Free Essay

Mga Kasanayan Sa Akademikong Pilipino

In:

Submitted By ronabellerivera
Words 2507
Pages 11
MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA

Introduksyon

May mahalagang bahaging ginagampanan ang pagbasa sa paghahasa ng talino ng tao. Kailangan ang maunawaang pagbasa tungo sa ganap na pag-unawa ng ano mang disiplinang saklaw ng kaalamanng tao.

Kaugnay nito,dapat mabatid na ang pagbasa ay isang makrong kasanayang binubuo ng mga maykrong kasanayan. Sa medaling sabi, may mga kasanayang kailangang linangin ang sinumang tao upang siya ay maging isang epektib na mambabasa. Lalo na sa akademikong pagbasa, may mga ispesipik na kasanayang kailangang malinang upang ang pagbabasa ay maging higit na kawili-wili at prodaktib na karanasan para sa sinuman.

Isa sa mga ispesipik na kasanayang ito ang pagtukoy sa hulwaran ng organisasyon ng teksto na tinalakay na sa naunang leksyon. Ang iba pang kasanayang mahalaga sa akademikong pagbasa ay ang mga sumusunod:

1. PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYE

Makakatulong nang malaki ang kaalaman sa paksang pangungusap na siyang sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya at mga sumusuportang detalyena tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap.

Ang paksang pangungusap ay ang pangunahing tema sa anumang tekstong ekspositori. Ito ang batayan ng mga detalyeng inilahad sa isang teksto. Kadalasa’y makikita ito sa unang talata at huling talata ng tekstong ekspositori. Maaring implayd o ekspresd ang paksang pangungusap kung ito ay nasa unahan. Kung ito ay nasa hulihan, nagiging kongklusyon ang paksang pangungusap bilang pagbibigay diin sa pokus o sentrong tema.

Ang mga pantulong o suportang detalye ay mga mahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnay sa paksang pangungusap. Nililinaw nito ang pangunahing tema sa pamamagitan ng paglalahad ng mga detalye. Samakatwid, ang suportang detalye ay ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung ano ang layunin ng teksto.

Halimbawa: Ang istatistiks ay isang sangay ng matematika na tumatalakay sa sistematikong metodo ng pangongolekta, pagkaklasipay, paglalahad , pagsusuri at pag-iinterpret ng mga kwantiteytib o numerical na datos. Napakahalaga ng istatistiks sa buhay ng tao. Sa pamamagitan nito, nagagamit natin ang deskriptib na wika nang higit na episyente at eksakto sa komunikasyon. Nagagawa nitong simple ang malalabong kongklusyon. May mahalaga ring gamit ang istatistiks sa halos lahat ng disiplina ng pag aaral. Sa edukasyon, ginagamit ito ito sa pagtataya ng mga resulta ng pagsusulit tungo sa pagpapabuti ng proseso ng pagtuturo pagkatuto. Kasangkapan din ito sa pag-eebalweyt ng mga administrador ng mga paaralan.Sa sayans, kasangkapan ito sa pananaliksik at eksperimentasyon, maging sa interpretasyon ng mga nakolektang datos. Sa negosyo at ekonomiks,ginagamit ito sa produksyon , pagbebenta, pagprepresyo at marami pang iba. Sa inhenyeriya, ginagamit ito sa mga pananaliksik at eksperimentasyon ng relayabiliti testing at sa pagkokontrol ng kalidad. Sa gobyerno, nakatutulong din ito tulad halimbawa sa pagpapanatili ng episyenteng sistema ng pangrerehistrong sibil.

2. PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO

Mahalagang malaman ng mambabasa, ang layunin ng tekstong binabasa. Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa. Mahihinuha ito sa mga salitang ginamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa nito. May mga teksto na may layuning manlibang, manghikayat, mang-aliw, magbigay ng opinyon, magpaliwanag o magbigay ng impormasyon , magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magtanggol, mangaral at iba pa. Tandaan lamang na may tekstong may dalawa o higit pang layunin.

