DAVAO
Pabula:
ANG ASO AT ANG UWAK
Ang ibong si Uwak ay lipad ng lipad Nang biglang makita tapang nakabiladAgad na tinangay at mulling lumipadSa dulo ng sanga ng malagong duhat.Habang kumakain si Uwak na masaya Nagpakubli-kubli nang huwag makita Nang iba pang hayop na kasama niyaAt nang masarili kinakaing tapa.Walang anu-ano narinig ng Uwak Malakas na boses nitong Asong Gubat“Sa lahat nang ibon ika’y naiibaAng kulay mong itim ay walang kapara”.Sa mga papuri nabigla ang Uwak At sa pagkatuwa siya’y humalakhak;At ang kagat na karne sa lupa’y nalaglagKaagad nilundag nitong Aso GubatAt ang tusong aso’y tumakbong matulin Naiwan si Uwak na nagsisi man din“Isang aral ito na dapat isipinAng labis na papuri’y panloloko na rin”
Cotabato
Pabula:
ANG LOBO AT ANG UBAS
Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng
Katig.Com:
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili.