Masusing Pag-aaral sa Pagyabong ng Gay Lingo
Barrameda, Philipp Enrico N.*, Ajero, Clarice Lyza A., Belulia, Lyra Faye B., Bernardo, Maria Jessanina R., Dayag, Daphnie Dianne D., Diaz, Atheena Noelle D., Esplana, Mary Yukilei D., Mondejar, Princess Lien H. , mula sa klase I-6 ng Unibersidad ng Santo Tomas - Kolehiyo ng Narsing Ika-2 Semester, TA: 2009-2010 Sa Patnubay ni Gng. Zendel M. Taruc, M. Ed.
LanGAYge: Isang
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
Ang pag-aaral na ito ay may layuning maglahad ng mga impormasyon tungkol sa mga Pilipinong gay, ang kanilang wika o ang tinatawag na gay lingo. Ito ay para malaman kung ano ang kahulugan ng gay lingo, ang dahilan bakit ito nabuo, paano ito nagsimula at lumaganap at ano ang pangkalahatang epekto nito sa sa ating kawikaan at mamamayan. Ang isa pang adhikain ng pagsusuring ito ay upang malaman din natin kung paano nabubuo ang mga salita nito, paano ito ginagamit at kung bakit napakabilis magbago ng mga salitang gay lingo. Ang papel na ito ay naglalayon din na mapalawak ang mga impormasyong kasalukuyang mayroon na, upang maihayag ang kahalagahan nito at mas mabigyang paliwanag ang tunay na kalagayan ng gay lingo sa Pilipinas.
PANIMULA
AKEZ AY MAY LOBING Akez ay may lobing nag flysung sa heaven wiz ko na na sighting nyomutok na palerz shoyang lang ang adeks Maaaring pamilyar na sa ibang mga tao ang kantang ito. Kung magkagayon, masasabing nasanay na sila sa lumalaganap na gay lingo sapagkat ito ang sikat na kanta ng mga bata na pinamagatang “Ako ay may Lobo” na pinalitan ang orihinal na salita sa lengwaheng gay lingo. Dahil sa pagiging makulay at mabulaklak ng mga salita ng gay lingo ay talagang nakuha nito ang atensyon ng karamihan ng mga tao sa paglipas ng panahon. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang paglaganap ng mga salita ng mga gay. Ngunit paano nga ba ito nagsimula at lumaganap? Paano binubuo ang mga kakaibang salitang ito? At ano nga ba ang kahulugan ng makukulay na salitang ito? pang buysung ng lobing nyuti pa pang lafez nyomusog pa akez
I. MGA KAUGNAY NA BABASAHIN AT LITERATURA 1
A .Pinagmulan ng Gay Lingo
Ang mga lalaking may pusong mamon ay nakaranas ng matinding pang-iinsulto sa kanilang pagkatao na naging resulta ng diskriminasyon nila sa lipunan. Ito ang nagtulak sa kanila upang buuin ang kanilang pagkakakilanlan sa bayan. Dahil dito, nakaisip sila ng paraan kung saan maaari nilang maitago ang bawat paksang kanilang pag-uusapan. At doon na nagsimulang umusbong ang gay lingo. Nagsimula ang gay lingo sa Pilipinas noong dekada 60 upang itago sa lipunan ang kanilang mga kwento (Ruth, 2008)1. Mula sa mananaliksik na si Reinero Alba, tinawag ni Jose Javier Reyes noong 1970 na “swardspeak” ang gay lingo subalit pinabulaanan ito ni Ronald Baytan sapagkat sa panahon ngayon, itinuring ang terminolohiyang “sward” na makaluma na kung kaya’t mas kinilala ito sa terminolohiyang gayspeak o gay lingo. Sa pamamagitan ng gayspeak, nakagagawa ng bagong imahe ang mga gay na naiiba sa dominante ng lipunan noon, ang patriarchal (Alba, 2006)2. Ayon kay Miko Santos, ang gay lingo ang naging sandata nila upang makamit nila ang kalayaan at karapatan na kanilang inaasam. Ito ang naging simbolo ng kanilang paglaban sa lipunang nais silang burahin, ang lipunang naging mapanghusga sa kanilang pagkatao (Santos,2007)3.
