Free Essay

Mga Pangulo Ng Ikatlong Republika Ng Pilipinas

In:

Submitted By russ812
Words 3009
Pages 13
-------------------------------------------------
Mga Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
-------------------------------------------------
Manuel Roxas
Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas(28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948).
Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay,ng lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa politika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing saSandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong 23 Abril 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.
Bilang Pangulo ng Pilipinas
Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong 27 Pebrero 1945 kung saan Pangulo siSergio Osmeña.
Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng pagkapangulo noong 23 Abril 1946 na may 54 porsiyento ng kabuuang boto laban kina Sergio Osmeña ng partido Nacionalista at Hilario Moncada ng partido Modernista. Si Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Roxas ay nagsilbing pangulo ng Komonwelt ng Pilipinasmula 28 Mayo 1946 hanggang 4 Hulyo 1946 nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos.
Noong 21 Hunyo 1946, si Roxas ay humarap sa Kongreso ng Estados Unidos upang himukin ang pagpasa ng dalawang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Noong 30 Abril 1946: angBatas Tydings–McDuffie at ang Bell Trade Act na parehong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos.
Sa araw na inilunsad ang Ikatlong Republika ng Pilipinas at kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946, si Roxas ay nanumpa bilang unang Pangulo ng bagong Ikatlong Republika sa Luneta, Maynila. Ang okasyon ay dinaluhan ng mga 3,000 dignitaryo kabilang ang Commissioner to the Philippines at kauna-unahang embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas Paul McNutt, Heneral Douglas MacArthur galing sa Tokyo, United States Postmaster General Robert E. Hannegan, isang delegasyon mula sa Kongreso ng Estados Unidos na pinangunahan ni SenadorMillard Tydings (may akda ng Batas Tydings–McDuffie) at Kinatawan C. Jasper Bell (may akda ng Bell Trade Act) at dating Civil Governor-GeneralFrancis Burton Harrison. Ito ay dinaluhan ng mga 300,000 katao na nakasaksi sa pagbaba ng pambansang watawat ng Estados Unidos at pagtataas ng pambansang watawat ng Pilipinas.
Si Roxas ang nanungkulang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong 15 Abril 1948.
Kamatayan
Si Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General E.L. Eubank sa Clark Field, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino.

-------------------------------------------------
Elpidio Quirino
Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29 Pebrero 1956) ay isang politiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 66.
Bilang Pangulo
Si Manuel Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General E.L. Eubank sa Clark Field, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino noong Abril 17, 1948. Nang sumunod na taon, si Quirino ay tumakbo sa ilalim ng partido Liberal at nahalal na Pangulo para sa apat na taong termino.
Ekonomiya
Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng ekonomiya na 9.43 % at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa ilalim ni Quirino, maraming mga pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang imprastrukturang industriyal. Sa pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga sistemang irigasyon, ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni Quirino ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.
Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa mga malalayong pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa paghihimagsik ng Hukbalahap.
Mga pakikipagugnayan
Ang pamahalaan ni Quirino ay nakipagpayapaan sa Hapon at ang Kasunduang Mutuwal ng Pagtatanggol sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay pinagtibay noong 1951. Sa ilalim ni Quirino, ang pamahalaan ay naharap sa malubhang banta ng Hukbalahap na orihinal na hukbong gerilyang laban sa Hapon. Ang pakikipagkasundo ni Qurino sa pinuno nitong si Luis Taruc ay nasira noong 1948. Hinirang ni Quirino ang kalihim ng pagtatanggol na siRamon Magsaysay na sugpuin ang paghihimagsik na naisagawa sa pamamagitan ng labis na karahasan at pangako ng reporma sa lupain.
Akusasyon ng korupsiyon at tangkang impeachment
Ang administrasyon ni Quirino ay nabahiran ng malawakang korupsiyon. Ang halalan ng pagkapangulo noong 1949 na kanyang napalunan ay isa sa mga hindi malinis na halalan sa kasayayan ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nakaupong pangulo ng Pilipinas na tinangkang iimpeach at inakusahan ng paggamit ng mga pondong pampamahalaan upang ipaayos at bumili ng mga kasangkapan para sa Malacañang, nepotismo at pagpuslit ng diamante. Ang impeachment ay itinakwil ng komiteng pangkongreso dahil sa kawalan ng paktuwal at legal na basehan. Ang korupsiyon ang nagtulak kay Ramon Magsaysay na kumalas sa partido Liberal at tumakbo laban kay Quirino sa 1953 halalan ng pagkapangulo sa ilalim ng partido Nacionalista.
Kamatayan
Pagkatapos matalo kay Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo, si Quirino ay nagretiro mula sa politika noong 1953. Siya ay namatay noong Pebrero 29, 1956 sa atake sa puso. Siya ay inilibing sa Manila South Cemetery sa Makati.

