Free Essay

Mine

In:

Submitted By cloudettechua
Words 30375
Pages 122
WORKING WHILE IN CLASS

MAEVELYN Q. CALAPARDO

Submitted to the COLLEGE OF MASS COMMUNICATION University of the Philippines Diliman In partial fulfillment of the requirements For the degree of

Bachelor of Arts in Film and Audio-Visual Communication

October 2011

WORKING WHILE IN CLASS

by MAEVELYN DE QUIROZ CALAPARDO

has been accepted for the degree of BA Film and Audio-Visual Communication by

Professor Olivia L. Cantor

and approved for the University of the Philippines College of Mass Communication by

Professor Roland B. Tolentino Dean, College of Mass Communication

BIOGRAPHICAL DATA

Name

Maevelyn de Quiroz Calapardo 4 Toclong 1st - C Imus, Cavite

Permanent Address

Mobile Number Email Address

0927 412 1288 maevelyn018@yahoo.com

Date and Place of Birth

July 18, 1988 Mandaluyong City

EDUCATION

Secondary Level

St. Emilene Academe Imus, Cavite

Primary Level

St. Emilene Academe Imus, Cavite

WORK EXPERIENCE

Associate Producer / Assistant Camera Person Sa Ilalim ng Tulay, Cinemaone Originals October 2011 Video Editor Talk, Understand, Care: Discipline Without Violence October 2011 Intern, Roadrunner Inc., May-June 2009

PASASALAMAT

Ipinararating ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng taong sumuporta at gumabay upang maisakatuparan ang proyektong ito.

Pasasalamat sa aking mga magulang na sina Mobil at Leny Calapardo para sa pagmamahal at walang sawang pagtitiwala sa aking kakayahan. Sa aking mga kapatid na sina Maybelle at Marbile Calapardo para sa walang patid ninyong suporta. At para sa sa aking pamangkin na Si Daniel Marcus Cadag na laging nagpapangiti sa gitna ng aking mga pinagdaraanan.

Sa aking punong gabay, kay Prop. Libay Cantor na siyang unang nakakita ng potensyal ng pelikulang ito. Maraming salamat sa iyong tiwala at walang-humpay na pang-unawa.

Sa aking mga kaibigang sina Sheiglyn, Ami, Jombits, Micmic, Sheen at Lauren at sa inyong walang sawang pakikinig sa tuwing ako ay magbabago ng konsepto.

Sa aking mga naging kamag-aral at mga naging katrabaho, na siyang tumulong mabuo ang aking pagkatao.

At walang hanggang pasasalamat sa Unibersidad ng Pilipinas para sa paggising sa aking kamalayan.

para sa kabataang Pilipino at malayang pag-iisip

ABSTRAK Calapardo, Maevelyn d.Q. (2011) Unpublished Undergraduate Thesis. Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla.

Ang Working While in Class ay isang awtobiograpikal na dokumentaryo ng direktor base sa kanyang buhay bilang isang working student. Matapos ang anim na taong pinagsasabay ang pag-aaral at paghahanap-buhay ay naiisipan nang umalis sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Nais na niyang pasukin ang karerang gusto ngunit hindi magawa dahil sa kawalan ng diploma. Hindi magiging madali ang desisyong ito dahil sa ilang mga bagay na kailangang isaalang-alang tulad ng mga bayarin sa kolehiyo at ang kanyang responsibilidad sa pamilya. Sinikap niyang alamin ang magiging kasagutan mula sa pamilya at mga kaibigan, ngunit sa huli ay nasa kanya pa rin ang pagdedesisyon.

vii

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina Pamagat Approval Sheet Biographical Data Sheet Pasasalamat Pag-aalay Abstrak Talaan ng mga nilalaman Introduksyon A. Background B. Paglalarawan ng pormat C. Konsepto D. Rationale E. Kahalagahan ng pag-aaral Rebyu ng kahalintulad na Literatura Rebyu ng kahalintulad na Pelikula Teoretikal at konseptwal ba balangkas Pamamaraan A. Pre-production B. Production C. Post-production i ii iii iv v vi vii 1 4 9 10 16 18 20 24 26 43 43 45 47

viii

Skedyul Badyet Script Rekomendasyon ng mga guro ng UPFI Thesis defense Evaluation forms Rekomendasyon at Implikasyon Bibliograpiya Apendiks Unang Sequence Treatment Ikalawang Sequence Treatment Thesis proposal Mga Permiso

50 51 52 63 66 73 75 76 76 84 99 123

I.

INTRODUKSYON

Maraming tao na ang dahilan sa pagpasok sa eskwela ay upang makakuha ng magandang trabaho. Mayroong kailangang munang maghanap-buhay bago makakuha ng diploma. Dahil doo’y lalo pang hindi nakapag-aaral ng leksyon dahil kailangan munang kumita. Sa kalaunan, hindi masimulan ang karerang gusto dahil sila’y kasalukuyang empleyado. Ito ang madalas na kalagayan ng mga working students sa Pilipinas. Layunin ng dokumentaryong ito na ipakita ang isang mukha ng mga mag-aaral na sabay ding mga empleyado. Masasabi nating ang bawat isa ay may nalalaman ukol dito ngunit maaring hindi sila lubos na mauunawan, maliban kung sila man ay makaranas magtrabaho habang nag-aaral. Maraming opinyon ukol sa mga working students, may positibo at mayroon ding negatibo. Positibo sa paraang kinakaya nilang gampanan ang dalwang mahalagang tungkulin, ang maging mag-aaral at empleyado. Sa murang edad ay mayroon na silang mabigat na responsibilidad at pilit ginagampan. Lumalawak ang kanilang karanasan at natututong magpahalaga sa perang pinagsikapan. Kahit na kumikita na ay hindi pa rin nawawala ang ideya ng edukasyon, na kung kaya nila iyon ginagawa ay dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. May negatibong komento, dahil ang mga kabataang ito ang nagiging repleksyon ng sistema sa ating bayan. Ang mga kabataan, para lamang maipagpatuloy ang pag-aaral, ay kailangan pang mamasukan. Manaka-naka din silang nakararanas ng alienasyon at eksploytasyon sa trabaho. At hindi na palalawigin pa ang usapin kung saan ang mga kadalasang industriyang pinapasukan ng mga kabataan ay pawang malalayo sa mga kursong kinukuha.

2

Sa murang edad ay naikintal na sa ating mga isipan ang kahalagahan ng edukasyon. Madalas na sinasabi na ang edukasyon lamang ang tanging maipapamana ng kani-kanilang magulang. Naihahalintulad ang diploma sa isang gintong susi na magbubukas ng pinto ng kapalaran. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng mga nag-aaral ay may kakayahang maipagpatuloy ang kanilang mga pangarap. Masuwerte na nga raw kung makatungtong ng kolehiyo. Kahit pa sabihing may mga suportang natatanggap tulad ng mga scholarships at iba pa, hindi pa rin nito lubusang natutustusan ang mga pangangailangan sa pag-aaral. Ang mga gastusin naman ay hindi nagwawakas lamang sa matrikula at ibang bayarin sa paaralan. Nariyan ang mga nagmamahalang proyekto, depende pa sa kung ano ang kurso. Kailangang bumili ng mga libro o kung magtitipid ay pang-photocopy man lang. Gustuhin mang bumili ng laptop dahil sa sangkatutak na mga papel na kailangang tapusin, magrerenta na lang ng kompyuter kaya lang mahal pa rin. Pupuwede bang pumasok na walang lapis o kwaderno? Hindi pa nga diyan nababanggit ang mga bayarin sa uniporme, pamasahe at iba pa. Kung kaya’t kahit na mahirap, maraming mag-aaral sa kolehiyo ang nagsisikap na pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap-buhay. Pilit na hinahati ang dalawampu’t apat na oras sa isang araw para sa eskwela, trabaho at iba pang gampanin sa tahanan. Ngunit ang pagsisimula sa pagtatrabaho ay hindi kasing dali ng pagsasambit ng kagustuhan nito. Sa panahon ngayon, marami na ngang establisyemento ang tumatanggap ng mga empleyado kahit na nag-aaral pa lamang. Sa bawat kanto ng Maynila ay may matatagpuang fast food chains. Naidagdag pa sa bilang ang mga coffee shops at internet cafes. Kung kakayanin pa ng iskedyul ay maari rin naming mag-apply ng full time sa mga nagsusulputang call centers. Gaano pa man karami ang maaring pasukan, lahat ay may

3

kanya-kanyang proseso ng aplikasyon. Lahat ay nagsisimula sa mga exam at walang katapusang interbyu. Kung mapili ka sa dami ng aplikante, pasok ka na sa susunod na hakbang. Dahil nga sa nagsisimula pa lamang, marami-raming papeles pa ang dapat lakarin. Sisimulan sa baranggay clearance, police o NBI clearance, physical exam test, drug test at kung anu-ano pa na lahat ay may katumbas na halaga. Hindi pa nga nagsisimula sa pagtatrabaho ay lubog na agad sa utang. At matapos nga maipasa ang mga kinakailangang dokumento, maghihintay ka muna sa tawag ng kompanya para sa araw ng pagsisimula. Pero titigilan ko na muna roon. Hindi naman ito modyul ng working student 101. Bagkus ito ay isang sanaysay at pag aaral sa estado ng mga working students sa bansa. Hindi masasabing eksperto ako sa ganitong usapin ngunit handa akong ibahagi ang aking mga nalalaman at naging karanasan sa anim na taong pagsuong sa buhay bilang isang Filipino working student.

4

A. BACKGROUND Ako at ang aking dalawang kapatid ay naimulat sa payak na pamumuhay sa Imus, Kabite. Habang ang aking ama ay nangangasiwa sa aming munting negosyo ng pagmamani na kanyang minana pa sa mga magulang, ang aking ina naman ay nagmamay-ari ng isang munting tindahan. Namulat ang aking kaisipan sa apat na sulok ng tindahang iyon habang nakikitang gumugulong palabas at papasok ang mga barya at pera para sa araw- araw na kita. Makailang beses rin akong nagbenta ng sariling paninda mula sa mga ice candy hanggang sa mga fishball, kikiam at iba pa. Lahat ng ito upang makaipon ng karagdagang pera. Binabanggit ko ang mga ito dahil ito ay may direktang koneksyon sa aking magiging desisyon. Sa edad na labing-apat naman ay nangailangan ang isang kamag-anak na magbabantay sa kanilang computer shop sa umaga. Nataon iyon sa panahon ng bakasyon kung kaya’t hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Doon ko unang natanggap ang aking sweldo hindi mula sa kung ano mang paninda kundi kapalit ng aking lakas paggawa. Ang iba ko namang mga pinsan, na pawang noon ay nasa kolehiyo pa, ay nagsisipagtrabaho rin sa iba’t-ibang fast food chains. Kung kaya’t ako man ay nahumaling na subukan din ang ganoong kalakaran. Sa mga sumunod na bakasyon ay nakapagtrabaho ako sa Chowking at sumunod sa McDonald’s nang part-time. Dito ko nga unang naranasan ang tunay na sweldo at makatanggap ng payslip. Ngunit hindi pa nakuntento at patuloy na nag-asam ng mas hihigit pa. Taong 2006 nang ako ay umalis ng Kabite upang higit na mas madali sa akin ang pagpasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Araw – araw ko nang nadadaanan ang mga nagtataasang gusali, nakakasabay ang libo-libong empleyado sa opisina at nakikita ang

5

naghuhumiyaw na job ads ng iba’t-ibang kumpanya. Noon ko naisipang subukan ang industriya ng call center. Pinalad nga naman at mabilis na nakapasok. Ang paggising sa gabi at pagtulog sa umaga, sabayan pa ng pagpasok sa unibersidad ay di inalintana. Ngunit kulang-kulang isang taon, nag-pull out ang kliente at kinailangang maghanap ng iba pang mapapasukan. Noon naman ay ang pag-dagsa ng mga Koreyano sa bansa at biglaan ang pangangailangan ng mga English Tutors. Nariyang subukin ko ang deopisina, de-klase, one-on-one at meron ding via online. Ngunit ang katagalan sa ganoong propesyon ay walang katiyakan kung kaya’t muli akong bumalik sa iba namang call center. Matapos ang limang buwan ay naisipan ko uling umalis at napusuan naman ang pagtatrabaho bilang isang barista sa Starbucks. Naramadaman ko na hindi para sa akin ang pagiging barista. Muli, matapos ang limang buwan ay umalis ako sa kumpanya. Ayoko na sanang bumalik sa call center noon dahil tila napapagod na ako sa ganoong trabaho. Sunod ko naming pinasukan ay isang contact center. Taga-Amerika pa rin ang mga kliyente ngunit ang kaibahan, hindi ko na sila kausap sa telepono kundi sa chat na lamang. Mas hindi nga naman nakapapagod ang pagsagot sa mga tanong sa online gamers kaysa sumagot sa mga tawag. Nakakatawang isipin na ang katawan ko ay tila may limang buwang kontrata lamang sa isang kumpanya. Kaya muli ay umalis ako sa kumpanyang iyon. Ngunit hindi puwede ang matagalang kawalan ng trabaho. Naka-ilang pasa rin ako ng resume at interbyu habang internship. Mayroong mga pagkakataong hindi ako natatanggap. Ayoko sanang mag-apply sa call center na Convergys dahil may balibalitang mahigpit sila sa pagliban. Suntok sa buwan akong nagpasa ng aking resume at noong araw rin na iyon ay nagpa-interbyu. Sinabi ko na lamang na hindi muna ako papasok sa eskwelahan sa susunod na semestre. Ilang araw ang makalipas ay pinag-

6

eksam ako sa opisina sa Makati. Nakapasa naman kung kaya’t may bago na naman akong kumpanya. Para sana makapagpokus sa trabaho at makapag-ipon, natuluyan nga ang pagliban ko sa unibersidad ng isang semestre. Kahit walang klase ay kasabay ng pagpasok ko noon sa gabi ay ang internship ko sa Roadrunner, isang post-production house, bilang video editor sa umaga. May haka-haka na tinuturuan nila ako upang lubusan nang makapagtrabaho sa kumpanya. Sa kasamaang palad, matagal-tagal pa ang pagsasanay at wala rin naman akong susuwelduhin pa roon. Masakit man sa aking kalooban ay umalis din ako sa Roadrunner at pinili ang maging isang call center agent. Walang masama sa aking naging desisyon, naging praktikal lamang ako. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay nilaglag ko ang aking pangarap. Mahigit limang buwan na ang nakalilipas ay naroroon pa rin ako sa parehong kumpanya. Natakasan ko na yata ang sumpa ng burnout sa iisang kumpanya. Maganda ang benepisyo at maayos ang pasweldo. Mabubuti rin ang mga kasama ko sa trabaho at niyaya akong mag-apply sa mataas na posisyon. Mas higit akong nakatutulong sa aking pamilya. Regular kaming nakapamimili sa supermarket ng aking nanay at nakatutulong sa gastusing binabayaran ng aking tatay. Maayos at payapa ang takbo ng buhay. Walang leksyon na iintindihin kundi lang ang pagpasok sa trabaho. Ngunit alam kong hindi ako masaya. Sa ikalawang semestre ng taon ay muli akong nag-aral. Unti-unti ay muli kong naramdaman ang hirap sa pagbabalanse ng oras. Isang semestre ang pinawalan ko para sana makapag-ipon ngunit wala rin naming nangyari. Siguro ay kailangan ko ng mas malaking sweldo, naiisip ko. Kung kaya sa ika-siyam na buwan ko sa kumpanya, muli ay umalis ako. Isang kamag-aral sa UP ang nagrekomenda sa akin sa kumpanyang kanyang pinapasukan, sa Chase. Gusto ko sana ay yung mga non-voice account dahil tira naririndi

7

na ako sa tunog ng telepono. Ngunit dahil sa tatlong buwan na at wala pa ring nangyayari sa aplikasyon ko, tinanggap ko na rin ang bakanteng posisyon. Oo nga at mas malaki-laki ang kinikita, ngunit mas mabigat naman ang responsibilidad. Sabi nga nila, pigang-piga hanggang sa kahuli-hulihang pisong ipinapasweldo sa iyo. Ngunit magkaganoon man, nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makahiram sa bangko at maaprubahan ng credit card na siyang ginamit kong panimula para sa aking tisis. Ang aking istorya ay isang mukha lamang ng pagiging working student. Kaya ko sinimulan ang aking sanaysay sa aking pagkabata dahil naniniwala akong sa ganitong estado nabubuo ang ating motibasyon sa buhay. Marahil isang katangian ng mga working students ay ang pagkakaroon ng matatag na motibasyon, kung ano pa man iyon. Ito man ay pansarili o para rin sa iba. Kadalasan ang motibasyon ay para sa sarili lamang. Nais makaipon ng pera na gagamiting panggastos para sa pag-aaral. Maari ring motibasyon upang makabili ng bagong gamit. Hanggang sa tumatagal sa trabaho ay patuloy na nagbabago ang motibasyon. Maari itong lumagpas sa pansariling kagustuhan. Halimbawa ay ang kagustuhang makatulong sa pamilya. Ngunit dahil sa lumalaki ang gastusin, kailangang doblehin ang pagkayod. Ang motibasyon ay maaring nakaangkla hindi lamang sa physiological na pangangailangan. Maaaring ang motibasyon sa paghahanapbuhay ay upang madagdagan ang kaalaman at matuto ng mga bagay sa labas ng paaralan. Nagiging mahirap lamang angpagtatrabaho kung ang dating motibasyon ay nagiging pangangailangan. Kung dati rati’y magaan sa iyo ang pagpasok, nagiging isa na itong pasakit dahil mayroon ka nang isinasaalang-alang. Mayroong maaring masira o mawala. Kailangan mo nang magtrabaho dahil kung hindi ay hindi mo mabibili ang bagay na gusto mo. Kailangang magtrabaho dahil sa nasimulan mo nang tumulong sa

8

bahay, hindi na iyon pwedeng maputol. Kailangang magtrabaho dahil sa nakasanayan mong paggasta. Kadalasan ding nangyayri sa mga working student ang mabigyan ng pagkakataon na maiaangat sa posisyon. Magandang bagay iyon dahil ibig sabihin, kinikilala ng mga katrabaho ang iyong pagsusumikap at pinagkakatiwalaan ka nila. Ngunit katumbas din iyon ng mas malaking responsibilidad at mas mahabang oras. Nakatutukso ang mga ganitong pagkakataon. Ito marahil ang nagiging ugat kung bakit marami ring working students ang naisipan nang tumigil sa pag-aaral at ipagpatuloy na lang ang kanilang trabaho. Walang makapagsasabi kung tama o mali ba ang desisyong iyon. Dahil nakaangkla rin sa motibasyon ay ang kagustuhan at kaligayahan. Kung may mga pagkakataong nadarama ko ito, lagi ko na lang iniisip kung ano ba ang pangunahin kong motibasyon bakit ko ginustong magtrabaho sa murang edad. Totoong hindi birong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kailangan ding bigyan ng panahon ang iyong sarili, pamilya at kamag-anak. Kailangan ding maglaan ng panahon sa kung anumang relihiyong kinabibilangan, lalo’t higit sa lipunan. Samakatuwid, ang pagpiling maging working student ay may simbigat na responsibilidad tulad ng sa isang taong namiling maging mag-aaral o empleyado lamang. Dahil sa working student, hindi nangangahulugang pabaya ka sa eskwela o sa trabaho. At hindi rin mag-aaral ka lamang ay inuukol mo ang buo mong oras sa pag-aaral, gayun din kung napiling magtrabaho lamang. Muli, ito ay bumabagsak sa motibasyon, kagustuhan at kaligayahan kung paanong gugugulin ang panahon. Nasa iyo ang pagdedesisyon at hindi dapat sinisisi ang pagkakataon.

9

B. PAGLALAWAN NG PORMAT Maaring gumawa ng pelikula ukol sa mga working students sa paraang naratibo. Maaring humanap ng actor na gaganap na working student, maghanap ng kunyakunyariang opisina o ng kunya-kunyariang tahanan. Ngunit kung gayon, tila hindi na maipapakita ang tunay nilang kalagayan. Maaring ang pangunahing isaalang-alang ay ang kahusayan ng pag-arte, ang mga disenyo ng produksyon o iba pang aspeto ng pelikula kaysa sa aktwal na pagganap bilang working student. Noon pa man ay alam ko nang dokumenteryo ang nais kong gamiting pormat. Sa ganoong paraan ay makakikilos ang totoong tauhan sa kanyang totoong kapaligiran. Mabibigkas niya ang kanyang tunay na lenggwahe at makagagalaw ng natural. Naisip ko na mas magiging matapang ang pagkilos ng kamera sa pagsuong sa buhay ng aking magiging tauhan. Kung layunin kong ipakita sa manonood ang tunay na kalagayan ng isang working student, dapat ay nakikita rin nila ang kanyang mga nakikita. Marinig kung ano ang tunog sa paligid. At kahit na pumapagitna ang midyum ng kamera ay nais maipahatid ang emosyon at tunay na damdamin. Ang lente ang sisipat sa kanyang mga gawain nang walang paghuhusga. Ipagpapaubaya na ang pag-unawa sa mga manonood. Madali itong sabihin kung may ibang tauhan na idodokumento. Ngunit paano magsasalita ang manunulat kung ukol sa kanya ang kuwento? Ito ang mga tanong nang maisipang ang magiging tauhan ay ako. Sa isang repleksibong dokumentaryo, hanggang saan at kailan ko kayang magpakatotoo?

10

C. KONSEPTO Sinimulan ang pagbuo ng istorya noong taong (2008) sa aking klaseng Film 199: Thesis Proposal. Noon pa lang ay alam ko nang gusto kong gumawa ng isang dokumentaryo ukol sa mga working students. Malapit sa akin ang paksa at sa aking pakiwari ay siang bagay na alam na alam ko. Sa simula, ang nais kong magpokus sa mga working students na nabibiling sa gitnang uri ng lipunan. Sila ay yung mga kabataang patuloy na nakatatanggap ng pinansyal na tulong sa mga magulang ngunit pinili pa rin ang pagtatrabaho. Naisip ko na ang pangunahing dahilan kung bakit nila naisipan magtrabaho habang nag-aaral ay hindi dahil lamang sa kahirapan ngunit dahil sa susog ng konsumerismo. Ayon sa akda ni Roland Tolentino sa Melankoliya ng Gitnang Uri, ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay may mga huwad na pangangailangan. Ito ang tinatawag niyang pakiwari ng gitnang uri. (Tolentino, "Melankolia Ng Gitnang Uri, Bulatlat Column « Rolandotolentino’s Weblog." http://rolandotolentino.wordpress.com, 2008). Kailangang magtrabaho upang mabili ang mga pangangailan, tulad ng mga makabagong gamit sa teknolohiya. Sinasabing kailangang pumunta sa mga malls o kaya ay manood ng sine, upang sa kahit na maiksing panahon ay maihiwalay ang sarili sa iba, upang magkaroon ng pagkakakilanlan at pagtanggap sa kanyang estado. Hindi inaalintana ang patuloy na pagtatrabaho dahil inaasahan ang susunod na sweldo sa akinse at sa katapusan. Noong ipinirisinta na ang konspeto sa panel, wala pa rin akong naiisip na sabjek. May mga bumanggit na magpokus sa mga babaeng working students. Mayroon ding nagrekomenda na maghanap ng mga working students na nagtatrabaho sa mga industriyang sila lamang ang tatanggap. Binanggit ko rin ang aking teorya ukol sa

11

pakiwari ng gitnang uri. May nagrekomenda na wala namang masama kung sila man ay nagtatrabaho para sa kanilang mga luho. Kahit paano ay pinagsusumikapan nila ang mga bagay at hindi na humihingi pa sa mga magulang. Kung kaya’t nung matapos na ang thesis proposal, tila naiba na namang ang nais talakayin ng dokumentaryo. Nais ngayon nitong maipakita ang pagbibigay ng karangalan sa mga working students. Kumbaga, “pinili kong maging working student dahil kaya ko” ang tema. Nais ng dokumentaryong kilalanin ang mga paghihirap at kaligayahan ng mga kabataang ito. Hindi lahat ng kabataan ay may kakayanang makapagdesisyon o gustuhing magtrabaho ngunit mas marami ang hindi nakatatagal sa ganoong gawain kung masimulan man. Dahil layon ng dokumentaryo ang pagbibigay ng kalakasan sa kabataan, puro positibo ang magiging trato sa mga usapin. Magiging lantad ang mga positibong pagkukuro na sinasabing dumarami ang mga working students dahil sa kagustuhan nilang mapaghusay pa ang kanilang kakayahan at lumawak pa ang kaalaman. Dahil sa kinakailangan kong mag pokus noon sa trabaho, lumiban ako ng isang semester sa unibersidad. Muli ay naitabi ang proyekto ngnuit manaka-naka ko itong binibisita at nirerebisa. Dahil sa aking kalagayan noon, naisip ko na hindi lang puro kaginhawahan at papuri ang natatanggap ng isang working student. Ako ay mas naging praktikal at bumase sa katotohanan. Oo nga’t may mga benepisyo ang pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho kung kalinangan ang pag-uusapan ngunit kailangan ding maipakita kung ano ba ang nagiging epekto nito, na ekslusibong nararanasan ng mga working students sa limitadong panahon. Nasabing limitado dahil hindi naman sila habangbuhay magiging working students. Sa kalaunan naman ay makapagtatapos rin sila ng pag-aaral o di kaya’y itutuloy na lamang ang pagtatrabaho. Sa pagsunod sa ganitong

12

daloy ng kaisipan, ninais ko ring talakayin ang relasyon ng mga working students sa kanyang lipunan. Base sa mga naging pag-aaral, ang mga madadalas na industriyang pinapasok ng mga kabataan ay iyong sa mga fast food, coffee shops o call centers. Dahil na rin sa pag-angat ng teknolohiya sa bansa nagiging mas madali ang paghahanap ng trabaho. Ginagamit din ito ng mga kabataan upang makaangat sa trabaho. Kung masimulan na ang pagtatrabaho at ang pagkita ng mas malaki kaysa sa mga magulang, tila nagkakaroon na ng kabaligtaran ng mga responsibilidad. Ang mga kabataan na ngayon ang nagiging breadwinner sa pamilya. Ang mga kabataang ito na ang kadalasang nasusunod sa tahanan. Isa rin sa mga nagiging epekto sa mga working students ay ang pagkakalihis ng propesyon mula sa kinukuhang kurso. Muli, ito ay repleksyon ng baluktod na sistema ng edukasyon sa bansa. Ang mga pangunahing trabaho ngayon, ang mga call centers sa bansa ay hindi namimili ng kurso at hindi nangangailangan ng diploma. Kung kaya hindi maiaalis sa mga empleyado nito na manatili sa ganitong industriya. Malaki at tiyak ang pagkita, hindi pa kailangang may hawak na diploma. Totoo ngang kaakit-akit ang tuksong ito at marami-rami na rin ang nasilaw. Ang mga pag-aaral sa iba’t ibang epekto na ito, parehong positibo at negatibo ay napatunayan nang masimulan ang pagkuha ng mga bidyo noong Enero (2011). Sa kabuuan ay mayroon kaming sampung working students na nainterbyu. Upang makakuha ng relatibong opinion, mayroon ding pitong (7) estudyante at limang (5) iba pang tao na pawang nabibilang sa lakas paggawa ng bansa. Bukod sa mga interbyu, kumuha rin ako ng mga bidyo na base sa aking nakikita. Gusto kong gamiting ang mga kuhang iyon bilang paningit, o maibahagi din ang aking karanasan bilang working student. Nang mailatag na ang mga interbyu, nagkumpol ang

13

aking mga bidyo sa bandang huli ng dokumentaryo. Umabot na sa dalawampu’t limang minuto ang nailalatag at hindi pa rin natataps ang dokyu. Ayon sa aking gurong tagapayo at mula na rin sa komento ng iba, tila naging napakahaba ng dokumentaryo kung panay makikinig lamang sa interbyu. Tila masasayang rin lamang ang mga interesanteng kuha dahil ang pinaka buod ng istorya ay naipakita lamang sa dulo, kung saan naipokus ang aking buhay bilang working student. Nagmukhang isang mahabang OBB ang unang labinlimang minuto bago ipinakita ang tunay na inilalaman. Kung kaya’t kahit patapos na sana, hindi ko na lamang hinabol ang petsa para sa thesis defense. Tila ang ilang buwan ng pagdodokumento ay nasayang dahil halos nobenta prosyento ng mga nakuhang bidyo ay hindi ko na gagamitin. Bumalik uli ako sa trabaho matapos ang dalawang buwan ng pansamantalang pamamahinga. Aaminin kong natagalan ako sa pagsisimulang muli. Naisip ko na ang mga naunang konsepto at proyekto ay pawang walang konkretong istorya. Mayroon akong takot sa pagsusulat, aminado ako dyan. Parang naniwala na akong hindi ko kayang sumulat ng istroya, kung kaya rin siguro pinili ko ang pormat ng dokyu. Ngunit nagkamali ako sa pag-iisip na walang kwento ang dokumentaryo. Hindi ito isang mahabang paghahabi ng mga imahe lamang. Hindi rin pala ako makatatakas sa sumpa ng writer’s block. Kung ginusto kong maging dokumentarista, una sa lahat, isa rin akong taga-kwento. Matapos ang ilang buwan ng pagbabasa at muling pag-aaral, mas tiyak ko na ang aking gusto. Bakit ko nga naman pahihirapan pa ang sarili sa paghahanap ng ideyal na sabjek kung ako man ay kayang makapagsalita para sa mga kabataang tulad ko. Nabigyan ako ng ideya na gumawa ng isang repleksibong dokumentaryo. Mula sa suhestyon ng

14

aking gurong tagapayo, ang kamera ay magiging repleksibo at aktibo. Magiging salamin ito sa kung anong mga nagaganap sa aking buhay ngunit magiging matapang din sa pagsuong sa mga pangyayaring hindi ko ipinapakita sa iba. Magiging cine-verite kung tawagin ngunit magiging mapanuri sa kung anong mga imahe lamang ang mahahalaga at maisasapelikula. Ako bilang sabjek ay magiging aktibong tauhan sa pag-usad ng istorya. Ang mabigat na katanungan lamang ay kung hanggang saan kaya kong maging tapat sa sarili kong dokumentaryo. Ang mga nauna kong konsepto ay pawang may malalaking saklaw. Isa iyon sa mga naging problema na tila ang dami kong gustong sabihin. Magulo at hindi alam ng manonood kung anong daloy ng kaisipan ang susundan. Naisip ko na dapat limitahan ko muna ang tema at alamin kung paano ko ito sisimulan. Sa patuloy na pagmumuni ay lumabas ang anggulo ng pag-reresign sa trabaho. Ano nga kaya ang mangyayari sa isang working student ng anim na taon, kung bigla na lamang siyang umalis sa trabaho? Gusto na niyang magsimulang magtrabaho sa industriyang magpapalawig ng kanyang kaalaman. Ngunit sa mga bagay na dapat isaalang-alang, magagawa ba niya ang desisyong ito? Maaaring naiba ng kaunti ang atake pero nakaangkla pa rin ito sa pangunahing tema, ang pagbibigay ng kapangyarihan sa kabataan. Naging mas malinaw na ang nais paratingin ng pelikula ay pagkawala sa mga ideolohiyang ipinupukol sa mga kabataang Pilipino. Hindi lang ito para sa mga working students ngunit maaring maunawaan din ng nakararami. Madalas ay napupunta tayo sa disposisyon na kumukulong sa ating layang mag-isip. Hindi tayo makawala dahil sa takot. Takot sa pagkawala ng ayos at kapayapaan sa buhay. Takot sa batikos at puna ng

15

tao. Takot na maging iba. At dahil sa takot na ito, tila nasasayang ang buhay dahil sa pagnanais nating humalo sa kung anong dominanteng ideolohiya ng lipunan.

