Free Essay

Mga Munting Tinig

In:

Submitted By angelrainyDAY
Words 3782
Pages 16
Mga Munting

PAPEL SA
PAGSUSURI NG PELIKULANG
“MGA MUNTING TINIG”

Sinuri nina:
Daniel Louis Camaquin
Ram Adolf Del Mundo
Carlo Miguel Hernandez
Nigel Salazar
Mariel Afurong
Joanne Frances Bronola
Andrea Pauline Dimaculangan
Larissa Grace Kaibigan
Angelica Moncada

Antas 10 ng LS 302
(Taon: 2012-2013)

Para kay:
Gng. Del Beltran
Guro sa Filipino 10

I. INTRODUKSYON

A. Pamagat at Tema ng Pelikula

Ang “Mga Munting Tinig o Small Voices” ay isang pelikulang Tagalog na naghahatid ng napakagandang mensahe, aral, at paksa sa mga mambabasa. Ito ay nagpapahiwatig na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay sa buhay ng isang tao. Nagpapahiwatig ito na kahit mahirap, may karapatan pa rin ang mga taong mangarap. Lahat tayo ay binigyan ng kalayaan upang ating maisagawa ang lahat ng ating kagustuhan tulad ng mangarap. Ang bawat isa, saan mang panig ng mundo, ay may karapatang mangarap sapagkat tayo ay binayayaan ng kaniya-kaniyang talino at talento na dapat gamitin. Ang “Mga Munting Tinig” ay napapanood ng ibat-ibang kritiko at walang nagsabing di nila ito nagustuhan. Sa kasalukuyan, patuloy itong lumalaban upang magbigay inspirasyon sa tao habang natatamo nito ang tugatog ng tagumpay.

B. Pagpapakilala sa Direksyon, Manunulat ng Iskrip, Mga Artistang Nagsiganap, Kumpanyang Gumawa ng Pelikula, Uri ng Pelikula

Ang pelikulang “Mga Muniting Tinig o Small Voices” ay idinirehe ni Gil Portes. Siya rin mismo ang nagsulat nito kasama sina Adolfo Alix, Jr. at Senedy Que. Ang pelikulang ito ay isang pelikulang produkto ng magagaling na talento sa ating industriya ng sining at nalinang sa masusing pagpapatnubay ng tanyag na direktor na si Gil Portes. Una sa lahat ay ang bidang karakter na si Alessandra de Rossi bilang Melinda at Jo Kristi Payet bilang batang Melinda. Masisilayan dito ang mga titser na sina Dexter Doria bilang Mrs. Pantalan, Malou Crisologo bilang Solita, at Irma Adlawan bilang Fe. Ang mga batang gumanap naman sa pelikula ay sina Bryan Homecillo bilang Popoy, Pierro Rodriguez III bilang Obet, Keno Agaro bilang Adong, Sining Blanco bilang Gela, Christian Galindo bilang Lino, Hazel Logan bilang Ida, Rowell Reyes bilang Ato, at Aj Delos Santos bilang Carlos. Katatampukan din dito sina Gina Alajar bilang Chayong, Lailani Navarro bilang Pilar, Hamid Eton bilang Mr. Singh, Amy Austria bilang Luz, Nonie Buencamino bilang Fidel, Nanding Josef bilang tatay ni Adong, Shamaine Buencamino bilang ina ni Adong, Connie Chua bilang ina ni Gela, Aleth de la Cruz bilang ina ni Ida, Jess Evardone bilang ama ni Melinda, Rey Mendoza at Jasper Vinarao bilang mga kapatid ni Adong, Bong Rodriguez bilang Ka Andres at Jun Galindo na mga NPA. Sa pinakuhuli ng pelikula matutunghayan sina Tony Mabesa bilang Mr. Tibayan, Tessie Villarama ang Emcee sa paligsahan, Ramon Pedro P. Paterno at Menchu Rodriguez Suntay bilang mga superbisor ng Central School. At idagdag pa ang mga gumanap naman na Malawig Choir Kids na sina Jelly Cruz, Jocelyn Escobal, Gema Gonzales, Celina Suntay, at Myko Suntay. Ang kumpanyang gumawa at nagpakalat ng pelikulang ito ay ang Teamwork Productions na ipinalabas rin ng Warner Bros. Pictures sa ibang bansa. Ang pelikulang ito ay maihahanay sa drama dahil sa mga mapapait na pangyayari.

