SHORT FILM SCRIPT
TINGI-TINGING PANGARAP
ALLAN D. LAZARO
TAGPO 1:
MAKIKITA ANG KALANGITAN, ANG MATINDING SIKAT NG ARAW, PABABA SA BUBUNGAN NG MGA BAHAYAN PATUNGO SA KALSADA.
TAGPO 2:
MAKIKITA ANG MUKHA NI BUDDY HABANG UMIINOM NG ICE TUBIG, UHAW NA UHAW. IBUBUHOS ANG NATIRANG TUBIG SA ULO. MAKIKITANG GIGINHAWA ANG PAKIRAMDAM NIYA. MAPAPAILING. MABABALING ANG TINGIN NIYA SA KASAMANG TINDERA NG MANI.
MAKIKITA ANG MUKHA NI BONG NA PAWIS NA PAWIS. PARANG SINUSUKAT ANG SI BUDDY. MAY PINAGHAHANDAANG LABAN.
IPAKIKITANG KINUYOM NI BUDDY ANG MGA KAMAY, ITINALING MABUTI ANG TUWALYA SA KANIYANG NOO.
INILILIS NI BONG ANG MANGGAS NG KANYANG DAMIT.
SABAY NA KUMARIPAS NG TAKBO ANG DALAWA PALAPIT SA MAMIMILI NG MANI NA KANILANG TINDA.
MAUUNA SA BUDDY SA MAMIMILI. DIDILAAN NIYA SI BONG NA PARANG NANGUNGUTYA. MAGKAKAMOT NG ULO AT PAILING-ILING SI BONG NA MAGLALAKAD.
TAGPO 3:
MAKIKITA ANG MGA TANAWIN SA KALSADA : ANG PABRIKA NG GATAS NG KALABAW, ANG MGA TINDAHAN, PAGUPITAN, MAY NAGWAWALIS SA KALSADA, ANG JOLLIBEE, MC DONALDS, MGA MAG-AARAL NA NAG-LALAKAD, MGA ISTAMBAY SA SIMBAHAN, UMIINOM NG BUKO, MGA TRICYCLE NA NAKAPILA NA NAG-AABANG NG PASAHERO, MGA BATANG NAGLALARO SA MINI-ZOO PARK NG MUNISIPYO
TAGPO 4:
NAG-AALOK NG MANI SI BUDDY SA MGA PAMPASAHERONG SASAKYAN.MAKIKITANG PAPAHIRIN ANG KANYANG PAWIS AT NAKAKUNOT NA NOO DAHIL SA MATINDING SIKAT NG ARAW.
BUDDY: MANI, MANI KAYO DYAN, MALUTONG ,BAGONG LUTO, MANI KAYO DYAN!
TAGPO 5:
LUMALAKAD SI BUDDY SA MAY GILID NG SIMBAHAN, MASASALUBONG ANG DALAWANG BABAENG NAKANGITI AT MAGPAPABEBE WAVE. MAGPAPACUTE SI BUDDY, PUPUNASAN ANG MUKHA, KAKAGATIN ANG LABI AT AKMANG MAGPAPABEBE WAVE DIN KAYA LANG NG MALAPIT NA SA KANYA ANG MGA BABAE AY DI PALA SIYA ANG TINITINGNAN AT BINABATI KUNDI ANG NASA LIKURAN NIYA.SUBALIT PARA DI MAHALATANG MAPAPAHIYA SIYA MAG-IINAT NA LANG NG KAMAY AT BALAKANG.
GIRLS: (SABAY) HI GERALD…(KIKILIGIN AT HAHAWIIN ANG MGA BUHOK)
GERALD: HI!
TAGPO 6:
SA PATULOY NA PAGLALAKAD NI BUDDY AY MAY BAGAY NA TATAWAG NG KANYANG PANSIN DAHIL KUMUKISLAP. NASILAW SIYA. NILAPITAN NIYA ITO AT IKINABIGLA. NAKITA NIYA ANG NAKALUPING DALAWANG DAANG PISO.LILINGA-LINGA, SINUGURONG WALANG TAONG NAKATINGIN SA KANYA, AT NG MASEGURONG WALA AY IBINULSA NIYA ITO. TUWANG-TUWA.
MAKIKITANG PARANG NANALO SIYA SA FAMAS AWARD. MAY MGA CONFETTI AT MGA NAGPAPALAKPAKAN SA KANYA.
BUDDY: KUNG SUSUWERTIHIN KA NGA NAMAN OH. AYOS!
PATULOY SIYANG MAGLALAKAD AT MAY MAAALALA.
TAGPO 7: FLASHBACK
SA BAHAY NILA BUDDY HABANG NAGSUSUKAY NA NAKAHARAP SA SALAMIN. KINAKAUSAP NG KANYANG ANAK NA BABAE. SAMANTALANG NAGTITIMPLA NG KAPE ANG KANIYANG ASAWA.
ANA: TAY, ANO PO ANG REGALO NYO SA AKIN? DI PO BA BIRTHDAY KO NGAYON?
