Free Essay

Mga Alamat

In:

Submitted By jiiar09
Words 1542
Pages 7
Alamat ng Saging Maraming taon na ang nakalipas nang manirahan ang isang napakabait na matanda dito sa mundo. Ang matandang tinutukoy ay tinatawag nilang Apo Sagin. Mag-isa man na naninirahan si Apo Sagin sa kanyang maliit na bahay kubo ay itinuring naman na siyang kapamilya ng mga kapitbahay niya. Napamahal sa kanyang mga kapitbahay si Apo Sagin dahil sa ito ay mabait at matulungin. Ang mga kapitbahay nito ay hindi mapapahiya kapag sila ay lalapit sa kanya upang humingi ng tulong. Kahit mahirap lang at matanda na ay binibigay ni Apo Sagin ang lahat ng kanyang makakaya. Ang mga maliliit na bata ay malapit sa matanda. Itinuring na nila itong kanilang lolo. Sa tuwing hapon ay nagpupunta ang mga bata sa bahay ng matanda upang makinig sa mga kuwento ni Apo. Pagkatapos ay may nakahanda pang pagkain ang mga ito na niluto ng matanda. Hindi lamang sa mga taong bayan matulungin ang matanda kundi pati na rin sa ibang tao maski hindi niya ito kakilala. Minsan habang nangangahoy siya sa gubat, may lumapit sa kanyang isang lalaki na nanghihina sa gutom. Agad niya itong inuwi sa kanyang bahay at inalagaan hanggang sa bumuti ang pakiramdam ng lalaki.Noong minsan naman ay isang batang babae ang nanghingi ng limos sa kanya. Dinala niya ito sa bahay niya at ipinaghanda niya ng makakain. Bago umalis ang bata, tinuruan niya itong maghabi ng mga pinatuyong dahon upang gawing pamaypay upang maibenta. Sa ganoon hindi na manglilimos ang bata. Laking pasasalamat ng bata sa matanda. Balang araw ay makakabawi din daw siya sa kabutihang ipinakita sa kanya ng matanda. Napangiti lang si Apo Sagin. Isang araw, dinapuan ng sakit si Apo Sagin at dahil sa matanda na ito ay masama ang naging tama nito sa kanya. Lubos na nanghina ang matanda. Marami ang dumalaw kay Apo Sagin upang alagaan siya habang may sakit ito. Halinhinan ang kanyang mga kapitbahay sa pagbabantay sa kanya. Maging ang mga batang kanyang kinukwentuhan sa tuwing hapon ay nandoroon at kinukwentuhan ang kanilang mahal na lolo. Dumating ang oras na naghihingalo na ang matanda. Ang lahat ng taong bayan ay andoon upang makita ang mabait na matanda kahit sa huling pagkakataon man lamang. Mahinang nagpaalam ang matanda at dahan-dahan itong binawian ng buhay. Nag-iiyakan ang mga taong bayan nang may dumating na isang bata. Ito ang pulubing tinulungan ni Sagin. Siya pala ay isang diwata. Ibinilin niya sa mga tao na ilibing si Sagin sa may bakuran. Huwag na raw silang malungkot dahil si Sagin ay mananatili sa kanila at di sila kailan pa man iiwanan. Ginawa nila ang sinabi ng diwata. Makalipas ang ilang lingo, may isang halamang umusbong sa libingan ni Sagin. Ilang linggo pa ang nakalipas may parang hugis puso ang nakita nila sa halaman. Naalala nila ang sinabi ng diwata. Ang malaking puso ay halintulad ng matabang puso ni Sagin na punung-puno ng kabaitan at pagmamahal sa kapwa. Ang naging bunga nito ay marami at matamis. Nanatili nga si Sagin sa mga taong bayan at hanggang ngayon ito pa rin ay nagbibigay ng sobra-sobra. Ang puno ngayon ay tinawag ng taong bayan na Saging.

Ang Alamat ng
Ahas-Dahong Palay

Noong unang panahon ang mga ahas ay walang kamandag. Sa ganito sila ay hindi kinakatakutan at pinakukundanganan tisurin o patayin. Sa gayon nilang katayuan ay minarapat nilang gumawa ng paraan upang sila’y pangilagan ng tao at huwag patayin.

