Free Essay

Mestizo vs. Mestiza Balagtasan

In:

Submitted By KenLey
Words 973
Pages 4
BALAGTASAN
Kung dalawa ang pagpipilian,
Sino ang higit na mas maganda?
Ang morena?
O ang mestiza?

LAKANDIWA: Victoria at Menzi

Isang hapong kayganda sa inyong mga madla,
Tanong ko lang kayo ba ay kumain na?
Siguraduhing oo, sapagkat ngayon ay masasaksihan ang bakbakang todo-todo
Sa pagitan ng dalawang panig na magtatagisan para sa trono
Kaugnay sa usaping kagandahan
Eto na ang pinakamasarap na panghimagas,
Kaya’t sit back at relax, and enjoy the balagtasan!

Unang tindig po ay ihahatid, ng mga mata’y nabihag na ng mga morena,
Cielo, Liezel at Anne, papurihan at palakpakan!

Anne (Unang Tindig)
O mga morena, saksakan ng ganda
Ito’y walang duda,
Sapagkat ang kanilang kutis ay natural at Pilipinang- Pilipina
Beauty ay original, walang labis walang kulang
Kulay ng balat, siguradong beauty queen material.

Samantalang ang mga mestiza,
Walang kasiguraduhan,
Kung totoo ba ang kutis o dulot lamang ng gluta
O baka naman Belo? Calayan? Yari na!
Yan ang patunay, sa gandang dimo inakala!
Nako, nako! dapat ay maging mapanuri
Sa kanilang assuming na beauty.

LAKANDIWA: Victoria at Menzi
Nasaksihan na po natin, ang mabibigat na pahayag ni Anne,
Ngayon naman po ay panahon na upang si Janice na, ang lalaban sa kanilang patusada,
Panig naman ng mestiza, ang nais na irampa,
Isalubong po sana, isang masigabong palakpakan!

Janice (Unang Tindig)
Wag muna kayong pakasisiguro,
Na ang gandang mestiza ay agad na dala ng gluta o Belo,
Baka nakakalimutan ninyo,
Ang mga morenang tulad ninyo,
Karamihan ay pinapantasyang maging mestiza o mestizo.

Mga morena’t moreno ang ‘di natural,
Sila itong nga itong sa kulay nila’y labis silang nasusuklam
BB Cream sa gabi, Kojic sa umaga,
Yan ba ng masasabing natural ha?
Kung inyong mamarapatin, nais ko lamang sabihin,
Ang isa pang patunay na mga mestizo’s mestiza ang mas maganda
Kung ating hihimayin ang listahan ng mga artista,
Marian Rivera, Kim Chiu, Lucy Torres, Angelica, Carla Abellana at napakarami pang iba,
Lahat ng mga iyan, mga mestiza!

LAKANDIWA: Victoria at Menzi
Inihayag na po ng mga mestiza, ang mga maaanghang nilang salita,
Unang yugto pa lamang ho iyan,
Narito na ho si Liezel, muling ipaglalaban ang panig ng mga morena,
Tayo na pong, humiyaw at magpalakpakan!

Liezel (Pangalawang Tindig)
Yan po ba ang patunay nila na mas magaganda ang mestiza?
Eh kung hihimayin po din natin ang listahan nila,
Lahat ho ng mga artistang iyan,
Di po ba’t mga dito sa Pilipinas lamang sikat?

Kung inyo pong mamarapatin, amin na pong ilalahad,
Ang aming mga patunay na ang mga morena ay di lamang pang local
Sapagkat ang gandang morena ay pang international!
Beyonce, Jennifer Lopez, Shakira, at marang marami pang iba..
Kulang ang buong araw, upang aking mabigkas lahat sila.