16

D. RATIONALE Ginawa ang dokumetaryong ito para sa pagkilala sa mga Pinoy working students. Katulad ng nabanggit, ang bawat isa sa atin ay mayroon nang nalalaman sa estado ng mga working students ngunit hindi maaring lubusang maintindihan ang kanilang mga pinagdadaanan. Maaring naipapakita sila sa mga palabas, pelikula, mga akdang naratibo at iba pa. Ngunit hindi ko masasabing totoong naipapakita ang kanilang tunay na katayuan. Mayroon din lamang iilan na pag-aaral ukol sa kanila. Kadalasan pa nga ay naiuugnay sila sa mga sanaysay o pag-aarala ukols sa Child Labor na malayo sa kung anong nais kong taluntunin. Partikular akong nakapokus sa mga kabatanang pawang nagaaral sa kolehiyo, na siyang may kakayahan nang makapagdesisyon kung anong klaseng industriya ang nais nilang pasukin. Masasabi kong kakaiba rin ang pamamaraan ng paglalahad ng istorya para sa isang dokumentaryo. Sa ating bansa, dominanteng pormat ng dokumentaryo ay ang pagbase sa pormat ng nakikita sa telebisyon. May mga piling sabjeks at may (mga) pangunahing “dokumentarista” na siyang taga-daloy ng istorya. Kaya lamang, base sa aking obserbasyon, tila ang nagiging bida ay ang host at hindi ang paksa. Tila ipinalalabas rin na mayroon siyang buong pag-unawa sa kung anong nangyayari. Iyon ang isa sa mga bagay na nais kong iwasan, ang magumon sa ideya na ako ang bida. Nais kong palabasin na ang istorya ay hindi tungkol sa akin kundi tungkol sa aking ginagawa. Upang maiwasang sumadlak sa ganitong pagkakamali, naisip ko na huwag ipakita ang aking sarili sa kamera. Bukod sa pagnanais na ako ang kokontrol sa lente, gusto kong mailagay ang manonood sa aking posisyon. Sinikap kong gamitin ang kamera na magsilbing maskara upang makasabay sila sa aking paglalakbay. Tila sila ang sumasakay

17

sa MRT, pumapalo ng raketa tuwing PE class at nagsusuot ng headset sa opisina. Upang maipakita rin ang aking pagkakakilanlan, gumamit ako ng mga bagay na nagpapakilala sa akin. Sa opisina ay makikita ang nakapaskil kong pangalan at posisyon sa trabaho. Sa paaralan ay makikita ang mga papeles na merong pangalan ko at sa tahanan naman ay ang aking larawan. Kahit na hindi ako nakikita ay ipinakikilala ko ang aking sarili sa pamamagitan ng mga taong nakakausap at nakakahalubilo. Mula sa mga opinion ng mga taong ito nabubuo ang aking pagkatao. Naririnig din ang aking tinig sa tuwing nagtatanong ako. Ngunit sa banding huli, ay ipakikita ko rin ang aking sarili sa una at huling pagkakataon. Ito ay hindi upang maalis ang misteryo kung hindi sa ilang panandali, alisin ang maskara sa manonood. Dahil matapos ang aking paulit-ulit na pag tatanong ukol sa planong pag-reresign, ibabalik ko ang kapangyarihang makapagdesisiyon sa aking sarili. Kahit na ilang suhestyon ang aking narinig ay ang opinyon ko pa rin ang mangingibabaw. Ang kasagutan ay hindi nangangahulugan ng tama o mali. Walang katiyakan ang resulta. Ngunit ang mahalaga, ako at hindi ibang tao ang may huling salita.

18

E. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Bilang isang mag-aaral sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon, itinuturing ko ang aking sarili bilang isang alagad ng midya. Naniniwala ako na ang mga natutuhan at nahasang kakayahan gamit ang bidyo ay marapat lamang gamitin sa mabuti at mapalawak ang kaalaman ng nakararami. Sa kakayahan ng midya na makapagbago ng kaisipan, dapat din itong gamitin upang maiangat ang anatas ng panonood ng mamamayan. Napakarami nang kagamitan sa modernong teknolohiya ang naglabasan ngayon. Halos bawat bagay na gamit sa multimedia ay may nakakabit nang kamera at mayroon ding kakayahang kumuha ng bidyo. Ang paggawa nga naman ng pelikula ay masasabing hindi na kasing hirap tulad noon. Ngunit muli, ang mga ito ay produkto ng teknolohiya at patuloy na nagbabago. Nakadepende sa tao kung paano niya gagamitin ang mga ito upang makapag lahad ng istorya. Sa aking dokumentaryo ay gumamit ako ng Canon 5d Mark II na DSLR. Hindi ito kasinglaki ng mga full scale cameras, ngunit hindi rin naman kasing liit ng mga handheld camera. Ang kagandahan lang dito, may kakayahang makakuha ng bidyo kahit sa madidilim na lugar at hindi naisasakripisyo ang kalidad ng produkto. Dahil sa kakayahang ito ng kamera, mas nangahas akong kumuha ng mga imahe at bidyo. Naging mas matapang at aktibo ang kamera. Kasama ko siya mga paglalakad, pagtalon at pagtawid sa araw-araw kong buhay. Higit sa lahat, nagamit ko ito sa pagkuha ng guerilla. Nagkaroon akong makakuha ng bidyo sa aktwal na lugar ng opisina, sa loob ng klase maging sa loob ng dyip. At dahil nga rin maliit at nagmumukhang pang kamera lamang, tila hindi ito inaalintana ng mga tao sa paligid. Isa rin iyon sa kalakasan ng dokyu na ang

19

lahat ay nagagaganap sa harap ng kamera nang walang pagsusubali. Tila nawala at hindi napansin ang midyum na siya namang tumatagos sa kaisipan ng manonood. At gamit din ang teknolohiyang ito, nailagay ko ang dokyu sa sarili nitong milieu. Totoong mahirap kumalap ng bidyong materyal lalo na kung sa siyudad. Bawal kumuha ng mga larawan ng mga gusali o ibang pribadong pagmamay-ari. May pagkakataong ikaw ay sisitahin at pagbabawalan. Ngunit gamit ang kamera ay naipakilala ko ang mga lugar na aking ginagalawan sa masikip, nakabubulag at magandang kasunluran. Gamit ang ganitong porma, ito ay nais kong tawaging Modern Urban Documentary Filmmaking. Bukod sa teknolohiya sa kamera, karagdagan din sa lupon ng pag-aaral ang makabagong pamamaraan ng paghahabi ng mga bidyo. Muli, hindi na nga ito kasing hirap ng pamamaraan noon. Hindi na rin ito kasing mahal gaya ng dati. Sa pamamagitan ng aking paghahabi ay sinikap kong pasukin at ibahagi ang aking mga naiisip. Kahit na ang kamalayan ay isang bagay na mahirap maipakita, sa pamamaraan ng paghabi at ng effects ay maari itong magawan ng paraan. Muli ang mga kontribusyong ito ay dulot ng teknolohiya. Magkagayon man, isang bagay lang ang hindi nagbabago at palaging nariyan. Ito ay ang kakayahang makapaglahad ng isang konkreto at may maayos na daloy na istorya. Magpabago man ang pamamaraan, ito pa rin ang magiging puso at pintig ng dokumentaryo.

II.

REBYU NG MGA KAHALINTULAD NA LITERATURA

Ayon sa artikulong Aesthetics of Short Film, hindi kinakailangang punan ang isa’t kalahating oras ng pelikula upang makapaglahad ng istorya. Kahit lamang sa loob ng isang minuto ay maaring maibahagi ang tunay na mensahe ng director. Ngunit ang prosesong ito ay hindi magiging madali lalo pa’t kinasanayan na ang panonood ng mahahabang pelikula. Marami nang teknik sa paggawa ng pelikula ang sinusunod na makatutulong upang ito ay maging posible. Malaki nga ang kontribusyon ng paghahabi upang mapanatili ang pagdaloy ng istorya. Ang mga teknik na ito ang sinusunod ng mga mag-aaral ng pelikula upang epektibo pa ring maiparating sa manonood ang kanilang mensahe. Sa aking pagkukuro, ngayon, higit kailanman, ay mas naging katanggap-tanggap ang maiiksing pelikula o short films. Sa ibang bansa man o lokal, mayroon nang sariling kategorya ang mga patimpalak sa pelikula na natatangi para sa maiiksing pelikula. Kung tutuusin, ang paggawa nito ay nangangailan ng ibang uri ng kalinangan. Hindi kailangan ng mahahabang bidyo para maituloy ang aksyon. Higit na mas pinipili ang mga nais kunan dahil iyon lamang ang kakasya sa takdang oras. Ang bawat shot ay mas nagiging malaman dahil sa iba-ibang mensaheng nakapaloob dito. Kung kaya sa isang short film, halos walang panapon. Ang bawat maliliit na detalye ay nakatutulong sa pagdadaloy ng istorya. Hindi man kailangang lantarang sabihin ang mensahe, ipinag papaubaya na lamang ng direktor sa kanyang manonood ang paglalapat ng mensahe. Ngunit sa maraming pagkakataon, hindi kinakailangang kung ano ang mensahe ng director ang siyang makararating. Dahil sa pagkakaiba n gating karanasan, maaring maging iba ang

21

pakahulugan natin sa mga imahe. Magkagayon pa man, ang nagiging resulta ay pareho, ang mapag-isip ang manonood. Nakatulong ng malaki sa aking paggawa ng dokumentaryo ang ganitong konsepto. Tulad ng nabanggit, sa aking unang proyekto, ipinilit kong ipasak ang lahat ng imahe na sa tingin ko ay maganda. May panghihinyang sa pag-alis ng mga interbyu kung kaya’t lahat ay ipinilit kong gamitin. Sa kalaunan, naging mahaba nga ang pelikula ngunit wala namang tiyak na sinasabai. Ang mga larawan, kahit magaganda, ay puro palabok lamang sa tunay na mensahe. Natutunan kong ihiwalay nang kaunti ang aking sarili sa proyekto. Oo at naging mahirap ang pagkuha ang bidyong ito, o ng interbyung iyan, pero kung hindi naman makatutulong, natutunan kong huwag gamitin at huwag panghinayangan. Ang pagbubuod ay hindi lamang ginagawa sa papel kundi sa paghahabi ng bidyo. Noong panahong kailangan kong kumuha ng mga bagong bidyo ay mas naging mapili na ako. Sa maiiksing kuha ay may ilang patong na ng mensahe ang mapipiga. Muli ay ginamit ko ang kalakasan ng paggamit ng DSLR. Ang simpleng pagpapalit-palit ng pokus ay nagreresulta na sa ibang mensahe. Upang maging mas maalam kung paanong gagamitin ang lenggwahe ng pelikula, naging basehan din ang Semiotics on Film ni Christian Metz. Gabay din sa aking paggawa ng dokumentaryo ang libro ni Michael Rabiger na Directing the Documentary. Ito rin ang naging basehan na libro nong unang beses ako kumuha ng klase sa dokumentaryo. Dito ko natutuhan ang kahalagahan ng pagpaplano. Mula rin sa librong ito ko natutunan na ang dokumentaryo ay hindi palaging obhetibo. Kaya nga ayon kay Grierson, ang dokumentaryo ay isang creative treatment ng realidad

22

(Rabiger 13). Sa panahong itinutok ang kamera at nag simula itong magrekord ng mga bidyo, nawala na ang pagiging obhetibo dahil pinili mong kuhanan ang partikular na eksensa, sa partikular ring oras. Naging teknik ko rin sa ilang bahagi ang cinema verite. May mga pagkakataong ako, gamit ang aking kamera ay nag oobserba lamang sa paligid. May mga pagkakataong gusto ko ring gamitin ang aking dokyu sa pagbibigay karangalan o homage sa mga naunang eksena sa pelikula. Ang ilan sa mga ito ay ang pagsakay sa tren o ang pagpasok at paglabas ng tao sa trabaho. Ganoon naman ang mga naunang pelikula, base sa mga tunay na gawain ng tao na pumupukaw sa kanilang interes. Sa aking mga kuha, ang mga kuha ng pagsakay sa tren o pagpasok sa trabaho ay naging moderno. Bukod sa karagdagan ng kulay, hindi lamang nanantiling naka-obserba ang kamera kundi may partisipasyon sa pagkilos. Upang magamit sa lokal na konstekto ang mga napag-aralan ukol sa dokumentaryo, naging gabay din sa paggawa ang Making Documentaries in the Philippines ni Isabel Enriquez Kenny. Ang libro ay kinapapalooban ng iba’t ibang artikulo o interbyu mula sa iba’t ibang dokumentarista. Bago para sa akin ang mga pananaw ni Ditsi Carolino lalo pa’t isa rin siyang babaeng dokumentarista. Nabanggit niya sa aklat na noong ginagawa ang Riles, halos tatlong buwan na silang nag rorolyo saka niya naisipang magpalit ng sabjek dahil tila hindi ito akma sa nais niyang maging daloy. Sa kanya ko rin natutunan ang kahalagahan ng paghahanda ng lugar na pagkukuhaan. Sa unang pagkakataon na maglabas ng kamera, hindi maiiwasang dumugin ito ng mga tao. Tila bahagi na iyon ng kultura ng Pilipino. May mga pagkakataon ding mailang ang mga tauhan at hindi maging totoo ang kanilang masabi. Kung kayat dapat maglaan ng sapat na panahon upang makibagay hindi lamang ang sabjek kung hind

23

maging ang paligid. Hayaang gawing kabahagi na ng kanilang sistema ang kamera at tila hindi na ito mapansin dahil sa kasanayan dito. Isa pa sa mga makabuluhang artikulo sa libro ang mga interbyu kay Kidlat Tahimik. Sinasabi niya na sa bawat isa ay may maliit na dwende. Ang dwendeng ito ay nabubuo base sa ating mga kaalaman, lalo pa’t higit sa ating mga karanasan. Ang duwendeng ito raw ay ang ating totoong tinig, nakukulong sa ating mga isip dahil sa maraming kadahilanan. May mga pagkakataong hindi mailabas ang dwendeng ito dahil sa takot na mahusgahan ng iba. Kung tutuusin, tila ito ay kahambing din ng pag-aaral ng psychoanalysis kung saan nagkakaroon ng supresyon ng kagustuhan. Mahalaga ang kontribusyong ito sa paggawa ng dokyu. Nais kong gamiting and dokumentaryo sa pagpapalaya ng kamalayan, partikualar na ng sa kabataan. Nais ko silang hikayating mag-isip at magdesisyon para sa kanilang mga sarili, at maging responsable sa kanilang mga gawi. Sa bawat pagdedesisyon ay may nakaakibat na resultang dapat nilang panindigan. Naniniwala akong ang pag-arok ng kamalayan at pagpapalaya sa kagustuhan ang magiging daan sa pagkilala sa ating potensyal na kakayahan.

III.

REBYU NG MGA KAHALINTULAD NA PELIKULA

Ang Tarnation, 2011, ay isang awtobiograpikal na dokyumentaryo tungkol sa pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina. Bata pa lamang ang direktor na si Jonathan Caouette, nahilig na siya sa pagkuha ng mga bidyo gamit ang isang handheld camera. Sa murang edad, umaarte-arte na siya sa harap ng kamera at sinimulan ang pagkuha ng bidyo hindi lamang ng kanyang sarili kundi maging ng kanyang ina, lolo at lola. Ang kanyang ina, noong bata pa ito, ay isang napakagandang artista ngunit natigil dahil sa isang aksidente. Dahil doon, nagsimula ang kanyang depresyon at gamutan gamit ang kuryente. May mga pagkakataon ding tila nawawala ito sa sarili. Lumaki si Caouette na walang ama. Ang kanyang mga lolo at lola ang kumukupkop sa kanya habang nagpapagamot ang ina. Matapang niyang ginamit ang kamera upang maging sandata sa pagsalamin sa buhay. Siya ay nabilang sa isang underground gay community na nagpapalabas sa teatro at gumagawa ng mga bidyo. Dito niya nakilala ang kanyang mga naging pag-ibig. Naging inspirasyon ito ng director sa paggawa ng dokumentaryo dahil sa katapangan at katapatan ng pelikula. Mahusay ang pagkakalagay ng mga lumang bidyo ng kanyang sarili. Kahit na parehing awtobigrapikal, si Caouette ay palaging nasa harap ng kamera samantalang ang direktor ay nasa likod lamang. Naisip ko na may mga pagkakataong nagmumukhang narcissistic na ang pelikula, lalo na sa mga bagong bidyo, dahil sa pagbabad ng kamera sa kanyang mukha. Buong tapang ding ipanakilala ni Caouette at ibinahagi ang buhay ng kanyang pamilya. Mahusay din ang pagkakahabi. Sa pamamagitan ng mga effects at transitions ay tila napasok natin ang isipan niya. Ang ganitong klase ng paghahabi ay naging basehan din sa paghahabi ng dokyung ito. Mula

25

sa mga panlabas na kagustuhan ay unti-unting pinakikilala ang tauhan at kung ano ang kanyang naiisip. Partikular na ginamit ang teknik na ito, sa huli. Habang nakasakay sa tren ang tauhan at nakikita ang malabong repleksyon at tinitignan ang mabibilis na ilaw, tila nagkaroon ng flashback habang ang mga imahe ay bigla na lang lumalabas at humahalo. Magigising na lang siya sa katotohanan nang tumunog ang senyales ng tren. Ang pelikulang Requiem for a Dream ni Darren Arronofsky ay isa rin sa mga naging inspirasyon ng pelikula, lalo sa tema ng paghahabi at sound design. Sa una pa lang, alam ko nang gusto kong maging mabilis ang paghahabi. Hindi ako gumamit ng musika ngunit natutunan kong paglaruan ang mga tunog na natural nang nairekord sa bidyo. Sa ganoong paraan, nagkaroon ng sariling pintig ang dokyu. Ito rin ang naging inspirasyon upang magtimpla ng kulay. Tila isang konotasyon na sa mga dokumentaryo na pabayaan ang kalidad ng bidyo at ng tunog. Oo nga’t mahalaga ang nilalaman o mensahe ngunit hindi rin ito nangangahulugan ng pagpapabaya sa usaping teknikal. Malaking tulong ang makapagshoot sa high definition at ang maipreserba ang kalidad nito. Kahit na kumukuha ako ng bidyo sa mga aktwal na lugar, sinikap kong maiwasan ang mga ingay na maaring masagap. Nakatulong din ang pagkakaroon ng hiwalay na audio recorder.

IV.

TEORETIKAL AT KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Sa pinaka huling konsepto na siyang naipalabas para sa dokumentaryo, kumbinsido na rin akong ihayag ang aking personal na istorya bilang working student. Kahit na nakailang beses na akong nakapagrebisa ng iskrip ay hindi pa rin nawawala ang pangunahing tema, ang pagbibigay ng kalakasan sa manonood partikular sa kabataan. Nakakatuwang isipin na kasabay kong sinusulat ang iskrip ay tila aktwal itong nangyayari. At noong mga panahong iyon nga ko naiisip ang pag alis sa aking trabaho. Kung kaya’t nabuo ang aking unang premise, ano nga kaya ang mangyayari kung magresign ako. Magagawa ko ba? O anong epekto nito? Pero dahil sa naiisip ko ang mga bagay na ito, nangangahulugang hindi pa ako kumbinsido. Kung kaya’t sinimulan ko ang pag-iisip sapul nang ako’y magsimulang mag trabaho. Ano nga ba ang nag-udyok sa akin upang maging working student. Ano ang nag-udyok sa akin na magpatuloy? At ano ang nag-udyok sa akin ngayon upang tumigil. At lahat ng ito ay base sa aking motibasyon at kaligayahan. Sa ganitong usapin, malaki ang naitulong ng mga pag-aaral ni Abraham Maslow ukol sa Hierarchy of Needs at motivation at work. Ayon sa kanyang motivation theory, sinisikap ng tao na paunlarin ang kanyang sarili. Walang katapusan ang kanyang mga pagnanais dahil kung matumbasan man ang isang kagustuhan, nakararanas siya ng satispaksyon ngunit sa maiksing panahon lamang. Bago maarok ang potensyal ng tao, ay may iba't ibang pangangailangan na kailangang mapunan. Dito pumapasok ang kanyang pag-aaral sa hierarchy of needs. Bago pa masunod ang motibasyon, kailangan munang mapunan ang mga pinakapayak na kailangan. Sa unang antas, nariyan ang mga physiological needs o ang mga bagay upang mabuhay. Ito ay ang mga pagkain, damit at

27

tahanan. Ito ay ang mga pisikal na pangangailagan ng pisikal na pangangatawan. Ito ang mga palaging pinupunan ng mga mangagawa, estudyante man o hindi. Para sa marami, ang bawat oras ng pagtatrabaho ay katumbas ng mga pagkaing ihahain sa hapag. Para sa aking sabjek, mahalaga para sa kanyang mapunan ang mgapangangailangang ito ngunit hindi lamang para sa kanya kundi maging para sa kanyang pamilya. Simula nang lumaki ang kanyang sweldo ay iniako na niya ang pagbili ng buwanang groceries. Kadikit ng pangangailangang ito ay ang motibo niyang maipagpatuloy ang suporta sa mga magulang. Sunod sa pangunahing pangangailangan ay ang seguridad. Gusto ng taong manirahan sa payapang lugar upang matiyak ang seguridad ng kanyang sarili at pamilya. Bumibili ng mga gamot at health plans. Para sa sabjek, mahalaga ang seguridad sa kalusugan lalo pa’t para ito sa kanyang mga magulang. Ang seguridad na ito ay isang benepisyong mula sa kompanya. Natatakot siya sa pagkaputol ng benepisyong ito, kasabay ng kanyang pagreresign. Ayon kay Maslow, ang susunod na pangangailangan ay ang pagtanggap ng lipunan at ang makapagbigay ng pagmamahal. Sinasabing lumilitaw ang pangangailangan na ito matapos mapunan ang unang dalawang pangangailangan. Kahit pa sabihing hindi dapat nagpapasuway sa opinyon ng ibang tao, alam natin na mahalaga pa rin at maluwag sa kalooban kung tanggap tayo ng kinabibilangang lipunan. Para sa sabjek, tila natatakpan ang kawalan niya ng diploma ng pagtatrabaho sa isang magandang kumpanya. Importante rin para sa kanya ang pang-unawa ng ina at ito ang unang-unang manghihinayang sa kanyang pag-alis sa kumpanya. Sa kasalukuyan, hindi pinag-uukulan ng panahon ng sabjek ang pangangailangan na makapagmahal. Sa dami ng kanyang mga ginagawa at alalahanin, ang pagmamahal na ibinibigay at natatanggap mula sa pamilya at mga kaibigan ay sapat na. Ang sunod na pangangailangang binanggit ni

28

Maslow ay ang pangangailangan ng kompyansa sa sarili at paggalang ng iba. Ang mga pangangailangang ito ay nakaangkla sa pangangailangang maging tanggap. Ayon kay Maslow, ang pagbuo ng kumpiyansa ay kinabibilangan ng kagustuhang magkaroon ng tiwala sa kakayanan, maging mahusay sa napiling larangan at magkaroon ng kalayaan sa napiling gawain. Sinabi rin ng sikolohista na namamalayan ng isang tao ang ganitong pangangailangan kung natugunan na ang mga pangunahing pangangailangan. Para sa sabjek, siya ay nasa ganitong estado at ito ang itinuturing niyang pinakamahalaga sa listahan ng mga pangangailangan. Matagal na siyang working student at sa loob ng anim na taon, naka-ilang lipat na siya ng industriya. Ngunit alinman sa mga iyon ay tinuturing niyang mga pansamantala lamang dahil alam niyang hindi rin siya magtatagal doon. Bilang isang empleyado, dedikado siya sa kanyang mga gawain ngunit hindi niya ninais manguna. Isa lamang siyang karaniwang empleyado na minsan ay ikinalulungkot niya. Bata pa lamang ay sanay siyang may mahuhusay na gawain, partikular sa paaralan. Ngunit hindi niya magawang maging magaling sa mga industriyang pinapasukan dahil hindi buo ang kanyang kalooban sa mga ganoong trabaho. Noong panahon ng kanyang internship, nagkaroon siya ng pagkakataon na mapraktis ang kanyang gustong propesyon. Ngunit kailangan niyang balikan ang trabaho dahil kailangang maging praktikal. Ngayon ay muling may dumating na pagkakataon upang pasukin ang industriya ng pagpepelikula. Sa simula ay may mga pag-aalinlangan sa pagtanggap nito. Dahil matagal na sa kolehiyo, palagi niyang naiisip na hindi pa sapat ang kanyang nalalaman at walang sapat na kakayahan. Nawala ang kanyang kumpiyansa sa kung anong kaya niyang gawin. Isa pa sa kanyang mga pag-aalinlangan ay ang kawalan ng portfolio o anumang konkretong ebidensya na magpapakita ng kanyang kakayahan. Ngunit ang pinaka malaking sagabal

29

sa lahat ay ang kawalan niya ng kalayaang magawa ang gusto. Hindi niya masimulan ang ganitong propesyon, una sa lahat dahil sa nakukulong siya sa kanyang trabaho. Kahit na walong oras lang siya kailangan sa opisina, tila hinihigop nito ang kanyang buong lakas kung kaya’t kailangang magpahinga sa buong araw. Samakatuwid, wala na siyang nagagawang iba pa. Sa isip ng sabjek, noon ay napag-sasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho at ngayong kaunti na lamang ang kailangang gawin sa paaralan, baka maaring pagsabayin niya ang dalawang trabaho. Matapos ang trabaho sa gabi sa Makati ay tumutuloy siya sa miting sa umaga sa Quezon City. Sa simula ay nagagawa pa niya itong mapag sabay ngunit alam niyang kailangan niyang mamili kung saan mag popokus. Mabigat ang pagsasaalang-alang na ito dahil ang katumbas ng kanyang organisado, konkreto at siguradong trabaho ay isang makulay, walang katiyakan ngunit masayang mundo. Kailangan niya ring isa alang-alang ang pagpapatuloy ng pagtustos sa mga pisyolohikal na pangangailangan para sa sarili at sa pamilya. Ngunit ang pagkakataong ito hindi na niya palalmpasin. Tila handa na siyang isakripisyo ang lahat para masimulan ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Ang motibasyon niyang maging mahusay at magawa ang gusto ang palaging nagpapaalala sa kanyang desisyon. Ayon kay Maslow, matapos mapunan ang pangangailangan na mapahalagahan ang sarili, susunod na rito ay ang pangangailangang malaman at magamit ang potensyal niya bilang indibidwal. Ang pagpuno sa pangangailangang ito ay nangangahulugang magawa ang mga bagay na kayang gawin ng isang tao. Para sa sabjek, gusto rin niyang malaman kung paano maarok ang kanyang potensyal na kakayanan. Maaring habambuhay niyang aralin ang mga bagay na makatutulong sa kanyang kagalingan ngunit importante ring malaman kung ano ang kanya niyang gawin. Masasabing ang unang dalawang pangangailangan ay maaring

30

mabili o mapunan ng eksternal na susog. Ngunit ang ikatlo at mga susunod pa ay pawang mga personal na pangangailangang ang indibidwal din lamang ang makatutugon. Bagama’t importante ang mga pisyolohikal na pangangailangan, hindi na ito ang nagiging prayoridad. Para sa sabjek, batid niyang mahihirapan siyang makabagay kung babaguhin ang takbo ng kanyang pamumuhay. Nasanay na siya sa maalwang paggasta dahil batid niya na patuloy lang dadaloy ang sweldo hangga’t siya’y pumapasok sa trabaho. Ngunit muli, handa niyang iwan ang mga iyon at magsimula uli kung iyon ang magiging paraan upang matahak ang landas na nais niyang kahantungan. Ang huling pangangailangan na nabanggit ni Maslow ay ang pangangailangan sa kagandahan. Hindi lamang ito limitado sa personal o pisikal na aspeto ngunit maari ring sumaklaw sa kagandahan ng kapaligiran. Para sa sabjek, ginagamit niya ang konsepto ng pangangailangan sa kagandahan sa sining. Nalalaman niya na bukod sa nilalaman o mensahe ng isang likha, mahalagang mapanatili ang mataas na kalidad nito. Lalo pa siyang kritikal sa kanyang personal na mga gawa. Mahalaga para sa direktor ang pag-aaral ng motibasyon dahil naniniwala siyang ito ang tunay na kagustuhan ng isang indibidwal upang matuto at maarok ang kanyang potensyal. Sa ating henerasyon, kadalasang nasusugpo ang motibasyon dahil sa susog ng mga panlabas na aspeto. Kung ang pelikulang ito ay ginagamit para masalamin ang kanyang motibasyon, nagsisilbi rin itong salamin para sa manonood na alamin ang kanilang tunay na motibasyon. Isa pang teorya na ginamit na basehan sa paggawa ng dokumentaryo ay ang Semiotics on Film ni Christian Metz. Ayon sa kanya, sa pag-analisa ng pelikula, mayroong dalawang klaseng kahulugan ang maaring makuha: Connotated meaning o ang

31

literal na pagpapakahulugan depende sa kung anong nasa imahe o ano ang tunog at Denotated meaning o ang karagdagang pagpapakahulugan na makukuha kung aanalisahin din ang teknik na ginamit sa pagkuha ng imahe. Upang mas mapadali ang pag-aaral, hinati niya ang pag-aanalisa ng pakahulugan sa tatlong kategorya. Ang Auditory Code ay ang lahat ng maririnig sa bidyo, ang mga dayalog, natural na tunog, musika at sound effects. Ang Visual Code ay ang lahat-lahat na makikita sa bidyo, tauhan, damit, lokasyon, props, disenyo ng produksyon, maging ang mga pagkakaposisyon at pagkilos ng tao. At ang Cinematic code ay kung paanong kinunan ang eksena at kung paanong hinabi, sinematograpiya, paggalaw ng camera, framing at iba pa. Muli, mula sa artikulong Aesthetics of Short Film,naisip ko na ang bawat imahe ay maging malaman at makahalugan. Kung kaya’t sa bawat eksena ay sinisikap kong magkaroon ng iba’t ibang patong ng kahulugan. Upang mas makita kung paano ginamit ang semiotics sa paggawa ng pelikula, hinati-hati ko ang eksena ayon sa kanya at inilatag ang pagkakapakahulugan ng director ayon sa kanyang kamalayan.