1. Ang Gay Lingo sa Larangan ng Media
Nang nagsimula ang ika-21 siglo, patuloy na umunlad ang gay lingo dahil na rin sa teknolohiya at modernisasyon. Ang media ang nagsilbing pinakamabilis na pamamaraan upang makilala ng mga mamamayan ang gay lingo. Ayon sa pag aaral ni Miko Santos, mayroong isang nangingibabaw na uri ng gay lingo at tinawag niya itong showbiz slang (Santos,2007) 3. Ito ang pinakapopular na gay lingo dahil na rin sa impluwensya ng media tulad ng radyo, telebisyon at pahayagan. Lumabas ang gay lingo sa media na nagsimula sa Giovanni Calvo’s 80’s show na “Katok mga Misis” kung saan tinuruan ang mga tumatangkilik dito ng mga gay words tulad ng “badaf” at “ma at pa” na ang ibig sabihin ay malay ko at pakialam ko. Unang lumabas ang gay lingo sa telebisyon noong 2004, ito ay ang GMA-7’s “Out”. Ayon kay Reinero Alba ito ang kauna-unahang gay show sa kasaysayan ng telebisyon (Alba,2006). Pinasikat nito ang ilang salita tulad ng “purita” o mahirap. Sinundan pa ito ng ilang talk shows tulad ng isang blind item segment sa GMA7 na “Da Who” ng Startalk. Lumabas din ang gay lingo sa ilang FM stations. Karaniwan itong ginagamit ng mga DJ na babae at gay tulad na lamang ng 90.7 Love Radio sa “Tambalang Balasubas at Balahura” na pinangungunahan nina Chris Tsuper at Nicolliala. Sa tulong ng media, nakahanap ng pagtanggap sa lipunan ang mga gay gamit ang gay lingo. Patuloy itong tinangkilik ng mga mamamayan. Mas lalong nakilala ang gay lingo dahil sa internet sa tulong ng mga blogs,internet forums at websites na nagbigay ng pagkakataon sa mga gay na ipakilala sa mundo ang kanilang pagiging malikhain. Unti-unti itong kumalat hanggang naabot nito ang text messaging. Tinangkilik ito ng masang Pilipino sapagkat ito ay nasa anyong katatawanan.
2. Ang Gay Lingo sa Larangan ng Akademika
2
Dumating din ang panahon na ginamit na rin ito sa akademika tulad ng mga babasahing libro. Naitala sa pananaliksik papel na “The Evolution and Expansion of Gay Language in the Philippines” na ilan sa mga nalimbag na babasahin ay ang diksyunaryo na pinagsama- sama ng UP College of Arts and Letters kung saan
Ruth, E. (2208).The evolution and expansion of gay language. Retrieved December 13, 2009, from http://email031791.multiply.com/journal/item16 2 Alba, R. (2006). The Filipino gayspeak. Retrieved January 7, 2010, from http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?=289&subcat=13 3 Santos, M. (2007). Chiswisang baklush en leksh edades de empormusyones. Retrieved December 22, 2009, from http://www.pinoyblogsphere.com/2007110/16/chiswisangbaklush-en-leksh-edades-de-impormasyones naitala ang maraming gay terms; nailimbag din ang isang komiks na pinamagatang “Zsa zsa
1
Zaturnnah” sa
panulat ni Carlo Vergara. Nakuha ng komiks na ito ang panlasa ng mambabasa kung kaya’t agad itong dinala sa entablado sa pamamagitan ng isang musikal na pagtatanghal hanggang tuluyan itong ginawang pelikula. Patuloy na ginamit ang gay lingo sa mga pahayagan tulad na lamang ng UP’s Philippine Collegian kung saan makikita sa isang seksyon nitong “Eksenang Peyups” ang tuwirang paggamit ng gay lingo sa kanilang mga blind item. Ginamit din ang gay lingo ng pahayagan ng PUP, ang PUP’s The Catalyst sa panghihikayat na tanggapin ang gay lingo (Ruth, 2008). Hindi na nga maikukubli ang lawak ng pagtanggap ng taong bayan sa gay lingo. Nakuha ng mga gay ang inaasam nilang pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng gay lingo.