Halimbawa:

Ang dagat ay buhay. Totoo ito sapagkat kayraming Pilipino ang umaasa sa dagat para sa kanilang ikinabubuhay. Nariyan ang mga mangingisda, maninisid, mga tindera sa palengke at mga negosyante ng mga restorang naghahain ng mga lamang-dagat. Ngunit nababahala na ang mga pamahalaan sa unti-unting pagkasira ng ating mga karagatan. Paano’y kayraming hindi sumusunod sa mga alitutunin at regulasyong isinabatas ng ating pamahalaan. Patuloy pa rin ang paggamit ng dinamita sa paghuli ng mga isda sa maraming lugar. Ang iba nama’y walang humpay sa pagtatapon ng mga basura sa mga ilog at lawa na nagiging sanhi ng pagdumi ng mga iyon. Hindi rin maawat ang mga naglalakihang pabrika sa pagtatapon ng mga kemikal na patluoy na sumisira sa ating mga ilog at karagatan. Ilang pograma na ang inilunsad ng pamahalaan upang mapigil na ang mga ganitong maling gawi ngunit karamihan sa mga programang iyon ay hindi nagtagumpay at naging bigo lamang sa pagpigil sa patuloy na pagkasira n gating mga dagat, ilog at lawa. Ang dahilan ay kawalan ng disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan. Kung magpapatuloy ito, ang mga kabataan ngayon at ang mga susunod na henerasyon ang siyang higit na magdurusa sa epekto ng pagkasira ng ating mga dagat, ilog,at lawa. May maabutan pa kaya silang malinis at ligtas na tubig na maiinom at magagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan? Kailan kaya tayo matatauhan, matitigil at makokonsensya sa pagsira sa ating mga dagat, ilog, lawa at iba pang anyong tubig? Kung bukas pa o di pa kaya’y kung lagi na lamang nating ipagpapabukas pa, aba’y maaaring huli na!

3. PAGTIYAK SA DAMDAMIN, TONO AT PANANAW NG TEKSTO

Ang damdamin ng teksto ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang teksto. Samakatwid, maaari itong saya/tuwa, lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa. Ang tono naman ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay. Kung gayon, maaaring ito ay Masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya at iba pa. Ang pananaw naman ay tumutukoy sa punto de vistang ginagamit ng awtor sa teksto. Makikita ito sa pamamagitan ng mga panghalip na kanyang ginamit. Samakatwid, unang panauhan ang pananaw kung gumagamit ng mga panghalip na ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami, namin, at amin. Nasa ikalawang panauhan ang pananaw kung gumagamit ng ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, at inyo. Nasa ikatlong panauhan naman kung ang ginagamit na mga panghalip ay siya, niya, kanya, sila, nila, at kanila.

Halimbawa:

Galit ako sa kanser! Galit na galit! Kinuha nito ang buhay ng aking lolo, tiyuhin at ilang kamag-anak. At ang pinakamasakit, kinuha rin nito ang buhay ng aking ama. Kamakailan, sa gulang na 54, ang mahal kong ama ay namatay sa leukemia, kanser sa dugo. Nakita ko kung paanong pinahinang kanser ang kanyang katawan. Saksi ako kung paanong nabasag ang puso ng aking ina at mga kapatid. Kung ilang panahong wasak na wasak ako, hindi ako makapaniwalang pati si Tatay ay tatamaan ng kanser. Paanong hindi ako magagalit sa kanser? Pangatlo na ang kanser ngayon sa listahan ng mga sakit na dumarapo sa mga nagkakaedad, sumusunod sa mga “nakakahawang sakit” at “sakit sa puso”. Tinatayang isa kada isang libong Pilipino ngayon ang magkakakanser. Sa matanda, edad 74 pataas, isa kada limang Pilipino ang magkakasakit nito. Kapansin-pansin na ang panganib na magkakanser ay tumataas habang nagkakaedad na ang isang tao. Pero hindi nito ipinupwera ang mga bata. Mas maliit nga lamang ang kaso ng kanser sa mga bata kaysa matatandang edad 50 pataas.