Kaya’t ang kanilang puno’y dumalangin humingi ng kamandag kay Bathala. Ang kanilang kahilingan ay hindi naman pinagkaitan ng Panginoong Diyos.

Isang araw ang Panginoong Diyos ay nanaog at dala ang isang kamandag upang batiin ang mga ahas. Ang unang nakakuha ay ang ulupong kung kaya ang kanya ang pinakamabagsik. Ang lahat ay nakakuha ng kamandag maliban lamang sa dahongpalay na hindi kaagad nabatid ang pagbibigayan ng kamandag.

Nang madatnan niya ang pook na bigayan ng kamandag ay ang banga na lamang ang kanyang nakita. Sa hangad niyang magkaroon ng kamandag ay nagpaikot-ikot siya sa loob ng banga na ang kamandag ay napunta sa kanyang balat.

Ngayon ang dahongpalay ay may kamandag sa balat at hindi sa loob ng katawan.

Alamat ng Aso

Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang mga bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa't isa. Lagi rin silang magkasama sa bawat lakaran. Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang magbi-natilyo na sila. Naging bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy sa gubat ay lagi silang magkasama. Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong. Humantong iyon sa kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at nakikinig sa kanya. Minsan ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya. Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon. Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina Lito. Lagi iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila nagbabantay sa kanya. Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod at kawag nang kawag ang buntot. Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog ito sa paanan niya at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong. Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag dito.

Alamat ng Unang Butiki Noong unang panahon, may isang batang ubod ng pilyo at pakialamero sa lahat ng bagay. Marami tuloy ang nagagalit, kaya madalas mapalo at mapagalitan si Kiko ng ama't ina. Gayunpaman, wala ring kadala-dala ang batang ito na lalong tumigas ang ulo at wala pang galang sa mattanda. Dahil dito, walang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Palibhasa'y walang kalaro, ang mga hayop na lang ang ginawang libangan nito. Ang maaamong hayop ay nagiging mailap dahil sa pananakit ni Kiko. Kalaunan, pati ang tanim ng may tanim ay lihim nitong sinisira.

Isang araw, habang nagwawalis ng bakuran ang ina ay lumapit si Kiko sa punso at walang sabi-sabing winasak ito. Galit na galit ang ina sa anak.. Pagkatapos ay abut-abot ang kanyang paghingi ng paumanhin sa mga duwende. "Mga nuno, patawarin po ninyo ang aking anak. Hinding-hindi napo siya uulit. Mag-babait na po siya. Pangako po." Pinangaralang mabuti ng ina si Kiko na huwag uulitin ang ginawang paglapastangan nito sa punso dahil masamang magalit ang mga lamang-lupa.Subalit kinabukasan, matapos isuga ang kalabaw ay bayawak naman ang napagtuunan ng pansin ng batang sutil. Sinundan ito ngunit nawala nang sumuot sa nakausling ugat ng puno. Hawak ang tirador ay sinaliksik ni Kiko ang buong paligid.Laking galak nito nang matagpuan ang maraming itlog ng bayawak, at tuwang-tuwa na tinirador ang mga itlog. Biglang nagulat ang bata nang lumitaw sa harp niya ang isang duwende. "HOY! BATANG SALBAHE, BAKIT MO BINASAG ANG MGA ITLOG? HINDI MO BA ALAM NA MAY BUHAY SALOOB NITO? SA GINAWA MONG IYAN, KITA'Y PARURUSAHAN. MAGIGING KALAHI KA NG BAYAWAK...!"
"Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait napo ako, peks man." "SINUNGALING! ILANG BESES KA NANG NANGANGAKO TUWING PINAPALO KA NG TATAY MO. AT KAHAPON LANG, NANGAKO ANG NANAY MO, PERO NAGBAGO KABA? NGAYON, BILANG PARUSA, IKAW AY HAHALIK SA LUPA BAGO MAGTAKIP SILIM AT DAHIL IKAW AY TAO NA NILALANG NG MAYKAPAL KAYA SA TAHANAN KA RIN MANANAHAN. BUTIKI ANG ITATAWAG SA IYO!" Pagkawika'y dagling naglaho ang duwende. Dali-daling kumaripas ng takbo ang nahintakutang bata at nagsisigaw nang... "AYOKONG MAGING BUTIKI NANAY, TULUNGAN MO AKO... AYAW KONG MAGING BUTIKI...!" Napadungaw ang ina at kitang-kita niya ang pagkasubasob ng anak bago paman ito nakaakyat ng hagdan. Nagtaka ito sa pagbabagong-anyo ni Kiko hanggang maging maliit na hayop na animo'y bayawak. Palibhasa'y "BUTIKI" ang huling katagang narinig sa anak, kaya butiki na rin ang itinawag niya rito. Bagama't mabait ay mailap ang hayop na ito dahil sa hiya. Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing dapithapon. Panahon na lang ang hahatol kung nararapat na ngang ibalik sa dating anyo si Kiko. Para sa mga duwende, mabuti nang manatili itong butiki sa habang panahon. (HOY! BATA, GUSTO MO MAGING BUTIKI?)