32

EKSENA Madilim at ang tanging pinagmumulan ng ilaw ay ang nag-aalarm na cellphone. Makikita at maririnig ang lagaslas ng tubig sa banyo, ang pagpatay ng oven toaster at ng apoy sa kalan.

Auditory Code Ang alarm ng cellphone ay nagsimulang marinig bago pa magpakita ng imahe. Ginamit itong pamukaw ng atensyon ng tauhan, at ng manonood. Ang lagaslas ng tubig at ang mabibilis na tunog ng toaster at kalan ay para sa pintig ng bidyo. Sa simula pa lang ay ipinapakita na ang mabilis na paghahabi.

Visual Code Ang serye ng imahe ng na-aalarm na cellphone, pagligo at pagluluto ay nag papahiwatig ng paghahanda sa pagpasok.

Cinematic Code Madilim ang paligid. Kahit na hindi pa lubusang naipapakitang gabi, sinasabing ang oras lamang na mulat ang tauhan sa kanilang tahanan ay tuwing gabi lamang. Dahil rin sa binuksan ang eksena at nagpapakita ng oras, ipinapakita na ang pagkakabaligtad ng paggamit niya ng oras.

Ang study table ng tauhan ay makalat at puno ng kung anong gamit. Mula sa kumpol ng mga id laces ay kukuha siya ng isa. Kukunin din niya ang papel na nakapatong sa laptop. Lumabas ng bahay at may dumaang tricycle. Nasa loob na siya ng bus at nagbabasa ng papel na kinuha sa kwarto.

Makikita sa study table ang mga libro, kwaderno, laptop at iba pang gamit sa eskwela. Ngunit mayroon ding ilang mga gamit sa opisina tulad ng headset at isang recommendation card.

Kailangang maipakita ang pag-alis niya sa bahay sa gitna ng gabi. Ang papel na kinuha sa kwarto ay binabasa sa bus.

Sa pagtingin pa lamang sa study table ay makikita na ang magkaibang mundong ginagalawan ng tauhan. Natural na nakasabit sa kwarte ang mga medalya pero hindi iyon makikita kundi ang samu't saring id laces. Ito ang sumisimbolo sa kanyang mga kagalingan, tulad ng medalya. Gabi na at noon pa lamang aalis ang tauhan. Hindi pa tiyak ang kanyang destinasyon ngunit ginagamit niya ang kanyang oras upang magbasa ng artikulo ukol sa mga Pilipino.

33

Tumuloy sa isang magarbong gusali at sa loob ng elevator ay kailangan pang gumamit ng security card. Makikita na tumuloy siya sa isang opisinang call center. Pipindot siya ng ilang buton, kukunin ang headset at sisimulan ang trabaho.

Matapos ang title card, nasa loob na ng MRT ang tauhan. Sumunod ay pumila sa sakayan ng jeep at nakitang ang patutunguhan niya ay UP Diliman. Nasa loob ng klase ang tauhan. Matapos ay tumungo siya sa Shopping Centerpara magpa-print. Ipinakita pa ang ilang eksena sa UP hanggang sa muli siyang sumakay ng dyip pauwi.

Maririnig lang ang tunog ng pag-usad ng bus. Sa loob ng elevator maririnig ang tunog na gumana ang security card. Pagpasok sa opisina ay simula na nating naririnig ang tunog dito. Muli, maririnig natin ang mga tunog mula sa mga buton, parang mga robot na naguusap. At sa unang pagkakataon, maririnig ang kanyang tinig na tila bumabati sa kanyang kausap, ang manonood. Ang tunog na senyales ng MRT ay ang senyales ng pagsisimula ng araw ng tauhan.

Sa loob ng opisina ay makikita ang mga cubicles, ito na ang kabuuan ng kanyang mundo. Naroroon din ang pangalan ng tauhan. Kahit na hindi pa siya nakikita, kahit sa pangalan ay kilala siya.

Simula ng pumasok siya sa gusali, nalimitahan na ang kanyang paningin. Pulos close up o medium shots. Nakita rin ang pagamit ng security card na nagangahulugang mahigpit sa seguridad ang lugar na iyon.

Nasa loob ng tren ang tauhan habang nag sasara ang pinto. Nalaman ang kanyang destinasyon dahil sa senyales ng dyip. Nakita rin ang nakapaskil sa kolehiyo ukol sa pagsusog ng mas mataas na subsidiya para sa edukasyon. Sa loob ng klasrum Nakikitang sinusulat ng ay naririnig ang tinig tauhan ang mga kulang ng kanyang propesor pa sa kanyang pag-aaral. ukol sa paggawa ng Matapos ang klase, dokumentaryo. kailangan pa niyang Ipinapakahulugan tumakbo upang ipaprint nito ang interes ng ang isa pang papel sa tauhan sa paksa. ibang klase. Ang relo ang nagpapaala sa kanya ng oras, kung ilag oras na rin siyang gising.

Ginamit ang dalawang paraan ng transportasyon upang maipakita ang distansya ng lugar ng trabaho sa lugar ng eskwelahan. Ang pagpapakita rin ng nakapaskil sa kolheiyo ay ang subliminal na pagsuporta niya rito. Matapos ang trabaho ay kailangan pa niyang tumuloy sa unibersidad. Ang maliwanag at masaya na ang kulay dito kumpara sa loob ng eskwelahan. Sa pagpapakita niya ng mga estudyanteng nagpapahinga matapos ang klase, patuloy siyang kumikilos dahil marami pa siyang kailangang gawin.

34

Umuwi ang tauhan sa kanilang tahanan sa Imus, Kabite. Ipinakilala ang kanyang pamilya gamit ang mga larawan at nakikipag-usap sa mga magulang at ipinapakita kung ano ang kanilang maliit na negosyo.

Kausap ng tauhan ang kanyang ina at pinapatulog na siya nito dahil may pasok pa siya mamaya. Sinabi niyang parang ayaw niyang pumasok mamaya. Tila hindi naman siya sineryoso ng ina, dahil parang palaging ganoon na lamang ang kanilang usapan.

Makikita ang arko ng kanilang bayan upang maipakitang wala na siya sa siyudad. Ginamit ang mga larawan sa kanilang bahay upang ipakilala ang miyembro ng kanyang pamilya. Ipinakita rin ang kanyang mga magulang na nagbabalot ng mga peanut brittle na siyang kanilang pinagkukuhan ng ikinabubuhay.

Magkasabay na kumakain ang mag ina sa hapag.

Humihingi ng kanin sa kanyang ina ang tauhan. Tila baligtad ito dahil siya pa ang ipinagpeprepara ng pagkain ng ina dahil batid niyang pagod ito. Sinasabi niyang kung gagradweyt na siya, hindi na siya magiging working studentat full-time employee na. Ramdam ang tuwa ng ina sa tinig nito. Tinawag niya ang isa pang anak at sinabing sumabay na sa pagkain at kakaunti ang ulam.

Ang pagpapakita ng arko ay upang maipakita ang distansya ng eskwelahan sa kanilang tahanan. Hinubad niya ang sandals at nagpalit ng sinelas upang maipakitang mas kumportable siya sa bahay. Sa pagpapakita ng mga larawan, nakitang siya lamang ang walang graduation picture. Ang pagpopokus sa mga kamay at produkyto ng kaniyang mga magulang ay nangangahuluigang manual labor ang kanilang pangunahing ginagamit. Ipinapakita sa eksenang Ang relo sa ibabaw ng hapag ang nag sasabing ito ang magiging malapit ng mag ina. Ipinapakita ika-apat na ng hapon rin ang estado ng ngunit noon pa lamang kanilang buhay, hindi sila nag tatanghalian. naman masyadong Ipinakita rin ang pagaaskiso ng ina sa tauhan. maalwa ngunit Ipinapakita rin kung ano nakasasapat lang. Ang isang pirasong longganisa ang ulam sa araw na ay hinahati pa para sa iyon. nakababatang kapatid.

35

Sunod na eksena ay sa isang mall sa Makati. Kasama niyang nagkakape ang mga kaibigan.

Mula sa pagkakalapag ng baso ng kape, kinuha muli ito ngunit ngayon ay nasa loob na ng opisina. Ipinapakita dito kung paanong binibilang ang bawat segundo at kung paano sila nagpapahinga sa paulit-ulit nilang gawain.

Dito unang nabanggit ng tauhan ang desisyon nyang pag reresign. Sinasabi ng mga kaibigan na kung hindi na siya masaya sa trabaho ay hinda na siya uunlad pa dito. Isinalaysay din ng tauhan ang kanyang pag-aalala hindi para sa sarili ngunit para sa kanyang pamilya. Patuloy lang na naririnig ang mga boses ng mga ibang ahente. Hindi lubusang nauunawan ngunit alam mong nasa-opisina pa rin.

Nagaganap ang eksena sa lugar na palagiang pinupuntahan ng mga yuppies. Ipinapakita rin ang kanilang pamamaraan ng pamumuhay at paggasta. May manaka-nakang pagpasok ng imahe na ipinapakita ang tauhan na namimili ng groceriesgamit ang kanyang credit card.

Ipinapakita lamang sa eksenang ito ang uri ng pamumuhay ng mga batang empleyado. Madalas sila sa mga coffee shops upang makapag-usap-usap. Ipinapakita rin dito ang isang bahagi ng realidad ng tauhan kung paano sa kanyang paraan tumutulong sa pamilya.

Nagpapakita ang eksenang ito ng montagekung paanong ginugugol ng tauhan ang oras sa opisina. May digital timer sa monitor na nagpapaala-ala sa kanya ng bilis o bagal ng oras. May mga imahe ng convenience storesat ibang establisyamento na bukas buong araw upang maipagpatuloy ang serbisyo lalo para sa mga empleyadong tulad nila. Sa pagitan din ng mga pagpapahinga ay ang pagkakape at paninigarilyo na tila bahagi na ng kanilang ikedyul.

Ipinakikita dito ang tipikal na gawain ng isang call center agent. Sa loob ng opisina ay puro makabagon gamit, pati relo digital. Ito pa nga ang nag-papaalala kung lagpas ka na sa break,parang robot. Ipinapakita rin dito ang ideolohiya sa ganitong industriya. Nakaupo ka nga lang at hindi pinapawisan, ngunit dahil sa stress, pake-paketeng sigarilyo ang nauubos.

36

Matapos ang break, tinitignan naman ng tauhan ang report tungkol sa kanyang mga pagliban at pagkahuli sa trabaho. Matapos ng araw na iyon ay namahinga muna siya sa sleeping quartersat nagpaumaga para sa susunod na gawain.

Nagpapatuloy ang tunog na nagmumula sa mga empleyado. Sinusundan siya nito kahit na ninais na niyang makapagpahinga. Hanggang sa pagtulog ay tila sinusundan siya ng trabaho.

Makikita sa monitor screen ang bilang ng kanyang mga pagliban at pagkahuli sa trabaho. Ipinakita rin dito ang kanyang mga iskedyul sa opisina.

Pumasok muli ang tauhan sa UP para sa kanyang PE clas. Doon ay kausap rin niya ang guro ukol sa mga liban niya sa klase.

Tinatanong ng tauhan sa guro ang bilang ng kanyang mga liban. Sinabihan siyang nakakalima na ito at isa na lang ang maari bago lumagpas sa bilang ng pagliban sa klase.

Papasok ng UP Gymay makikita na ang ibang kabataan. Siya man ay nakikipaglaro sa iba at nagsasanay. Habang kausap ang guro ay pinapakita naman ang rekord ng kanyang mga pagliban.

Kausap niya ang ama at nanghihiram ito ng pera. Hindi siya nakakolekta dahil sa pagkakasakit kamakailan.

Sinabi ng ama nga manghihiram muna siya ng pera sa anak. Sinagot naman siya nito at kinukumpirmang ibabalik ito sa Martes.

Habang nag tatrabaho ang ama ay kinausap niya ang tauhan upang manghiram ng pera.

Ang pagpapakita ng iskedyul ay nagpapakita lamang kung paanong nababaligtad ang kanyang oras. Ipinapakita rin na ang kanyang mga pagliban at pagkahuli ay ang epekto sa kanyang trabaho ng pagiging working student. Nagtapos ang eksenang ito habang tinitignan ng tauhan ang papasikat na araw mula sa likod ng mga gusali. Palaging maganda ang pakahulugan ng mga ganitong tawanan ngunit para sa kanya, papatapos na ang araw at papaubos na ang oras. Sa paggamit ng mga close-up sa rekord ay lalong nabibigyang diin ang epekto ng pagiging working student sa kanyang pag-aaral. Matapos makita ang malawak na gym, papalabas dito ay binagtas niya ang makipot na daan. Dahil sa pagtatrabaho ng tauhan, may mga pagkakataong nakakapang hiram ng pera ang kanyang mga magulang. Nangyari na ito ng maraming beses kung kaya't kinukumpirma niya na mababalik ito sa pinagusapang araw.

37

Nag punta ng ospital ang tauhan upang kausapin ang kaibigan.

Sinasabi ng tauhan ang planong pagreresign sa kaibigan. Doon ito nagtatrabahao sa ospital kung saan nanalagi ang kanyang ama. Praktikal ito at sinasabi ang mga kagandahan ng pagkakaroon ng health cardna siyang benepisyo niya sa kanyang kumpanya. Ngunit sinabi rin niya na mahalaga para sa isang tao ang maipraktis ang kanyang gustong propesyon. Habang may kausap sa telepono, pinakiusapan niya itong manatili muna habang siya ay may inaayos para sa bagong trabahong gustong pasukan.

Sa opisina, imbis na madaliin ang tinatrabaho para sa kliyente ay tinitignan niya ang mga personal na emailsat inaalam kung anong bagong trabaho ang kayang pwedeng pasukin.

Base sa mga pangunahing imahe sa eksena, ipinapakita na ang tauhan ay nasa ospital. Habang kausap ang kaibigan ay ipinapakita ang mga naging bayarin. Ipinakita rin ang ilang imahe kung saan nasa ospital ang ama. Nang binabanggit na ng kanyang kausap ang ungkol sa pagpapraktis ng propesyon, may mga imaheng base uli sa POVng tauhan. Sinimulan sa paghawak niya sa kamera, sa paghahabi ng mga bidyo, hanggang sa pagpapalabas nito. Mula sa screen ay makikita ang mga programa para sa ttabaho ngunit isisingit niya ang pagchecheck ng personal na emails. Makikitangriya. karamihan doon ay galing sa mga ahensyang nag papadala ng mga mensahe sa pagtatrabaho. Buburahin niya ang karamihan at ititira lang ang mga pumukaw sa kanyang interes. Babaguhin din niya ang ang kanyang resume upang maging angkop sa papakusing industriya.

Base sa mga imahe ng mga bayarin, ipinapakita nito ang kamahalan ng pagpapagamot. Ito ay karagdagang alalahanin para sa tauhan. Ang pagpapakita ng POV ng tauhan ukol sa paggawa ng pelikula ay sumasalamin lamang sa propesyong nais niyang pasukin na hindi kinakailangang sabihin ito.

Upang maisalarawan ang kawalan ng interes ng tauhan sa kanyang kasalukuyang trabaho, mayroon siyang inaasikasong iba. Sa kanyang mga email, puro mga call center job ads ang pumapasok kung kaya't pagbuburahin niya ito. Habang binabago ang kanyang resume, madarama ang kanyang pagkadismaya dahil hindi pa siya nakapagtatapos sa petsang inaasahan. Pinagbubura niya rin ang tala ng mga naging trabaho dahil hindi naman ito magiging makabuluhan sa nais pasukan. Ngunit sa bandang huli, hindi rin matutuloy ang kanyang

38

aplikasyon dahil isa sa mga pangangailangan ang diploma. Muli ay babalikan ang nag iintay na kliyente, ang kanyang realidad. Sa unibersidad, kakausapin niya ang kaibigan ukol sa paghingi nila ng permiso na maituloy ang pananatili sa kolehiyo kahit lagpas na sa takdang panahon. Makikita rin ang tauhan na nakikipag usap sa sekretarya ng dekano at ang proseso ng pagbabayad ng matrikula. Tatanungin ng tauhan sa kaibigan kung ilang semestre ang inihingi niya ng pahintulot upang makapanatili sa kolehiyo. Binanggit din ng sekretarya ang mga kulang niyang mga klase. Makikita sa eksenang ito ang usapan nila ng kaibigan sa harap ng kolehiyo. Pinasok rin niya ang opisina ng dekano upang makahingi ng permiso na makapanatili sa kolehiyo. Ipinapakita ang kanyang naging sulat para sa kahilingang ito. Habang nagbabayad ng matrikula ay makikita ang pila ng ibang estudyante. Ipinahihiwatig lang ng eksenang ito ang epekto muli ng pagiging working studentsa kanyang pagaaral. Dahil dito ay lumagpas na siya sa takdang panahon ng pananalagi sa kolehiyo. Habang nagbabayad ng matrikula ay nadarama ang pagka-inip tulad ng ibang estudyante. Ginamit ito ng seamless editingupang maipahiwatig na ang pakiramdam na ito ay hindi ekslubibo kundi nararamdaman din ng marami..

39

Nagpatuloy ang pag-uusap ng magkaibigan ukol sa paghahanap ng isa ng trabaho. Isinalaysay naman ng sabjek ang kanyang saloobin ukol dito.

Nang kamustahin nang sabjek ang kaibigan ukol sa paghahanap nito ng trabahong at nalamang sinubok nitong pumasok sa call center, binganggit niya ang kanyang saloobin na pagiging ingrata sa industriyang nagpaaral at nagpakain sa kanya. Binanggit din niya ang mabubuting naidulot nito tulad ng pagkakaroon ng pinansiyal na kasiguraduhan. Ngunit binigyang diinan din niya ang pagpapahalaga sa edukasyon, na ang isang tao ay hindi pumapasok lamang sa eskwela para makakuha ng magandang trabaho kundi para matuto sa kabuuan. Kritikal ang pag-uusap nilang iyon dahil sa unang pagkakataon, imbis na siya ang nanghihingi ng opinyon, ibinalik sa kanya ang tanong.

Sari-saring imahe ang makikita sa eksenang ito. Habang pinaguusapan ang paghahanap ng trabaho, ipinakikita ang mga imahe sa isang job fair at mga job adssa kalye. Ipinakita rin ang pagkuha ng pera ng tauhan sa ATM. Ipinakita rin ang planner niyang puno ng samu't saring gawain at tila natakpan na ang araw ng kanyang kaarawan.

Maraming nais pakahulugan ang eksenang ito. Sa pagpapakita ng mga imahe sa job fair, tila ipinapakit ng tauhan ang hirap ng paghahanap ng trabaho at basta-basta na lamang niya itong iiwan. Oo nga't makatitiyak siya sa pinansyal na kasiguruhan ngunit kung titignan ang laman ng bangko, halos wala rin namang natitira bago ang araw ng sweldo. Sa pagpapakita rin ng kanyang planner na pahapyaw ding nagpakita ng kanyang kaarawan, tila naiipit siya sa listahan ng mga gawain at nagigipit sa mabilis na pagtakbo ng panahon at hindi pa niya nasisimulan ang kanyang pangarap.

40

Dapit hapon na at kailangan nang maghanda ng tauhan para sa trabaho. Sumakay siya ng muli sa tren ngunit hindi inaasahan na sa kadiliman ay biglang maglalabasan ang mga larawang naiisip nya lamang.

Ang tunog lang ng umaandar na tren ang maririnig, ngunit habang naglalabasan ang mga imahe, tila nakabibingi ang sobrang katahimikan.

Ang eksenang ito ang naglalayon na isalin ang kanyang mga naiisip at isalin sa mga imahe. Masasabing sikolohikal ang ganitong atake dahil para sa tauhan, marahil katulad ng ibang tao, ay mas nakapag-iisip kung nag-iisa. Kasabay ng kanilang pisikal na paglalakbay ay ang paglipad ng kamalayan. Dito ay naiisip ng tauhan kung oaano ba siya napunta sa kanyang estado ngayon. Noon ginusto niyang maging working studentupang makatulong sa pagbabayad ng matrikula at panustos sa kolehiyo. Kaya kahit nag-aaral sa Quezon City ay umuuwi pa rin siya sa Kabite upang maituloy ang pagtatrabaho sa isang fast food company. Ngunit nang lumipat siya ng kurso at nagsimulang kumuha ng BA Film, sumunod na rin ang pagtaas ng bayarin at mga bagay na kailangang bilhin. Kailangan niya ng mas mataas na sweldo kung kaya't sinimulan niya ang pagtatrabaho sa call center. Ngunit kasabay nito ay pagbabayad ng mataas na buwis at pagtaas ng paggasta. Sinimulan na rin niya ang pag-ako ng

41

pamimili ng pagkain para sa pamilya. At dahil nga dito, kinailangan niyang lumiban ng isang semestre sa kolehiyo. Napatagal siya sa pagaaral at naunahan pa nga ng nakababatang kapatid na makapag tapos. At ang pinakamasakit sa lahat, nang akala niyang handa na siyang ipalabas ang kanyang dokumentaryo ay hindi iyon nangyari. Lahat ng imaheng ito ay mabilis na ipinapakita. Tila pinaglalaruan ang kanyang pag-iisip habang ang mga ito ay humahalo sa mabibilis na nakikitang liwanag.

Bumalik sa realidad ang tauhan. Tinahak niyang muli ang daan patungo sa opisina.

Ang tunog muli ng tren ang nakapagpabalik sa kanyang kamulatan na nagsasabing naroon na siya sa kanyang destinasyon.

Makikita na umiilaw na ang senyales ng pinto ng tren, kailangan na niyang bumaba. Muli ay binagtas niya ang pamilyar na daan at ginamit muli ang security card upang makapasok sa gusali. Paakyat siyang muli sa opisina.

Ang tinig ng nagpapatakbo ng tren ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Tila ito ang boses ng lipunan na sinasabing tigilan mo ng walang saysay mong pagiisip at bumaba ka na. Parang sinasabing ikaw ay nasa tamang destinasyon na, at tulad ng mga taong bumababa sa tren, sumunod ka na lamang sa agos ng buhay.

42

Sa loob ng elevator, hindi bumaba ang tauhan. Sa unang pagkakataon ay nakita ang kanyang repleksyon sa salamin. Imbis na magtuloy ay muli siyang lumabas ng pinto at handa nang tahakin ang isang bagong hinaharap.

Sa loob ng elevator ay bumalik ang nakabibinging katahimikan. Muli lang narinig ang maingay na tunog nang lumabas na siya ng pinto, hudyat ng isang bagong panimula.

Matagal nang nakabukas ang pinto ngunit walang lumalabas. Nang magsara ito ay noon lamang nakita ang tauhan sa repleksyon sa salamin. Hindi siya lumalabas, bagkus ay pinabayaang bumalik ang elevator pababa. Lumabas siya ng gusali at naglakad patungo sa ibang direksyon.

Nang ipinapakitang walang bumababa mula sa elevator, nag-iba ang timpla ng kulay sa closeup. Tumingkad ito at naging mas maliwanag. Nang ipakita ng tauhan ng ang kanyang sarili sa salamin, kinumpleto na niya ang pagiging repleksibo ng dokumentaryo. Handa na siyang sagutin ang kanyang mga katanungan. Handa na siyang makinig sa sarili at hindi sa sinasabi ng iba. Kahit hindi na bumigkas ng anuman, ang paglabas niya sa pinto ay ang hudyat ng pag-iwan niya sa mundong iyon. Sa unang pagkakataon ay nakita natin siyang lumabas. Kahit na ang mga una niyang nakikita ay malabo, nangangahulugan iyon ng isang walang katiyakang hinaharap. Gayun pa man, makulay iyon, kasabay ng isang mas produktibong mundo.

V. A.

PAMAMARAAN AT PROSESO

PRE-PRODUCTION

Matapos na hindi ako makahabol para sa thesis defense noong Marso 2011, alam kong kailangang kong gamitin ang panahon upang mapaghusay pa ang dokumentaryo. Dahil sa naiisip kong walang tinutumbok na istorya ang aking naunang gawa, kinailangan kong linawan pa ang daloy ng mensahe. Upang makatulong sa aking pagsusulat, binasa ko ang libro ni Ricky Lee, Trip to Quiapo. Habang nasa kalagitnaan ay may kaunting pangamba na maging naratibo ang atake ko sa dokumentaryo. Kinailangan kong isalin sa pagsusulat ng dokumentaryo ang aking pag-aaral. Gayon pa man, naging malaki ang kontribusyon nito upang matukoy ang tatahakin ng istorya. Naisip ko na bago ang lahat, nagsasalaysay din ako ng kwento. Dapat may malinaw na simula, gitna at katapusan. Binuo ko ang konsepto sa premise na pagreresign ng isang working student. Mula doon ay lumawig pa ang mga detalye. Natutunan ko rin ang paglilimita sa mga nais sabihin. Sa naunang proyekto, tila sabog ang mensahe kung kaya’t mahihirapan taluntunin kung ano nga aba ang gustong sabihin. Sinimulan ko rin ang pag-eeksperimento sa teknikal na aspeto. Mas kinilala at inalam ko ang mga kakayahan ng DSLR. Nakatulong din ang mga pag-aaral na ito dahil nakikita ko na sa aking gunita kung paano gagawin ang mga eksenang nais kuhanan. Hindi naman ito nangangahulugan ng masyadong pagdidirehe ng eksena ngunit ginusto ko lang na mas maganda ang kalabasan, may mas malalim na pag-unawa at ang pagpreserba ng kalidad ng mga imahe. Nirebyu ko muli ang mga nakuha kong interbyu. Kahit alam kong hindi ko na sila gagamitin, ang opinion ng mga working students at ibang mga tao ay nakatulong upang

44

magkaroon ng kabuuan ang karakter ng tauhan. Gamit ang sikolohikal na perspektibo, inanalisa kong muli ang mga naging kasagutan ng mga naunang nakapanayam. Napagalaman na malaking impluwensiya nga para sa kanila ang motibasyong makapagtapos. Bukod pa roon, may pagpapahalaga rin sila sa kalinangan na matutunana sa kanilang mga karanasan. Sa bahagi ng mg nakapanayam na pawing hindi mga working students, kadalasang sinasabi na nagsimula ang pag-usbong ng mga estudyanteng nais magtrabaho dahil na rin sa susog ng midya. Iniimpluwensiyahan na dahil kailangang magkaroon ng mga bagong gamit at itago ito sa maskara ng pangangailangan, sinubukan nilang magtrabaho. Gayun pa man, mataas ang kanilang pagtingin sa mga kabataang ito dahil nakakaya nilang pagsabayin ang mahahalagang gampanin at nalilinang sa kanila ang pagiging responsible. Hulyo ng taong 2011 ko muling sinimulan ang pagsusulat ng script.Naka-ugat pa rin ito sa premise ng dokumentaryo at nakabase rin sa kung anong alam ko at mga aktwal na pangyayari. Doon ko nilatag ang mga eksenang nakunan na at kukunan pa lamang. Una kong isinulat ang script na mas wangis pa ang sa naratibo. Pinaghati-hati ko ang mga pangyayari tulad ng sa sequences. Nagsimula ito sa pagpapakila ng sarili at sa kanyang mga ginagawa. Sumunod na lebel ay ang pagpapakilala sa mga taong pinahahalagahan tulad ng pamilya at mga kaibigan. At ang pinakahuli ay ang pagpapakita sa kanyang motibasyon at pag-iisip. Sa gayong paraan, lumalalim at pagkilala sa karakter habang ipinapakita ang kanyang pag-unlad.

45

B.

Production

Wala talagang tiyak na panahon kung kailan sinimulan ang produksyon. Palagian na kasing dala-dala ang kamera at nirerekord ang mga pangyayari habang ang mga ito ay nagaganap. Maraming okasyon ding dinala ang kamera habang kasa-kasama ang mga kaibigan sa unibersidad, o habang nag kakape. Kahit na delikado ay kumukuha rin ako ng mga bidyo habang nasa loob ng bus o ng dyip. Marami ring pagkakataon na naglalakad lamang ako at rumorolyo ang kamera. Ngunit nang matapos ang script, noon ko lamang nalaman na kahit gaano kadami na ang hawak kong bidyo, hindi pa rin ito sapat upang maituloy ang kwento. Dahil nga’t sanay na sa kamera, hindi na inaalintana ng aking mga kausap na may kamera sa pagitan namin. Patuloy pa rin ang konbersasyon at walang takot o pag-aalinlangan na narerekord ang kanilang mga ginagawa o sinasabi. Ngunit dahil alam kong ito ang mga materyales na gagamitin ko, madalas ay ako na ang nagbubukas ng paksa. Kung naliligaw ang daloy ng usapan ay ibinabalik ko ito sa konspeto. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay kinokontrol ko ang magiging daloy ng usapan. Kahit na nalalaman ko na kung paano sila mag-isip at tila inaasahan ko na ang kanilang sasabihin, hindi idinerehe ang mga kuha. Pinababayaan pa rin ang kausap na sabihin kung ano man ang gusto niya. Nagpapalipat-lipat lamang ako ng lugar upang makakuha ng ibang anggulo. Hindi ko pinuputol ang sinasabi ng kausap kung kailangan kong kumilos dahil nananatili naman ang pagrekord ng awdyo. Naging mahirap lamang ang pagkuha ng karagdagang bidyo sa loob ng opisina. Mahigpit talagang ipinagbabawal ang pagpapasok ng anumang bagay na may

46

kakayahang makapagrekord. Pulos gerilya lamang ang aking mga kuha na sa palagay ko ay nakatulong din sa subliminal na mensaheng pagkakakulong sa ganitong kapaligiran. Ang mga karagdagang kuha sa loob ng MRT, partikular ang mga bidyo sa huli ng documentary ay pawang gerilya din. Noong panahong iyon kasi ay lumipas na ang aking permit at matatagalan pa kung kukuha muli. Isa pa ay hindi naman sila papaya na makakuha ng bidyo sa gabi dahil itinuturing itong rush hour. Ang pagkuha ng gerilya ay hindi inirerekomenda ng direktor. May mga pagkakataong malimithan ka sa mga imahe na nais mong makuha. Sa ibang pagkakaton ay gumagana ang ganitong istilo ngunit hindi sa lahat ng oras. Mas maluwag pa ring makapagtatrabaho kung makuha ang mga kaukulang permit. Sa mga idinagdag kong bidyo, mula sa pagkuha noong Enero, ay ako na lamang mag isa. Kahit na madalas ay pinagtitinginan ako ng mga tao at nabibigatan sa pagbubuhat ng aking mg gamit, idagdag pa ang bigat ng kamera, tripod at iba pang gamit, tuloy lang. Medyo mahirap rin lamang ang pagpopokus gamit ang DSLR lalo pa’t okupado na ang isang kamay sa paghawak nito. Mahirap din ang pagkuha sa gabi lalo pa’t umaasa lang ako sa kung anong liwanag ang naroroon sa paligid. Ngunti ang mga karanasang ito ang nakatulong sa akin upang mas mahasa pa ang aking kaalaman sa sinematograpiya at pagpapagana ng kamera.

47

C.

Post-production Nagsimula lang ang muling paghahabi noong Setyembre. Batid kong

maiksi na ang oras lalo pa’t noon, inaasahang matapos ang proyekto sa kabuuan ng buwan. Oo nga’t marami akong materyales ngunit hindi ito naging sagabal upang makapamili ng kung anong ilalagay. Nakatulong ng malaki na ako rin ang kumukuha ng bidyo kung kaya’t alam ko na kung anong bahagi ang kukunin, at kung anong itatapon. Nakatulong din ang pagkakaroon ng isang malinaw na script kung kaya’t mayroon akong gabay sa kung anong magiging daloy ng istorya. Una akong nagpakita ng bersyon sa aking gurong tagapayo noong ikalawang linggo ng Setyembre. Hindi pa ito tapos at ang pinakita kong bersyon ay nakalatag pa sa Adobe Premiere. Ni hindi ko nagawang makapag-export ng bidyo. Tumatalon ang ilang bahagi at nawawala ang awdyo. Ngunit base sa kanyang komento, mas buo na ang istorya at may patutunguhan. Noon ko rin lamang naintindihan ang sinasabi niya na sa unang proyekto ay mas depensibo ako sa aking gawa. Ngayon, mas maluwag na at mas naiintindihan ko ang komento ng iba. Sa pagitan din ng paghahabi ay ang pagpasok naman sa ibang trabaho, isang katuwang sa pagpoprodyus ng pelikula. Malapit na ang pasahan at hindi pa rin ako desidido sa magiging katapusan ng pelikula. Sa gitna ng paghahabi, kumukuha pa rin ako ng ibang karagdagang bidyo na makatutulong upang mas maging malaman ang mga imahe. Sa ikalawang bersyon na aking pinakita, buo na ito. Nakapag desisyon na akong tatapusin ang pelikula sa aking pagreresign. Ang orihinal na ideya ay gagamitin niya ang security card sa pinto ngunit hindi na tutuloy sa pagpasok. Iikot siya at lalakad

48

palayo. Para sa akin ay sapat na iyong metapor ng pagtalikod niya sa ganoong mundo. Ngunit sa suhestyong muli ng aking punong tagapayo, mas mainam kung magiging malinaw ang kanyang pagkilos sa pag-alis. Noong mga panahong iyon, nakaliban na ako sa trabaho at hindi na pumapasok. Nang malaman kong kailangan ko pang kumuha ng mga karagdagang bidyo, ganoon na lamang ang takot at hiya ko na mahuli. May pagkakataong napatayan ako ng ilaw sa elevator dahil sa katagalan at walang pinipindot na anumang buton. Pauwi na ako noon ngunit dama ko pa rin ang takot. Nairaos ko naman nang hindi nahuhuli at nakuha ang imaheng gusto ko. Matapos noon ay may ilang araw ko ring hindi ginalaw ang proyekto. Naging abala ako sa isang trabaho at pagtanggap ng iba pang gawain. Naisip ko na kailangan ko rin ng panahon na iwan pansamantala ang proyekto upang mailayo ang sarili at mas maging kritikal sa pag-aanalisa kung rebyuhin ko ito. Sa huling bersyon ay nagsingit ako ng mga bidyo habang nagsasalita ang mga kausap. Sa gayong paraan, hindi masyadong nakababad sa mga talking heads. Nagkaroon din ng pagkakaiba sa kung anong sinasabi at kung ano ang ipinakita. Lalong nagkaroon ng ibang patong ng mensahe. Pinilit ko ring ayusin ang awdyo. Para sa akin, isa itong aspeto na madalas ay nakakaligtaan sa paggawa ng dokumentaryo ngunit ito ay sing halaga ng mga imahe. Nahirapan ako sa pag-aayos ng tunog lalo pa’t nasasagap ng kamera ang mga ingay sa paligid. Iba naman ang lebel ng awdyo kunga mangagagling sa hiwalay na audio recorder. Mas malakas ang aking boses kung galing sa kamera, at mas malakas naman ang sa kausap kung yung sa isa ang gagamitin. Kahit na mayroon akong kaibigan na tumulong upang ayusin ang tunog, hindi ko rin iyon nagamit dahil sa hindi naging kaaya-

49

aya ang kinalabasan. Pinagtyagaan ko ang pag sasalin at paglelebel ng mga interbyu kahit na hindi ako maalam dito. Talagang nanindigan ako na hindi ako gagamit ng subtitles sa oras na ipalalabas ang dokumentaryo dahil ayokong maging panakip ito sa kakulangan ko sa awdyo. Isa pa sa mga bahaging pinaglaanan ko ng panahon ay ang effects sa flashback scene. Natagalan ako sa pagsisimula dito dahil wala akong makitang peg at hindi ko alam kung paano ko ba ito gusto maipakita. Muli kahit na hindi ako maalam sa After Effects, pinag eskperimentuhan ko ito. Masaya naman ako sa kinalabasan ng eksenang ito. Ang pinakahuling inayos at pinroblema ko sa paghahabi ay ang pagtatangal ng video noise grains. Noong una ay hindi ko naman ito inalintana at sinabing karakter na ito ng dokumentaryo. Ngunit nang makakita ako ng paraan gamit ang isang plug-in upang maiayos ito, ginusto kong ayusin ang lahat ng may ganitong grains. Sinabay ko na rin ang pag-aayos ng pagtitimpla ng kulay. At dahil dito, inabot ng halos apat na oras ang pagrerender ng isang 20 minutong dokumenataryo. Nakipag-uganayan ako sa Outpost upang makisali sa mga makapag hd project. Dahil sa ibang programa ko hinabi ang aking gawa, nagkaroon ng kaunting problema ng dinala ko sa kanilang opisina. Matapos ang pagpoproseso, noon ko napansin na may mga tumatalong bidyo at hindi nagsabay ang awdyo. Mabuti na lamang at dala ko ang buo kong hard drive at pumayag silang mageksport ng panibago. Nirender uli ang malaking bahagi na tumagal nang ilang oras. Bukod pa sa aktwal na pag-eeksport na bumuno ng apat na oras. Ngunit ng matapos na ang lahat, nakahinga na ako ng maluwag at alam kong masaya ako sa pinaka huling bersyon ng dokumentaryo.

VI.

SKEDYUL

PRE-PRODUCTION Pagpapasa ng konsepto para sa thesis proposal Oktubre 2008 UP-Diliman, Lungsod ng Quezon Hunyo 2009 – Nobyembre 2010 UP-Dilman, Lungsod ng Quezon Nobyembre - Disymebre 2010 Lungsod ng Makati, Lungsod ng Makati, Lungsod ng Maynila, Lungsod ng Pasig, Imus, Kabite Mayo 2011 UP-Diliman, Lungsod ng Quezon, Imus, Kabite Hulyo - Agosto 2011 Lungsod ng Quezon, Lungsod ng Makati, Imus, Kabite Pagsusulat ng script Pagrerebyu ng mga naunang bidyo PRODUCTION Aktwal na pangangalap ng bidyo at interbyu para sa unang proyekto Enero 2011 Lungsod ng Makati, Lungsod ng Makati, Lungsod ng Maynila, Lungsod ng Pasig, Imus, Kabite

Pangangalap ng datos para sa pag-aaral / Paghahanap ng posibleng sabjek

Unang paghahanda para sa naunang proyekto

Pag-aaral ng pagsusulat Ikalawang paghahanda para sa pinal na proyekto

Pagkuha ng mga bagong bidyo para sa pinal na proyekto

Agosto - Oktubre 2011 Lungsod ng Quezon, Lungsod ng Makati, Imus, Kabite

POST-PRODUCTION Paghahabi ng unang proyekto Pebrero 2011 Lungsod ng Quezon, Imus, Kabite Paghahabi ng pinal na proyekto Pagpasa ng unang bersyon Pagpasa ng ikalawang bersyon Pag-aayos ng awdyo Pag-aayos ng video noise grain at pagtimpla ng kulay Pag-eeksport sa kalidad ng high definition Setyembre - Oktubre 2011 Lungsod ng Quezon, Imus, Kabite

VII.

BADYET

Kagamitan Canon 5d Mark II (18-135mm lens) Zoom H1 Editing Suite Compact Flash Cards External Hard drive (500 GB) Shoulder Mount Pagkain Pamasahe Pag-papaayos ng tunog HD projection fee KABUUAN Php 130 000 Php 7 000 Php 35 000 Php 4 000 Php 2 650 Php 3 000 Php 5 000 Php 5 000 Php 2 000 Php 3 500 Php 197 500

VIII.

SCRIPT
Awdyo / Tunog

Biswal Int. Gabi. Kwarto ng Tauhan Tumuntunog ang alarm ng cellphone sa saktong ika-walo. Papatayin ito ng may-ari sa pagpindot ng buton. CU ng tumutunog na cellphone Int. Gabi. Banyo Patuloy na tumutulo ang tubig mula sa gripo sa isang punong balde MS ng balde ng tubig Int. Gabi. Kusina Madilim sa kusina at tanging ang apoy lang ng over toaster ang pinagmumulan ng liwanag. Papatayin ng tauhan ang oven toaster Papatayin ang kalan CU ng toaster Pan sa apoy ng kalan fade to black Int. Gabi. Kwarto ng Tauhan Makikita ang mesa na puno ng mga gamit para sa eskwela Kukuha ng isang id mula sa tumpok ang tauhan Kukunin niya ang papel sa ibabaw ng nakasarang laptop Int. Gabi. Bahay Lumalabas ang tauhan at isasara ang sliding door ng bahay MS sa pagsasara ng pinto MS ng katapat na kalye at may dumaang tricycle Int. Gabi. Sa loob ng Bus Nagbabasa ang tauhan ng papel na kaninang kinuha sa kwarto CU ng papel na binabasa ng tauhan Int. Gabi. Gusali Sa loob ng gusali ay paakyat na siya papuntang opisina LS ng opisina ECU ng pagpindot ng mga buton sa elevator ECU ng mga imprmasyon sa elevator na nagsasabing nasa 12th floor na MS ng bumukas na pinto ng elevator Int. Gabi. Loob ng opisina Papasok na sa opisina ang tauhan at maghahanda ng mga gamit para sa trabaho MS PAN ng mga nagtatrabaho sa call center CU ng monitor habang nag-aayos ng mga programang gagamitin CU ng pagkuha ng headset CU ng pagpindot ng mga buton sa telepono Title Card: Working while in Class fade to black

Alarm ng cellphone

Lagaslas ng tubig na tumutulo mula sa gripo at punong balde Pagbuhos ng isang tabong tubig

Naririnig ang paglagitgit ng oven toaster Narinig ang pagpatay ng kalan

Natural na tunog ng paligid

Natural na tunog ng paligid

Natural na tunog ng paligid

Natural na tunog sa paligid

Natural na tunog sa opisina

Tauhan: Welcome, my name is Mai. How can I help you?

53

Int. Araw. MRT Nasa loob ng MRT ang tauhan MS ng nagsasarang pinto at umusad na ang tren Int. Araw. Loob ng dyip Nakasakay ang tauhan sa dyip papuntang UP Diliman

Natural na tunog sa loob ng tren / istasyon

Natural na tunog ng paligid CU ng senyas n dyip kung saan nakasulat ang UP Diliman LS ng UP Oblation na kuha mula sa loob ng dyip Ext. Araw. Kolehiyo ng Panmadlang Komunikasyon Tinitignan ng tauhan ang streamer na nakasabit sa entrada ng kolehiyo MS ng streamer na nagpapahiwatag ng pagsuporta sa mataas na alokasyon ng badyet para sa edukasyon Natural na tunog sa loob ng silid Guro: Ok next, who's next? Ummh, who's next. Ok, ah si Adi. Kamag-aral: Ang una kong naisip na topic is about tattoos. Guro: Sorry? Kamag-aral: Tattoos. Guro: Tattoos? Kamag-aral: As in like, tattoos. Guro: Ah, tattoos. Ok. Kamag-aral: Yung, yung relevance nila sa, I mean, yung relevance nila sa culture thing noon. Guro: So, ummh, I'll think about it. I'll review your pieces and I'll suggest what you will pursue and who you're partner will be. Ok? Manunga aldaw, means, good day to everyone. Tauhan: Well, by pair din. Techincally although by pair kayo, dalawa yung project na ginagawa. Kamag-aral: Ah, magtutulungan? I guess magpipitch na ako. Tauhan: Ok. Sir, salamat. Sorry sa abala. Guro: Thanks

Natural na tunog ng paligid

Int. Araw. Loob ng klase sa Media Center Nasa loob ng isang klase sa dokumentaryo ang tauhan. Habang nagsasalita ang guro at mga kaklase ay nagsusulat siya sa kwaderno. Matapos ang kaniyang klase ay nagligpit ng mga gamit at lumabas ng silid. MS ng guro habang nagsasalita, sumasagot ang isang estudyante CU ng kamay ng tauhan habang isinusulat ang mga kulang pa niya sa klase MS ng guro habang tinatapos ang klase CU ng kamay ng tauhan habang inilalagay ang kwaderno sa bag MS ng tauhang lumalabas sa silid

Int. Araw. Loob ng Computer Shop Pumapasok ang tauhan sa computer shop upang ipaprint ang asignatura para sa isang klase MS ng tauhan na pumapasok sa pinto ng computer shop at nakikita ang ibang estudyante sa loob CU ng monitor habang nakikita ang pangalan ng tauhan sa dokumento CU ng printer habang inilalabas ang papel, kukunin ito ng tauhan at muling makikita ang kanyang pangngalan at paksa ng asignatura Natural na tunog sa loob ng computer shop Ate: Iyon lang po?Tauhan: Yun lang po.

54

Int. Araw. Shopping Center Pagkalabas ng tuhan mula sa comuter shop ay nakita ang ibang nakapaskil sa pader at iba pang estudyante Natural na tunog sa paligid CU ng isang dokumentong naghahanap ng mga estudyante para magtrabaho Pan sa mga estudyanteng naglalakad Ext. Araw. Palma Hall Tinitignan ng tauhan ang mga estudyanteng naka-upo sa AS steps MS ng mga estudyante sa AS steps Int. Araw. Palma Hall Nakatingin ang tauhan sa relo MS ng relo sa Palma Hall Ext. Araw. Palma Hall / Faculty Center Papalabas na ng Palma Hall ang tauhan upang umuwi. Napatingin siya sa mga nakapaskil sa waiting shed na naghahanap ng tutor. Sasakay na rin siya ng dyip matapos. Natural na tunog sa paligid LS lumalabas ang tauhan mula sa AS papunta sa Faculty Center CU ng nakapaskil na papel sa waiting shed MS ng mga estudyanteng nag-aabang ng dyip MS ng tauhan na pasakay ng dyip papuntang MRT fade to black Ext. Araw. Bayan ng Imus, Kabite Uuwi na ang tauhan sa kanilang tahanan sa Imus. Nakasakay siya ng tricycle upang makarating sa bahay Natural na tunog sa paligid LS ng arko ng Bayang ng Imus CU ng mga bahay habang nakasakay sa tricycle MS ng pinto na binubuksan ng tauhan Int. Araw. Bahay Nagpapalit ng tsinelas ang tauhan nang makita ang mga larawan ng kaniyang pamilya. Matapos ay aakyat na uli siya ng hagdan. CU ng paa na hinuhubad ang sandals at ng kamay ng tauhan na kinuha ang tsinelas sa hagdan, nakita ang mga larawan CU Pan sa mga larawan ng miyembro ng kaniyang pamilya MS ng lahat ng mga larawan MS ng hagdan habang inaakyat ng tauhan Natural na tunog sa paligid

Natural na tunog sa paligid

Natural na tunog sa paligid

Naririnig ang balitang ulat ukol sa tsunami sa Japan. Int. Araw. Gawaan sa bahay Pinagmamasdang ng tauhan ang kanyang mga magulang habang nagbabalot ng peanut brittle. Habang nanonood sila ng telebisyon ay kinakausap niya ang kanyang ina. ECU ng ama Pan ECU sa ina CU ng kamay ng inang nagbabalot ng peanut brittle CU ng lalagyan ng mga nabalot na mani MS ng mga magulang na nagtatrabaho Nanay: ... Aftershocks. Matulog ka na muna, hindi ka ba matutulog? Tama na ba yung tulog mo? Ha? Tauhan: ano yun? Nanay: Tama na ba yung tulog mo, matulog ka muna. Hindi ka pa nag-papahinga. Anong oras ka ba aalis? Tauhan: Wag kaya akong pumasok? Nanay: Ha? Tauhan: Wag kaya akong pumasok. Nanay: Ba't nanaman hindi ka papasok?

55

Natural na tunog sa paligid Tauhan: Penge naman akong kanin. Gagrauate nga kaya ako? Pag nagkataon, hindi na ako working student, ha! Nanay: Ano? Tauhan: Pag nagkataon, hindi na ako working student... Full time na. Nanay: Hahahaha, full time employee na. After how many years? To, tira ko sayo yung kalahati? Kapatid: Oo Nanay: ko po.Kumain ka na, kokonti yung sarsa nyan. May hotdog pa dun, gusto mo kunin mo yung hotdog.

Int. Araw. Kusina Hapon na at sabay nakumakain ng tanghalian ang mag-ina. Tatawagin ng kanilang ina ang nakababatang kapatid upang makihati sa kinakaing ulam. CU ng relo at 15 minuto na lang ay alas kwatro na, sa likuran ay nag-aahin ang ina CU ng ina habang kumakain CU ng kamay ng tauhan na inilipat ang lalagyan ng suka MS ng ina na ginugupit ang isang pirasong longganisa.

fade to black Ext. Gabi. Glorietta 5 Pinagmamasdan ng tauhan ang mga malls at mga tao na abala nung araw na iyon. Natural na tunog sa paligid. LS ng mga kainan sa isang mall LS ng intersekyon habang iniintay magberde ang traffic light Natural na tunog sa paligid Tauhan: Magreresign na talaga ako. Mic: Magresign ka na, Mai. Jombits: Ikaw? Kasi kung hindi ka naman naggrow dyan, bakit magstay ka pa?Hindi ikaw, ikaw ba? Happy ka ba work mo, I mean, hindi mo ba talagang kayang tiisin? Tauhan: Ayoko na talaga. Jombits: Ayaw mo na? Kung hindi ka na happy, wala na.Life with the capital F. Tauhan: Lighter nga, peram. Jombits: Umiiyak ka? Tauhan: Hindi ako naiiyak. Jombits: Bakit? Mic: Puta ka, bakit? Anong nangyayari sayo, Mai? Kagagawan mo to, leche ka. Haha Jombits: Ui, gagi hindi. Itong emergency meeting na to, kahit may paper akong gagawin a, pinuntahan ko to Mai para sayo. Si Micmic may 8 am na klase bukas. Mic: May 8 am akong klase bukas, Mai a. Haha Tapos iiyak ka lang? Jombits: Kailangan pa naman ng mga estudyante niya... Mic: Tomo... Jombits:... ng magtuturo Mic: Para makagraduate din sila.

Ext. Gabi. Coffee Shop Kasama ang mga kaibigan ay binulalas ng tauhan ang kagustuhan na niyang mag resign CU ng kamay ng tauhan na pinapatay ang sigarilyo. MS ng dalawang kaibigan, sina Micmic at Jombits LS ng naipong tubig sa tabing kalsada CU ng kamay ng kaibigan na nagsusulat sa papelMS ni Jombits habang nag sasalita CU ng kamay ng tauhan na kinuha ang lighterMS ni Jombits pan to Micmic CU ng kamay ng tauhan na nagtataktak ng sigarilyo MS ng usok na ibinuga ng tauhan MS ng dalawang kaibigan CU ng disconnection notice ng Meralco Cu ng kamay ng babae na nagtatala ng mga pinamiiling pagkain CU ng credit card sa counter ng supermarket CU ng repleksyon sa salamin ng mga tauhan sa supermarket CU ng kamay ng tauhan na umipirma sa charge slip ng credit card CU ni jombits CU ni Mic CU ng kamay ng tauhan na kinuha ang baso ng kape CU ng kape sa baso

56

Tauhan: Alam mo yun, parang ngayon lang kasi siya nagsisink in. Parang te, kaya ko ba talagang magresign? Mic: E san ka kukuha ng ano mo, panggastos mo nyan? Tauhan: On a personal note, hindi naman talaga ako nagwowory sa finances. Ang winoworry ko yung sa family ko syempre, especially with my dad being sick lately. Jombits: Ay oo nga pala, hindi kami nakadalaw. Sorry a. Tauhan: Nah, that's ok. Jombits: Ikaw, kung anong makakapag pasaya sayo. Mic: Kasi kung hindi ka rin masaya, mawawalan ka rin lang ng drive pumasok talaga. Jombits: Bukas, papasok ka? Tauhan: Hindi. Jombits: Hindi na naman? Tauhan: Wala na nga akong balak pumasok. Int. Gabi. Montage ng nga imahe sa loob at labas ng opisina Muling papasok sa trabaho ang tauhan at ipinapakita kung paano ginugugol ang siyam na oras dito. CU ng kamay ng tauhan na inilalapag ang baso ng kape MS ng monitor kung saan makikita ang digital counter sa gilid CU ng digital clock na nagsasabing alas singko na ng umaga LS ng mga gusali MS ng mga empleyadong naninigarilyo sa labas ng gusali LS ng isang convenience store CU ng kamay ng tauhan na kinuha ang biniling pagkain sa convenience store CU ng nakapatong na headset sa mesa CU ng kamay ng tauhan na pumipindot ng mga buton sa telepono CU ng kamay ng isang empleyado sa pumipindot sa mga buton ng kanyang telepono MS ng monitor at patuloy ang pag-usad ng digital counter LS ng mga empleyado sa isang 24 hour-fast food LS ng mga empleyadong nagkakape sa labas ng gusaling pinagtatrabahuhan fade to black

Natural na tunog sa loob ng opisina

57

Int. Gabi. Loob ng opisina Tinitignan ng tauhan ang report ng mga lumiliban at nahuhuli sa opisina LS ng iskedyul sa monitor MS ng iskedyul MS ng iskedyul para sa nagdaang linggo, na nagpapakita ng mga naging pagliban at pagkahuli sa trabaho MS ng detalye ng leaves at mga naging pagliban sa taon CU ng detalyadong mga naging pagliban sa buong taon MS ng email ng boss ukol sa report ng mga may problema sa attendance CU ng email kung saan sa huli ay naroon ang pangaln ng tauhan MS ng monitor at pinapatay na ng tauhan ang komputer fade to black Ext. Umaga. Makati Nagsisimula pa lang ang araw para sa maraming tao ngunit patapos na ito para sa tauhan. LS pan ng mga ngatataasang gusali sa Makati LS ng mga sasakyan sa kalye na kuha mula sa itaas ng gusali LS pan ng Ayala Ave Int. Umaga. Sa loob ng bus Sumasakay ng bus ang tauhan at habang nasa byahe ay matutulog muna Natural na tunog sa paligid CU ng tauhan sa kanyang pagsakay sa bus CU ng kamay ng tauhan na inaayos ang aircon ng bus MS ng ibang kasamahan sa trabaho na natutulog sa byahe fade to black Ext. Umaga. Quezon Avenue Nakapila ang tauhan upang makasakay sa dyip Natural na tunog sa paligid LS ng mahabang tao na naghihintay sa dyip habang may nangongolekta ng pamasahe Int. Umaga. Sa loob ng Dyip Nasa loob na ng dyip ang tauhan papunta sa kanyang klase LS ng konduktor na pinapalitan ang senyas ng dyip papuntang SM Fairview LS ng Philcoa na kuha mula sa loob ng dyip Int. Umaga, UP Gym Tutuloy ang tauhan sa UP gym para sa kanyang klase na table tennis. Kakausapin niya ang guro upang malaman kung hindi pa ito lumalagpas sa bilang ng mga pagliban. LS Naglalakad ang tauhan sa table tennis area ng UP Gym MS ng guro na nagpapraktis kasama ang mga estudyante MS (reverse shot) ng bola na pabalik sa net MS ng tauhan habang nakikipaglaro ng table tennis sa isang kaklase MS Pan sa mga kakalase na pumunta sa guro upang makinig MS ng ilang kaklaseng umaalis na matapos ang klase MS kausap ang guro CU ng papel na nagtatala ng mga liban Natural na tunog sa paligid

Natural na tunog sa paligid

Natural na tunog sa paligid

Natural na tunog sa paligid Guro: Sinong pamilyar sa scoring steps sa table tennis? Lahat naman siguro pamilyar na sa coring natin ng table tennis. Ngayon, mayroong bang hindi pa nakakaalam ng scoring. Tauhan: Ako. Guro: Tingnan mo naman. Tauhan: So yun, ilan nga po ba yung abnsences ko tsaka late? Guro: Ano nga pangalan mo nga ulit, Calapardo? Tauhan: Calapardo, oo.Guro: 1...2...3...4. 4! Tauhan: Uy, apat pa lang.

