuon ng atensyon sa tinanggap na mensahe – pagmamasid sa di-verbal cues 3. Pagbibigay-kahulugan sa mensahe – dating kaalaman at karanasan 4. Pagmememorya – pagtanda at paggunita sa mensaheng tinanggap 5. Pagtugon sa mensahe – reaksyon o sagot; direktang ugnayan sa isa’t isa D. Layunin ng Pakikinig 1. Para malibang - di-nangangailangan ng masusing pakikinig - Hal. dula sa radio, telebisyon at iba pang palabas - masayang pakikipagkwentuhan sa kaibigan at kakilala 2. Makapagnilay-nilay o makapag-isip - tungkol sa sarili, mga karanasan sa buhay - hal. sermon ng...

Words: 1200 - Pages: 5

Free Essay

Mystery Egg

...PAGSASALITA • Sa apat na makrong kasanayan, ang pagsasalita ang kauna-unahang natututnan ng tao. • Ang isang bata ay natututo ng limanlibong (500) salita bawat taon o labintatlong salita bawat araw. Mula sa isang salita hanggang sa maging dalawa, patungo sa telegrapiko, hanggang sa makadebelop ng proseso sa ponolohiya at pagsasatinig ng mga salita, lumilikha ang mga bata ng mga salita na nagiging kagamitan niya sa pagpapahayag. HAKBANG SA PAGSASALITA • Pag-iyak - kapanganakan • Cooing - 6 na lingo • Babling - 6 na buwan • Intonasyon - 8 na buwan • Isang salita - 1 taon • Dalawang salita - 18 buwan • Salita (word inflection) - 2 ¼ taon (3 taon – 3 buwan) • Tanong negatibo - 5 taon • Matyur na salita - 10 taon MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA A. Kaalaman – “you cannot say what you do not know.” Kaya kailangan ang kaalaman sa mga sumusunod: 1. paksa ng usapan 2. bokabularyo 3. gramatika 4. kulturang pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura at kultura ng iyong kausap B. Kasanayan – kailangang linangin ang mga sumusunod na kasanayan 1. kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamabilis na panahon 2. kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pananalita 3. kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre C. Tiwala sa sarili – ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa sarili ...

Words: 2675 - Pages: 11

Free Essay

The Heart of a Friens

...Proyekto Sa Filipino III Ipinasa ni: Kimberly F. Caacbay Ipinasa kay: Gng. Maria Aurora Dizon Yr & Section: 3- Apo Petsa: Agosto 1,2011 Isang Umaga............. “Bilisan mo diyan, Akane ! Mahuhuli na tayo sa klase !”sigaw ni Keiko “Teka lang, magsasapatos na lang ako!”aniya ni Akane Si Akane at Keiko ay matalik na magkaibigan. Sila’y nagkakilala noong apat na taon pa lang sila. Ngayon, sila’y nasa Ikatlong antas ng Sekondarya. Masigla,masayahin,matulungin,masipag at maaasahan si Akane.Samantala, mahinhin,masayahin,masipag,matapang si Keiko pero sa kabila niyan meron siyang sakit sa puso at hindi ito alam ni Akane. “Ang tagal mo naman magsapatos,isang oras na ako naghihintay dito”,pabirong sabi ni Keiko. “Ang aga-aga natin kasi lagi eh”,katwiran ni Akane. “Pumasok na nga tayo, huli na tayo sa klase.Ikaw kasi” aniya ni Keiko. Pagkadating nila sa paaralan, parehas silang napagalitan. At pagkaupo nila ay tumawa sila. Oras ng klase, napapahanga lagi ang mga guro sa kanilang dalawa dahil sila’y magagaling sumagot, nakakakuha lagi ng matataas na marka. At tuwing may okasyon sa paaralan nila ay sumasali sila lagi sa sayawan.Kapwa silang mahuhusay sumayaw. “Krrrriiiiiiiiiingggggggggg !” tumunog na ang bell at naghanda na sila para umuwi.Naglakad sina Akane at Keiko papauwi at nang may sumalubong sa kanila. “Akane!Keiko! Sandali lang”,sabi ng sumalaubong sa kanila. “Ay!Ikaw pala yan, Yui.Ano iyon?”,Tanong ni Keiko. “Gusto...