4.HULWARAN NG DEPINISYON NG PAGBASA

Kapag nais bigyang-kahulugan ang isang di pamilyar na termino o mga salitang bago sa pandinig at susulat ng isang sanaysay o ano pa man ,kalimitang ginagamit ang istilong depinisyon o pagbibigay ng kahulugan. Ang isang depinisyon ay karaniwang nagtataglay ng tatlong bahagi: a. Ang termino o salitang binibigyang kahulugan b. Ang uri,class o specie kung saan kabilang o nauuri ang terminong binibigyan kahulugan c. Ang mga natatanging katangian nito (distinguishing characteristics) o kung paano ito naiiba sa mga katulad na urI Sa pagbibigay kahulugan may 3 paraan na maaaring gamitin: a. Paggamit ng mga sinonim o mga salitang katulad ang kahulugan o kaisipan . b. Ang intensiv na pagbibigay ng kahulugan . c. Ang ekstensiv na pagbibigay ng kahulugan

*Sa intensiv na paraan ginagamit ang tatlong bahaging tinalakay sa naunang talata.Samantalang sa ekstensiv na depinisyon ,pinalalawak ang kahulugan g ibinigay o tinalakay sa intensive na pagbibigay ng kahulugan .

Ang enumerasyon o pag-iisa ay nauuri sa dalawa , ang simple at komplikadong pag-iisa-isa . Ang simpleng pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita. Ang komplikadong pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa .

5.PAGTUKOY SA HULWARAN NG ORGANISASYON NG TEKSTO

Ang tekstong ekspositori ay anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao .Sa tekstong ekspositori rin nililinaw ang mga kahulugan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mambabasa na malalaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.

Ang mga manunulat ng isang tekstong ekspositori ay kailangang marunong magsuri o mag-analiza at kailangan niyang maging kritikal sa kanyang lipunan upang ang kanyang teksto ay magtaglay ng mga sumusunod na katangian: a. Objektiv na pagtalakay sa paksa , b. Sapat na mga kaalamang inilalahad sa teksto c. Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya at d. Analitik na pagsusuri ng mga kaisipan .

6. PAGSUSURI KUNG VALID O HINDI ANG IDEYA O PANANAW

Bilang isang indibidwal na may malaking gampanin sa lipunan, kailangang lagi nating kinikilatis ang anumang ideya o pananaw kung iyon ay valid o hindi. Samakatwid, hindi lahat ng ideya o pananaw n gating mambabasa ay dapat tanggapin agad. May batayan para masabing valid ang isang ideya: a. Sino ang nagsabi ng ideya? b. Awtoridad ba siya sa paksang tinatalakay? c. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya? d. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan?

Halimbawa: Sa aklat na Da Vinci Code, inilarawan si Hesus bilang isang tao at hindi bilang isang diyos. Ayon din sa aklat, nagkarelasyon daw si Hesus kay Magdalena na kanya ring naging isang paboritong disipulo at siyang tinutukoy na the living holy grail. Inilarawan din ditto ang kongresyong Opus Dei bilang mersenaryo at blackmailer. Marami ang nagtataka kung saan nakuha ni Dan Brown, ang may akda, ang kanyang mga ideya na tahasang tumataliwas sa mga pahayag sa Bibliya. Ano ang kanyang naging batayan? Ano ang kanyang naging inspirasyon? Ayon sa ilang eksperto, ang aklat ay malamang na ibinatay sa mga aklat noong kalagitnaan ng ika-20 siglo tungkol sa Gnosticism. Nahahawig din daw ito sa serye ng maiikling pelikula noong huling bahagi ng dekada 70. Maraming kritiko ang aklat na ito. Sa katunayan, bago ipalabas ang pelikulang bersyon nito, tinangka ng marami na ipatigil ang pagpapalabas nito. Ayon kay Vice Mayor Danny Lacuna, ang pelikula raw (at ang pinagbatayan nitong nobela) ay offensive to the established beliefs of the Roman Catholic Church. Ngunit ang mga gayong pagtatangka ay hindi nagtagumpay. Naipalabas ang pelikula. Bunga nito at ng kontrobersyang nalikha nito, dumagsa ang mga tao sa takilya at mas maraming kopya ng nobela ni Brown ang nabili sa mga bookstores. Ayon sa ilan, ang pagpapalabas ng pelikula ay tagumpay ng freedom of artistic expression.

7. PAGHIHINUHA AT PAGHULA

Ang isang mahusay na mambabasa ay may binubuong mga tanong sa kanyang isipan bago magbasa, habang nagbabasa at maging matapos magbasa, mga katanungan iyong kanya ring sinasagot at bine-verify sa kanyang pagbasa. Ang paghihinuha ay tinatawag ding inferencing. Ito ay tumutukoy sa kakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues. Ang pamagat ng isang teksto, halimbawa, ay maaaring maging clue sa paghihinuha kung tungkol sa anong paksa ang teksto. May mga teksto ring may kalakip na larawan. Katulad ng pamagat, maaari rin iyong gamiting pantulong sa paghihinuha. Ang paghula ay tinatawag din naming prediksyon. Gamitin ito sa pagbabasa ng mga kwento at nobela. Ang isang matalinong mambabasa ay nakagawa ng halos akyureyt na hula kung ano ang susunod na mangyayari o maging ang kalalabasan o wakas.

Halimbawa:

Ang Munting Kandila Isang gabi ng Kapaskuhan, may isang batang lalaki ang patungo sa katedral. Siya ay si Raul. May dala-dala siyang isang maliit na kandila na tanglaw niya sa paglalakad. Balak niyang itirik iyon sa altar ng katedral para gumaling ang maysakit at malubha niyang ina. Mula sa munting bahay nina Raul patungo sa katedral, kinakailangan niyang tumawid sa isang masukal na gubat. Sa gitna niyo’y may isang balon na ayon sa sabi-sabi ay pinagmumultuhan. Nang malapit na siya sa balon ay nakarinig siya ng mga taghoy. Natakot si Raul at binilisan niya ang paglalakad upang malagpasan agad ang balon. Subalit natalisod siya’t nadapa malapit s balon. Napahiyaw sa takot si Raul. Walang anu-ano’y nakarinig siya ng tinig na nangangailangan sa balon.

8. PAGBUO NG LAGOM AT KONGKLUSYON

Ang lagom o buod ay tumutukoy sa pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso na batayan sa isang binasang teksto. Taglay nito ang pinakadiwa at mahalagang kaisipan ng teksto. Samantala, ang konglusyon naman ay tumutukoy sa mga implikasyong mahahango sa isang binasang teksto.

Halimbawa: May kasabihang mahirap mamatay ang mga kaugaliang kinagisnan o minana sa pagkat natanim nang husto ang mga ito sa ating mga pag-iisip at pagkatao. Karamihan sa ating paraan sa ating paraan ng pag-iisip, pamumuhay at pakikipamuhay sa ating kapwa ay binubuo ng mga kaugalian o tradisyon. Ngunit ang mga kaugaliang ito’y nananatiling buhay lamang hangga’t ang mga ito´y nakasasapat at nakakatugon sa mga pangangailangang panlipunan at pansarili ng mga tao. Maraming mga mahuhusay na mga tradisyon ang mga Pilipino na marapat na patatagin. Tulad na lamang ng pagdarasal nang sama-sama kung orasyon;paghalik sa kamay ng mga matatanda bilang tanda ng paggalang, na siya ring dahilan ng paggamit ng kuya o ate (manong o manang) sa pagtawag sa mga nakakatandang kapatid; paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga matatanda; pagtutulungan at iba pa. Mga kaugalian itong maipagkakapuri kahit na kaninong tao sapagkat nagpapakita ang mga ito ng likas na pagkamagalang at pagkamatulungin ng mga Pilipino. Subalit tulad ng mabubuti, mayroon din tayong masasamang mga kaugalian na nakatitikim ng mga puna. Isa na riot ang walang pangiming paggasta tuwing pista, binyag at iba pang pagdiriwang, na hindi halos iniintindi kung anong mangyayari kinabukasan ´pag naubos na lahat ng salapi. Nariyan din ang matagal at magastos na pagdadalamhati para sa yumao, maipakita lamang sa pamayanan kung gaano kamahal ng mga naulila ang namatay. Mayroon ding ibang mga magulang na pilit na pinaiiral ang matandang kaugaliang labis na pagpapasunod at pagsasanggalang sa mga anak. Pati sa kanila, ito´y pagmamahal subalit ang ibang mga bata ay lumalaking palaasa at walang tiwala sa sarili.