58

LS ng daan palabas ng gym Int. Day. Bahay Habang nasa bahay ang tauhan, kinakausap siya ng ama upang makahiram ng pera LS ng tanawin mula sa kanilang veranda ECU ng tatay CU ng pagkuha ng pera sa loob ng kwaderno MS ng ama na kinukua fade to black Int. Day.Ospital Pupuntahan ng tauhan ang kanyang kaibigan sa ospial upang mas maintindihan ang mga naging charges sa ospital nang maadmit ang ama LS ng daan sa ospital MS ng Medical Intensive Care unit MS ni Michelle habang tinitignan ang mga papel OTS ni Michelle habang patuloy na nagbabasa CU ng bill ng ospital MS ni Michelle MS habang inaayos ng nurse ang dextrose sa nakahiga niyang tatay MS habang tinitignan ang BP ng tatayC U ng pagtatanggal ng nurse ng strap sa pang-bp MS ni Michelle habang nagsasalita CU ng papel ng results ng mga health tests MS ni MichelleMS ni Michelle habang inililigpit ang mga dokumento OTS ni Michelle habang nakaharap sa bintana at nagsasalita Inserts MS ng pagshoshoot ng tauhan gamit ang DSLR LS ng paghahabi ng tauhan sa Adobe Premiere MS ng dalawang taong nanonood ng dokumentarying ginawa ng tauhan CU ng closing credits ng dokumentaryo LS ng dokumentaryong ipinapalabas OTS ni Michelle habang nakaharap sa bintana at nagsasalita

Guro: O ito let's say 5, parang ano na, max na, isang-isa ka na lang. Natural na tunog sa paligid

Ama: Pahiram munang isang libo. Tauhan: Ha? Kelan mo ibibigay? Ama: Babalik ko sa Martes next week. Tauhan: Next week talaga a.

Natural na tunog sa paligid

Michelle: O tol, kamusta na tatay mo? Tauhan: Kaya nga ako pumunta rito, paexplain ko sayo kung ano tong, hindi ko kasi alam kung ano tong mga charges e. Michelle: Kala ko ba may card kayo, at saka Philhealth ng tatay mo? Tauhan: Wala, wala ngang Philhealth yun kasi, ganun pala yung tsong kapag wala pang 60, hindi mo pa siya pwedeng i-enroll as dependent. Kung ilang buwan yung kailangan dyan, magreresign na ako e. Michelle: So, kasi, paano ka nga magreresign kung kailangang mo nung, ito yung parang tutustos ng pangangailangan ng tatay mo, lalo na sa hospitalization nya? E, based dito sa mga findings nya, sa mga examinations nya, kailangan talaga dito ng health monitoring. E malaking bagay ang naitutulong ng intellicare mo, which is benefit from your company ngayon. Na pagnagresign ka, mawawala siya sayo.

Ang hirap kasi ng situation mo no. Nung nagstart na akong magtrabaho, naisip ko na hindi rin pala pera-perahan lang din. Dapat kung ano yung tinapos mo, kung ano yung gusto mo, kung ano yung napag-aralan mo, yun talaga ang ipapraktis mo. Yun talaga, kahit na hindi malaki yung kinikita mo dun, pero ang pinaka importante is yung passion mo nga yung ginagawa mo. fade to white Ext. Gabi. Makati Muli ay tinatahak ng tauhan ang daan patungo sa opisina. Natural na tunog sa paligid LS tilt down ng mga fluorescent lights sa Ayala underpass LS ng monumento ni Aquino sa Ayala Avenue

59

MS ng tauhan na naglalakad sa tabing kalye ng Ayala Avenue Ext. Gabi. Sa loob ng opisina Nasa loob na ng gusali at ng opisina ang tauhan MS ng bumukas na pinto ng elevator MS ng tauhan na papasok na sa opisina apupo sa kanyang cubicle CU ng mga programang ginagamit ng tauhan sa kanyang trabaho CU ng pagchecheck ng personal na email ng tauhan ECU ng pagbubura ng mga emails na hindi na niya kailangan ECU ng posisyong gustong pasukan CU ng ineedit na resume ECU sa pagpalit ng petsa ng pagtatapos CU na nagpapakita ng mga naging karanasan sa trabaho ECU sa pagbubura sa mga karanasang ito CU sa mga piling gawang produksyon ECU sa mga kwalipikasyon ng trabahong gusto ECU ng programang ginagamit sa trabaho Int. Umaga. Sleeping Quarters sa opisina Tapos na ang trabaho ng tauhan ngunit mag-iintay muna siyang mag-umaga sa sleeping quarters sa opisina MS ng paghiga ng tauhan sa kama CU ng kamay na itinatabi ang headse sa unan LS ng gusali sa labas ng binta habang nakikita pa rin ang bahagi ng headset ELS ng mga gusali sa Makati habang papasikat ang araw fade to black Int. Umaga. Sa loob ng istasyon at tren ng MRT Muling sasakay ang tauhan sa MRT para pumunta sa unibersidad. CU ng mga presyo ng tiket sa MRT CU ng pagpili at pagbili ng tauhan ng tiket CU ng isang job ad sa loob ng tren at magpapalit na pokus sa kamay ng isang estudyanteng may suot na baller mula sa iba't ibang paaralan MS ng mga taong nakatayo sa loob ng tren MS ng siksikan sa loob ng tren Ext. Umaga. Plaridel Hall Pumunta sa Kolehiyo ng Panmadlang komunikasyon ang tauhan upang magtanong ukol sa pakiusap na madugtungan ang pananalagi sa kolehiyo at nakita niya ang isang kaibigan na ganon din ang kalagayan. LS pan down ng Plaridel Hall MS ng kausap na kaibigan, si Ami

Natural na tunog sa loob ng opisina Tauhan: Allow me to document on the account. Can I place the call on hold for a minute or two? Alright, Thank you.

Tauhan: Thank you once again for patiently holding.

Patuloy na naririnig ang parehong tunog sa loob ng opisina

Natural na tunog sa loob ng tren / istasyon Tauhan: Dalawang Quezon Avenue.

Natural na tunog sa plaigid

Tauhan: Ilang semesters yung inapply mo para sa mrr? Ami: 2 sems. Tauhan: So, hanggang kelan to? Ami: Hanggang nagyon na lang, October. Ah, nag-apply ako nun last 2 semesters, last year pa. So dapat ang plano ko , one sem na lang diba.

60

Natural na tunog sa paligid Int. Umaga. Opisina ng Kolehiyo ng Panmadlang Komunikasyon Kausap ng tauhan ang isang sekretarya sa opisina ukol sa mga kulang niyang klase MS ng tauhan na papasok sa opisina ng kolehiyoMS ni ate Luming na nag-aayos ng mga papel MS ni Ate Luming na nagbabasa ng mga papel ECU ng sulat ng tauhan sa dekano ECU ng mga kamay ni Ate Luming habang itinuturo kung ano ang kulang at inabot ang papel sa tauhan Ext. Umaga. UP PNB Nasa Cahier's office ang tauhan at magbabayad ng matrikula. Kasabay niaya ang marai ring estudyanteng nakapila. LS ng UP Cashier's office CU ng kamay ng estudyanteng may hawy na form 5 MS ng isang babae na nag-iintay MS ng pag-usad ng pila at sumunod ang tauhan Ext. Umaga. Plaridel Hall Patuloy ang pag-uusap ng magkaibigan tungkol sa plano niyang pagreresign MS ni Ami Inserts CU ng isang call center job ad LS pan ng mga tao sa Ayala Avenue LS ng job fair, kuha mula sa itaas LS ng job fair MS ni Ami Inserts CU ng ATM screen CU ng tauhan habang pumipindot sa ATM CU ng isang libong lumabas mula sa makina MS ni Ami Inserts LS ng isang bakanteng silid-aralan na kuha mula sa bintana MS ng pagpasok ng tauhan sa library LS ng mga estudyante sa Palma Hall MS ng mga taong kasama sa ginagawang pelikulaCU ng kamay ng tauhan na binabasa ang planner MS ni Ami Inserts MS ng dahon sa puno MS ng halaman Tauhan: Kamusta ang job hunting? Ami: Ayun, may mga tumatawag naman sa akin na pinababalik ako. Australian account yun e. Call center oo. Tauhan: Parang ang ingrata ko. Ami: Bakit? For all these years, ilang taon na ko sa call center, 5 years or so, kumbaga pagsasamasamahin mo lahat ng kumpanyang inapplyan ko, at ayoko na. Na parang isa yun sa mga factors na ikinoconsider ko. Magreresign ka sa trabaho mo, come to think of it, na ang daming taong ang hirap, ang hirap kumuha ng trabaho. Ang swerte mo nga Mai e, may trabaho ka. Na ok yung pay, ok yung mga katrabaho mo, wala kang problema, stable yan. Alam mo every 15, every 30, may laman yang bank account mo. Pero, iba kasi. Ang dami ko ngang dapat gawin, a, may shoot ako, gusto ko nang tapusin tong tesis, alam mo yun hindi ko na alam. Na, lalo kang hindi makapagtapos kasi may trabaho ka, na dati kaya mo gusto makapagtrabaho para makapagtapos. Ami: Ang hirap nga nyan. Natural na tunog sa paligid Tauhan: Hindi ko akalain kasing mag-mrr ako, mag eextend ako. Pero, okay lang din. Before dinedread ko siyang gawin, pero after nyang matapos, ok na rin. Otherwise, sayang naman yung mga first few years na ini-allot mo dun diba? Ate Luming: Itong kulang mo? Yan, one PE course, One film elective, Film 130, Film 200. Yan, naka-indicate naman yung kulang mo. Tauhan: Sige po. Ok, thank you.

Natural na tunog sa paligid

61

MS ni Ami

Tauhan: Kaya ka nag-aaral, kasi gusto mong matuto. Hindi mo lang gustong pumasok sa skwelahan para kumuha ng magandang trabaho, kasi gusto mong mag -expand yung knowledge mo. Tapos yung mga raket ko ngayon, although outsidfe the university siya, natututo ka e. Kasi you put in practice, what you're studying at school. Kasi kung may oportunidad ka nang magawa yung trabahong gusto mo. Una sa lahat, hindi ako makapgcommit 100% kasi may current work pa ko, pumapasok ako sa call center, pero ayoko na dun e. Ano sa plagay mo? Magreresign na ba ko? Ami: Napa-isip ako dyan sa sinabi mo kanina. Well, iyon nga. Iniisip mo pa rin ba kung mag reresign ka ngayon?Tauhan: Jinajustify ko lang ba yung mga bagay kasi magreresign na ako? Ami: Or jinajustify mo yang pagreresign mo, gamit yung thesis mo? Natural na tunog sa paligid

Ext. Hapon. Sunken Garden Pauwi na ang tauhan at napatingin sa saranggola LS ng dapithapon, habang may saranggolang pabagsak Int. Gabi. Loob ng instasyon/tren ng MRT Sasakay uli ng tren ang tauhan upang makapasok sa trabaho CU ng kamay ng tauhan habangipinasok ang tiket ng MRT LS ng mga gusali, kuha sa loob ng tren, habang umaandar Pumasok sa tunnel ang tren Habang mabilis na dinaraanan ang mga ilaw, may mga imaheng nakikita Montage CU ng form 5 nung 1st year ng tauhan CU ng isang papel sa welcome kit para sa mga bagong pasok sa unibersidad CU ng isang dokumento sa pagtanggap sa tauhan bilang crew sa fast food CU ng dokumenting kumilala sagaling ng tauhan sa fast food na pinagtatrabahuhad MS ng pamilya, sa loob ng sasakyan CU ng dokumento nang makalipat sa kursong BA FAVC CU ng form 5 nung ikalawang taon sa kolehiyo CU ng form 5 ngunit nakapokus sa halaga ng binayaran CU ng kontrata ng tauhan sa isang call center CU ng kontrata ng tauhan sa isang coffee shop CU ng kontrata ng tauhan sa isa pang call center CU ng payslip sa call center CU ng dokumento ng pag-awol ng tauhan sa unibersidad CU ng credit card at resibo MS ng ina habang namimili sa supermarket CU ng form 5-a na nagpapakitang graduating na ito ECU ng form 5 na nagpapakitang 6th year na ito ECU ng ebalwasyon sa bagong call center na pinagtatrabahuhan

Natural na tunog sa loob ng tren Tinig mula sa nag-papaandar ng tren: Ayala station, Ayala station.

62

ECU ng payslip na naka pokus sa mga buwis na binabayaran MS ng ina habang inaayos ang toga ng anak LS ng kapatid at ama habang nag-mamartsa sa aaraw ng pagtatapos CU sa poste ng ilaw pan sa nakalagay na thesis defense sa Cine Adarna LS ng senyas na nasa Ayala Station na CU ng ilaw sa pinto ng MRT CU habang bumababa sa tren Ext. Gabi. Ayala Avenue Binabagtas ng tauhan ang daan patungo sa opisina LS ng mga makukulay na ilaw sa Ayala Avenue, malabo at untiunting lumiliwanag CU ng kamay ng tauhan na itinatapat ang securty card upang makapasok sa pinto CU ng pintong binuksan ng tauhan Ext. Gabi. Sa loob ng gusali Sa loob ng elevator, ay pumipindot ng buton ang tauhan upang makarating sa opisina CU ng kamay ngtauhan na pumipindot ng buton CU ng Senyas sa elevator na umaakyat na at nakarating sa destinasyon MS ng bumukas na pinto ng elevator CU ng nagsasarang pinto ng elevator at nakita ang repleksyon ng tauhan sa salamain, hawak ang camera CU ng senyas sa elevator at bumukas na pinto cross dissolve to Ext. Gabi. Labas ng gusali Naglalakad na palayo ang tauhan matapos lumabas sa gusali MS ng makukulay na ilaw, lumilinaw at ipinapakita ang daang tatahakin CBB

Natural na tunog sa paligid

Natural na tunog sa paligid

Natural na tunog sa paligid

IX.

REKOMENDASYON NG MGA GURO NG UPFI

Noong ika-11 ng Oktubre, taong 2011, unang naipalabas ang aking dokumentaryo sa harap ng mga guro at mga kapwa mag-aaral. May halong takot at kaligayahan ang pagpapalabas ng aking tesis sa unang pagkakataon. May halong takot na baka hindi magustuhan ng mga manonood ang aking pelikula. May halong takot na bilang isa ako sa matatandang estudyante na magpapakita ng tesis at pawang wala na ang aking mga kaklase, wala man lang pumuri sa pelikula maliban sa iilang mga kaibigan na pawang mga naiwan pa rin sa kolehiyo. Alam kong masaya ako sa huling bersyon ng aking pelikula at wala nang gustong baguhin pa. Ganoon yata talaga ang tao. Kahit pa’t sabihing wag makikinig sa iba, kailangan din ng kamalayan ang kumpirmasyon ng iba. Si Maslow nga naman. Una sa nagkomento si Dr. Gigi Alfonso. Pamilyar siya sa aking konsepto bilang siya ang akung guro sa thesis proposal. Pinuri ng propesor ang mahusay na lenggwahe ng pelikula. Ikinatuwa na niya na inalis ko ang paggamit ng diyalogo at sa halip ay ang pagamit ng biswal upang mailahad ang istorya. Sinabi pa niyang ang paborito niyang eksena ay noong kausap ko ang aking kaibigan at tuluy-tuloy lang ang aking pagsasalita. Ikinatuwa ang pormat ng pagiging awtobiyograpikal ng dokumentaryo. Ayon sa kanya, naipakita ang emosyon ng tauhan dahil sa pagiging aktibo ng kamera. Ayon naman kay Propesor Ed Lejano, ikinatuwa nya na ang dokumentaryo ay isang paglalakbay ng isang multi-tasking na indibidwal, na may mga kaunting isyu. Ikinatuwa rin niya na hindi ako natuksong ipakita ang aking sarili. Ang ganitong klaseng porma daw ay maaring maging nakakasawa kung magpopokus sa aking sarili. Pinuna rin ng guro ang paraan ng pagkakahabi ng pelikula. Ayon sa kanya, sapat lang ang mga imahe na pinakita at

64

gumamit ng mga tauhang hindi umaarte. Nakilala pa nga niya ang aking kaibigan na makailang beses niya ring naging estudyante. Sa ganoong paraan, nakuha ang tunay na pintig kung paano nga ba maging isang working student sa ganitong panahon, habang gumagawa ng isang pamproduksyong tisis. Ang pinaka tumatak sa akin sa mga sinabi ni Propesor Lejano ay nang sabihin niyang naka-ugnay sila sa istorya. Nagustuhan din ni Propesor Patrick Campos ang trato sa pelikula, lalo na ang paglalagay ng malilit na detalye dito. Sinabi niya, lahat ng tao ay maikukwento at depende na lamang iyon sa pagsasalaysay. Sinabi rin niya ang potensyal ng pelikula na maari pang palawigin. Binanggit niya na dahil masyado akong malapit sa pelikula, maaring hindi ako naging kritikal sa ibang aspeto. Mayron nang mga maliliit na detalye na patukoy sa mga Pilipino at sa ating lipunan at maari pang paunlarin. Sa ngayon, mahusay nang naibahagi ang mensahe sa personal na antas ngunit maari ring maging repleksyon ng mas malawak na usapin. Kung may pagkakataon, maari pang irebyu ang mga materyales at makita kung paano pa ito madaragdagan. Ayon kay Propesor Sari Dalena, ikinatuwa rin niya ang pagsasama sa manonood sa aking personal na paglalakbay. Marami raw siyang imahe na nagustuhan at nakikita ang proyekto bilang mapang-uyam at personal. Nagustuhan rin niya ang pagkakahabi at pag sasa ayos ng tunog. Ikinatuwa rin niya ang pagbabahagi ko ng personal na istorya ukol sa aking mga magulang. Dahil sa hinati-hati ang pelikula base sa aking buhay sa tahanan, sa eskwela at sa trabaho, hinanapan pa niya ng maliliit na detalye sa personal na kagustuhan, tulad kung anong damit ba ang aking isinusuot at iba pang impormasyon. Ayon kay Propesor Jose Gutierrez, mahusay ang pagkakadirehe ng pelikula. Nagustuhan niya rin kung paanong unti-unting ipinakikila ang tauhan kung kaya’t ito ay maituturing na isang pelikulang sikolohikal. Pinuri din ang pagiging

65

matapang na paggamit ng kamera na nagdadala sa mga manonood sa kakaibang karanasan. Ilan sa mga ito ay ang pagbubura ng mga email o paggawa ng resume na bahagi ng buhay ng tao na hindi pa nakikita sa pelikula. Hinanapan lang ng mas malinaw na katapusan ang pelikula. Mas ginusto niyang mas maliwanag ang pagreresign ko mula sa kumpanya. Sa gayong paraan, mas naging maliwanag ang mensahe ukol sa usaping ito. Ikinatuwa rin niya ang tila-mala eksperimental na atake sa pagpasok ng kamalayan ng tauhan.

X.

THESIS DEFENSE AND EVALUATION FORMS

Dr. Nicanor Tiongson

67

Propesor Ed Lejano

68

Propesor Patrick Campos

69

Propesor Cenon Palomares

70

Propesor Jose Gutierrez III

71

Propesor Sari Dalena

72

Propesor Roehl Jamon

XI.

IMPLIKASYON AT REKOMENDASYON

Naging mahaba at madugo ang proseso ng dokumenataryong ito. Inabot ng mahigit dalawang taon ang pagkakabuo ng konsepto at kulang-kulang isang taon upang mabuo ang pinal na produkto. Ilang pagrerebisa na ang nadaan at sangkatutak na personal dilemma ang kinailangang harapin. Ngunit matapos noon, hindi matatawaran ang mga naging karanasan at mga napulot na kaalaman. Mahalagang bagay na natutunan ko ay ang paglayo sa konsepto. Dahil maitutuiring malapit sa aking paksa, mahirap mag-alis o magputol ng mga ideyang naisulat na. Ngunit kailangang lumayo sa sariling gawa upang mas makilala ito at magkaroon ng kritikal na pag-aanalisa. Natutunan kong ang isang proyekto ay hindi isang repleksyon ng pagkatao ngunit ng kakayahan. Natutunan ko rin na kung ang ilang materyales ay hindi na nakatutulong o wala nang kahalagahan, marapat lamang na ito ay bitiwan. Kung kaya’t kahit may mga nakalap na akong bidyo nung unang proseso, natutunan kong tanggapin na ang mga iyon ay nagsilbing pananaliksik lamang. Natutunan ko rin ang pagpapahalaga sa sariling kakayahan. Hindi maiiwasan na maikumpara ang sarili sa iba at isiping mas nakagagaling sila. Ang bawat tayo ay may sariling kagalingan na maaring linangin at palawigin. Ako, bilang may akda ng proyektong ito, ang dapat siyang unang may pagtitiwala. Palagian ko ding sinasabi na mahalaga ang pagkakaroon ng sariling pag-iisip at kakayahang makapag desisyon. Ngunit lahat ng iyon ay hindi nagtatapos doon. Kailangan ng pagkilos at paggawa upang maisakatuparan ang mga plano. Hindi sapat na naisasapapel lamang ang mga ideolohiya ngunit marapat din na naisasagawa.

74

Ngayon, higit kailanman, ko napatunayan ang kahalagahan ng pag-alam ng motibasyon at ng ating kaligayahan. Palagi kong sinasabi na ang pagiging masaya ay nasa isip ng tao at relatibo. Ngunit mas napatunayan na sa oras na matagpuan ito, mas dapat pang paghusayin ang sarili upang makamit ang pangarap na inaasam. Bukod sa mga kaalamang ito, marami rin akong nakilalang magagaling at mahuhusay na tao. Masayang mapalibutan ng mga ganitong uring nilalang dahil tila ikaw din ay nahahatak sa kanilang kagalingan. Marapat na maging handa sa mga ganitong pagkakataon at maging bukas sa mga bagong ideya at opinyon. Sa bandang huli, ang isang magaling na akda ay hindi doon nagwawakas. Ito ay simula pa lamang ng mas malalim na pagkatuto. Maswerte at nabigyan ng ganitong pagkakataon na makilala ang iyong kakayanan, ngunit dapat ding alalahanin na dapat pang pag-ibayuhan ang mga susunod pang mga proyekto.

XII.

BIBLIOGRAPIYA

Goble, Frank G. The Third Force: the Psychology of Abraham Maslow. New York: Grossman, 1970. Print. Huizinga, Gerard Harm. Maslow's Need Hierarchy in the Work Situation. Groningen: Wolters-Noordhoff Pub., 1970. Print. Kenny, Isabel Enriquez. Making Documentaries in the Philippines. Manila: Anvil, 2005. Print. Lee, Ricky. Trip to Quiapo: Scriptwriting Manual. Loyola Heights, Quezon City: Bagong Likha Pub., 1998. Print. Maslow, Abraham H. Motivation and Personality. New York: Harper & Row, 1970. Print. Mast, Gerald, and Marshall Cohen. Film Theory and Criticism; Introductory Readings. New York: Oxford UP, 1974. Print. Metz, Christian. The Imaginary Signifier: Psychoanalysis and the Cinema. Bloomington: Indiana UP, 1982. Print.

Rabiger, Michael. Directing the Documentary. Boston: Focal P., 1998. Print.

Requiem for a Dream. Dir. Darren Aronofsky. Artisan Entertainment, 2000. DVD.

Reyes, Emmanuel. "The Aesthetics Of The Short Film." Notes on Philippine Cinema (1988): 94-101. Print.

Tarnation. Dir. Jonathan Caoutte. Wellspring Home Entertainment, 2003. DVD Tolentino, Rolando. "Melankolia Ng Gitnang Uri, Bulatlat Column « Rolandotolentino’s Weblog." Rolandotolentino’s Weblog. 19 Oct. 208. Web. 10 Oct. 2011. .

XIII. APPENDIKS

I.

Unang Sequence Treatment (Enero 2011)

Sequence Treatment Working Title: Working while in Class Genre: Documentary Format: HD video Target running time: 20 – 30 mins Maevelyn de Quiroz Calapardo 2005 – 15615 BA FAVC Adviser: Libay Cantor Description OBB Questions / Rationale (OBB) Layunin ng awtor na ito ay magsibling pagkilala, pagpupunyagi at pagsuporta sa mga kabataang pinipilit punan ang dalawang mahalagang responsibilidad: ang pagigng mag-aaral at empleyado. Visuals mag aalarm yung cellphone at may mag ssnooze papatak ang kamay ng relo sa impuntong alas syete umaapaw na bald eng tubig at patuloy pa rin ang pagtulo ng gripo maririnig ang pagbuhos ng isang tabong tubig tutunog ang toaster at sipol ng takureng may kumukulong tubig sabay ng pagpatay ng kalan (apoy ang pinaka magsisilbing source of light – fade to black pag patay) pan sa mga libro, readings at laptop na may word document na hindi tapos tuloy na pan sa mga medalyang nakasabit, at iba ibang id lace mula sa iba’t ibang kumpanya Repleksyon sa salamin ay Audio / Dialogues alarm ng phone tunog ng relo lagslas ng tubig buhos ng tubig tunog ng toaster at sipol ng takure

-

-

-

-

-

-

-

-

-

77

ang taong kumuha ng id sa lalagyan habang nag susuot ng jacket (medyo defocused) - (Habang naayos ang pokus)sabay ang pagtalikod at pagpatay ng ilaw, makikita na lamang ang nakasulat sa jacket. - Ang babae ay binabasa pa rin ang mga photocopied readings habang nakasakay sa bus. - repleksyon sa salamin ng papasok na babae sa elevator - makikita ang numero ng papataas na elevator - ilalapag ang mga photocopied notes sa mesa, sabay kuha ng headset. - ECU sa AUTO IN at pag pula ng buton - TITLE CARD >> Mga Advantages ng working students. Talking heads. One word pr short Objective dito na - talking heads ng ibaphrase description makuha ang persepsyon ibang tao mula sa ng mga tao sa mga ng mga tao sa mga kalsada, sa opisina, sa working student working students. One eskwelahan etc. word lang para masabi kung ano yung unang opinion nila. Talking heads ng Persepsyon ng mga tao - shot sa Palma Hall, lahat mga hindi kilalang sa mga working ng mga tao may kanyatao (random students. kanyang ginagawa. people) 1. ano ang masasabi - Shots ng mga yuppies sa ninyo sa mga working mga fast food o coffee students? shops - Contrast ng mga nag Ang pagiging aaral daihl sa finals / working student ay thesis season nakadepende sa tao. - Mga nag rarush sa Dapat trabaho kasi rush season mainintindihan ng - Visuals ng subject na manonood na ang haharass dahil sabay-

-

sign off sound ng windows

-

ambient sound ng bus

VO: Welcome to Chase, my name is Mai, how can I help you today?

78

pag woworking student ay simbigat na responsibilidad tulad ng pagpiling mag-aral o magtrabaho lamang. 2. bakit kaya dumadami ang mga working students? Despite our education’s standards, it led to a mismatch in the supply and demand in skilled manpower. “sunshine industries 3. ano sa palagay ninyo ang mahirap sa pinag dadaanan ng mga working students? -

sabay ginagawa yun (office work, library hours, thesis preparation)

-

visuals ng mga job openings kung saan-saan (mrt, print ads, jobstreet website, billboards) JOB FAIRS

-

Talking heads ng mga empleyado > opinion ng mga nagtatrabahong may kasamahang estudyante Talking heads ng mga estudyante > opinyon ng mga kabataang hindi working student (posibleng may kakilalang working student)

1.May kaopisina ka bang working student? Ano ang kaibahan nila sa iba mong ka trabaho?