Mga Bugtong Bugtong Sagot
1. Alalay ng mga ikakasal sa simbahan
Kasu-kasunod sa bawat paghakbang

2. Sa madre at pari ito ang kasuotan
Pormal na unipormeng kagalang-galang.

3. Sa init ay sumasaya
Sa lamig ay nalalanta.

4. Tubig ito na takbo nang takbo sa dagat-dagatan, sa ilog-ilugan, pati na sa batuhan.

5. Baston ng Kapitan,
Hindi mahawakan.

Mga Bugtong
Bugtong Sagot

Gabay sila ng lola at lolo
Kung gabi ay nagsisipagmano.

Apat na magkakasama,
Pumasok sa kweba,
Lumabas na mapula.

Kabayo kong pula
Nanalo sa karera
Umuusok pa.

Ginto sa kalangitan
Di matitigtitigan.

Mataas kung nakaupo,
Mababa kung nakatayo.

Similar Documents

Free Essay

Mga Alamat

...Noong unang panahon ay magkakasama ang limang daliri ng tao. Kahit saan magpunta ay wala silang hiwalayan. Katunayan ay maraming naiinggit sa lima dahil sa mabuti nilang samahan. Lagi kasi silang masaya at nagkakasundo. Kung paano nagkahiwa-hiwalay ang mag kakaibigan ay dahil narin sa isang malaking pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Nagkaroon ng malawak na taggutom sa nilang lugar. Naging napakahirap ng pagkain dahil kakaunti ang nabuhay na pananim kumpara sa maraming mga taong kakain. Ang mga hayop haman ay unti-unti naring nangaubos. Lahat ng uri ng trabaho ay pinasukan ng lima. Nagtrabaho sila araw at gabi pero totoong mahirap ang buhay kaya madalas silang sumasala sa oras. Wala silang nagawa liban sa magtiis. Isang araw ay nakita ng apat na daliri si Hinlalaki. Sarap na sarap ito sa pagkain ng karne kung kaya hindi na halos sila napansin. Nang makita ni Hinlalaki ang apat na kaibigan ay bigla naman itong namutla. "Saan mo kinuha ang karneng iya?" tanong ng apat kay Hinlalaki. Bago pa makasagot si Hinlalaki ay isang galit na babae ang lumapit sa kanila. Pagkakita nito kay Hinlalaki ay agad sinampal. Gulat na gulat ang apat. "Ipakukulong kita!" banta ng babae na namumula sa galit. "Teka, huminahon kayo!" wika ni Hintuturo. "Pag-usapan natin ito." "Opo nga nama," sabad ni Hinlalato. "Ano po ba ang problema?" "Magnanakaw ang kaibigan ninyo! Ninakaw niya ang aming pag-kain!" ang sumbong ng babae. Sabay na napatingin sa isa't isa sina Palasingsingan at Kalingkingan...

Words: 1413 - Pages: 6

Free Essay

Mattel and Its Challenges

...problem surrounding Mattel Inc., one of the world’s largest toy companies, is their mismanagement of international subcontractors and vendors and the production of certain toys (the manufacturing process), as well as their inability to adapt their marketing strategy or product to the constantly changing “demographic and socioeconomic trends” (Ferrell, et. all 466). This is supported by Mattel’s legal battle with Carter Bryant and MGA, their forced recall of certain toys that were manufactured overseas, and the increasing rate at which traditional toys are becoming less appealing to today’s young audience. Essentially, Mattel’s mismanagement and oversight lead to violations in terms of ethical and social responsibilities and safety standards. Issues Relevant to the Problem: Mattel’s problem of mismanagement can be divided into several issues that need to be considered: legal issues, international supply chain issues, and an increase in technology-based toys. In regards to legal issues, Mattel has been involved in prolonged litigation with Carter Bryant and MGA over a breach of an employment contract and copyright infringement. Due to Mattel’s poor management of its overseas manufacturers, in which unauthorized subcontractors and third-party suppliers were hired and unsafe materials used, several toy products were recalled. Advances in technology and changes in socioeconomic and demographic trends have created marketing, privacy, and product development issues for Mattel. Analysis...

Words: 3368 - Pages: 14

Premium Essay

Mattel

...third party overseas manufacturers * They have little pricing power due to heavy reliance on Wal-Mart and Target * Keeping children’s interest when they are growing into the tween demographic. * Opportunities * Online and Video Game Market * Barbie retail store * Social Media * Create new alliances with other companies to help market products * Changing focus from traditional toys (Barbies/Hot Wheels) to electronic toys * Moving production from china back to the United States or a more sustainable country * Threats * Decreasing demand for toys * Economic recession * Raising oil prices * Children are outgrowing toys at an earlier age * MGA Entertainment Inc. Criteria: 1) Long term profitability (10) 2) Rebuild customer trust in product safety (10) 3) Relative time to implement (8) 4) Cost to implement (8) 5) Sustain competitive advantage (7) 6)...

Words: 262 - Pages: 2

Free Essay

Business

...problem surrounding Mattel Inc., one of the world’s largest toy companies, is their mismanagement of international subcontractors and vendors and the production of certain toys (the manufacturing process), as well as their inability to adapt their marketing strategy or product to the constantly changing “demographic and socioeconomic trends” (Ferrell, et. all 466). This is supported by Mattel’s legal battle with Carter Bryant and MGA, their forced recall of certain toys that were manufactured overseas, and the increasing rate at which traditional toys are becoming less appealing to today’s young audience. Essentially, Mattel’s mismanagement and oversight lead to violations in terms of ethical and social responsibilities and safety standards. Issues Relevant to the Problem: Mattel’s problem of mismanagement can be divided into several issues that need to be considered: legal issues, international supply chain issues, and an increase in technology-based toys. In regards to legal issues, Mattel has been involved in prolonged litigation with Carter Bryant and MGA over a breach of an employment contract and copyright infringement. Due to Mattel’s poor management of its overseas manufacturers, in which unauthorized subcontractors and third-party suppliers were hired and unsafe materials used, several toy products were recalled. Advances in technology and changes in socioeconomic and demographic trends have created marketing, privacy, and product development issues for Mattel. Analysis...

Words: 3390 - Pages: 14

Free Essay

Dolphy

...hyFilms 2010s Year | Title | Role | Producer | 2010 | Father Jejemon | Father Jejemon | RVQ Productions Inc. | | Rosario | Hesus (Special Participation) | CineMabuhay | 2000s Year | Title | Role | Producer | 2009 | Nobody, Nobody But... Juan | Juan | RVQ Productions, Kaizz Ventures Inc. and Joe Aldeguer Productions | 2008 | Dobol Trobol: Lets Get Redi 2 Rambol! | Macario | APT Entertainment, RVQ Productions, M-Zet Productions | 2002 | Home Alone da Riber[14] | Upoy | RVQ Productions | 2000 | Markova: Comfort Gay | Walter Dempster Jr./Walterina Markova | | | Daddy O! Baby O! | Mario | Star Cinema Productions | 1990s Year | Title | Role | Producer | 1998 | Tataynic | Nicardo "Tatay Nic" De Carpio | RVQ Productions | 1997 | Home Along da Riles The Movie 2 | Kevin Kósme | Star Cinema | 1996 | Aringkingking | Maroy | Premiere Entertainment Productions | | Da Best in da West 2: Da Western Pulis Stori | Sgt. John Paul Quezada | Regal Films | 1995 | Father & Son | Johnny | RVQ Productions | | Home Sic Home | Berto | Star Cinema | 1994 | Wanted: Perfect Father | Roy | | | Hataw tatay hataw | Marlon | Regal Films | | Abrakadabra | Aladding/Ding | Moviestars Productions | 1993 | Home Along da Riles The Movie | Kevin Kósme | Star Cinema | 1992 | Buddy en Sol (Sine ito) | | | 1991 | John en Marsha ngayon '91 | John H. Purúntong | RVQ Productions | | Onyong Majikero (Onyong the Magician) | Grandfather Onyok | Regal Films | ...

Words: 1310 - Pages: 6

Free Essay

Kabanata 3

...Kabanata III Ang mga Alamat I. Tauhan Kapitan- nagkwento tungkol sa Alamat ng Malapad na Bato Padre Florentino- nagkwento ng Alamat ni Doña Geronima Padre Salvi- nagkwento sa Alamat ni San Nicolas Ben Zayb- manunulat na namamangha sa mga alamat Simoun- nakikinig sa mga alamat Doña Victorina- nakikinig sa mga alamat II. Buod Nadatnan ni Padre Florentino ang mga nasa itaas ng kubyerta na nagsasaya at pinag-uusapan ang pagtaas ng buwis. Dumating naman si Simoun at may nagsabing sayang daw at hindi na nito nakita ang kagandahan ng pook ngunit sabi naman ni Simoun walang kagandahan ang pook kung walang mga alamat. Dito na nagsimulang magkwento ang isa’t-isa sa mga alam nilang alamat. Ang kapitan ang nauna at ikinuwento niya nag alamat ng Malapad na Bato. Dito may batumbuhay na tirahan ng mga espiritu ngunit ng kalauna’y nawala na ang paniniwalang ito at tulisan na ang naninirahan dito. Sumunod naman si Padre na nagkuwento ng alamat ni Doña Geronima. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang binatang nangakong pakakasalan ang isang dalaga ngunit hindi natuloy sapagkat nagging arsobispo ang lalaki. Nagdamit panglalaki ang dalaga at nagpakita sa lalaki sa pag-asang tutuparin nito ang pangako ngunit hindi na ito pwedeng mangyari kaya nagpahanda ng kuweba ang arsobispo at ditto na tumira at namatay ang babae. Nakilala siyang engkantada dahil sa pagtatapon niya ng mga kasangkapang pilak sa ilog. Sumunod naman ay si Padre Salvi na nagwento...

Words: 394 - Pages: 2

Free Essay

Asdasdas

...Silang, Kabite. Ang pangalang “Indan”. Ay hango mula sa salitang “ Indang” o “inrang”. Isang puno na lumago doon. Bilang bahagi ng Silang ng mahigit pitumpung taon, ang munisipalidad ng Indang ay naayos sa isang prominentang lokal, Juan Dimabiling , bilang unang Gobernadorcillo. Ang distansya sa pagitan ng mga baryo ng Indang at mga poblacion ng Silang ay nagging sanhi ng mga residente upang ito ay humantong sa pagpipitesyon ng mas mataas na awtoridad para sa pagpalit ng baryo sa isang hiwalay na munisipalidad. Ang petisyon ay ipinagkaloob at ang Indang ay nagging isang bayan ng Kabite. Sa panahon ng rebolusyon ng Pilipinas, “Indan” ay kilala sa pamamagitan ng pangalan na Katipunan “ walang tinag”. Sa panahong iyon ang titik “g” ay idinagdag sa pangaln nito kaya ito ay tinatawag na ngayong Indang. Ito ay kabilang sa pangkat ng Magdiwang na kumakalaban sa pangkat Magdalo sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo. Sa barangay Limbon ay naaresto si Andres Bonifacio matapos matalo sa Tejeros Convention at humadlang ito na muling gawin ang kanyang kontra rebolusyonaryo n aplano upang magtayo ng isang hiwalay na pamahalaan at hukbo ayonhulimng saksi nagdala sa pamahalaan Aguinaldo. Isa sa mga testigo ay si Don Severino De Las Alas, isang residente ng bayan, na inakusahan Andres Bonifacio na sinubukan niyang sunugin ang Iglesia ng Indang, na inalay kay San Gregorio Magno, na binuo sa ika-17 na siglo at isa sa pinakamatagal na probinsya . siya ay nagserbisyo sa pamahalaang Aguinlado bilang...

Words: 1673 - Pages: 7

Free Essay

Bebe

...Ang alamat ni Maria Makiling SABI sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsalita sila at umibig, namili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa 2 ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria. Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao. Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (seda, silk) na may borda (embroidered ) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong (talón, heel ) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha ( pomelo, grapefruit). Marikit ang kanyang mga mata (ojos, eyes) kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati. Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi nuon, at ang “bilihan” sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla (seda, silk). Isang araw, nagtungo sa talipapa...

Words: 500 - Pages: 2

Free Essay

First Quarter Exam

...ALVAREZ-RAMALES SCHOOL FOUNDATION, INC. Raniag, Ramon, Isabela 1st SEMI- QUARTERLY EXAMINATION ENGLISH GRADE 10 Name: _____________________________________________________ Score: _____________ I. A. Identify what is being asked. 1-4. Neither the candidate nor the voters are satisfied with the proposal. Simple Subject: ______________________________________________________________________ Complete Subject: ____________________________________________________________________ Simple Predicate: _____________________________________________________________________ Complete Predicate: ___________________________________________________________________ 5-8. The church, as well as the nearby stores was destroyed by fire. Simple Subject: ______________________________________________________________________ Complete Subject: ____________________________________________________________________ Simple Predicate: _____________________________________________________________________ Complete Predicate: ___________________________________________________________________ 9-12. The Metropolitan museum sells miniature replicas of its collection. Simple Subject: ______________________________________________________________________ Complete Subject: ____________________________________________________________________ Simple Predicate: _____________________________________________________________________ Complete Predicate: ___________________________________________________________________ ...

Words: 2800 - Pages: 12

Free Essay

Oplan

...Mag-anak Sabado ng umaga, ang lahat ay abalang abala sa kanilang mga gawain. “Maganda ng umaga po, Nanay! Magandang umaga po, Tatay!” ang bati nina Ada at Milo. Masayang nagluluto ang Nanay sa kusina. Nagtatanim naman ng gulay si Tatay sa bakanteng lote. “Aw! Aw! Aw!” ang tahol ni Pulgoso habang nakikipaghabulan sa malikot na si Muning. “Tiktilaok!” ang sabi ng manok nang makitang may dala-dalang patuka si Milo. “Ako na ang maglilinis ng silid Kuya,” sigaw ni Ada. Hapon na nang matapos sa kanilang Gawain ang mag-anak. Kahit pagod, ang lahat ay may ngiti sa labi. Sila ay larawan ng isang masaya at nagtutulungang mag-anak. Masayang Mag-anak Sabado ng umaga, ang lahat ay abalang abala sa kanilang mga gawain. “Maganda ng umaga po, Nanay! Magandang umaga po, Tatay!” ang bati nina Ada at Milo. Masayang nagluluto ang Nanay sa kusina. Nagtatanim naman ng gulay si Tatay sa bakanteng lote. “Aw! Aw! Aw!” ang tahol ni Pulgoso habang nakikipaghabulan sa malikot na si Muning. “Tiktilaok!” ang sabi ng manok nang makitang may dala-dalang patuka si Milo. “Ako na ang maglilinis ng silid Kuya,” sigaw ni Ada. Hapon na nang matapos sa kanilang Gawain ang mag-anak. Kahit pagod, ang lahat ay may ngiti sa labi. Sila ay larawan ng isang masaya at nagtutulungang mag-anak. Unang Baitang. Sagutin ang mga tanong. 1. Kailan nangyari ang kuwento? a. Lunes c. Sabado b. Biyernes d. Linggo 2. Sino-sino ang mga abalang abala? a. Nanay c. Kuya b. Tatay d. Lahat ...

Words: 2884 - Pages: 12

Free Essay

Bla Bla

...Alamat ng Pinya Si Aling Rosa ay isang balo. Siya ay may sammpung taong gulang na anak na babae, si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak. Nais niyang lumaking bihasa sa gawaing bahay ang anak. Tinuturuan niya si Pinang sa mga gawaing-bahay. Dahil sa nag-iisang anak, ayaw gumawa si Pinang lagi niyang ikinakatwiran na alam na niyang gawin ang anumang itinuturo ng kanyang ina. Pinabayaan lang siya ng kanyang ina. Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa sa bahay. Napilitan si Pinang na gumawa ng gawaing-bahay. Inutusan siya ng ina niya na magluto siya ng lugaw. Kumuha si Pinang ng ilang dakot na bigas, inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig. Isinalang niya ito sa ibabaw ng apoy. Iniwan niya ang niluluto at naglaro na. Dahil sa kapabayaan, ang ilalim ng bahagi ng lugaw ay namuo at dumikit sa palayok. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa. Kahit papaano nga naman ay napagsilbihan siya ni Pinang. Nanatili sa higaan ang matandang babae gn ilang araw pa. Si Pinang ang napilitang gumawa ng mga gawaing-bahay. Isang araw, sa paghahanda ng pagluluto, hindi makita ni Pinang ang sandok. Lumapit siya sa ina at nagtanong. Nasuya na ang ina sa katatanong ni Pinang. "Naku, Pinang sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang lahat ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong nang tanong!" Dahil galit ang ina, hindi na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok. Kinagabihan, nabahala si Aling Rosa nang hindi pa bumalik ang anak. Nagpilit...

Words: 1141 - Pages: 5

Free Essay

Asa Ka

...panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa ng malakas ng isang koro o pangkat. Ito ay isang matimbang o maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang matinig at madamdamin. Nagtataglay ito ng kaisahan at kagandahang halos katulad ng kahulugang pangkoro sa musika,isang pamamaraan ng masining na pagbigkas sa pamamagitan ng sama-sama,magkakatugma,magkakabagay at magkakatugong-tinig,isang tuloy-tuloy na aliw-iw ng mga salita. Ang koro ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng tinig. Pinagsasanib-sanib ang mga ito ayon sa wasto nilang tunog, himig, puwersa at lakas na siyang nagbibigay ng kariktan. Sinisabing ang higit na pinakamabisang pamukaw/panghikayat ng damdamin ng tao ay yaong nakatitigatig ng lahat ng pandama-nakikita, naririnig at nadarama. Taglay ng Sabayang Pagbigkas ang lahat ng sangkap na ito kung kaya mabisa at mabunga ang nagiging epekto nito sa mga manonood/tagapakinig,gayon din naman sa mga bumibigkas/koro. (Andrade,1993) Ayon din kay Andrade,ang pakikilahok sa Sabayang Pagbigkas ay nagdudulot sa mga mag-aaral ng mga sumusunod: 1. Ito ay mabisang paraan ng pagkatuto ng wika. 2. Ito ay mabisang pamaraan sa paglinang at isang panghikayat sa pagkakaroon ng kabatiran at lubod sa pagpapaunlad ng panitikan. 3. Ito’y isang pangunahing pagsasanay sa talumpati ,pagbigkas ng isahan,pagpapakahulugan at pag-arte sa tanghalan. 4. Naglalaan ito ng malawak na pagkalugod sa sining. 5. Nakatutulong ito sa pagtamo ng pag-unawa sa lipunan bunga...

Words: 848 - Pages: 4

Free Essay

Asdfsdfsdgxfvxfb

...ALAMAT : ALAMAT NG PINYA Noong unang panahon ay my mag inang naninirahan sa lib-lib na lugar sa laguna. Ang mag inang si aling Rosa at Pinang, si Pinang ang ka isa isang anak ni aling Rosa kaya mahal na mahal niya ito at lahat ng hilingin ni Pinang ay ibinibigay ni aling Rosa. Wala nang mhihiling pa si Pinang sa pag aarugang ibinibigay ng kanyang ina na si aling Rosa. Halos lahat ng kailangan niya'y nakahanda na sa araw-araw at walang oras na hindi siya inaasikaso ni aling Rosa. At dahil sa mahal na mahal siya ng kanyang nina ay minabuti nitong turuan si Pinang ng mga gawaing bahay upang bata palang ay matuto na siya. Ngunit laging kinakatwiran ni Pinang na alam na nya ang mga gawaing bahay, Kaya't pinabayaan nalang niya si Pinang. Isang araw umuwi si Pinang galing sa palaruan at inabutan nya ang kanyang ina na nag lilinis ng bahay. "Pinang anak tulungan mo nga ako maglinis ng bahay at para lang sumasama ang aking katawan" sambit ni aling Rosa. "Pero inay pagod din ako galing sa laruan" agad na sagot ni Pinang at sabay talikod sa ina at dumeretso sa kanyang silid. Kaya ala ng nagawa si aling Rosa kundi ipag patuloy ang paglilinis ng bahay, at si Pinang naman ay sa sobrang pagod sa paglalaro ay nakatulog sa kanyang higaan. Nang magising si Pinang ay magtatakip silim na kaya agad siyang lumabas ng silid upang hanapin si aling Rosa, ngunit wala ito sa sala pati narin sa kusina kaya nagtuloy si Pinang sa silid ng kanyang ina at doon niya natagpuan si aling Rosa na nakahiga...

Words: 765 - Pages: 4

Free Essay

Thesis

...Ang mga bundok ng mga tsokolate ay matatagpuan sa pulo ng Bohol sa Kabisayaan. Ito ay isa sa mga magagandang tanawin na dinarayo ng mga banyangang pumupunta sa ating bansa. Basahin natin kung paano at kung saan nagmula ang mga bundok na ito. Noong unang panahon sa pulo ng Bohol, ang lupa ay tigang. Namimitak ang bukirin kapag tag-init. Kung tag-ulan nama`y putikan ito. Sa tagsibol lamang lumalamig sa paningin mula sa mga tanim na palay ng mga luntian dahon nito. Ayon sa mga ninuno natin, sa magkabilang ibayo ng pulo ay may nakatirang higante. Ang isa ay taga timog at ang isa ay taga hilaga. Sa di inaasahang pagkakataon ang dalawa ay nagkatagpo. Ang mga tao ay nangatakot at lumisan. Nagtungo sila sa ibang dako ng pulo. Ang higanteng taga timog ay nagwika, "Hoy! Higanteng bubo, Akin ang lugar na ito". "Humanap ka ng sariling lupain mo" Sumagot ang higanteng taga hilaga. "Hindi maari! Ako ang nauna sa lugar naito", "Kung gusto mo, ikaw ang umalis". "Hindi ako makapapayag!", sagot ng higanteng timog sabay padyad. Yumanig ang buong lupa. "Lalo nanam ako!" patalon na sigaw ng higanteng hilaga. Nagpalitan sila ng matitigas at magagaspang na salita. Walang ibig sumuko. Dahil katatapos lamang ng ulan noon ang lupa ay malambot. Dumampot ng lupa si higanteng hilaga at binato si higanteng timog. Gumanti si higanteng timog. Gumawa ng bolang putik at ibinato rin nito. Bakbakan umaatikabo! ! Wala sa dalawa ang gustong sumuko. Patuloy ang pagbabatuhan nila hanggang isa man sa kanila...

Words: 355 - Pages: 2

Free Essay

Study Habits

...lipunan. * Isa ito sa mga pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipuna Apperception Theory- ang mga ideyang lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisp ay hindi galing sa pandama o pakiramdam kundi mula sa pagmumuni-muni o paglilimi ng isang tao sa kanyang isipan. Dalawang antas ng “Apperception Theory”: 1. Percept- ipinapakita ang mga huwaran na nasa anyo ng akdang pasulat. 2. Concept-pinagyayaman ang kahulugan at ang nilalaman ng wikang ginagamit. KATUTURAN NG PANITIKAN: *Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster-ang panitkan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa iasng tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t-ibang paksa; o anumang bungang-isip na naisatitik. *Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura-ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin tungkol sa ibat’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay,sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Limikha. *Ayon naman kina Paz Nicasio at Federico Sebastian- ang panitikan ay kabuuan ng mga karansan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin,kaisipan at pangnarap ng isang lahi na ipinahahyag sa mga piling salita; sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. Mga layunin sa Pag-aaral ng Panitikan 1. Maipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t ianbang uri ng panitikan mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila gangggang sa kasalukuyan...

Words: 2232 - Pages: 9