B. Depinisyon ng Gay Lingo
Ang gay lingo ay isang uri ng pananalita o lengwahe na pinamulan ng tinatawag na mga lalaking may pusong babae at ito ay kanilang binubuo sa pamamagitan ng pinagsama-samang salita o kombinasyon ng wikang Tagalog, Ingles, at Espanyol, mga pangalan ng mga artista at mga iba-ibang tatak ng mga produkto (Ruth,2008). Sa pagsikat ng pananalitang ito ay umusbong ang iba’t ibang paggamit at pakahulugan ng iba’t ibang tao. Ayon sa mga lingwista, pidgin ang tawag sa isang uri ng wika na nabuo sa kadahilanang may pangangailangan ang ilang grupo ng tao na mag-usap gamit ang pananalita na sila lamang ang makakaintindi (Lim, 2009)4. Ito rin ay mayroong alituntuning gramatika o balarilang sinusunod. Alinsunod dito, ang gay lingo ay sinasabing isang pre-pidgin sapagkat wala itong sinusunod na alituntunin. Walang makapagsasabi na mali ang balarila o ang pagbigkas ng isang tao sa mga salita sa gay lingo (Santos, 2007). Ayon kay Reinerio Alba , ang gay lingo ay isang jargon na ginagamit ng mga Pilipinong gay sa tuwing sila ay nahaharap sa malaking grupo ng mga tao upang itago o ikubli ang kanilang usapan tungkol sa pakikipagtalik upang maprotektahan ang mga tao na hindi sanay sa ganitong mga paksa (Alba,2006). Ayon naman kay Michael Tan, ang gay lingo ay maraming pagkakahawig sa Carabao English kung saan nilalaro, pinaiikot at pinuputol ang pagbigkas at kahulugan ng mga salitang Ingles (Ruth, 2008). Ang gay lingo ay isa namang anti-language ayon kay Montgomery. Sinabi niya na ang anti-language ay kasukdulang bersyon ng wikang bayan na umuusbong sa mga minorya o maliit na grupo na maituturing na walang lugar o di napapansin sa lipunan. Subalit binawi na niya ito ngayon sapagkat ayon sa kanya tanggap na ito ng lipunan (Ruth, 2008).
C. Mga Halimbawa ng Gay Lingo
Narito ang ilang halimbawa ng pagbuo ng mga salita sa gay lingo:
3
Salita Akengkay Catchus
4
Kahulugang nakakabit sa mga salita Akin gupit
Klasipikasyon Panghalip Pandiwa
Pangungusap Akengkay ang suot niyang damit. Maganda ang catchus ng kanyang buhok.
Lim, J. (2009). Philippine gay language: A pidgin. Retrieved January 5, 2010, from http://www.filipinowriter.com/philippine-gay-language-a-pidgin
Pangungusap Grabe! Ang domo ng tao sa mall. Kadiri my erna pa sa banyong iyan! Hindi man lang nagbigay ng kuray yung kostumer. Nyokas na tayo pumunta ng divisoria. Tanters na ang may-ari ng bahay na iyan. Twengkel lang ang binigay ng nanay ko sa akin. Pockels lang ang dalhin mo baka manakawan ka.
II. PAGLALAHAD NG SARILING PAG-AARAL
A. Metodolohiya
Upang makakalap ng mga kaaukulang datos, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng impormal na pakikipanayam sa mga gay sa campus ng Unibersidad ng Sto. Tomas at Philippine Women’s University at parlor noong ika27 ng Pebrero. Ang mga nakapanayam ng mga mananaliksik ay ang mga gay na mag-aaral, mga parlorista, at mga manikuristang sina Paloma at Katrina. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamaraang impormal na pakikipanayam at pakikisalamuha, aktwal na emersyon, pagmamasid at pananaliksik sa aklatan at arkibya kabilang na ang mga journals, dyaryo, internet, blogs, at iba pang mga babasahin. Gumamit din ang mga mananaliksik ng instrumento gaya ng camera.
B. Presentasyon ng Datos
Mula sa pagtatanung-tanong,nakalap ang ss. na mga bagong gay words: agiru – bigay Pakiagiru nga ang librong binili ko. akengkay- akin Akengkay ang lapis na ginagamit mo. anashingi- huwag maingay Anashingi ka nga! Natutulog ang bata. anek – ano Anek ang binili mo sa botika? antoyo – inaantok Napuyat ako kagabi dahil tinapos ko ang aking takda. Antoyo tuloy ako. back street boys – may gwapo sa likod Back street boys! Tignan mo! baler – bahay Saan ba ang baler niyo? Malayo ba? bekky – bading
4
Isa siyang bekky ngunit hindi halata. bila – bumili Inutusan ako ni nanay bila ng suka. catchus- gupit Gusto ko ng catchus na pasok ngayong taginit. chefar – kasintahan Mahal na mahal niya ang kanyang chefar. cheverlu – natatae Bilisan mo! Umuwi na tayo. Ako ay cheverlu na! chipangga – done Chipangga na akong mag-aral. Ikaw? chu - hindi naniniwala Chu! Magsabi ka na ng totoo. Hindi naman ako magagalit. curing- manicure Magpapacuring ako dahil masakit ang kuko ko. Gusto mo bang sumama? dakis- malaki Dakis ang perang napanalunan niya sa Bingo. doko – saan Doko tayo kakain? erna- tae Kadiri! Baka matapakan mo ang erna ng aso. getshie – nakuha Getshie mo ba ang ipinadala kong damit? gora- let's go Gora! Mahuhuli na tayo sa misa. hada – gimik Nakakapagod mag-aral. Haliki hada muna tayo! hanchi- anong oras Hanchi ka uuwi? Delikado kapag nagpagabi ka pa. hawai - 50.00 Pautang muna ako ng hawai para may pamasahe ako. ikura – magkano Ikura ang tinda mong bag? jodan-joke Jodan lang! Huwag ka ng magalit. jutay- maliit Jutay ang nabili niyang sapatos. kalerki – kaloka Kalerki ang kwento mo! Saan mo bay an nakuha? kayay- tayo Kayay ay magkaibigan kahit anong mangyari. keme- nagsisinungaling Halatang keme ka. Paiba-iba ka kasi ng sinasabi. keta – cellphone Wow! May bago akong keta. Pahiram naman. kiber- walang pakielam Kiber ka sa pinag-uusapan naming dahil hindi ka kasali dito. kuray - tip Sana magbigay ka ng malaking kuray dahil magaling ako. kuru – sasakyan May dalawang kuru ang nagbungguan at nagudulot ng malaking trapik. kyawti- mabaho Ang kyawti naman ng hininga mo!
mahogany – mabaho Mahogany ang ilog sa may Kalentong minay – konti Minay nanaman ang aking kita. mudyay – nanay Nagluto ng Sinigang ang aking mudyay. munay –wala Munay na akong pera. nunjack – tadyak Gusto mong nunjackan kita jan! nyobyz- sabay sabay Nyobyz tayong pumasok bukas. nyokas – bukas Nyokas tayo manuod ng sine. oha- girl Kay pangit ng oha na yan. okani- pera May extrang okani ka ba dyan? Pautang naman. pangkai- make up Nakita mo na ba ang bago kong pangkai pest – mukha Ang pangit ng pest niya! plangak – tama Plangak ang sagot ko sa tanong na yan. pudyay- tatay Ang pudyay ko ay dating pulis. shoa- paa Ang laki naman ng shoa mo. shobayo – kabayo Si Vice Ganda ay mukhang shobayo. shobie – tabi Halika na nga dito! Shobie na tayo. shogay – tagay Pare! Shogay pa! shokong- takong Natanggal ang shokong ng sapatos ng aming guro. shonta – kanta Narinig mo na ba ang bagong shonta ni Sarah Geronimo? shope- kape Ipagtimpla mo nga ako ng bagong shope. sinay – sino Nakita mo ba kung sinay ang nasira ng aking damit? socho- may ari Mayaman ang socho ng gay bar. sorotera – manloloko Sorotera talaga ang aking jowa! star bucks – lamay Tara punta tayo ng star bucks ng tatay niya. suba- yosi Pahingi naman ng suba diyan. taksan – marami Taksan na ang tao ngayon sa mall. tanters- matanda Tanters na ang napangasawa niya. tegi – patay Day! Tegi na ang kuko ko. tiboni- tomboy Balita ko tiboni ang kasama mo. warla – gulo Nagkaroon ng warla sa tabi ng UST kahapon. witchikel- hindi
5
Witchikel pa ako kumakain. wititit – hindi Wititit! Wititit akin iyan! wiz – hindi Wiz! Wiz kita gusto! yobe – sabi
Yobe sayo eh! yotas- gastos Ang dami mo ng nayotas para sa iyong jowa. walay – wala Walay na siyang kaibigan dahil masama ang ugali niya.
C. Analisis/ Pagsusuri
Sa mga datos na nakalap, napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga gay ay bumubuo ng sarilig bokabularyo sa pamamagitan ng ilang mga alituntunin. Una na rito ay ang tinatawag na “J/SY/NY/KY Law.” Mula rito, pinapalitan ng mga gay ang unang titik ng salita ng letrang J, SY, NY, o KY. Narito ang Ilang mga halimbawa (Maruja, 2008):
1) ang salitang jubis mula sa salitang Ingles na obese 2) ang salitang shoa mula sa salitang Tagalog na paa 3) ang salitang nyokas mula sa salitang Tagalog na bukas 4) ang salitang kyota mula sa salitang Tagalog na bata 5) ang salitang shope mula sa salitang Tagalog na kape 6) ang salitang juntis mula sa salitang Tagalog na buntis 7) ang salitang shokong mula sa salitang Tagalog na takong 8) ang salitang nyorts mula sa salitang Ingles na shorts 9) ang salitang jonta mula sa salitang Tagalog na punta 10) ang salitang mashoba mula sa salitang Tagalog na mataba
Isa pang paraan ng pagbuo ng salita ay ang tinatawag nilang “Name Game” kung saan nakakabuo ng bagong salita sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan ng mga tao lalo na ng mga artista o kaya naman ay mga tatak ng produkto(Maruja, 2008). Ang mga halimbawa ay ang mga sumusunod:
1) 2) 3) 4) 5) 6) 7) 8) 9)
ang salitang Chanda Romero na ang ibig sabihin ay tiyan ang salitang Carmi Martin na ang ibig sabihin ay karma ang salitang Mahalia Jackson na ang ibig sabihin ay mahal ang salitang Cynthia Luster na ang ibig sabihin ay “Sino siya?” ang salitang Luz Valdez (mula sa salitang Ingles na loose) na ang ibig sabihin ay natalo ang salitang Orocan (isang tatak ng plastik na kabinet) na ang ibig sabihin ay plastik ang salitang Cookie Chua (mula sa salitang Ingles na cook) na ang ibig sabihin ay magluto ang salitang Nina Ricci (mula sa salitang Ingles na rich) na ang ibig sabihin ay mayaman ang salitang Gelli de Belen (mula sa salitang Ingles na jealous) na ang ibig sabihin ay naiinggit
10) ang salitang Oprah Winfrey mula sa huling pantig na prah na katunog ng salitang Ingles na promise
6
Marami sa mga gay words ay gumagamit naman ng mga dagdag na salita, pantig, o titik. Ang ilan naman ay binabawasan ng mga pantig o titik. Ang iba namang salita ay pinagsasama-sama. Narito ang ilang mga halimbawa: 1) ang salitang Crayola mula sa salitang cry 2) ang salitang pagoda mula sa salitang pagod 3) ang salitang tera mula sa salitang inggitera 4) ang salitang rita mula sa salitang naiirita 5) ang salitang rhapsody mula sa salitang sarap 6) ang salitang dadats mula sa salitang datung 7) ang salitang Aglipay (ugly at Pinay) na ang ibig sabihin ay pangit na Filipina 8) ang salitang Lucita Soriano (loser at sorry) na ang ibig sabihin ay loser na, sorry pa 9) ang salitang Rica Peralejo (Rica-rich at pera) na ang ibig sabihin ay mayaman 10) ang salitang Bebang Mayta (Bebang-babae at Mayta-maid) na ang ibig sabihin ay babaeng katulong Mula sa mga pagsusuring ito ay mahihinuha na ang mga gays ay may mga makukulay na paraan ng pagbuo ng kanilang mga salita.