Ang mga morena ho, hindi takot kay haring araw,
Malinaw na walang arte, sapagkat sa kulay ng balat ay proud na proud
Samantalang ang mga mestiza,
Sa halip na kamay ng kasintahan ang hawak,
Hawakan ng payong, kulang nalang kanyang hagkan

LAKANDIWA: Victoria at Menzi
Bawat linyang binitawan, nitong panig ng mga morena,
Tunay na mabagsik at walang kinikilingan
Ngayon naman ating tunghayan,
Mga palabang mensahe nitong kabilang banda
Madla, isalubong ang masigabong palakpakan!

Shulammite (Pangalawang Tindig)
Itong akin hong katalo, di pa ho nagigising sa katotohanan
Na sa totoo lamang, ang mga morena ay mukhang mga yagit at muchacha
Ang mestiza ho kasi, kahit anong kasuotan, maging basahan lamang,
Garantisadong magmumukhang kagalang-galang.

Kung nais mong lumigaya nag iyong buhay,
Humanap ng mestizo’t mestizang iibigin kang tunay
Di gaya ng mga morena’t moreno ang tunay na minamahal ay mga sabon ni Royale, Frontrow at Uno. LAKANDIWA: Victoria at Menzi
Tunay ngang umiinit ang labanan
Alin alin, sa kanila ang tunay na maganda
Nais po naming humiling ng masigabong palakpakan
Upang ang huling yugto ay atin nang mabuksan

Cielo (Ika-3 Tindig)

Nais ko lamang ipaalam sa inyo
Na ang kulay ng morena ay totoong totoo
Hindi boring kundi masasabing hot nga ito
Hindi nagmumukhang manika kundi nagmumukhang tao
Matanong ko lamang, mga bampira ba kayo?
Sapagkat sa kaputian ay mukhang nawalan ng dugo,
Ito ba ito ba ay masasabing kagandahang matino?

Jejomar (Ika-3 Tindig)
Walang dugo mang maituring, kutis naming ay nagniningning
Itong si Cielo ay masyadong bilib sa kutis na “Hot”
Daw kung tawagin
Kung tunay ang sinasabi mo, bakit yumayaman si
Calayan at Belo?
Mga Gluta, Kojic, at iba pang produkto,
Hindi ba kayo ang number one consumer nito?
Magpakatotoo nalang kayo.
Na ang kutis talaga naming ang ninanais ninyo.
Pakisuyong tanggapin nalang ninyo
Upang matapos na ang usapang ito

Anne
Kahit kailan ang kulay naming ito ay ang gaming tropeo
Di naming kailangan ang kulay ng mga mestiza’t mestizo
Matawag lamang na maganda at gwapo
Mawalang galang na pero kaya naming ipag sigawan ito sa buong mundo

Janice
Kahit anong tanggi ninyo alam ng taong bayan ang totoo
Mga morena’t moreno, mukhang mga dyosa at macho
Ang pagiging mestiza para samin ay advantage
Sapagkat ang ganda ay sadyang effortless

Liezel
Itong aming mga katalo, nagmamaganda ng todo
Puti lamang ang pinanghahawakang ebidensya
Kung kikilatisin naming mabuti, ang pagiging morena ay advantage pa nga
Sapagkat di kami takot gumala, sa ilalim araw kami ay walang arte at masaya

Jejomar
Mahirap ng maging tulad ng mga morena, mga pretentious
Alam naman na sa pampaputi ay lubos ang paggastos
Pagiging mestizo’s mestiza din po ay advantageous, kung di nyo lang alam
Sobrang nakaka-dagdag ng confidence

Cielo
Oo alam na naming, pang local lang ang mestiza beauty..

Shula
Dyan kayo nagkakamali, gandang morena kasi sa totoo lamang ay kating-kati ng magpaputi..

LAKANDIWA: Victoria at Menzi
Dito na natin wawakasan, ang ating balagtasan
Sapagkat ang usapan, baka mahirap na kung mamaya natin titigilan
Kayo na taong bayan ang humusga, sino ng aba ang mas maganda?
Morena o mestiza?
Nawa’y gabayan po tayo ng kasabihang, “Beauty is in the eye of the beholder”
Paalam sa inyong lahat!

Similar Documents