-

-

pakikipag gitgitan sa mrt station pagpapa rush ng mga photocopies pag uutilize ng oras, either sa trabaho o sa eskwela visuals ng mga nag tatrabaho sa coffee shop, sa fast food pov ng subject sa work area

1. May kaklase / kaibigan ka bang working student? Ano ang kaibahan nila sayo bilang mag aaral? Hindi mag papaiwan ang mga kabataang Pilipino sa patuloy na pagbabago. 1. Bakit kayo tumatanggap ng mga working students? Pagsibol ng mga

-

visuals ng mga mag aaral (university belt) student assistants pov ng subject sa school area

Talking heads ng mga employer > opinyon ng mga taong nagiging

-

visuals ng mga kumpanyang kadalasang tumatanggap ng working students

79

tulay sa pag kaka roon ng mga working students. Kung hindi sila tatanggap e walang makapagtatrabaho. Talking heads ng mga magulang > opinyon ng mga magulang na nagkaroon o mayrong anak na working student?

bagong industriya na maaaring pasukin.

-

-

visuals ng mga nag papa interview sa mga recruitment centers visuals ng mga proseso ng pagkuha ng mga legal na dokumento: sss, nbi atbp. pov ng subject sa bahay, kasama ang magulang conversation ng subject sa sariling magulang pov ng subject na namimili sa supermarket pov na kasamang nag papacheck up ang mga magulang

1. Ano po ang pakiramdam ng magulang na may anak na working student? 2. Bakit nyo pinayagan ang inyong mga anak na maging working student?

-

Talking heads ng mga working students > opinyon mismo ng mga working students

1. Bakit ka naging working student? Kahirapan marahil ang nagsususog sa mga kabataan na mag trabaho ngunit bukod pa doon ay ang layuning mapunan ang pansariling kagustuhan.

-

-

-

-

visuals ng mga nagmamall, manonood ng sine etc pov ng pagpiprint ng payslip at pag wiwidthraw pov ng subject na nag papakita ng kakayahang gumasta (nakapamimili ng sariling gamit, nakakakain sa mga piniling restaurant) conversation na nag papahayag ng “satisfaction sa pagiging working student” (holistic growth) pov ng pagkakaroon ng discount sa pasahe at eligibility sa mga perks ng kumpanya

Background music

2. Ano yung mga advantages ng mga working students? Pagkakaroon ng benefits ng isang estudyante at isang empleyado. Nagiging higit na

-

-

pov ng subject ng

80

produktibo ang oras ng mga kabataan. Dahil sa short attention span, hindi pwedeng natatanga na lang sa paggawa ng wala.

-

pagsusulat sa planner at fully booked ang buong araw / linggo dahil sa mga kailangang gawin. Pagkkwento tungkol sa mga panahong walang trabaho “ stressful job is more bearable than no job” Pov ng subject na nag eedit / nag uupload ng resume kung saan mahaba-haba na ang listahan ng work experiences Nakakatanggap ng mga job alerts via email, txt o phone calls Imahe ng mga tumpok ng tao galing sa mga opisina Pagkkwento ng subject tungkol sa mga dating trabaho at pagpapakita ng mga dating larawan sa mga lugar ng trabaho. Pov ng subject sa pag uutilize ng oras: pagbabasa sa loob ng mrt o bus. Pagtulog sa sleeping quarters ng opisina bago ang klase. Pakikipag meeting sa mga kaklase sa pamamagitan ng internet o telepeno. visuals ng mga batang nag hahanda sa graduation. salaysay ng subject. “Ito na yung huling sem ko bilang working student.

May credits na sa resume dahil may maisusulat sa “work experience”

-

-

Maraming taong nakikilala at nararanasan na hindi limitado sa mga bahay at eskwelahan lamang.

-

3. Paano nagagawang mapagsabay ang pag aaral at pagtatrabaho?

-

3. Bakit ka pa nag-aaral kung mayroon ka naming trabaho? Pagmamahal sa edukasyon. Kahit na walang kasiguraduhan,

-

-

81

ang simpleng papel ng Paano nga kaya yun kung diploma ang nasanay akong ito na ang nagsisilbing pag-asa na ginagawa sa loob ng baling araw ay lubusan anim na taon. Maeenjoy nang makapag ko na talaga nang bongga tatrabaho nang malaya yung bakasyon. blah at makaaahon sa mga blah” pag hihirap. >> Dito pumapasok ang mga disadvantages ng pagiging working student. Mga working 1. Ano ba yung mga - recurring images ng mga students pa din. disadvantages ng mga orasan sa eskwela, sa working sudents? bahay, sa opisina. Orasan Pagkakabaligtad ng sa Palma Hall, sa oras, para sa pag elevator, sa metro sa taxi, aaral at pagttrabaho. Digital clock smart, oras sa cellphone, pati timer sa dvd. - pov ng subject na papasok ng gabi at matutulog sa umaga. - Physically, mentally at emotionally ay mahirap naman talaga. Metaphor ng overpass. Parang hirap hirap, pero mas okay na paraan yun nang pagtawid kesa naman sa diretsong pagtawid na delikado. Matarik yun, makikita mo ang lahat at makararanas ka ng pansamantalang kaginhawahan pero matapos nun e tatapak ka uli sa lupa upang suungin ang tunay na daan. - May mga pagkakataon na nacocompromise ang pag-aaral o pagtatrabaho. recurring images ng mga overpass. Umaakyat upang maging safe ang pagtawid ngunit mas mahirap na daan yun kaysa tatawid sa kalye. Pov ng subject ng overpass sa katipunan, sa tapat ng UP, sa Philcoa at Ortigas. Pov ng paglalakad ng walkway at underpass sa ayala.

-

-

-

pov ng subject na hindi nakakapasok sa eskwela o sa trabaho visuals ng attendance sheet sa class o deductions sa payslips

82

-

-

dahil sa absences pagsasalaysay ng subject ukol sa pagkakaextend ng thesis at ng pag-aaral pagkkwento ng 5 months threshold. Kadalasan ang ikalimang buwan e ang finals season kung kaya napipilitang mag resign.

- May mga bagay na hindi na nagagawa dahil sa dami ng dapat gawin.

- pov ng subject na gustong sumali sa rally against the budget cut pero hindi pwede kasi may pasok pa.

Background music

2. Gusto mo ba yung ginagawa mo o mas pipiliin mong mag aral o mag trabaho na lang? Determinasyon na manatili sa trabaho. Pagpapahalaga pa rin sa edukasyon na kailangang tapusin. Working student ako dahil kaya ko.

- salaysay ng subject na siya’y masaya sa pagiging working student. - visuals ng mga bluebook, test papers at exams na may matataas na exam. - visuals ng mga recognition sa office, incentives sa payslips. “Kaya naman mag excel sa pag-aaral at sa pag tatrabaho. Nakadepende lang talaga yun sa tao at ang determinasyon nyang magawa ang mga bagay.” - pov ng subject ng isang papatapos na araw. Papatapos na para sa marami ngunit tila isang pakikipag hamon nanaman para sa kanya.

Talking heads ng

3. I-eencourage mo rin ba ang iba na maging working student din? (iniisip pa kung ilalagay kasi baka mag mukhang pinopromote ang pag woworking student) 1. Papayagan nyo po ba Tentative kung ilalagay pa.

83

mga magulang > opinyon ng mga walang anak na working student. Talking heads ng mga kabataan > opinyon ng mga batang hindi pa maaring magkaroon ng legal na trabaho

yung anak ninyo na maging working student? Bakit?

1. Sa hinaharap, gugustuhin mo bang maging working student. Pagpapaubaya sa mga manonood ng pag-iisip sa kung anong kahihinatnan ng bansa kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran. Kung ano man ang gusto naging maabot baling araw ay dapat nang masimulan sa mga kabtaan.

- visuals ng mga batang naglalaro - visuals ng mga batang nag aaral (sa public at private school) - pov ng subject na may mga nakikitang bata - visuals ng mga nagtataasang opisina - visuals ng mga nagmamadaling tao -visuals ng umaandar na mrt -visuals ng traffic sa edsa - visuals ng mga overpass at relo - visual ng pagpatak ng alas otso sa avaya phone. ECU to Logout. Fade to black.

“I’m glad to be of assistance. This again is Mai and thank you for calling. Have a wonderful day.

84

II.

Ikalawang Sequence Treatment para sa pinal na proyekto (Agosto 2011)

Thesis Statement:

Maraming tao na ang dahilan sa pagpasok sa eskwela ay upang makakuha ng magandang trabaho. Mayroong kailangan munang maghanap buhay bago makakuha ng diploma. Dahil doo’y lalo pang hindi nakapag-aaral ng leksyon dahil sa kailangan munang kumita. Sa kalaunan, hindi pa masimulan ang karerang gusto dahil sa (siya’y) kasalukuyang empleyado.

Ang dokumentaryong ito ay tungkol sa isang working student. Sa simula ay ninais niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho upang may panustos sa mga pangangailangan sa kolehiyo. Nakapagpalipat-lipat na ng industriya at kasabay ng pagtaas ng kinikita, ay ang mga lumalaking gastusin at mga responsibilidad. Bukod sa nagtatataasang matrikula at mga bayarin sa pag-aaral, naidagdag na sa listahan ang ilang mga bayarin sa tahanan at ang pagkain sa araw-araw ng buong pamilya. At makalipas ng pitong taon ay pareho pa rin ang kanyang estado, hindi pa nakakapag tapos at nananatiling empleyado sa industriyang malayo sa kanyang pinag-aaralan. Naungusan na nga ng nakababatang kapatid na kahit minsa’y hindi naranasang mag trabaho, kasalukuyang nag aaral naman para sa CPA board exam. Kahit di man sabihin ng iba ay nararamdaman ang pagkukumpara sa kanya at sa ibang mga pinsan na pawang nagsisipagtrabaho sa ibang bansa. Sinubukan niyang mag-apply sa karerang nais pasukan ngunit balewala naman ang naging karanasan sa trabaho dahil sa iba ito nalinya, at hindi rin matatanggap dahil sa

85

kawalan ng diploma. May mga oportunidad na mapraktis sana ang kanyang propesyon ngunit hindi masimulan dahil sa nakataling trabaho. Ano kaya ang mangyayari kung isang araw ay maisipan na niyang ayaw na niyang maging working student? Gusto na niyang iwanan ang kasalukuyang trabaho. Sisikapin pa rin niya ang makapagtapos dahil mahalag sa kanya ang pag-aaral ngunit mas layunin niyang magampanan ang propesyong pinapangarap. Sa ating bansa kung saan baliko ang relasyon ng employmasyon at edukasyon, makatatakas pa kaya ang isang tulad niya.

Bawat isa sa atin ay may nalalaman na tungkol sa mga working students. Batid natin na sila ay dapat kilalanin dahil sa kanilang sipag at determinasyong makatapos sa pag-aaral. Nalalaman din natin ang kanilang mga pag hihirap, ang pagsabayin ang dalawang mahahalagang gampanin, ang maging isang estudyante at empleyado. Layunin ng dokumentaryong ito ang maipakita ang isang bahagi ng pagiging working student na hindi lantad sa karamihan. Bukod sa mga kaginhawahan at mga pag hihirap, nais nitong maipakita ang kanyang mga pinag daraanana at isinasaalang-alang. Marahil sa ating pagkilatis sa kanyang buhay ay makita natin ang repleksyon ng sistema ng edukasyon at employmasyon sa bansa.

86

Working While in Class Sequence Treatment

Seq I. A Int – Kwarto – Day/Night Nag aalarm ang cellphone ng tauhan. Madilim pa. Papatayin ang alarm at babangon na ito.

Seq I. B Int – Banyo – Day/Night Makikita ang isangbaldeng puno ng tubig ngunit patuloy pa rin ang pagtulo mula sa gripo. Maririnig ang tunog ng pagbuhos ng isang tabong tubig.

Seq I. C Int – Kusina –Day/Night Matatapos na ang timer ng toaster at tutunog ito sabay ang pagpatay ng kalan na nag papakulo ng tubig. Tuluyan nang magdidilim dahil ang apoy lang ang pinagmumulan ng liwanag.

Seq I. D Int – Kwarto –Day/Night Ang mga papel, kwaderno at iba pang panggamit sa eskwela ay nakakalat sa mesa. Meron ding laptop na naiwang bukas sa screen na nag papakita ng MS Word. Isasara ng tauhan ang laptop at kukuha ng id sa sabitang puno ng iba’t-ibang klaseng id.

Seq I. E Int – Bus –Night Sa loob ng bus ay binabasa pa rin ng tauhan ang ilang readings.

87

Seq I. F Int – Call Center Office –Night Sa opinisa ay tinitignan niya ang relos a telepono, pinipindot ang ilan sa mga buton ditto at saka nagbukas ng kompyuter. Fade to black

CG Title Card

Seq II. A Int - MRT –Day Lumalabas ng MRt station ang tauhan at makikitang nasa Quezon Ave station pala ito.

Seq II. B Int. – Clasroom - Day Nakikinig ang tauhan sa kanyang propesor at isinusulat na malapit na ang pasahan ng kanilang mid terms project.

Seq II. C Int – SC - Day Nag papaparint siya sa SC at habang tintignan ang mga ito ay makikita ang kanyang pangalan.

Seq II D Int – Opisina – Night Sa kanyang cubicle, habang nagsusuot ng headset ay makikita rin ang kanyang pangalan at titulo ng kanyang trabaho.

88

Seq II E Int – UP GYM – Day Kausap ang lecturer ay sinasabihan siya nito tungkol sa mga naging absences at kung kakailanganin nitong mag special exam.

Seq II F Int – Opisina – Night Habang nag tatrabaho ay makikita rin ang kanyang schedule at ang mga araw na lumiban ito sa trabaho.

Seq II G Int – Sleeping Quarters – Madaling Araw Papasilay pa lang ang araw ngunit siya ay matutulog muna habang natatanaw ang mga gusali sa bintanang katabi.

Seq III Ext – Coffee Shop – Gabi Nag uusap usap ang tatlong magkakaibigan tungkol sa kanilang mga trabaho. Bigla na lang sasabihin ng tauhan na mag reresign na talaga siya. Sasabihin lang ng isa na ituloy na nga nito ang pag reresign para matapos ang pag aaral. Sasabihin naman ng isa na kung hindi na siya masaya sa trabaho niya e panahon na nga na iwan ito at gawin kung ano ang gusto nya.

Seq IV Int – Opisina – Gabi Nasa telepono pa rin ang tauhan at nag tatrabaho. Nag checheck ito ng mga payslip at ng kung ano ano. Sinusubukan din niyang mag hanap ng ibang trabaho. Makikitang ang ilan sa mga requirement e graduate o kaya ay may previous experience na sa ganoong

89

trabaho. Sasabihin sa kausap kung maaring i-hold nya muna ang tawag. Mag aalis ng head set at mag eedit ng resume. Papalitan nya ang date of graduation sa present. Buburahin din niya ang mahabang listahan ng mga naging work experiences at papalitan ng mga naging proyekto sa kolehiyo.

Seq 5 Ext – UP PNB – Umaga Mahaba na ang linya ng mga nag babayad para sa enrolment.

Seq 5A – Ext – UP Reg – Umaga Mahaba rin ang pila ng mganag babayad para sa UPCAT.

Seq 5A – Int – CMC Office – Umaga Kausap ang sekretarya sa opisina, ituturo nito ang mga dapat na gawin para sa pag fafile ng mrr.

Seq 6 – Int – Media Center – Umaga Kausap ang kaibigang si Ami ay itatanong nito ang ginagawang tesis. Babanggitin din ng kaibigan ang ginagawa nitong pag hahanap ng trabaho. Sasabihin rin naman ng tauhan ang kanyang planong pag reresign ngunit nag aalangan siya dahil wala pa itong konkretong malilipatan. Ikkwento nya ang inapplyang production house ngunit dahil sa maliit ang kita ay baka hindi na niya balikan.

90

Seq 7A Int – Bahay – Umaga Kukunin ng tauhan ang mga nakaipit na house bills sa ref. Kukunin din nito ang kadadating lang na credit card bill.

Seq 7B Int – Bahay – Umaga Pagdating sa kwarto ay nag lologin na ito para sa ibang online bills. Kukuha siya ng sss form. Natatawa siya at sinabing ang date of birth niya ay hindi na napalitan sa sss form. Sinasabi nya na sss nya a to simula nung mag trabaho siya nung 16 pa lang. Mag lolog in din ito sa sss website at makikita dun ang mga naging remittances nya sa ibang kumpanya. Pagka check nya personal email ay merong bago galing sa opisina. Binabasa ng tauhan ang denial letter sa kanyang application na mag pa lateral transfer. papatayin nya ang monitor at malulugmo dito. Tinitignan na naman niya ang mga bills sa mesa.

Seq 8A Ext - Bayan - Umaga Naglalakad ang tauhan at mapatingin sa arko ng Imus. Seq 8B Ext - Nueno Ave - Umaga Patuloy siyang naglalakad at madadaanan ang mga mag-aaral. Halo-halo ang mga ito, mayroong nasa hayskul at mayroong nasa elementarya.

Seq 8C Ext - Plaza - Umaga Naglalakad pa rin siya hanggang sa makarating sa plaza. Halatang bago ang plaza, na tinadtaran ng imahe ng bandila ng Pilipinas. Sa di kalayuan ay maaaninag din ang Katedral ng Kabite.

91

Seq 9 Ext - Bahay - Umaga Papasok na sa bahay ang tauhan. Gawa ito sa bato, may nakaparadang kotse na hindi naman bagong bago. Makikita na ito ay ang nasa unang bahay sa compound. Babati siya sa kung sino mang makikita sa looban at tutuloy na sa pagpasok sa bahay.

Seq 10 - Int - Bahay - Umaga Pagpasok niya ay makikita ang kabuuan ng sala. Tutuloy siya sa hagdan at huhubarin ang suot na sandals at magpapalit ng tsinelas. Makikita ng bahagya ang ilang mga larawan ng kanilang pamilya. Naroon ang kanilang picture na magkakapatid at ng buong pamilya. Andun din ang graduation picture ng dalawang kapatid niya, kanya lang ang wala. Tinatawag siya ng kanyang ama mula sa itaas at nanghihingi ng kape.

Seq 11 - Int - Taas ng Bahay - Umaga Nagtuloy siya paakyat sa itaas ng bahay dala ang kape at pandesal. Naroon ang kanyang ama at nag sisimula nang mag luto ng mga peanut brittle. Makikita sa mga kamay niya ang mga paltos at ilang sugat mula sa pagtatrabaho.

Seq 12 - Int - TV room - Umaga Pagbaba niya ay nakita namang palabas na ng kwarto ang kanyang ina. Sinasabihan siya nito na mayroon siyang maagang misa sa simbahan. Ibiniblin din na mamaya ay gagamitin niya ang laptop dahil mag tatype pa ito ng meeting nila para sa kooperatiba.

Seq 13 - Int - Kwarto ng Kapatid - Umaga

92

Pagpasok niya sa kwarto ay nag hahanda na ring umalis ang kapatid nito. Tatanungin ng tauhan kung bago ba ang libro niya sa kama. Sasabihin nitong hiniram nya lamang iyon. Titignan pa ng tauhan ang iba pang libro at mga reading materials na ginagamit ng nakababatang kapatid sa pagrereview para sa CPA board exam.

Seq 14A- Ext - Kapitbahay - Umaga Papasok ang tauhan sa kanilang kapitbahay. Ito ang bahay sa likod ng kanila.

Seq 14B Ext - Kapitbahay - Umaga Pagkapasok niya sa bahay ng kanyang mga tiyo, makikita rito ang mga nakasabit na larawan ng kanyang mga pinsan. Makikita rin ang isang malaking balikbayan box. Nakikipag kuwentuhan sa kanya ang tiyo at tinatanong kung

papasok ba ito mamaya sa trabaho. Sasabihin ng tauhan na meron siyang trabaho sa gabi pa pero baka hindi na siya pumasok dahil dadaanan pa niya ang medical results ng mga naging eksamen sa kanyang ama. Itatanong din ng tauhan kung kailan ang alis ng kanyang mga pinsan na pawang nagabakasyon lang mula sa kanilang trabaho abroad. Itatanong naman niya kung ano ang opinyon ng tiyo kung mag abroad na rin lang siya. Sinasabihan lang siya na tapusin na lang muna nito ang kanyang pag-aaral.

Seq 15 Int - TV Area - Tanghali Luto na ang mga peanut brittles at binabalot na iyon ng kanyang mga magulang. Itatanong niya kung pwede bang hindi ito pumasok ngayong gabi, ngunit pabiro lamang.

93

Itatanong lang ng ina kung bakit ayaw na nitong pumasok, pero hindi naman talaga siya papansinin.

Seq 16 Int - Kusina - Tanghali Kumakain ang mag ina sa hapag. Tatawagin din ang nakababatang kapatid dahil baka maubusan ito ng ulam. Bago sila matapos kumain ay magtatalo pa ng kaunti ang kanyang mga magulang.

Seq 17 Int - Terrace - Tanghali Nag uusap ang mag ama at sasabihan siya nito kung pwedeng makahiram muna ng pera. Ilang araw din kasi ito nahinto sa pagtatrabaho. Aabutan naman niya ito.

Seq 18A - Ext - Ospital - Hapon Sa labas ng ospital ay may tinatawagan ang tauhan sa cellphone. Sinasabi niyang nasa labas na siya ng ospital at tinatanong kung nakuha na ba ng kausap ang mga pinahihingi niya.

Seq 18B - Int - Cafeteria ng ospital - Hapon Kausap na ngayon ng tauhan ang kaibigan na nag tatrabaho din sa ospital. Magkakamustahan sila sa naging kalagayan ng tatay niya noong naospital ito.

Seq 18C - Int - Hospital room - Gabi

94

Chinecheck ng nurse ang BP ng kanyang ama. Tinitignan din kung sapat pa ang dextrose nito.

Seq 18D - Int - Cafeteria ng Ospital - Hapon Patuloy ang pag uusap ng magkaibigan at ipakikita sa kanya ang mga naging resulta ng exam. Makikita rin ang naging bill nila sa ospital at sasabihing maswerte siya dahil may healthcard ang ama na isa sa benepisyo ng kanilang kumpanya. Sasabihin din ng tauhan sa kaibigan ang kagustuhan na niyang magresign. Bahagya niyang sasabihin na meron siyang pending project na makapag shoot kaya lang ay tiyak na aabsent siya sa opisina. Hihingi siya ng tulong dito kung anong pwedeng medical records ang ihingi niya para sa kaniya para payagaan itong mag leave, para hindi na lang siya mag resign.

Seq 19 - Int - Kwarto ng Kapatid - Gabi Pumasok siya sa kwarto ng kapatid at sinabing ditoito matutulog. Ang kapatid niyang nag-aaral ay magaglit at sasabihing hindi na naman ito pumasok. Itutuya nitong madami pa silang bayarin. Parang nagalit din ay sinagot niya ang kapatid. Sinasabihan niya ito kung gaano kahirap pumasok sa trabahong hindi naman niya gusto, gayong siya nga ay hindi pa nakapag trabaho. Itatanong na lamang niya kung kelan naman ito matatapos. Sinasabi ng kapatid na malapit na iyon kayat magtyaga na lamang siya.

Seq 20 - Int - Kwarto - Gabi Nakaharap lang sa kanyang kompyuter ang tauhan at nag eedit ng video. Biglang pasok ng kanyang ate dala ang anak nito. Nagulat ang kanyang ate kung bakit naririto pa siya sa

95

bahay. Sinabi na naman nitong hindi ito pumasok. Hindi siya kumibo. Sasabihin niya sa ate niya ang plano niyang pag reresign. Itatanong nya lang dito kung paano ang mga gastusin nila sa sa bahay at lalo pa ang health card ng kanilang ama. Sasabihin na lang niyang ienrol na lang ang mga ito sa kanilang kumpanya at siya na lang ang magbabayad. Mag aalarm ang cellphone niya at papatayin lang ito.

Seq 21 - Int - Meeting - Umaga Nasa meeting ngayon ang tauhan pero hindi sa opisina sa call center. May kasama itong ibang mga tao na nag uusap tungkol sa pelikulang kanilang gagawin. Tinatanong siya kung magkakaproblema ba sa schedule niya sa trabaho kung namove yung scheduleng shoot. Sasahbihin niyang gagawan niya ng paraan yun. Seq 22 - Int - Room - Umaga Kausap ng tauhan ang kaibigang si Lauren na kasama rin nila sa meeting. Habang nagpplot ng schedule ng shoot sa calendar niya, sinabi niya sa kaibigan na hindi pa siya nakakapag paalam sa boss niya. Sinabi niyang hindi siya pumasok kabagi at sobra rin siyang naguguilty pero mag reresign na talaga siya. Sasabihin niyang sayang ang project na kanilang ginagawa at ayaw mapakawalan ang pagkakataong maipraktis ang kanyang propesyon. Ito ang unang beses na babayaran siya para sa kanyang trabaho at hindi bilang PA or intern. Sasabihin naman ni Lauren na baka naiimpluwesniyahan lang siya nito dahil sa nagresign na rin ito sa trabaho. Pero sasabihin pa rin niya na pag-isipang mabuti kung pag reresign na talaga ang magiging desisyon niya.

96

Seq 23 - Int - MRT - Hapon Papalubog na ang araw at nakasakay sa loob ng MRT ang tauhan. Tinitignan niya ang mga tanawin sa labas at kung gaano kabilis ang takbo ng tren, ay tila ganoon din kabilis ang takbo ng imahe sa kanyang isip. Nakikita niya ang mga imahe kung paano siya nagsimulang maging working student hanggang sa kasalukuyan.

(montage) Seq 23B Shot ng unang form 5 noong freshman siya. Nasa CAL pa siya noon. Nakita rin niya ang imahe ng unang sweldo at ang mga larawan sa noong nagtatrabaho pa siya sa McDo.

Seq 23C Hawak ang sulat na natanggap siya sa kursong BA Film and Audio - Visual, makikita ang mga pamphlets ng laptop at video camera. Itatabi niya ang mga iyon at titignan naman ang classified ads kung saan pawang mga call center agents ang hinahanap. Makikita na rin ang mga larawan niya sa iba't ibang call center.

Seq 23D Over imposition ng pagtaas ng bill at pag taas ng matrikula. Over imposition din ng kanyang iba't ibang payslip na tila papataas na rin ang halaga. Sa background ay makikita na kasama ang ina ay namimili sila sa grocery at binabayaran gamiut ang credit card. Matapos ang imposition ng mga payslip ay ang school records niya na nag papakita ng mga INC.

97

Seq 23E Masayang pababa ng entablado ang kanyang kapatid sa araw ng kanyang graduation. Masaya rin ang mga magulang niya para dito. Over imposition ng form 5-A na ang nakalagay ay Graduating, at ang ang mrr letter nya na nag papakita na nag rerequest ng extension.

Seq 24F Nagchecheck sa email na puro job alerts pero parang galing pa rin sa iba't ibang call centers. I dedelete na nyang lahat iyon at ititra lamang ang ilan na may kinalaman sa kanyang kurso. Nang makitang kailangan din ay graduate o may ilang taon nang kasanayan ay buburahin niya rin lamang ang mga iyon.

Seq 24G Kausap ng tauhan ang kanyang ina at sinabing magreresign na talaga siya. Sinasabi ng ina na papano na ang kanilang mga gastusin. Itatanong ng ina kung hindi ba siya nanghihinayang na nasa magandang kumpanya na siya at sayang naman. Pero sa huli ay ipauubaya pa rin niya sa anak kung anong magiging desisyon nito.

Seq 24H Kausap ng tauhan ang kanyang ama at tatanungin lang siya nito kung bakit ito mag reresign, kung may problema ba sa opisina. Nakikita ng tauhan na nalulungkot ang ama sa kanyang naging desisyon pero sasabihing ok lang naman iyon dahil makahahanap pa rin siya ng ibang trabaho.

98

Seq 25 - Int - Mrt - Gabi Nabalik ang isipan ng tauhan sa kasalukuyan dahil sa tunog ng pinto ng MRT. Nasa Ayala Station na siya.

Seq 26 - Ext - Ayala Avenue - Gabi Sa labas ay tuluyan na ngang nag dilim at binabagtas niya ang pamilyar na daan patungo sa opisina. Nakikita ang mga nag tataasang gusali at ang pagmamadali ng mga taong gusto nang umuwi.

Seq 27 - Ext - Philam Life Building - Gabi Itatapat niya ang kanyang id sa security machine ng pinto. Itutulak niya ng kaunti ang pinto pero hindi siya makausad. Isasara na lamang niya iyon, tumalikod at naglakad patungo sa kabilang direksyon.

Seq 28 - Ext - Ayala Ave - Umaga Patuloy siyang naglalakad. Makikita niya na sa likod ng mga nag tataasang gusali ay ang pasilay na araw.