9. PAGBIBIGAY-INTERPRETASYON SA MAPA, TSART, GRAP AT TALAHANAYAN

Ang mapa, tsart, grap at talahanayan ay mga presentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang pantulong sa isang teksto. Sa tulong ng mga ito, nagagawang payak at mas madaling unawain ang mga datos na inilahad sa isang teksto. Ang isang mahusay na mambabasa ay kailangang nakapagbibigay ng ng wastong interpretasyon ng mga mapa, tsart, grap at talahanayan. Paano ito magagawa? Narito ang ilang mga mungkahi:

1. Pansinin ang mga leyenda. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa pagbibigay ng wastong interpretasyon. 2. Pansinin din ang iskeyl na ginamit. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung ano ang tumbasang ginamit para sa isang partikular na sukat. 3. Pansinin kung may talababang ginamit. Maaari itong maging hanguan ng dagdag impormasyon na kailangan sa pagbibigay-interpretasyon. 4. Pag-aralang mabuti ang bawat bahagi. Bawat bahagi ay madalas na kinapapalooban ng mga datos na kaiba o kaya'y kaugnay sa iba. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa bawat bahagi, makikilala ang kaibahan o ugnayan ng mga bahagi rito.

Halimbawa:

Similar Documents

Free Essay

Reviewer

...Filkom- Kabanata 1 Aralin 1 “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan o binigyan ng makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng kaisipan.” – Henry Allan Gleason (ecologist, botanist at taxonomist) *See page 3 – Webster, Sturtevant….* Katangian ng Wika * Ang wika ay masistemang balangkas * Tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors a. Ponolohiya o tunog – makaagham na pag-aaral ng mga makahulugang tunog o ponema b. Morpolohiya o salita- pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng tunog o morpema c. Sintaksis o parirala/sugnay/pangungusap- pag-aaral ng sistema ng pagasama-sama o paguugnay-ugnay ng mga salita d. Semantika o kahulugan ng salita- kahulugan o relasyon ng mga salita Diskurso- palitan ng pangungusap * Ang wika ay sinasalitang tunog * Interaksyon ng mga aparato sa pagsalita gaya ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid (speech organs) * Unibersal na katotohanan sa wika na tunog- pinakapangunahing pangangailangan ng wika * Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog * Simbolong bokal at arbitrary * Dualismo- isang panagisag at isang kahulugan * Arbitraryo- walang tiyak na batayan * Ito ay arbitraryo sapagkat walang rasyunal na magagamit upang ipaliwanag ang koneksyon ng mga ito * Nakaugaliang gamitin * Ang wika ay komunikasyon * Kasangkapan ng komunikasyon ...

Words: 3394 - Pages: 14

Free Essay

Sample Theesis

...ang kaligirang kasaysayan nito. Malaki ang papel na ginagampanan ng pagsukat at pagtataya sa edukasyon. Ito ang pangunahing batayan sa pagtukoy sa lalim at lawak ng naunawaan, tumimo at kaalaman ng isang mag-aral na siyang huhubog ng kaniyang mga kasanayn bilang isang tao (Gregorio, 2001). Kinakailangang alamin ang natutunan at nalinang na mga kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsukat at pagtataya sa kanilang mga nalalaman at natandaan. Pamalagian itong ginagawa ng mga guro sa buong panahon ng kanilang pagtuturo particular na ,matapos sa bawat leksyon. Ang pagbibigay ng mga pagsusulit ang siyang pinakakaraniwan at kilalang paraan upang sukatin at tayain ang kaalaman at kasanayan g bawat isang mag-aaral. Sa pamamagitan ng masining na paglikha at paghahanay ng mga katanungan hinggil sa mga araling tinalakay ay mabibigyang pagkatukoy ng guro ang lawak na saklaw ng natutunan ng isang mag-aaral. Pinakamalaking bahagi ng pondo n gating bansa taon-taon ay inilalaan para sa edukasyon. Ito ay sa layunin n gating pamahalaan na mapataas pa ang kalidad at sistema n gating edukasyon sa bansa. Buhat sa pondong ito, naglulungsad an gating pamahalaan ng iiba’t ibang mga programa upang mapag-ibayo at mapalakas ang sistema at kalidad n gating edukasyon. Taon-taon ay naglulungsad ng mga Pambansang pagsusulit ang Kagawaran ng Edukasyon para sa Mababa at Mataas na Paaralan sa buong kapuluan. Ito ay naglalayong matukoy, masukat at mataya ang kalagayan n gating sistema...

Words: 17541 - Pages: 71

Free Essay

Filipino Thesis

...COMPUTER GAMES SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE MGA NILALAMAN Kabanata Pahina 1. Ang Suliranin at ang Saligang Pag-aaral Nito Panimula 1 Layunin ng Pag-aaral 7 Kahalagahan ng Pag-aaral 8 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 9 Depinisyon ng mga Terminolohiya 9 2. Ang Kaugnay ng Pag-aaral 13 3. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik 19 Mga Respondente (Subjek) 19 Paglalarawan ng Instrumentong Kagamitan 21 Paglilikom ng Datos 21 Estatikong Pagtrato 21 4. Pagsusuri, Paglalahad at Interpretasyon Ng mga Datos 23 5. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Lagom 30 Kongklusyon 30 Rekomendasyon 34 BIBLIOGRAPHY 45 – 46 Questionnaires 47 Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT ANG SALIGANG PAG-AARAL NITO Panimula Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nagsimula ang panahon ng Electronic Devices. Paglipas lang ng ilang dekada ito ay lumago at nakilala at naging isang pangkaraniwang bahagi na ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao. Habang lumalago ang industriyang ito, isinilang ang isa sa pinakamagandang nilikha ng tao para sa kanyang sarili – ang Computers. Isa itong aparato na gumagawa ng trabaho ng tao nang mas mabilis. Ang mga salitang Computer...

Words: 7094 - Pages: 29

Free Essay

Term Papers

...Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo sa Asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralan ng Palompon Institute of Technology Palompon, Leyte Isang Pananaliksik na Iniharap kay Gng. Jennifer Gorumba sa Assignaturang Filipino II sa Palompon Institute of Technology Palompon, Leyte Ikalimang Grupo Jenelyn Fernandez Jeraldyn Abellano Ronilyn Ruiz Jaysa Aragon Ruth Almada Careen Khie Ardiente Lourise Archie Subang March 12, 2010 i Kabanata I INTRODUKSYON “Dekalidad na Edukasyon”.Ito ang sigaw ng bawat isa sa atin. Nagnanais tayo na ito’y matugunan ng institusyon kong saan tayo nag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon ay makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyang makatutulong upang paunlarin ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawain na ito ay ang responsibilad ng guro. Dapat niyang malaman kung anu-ano ito sa ganoon ay makapagplano siya ng mga estratihiya na makapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at produktib na resulta sa performans ng mga magaaral. Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na programa sa pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang asignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating Wikang Pambansa. Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito dahilan din na dito nakasalalay kung tunay nga bang isa ka o ako na Pilipino. Sa kasalukuyan, ang asignaturang ito ay isa na may mababa na grado lalo na sa resulta ng NAT Examination. Masakit mang isipin ...

Words: 4985 - Pages: 20