BUDDY: (MAPAPATINGIN SA ANAK AT KAKAUSAPIN) NAKU, OO NGA ANO BIRTHDAY MO MAKAKALIMUTAN KO BA NAMAN YUN EH MAHAL NA MAHAL K NG TATAY, PAG-UWI KO ANAK KAKAIN TAYO NG MASARAP.
ANA: MASARAP NA MASARAP?
BUDDY: OO, HA HA HA MASARAP NA MASARAP (HIHIMASIN ANG ULO NG ANAK)
LIZA: ( SASABAD) OY BUDDY. BAKA NANGANGAKO KA SA ANAK MO DI MO NAMAN MATUTUPAD.WAG MONG PAASAHIN …
BUDDY: IKAW NAMAN, BASTA AKO ANG BAHALA…PAKIRAMDAM KO SUSUWERTIHIN AKO NGAYON (HIHIGOP NG KAPE AT MAGPAPAALAM SA MAG-INA)
LIZA: AALIS KANA WALA PANG LAMAN ANG TIYAN MO, BAKA MAGKASAKIT KA NIYAN
BUDDY: DI NA, MAGTATAGAL PA MARAMI NG NAGHIHINTAY SA AKIN NA KOSTUMER YUNG PANTINGI KO PAKIABOT (TULUYAN NG AALIS)
TAGPO 8: KASALUKUYAN
MAKIKITANG DADAANAN NI BUDDY ANG TINDAHAN NG LECHON MANOK. MADADANAN DIN ANG KARINDERYA NG MGA ULAM. MAY MAKIKITANG NAGBUBUHOS NG MALAMIG NA SOFTDRINKS SA BASO. MAKIKITA SI BUDDY NA NAKAASTANG BABARILIN ANG MGA NADAANAN NANGANGAHULUGANG BIBILHIN NIYA ANG MGA IYON. MADADAANAN DIN NIYA ANG TIDAHAN NG MGA LARUAN.MAGING ANG TINDAHAN NA MABILING MABILI.MATUTULALA SIYA.IPAKIKITA NA SIYA ANG ABALANG ABALA SA PAGBEBENTA SA TINDAHAN NA IYON.
BUDDY: DARATING ANG PANAHON AKO NA ANG PAGKUKUHNAN NG MGA TINDERA NG MANI. DARATING DIN ANG SWERTE AT PAGDUMATING IYON HINDING HINDI KO SASAYANGIN, PALALAGUIN KO IYON AT PAGYAYAMANIN.
LIZA: TELESERYE KABA?
BUDDY: BAKIT?
LIZA: MARAMI KASING NAG-AABANG NAGPAYAMAN MO.
(MAGTATAWANAN ANG DALAWA)
MAAALIMPUNGATAN SI BUDDY DAHIL SA MAY BIBILI SA KANYA.
KOSTUMER 4: MAMA PABILI PO NG MANI
BUDDY: HA! AH EH MAGKANO?
TAGPO 9:
MAKIKITANG PAPALUBOG NA ANG ARAW. NAG-AALOK PA RIN SI BUDDY NG TINDANG MANI. MADADAANAN ANG NAKAUMPOK NA MGA KALALAKIHAN. NAGSUSUGAL. NAGKAKARAKRUS.MAPAPATINGIN SIYA DUN SANDALI. MAY MAGBUBULONG NA SUBUKANG TUMAYA SA KARAKRUS. UMUPO SIYA SA TABI NG MATANDANG LALAKI.MAKIKITA NITO ANG KANYANG SARILI.
MANUNULSOL 1: ANO PA ANG HINIHINTAY MO TUMAYA KA NA! ( KUMAKAIN)
MANUNULSOL 2: SIGE NA SUSUWERTIHIN KA, DODOBLE ANG KIKITAIN MO!( NASA HARAPAN NG PLANGGANA)
MANUNULSOL 3: TATAYA NA YAN! TATAYA NA YAN!
PARANG NABIBINGI SIYA.TINATAKPAN ANG MGA TENGA. LALAPIT SA NAGSUSUGAL.INILABAS ANG PERANG NAPULOT TINITIGANG MABUTI. TINUPI AT AKMANG ITATAYA NA PERO PIPIGILAN NG KALIWA NIYANG KAMAY. NANGINGINIG.MAPAPALUNOK SIYA. MAPAPALINGON SIYA SA KATABI. MAMAMALIKMATA SIYANG ASAWA NIYA ANG KATABI AT KAUSAP.
LIZA: DARATING DIN ANG SWERTE AT PAGDUMATING IYON HINDING HINDI KO SASAYANGIN, PALALAGUIN KO IYON AT PAGYAYAMANIN.
TAGPO 10
ANA: (SASALUBUNGINI ANG TATAY NA MAY BITBIT NA SUPOT NG PAGKAIN AT DALANG REGALO, YAYAKAPIN ANG AMA) ‘TAY KALA KO MAG-UULAM NA NAMAN AKO NG PANSIT EH, HHHMMM SARAPPP…TENK YU TATAY,
BUDDY: HAPPY BIRTHDAY ANAK, MAY REGALO SA’YO, ETO OH. NAGUSTUHAN MO BA? O KAIN NA TAYO
LIZA: TAMANG- TAMA NAKAHAIN NA NGA ANG KANIN EH, IKAW NA LANG ANG HINIHINTAY NAMIN.