D. Konklusyon
Sa pag-aaral na ito ay nakabuo ng mga sumusunod na konklusyon ang mga mananaliksik ukol sa gay lingo sa ating bansa. Ang pag-usbong ng gay lingo ay masasabing nagsimula noong nakaranas ang mga gay ng matinding diskriminasyon mula sa lipunan. Dahil dito, napag-isipan nila na bumuo ng pansariling lengwahe na sila lamang ang makakaunawa at hindi maiintindihan ng mga tao sa paligid upang sila ay hindi mahusgahan ng masama. Dahil sa likas na pagkamausyoso ng tao, lumakas ang kanilang kasabikang matutuhan ang kahulugan at pati na rin ang paggamit ng gaylingo. Kaakibat na rin nito ang interes at kagustuhang matutuhan kung paano binubuo ang kanilang mga salita. Dito nagsimulang yumabong ang gay lingo. Napag-alaman at napatunayan ng mga mananaliksik na ang gay lingo ay isang pananalita na mabilis magbago. Ito ay isang lengwahe na patuloy ang pag-inog dahil palaging may nadadagdag na bagong salita, at mayroon din namang mga salita na di na rin nagagamit at nawawala na lang. Mahihinuha rin na ang mga gay, na tanggap na malikhain sa larangan ng sining at pag-arte, ay malikhain din sa pagbuo ng kanilang mga salita. Kaya naman, maraming tao ang naeengganyo na gamitin ito sapagkat ito ay binubuo ng mga makukulay, at madalas ay nakakalibang na salita. Sa kabuuan, masasabing ang gay lingo ay patuloy pang uunlad, yayabong at tatangkilikin ng mga tao.
E. Rekomendasyon
Ang kagandahan ng gay lingo ay masasalamin sa patuloy na pagbabago ng mga salita kung kaya’t nararapat lamang na pagtuunan pa ng pansin ng mga susunod na mananaliksik ang mga bagong salita na nabubuo sa paglipas ng panahon. Ang pananaliksik na ito ay maaari pang pagyamanin sa pamamagitan ng pagpapalawig ng sakop ng pagkukuhanan ng impormasyon (gay words) tulad ng comedy bars, gay pageants, mga professional gays, ang media na gumagamit ng gay lingo at ang mga taong bagamat hindi gay ay tuwirang
7
gumagamit ng gay lingo. Ito ay upang mas malawak pang bilang ng mga respondente ang masaklaw para madagdagan pa ang mga salita sa diksyunaryo ng gay lingo ng sa gayon ay mas maparami ang impormasyong makalap ukol dito. Maaari ring pagtuunan ng pansin ang pagkakakaiba ng paggamit ng gay lingo ng mga professional gays at mga non-professional gays. gay class. Inaaasahan ng mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang maintindihan ang panig ng mga gay, ang kanilang dahilan ng pagkakaroon ng gay lingo gayon din ang pag-usbong nito sa lipunan. Sana’y maging daan ito upang mapalawig pa ang pag aaral ng gay lingo sa lipunan. Maaaring ilahad ang paraan ng paggamit nito, paano nagkakaiba-iba ang mga uri ng salita, at gayon din ang dalas o bilis ng pagbabago ng gay lingo sa bawat uri ng
III. BIBLIOGRAPIYA
Alba, R. (2006). The Filipino gayspeak. Retrieved January 7, 2010, from http://www.ncca.gov.ph/about-cultureand-arts/articles-on-c-n-a/article.php?=289&subcat=13 Lim, J. E. (2009). (2008). Philippine gay the language: Filipino A Gay pidgin. Lingo. Retrieved Retrieved January December 5, 20, 2010, 2009, from from http://www.filipinowriter.com/philippine-gay-language-a-pidgin Maruja, Deciphering http://www.ampedasia.com/forums/filipino-gay-lingo-t-10957.html Ruth, E. (2008). The evolution and expansion of gay language. Retrieved December 13, 2009, from http://email031791.multiply.com/journal/item16 Santos, M. (2007). Chiswisang baklush en leksh edades de empormusyones. Retrieved December 22, 2009, from http://www.pinoyblogsphere.com/2007110/16/chiswisangbaklush-en-leksh-edades-de-impormasyones