II. Paglalarawan sa Buod ng Pelikula Bagong guro si Melinda Santiago sa Mababang Paaralan ng Malawig. Siya ang pumalit kay Pilar na nagtungo sa ibang bansa upang doon magtrabaho at magkaroon ng mas malaking suweldo. Si Melinda ay may talento sa pagtugtog ng “flute”. Katatapos lamang niya ng kolehiyo sa kursong “education”. Inaasahan ng kaniyang pamilya, lalo na ng kaniyang ina, na susunod siya sa Amerika at doon magtrabaho, ngunit ayaw niya sapagkat nais muna niyang pag-isipang mabuti kung saan ba talaga siya nararapat tumigil. Nais niyang alamin kung ano ba talaga ang para sa kaniya, ang magtungo sa Amerika kasama ng kaniyang ina o ang magpunta sa Malawig at doon magturo. Nagtungo muna siya sa Malawig. Tinanggap niya ang malaking hamon sa kaniyang buhay – ang magturo sa paaralan ng Malawig kung saan salat sa kabuhayan ang mga pamilya ng mga mag-aaral sa lugar na ito, kaya't ang mga bata ay inoobliga ng kanilang mga magulang ng responsibilidad sa bahay at sa paghahanapbuhay. Ang sitwasyon na ito ay nakaapekto sa pananaw ng mga kabataan sa pangarap, edukasyon, katarungan, at kababaihan na ikinabahala naman ni Melinda. Kasama sa pagsubok na kaniyang kinaharap ay ang pagiging korupt ni Mrs. Pantalan, ang punong guro ng paaralan ng Malawig. Siya ay nagtitinda ng “ice candy” sa mga bata at nagkaroon pa ng pagkakataon na sinabi niya sa mga bata na kapag hindi sila bibili ay hindi nila makukuha ang kanilang card. Ngunit nagagawa lamang ito ni Mrs. Pantalan dahil may pinag-aaral itong mga anak na nasa kolehiyo na. Makikita sa pelikula na si Mr. Singh, isang Bumbay, ay nagpapatong ng sampong pursyentong interes sa mga tseke ng titser dahil siya ang nagpapasuweldo sa mga ito. Nagtitinda rin siya ng iba’t-ibang bagay na may malaking halaga. Ngunit sa kabila nito, natutuwa pa ang mga residente sa kaniya dahil kumpleto siya sa mga pangangailangan ng mga tao at dahil siya naman ay ubod nang mabait. Nagkaroon din ng mga bagyo at sunog na nagsilbing dahilan ng pagkasira ng mga libro, silid-aralan, at iba pang mga kagamitan sa eskuwelahan. Ang sitwasyong ito ay nagsilbing hamon kay Melinda. Nasubok ang kaniyang pakikihamon nang sumali ang paaralan ng Malawig sa isang choral contest. Bagama’t nakitaan niya ng interes at kakayahan ang mga mag-aaral, hindi naman naging madali sa kaniya ang paghimok sa mga magulang ng mga ito na payagan silang sumali sa paligsahan. Tanging si Luz, ina nina Popoy at Obet, ang pumayag sa kaniyang hinihiling. Si Luz ang tumulong kay Melinda na himukin ang iba pang mga magulang na napagtagumpayan naman nila. Nangako si Melinda na magbibigay siya ng bagong uniporme kina Popoy at Obet upang hindi na sila maghiraman. Subalit isang araw, nadamay at napatay ang batang si Popoy sa isang enkwentro ng NPA at military nang minsan siyang sumama sa kanyang amang si Fidel na isa sa mga lider ng NPA. Dahil sa trahedya ay tumamlay ang dating masiglang paghahanda ng mga bata para sa paligsahan. Ngunit sa kabila nito, napagdesisyunan pa rin nang mga batang ipagpatuloy ang kanilang pag-eensayo maliban lang kay Obet, kapatid ni Popoy, dahil sila ay lilipat sa ibang bayan kung nasaan ang iba nilang kamag-anak.

Sa huli, nakasali pa rin si Obet sa paligsahan dahil sa pagpayag ng kaniyang ina na sundin ang kaniyang kagustuhan. Sa kaniyang pagkahuli, nakita niya si Mr. Singh at inihatid naman siya nito sa Central School, ang pagdarausan ng paligsahan. Nanalo ang kanilang grupo na lubos nilang ikinagalak. Pagkalipas ng panahon, umalis si Melinda patungong Amerika at doon naman niya sinubukang mamuhay. Iniwan ni Melinda ang baryo na puno ng inspirasyon at pag-asa. Tinuruan niya ang bawat isa na ipaglaban ang nais na pagbabago sapagkat nasa kamay lang natin ang lahat. III. Panunuri sa Pelikula Sa panahon natin ngayon, hindi na kakaiba ang makasalamuha ng mga taong pabaya at naka-upo na lamang sa isang tabi dahil tinanggap na nila ang kanilang masaklap na kalagayan. Sila ang mga taong hindi man lamang nagsusumikap abutin ang kanilang mga pangarap dahil sa nawalan na sila ng pag-asa sa kanilang buhay.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga katotohanang masisilayan sa tunay na buhay at sa pelikulang “ Mga Munting Tinig”. Sa tingin niyo ba, kung tayo ay ganito mag-isip, kumilos, at makipagkapwa–tao, ano pang matitira sa atin? Ano pang lipunan at buhay ang ating kakaharapin? At higit sa lahat, sino pa ang maiiwang kikilos upang matupad ang ating mga pangarap kung mismong ikaw, na sarili mo, ay hindi kikilos? Sa pelikulang ito makakapulot ng aral at magkakapagbigay inspirasyon sa mga tao upang ipagpatuloy ang kanilang buhay na may lakas ng loob at puno ng pangarap at pag-asa. A. Tema Ang tema ay maituturing na pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang pelikula. Isinasaad nito ang pinakapaksa, layunin, o mensahe ng pelikula. Ang Pelikulang “Mga Munting Tinig” ay nagtataglay ng maraming aral na higit na makabubuti sa mga manunuod lalo na sa mga bata. Sa pelikulang ito, makikita ang mga taong hirap sa kanilang buhay. Ang tema ng pelikulang ito ay ang “Kahirapan ay hindi hadlang sa pangarap at pag-asa ng mga tao lalo na nang mga kabataan”. Ang temang ito ay mahusay na pinakita’t ginampanan ng mga tauhan lalong-lalo na ng pangunahing tauhan na si Melinda na ginanapan ni Alessadra de Rossi. Masasalamin sa kaniya ang katangian ng taong masigla at puno ng pag-asa.

Ang kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga pangarap na minimithi ng bawat isa. Ang lahat ay nagtataglay ng biyayang talento na ipinagkaloob ng Maykapal upang gamitin sa tama na siyang ikauunlad ng bawat isa at hindi lamang para sa sariling kapakanan. Ang kaalaman at paniniwala ng kabataan ay kakaiba kumpara sa mga matatanda. Dapat ay maging bukas ang isipan ng bawat isa sa lahat ng aspeto ng buhay.

Bawat nilalang, bata man o matanda, babae man o lalaki, ay may paninindigan na dapat marinig ng buong mundo. Walang sinuman ang may karapatang hadlangan ang karapatan ng bawat nilalang na makapagpahayag ng kaniya-kaniyang saloobin o damdamin. Ang mga mumunting tinig ng bawat isa, kapag pinag-isa, ay makakapagpabago sa ating lipunan. B. Mga Tauhan

Kung mapapanood ang pelikulang "Mga Munting Tinig", makikita dito na hindi lamang umiikot ang storya sa iisang tauhan. Bagama't ang pelikulang ito ay naka-pokus kung paano baguhin ng isang gurong si Melinda Santiago ang buhay at pananaw ng mga mag-aaral ng Malawig. Ipinapakita rin dito kung ano ang pinagdadaanan ng bawat mag-aaral na lubos na nakatulong upang mas lalong maintindihan ng manonood ang pelikula. Ipinakita dito ang buhay ni Obet at ni Popoy. Sila ay magkapatid na naghihiraman sa iisang uniporme. Naipakita sa pelikula na ayaw ni Obet na maging katulad ng kanyang amang si Fidel na lider ng NPA. Naipakita rin dito ang pagbebenta ni Binibining Pantalan ng ice candy at sapilitang pinapabili ang mga mag-aaral upang may dagdag na kita dahil siya ay may anak na pinapaaral sa maynila. Makikita rin dito ang batang babaeng nagngangalang Gema na pinapatigil na ng kanyang ina sa pag-aaral dahil sa kagustuhan nitong tumulong na lamang siya sa pag-aalaga ng kaniyang mga kapatid dahil ayon sa kanyang ina, ang mga babae ay sa nararapat lamang na nasa bahay at siyang gumagawa ng mga gawaing bahay at inaalagaan ang mga anak. Makikita rin ang gurong si Solita na ipinapalinis ang kaniyang tahanan sa mga bata. Matatanaw din dito ang pagbabago ng bawat tauhan dahil sa nangyayari sa kanilang kapaligiran. Isang halimbawa dito ang pagkamatay ni Popoy dahil siya ay sumama sa kanyang ama. Dahil dito, nawalan ng pag-asa si Obet. Ang mga sitwasyon ng mga bata ang nagtulak kay Melinda upang gumawa ng paraan para mabigyan ng pag-asa ang mga mag-aaral sa Malawig. Si Melinda ang naging dahilan ng pagbabago ng mga pananaw ng mga magulang, guro at mag-aaral ng Malawig. Hinikayat ni Melinda ang mga bata na sumali sa isang singing contest bagama't ayaw pumayag ng mga magulang dahil ayon sakanila kailangan maghanapbuhay ng mga bata. Tanging si Luz, ina ni Popoy at Obet, ang naniwala at tumulong sa kaniya. Nagkaroon man sila ng problema dahil sa hindi pagpayag ng mga magulang, hindi ito naging hadlang sa kagustuhan nilang manalo. Sa pagkapanalo ng mga mag-aaral, ito ay nagdulot ng malaking pagbabago sa mga mamamayan ng malawig. Nagkaroon sila ng bagong pag-asa. Natutunan nila na ang kahirapan ay hindi hadlang para mangarap. Samakatuwid, makikita sa mga tauhan na nawawalan na sila ng pag-asa dahil sa kahirapan. Ito ay sumasalamin sa ibang buhay ng kapwa natin Pilipino. Maging inspirasyon sana sakanila ang pelikulang ito dahil hindi hadlang ang kahirapan upang tayo ay umahon at magkaroon ng bagong pag-asa. C. Uri ng Pananaw o Paningin Maraming uri ang pananaw o paningin na maaaring gamitin sa panunuring pampelikula. Isa sa mga ito ay ang obhetibong pananaw. Ang pananaw na ito ay lubos na nagamit at nakita sa pelikulang “Mga Munting Tinig”. Ang pananaw na ito ay nagpapakita na sa iba’t-ibang eksena ay hindi limitado sa kung ano ang nakikita ng tauhan sa isang tagpo. Makikita natin sa pelikula ang iba’t ibang captions ng mga tauhan. Tulad na nga lang sa iba’t ibang pagpakakahulugan ng mga buhay ng mga tauhan. Makikita sa pelikula na ang bawat tauhan ay may kaniya-kaniyang pananaw sa buhay tulad ni Melinda. Ang kaniyang pananaw sa buhay ay lahat ng tao ay libre at may karapatang mangarap, hindi tulad ng ina ni Gema na ang pananaw ay ang kababaihan ay walang karapatang mangarap dahil pambahay lamang ang mga ito – taga-alaga ng anak, kapatid, at sa gawaing-bahay. Ang relasyon ng mga tauhan sa camera ay naging perspektibo sa mga manonood. D. Shot Ang shot ay ang mga kilos o aksyong nakunan ng kamera sa pag-andar hanggang sa paghinto nito. May tatlong uri ng shot na ipinakita sa pelikulang “Mga Munting Tinig”. Una rito ay ang “Long Shot”. Ang istilo nang pagkuhang ito ay nagpapakita ng pangunahing lugar o tauhan na may malayong agwat sa kamera. Ipinapakita din ng “Long Shot” ang relasyon ng mga bagay o mga tauhan sa kapaligiran. Ginamit ito upang Makita ang kabuuan ng lugar kung saan isinagawa ang mga pangyayari. Halimbawa nito ay ang tagpuan sa pelikulang noong nagtuturo ang gurong si Melinda sa kaniyang mga estudyante sa isang patag na lupa sa labas ng kanilang silidaralan sapagkat katatapos lamang nang bagyo na nagdulot ng pinsala sa mga silid-aralan na pinag-aaralan nang mga bata. Ang pangalawang shot naman ay ang “Medium Shot”. Sa kuhang ito naman makikita ang pantay na taas mula baywang hanggang taas ng mga tauhan o mga bagay. Makikita ito noong nag-uusap si Melinda at Chayong na ina ni Pilar. At ang pinakahuli namang shot ay ang tinatawag na “Close-up Shot”. Ang kuhang ito ay nagpapakita ng maliliit na distansya sa pagitan ng tauhan at ng kamera. Ito ang paraan ng direktor para ipakita sa mga manonood ang mga detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin. Makikita ito sa pelikula noong umiiyak si Melinda sapagkat siya ay nalulungkot sa pagkamatay ng isa sa kaniyang mga estudyanteng si Popoy. Dito labis na naipakita ang pagkalungkot at pagdadalamhati ni Melinda. E. Editing ng Pelikula Ang editing ng pelikula ay masasabing maayos ang pagkaka-edit kung angkop ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena o kuha kapag pinagsama-sama na ang mga ito. Sa panahong nagawa ang dekalibreng pelikula, Mga Munting Tinig, na humakot ng mga parangal ay di natin maipagkakailang maganda at malinaw ng pagkahati-hati at pagkasunud-sunod ng mga eksena. Ang bawat anggulo ng mga tauhan ay naaangkop sa isang eksena patungo sa ikalawang eksena. Sa pelikulang ito, kapag nag-iisip ang mga tauhan ay siguradong may kalakip din itong eksena, kaya hindi malilito ang mga manunuod kung ano talaga ang nangyari sa tagpong iyon. Ngunit minsan ay may mga eksenang hindi masyadong naipapaliwanag ng klaro o kaya naman ay mabitin-bitin ang daloy ng mga pangyayari. Makikita ito noong si Popoy at ang kaniyang ama ay bigla nalang namatay. Hindi man lang ipinakita kung papaano sila namatay pero sa kabila nito, halata naman ang dahilan. Naiintindihan pa din naman ng mga manunuod ang daloy ng kuwento. Sa kalahatan, malambot at matiwasay ang pag-usad ng bawat eksena sa pelikula. Ang editor ng pelikulang ito ay si George Jarlego sa tulong ni Ely Cruz, ang sinematograpiya ng pelikula.

F. Musika o Sound Effect Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay mayaman sa musika. Ang editor nito sa musika ay si Joy Marfil at ang sa “sound effects” naman ay sina Noel Cruz Bruan at Ari Trofeo. Ang paggamit nila ng musika sa pelikulang ito ang siyang naging isang elementong nagpadala at nagpa-antig sa mga damdamin ng manunuod. Ang pangunahing kanta o “theme song” ng pelikulang ito ay hinggil na rin sa pamagat, Mga Munting Tinig. Ang awiting ito ang siyang ginagamit kapag may mas kaiga-igayang pangyayari sa pelikula tulad nalang noong ginamit nila ang kantang ito sa pagsali ng mga bata sa paligsahan sa pag-awit. Naging angkop at epektibo naman ang pagdaragdag ng musika at tunog sa pagbuo ng pelikula. Mayroong kaugnayan sa tunog ang bawat eksenang ipinapakita at mas madarama ang emosyong taglay ng mga artistang gumanap sa pelikula. Nakatulong ang mga ito sa pagpapadama ng kalungkutang bumabalot sa pelikula. Makikita ito sa isa sa mga eksena sa pelikula kung saan namatay sina Popoy at Fidel na kaniyang ama matapos makipagsabakan sa mga sundalo. Sa pamamagitan ng musikang ginamit dito, mas naipakita ang tunay na pagdadalamhati ng ina ni Popoy na si Luz, ang kuya niyang si Obet, ang guro niyang si Melinda, ang kaniyang mga kaklase, at iba pang guro at kapit- bahay. Nagkaroon din ng katahimikan upang mas maintindihan ng mga manunuod ang sinasabi ng bawat tauhan sa isa’t-isa. Sa pagdaragdag naman ng mga angkop na “sound effects” at musika, mas naipakita sa pelikulang ito ang katotohanang bawat nangyayari sa pelikula ay nangyayari rin sa tunay na buhay.

G. Direksyon Si Gil portes, ang direktor ng pelikulang “Mga Munting Tinig”, ay isa sa pinakamahusay at tanyag na director ng kaniyang henerasyon. Isang siglang patunay dito ay ang mga gantimpalang kaniyang nakuha mula sa iba’t-ibang “Film Festivals”. Isa sa mga parangal na kaniyang nakamit ay ang titulong “Best Director” noong ginawa niya ang “Mga Munting Tinig”. Dahil sa kanyang paggawa ng mga pelikulang tumatalakay sa kontrobersyal na aspeto ng buhay at iba pang interesanteng paksa, kaya siya nakakuha ng ibat-ibang parangal. Ilan pa sa kaniyang mga sikat na gawa ay ang “Saranggola” noong 1999, “Gatas sa dibdib ng kaaway” noong 2001, “ Bukas may pangarap” noong 1994, at “Markova: Comfort Gay”. Siya rin ay isang mahusay na manunulat. Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay pang dalawampu’t lima na sa mga makabuluhang pelikulang kaniyang mga nagawa. Ito ay ang opisyal na isinali ng Pilipinas sa Academy Awards at Golden Golbes noong 2003. Siya rin ay sumikat sa ibang bansa. Ang patunay nito ay ang pagsabi pa ng isang reporter sa Amerika, “His camera catches de Rossi in sparse, beautifully lit images.” Sa kaniyang direksyon makikita natin ang iba’t ibang anggulo ng totoong nangyayari sa buhay ng mga mahihirap at NPA. Makikita rin natin dito ang kultura ng mga Pilipino. H. Disenyo ng Set Maituturing ba na tagpuan ang isang aktwal na probinsya kasalungat sa estado ng mga naninirahan doon? Ang probinsya ay ang maituturing na lugar na pinaka-epektibo para sa mga tagpuan na ginamit sa pelikulang “Mga Munting Tinig”. Ang unang tagpuan ay makikita sa eskwelahan na kung saan may mga matataas na administrator ang dumadalaw at umuobserba rito. Maayos naman ang nakita ng mga obserbador ngunit nag-iwan sila ng komento na ipaayos naman ang mga dingding at ibang parte ng silid aralan. Sumunod ay noong bumaha na siyang nakasira sa silid-aralan ng Mababang Paaralan ng Malawig. Walang nagawa ang mga guro kaya napilitan silang sa labas na lamang magturo. Makikita rin sa pelikula ang pagpunta ni Melinda sa bayan kung saan kinumpirma niya ang pagsali ng mga mag aaral niya sa paligsahan. Ang pag-eensayo ng kaniyang mga mag-aaral ay isinasagawa nila sa may loob at labas ng kanilang silid-aralan. Sa madaling salita, ang ginamit na set sa pelikulang ito ay ang bayan ng Malawig kung saan may paaralan, bayan, bukid, at kagubatan. Ang ginamit na disenyo ng set ay lubos na pinaghandaan at angkop na angkop sa bawat imahe ng pelikula. IV. PANGWAKAS A. Kahalagahang Pangkawilihan (entertainment value) Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay nakabihag ng interes o kawilihan ng mga manunuod. Ang pagpapakita ng katotohanan sa ating lipunan at ng mga eksena na tumatalakay sa kalidad ng edukasyon sa mga paaralan sa baryo lalo na ang sa mga liblib na pook ang nakadagdag interes sa mga manunuod. Dahil sa labis na kuryosidad kung ano ba talaga ang buhay ng mga mahihirap at mga NPA, natutunan na rin ng mga tao na panuorin ang pelikula. Ang pelikulang ito ang nagpatawa sa mga manunuod sapagkat makikita rito ang pagbibiruan at tuksuan ng mga estudyante sa isa’t-isa at ang pamali-maling grammar ni Fe, isa sa mga titser. Ngunit ito rin ang lubos na nagpa-antig at nagpaiyak sa maraming manunuod dahil sa malulungkot na pangyayari sa mga tauhan lalo nang pumanaw ang isa sa mga bata. Lahat ng tagpo sa pelikulang ito ay kapana-panabik panuorin. B. Kahalagahang Pangkaalaman (educational value) Sa pelikulang “Mga Munting Tinig” makikita ang tapat at positibo na aspeto ng sarili. Sa katunayan, ito ay magandang batayan ng pag-aaral para sa mga estudyante, guro, at iba pang tao. Nagpapakita ito ng balanseng pananaw sa buhay at nagsisiwalat ng pantay na pagkilatis sa lahat. Hindi rin ito nagpapakita ng kawalan ng katarungan at kahit na simpleng presentasyon lamang ito, naipakita naman nito ang isang magandang ideya. Ang pelikulang ito ay nakapagbigay mensahe sa lahat ng tao sa pamamagitan ng pagsasama sa pelikula ng mga pangyayaring tunay na nagaganap sa totoong buhay. Ang mga mabubuting aksyon ng mga tao sa mga pangyayari sa pelikula ay maaaring gayahin at isagawa ng mga tao. Ang mga salita at aksyon ni Melinda ang nagtuturo sa mga manunuod na lahat ng tao ay maaaring mangarap at ang kahirapan ay hindi hadlang sa mga pangarap na ating nais makamit. C. Kahalagahang Pansining (artistic value) Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay masasabing napakahusay. Ito ay nagtataglay ng magagandang aral. Ang pagkakagawa nito ay pinaghandaang mabuti. Ang pag-aayos ng mabuti sa iskrip, musika, artista o tauhan, tagpuan, aksyon, at ang direksyon ay pawing napakahusay dahil ito’y nabuo ng may masining na kakahayan. Ang mga tunog na ginamit, lalo na ang “musical score” at ang kanilang tamang punto, ay tama lang dahil nadama ng mga manonood ang mensahe nito. Ang mga pagsasagawa at pagsasama ng mga ito sa pelikula ang nagsilbing dahilan upang makatawag-pansin at makaantig ng damdamin sa mga manunuod. D. Kahalagahang Pangmoral (moral value)

Ang mga pangyayari, karakter at aksyon ng tauhan, at ang lugar sa pelikulang “Mga Munting Tinig” ay pawang katotohanan. Ang mga ito ay isang realidad. Ito ay makikita at masasaksihan sa tunay na buhay ng mga tao. Ang pelikulang ito ay punong-puno ng sentimentalidad at aral na siyang magbubukas ng isipan ng mga manunuod. Ang mga aral na mapupulot dito tulad nang hindi pagkawalan ng pag-asa ay tamang-tama sa mga manunuod lalo na sa mga kabataan. Dahil dito, masasabi na ang pelikulang ito ay karapat-dapat panuorin ng hindi lamang ng mga kabataan, kundi na rin ng mga matatanda upang mas malinawagan pa sila sa realidad ng buhay.

Similar Documents

Free Essay

Mga Munting Tinig

...PAPEL SA PAGSUSURI NG PELIKULANG “MGA MUNTING TINIG” Sinuri nina: Daniel Louis Camaquin Ram Adolf Del Mundo Carlo Miguel Hernandez Nigel Salazar Mariel Afurong Joanne Frances Bronola Andrea Pauline Dimaculangan Larissa Grace Kaibigan Angelica Moncada Antas 10 ng LS 302 (Taon: 2012-2013) Para kay: Gng. Del Beltran Guro sa Filipino 10 I. INTRODUKSYON A. Pamagat at Tema ng Pelikula Ang “Mga Munting Tinig o Small Voices” ay isang pelikulang Tagalog na naghahatid ng napakagandang mensahe, aral, at paksa sa mga mambabasa. Ito ay nagpapahiwatig na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay sa buhay ng isang tao. Nagpapahiwatig ito na kahit mahirap, may karapatan pa rin ang mga taong mangarap. Lahat tayo ay binigyan ng kalayaan upang ating maisagawa ang lahat ng ating kagustuhan tulad ng mangarap. Ang bawat isa, saan mang panig ng mundo, ay may karapatang mangarap sapagkat tayo ay binayayaan ng kaniya-kaniyang talino at talento na dapat gamitin. Ang “Mga Munting Tinig” ay napapanood ng ibat-ibang kritiko at walang nagsabing di nila ito nagustuhan. Sa kasalukuyan, patuloy itong lumalaban upang magbigay inspirasyon sa tao habang natatamo nito ang tugatog ng tagumpay. B. Pagpapakilala sa Direksyon, Manunulat ng Iskrip, Mga Artistang Nagsiganap, Kumpanyang Gumawa ng Pelikula, Uri ng Pelikula Ang pelikulang “Mga Muniting Tinig o Small Voices” ay idinirehe ni Gil Portes. Siya rin mismo ang nagsulat nito kasama sina Adolfo Alix, Jr. at Senedy...

Words: 3780 - Pages: 16

Free Essay

Isang Tala Sa Upuan

...Normal lang sa araw-araw para sa mga estudyante ang pumasok ng maaga at nang hindi mahuli sa klase, ngunit nang magising ako ay para bang gabi pa rin dahil sa dilim ng langit na parang ipingdadamot sa mga tao ang araw. Tinatamad pa ako pumasok nun kasi nagpuyat ako kagabi dahil sa mga assignments na pinagawa sa amin. Pinilit ko na lang bumangon para makapaghanda ako ng aking almusal at maghanda ng aking ipanliligo. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na ako papunta sa BSU. Pagpasok ko sa aming silid ay napansin kong nandun na din ang aming guro. Malapit na palang magsimula ang klase. Nang magsimula na siyang magslita tungkol sa topik naming ay sinulat ko ang mga importanteng mga bagay. Natural lamang na habang nagkaklase ay sadyang mga salik na nakakaimpluwensya sa pakikinig, pero hindi ko na lang pinansin ang mga iyon at pinagpatuloy ko ang aking pagsulat.Habang nagsusulat ako ay aksidenteng napatid ng kaklase ko ang aking kwaderno. Pagkapulot ko nito ay may napansin akong nakasulat sa armchair na aking inuupuan. Ito ay isang tala sa upuan na kumuha sa aking atensyon. Hindi ko alam kung sadyang nagkataon lamang, ngunit parang may nagsasabi sa akin na basahin ko iyon. Sa unang pagkakabasa ko nito ay tila ba’y nabaduyan ako, subalit nang basahin kong muli at lubos na unawain ang bawat salitang nakasulat ay tila bang ako mismo ang gumawa nito. Sa bawat salitang kanyang pinahayag ay nagpapahiwatig ng kanyang pagkalumbay at pag-iisa sa buhay na sya ring nararamdaman ko ngayon. Napahinto...

Words: 695 - Pages: 3

Free Essay

Shakuntala

...KUNG BAKIT UMUULAN Isang Kuwentong Bayan Noong unang panahon, wala pang mundo, wala pang araw at buwan, wala pang  oras, at wala pang buhay o kamatayan. Mayroon lang dalawang diyos, si Tungkung Langit, at ang kaniyang kabiyak na si Alunsina. “Tingnan mo, mahal, lilikhain ko ang santinakpan para sa iyo!” pagmamalaking sabi  ni Tungkung Langit. “Hayaan mong tulungan kita, kaya ko ring lumikha,” ang sabi ni Alunsina. “Huwag kang mag-alala, mahal, ito ang regalo ko sa iyo: ang mga bituin, ang mga  planeta, ang buwan, ang mga ulap, at ang hangin.” “Pero makapangyarihan din naman ako, dahil isa akong diyosa,” bulong ni Alunsina.  Ngumiti lang si Tungkung Langit at niyakap si Alunsina. Pagkatapos, tumindig siya nang  matikas, huminga nang malalim, at sumigaw nang pagkalakas-lakas sa kawalan. Lahat ng sabihin ni Tungkung-Langit ay nagkatotoo. Kumalat ang sinag ng bagong  likhang araw. Kumislap-kislap ang mga bituin. Umikot ang mga planeta at lumiwanag ang  buwan. Humangin nang pagkalakas-lakas. At naulit ito nang naulit. Mahal na mahal ni Tungkung Langit si Alunsina, kaya ayaw  niya itong mapagod. Ayaw niyang gumamit ng kahit isang daliri si Alunsina upang lumikha ng kahit isang bagay. “Mas gugustuhin kong maupo ka na lang, magpahinga, at maging maganda,” ang sabi  ni Tungkung Langit kay Alunsina. Ngunit sawa na si Alunsina sa ganoong klaseng buhay. Naramdaman niyang parang  wala siyang silbi bilang diyosa. Gusto niyang lumikha. “Huwag kang mag-alala,” sabi ni Tungkung...

Words: 2044 - Pages: 9

Premium Essay

Art Is the Product of Its Time and Place

...Bernabe | 14. BAJO LOS COCOTEROS (Under the Coconut Trees) – book of poems 15.2. ANTE EL MARTIR (Before the Martyr) – poem | Claro M. Recto | 15. EL NIDO (The Nest) – song | Adelina Guerrea | 16. AROMAS DE ENSUEÑO (Scents of Dreams) – book | Isidro Marpori | 17. LA PUNTA DE SALTO (The Place of Origin) – legend | Macario Adriatico | 18. DECALOGO DE PROTECCIONISMO | Pedro Aunario | 19. FLORANTE AT LAURA | Francisco Balagtas | 20. URBANA AT FELISA | Modesto de Castro | 21. BANAAG AT SIKAT | Lope K. Santos | 22. ANG ISANG PUNONG KAHOY (A Tree) – elegy | Jose Corazon de Jesus | 23. ISANG DIPANG LANGIT (A Stretch of Heaven) 24. BAYANG MALAYA (A Free Nation) 25. ANG PANDAY (The Blacksmith) 26. ANG MUNTING LUPA (A Small Lot) | Amado V. Hernandez | 27. NENA AT NENENG | Valeriano Hernandez...

Words: 1218 - Pages: 5

Free Essay

Nothing

...------------------------------------------------- Nemo, ang Batang Papel ni Rene O. Villanueva Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop. Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo. Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya; naroong bumaba. Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan. Inangilan siya ng dyip. Binulyawan ng kotse. At sininghalan ng bus. Mabuti na lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo. Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang paa na muntik nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila! Araw-araw, tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit na inggit siya sa kanila. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto rin niyang maging isang tunay na bata. “Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata! Gusto kong tumakbo tulad ng totoong bata! Gusto kong maghagis ng bola tulad ng totoong bata!” Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad...

Words: 5574 - Pages: 23

Free Essay

Mga Kasanayan Sa Akademikong Pilipino

...MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA Introduksyon May mahalagang bahaging ginagampanan ang pagbasa sa paghahasa ng talino ng tao. Kailangan ang maunawaang pagbasa tungo sa ganap na pag-unawa ng ano mang disiplinang saklaw ng kaalamanng tao. Kaugnay nito,dapat mabatid na ang pagbasa ay isang makrong kasanayang binubuo ng mga maykrong kasanayan. Sa medaling sabi, may mga kasanayang kailangang linangin ang sinumang tao upang siya ay maging isang epektib na mambabasa. Lalo na sa akademikong pagbasa, may mga ispesipik na kasanayang kailangang malinang upang ang pagbabasa ay maging higit na kawili-wili at prodaktib na karanasan para sa sinuman. Isa sa mga ispesipik na kasanayang ito ang pagtukoy sa hulwaran ng organisasyon ng teksto na tinalakay na sa naunang leksyon. Ang iba pang kasanayang mahalaga sa akademikong pagbasa ay ang mga sumusunod: 1. PAG-UURI NG MGA IDEYA AT DETALYE Makakatulong nang malaki ang kaalaman sa paksang pangungusap na siyang sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya at mga sumusuportang detalyena tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap. Ang paksang pangungusap ay ang pangunahing tema sa anumang tekstong ekspositori. Ito ang batayan ng mga detalyeng inilahad sa isang teksto. Kadalasa’y makikita ito sa unang talata at huling talata ng tekstong ekspositori. Maaring implayd o ekspresd ang paksang pangungusap kung ito ay nasa unahan. Kung ito ay nasa hulihan, nagiging kongklusyon ang paksang pangungusap...