99

III. Thesis Proposal

I. INTRODUKSYON KONSEPTO Ang lebel ng kahirapan sa bansa ay patuloy na tumataas, idagdag pa riyan ang pangmalawakang krisis sa mundo Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming kabataan ang napipilitang maghanap-buhay, habang pinagsasabay ang pag-aaral. Ngunit taliwas sa popular na nosyon na ang mga “working students” ay pawang nasasadlak sa kahirapan, ang bilang ng mga nagmumula sa gitnang uri ng lipunan ay unti-unti ring dumarami. Ito rin ay marahil bunsod ng pagsibol ng mga makabagong industriyang maging ang mga mag-aaral ay maaring pasukin. Idagdag pa riyan ang pagsusog ng midya sa mga “huwad” na pangangailangan na nag hihikayat sa mga kabataan sa patuloy na paggasta.

Ang dokumentaryong Working while in Class ay ukol sa mga mag-aaral sa kolehiyo na nabibilang sa mababang gitnang uri na kasapi rin ng lakas paggawa ng bansa. Batid ng awtor na kahirapan ang pangunahing dahilan na tumutulak sa mga kabataan, ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay mayroon ding mga

nagsisipaghanapbuhay na mag-aaral at patuloy pa ring nakatatanggap sa mga magulang ng suportang pinansyal. Kahit ganoon, sila pa rin ay nabibilang sa marginalized na sektor ng lipunan at dapat pangalagaan sa lupit ng kapitalismo at alienasyon. Nais rin maipakita ng awtor ang implikasyon ng midya sa kabataan na nagsususog sa patuloy na paggasta at hindi ang pag-inda sa patuloy na paggawa. Layunin din na maipakita na ang desisyong magtrabaho kasabay ng pag-aaral ay isang mabigat na responsibilidad, simbigat ng

100

pagpiling mag-aral lamang at sing hirap ng pansamantalang pagliban sa paaralan upang maghanapbuhay.

BACKROUND Ako at ang aking mga kapatid ay naumulat sa payak na pamumuhay sa Imus, Kabite. Habang ang aking ama ay nangangasiwa sa aming munting negosyo ng pagmamani na kanyang minana pa sa mga magulang, ang aking ina naman ay nag mamay-ari ng isang munting tindahan. Namulat ang aking kaisipan sa apat na sulok ng tindahang iyon habang nakikitang gumugulong palabas at papasok ang mga barya at pera para sa araw- araw na kita. Makailang beses rin akong nagbenta ng sariling paninda mula sa mga “iced candy” hanggang sa mga fishball, kikiam at iba pa. Lahat ng ito upang makaipon ng karagdagang pera.

Sa edad na dis-kwatro naman ay nangailangan ang isang kamag-anak na magbabantay sa kanilang “computer shop” sa umaga. Nataon iyon sa panahon ng bakasyon kung kaya’t hindi na ako nag patumpik tumpik pa. Doon ko unang natanggap ang aking sweldo hindi mula sa kung ano mang paninda kundi kapalit ng aking lakas paggawa. Ang iba ko namang mga pinsan, na pawang noon ay nasa kolehiyo pa, ay nagsisipag trabaho rin sa iba’t-ibang “fast food chains”. Kung kaya’t ako man ay nahumaling na subukan din ang ganoong kalakaran. Sa mga sumunod na bakasyon ay nakapagtrabaho ako sa Chowking at sumunod sa Mc Donald’s nang part-time. Dito ko nga unang naranasan ang tunay na sweldo at makatanggap ng “payslip”. Ngunit hindi pa nakuntento at patuloy na nag-asam ng mas hihigit pa.

101

Taong 2006 nang ako ay umalis ng Kabite upang higit na mas madali sa akin ang pagpasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Araw – araw ko nang nadadaanan ang mga nagtataasang gusali, nakakasabay ang libo-libong empleyado sa opisina at nakikita ang naghuhumiyaw na “job ads” ng iba’t-ibang kumpanya. Noon ko naisipang subukan ang industriya ng “call center”. Pinalad nga naman at mabilis na nakapasok. Ang paggising sa gabi at pagtulog sa umaga, sabayan pa ng pagpasok sa unibersidad ay di inalintana. Ngunit kulang-kulang isang taon, nag-pull out ang kliente at kinailangang maghanap ng iba pang mapapasukan. Noon naman ay ang pag-dagsa ng mga Koreyano sa bansa at biglaan ang pangangailangan ng mga English Tutors. Nariyang subukin ko ang deopisina, de-klase, one-on-one at meron ding via online. Ngunit ang katagalan sa ganoong propesyon ay walang katiyakan kung kaya’t muli akong bumalik sa iba namang call center. Matapos ang limang buwan ay naisipan ko uling umalis at napusuan naman ang pagtatrabaho bilang isang barista sa Starbucks. Ngunit muli, napilitan kong umalis at sa kasalukuyan nga ay naghahanap buhay sa isang “contact center”. Ang kaibhan lang, walang teleponong sinsagot at limitado sa email at chat ang aming komunikasyon.

Sa edad nga na dalawampu’t isa, masasabi kong marami-rami na nga ang aking napasukang industriya. Lagpas na sa aking mga daliri, kasama ang mga pasimpleng “raket”, trainings at kung anu-ano pa. At sa haba nga o iksi ng aking itinatagal ay makailang beses na rin akong nakakilala ng mga mangagawang pawang nag-sisipag-aral pa. Naririyan ang mga kabataang tumatayong magulang sa pamilya. Mayroon ding pinili ang humiwalay at makapag-isa. Mayroon din namang sa murang edad ay mayroon na

102

ring pamilya ngunit di maiwan ang akademya. At tulad ko, mayroon ding patuloy ang pakikipisan sa magulang at ang karagdagang kita at kakayahan ang tanging inaasam.

Batid ko na ang konsepto ng “working students” ay ideolohiyang kanluranin. Hindi pa rin uso noon ang paghahanap buhay sa mga kabataan lalo pa’t buhay at malalakas ang kanilang mga magulang. Oo, tumutulong sila sa mga gawaing bahay ngunit ang pokus ay nakalaan lamang sa pag-aaral. At marahil din noon ay wala pa ang mga oportunidad na kung saan ang kabataan ay maaring magprisinta. Ngunit iba na nga ang kalakaran sa kasalukuyan. Ang 24 na oras ay masyadong nakaiinip sa mga kabataan kung kayat naghahanap ng mga produktibong gawaing mapaglalaanan. Ito ang karaniwang kasagutan ng ilang kaibigang pawang namamasukan, mga kabataang nabibilang naman sa gitnag-uri ng lipunan. Hindi nga naman lahat ng naghahanap-buhay na kabataan ay kahirapan ang kadahilanan. Maswerte lamang at sila ay may angkop na kakayahan at may tiwala ang mga magulang. Sa isang bansa na edukasyon ang pilit na isinasagot sa kahirapan, nakintal iyon sa kanilang murang kaisipan. Kung kaya’t kumita man ng sariling pera ay iba pa rin ang diploma sa mabilis na kayamanan. Ito marahil ang isang mukha ng kabataan na di batid ng karamihan. Kung kaya’t ako, bilang nabibilang sa kanila ay nais gamitin ang aking pamamaraan sa bidyo upang mailahad ang ganitong katotohanan. Ang aking dokumentaryo ay nais mailahad ang kanilang mga pagsisikap at pangarap. Na kahit sabihin nakaangat sa buhay, di maiaalis na sila pa rin ay nabibilang sa marginalized na sector ng lipunan. Nais kong sipatin, gamit ang aking lente kung mayroon bang mga karampatang batas para sa mangaggawang kabataan. Ang dokumentaryong ito ay pagkilala rin sa mga magulang na patuloy ang pag-unawa at

103

suporta. Nawa’y ito rin ay makapag bigay kaliwanagan sa iba at maging inspirasyong magsikap. At higit sa lahat, sa inyong kabataan, ang aking paghanga at pagkilala, kayong mga Working while in Class.

PAGLALARAWAN NG PORMAT

Bilang isang mag-aaral sa Kolehiyo ng Panmadlang Komunikasyon, itinuturing ko ang aking sarili bilang isang alagad ng midya. Naniniwala ako na ang mga natutuhan at nahasang kakayahan gamit ang bidyo ay marapat lamang gamitin sa mabuti at mapalawak ang kaalaman ng nakararami. Sa kakayahan ng midya na makapagbago ng kaisipan, dapat din itong gamitin upang maiangat ang anatas ng panonood ng mamamayan. Sa ilalim ng Departamento ng Pelikula at audio-biswal na komunikasyon, apat ang pormat ang sinusulong sa paghahayag ng istorya: naratibo, dokumentaryo, animasyon at eksperimental. At sa mga nabanggit, ang proma ng Dokumentaryo ang nais kong gamitin para sa paglalahad ng aking tisis.

Nasa hayskul pa lamang ay nakahiligan ko na ang panonood ng mga dokumentaryo sa telebisyon. Ngunit lalong napalawig ang aking kaalamn ukol dito nang makapanood ng mga dokumentaryong hindi karaniwan sa tv-broadcast. Nakintal sa aking isipan ang kapangyarihan ng midyum na ito na mapasok ang isang mundong kaiba sa may akda at maihatid sa kanyang tagapanood. Masasabing wala na ngang orihinal na ideya sa mundo dahil ang lahat ay nagmit na, kung kayat makikita ng kagalingan sa pag buhay ng isang bagong istorya mula sa karaniwan. Ang pag hugot ng interes ng

104

manonood at ang patuloy na pagsubaybay dito ay isang sukatan ng tagumpay ng dokumentaryo. Ngunit lalo itong matagumpay kung ang mensahe ay naintindihan at naisasalin upang kumilos.

Para sa aking dokumentaryong Working while in Class, maari ko itong isalin sa pormat ng naratibo. Tila isang pelikula na tumatalakay sa mga batang empleyado, parang Endo, isang pelikulang selebrasyon ng mangagawang Pilipino. Ngunit bilang likas na sa akin ang interes sa mga tao, ninais kong makausap ang mga tunay na tauhan, at hindi gawa lamang ng malilikot na kaisipan. Nais kong mabisita sila sa tunay na tahanan at pinagtatrabahuhan, hindi sa isang set o lugar na dinesenyuhan. Ang aking dokumentaryo ay maaring sumalamin sa king mga pansariling opinyon dahil ako man ay nabibilang sa ganitong estado. Kung kaya nais kong ang iba naman ang makapag-ere ng kanilang damdamin. Sa abot ng aking makakaya, nais kong maging obhetibo at ilaan ang paghuhusga’t pagpapasya sa aking manonood.

Sa Pilipinas, hindi pa lubos ang pag-aaral sa mga Working Students. Kadalasan, ito ay nauuwi sa Child Labor na napakalayo sa nais taluntunin ng aking dokumentrayo. Kung kayat nais ko ring makakuha ng mga direktang taong o establisyamento na may kinalaman sa ganitong kalakaran. Ang mga impormasyong makakalap ay may tunay na pag-aaral at tukoy na basehan. Ito rin ay para sa aking adhikaing maragdag sa lupon ng kaalaman para sa mga susunod na mananaliksik.

105

Sa aking midyum, nais kong gawing totoo ang aking mga sabdyek. Nais ko silang maipakilala bilang sila at hindi mga nagpapanggap lamang. Maipakita ang mga tunay na gawain at gamitin ang kanilang lenggwahe. At higit sa lahat, layunin kong maihayag ang tunay na pulso ng aking paksa.

II. REBYU NG KAHALINTULAD NA LITERATURA Hindi naging madali para sa awtor ang paghahanap ng mga datos na susuporta sa dokumentaryo dahil wala pang lubos na pag-aaral na nagagawa ukol sa mga estudyanteng kabilang sa lakas paggawa. Ang mga iilang pag-aaral naman na natagpuan ay puro base sa internet at pawang pag-aaral gawa sa ibang bansa. Ang paghahanap ng mga impormasyon ukol sa ganitong paksa na base sa Pilipinas ay palagiang tumatalakay naman sa Child Labor at nakakakawit pa rin sa pag-aaral ng kahirapan ng bansa.

Ayon sa Youth and Work: Does Poverty Matter, isang tesis na isinumite nina Ysabel Marie D. Fernandez at Maria Cristine B. Quilicol sa Kolehiyo ng Ekonomiya, ang Pilipinas ay mayroong batang populasyon kung saan 45% sa 85 milyong Pilipino ay nasa edad na 24 pababa. Ito ay base noong 2005. Simula dekada 80, umakyat ang pakikilahok ng mga kabataan sa lakas paggawa ng bansa. Ngunit kadalasang ang mga kabataang manggagawa ang apektado ng pagtatanggal ng trabahador, kontraktwal na pamamasukan at mahihigpit na pangangailangan sa pag-aaply. Hindi ito inaalintana ng mga kabataan dahil ang lahat ng ito ay nakaangkla pa rin sa kahirapan na siyang sinasabing dahilan kung bakit nagsisipagtrabaho ang mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ay isang lokal na aplikasyon ng mga banyagang pagsasaliksik. Dapat lamang na unawain ang mga

106

pagkakaibang kultural at ang kalagayan ng kabataan sa kanyang lipunan. Sa mga datos na nabanggit, kitang kita na malaki ang potensyal ng mga kabataan na mapabilang sa lakas paggawa ng bansa. Naging pokus ng pag-aaral ang kahirapan na siyang pangunahing dahilan sa paghahanap-buhay ng mga kabataan. At dahil dito, nais maipakita ng awtor na mayroon pang ibang pinaghuhugutan ang pagnanais ng mga kabataang makapag trabaho. Ang A profile of Student workers from leading food chains in QC, tesis nina Anna Melanie Isip at Caroline E. Vasquez, ay tumatalakay sa pagpasok ng mga magaaral sa kolehiyo sa mga fast food chains noong dekada 90. Sinasabing ang mga magaaral na ito ay may edad 18 – 23, pawang mula sa pampubliko at pribadong paaraalan at nag tatrabaho mula 4 – 8 oras sa isang araw. Ayon sa akda, mayroong anim na lebel ang mga tao sa estado sa lipunan (Vance Packard): 1. the upper rich – nagmula sa matatandang aristokrasya 2. the lower upper rich – ang mga bagong yaman 3. the upper middle – kinapapalooban ng mga eksekyutibo at propesyunal 4. lower middle – mga white collar workers 5. upper lower – pawang mga bihasa at di – bihasa sa trabaho 6. lower lower – mga pesante At mula sa mga ito, sinasabing ang mga estudyanteng mangagawa ay nabibilang sa upper lower hanggang sa upper middle. Ang limitasyong ito ay ang magiging limitasyon rin ng awtor sa pagpili ng mga sabjek para sa dokumentrayo. Oo at nakararanas pa rin ng manaka-nakang kahirapan, hindi lamang ito ang tanging dahilan upang ang mga kabataang ito ay naisipang magtrabaho. Napag-alaman na ang pangunahing rason ay ang pagnanis na magkaroon ng experience sa trabaho kasunod ng pagnanais na ang

107

magkaroon ng sariling pera, upang tumaas ang tiwala sa sarili at upang makatulong pamilya. Pinatutuyan ng pag-aaral na di maiaalais ang kahalagahan at kontribusyon ng mga kabataang ito sa ekonomiya. Sa katayuan naman ng mga mag-aaral, karamihan ay nanatili sa kanila ang kanilang study habits o kaya ay iniakma sa libreng oras mula sa pagpasok sa eskwela at trabaho. Higit sa lahat, napagbago rin nito ang pag-uugali ng mga mag-aaral kung saan natutuhan ang pagkakaroon ng responsibilidad. Sinasabing hindi nila napababayaan ang pag-aaral at bagkus ay lalo pa itong napalalawig dahil ang karunungan ay di nakukulong sa apat na gusali ng silid-aralan.

Ang Students as employees in a fast food enterprise, 1990, ni Mia Centena ay tumatalakay sa epekto ng mga estudyanteng manggagawa sa kanilang mga pinapasukan na establisyamento. Ayon sa mga managers, mas pinipili ang mga nag-aaral sa ganitong mga industriya dahil ang trabaho ay madali, paulit-ulit at makasasapat na ang kaunting kaalaman. At dahil din sa hati ang kanilang panahon sa pag-aaral, nakatitipid ang kumpanya na imbis na mag pasweldo ng empleyadong humihingi ng walong oras, maaring ipasok ang mga estudyante sa mga matutumal na oras lamang. Pinakita rin ng awtor ang mga employment status na maaring sumasaklaw sa mga mangagawang magaaral: 1. part time – di nangangailangan ng buong araw (8 oras) na pagtatrabaho 2. full time – nangangailangang magtrabaho ng 8 oras sa isang tiyak na iskedyul 3. regular – lumagpas na sa paunang 6 na buwan 4. kontraktwal – empleyado sa partikular na panahon at hindi lalagpas ng anim na buwan

108

Sa kabuuan, ang mga establiyamentong ito ay nakatutulong sa mga mag-aaral sa kolehiyo na matustusan ang kanilang mga personal na gastusin. Kahit na ang ilan ay nag sabing makatutuloy pa rin sa kolehiyo dahil sa kakayahan ng pamilyang magbayad ng matrikula, ang perang kinikita ay nakatutulong sa ibang gastusin para sa paaralan tulad ng mga magiging sabjek sa dokumentaryo. Mula sa pag-aaral na ito na ginawa sa pagsisimula ng dekada 90, marami pang ilang trabaho ang nabuo hanggang sa kasalukuyan. Di na limitado sa fast food chains ang maaring pasukan ng mga empleyadong mag-aaral. Ilang establisyamento, sa ilalim pa rin ng food and beverages industry, ang tumatanggap din ng mga nagsisipag-aral. Ilan sa mga ito ay ang mga coffee shops, bars at restawran na nakapagbibigay ng higit na mas mataas na kita.

Tahasang pag-aaral sa mga empleyadong isko at iska ang The perceived effects of student employment on the academic performance of selected UP students,2005, tesis ni Maureen Gilo David. Pinakita rito na sa makabagong panahon, hindi na lamang sa fast food chains nalimita ang mga mag-aaral na makapagtrabaho. Ang mga mag-aaral ay nakapagtatrabaho na rin sa ibang industriya na nakapagbibigay ng magandang oras ng trabaho at akma sa kanilang oras sa eskwelahan tulad ng mga call centers at tutorial class. Layunin ng akda na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyu ng mga mga nabibilang sa ganitong lakas paggawa. Ilan nga sa mga kompleksidad na kanilang kinahaharap ay ang ang pagbabago sa nakasanayang gawi sa pag-aaral, paghawak ng oras, paghawak ng salapi at mga pamamaraan sa paglaban sa puyat at pagod. Sa kanilang trabaho ay nagkaroon ang mga mangagawang mag-aaral ng

109

kakayahang kumita ng sariling pera at mapaunald ang sariling kakayanan. Ngunit di pa rin nito maikukubli ang mga kakulangan sa pag-aaral na nagdudulot ng pagliban o pagkahuli sa klase, mas maiksi o kawalan ng oras sa pananaliksik o pagkahuli sa pagpasa ng mga proyekto o takdang – aralin. Magkagayon man, binanggit sa pananalksik ang ilang gawi ng mga mag-aaral upang mabigyang kasagutan ang mga problemang ito. Sa tulong ng internet at iba pang makabagong pamamaraan, nasisimulan at napagpapatuloy ng mga mag-aaral ang pananaliksik bago pa man tumuntong sa mga silid-aralan. Ang ilang din ay ginagamit ang mga resources ng kumpanya tulad ng printer, bond paper, kompyuter at iba pa. Sa pamamagitan ng mga online conferences ay nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng miting na di kinakailangang magkita. Ang lahat ng ito ay mga maliliit na remedyo lamang sa mga di-inaasahang pagkakataon kung kaya’t sinisikap pa rin ng mga mag-aaral ang tuwirang pananaliksik gamit ang libro at pakikipag – usap ng personal sa mga ka-grupo. Nabanggit din sa pag-aaral ang mga pangunahing kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman na pinagmumulan ng mga empleyadong mag-aaral. Ito ay ang NCPAG, Kolehiyo ng Musika, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Kolehiyo ng Arkitektura, Kolehiyo ng Inhinyero, Kolehiyo ng Edukasyon, School of Library and Information Science, at pinakamataas sa Kolehiyo ng Panmadlang Komunikasyon. Makatutulong ang impormasyong ito sa awtor ng pananaliksik sa mga sabjek para sa dokumentaryo.

Ang Directing the documentary,1992 ni Michael Rabiger ay nakatutulong sa awtor at patuloy na gumagabay sa ginagawang dokumentaryo. Ang aklat ay nagbibigay ng mga katanungan na sa pagsagot ng may akda ay unti-unting nabubuo ang

110

konsepto. Ang dokumentaryo ay isang “creative treatment” ng realiad (Grierson). Magkaganoon man, hindi ito masasbing purong obhetibo. Ngunit sa paggamit ng mga teknik, pananaliksik at tapat na pakikisalamuha sa sabjek ay makukuha ng kamera ang tunay na pintig ng istorya.

REBYU NG KAHALINTULAD NA PELIKULA Ang Endo ay isang pelikula ukol sa selebrasyon ng mangagawang Pilipino. Napakahusay ng eksekyuson na sa paggamit ng konsepto ng pag-ibig ay natalakay ang kontraktwal na pagtatrabaho na umuugat sa ekonomikong problema ng bansa. Gagamitin ng awtor ang pelikula sa pagkukumpara sa Working while in Class. Ang pangunahing tauhang lalaki ay natigil na sa pag-aaral kung kayat hirap sa paghahanap ng permanenteng trabaho. Ang babeng karakter naman, kahit na nakatapos ay hirap pa din at ninais na magtrabaho abroad. Sa Pilipinas, malaking sukatan ng employmasyon ang edukasyon. Nakinita ito ng mga manggagawang empleyado kung kayat hindi pa rin nila mapabayaan ang kanilang pag-aaral. Magkagayon man, dikit ang kumpetisyon sa bawat isa kung kayat ang mga paunang pagsasanay at karanasan sa trabaho ay karagdagang puntos sa mga maghahanap ng trabaho. At tulad ng pelikula, ang Working while in Class ay isa ring selebrasyon para sa mga mag-aaral na walang pagod na kinahaharap ang tunay na hanapbuhay.

Ang de-Padyak, 2009, isang pamproduksyong tesis ni Johnessa S. Gabrillo ay nagpapakita ng isang mag-aaral sa kolehiyo na namamsada gamit ang pedicab upang

111

matustusan ang mga gastusin sa paaralan. Tulad rin ni Buto, ang kanyang tauhan, ang mga sabjek sa dokumentaryo ay naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon. Marahil mayroon lamang pagkakaiba sa kakayanan at antas ng karunungan sa mga sabjek kung kayat ang mga tauhan sa Working while in Class ay nakapapasok sa mga industriyang may katiyakang kita. Kahit ganoon, di pa rin mawawala ang kumpitensiya sa pagitan ng mga kapwa nagtatrabaho at ang kagustuhang kumita para sa personal na paggasta.

III. TEORETIKAL AT KONSEPTWAL NA BALANGKAS Paulit – ulit na nabanggit sa akdang ito na ang pawang sabjek ng dokumentaryo ay mga empleyadong mag-aaral na naibibilang sa gitnang uri, may kakayahang pinansyal at gingamit ang kakayanang intelektuwal upang mapasok ng industriya na noon ay nakalaan lamang sa mga nakapagtapos. Nakapagsaad ng ilang dahilan ng pagtatrabaho at napag-wari ng awtor na ang motibasyon ay nahahati sa dalawa, mula sa panloob na susog (sikolohikal) o panlabas na susog (ekonomikal).

Ayon sa Psychoanalysis ni Jacques Lacan, ang idibidwal ay may “imahinatibong” katayuan na nagpapakita ng kabuuan ngunit napuputol sa panahon ng kapanganakan. Sa kanyang paglaki ay pinag-aaralan niya ang lenggwahe ng lipunan at nabubuo ang mga kagustuhang sa katotohanan ay ipinupukol ng iba. Sa mga naunang pag-aaral, karamihan sa mga naging kasagutan ng mga empleyadong mag-aral ay ang kagustuhang mapaunlad ang sarili at ang magkaroon ng kakayahang gumasta. Ang motibasyong ito ay nagmumula sa kanilang mga sarili upang mapunan ang mga kagustuhang di pa naarok. At ang pagtamasa sa mga kagustuhang ito ay nagbibigay ng kaligayahan at ideya ng

112

pagkakabuo. Ayon naman kay Maslow, mayroong Limang Sikolohikal na Motibo na maiaaplay sa dahilan ng pagtatrabaho. Isa rito ay ang kagustuhang mabuhay. Kailangang matustusan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit at tahanan at idagdag pa ang kagustuhang umibig at magpakasal. Sa kagustuhang maging ligtas, gumagasta para sa mga health and life insurances, nagkakaroon ng mga apilisasyon sa relihiyon at ang pagnanais ng mas mahuhusay na pulis at bumbero. Kagustuhan din ng tao ang makipag-ugnayan sa kapwa. Nais niyang sumali sa mga organisasyon, magkaroon ng mga kaibigan at maging tanggap sa lipunan.Kagustuhan din ang respeto ng ibang tao. Hindi lamang nagtatapos sa pagtanggap sa lipunan ngunit higit na nakatutuwa ang pagkilala sa kanya at mga gawa. At kagustuhang magawa ang mga bagay na nais, ang pagnanais ng kalayaan. Ang lahat ng mga nabanggit ay mga partikualar na motibasyon rin ng mga mangagawang empleyado, na kadalasan ay di napapansin. Sa limang ito, walang katiyakan kung ano ang mas mahalaga at pangunahing konsiderasyon ng mga empleyadong mag-aaral. Mahalaga ang pangangailangang biyolohikal, pagkain, damit at tirahan, ngunit di na ito masyadong inaalintana pa ng mga naturang sabjek dahil ang mga ito ay pawang naibibigay na. Minsan ay mas pinahahalagahan ang kagustuhang maging ligtas kung kayat bumibili ng mga gamot panlaban sa sakit. Hindi lamang ito nalilimita sa proteksyon sa kalusugan ngunit maging sa “kagandahan”. Mayroong mga gamot kontra sa pag taba, kontra sa pag itim at pagpangit ng balat. Kahit paano ay sumasaklaw ito sa kagustuhang maging tanggap, ayon sa idinidikta ng lipunan. Sa pagnanais na makakilala pa ng ibang mga tao bukod sa kaibigan, pamilya at tao sa paaralan, ang mga sabjek ay lumabas sa kanilang “comfort zones” upang makakilala pa ng ibang mga tao mula sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Ngunit matapos ang pagtanggap,

113

ninanais din na makamit ang respeto ng mga kasamahan. Sa pagwawari ng awtor, ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay nagpupukol ng dilemma sa magka-ibang sitwasyon. Sa pook na pinagtatrabahuhan, ikinararangal ng mag-aaral ang kakayahang mapag-sabay ang pag-aaral sa trabaho, lalo pa’t prestihiyoso ang pinapasukang unibersidad o kolehiyo. Ito ay pawang karagdagan sa kanilang kagalingan lalo pa’t kung may mga kasamahang nag-aaral din o yaong hindi na lubusang nakapag tapos. Ngunit sa sitwasyon ng paaralan, kadalasan ay inililihim ang paghahanapbuhay sa pagwawaring maihanay din sa mga talagang nangangailangan . Hindi naman ito nangangahulugan ng pagiging mayabang o yung tinatawag na “social climber” ngunit iniiwasan ang mga maiinit na mata at katanungan kayat mas pinalalabas na natural ang pinaghuhugutan ng panggastos. Sa ibang aspeto naman, hindi ikinakahiya ang pagtatrabaho at tahasan pang ipinaaalam na tila karagdagan sa kanilang kakayanan. Samantalang ang iba, hindi na kinakailangang sabihin pa ngunit hindi rin naman inililihim kung sakaling may magtatatnong. Mayroon din namang pagkakataong nangingibabaw ang kagustuhang magawa ang nais kung kayat naghahanap buhay upang maarok ang konsepto ng pamumuhay ng indipindyente. Ang limang ito, at sa kanilang pagkakaiba-iba ay napupunan ang kakulangang sinasabi ni Lacan.

Ngunit higit pa sa mga ito, mayroon pang ilang susog na di napapansin lalo na ng mga mangagawang mag-aaral. Ang mga ito, hindi man tahasang patungkol sa mga mangagawang mag-aaral kundi sa mga nabibilang sa gitnang uri, ay napapaloob sa Melankolia ng Gitnang Uri ni Dr. Rolando Tolentino. Maaring ibilang ang mga sabjek sa estadong tinutukoy sa akda dahil kahit na suportado ng magulang, mayroon pa ring

114

manaka-nakang kahirapan. At kahit na magkagayon, maaring sadya o hindi ang kanyang “pag-astang” mayaman. Nagtatrabaho upang makabili ng bagong cellphone at hindi lamang iyon nagtatapos roon. Bibili ng housing, ng load at iba pang serbisyong iniaalok ng kanyang service provider. Karagdagan din diyan ang kagustuhan ng laptop at kotse na itinatago sa imahe ng pangangailangan. At dahil marahil sa kalayaang kumita, ang paminsanang paggasta ng sobra ay normal at lang at nagsisilbing pang-alo sa mga pagsisikap. Minsan ay ang kawaln ng pag intindi sa bukas dahil sa a-kinse o a-trenta ay sasahod nanaman. Tuloy, hindi napapansin ang patuloy na pagtatrabaho para rin lamang sa patuloy na paggasta. Tulad ng nabanggit, hindi ito kinakailangang napapansin ng mga mangagawa. Ang mga ito ay pawang eksternal na susog mula sa midya at estado ng lipunang kaiba sa kanya.