Words: 2381 - Pages: 10

Free Essay

Weeee

...Suring Basa I. A. Pamagat ng Katha Tayong mga Maria Magdalena B. Awtor Fanny A. Garcia II. Buod ng Katha Nagbukas ang kwento sa pakikipag-usap ni Hilda sa isang babae na baguhan pa lamang sa bar na pangalan ay Uncle Tom’s na pagmamay-ari ng isang Amerikano, si Thomas Dewey. Ibinahagi niya ang kanyang buhay, simula sa kanyang kabataan at kung paano din siya nagsimula magtrabaho sa Uncle Tom’s. Si Hilda na kilala din bilang Ne ay lumaki na ulila sa ama kaya ang kanyang Nanay na lamang ang nagpalaki sa kanya. Pinalaki siya ng kanyang ina na maging konserbatibo sa pagkilos at sa pananamit. Kilala siya sa kanilang lugar, ang Looban, dahil sa angkin niyang kagandahan. Nang nakatapos na ng hayskul, nagtrabaho siya bilang weytres sa isang restoran upang mapagipunan ang matrikula niya sa kolehiyo dahil pangarap niya maging nars. Sa restoran na iyon ay nakilala niya si Mother, isang Mama-san, inaaya siya na maging a-go-go dancer sa isang bar kung saan malaki ang makukuha niyang sweldo. Pumayag siya at simula noon ay nag-iba na ang itsura, pananamit at pagkatao niya. Natuto siya gumawa ng mga masasamang gawain tulad ng pag-iinom, paggamit ng droga, pakikipatalik at pagpapalaglag ng bata kagaya ng ibang regular bar girl dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari. Nalaman ng mga taga- Looban at ng kanyang ina ang tungkol sa pag- a-go-go dancing niya noong siya ay nakita ng kanyang kababata. Sa kabila ng mga panghuhusga ng mga taga-Looban sa kanya, ang pagmamahal ng kanyang...

Words: 1606 - Pages: 7

Free Essay

Orphanage

...Si Lam-ang at Ang Apoy, Tubig, Hangin (Maikling kwento) Noong unang panahon ay may kauna-unahang tao na ang pangalan ay Lam-ang. Si Lam-ang ay maraming nagawang pagkakamali kung kaya’t naging mahirap at magulo ang pamumuhay ng mga sumusunod sa kanya na lahi ng tao. Noon daw, hindi nangangaso si Lam-ang kung nagugutom. Inutusan lamang nito ang lahat ng bagay. Inuutusan lamang nito ang lahat ng bagay. Madalas namang nagtatalo-talo at nagpapaligsahan ang mga ito kung sino sa kanila ang pinakamahalaga para kay Lam-ang. “Baboy-ramo, halika ito” ang utos ni Lam-ang at lalapit na agad ang hayop sa kanya. “Tubig, halika hugasan mo ang baboy ramo bago ko lutuin,” at susunod kaagad ang Tubig. “ Apoy, lutuin mo ang baboy-ramo” at agad susunod ang apoy. At di pa nagtagal kakain na lamang si Lam-ang, habang hinahanginan ni hangin. Ngunit isang araw nainip nat nalungkot si Lam-ang. Naisip niyang tawagin ang mga utusan niyang bagay at hayop nang nasan harapan nan i Lam-ang ang lahat nagsimulang magtalo ang mga ito. Umugong ang ingay nagtakip ng tenga si Lam-ang nagging dahilan upang magising sa pagkakatulog si Bathala. Nang malaman ni Bathala ang dahilan ng kaguluhan sinabi nito. “Bilang parusa sa inyong lahat mula sa araw na ito ay magkakahiwa-hiwalay na kayo.” Natakot ang lahat sa sinabi ni Bathala. Ang apoy ay pumasok sa bato ang hangin ay kumalat paitaas sa kapaligiran. Ngunit ang tubig ay sinamang palad na matabunan ng lupa at bato. Si Lam-ang ang naman at tumakbong...

Words: 329 - Pages: 2