Words: 2507 - Pages: 11

Free Essay

El Filibusterismo

...ASSIGNMENT SA FILIPINO IPINASA NI: GLAIZA MAE A. CATAROS MGA TULA NG DAMDAMIN * ODA * DALIT * SONETO * ELEHIYA * AWIT MANGGAGAWA ni Jose Corazon de Jesus Bawat palo ng martilyo / sa bakal mong pinapanday alipatong nagtilamsik, / alitaptap sa kadimlan; mga apoy ng pawis mong / sa Bakal ay kumikinang tandang ikaw ang may gawa / nitong buong Santinakpan Nang tipakin mo ang bato / ay natayo ang katedral, nang pukpukin mo ang tanso / ay umugong ang batingaw nang lutuin mo ang pilak / ang salapi ay lumitaw, si Puhunan ay gawa mo / kaya ngayo'y nagyayabang. Kung may ilaw na kumisap / ay ilaw ng iyong tadyang, kung may gusaling naangat, / tandang ikaw ang pumasan mula sa duyan ng bata / ay kamay mo ang gumalaw hanggang hukay ay gawa mo / ang kurus na nakalagay. Kaya ikaw ay marapat / dakilain at itanghal pagkat ikaw ang yumari / nitong buong Kabihasnan. Bawat patak ng pawis mo'y / yumayari ka ng dangal dinadala mo ang lahi / sa luklukan ng tagumpay. Mabuhay ka ng buhay na / walang wakas, walang hanggan, at hihinto ang pag-ikot / nitong mundo pag namatay. Bayan Ko (My Country) Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto't bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda't dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas! Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha...

Words: 5986 - Pages: 24

Free Essay

Team Building

...Teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito. Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sinp, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao. Teoryang Markismo/Marxismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng dukha ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon WALANG PANGINOON ni Deogracias Rosario ...

Words: 7708 - Pages: 31

Free Essay

Npne

...taglay na yaman. Sa mga ugat ko ay nananalaytay, magiting na dugo ng raha at lakan; ang kasaysayan ko'y di malilimutan ng aking kalahi't liping pinagmulan Maraming bayaning nagbuwis ng buhay, di nagatubili sa tawag ng bayan, nabuwal sa dilim at nagdusang tunay upang kalayaan ay aking makamtan. Ikararangal ko itong aking lahi, di ikahihiya sa alinmang lipi; busilak ang puso, malinis ang budhi mamatay ay langit kung bayan ang sanhi. Taas noong aking ipagmamalaki Pilipino akong may dangal na lahi, Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi, dinilig ng dugo ng mga bayani. ANG AKING GURO Masdan mo ang guro, ang taong dakila, Mapagtiis siya't laging matiyaga; Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa, walang tigil siya sa maghapong gawa. Guro ko ang siyang nagturo sa akin, Na ang ating lupa ay aking mahalin, Ako raw'y gumawa at aking sikaping Mapaunlad itong mutyang bayan natin. Siya ang nagturo ng kabayanihan Ng ating Mabini, Burgos at del Pilar; Siya ang nagulat ng buhay ni Rizal, Siya ang nagturong ako'y maging tapat Sa mga tungkuling aking ginaganap Nagtatagumpay raw yaong masisipag, Di raw giginhawa yapng taong tamad. Siya ang maysabing ating tangkilikin Yaong mga bagay na yari sa atin; Sino pa raw yaong tutulungan natin Kundi kababayan at kalahi na rin. Guro ko ang aking tunay na huwaran Siya ay maayos sa kanyang katawan, Sa pagsasalita, siya ay magalang At sa diwa niya'y may matutuhan. Iyang aking guro'y isang mamamayang Dapat ding tawaging bayani ng bayan; Ang mga pinuno sa kinabukasa'y...

Words: 3770 - Pages: 16

Free Essay

Hsam

..."MANILA," directed by prize-winning directors Adolfo Alix Jr. and Raya Martin, will open the 2009 Cinemalaya Independent Film Festival and Competition on July 17, 7:30 p.m. at the Cultural Center of the Philippines (CCP) Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater). This will be the film’s Philippine premiere after its successful screenings in the 62nd Festival de Cannes and the 31st Moscow International Film Festival. Actor Piolo Pascual co-produced and stars in this film that pays tribute to great Filipino directors Lino Brocka and Ishmael Bernal. Manila boasts of a powerful cast—a mix of some of the country’s best actors including Rosanna Roces, Jay Manalo, Alessandra de Rossi, Baron Geisler, Iza Calzado, Angelica Panganiban, Jiro Manio, William Martinez, Anita Linda, Marissa Delgado, Menggie Cobarrubias, John Lapus, Katherine Luna, Aleck Bovick and Jon Avila. The film’ screenplay was written by Ramon Sarmiento and Alix, who opened last year’s Cinemalaya with Adela. Alix’s first film, Donsol, and Kadin were both past Cinemalaya finalists. Raya Martin, whose other film Independencia was also screened in this year’s Cannes Film festival, is also honored as one of the 13 Artists of the CCP. More film details: OPENS JULY 22 IN SELECTED THEATERS: SM North Edsa, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Manila, SM Fairview, Robinsons Ermita, Robinsons Galleria, Gateway, Trinoma, Glorietta 4, Sta. Lucia, SM Davao, SM Cebu, SM Pampanga, SM Taytay Released by Star Cinema ...

Words: 4050 - Pages: 17

Free Essay

Enchanted

...ang kagaspangan ng matataas na damo, punungkahoy at mga palumpong. I inis. Galit din siya kay Cocoy dahil sa ipinakita nitong kagaspangan ng pag-uugali. Buong akala pa naman niya'y maginoo A g kapinuhan sa kainang publiko. Lumala ang hatol niya sa kagaspangan ni Alvin nang ang tubig na inumin ay minumog bago l j pagsasalita ni Divine. // Dahil ayaw niyang magpakita ng kagaspangan, pilit na nakipag-usap nang matino si Menard sa dal A o. // "Bastos! Ano ka ba? Pati sa bata nagpapakita ka ng kagaspangan. Wala kang karapatang gawin 'yon. Ayoko na!" impit 6 oong Santos // iyon ang ahente // mabuti hung tao // may kagaspangan lamang na kumilos at magsalita // dinaramdam kong h 4 awa mo lang ang tungkulin mo // at hindi ka nagpakita ng kagaspangan ng ugali // sa pagiging doktor hindi ka nagkait sa 2 gpakita ng takot kay Mommy hindi rin naman nagpamalas ng kagaspangan o galit // kung iba sigurong mahina-hina ang loob b 9 ba pang nasa gayunding hanapbuhay ang taxi-driver ay may kagaspangan tahimik at may madilim na mukha // malas siguro par kagat F there o." Turo niya sa langit. // Nangingiti si Mitchel, kagat ang dalawang kamay ng nangangating gilagid. Napadako si M c // "Irene...!" nabahala si Tony. // Sa halip magsalita, kagat ang ibabang labi, ipinikit lamang ni Irene ang mga mata. d a belong iyon ay maaaninag ang mukha ni Libay -- luhaan, kagat lagi ang mga labi. // Dalawang pininsang babae ang nakaal l awit na tinig: "Pagpalain ka ng Diyos... at ipag-adya sa kagat ng...