-------------------------------------------------
Ramon Magsaysay
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957).
Si Magsaysay ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong 31 Agosto 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.
Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa Bundok Manunggal saBalamban, Cebu noong 17 Marso 1957.
Bilang Pangulo
Nanalo si Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong pangulong si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong Tagalog na kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito. Binuksan niya ang mga bakod ng Malacañáng sa mga ordinaryong mamamayan.
Buong nilinis ni Magsaysay ang hukbo ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at pinatalsik ang mga walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-gerilya ay nilikha laban sa mga naghihimagsik. Ang susi sa tagumpay ni Magsaysay ang kanyang pakikitungo sa mga ordinaryong mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad ang disiplina ng mga hukbo sa kanilang pakikitungo sa mga magsasaka.
Ekonomiya
Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at panseguridad ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay 7.13 %.
Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa mga mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit ang mga ito ay patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi ng Kongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga lupain na kumakatawan sa kanilang pansariling interes.
Gayunpaman, nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga walang tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at nagawang hatiin ang mga malalaking estadong lupain.
Kamatayan
Noong Marso 16, 1957, nilisan ni Magsaysay ang Cebu kung saan siya nagsalita sa tatlong mga institusyon ng edukasyon. Nang kinagabihan ng mga ala una ng madaling araw, sumakay siya sa eroplano ng pangulo na "Mt. Pinatubo" na isang C-47 pabalik sa Maynila. Nang kinaumagahan nang Marso 17, ang kanyang eroplano ay iniulat na nawawala. Nang katanghalian, iniulat na ang kanyang eroplano ay bumagsak sa Bundok Manunggal sa Cebu at ang 26 sa 27 pasahero at crew ay namatay. Ang tanging nakaligtas ang mamamahayag na si Néstor Mata.
Ang tinatayang 2 milyong katao ay dumalo sa paglilibing kay Magsaysay noong Marso 22, 1957.
Hinalinhan siya ni Pangalawang Pangulo si Carlos Garcia bilang Pangulo.

-------------------------------------------------
Carlos P. Garcia
Si Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata at politiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (23 Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First").
Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.
Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.
Bilang Pangulo
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano.
Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido Liberal na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo.
Ekonomiya
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit upang maalis ang korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na pamilihan at sinikap na pagsiglahin ang ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang patakarang "Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa 51 porsiyentong interes sa mga kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo sa buong pagsalalay sa Estados Unidos bilang guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng bagong orientasyon tungo sa ibang mga bansang Asyano. Ang mga patakarang ito ay hindi nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong sining pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.
1961 halalan ng pagkaPangulo
Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si Garcia ay natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong si Diosdado Macapagal. Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya ni Ferdinand Marcos na mamuno sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal na lilikha ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ngunit namatay siya bago pa makuha ang posisyon.
Kamatayan
Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hunyo 1971 sa edad na 75.

-------------------------------------------------
Diosdado Macapagal
Si Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre 1910 - 21 Abril 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (30 Disyembre 1961 - 30 Disyembre 1965) at ay ang ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1961-30 Disyembre 1965). Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin.
Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28 Setyembre 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang dating Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.
Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin saSabah (opisyal na iniharap noong 22 Hunyo 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila.
Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1971.
Kamatayan
Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong 21 Abril 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.