Kung kaya katulad din ng mga nabanggit na, ang mga mangagawang empleyado ang unang nabibiktima. Kadalasan, ang mga kabataang manggagawa ang apektado ng pagtatanggal ng trabahador, kontraktwal na pamamasukan at mahihigpit na pangangalap sa pangangailangan sa pag-aaply. Dahil sa murang edad, nahihiyang lumaban pa at tinatanggap na lamang ang kung ano mang maging desisyon. Sa ganitong pamamaraan ay napapasok ang mga kabataan sa sinasabi ni Marx na Alienasyon. Sinasabi nito na sa patuloy na pagtatrabaho ay lalong bumababa ang halaga ng mangagawa, mas madaming napoprodyus ay lalong mas maliit ang napupunta sa kanya. Sa kaso ng mga estudyanteng empleyado, may mga pag kakataong hindi lubusang naiintindihan ang magiging kahihinatnan ng kanilang pagtatrabaho, halimbawa na nga ay sa call center. Kung tutuusin, ito ay produkto ng globalisasyon at ang pagnanais ng mga dayuhang

115

kumpanyang mas makatipid sa pag babayad ng mas murang pasweldo sa mga empleyado. Nagkakaron din ng alienasyon sa pagitan ng mga empleyado. Kahit na magkakasamang nagtatrabaho ay mayroong kumpetisyon para sa inaasam na bonus o promosyon. Bilang ang mga natatanggap sa ganitong industriya ay ang mga tinatawag na “intellectual elite”, marapat ay gamitin itong daan upang matigil ang tahasang pandaraya sa kabataan. Kung mayroong nakitang pagkakamali ay dapat hindi ipag sa walang kibo at intayin ang pagkilos ng iba. Marahil nga ay hindi pa sila nakapagtatapos ngunit sa katotohanang sila ay natanggap sa patas na pamamaraan, may sinasabi ito ukol sa kanilang kakayahan at ang mga maidaragdag pa dito oras na sila’y makapagtapos. Kaya dapat ang parehong pagtrato at oportunidad sa bawat isa.

Ang nosyong pag-angat ng mga “intelektwal” ay maaring magbadya ng kabutihan sa ekonomiya at takot naman para sa ilan. Ayon sa Social Movements and Social Classes ni Louis Maheu, ang mga nakapag-aral ay tila bumubuo sa isang bagong estado ng lipunan. Kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran, tataas nang tataas ang pamantayan sa paghahanap ng trabaho. Dahil sa darami ang nakapag-aral, karagdagang sukatan ang karanasan at iba pang kaalaman. Ang tanging inaasahan lamang ng may akda ay ang matapat at patas na implimentasyon nito sa buong kapuluan. Dapat sana ay hindi ito maging daan upang maisantabi ang mga nagsipagtapos sa lokalidad at magkaroon na agad ng dibisyon sa kung sino ang dapat sa mas nakatataas o nakabababang posisyon. (2005 )

116

IV. TRATO Layunin ng Working while in Class na mailahad ang pang-araw na gawain ng mga mag-aaral sa kolehiyo na pawang nagsisipaghanap-buhay, mula sa kanilang pagpasok sa paaralan sa umaga hanggang sa kanilang pagtuloy sa kanilang mga pinagtatrabahuhan. Sa ganoong paraan, lubusan nating makikilala ang mga napiling sabdyek, gamit ang biswal na pamamaraan at hindi na kinakailangan pa ng narasyon.

Upang ito ay maisakatuparan, nais ng awtor na magpakilala ng dalawang pangunahing tauhan. Ang una ay isang manggagawang mag-aaral na maaring matagal nang nakapagtatrabaho, sa isang kumpanya man o kolektibo. Nais ng awtor na makahanap ng isang sabjek na nagkaroon na ng iba’t ibang karanasan na kung maari ay mula sa iba’t ibang industriya. Sa ganoong paraan ay maipapakita ang dibersyon at mga oprtunidad na maaring pasukin. Dahil ang ilan o karamihan sa mga ito ay naganap na, hindi maiiwasan ang paggamit ng mga “talking heads” upang makapag salaysay. Maari ring gamiting biswal ang mga lumang uniporme, ID, Certificate of Employment, mga naipundar at iba pang bagay na sumasalamin sa dating hanap buhay. At upang maipakita ang kasalukuyang estado, susundan ng awtor ang mag-aaral sa kanyang pagpasok sa paaralan at pook na pinagtatrabahuhan. Nais ring maipakita ang kanyang mga kaibigan at mga kasama sa trabaho upang malaman kung mayroon bang pagkakaiba sa kanilang pag kilala sa kanya. Makikita rin, kung mayroon man, ang kaibahan sa kanyang pagkilos at paggasta. Tutuluntunin din ang mga motibasyon sa paghahanap buhay at kung mayroon mang naiba sa mga ito sa daloy ng kanyang pamamsukan.

117

Para sa ikalawang tauhan, nais ng awtor na makahanap ng bago o naghahanap pa lamang ng trabaho. Nais ipakita rito kung anu-ano ba ang mga hakbang at mga dapat gawin sa mga mag-aaral na nais ding makapaghanap-buhay. Makikita ang mga pagdadaanang pagkuha ng papeles at mga angkop na permit. Kung mamarapatin ay nais ding makita ang “hiring process” upang malaman kung nakauungos sa proseso ang mga yaong nag-aaral pa at kung mayroong matapat na pamantayan sa pagkukumpara sa mga nakapagtapos na. Nais ring maisama ang pagkilala sa pamilya upang malaman ang mga ideolohiya at paniniwala at maintindihan kung bakit pinayagan ng magulang. Mahalaga rin na malaman ang determinasyon ng mag-aaral base sa kanyang motibasyon.

At bilang ang awtor ay nabibilang din sa ganitong sekta ng kabataan, maaring magpakita ng mga biswal na nagmumula sa kanyang perspektibo na gamiting transistions at inserts na marahil sa kaiba sa perspektibo ng dalawang pangunahing tauhan dahil ito ay nagmumula sa pananaw ng isang babae. Tentatibo pa ang ideya dahil sa hindi pa rin tiyak ang kasarian ng mga sabjek at kung ano ang magiging daloy ng dokumentaryo.

Para sa teknikal na aspeto, nais ng awtor na maging kaiba ito sa mga nakagawian pamproduksyong dokumentaryon tesis na kadalasan ay handheld ang kamera at madilim na pag-iilaw. Nais din na mapabuti ang awdyo, na kadalasa’y hindi nabibigyan ng kaukulang pansin. Magkagayon man, nais panatilihin ang mga sinasabing matalinhaga at malamang kuha. At upang ito ay maisakatuparan, sisikapin ng awtor na makagamit ng dalawang kamera upang makunan ang maliliit na pagkilos at iba pang mahahalagang elemento.

118

V. PROSESO

Pre-production Mahaba-habang panahon ang ilalaan sa paghahanap ng magiging pangunahing sabjek. Kung maari ay lilimitahan lamang ang paghahanap sa mga kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Kahit na limitado pa sa dalawa ang magiging tampok na tauhan, magiging mahalaga ang pakikipanayam sa iba pang “working students” upang lalong mabigyang lalim ang konteksto ng dokumentaryo. Matapos ang paghahanap ng sabjek ay ang madalas na pakikisalamuha sa mga ito at maging sa kanilang kapaligiran. Sa gayong paraan ay maging kuportable ang sabjek sa awtor upang lalong maipalabas ang mga tunay na saloobin. Kung maari ay unti-unti kong ipakikita sa kanila at sa kanyang kapaligiran ang mga gagamitin at gagawin upang sa panahin ng produksyon ay hindi sila mailing. Sa bahaging ito rin mangangalap ng mga makakasama sa produkyon at ang mga kagamitang kakailanganin. Nakikita ng awtor ang proseso ng produksyon kasama ang isa o dalawa pang katuwang na siyang hahawak ng ikalawang kamera at gamit sa awdyo, kung mayroon man. Isusumite rin ang mga kailangang permiso at papeles sa mga lugar na pagkukuhaan, lalo pa sa pook ng paggawa.

Production Matapos ang panahon ng pag-aaral at pangangalap ng mga sapat na impormasyon, maari nang simulan ang pagkuha sa mga sabjek. Kung maisakatuparan ang paunang

119

pagdadala ng gamit, inaasahan na kampante na ang sabjek maging ang kanyang paligid. Katulad ng mga nabanggit, susundan ng kamera ang mga tauhan sa kanilang paglalakbay at gawain na may kinalaman sa kanilang pag-aaral at pagtatrabaho. Isasama rin dito ang mananakang panayam sa sabjek, mga kaibigan, kapwa empleyado at pamilya. Inaasahan na gugugol ang awtor ng mahaba-habang araw sa pagkuha sa magkakaibang – araw.

Post – produksyon Matapos ang pagkuha, maglalaan ng sapat na panahon upang masuri ang mga datos na nakuha, bidyo at naisulat. Sisispatin ng dirketor kung paano ba ang mahusay na paglalatag nang sa gayong paraan, mapanatili ang konteksto kahit pa hindi isama ang lahat. Dahil sa mga ganitong kagustuhan, ang awtor na rin ang inaasahang maghabi ng bidyo gamit ang Adobe Premiere CS2. Sa bahagi ng awdyo ay maaaring humingi ng tulong sa ibang kaibigan upang maisaayos ang lebel. Kung kakailanganin ay maari ring makapag pagawa ng karagdagang tugtog o musika. Sa usaping biswal, maari ring ayusin ang kulay upang maging maganda ang timpla. Dahil ang dokumentaryong ito ay ukol sa mga kabataan at para rin naman sa kanila, maaring maging mabilis ang ritmo ng paghahabi. Sa gayong paraan ay mapanatili ang interes gamit ang madami at di kahabaang biswal.

VI. PETSA NG PRODUKSYON April 13, 2009 – June 8, 2009 – paghahanap ng sabjek at pangangalap ng karagdagangimpormasyon Hunyo 15, 2009 – Hulyo 13, 2009 – pangangalap ng mga katuwang at mga gamit

120

- konsultasyon sa gurong-patnubay - simula ng pakikisama sa mga sabjek at paligid Hulyo 25, 2009 – Agosto 29, 2009 – proseso ng produksyon Setyembre 1, 2009 – Setyembre 30, 2009 – laan para sa paghahabi, pagsasaayos ng awdyo at pagtitimpla ng kulay - pag tingin kung sapat na ang mga nakuhang biswal Unang linggo ng Oktubre – tantyang pag-papakita ng huling bersyon ng dokumentaryo

VII. BADYET Pre-production Transportasyon Pagkain Permits Production Kagamitan Kamera Awdyo Pagkain Transportasyon Post - production Kagamitan Transportasyon Pagkain P 1000 P 2000 P 2000 P 5000 P 5000 P 3000 P 4000 P 2000 P 3000 P 500

121

Awdyo

P 4000 TOTAL P 30, 500

BIBLIOGRAPIYA

Gust, G. (2001). Youth Employment in the Philippines. U.P. Schol of Labor and Industrial Relations, Quezon City.

Laird, D., Laird, E. ed. (1967). Psychology: Human Relations and Motivation. Gregg Division, McGraw-Hill: New York. Maheu, L. (2005). Social Movements and Social Classes: the Future of Collective Action. London: Sage.

Fernandez, Y., Quilicol, M. (2005). Youth and Work: Does Poverty Matter. An Unpublished Thesis submitted to the College of Home Economics. UP Diliman.

Isip, A., Vazquez, C. (1989). A Profile of Student Workers from Leading Food Chains in Quezon City. An Unpublished Thesis submitted to the College of Home Economics, UP Diliman.

Centenia, M. (1990). Students as Employees in a Fast Food Enterprise: A Case Study. An Unpublished Thesis submitted to the College of Home Economics, UP Diliman.

David, M. (). The Perceived Effects of Student Employment on the Academic Performance of Selected UP Diliman students. An Unpublished Thesis submitted to the College of Home Economics.

Rabiger, M. (1992). Directing the Documentary. Focal Press.

122

Castro, J. (2007). Endo. UFO Pictures. Gabrillo, J. (2009). De-Padyak. A Production Thesis Submitted to the UP Film Institute, College of Mass Communication, UP Diliman.

David, R. (1998). Public Lives: Essays on Selfhood and Social Solidarity. Anvil Publications: Pasig City.

Tolentino, R (2008) Melankolia ng Gitnang Uri, Bulatlat Column

123

MGA PERMISO

124

Similar Documents

Free Essay

Centrailia Mine

...Public disasters often cause many questions to be raised and fingers to be pointed. This most certainly holds true for the catastrophic explosion of Centralia Mine No. 5 on the afternoon of March 25, 1947, and the violent and untimely deaths of the 111 Centralia Coal Company miners. While many played a role in the unfolding of this tragic disaster, focus is repeatedly brought back to Driscoll Scanlan, an Illinois mine state inspector. Were there other courses of action he could have pursued in the management and security of the mine, and what were the driving factors behind Scanlan’s decision concerning the law he was sworn to uphold and the interest of public good? Those are questions that if answered could help to uncover how this tragedy could have been prevented. For a city of such humble beginnings, established by the railroad via a land grant in 1853, no one could have guessed that Centralia, Illinois, would face such devastation and tragedy less than a century later (Hartley and Kenney, 2006). The city of Centralia—throughout most of its history, experienced slow economic growth, progressed steadily and changed gradually, which provided a stable environment for the community and its growth. As any typical Midwestern town did, Centralia saw many highs and lows within the city’s primary business and industry. Those highs and lows of the coal mining, farming and railroad business helped Centralia become a balanced yet prosperous town and with the exception of the...

Words: 1276 - Pages: 6

Free Essay

King Solomon's Mines : a Colonial Novel

...King Solomon’s Mines, a colonial novel King Solomon’s Mines (1885) was a popular boys’ adventure novel by the Victorian adventure writer and fabulist Sir H. Rider Haggard. It was the first English fictional adventure novel set in Africa . It tells of the search of an unexplored region of Africa by a group of three adventurers for the missing brother of one of the party. The story is narrated by Allan Quatermain, a kind of big game hunter and adventurer who also leads the expedition. They have a lead/clue that the missing brother is somewhere in the interior of Africa, lost on his own quest for King Solomon's mines, a legendary place. The novel is generally believed to have played a part in the British fancy for Africa, and the ‘scramble for Africa’. It is also considered to be the genesis of the Lost World literary genre, a precursor of science fiction. The major interest of the novel now may be its scholarly value, the colonialist attitudes Haggard expresses, the way he portrays the relationships between the white and African characters. 1. Haggard does portray some Africans in their traditional—from a Victorian perspective—literary posts as barbarians, and constant racist commentary can be detected throughout the novel: the mildest form it takes is the superiority complex of whites over blacks. For instance, when it demonstrates the kind of technological gap that existed between the blacks and the whites, through the exhibition of firepower, referred to as ‘the magic...

Words: 952 - Pages: 4

Premium Essay

Pike River Mine Case Study

...the article are relevant within many business types and the consequences of overlooking such issues can result in catastrophic outcomes that impact on all involved. I also was intrigued with regard to the responsibility management had for the outcome of the Pike River Mine disaster which then sparked an interest in finding out what measures could have been taken to prevent such tragedy from occurring. Contemporary Management Issues Failing Human Relations Management (HRM) & Occupational Health & Safety Management (OHSM) Responsibilities. Background and context of the company Pike River Coal Ltd carried out business within the industrial sector of coal mining with ownership of the rights to premium hard coking coal resources in the South Islands of New Zealand (Dept of Internal Affairs, 2012 par. 2). Furthermore, Pike River Coal Ltd is the company behind the tragic Pike River mine disaster that took place on 19th November 2010 claiming 29 lives, and producing four separate explosions within a few days of each other (News Limited, 2012 par. 1) ...

Words: 1019 - Pages: 5

Free Essay

Sago Mine Disaster Case (Pr)

...17th June 2014 ------------------------------------------------- ------------------------------------------------- Crisis Communication ------------------------------------------------- ------------------------------------------------- ------------------------------------------------- Assignment #3 ------------------------------------------------- ------------------------------------------------- ------------------------------------------------- Sago Mine Disaster ------------------------------------------------- By abhimanyu karnatak Situational Analysis Background and overview on the crisis On 2nd of January 2006, at Wolf Run Mining company’s Sago Mine near Buckhannon, West Virginia, at 6:26 am it was believed that methane explosion in the recently sealed area of mine had prompted. This ignition blew off seals and impelled smoke, debris, dust and lethal carbon monoxide in to the area of work. With 29 coal miners underground, 16 miners managed to escape however, 13 of them were trapped for nearly 2 days awaiting rescue and trying every bit to survive and escape. The disaster claimed the life of 12 miners who suffocated to death because of lack of breathable air but only one “ Randal Mc Cloy“ had succumbed from the deathly incident. The Cause Among the Federal Investigators, MSHA who started investigations on the cause immediately after the explosion pointed out that the most plausible cause of ignition source...

Words: 2393 - Pages: 10

Premium Essay

Thredbo Landslide And Pike River Mine Tragedies: Case Study

...The author will analyse the commander’s role in the Thredbo landslide and Pike River Mine tragedies. Thredbo Village is situated in the Australian Alps, New South Wales. Thredbo is a ski resort and local village in the snowy mountains and attracts large numbers of visitors during the winter as it has the longest ski runs in Australia. At around 11:30pm on the 30th of July 1997, an extensive resonant rumble shuddered the quiet sleeping residents of Thredbo. Around 10,000 tonnes of rock, trees and mud had disintegrated from the slope on the side which lead into another ski town known as Carinya Ski Lodge (Pike, 2013). One person occupied Carinya Ski Lodge and there was a second landslide movement causing Bimbadeen Lodge to collapse inhabited...

Words: 325 - Pages: 2

Premium Essay

Mine.

...departmental exams, I answer a lot of mock questionnaires in high hopes of correctly attacking how the exams were fashioned. In other words, it is building strategy over defeat. Is nursing your first choice? Why? Answer: No. Political Science was at the top of my choices, Nursing came second. But after overthinking and analysing things, and with the influence of my parents, I took the latter. Personally, I have thought of being practical, that is, landing myself in a job with good pay after taking and passing the exam. On the exam, what area do you think you’re strong and weak? Answer: Strengths: Community Health Nursing, Medical-Surgical Nursing & Psychiatric Nursing • Basically, CHN is a favourite of mine. Having been exposed in the community, the illnesses that are rampant and how the people cope, I find it very interesting. • Medical-Surgical Nursing too, is of high regard. Just knowing the different kinds of diseases, pathophysiology and the nursing care rendered, the subject becomes very overwhelming, and at the same time augments my learning in the process. • Psychiatric Nursing is precious because the subject is very complex. I deem to see how human beings are dynamic and complicated altogether. Although this subject is quite unfathomable, especially that it concerns the brain, as a human, it sparks incredible fascination. Weaknesses: Fundamentals of Nursing, Maternal...

Words: 606 - Pages: 3

Premium Essay

Mine

...In your hands, my fellow citizens, more than in mine, will rest the final success or failure of our course. Since this country was founded, each generation of Americans has been summoned to give testimony to its national loyalty. The graves of young Americans who answered the call to service surround the globe. Now the trumpet summons us again — not as a call to bear arms, though arms we need; not as a call to battle, though embattled we are — but a call to bear the burden of a long twilight struggle, year in and year out, "rejoicing in hope, patient in tribulation" — a struggle against the common enemies of man: tyranny, poverty, disease, and war itself. Can we forge against these enemies a grand and global alliance, North and South, East and West, that can assure a more fruitful life for all mankind? Will you join in that historic effort? In the long history of the world, only a few generations have been granted the role of defending freedom in its hour of maximum danger. I do not shrink from this responsibility — I welcome it. I do not believe that any of us would exchange places with any other people or any other generation. The energy, the faith, the devotion which we bring to this endeavor will light our country and all who serve it — and the glow from that fire can truly light the world. And so, my fellow Americans: ask not what your country can do for you — ask what you can do for your country. My fellow citizens of the world: ask not what America will do for you...

Words: 638 - Pages: 3

Free Essay

Centralia No. 5

...woke up to attend their job at the coal mine just as any usual day. (Stillman, 2010) They had no idea they would never return home to their families. March 25, 1947 is the day 111 coal miners were killed during their routine daily duties at the Centralia Coal Mine. (Stillman, 2010) A massive explosion changed the city of Centralia forever. The cause of the massive explosion is due to a build up of coal dust. (Stillman, 2010) The explosion was 100% preventable if necessary actions were taken into affect. The conditions of the coal mine was deadly. There were reports of miners coughing up clumps of coal dust. There were also reports that cakes of coal dust were plastered to the walls of the mines. (Stillman, 2010) Identify and Explain Four Logistical Alternatives Scanlan Could Have Addressed. Governor Dwight Green appointed both Robert Medill and Driscoll Scanlan in the same year. Scanlan was recommended to Green by his state representative. There were several reports from Scanlan that the Centralia Mine No. 5 as highly explosive. ( U.S. Mine Rescue Association, 2012) The reason the mine was highly explosive is because of the coal dust buildup. Two year before the occurrence of the explosion, Frank Perez who was a mine inspector from the U.S. Bureau of Mines, conducted a federal inspection of Centralia Mine. ( U.S. Mine Rescue Association, 2012) Perez and Scalan reports of the Centralia mine were very similar. ( U.S. Mine Rescue Association, 2012) That same...

Words: 1717 - Pages: 7

Premium Essay

Mine

...Marketing Research Analysis James Freeman MKT 421 Henry Tran March 1, 2014 Marketing Research Analysis: Kudler Fine Foods Kathy Kudler has a passion for cooking and gourmet food, and so she started Kudler Fine Foods in 1988. She has successfully opened three locations for her store, in La Jolla, Del Mar, and Encinitas. Kudler Fine Foods sells gourmet-quality foods, like baked goods, seafoods and meats, fresh produce, cheese and other dairy products, and fine wine. They are achieving a great deal of success, and they will likely be able to expand. Kathy wants her business bigger, and now she is looking for the right place to put her new shop. Kudler Fine Foods says that their mission is to “provide their customers with the finest selected foodstuff, wines, and related needs in an unparalleled consumer environment (University of Phoenix, 2008).” Market research will help Kathy find the right marketing strategy to help her business do even better. Importance of Marketing Research Like Kathy, people who start businesses “need information in order to produce products and services that create value in the mind of the customer (Internet Center for Management and Business Administration, 2010).” Market research considers the business, their competitors, and their customers. Before they expand, Kudler Fine Foods needs to do market research to be sure that they have all of...

Words: 1164 - Pages: 5

Free Essay

Mine

...CURRICULUM VITAE ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Bio Data: Name: mwangi kenneth Date of Birth: January 20 1992 Gender: Male Phone: +254713580805 Email:mwangikenneth@hotmail.com Postal Address: 35208-00100, Nairobi, Kenya ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Personal Attributes: I am a highly motivated and energetic individual who is eager to succeed. I am team player who believes and practices hard work. I am also a quick learner, respectful to authority and possess high integrity values. Lastly I am not afraid to take up new challenges as I believe this is the only way to gain competent work experience. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Career Interests: To harness and develop the skills I have acquired from school by application in a real world practical environment of engineeriing, Investment and management related departments. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Communication: I have an excellent command of written and spoken English, Swahili and a little German. As an extension to this I also possess good social skills that enable me to adapt to different...

Words: 406 - Pages: 2

Free Essay

Mine

...Engl. 1213-009 29 November 2010 Letter from Birmingham Jail In Martin Luther King’s “Letter from Birmingham Jail”, Dr. King expresses his grief for his fellow black people, after seeing and hearing about the injustice that was taking place in Birmingham, Alabama. Dr. King is very explicit in the letter; he makes a very obvious argument on the immeasurable amount of injustice taking place. A reader experiences firsthand that it was about time for necessary action to take place, considering how long the black people had waited for equality through nonviolent protest. “Letter from Birmingham Jail” was a response to eight clergymen’s letter called “A Call for Unity”. In the letter, Dr. King addresses his critics that believed his actions were “unwise and untimely” (King 204). To achieve his personal proposal, King uses ethos, pathos and logos to convey a sense of understanding a reason for equality and sympathy. The main point in Dr. King’s letter is that black people have patiently waited long enough for their God-given rights; “We have waited for more than 340 years for our constitutional and God-given rights” (King 207). And despite what anyone might have said, it time for change to take place. He starts his counterargument towards the clergymen, ministers and civil leaders of Birmingham adequately; he wrote “You deplore the demonstrations taking place in Birmingham, but your statement, I am sorry to say, fails to express a similar concern for the conditions that brought...

Words: 941 - Pages: 4

Premium Essay

Mine

...Desert Vista Model Congress 2010 |COMMITTEE: |Principal Author: Jamie Long | |Bill No: SB.17 |Delegation: | |Title of Bill: | |Lowering the Drinking Age | | | Be It Enacted By The Desert Vista Model Congress |1 |Preamble: Whereas the legal drinking age in the United States is 21 in every state. That means you are not allowed to buy or consume | |2 |any amount of alcohol. The government should take a look at the drinking because around the world other teens are allowed to consume | |3 |and perish alcohol as young as 17 years old. | |4 | | |5 |SECTION 1: The drinking age should be 19 years old to buy and consume the alcohol up...

Words: 258 - Pages: 2

Premium Essay

Mine

...1. Monroe Doctrine- noted that the United States would neither interfere with existing European colonies nor meddle in the internal concerns of European countries. 2. Morse, Samuel F.B.- He contributed to the invention of a single-wire telegraph system based on European telegraphs, was a co-inventor of the Morse code, and also an accomplished painter. 3. New Jersey Plan- was a proposal for the structure of the United States Government presented by William Paterson at the Constitutional Convention on June 15, 1787.[1] The plan was created in response to the Virginia Plan, which called for two houses of Congress, both elected with apportionment according to population.[2] The less populous states were adamantly opposed to giving most of the control of the national government to the more populous states, and so proposed an alternative plan that would have kept the one-vote-per-state representation under one legislative body from the Articles of Confederation. The New Jersey Plan was opposed by James Madison and Edmund Randolph (the proponents of the Virginia Plan). 4. Northwest Ordinance of 1787- was an act of the Congress of the Confederation of the United States, passed July 13, 1787. The primary effect of the ordinance was the creation of the Northwest Territory, the first organized territory of the United States, from lands south of the Great Lakes, north and west of the Ohio River, and east of the Mississippi River. 5. Nullification- in United States constitutional...

Words: 2147 - Pages: 9

Free Essay

Not Mine

...>UCLA Newsroom>All Stories>News Releases Extinction of woolly mammoths may have been due to addition of a predator: humans By David Stauth and Stuart WolpertJuly 01, 2010Category: Research Illustration of sabertooth cat fighting with woolly mammoth. (Credit: Mauricio Anton, courtesy of Oregon State University) The extinction of woolly mammoths and other large mammals more than 10,000 years ago may be explained by the same type of cascade of ecosystem disruption that is being caused today by the global decline of predators such as wolves, cougars and sharks, life scientists report July 1 in the cover article of the journal Bioscience. Then, as now, the cascading events were originally begun by human disruption of ecosystems, a new study concludes, but around 15,000 years ago the problem was not the loss of a key predator, but the addition of one — human hunters with spears. This mass extinction was caused by newly arrived humans tipping the balance of power and competing with major predators such as sabertooth cats, the authors of the new analysis argue. An equilibrium that had survived for thousands of years was disrupted, perhaps explaining the loss of two-thirds of North America's large mammals during this period. "We suggest that the arrival of humans to North America triggered a trophic cascade in which competition for the largest prey was intensified, ultimately causing the large non-human carnivores to decimate the large herbivores," said Blaire Van Valkenburgh...

Words: 1013 - Pages: 5

Premium Essay

Mine

...Managerial Perspective: 17-2 Philip O’Kane ACC/561 May 1, 2014 University of Phoenix Paula White Summary Case study 17-2 in Accounting: Tools for Business Decision Making asks the reader to analyze the Ideal Manufacturing Company as it decides to expand their services to outside agencies that want to use their tool in evaluating its costs using activity based costing, which is a two-step process to calculate overhead costs. The first step is to assign overhead costs to activity cost pools, instead of departments, as is the practice in traditional costing The second step is to use cost drivers to allocate overhead to the correlating activity. A cost driver is any factor which has a direct relationship with resources consumed. In this particular scenario, Ideal Manufacturing has been successful in its research and development department for manufacturing agricultural machinery. They recently recognized that their research and development costs were out of control. Activity based costing helps them to gain control of their costs and identify the basis of cost for charging external companies wishing to hire their research and development department. The table below illustrates how Ideal Manufacturing uses activity based costing to calculate costs (Kimmel, Weygandt, & Kieso, 2011). Table 1 To calculate costs for each activity pool, Annual costs are divided by the total estimated cost drivers. ACTIVITY | COST DRIVER | ANNUAL COSTS | TOTAL ESTIMATED DRIVERS...

Words: 580 - Pages: 3