Words: 86413 - Pages: 346

Free Essay

Mga Tula

...1.Humanismo at Ideyalismo LUHA RUFINO ALEJANDRO I Walang unang pagsisi,ito'y laging huli Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin! II Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay "Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay, ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan." III Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag, Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap IV Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay. Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan! V Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi; tumangis s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagit Iluha ang aking palad na napakaapi! VI Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay; Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan, Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan! 2. Pagsusuri sa pormalismo Sa Aking Bayan Simon A. Mercado 1 Kumislap...

Words: 13887 - Pages: 56

Free Essay

Red Paper Bag

...kagilagilalas na pagtutupi ko ng aking brief at panyo kaninang tanghali? Kung paano ko buong tapang na kinuskos ang kalawang sa patungan ng naghihingalo naming kalan? Bakit kanang kamay ang ginagamit kong panguha ng ulam sa hapag-kainan imbes na kaliwa o di naman kaya ay kutsara? Wala namang matutuwa dun. Mukhang walang palag. Sige. Pag-ibig na nga lang ulit.       Sabagay, hindi naman ito kwentong ordinaryo.       Sabi nila, isa sa mga advantage ng kababaihan sa mga lalaki ay ang woman’s intuition. Ang matinding kapangyarihan na ibinibigay lamang sa mga may vagina. Kaya siguro karamihan sa mga manghuhula sa Quiapo ay mga babae. At kalimitan, kapag kapwa babae ang nagpapahula ng tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig ay dalawa lang ang posibleng resulta: (a) ‘magkakatuluyan kayo, ikakasal at tatanda ng magkasama’ at (b) ‘may kabit ang kupal na yan’.       Pero teka. Para lang ba sa mga lihim na ka-draguhan ng mga lalaki gumagana ang alamat ng woman’s intuition gaya ng spider sense ni Batman? Mali ata yung pagkukumpara. Hindi ba ito applicable sa mga positibong pangyayari gaya ng isang lalaking palihim na may gusto sa isang dalaga na sadyang walang sapat na lakas ng loob at dami ng ‘moves’ para umamin o magparamdam man lang. Kailan ba nagsisimulang magkaroon ng woman’s intuition ang isang babae? May age limit ba at tipong kailangan isang full fledged woman na talaga? Nasa bra size ba? Kapag tinubuan na ng buhok sa kili-kili? Kapag inahit na ang unang bugso ng buhok sa kili-kili...

Words: 9733 - Pages: 39

Free Essay

Mine

...Level St. Emilene Academe Imus, Cavite Primary Level St. Emilene Academe Imus, Cavite WORK EXPERIENCE Associate Producer / Assistant Camera Person Sa Ilalim ng Tulay, Cinemaone Originals October 2011 Video Editor Talk, Understand, Care: Discipline Without Violence October 2011 Intern, Roadrunner Inc., May-June 2009 PASASALAMAT Ipinararating ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng taong sumuporta at gumabay upang maisakatuparan ang proyektong ito. Pasasalamat sa aking mga magulang na sina Mobil at Leny Calapardo para sa pagmamahal at walang sawang pagtitiwala sa aking kakayahan. Sa aking mga kapatid na sina Maybelle at Marbile Calapardo para sa walang patid ninyong suporta. At para sa sa aking pamangkin na Si Daniel Marcus Cadag na laging nagpapangiti sa gitna ng aking mga pinagdaraanan. Sa aking punong gabay, kay Prop. Libay Cantor na siyang unang nakakita ng potensyal ng pelikulang ito. Maraming salamat sa iyong tiwala at walang-humpay na pang-unawa. Sa aking mga kaibigang sina...

Words: 30375 - Pages: 122

Premium Essay

Something

...Layong iyan ay paririto sa iyong ina sasabak ng iyak. Ku, kumakaripas pa ng takbo iyan kapag nabigyan ng ina ng tatlong pera.” Malaki na ang ipinagbago ng buhay ng batang iyong binabanggit ni Ama: Mula sa isang api-apihang kamusmusan, siya ngayo’y isa na sa mga kinikilalang manananggol sa lunsod. Kausapin mo ang isang abugado o kaya’y isang kumuha ng abugasya at malamang na nakikilala niya kung sino si Atty. Pedro Enriquez. Sasabihin ng abugado na talagang magaling ito ( topnotcher yata iyan, sasabihin sa iyo ng abugado): sasabihin naman ng estudyante na talagang magaling ito, lamang ay mahigpit sa klase ( si Layo ay nagtuturo rin ng batas sa isang unibersidad at isang taga-San Roque ang minsa’y ibinagsak niya). Tatlo ang tanggapan ni Layo: isa sa Escolta, isa sa Echague ( sa itaas ng isang malaking hotel doon), at isa sa Intramuros, sa pinakamalaking gusaling nakatayo noon ngayon. Bago siya naratay ay umuwi siya sa amin sa San Roque, Bakasyon noon at nasa San Roque rin ako. Kasama niya ang asawa at dalawang anak. Sakay sila ng isang kotse- bihirang mapasok ng kotse ang San Roque. Sa tapat ng aming maliit na bahay huminto ang kotseng iyon. “Galing kami sa San Fernando ( ang bayan ng kanyang asawa), at nagyaya si Ising at ang mga bata rito. Gusto raw nilang makita itong San Roque.” Ayaw umuwi...

Words: 24955 - Pages: 100