Similar Documents

Free Essay

Haha

...Kasaysayan ng Saligang-Batas  Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas. Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal. Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. saligang batas ng La Liga Filipina Ang isang maikling buhay na saligang batas na hinanda ng makabayang si Jose Rizal para sa samahang La Liga Filipina ngunit nabuwag nang si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan. Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1897) Ang himagsikang Katipunan ay nagdulot ng pagpupulong Tejeros kung saan ang unang pampangulo at pang ikalawang pangulong mgahalalan ay isinagawa noong 22 Marso 1897 sa San Francisco de Malabon, Kabite. Gayunpaman, tanging mga kasapi lamang ngKatipunan ang nakalahok at hindi ang buong mamamayan. Ang kalaunang pagpupulong ng rebolusyonaryong pamahalaan na isinagawa noong 1 Nobyembre 1897 sa Biak-na-Bato sa bayan ng San Miguel de...

Words: 1172 - Pages: 5

Free Essay

Emilio Aguinaldo

...na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang nagtatag ng kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas, na naitatag noong Unang Republika ng Pilipinas. Tinagurian siya bilang pinakamahusay na Pilipinong opisyal ng militar noong digmaan. Sinundan niya si Artemio Ricarte bilang kumander ng Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik, at nagbuo ng mga prupesyunal na sundalong gerilya. Ang kanyang maigting na depensa, na tinawag ngayong Linyang Depensa ni Luna, ang nagpahirap sa mga hukbong Amerikano sa mga lalawigan sa hilaga ng maynila  Ipinanganak siya sa Maynila noong 29 Oktubre 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes saAteneo Municipal de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensiya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko. Sa gulang na anim, natuto si Antonio magbasa, magsulat, at mag-aritmetika mula sa kayang guro na kinilalang si Maestro Intong. Nasaulo niya ang Doctrina Christiana, ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas..Lumaon ay nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, kung saan nakatanggap siya ng digri sa Batsilyer sa Sining noong 1881.Nag-aral siya ng panitikian at kimika saPamantasan ng Santo Tomas, kung saan napanalunan niya ang unang gantimpala sa isang...

Words: 683 - Pages: 3

Free Essay

Docx

...Elpidio Quirino Ang Ikaanim ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas Abril 17, 1948 – Disyembre 30, 1953 Tala ng kanyang Buhay Araw ng pagkasilang: Nobyembre 16, 1890 Lugar na sinilangan: Vigan, Ilocos Sur Ama: Mariano Quirino Ina: Gregoria Rivera Maybahay: Alicia Syquia Mga Anak: Armando, Norma at Fe Araw ng kamatayan: Pebrero 29, 1955 Lugar kung saan namatay: Novaliches, Quezon City Edad nang mamatay: 65 Edukasyon * Elementarya at Mataas na Paaralan * Mababang Paaralan ng Aringay, La Union * Mataas na Paaralan ng San Fernando, La Union * Mataas na Paaralan ng Vigan, Ilocos Sur * Mataas na Paaralan ng Maynila (1911) * Kolehiyo * Batsilyer ng Abogasya, Kolehiyo ng Abogasya ng Pamantasan ng Pilipinas (1915) * Doktor ng Abogasya, honoris causa, Pamantasan ng Maynila noong Abril 17, 1948 * Doktor ng Abogasya, honoris causa, Pamantasan ng Maynila noong Pebrero 12, 1949 * Doktor ng Abogasya, honoris causa, Fordham University, New York noong Agosto 12, 1949 * mga nagawa at mga programa * Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad * May taguring Arkitekto ng Pambansang Ekonomiya. * Nagtrabaho bilang kawani sa Maynila Police Department upang matustusan ang pag-aaral. * Nagtrabaho sa Kawanihan ng Mga Lupain. * Personal na Kalihim ni pangulong Quezon, komisyonado ng Pilipinas at Senado. * Naging kinatawan ng Ilocos Sur sa Pambansang Asembleya. * Kinatawan ng Pilipinas sa International Bar Conference...

Words: 2767 - Pages: 12

Free Essay

Phil Cons

...KONSTITUSYON ng REPUBLIKA NG P1LIP1NAS PANIMULA Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan na kakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan ng bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para sa aming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito. ARTIKULO I ANG PAMBANSANG TERITORYO Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. ARTIKULO II PAHAYAG NG MGA SIMULAIN AT MGA PATAKARAN NG ESTADO MGA SIMULAIN SEKSYON 1. Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan...

Words: 25474 - Pages: 102

Free Essay

Anytime

...EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan ng gawain. Ngunit...

Words: 17033 - Pages: 69

Free Essay

Filipino

...magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula...

Words: 47092 - Pages: 189